You are on page 1of 14

1

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Ang kabanata na ito ay tumatalakay sa Organikong pagsasaka sa Sitio Labilab .

Ito ay naglalaan ng rasyonal at kaligiran ng paksa, rebyu ng kaugnay na literatura,

paglalhad ng suliranin, layunin at kahalagahan ng pag-aaral, teoretikal na gabay at

konseptual ng balangkas, sakop at delimitsyon ng pag-aaral at daloy ng pag-aaral.

Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Ang organic farming ay isang paraan ng pagsasaka kung saan hindi gumagamit

ng kahit anong kemikal sa pagpapatubo ng tanim ang mga magsasaka. Matagal na

itong ginagawa sa ating bansa gayunpaman patuloy ang agham at teknolohiya sa

pagpapabuti ng organikong paraan ng pagsasaka. Ayon sa datos ng Organic trade

Association, malaki ang pangangailangan o demand ngayon ng lipunan ng mga

pagkaing organiko. Organikong prutas at gulay ang nangunguna sa listahan ng

hinahanap ng mga tao ngayon. Bunga na rin ito na mas lumalakas pang kilusan

tungo sa “all natural” na gawi ng pamumuhay.Bukod sa mataas ang demand ng

lipunan sa mga pagkaing organiko, ang organic farming ay maraming magandang

epekto sa kapaligiran. Nakakatulong din ang pagkonsumo ng organikong produkto sa

kalusugan at seguridad ng pagkain. Ang organic farming ay masasabing isang

sustainable source of income. Ito ay dahil mas abot kaya ang mga paraan upang ito ay

gawin. Kung magiging masinop at matiyaga sa pag-o-organic farming, sigurado ang

iyong magiging kita. Bukod pa dito sigurado na ligtas at walang kemikal ang inyong

mga kinakaing gulay.

Ayon sa Food and Agriculture Organization, ang mga naidudulot na magandang

epekto sa kapaligiran ng organic farming ay ang mga sumusunod:Una, Napapanatili


2

sa loob ng mahabang panahon, ang mga pagbabago sa paligid ay nakikita sa paglipas

ng panahon. Ang mga paraan sa organic farming ay naglalayon makapagbigay ng

pagkain habang pinapanatili ang ecological balance upang maiwasan ang pagkawala

ng sustansiya sa lupa dulot ng matagalang pagbubod rito ng mga nakalasong

kemikal. Ikalawa, Matabang lupa, ang paggamit ng organikong pataba ay parte ng

mga paraan ng organic farming. Kadalasang dumi ng mga alagang hayop at mga tira-

tirang pagkain ang ginagamit bilang organikong pataba. Ginagamit din ang mga uod

tulad ng African nightcrawler para mas lalo pang matunaw ang mga nutrients na

taglay ng pataba sa lupa. Dahil dito, ang lupa ay nagiging mas malusog ng hindi

gumagamit nang anumang kemikal. Panghuli, malinis na tubig, malinis na hangin at

maayos na klima, at Biodiversity, ang pagpapanatili ng mga lugar sa paligid ng mg

organikong taniman ay nakapaggagawa ng mainam na tirahan para sa mga hayop.

Nakatutulong din ang organic farming sa pagpapanatili ng iba’t ibang uri ng mga

indigenous micro organisms sa lupa. At dahil din sa kaibahan ng paraan ng

pagtatanim sa organic farming, nakakapagtanim ang mga magsasaka ng iba’t ibang

uri at klase ng pananim.

Ayon kay Rohini Reddy(2011) sa kaniyang libro na Cho’s Global Natural

Farming, may dalawang paraan upang makontrol ang mga peste ng hindi gumagamit

ng kemikal. Ito ay ang paggamit ng Aromatic Insect Attractant(AIA) at Flourescent

Insect Attractant(FIA). Ang AIA ay isang uri ng pest control na gumagamit ng

Fermented Fruit Juices. Ang amoy FFJ ay umaakit sa mga insekto palayo sa mga

tanim. Ang FIA naman ay isang uri ng pest control na gumagamit ng fluorescent light

upang ma-attract ang mga insekto at sila ay mapuksa.Ito ang karaniwang ginagamit

pamuksa ng lamok, ngunit maaari rin gamitin kontra peste ng mga pananim.
3

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing adhikain ng pananaliksik na ito ay para malaman ang

tungkol sa organikong pagsasaka sa Sitio Labilab. Hangad nitong maipabahagi ang

sumusunod :

1.Epektibong pamamaraan sa pagsasaka

2.Epekto ng paggamit ng kemikal sa mga pananim

3.Masamang epekto ng paggamit ng kemikal sa mga nakakaing pananim

sa kalusugan ng tao.

Layunin at Kahalagahan ng pag-aaral


Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mga sumusunod:
1.Nalalaman ang epektibong paraan sa pagsasaka.

2.Nasusuri ang epekto ng ng kemikal sa mga pananim.

3.Nasusuri ang masamang epekto ng kemikal sa kalusugan ng tao.

Sa kasalukuyan, marami sa mga magsasaka ay gumagamit ng kemikal na

pataba sa pagsasaka dahil sa kadahilanang gaganda at dadami ang ani, dahil sa

kahirapan wala ng magawa ang mga magsasaka kundi gumamit at umasa na lang sa

kemikal na pataba.

Mahalaga ng mga impormasyong ito upang makatulong sa mga magsasaka

upang magkaroon sila ng kaalaman.


4

Dependent Variable
Independent Variable
Epekto ng Organikong pagsasaka sa
Organikong Pagsasaka sa Sitio Labilab
mga tao at ang kapaligiran

Moderator

Magsasaka sa Sitio Labilab

Pigura 1.
Daloy ng Pag-aaral
5

KABANATA II

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng paglalarawan tungkol sa pananaliksik

na kung saan sumasaklaw ito sa disenyo at pamamaraan ng pananaliksik at local at

populasyon ng pananaliksik. Ito rin ay tumatalakay sa kasangkapan na ginamait sa

paglikom ng datos at paraan sa paglikom ng datos.

Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay para malaman ang kalagayan ng Organikong

pagsasaka sa Sitio Labilab.Layunin nito na malaman ang masamang epekto ng

paggamit ng kemikal sa pagsasaka at epekto nito sa kalusugan ng tao at pati na rin

sa kapaligiran.

Ang deskriptibong paraan ay kabilang sa pagkalap ng datos na nagbibigay ng

impormasyon tungkol sa situasyon o ang kasalukuyan na moderno at organikong

pagsasaka, aayusin at magsulat ng tamang datos para malaman ang kaibahan ng

mga nakolektang datos.

Lokal at populasyon ng pananaliksik

Ang mga miyembro ngg mananaliksik ay nagsagawa ng pananaliksik sa sitio

Labilab na matatagpuan sa Labilab, Loacan, Itogon,Benguet.Ang mga napiling

sumagot ng kwestyuner ay sina Francis Mongolnon, John Sapirao, Caroline Briones,

Michael Lonod, Evelyn Agustin, Ernesto Antonio, Bhea Dao-anis, Mark Dao-anis,

Nemesia Dagas, Gina Solano, Tessie Dao-anis, Arlyn Agustin, Adeline Gameo, at si
6

Crispin Abellera. Sila ang napiling sumagot sa mga surbey-kwestyuner dahil ang

kanilang pangunahing hanap buhay ay pagsasaka.

Kasangkapan sa paglikom ng datos

Ang instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay surbey kwestyuner na

halaw sa kwestyuner ng isa sa naisagawa na pananaliksik sa Sitio ng

____________________ sa lugar na __________________________________________ na may

pamagat na Thesis on Organic Farming.

Ang halaw na kwestyuner ay para sa mga respondenteng magsasaka.

Paraan sa paglikom ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay pinangasiwaan noong Disyembre 20, 2017 sa Sitio

Labilab. Ang respondente ay ilan lamang sa mga magsasaka sa Sitio Labilab. Ginamit

ang surbey-kwestyuner na sagutin ng mga respondente para sa pangangalap ng

datos dahil ito ang pinakamadaling paraan.May 1/8 na bilang ng magsasaka sa Sitio

Labilab bilang sample size sa pagkalap ng sapat na datos.

Ang datos at impormasyon ay nakolekta sa pamamagitan ng set ng kwestyuner

na naipamahagi.Ang isang set ng kwestyuner ay para sa lahat ng magsasaka na napili

para sa nasabing Pananaliksik.


7

KABANATA III

RESULTA AT DISKUSYON

Ipriniprisenta ng kabanata na ito ang pagsusuri at interpretasyon sa napag-

alaman na resulta ng pagsisiyasat. Sinasakop din nito ang diskusyon tungkol sa

organikong pagsasaka sa Sitio Labilab.

Resulta

Talahanayan bilang 1.Pamamaraan ng pagsasaka na ginagamit sa


kasalukuyan.

Pamamaraan Blg. Ng respondente


Moderno 9
Organiko 4
Moderno at Organiko 1

Inilalahad ng talahayan bilang 1 na


2.Gumagamit ba kayo ng kemikal sa inyong mga pananim?
Blg. Ng respondente
Oo 10
Hindi 5
Minsan 0
Sa talahanayan blg. 2 , may siyam na sumagot na gumagamit sila ng
kemikal sa kanilang pananim.May apat naman na hindi gumagamit at wala
ang minsan lang gumagamit.May isa namng parehong gumagamit at hindi
gumagamit ng kemikal sa kaniyang pananim.
3.Anong kemikal abg kadalasan mong ginagamit sa pagsasaka?
Blg. Ng repondente
herbicide 9
pesticede 10
Kung kinakailangan 0
wala 4
Sa talahanayan blg.3,may siyam na parehong ang kanilang ginagamit
na kemikal sa kanilang pananim ay herbicide at pesticide.May isa namang ang
8

kaniyang ginagamit sa kaniyang pananim ay herbicide lamang.May apat


namang hindi gumagamit ng kahit anong kemikal sa kanilang pananim.
4.Epektibo ba ang kemikal na ginagamit mo?
Blg.Ng repondente
Oo 10
Hindi 0
Minsan 0
Walang sagot 4
Sa talahayan blg.4, sampu ang sumagot na epektibo ang kanilang
ginagamit na kemikal sa kanilang pananim, apat naman ang hindi sumagot
dahil hindi sila gumagamit ng kemikal na pataba.
5.Gumagamit ba kayo ng mga artipisyal na abono sa inyong pananim?
Blg.ng respondente
Oo 10
Hindi 5
Minsan 0
Sa talahanyan blg.5, sinasabi nito na may isang parehong oo at hindi ang
sagot dahil ang kaniyang ginagamit na pamamaraan ng pagsasaka ay
dalawa.May siyam namang sumagot na sila ay gumagamit ng artipisyal na
abono, at may apat na hindi gumagamit ng artipisyal na abono.
6.Gumanda ba ang resulta ng inyong pananim ?
Blg.ng respondente
Oo 10
Hindi 0
Walang sagot 4
Sa talahanayan blg.6, sampu ang sumagot na gumanda ang resulta sa
kanilang pananim at apat naman ang walang sagot dahil hindi sila gumagamit
ng kahit anong artipisyal na pataba.
7.Alam mo ba ang masamang epekto kung patuloy mo itong gagamitin ?
Blg.ng respondente
9

Oo 10
Walang sagot 4
Sa talahanayang ito,sampu ang sumagot na alam nila ang masamang
epekto ng patuloy nilang paggamit ng artipisyal na abono , apat naman ang
walng sagot dahil hindi naman sila gumagamit ng artipisyal na abono pero
alam naman nila ang masamang epekto ng artipisyal na abono.
8.Meron ba kayong napapansin sa inyong sakahan matapos ninyo itong
gamitin ?
Blg.Ng repondente
Oo 10
Hindi 0
Minsan 0
Walang sagot 4
Sa talahanayang ito, sampu ang sumagot na may napapansin sila sa
kanilang sakahan matapos gumamit ng artipisyal na pataba at apat naman
ang walng sagot.
9.Meron ba kayong napapansin sa inyong katawan matapos ninyong gamitan
ng kemikal?
Blg.Ng respondente
Oo 1
Wala 8
Minsan 0
Walang sagot 5
Sa talahanyang ito, isa lang ang sumagot na may napapansin siya sa
kaniyang katawan matapos kumain ng may kemikal na gulay,walo naman ang
sumagot ng wala,at lima ang walang sagot.
10.Kung Oo, ano naman ang ginawa mo dito ?
Blg.Ng respondente
ginagamot 0
pinapabayaan 2
10

walang sagot 12
Sa talahanayan blg.sampu, dalawa lang ang pinapabayaan ang epekto ng
kemikal sa kanilang katawan at labing dalawa ang walang sagot dahil hindi
sila kumakain ng may kemikal na pagkain.
11.Meron bang proyekto ang local na pamahalaan upang masolusyunan ito?
Blg.Ng respondente
mero 14
wala 0
Sa talahanayang ito,labing apat ang sumasagot na may aksiyon ang
pamahalaan tungkol sa paggamit ng artipisyal na pataba at wala sumagot ng
wala.
12.Nasubukan mo na ba ang organic na pataba sa iyong pananim ?
Blg.Ng respondente
Oo 7
Hindi 7
Minsan 0
Sa talahanayang ito , pito ang sumagot ng oo, pito din ang sumagot ng
hindi.
13.Gumanda ba ang ani matapos gamitin ang pataba?
Blg.Ng respondente
Oo 7
Hindi 3
Walang sagot 4
Sa talahanayang ito , pito ang sumagot n goo, tatlo ang sumagot ng hindi
at apat ang walang sagot.
14.Alam niyo ba ang masamang epekto sa kalikasan kung patuloy ninyo itong
gamitin?
Blg.Ng respondente
Oo 5
Hindi 10
11

Sa talahanayang ito, lima ang alam nila ang masamang epekto ng


organic ng pataba at sampu ang hindi
12

KABANATA IV
LAGOM,KONKLUSIYON AT REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay ipanapakita ang lagom sa pananaliksik, ang
konklusiyon mula sa nakuhang resulta ng pangangalap ng impormasyon at
ang rekomendasyon ng mga mananaliksik para sa pwedeng gawin ng mga
magsasaka upang maiwasan ang lalong pagkasira ng ating kalikasan at pati na
rin ang kalusugan ng mga magsasaka at mamimili na kumakain sa mga
pananim ng mga magsasaka.
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang damdamin,
pananaw at kaalaman ng mga magsasaka hinggil sa paggamit ng synthetic na
pataba at kemikal na ginagamit sa pagsasaka.
Gamit ang disenyong deskriptib-analitik ang mananaliksik ay
nagdisenyo ng sarbey-kwestyuner na pinasagutan sa labing apat na
respondente na naninirahan sa Sitio Labilab, Loacan, Itogon, Benguet na ang
pangunahing hanapbuhay na ang pangunahing hanapbuhay ay pagsasaka.
Konklusiyon
Batay sa mga nakalap na datos, humantong ang mga mananaliksik sa
sumusunod na kongklusiyon:
a.karamihan ng mga magsasaka alam ang masamang epekto sa
kalikasan ang patuloy na paggamit nila ng kemikal na ginagamit sa pagsasaka.
b.karamihan ng mga magsasaka ay patuloy nilang ginagamit ang
synthetic na pataba at kemikal sa pagsasaka dahil epektibo itong gamitin.
c.kunti lang sa mga magsasaka ang gumagamit ng organikong
pagsasaka dahil ito ay marami itong trabaho.
d.ang kaalaman ng magsasaka sa magandang benepisyo ng paggamit ng
organic fertilizer ay kakarampot lang.
Rekomendasyon
Batay sa napormulang konklusiyon , ang mairerekomenda ng mga
mananaliksik ay ang mga sumusunod:
13

a.paigtingin ang paggamit ng moderno o tradisyunal na pagsasaka


upang mabalanse ang pagsasaka, ang paggamit ng mga kemikal at synthetic
na pataba.
b.bawas-bawasan ang paggamit at pagtapon ng kemikal sa
pagsasaka.Kung gagamit man, kaunti lang ang gamitin para hindi masira at
maging kontaminado ng mga kemikal ang sakahan.
c.maglagay ng kunting pataba sa pagsasaka kung uulan upang
makatipid sa pera dahil ang ulan ay may nitrogen content na katulad ng
pataba.
d.paigtingin ang paggamit ng organikong pataba.
e.kung gagamit ng kemikal kagaya ng herbicide at pesticide,
siguraduhin ninyong gumamit kayo ng mascara o mask at gwantes para
mapanatili ang kaligtasan ninyo mula sa masamang epekto ng mga lason na
inyong gagamitin at pagkatapos gamitin ang mga lason, siguraduhin mong
maglinis ka muna ng iyong katawan.
f.para sa pamahalaan, magbigay sila ng insentibo sa mga mahihirap na
magsasaka at supurtahan nila ang paggamit ng organikong pataba
14

BIBLIOGRAPIYA

Webster Dictionary

Gloriers Encyclopedia of knowledge ,MCMXCV. Vol. 7, “Fertilizer,”

pp.247-248

Website:

http://searchwarp.com/swa426870.htm

http://hubpages.com/hub/Natural-Synthetic-

Fertilizerhttp://www.ehow.com/facts_5822119_elements -found

fertilizers_.html

http://www.da.gov.ph/newindex2.php?pass=News_events/2010/nov/nov17_2
010b.html
http://www.landscape-ang-garden.com/garden-soil/fertilizer-types.aspx
Chow,L. (2015). Organic Food Industry Explores as Consumer Demand Spikes.
Retrieved October 12,2015 from http://ecowatch.com/2015/04/02/organic -
food-industry-explodes/

Organic Agriculture FAQ.(n.d.).Retrieved September 12,2015 from


http://www.fao.org/organicag/oa-faq/oa-faq6/en/

Reddy,R.(2011).Cho’s Global Natural Farming. South Asia Rural


Reconstruction Association(SARRA),India.

Secretariat of the pacific community (August,2009).[PDF document]Benefits of


organic Agriculture(p.1 Policy Brief)

You might also like