You are on page 1of 2

Rasyonal

Bago pa man ang panahon ng pagdating ng mga kastila dito sa Pilipinas, Baybayin na ang
siyang tinaguriang sinaunang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino. Ito ay nagmula sa salitang
ugat na “baybay” na nangangahulugang pagtukoy o pagbaybay sa bawat titik ng salita. Bilang
karagdagan, ang Baybayin ay hango sa alpabetong Arabo, kung saan mayroon lamang itong
labing apat na katinig at tatlo lamang na patinig. Sa loob ng napakahabang siglo, lubusan ng
nakalimutan ng halos lahat ng mga Filipino kung paano gamitin ang Baybayin bilang sistema ng
pagsulat. Mula nung sakupin tayo ng mga kastila sa loob ng tatlong daan at tatlumpu’t tatlong
taon (333), ay ganun nalamang ang ating naging pagtanggap sa lahat ng mga epekto at bunga ng
naging pananakop. Halimbawa nalamang ay ang pagbabago ng uri ng pagsulat, kung saan
nagsimula sa Baybayin at nung maglaon ay napalitan ng alpabetong latin o Romano na sya nang
naging panibagong sistema ng pagsulat na ang pangunahing lengwaheng kaakibat ay Ingles.
Nagbukas ito ng maraming opurtunidad sa bawat isang Filipino, kaya naman ang mga kabataan
sa kasalukuyang panahon ay namulat na kung saan unti-unti ng naiibsan ang mga masasamang
naging karanasan ng mga Filipino sa kamay ng mga mapagpahirap na mga mananakop. Kaugnay
nito nalayo ang kanilang kamalayan sa ideya ng paggamit ng Baybayin bagkus ay natangay na
sila ng agos ng makabagong kamalayan hindi lamang sa uri ng sistema ng pagsulat kundi pati na
rin sa maraming bagay.
Kaya naman, maraming mga Filipino sa pangunguna na rin ng mga mambabatas ang
nagsusulong na muling ibalik ang baybayin bilang pangunahing pamamaraan ng pagsulat ng mga
Filipino. Nakapaloob sa bill (House Bill 1022) na ito, na ang mga logo ng gobyerno, street signs,
at mga label ng produkto ay papalitan ng Baybayin at ipasok din ito sa curriculum ng mga
paaralan. Kaakibat nito ang magiging epekto nito sa mamamayan ng bansa lalong higit sa mga
kabataan, maaring makaapekto ito sa kani-kanilang mga pananaw, kaisipan at damdamin.
Possibleng magdulot ito ng malaking pagbabago sa damdaming pagkamakabansa o
nasyonalismo ng isang kabataan. Matututunan nilang bigyang halaga ang pagiging Filipino lalo’t
higit ang pagmamahal sa bansa. Dahil dito, mabubuksan ang kanilang diwa at kamalayan sa
kung anong kagandahan ang nakakubli sa mga natatanging likha at sariling pagmamay ari ng
mga Filipino lalong lalo na ng bansang Pilipinas. Ngunit para kay Jose Victor Torres,
Tomasinong historyador, hindi magiging madali ang pag-udyok sa masa na ibalik ito bilang
pambansang sistema ng pagsulat sa Filipinas. Hindi malabong magdulot ito Ng labis na pagkalito
at mabagal na pagunlad ng pagkatuto ng bawat kabataan. Dahil nga sa matagal ng naisantabi
ang paggamit sa baybayin, kakaunti na lamang ang matatas sa paggamit nito, maaring marami
ang mapagiiwanan at mahihirapang makasabay sa modernisation.
Magbibigay ang Baybayin ng pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino, dahil Masyado na
tayong nakadepende sa alpabetiko ng mga Amerikano (Vaz, 2018). Magsisilbing bandera ng
Pilipinas ang baybayin lalo’t higit ang unti unti nitong muling pagkabuhay. Mahihimok nito na
mas mapaigting pa ang puso at diwang makaPilipino ng bawat isang mamamayan ng bansang
Pilipinas. Magsisilbi itong unang hakbang upang makalayo tayo sa mga impluwensyang dulot ng
mga mapagsamantalang mananakop.
Ang Baybayin ay maaaring modernisahin at i-angkop sa kasalukuyang sistema ng
pagsulat (Cardenas, 2000). Hindi hadlang ang patuloy na modernisasyon upang muling buhayin
ang baybayin, hindi lamang panulat kundi bilang isang simbolo ng pagkakakilanlan. Marami
mang hadlang at mga kinakailangang isa-alang alang sa muling pagkabuhay ng Baybayin, kung
lahat tayo ay magkakaisa at magtutulungan na ito ay matutunan at maingat tiyak na matutuklasan
natin ang taglay nitong kagandahan.

You might also like