Professional Documents
Culture Documents
Filipinolohiya at
Pambansang
Kaunlaran
COMPILED BY:
MICALYNE R. AMURAO
Instructor
PANIMULA/INTRODUKSYON
Sa unang kabanat ng modyul na ito nakapaloob ang kahulugan ng salitang Filipinolohiya at
ang kaugnayan nito sa ating kultura. Sa kursong ito mauunawaan ang kalikasan ng
Filipinolohiya na nakaugnay sa Wikang Filipino at nasyunalismo, siyensya at (mamamayan) at
ang kalagayan at halaga ng Filipinolohiya sa pamamagitan ng paglalatag ng sitwasyong
pangkultura, pangwika at panlipunan sa bansa at ibang bansa.
Matatalakay din sa kursong ito ang kronolohikal na kasaysayan ng Industriya sa/ng Bansa.
at makapag-analisa ng kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa.
Maaaral din dito ang tungkulin ng wika at ang mga taong nagbigay pakahulugan dito. Sa
pagaaral ng wika nararapat lamang na alamin din kung ano-ano ang mga antas o anyo nito
upang lubos na maunawaan kung ano nga ba ang wika at bakit ito patuloy na nagbabago sa
paglipas ng panahon.
Nais din nito na makapagtamo ang mga mag-aaral ng kaalaman at kasanayan sa Industriyal
na Pananaliksik (critical research paper) pananaliksik Kritika sa industriya(critical paper on
industry) upang makapagbuo ng artikulong Pananaliksik batay sa dokumentasyon ng
industriya. Pati ang mga uri ng pananaliksik at paraan nito ay nakapaloob din dito.
Table of Contents
PANIMULA/INTRODUKSYON ....................................................................................................................... 2
Syllabus Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran ......................................................................... i
UNANG KABANATA ................................................................................................................................. i
Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang Bayan ..................................................
1
FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN ...................................................................... 1
ARALIN 1: Kahulugan ng Filipinolohiya ..............................................................................................
1
Kaugnayan ng Filipino sa Kultura ........................................................................................................
1
Kalikasan, Kasaysayan at Kamalayang Bayan ................................................................................. 2
Filipinolohiya at Kultura .........................................................................................................................
3
Ano ang wikang Filipno? .......................................................................................................................
3
Kaugnayan ng Filipino sa Kultura ........................................................................................................
3
Maikling Kasaysayan .............................................................................................................................
3
Ano ang wikang Filipino? ...................................................................................................................... 5
P/FILIPINOLOHIYA ............................................................................................................................... 7
Mga larangan ng P/Filipinolohiya .........................................................................................................
7
ARALIN 2: Wikang Filipino At/Ay Diskursong Mamamayan .........................................................
7
WIKANG FILIPINO .................................................................................................................................
7
Tungkulin ng Wika ..................................................................................................................................
7
Dalawang taong nagbigay kahulugan sa Diskurso ........................................................................... 8
Pasalita at pasulat na diskurso ............................................................................................................ 8
MGA DISKURSONG PASALITA ......................................................................................................... 9
Pagkakaiba ng Pasalita at pasulat ...................................................................................................... 9
Konteksto ng Diskurso ...........................................................................................................................
9
APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG O URI NG DISKURSO ........................................... 10
IKALAWANG KABANATA .................................................................................................................... 11
ARALIN 1: FILIPINOLOHIYA: KALAGAYAN NG HALAGAHAN BATAY SA SITWASYONG
PANGKULTURA, PANGWIKA, AT PANLIPUNAN ........................................................................... 11
SITWASYONG PANGWIKA ...............................................................................................................
11
1. Panahon ng Kastila ......................................................................................................................
11
2. Panahon ng Amerikano ...............................................................................................................
12
3. Panahon ng Hapon ......................................................................................................................
13
ARALIN 2: KASAYSAYANG PANG-EKONOMIYA NG PILIPINAS .............................................. 14
Bago Dumating ang mga Kastila .......................................................................................................14
Panahon ng Kastila ..............................................................................................................................14
Panahong Komonwelt .........................................................................................................................15
Panahon ng Hapones ..........................................................................................................................
16
Panahon ng Republika ........................................................................................................................
16
IKATLONG KABANATA ........................................................................................................................ 19
Kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa .................................. 19
Aralin 1: ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA AT ANG BAHAGING GINAGAMPANAN NITO
SA PAGPAPAUNLAD NG EKONOMIYA ......................................................................................... 19
Paghahalamanan. ............................................................................................................................
19
Paghahayupan. .................................................................................................................................
19
Pangingisda. .....................................................................................................................................
20
Paggugubat. ......................................................................................................................................
20
Kahalagahan ng Agrikultura ........................................................................................................... 20
ARALIN 2 ...............................................................................................................................................
22
DAHILAN AT EPEKTO NG SULIRANIN NG SEKTOR AGRIKULTURA .................................... 22
Mga Dahilan at Epekto ng mga Suliranin sa Sektor ng Agrikultura ......................................... 22
Mga Patakaran at Programa Upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura ...........................
23
Mga Instituyon at Ahensiya ng Pamahalaan ................................................................................
24
ARALIN 3 ...............................................................................................................................................
26
ANG SEKTOR NG INDUSTRIYA AT PANGANGALAKAL: BAHAGING GINAGAMPANAN SA
PAGPAPAUNLAD NG EKONOMIYA................................................................................................ 26
ARALIN 4 ...............................................................................................................................................
29
DAHILAN AT SULIRANING NG SEKTOR INDUSTRIYA AT PANGANGALAKAL ................... 29
Epekto ng Industriyalisasyon ..........................................................................................................
30
Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sector Industriya at Pangangalakal ...
31
IKA-APAT NA KABANATA ................................................................................................................... 33
UGNAYAN NG FILIPINOLOHIYA AT MGA INDUSTRIYA SA PILIPINAS ................................... 33
ARALIN 1: ANO ANG INDUSTRIYA ................................................................................................. 33
EKONOMIYA .................................................................................................................................... 33
MGA SEKTOR NG EKONOMIYA ..................................................................................................
33
MGA SEKTOR NG INDUSTRIYA ..................................................................................................
34
PANGUNAHING OPORTUNIDAD PARA MAPALAWAK ANG SEKTOR NG SERBISYO .. 35
PAGMAMANUPAKTURA................................................................................................................35
URI NG INDUSTRIYA AYON SA LAKI .........................................................................................35
INDUSTRIYALISASYON ................................................................................................................35
ARALIN 2 ...............................................................................................................................................
36
PANINIWALA AT PANANAMPALATAYA ........................................................................................ 36
Pagsamba ng mga Sinaunang Pilipino .............................................................................................
36
RELIHIYONG PAGANISMO ...............................................................................................................
39
POLYTHEISMO ....................................................................................................................................
39
ANIMISMO ............................................................................................................................................ 39
PANTHEISMO ...................................................................................................................................... 39
Anito ...................................................................................................................................................
40
Bul-ul ..................................................................................................................................................
40
ISLAM .................................................................................................................................................... 40
• MUSLIM .....................................................................................................................................
40
• ISLAM.........................................................................................................................................
40
LIMANG HALIGI NG ISLAM ...............................................................................................................
40
1. SHAHADA .....................................................................................................................................
40
2. SALAH / SALAT ...........................................................................................................................
40
3. ZAKAT ...........................................................................................................................................
40
4. SAWM ............................................................................................................................................
40
5. HAJJ...............................................................................................................................................
40
KORAN / QUR’AN ............................................................................................................................
41
ARALIN 3: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO .... 41
Mga Konseptong Pangwika ................................................................................................................
41
NASYONALISMO .............................................................................................................................
41
WIKA ..................................................................................................................................................
41
Iba’t ibang Kahulugan ng Wika; .....................................................................................................
42
Aspeto ng pag-unawa, pagpapayaman at siyentipikasyon ng wika .........................................
44
Anyo ng Wika ....................................................................................................................................44
1. Pabalbal
/Balbal ...........................................................................................................................44
2. Kolokyal ...............................................................................................................................
..........45
3. Lalawiganin/Panlalawigan ................................................................................................
..........45
4. Pambansa/Lingua
Franca ..........................................................................................................46
5. Pampanitikan ......................................................................................................................
..........46 ARALIN 4: Antas ng
Wika ...................................................................................................................47
A. PORMAL ........................................................................................................................................
47
1. Pambansa. ....................................................................................................................................
48
2. Pampanitikan o Panretorika. ......................................................................................................
48
B. IMPORMAL ................................................................................................................................... 48
1. Lalawiganin ...................................................................................................................................
48
2. Kolokyal .........................................................................................................................................
48
3. Balbal. ............................................................................................................................................
48
Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal: .....................................................................
49
ARALIN 5: Pambansang Wika ...........................................................................................................
50
Pahapyaw na Kasaysayan.............................................................................................................. 50
Wikang Opisyal .................................................................................................................................
51
Wikang Panturo ................................................................................................................................
51
Monolinggwalismo ............................................................................................................................
52
Bilinggwalismo ..................................................................................................................................
52
Multilinggwalismo .............................................................................................................................
52
Register ng Wika ..............................................................................................................................
52
Barayti ng Wika..................................................................................................................................... 53
Homogenous .....................................................................................................................................
53
Heterogenous ...................................................................................................................................
53
Linggwistikong Komunidad .............................................................................................................
53
Unang Wika .......................................................................................................................................
53
Pangalawang Wika ..........................................................................................................................
54
Idyolek ................................................................................................................................................
54
Dayalekto ...........................................................................................................................................
54
Meron tatlong uri ng Dayalek: ........................................................................................................ 55
Ekolek.................................................................................................................................................55
Pidgin .................................................................................................................................................56
Creole .................................................................................................................................................56
ARALIN 6: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Filipino .............................................................56
Panahon ng mga Katutubo .............................................................................................................57
Panahon ng mga Kastila .................................................................................................................57
Panahon ng Propaganda ................................................................................................................58
Panahon ng mga Amerikano ..........................................................................................................
58
Panahon ng Hapones ......................................................................................................................
59
Panahon nga Malasariling Pamahalaan .......................................................................................
59
IKA-LIMANG KABANATA ..................................................................................................................... 64
ARALIN1: Kahulugan ng FILIPINO ....................................................................................................
64
FILIPINO ................................................................................................................................................
64
Pambansang lingua franca .................................................................................................................
64
Wikang Pambansa ...............................................................................................................................
64
Opisyal na Wika sa Komunikasyon ................................................................................................... 64
Opisyal na Wikang Panturo ................................................................................................................ 65
Pormal na deskripsiyon ng Filipino ayon sa KWF ...........................................................................
65
ALPABETO at ORTOGRAPIYANG PAMBANSA ........................................................................... 65
ORTOGRAPIYA ............................................................................................................................... 65
Mula Baybayin Hanggang Abakada ..............................................................................................
65
Bagong Alpabetong Filipino ............................................................................................................
66
1. Grafema .........................................................................................................................................
67
2. Ang Pantig At Palapantigan ...........................................................................................................
68
3. Pagbaybay Na Pasalita ...................................................................................................................
70
4. Pagbaybay Na Pasulat ...................................................................................................................
70
IKA-ANIM NA KABANATA.................................................................................................................... 75
Sulating pananaliksik ............................................................................................................................
75
1. Sulating Pananaliksik ......................................................................................................................
75
Kahulugan ng Pananaliksik ................................................................................................................ 75
Katangian ng Pananaliksik ................................................................................................................. 76
Layunin .................................................................................................................................................. 76
Tungkulin/Responsibilidad ng Mananaliksik ....................................................................................76
Ano ang Thsesis Proposal? ................................................................................................................77
Uri ng Pananaliksik ..............................................................................................................................79
Mga Paraan ng Pananaliksik ..............................................................................................................80
Uri ng Paglalarawang Paraan ............................................................................................................80
Lawak ng Sarbey ..................................................................................................................................80
Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental ...........80
Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos ...................................................................................... 81
Apat na Elemento na Dapat sa Paggamit ng Obserbasyon Bilang Pamaraang
Pangongolektang mga Datos .............................................................................................................
81
Mga Bahagi ng Pananalisik .................................................................................................................
82
B. Paraang Pagtatanong .....................................................................................................................
85
Mga Katangian ng Epektibong Tanong ........................................................................................ 86
Mga Paraan at Kasang kapan Para sa Pagtatanong ..................................................................... 86
Dalawang Uri ng Pananaliksik na Pakikipanayam ..........................................................................
86
Mga Hakbang sa Paraang Pagtatanong .......................................................................................... 86
Mga Hakbang sa Paggawa ng Sulirang Paananaliksik ..................................................................
87
Ang Pagpili ng Paksa ............................................................................................................................
88
Mga Panuntuan sa Pagpili ng Paksa ................................................................................................ 88
Pinagmulan ng Suliranin ..................................................................................................................... 88
Katangian ng Isang Mahusay na Suliranin .......................................................................................
88
Mga Halimbawa ng Suliranin o Paksa .............................................................................................. 89
Mga Pamagat ng Isang Sulating Pananaliksik ................................................................................ 89
Ang Pagpapahayagn ng Layunin .......................................................................................................
89
Paggawa ng Tentatibong Balangkas ................................................................................................ 89
MGA AKDANG PINAGSANGGUNIAN ................................................................................................
91
Republic of the Philippines
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
OFFICE OF THE VICE PRESIDENT FOR BRANCHES AND CAMPUSES
CABIAO NUEVA ECIJA CAMPUS
Prerekwisit : Wala
Deskripsiyon ng Kurso :
Tinutugunan ng kurso ang pangangailangan ng isang lapat na kamalayang gagabay sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa pambansang kaunlaran gayundin ang pagsusuri sa
iba’t ibang salik na nakaka-apekto sa pag-unlad nito.
Tatalakayin ang Filipinolohiya at Pambansang Kaunlaran bilang isang kaisipan/prinsipyo at tunguhin na nakalapat sa talino at karunungang Filipino. Pahahalagahan ang Filipino
bilang wika ng pagkatuto na pundasyon sa paglikha sa kamalayang makabansa tungo sa hangaring pahalagahan at pauunlarin ang mga industriya ng bansa. Lilinangin ang
mga kasanayan sa pag-unawa, pagsusuri at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa Filipinolohiya sa pamamagitan ng dokumentasyon at pananaliksik na nakatuon sa tiyak ng
larang/disiplina
Nahahati ang kurso sa tatlong bahagi: Una ang pag-unawa sa Filipinolohiya bilang isang kaisipan na nagpapabatid sa kahalagahan ng isang industriyang makabansa.
Pangalawa ay ang pagsusuri ng kalagayan ng halagahan ng wika, kultura at lipunan batay sa kaisipang Filipinolohiya na may kasamang sa pagsipat sa kalagayan at tagumpay
ng ibang bansa sa ugnayang ng programang pangwika at pang-industriya. At pangatlo ay ang tuluyang paglalapat at pagsasapraktika ng mga kaisipan sa pamamagitan ng
aktuwal na interaksiyon o emersyon sa mga tiyak na industriya ng/sa bansa bilang bahagi na proseso ng dokumentasyon at pananaliksik na mapag-uugnay ang gampanin ng
ng mga batayang kaalamang nakabatay sa danas. Sa dulo ng kurso ay makabubuo ang mga mag-aaral ng isang panimulang papel/pananaliksik na naglalaman ng Filipinolohiya
sa industriya ng/sa bansa. (a)dokumentasyon ng danas sa emersyong isinagawa, (b)pagsusuring kinakikitaan ng paglalapat ng kaisipang Filipinolohiya at (c) pagpapahalagang
kaisipan na makakatulong sa isang industriyang makabansa.
Bunga ng Pagkatutong Pang-institusyon Bunga ng Pagkatutong Pamprograma Mga Layunin ng Kurso
➢
Nakatutugon ang kakayahang panteknolohiya ng
mga mag-aaral sa mabisa at maghusay na
pagtuturo ng wika, pagsasagawa ng pananaliksik at ➢ Makapagpamalas ng awtentikong kaalaman
iba pang gawaing pang-akademiko. batay sa Interaksiyon / Partisipasyon / Imersyon /
➢
Nakapagsusuri ng papel ng humanistikong
edukasyon sa paghubog ng tao at lipunan.
➢ Nakapagpapamalas ng pagkiling sa serbisyo sa
isang propesyon.
➢
Nakakalahok sa mga samu’t saring trabaho,
gawaing pagpapaunlad at publikong diskurso lalo
bilang tugon sa mga pangangailangan ng mga
pamayanang pinagsisilbihan
➢
Nakatutuklas, nakabubuo at nakalilikha ng mga
pananaliksik upang makapagbahagi ng kaalaman at
karunungan.
➢
Naipakikita ang diwang makabayan, makatao,
makaDiyos, moral at estetiko.
➢ Nakakikilos nang may pagkilala sa mga
pananagutang propesyunal,istoriko at etiko.
Bílang ng oras: 3 oras bawat linggo sa loob ng 18 linggo o 54 oras sa isang semestre
Plano ng Kurso
Linggo Paksa Bunga ng Pagkatuto Pamamaraan Sanggunian Pagtatasa (Assessment)
(Learning Outcomes) (Resources)
(Week) (Topic) (Methodology)
Oryentasyon sa VMGO (Vision, Naibibigay ang kahingian 1ST VIDEO University Student Handbook
Mission, Goals at Objective) ng ng kurso at ang VMGO. CONFERENCING PUP Website
Unibersidad. Nailalahad ang magiging
1 Synchronous
Pagbibigay ng mga kahingian sa kurso, saklaw ng talakayan ng
Mode of Learning
pagtatalakay sa kasaklawan ng mga kurso at sistema ng
paksain sa klase at sistema ng paggagrado. Lektura
paggagrado (grading system).
Malayang
talakayan
2-3 2ND VIDEO https://pdfcoffee.com/dcvet-1-2alibado-
https://prezi.com/iyie8j6of6ze/filipinolo
hiya/
https://www.slideshare.net/MjAspa/m
ga-tungkulin-ng-wika
https://www.slideshare.net/avigailgabal
eomaximo/diskurso-sa-filipino
https://prezi.com/ogswlzz8lrh2/konteks
to-ng-diskurso/
Filipinolohiya: Kalagayan ngPangkultura,
Halagahan 3RD VIDEO https://www.slideshare.net/RichelleSer
https://www.slideshare.net/hayunnisa_
lic/pagbabago-sa-panahon-ng-
mgaamerikano-1
https://www.coursehero.com/file/3228
0001/60720647-4-Pilipinolohiya-Covarat-
Salazardoc/
https://www.slideshare.net/WendellTar
aya/kasaysayan-at-pagunlad-ng-
wikangpambansa
https://www.slideshare.net/shanialover
es/ekonomiks-kalagayan-ng-
ekonomiyang-pilipinas-sa-ibatibang-
panahon
Pambansang 4TH VIDEO
https://www.slideshare.net/jessicavd
uque/antas-ng-wika-28063693
https://www.slideshare.net/reignange
lagenz/kasaysayan-ng-wikangfilipino-
109400600
5th VIDEO
Malayang 54345434
talakayan https://www.coursehero.com/file/918
62239/Kahulugan-at-Layunin-
ngPananaliksikdocx/
https://www.slideshare.net/rubymica
h14/mga-bahagi-ng-pananaliksik
https://www.slideshare.net/JanCrisid
esCorrado/pananaliksik
https://slideplayer.com/slide/1458422
8/
https://www.coursehero.com/file/563
38171/pagbasa-2pptx/
https://www.slideshare.net/JuniorPan
opio/pananaliksik-2
https://www.scribd.com/uploaddocument?archive_doc=394235291
Pananaliksik at Pag-aaral sa napiling 6th and 7th VIDEO
https://www.slideshare.net/JuniorPan opio/pananaliksik-2
https://www.scribd.com/uploaddocument?archive_doc=394235291
Correspondence https://www.coursehero.com/file/549 89651/Sulating-
https://www.slideshare.net/JuniorPan opio/pananaliksik-2
https://www.scribd.com/uploaddocument?archive_doc=394235291
PARAAN NG PAGMAMARKA
Class Standing
• Quizzes 70
Kahingiang Papel 30
Kabuuan 100
INIHANDA NI: BINIGYANG PANSIN NI:
PINAGTIBAY NI:
FERNANDO F. ESTINGOR
Direhe, PUP Cabiao Campus
UNANG KABANATA
Filipinolohiya: Kahulugan at Kalikasan ng Kamalayang Bayan
Mga Layunin
1. Natutukoy ang kahulugan ng Filipinolohiya.
2. Natutukoy ang maikling kasaysayan ng wikang Filipino.
3. Naipapaliwanag ang kaugnayan ng wikang Filipino sa ating Kultura.
• Ang Filipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita, “Filipino" at "Lohiya " (logos) na ang ibig
sabihin ay pag-aaral ng wikang Filipino.
• Ang Filipinolohiya ay isang sistematikong pag-aaral upang palitawin ang pagka-Pilipino sa iba’t
ibang larangan.
- Pilipinong Kaisipan
- Pilipinong Kultura
- Pilipinong Lipunan
• Ang kaisipan, kultura, at lipunan ay nag-ugat sa mga karanasan ng mga katutubong Filipino –
ito ang mga basihan ng homonisasyon o pagkatao. Maaaring ang mga ito ay hawig sa iba pang
lahi, ngunit ang Pilipino, bilang isang pang-uri ng iba’t ibang sangkap ay may sariling hekusyon,
estetika, at kaayusan.
– ang mga ito ang nagging pananda ng pagiging makabansa at isang lahi.
Ang mga Kastila at Amerikano ay may ambag sa akademikong disiplina sa Pilipinas. Ito ang
dahilan kung bakit may roong maayos at magandang edukasyon sa bansa. Subalit, kabalikat
nito, naging isip-kolonyal ang mga Filipino kung saan ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa ay
mala kanluranin samantalang taga silangan sila.
Pinalaganap nila ang unibersalismo kung saan ang ethnic, parochial, at provincial ng
bansa ay unti-unti ng nawawala o napapalitan. Subalit, kailangan din ng Pilipinolohiya ang
akademikong disiplina upang mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang
kabaliktaran nito.
• Ang dating Philippine Studies ay walang pantayong pananaw dahil ito ay nakatuon sa mga
banyaga o sa mga naturingang Pilipino na nanaliksik ayon din sa pananaw ng mga banyaga.
• Nag-ugat ang mga pananaw ng mga Pilipino sa mga katutubong kamulatan at kamalayan
upang mabuo ang makabansang kabihasnan at hindi laman upang pag-aralan ang mga
nangyari sa mga Pilipino at Pilipinas.
•Isang arkipelago ang Pilipinas kung kaya nagkaroon ng maraming katutubong wika.
•1935 Konstitusyon
- Nabanggit ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
- Nakasaad sa Artikulo 14 Seksyon 3 na "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika.
• Nobyembre 13, 1936- Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang SURIAN NG WIKANG
PAMBANSA.
Ama ng Wikang Pambansa
MANUEL L. QUEZON
- Tungkulin ng Surian ba nagsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan
sa pagpili ng wikang pambansa.
Filipinolohiya at Kultura
Ano ang wikang Filipno?
Filipino
Maikling Kasaysayan
• Pebrero 28, 2001- iniharap ni prop. Gandhi cardenas ( dating tagapangulo ng
kagawaran ng Filipinolohiya)sa tulong ni Prop. Bayani Abadilla ang filipinolohiya bilang
programang pang-akademiko sa PUP university curriculum evaluation committee
• Taong-aralan 2001-2002 ( unang 4emester) binuksan ang programang ab filipinolohiya
bilang programang pang-akademiko at tumanggap na ng mga mag-aaral
• Sa taon ding ito pinalitan ang kagarawan ng Filipino ng katawagang kagawaran ng
filipinolohiya.
Kahulugan
• ( mula kay Prof Cardenas)
➢ disiplina ng karunungan na nakasalig sa makaagham na pag-aaral sa pinagmulan,
kalikasan, at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at
iba pang batis ng karunungang Pilipino. Nililinang din nito ang mga karunungang ambag
ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan
Sa kabuuan, pinag-aaralan ang kaisipan, kultura, at lipunan upang palitawin ang pagka
F/Pilipino ng bawat larangan. Hinabi at nililok ng mga F/Pilipino ang lahat ng larangang
nabanggit dahil bunga ang kaisipan, kultura, at lipunan ng karanasang F/Pilipino. Gayundin sa
wika sapagkat ang wika ay karanasan. Ibig sabihin tayong mga Pilipino ang gumagawa sa mga
ito at ito ang pananda n gating pagkabansa at lahi.
• Larangan ng kaisipan
Tao ay isang banga. Ito may labas, loob, at lalim. Binubuo ng katawang lupa at kaluluwa.
Kapag namatay ang tao, katawang lupa ay nagiging alabok; kaluluwa ay yumayao at
pumapanaw. Sa Pilipino, tanda ng pagkamatay ay paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan; sa
Amerikano, ang ”brain dead” ay tanda ng pagkamatay.
• Larangan ng kultura e.g., Wika
Imbentaryo ng mga tunog ng isang wika ay ayon sa tambalan ng mga tunog. Halimbawa,
kung may P malamang may B may T malamang may D may K malamang may G
iba’t ibang kalidad ang bawat tunog (Tag-Vis)
• Larangan ng lipunan e.g., Sambahayan
Figura 1. Konsepto ng istruktura ng Pilipinong sambahayan ay extended family
P/FILIPINOLOHIYA
Para kay Covar – Wika, sikolohiya, pilosopiya, relihiyon, musika, pagguhit, eskultura,
sayaw, arkitektura, drama, panitikan, at pelikula.
Para kay Salazar – Maaaring isama ang larangan ng agham, teknolohiya, politika,
komersyo, pamamahala, ekonomiya at iba pa basta ito ay may kinalaman sa mga Pilipino,
pagkaPilipino at mga anyo’t paraan ng pagpapakaPilipino.
Tungkulin ng Wika
▪ Interaksyonal – nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
▪ Instrumental – tumutugon sa mga pangangailangan.
▪ Regulatory – kumokontrol, gumagabay sa kilos/ asal ng iba.
▪ Personal – nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
▪ Imajinativ – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
▪ Heuristik – naghahanap ng informasyon/datos.
▪ Informativ – nagbibigay ng imformasyon/datos.
DISKURSO
✓ Ang diskurso ay pasalita o pasulat na pahayag na mauuri batay sa piniling mga salita at
estruktura ng mga pangungusap at ang mga paraan ng paggamit nito sa pagpapahayag
ng impormasyon, tema o paksa, estilo at balangkas ng kaalamang ibinabahagi at
inaasahang interpretasyon ng mambabasa.
✓ Nagmula ito sa Middle English na “discours”, na mula sa Medieval at Late Latin na
“discursus”.
✓ Ito ay nangangahulugang “argumento” at “kumbersasyon”.
✓ Tumutukoy din ito sa kakayahan sa pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o ang
pagiging makatuwiran ng isang tao.
Kumbersasyon
Ay isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang saysay
na usapan.
Pasalita at pasulat na diskurso
1. Pasalitang Diskurso
- binubuo ito ng mga makahulugang tunog na isinasaayos sa tamang
organisasyon upang makabuo ng mga makahulugang salita.
- Sistema ng mga tunog at sistema ng mga salita.
- Karaniwang magkaharap ang mga participant kung kaya’t bukod sa
kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang
sangkap ng komunikasyon
2. Pasulat na Diskurso
- nangyayari ito sa pamamagitan ng mga simbolo gaya ng letra, bilang at
mga larawang nagdadala ng mensahe sa tatanggap nito.
- maaaring maganap ang pagrerebisa at matamang paghahanda ng
isusulat na mensahe
- Higit na pag-iingat ang isinasagawa ng isang manunulat. Sa sandaling
ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at
ito’y kanyang nabasa, hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat.
GAWAIN
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na pahayag.
1. Ito ay isang klase ng pag-uusap o komunikasyon na kadalasang nauuwi sa walang
saysay na usapan.
2. Pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa pasalita man o pasulat.
3. Ito ay uri ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na
pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng
mambabasa o tagapakinig.
4. Ayon kay __________, ang Diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng
kumbersayon.
5. Ayon kay __________, ang kahulugan ng diskurso ay may kinalaman sa pagsasalita at
pagtatalumpati.
6. Ito ay uri ng diskurso na kung saan isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng
isang partikular na pangyayari upang maibahagi sa iba ang mga bagay na ating
nasaksihan.
7-9. Magbigay ng tatlong tungkulin ng wika.
10-11. Ibigay and dalawang anyo ng diskurso at ipaliwanag ito.
12-13. Dalawang tao na nagbigay ng kahulugan ng diskurso.
14-15. Magbigay ng dalawang uri ng diskurso.
16-20. Ipaliwanag ang dalawang anyo ng diskurso.
21-25. Ipaliwanag ang kaugnayan ng Filipino sa ating Kultura.
IKALAWANG KABANATA
ARALIN 1: FILIPINOLOHIYA: KALAGAYAN NG HALAGAHAN BATAY SA SITWASYONG
PANGKULTURA, PANGWIKA, AT PANLIPUNAN MGA
LAYUNIN
1. Natutukoy ang panahon kung saan maganda ang lagay ng ekonomiya ng bansang
Pilipinas?
2. Nakikilala ang mga pangulong Malaki ang naging ambag at impluwensya sa pag-
unlad ng ating bansa.
3. Naipapaliwanag ang mga kontribusyon sa ating wika ng mga bansang sumakop sa
Pilipinas.
SITWASYONG PANGWIKA
Mahigit sa 100 wika at 400 na dayalek ang matatagpuan sa Pilipinas. Ang mga pag-
aaral na ginagawa pa kaugnay ng wika ay nagpapakita ng pagkakatulad ng mga ito.
Gayunman, sa kabila ng mga pagkakahawig ng mga wika sa Pilipinas, malaki pa rin ang
problema dahil sa kolonyal na karanasan ng bansa kung saan ang isang banyagang wika ay
nagpupumilit na magdomina sa isang lipunang nadodominahan sa bilang ng mga hindi
nagsasalita ng wikang ito (P. Constantino, et. Al.).
Nahahati sa panahon ng (1) Kastila, (2) Amerikano, (3) Hapon, at (4) Republika
hanggang sa kasalukuyan.
1. Panahon ng Kastila
• Ang pananakop sa pamamagitan ng paghihiwa-hiwalay at pagbubukod-bukod sa mga
Pilipino ay isinasakatuparan ng mga prayle sa pamamagitan ng pag-aaral nila ng mga
wikang katutubo sa halip na ituro ang wikang Kastila.
• Ang dahilan ng mga prayle na hindi pagtuturo ng wikang Kastila sa mga Indio:
a) Gusto ng mga prayle na manatili sa kanila ang pamahalaan.
b) Dahil lumalakas ang kilusang liberal sa Espanya, nasuri ng mga prayle na higit na
makabubuti para sa kanila kung hindi matututo ng wikang Kastila ang mga Pilipino at
hindi makapagpapahayag sa pamahalaan.
c) Ang kaalaman sa wikang Kastila ay makahihikayat ng pag-aalsa sa panig ng
mamamayan sapagkat mauunawaan nila ang mga batas ng pamahalaan.
d) Malakas ang paniniwala ng mga prayle sa kanilang sariling lahi, na sila’y superyor.
2. Panahon ng Amerikano
• Ayon kay Senador Morgan ng Alabama, ang Pilipinas ay mahalaga bilang base militar at
komersyal ng Amerika sa silangan. Inaasahan din nilang mangangailangan sa Pilipinas
ng mga kagamitang mabibili sa kanilang bansa sapagkat mababago na ang sistema ng
pamumuhay sa kanilang ipakikilalang edukasyon.
• Hindi naging madali ang pagtuturo ng Ingles. Hindi maiwasan ang paggamit ng wikang
bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga bata. Noon 1900 ang Superintendente
Heneral ng mga Paaralan ay nagbigay ng rekomendasyon sa Kalihim ng gobernador
Militar ng paggamit ng bernakular bilang pantulong na wikang panturo. Pinagtibay
naman ng Lupon ng Superyor na Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga
librong pamprimarya sa Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol.
• Noong 1906 pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng Kawanihan ng Pagtuturo) ang
isang kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa Philippine
Normal School sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
• Nagbago na naman ang pamamalakad nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank
White dahil sa pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na Ingles lamang ang
gagamiting wikang panturo at ipinagbabawal ang bernakular.
Bago dumating ang mga Kastila, masasabi na may sariling sistemang pampulitika at
pang-ekonomiya ang ating bansa.Dahil ang Pilipinas ay napaliligiran ng karagatan, ang mga
sinaunang Pilipino ay naninirahan sa tabi ng dagat. Karamihan sa ating mga ninuno ay umaasa
sa ating mga likas na yaman upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao.
Dahil kakaunti pa lamang ang tao masasabi na wala pang gaanong kompetisyon. Ang
sistemang pangekonomiya sa panahon na ito ay ang barter na kung saan hindi gumagamit ng
salaping pangbayad ng produkto bagkus ay pagpapalitan ng produkto. Ang bansang Tsina ang
kapalitan ng ating mga ninuno sa pamilihan. Dala ng mga Tsino ang porselana, banga, at seda
kapalit ng produktong katutubo tulad ng pagkain at kagamitan.
Panahon ng Kastila
Sa pagdating ng mga Kastila, ipinakilala nila ang bagong sistema ng pamilihan. Nagmula
sa simpleng sistema ng pagpapalitan ng kalakalan hanggang sa napalitan ito ng bagong
sistemang ipinakilala ng mga Kastila sa ating mga ninuno noong 1521. Dahil sa patuloy na
paglaki ng populasyon at pagdami ng pangangailangan ng tao at naging komplikado ang
sistemang barter, ang pamahalaang kolonyal ay nagpakalat sa paggamit ng tansong barya na
tinatawag na barilang Espanyol. Sila ang nagturo sa atin ng paggamit ng iba't ibang uri ng
sinaunang teknolohiya sa pagtatanim tulad ng araro, suyod, at kawit. Sa kanilang pagdating,
bumuo sila ng sistema ng pagtatanim at nagmistulang amo ng mga katutubo ang mga Kastila
kaya lumaki ang pangangailangan dahil sa buwis na ipinapataw sa mga katutubong Pilipino.
Napilitan silang magtanim sapagka't hindi na sapat ang dating kinamulatan sa
paghahanapbuhay. Natutong gumawa ng produkto na sobra sa kanilang pangangailangan at
ang mga sobrang ito ang siyang nagsilbing pambayad nila sa lahat ng uri ng buwis na ipinataw
ng mga Kastila. Sa Simula, hindi kailangan ng pera sapagka't nagbabayad ang mga Pilipino ng
buwis sa gusto nilang halaga. Sa panahong ito, nakilala ang reales na ginagamit ng mga
Pilipino sa pagbabayad ng buwis sa halip na produkto, pero hindi nagbabayad ang mga
Pilipinong nagtatrabaho sa pamahalaan ng Kastila tulad ng cabeza de barangay. Dahil sa hindi
husto ang kaalaman at hindi nakapag-aral ang mga Filipino noong panahon ng Kastila,
nakaranas ng pag-aaubuso at diskriminasyon. Binigyang pabor ng mga Kastila ang mga tao na
nagbibigay sa kanila ng benepisyo tulad na lamang ng mga Tsino sapagka't mas malaki ang
buwis na kanilang binayaran. Nagkaroon din ng klasipikasyon sa estado ng tao noong panahon
ng Kastila.
Ang mga Pilipino ay tinawag na indio samantalang mestizo ang mga Pilipinong ang ama
ay Tsino at ang ina ay Pilipino. Kung may kabutihan na naidulot ang mga Kastila sa ekonomiya
ng Pilipinas, mayroon ding mga suliraning dulot ang sistemang ipinakilala ng mga Kastila.
Nagkaroon ng sistema kung saan ang isang pueblo ay kailangang maglaan ng ilang bahagi sa
kanilang produkto upang ipagbili sa pamahalaan. Pagkatapos ipunin ang mga nalikom na
produkto, dadalhin ang mga galyon sa Acapulco, Mexico. Nagsimula ang sistemang ito mula
ika16 siglo at tumagal ito hanggang 1815. Tanging ang mga Kastila at Tsino lamang ang
nakinabang sapagka't mula sa Tsina ang mga produktong dinadala sa Acapulco ng mga galyong
dumadaan sa Pilipinas. Hindi pinapayagang bumili basta basta ng produkto ang sinumang tao
kung walang reales comfras, tawag sa salaping pambayad sa binibiling produkto sa galyon.
Hiniling din ng pamahalaang Kastila na magbigay ng kontribusyon sa mga simbahan ang mga
katutubong Filipino tuwing may pista at mahahalagang okasyon na pinagdiriwang sa kanilang
nayon.
Panahong Komonwelt
Panahon ng Hapones
Panahon ng Republika
GAWAIN
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Maraming dayuhan ang sumakop sa ating bansa sa nagdaang panahon. Kung ikaw ang
tatanungin sa anong panahon mo masasabing maganda ang lagay ng ekonomiya ng
bansang Pilipinas?
2. Sa mga pangulong nabanggit, sino sa kanila ang masasabi mong may malaking
naiambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas?
3. Ano-ano ang mga naging kontribusyon sa ating wika at kultura ng mga bansang
sumakop sa bansang Pilipinas?
IKATLONG KABANATA
Kalagayan ng Pambansang Industriya sa Pilipinas at sa ibang Bansa
Mga Layunin
1. Natutukoy ang bumubuo sa sector ng agricultura;
2. Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng sector na agricultura sa ekonomiya;
3. Nasusuri ang dahilan at epekto ng suliranin ng sector agricukltura;
4. Nailalarawan ang bumubuo sa sector ng industriya at pangangalakal;
5. Natatalakay ang bahaging ginagampan ng sektor industriya at pangangalakal; at
6. Naitataya ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sector industriya at pangangalakal.
Paghahalamanan.
Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng ang palay, mais, niyog, tubo,
saging, pinya , kape, mangga, tabako at abaka. Ang mga pananim na ito ay iniluluwas sa ibang
bansa . Itinatayang noong 2001, umaabot sa P 287.43 bilyon ang halaga ng palay, mais at iba
pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin sa paghahalaman ang produksyon ng
gulay, halamangugat at halamamng mayaman sa hibla (fiber) sa gawaing pang-agrikultura ng
bansa. Ilang halimbawa nito ang pagtatanim ng mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang,
sibuyas, kamatis, repolyo, talong, kalamansi. Mahalaga rin ang naitutulong ngmga produktong
ito sa ekonomiya.
Paghahayupan.
Ang pagahahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing,
baboy, manok at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pagsuplay ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pangpagkain. Upang mapigilan ang pagbaba ng bilang ng mga
kalabaw, itinatag ng Batas Republika Bilang 7307 ang Philippine Carabao Center na
mangangasiwa ng pagpaparami at pagpapaunlad ng populasyon ng kalabaw bilang katulong sa
pagsasaka at pinagkukunan ng karne, gatas at katad. Ang paghahayupan ay gawaing
pangkabuhayan na kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon din mga
pribadong korporasyon na nasa ganitong hanap buhay.
Pangingisda.
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong
mundo. Katunayan ang isa sa pinakamalaking daungan ng mga huling isda ay nasa ating
bansa. Maaring ang pangingisda ay pangingisdang komersyal, munisipal at aquaculture. Sa
mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksyon ng pangisdaan
na 87.80 bilyong tonelada (42.74 bahagdan) noong 2001. Kasunod nito ang pangisdaang
munisipal (30.84 bahagdan) at komersyal (26.79 bahagdan). Bahagi rin ng pangingisda ang
panghuhuli ng hipon at sugpo, kasama na rin ang pag-aalaga ng mga dmaong dagat na
ginagamit sa paggawa ng gulaman.
Paggugubat.
Kahalagahan ng Agrikultura
Sinusuplayan ng agrikultura ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mga tao. Ito rin
ang pinanggagalingan ng mga hilaw na sangkap upang mapatakbo ang industriya. Halimbawa,
kailangan ng produksyon ng goma para sa industriya ng gulong; bulak at halamang mayaman
sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain,
kemikal o gamut.
GAWAIN
ARALIN 2
Malawakan ang paggamit ng ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil s
amga pangangailangan ng mga hilaw na material sa paggawa. Isa na rito ang mga troso at
mineral. Patuloy ang pagkaubos ng mga kagubatan. Dahil dito, kumokonti ang suplay ng mga
hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya. Sa pagkawala ng mga kagubatan,
nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami. Nagiging sanhi rin ito ng
pagbaha na sumisira sa libulibong ektaryang pananim taun-taon. Naapektuhan din ng
pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan.
Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot rin ng erosion ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga
puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansya nito. Hindi
nagiging produktibo ang mga pananim na itnatanim dito.
Ang mga lupain na para sa pagsasaka ay lumiliit dahil na rin sa paglawak ng mga
panirahan, komersyo at industriya. Dahil dito, kinakailangan na mapalakas ang produktibo ng
mga natitirnag lupain sa agrikultura. Upang maisagawa ito, kailangan ng matinding paggamit ng
sangkap ng produksyon upang maging produktibo ang mga lupain. Dito papasok ang
teknolohiya. Mahalaga ang teknolohiya sa pagpapataas ng produksyon. Sa kasalukuyan ay
mababa pa ang antas ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura. Nangangailangan ng
modernisasyon ng agrikultura upang maisagawa ito. Maraming kakaulangan ang ating
pagsasaka lalung lalo na sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste at makabagong
teknolohiya sa pagtatanim. Kung hindi matutugunan ito, mananatiling mabagal ang pag-unlad
ng agrikultura
5. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran.
Isang organisasyong itinatag noong 1967 na anim na bansa ang Southeast Asian
Fisheries Development Center (SEAFDEC) na namamahala ng mga pananaliksik upang
mapataas ang produksyon ng pagkain sa Timog-silangang Asya. Programa sa reporma sa Lupa
Ang kawalan ng sariling lupa ang pangunahing dahilan kung bakit naghihirap ang karamihan sa
magsasakang Filipino. Ang suliraning ito ay hindi bunga nga kakulangan ng lupain kung hindi
ang di pantay pantay na pamamahagi ng mga lupain s abuong bansa. Ang reporma sa lupa ay
isang programa ng pamahalaan na naglalayong mabago ang system ang pagmamay-ari ng
lupain at mapaunlad ang buong istruktura o kaayusan ng pagsasaka. NIlalayon din nito ang
pagtatatag ng isang progresibong pamamalakad sa lupa sa pamamagitan ng pamamahagi ng
lupa at pagbibigay ng tulong-paglilingkod sa mga benisyaryo upang mapabilis ang antas ng
kaunlaran sa mga pook-rural. Nangunguna sa pagpapatupad ng programang ito ang DAR. Ito
ang bumubuo ng mga patakaran, plano at plano at programa na nauukol sa reporma sa lupa.
Itinatag din ang
Land Bank of the Philippines upang matugunan ang pinansyal na pangangailangan ng
programa.
GAWAIN
Panuto: Pagtapatin ang mga titik at bilang na magkatugma. Tukuyin ang iba’t ibang programa o
ahensiya ng pamahalaan na tinutukoy sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa loob ng
kahon.
Hanay A Sagot Hanay B
a. Gintong Ani 1. Isang programa ng pamahalaan na naglalayong
mabago ang system ang pagmamay-ari ng lupain at
mapaunlad ang buong istruktura o kaayusan ng
pagsasaka
b. Repormang 2. Ang namamahala, nagpapatupad at tumitiyak upang
Pansakahan magamit nang maayos ang mga pangisdaan at
yamang tubig ng bansa.
c. Key Production 3. Nangungunang ahensiya sa pamamahala,
Approach pangangalaga at pagpapaunlad ng kagubatan
Ibig sabihin nito ay kung may kakayahang iproseso ang hilaw na materyales hanggang
sa maging ganap na produkto ito. Bukod dito, kinakailangan din na may kakayahan ang sector
na likhain ang lahat ng makinarya o kagamitan na kailangan upang magawa ang isang
produkto. Kayat ang sector ng insudtriya ay nagsisimula sa pagkuha ng hilaw na materyales
hanggangs sa aktwal na produksyon at distribusyon ng produkto. Nahahati sa mga sumusunod
ang sector ng industriya : a) pagmimina, b)pagmamanupaktura, c) konstruksyon at d) utilities
tulad ng elektrisidad, gas at tubig.
Mga halimbawa naman ng mga di-metal na mineral ang asbestos, barite, fentonite,
semento,diatomite, dolomite, feldspar, guano, gypsum, adobe, magnesite, marmol, mica, natural
na gas, perlite, petrolyo, batong phosphate, pyrite, aspalto, buhangin, sulfur at talc.
Gawain
Panuto: Suriin ang talahanayan at pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong
ARALIN 4
Upang maunawaan natin kung gaano ang kakayahan ng ating sector industriya na
tugunan ang mga pangangailangan sa produksyon, mahalaga na matunghayan muna natin ang
iba’t ibang uri ng produksyon sa industriya. Ito ang mga sumusunod: (Ekonomiks para Filipino,
Edisyon 2002, IBON)
Halimbawa ay ang mga mananahe, sapatero gumagawa ng mga sirang kagamitan, mga
talyer. Pangkaraniwan na mismong may-ari rin ang gumagawa at may taglay na kasanayan sa
produksyon at maaring nag-eempleyo lamang ng ilang manggagawa. Sa kaslaukuyang
mababang antas lamang ang produksyon nito. Limitado ang capital ng mga namumuhunan at
nahihirapan silang makautang ng dagdag na capital mula sa bangko kung kaya’t mabagal ang
pagunlad ng negosyo. Ang maliliit na kinikita ay kadalasang napupunta lamang sa pagbili ng
materyales o sahod ng kanilang mga manggagawa.
Matatagpuan dito ang mga negosyong katamtaman hanggang sa malaki kung susukatin
sa antas ng capital ng paggawa. Sinasabing may relatibong antas ng mekanisasyon sa
produksyon, subalit karaniwang assembly line and tipo ng produksyon. Maari ring matagpuan
dito ang mga industriyang kinatatangian ng mababang pagproproseso ng hilaw na materyales
gaya ng paggawa ng banana chips at iba pa.
d. Produksyong mala-industriyal.
Isa pang maaring kahinaan ng ating sector ay ang higit na pagtuon sa pangangailangan
ng pamilihang eksport and hindi para sa local na pagkonsumo. Isa sa mga suliraning
kinakaharap ng ekonomiya ang kawalan ng sapat na kakayahan na lumikha ng mga produktong
intermedya. Nagdedepende tayo sa imported na makina at teknolohiya, kasangkapan at kemikal
sa paggawa ng mga produkto. Napakarami ang mga dayuhang nakikiisa sa sector ng industriya
sa ating bansa kayat kadalasan ay natatalo sa kompetisyon ang mga local na namumuhunan
bunga na rin ng kawalan ng capital at mababang produktibidad.
Epekto ng Industriyalisasyon
Naglagay rin ng mga pook pamilihan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas tulad ng
Zamboanga, pampanga, Iloilo at iba pang lugar upang maitaguyod ang kalakalang panloob.
Upang matulungan naman ang mga maliliit na namumuhunan inilunsad din ang programang
“Tulong sa Tao” Dito maaring humiran ng capital ang sino mang nagnanais magnegosyo ukol sa
produksyon ng pananamit, sapatos, metal at mga produktong gawa sa leather. May assistance
ding binibigay ang pamahalaan sa pagpapaunlad ng industriya ng mga sasakyan, papel at mga
produktong gawa sa kahoy at kawayan. Sa pandaigdigang kalakalan, nagging mapursigi ang
pamahalaan sa pakikilahok ng Pilipinas sa Wold Trade Organization (WTO).
Gawain
Pagpapalalim ng Kaalaman
A. Tukuyin kung ang mga sumusunod na produksyon ay nabibilang sa (a) Produksyong
malaindustriyal, (b) Maliitang produksyon, (c) Katamtaman Hanggang sa Malakihang
produksyon, at (d) Ilang gawaing pagmamanupaktura.
________ 1. Pagawaan ng asero
________ 2. Pabrika ng pagkaing de lata
________ 3. Gumagawa ng sirang payong
________ 4. Pabrika ng kimikal
________ 5. Pagawaan ng relo
________ 6. Paggawaan ng air conditioner
________ 7. Talyer sa paggawa ng sirang sasakyan
________ 8. Paggawaan ng sirang sapatos
________ 9. Patahian ng damit
________ 10. Pabrika ng mga gulong ng sasakyan
2. Ipaliwanang kung bakit kaya ang sector na ito ay nahaharap sa ganitong suliranin.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano kayang programa ang dapat ipatupad ng pamahalaan upang
mapaunald pang mabuti ang sektor ng industriya at pangangalakal?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
IKA-APAT NA KABANATA
UGNAYAN NG FILIPINOLOHIYA AT MGA INDUSTRIYA SA PILIPINAS
EKONOMIYA
SEKTOR NG AGRIKULTURA
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
Dito pumapasok ang pagbibigay ng iba't ibang serbisyo sa mga negosyo at mga
konsyumer. Ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay pananalapi, insurance, komersyo,
real state, kalakalang pakyawan, kalakalang pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, at
komunikasyon.
SEKTOR NG INDUSTRIYA
PAGMIMINA
Isang proseso ng paghuhukay at pagkuha ng mga bagay mula sa lupa. Ang pagmimina
ng mga bagay mula sa lupa ay tinatawag na ekstraksiyon, paghango, o paghugot. Maaaring
maging kabilang sa pagmimina ang paghango ng mga metal at mga mineral, na katulad ng
uling, ginto, pilak, platinum, tanso, at bakal. Maaari rin namang iba pang mga bagay, katulad ng
langis at likas na gas.
URI NG PAGMIMINA
1. QUARRYING (IBABAW)
2. DREDGING (ILALIM NG TUBIG)
3. PAGHUHUKAY
KONSTRUKSYON
“Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang pilipinas dahil sa
pagdami ng mga malalaking gusali, planta at pabrika. Malaking tulong ito para sa mga
mamamayan na ngangailangan ng trabaho. Tulong din ito sa ekonomiya ng bansa anupat
darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng bansa at hindi na kailangan ng mga pilipino na
dumayo pa sa kabilang mga bansa para lamang makahanap ng pagkakabuhayan. Nasusukat
na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng mga gusali o konstruksyon. Kung
patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya.”
PAGMAMANUPAKTURA
Ito ay ang proseso ng pagbabago ng hilaw na materyales para gawing yaring produkto.
Sa sektor na ito ng industriya ang hilaw na materyales ay sumasailalim sa pisikal o kemikal na
transpormasyon.
LARGE-SCALE INDUSTRY
COTTAGE INDUSTRY
Napapaloob dito ang mga produktong gawang kamay o hand-made products). Hindi
hihigit sa 100 mangagawa ang kabilang sa industriya at maliit na lugar lamang ang sakop ng
operasyon nito.
KAHALAGAHAN NG INDUSTRIYA
• Nagkakaloob ng hanapbuhay
• Nagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
• Nagsusuplay ng yaring produkto
INDUSTRIYALISASYON
GAWAIN
1. Alin sa mga gawain ng agrikultura ang may pinakamalaking ambag sa ating ekonomiya?
Bakit?
2. Ano-ano ang maaaring solusyon sa mga problema ng masang pilipino.
3. Bakit sinasabing “Pinakagulugod” ng Pilipinas ay ang pagsasaka?
4. Ano-ano ang kasalukuyang programa ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng sektor ng
agrikultura?
5. Sa iyong palagay, anong mga programa at proyekto pa ang maaaring ilunsad ng
pamahalaan upang higit na mapatatag ang sektor ng agrikultura?
6. Wika ba talaga ang pangunahing rason sa pag unlad ng industriya?
ARALIN 2
PANINIWALA AT PANANAMPALATAYA
Arkeolohiya
PANGATAHOJAN
• Nakikita ang mangyayari sa hinaharap
HOCLOBAN
• Nangagamot o pumapatay sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay
MAGTATANGAL O MANANANGGAL
• Nahahati ang katawan
OSUANG O ASWANG
• Kumakain ng lamang – loob ng tao.
MANGAGAYUMA
• Kumokontrol ng isip, kilos at puso ng biktima.
• Inumin atbp.
RELIHIYONG PAGANISMO
PAGANISMO
• paniniwalang taglay ng mga unang Pilipino bago dumating ang dayuhang mananakop
• paniniwala sa maraming diyos at ang papel na ginagawa ng kalikasan sa kanilang
buhay.
• ISLAM – “pagsuko o pagsunod sa kagustuhan ni ALLAH” ang ibig sabihin. Ito ang
relihiyon ng mga Muslim.
LIMANG HALIGI NG ISLAM
1. SHAHADA - paniniwala na “walang ibang Diyos maliban kay Allah at si
Muhammad ang propeta”.
2. SALAH / SALAT - pagdarasal ng limang (5) beses sa isang araw nang
nakaharap sa Mecca.
3. ZAKAT - Paglilimos sa mahihirap.
4. SAWM - Pangingilin o pag-aayuno sa buwan ng Ramadan at
pagpapahayag ng Koran.
5. HAJJ - Paglalakbay sa banal na lupaing MECCA. HADJI – tawag sa
nakarating na sa Mecca.
KORAN / QUR’AN – banal na aklat ng Islam.
• Pinahihintulutan ang paglupig sa mga hindi naniniwala at pagsunod sa mga halimbawa sa
buhay ni Muhammad.
• Pinahihintulutan ang polygamy o pagkakaroon ng asawa ng isang lalaki hanggang apat (4)
na beses kung kaya niyang buhayin o sustentuhan nang pantay-pantay ang mga ito.
• Tungkulin ng bawat Muslim na igalang ang kanilang mga magulang, ipagtanggol ang mga
biyuda at bata at mabait sa mga alipin at mga hayop.
PANIMULA
NASYONALISMO
• Pagmamahal sa bansa
• Isang kamalayan sa lahi na nag-uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon, wika, kultura,
kasaysayan, at pagpapahalaga.
WIKA
Ano nga ba talaga ang wika? Bakit ito’y totoong napakakomplikadoat tunay na may
kapangyarihan?
Ang kahulugan ng wika bilang representasyon ng karanasan ay nag-iiba sa bawat tao. Ito’y
umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi static.
Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo
sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o
napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa
natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.
Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating
ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat
etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay
nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa
pagkakaiba ng mga indibidwal.
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin
at mithiin. (Edward Sapir)
Ang mga simbolo o tanda ay maaring salita, bilang, drowing, larawan o anumang hugis
na kumakatawansa konsepto, ideya o bagay.
Ang mga tao’y nabubuhaysa mga simbolo na kinukontrol naman nila. Ang kakayahanng mga
tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang
ikinaiba ng tao sa hayop. (Lachica , 1993)
Ayon kayTodd (1987) ang wika ay isang set o kabuuanng mga sagisag na ginagamit sa
komunikasyon. - hindi lamangbinibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitraryo at sistematiko. Dahil dito, ayon sa kanya, walang
dalawang wikang magkapareho bagamat bawat isa ay may sariling set ng mga tuntunin.
Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga arbitraryong simbolo at
tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat
ng tao.
Ang wika angpangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao ayon
kayArchibald Hill.
Katangian ng Wika
Kahalagahan ng Wika
Anyo ng Wika
1. Pabalbal /Balbal
May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga
salita.
Pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan.
Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa
kanilang pakikipag-usap.
2. Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin namang maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa kanyang kinakausap.
Ginagamit sa okasyong impormal at isaalangalang dito ang salitang madaling maintindihan.
Mga Halimbawa
✓ alala
✓ lika
✓ naron
✓ kanya-kanya
✓ antay
3. Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng mga Cebuano,
Batangeno, Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa kanilang pagsasalita.
Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular na pook.
Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi pamilyar na gamitin sa ibang lugar.
4. Pambansa/Lingua Franca
Ginagamit sa mga aklat, babasahin, at sirkulasyong pangmadla.
Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan
Salitang higit na kilala o ginagamit sa pook na sentro ng sibilasyon at kalakalan.
Mga Halimbawa
✓ aklat
✓ ina
✓ ama
✓ dalaga
✓ masaya
5. Pampanitikan
Pinakamayamang uri
Kadalasa’y ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
Gumagamit ng idyoma, tayutay, at iba’t ibang tono, tema, at punto
Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay ang “kapatid na babae ng kasaysayan,”
ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa kanyang kakayahang
lumikha ng piksyunal o kathang isip.
Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng
dula, katha, palabas, at iba pang likhang pampanitikan.
Mga Halimbawa
✓ Mabulaklak ang dila
✓ Di-maliparang uwak
✓ Kaututang dila
✓ Balat sibuyas
✓ Taingang kawali
✓ Nagbukas ng dibdib
ARALIN 4: Antas ng Wika
Ang pagkakaroon ng antas ng wika ay isa pang mahalagang katangian nito. Tulad ng
tao, ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito. Kung tutuusin,
ang antas ng wikang madalas na ginagamit ng isang tao ay isang mabisang palatandaan kung
anong uri ng tao siya at kung sa aling antaspanlipunan siya nabibilang.
Mahalagang maunawaan ng lahat ng tao ang mga antas ng wikang ito nang gayo’y
maibagay niya ito sa kanyang katayuan, sa hinihingi ng panahon at pook at maging sa
okasyong dinadaluhan. Mahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa
bawat kategorya, napapaloob ang mga antas ng wika.
A. PORMAL
Ito ang mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapagaral ng wika.
2.Pampanitikan o Panretorika.
Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim, makulay at masining.
B. IMPORMAL
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
1. Lalawiganin. Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito ang mga partikular na
pook o lalawigan lamang, maliban kung ang mga taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa
ibang lugar dahil natural na nila itong naibubulalas. Makikilala rin ito sa pagkakaroon ng
kakaibang tono, o ang tinatawag ng marami na punto.
Halimbawa:
nasa’n (nasaan),
pa’no (paano),
(mayroon)
3. Balbal. Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-pangkat nagmumula ang mga ito
upang ang mga pangkat ay magkaroon ng sariling codes. Mababang antas ng wika ito,
bagamat may mga dalubwikang nagmumungkahi ng higit pang mababang antas, ang antas-
bulgar (halimbawa nito ay ang mura at mga salitang may kabastusan).
Halimbawa: Halimbawa:
Halimbawa: Halimbawa:
Sa lahat ng antas ng wika, ang balbal ang pinakadinamiko. Maaari kasing ang usong
salitang balbal ngayon at laos na bukas. Nakatutuwa ring pang-aralan kung paano nabubuo ang
mga salitang ito. Minsan nga, dahil sa napakasalimuot na prosesong pinagdadaanan ng isang
salitang balbal, nagiging lubhang mahirap nang ugatin ang pinanggalingan nito. Kayrami ngang
kabataang gamit nang gamit ng mga salitang balbal na hindi nila alam kung paano nabuo.
Pahapyaw na Kasaysayan
1946- ipinahayag na Tagalog at Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas (Batas Komonwelt Blg.
570).
1959- pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7).
- unang na gamit ang salitang Filipino bilang bagong katawagan sa wikang pambansa
ngunit hindi napagtibay.
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay
dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas
at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa ibaibang
sitwasyon, sa mga nagsasalita nito, na may iba’t ibang sanligang sosyal at para sa mga paksa
ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.
Wikang Opisyal
wika sa pagsulat
Monolinggwalismo
ang pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura,
(England, Pransya, South Korea, at Japan), iisang wika sa larangan ng komersyo, wika ng
negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-arawaraw na buhay.
Bilinggwalismo
Ito ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay
kanyang katutubong wika. (Leonard Bloomfield, 1935).
Multilinggwalismo
ang tawag sa patakarang pangwika kung saan nakasalig ito sa paggamit ng wikang
pambansa at katutubong wika bilang pangunahing midyum sa pakikipagtalastasan at pagtuturo,
bagamat hindi kinakalimutan ang wikang global bilang isang mahalagang wikang panlahat.
Register ng Wika
a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong
gumagamit nito.
b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Halimbawa:
Barayti ng Wika
Ito ay pagkakaiba ng mga wikang sumusulpot at nagiging bahagi ng pamumuhay ng
mga tao sa iba’t ibang larangan o panig sa bansa.
Homogenous
Homogenous ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit ng isang
wika (Paz, et al., 2003).
Heterogenous
Heterogenous ang wika kung hindi pare-parehong magsalita ang gumagamit ng isang wika
dulot ng mga salik panlipunan.
Linggwistikong Komunidad
Ayon kay Gumperz (1968), ang kabuuang katangian ng taong kinakatawan ng regular
at kadalasang interaksyon sa pamamagitan ng katawan at berbal na senyales at ang
makabuluhang pagkakaiba sa gamit ng wika.
Unang Wika
Ito ay ang wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Kilala
din itong katutubong wika, mother tongue, arterial na wika at kumakatawan sa L1.
Pangalawang Wika
- alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit
ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika
Idyolek ang uring ito ay tangi sa isa o pangkat ng mga tao na may komon na wika. May
mga taong kilometriko at mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang
magsalita nang malakas o di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang salitang
nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng kanilang pangungusap.
Halimbawa :
Dayalekto - ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa buhay ng
mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na komunidad. Tinatawag din itong
panrehiyunal o wikain.
– Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit
ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo
ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain.
Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais
basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng
tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga
katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng
katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa
pagkakaltas ng huling tunog.
• Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.
• Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik,
limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig. a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s,
t, w, y.
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga
Kastila.
• Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga
Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
• Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa
lahat ang Espanyol.
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa lahat ng katutubo. Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit
kung kaya si Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga
nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito. Noong
Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang
wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
Panahon ng Propaganda
• Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming
nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
• Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar
• Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang
nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang
pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
• Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga
Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey.
• Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at
pamumuhay na demokratiko.
• Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles.
Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang
Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong local.
Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang mga
wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino. Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting
wikang panturo ang mga wikang bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na
wikang panturo at pantulong naman ang wikang rehiyonal.
Panahon ng Hapones
• Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng
mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
• Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa
na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pagaaral sa pagpili ng
wikang pambansa.
• Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal na paglikha
ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936
• Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa
• Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 –
nagaatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa.
Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan. Nagpalabas
si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7
noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang
salitang Pilipino ang gagamitin. Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali,
edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967.
Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum
Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon
sa mga transaksyonng pamahalaan.
Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan
ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika.
Noong Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong
Pebrero 25, 1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino.
Mayo 27, inihayag na agad sa bias ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 54 ang Panuntunan
sa Implementasyon ng Patakaran.
Agosto 25, 1988, ipinagtibay ang Atas Tagapagpaganap 335, na nag-aatas sa lahat ng mga
Kagawaran, Kawanihan, Opisina, Ahensiya, Instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng
mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon at korspondensiya.
Noong Hunyo 12, 1996 naman ayipignagtibay ni Pangulong Fidel Ramos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 343 na nagpapatibay sa Panunumpa ng Katapatan sa
Watawat.
GAWAIN
PANUTO: Isulat sa patlang bago ang bilang kung ang mga sumusunod na salita ay
BALBAL, KOLOKYAL, LALAWIGANIN, PAMBANSA o PAMPANITIKAN
___________________1. Parak
___________________2. Asawa
___________________3. Naulan, Nakain
___________________4. Crayola
___________________5. Nagmumurang Kamyas
___________________6. Tahanan
___________________7. Pusod ng pagmamahalan
___________________8. Papanaw ka na? ___________________9.
Kelan?
___________________10. Pa’no
PANUTO: Ibigay ang hinihinging kasagutan sa mga pahayag na nakasulat sa bawat titik.
A. Kahalagahan ng Wika
1. ______________________________________________________________________ 2.
______________________________________________________________________ 3.
______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
B. Mga Antas ng Wika
5. ______________________________________________________________________ 6.
______________________________________________________________________ 7.
______________________________________________________________________ 8.
______________________________________________________________________
9. ______________________________________________________________________
10. ______________________________________________________________________
IKA-LIMANG KABANATA
FILIPINO
Ayon kay Garcia, et. Al (2010), malaganap na ang promosyon ng wikang pambansa at
maging ang mga asignatran ay maliwanag na nakasulat at tinatawag na Filipino.
Sinasabing pambansang lingua franca ang Filipino dahil ito ang ginagamit ng mga tao
mila sa iba’t ibang katutubong wika o magkakaibang pinanggalingang probinsiya upang
magkaunawaan at makipaguganayan.
Wikang Pambansa
Ito nag katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang
Punong Rehiyon at sa iba pang sentrong urban sa archipelago na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Ngunit noong ika-28 ng Agosto, 1986 sa bias ng Resulosyon 96-1, sinusugan ang
batayang deskripsiyon ng ng Filipino na ganito ang isinasaad: Ang Filipino ay ang katutubong
wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
“Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit ng Buong Filipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas, at sa pasulat na paraan ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. Sapagkat isang wikang buhay, mabilis itong pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang
paggamit sa iba’t ibang pook at sitwasyon at nilinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at
talakayang akademiko ngunit sa paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na
nagtataglay ng mga malikhaing katangian at kailangang karunungan mula sa katutubong wika
sa bansa.”
Ang mga titik na ito ang naging batayan ng abakada na binuo ni Lope K. Santos nang
kaniyang sulatin ang Balarila (1940). Idinagdag sa orihinal na mga titik ng baybayin ang katinig
na R at ginawang lima ang patinig: A,E,I,O,U kayâ dalawampu (20) ang mga titik ng lumaganap
na abakada hanggang sa panahong tinatawag ang Wikang Pambansa na wikang Pilipino.
Nakahanay ang mga ito sa sumusunod na paraan: A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R,
S, T, U, W, Y. Sa pagbása ng mga titik, ang mga katinig ay binibigkas nang may kasámang
patinig na A, gaya ng sumusunod: /A/, /Ba/, /Ka/, /Da/, /E/, /Ga/, /Ha/, /I/, /La/, /Ma/, /Na/,
/Nga/, /O/, /Pa/, /Ra/, /Sa/, /Ta/, /U/, /Wa/, /Ya/.
Ang iba pang gabay sa pagsulat, gaya ng kung paano gamitin ang “ng” at “nang,” kung
kailan nagiging R ang D, o kung bakit nagiging U ang O sa dulo ng salita kapag inulit, ay
hinango sa mga tuntunin mula sa Balarila ni Lope K. Santos. Ang makabuluhang mga tuntunin
ay tinipon ng Surian ng Wikang Pambansa makaraan ang Ikalawang Digmaang Pandaidig.
Pinamagatan itong Mga Batayang Tuntuning Sinusunod sa Pagsusuring Aklat (walang petsa) na
inihanda ni Bienvenido V. Reyes sa isang hiwalay at nakamimeograp na polyeto at naging
gabay ng mga guro, manunulat, at editor.
Muling sinuri ang alpabeto, binawasan ng mga bagong titik, at noong 1987 ay
nalathalang dalawampu’t walo (28) ang mga titik sa gabay na Alpabeto at Patnubay sa Ispeling
ng Wikang Filipino ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas, ang binagong pangalan ng Surian ng
Wikang Pambansa. Tinanggap ang mga dagdag na titik na: F,J,Ñ,Q,V,X, at Z.
Tinanggap ang mga dagdag na titik na: F,J,Ñ,Q,V,X, at Z. Pinalaganap din ang isang
“modernisadong alpabeto” na ipinababása ang mga titik sa paraang Ingles, maliban sa Ñ
mulang alpabetong Espanyol, gaya ng sumusunod: A /ey/, B /bi/, C /si/, D /di/, E /i/, F /ef/, G
/dyi/, H /eyts/, I /ay/, J /dyey/, K /key/, L /el/, M /em/, N /en/, NG /endyi/, Ñ /enye/, O /o/, P /pi/,
Q /kyu/, R /ar/, S /es/, T /ti/, U /yu/, V /vi/, W /dobolyu/, X /eks/, Y /way/, Z /zi/. Ngunit hindi
nasagot ng 1987 gabay ang ilang sigalot, lalo na ang hinggil sa kaso ng kambal-patinig o
diptonggo, na lumitaw mula pa sa 1977 gabay.
1. Grafema
1.1. Titik.
Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o
bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante). Ang serye ng mga titik o letra
ay tinatawag na alpabéto. Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) titik
at kumakatawan ang bawat isa sa isang tunog. Binibigkas o binabása ang mga titik sa
tunogIngles maliban sa Ñ.
1.2. Di-titik.
Binubuo ang di-titik ng mga tuldik at mga bantas. Ang tuldik o asento ay gabay sa
paraan ng pagbigkas ng mga salita. Sa lingguwistika, itinuturing ang tuldik na simbolo para sa
impit na tunog o kayâ sa diin o habà ng pagbigkas.
Sa abakadang Tagalog, tatlo ang pinalaganap nang tuldik: (a) ang tuldik na pahilis (´) na
sumisimbolo sa diin at/o habà, (b) ang tuldik na paiwa (`), at (c) ang tuldik na pakupya (^) na
sumisimbolo sa impit na tunog. Kamakailan, idinagdag ang ikaapat, ang tuldik na patuldok,
kahawig ng umlaut at diaeresis ( ¨ ) upang kumatawan sa tunog na tinatawag na “schwa” sa
lingguwistika.
Ang bantas ay kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga
titik at pantig, sa pagitan ng mga salita at mga parirala, at sa pagitan ng mga pangungusap.
Binubuo ito ng kuwit (,), tuldok (.), pananong (?), padamdam (!), tuldok-kuwit (;), kudlit (‘), at
gitling (-).
Ang pantíg o sílabá ay isang saltik ng dila o walang patlang na bugso ng tinig sa
pagbigkas ng salita. Binubuo ang mga pantig ng mga titik na patinig at katinig. Bawat patinig
(a/e/i/o/u) ay isang pantig; samantala, kailangan ng bawat katinig ang isang patinig upang
maging pantig. Dagdag pa, may isa (1) lámang patinig sa bawat pantig samantalang maaaring
mahigit sa dalawa ang katinig sa isang pantig.
Una, kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa posisyong panguna,
panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig.
Ikalawa, kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay
isinasáma sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasáma sa kasunod na pantig.
Ikatlo, kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawa ay sumasáma sa patinig ng sinundang pantig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na
pantig.
Ikalima, kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, isinasáma
ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig
sa kasunod na pantig.
Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámang ang inuulit.
Halimbawa: /a·ak·yat/ (aakyat), /i·i·big/ (iibig),/ u·u·bu·hin/ (uubuhin).
Nagaganap din ito kahit may panlapi ang salita. Halimbawa: /ma·a·ak·yat/
(maaakyat), /u·mi·i·big/ (umiibig), /nag·u·ubo/ (nag-uubo).
Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lámang ang inuulit.
Halimbawa: /la·la·kad/ (lalakad), /ba·ba·lik/ (babalik). Nagaganap din ito kahit may
panlapi ang salitang-ugat. Halimbawa: /mag·la·la·kad/ (maglalakad), /pag·ba·ba·lik/ (pagbabalik).
3. Pagbaybay Na Pasalita
• Patitik ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin, isaisang binibigkas sa
maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim,
daglat, inisyals, simbolong pang-agham, atbp.
4. Pagbaybay Na Pasulat
•Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyáng
sulat” sa pagbaybay na pasulat. Siyempre, hindi ito nasusunod sa “mga” na isang pagpapaikli
sa lumang anyo nitóng “manga” at ginagamit hanggang sa bungad ng ika-20 siglo. Mahalaga
ring pag-aralan kung kailan ginagamit ang maikling “ng” at ang mahabàng “nang,” isang
tuntuning pinairal mulang Balarila at bumago sa ugali noong panahon ng Espanyol na
mahabàng “nang” lagi ang isinusulat.
Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang
Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: “mga bagong hiram.” Ang ibig sabihin,
hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay
ng mga ito alinsunod sa abakada. Halimbawa, hindi dapat ibalik ang F ng orihinal na forma sa
Espanyol dahil ginagamit nang matagal ang “porma” pati ang mga deribatibo nitóng “pormal,”
“impormal,” “pormalismo,” “pormalidad,” “depormidad,” atbp. Hindi rin dapat ibalik ang “pirma” sa
firma, “bintana” sa ventana, ang “kalye” sa calle, ang “tseke” sa cheque, ang “pinya” sa piña,
ang “hamón” sa jamon, ang “eksistensiya” sa existencia, ang “sapatos” sa zapatos.
Mahalagang mohon hinggil sa mga lumang salita mulang Espanyol ang mga nakalista sa
Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa
Diksyunaryo Tesauro Pilipino-Ingles (1972) ni Jose Villa Panganiban. Nakatanghal sa inilistang
mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog
na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita, gaya sa “bakasyon”
(vacacion), “kabayo” (caballo), “kandila” (candela), “puwersa” (fuerza), “letson” (lechon),
“lisensiya” (licencia), “sibuyas” (cebolla+s), “silahis” (celaje+s), “sona” (zona), “komang”
(manco), “kumusta” (como esta), “porke” (por que), at libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo,
Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng
kolonyalismong Espanyol.
4.4. Di-Binabagong Bagong Hiram.
Ngunit pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang
Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa dalawang
binanggit na diksiyonaryo sa 4.6. Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago
ang “futbol,” “fertil,” “fosil,” “visa,” “vertebra,” “ zorro,” “ zigzag.” Samantala, dahil sa walong
dagdag na titik, maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi
nangangailangan ng pagbago sa ispeling, gaya ng “fern,” “folder,” “jam,” “ jar,” “lével” (na hindi
dapat bigkasing mabilis, gaya ng ginagawa ng mga nag-aakalang isa itong salitang Espanyol),
“envoy,” “develop,” “ziggurat,” “zip.”
4.5. Problema sa C, Ñ, Q, X.
Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na
titik—nagiging “kw” o “ky” ang Q at “ks” ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.9, ginagamit
lámang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang teknikal at
pangagham (Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng pangalang pambalana at nais reispel, ang
ginagamit noon pa sa abakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay
nagiging K sa mulang Espanyol na “késo” (queso) at KW sa mulang Ingles na “kwit” (quit) o KY
“barbikyu” (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa “ekis” (exis).
4.11. Gamit ng J.
Ngunit hindi sakop nitó ang ibang salitang Ingles na nagtataglay ng tunog /dyey/ ngunit
hindi gumagamit ng J, gaya sa general, generator, digest, region na kung sakaling hiramin man
ay magkakaroon ng anyong “dyeneral,” “dyenereytor,” “daydyest,” “ridyon.” Hindi naman
kailangang ibalik ang J sa mga salitang Ingles na matagal nang isinusulat nang may DY, gaya
sa “dyípni” (jeepney), “dyánitór” (janitor), at “dyáket” (jacket).
GAWAIN
____6. Ang salitang Ingles na language ay galing sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin
ay ____.
A. dila C. tunog
B. bibig D. salita
____8. Nagkakaiba-iba ang wika ng mga bansa at mga pangkat dahil sa pagkakaiba-iba na
kanilang ___.
A. edukasyon C. kultura
B. kasaysayan D. bokabularyo
IKA-ANIM NA KABANATA
Sulating pananaliksik
1. Sulating Pananaliksik
Batayang Kaalaman
Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-
aanyayaang kanyang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.
Kahulugan ng Pananaliksik
Katangian ng Pananaliksik
1. Obhektibo
4. Dokumentado
6. Kritikal
Layunin
Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin ng gawaing ito.
Dapat na:
Tungkulin/Responsibilidad ng Mananaliksik
1. Pagkamatiyaga
2. Pagkamaparaan
3. Pagkamasistema sa Gawain
4. Pagkamaingat
5. Pagkamapanuri o kritikal
6. Pagkamatapat
7. Pagiging responsible
2. Nasususkat
4. napapanahon
Naniniwala ka ba sa multo?
Halimbawa:
Anong sistemang pampagtuturo ang nakaaapekto sa isang programang pangdalubhasaan o
pang-masteral?
Uri ng Pananaliksik
1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkolsa isang
tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral napangyayari
nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa opangyayari.
Lawak ng Sarbey
Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti samga bata
sa mga asignaturang tulad ng wika, agham at matematika.
Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na
magkakaugnay o may relasyonsa isa’t isa sa target na populasyon.
Binubuo ng (5) limang kabanata ang isang pananaliksik at ito ay ang sumusunod:
IV – paglalahad at PagpapakahuluganKabanata
Ang panimula ay dapat tumatalakay nang tuwiran sa suliraning pag-aaralan. Ang ilang
mananaliksik ay nagsisimula sa bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahad ng masaklawna
mga kaisipan ideya. Sinisimulan ng ilan ang unang pangungusap ng panimula tulad ng
Ang mga tanong ay higit na ginagamit kaysa ibang estilo ng paglalahad ng mga tiyakna
suliranin, bagaman sa ilang mga tesis o disertasyon na nirebyu ng mananaliksik, ang mga
haypotesis o hinuha ay pumapalit sa mga tiyak na tanong. Ang ganitong pag-aayos
aytinatanggap dahil sa realidad na ang tesis/disertasyon ay sumusubok sa hinuha. Gayunman,
ang ibang mgha tesis ay naglalahad ng suliranin sa tipong pangkalahatan at tiyak na
mgalayunin. Alin mang mga suliranin at ang mga hinuha ay nasusubok.
Metodolohiya/Pamamaraan
Ang mga talahanaya, grap at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong
sakalinawan ng presentasyon. Kailangan lamang ang pag-iingat nang sa gayon
angpagkakasunud-sunod ang mga grapik sa pagtalakay. Kung ang mga talahanayan ay
maikli,maaaring isama na laamng ang mga ito sa teksto.
B. Paraang Pagtatanong
8. Pagpapasya sa mga uri ng mga tanong na gagamitin at ang porma ng mga sagot.
Masalimuot ang paggawa ng isang sulating pananaliksik. Bunga ito ng pagbata sa initna
dulot ng pakikipambuno sa mga libro ay laybrari, pagpupudpod sa utak kung paanogagawin o
sisimulan, paghahati-hati sa panahon upang mabahaginan ng sapat na oras sadami ng iba
pang pinagagawa.
h. pagsulat ng burador
i. pagrerebisa
j. aktuwal na pagsulat ng pangwakas na papel
5. Ang lubhang teknikal na paksa ay dapat iwasan sapagkat maaaring may kahirapanggagapin
ang mga termino at hindi na angkop para sa panimulang pananaliksik.
6. Kailangang napapanahon
Pinagmulan ng Suliranin
May mga suliraning madaling malulutas subalit ang ibang suliranin ay masalimuot
atnangangailangan ng plano o hakbang na kinasasangkutan ng lugar at tao.
Kasama rin sa pinagmulan ng suliranin para sa pnanaliksik ang mga mambabasa samga
aklat at iba pang mga sanggunian tulad ng mga dyaryo, magasin at dyornal.
6. Dapat na maging libre ito sa legal o moral na balakid. Mga Halimbawa ng Suliranin
o Paksa
1. Introduksyon/Panimula
1.1. Ang Layunin ng Pananaliksik
1.2. Ang Kahalagayah ng Paksa o ng inyong isinusulat o sinulat
1.3. Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Paksa
2. Katawan ng Sulating Nauukolo Mismo sa mga Bagay-Bagay na Napag-alaman
Tungkol sa Paksa (Related Literature)
2.1. Unang Puntong Dapat Talakayin
2.2. Pangalawang Punto
2.3. Pangatlong Punto
3. Pamamaraan
3.1. Eksperementasyon
3.2. Ilustrasyon o Larawan
4. Pangwakas
4.1. Konklusyon 4.2. Rekomendasyon
i. Talaan ng Saggunian/Bibliograpiya
ii. Apendise
iii. Glosaryo
iv. Dahon ng Pasaalamat
GAWAIN
Almario, Virgilio S. Tradisyon at Wikang Filipino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Filipino,
1997. Print.
Constantino, Pamela at Monico Atienza, mga patnugot. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan.
Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1996. Print.
Covar, Prospero R.. Larangan: Seminal Essays on Philippine Culture. Maynila: National
Commission for Culture and the Arts, 1998. Print.
Davies, Roger J. and Osamu Ikeno, mga patnugot. The Japanese Mind: Understanding
Contemporary Japanese Culture. Tokyo: Tuttle Publishing, 2002. Print
De Mente, Boye Lafayette. Japan’s Cultural Code Words: 233 Key Terms That Explain the
Attitudes and Behavior of the Japanese. Tokyo: Tuttle Publishing, 2004. Print. Edwards, John.
Language and identity: An Introduction. Cambridge, UK ; New York: Cambridge University
Press, 2009.Print.
Flores, Patrick at Cecilia Sta. Maria de la Paz. Sining at Lipunan. Lungsod Quezon: Sentro ng
Wikang Filipino, UP Diliman, 1997. Print. Gonzalez, Andrew B. FSC. Language and Nationalism:
The Philippine Experience Thus Far. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press,
1980.
Print.
Greenblatt, Stephen. “Culture.” Critical Terms for Literary Study. Mga pat. Frank Lentricchia and
Thomas McLaughlin. Chicago: The University of Chicago Press, . 225-232. Print.
Jourdan, Christina and Kevin Tuite, mga pat.. Language, Culture and Society: Key Topics in
Linguistic Anthropology. Cambridge, UK; New York: Cambridge University Press, 2006. Print.
Kramsch, Claire. Context and Culture in Language Teaching, third impression. Oxford: Oxford
University Press, 1996. Print.
Lange, Dale L. and R. Michael Paige. Culture as the Core: Perspectives on Culture in Second
Language Learning. Greenwich, Connecticut: Information Age Publishing Inc, 2003. Print.
Lumbera, Bienvenido L.. “Saan Tutungo ang WIkang Filipino Ngayong Binubura Ito ng
Globalisasyon?” Filipino at Pagpaplanong Pangwika: Ikalawang Sourcebook ng Sangfil. Pat.
Pamela C. Constantino. Sanggunian sa Filipino, UP Sentro ng Wikang Filipino, National
Commission for Culture and the Arts, 2005 260-265. Print. Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig:
Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University
Press, 2002. Print.