You are on page 1of 10

AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang pagsusulat ay isang sining kung saan nagaganap ang koordinasyon ng kamay

at mata upang makapaghatid ng mensahe o ideya. Daan ang pagsusulat sa unti-unting

paglago ng isang lipunan, pangkat ng tao, o bansa dahil sa malaking ambag nito sa paraan

ng komunikasyon. Bagama’t hindi berbal ang likas ng pagsulat, kaya nitong kausapin ang

damdamin at kaisipan ng sino man. Ang iba’t ibang bansa sa ating daigidig ay may

sariling ortograpiya na nagiging daan sa pagkakaroon ng matibay na ugnayan at

pagkakaunawaan ng mga mamamayan nito. Ang Ortograpiya ay ang sining ng pagsulat at

pagbabaybay ng mga salita gamit ang mga wastong titik sa alpabetong mayroon ang

isang lipunan o bansa. May magkakaibang pamamaraan ng pagsulat sa ibat-ibang bahagi

ng mundo na nagiging daan din sa pagkamit ng kanilang pagkakakilanlan. Ang Hangul

ng Timog Korea, Kanji ng Hapon, Indus ng India, at iba pang sistema ng pagsusulat ay

kakikitaan ng pagkakapareho at pagkakaiba na sumasalamin sa kung papaano nabuo at

nabalangkas ang mga sining na ito. Tunay nga na ang sistema ng pagsusulat ay

sumasalamin sa kasaysayan, kaugalian at pamumuhay ng mga taong gumagamit nito.

1
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Tulad ng mga bansang nabanggit, ang Pilipinas ay mayroon ding kakaibang

pamamaran ng pagsulat na kung tawagin ay Baybayin. Ang Baybayin ay ang tradisyonal

na sistema ng pagsusulat ng ating mga ninuno bago pa man sakupin at impluwensiyahan

ng mga Kastila ang Pilipinas. Ayon sa mga dokumentong naisulat ni Miguel Lopez de

Legazpi, isang Kastilang manlalakbay, maalam ang mga tao sa Pilipinas sa pagbabasa at

pagsulat ng Baybayin. Naging instrumento ito sa paglinang ng kanilang kaalaman sa mga

bagay-bagay at pagtuklas ng mga panibangong kakayahan. Ang pamamaraan ng pagsulat

ng Baybayin ay silabaryo kung saan ang isang titik o karakter ay binubuo ng isang

katinig at isang patinig na tinataguring isang uri ng Abugida Script. Mayroon din itong

labim-pitong karakter na kinapapalooban ng tatlong patinig at labing-apat na katinig.

Ayon kay Almario (2018), ang mga sinaunang Pilipino ay may literasi sa pag-unawa ng

Baybayin sapagkat kanilang ginagamit ito sa pagbabasa at pagsusulat na naging susi sa

pag-unlad ng kanilang kaalaman. Bagama’t lumawig ang Baybayin sa panahong iyon,

ang mga netibong iskripto gaya nito ay nagsimulang isantabi sa pagdating ng mga

Espanyol na nagturo ng alpabetong Romano o Latin na hanggang sa ngayon ay

malawakang ginagamit pa rin sa ating bansa.

Sa kabila ng pagdating ng mga banyaga dala ang iba’t ibang mga katuruan, patuloy

pa rin ang naging paggamit sa sistema ng Baybayin. Sa katunayan ay ginamit pa ito ng

mga paring Katoliko upang maipalaganap ang Kristiyanismo sa buong kapuluan. Ang

2
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Doctrina Christiana, en lengua española y tagala, Vocabulario de la Lengua Filipinas, at

iba pang mga sulatin na ginamit ng mga Kastila ay nagpapatunay na sumibol at umunlad

ang Baybayin. Bagama’t mas kilala ang Baybayin noon, may mga lokal na sistema pa rin

ng pagsusulat ang umiral sa bansa.

Nariyan ang Surat Mangyan ng mga taga-Mindoro at Kulitan ng mga

Kapampangan na mayroong sariling pamamaraan ng paggamit sa Baybayin.

Sa pagdating ng ika-20 siglo, nagkaroon ng mga bagong pag-aaral sa kasaysayan ng

Baybayin. Noong 1939, sa pamamagitan ni G. Paul Versoza, miyembro ng Surian ng

Wikang Pambansa, nakilala ang Baybayin sa katawagang Alibata. Ayon sa kanya, nabuo

ang salitang Alibata mula sa alpabetong Arabic na: alif ba ta (alibata) at inalis lamang

ang letrang (f ) upang magkaroon ng magandang katugmaan ang salita. Kahit na naging

kilala ang Alibata noon, mas umiral pa rin ang paggamit ng Ingles at Tagalog lalo na sa

larangan ng edukasyon. Maliban dito, sumiklab din ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

na naging dahilan sa pagkaudlot ng mga pananaliksik sa Baybayin. Matapos ang digmaan

hanggang sa pagbangon ng Pilipinas, hindi naging prayoridad ang muling pagbuhay sa

sining ng Baybayin. Unti-unti itong nilamon ng anino ng nakaraan at napag-iwanan ng

kasaysayan. Datapwat matagal na nabaon sa limot ang Baybayin, naging daan ang pag-

usbong ng teknolohiya sa muling pagbangon at pagsibol nito sa modernong henerasyon.

Sa ngayon, ang Baybayin ay unti-unti na muling nabibigyan ng pansin sa iba’t ibang

3
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

larangan. Hindi lamang ito umiikot sa panitikan kundi pati na rin sa iba pang uri ng

sining. Marahil ito na nga ang hudyat sa muling pagkabuo ng pitak-pitak na kasaysayan

ng Baybayin sa pamamagitan na rin ng makabayang aksyon ng mga mamamayang

Pilipino.

Ang Baybayin ay hindi lamang simpleng pamamaraan ng pagsusulat sapagkat

dito naka-angkla ang pinagmulan ng pagkakakilanlan ng lahing Pilipino. Isa itong tulay

upang

maaninag muli ang bakas ng kasaysayan at maikintal sa mga susunod na henerasyon.

Dito rin masusuri ang tunay na yaman ng sinaunang kabihasnan na humubog sa pagkatao

ng kaniyang mga mamamayan. Bagama’t patuloy ang mabilis na pagpasok ng mga

bagong kultura at ideyolohiya, sinisikap pa rin ng mga uri ng sining gaya ng Baybayin na

muling buhayin ang kasaysayang mayroon ang mga Pilipino. Isang pagsubok sa mga

mananaliksik ang pagsiyasat sa kamalayan ng mga tao tungkol sa nakaraang kultura ng

kanilang bayan sa kabila ng patuloy na pagragasa ng makabagong kaalaman na tumatakip

sa ganda ng nakaraan.

Bilang saksi sa nagbabagong panahon, nais ng mga mananaliksik na pag-ibayuhin

ang pagpapakilala sa sining ng Baybayin higit sa mga kabataang mamamayan ng

Barangay Zabali na kaisa sa pagdadala ng mga binhi ng kasaysayan. Isang malaking

pagkakataon ang pananaliksik na ito upang mabigyang lunas ang napipintong pagkabura

4
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

ng natatanging kultura ng bayang sinilangan. Sa tulong ng pananaliksik na ito, umaasa

ang mga mananaliksik na muling mabigyan ng sigla at interes ang mga kabataan ng

Barangay Zabali sa paggunita at pagkilala sa masining na sistema ng pagsulat ng mga

Pilipino noon– Baybayin. Ang kultura ng bawat mamamayan sa isang komunidad ay

hindi lamang nakaugnay sa pangkomunikasyong kagamitan ng pagsulat kundi sa

kahalagahan at tungkulin nito sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng nagkakaisang

pananaw at layunin. Nawa ay maging susi ang Baybayin sa pagpukaw ng interes sa

kultura ng Pilipinas hindi lamang sa mga mamamayan ng Barangay Zabali sa Bayan ng

Baler kundi sa bawat Pilipinong saksi sa mga bunga ng modernong panahon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay masiyasat at masukat ng mga mananaliksik ang

kaalaman sa lumang sistema ng pagsulat na Baybayin ang mga kabataang mamamayan

ng Barangay Zabali. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang:

1. Masiyasat ang kamalayan ng mga Kabataang mamamayan ng Barangay Zabali sa

Baybayin.

2. Matukoy ang kaalaman ng mga kabataang mamamayan ng Barangay Zabali sa

kasaysayan ng Baybayin.

3. Malaman ang pagpapahalaga sa Baybayin ng mga kabataang mamamayan ng

Barangay Zabali.

5
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

4. Masuri ang kinakaharap na suliranin ng sining ng Baybayin sa pagpapaunlad nito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang kaalaman at kasanayan ng mga


kabataang mamamayan ng Barangay Zabali patungkol sa Baybayin. Ang pananaliksik na
ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyang kasagutan ang mga sumusunod:

1. Ano ang antas ng kaalaman ng mga kabataang mamamayan ng Barangay Zabali sa


Baybayin?

2. Ano ang pinakaepektibong midyum o instrumento upang maipalaganap ang


kaalaman at kamulatan sa Baybayin?

3. Ano-ano ang mga salik na maaaring maging hadlang o sagabal sa paglinang at pag-
iral ng Baybayin?

4. Ano ang mga rekomendasyon o suhestiyon ng mga respondiyente upang malinang


ang kaalaman tungkol sa Baybayin?

5. Gaano kahalaga sa mga kabataang mamamayan ng Barangay Zabali ang paglinang


ng kaalaman sa Baybayin?

6
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod ay ang mga kahalagahan na maiaambag ng pag-aaral na ito

na may koneksyon sa kamalayan at kaunawaan sa kulturang Pilipino ng mga kabataang

mamamayan ng Barangay Zabali.

Para sa Mga Mananaliksisk magbibigay ito ng bagong kamulatan at kaalaman sapagkat

magkakaroon sila ng pribilehiyong siyasatin ang mga kabataan sa isa sa mga barangay sa

bayan ng Baler at malaman ang kanilang kaalaman sa pag-unawa sa makasaysayang

Baybayin. Makapagbibigay din ito ng karagdagang impormasyon o datos na maaaring

magamit bilang batayan ng mga susunod pang mga mananaliksik.

Para sa Mga Organisasyong Isinusulong ang Baybayin ang mga nakalap na datos ay

maaaring magamit ng mga organisasyong ito sa pagbuo ng isang plano o hakbang kung

paano maitataguyod ang sining ng Baybayin sa kamulatan ng mga kabataan sa

modernong lipunan. Magiging kapaki-pakinabang ang mga impormasyon upang

magbigay ng parametro sa pagtataya ng kalagayan ng mga nasabing respondiyente ayon

sa kanilang interes at pagpapahalaga sa sinaunang kultura.

7
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Para sa Mga Mamamayan mabisang instrumento ang pag-aaral na ito upang kanilang

malalimanng maunawaan at matutunan ang mga bagay ukol sa kasaysayan ng bansa at

ang kalagayan nito sa mga nagdaan at kasalukuyang henerasyon. Isang epektibong

pamamaraan ang pag-aaral na ito upang mamulat ang mga mamamayan sa natatanging

yaman ng ating kasaysayan –Baybayin. Bagama’t masyado nang abala ang mga tao sa

iba’t ibang bagay, maaari pa ring maikintal ang kahalagahan ng sining na ito sa

nagbabagong panahon.

Para sa Mga Guro makapag-aambag ang pag-aaral na ito sa kaalamang mayroon ang

mga guro ukol sa kalagayan ng Baybayin at magiging kasangkapan sa mas epektibong

paraan ng pagbabahagi nito sa mga mag-aaral. Bagama’t hindi pa lubusang kilala ang

Baybayin sa larangan ng edukasyon, magiging daan ang pag-aaral na ito tungo sa maayos

at progresibong pag-unlad ng natatanging sining.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Mababasa sa pananaliksik na ito ang kaalaman ng mga kabataang mamamayan ng

Barangay Zabali sa pag-unawa ng Baybayin. Saklaw din ng pag-aaral kung ano ang antas

ng kamalayan at pagpapahalaga ng mga kalahok sa nasabing sining. Hindi nilalayon ng

pananaliksik na alamin kung may epekto nga ba ang pagkatuto ng Baybayin sa

8
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

pamumuhay o kalagayan ng mga mamamayan kundi nilalayon ng pananaliksik na

tukuyin ang interes at kamalayan ng mga respondiyente sa sistema ng pagsulat.

Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit

Baybayin ang lumang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino. Ang sistema ng

pagsulat na ito ay naging gabay sa pangaraw-araw na gawain ng mga ninuno gaya ng

pangangalakal, paghahanap-buhay at pakikisalamuha sa kapawa.

Mode ang may pinakamaraming bilang na halaga sa mga natayang datos o impormasyon.

Maikintal maitanim o maitatak sa isipan ng isang tao.

Kamalayan ang pagiging gising ng isang tao ukol sa mga pangyayari sa kanyang

kapaligiran na may kinalaman sa kulura, trasdisyon, at kasaysayan ng lugar.

Kaalaman ang pagkatuto ukol sa mga impormasyon, konsepto o ideya tungkol sa isang

bagay sa pamamagitan ng pag-aaral, pag-oobserba at pagtitiyak dito. Maaaring ang

9
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

kaaalaman ay nagmula at nahasa dulot ng edukasyon na natamo at mga karanasan sa

buhay ng isang tao.

Pag-unawa komprehensyon na nagaganap sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga

kaalaman ukol sa isang impormasyon o datos.

Sining ay ang ekspresyon na produkto ng malikhaing isipan sa pamamagitan ng ibat

ibang pamamaraan gaya ng pagsusulat, pagguhit, pag-awit, at iba pa.

Sistema ay ang pamamaraan ng pag-oorganisa kung paano ginagawa o nagaganap ang

isang bagay. Nagiging gabay ito sa pabuo ng konsepto, ideya o impormasyon tungo sa

mas malinaw na pagkakaunawa.

Antas ang taas o baba ng kaalaman o pagkaunawa na nakukuha sa pamamagitan ng mga

panukat at pamantayan na nagtatakda sa kalagayan ng isang bagay.

Balangkas ang pagkakaayos ng mga ideya at impormasyon upang masuri ito ng naaayon

sa mga parametro at pagkakasunod-sunod. Mabisang elemento ito sa pag-oorganisa ng

mga datos upang makamit ang wastong resulta sa isang pag-aaral.

10

You might also like