You are on page 1of 28

PAGBUO AT PAGTANGGAP NG MUNGKAHING GAWAIN SA

PAGKATUTO NG IBONG ADARNA SA MGA


MAG-AARAL NG GRADE 7

Isang

di-Gradwadong tesis na Iniharap

sa mga Kaguruan ng Kolehiyo ng Edukasyon ng

University of Rizal System

Antipolo City

Bilang

Bahagi ng mga kinakailangan

sa pagtamo sa Digring Batsilyer sa Edukasyon

Pang-Sekondarya sa

Filipino

MEXDREN FUNTILAR BADILLOS


CARLO TARULONG BUBAN
QUEEN LYZEL LUGAY

Abril 2021
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang edukasyon ay mahalaga sa lahat, ito ang karapatan ng bawat

kabataan na matamo ang edukasyong huhubog at lilinang sa bawat kognitibo

at intelekwal nilang kaalaman. Ito ang papanday at maghuhulma ng kanilang

mga kasalukuyan ang magtataglay sa kung sino at ano sila sa bawat

propesyong kanilang tatahakin. Ang edukasyon ay ang magsisilbing tanglaw

sa pagtukoy ng kaalaman ng mga mag-aaral upang mapanatiling matatag at

mas mayabong ang kaisipan sa pag-aaral.

Ayon sa DepEd order no.12 series 2020 na isa sa mga bagong batas

na inilunsad upang maipagpatuloy at mapayaman ang kalidad ng edukasyon

para sa mga mag-aaral dulot ng pandemya sa buong bansa, ang mga

mananaliksik ay kumuha ng ilang ideya o hinuha na tumatalakay sa

nakapaloob sa nasabing batas, una ay ang Creation of the Learning

Resources and Platforms committee kung saan isinasaad na A Learning

Resources and Platforms Committee is hereby created to ensure that

appropriate learning resources of good quality are made available, and that

the necessary platforms or technologies (printed, digital online and offline,

television, and radio) are engaged or made available in a timely and efficient

manner. Sinasabing marapat lamang na masigurado ng pamahalaan na ang

mga mag-aaral ay patuloy na makatanggap ng isang magandang kalidad ng

edukasyon.
Kung kaya’t ang mga mananaliksik ay magbibigay-layon sa

pangunahing dapat maisaalang-alang ng mga mag-aaral sa kanilang bagong

natutuhan, ito ay kung patuloy bang tumataas ang lebel ng kanilang

katanggapan sa mga paksang itinuturo sa kanila kagaya ng mga panitikang

patuloy na tinatalakay at itinuturo sa paaralan, isa na rito ay ang Obra

Maestrang Filipino tulad na lamang ng Ibong Adarna na itinuturo sa mga mag-

aaral na nasa ika-pitong baitang sa pamamagitan ng pag-alam at pag bibigay

ng mga aktibidad at pagtataya upang matukoy ang dapat mabigyang-diin na

paksa at mga estratehiyang gagamitin sa pagkamit ng mga pangunahing

layunin at mapagyabong ang mga kognitibong kaalaman ng mga mag-aaral.

Ang mungkahing gawain bilang kagamitang pampagkatuto ay

kinapapalooban ng mga tekstong pang-aktibidad kung saan ay idinisenyo

tungo sa paghahasa at paghuhulma ng kaalaman ng bawat mag-aaral. Ito ay

ang kagamitan na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Kung

saan ito ay nakatutulong ng malaki sa kanilang pag-alam sa mga bagay-

bagay na kailangan nilang matutuhan ng mabilis at malinaw ukol sa paksa.

Samantala ang Ibong Adarna ay isang akdang pampanitikang

nakapaloob sa korido na akda ni Jose Dela Cruz na tumatalakay sa isyung

pampamilya at sa buhay ng tatlong prinsipeng magkakapatid at maging sa

iba't ibang damdaming gaya ng kabayanihan, pag-ibig na kapupulutan ng iba’t

ibang mensahe ukol dito. Kung kaya’t marapat lamang na mabigyan sila ng

mga mungkahing gawain na magbibigay ng kalakasan at mas

magpapayaman sa kanilang kaalaman.


Ayon sa pag-aaral nina Rarela at Alpajora (2018), bahagi na sa buhay

ng isang guro na gumamit ng libro o mga kagamitang pang-mag-aaral upang

maging gabay niya sa kanyang pagtuturo ngunit ganon pa man may

alinlangan pa rin na hindi maiiwasan, ito ay kung ang bawat kagamitan bang

ibinabahagi o ibinibigay ng guro sa bawat mag-aaral ay angkop o balido base

sa lebel ng kaalaman ng mga mag-aaral ito ay mapatutunayang epektibo

kung nakapaglilinang ng kaalaman at tumutugon sa mga kompetensing dapat

ay makuha ng mga mag - aaral at ganon na rin sa paggamit at resulta ng mga

tugon ng mga ito sa gawaing imumungkahi sa mga mag - aaral.

Ayon kay Llamoso et. al. (2013), maraming matutuhan sa mundo sa

pamamagitan ng pag-aaral. Kung gayon, responsibilidad ng mga guro na

ibahagi ang kanilang kaalaman sa mga mag-aaral, kung kaya't ang pag-aaral

na ito ay nagsimulang gumawa ng hakbang sa pag - aaral sa pagtukoy ng

pagtanggap ng isang mabisang nilalaman ng gawaing iminungkahi ng mga

mananaliksik.

Nilikha ang pag-aaral na ito upang masuri at malaman ang katanggapan

mula sa nabuong gawain ng mananaliksik base sa Ibong Adarna bilang

kagamitang pampagtuturo. Kung gayon mapapatunayan ang nabuong mga

gawain ay nakabase sa gabay sa kurikulum o MELCs sa ika-pitong baitang sa

ika-apat na markahan.

Ayon kay Moore (2009), ang pagbabago ng kaalaman ay buhat sa

kakayahan at karanasan ng mga mag-aaral na ang balakin ay

nangangailangan ng layunin na inilalahad ay hindi sa gawain ng guro sa klase

kundi sa gawain at pagkatuto ng mga mag - aaral.


Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Alonzo na tumutuon sa kahalagahan

ng modyul, binigyan niya ng depinisyon ang modyul bilang kagamitan sa

pagtuturo na buo at sapat sa kanyang sarili na ginawa upang magamit ng

mag-aaral nang hindi na kinakailangan ang guro. Ito rin ay kinapapalooban ng

mga mungkahing gawain na magagamit ng mga mag-aaral. Tinataglay nito

ang tatlong (3) batayang elemento ng pagtuturo: mga layunin, mga gawain sa

pagkatuto, at ebalwasyon.

Katulad ng nasabi ang modyul ay kinapapalooban ng mga mungkahing

gawain na maaaring magamit sa pagkatuto ng mga mag-aaral. At upang

linangin ang kanilang mga kaalaman base sa mga paksang tatalakayin, ito ay

kinapapalooban ng mga gawaing binubuo ng mga ebalwasyon base sa mga

paksang tatalakayin.

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang pag-aaral sa pagbuo ng

gawaing makapaghahasa ng kaalaman ng mga mag-aaral kung saan layunin

ng pag-aaral na ito na masuri at matukoy ang katanggapan ng isang

mungkahing gawain sa pagkatuto ng araling Ibong Adarna na kalimitang

pinag-aaralan sa ika-pitong baitang na mga mag-aaral.

Sa paggamit ng isang tekstong kinapapalooban ng mga iba't ibang uri ng

kasanayan na susubok sa maaring maging bunga o nakuhang grado ng mga

mag-aaral sa isang partikular na talakayan upang matukoy ng mga guro ang

katatasan ng pagtanggap ng kanilang mga mag-aaral at upang masukat at

mabigyang-pansin ang ilang mga bahaging hindi gaanong naunawaan ng

mga mag-aaral at makagawa ng isang layunin at estratehiyang magagamit sa

paglalahad ng aralin, malaki ang naitutulong nito sa guro at maging ganon rin
sa mag-aaral tungo sa mas makabuluhan at kolaboratibong talakayan na

nagaganap sa isang silid-aralan.

Sanligan ng pag-aaral

Ang mungkahing gawain ay isang uri ng kombinasyon ng mga gawain

na kinapapalooban ng iba't ibang ebalwasyon kung saan layunin nitong

alamin ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa naging talakayan sa silid

aralan.

Sa pag-aaral na ito nilalayon na hubugin ang mga mag-aaral sa

kanilang kakayahan sa pagsasagot sa iba’t ibang aktibidad na ibinigay. Batay

sa Republic Act. No. 10533 o Enhanced Basic Program of 2013 na inulunsad

ang k to 12 o Basic Education Program na naglalayong madagdagan ang

taon ng pag-aaral ng mga mag-aaral, anim(6) na taon sa elementarya at mula

sa apat (4) na taon sa sekundarya ay daragdagan ng dalawa (2) pang taon

(Senior High school) upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa iba’t

ibang larangan na kanilang tatahakin at patuloy na makasabay sa pag-unlad

ng bansa.

Batay sa nasabing batas ang mga mananaliksik ay kumuha ng iilang

mga prinsipyo o mga iilang layunin upang mas lalong mabigyang-diin ang

mga kaisipan at kaugnayan nito. Seksyon 5 Curriculum development " The

curriculum shall be learner - centered inclusive and developmentally

appropriate upang mas lalong mapagtibay at maabot ang layunin ng bagong

kalakaran ng edukasyon o programang K - 12 ay nagtatag ang pamahalaan

ng mga panukalang layon ay maabot ang mga mithiin at dapat matamo ng

mga paaralan sa pamahalaan at mga mag-aaral sa kanilang paaralan.


Kailangang magkaroon ng isang layuning makakapag diin ng atensyon ng

mga mag - aaral baty sa angkop at pangkalahatang kurikula para mga mag -

aaral.

Batay sa pag-aaral nina Rarela at Alpajora (2018), isa sa isinasaad sa

Seksyon 5, The Curriculum shall use pedagogical approaches that are

constructivist, inquiry based, reflective, collaborative and integrative.

isinasaad lamang na dapat na isinaalang-alang ng isang kurikula ang mga

estratehiyang makapaghuhulma at makapag bibigay sa kaniyang mag-aaral

ng kalayaang makatamo ng kaalaman batay sa sarili nitong sikap at

makapagbibigay ng Isang estratehiyang makapaghihimok ng kasiglahan

nitong matuto.

Batay naman sa Seksyon 3, Basic education is intended to meet basic

learning needs which provides the foundation on which subsequent learning

can be based. Isinasaad dito na bawat paksang ilalahad sa mga mag aaral ay

dapat may layong makamit ang pangunahing pangangailangan ng mga mag-

aaral tungo sa mas konstruktibong pagtukoy sa mga paksang mas

mabigyang-diin ng isang paaralan at mga guro.

Ayon kay Mapantag (2011), sa pag-aaral nina Dazo et. al. (2018),

mahalaga ang pagpili ng angkop na pamamaraan o metodo sa pagtuturo

upang makamit ang matagumpay na pagkatuto ng mag-aaral ay nakasalalay

sa guro. Mula kay Mapantag sinasabi lamang na hindi gaanong kadali sa

isang guro na makapag-isip at isabuhay ang mga metodong kaniyang

gagamitin bagkus kailangang may direktang kinalaman ito at tahasang

tumutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral.


Ayon naman kay Kinglik (2012), sa pag-aaral pa rin nina Dazo et. al.

(2018), mahalaga ang pagkakaroon ng makabuluhang pamamaraan sa

pagtuturo na mas mag-aangat sa mataas na antas ng pagtuturo sa mag-aaral

sa pamamagitan ng pagkunsidera sa mga baryabol gaya ng katangian ng

mag-aaral, kailangang dapat matutuhan, ang kritikal na gawain at mga

estratehiya sa pagtuturo. Ipinapahayag lamang dito na ang isang guro bago

pumasok sa kanyang silid-aralan ay dapat mayroon na siyang konkretong

layunin na dapat matamo ng kaniyang mag-aaral tungo sa mas mabisang

pagkatuto.

Ayon sa pag-aaral nina Alpajora at Rarela (2018), alinsunod sa K- 12

Curriculum Guide sa Filipino na kinapapalooban ng iba't ibang layuning dapat

matamo ng bawat mag-aaral. Malaki ang epekto ng mga ginamit na

estratehiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral maging sa pagtuturo ng mga

guro. Ang bawat guro ay may kalayaang gumamit ng mga estratehiyang

kaniyang gagamitin upang lubusang matamo ang pagkatuto ng bawat mag-

aaral at ang ilan sa mga ito ay ang paggamit ng mga kagamitang

pampagtuturo makapaglatag ng mga gawain sa paglinang at pagpapanatili ng

kaalaman.

Ayon kay Huavos (2015), upang malinang at mapaunlad ang

kasanayan ng mga mag-aaral kailangang gumamit ng estratehiya ang mga

guro na maghihikayat sa kanila na matuto. Sa makatuwid kinakailangan na

magkaroon ng mahusay na paggamit ng mga estratehiya ang mga guro at

makapaghanda ng iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo upang mahasa ang

kakayahan, abilidad at isipan ng bawat mag-aaral. Layunin nito na

makapaglikha ng mga mag-aaral na mahuhusay, mapaunlad ang kanilang


kalakasan at mapayabong ang kanilang mga kahinaan ng sa gayon ay

matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Lawrence (2010), Classroom assessment is one of the most

tools teachers can use to understand the needs of the student. Sa

pamamagitan ng pagtataya mas lalong nagkakaroon ng hinuha ang guro

kung ano ba ang dapat pang bigyan ng diin at pokus, nang sa ganoon ay

mabigyang-linaw sa mga mag-aaral ang mga bagay na di-gaanong malinaw

na paksa. Ang pagtataya ay nagiging daan upang maunawaan ang tugon ng

mga mag-aaral sa isang partikular na paksa o tinatalakay ng guro.

Ayon kay Gadateo et. al., (2014), ang aralin sa kagamitang

pampagtuturo ay kailangang sapat at nakatutulong sa pag-unawa at

pagganap ng mga mag-aaral. Kaya naman mahalaga na maisaalang - alang

ang nilalaman ng gabay ng guro bilang isang baryabol sa pagtataya ng

katanggapan ng gurong tagatugon.

Ang nabuong mungkahing gawain ay naglalaman ng mga paksa at

gawain na maaaring maging gabay sa mga guro sa pagbibigay ng mga

kailangang matutuhan ng mga mag-aaral.

Ayon kay Pagkalinawan (2010), ang gawaing pagtuturo ay hindi

madaling gawain. Hindi sapat na maituro ng guro ang mga paksang-araling

nakapaloob sa kaniyang silabus bagkus kung paano niya ito maituturo at

matutuhan ng kaniyang mg mag-aaral. Kaya naman sinasabi na ang

kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat hindi sa dami ng mga naituro kundi sa

dami ng natutuhan ng kaniyang mga mag-aaral.


Nangangahulugan lamang ito na ang mabisang pagtuturo ay hindi

makikita sa tagal o sa kung gaano kagaling nailatag ng isang guro ang bawat

aralin o paksa kundi sa mga pagtatayang kaniyang ibinibigay sa mag-aaral

maging resulta nito.

Ayon kay Aguinaldo (2010), ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay

nakabatay sa nilalaman ng isang kagamitang pampagkatuto na naglalaman

ng mga paksang higit na makapagpapataas ng kaalaman ng mga mag-aaral

at mga gawaing makapupukaw sa interes at kakayahan ng mga mag-aaral na

sagutan ang mga gawaing hinihingi sa kagamitang pampagkatuto.

Samakatuwid, sa araling Ibong Adarna na pinag-aaralan sa ika-apat na

kwarter ng taon ng mga mag-aaral sa ika-pitong baitang ay bumuo ang mga

mananaliksik ng isang mungkahing gawain na may layong mas mabilis na

maunawaan at mabigyang-kasagutan ng mga mag-aaral ang bawat gawaing

inilatag sa araling Ibong Adarna. Sa pamamagitan ng mga gurong may sapat

na kasanayang suriin ang mungkahing gawain na siyang magiging

respondante ng pag-aaral na ito ay aalamin ang lebel ng pagtanggap at ang

kaangkupan nito tungo sa mas malawak na pagkatuto ng bawat mag-aaral at

upang maisakatupan at matamo ng mga mananaliksik ang minimithi at

inaasahang magiging resulta ng pag-aaral na ito.


Balangkas Pang-teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa paghubog sa bawat mga mag-

aaral sa baitang ika-7 na mapaunlad ang kanilang kaisipan at mabigyan ng

oportunidad na maipakita ang kanilang natatanging kakayahan. Ayon kay

Jean Piaget sa pag-aaral ni Allysa B. Villaluz ang mga mag-aaral ay natututo

sa pamamagitan ng aktibong paggawa mula sa kaniyang aktwal na

karanasan.

Ang mga gawain ng isang guro ay makapagbigay ng mga kagamitan

kung saan ito ang pagbabatayan ng mga mag-aaral kung saan sila gagawa at

sasagot. Sa kabilang banda kaugnay sa pag-aaral na ito ay katulad ito ng

mungkahing gawain sa pagbasa na kung saan ang mga mag-aaral ang

siyang aktuwal na magbabasa o magsasagot ng mga sumusunod na mga

pagsusulit o pagsasanay at ang guro ay magiging tagapakinig at

tagasubaybay.

Batay rin sa teorya ni Piaget ang paglinang sa pagkatuto ng bawat mag-

aaral mula sa pagkabata ay nakabatay sa mga bagay na kanilang na

oobserbahan, nakikita at nararanasan. Ugnay nito sa pag-aaral ay

natututunan nilang mag-isip at magkaroon ng kyursidad, binatay ito sa

paaralan kung saan ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng aktibong

kooperasyon sa isang ispesipiko na aralin ayon sa instruksyon na ibinigay ng

guro. Ang mga mag-aaral ang siyang gagawa ng kilos at ang guro naman ang

magiging gabay tungo sa kanilang pagkatuto. Sa pagbuo ng modyul,

mahalagang magsagawa ng iba’t ibang gawain kung saan kabilang ang

aktibong kooperasyon at partisipasyon ng mga mag-aaral.


Batay sa pag-aaral ni John Dewy sa kaniyang teoryang Progressivism o

mas kilalang “Learning by Doing” na paniniwala na ang bawat mag-aaral, ang

mga pagbabago at pag-unlad ay mahalaga sa pag-aaral. Dito, ang bawat

aralin ay dapat angkop sa mga estudyante kung saan magagamit nila ito sa

pang-araw-araw na buhay. Ito ay dapat na aayon sa pangangailangan,

interes, karanasan at kakayahan ng mga bata.

Ang mga guro sa pilosopiyang ito ay dapat gumawa ng mga aralin kung

saan ang mga bata o mag-aaral ay magiging interesado at magagamit nila ito

sa kanilang mga buhay. Ang mga pagsasanay sa klase ay magiging katulad

ng mga pagsasanay sa buhay. Ang mga gawain sa klase ay maaring maging

panggrupong gawain, dito ang mga bata ay matututo sa pamamagitan ng

pakikisalamuha sa iba pa nilang kaklase. Ang mga estudyante ay uunlad sa

bawat aspeto ng kanilang buhay hindi lamang sa akademiks.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang nabanggit na teorya ay may

malaking maambag at maitutulong sa bubuoing pananaliksik. Sa

pamaamgitan nito ay mas mapapalawak pa ang kaisipan ng mga mag-aaral

at mapapabilis ang pagdebelop ng kognitibong kaisipan kasabay ang

pagkakaroon ng kasanayan sa pagpapayabong ng sariling kakayahan.

Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ay magiging epektibo at

makabuluhan sapagkat ito ay nagamit na ng mga iilang mananaliksik at

eksperto na naging matagumpay ang kanilang pag-aaral.

Balangkas pangkaisipan

Isinasaad ng balangkas ng pangkaisipan na ito na ang mga mananaliksik

ay gumamit ng “Coombs System Approach” sa pag-aaral ni Conferos (2013).


Makikita sa binabalangkas na kaisipan ang lagak, proseso, at awtput na kung

saan ito ang lagom ng pag-aaral.

Ang unang kahon ay ang Lagak na naglalaman ng profayl ng mga taga

tugon, antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong mungkahing kasanayan

sa pagbuo at pagtanggap ng mungkahing gawain at kung mayroon bang

kabuluhan ang pagkakaiba ang antas ng pagtanggap sa binuong mungkahing

gawain ayon sa kanilang profayl.

Ang ikalawang kahon naman ay ang Proseso ng pag-aaral na

kinapalolooban ng paraan ng pagsasagawa sa nakalap ng mga datos. Pagpili

ng mataas na pampublikong paaralan sa Antipolo at pagkuha ng mga guro na

nagtuturo sa asignaturang Filipino, pagsagot ng talatanungan tseklis ng mga

taga tugon at pagbuo ng mungkahing gawain. Pagsusuri sa mga datos at

paglalapat ng estadistika.

Ang ikatlong kahon ay ang Awtput na tumutukoy sa naging bunga o ang

kinalabasan ng mga ginawang pag-aaral hinggil sa pagbuo at pagtanggap ng

mungkahing gawain sa pagkatuto ng ibong adarna sa isinagawang

talatanungan tseklis.

Upang magkaroon ng awtput ang gawain ng pag-aaral na ito

nangangailangan ng input na maging sanligan sa gagawing pananaliksik. Ito

ang kahulugan ng pidbak na nag uugnay sa lagak at proseso.

Ang lagak, proseso at awtput na ito ay sadyang napakahalaga sa pag-

aaral na ito upang nalamanang tiyak na kahulugan ng pidbak at ang

kalabasan ng pag-aaral na ito.


Modelong Pangkaisipan.

Lagak Proseso Awtput


1. Profayl ng mga taga  Pagbuo ng
tugon base sa edad, talatanungan tseklis.
kasarian, lugar, taon ng  Pagpili ng mga
pagseserbisyo at ang mataas na
designasyon. pampublikong  Natukoy ang
2.Antas ng pagtanggap paaaralan sa Antipolo kabisahan ng
ng mga guro sa binuong at pagkuha ng mga pagtanggap ng
mungkahing gawain ng guro na nagtuturo sa nabuong
Ibong Adarna sa asignaturang Filipino. mungkahing
pagkatuto batay sa: gawain sa
 Pagsagot sa
pagkatuto ng mga
2.1 layunin; talatanungan tseklis
mag Grade 7.
ng mga taga tugon at
2.2 nilalaman; pagbuo ng
2.3 presentasyon at mungkahing gawain.
organisasyon;  Pagsusuri sa mga
2.4 pagkamalikhain; at datos at paglalapat
ng estadistika.
2.5 wikang ginamit

3. Makabuluhang
pagkakaiba ang binuong
mungkahing gawain ayon
sa kanilang antas ng
pagtanggap ayon sa
kanilang profayl.

PIDBAK

Pigura 1

PAGBUO AT PAGTANGGAP NG MUNGKAHING GAWAIN


SA PAGKATUTO NG IBONG ADARNA
SA MGA MAG-AARAL
NG GRADE 7
Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang pagbuo at pagtanggap ng

mungkahing gawain sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Grade 7.

Sa kabuuhan sinikap na matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang profayl ng mga tagatugon?

1.1 edad;

1.2 kasarian;

1.3 lugar;

1.4 taon ng pagseserbisyo; at

1.5 designasyon

2. Ano ang antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong mga kasanayan sa

pagbuo at pagtanggap ng mungkahing gawain batay sa:

2.1 layunin;

2.2 nilalaman;

2.3 presentasyon at organisasyon;

2.4 pagkamalikhain; at

2.5 wikang ginamit;

3. May makabuluhan bang pagkakaiba ang binuong mungkahing gawain

batay sa kanilang antas ng pagtanggap ayon sa kanilang profayl?


Haka ng pag-aaral

Mula sa nabanggit ng mga suliranin, ang haka ng pag-aaral ay:

1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagtanggap sa

gawain ayon sa kanilang profayl.

2. Naging makabuluhan ang antas ng patanggap ng guro sa nabuong

mungkahing gawain.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang Pagbuo at pagtanggap ng

mungkahing gawain sa Pagkatuto ng Ibong adarna ng mga mag-aaral ng

Grade 7 sa Antipolo National High School.

Ang mga mag-aaral ay kumuha ng labing limang (15) kubuuang

respondante mula sa mga Guro sa Filipino ng ika-pitong (7) baitang sa

pamamagitan ng purposive sampling upang matukoy ang pagtanggap ng

mungkahing gawain ukol sa Ibong Adarna.

Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pananaliksik sa mga Filipinong

Guro mula sa matataas na paraalan ng Antipolo taong panuruan 2020 - 2021.

Ang Guro sa Filipino bilang kalahok sa pag-aaral ay nagmula sa Antipolo

National High School.

Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng limitasyon sa

iba pang mga aralin at aklat sa pagtukoy ng ilang mga gawain kung saan ay

nagkaroon ng tseklis para sa mga guro upang mapagtibay ang mga gawaing

malikha ng mga mananaliksik sa Ibong Adarna.


Ang Ibong Adarna ay ang siyang pinakatalakayan sa ika - apat (4) na

kwarter ng mga mag-aaral sa ika-pitong (7) baitang kung saan ay naglalaman

ng mga gawain sa pagkatuto sa pamamagitan nito ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng pakikipanayam sa mga nasabing Guro upang makuha ang

MPS o mga resulta ng mga naging aktibidad ng mga mag-aaral ukol sa Ibong

Adarna na siyang pagbabatayan ng pagbuo ng mungkahing gawain ng mga

mananaliksik na sasagutan ng mga mag-aaral sa itinakdang oras.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Guro. Sa pamamagitan nito ay magkakaroon sila ng isang

mungkahing gawain sa pag-aaral na magagamit at mapagbabatayan upang

makabuo ng isang matibay o makabuluhang kagamitan sa pagtuturo tugon sa

pangangailangan ng kagamitan sa bagong normal na edukasyon.

Sa mga Mag-aaral. Makakatulong ang pag-aaral na ito sa

pagpapayabong at pag unlad ng pagkatuto ng bawat magaaral kung saan ay

mas lalong magiging epektibo ang pagkatuto ng mga ito batay sa mga

aktibidad nakapaloob sa binuong mungkahing gawain na tumutugon sa

pagdebelop ng kompetensi.

Sa administrasyon ng Paaralan. Makatutulong ito sa pagsuporta sa

paaralan kung saan ay mas makalilinang at makapagpapaunlad ng mga

pagkatuto ng bawat mag-aaral maging sa paglinang ng isang mungkahing

gawain sa asignaturang Filipino ng ika–Pitong baitang , ito ay magpapatibay

ng Kognitibong kaalaman ng bawat mag-aaral.


Sa mga susunod na Mananaliksik. Upang magkaroon ng batayan o

sanligan ng pag-aaral ng susunod na mananaliksik tungo sa pagpapayabong

ng mungkahing gawain ng Ibong Adarna ng ika–pitong baitang.

Katuturan ng mga Katawagan

Upang mas maunawaan ang pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik

ay minabuting mabigyan ng mga katuturan ang mga ginamit sa pag-aaral:

Akda. Isang salita na katumbas ng likha na kung saan ito ay nagbibigay

kahulugan sa makabuluhang kritiko ng isang likhang bagay.

Akdang Pampanitikan. Ito ay isinasagawa sa paraang patula o

pasalaysay na tumutukoy sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, tao at

pangyayari.

Gabay sa Kurikulum. Ito ay disiplina sa paaralan, mga aklat at mga

kagamitang ginagamit, paggawa ng banghay-aralin, mga pagpapahalaga,

mga pagsusulit at kung anu-ano pang itinuturo na may kinalaman sa

pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ibong Adarna. Ito ay isang halimbawa ng akdang pampanitikang patula

sa anyong patulang liriko. Ito ay tungkol sa isang ibong may dalang hiwaga at

himala.

Korido. Ito ay isang pasalaysay na awit o panulaan na isang uri ng

panitikang Pilipino na nakuha sa impluwensya mula sa mga kastila. Ito din ay

binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag.


Mungkahing Gawain. Isang kagamitang pinaghalong impormasyon at

aktibidad sa isang partikular na gawain sa pagkatuto para sa pagdebelop ng

kognitibong kasanayan ng mga mag-aaral.

Tula. Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang

damdamin sa malayang pagsusulat.


Kabanata 2

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo ng pananaliksik,

Kkalahok sa pag-aaral, lugar ng pag-aaral, pinagkuhaan ng datos, patakaran

ng pag-aaral at stadistikang ginamit.

Disenyo ng pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong debelopmental na

pananaliksik na naglalayong suriin ang mga pananaw ng pagbuo at

pagtanggap ng mungkahing gawain ng Ibong Adarna ng Grade-7.

Ayon sa pag-aaral nina Camille Cagaral casto et, al. (2013),

pangunahing layunin ng paggamit ng deskriptib ay upang tukuyin ang ugat ng

sitwasyon sa oras ng pag-aaral at siyasatin ang mga dahilan ng partikular at

napapanahong paksa.

Ayon kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia (2003), ang deskriptibong

pananaliksik ay kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na

mapapakahulugan sa kasalukuyang katotohanan na may kaligiran at

kalagayan ng anumang paksa. Samantala ang debelopmental na pag-aaral

ay nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa

pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Ang mga datos ay aanalisahin at gagamitin upang makamit at makuha

ang layunin ng pananaliksik at masuportahan ang pag-aaral na ito. Sa

pamamagitan ng ganitong pamamaraan ay matatamo ng mga mananaliksik

ng tama at maayos ang mga datos na nakalap sa pag-aaral na ito.


Lugar ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa mataas na pampublikong paaralan

ng Antipolo National High School lungsod ng Antipolo.

Ang Antipolo National High School ay itinatag noong ika-23 ng Agosto

1971 na may 400 na nagpatala, 10 guro at isang janitor, mahigit isang taon

bago ideklara ang Batas Militar. Dati, kilala ito bilang Antipolo Municipal High

School o "MUNIC". Ang pagtatatag nito ay unang ipinagkaloob ng isang

dating Konsehal ng Lungsod na si Hon. Antonio Masaquel noong termino ni

Mayor Jose Oliveros. Nagpagawa ang pamahalaang lokal ng dalawang

palapag na gusali na may sampung silid aralan, pinamahalaan ni G. Lamberto

San Esteban, isang dating Distrito ng Tagapamahala na pumanaw noong

Mayo 1972. Kasunod nito ay pinalitan ni G. Magtangol Del Rosario na

nangasiwa sa paaralan hanggang 1981, sinundan siya ng kanyang katulong

na si Ms. Melinda D. Gedang.

Si Ms. Melinda D. Gedang ay awtomatikong naging punong-guro. Ang

kanyang istratehiya ng pamumuno bilang isang disiplina ay naka-imprinta ng

isang kahanga-hangang tala sa kasaysayan ng paaralan. Dahil sa paglaki ng

populasyon ng mag-aaral, nadagdagan ng paaralan ang bilang ng mga guro

at na-upgrade ang mga pasilidad nito upang matugunan ang mga

pangangailangan ng mga mag-aaral. Bumalik noong 1986 ang isang bagong

utos ng konstitusyon ang nagbigay ng isang bagong sistema sa larangan ng

edukasyon. Itinakda ng mandato na ito para sa pagkakaloob ng libreng

edukasyon sa elementarya at sekondarya.


Samakatuwid noong 1998 dahil sa pagpasa ng RA 6655, ang Antipolo

Municipal High School ay ginawang Antipolo National High School. Simula sa

unang populasyon na 400 na mag-aaral ang Antipolo National High School ay

naging isang siksik na pampublikong sekundaryong paaralang sekondarya na

may kabuuang populasyon na sampung libo limampu't anim (10,056) mula

noong Hulyo 31, 2009 para sa Taon ng Paaralan 2009-2010.

Dati, ang paaralang Antipolo National High School ay mayroong mga

extension at Annexes at ang ilan sa mga extension nito ay naging

independiyenteng mga paaralan o National High School na tulad ng: Maximo

Gatlabayan National High School, Mambugan National High School, Mayamot

National High School, San Jose National High School, Calawis National High

School, Bagong Nayon II National High School, Cupang National High School

at San Isidro National High School, Muntindilaw National High School at San

Roque National High School. Bukod dito, mayroong dalawang mga extension

sa kasalukuyan ito ay may pangalan na: ANHS Canumay Extension at ANHS

Kaysakat Extension. Ang bawat Extension ay may itinalagang Teacher-In-

Charge.

Sa kasalukuyan ang Antipolo National High School ay itinuturing na

pinakamalaking paaralan ng sekundaryong publiko sa Dibisyon ng Lungsod

ng Antipolo. Ang pangunahing bulto ng populasyon ng mag-aaral ay

nakalagay sa isang 2.18 hectares na lumiligid na lupa habang ang natitira ay

nakalagay sa dalawang mga annexes nito na nakalagay sa tamang bayan. Ito

ay binubuo ng 12, 213 na mga mag-aaral, mga guro na mahigit 500 na

pinamumunuan ng Punong-guro na si G. Rommel S. Beltran.


Sa pagsunod sa pagsasakatuparan ng mga layuning pang-edukasyon

ang Antipolo National High School ay lubos na nakatuon upang makamit ang

misyon nitong magbigay ng isang makabagong sistema na nakabatay sa

halaga na kalidad na edukasyon na magbibigay kasangkapan sa mga mag-

aaral ng mga kinakailangang kasanayan at mabuting pagpapahalagang

moral. Sa paglaon, ang paaralang ngayon ay nangangarap na maging isang

institusyon ng kahusayan sa larangan ng Agham at Matematika upang

makalikha ng mga indibidwal na mapapakinabangan sa lipunan at buong

mundo.

Pigura 2

Mapa ng Piling pampublikong mataas na


paaralan sa Lungsod ng Antipolo
Na kalahok sa pag-aaral
Mga kalahok sa Pag-aaral

Ang mga Kalahok sa pag-aaral ay ang mga guro sa ika-pitong (7) baitang

mula sa mataas na pampublikong paaralan ng Antipolo National High School

na magsisilbing taga-tugon sa pagtukoy sa pagtanggap sa nabuong

mungkahing gawain sa pagkatuto ng ibong adarna. Ang mga guro ang mga

naging taga-tugon sapagkat sila ay may wastong alam kung ano ang maaring

nilalaman ng isang mungkahing gawain. May bilang na tatlongput lima (35)

mga guro na tutugon sa pag-aaral.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng purposive sampling technique sa

pagpili ng mga tagatugon. Sa pamamagitan ng teknik na ito pinili ang Antipolo

National Highschool ng mga mananaliklik at kumuha ng mga gurong

nagtuturo sa asignaturang Filipino.

Proseso ng Pag-aaral

Matapos maipasa ang pag-aaral na ito na may pamagat na Pagbuo at

pagtanggap ng mungkahing gawain sa pagkatuto ng Ibong Adarna sa mga

mag-aaral ng grade 7. Naagsimula ang mga mananaliksik na gumawa ng

paglalahad ng suliranin upang maging gabay sa isinasagawang pag-aaral.

Bumuo ang mga mananaliksik ng talatanungan tseklis at ipinabalido sa

mga gurong dalubhasa sa asignaturang Filipino. Pagkatapos ay isinangguni

sa estadistiko para sa aytem analisis. Pagkatapos maanalisa, nakabuo ang

mga mananaliksik ng limang (5) bilang baryabol na ginamit upang pasagutan

at malaman ang antas ng pagtanggap sa pagbuo ng mungkahing gawain sa

pagtuto ng ibong adarna.


Ang mga mananaliksik ay nagbasa ng iilang mga pag-aaral at literatura

upang makapaghanap ng mga may kaugnayan at mapalalim pa ang pag-

aaral na ito. Sa kabilang banda, ang mga mananaliksik ay humingi ng

pahintulot at sumangguni sa mataas na pampublikong paaralan ng Antipolo

National High School upang mangalap ng datos na sasagot sa naturang pag-

aaral.

Pinagkuhaan ng Datos

Ang pagbuo at pagtanggap ng mungkahing gawain sa pagkatuto ng

Ibong Adarna sa mga mag-aaral ng Grade 7, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng talatanungan tseklis. Ang pagsusulit ay kinapalolooban ng mga

pahayag kung paano ang pagtanggap ng mga respondente. Ang mga

mananaliksik ay gumamit ng instrumentong ito upang malaman ang kahinaan

at kalakasan ng mga mag-aaral sa pagtanggap ng mungkahing gawain.

Kinuha ng mga mananaliksik ang gabay sa kurikulum sa ika-pitong baitang sa

pang-apat na markahan. Gumamit din ng talatanungan tseklis ang mga

mananaliksik na kinapalolooban ng mga Layunin. Nilalaman, Presentasyon at

organisasyon, Pagkamalikhain at Wikang ginamit. Upang malaman at

masukat ang katanggapan nito, gumamit ng iskala para sa antas ng

pagtanggap na ginamit ng isang mananaliksik sa kanyang pag-aaral.


Iskala sa Antas ng Pagtanggap

Iskala Iskor Berbal na interpretasyon

5 5.81 - 7.0 Napakataas na pagtanggap

4 4.61 - 5.8 Mataas na pagtanggap

3 3.41 - 4.6 Katanggap tanggap

2 2.21 - 3.4 Bahagyang pagtanggap

1 1.0 - 2.2 Di - katanggap tanggap

Patakaran ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay nagsimula sa pagbuo ng pamagat, pagkatapos,

ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga magiging mungkahing gawain ukol

sa pagkatuto ng Ibong Adarna na siyang magiging batayan ng mga guro sa

Filipino sa pagsusuri. Ganon din naman ang nabuong tseklis ng mga

mananaliksik ay nabalido ng mga gurong dalubhasa sa asignaturang Filipino

na magiging kagamitang ng mag-aaral. Ang mga gurong ito ay kasalukuyang

nagtuturo sa Antipolo National High School. Matapos mabalido ang mga

tseklis, ay pinasuri na ng mga mananaliksik ang nabuong mungkahing gawain

sa mga Guro ng nasabing paaralan batay sa gabay sa kurikulum ng ika-

pitong baitang sa ika-apat na markahan kung saan ito ang naging basihan ng

mga mananaliksik sa pagbuo ng mungkahing gawain sa pagkatuto ng Ibong

Adarna.
Estadistikang Ginamit

Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mga mananaliksik ang mga sumusunod

na estadistika.

1. Upang matukoy ng mga mananaliksik ang edad, kasarian, lugar, taon

ng pagseserbisyo at ang designasyon ay gumamit ng percentage and

ranking.

2. Upang malaman ang antas ng pagtanggap ng mga guro sa binuong

mga kasanayan sa pagbuo ng mungkahing gawain sa pagkatuto ito ay

ginamitan ng Mean Performance Standard Deviation. Ang mga ito ay itinutuos

sa pamamagitan ng sumusunod:

Ū =ΣΧ / N

Ū = Mean

ΣΧ = Kabuuang marka

N = Kabuuang dami ng respondente

3. Upang matukoy ang makabuluhang pagkakaiba ng binuong

mungkahing gawain ayon sa kanilang antas ng pagtanggap ayon sa kanilang

propyl ay ginamitan ng ANNOVA Test.


Sanggunihan

https://www.coursehero.com/file/52951599/Kahulugan-ng-kurikulum-at-

kalinangan-ng-kurikulumpptx/?

fbclid=IwAR3L9HDJ2maT225RYh6FwLOCCO6FgJhi30YIb4ZTSFaIt-

scwsra_EdTy64

www.scribd.com>hamonsapagtuturongkoridongibongadarna

www.academia.edu>impluwensyangalternatibongpagtataya

https://philnews.ph/2020/10/03/akdang-pampanitikan-kahulugan-at-

halimbawa-nito/

https://philnews.ph/2020/05/04/katangian-ng-ibong-adarna-kahulugan-at-

katangian-ng-ibong-adarna/

https://www.tagaloglang.com/ano-ang-tula/

You might also like