You are on page 1of 5

KABANATA 2

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na Literatura

Banyaga

Ayon kay Steven Dowshen, MD sa kanyang sinulat na artikulo sa

Kidshealth.org, ang mga organisasyong ito ay hindi lang tungkol sa palakasan

kundi pati narin sa iba't ibang hilig ng mga mag-aaral.

Ayon sa isang sarbey noong 2001 sa isyu ng “Journal of School Health”

na nilathala noong Marso 2003, humigit sa 50,000 mag – aaral ng hayskul sa

Minnesota na aktibo sa mga ekstra – kurikular na gawain ang nagpakita ng

masmalusog na pagkilos sa larangan ng sosyal at emosyonal na lebel kaysa sa

mga estudyanteng hindi aktibo.

Ayon sa psychologist na si Lev Vygotsky, ang mga bata raw ay natututo kapag

isinasapuso nila ang mga aktibidad, ugali, bokabularya, atideya ng mga taong nasa paligid

niya. Ang pagsali sa mga paligsahan ay nakakapagpataas ng karangalan sa mga bata.

Kapag sila ay sumasali sa mga patimpalak, mas napapahusay nila ang kanilang mga

gawain lalo na alam nila na ito aymaipapakita at maihahambing sa ibang estudyante.

Lokal

Ayon sa isang artikulo ng Sa Aking Wika, ang pakikisali sa mga

gawaing ekstrakurikular (extracurricular) sa paaralan ay isang mabuting


pamamaraan para sa mga bagong dating na mga mag-aaral upang magkaroon

ng mga kaibigan, makapagsanay ng kanilang Ingles at maramdamang

kabahagi ng komunidad ng paaralan. Gayundin, ikinukonsidera ng mga

unibersidad at mga kolehiyo ang mga gawaing ekstrakurikular at

pakikisangkot sa komunidad ng isang mag-aaral para sa aplikasyon ng mag-

aaral upang tanggapin o para sa mga iskolarsip (scholarship).

Ayon naman sa Star MES Publications (2015), marami rin ang

natutunan ng mga mag-aaral ng laging kasali sa mga gawaing ekstra-

kurikular. Sa pamamagitan ng pakiipagsalamuha, nakakakuha sila ng mga

magaganda at kapakipakinabang na asal, aral, gawain na makakatulong upang

mabago at mapaunlad ang pagkatao.

Kaugnay na Pag-aaral

Banyaga

Lokal

Kaugnay ng pag-aaral na ito ang tesis na “ Isang Pagsusuri Tungkolsa

Epekto ng mga School Activities sa Akademiko ng mga Mag-aaral sa San BedaCollege

Alabang ng Ikaapat na Taong Panunuran 2012-2013. Ayon sa pag-aaral na ito,maganda

raw ang epekto ng pagsali sa mga aktibidad ng eskwelahan dahil ito ay isangparaan para

matuto ang mga estudyante. Ito ay humahasa sa kaalaman nila. Lalong napapabuti ng

mga estudyante ang kanilang mga gawain dahil alam nila na ito ayipapakita at ihahambing

sa gawa ng kapwa estudyante.


Ayon kay Castardo , Zenaida D. sa kanyang pag-aaral na “Co-

Curricular Programs And Student Development Of Seventh Day Adventist Tertiary

Schools,” bahagi na ng ating mayamang kultura ang ekstra-kurikular na

gawain kaya’t hindi dapat pabayaan. At ito ay dapat makakapaglinang sa ating

ispiritwal,sosyal, emosyunal, intelektwal at pisikal. Para matindi ang impact

nito sa ating pag-aaral,dapat maayos ang pamumuno,pagpaplano at pag-

oorganize ng aktibidad na ito para mas lalong mahasa ang ating kakayahan.
KABANATA 3

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamaraang

deskriptib na pananaliksik. Sinubukang ilarawan sa pag-aaral na ito ang

maaaring implikasyon ng pagiging miyembro ng isang ekstrakurikular na

organisasyon sa pag-aaral ng isang mag-aaral sa kolehiyo ng Accountancy sa

apat (4) na paaralan sa Cavite.

Instrumentong Pampananaliksik

Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na kwestyoneyr ang pag-

aaral na ito. Naghanda ng isang survey form ang mga mananaliksik na

naglalayong din makangalap ng mga datos upang malaman ang preperensya

at damdamin ng mga respondente ayon sa organisasyong kanilang

kinabibilangan at kung ano ang mga epekto nito sa kanilang mga grado.

Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon sa

internet upang makakuha pa ng iba pang mahahalagang karagdagang

impormasyon ukol sa pagsali sa mga organisasyon ng mga mag-aaral.

Respondente
Ang napiling mga respondente ng grupo ay ang 60 mag – aaral ng

Kolehiyo ng Accountancy mula sa apat (4) na paaralan sa Cavite taong

akademiko 2016-2017; 15, St. Dominic College of Asia, 15, University of

Perpetual Help Dalta, 15, Imus Institute, 15, STI-Bacoor.

Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay naglalahad ng epekto ng ekstra-

kurikular na gawain sa grado ng mga mag-aaral ng Accountancy.

Percentage method ang ginamit ng mga mananaliksik upang matugunan angtabulasyon

ng mga makokolektang datos mula sa survey forms na ipamimigay ng mgamananaliksik.

ang mga ito ay itutuos gamit ang mga sumusunod:

%=f/n x 100

kung saan:

%- kainaman(percentage)

F-dami ng sumagot

N-kabuang bilang ng respondente

You might also like