You are on page 1of 14

Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

KABANATA I

Panimula

Matagal na panahon na ang nakalipas ng ang Pilipinas ay napasakamay ng mga dayuhang

mananakop na umabot sa mahigit sa tatlong daang taon. Maraming mga pagbabago ang siyang

naganap sa ating bansa sa kanilang pamamalagi. Hindi maikakaila na ang kanilang pananatili ay

nagdulot ng impluwensya sa kultura, wika at panitikan ng ating bansa na makikita hanggang sa

kasalukuyan.

Ngunit, bago pa man ang mga pangyayaring ito sa ating bansa ay sinasabi na ang ating mga

ninuno noong unang panahon ay namuhay nang maayos at matiwasay. Sila ay mayroong

pamahalaan na nagpapatupad ng batas na siya namang sinusunod ng mga mamamayan. Sagana

din ang ating mga katutubong Pilipino sa panitikan, sining at ang bawat pamayanan ay may

sariling katutubong wika. (Casanova et al, Panitikang Pilipino, p. 1).

Maraming mga mananalaysay na mga Kastila ang nagpatunay na ang mga katutubo ay may

kalinangan na bago pa man sila dumating dito sa bansa. Isa na dito ang inulat ni Miguel Lopez

de Legazpi na ang mga katutubo ay may titik na ginamit na may pagkakatulad ng sa Malay.

Naibahagi naman ni Pedro Chirino sa kanyang akda na “Relacion de las Islas Filipinas” na ang

mga katutubo ay may kakayahan sa pagsulat at pagbasa. (Morrow, P. Baybayin – The Ancient

Script of the Philippines). Mula sa mga salaysay na ito masasabi na ang mga Pilipino noon ay

sibilisado na ang pamumuhay dulot ng pagkakaroon nila ng kaalaman sa pagbasa at pagsulat.

Baybayin, ang itinuturing na panulat na gamit ng mga katutubo noon. Ito ay nagmula sa salitang

Tagalog na “baybay” na nangangahulugang pagbaybay o “to spell”. Ito ay binubuo ng tatlong

patinig at labingapat na katinig. Madalas na gamitin ng mga katutubong Pilipino ang mga balat

1
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

ng punungkahoy at mga kawayan na sulatán gamit ang matutulis na bagay upang iukit ang mga

titik dito. Ito ay sinusulat ayon sa kung papaano ito pantigin, sa madaling sabi ito ay nasa anyong

pantigan. (https://philippineculturaleducation.com.ph/bayanihan-2/)

Ang panahon ng mga katutubo noon ay gumamit ng pasalitang paraan sa kanilang pagbabahagi

ng kanilang mga kwento at iba pang anyo ng panitikan kung kaya walang masyadong ebidensya

sa kanilang mga panulat. Nakagamit ang mga Pilipino ng papel noong panahon na ng mga

Kastila. Ilan sa mga naibahagi na mga kasulatan ay tungkol sa kanilang ari-arian at mayroon ding

kasulatan na tungkol sa titulo ng lupa na sinasabing nakalagak sa University of Santo Tomas.

Naging bahagi ang baybayin sa unang aklat na nailimbag dito sa Pilipinas noong 1593, ito ang

Doctrina Christiana na kinapapalooban ng mga dasal at aral ng Kristiyanismo. Pinag-aralan ng

mga prayle ang wika ng mga katutubo noon. Kanilang ginamit ang baybayin upang maging daan

ito sa pagkatuto ng wika ng mga Pilipino. (Morrow, P. Baybayin – The Ancient Script of the

Philippines).

Unti-unting nawala sa sistema ng mga Pilipino ang paggamit ng baybayin. Isa sa mga itunuturing

na dahilan ay ang pagpakilala ng mga Kastila sa kanilang alpabetong Romano sa ating mga

ninuno. (Santiago, Early Philippine Literature – www.ncca.gov.ph)

Ang pagkakaroon ng sistema ng panulat ay napakahalaga para sa isang bansa. Katulad ng

baybayin, ito ang siyang nagbigay ng pagkakakilanlan nating mga Pilipino at pagpapatunay na

mayroon nang kamalayan ang ating bansa bago pa man makarating dito ang mga dayuhan.

Sa kasalukuyang panahon, iilan lamang ang may kamalayan sa pag-iral ng baybayin noon.

Napakahalaga na maidalumat sa bawat mamamayan ang kaalaman tungkol sa sistema ng

2
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

pagsusulat ng mga ninuno dahil ito ang siyang tulay upang mas mabigyan ng sapat na pag-unawa

sa mga nakalipas na kaganapan ng/sa kasaysayan.

May mga panukalang batas ang inihain upang maging daan sa pagpapanatili, pagprotekta at

pangalagaan ang baybayin bilang bahagi ng kultural na yaman ng bansa. Kamakailan lamang

(2018) ay inaprobahan sa kongreso ang House Bill No. 1022 – ang “National Writing System

Act”. Kapag ito ay maisabatas ang mga locally produced na mga produkto ay naka-label sa

baybayin. May mandato rin na ang mga street sign, tanggapan ng pamahalaan at mga

pampublikong istruktura ay naisulat sa baybayin, gayundin ang mga pahayagan.

(https://www.congress.gov.ph/legisdocs/basic_17/HB01022.pdf). Ang mungkahing ito ay

umpisa pa lamang ng pamahalaan na palalimin pa ang pag-unawa sa isa sa tunay na yaman ng

Pilipinas.

Ang panukalang batas na ito ang siyang nagbigay daan sa mananaliksik upang isagawa ang pag-

aaral na ito. Nais ng mananaliksik na malaman ang saloobin ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa

muling pagbalik ng baybayin sa larangan ng edukasyon sa kasalukuyang panahon.

3
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa

baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat. Ang pananaliksik na ito ay sasagot sa mga

sumusunod na tanong.

1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pambansang sistema ng pagsulat?

2. Ano ang pananaw/saloobin ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa baybayin na pambansang

sistema ng pagsulat?

3. Ano-ano ang maidudulot ng pagbuhay muli ng baybayin sa mga mag-aaral ng henerasyon

ngayon?

4
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Batayang Teoritikal

Ang pag-aaral na ito ay ini-angkla sa teorya na Social Judgement Theory nina Carolyn Sherif,

Muzafer Sherif at Carl Hovland.

Ang teoryang ito ay tumutukoy sa kung paano tinatanggap ng isang indibiduwal o pangkat ng

mga tao ang paksa o sitwasyon sa pamamagitan ng pagbibigay interpretasyon sa mensahe.

Tinitignan kung sang-ayon o di sang-ayon sa natanggap na mensahe na nakasalig sa kanilang

paniniwala at ugali. Ipinapahayag din dito na maaaring hindi pumanig ang isang indibiduwal sa

ibang opinyon kahit na pareho o iisa ang direksyon.

5
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at makakatulong sa mga sumusunod.

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mabigyang linaw ang mga

mag-aaral sa pagbabalik ng baybayin na pambansang sistema ng pagsulat. Magdudulot ito ng

kahandaan sa mag-aaral na magamit ng maayos at mapanatili ang pambansang sistema ng

pagsulat hanggang sa susunod na henerasyon.

Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay magbibigay daan sa mga guro upang maging handa sa

hamon na dulot ng pagbabalik ng baybayin na pambansang sistema ng pagsulat.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay para sa mga susunod

pang mananaliksik na mag-aaral na may kaugnayan sa paksangtinalakay na siyang maaaring

magdulot ng karagdagang kaalaman sa mga mambabasa sa hinaharap.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay magiging gabay para sa mga

susunod pang mananaliksik na magsasagawa ng pag-aaral na may kaugnayan sa paksang

tinalakay. Ito ay maaaring magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga mambabasa sa hinaharap.

6
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa perspektibo ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa baybayin

bilang pambansang sistema ng pagsulat. Ang mga repondente sa pag-aaral na ito ay mga piling

mag-aaral na kumukuha ng kursong Education sa Silay Institute, Incorporated panuruang taon

2021-2022.

7
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Katuturan ng mga Termino

May mga termino at/o katawagan sa pag-aaral na ito na makakasalamuha na hindi pamilyar sa

mga mambabasa kung kaya ay binigyang katuturan ang mga ito gamit ang mga sangguniang

tulad ng diksyunaryo at aklat sa pagpapakahulugan ng mga sumusunod na salita.

Baybayin – tumutukoy sa sistema ng panulat na ginamit ng mga katutubong Pilipino bago pa

dumating ang mga mananakop sa Pilipinas.

Mag-aaral – ito ay tumutukoy ss indibidwal o pangkat ng mga tao na nag-aaral sa isang

institusyon o pamantasan.

Perspektibo – pananaw ng isang tao tungkol sa isang paksa

Sibilisado - tumutukoy sa antas o kalinangan ng isang komunidad o lipunan

Sistema ng Pagsulat – ito ay paraan ng pagsagisag sa mga simbolo gamit ang mga titik

8
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa iba’t – ibang pag-aaral at mga literatura na maaaring

maiugnay sa isinasagawang pananaliksik. Ang mga kaisipang nakapaloob ay makakatulong sa

pagbibigay ng linaw sa paksang tinalakay.

Ang sistema ng pagsulat ay isang mahalagang bahagi ng pag-unlad sa lipunan. Ito ang siyang

palatandaan ng kasaysayan. Malaki ang tulong na naaambag ng panulat sa mga pag-aaral na

isinasagawa ng mga historyador sa mga pangyayaring naganap noong unang panahon.

Ayon sa pag-aaral ni Bywater (2013), ang pagsulat ay may malaking papel sa lipunan, ang

pagkakaroon ng sistema ng pagsulat ay maaaring maghudyat ng pagiging sibilisado ng

komunidad. Hindi matatawag na “civilized” ang lipunan kung walang pagsulat na siyang

magpapatunay sa kalinangan ng mga mamamayan nito. Ang pagsulat ay kumalat sa buong

mundo mula sa pagkakaimbento nito, pagkakatuklas dito o kaya ay hinango at ipinakilala mula

ibang bansa ay ginagamit ng lahat sa pakikipagkomunikasyon, pag-imbak ng impormasyon,

pagpalaganap ng kaalaman at maraming pang iba.

Binanggit naman ni Palmer (2009), sa pamamagitan ng panulat, naipapahayag ng sangkatuhan

ang kanilang naisin gamit ang kanilang wika. Ang mga simbolong bumubuo dito ay itinuturing

na malaking tagumpay na nakamit ng sangkatauhan. Ang pag-unlad na naganap sa sistema ng

panulat sa isang lipunan ay likas bilang bahagi ng pagbabago ng komunidad. Naitatala ang mga

pangyayari sa kasaysayan sa pamamagitan ng panulat at nagpapahiwatig sa pagsulong ng lipunan

at ng buong daigdig.

9
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Tunay nga na may malaking papel sa lipunan ang sistema ng pagsulat. Ito ay nakatulong upang

maipabatid ang mga kaganapan ng sinaunang panahon sa kasalukuyan. Tulad ng bansang Egypt,

ang kanilang pagsulat na tinawag na heroglipiko (hieroglyphics) ay may malaking ambag sa

kabihasnan ng bansa. Ginamit nila ito upang maitala ang kanilang kasaysayan, paniniwala, mga

batas at iba pang may kaugnayan sa kanilang kultura. Kanila itong iniuukit sa mga pader ng

gusali, bato templo at estruktura. Ang mga ebidensyang ito ay nakatulong sa mga mananalaysay

at antropologo upang kanilang maibahagi ang naging kaganapan sa buhay ng mga mamamayan

at ang kaunlaran na natamasa ng bansa. (Celada, et al., 2018). Hindi matatawaran ang

kahalagahan ng panulat ng isang bansa. Ito ang siyang kumakatawan sa pangyayaring

kinasangkutan ng mga tao na siyang naglahad ng ginawa ng mga ito.

Maraming pang mga bansa ang nagpatunay na ang pagkakaroon ng panulat ay hudyat ng

pagkasiblisado ng mga mamamayan sa lipunan. Katulad sa bansang Pilipinas, batay sa pag-aaral

ni Paul Morrow na “Baybayin – The Ancient Script of the Philippines” taliwas sa kaalaman ng

nakararami, ang mga Pilipinong nakasalamuha ng mga Espanyol noon ay may maunlad na

kaisipan. Kanilang napansin na ang mga ito ay marunong bumasa at may panulat na tinawag na

baybayin. Sumusulat sila sa mga kawayan na karaniwan nilang ginagamit, sa mga dahon, mga

balat ng prutas at saha. Ang panulat nila ay matutulis na bagay. Gayunaman, sinasabing hindi

lang ang baybayin ang siyang ginagamit na panulat sa Pilipinas, may mga natagpuang mga

panulat sa ibang bahagi ng bansa maituturing na may kaugnayan sa baybayin . Ito ay tinawag na

“Surat Mangyan” mula sa tribo ng Hanunó’o-Mangyan at Buhid-Mangyan ng Mindoro.

Mayroon din na “Surat” mula sa tribo ng Tagbanua at Pala’wan ng Palawan na sa kasalukuyan

ay patuloy na nasa sistema ng mga grupong ito.

10
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Ayon sa pag-aaral ni Bayani Comandante ang baybayin ay kabilang sa Malayo-Polynesian

(Austronesian) na kumalat sa Timog-Silangang Asya. Maliban dito, marami pang mga pag-aaral

ang naglalahad ng iba’t ibang pinagmulan ng sinaunang sistema ng panulat. Binanggit ni

William Henry Scott na ang baybayin ay kabilang sa sinaunang albapeto ng mga taga Sumatra,

Java at Celebes (Buginese). Ginamit ang baybayin ng mga Tagalog, Bisaya, Tagbanuwa,

Hinunoo, Bikol, Pangasinense at Buhid bilang kanilang panulat. Laganap sa ilang bahagi ng

Pilipinasa ang paggamit ng baybayin, katulad sa naunang binanggit. Matutukoy dito na kinilala

ang baybayin sa kapuluan dahil na rin sa malawak na kagamitan nito sa ating bansa.

Tinukoy sa pag-aaral ni de Viana na mahalaga ang mga nakasulat na salita na siyang

makapaghatid ng ideya o kaisipan sa mga tao lalo na kung ang mga pinagmulan o ang

nagpahayag nito ay matagal ng wala. Ang mga impluwensya ng sistema ng pagsulat sa bansa ay

nagpapakita ng kaugnayan natin sa ibang bansa ng Timog-Silangang Asya lalong-lalo na ang

kalapit na bansang Malaysia. Ipinakita sa mga pag-aaral na bago pa man ang pagsapit ng mga

banyagang sumakop sa bansa ay may sistema na ng pagsulat dito sa atin, patunay na dyan ang

baybayin na kinikilala sa kasalukuyan.

Ang pag-aproba ng Committee on Basic Education and Culture sa House Bill 1022 o “National

Writing System Act” na pinanukala ni Rep. Leopoldo Bataoil ay simula pa lang sa pagsulong sa

pagpapahalaga at pagbibigay ng malalimang pansin sa ating kultura. Ang pagtaguyod nito ay

sinuportahan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ilan sa mga ito ay ang National Comission for

Culture and the Arts (NCCA), Kagawaran ng Edukasyon at ilang mga samahan na nagnanais na

buhayin ang baybayin.

11
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Tinukoy ni Robinson at Gadelii (2003) sa kanilang pag-aaral na mahalaga ang gampanin ng wika

sa kalakaran ng paghahatid ng kalidad na edukasyon. Ang mga bata sa paaralan at ang mga

nakatatanda ay binigyan ng pagkakataon na magamit ang kanilang wika upang makipag-ugnayan

sa lipunan at sa buong mundo sa pasalita o pasaulat na paraan. Sinasabing maraming mga

indigenous na pangkat ang hindi nabigyan ng ganitong pagkakataon dahil na rin sa wala silang

paraan ng pagsulat. Kanilang inilahad na ang wika ay ginagamit sa komunikasyon bilang

simbolo sa pagkakakilanlan ng kominudad at nagbibigay-daan ito sa pagpapahayag ng iba’t

ibang emosyon kung ito ay magagamit sa pasulat na paraan. Nagiging daan ito sa pagkakataon

ng paglinang ng pamantayan sa paraan ng pagsulat tungo sa pagkatuto.

Ayon kay Karan (1996), ang pagpaunlad o pagsasaayos ng isang umiiral na sistema ng pagsulat

ay isang proseso. Kinakailangan ito ng pagtanggap at kamalayan sa mga salik na makakatulong

sa pagsulong nito mula sa mga ahensya ng gobyerno, mga organisasyong pangwika at producers

ng print media. Ang pagpapakita ng pamahalaan ng bansa sa interes ng pagbuhay at pagbabalik

ng sinaunang pagsulat na baybayin ay unang hakbang upang maimulat ang mga mamamayang

Pilipino sa pagpapahalaga at pagpapanatili ng ating kultura.

Sabi nga ni Virgilio Almario “Higit na lalaya at lulusog ang ating pananaw sa ating sarili kapag

ibinukas natin ang ating sarili sa iba’t ibang perspektiba ng oryentasyong pangkultura at kapag

higit nating pinagbuhusan ng tiyaga ang pagtitig sa natitira’t pira-pirasong gunita ng ating

katutubo’t sinaunang sarili. Ang Baybayin ang isang dakilang halimbawa sa nakapagsasariling

katangian ng wika at kulturang Filipino.”

12
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

KABANATA 3

Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng disenyo at pamamaraan sa pangangalap ng datos. Nais ng

ng mananaliksik na maipahayag at maipaliwanga ang paraang ginamit upang mabigyang

katuparan ang layunin ng pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa perspektibo ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa baybayin bilang

pambansang sistema ng pagsulat. Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan

bilang disenyo ng pag-aaral na ito. Sa disenyong ito, tanging ilalarawan ang pananaw/saloobin

ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa baybayin pambansang sistema ng pagsulat.

Lugar ng Pananaliksik

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Silay Institute, Incorporated sa lungsod ng Silay, lalawigan ng

Negros Occidental. Ang Silay Institute ay isang pribadong paaralan para sa Junior High, Senior

High at Kolehiyo.

Mga Tagatugon

Ang mga napiling tumugon sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng

kursong Education. Ang mananaliksk ay nagsagawa ng pakikipanayam sa mga nasabing mga

tagatugon.

13
Perspektibo ng mga Mag-aaral sa Kolehiyo sa Baybayin bilang Pambansang Sistema ng Pagsulat

Instrumento ng Pananaliksik

Ang ginamit na instrumento sa pananaliksik na ito ay malalimang pakikipanayam at focus group

discussion sa mga respondent. Gumamit ang mananaliksik ng interview guide questionnaire sa

pangangalap ng kasagutan mula sa mga respondent.

14

You might also like