Professional Documents
Culture Documents
BSMA 1-7
Gawain 3:
1. Pilipinohiya
Ayon naman kay Apigo, M.V. (2001) batay sa panayam kay Prop. Ghandi C. Cardenas, ang
Pilipinolohiya ay mabusising pag-aaral sa ating kasaysayan at pinagmulan sa ating sariling isipan at
pananaw.
2. Pantayong Pananaw
Ayon kay Salazar, mas binibigyang importansya ng mga kababayan natin noon angimahe at
pananaw sa kanila ng mga banyaga. Ang plano sa ensiklopedia ng Malakanyang sa parehong diwa at,
mangyari pa, sawikang Ingles ay may malabong balak. Nabanggit ni Salazar ang di malamang pagkakaiba
ngensiklopediang ito sa mga ensiklopedia ng mga banyaga. nabanggit din ni Salazar ang tungkol sa mga
epiko na patuloy na nadaragdagan. Itolamang ay madaragdagan ng mga taong nasa loob ng lipunan
mismo na may iisang wika at hindinagmula sa labas. Nakita ko rito ang pantayong kamalayan ng
kasaysayan. Ilan lamang ito sa mga argumentong nakaangkla sa pangtayong pananaw.
Makakamit lamang ang pantayong pananaw ngkasaysayan kung gagamitin natin ang iisang wika
at isasalaysay ang ating sariling kultura sa mgaPilipino mismo.
3. Sikolohiyang Pilipino
Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang bunga ng kaisipan, karanasan at oryentasyong Pilipino
(Enriquez, 1976). Ito ay tumutukoy sa karnalayan, kaisipan, diwa, ugali, kalooban, damdamin, at marami
pang iba. Ang pag-aaral tungkol sa Sikolohiyang Pilipino ay nagsimula sa mga unang taon ng dekada 70
bunga ng pag-aalinlangan ng mga sikolohista hinggil sa maraming teoryang mula sa Kanluran na hindi
angkop sa pagunawa sa sikolohiya ng mga Pilipino. Sa loob ng humigit-kumulang sa 20 taon nang
pagpapaunlad sa larangan ng Sikolohiyang Pilipino, maraming mahahalagang konseptong sikolohikal na
mula sa pananaw na katutubo ang natuklasan at nalinang, lara na sa larangan ng Pagkataong Pilipino.
4. Filipinolohiya
Mahalaga ang pag-aaral sa Filipinolohiya dahil tumutulong ito upang maunawaan, suriin at
magbigay halaga sa kasaysayan ng Pilipinas, mga napapanahong isyu sa lipunan at sa sangkatauhan na
binubuo gaya na lamang ng musika, sayaw, at sining ng bansa. Ang Filipinolohiya ang nagbibigay
kaalaman sa mga magaaral ukol sa ating wika at panitikan. Bukod dito, ay nalilinang din sa mga mag-
aaral ang kaisipang makabayan.