You are on page 1of 3

ORGANIKONG PAGSASAKA!

Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang “ORGANIC FARMING”, importanteng
malaman at maunawaan na ang tamang pag-aalaga sa lupa ang sentro at
pinakamahalagang bahagi sa organikong pagsasaka. Ang paraan ng organikong
pagsasaka ay nakatuon sa prinsipyo ng kapaligiran at kalikasan o “farming in
harmony with Nature”. Idinidiin ng katagang ito ang kaisipan nang tamang pag-aalaga
sa ating lupang sinasaka, sa ganitong kaisipan maaari nating balangkasin sa dalawa
ang paraan kung paano ang tamang pag-aalaga ng lupa. Una, pataasin ang
organikong sangkap (organic matter) sa lupa at ikalawa, pataasin ang bilang ng
mabubuting organismo (beneficial microorganisms) sa lupa at kapaligiran, ang
dalawang ito ang kritikal o pinaka-importanteng bagay sa tamang pag-aalaga ng ating
lupang sinasaka. Kailangang bigyan ng halaga ang pag-aalaga sa lupa upang magamit
ito ng panghabang-buhay hindi lamang sa ating henerasyon kundi sa mga susunod
pa.

Sa panahon ngayon halos lahat ng magsasaka ay gumagamit ng kemikal na abono at


pestisidyo sa ating mga halaman, lingid sa kaalaman ng marami na ito ang sanhi ng
pagkasira ng ating mga lupaing sinasaka. Panahon na upang ating ibalik ang taba at
nutrisyon na nawala sa ating mga lupain. Ang paggamit ng HYPER KOMPOST at
HYPER INOCULANT ay sagot sa pangangailangan ng bawat magsasaka upang
matugunan ang problema ng pagkasira ng lupa, ito rin ang sagot upang ating
maalagaan ng tama ang ating lupang sinasaka.

Sa pamamagitan ng HYPER KOMPOST maibabalik ang natural na taba at nutrisyon


ng lupa dahil ito ay mayaman sa organikong sangkap (organic matter) at ng mga
natural na mineral. Ang HYPER KOMPOST ay produkto ng pagbubulok (end product
of composting) ng matagal na panahon, ito ay puro at walang halong kemikal. Sa
kabilang dako ang HYPER INOCULANT naman ay solusyon sa pagkawala ng
mabubuting organismo (beneficial microorganism) sa ating lupa at kapaligiran.

Sa patuloy na paggamit ng kemikal namamatay ang mabubuting organismo na


tumutulong sa natural na pagpapaganda at pagpapataba ng ating mga lupain, ito rin
ang tumutulong upang ilayo sa sakit at peste ang ating mga halaman. Kung gagamitin
ang HYPER KOMPOST at HYPER INOCULANT sa ating sakahan madaling maibabalik
ang ganda at taba ng ating lupa at makakaiwas sa mapaminsalang sakit at peste. Ang
tuloy-tuloy na paggamit ng HYPER KOMPOST at HYPER INOCULANT ay
makakatulong upang mapanatiling malusog at mataba ang lupa. Kung ang ating
lupang sinasaka ay mapapanatiling maganda at malusog hindi malayong magbibigyan
tayo nito ng magandang ani.

Hindi lamang lupa ang nangangailangan ng pag-aalaga, maging ang ating mga
halaman ay may pangangailangan din. Dahil sa walang tigil na paggamit sa ating mga
lupa, ang natural na taba at nutrisyon ng lupa ay hindi sumasapat sa
pangangailangan ng ating mga halaman. Nitroheno (nitrogen) ay isa sa
pinakaimportanteng elemento na kailangan ng halaman, ito ay madaling maibigay ng
kemikal na abono tulad ng Urea, Amosol at iba pa, subalit ating napagalaman na ang
mga kemikal ang pangunahing sanhi ng pagkasira ng ating lupa kaya naman mayroon
tayong HYPER AMINO na mayaman sa amino acid mula sa katas ng isda at seaweeds.

Sa pamamagitan nito masasapatan ang kakulangan ng ating mga halaman sa


nitroheno na tumutulong upang lumaki at dumahon ang ating mga halaman. Upang
higit na mapabisa ang HYPER AMINO, samahan ng HYPER INOCULANT kung
gagamitin, sa pamamagitan nito masmapapabilis ang pagsipsip ng halaman ng
nutrisyon sa tulong ng mga mabubuting organismo. Sunod na mahalagang bagay na
kailangan bigyan ng pansin ay kung sapat ba ang nutrisyon upang mamunga ng tama
ang ating mga halaman.

Upang masiguradong bubunga ang halaman, ito ay ginagamitan ng kemikal na


Complete o Potash na mayaman sa potassium, sa ating paraan ginagamit natin ang
natural na yaman ng ating mga halaman, ito ay sa pamamagitan ng HYPER FRUIT,
ang HYPER FRUIT at katas ng mga halaman na inimbak sa matagal na panahon, ito
ay mayaman sa sustansya na magbibigay ng tamis at bigat sa bunga ng ating mga
halaman. Para ito ay maging mas-epektibo at mabisa, samahan ng HYPER KOMPOST
sa paggamit. Ang HYPER KOMPOST ay mayaman sa potassium na tumutulong sa
pagpapadami, pagpapabigat at pagpapatamis ng bunga ng ating mga halaman.

Kung susuriin natin ang tatlong mahahalagang nutrina na kailangan ng halaman na


(nitrogen-phosphorus-potassium) N-P-K na karaniwang inilalagay sa pamamagitan ng
mga kemikal na abono na Urea, Complete at Potash, maaari na itong palitan sa
pamamagitan ng paggamit ng HYPER AMINO, HYPER INOCULANT, HYPER KOMPOST
at HYPER FRUIT na walang panganib sa ating kapaligiran, kalusugan at kabuhayan.
Ibalik natin ang kapangyarihan natin sa lupa at huwag umasa sa kemikal na abono at
pestisidyo sa ating pagsasaka. Katumbas ng pangangailangan ng tamang nutrisyon ng
lupa at halaman, at pagkakaroon ng ligtas at magandang kapaligiran, huwag nating
kalimutan na ang pagsasaka ay kailangang iayon sa kilos at pangangailangan ng
kalikasan.

https://www.facebook.com/organikhaws/posts/organikong-pagsasakamarami-ang-
nagtatanong-kung-ano-nga-ba-ang-organic-farming-i/112213812275161/

You might also like