You are on page 1of 14

AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA


PANANALIKSIK

KABANATA II

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga akademiko at propesyonal na babasahin

na may kinalaman sa ginawang pananaliksik. Makapagbibigay din ito ng higit na

malinaw na kaalaman sa mga sa mga mananaliksik at sa mga mambabasa. Sa

pamamagitan ng mga ito, madaling mapagtatagni-tagni ang mga proposisyon at konsepto

ng pananaliksik na magsisilbi ring katibayan, katwiran at pundasyon sa pagsasagawa

nito.

Banyagang Pag-aaral at Literatura

Mga Hadlang sa Pagpapatupad ng Baybayin

Ayon sa pag-aaral ni Hansen (2016), sa kabila ng kasikhayan ng mga netibong

Hapones sa pagpapanatili ng sining sa paggamit ng paraan ng pagsulat na Jindai Moji,

hindi pa rin naiwasan ang patuloy na pagbabago nito sa paglipas ng panahon na naging

rason sa unti-unti nitong pagkawala. Ganito rin ang nangyayari sa Baybayin ng Pilipinas

kung saan marami ang humihikayat at nagpepreserba subalit patuloy na nasasapawan ng

mga bagong kultura at kaalaman. May mga grupo ng tao o organisasyon na pilit na

11
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

ikinikintal at ibinabahagi ang kanilang kaalaman sa Baybayin ngunit naghihingalo ito lalo

na at marami na ang pinagkakaabalahan ang mga tao.

Samantala, ang Tsina ay mayroong 50,000 na simbolo o titik kung saan 8000

lamang ang nakakabisa ng mga edukadong Tsino (Cock, 2016). Ayon pa sa may-akda,

ang pagkabisa sa 3000 na mga simbolo ay hindi sapat upang maintindihan ng lubos ang

mga babasahin tulad ng dyaryo at magasin, hindi katulad ng pagkabisa sa alpabetong may

26 na titik lamang. Ang Baybayin ay may 17 titik o simbolo na mas kakaunti kung

ihahalintulad sa sistema ng pagsulat ng mga Tsino. Bagama’t mas kaunti ito, ang istilo o

paraan ng pagsulat at kung paano ito tandaan ay bahagyang mahirap. Kaugnay nito, may

mga simbolo sa kasalukuyang alpabeto na ating ginagamit ang hindi makikita sa

Baybayin. Sa kabuuan, maaaring maging sagabal ang pagiging kompleks o kaibahan ng

Baybayin upang madali itong maituro sa mga Pilipino.

Sa aklat na “Baybayin: the Syllabic Alphabet of the Tagalogs” ni Potet (2018),

mababasa na sa panahon ng pagsakop ng mga dayuhang Kastila sa kapuluuan ng

Pilipinas, itinuro ang alpabetong Romano o Latin upang magkaroon ng kaisahan sa

paraan ng pagsusulat ang mga tao sa komunidad. Dahil hitik ang mga sinaunang Pilipino

sa natatanging paraan ng pagsusulat, naging balakid ito sa pagpapalaganap ng

kapangyarihan at impluwensiya ng mga Kastila na naging rason upang ituro ang

pinagmulan ng alpabetong kinamulatan sa bansa ngayon. Masasabing kabilang ang

12
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

pormalidad at kaisahan sa mga salik na naging batayan upang gamitin ang makabagong

alpabeto sa Pilipinas, datapwat isinasantabi nito ang kahalagahan ng mga natatangi at

naunang kultura at sining na humubog sa pagkatao ng mga mamamayan nito. Hindi na

bago ang pagpasok ng mga iba’t ibang lahi sa ating bansa na may dalang bagong

kaalaman at kultura na maaaring makaapekto sa ating pamumuhay. Isa ang Baybayin sa

mga kulturang maaaring maglaho kung patuloy na yayakapin ng sambayanang Pilipino

ang mga makadayuhang kultura at magiging matamlay sa pagpapayabong ng nasabing

sining.

Pagpapalaganap sa Paggamit ng Baybayin

Galing sa biswal na presentasyon ni Miller (2012), ipinakita sa loob ng halos 500

taon, ang paggamit ng sistema ng pagsulat ng mga Tsino ay mas tinangkilik ng mga

Koreano kaysa sa kanilang paraan ng pagsulat na Hangul. Dahil dito, ang pamahalaan ng

Korea ay masigasig na nagsagawa ng mga plano at hakbang upang maipalaganap ang

Hangul hindi lamang sa kanilang bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung

susumahin, maaari ring mapaunlad muli ang paggamit ng Baybayin sa pamamagitan ng

mga aksyong maaaring isagawa ng pamahalaan ng Pilipinas na magtataguyod sa

pagpapalaganap ng sinaunang sistema ng pagsulat.

13
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Sa isang pag-aaral, napag-alaman na 63.3 % ng mga mamamayan ng Cambodia

ay gumagamit ng Khmer, sistema ng pagsulat sa nasabing bansa, sa kanilang cellphones

bilang paraan ng pakikipag-usap at pakikipagtalastasan (Phong at Sola, 2015). Sinasabing

tataas pa ito sa 90 % sa susunod na dalawang taon kung magiging maayos at mabusisi

ang paggamit ng Khmer sa ganitong kaparaanan. Sa tulong ng mga makabagong

teknolohiya, magiging mabilis at epektibo ang paglinang sa isang bagay lalo na kung ito

ay nangangailangang umunlad at lumaganap. Ang pagpapakilala sa kultura ng paggamit

ng Baybayin ay magiging mas madali sa pamamagitan ng paggawa ng mga apps at iba

pang produkto ng teknolohiya na makatutulong upang maisalin at maintindihan ito.

Epekto ng Pagpapatupad ng Baybayin

Ayon kay Hansen (2016), ang makalumang sistema ng pagsulat ng Hapon o ang

“Jindai Moji” ay hindi lamang ginamit upang mapanatili ang kanilang kultura ngunit pati

na rin ang pagpapalakas ng kapangyarihan at pagkakakilanlan. Naging daan ang Jindai

Moji upang maipakita ng mga Hapones ang pag-ibig sa kanilang bayan na naging daan

upang sumiklab ang pagnanais na umunlad ang bansang Hapon. Ito ay naging pundasyon

ng kanilang pagkatao at bumuo sa kanilang tunay na identidad. Katulad din ng Baybayin,

maaaring maging daan ito upang mamutawi sa mga mamamayan ng Pilipinas ang maka-

Pilipinong layunin. Sa pamamagitan ng kulturang ito, aangat ang damdaming


14
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

nasyonalismo. Ang Baybayin ay ang tunay na pinagmulan ng pagkakakilanlan kasama

ang iba pang mga kultura at tradisyon ng bansang Pilipinas. Kung patuloy na mapalalago

ang mga ito, higit na uunlad ang soberanya ng bansang Pilipinas.

Lokal na Pag-aaral at Literatura

Kasaysayan ng Baybayin

Ang Baybayin ay bahagi ng Malayo-Polenesian languages na sinasabing kumalat at

lumaganap sa iba’t ibang parte ng Timog-Silangang Asya (Comandante, 2010). Ang

Malayo-Polenesian Languages ay isa sa mga pinakaepektibong wika na lumawig sa

buong mundo gaya ng Indo-European, Afro-Asiatic at Uralic na naging pundasyon ng

magkakaibang wika at paraan ng pagsulat sa mundo ngayon.

Batay sa aklat na Doctrina Christiana: National Treasure, World Treasure ni

Crossley (2016), ang Baybayin ay ginamit na midyum ng mga paring Romano at opisyal

ng Simbahang Katolika upang maipalaganap ang ebanghelyo sa mga sinaunang Pilipino.

Ang aklat ay nailimbag sa Maynila noong taong 1593 at naglalaman ng mga teksto ng

panalangin gaya ng Aba Ginoong Maria at Ama Namin kasama ang iba pang babasahin

na may kinalaman sa doktrina ng simbahan. Nakasulat ang mga salita sa wikang Kastila

Tagalog at Baybayin na naging kaparaanan ng mga dayuhan upang mas palakasin ang

kanilang kapangyarihan at impluwensiya sa buong kapuluan ng bansa.

15
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Sa mga nakalap na datos ni De los Santos (2015), sinasabing pagkatapos ng taong

1500, unti-unting bumaba ang dami ng mga taong gumagamit ng Baybayin sa

kadahilanang mas tinangkilik nila ang bagong alpabetong Romano. Kaugnay nito, ang

pagpapakilala sa edukasyon ang naging malaking salik upang lubos na mapabayaan ang

mga katutubong uri ng sining gaya ng Baybayin. Naging tanyag din ang mga kultura ng

mga kolonyalista at inakit ang mga mamamayang Pilipino na humantong sa pagkalimot

ng kanilang tunay na identidad. Maliban sa pagkalimot ng mga Pilipino sa kanilang

kinagisnang mga kultura, patuloy din ang paglakas ng kapangyarihan ng mga dayuhan na

lumipol sa kakayahan ng mga Pilipinong hasain ang kanilang kasaysayan. Sa pagdating

ng taong 1800, lubusan nang nawala ang katanyagan ng paggamit ng Baybayin.

Baybayin Bilang Paraan ng Pagsulat sa Pilipinas

Ayon sa pananaliksik ni Vaz (2018), magbibigay ang Baybayin ng

pagkakakilanlan sa ating mga Pilipino, dahil masyado na tayong nakadepende sa alpabeto

ng mga Amerikano. Dagdag pa niya, kung ang Korea ay may “Hangul” ang Japan ay

may “Hiragana” bakit hindi gamitin ang Baybayin para sa Pilipinas. Kung ano ang

pinagmulan ng mga mamamayang Pilipino ay kinakalimutan, at kung ano ang hindi sa

kanila ay iyon pa ang kanilang tinangkilik. Halimbawa nito ang mga "K-drama" at "K-

16
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

pop" na imbes na pag-aralan ang Baybayin ay mas pinagtuunan ang mga paraan ng

pagsulat ng ibang lahi.

Ayon kay Dagala (2018), ang panukalang batas na magtatakda sa Baybayin bilang

pambansang sistema ay naaprubahan na ng Kongreso. Layon ng House Bill 1022 na

pataasin ang kaalaman ng mga Pilipino sa lumang sistema ng pagsulat at inihahantulad

ito sa China, Japan, Korea, Thailand at iba pa. Sa pahayag ni Deleno (2018), ang House

Bill 1022 o mas kilala bilang “National Writing System Act” ay naglalayong ipakita ang

ganda ang Baybayin sa bawat Pilipino at maitanghal ito ng may kasikhayan. Ang

nasabing panukalang batas ay sinusuportahan ng Department of Education o DepEd,

National Commision for Culture and the Arts o NCCA, at isang pangkat na nagtaguyod

sa Baybayin at tinatawag sila bilang grupong Baybayin Buhayin. Maliban dito, isang

mahalagang salik din ang mungkahing batas ni 2nd District Congressman Leopoldo

Bataoil na tinawag na House Bill No. 1022 o kilala bilang “National Writing System

Act”. Layunin ng nasabing mungkahing batas na isalin sa Baybayin ang mga dyaryo,

magasin, street signages, pampamahalaan at pampublikong mga gusali at mga local

products sa bansa. Kabilang din ang Senate Bill 433 ng dating senador na si Loren

Legarda na nilalayong gawing pormal na paraan ang pagsulat ang Baybayin sa bansa

(Angeles, 2018).

17
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Samakatuwid, sa gitna ng mga diskurso hinggil sa muling pagbuhay sa Baybayin

ay dapat panatilihin pa rin ito sa mga museo sa ating bansa at patuloy na pagtuturo nito sa

klase. Suriin din dapat kung tunay na pagpapahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang

muling paggamit sa Baybayin. Kailangan ding alamin ang magandang maidudulot nito

kung ito ay itatatag sa Pilipinas. Kung gayon, kinakailangan munang aralin ng mabuti

ang kasaysayan at kahulugan nito hindi lamang ng mga nangunguna sa pagsulong nito,

kundi pati ng mga gagamit nito.

Ayon sa isang komisyoner para sa mga wika ng Samar-Leyte sa Komisyon sa

Wikang Filipino na si Gracio (2018), ang pagkatuto sa sining ng Baybayin ay isang

mahalagang salik upang matukoy ng mga Pilipino ang kanilang pinagmulan at

pagkakakilanlan, subalit mas mahalaga pa ring malaman kung sino nga ba ang mga sila

sa kasalukuyan. Isang malaking pribilehiyo sa mga Pilipino ang malinang ang sining ng

Baybayin. Sa paglipas ng panahon, maaaring maging kasaysayan na lamang ito mula sa

ating mga ninuno, kung magiging balakid ang makadayuhang pananaw at kaugalian ng

mga mamamayan ng Pilipinas.

Pagpapalaganap ng Baybayin

18
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ang Baybayin Buhayin (2012) ay may adbokasiyang naglalayon na ipaalam sa

kapwa Pilipino na makilala, pahalagahan, isabuhay at gamitin ang ating panulat. Kung

kaya ay maaaring mai-download sa kanilang website: baybayinbuhayin.com ang mga

libreng iskrip at mga fonts na magagamit sa paggawa ng mga pangungusap. Ang kanilang

mga samahan, Teachers at Work International Inc, Taklobo Baybayin at Baybayin

Buhayin na binubuo ng mga guro ay nagsasagawa ng masusing pag-aaral, mga seminar,

at pagsasanay ukol sa pagpapalaganap nito at sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng

Edukasyon. Sa kabila nito, ang mga guro sa asignaturang Filipino ay may kanya-kanyang

pagtanggap kung saan ang iba ay namamangha at marubdob na tinanggap subalit ang iba

ay nanghihinayang na bakit ngayon lamang ito nalaman.

Ayon sa Apulakang Siklab (2017), may posibilidad na maibalik ang Baybayin sa

puso ng mga mamamayan. Sisimulan ito sa paggamit at pagpapalaganap sa anumang

paraang nalalaman hanggang sa ito ay maisabatas at mailagay sa Saligang Batas at

maipalaganap sa pamamagitan ng pagtuturo nito sa mga paaralan sa bansa. Ayon naman

kay Villacruz (2017) isa sa dapat isaalang-alang upang mas mapaunlad at mas mapadali

ang pag-implementa nito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino na pag-aralan at gamitin

muli ang Baybayin upang mas mapaunlad nasabing sining.

Mga Hadlang sa Paglinang ng Kaalaman sa Baybayin


19
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Ang pagsakop ng mga Kastila at Amerikano sa Pilipinas ang unti-unting bumura sa

mabungang paggamit ng Baybayin (Alibata: Ang Katitikang Pilipino,2010). Ang

kolonisasyon ay nagdulot ng pagkabulag ng mga Pilipino sa kanilang tunay na kultura. Sa

kabila nito, may mga pangkat-etniko pa ring gumagamit ng makalumang paraan ng

pagsusulat gaya ng mga Mangyan.

Sa isang artikulo, ipinaliwanag ni Jose Victor Torres na hindi magiging madali ang

pagtuturo ng Baybayin sa masa sapagkat ito ay hindi makasasabay sa mabilis na daloy ng

modernisasyon (Sadia, 2017). Dagdag pa ng may-akda, nararapat lamang na alamin muna

ang kasaysayan at pinagmulan ng Baybayin bago ito tuluyang ipatupad bilang paraan ng

pagsulat sa bansa. Hindi magiging madali para sa mga Pilipino ang pag-aaral dito kung

hindi ito mabusising gagamitin at ituturo.

Baybayin bilang Paraan sa Pagpreserba ng Kultura

Ayon kay Morrow (2018), ang Doctrina Christiana ay itinuturing ng mga

kasalukuyang dalubhasa na tila isang Rosetta Stone dahil ito'y naging susi upang suriin

ang pagsulat ng baybayin at ang pagsasalita ng wikang Tagalog noong ikalabinganim na

siglo. Ang bawat kabanata ng aklat ay may tatlong bahagi: ang una ay nasa wikang

20
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

Kastila, ang ikalawa ay isinalin sa Tagalog at nakasulat sa alpabeto ng mga Kastila, at

ang ikatlong bahagi ay Tagalog din ngunit nakasulat sa Baybayin.

Kaugnay nito, ang Doctrina Christiana ay naglalaman ng pinakalumang

halimbawa ng baybayin. Ito rin ang nag-iisang halimbawa ng baybayin mula sa

ikalabinlimang siglo. Makikita rin sa aklat kung paano nagsalita ang mga sinaunang

Tagalog bago nagkaroon ng malaking pagbabago ang kanilang wika dahil sa

impluwensiya ng wikang Kastila. Gayon pa man, bukod sa pagtuturo ng kanilang

paniniwala, ginamit ng mga prayle ang Baybayin sa kanilang pag-aaral ng mga

katutubong wika. Hinikayat nila ang mga mambabasa ng kanilang mga balarila na pag-

aralan ang Baybayin, gaya ng paliwanag ni Pr. Francisco Blancas de San Jose sa

kaniyang Arte y reglas de la lengua tagala noong 1610.

Ang “Baybayin” ay salitang Tagalog na tumutukoy sa lahat ng mga titik na

ginamit sa pagsulat ng isang wika. Sa madaling salita, isang “alpabeto” bagaman, upang

maging mas tumpak, ang baybayin ay katulad ng isang syllabary. Ito ay mula sa salitang

ugat na “baybay” na ang kahulugan ay “to spell” sa wikang Ingles. Ang pangalang ito ay

para sa matandang sistema ng pagsulat ng mga Pilipino na lumitaw sa isa sa mga

pinakaunang diksyunaryong Tagalog na nailathala taong 1613, ang Vocavulario de

Lengua Tagala. Ang mga Kastila noon ay karaniwang tinatawag ang Baybayin na “titik

ng Tagalog” o “Pagsulat ng Tagalog”. Tinawag naman ito ng mga taga-Bisayas na

21
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

“pagsulat ng Moro” dahil galing sa Maynila, isa sa mga daungan kung saan maraming

produkto mula sa mga mangangalakal na Muslim ang pumasok na kilala ngayon bilang

isa sa mga lungsod sa Pilipinas. Tinawag ng mga Bikolano ang iskrip bilang babasahin at

ang mga letra naman na guhit. Sa ilang bahagi ng Pilipinas, ang Baybayin ay hindi

kailanman nawala ngunit binuo sa natatanging mga istilo. Naalala pa ng mga taga-

Tagbanuwa ng Palawan ang kanilang iskrip ngayon ngunit bihira nila itong ginagamit.

Ang Buhid at lalo na ang mga Hanunuo ng Mindoro ay gumagamit pa rin ng kanilang

mga iskrip tulad ng ginawa ng mga sinaunang Pilipino 500 taon na ang nakalipas para sa

komunikasyon at tula (Morrow, 2010).

Baybayin sa Panahon ng Makabagong Teknolohiya

Sa iprinesentang impormasyon sa 13th International Conference on Austronesian

Linguistics ni De los Santos (2015), mahalaga ang epektong naidudulot ng pag-unlad ng

teknolohiya gaya ng internet sa Pilipinas upang mapagyabong ang sining ng Baybayin.

Bagama’t maaaring maging negatibo ang epekto nito sa mga katutubong kultura ng bansa,

mayroon pa ring mga paraan upang maging kapakipakinabang ito sa pagpapalago ng

kaalaman sa Baybayin. Ayon pa sa may–akda, ang paggamit ng makabagong teknolohiya

ay magiging salik lamang sa pag–unlad ng nasabing sistema ng pagsulat kung magagamit

ito bilang pangkomunikatibong instrumento upang maipaabot at maipaalam sa mga


22
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

komunidad o grupo ng tao na hindi pa masyadong malay sa Baybayin bilang umiiral na

paraan ng pagsulat sa bansa.

Sa artikulong isinulat ni Balibay (2019), ibinida ang paglalagay ng sistema ng

pagsulat na Baybayin, Buhid, Hanunuo at Tagbanwa sa Google Keyboard o Gboard

bilang paraan ng paglinang at pagpapanatili ng mga natatanging paraan ng pagsulat sa

bansa.Sa isang panayam, inihayag ni Roxas (2019), pangulo ng Marketing Department

ng Google Philippines, “Ang himpilan ng kompanyang Google sa Pilipinas ay nakatuon

sa pagpapanatili ng mga katutubong wika at sistema ng pagsulat sa bansa sa

pamamagitan ng naaayong teknolohiya at produkto gaya ng Gboard at Translate.”

Ayon sa artikulong inilathala ni Sartorio (2019), kapansin-pansin ang pagiging

tanyag ng paggamit ng Baybayin sa social media lalo na sa mga posts na may kinalaman

sa mga ‘hugot’ at ‘kasabihan’. Dagdag pa niya, nagiging paraan din ang mga post na ito

upang maipaliwanag ang mga teknikal na pamamaraan, pinagmulan, kasaysayan at

konteksto ng Baybayin sa modernong panahon. Ang impluwensiya ng social media ay

maaaring tumugon sa pangangailangan na panatilihin ang sining ng Baybayin at patuloy

pa itong paunlarin at mahalin.

23
AURORA NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK

24

You might also like