You are on page 1of 10

“Nasyonalismo: Pagtuturo ng Baybayin sa mga Kolehiyo ng Batangas”

I. RASYUNAL

Bawat bansa ay mayroong kanya-kanyang paraan ng paniniwala, pagkatuto at uri


pamumuhay. Kaakibat nito ang kultura at tradisyon na nagsisilbing pagkakakilanlan nito. Bago
pa man ang panahon ng pagdating ng mga kastila dito sa Pilipinas, Baybayin na ang siyang
tinaguriang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Ito ay nagmula sa salitang ugat na
“baybay” na nangangahulugang pagtukoy o pagbaybay sa bawat titik ng salita. Bilang
karagdagan, ang Baybayin ay hango sa alpabetong Arabo, kung saan mayroon lamang itong
labing apat na katinig at tatlo lamang na patinig. Sa loob ng napakahabang siglo, lubusan ng
nakalimutan ng halos lahat ng mga Filipino kung paano gamitin ang Baybayin bilang sistema ng
pagsulat. Mula nung sakupin tayo ng mga kastila sa loob ng tatlong daan at tatlumpu’t tatlong
taon (333), ay ganun nalamang ang ating naging pagtanggap sa lahat ng mga epekto at bunga ng
naging pananakop. Halimbawa nalamang ay ang pagbabago ng uri ng pagsulat, kung saan
nagsimula sa Baybayin at nung maglaon ay napalitan ng alpabetong latin o Romano na sya nang
naging panibagong sistema ng pagsulat na ang pangunahing lengwaheng kaakibat ay Ingles.
Nagbukas ito ng maraming opurtunidad sa bawat isang Filipino, kaya naman ang mga kabataan
sa kasalukuyang panahon ay namulat na kung saan unti-unti ng naiibsan ang mga masasamang
naging karanasan ng mga Filipino sa kamay ng mga mapagpahirap na mga mananakop. Kaugnay
nito nalayo ang kanilang kamalayan sa ideya ng paggamit ng Baybayin bagkus ay natangay na
sila ng agos ng makabagong kamalayan hindi lamang sa uri ng sistema ng pagsulat kundi pati na
rin sa maraming bagay. 

Marami ang nagtataka lalong lalo na ang mga banyagang mananalaysay kapag nadidinig
nila ang mga katagang nagpapabatid na mayroong sariling paraan o sistema ng pagsulat ang mga
Filipino. Ngunit sa kasamaang palad, mahirap para sa kamila ang matunghayan ito sa
kadahilanang limitado nalamang ang mga halimbawa ng natural na baybayin na nabuhay noong
panahong kasagsagan nito at dahil na rin sa unti unti na nitong pagkabaon sa limot. Dahil dito,
umusbong ang iba’t ibang maling paniniwala ukol dito. Tunay ngang marami pa tayong
kailangang malaman at tuklasin tungkol sa baybayin. Dahil ito ay tunay na skriptong mayaman
sa kasaysayan at katangitanging ganda na nararapat lamang kilalanin at ipagmalaki. Sa tulong ng
mabilis na pagunlad ng teknolohiya ay siya ring pagusbong ng mga natatangging paraan upang
mabilis na matutunan ang paggamit nito. Kaya naman ninais ng mga mananaliksik ng Pangkat
Sto.Tomas na mabigyang linaw kung anu-ano nga ba ang maaring maging epekto ng muling
pagbuhay ng baybayin sa sistema ng edukasyon at diwang nasyonalismo ng bawat kabataan
lalong higit ng mga nasa kolehiyo.

Ang karatig bansa ng bansang pilipinas ay may sari-sariling paraan ng panunulat kagaya
na lamang sa Korea, hangul ang tawag sa kanilang panunulat habang sa Thailand naman ay
sukothai script ganon pa man ay hindi nagpapahuli ang bansang pilipinas sa paraan ng panunulat
ito ay baybayin kung tawagin ngunit sa kasamaang palad sa bawat pagpalit ng mga taon ay siya
ding pagkupas at paglaho nito. May mga sarili tayong kultura na naiisang tabi na lamang dahil sa
hindi natin pagbibigay tuon dito. Nakakalungkot lamang na umabot tayo sa puntong iyon, isang
halimbawa na lamang diyan ay ang baybayin na halos kinalimutan at hindi na napag aralan sa
bawat paaralan upang mas makilala ng mga mag aaral. Kung ating isusuma ay hiling ng ilan sa
mamamayan na ituro ito sa bawat paaralan upang mabuhay muli natin ang sistema ng panunulat
ng mga ninuno natin. Nabuksan ang usapang ito noong may isang nagbuklat nito sa social media
at tuon namang nakuha ang atensyon ng bawat kabataan. Nangyari pa noong taong 2018 na
naibalit na nais isulong ang pag aaral ng baybayin at doon nag umpisang umugong ang usapan
patungkol dito.

Kaya naman, maraming mga Filipino sa pangunguna na rin ng mga mambabatas ang
nagsusulong na muling ibalik ang baybayin bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat ng mga
Filipino. Nakapaloob sa bill (House Bill 1022) na ito, na ang mga logo ng gobyerno, street signs,
at mga label ng produkto ay papalitan ng Baybayin at ipasok din ito sa curriculum ng mga
paaralan. Kaakibat nito ang magiging epekto nito sa mamamayan ng bansa lalong higit sa mga
kabataan, maaring makaapekto ito sa kani-kanilang mga pananaw, kaisipan at damdamin.
Possibleng magdulot ito ng malaking pagbabago sa damdaming pagkamakabansa o
nasyonalismo ng isang kabataan. Matututunan nilang bigyang halaga ang pagiging Filipino lalo’t
higit ang pagmamahal sa bansa. Dahil dito, mabubuksan ang kanilang diwa at kamalayan sa
kung anong kagandahan ang nakakubli sa mga natatanging likha at sariling pagmamay ari ng
mga Filipino lalong lalo na ng bansang Pilipinas. Ngunit para kay Jose Victor Torres,
Tomasinong historyador, hindi magiging madali ang pag-udyok sa masa na ibalik ito bilang
pambansang sistema ng pagsulat sa Filipinas. Hindi malabong magdulot ito Ng labis na pagkalito
at mabagal na pagunlad ng pagkatuto ng bawat kabataan.  Dahil nga sa matagal ng naisantabi
ang paggamit sa baybayin, kakaunti na lamang ang matatas sa paggamit nito, maaring marami
ang mapagiiwanan at mahihirapang makasabay sa modernisation. 

Magbibigay ang Baybayin ng pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino, dahil Masyado na


tayong nakadepende sa alpabetiko ng mga Amerikano (Vaz, 2018). Magsisilbing bandera ng
Pilipinas ang baybayin lalo’t higit ang unti unti nitong muling pagkabuhay. Mahihimok nito na
mas mapaigting pa ang puso at diwang makaPilipino ng bawat isang mamamayan ng bansang
Pilipinas. Magsisilbi itong unang hakbang upang makalayo tayo sa mga impluwensyang dulot ng
mga mapagsamantalang mananakop. 

Ang Baybayin ay maaaring modernisahin at i-angkop sa kasalukuyang sistema ng


pansolar (Cardenas, 2000). Hindi hadlang ang patuloy na modernisasyon upang muling buhayin
ang baybayin, hindi lamang panulat kundi bilang isang simbolo ng pagkakakilanlan. Marami
mang hadlang at mga kinakailangang isa-alang alang sa muling pagkabuhay ng Baybayin, kung
lahat tayo ay magkakaisa at magtutulungan na ito ay matutunan at maingat tiyak na matutuklasan
natin ang taglay nitong kagandahan. 
II. LAYUNIN

Sa isasagawang pag-aaral ng mga mananaliksik, hinahangad ang mga sumusunod:

Pangkalahatang layunin:

1. Maipabatid sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng baybayin sa ating damdaming pang-


nasyonalismo.

2. Malaman kung gaano kalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral sa aspeto ng baybayin
bilang unang dialekto ng Pilipino.

3. Makakapag bigay impormasyon ukol sa kaalaman ng tunay na panunulat ng Pilipino sa


mga mag-aaral 

4. Mas lumalim at maisabuhay ang diwang nasyonalismo ng bawat mag-aaral.

5. Mapaunlad ang literatura ng bansa sa pamamagitan ng pagsulat at pagkilala sa baybayin.

Tiyak na layunin:

1. Muling maibalik ang baybayin sa larangan ng edukasyon

2. Magbigay kaalaman sa mga estudyante patungkol sa usaping baybayin, upang mamulat


sila na ang Pilipinas ay mayroong sariling pamamaraan ng pasulat.

3. Upang matukoy kung magiging mabuti ang baybayin sa aspeto ng pag-aaral, kung ano
ang positibo at negatibong epekto nito.

4. Mahuhay ng mga guro ang mga estudyante na maituro at isabuhay ang baybayin bilang
panukat ng unang Pilipino.

5. Maipakita ang pagiging nasyonalismo sa pamamagitan ng pagkilanlan sa ating unang


sistema ng pagsulat.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang mapalawak ang kaalaman tungkol sa pagpapatupad
ng pag-aaral at paggamit ng baybayin. Makakatulong ang aming sinasaliksik na patungkol sa
“Epekto ng muling pagbuhay ng baybayin sa aspeto ng edukasyon at nasyonalismo ng mga
kabataan sa mga kolehiyo sa Batangas”, ito ay mapapayabong ang ating pagiging nasyonalismo
sa pagtangkilik sa sariling atin. Kagalingan sa pagsulat, mapagsikapang mapalago, at mapaunlad
ang kaalaman ng bawat isa ukol sa baybayin ay ang pinakamahalagang gustong mangyari ng
mga mananaliksik. Mapapahalagahan natin ang ating minanang yamat at taglay na katalinuhan
galing sa ating mga ninuno. Mababatid natin ang mga makalian sa ating panitikan at mapag-
aralan upang maitama ang mga ito. Malalaman ng bawat Pilipino lalo na ang mga mag-aaral na
tayo ay may sariling sistema ng pagsusulat na marangal nating maipagmamalaki na nagsisilbing
patnubay na tayo ay may kakayahang tumayo sa ating sariling paa bago pa man dumating ang
mananakop sa ating bansa. Marapat nating pag-aralan ang saliksikin ang ating panitikan dahil
tayo lamang higit kanino pa man ang dapat magpahalaga at magmahal sa sariling atin. Makapag-
bibigay ang pag-aaral na ito ng dagdag impormasyon sa kaalaman ng tunay na sistema ng pasulat
ng mga Pilipino. Mapapaunlad nito ang literatura ng bansa sa pamamaraang pagsulat at
mapapayabong ang pagiging nasyonalismo ng mga kabataan dahil sila ang pagmunulan ng lahat
at pinaniniwalaang pag-asa ng bayan. Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na
ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mag-aaral - mag-aaral na pinaniniwalaang pag-asa ng bayan, marapat ay


matutuhangmatanggap ng mga mag-aaral ang posibiilidad na gamiting sistema ng panulat
ngbansa ang Baybayin o Baybas ying (Panulat ng Unang Pilipino) at simulansa sarili nila ang
pagpapaunlad ng ating sariling panulat. Matutunan nila gamitin ng tama ang pagsulat.

Sa mga guro - Bilang mga pangunahing tao na magiging instrumento sa


pagpapalaganapat pagpapagamit ng wika sapagkat sila ang magtuturo sa mga mag-aaral, sana ay
ibahagi ang mga impormasyong kanyang nakalap. Makakatulong ang pananaliksik na ito na
hiyakatin ang mga guro at makatulong sa muling pag usbong ng baybayin at may maiambag sa
sistema ng ating edukasyon. Mas mahuhubog at mas naiintindihan ng mga estudyante ang
pagkakaiba ng baybayin at alibata upang hindi na magkaroon ng kalituhan.

Sa mga tagapangasiwa ng Kolehiyo ng Edukasyon - Bilang isang institusyong


lumilikha ng mga panghinaharap na guro ay mainam sanang sa kanila magmula ang pag-aaral sa
mga pangunahing ideya kaalaman sa panulat na Baybayin upang maging bukas sa kanila sa
maagang panahon ang pagtuturo ng Baybayin.

Sa Kagawaran ng Edukasyon – Bilang pangunahing institusyon na nangangasiwa ng


edukasyon sa bansa ay maganda na magpatupad sila ng mga proyektong muling
makapagpapabuhayng unti-unti nang nawawala at namamamatay na Baybayin. Sa
isasagawangpagtutupad ay maganda kung sisimulan ito sa pinakamababang antas ng pag-aaral o
kindergarten at itutuloy-tuloy hanggang sa sekondarya. Mas maganda rin sana kung maging ang
mga guro ay bigyan ng mga serye ng palihan namakatutulong sa kanila sa pagtuturo ng
Baybayin. Tataas ng antas ng pagturo pagdating sa asignaturang Filipino. Malaki ang
maitutulong ng pagbabalik ng baybayin sa paaralan dahil hindi lahat ng instituston ay may
kapasidad na gamitin ito.
III. METODOLOHIYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraan at mga instrumentong ginamit upang
maisakatuparan ang pagkalap ng datos upang maisakatuparan ang layunin ng pananaliksik na
pinamagatang “Nasyonalismo: Pagtuturo ng Baybayin sa mga Kolehiyo ng Batangas”. Makikita
sa kabanatang ito ang mga instrumento at disenyo ng pananaliksik na ginamit. Makikita rin sa
kabataang ito kung paano pagsasamasamahin, susumahin at pag-aaralan ang nakikitang datos.
Ipapakita rin dito kung paano ipepresenta ang nakuhang datos.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang nasabing pananaliksik ay ginamitan ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik.


Sa iba’t-ibang uri ng deskriptibong pananaliksik ang napili ng mananaliksik na gamitin ay ang
“Descriptive Survey Research”, ito ay isang uri ng deskriptibong metodolohiya kung saan ito ay
ginamitan ng talatanungan o survey questionnaire upang malinang ng sapat na datos. Naniniwala
ang mananaliksik na ito ang pinaka-epektibong at pinaka-angkop na disenyo para sa paksang
nabanggit na magpapadali sa pagkalap ng datos sa maraming respondents.

Pili o limitado lamang ang bilang ng mga tagasagot o respondent ng mga talatanungan.
Ang nasabing pamamaraan ay hindi lamang dumedepende sa dami ng sumasagot o respondent
kung kaya magsasagawa rin ng obserbasyon ang mananaliksik upang mas makakuha ng dagdag
na datos at impormasyon.

Ang mga mananaliksik ay nangangalap at magbibigay ng matibay na rason kung bakit


naiisantabi na lamang ang paggamit ng Baybayin bilang panulat ng Pilipinas. Maaring ang iba
pang karagdagang impormasyon na ilalahad ng mga mananaliksik ay magmumula sa datos na
nanggaling sa mga librong may kinalaman at may kaugnayan sa Baybayin. Ang mga datos na ito
at maaaring matagpuan sa mga piling aklatan dito lamang sa lalawigan ng Batangas.

Ang deskriptibong disenyo ang nakikitang pinakamabisang paraan ng pagkalap ng


impormasyon na makaktulong sa nasabing pananaliksik.

PARAAN NG PAGPILI NG MGA RESPONDENT

Para makakuha ng sapat na impormasyon sa nasabing pag-aaral ginamit ng mananaliksik


ang simple random sampling kung saan pumili ang mananaliksik ng respondent bang malaya sa
kinabibilangan nitong grupo.

Ang mga napiling respondent ng nasabing pag-aaral ay mga mag-aaral ng Kolehiyo na


matatagpuan sa lalawigan ng Batangas. Walang partikular na kurso na kinakailangan sa nasabing
pagpili. Pipili lamang ng 100 respondent, 50 babae at 50 lalaki, ang mananaliksik na nasa edad
18-25 na kakatawan sa kabuuan ng pag-aaral.
Ang mananaliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa mga respondent upang
masiguro na lubos na nauunawaan ng mga ito ang tanong at maging tugma ang sagot ng mga ito
sa nasabing pag-aaral. Minabuti ring ipaalala ng mananaliksik na ang personal na impormasyon
kagaya ng pangalan, edad at iba pang personal na impormasyon ay mananatiling kompidesyal
para sa seguridad ng respondent.

Bilang ng Kasarian
Edad Kurso
Respondents Lalaki Babae
100 50 50 18-25 Walang Partikular  na kurso.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang instrumento sa


pagkalap ng datos para sa nasabing pag-aaral. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang
kategorya: una ay ang profile kung saan ilalagay ng respondent ang personal na impormasyong
hinihingi kagaya ng pangalan, edad, kasarian, Kolehiyong pinapasukan at iba pa at ang
pangalawang parte ay ang survey na naglalaman ng mga tanong na tungkol sa pagiging epektibo
ng Baybayin sa edukasyon at Nasyonalismo ng mga kabataan sa Kolehiyo sa lalawigan ng
Batangas na makaktulong sa pagkalap ng datos para sa nasabing pag-aaral.
Narito ang sipi ng talatanungan o survey questionnaire na ginamit sa pagkalap ng datos.

I. PROFILE
Pangalan (Opsyonal):______________________ Edad:______ Kasarian:_______________        
Pangalan ng Kolehiyong Pinapasukan:___________________________________________

II.   SURVEY     

Panuto: Bilugan ang titig ng iyong sagot o sa sagot na malapit dito at sagutin ang  karagdagang
tanong kung hinihingi o kinakailangan. 

1. May kaalaman ka ba tungkol sa Baybayin?


1. Oo
2. Wala
 Kung Oo, Ano ito?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Sa iyong tingin, naituturo ba ng maayos ang Baybayin sa iyong Paaralan?


a. Oo
b. Hindi
 Kung Hindi, Bakit?
 Kung Oo, sa Paanong paraan?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano sa tingin mo ang sinsalamin ng Baybayin?


a. Kultura
b. Pagkamakabayan/Nasyonalismo
c. Kasaysayan
 Bakit o sa Paanong paraan?
 __________________________________________________________________

4. Sa iyong tingin, makakatulong ba ang Baybayin sa pagpapaunlad ng diwang
Nasyonalismo sa mga kabataan na nasa Kolehiyo?
a. Oo
b. Hindi
 Bakit o sa Paanong paraan?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Sa iyong tingin makakatulong ba ang Baybayin sa edukasyon ng ating lipunan?


a. Oo
b. Hindi
 Bakit o sa Paanong paraan?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

6. Sa iyong sariling pananaw dapat bang mas bigyang linaw ang pag aaral ng baybayin?
a. Oo
b. Hindi
 Bakit o bakit hindi? Ipaliwanag.
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7. Sa napapanahon ngayon, alam mo ba kung paano ang sistema ng pagsulat gamit ang
baybayin?
a. Oo
b. Hindi
 Kung oo, sa paanong paraan? Kung hindi, bakit?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

8. Sa iyong tingin, unti-unti nabang nalilimutan ang Baybayin?


a. Oo
b. Hindi
 Kung oo, ano sa tingin mo ang mga dahilan?
 ______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
__

9. Sa iyong opinyon, maari pa bang maibalik ang Baybayin bilang pangunahing sistema ng
pagsulat ng mga Pilipino?
a. Oo
b. Hindi
 Kung Oo, Sa Paanong Paraan?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___

10. Sa iyong opinyon, ano-ano ang mga dahilan kung bakit nakaklimutan na ng mga Pilipino
ang Baybayin?
 ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
___

PAGSUSURI NG MGA DATOS

Susuriin ang mga datos na maiipon at makukuha sa mga respondent sa pamamagitan ng


Descriptive Statistical Analysis kung saan pagsasamasamahin o iipunin ang mga nakuhang sagot
sa talasagutan o survey questionnaire at pag-aaralan naipong datos upang malaman ang
kinalabasan ng pag-aaral. Matapos makuha at pag-aralan ang mga datos, gagawa ng maiksing
pagtataya ang mananaliksik upang makita ang mga pinagkaiba at pinagkapareho ng mga sagot na
makukuha sa mga respondent ng nasabing pag-aaral. Pag-aaralan ang mga ito at magtukoy ang
ibig ipahiwatig ng mga ito. Maari ring ipakita ang resulta ng pag-aaral sa mga datos sa
pamamagitan ng graphs, charts at talahanayan. 

Ito ang napili ng mananaliksik sapagkat madaling mapagsasama-sama o mabubuod ang


mga datos sa paraang ito. Maari ring gamitin ang charts, graphs at iba pa upang mas maging
epektibo ang Descriptive Statistical Analysis.

PAGPEPRESENTA NG DATOS

Ipepresenta ang mga nakuhang datos sa pamamagitan ng Powerpoint Presentation.


Gagamitan ng iba’t-ibang mga imahe at instrumento kagaya ng graph, charts at iba pa upang
malinaw na maipakita ang kinalabasan ng nasabing pag-aaral. Ipapakita rin sa Powerpoint
Presentation ang iba’t-ibang mga pag-aaral na pinagkuhaan ng mga ideyang nagpapatibay sa
pag-aaral. Ipapakita ang pangalan ng gumawa, institusyong kinabibilangan, taon kung kailan
ginawa at iba pang importanteng impormasyon. At sa pag-uulat ng kinalabasan ipapakita ang
bawat detalye ng mga nakalap na impormasyon ngunit pananatilihing nakatago ang mga personal
na impormasyon ng mga respondent.

IV. INAASAHANG AWTPUT

Noong mga panahong hindi pa dumadating ang mga kastila at ito mayroon bang paraan
ng pagsulat ang mga Pilipino at ito ay tinatawag na “baybayin”. Sa paglipas ng panahon at sa
tuwing nagpapalit ang taon mas lalong nababaon sa limot ang sinaunang sistema ng pagsusulat
ng nga Pilipino. Kung ating oobserbahang mabuti, mas napagtutuunan pa ng pansin na mas
mapag aralan ng bawat mag aaral o kabataan ang wika ng kalapit bansa ng bansang Pilipinas.
Kung iyong tatanungin ang mga nasa kolehiyo, iyong mahihinuha na hindi sila pamilyar sa
bawat baybayin na iyong ipapakita, subalit kung ipapakita mo ang paraan ng pagsulat ng iba o
karatig na bansa ay mas interisado sila dito. Makikita sa kasalukuyan na mas tinatangkilik at
kinikilala ng mga ito ang kultura ng karatig nitong bansa at hindi nila namamalayan na may mga
kultura o kasanayan ng mga Pilipino, kagaya ng Baybayin, ay unti-unti nang nababaon sa limot.
Nakakalungkot na ang mga kabataan na nasa kolehiyo na ay wala paring sapat na
kaalaman tungkol sa Baybayin. Hindi din natin masisisi ang mga mag-aaral sapagkat ipinapakita
sa kasalukuyang sistema ng edukasyon ang hindi pagbibigay pansin o pagtuon ng sapat na
atensyon sa mga araling may kinalaman sa Baybayin at kung meroon mang oras para sa
pagtuturo nito, ito’y hindi nagiging sapat para mas maunawaan ang mga araling ito. Kaya naman
bilang resulta, nakikitang walang sapat na kaalaman ang bawat kabataang Pilipino patungkol sa
Baybayin. Nakakatuwa din naman na may ibang mag aaral na lubos na nais na matutunan at
ipatupad ang pag aaral ng baybayin. Noong mga nakaraang taon ay maugong sa social media ang
baybayin. Kapansin-pansin ang pag viral ng mga larawang gumagamit ng pansilabikong sistema
ng panulat na ito at ang katumbas na pagsalin sa Filipino o Ingles. Pero madalas ang mga
salitang kabilang dito ay isang uri ng hugot o kaya naman pagmumura. Nakakakita rin tayo ng
mga posts ng mga taong nagbebenta ng T-shirt kung saan nakaimprenta ang iba’t ibang salitang
nakasalin sa baybayin. At siyempre, di mawawala ang mga tattoo na nasa skriptong baybayin. Sa
madaling sabi naging tuloy ang social media upang maibalik ang kamalayan ng bawat mag aaral
at mamayan tungkol sa baybayin. Maraming nagkainteres sa sistema ng panunulat na ito dahil sa
hindi pangkaraniwang guhit ng titik at sa dali kung paano ito maaring magamit ngayon,
makikitang ring nasiklab ang interes noong idineklara ng Department of Education ang pagtuturo
ng wikang Koreano bilang isang Special Program in Foreign Languages (SPFL) sa piling
paaralan. Kabilang dito ang pagtuturo ng Hangul, ang alpabetong Koreano. Kaliwa’t kanang
opinyon ang naglabasan patungkol dito, halos karamihan sa Pilipino ang sinabi ay bakit hindi na
lamang mas pagtuunan ng pansin at pag aral ang wikang baybayin kumpara sa wikang banyaga
na hindi rin naman natin magagamit sa pang araw araw na pamumuhay dito sa pilipinas at hindi
rin naman ito sariling atin.
Tumungo naman tayo sa usapang nasyonalismo, Iba-iba ang pananaw ng mga Pilipino
tungkol sa nasyonalismo. Kapagtinatanong sa mga kabataang Pilipino kung ano ang kahulugan
ng Nasyonalismo, ang kadalasang sinasagot nila ay ang pagmamahal at pagiging tapat sa bayan o
sa mas simpleng konteksto, ang pagiging makabayan. Ito ay pag ibig sa bayan o sa lugar na
kinalakihan. Maraming simpleng paraan upang maipakita ang pagiging may pusong
nasyonalismo. Bilang kabataan at mag- aaral, dapat nating ipagmalaki ang pagiging Pilipino sa
pamamagitan ng pagkilala sa kultura ng ating Bayan kagaya ng pananatili ng Baybayin at iba pa.
Bilang kabataan, ay dapat nating sundin ang mga ito tulad ng paggalang sa matatanda, pag
mamano, at paggamit ng po at opo, at iba pang mga kaugaliang nagpapakita ng paggalang.
Maipapakita rin ito sa pamamagitan ng paggalang sa watawat at pag awit ng Lupang Hinirang sa
tamang pamamaraan. Maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa lupang tinubuan
ngunit kailangan lang ng disiplina, pagiging matapat, at higit sa kahat, pagmamahal sa pamilya at
pati na rin sa kapwa. Mahalaga ang nasyonalismo sa mga kabataan lalong lalo na sa panahon
ngayon. At isang halimbawa ng pagpapakita ng diwang Nasyonalismo ay ang pagiingat at
pagpapanatiling buhay ng Baybayin lalo na sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Sa
pamamagitan nito mapananatili mating buhay ang kultura ng pagsulat na nagmula pa sa mga
ninuno natin bago pa ang pananakop ng Kastila at maipasa ito at mapananatiling buhay
hanggang sa susunod na henerasyon.
Bakit nga ba mahalaga itong pag aralan? Una sa lahat ito ay sarili nating kultura,
pangalawa tayo ay mamamayang Pilipino nakakahiya naman na may magtanong satin patungkol
dito tapos hindi natin masagot ng maayos, hindi ba’t parang nakakahiya naman kung ganon ang
magiging sitwasyon. At huli lahat ang alam lamang nating alpabeto ay ang tanging impluwensya
lamang satin nga mga dayuhan, hindi ba’t ang sarap sa pakiramdam na magamit at maipagmalaki
kung ano ang nakasanayan ng ating mga ninuno, at ituloy ang mga ito sa kasalukuyan.
Walang masama sa kagustuhang mag-aral ng iba’t ibang pamamaraan ng pagsulat at
pagsalita subalit ang masama ay nakakaligtangan at nakakalimutan natin ang sarili nating sistema
ng pagsusulat at pagsasalita. Kaya’t hangad at inaasahan ng mga mananaliksik na mapukaw ang
karamihan patungkol sa sinaunang sistema ng pagsusulat ng mga Pilipino at nais din ng mga
mananaliksik na iparating kung ano ang mga layunin at mga maaaring magandang mangyari
kung sakaling maipatupad ang pag aaral ng baybayin kahit sa kolehiyo lamang.  Nais ding
ipamungkahi ng mga mananaliksik kung ano at paano ginagamit o gagamitin ang baybayin, hindi
lamang mga mag aaral ang gusto naming imulat patungkol rito kundi pati na rin mga taong nasa
likod ng bawat pagpapatupad ng mga ganitong bagay pagdating sa edukasyon. Nais namin na
sila ang manguna upang mas makilala ng bawat mag aaral at mamamayan ang baybayin at lubos
na ding maunawaan ang nasa likod ng baybayin na sinaunang sistema ng pagsusulat ng bawat
Pilipino.At inaasahan ng pag-aaral na ito ang muling pagbibigay importansya at muling
pagbuhay sa Baybayin bilang pangunahing paraan ng pagsulat ng mga Pilipino at bilang parte ng
kultura ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ninaasahan ng pag-aaral na itona sa pagbuhay sa
Baybayin ay ang muli ring pagbuhay sa damdaming pang Nasyonalismo sa bawat kabataang
Pilipino. 

You might also like