You are on page 1of 24

KAHALAGAHAN NA MAITURO SA MGA MAG-AARAL SA

MATAAS NA PAARALAN ANG BAYBAYIN

Mga Mananaliksik:
John Matthew D. Talamayan
Isaias Ren P. Turgo

Baitang 11 – Pangkat Capernaum

Oktubre 22, 2018


INTRODUKSYON

Ang bawat bansa, ang bawat kultura, at ang bawat lugar ay mayroong kani-kaniyang

pagkakakilanlan. Mayroong sariling pamamaraan ng pamumuhay, mayroong sariling mga

paniniwala, mayroong sariling paraan ng pagkatuto, at mayroong sariling paraan ng pagbabasa at

pagsusulat. Ang baybayin na kilala rin sa tawag na “alibata” ay ang pinaniniwalaang

pinakalumang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa

ay sinasabing ginagamit na ang baybayin. Ayon sa ibang mga tala, ang baybayin ay nagmula

lamang sa sistema ng pagsulat ng Saudi Arabia na nagmula sa pamilyang Abugida. Ngunit ayon

naman sa ilang mga artifacts na nahukay sa bansa tulad ng mga Manunggul Jars, Angono

Petroglyphs, at Laguna Copperplate Inscription ay nais nitong suportahan ang ideya na ang

Baybayin ay likas sa bansa.

Ang mga bansang katulad ng Vietnam, Malaysia, Indonesia, Japan, at Korea, na mga

karatig-bansa ng Pilipinas, ay ginagamit ang kanilang sariling sistema ng pagsulat. Sa Vietnam

ay Vietnamese Alphabet, sa Malaysia at Indonesia ay Malay Alphabet, sa Japan ay Hiragana at

Katakana, at sa Korea ay Hangul. Kaya, naisip ng mga mananaliksik na gawin ang pag-aaral na

ito upang mapayabong ang sariling kultura ng bansa.

Sa panahong kasalukuyan, mas malawak na ang kaalaman ng mga kabataan, lalong-lalo

na ang mga nasa Mataas na Paaralan, sapagkat, nasa hustong pag-iisip na sila. Kaya, naisip ng

mga mananaliksik na sa mga mag-aaral sa Mataas na Paraalan maituro ang sistema ng baybayin.
KABANATA I

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na isinagawa ng mga mananaliksik na may paksang “Kahalagahan

na Maituro sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang Baybayin” ay naglalayon na

sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang Baybayin?

2. Anu-ano ang mga mabubuting dulot ng pagkakaroon ng kaalaman sa Baybayin?

3. Bakit sa mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan maituro ang Baybayin?

4. Ano ang kahalagahan na ang isang bansa ay mayroong sariling sistema ng pagsulat?

5. Bakit dapat ang Baybayin ang maituro na sistema ng pagsulat kaysa iba pang mga

sistema ng pagsulat?

6. Iba pang mga katanungan.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

Ang baybayin ay bahagi lamang ng isang makabuluhang kasaysayan sa bansa. Sa kabila

ng ideyang maaaring ito ay talagang likas sa bansa dahil sa mga makasaysayang patunay na

nagbibigay ng kaugnayan sa baybayin ay hindi naman ito ginagamit o


pinapakinabangan. Tanging ilang tao o grupo na lamang ang nagbibigay ng halaga rito kung saan

nagbabahagi sila ng mga kaalaman ukol dito, mga pag-aaral at kung anu-ano pa. Kaya naman

bilang isang mananaliksik, ay nararapat lamang na makibahagi sa naturang usapin tungkol sa

baybayin.

Naisipang bumuo ng mga mananaliksik sa paksang ito ng pag-aaral tungkol sa

kahalagahan na maituro ang baybayin upang mabigyan ng pansin ang isa sa bahagi ng kultura ng

bansa na hindi nagagamit at napapakinabangan. Ang mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang

mga kinuhang respondente sapagkat sila ang mahalaga na maturuan ng baybayin. Sa kanilang

mga sagot, malalaman kung mahalaga na matutunan ang baybayin.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga katulad na literatura o pag-aaral na maaaring sang-

ayunan o pasubalian ang isinasagawang pananaliksik. Ilalagay ang mga ito upang magbigay-

tulong at linaw sa isinasagawang pag-aaral.

Nabanggit sa isang pag-aaral ni Paul Grosswiler sa “Dispelling the Alphabet Effect” na

kung ang wika raw ay walang salita para sa ideya, ang ideya ay hindi mabubuo sa isipan, kaya

naman laging tinutumbasan ng wika ang pangangailangan ng mga mananalita (Bodde, 1991).

Makikitang sinasang-ayunan nito ang pagbibigay ng mungkahing pagbabago sa baybayin upang

umangkop sa modernong panahon na siyang kinabibilangan ng mga taong gagamit nito.

Ayon pa sa “Sa Pagbabanyuhay ng Sariling Pambansang Baybayin: Ang Wikang Filipino

sa ika-21 Siglo” ang Baybayin ay maaaring modernisahin at iangkop sa kasalukuyang sistema ng

pagsulat (Cardenas, 2000). Tunay ngang hindi hadlang ang mga pagbabago upang ipagpatuloy

ang baybayin. Bagkus ay nakikita pa nating, bagama’t mayroong mga kailangang isaalang-alang

sa pagbuhay muli ng baybayin ay paniguradong may makakamit tayong kagandahan dito.

Isa pa sa mga pag-aaral na nakalap na siyang isinagawa ng Silent Gardens, ang


wikang panulat daw ay isa sa mahahalagang bagay upang mapalapit sa kultura. Ang Rosetta

Stone na nagbigay daan upang maintindihan ang hieroglyphics ay isa sa mga patunay sa teoryang

ito. Kaya naman, kung ang baybayin ang gagamitin ay kadikit din nito ang pag-unlad.

Sa pahayag ni Palmer (2009), sa pamamagitan ng panulat, ang mahahalagang pangyayari

sa buong daigdig ay naitala sa kanilang kultura. Ang pagpapaunlad ng panulat sa kasaysayan ng

isang lipunan ay nagpapakita ng pagyabong sa pamamagitan ng pagbabago hindi lamang parang

sa lipunan kundi para sa sangkatauhan.

Ayon naman kay Daniels (1996), ang wika ay likas na produkto ng isipan ng tao,

samantalang ang panulat ay ang maselang produkto ng talino ng tao. Ang wika ay patuloy na

umuunlad at nagbabago ng walang pakikialam ng tagapagsalita, ngunit ang panulat ay maaaring

manatili o magbago o maayon o mahalaw sa kagustuhan ninuman.

Habang, ayon kay Ding Xinghua sa kaniyang aklat na Cognitive Power Of Chinese

Characters And Their Influence On Ancient Chinese Science And Technology, ay makikitang

nakaugat ang kultura at daloy ng pag-iisip ng isang bansa sa pagkakabuo ng sistema ng panulat

nito. Sinabi rin niya na ang ilan sa mga iskolar na sina Logan (1986) at McLuhan (1964), ay

pinag-aralan ang epekto ng panulat sa paraan ng pag-iisip, at umayon na ang sistema ng panulat

ay isang mahalagang puwersa na humuhubog sa kaisipan ng gumagamit nito.

Ayon pa kay Rudgley (1999), ang panulat ay isa sa mga pangunahing katangian ng isang

lipunan na sibilisado. Kaya naman masasabi nating nangangailangan na ng


pagbabago. Hahayaan ba nating ang paraan ng panulat na siyang nagbibigay sa atin ng kaunlaran

ay hindi naman taal sa atin. Kung ano man ang ating mga natatamo sa ngayon, ay maaaring

mahigitan pa kung Baybayin ang gagamitin. Sa aspektong kultural ay masasabi nating angkop

ang mungkahing baybayin.


KABANATA III

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ng pag-aaral na ito ay mayroong mga layunin sa pagsasagawa ng

mga pag-aaral. Narito ang ilan sa mga layunin na pinagbatayan ng mga mananaliksik sa

pagsasagawa ng pag-aaral:

 Alamin ang ibig-sabihin ng Baybayin.

 Tukuyin ang mga mabubuting dulot ng pagkakaroon ng kaalaman sa Baybayin.

 Alamin ang dahilan kung bakit sa mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan dapat maituro

ang Baybayin.

 Alamin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang bansa ng sariling sistema ng pagsulat.

 Ipakita na higit sa ibang mga sistema ng pagsulat ay ang Baybayin ang dapat maituro sa

mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan.

 At iba pang mga layunin.


KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito na isinasagawa ng mga mananaliksik ay makatutulong upang

malaman kung tanggap ang mungkahing baybayin bilang estandardisadong panulat sa baybayin.

Bukod pa rito ay makakatulong ito sa mga sumusunod:

Sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino. Kapag nalaman ng mga mananaliksik kung tanggap

ba ng mga respondente ang mungkahing pagtuturo ng baybayin ay makatutulong ito sa kanila

upang gamiting saligan sa pagpapatuloy na pagpapagamit ng naturang mungkahi.

Sa mga nagtataguyod ng Baybayin. Makatutulong sa kanila upang magpaunlad pa ng mga

kapaki-pakinabang na iskrip ng Baybayin na aangkop sa daynamikong pangangailangan nito.

Sa mga Paaralan. Sa pamamagitan ng isinasagawang pananaliksik na ito ay malalaman nila na

mahalaga na maisali sa mga itinuturo sa mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang kaalaman

tungkol sa Baybayin.

Sa mga mag-aaral. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay makatutulong ito sa kanila upang

maging mulat at nalalaman nila ang kasaysayan at sistema ng orihinal na pagsulat ng ating bansa

na ito ay ang Baybayin.

Sa mga magulang. Malalaman nila kung dapat ba nilang suportahan o isulong ang ginagawang

pag-aaral ng mga mananaliksik at ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan na


gagamit ng mungkahing Baybayin bilang sa pamilya nagsisimula ang mga mag-aaral na papasok

sa mga institusyon.

Sa mga guro. Sa tulong ng pananaliksik na ito na isinasagawa ng mga mananaliksik, malalaman

din nila kung nararapat bang ituro ang Baybayin sa mga mag-aaral sa mga mag-aaral sa Mataas

na Paaralan at kung hindi ba ito magbibigay ng pagkalito sa kanila, bagkus ay ganap ng

pagkatuto.
KABANATA IV

TEORITIKAL NA BALANGKAS

Upang ang isinasagawang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay maging

makatotohanan at magkaroon ng sapat na saligan ay narito ang teoryang ginamit upang

mabigyang-halaga ang mga nakalap na datos:

Ayon kina Carolyn Sherif, Muzafer Sherif, at Carl Hovland, tumatalakay ang teoryang ito

sa kognitibong pananaw kung paano tatanggapin ng isang tao ang sitwasyon. Ipinapakita ng

teoryang ito ang paraan o kung paano naipapakita at hinuhusgahan ang isang bagay. Nangyayari

ito kung ang isang tao ay nagkukumpara at pumipili ng kaniyang nais. Inilalarawan din nito kung

paano nagkakaiba ang sariling opinyon sa ibang mga opinyon. Bukod pa rito, ipinapakita rin

kung ano sa tingin nila ang katanggap-tanggap o hindi katanggap-tanggap mula sa pagtingin ng

ibang tao. Ibig sabihin nito na ang isang tao ay hindi maaaring hindi pumanig sa ibang opinyon

kahit pa iisa lamang sila ng direksyon.

METODO

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey sa paglikom at pagkalap ng mga datos.

Ang sarbey ay para malaman kung alam ng mga respondente ang tungkol sa
Baybayin. Ang mga respondente ay mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan. Mula sa ika-7

hanggang sa ika-12 baitang. Ang mga tanong na ginamit sa talatanungan ay nasuring lahat at

naiwasto kung mayroong mga pagkakamali.

INSTRUMENTONG GINAMIT SA PAG-AARAL

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Talatanungan sa pagsasagawa ng sarbey para sa

mga datos na gagamitin para sa saliksik. Ang mga katanungan na ginamit sa pagsasarbey ay

balido at nasuri. At pagkatapos na masagutan ng lahat ng mga respondente ang talatanungan,

kinuhanan ng bahagdan ng mga mananaliksik ang bilang ng mga respondente at ang mga

kasagutan sa bawat katanungan. Gumamit ang mga mananaliksik ng tsart upang ipakita ang

tabyulasyon ng mga datos.


Tabyulasyon ng mga Datos

Ang mga ipapakita na mga datos ay ang mga resulta ng isinagawang pagsasarbey ng mga

mananaliksik. Ang mga datos ay na-compute na maayos at nasuring mabuti.

Sa pagkuha ng resulta ng mga datos ay gumamit ang mga mananaliksik ng

Pagbabahagdan. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng equation na:

% = f__ ● 100
x
f = Bilang ng sagot / Bilang ng respondente kada baiting

x = Bilang ng sumagot / Kabuuang bilang ng mga respondente

Ang unang datos ay ang bilang ng mga respondente na sinarbey ng mga mananaliksik.

Narito ang mga datos:

Kabuuang bilang ng mga Respondente = 30 katao

Mga Baitang ng mga Respondente Bahagdan


Ika-7 Baitang 13%
Ika-8 Baitang 17%
Ika-9 Baitang 7%
Ika-10 Baitang 20%
Ika-11 Baitang 23%
Ika-12 Baitang 20%
Kabuuan 100%

Ang mga susunod na mga datos ay ang mga naging kasagutan ng mga respondente sa

talatanungan:
1. Mayroon bang kaalaman ang mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan patungkol sa
Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Mayroon 57%
Wala 40%
Ibang Sagot 3%
Kabuuan 100%
Kung makikita natin sa tsart, mas marami ang nakakaalam patungkol sa Baybayin.

Samakatuwid, hindi lingid sa kaalaman ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang patungkol

sa Baybayin.

2. Alam ba ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang katumbas ng mga Alpabetong

Latino o Romano (kasalukuyan nating ginagamit) sa Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Alam 17%
Hindi Alam 70%
Ibang Sagot 13%
Kabuuan 100%
Kung mapapansin natin, gayon mang marami ang nakakaalam ng patungkol sa Baybayin,

kaunti lamang nakakaalam ng katumbas ng ginagamit nating alpabeto sa kasalukuyan sa

Baybayin.

3. Marunong ba ang mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan na magsulat gamit ang

Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Marunong 10%
Hindi Marunong 67%
Ibang Sagot 23%
Kabuuan 100%
Makikita natin sa tsart na kaunti lamang ang marunong sa pagsulat, pagbasa, at paggamit

ng Baybayin.
4. Alam ba ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang kasaysayan ng Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Alam 30%
Hindi Alam 67%
Ibang Sagot 3%
Kabuuan 100%
Kung mapapansin natin, mas marami ang hindi nakakaalam ng kasaysayan ng Baybayin

kumpara sa nakakaalam nito. Kaya, mahalaga talaga na maituro sa mga mag-aaral sa Mataas na

Paaralan ang patungkol sa Baybayin. Sa susunod na katanungan ay malalaman natin kung saan

nalaman ng 30% na sumagot ng Alam ang kasaysayan ng Baybayin.

Saan nalaman ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan na sumagot ng Alam ang

kasaysayan ng Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Sa paaralan 100%
Kabuuan 100%
Samakatwid, sa Paaralan higit na natutunan ng lahat ng nakakaalam ng kasaysayan ng

Baybayin ang tungkol dito.

5. Alam ba ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ang kahulugan ng ibinigay na isang

salitang Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Alam 23%
Hindi Alam 77%
Kabuuan 100%
Kung makikita natin sa tsart, ang ibinigay ng mananaliksik na salitang halaw sa Baybayin

ay kaunti lamang ang nakakaalam. Sa susunod na tanong ay makikita natin kung sa mga

nakakaalam ng sagot ay tama o mali ang kanilang sagot.


Tama ba ang sagot ng mga mag-aaral na nakakaalam ng ibinigay na salitang halaw sa

Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Tama 29%
Mali 71%
Kabuuan 100%
Kung mapapansin natin na kahit sinabi ng ilang mag-aaral na alam nila ang sagot sa

“MAHAL KITA” na halaw sa Baybayin ay kaunti lamang ang nakasagot ng tama.

6. Sa tingin ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan, mahalaga ba na matutunan nila ang

Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Mahalaga 93%
Hindi Mahalaga 7%
Kabuuan 100%
Kung makikita natin sa tsart, kahit na matagal ng panahon na ginamit ang Baybayin ay

mahalaga pa rin para sa mga mag-aaral ang matuto ng tungkol sa Baybayin. Sa susunod na

katanungan, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Baybayin para sa mga mag-aaral.

Bakit mahalaga para sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan na matuto ng Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


Bahagi ang Baybayin ng ating 50%
kultura (kasaysayan, bansa)
Para magkaroon ng kaalaman 23%
patungkol sa Baybayin
Ibang Sagot 27%
Kabuuan 100%
Kung mapapasin natin sa itaas, marami sa mag-aaral ang nagsabing bahagi ang Baybayin

ng kultura ng bansa kaya mahalaga itong matutunan ng mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan.

Ang iba naman ay nais lang magkaroon ng kaalaman patungkol sa Baybayin.


7. Dapat ba na magkaroon na rin ang Pilipinas ng kaalaman sa sariling sistema ng pagsulat

na ito ay ang Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


OO 90%
Hindi 10%
Kabuuan 100%
Sa itaas ay mapapansin natin na halos lahat ng mag-aaral ang nagnanais na magkaroon na

rin ang Pilipinas ng kaalaman sa sariling sistema ng pagsulat na ito ang Baybayin.

8. Nais ba ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan na matutunan ang Baybayin?

Mga Kasagutan Bahagdan


OO 97%
Ibang Sagot 3%
Kabuuan 100%
Sa tsart sa itaas makikita natin na halos lahat ng respondente ay nagnanais na matutunan

nila ang tungkol sa Baybayin.

Kaya sa kabuuan, kahit na ang mga kabataan lalo na ang mga mag-aaral sa Mataas na

Paaralan ay nasa makabagong panahon na, interesado pa rin sila sa kultura at kasaysayan ng

ating bansa. Karagdagan pa, marami na ring mga nasa hanay ng mag-aaral ang mas lalong

nagiging maalam patungkol sa kasaysayan ng bansa, kaya, ninanais na rin ng iba na matuto ng

patungkol sa Baybayin. Sa pagsasarbey ng mga mananaliksik, ilan sa mga respondente ang

nagpakitang lubos na interes patungkol sa Baybayin.


KABANATA V

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral sa Mataas na Paaralan,

mula ika-7 baitang hanggang ika-12 baitang. Ang kabuuang respondente na may bilang na 30

mag-aaral ay mula sa iba’t ibang paaralan sa Lungsod ng Quezon. Ang mga mag-aaral ang

magiging kalahok sa pagbibigay ng tugon sa kahalagahan na maituro ang Baybayin sa mga mag-

aaral sa Mataas na Paaralan. Ang mga talatanungan na ibibigay sa kanila ay sasagutin nila nang

buong katapatan para makakuha ang mga mananaliksik ng tapat at balidong mga datos.

DALOY NG PAG-AARAL

Sa Unang Kabanata ay natalakay at inisa-isa ang mga suliranin sa isinasagawang pag-

aaral at ang kasaysayan ng Baybayin. Sa Ikalawang Kabanata ay natalakay ang iba pang mga

pag-aaral na isinagawa hinggil sa paksa ng pananaliksik. Sa Ikatlong Kabanata ay inisa-isa ang

mga layunin sa pagsasagawa ng mga pag-aaral at ibinigay ang kahalagahan sa bawat indibidwal

ng paksa ng pananaliksik. Sa Ikaapat na Kabanata ay inilahad at ipinaliwanag ang mga datos

ukol sa paksa. At sa Huling Kabanata ay natalakay ang mga


sakop ng paksa ng pananaliksik at hangganan ng pag-aaral. Ito ang pag-aaral na pananaliksik na

tungkol sa “Kahalagahan ng Pagtuturo sa mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Baybayin.”


BIBLIYOGRAPIYA

 Mga Aklat

Ballaran, Jonnie L. Katanggapan ng Baybaying PUP (Panulat ng Unang Pilipino) sa

mga Guro sa Mataas na Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng Naga,

Camarines Sur, Taong Panuruan 2015-2016. Manila, Philippines: Politeknikong

Unibersidad ng Pilipinas, Marso 2016

De Castro, Pedro Andres. Baybayin: Ortograpiya at mga Tuntunin sa Pagsulat sa

Wikang Tagalog. 2014

Monforte, Janine. Kabanata I Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

Santos, Hector. The Tagalog Script. July 28, 1998

Santos, Hector. Sulat sa Tanso: The Laguna Copperplate Inscription. July 28, 1999

Morrow, Paul. Baybayin – Ang Lumang Sulat ng Filipinas. 2002

Comandante, Bonifacio. Baybayin Dance: Script Forms Through Time (Sining at Agham

Palapantigan). 2010

Comandante, Bonifacio. Ancient Baybayin: Early Mother-Tongue Based Education

Model. Cagayan de Oro City, Philippines: Capitol University, 2010

Kabuay, Krsitian. Baybayin History. 2009

Grosswiler, Paul. Dispelling The Alphabet Effect, Vol. 29 No. 2. Orono, Maine, USA:

University of Maine, 2009

Palmer, Kendra A. Writing: A Necessary Undertaking in Advanced Society, Vol. 1

No. 12. Pittsburgh, Pennsylvania, USA: Chatham University, 2009


Xinghua, Ding. Cognitive Power of Chinese Characters And Their Influence On Ancient

Chinese Science And Technology.

 Internet

Andres, Jason B. Ang Baybayin. <http://ccat.sas.upenn.edu/tagalog/alibata.html>

Meyer, Eric. Ang Kasaysayan ng Paggamit ng Baybayin sa Pilipinas.

<https://uclaliwanagatdilim2016.wordpress.com/2016/04/08/ang-kasaysayan-ng-

paggamit-ng-baybayin-sa-pilipinas/>

Ebreo, Elvin R. Baybayin: Ortograpiya At Mga Tuntunin Sa Pagsulat Sa Wikang

Tagalog. <http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/04/Baybayin.pdf>

Ananymous. Baybayin Buhayin. <http://baybayinbuhayin.blogspot.com/p/about-

baybayin-buhayin.html>

Sadia, Winona S. Muling Paggamit Ng Baybayin, Dapat Bang Pag-ibayuhin?. Agosto

31, 2017. <https://varsitarian.net/filipino/20170831/muling-paggamit-ng-

baybayin-dapat-bang-pag-ibayuhin>

Yanoria, Luigene. It’s time to use PH’s ethnic alphabet Baybayin, says Legarda.

Nobyembre 26, 2014. <https://ph.news.yahoo.com/it-s-time-to-use-ph-s-ethnic-

alphabet-baybayin--urges-legarda-123917325.html>

Burce, Jeanny. Pag-aaral ng Baybayin. Enero 22, 2013.

<https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/01/22/pagaaral-ng-baybayin/>
PROFILE NG MANANALIKSIK

Isaias Ren P. Turgo


Block 26 Lot 12 Gillian Hills, Llano Road, Caloocan City
09566103521
turgoisaiascem@gmail.com

PERSONAL INFORMATION

Birthdate November 15, 2002


Birthplace Caloocan City
Age 15
Religion Iglesia Ni Cristo
Civil Status Single

EDUCATIONAL BACKGROUND
Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) School For Ministers
Grade11
2014-Present

Llano Elementary School


Llano Road, Caloocan City
2011-2014

Gregoria de Jesus Elementary School


Grace Park, Caloocan City
2008-2011
PROFILE NG MANANALIKSIK

John Matthew D. Talamayan


22 Providencia Street, Zone 2, Signal Village, Taguig City
09994145621
jm_talamayan@gmail.com

PERSONAL INFORMATION

Birthdate October 20, 2002


Birthplace Worthing, West Sussex, England, United Kingdom
Age 16
Religion Iglesia Ni Cristo
Civil Status Single

EDUCATIONAL BACKGROUND
Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) School For Ministers
Grade11
2014-Present

Downsbrook Middle School


Dominion Road, Worthing BN14 8GD, United Kingdom
2011-2014

Whytemead Primary School


Dominion Road, Worthing BN14 8LH, United Kingdom

You might also like