You are on page 1of 16

Kabanata 1

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral
Isa sa pinakanaapektuhan sa paglaganap ng COVID-19 sa buong

mundo ay ang sektor ng edukasyon. Malaki ang pagbabagong nangyari

sa sistema ng edukasyon mula sa harapang pagtuturo tungo sa

paggamit ng iba’t ibang kaparaanan upang patuloy na maihatid ang

dekalidad na edukasyon sa bawat Pilipinong mag-aaral. Kabilang na rito

ang paggamit ng modyular na modaliti sa pagtuturo gamit ang mga Self-

Learning Modules (SLM) o mga Learning Activity Sheets (LAS). Ito ay

patunay lamang na tuloy ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kabila ng

pandemya sapagkat hindi tumitigil ang Kagawaran ng Edukasyon

(DepEd) at mga kaguruan upang mag-isip ng alternatibong paraan o

estratehiya para mapanatili ang daloy ng proseso ng pagtuturo at

pagkatuto sa ating bansa.

Kaugnay nito, para matugunan ang pangangailangang

maipagpatuloy ang edukasyon sa ating bansa, naglunsad ang DepEd ng

iba’t ibang modaliti sa pagtuturo kabilang na ang modyular na modaliti.

Ang pangunahing kagamitan sa pagpapatupad nito ay ang paggamit ng

mga SLM o LAS na naglalaman ng mga aralin sa bawat asignatura. Ayon

sa Kahilim ng Edukasyon Leonor M. Briones “Ang paggamit ng mga self-

learning module at iba pang mga modality ay nabuo upang maging tugon
2

sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral, kanilang sitwasyon, at mga

magagamit na kagamitan.” Dagdag pa niya, “Ang mga ito ay alinsunod

sa mga pamantayan upang matiyak na ang batayang edukasyon ay abot-

kamay lamang para sa lahat ng mga mag-aaral sa gitna ng

kasalukuyang krisis na dulot ng COVID-19.” Ang pahayag na ito ng

kalihim ay naaayon sa naging resulta ng pag-aaral na isinagawa nina

Creus at Angeles (2019), napag-alaman nila na ang paggamit ng Module-

based localized na mga kagamitang pampagkatuto ay nagpapataas sa

antas ng pagganap o performans ng halos lahat na mga mag-aaral.

Pinatunayan din ni Amboyan (2019) sa kanyang isinagawang pag-aaral

na ang modyular na paraan ng pagtuturo ay mas epektibo kaysa sa

karaniwang paraan ng pagtuturo dahil sa pamamagitan nito ay

nagbibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na matuto batay sa

sarili nilang kakayanan.

Kaya naman nabuo ang pag-aaral na ito upang maipakita at

mailarawan ang nagaganap na prosesong pagkatuto sa mga mag-aaral

gamit ang mga Learning Activity Sheet (LAS) na nagsisilbing

pangunahing instrumento upang maihatid ang dekalidad na edukasyon

sa ilalim ng modyular na modaliti. Dagdag pa rito, nilalayon ng

mananaliksik na alamin ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng

mga LAS at malaman kung mayroon bang positibong epekto ang

paggamit nito sa kanilang pagkatuto.


3

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tukuyin ang antas ng

pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng Learning Activity Sheets at

maging ang antas ng pagkatuto sa asignaturang Filipino ng mga mag-

aaral sa isang sekundarya sa Distrito ng Manapla, Sangay ng Negros

Occidental para sa Taong Panuruang 2021-2022.

Kaya naman, tatangkain ng mananaliksik na masagot ang mg

sumusunod na tiyak na layunin ng pag-aaral na ito.

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral sa sekundarya ayon sa kanilang:

a. Baitang

b. Edad

c. Kasarian

2. Ano ang antas ng pananaw ng mga mag-aaral sa sekundarya sa

paggamit ng LAS ayon sa:

a. Nilalaman

b. Organisasyon/Pagkakabuo

c. Kaangkupan ng mga Gawain

3. Ano ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundarya sa

asignaturang Filipino?

4. Mayroon bang makabuluhang antas ng pagkakaiba sa pananaw ng

mga mag-aaral sa paggamit ng LAS batay sa mga komponent nito at

kung papangkatin ayon sa mga piling baryabols?


4

5. Mayroon bang makabuluhang antas ng pagkakaiba sa pagkatuto ng

mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kabuuan at kung

papangkatin ayon sa mga piling baryabols?

6. Mayroon bang makabuluhang kaugnayan ang antas ng pananaw sa

paggamit ng LAS at ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino?

Hipotesis

Ang mga sumusunod ay mga hipotesis na nabuo batay sa mga

tiyak na layunin ng pag-aaral na ito:

1. Walang makabuluhang antas ng pagkakaiba sa pananaw ng mga

mag-aaral sa paggamit ng LAS batay sa mga komponent nito at kung

papangkatin ayon sa mga piling baryabols.

2. Walang makabuluhang antas ng pagkakaiba sa pagkatuto ng mga

mag-aaral sa asignaturang Filipino sa kabuuan at kung papangkatin

ayon sa mga piling baryabols.

3. Walang makabuluhang kaugnayan ang antas ng pananaw sa

paggamit ng LAS at ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino?
5

Mga Palagay ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay ang mga palagay sa pag-aaral na ito:

1. Ang antas ng pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng Learning

Activity Sheets ay nag-iiba sa isang partikular na antas.

2. Ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay

nag-iiba sa isang partikular na antas.

Baryabol sa Pag-aaral, Palatandaan at Kategorya

Ang mga napiling baryabol ay inilarawan sa talahanayan sa ibaba

batay sa kanilang taglay na palatandaan at kategorya.

Baryabol Palatandaan Kategorya


Kinabibilangang Ikapitong baitang
baitang sa Junior Ikawalong baitang
Baitang
High School para sa Ikasiyam na baitang
T.P. 2021-2022 Ikasampung baitang

Bilang ng taong
nabubuhay mula sa
Mas bata
Edad kanilang
Mas matanda
kapanganakan
hanggang sa
kasalukuyan

Kasariang tinukoy
Lalaki
Kasarian ayon sa kanilang
Babae
Sertipiko ng
Kapanganakan

Teoretikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nakabatay sa Cognitive Learning Theory ni

Jean Piaget na isang dalubhasa sa larangan ng Edukasyon at Sikolohiya.


6

Binigyang-tuon ng teoryang ito ang paraan kung paano mag-isip ang

isang tao. Aniya, ang mga prosesong mental ay napakahalagang bahagi

upang matutunan kung papaano ang isang natututo. Pinapaunawa ng

teoryang ito, na ang isang mag-aaral ay maaaring maimpluwensiyahan

ng mga panloob (internal) o panlabas (external) na elemento sa

pagkatuto. Sa madaling salita, ang mga naiisip (internal o panloob) ng

isang tao at ang kanyang ginagawa (external o panlabas) ay parehong

mahalagang bahagi ng prosesong kognitobo. Kapag naunawaan na ng

mga mag-aaral kung paano nakakaapekto ang kanilang pag-iisip sa

kanilang pagkatuto at ugali, magkakaroon na sila ng sapat na

kakayahan upang kontrolin ito.

Malaki ang epekto ng ganitong teorya sa bawat mag-aaral

sapagkat nabibigyan sila ng pagkakataon na maunawaan ang proseso ng

kanilang pag-iisip na maaaring makatulong upang sila ay lalong matuto.

Sa ganitong paraan, nabibigyan ng oportunidad ng mga guro ang bawat

mag-aaral na magtanong at mag-isip nang mabuti. Ang mga ganitong

estratehiya ay maaaring magbigay ng malinaw na pag-unawa sa mga

mag-aaral kung paano gumagana ang kanilang isipan at magamit ang

karunungang ito upang makabuo ang mga guro ng marami at

magagandang opotunidad para sa kanilang pagkatuto.

Kaugnay nito, ang teorya ni Jean Piaget ay madulot ng malaking

impluwensiya sa mananaliksik upang isagawa ang pag-aaral na ito. At


7

dahil dito, lubos na naunawaan ng mananaliksik ang kahalagahan ng

pag-alam sa kognitibong proseso sa pagkatuto ng bawat mag-aaral

upang nang sa gayon ay maging batayan ito upang lalong pag-igtingin

ang kanilang pagkatuto. Kaya naman, balak na isagawa ng

mananaliksik ang pag-aaral na ito upang lubusang malaman ang

pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng Learning Activity Sheets

(LAS) sa ilalim ng modyular modaliti ayon sa taglay nitong nilalaman,

pagkakabuo, at kaangkupan ng mga gawain. Sa ganitong paraan higit na

magkakaroon ng malinaw na impormasyon ang mga guro kung ano ang

pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit nito at kung nakakaapekto ba

ito o hindi sa antas ng kanilang pagkatuto.

Konseptwal na Balangkas

Ang pagbabago sa sistema ng edukasyon dulot ng COVID-19 ay

nagbigay-daan sa mga kinauukulan upang tahakin ang napakaraming

kaparaanan upang maipagpatuloy ang edukasyon ng bawat mag-aaral

sa ating bansa. Isa sa kaparaanang ito ay ang sa pamamagitan ng

estratehiyang modyular sa pagtuturo. Ang pangunahing instrumento sa

estratehiyang ito upang maihatid ang kaalaman sa bawat mag-aaral ay

sa pamamagitan ng paggamit ng Learning Activity Sheets (LAS). Ang mga

LAS ay isang uri ng gawaing papel (worksheet) na naglalaman ng mga

kasanayan, aralin at gawain na siyang susubok sa bisa ng pagkatuto ng


8

bawat mag-aaral sa isang partikular na asignatura. Ayon sa isinagawang

pag-aaral ni Aro (2021), ang paggamit ng mga supplemental worksheet

ay epektibo sa pagpapataas ng lebel ng pagganap ng mga mag-aaral.

Bunga nito, naisipan ng mananaliksik na isagawa ang pag-aaral na

upang magbigay ng sapat na katibayan sa kahusayan ng paggamit ng

LAS sa pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa sarili nilang pananaw ukol

dito at maging sa kanilang pagganap o performans sa asignaturang

Filipino.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay tukuyin ang

antas ng pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng LAS at kung

mayroon ba ito makabuluhang epekto o kaugnayan sa antas ng kanilang

pagkatuto sa asignaturang Filipino. Ang mga kalahok sap ag-aaral na ito

ay ang mga mag-aaral sa isang sekundarya sa Distrito ng Manapla,

Sangay ng Negros Occidental. Ang mga kalahok ay papangkatin ayon sa

kanilang baitang, edad, at kasarian na siya ring magsisilbing

independent na baraybol sa pag-aaral na ito.

Ang pangkalahatang konsepto ng pag-aaral na ito ay alamin ang

antas ng pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng LAS ayon sa taglay

nitong nilalaman, pagkakabuo at kaangkupan ng mga gawain. Dagdag

pa rito, aalamin din ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino gamit ang kanilang nakuhang grado sa unang

markahan ng Taung Panuruang 2021-2022. Sa bandang huli, gagamitin


9

ng mananaliksik ang mga datos tungkol sa kanilang antas ng pananaw

sa paggamit ng LAS at antas ng pagkatuto sa asignaturang Filipino

upang alamin kung mayroon bang makabuluhang kaugnayan sa pagitan

ng dalawang dependent bayabol sa pag-aaral na ito.

Ang Tambilang 1 sa susunod na pahina ay nagpapakita ng

konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito.


10

Profayl ng mga Mag-aaral

 Baitang
 Edad
 Kasarian

Pananaw ng mga Mag-


aaral sa Paggamit ng
Learning Activity Sheet
(LAS)
Pagkatuto ng mga Mag-
aaral sa Asignaturang
Filipino sa Ilalim ng
Modyular Modaliti
 Nilalaman
 Pagkakabuo
 Kaangkupan ng mga
Gawain

Tablinag 1
Iskematikong Ilustrasyong Nagpapakita ng
Konseptwal na Balangkas ng Pag-aaral
11

Saklaw ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng

pananaliksik upang malaman ang antas ng pananaw sa paggamit ng

LAS at ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino para sa Taung Panuruang 2021-2022. Isasagawa ang pag-aaral

na ito sa isang paaralang sekundarya sa Distrito ng Manapla, Sangay ng

Negros Occidental. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral mula sa ikapito hanggang sa ikasampung baitang sa naturang

paaralan. Gagamit ang mananaliksik ng sariling gawang talatanungan

upang masukat ang antas ng pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit

ng LAS. Dadaan ito sa reliabiliti at baliditi na pagsusuri upang matiyak

ang bisa ng bubuoing talatanungan. Dagdag pa rito, gagamitin din ng

mananaliksik ang mga grado ng mga mag-aaral sa Filipino sa unang

markahan, ito ay magsisilbing sekundaryang datos na magagamit ng

mananalik upang masukat ang antas ng pagkatuto ng mag-aaral sa

nabanggit na asignatura sa ilalim ng modyular na modality.

Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng tatlong uri ng iskemang

analitikal tulad ng deskriptib, komparatib, at relasyunal. Samantala, ang

mga gagamitin namang istadistikang pamamaraan upang masagutan

ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral na ito ay kinabibilangan ng

frekwensi, bahagdan, mean, Mann-Whitney U Test, Kruskal Wallis Test,

at Spearman Rank Correlation Coefficient.


12

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga natutuklasan sa pag-aaral na ito ay makakatulong sa

mga sumusunod:

Sa mga Education Program Supervisor sa Filipino. Ang resulta

ng pag-aaral na ito ay magsisilbing batayan ng mga Education Program

Supervisor sa Filipino upang lalong pang pag-igtingin at pagbutihin ang

pagbuo ng mga Learning Activity Sheet (LAS) upang matiyak na siksik sa

kaalaman ang mga nilalaman nito, maayos ang daloy ng pagkatuto at

angkop ang mga gawain para sa bawat mag-aaral. Sa ganitong paraan,

higit na magkakaroon ng mabisang paglilipat ng kaalaman mula sa mga

LAS tungo sa pagkatuto ng mga mag-aaral kahit na ang proseso ng

pagtuturo at pagkatuto ay sa pamamagitan lamang ng modyular na

modaliti.

Sa mga Koordineytor sa Filipino. Ang kalalabasan ng pag-aaral

na ito ay magiging batayan ng mga koordineytor sa Filipino upang

magsagawa ng mga pagpupulong o LAC session upang mapag-usapan

ang mga dapat isagawa upang lalong mapabuti ang pagtuturo sa mga

mag-aaral sa ilalim ng modyular modaliti gamit ang LAS.

Sa mga Kaguruan sa Filipino. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay

magsisilbing napakahalagang batayang impormasyon sa mga kaguruan

sa Filipino tungkol sa pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng LAS at

kung papaano ito nakakaapekto sa kanilang pagkatuto. Sa tulong nito,


13

mabibigyang pagkakataon ang mga guro na alamin ang kalakasan at

kahinaan ng LAS batay sa nilalaman nito, pagkakabuo, at kaangkupan

ng mga gawain. Sa ganitong paraan, maaaring makabuo ng mga

hakbangin ang mga guro upang matiyak na may nagaganap na proseso

ng pagkatuto sa kanilang mga mag-aaral sa ilalim ng modyular modaliti

gamit ang mga LAS.

Sa mga mag-aaral. Magkakaroon sila nang sapat na ideya tungkol

sa kung ano ang kanilang pananaw sa kabuoan sa paggamit ng LAS at

kung papaano sila natuto sa pamamagitan nito. Sa ganitong paraan

magkakaroon sila ng kaalaman na pwede nilang magamit upang mas

higit na mapabuti ang kanilang pagkatuto sa asignaturang Filipino sa

ilalim ng modyular na modaliti.

Sa mga Mananaliksik sa Kasalukuyan. Ang resulta ng pag-aaral

na ito ay magbibigay ng sapat na kaalaman tungkol sa pananaw ng mga

mag-aaral sa paggamit ng LAS at kaugnayan nito sa kanilang pagkatuto.

Sa tulong nito, maaaring maging gabay ito ng mga mananaliksik sa

kasalukyan na magsagawa pa ng mga pag-aaral na may kinalaman sa

kabisaan ng LAS bilang supplemental na kagamitang pampagkatuto.

Sa Ibang mga Mananaliksik. Ang kalalabasan ng pag-aaral ay

magbibigay ng gabay o batayan sa pagsasagawa ng kaugnay na pag-

aaral.
14

Kahulugan ng mga Termino sa Pag-aaral


Ang mga sumusunod na termino ay operasyunal at konseptwal na

binigyang-kahulugan para sa layuning magbigay kalinawan at pag-

unawa sa mga mambabasa sa mga terminong ginamit sa pag-aaral na

ito,

Edad. Ito ay ang haba ng buhay ng isang tao na sinusukat mula

sa kanyang kapanganakan hanggang sa kanyang pagkamatay.

Kadalasan, ito ay may tanda ng antas ng mental o pisikal pagbabago at

kinasasangkutan din ng legal na responsibilidad at kakayanan

(Dictionary.com, 2020).

Sa pag-aaral na ito, ang termino ay tumutukoy sa bilang ng taong

nabubuhay ang mga kalahok sa pag-aaral mula sa kanilang

kapanganakan na hinati sa dalawang kategorya na mas matanda at mas

bata.

Kasarian. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal na estado ng isang tao

na karaniwang kinakatergoya bilang lalaki, babae, o pinaghalong

kasarian/intersex (i.e., ito ay ang tipikal na kombinasyon ng katangian

na kadalasang makikita sa isang babae o isang lalaki) (APA, 2016).

Sa pag-aaral na ito, ang termino ay tumutukoy sa biyolohikal na

estado ng mga mag-aaral mula ikapito hanggang ikasampung baitang ng


15

isang sekundarya sa Distrito ng Manapla, Sangay ng Negros Occidental

para sa Taung Panuruang 2021-2022.

Learning Activity Sheet (LAS). Ito ay isang uri ng kagamitang

pampagtuturo na naglalayong gabayan ang mga mag-aaral sa

pagsasagawa ng kanilang mga gawain batay sa kanilang bilis at oras

gamit ang mga kontekstuwalisadong kagamitan na makikita sa kanilang

komunidad (Department of Education, 2021).

Sa pag-aaral na ito, ang termino ay tumutukoy din sa isang uri ng

kagamitang pampagtuturo na ginagamit ng mga mag-aaral sa ilalim ng

modyular na modaliti.

Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa isang taong nag-aaral sa isang

paaralan, kolehiyo, o pamantasan (Merriam Webster Dictionary, 2018).

Sa pag-aaral na ito, ang termino ay tumutukoy sa mga mag-aaral

na nag-aaral sa ikapito hanggang ikasampung baitang sa isang

partikular na sekundarya sa Distrito ng Manapla, Sangay ng Negros

Occidental para sa Taung Panuruang 2021-2022. Sila rin ang

magsisilbing kalahok sa pag-aaral na ito.

Pagkatuto. Ito ay ang kaalamang nakamit ng isang tao sa

pamamagitan ng ibinigay na marka ng guro sa ginawang pagtatasa o

hindi kaya’y mga edukasyunal na hangarin na binuo ng kapwa mag-

aaral at guro na makamit sa loob ng isang partikular na sandali o

panahon (Narad & Abdullah, 2016).


16

Sa pag-aaral na ito, ang termino ay tumutukoy sa kaalamang

nakamit ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa loob ng unang

markahan. Ito ay magsisilbing sekundaryang datos na magagamit ng

mananaliksik upang malaman ang kaugnayan ng pananaw ng mga mag-

aaral sa paggamit ng LAS sa kanilang pagkatuto sa nabanggit na

asignatura.

Pananaw. Ito ay paraan kung paano mag-isip o unawain ng isang

tao ang isang partikular na bagay o pangyayari (Merriam-Webster

Dictionary, 2018).

Sa pag-aaral na ito, ang katagang ginamit ay tumtukoy sa paaran

mag-isip ng mga mag-aaral gamit ang kanilang pananaw tungkol sa

paggamit ng LAS.

You might also like