You are on page 1of 10

Jose Rizal High School

Gov. Pascual Ave., Malabon City

KATANGGAPAN NG MGA HUMANISTANG MAG-AARAL MULA BAITANG


LABING-ISA NG AUJRHS SA PAGMOMODERNISA NG BAYBAYIN BILANG
PAMBANSANG SISTEMA NG PANULAT NG PILIPINAS

Ang Pananaliksik na ito ay ipinasa nina:


Banguis, Jason
Belandres, Andrea Mae
Cabato, Kent Regil
Caduhay, Randiel
Capatan, Cristine
De Vera, Mylene
Faustino, Andrea
Ferrer, Patrick
Gozon, John Lorence
Labrador, Catherine
Larong, Jeralyn Joy
Marinas, Renalyn Mae
Quiambao, Melanie Joy
Siarot, Adriel
2020

Kay :
Bb. Jennilyn Desabille
KABANATA 1
ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Sa panahon ngayon, maraming Pilipinong nais ibalik ang kulturang

kinagisnan noon. Mula sa paniniwala, sa kasuotan, sa paraan ng pagsasalita at maging

sa pamamaraan ng pagsulat. Halimbawa na dito ang muling pagsasabuhay sa

paggamit ng Baybayin, isa itong sistema ng panulat ng mga ninuno. Marami ang

nagsasabi na bago pa masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ay mayroon nang

Baybayin. Ayon din sa ilang mananaliksik, ito ay nagmula sa sistema ng panulat ng

Saudi Arabia na nagmula sa pamilyang Abugida.Ngunit dahil sa ilang mga artifacts na

natagpuan sa bansa, ito ang naging suporta upang magkaroon ng ideya na ang

Baybayin ay mula sa Pilipinas(Ballaran, 2016).

Ang baybayin ay ang pinakalumang sistema ng panulat kung saan sinusulat

ito sa pasilabikong pamamaraan. Ang ilang mga karatig-bansa ng Pilipinas ay ginagamit

ang kanilang sariling sistema ng panulat, halimbawa nito ay ang bansang Korea,

Tsina,Thailand at iba pa(Ballaran, 2016). Kung kaya't nagsulong ng panukalang batas si

Rep. Leopoldo Bataoil, ang Housebill 1022 o ang "National Writing System Act" na

pinoproklama na ang Baybayin ang Baybayin ang magiging pamabansang sistema ng

panulat ng Pilipinas. Nakasaad sa panukalang batas na ito na magiging instrumento

ang Baybayin upang mabalik ang importansya ng pagpapanatili ng kultura ng bansa.


Sa panahon ngayon, marami ang nakakainteres sa paggamit ng Baybayin.

Halimbawa nalang ang pagpapa-tattoo gamit ang mga letra ng Baybayin, sa

pagpapatatak ng mga damit, sa mga "logo" ng iba't ibang establisyamento at sa

gobyerno at iba pa. Lalo pa't nagiging intant na ang pag-aaral ng Baybayin dahil sa

Social Media ngunit aminin man natin sa hindi, hindi madali ang pagpapasa ng

panukalang batas na ito lalo pa't nasa modernong panahon na.

Kaya naman isinagawa ng mananaliksik ang pag-aaral na ito upang masagot

ang mga katanungang may kinalaman sa Baybayin at muli nitong pagpapagamit sa

Pilipinas bilang pambansang sistema ng panulat. Sa muli nitong pagpapapagamit ay

matanggap pa kaya ito ng mga kabataang nasa kasalukuyang panahon? Kung hindi,

ano ang mga dapat gawin upang maging katanggap-tanggap ang Baybayin bilang

sistema ng pagsulat sa Pilipinas?

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Upang maging makatotohanan at may sapat na saligan ang isinasagawang

pananaliksik ay narito ang mga teoryang ginamit upang mabigyang-halaga ang mga

nakalap na datos:

Ayon kay Abraham Maslow(1943), ipinaliwanag nya sa kanyang hiyerarkiya ng

pangangailanganng isang teorya sa sikolohiya na “A theory of Human Motivation”na

nagbabago ang mga pangangailangan at kagustuhan ng isang tao. Hindi sila

nakukuntento sa kung ang ano ang mayroon sa kanila sa ngayon. Ang teoryang ito ni
Maslow ay nagkaroon nang malaking epekto sa pag-aaral ng ugali ng isang tao na

kinakailangang malaman ng bawat isa. Halimbawadito ang sistema ng panulat, kung

dati ay Baybayin ang sistema ng pamamaraan ng panulat ng ating mga ninuno, ngayon

ay ang Latin Scripts ngunit dahil sa pagmamahal ng ilang mga Pilipino sa kultura,

ninanais nila itong maibalik at baguhin upang mas mapanatili ang pagmamahal ng mga

Pilipino sa sariling kultura at upang maisabuhay ang pagiging isang nasyonalismo.

Ayon naman kina Lavenda at Schultz (2007, p.49) sa teoryang socialization, ang

pakikihalubilo o pakikisalamuha ay pagtanggap ng kulturang taliwas sa nakagawian

hanggang sa kusang natututunan ito ng isang ndibidwal. Dito nagsisimula ang

tinatawag na pagbabago, pagkawala o pagkalusaw ng isang kultura. Katulad nang

pagkakaroon ng Housebill 1022, na ang layunin ay gawing pambansang sistema ng

panulat ng Pilipinas ang baybayin. Masasalamin mo dito ang pagsisimula ng pagbabalik

ng pagkabuhay ng kulturang nakalilimutan sa paglipas ng panahon. Kapag naipasa ang

batas na ito at masang-ayunan nng nakararami, matututong muli ang mga Pilipino na

mahalin ang sariling kultura at mapagyayabong ang pagiging nasyonalismo ng bawat

isa.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ihahambing ng mga mananaliksik kung ano ang kaibahan ng lumang

Baybayin sa Modernong baybayin sa pamamaraan ng pagsulat nito. Pagkatapos nito ay


hihingiin na ng mga mananaliksik ang katanggapan ng mga mag-aaral na Humanista sa

pagmomodernisa ng Baybayin bilang pambansang sistema ng panulat ng Pilipinas.

Lumang pagsulat Baybayin o ang


nakagawiang Sistema ng pagsulat Modernong pagsulat ng Baybayin
ng Baybayin

Katanggapan ng mga mag- aaral na


Humanista ng AUJRHS

PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Bago matapos ang pananaliksik na ito ay inaasahang masagot ang mga

sumusunod na katanungan:
1) Propayl ng mga piling mag-aaral na Humanista mula sa baitang 11 ng AUJRHS

1.1 Pangalan

1.2 Edad

2) Paano tatanggapin ng mga estudyanteng Humanista ang mungkahing

pagmomodernisa ng Baybayin bilang pambansang sistema ng panulat ng Pilipinas

sang-ayon sa mga sumusunod na kraytirya:

a) Kultural

b) Edukasyonal

c) Ekonomikal

3) Ano ang naging mungkahi ng mga mag-aaral na Humanista upang mas mapagtibay

ang panukalang batas bilang 7022 o ang "National Writing System Act"?

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa ilang mga mag-aaral na

Humanista mula baitang 11 sa Unibersidad ng Arellano Kampus ng Jose Rizal kung

saan may kabuuang bilang na 90 respondente. Ang mga napiling kalahok ang siyang

magbibigay ng kanilang tugon sa katanggapan ng panukalang batas 7022 o ang

"National Writing System Act".


KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy sa pagtanggap ng mga mag-aaral na

Humanista ng AUJRHS sa makabagong sistema na panulat ng mga Pilipino.

Makatutulong ang pananaliksik na ito sa mga sumusunod:

SA MGA NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO

Kapag nalaman ng mananaliksik kung tanggap ba ng mga respondente ang

tungkol sa makabagong sistema na panulat ng mga pilipino na baybayin ay

makatutulong ito upang magbalik ang mukahi ng baybayin.

SA MGA NAGTATAGUYOD NG BAYBAYIN

Makatutulong sa kanila upang mas maitaguyod nila ang Baybayin at magbalik

mungkahi nila na magamit ito.

SA MGA PAARALAN

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maraming matututo sa paggamit ng

baybayin kung maisasama ito sa kurikulum ng paaralan.

SA MAGULANG

Ma-aapply nila ito sa kanilang sarili at maari na din itong ituro sa kanilang mga

anak ng sa gayon ay muling magamit ang baybayin sa atin na iilan na lamang ang

gumagamit.
SA MGA GURO

Sa tulong ng pananaliksik na ito ay malalaman rin ng guro ang tamang paggamit

ng Baybayin. Maituturo sa mga mag-aaral ang wastong pagsulat ng Baybayin nang sa

gayon ay hindi sila malito at maging daan ito upang sila ay matuto.

DEPINISYON NG MGA TERMINO

Alibata- isang paraan ng pagsulat ng mga katutubo. Ito ay binubuo ng labimpitong titik

na may labing - apat na katinig at tatlong patinig.

Artifacts (Artipakto)- isang bagay na nakuha na nanggaling pa noong unang panahon at

ginagawa, hinubog at / o ginamit ng kultura ng tao.

Baybayin - ito ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga pilipino.

Iskrip- nagtataglagay o naglalaman ng mga porma ng sulat.

Kurikulum- larangan sa loob ng edukasyon na naglalayong makapanaliksik,

makapagpaunlad at makapagpatupad ng mga pagbabago sa kurikulum na

nakapagpapataas ng mga naggawa o nakakamit ng mga mag aaral sa loob at labas ng

paaralan.

Modernisahin- i angkop sa modernong panahon.

Pagbaybay- ay ang pagsusulat ng salita o nga salita sa pagmamagitan ng lahat ng


kinakailangan ng letra sa tama nitong pagkakasunod-sunod.
Sibilaryo- pagbaybay ayon sa patinig ng salita.
KABANATA 2
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Sa kabanatang ito ay ilalahad ang mga kaugnay na literature at pag-aaral na
susuporta upang maging katanggap tanggap ang isinasagawang pananaliksik.

KAUGNAY NA PAG-AARAL
LOKAL
Ayon sa artikulo ni Jeanny Burce(2013) na pinamagatang “Pagkapilipino at
Kultura: Pag-aaral ng Baybayin,” madali lamang aralin ang paggamit ng Baybayin
ngunit may ilang kalituhan sa kung paano nga ba ang tamang pagsusulat ng Baybayin.
Ngunit ayon sa kanila, nararapat lamang na pag-aralan ang ganitong klase ng pagsulat,
hindi lamang upang maging katuwaan kundi upang magkaroon ng damdaming
nasyonalismo at pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura. Ayon pa sa kanila, mas
maipapakita sa mga kabataan o mag-aaral ngayon na mayroon na talagang sibilisasyon
bago pa man dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas.

BANYAGA

KAUGNAY NA LITERATURA
LOKAL

BANYAGA

You might also like