You are on page 1of 234

SAYKO-

SOSYOLINGGWISTIK NA
PAG-AARAL
SA WIKANG FILIPINO

Unang Edisyon

Mga May-akda:

Nelson A. Pomado, EdD


Edgar A. Eriman,
MAEd Eden P. Gomez,
MAEd Liza V. Do-oma,
MAEd Nenita T. Mino,
MAEd
Ma. Alina C. Pescadera, MAEd
Karapatan sa Akda, 2018
ng
Central Philippine University Press
at
Nelson A. Pomado, Ed.D.
Edgar A. Eriman, MAEd
Eden P. Gomez, MAEd
Liza V. Do-oma, MAEd
Nenita T. Mino, MAEd
Ma. Alina C. Pescadera, MAEd

ISBN

Sarili Ang Lahat ng Karapatan

Ang aklat na ito ay di-maaring kopyahin ninuman sa pamamagitan ng anumang uri ng


paglilimbag para ipamahagi o ipagbili, kung walang nakasulat na pahintulot mula sa
may-akda.

Nilimbag 2018

Nilathala at Pinrinta ng:


Central Philippine University Press

ii
PAUNANG SALITA

Matapos ang dalawang taon ng mga mag-aaral napapabilang sa


K+12 Kurikulum ng asignaturang Filipino sa Senior High School ay
panibagong pagsubok muli ang haharapin ng mga mag-aaral na
ngayong nasa kolehiyo na. Panibagong pag-aaral na naman ang
kanilang matutunan bilang karagdagang kaalaman na magpapatibay
ng kanilang isipan at damdamin bilang isang Pilipino. Napagtanto ng
mga may-akda ang silbi ng pagkakaroon ng isang teksbuk na
gagamitin ng mga mag- aaral sa asignaturang ito at maging sa mga
guro man na siyang maatasang magtuturo. Isang hamon ang nangyari
upang makaya ng mga may-akda na makabuo ng mga ideyang
makatulong kahit sa napakasimpleng pamamaraan man lamang.

Ang aklat na ito ay bunga ng masigasig, pagmamalasakit at


matapat na pagmamahal ng mga may-akda sa mga mag-aaral, kapwa-
guro at sa iba pang gagamit nito bilang isang sanggunian. Ang mga
aralin ay sumasaklaw at angkop sa pangangailangang pampagkatuto
ng bawat Pilipino na nagnanais matuto. Taglay ng aklat na ito ang
kaangkupan sa modernong pagbabago sa edukasyon sa kasalukuyang
panahon. Ibinatay din ang aklat na ito sa mga pangangailangan upang
maging gabay ng mga guro at ng mga mag-aaral sa ganitong
asignatura at iisang paksa kahit na may pagkakaiba sa disenyo at
istilo at kalagayang dulog na gagamitin sa tinatarget na layunin at
oras.

Mga May-Akda

iii
PAG-AALAY

Inihahandog ng mga may-akda ang aklat na ito sa mga


estudyante na matagumpay na nalagpasan ang hamon ng Senior High
School bilang bahagi ng K-12. Hangad ng mga may-akda na
makamit ng mga estudyante ang lahat ng mga inaasahang matamo at
pagkatuto na napapaloob sa aklat na ito.

Magkaroon sana nang magandang bunga an gaming pagsisikap


at pagpupunyagi para sa inyong pag-aaral, pagkatuto at pagmamahal
sa wikang Filipino. Laging hangad naming ang inyong tagumpay.
Patnubayan kayo ng Panginoon sa inyong patuloy na paglalakbay sa
mundo ng pagbabago at globalisasyon.

Ang Mga May-akda

4
PAGKILALA AT PASASALAMAT

Ang mga awtor ay buong pusong nagpapasalamat sa mga may-


akda ng mga aklat at iba pang sangguniang ginamit sa pagtalakay sa
mga paksa. Matapat ang kanilang pagkilala sa katotohanang kung
hindi sa kanilang mga aklat ay hindi magiging malawak ang
kaalamang maihahandog ng aklat na ito.

Sa Central Philippine University, mga kaguro at mga mag-aaral


kaninong kapakanan at kalinangan ay aming unang isinaalang-alang.

Sa CHED, sa kanilang CMO na ginawang batayan ng aklat na


ito, at sa kanilang paghimok na sumulat ng aklat na ito upang ito'y
makatulong sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino, ang ating
pambansang wika.

Higit sa lahat sa Poong Maykapal na pinagmulan ng lakas,


talino, liwanag ng isip, tiyagaat inspirasyon sa pagsasakatuparan sa
marubdob na hangaring mabuo ang aklat na ito.

Nawa'y huwag kayong magsawa sa pagtulong sa amin para sa


kapakanan ng Kolehiyo ng Edukasyon at ng mga kolehiyong aming
pinaglilingkuran sa particular at sa CPU sa kalahatan.

Ang mga May-akda


TALAAN NG NILALAMAN Tatl
Paunang ong
Salita................................................................................................... Di
Pag-aalay........................................................................................................... me
Pagkilala at Pasasalamat................................................................................. nsy
UNANG BAHAGI on
BASIKONG KAALAMAN SA SIKOLOHIYANG ng
FILIPINO............. Pag
Aralin 1 Sikolohiya ng Wikang kak
Filipino................................................
aiba
Mga Layunin..............................................................................................
-iba
Kahulugan ng
Sikolohiya........................................................................... ng
Uri ng Sikolohiya....................................................................................... Wi
Sikolohiya ng Wikang Filipino ................................................................. ka ..
Gawin Natin Bilang 1 ......
................................................................................ ......
Subukin Natin Bilang ......
1.............................................................................. ......
Aralin 2 Kaalamang Pagkatao ng mga ......
Pilipino.................................... .....
Mga Layunin.............................................................................................. Bar
Pagkatao at ayti
Katauhan.................................................................................
at
Kahalagahan.........................................................................................
Bar
Pagtatakda ng mga Bahagi ng
Katawan..................................................... yas
Sikolohiya ng Pagkataon Pilipino.......................................................... yon
Gawin Natin Bilang 2................................................................................ ng
Subukin Natin Bilang 2.......................................................................... Wi
IKALAWANG BAHAGI ka...
SOSYOLINGWISTIK NA PAG-AARAL SA WIKANG ......
FILIPINO..... ......
Aralin 4 Mga Salik na Nakaimpluwensiya sa Pagkakaiba-iba ......
ng mga Wika sa ......
Pilipinas................................................................... ......
Mga Layunin........................................................................................... ......
vii
...........................
Gawin Natin Bilang 3............................................................................. iii
Aralin 4 Pag-unlad at Pagbabago ng Wika iv
at Kulturang Pilipino...................................................... v
Mga Layunin...........................................................................................
Kulturang 1
Pilipino................................................................................... 2
Epekto sa Wika ng Pandarayuhan ng mga Banyaga............................... 2
Subukin Natin Bilang 3.......................................................................... 4
4
6
7
9
11
11
11
12
13
16
16
17

19

20
20
21
22
24

26
26
26
28
31
vii
Aralin 5 Wika at ang Gamit Nito sa Pakikipagdiskurso....................33
Mga Layunin...........................................................................................33
Mga Teorya sa Diskurso.......................................................................33
Pasalita at Pasulat na Diskurso..............................................................35
Gawin Natin Bilang 4...............................................................................37
Aralin 6 Bilingwalismo..........................................................................38
Mga Layunin............................................................................................38
Ang Bilingwalismo..................................................................................38
Gawin Natin Bilang 5............................................................................39
Subukin Natin Bilang 4............................................................................41
Aralin 7 Multilingwalismo.....................................................................43
Mga Layunin.............................................................................................43
Ang Multilingwalismo............................................................................43
Gawin Natin Bilang 6...............................................................................44
Subukin Natin Bilang 5............................................................................45
Aralin 8 Pagpapalit Koda....................................................................47
Mga Layunin.............................................................................................47
Ang Code Switching..............................................................................47
Gawin Natin Bilang 7...............................................................................47
Halo Coda................................................................................................48
Gawin Natin Bilang 8...............................................................................48
Subukin Natin Bilang 6............................................................................49
Aralin 9 Ilang Konsiderasyon Tungo sa Mabisang Komunikasyon..
51
Mga Layunin.............................................................................................51
SPEAKING..............................................................................................51
Subukin Natin Bilang 7............................................................................53
Aralin 10 Etnolingwistik........................................................................55
Mga Layunin.............................................................................................55
Ano ang Etnolingwistik?.........................................................................55
Gawin Natin Bilang 9...............................................................................56
Aralin 11 Pagkakaiba ng Tagalog, Pilipino at Filipino.......................57
Mga Layunin.............................................................................................57
Wikang Tagalog......................................................................................57
Wikang Pilipino......................................................................................58
Wikang Filipino.....................................................................................60
Gawin Natin Bilang 10..............................................................................61
Aralin 12 Rehistro ng Wika...................................................................63
Mga Layunin............................................................................................63
Tatlong Dimensyon ng Rehister ng Wika.................................................64
Iba’t ibang Gawain sa Pagsasalita.............................................................65
Gawin Natin Bilang 11..........................................................................67
Subukin Natin Bilang 8............................................................................69
Aralin 13 Tamang Gamit ng mga Salita..............................................71
Mga Layunin............................................................................................71
Tamang Gamit ng mga Salita....................................................................71
Gawin Natin Bilang 12..........................................................................79
Subukin Natin Bilang 9............................................................................81
Aralin 14 Gramatikang Filipino...........................................................83
Mga Layunin............................................................................................83
Pagpili ng Angkop na Salita.....................................................................83
Uri ng Salitang Ginagamit sa Pagpapahayag............................................84
Subukin Natin Bilang 10...........................................................................99
IKATLONG BAHAGI
MGAPANANALIKSIK SAWIKANG FILIPINO
AT KULTURANG PILIPINO...................................................................103
Aralin 15 Mga Salita sa Filipino
na Walang Tiyak na Tumbas sa Ingles.............................................104
Mga Layunin..........................................................................................104
Mga Salita sa Filipino na Walang Tiyak na Tumbas sa Ingles................104
Gawin Natin Bilang 13 105
...........................................................................
Aralin 16 Ang Konsepto ng Panahon sa Konteksto
ng Kulturang Filipino......................................................................106
Mga Layunin...........................................................................................106
Ang Konsepto ng Panahon sa Konteksto ng Kulturang Filipino............106
Gawin Natin Bilang 14...........................................................................113
Aralin 17 Ang Kahalagahan ng Panlapi.............................................115
Mga Layunin...........................................................................................115
Ang Kahalagahan ng Panlapi..................................................................115
Gawin Natin Bilang 15...........................................................................116
Aralin 18 Mga Pananaliksik at Abstrak Hinggil sa Wika at
Kulturang Filipino..........................................................................117
Mga Layunin...........................................................................................117
Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino
sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K to 12)................................117
Gawin Natin Bilang 16...........................................................................123
Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Filipino....................................125
Gawin Natin Bilang 17...........................................................................128
Sulit ba o Okey Lang? Isang Pagtuklas sa Konsepto ng “Sulit” nga
mga Pinoy.........................................................................................129
Gawin Natin Bilang 18...........................................................................137
Aralin 19 Mga Abstrak ng Pananaliksik sa Kulturang Filipino......138
Mga Layunin...........................................................................................138
Mga Abstrak ng Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino.................138
Gawin Natin Bilang 19...........................................................................147

MGA SANGGUNIAN.......................................................................................148
Unang Bahagi

BASIKONG KAALAMAN
SA SIKOLOHIYANG
FILIPINO
Aralin 1
SIKOLOHIYA NG WIKANG FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

natutukoy ang kahulugan ng sikolohiya ng wikang Filipino;


naipapaliwanag ang kahalagahan ng sikolohiya sa wikang Filipino; at
naiuugnay ang sikolohiya sa wikang Filipino.

???

Galit, galit na galit, 'di masyadong galit? O ano? Ano 'to? Isang maaaring
palaisipan ang ipinapakita ng babaeng nasa larawan. Maaaring masabing siya'y
galit base sa ekspresyon ng kanyang mukha, mga mata na naglalakihan at
kumpas ng kanyang mga kamay. Ngunit ano ang ating patunay na tayo'y
nagsasabi na ang babaeng nasa itaas ay totoong galit?

Araw-araw nakakasalamuha natin ang iba't bang uri ng tao. Mayroong


palaging galit, nakaismid, nakasimangot, nakataas ang kilay, at siyempre mayroon
ding palaging nakatawa, nagpapatawa, nakangiti, at maging napakalakas
humalakhak. Iba't ibang gawi na nagpapakita ng iba't ibang emosyon ng isang tao.
Isang sukatan palagi ng panghuhusga, positibo o negatibo man ang panlabas na
kaanyuan ng pag-uugaling tao at kasama na rito ang kanyang mga ikinikilos. Sa
ganitong sitwasyon, pumapasok sa pang-araw-araw nating pamumuhay ang
sikolohiya. Nagtatanong tayo. Nag-iisip, namamangha. Bakit ganoon? Ano ang
problema? Ano ang nangyari? Galit siya? Bakit? Kanino? Hindi niya kaya ang
problema ? Kung may problema siya, bakit pati lahat ng tao ay apektado rin?

2
Pumapasok ang sikolohiya sa lahat ng aspekto ng buhay at sa pag-aaral
nito ay maiintindihan at mabibigyang-kahulugan natin ang kaugalian ng
bawat isa (Lardazabal, 1989).

Nilinaw ng “Ama ng Sikolohiyang Pilipino” na si Dr. Virgilio G. Enriquez


na ang Sikolohiya ay tungkol sa kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at
kaluluwa (Antonio, 2003 ).

Dr. Virgilio Gaspar


Enriquez, kilala sa tawag na
“Doc E”, ipinanganak sa
Santol, Bigaa, Bulacan
noong Nobyembre 24, 1942
at yumao noong Agosto 31,
1994 sa California, USA

Tayong mga Pilipino ay minsang naaapektuhan ng kung anumang


damdaming mayroon tayo. Ito ay nagbubugso sa atin upang makapagsalita at
makagawa ng mga bagay na siyang nagpapakita ng ating damdamin. Kasama sa
damdamin na ito ay ang kaalamang nararanasan. Palaging nagsasalungatan ang
damdamin at kaalaman. Ano ang mangingibabaw? Damdamin o kaalaman? Saan
at paano dapat mangibabaw ang bawat isa?

Sa kasalukuyang panahon, isang mahirap na gawain ang pagbitiw ng


desisyon. Sa isang iglap ay maaaring magkaroon ng pagbabago sa buhay ng tao
epekto ng desisyong isinakatuparan. Walang pagdududa na ang sikolohiya ay
nangangailangan ng pag-aaral dahil ito'y isang agham. Kailangan ng
matamang pag-iisip at pag-iimbestiga upang maging patas ang pagbibitiw ng
anumang reaksyong nakikita, narararamdaman at nasasaksihan. Sa madaling
salita, ang damdamin ay tumutukoy sa KAMALAYAN at KALOOBAN.
Kasama sa kamalayan ay ang kaalamang nararanasan ng isang tao.

Mahirap intindihin ang mga nangyayari sa paligid. Maraming mga


kalamidad at krimen ang nangyayari. May pagputok ng bulkan at ang pinakasikat
sa buong daigdig ay ang pangkaganap ng Covid19. Buong mundo ay apektado sa
ganitong kalamidad. Bawat isa ay may kanya-kanyang interpretasyon. Bawat isa
ay may kanya-kanyang iniisip, kanya-kanyang gawi at kanya-kanyang damdamin
na maaring sukatan ng kanya-kanyang personalidad.

Habang nangyayari ang lahat ng ito, pinapakiramdaman natin ang ating


paligid. Tama. Ibig sabihin ang pakikiramdam sa paligid ang tumutukoy sa
ULIRAT. Binibigyan natin ng interpretasyon at pinapakiramdaman ang paligid.
Pakiramdam natin baka huling araw na natin sa buhay. Pakiramdam natin baka
darating na ang Panginoon para tayo'y husgahan. Pakiramdam natin malapit
nang gumuho ang mundo.
Ngunit ang lahat ng ito ay puro pakiramdam lang. Muli, dito pumapasok
ang sikolohiya bilang agham. Napag-aralan ng siyensya kung bakit nangyayari
ito. Nangangailangan nang maprosesong pag-iisip bago pumatol sa
pakiramdam na ating nararanasan. Bilang sikolohiya, ang kaalaman at pag-
unawa natin ay tumutukoy sa ISIP. Masaklaw ang pag-unawa at kaalaman ng
bawat isa. Bawat isa ay may kanya-kanyang pag-iisip na maaaring epekto ng
maraming salik. Bakit ganoon ang kanyang iniisip? Akala niya ay
makatotohanan na, iyon pala'y nasa sa isip lang niya. “Feeling” lang ‘ika nga ng
kabataan sa kasalukuyan. Siya lang ang nakakaalam ng lahat. Hanggang
pakiramdam lang pala niya.

Kumikilos siya, kumikilos hanggang sa makakilos. Mahirap ipaliwanag


kung anong pag-uugali mayroon siya kasama ang kanyang asal. Ang kilos, ugali
o asal ay tumutukoy sa DIWA. Maging kung pag-aaralan ng sikolohiya ang
budhi ng isang tao ay tinutukoy nating KALULUWA.

Ang mga sumusunod na eksperto ay nagbigay ng kani-kanilang


depinisyon sa sikolohiya na makikita sa aklat ni Lardizabal (1989). Ayon sa
kanila ang Sikolohiya ay:

- isang agham ng pag-aaral sa kaugalian at karanasan ng mga organismong


buhay (Hilgard).

- ito'y agham ng kaugalian kasama ang lahat ng uri ng mga pagtugon


(responses) at pagpipigil (inhibitions) ng organismo sa nagaganap na
kalagayan (Rutch).

- ang sikolohiya ay agham ng pag-iisip, pandama at pagkilos (sa ibang


panananalita).

- ang isang sikolohiya ay pag-aaral ng isip, diwa at asal. Isang


siyentipikong pag-aaral ng kamalayan ng tao at tungkulin nito lalo na iyong
nakakaapekto sa kilos, mental na katangian o aktitud ng isang tao o
pangkat.

Ang sikolohiya bilang agham ay may iba’t ibang layunin din.


Ito ay DESKRISYON at klasipikasyon ng mga kilos-tao, PREDIKSYON
ng kilos- tao, at PAGKONTROLsa mga kilos-tao.

Uri ang Sikolohiya:

Dalisay (pure). Ito'y may kinalaman sa pag-unlad at pagtuklas ng mga


simulaing pangkalahatan at mga batas ng kaugalian. Higit itong interesado sa
katotohanan kaysa sa aplikasyon. Ang mga halimbawa ay:
a. sikolohiyang pangkalahatan na tumutukoy sa pangkalahatang
pangkaugalian;
b. sikolohiyang pambata na pinag-aaralan ang mga kaugalian ng mga
bata;
c. sikolohiyang pang-adolescent na may kinalaman sa pag-aaral ng
mga adolescent; at
d. sikolohiya ng pagkakaedad kung saan may mga kagulangan naman dito
ang pinag-aaralan.

Alin tayo sa apat na pag-aralan? Ugaling bata? Ugaling adolescent?


Ugaling kagulangan? O pangkalahatang pangkaugalian?

Isa pang uri ng Sikolohiya ay Aplikasyon na ginagamit sa mga praktikal


na sitwasyon ng buhay. Ang pananaliksik ng siyentipiko ay siyang inaasahan
para makabatid at makaunawa. Kasama sa mga halimbawa rito ay:

a. sikolohiyang pang-edukasyon - ang anumang natuklasan dito ay inilalapat


sa edukasyon;
b. sikolohiyang pangnegosyo - sa negosyo inilalapat ang natuklasan;
c. sikolohiyang pang-industriya - inilalapat sa industriya ang mga natuklasan;
at
d. sikolohiya ng pang-aangkop (adjustment) - na naglalapat ng mga
natuklasan ng sikolohiya sa pagtulong sa pag-aangkop ng sarili ng isang
tao.

Tinitingnan ng tao sa sikolohiya bilang isang organismo o isang grupong


tagatanggap na mga mekanismo o mga reseptor na tinutukoy na sense organs,
tagapag-ugnay na mga mekanismong binubuo ng palanerbyusan o nervous system
at paladaluyan o circulatory system at tagatugon na mga mekanismong bumubuo
sa mga gland at mga kalamnan; nabubuhay ang tao sa isang sitwasyon, mga
institusyon, mga bagay na pisikal, at ng lahat ng bagay sa ating kapaligiran;
at patuloy na umaangkop dahil palagi nang nagbabago ang kapaligiran na maaari
ring may iba't ibang hulwaran.

May iba’t ibang pamamaraan na magagamit sa pag-aaral ng sikolohiya.

Ang introspeksyon ay ginagamit sa pagmamasid sa sariling kalagayan


at mga proseso gaya ng pag-iisip at pagdama; Pagmamasid na palayon kung
saan ang tinitingnan ay ang kaugalian ng iba; Pamamaraang pag- aaral na
ginagawa sa pamamagitan ng pakikipamuhay kasama ang iba katulad ng
ginawa ng mga antropologo na nakipamuhay sa mga tribu; Sarbey- pagkuha ng
koro-koro sa pamamagitan ng tanong-sagot; eksperimental- tulad ng
eksperimento sa biyolohiya at pisika, at kasaysayan ng buhay.

Sa kasalukuyang panahon ang sikolohiya ng mga Pilipino ay


kinasasangkutan ng wika na binibigkas na nagpapakita ng kanyang iniisip. Ang
kanyang kaugalian, paniniwala, pananaw at iba pa ay tinatawag na
Sikolohiya ng Wikang Filipino.

Sa Sikolohiya ng Wikang Filipino, kung gayon, ay ang pag-aaral sa


sikolohiya ng mga Pilipinong bunga ng karanasan, kaisipan at oryentasyong
Pilipino na masasalamin sa biyolohikal, kognitibo, debelopmental, sosyal at
kros-kultural na pagsusuri sa naging pag-unlad at tunguhin ng mga wikang
kasangkot dito (Antonio, 2003)
Bakit?

Ang pagbibigay ng wasto at malinaw na kasagutan sa “bakit” ay isang


suliranin.

Ang tanging kasagutang makalulutas sa suliraning ito ay ang makaagham


na paliwanag. Kailangan nating makita kung ano ang pagbabago sa ating
pagkamalay sa ating daigdig tuwing nagbabago tayo ng wikang ginagamit.
Sa ganyan, mauunawaan natin kung bakit nagbabago ang ating kamalayan
kapag nagbabago na tayo ng wika (Antonio et al., 2011).

Maaaring may kinalaman ang wikang ginagamit sa ating kamalayan.


Hindi lamang sapat na malaman na totoong may kinalaman ang wika sa
nabanggit. Ito'y kailangan pa ring gawan ng paglilinaw na isasagawa sa kabuuang
ginagamit para maiuugnay ang mga ito. Katulad na lamang kapag hindi masabi
kung ano ang katawagan sa bagay na namalayan sa ating tabi. Sasabihin na
lamang nating may isang bagay tayong namalayan sa ating tabi samantalang
nakaupo sa silyang nasa kanan ng pinto sa salas ng bahay ni Dr. Porque. Sakaling
gusto nating tukuyin ito, may dalawang paraan tayong maaaring magamit. Una,
maaari nating hilahin at sabihin sa usiserong kaibigan sa pook na kinamalayan ng
bagay na hindi alam ang katawagan at ituro na lamang ang bagay na iyon.
Maaaring sabihin na “Iyan ang bagay na ating namalayan sa ating tabi
samantalang nakaupo tayo sa bahay ni Dr. Porque; o maaari ring sabihin nating
“May namalayan akong kuwan doon.”
Gawin Natin
A. Batay sa larawan na nakikita, anong interpretasyon ang iyong maibibigay?
Gawan ng isang presentasyon.

B. May limang larawan ng bata na nasa ibaba. Sa mga larawang ito, alin ang
nagpapakita ng totoong ikaw? Ipaliwanag.
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 1

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

Panuto. Tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga sumusunod na halimbawa.


Piliin ang tamang sagot na tinutukoy nito at isulat ang tamang sagot na
letra sa patlang na nakalaan.

1. S a p a g k a k a g a m i t n g (A. Sikolohiya B. Sikolohiyang


Filipino C. Sikolohiya ng Wikang Filipino) ay natutukoy natin ang
kaugalian ng bawat isa.

2. Nilinaw ng "Ama ng Sikolohiyang Pilipino" na si (A. Virgilio G. Roquez


B. Virgilio G. Enriquez C. Virgilio G. Porquez) na ang sikolohiya ay isang
kamalayan, ulirat, isip, diwa, kalooban at kaluluwa.

3. Bawat desisyong binibitawan ay mahalaga. Nangangailangan ito ng


matamang pag-aaral at tiyak na batayan. Nangangailangan ito ng
sikolohiya bilang isang (A. sining B. kagandahan C. agham).
4 . Anumang damdami n ng isang tao ay naimpluwens yaha n ng
kanyang sariling karanasan na nag-uudyok sa kanya ng pagbitiw ng
ganoong reaksyon. Ang damdamin niya ay tumutukoy sa (A. kamalayan
B. kalooban C. a at b).

5. Gumagamit tayo ng ating (A. ulirat B. kamalayan C. kalooban) habang


tayo'y nakikiramdam kung ano-ano ang mga nangyayari sa paligid.

_ _ _ 6. Ang kaalaman at pag-unawa ay isang mahalagang bagay na


nangangailangang gamitin bago ang pagbibigay ng hatol. Bilang
sikolohiya, ito'y tumutukoy na (A. kamalayan B. ulirat C. isip).

____7. Maging budhi ng isang tao ay pinag-aaralan ng sikolohiya. Ang


budhi ay tumutukoy sa (A. kamalayan B. kaluluwa C. isip).

8. Ang pagtugon at (A. pagkilos B. pag-alam C. pagpigil) sa isang


organismo na nagaganap sa isang kalagayan ay patunay na ang sikolohiya
ay isang agham ng kaugalian.

_ _ _ _ 9. Ang uri ng sikolohiya na dalisay ay higit na interesado sa


(A. katotohanan B. aplikasyon C. pinag-aaralan).
10. Ang pag-aaal ng siyentipiko ay nakakatulong para matuklasan ang
katotohanan sa praktikal na pamumuhay. Ito'y tinutukoy na uri ng
sikolohiya na (A. katotohanan B. aplikasyon C. pinag-aralan).

10
10
Aralin 2
KAALAMANG PAGKATAO
NG MGA PILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang kaalamang pagkatao ng mga Pilipino;


b. naipapaliwanag ang kaalamang pagkatao ng mga Pilipino; at
c. naiuugnay ang kaalamang pagkatao ng mga Pilipino.

Talakayin Natin
Maraming dayuhan ang nanakop sa bansang Pilipinas. Nandiyan ang mga
Kastila, Amerikano, Hapones at iba pa na may dalang impluwensya sa kultura,
wika at kabuuang pagkatao ng mga Pilipino. Nakilala natin ang Panginoon,
naging malaya sa pagpapahayag ng niloloob at iniisip at nagkaroon ng
pagmamahal sa pagsulat na naging isa sa mga pamamaraan upang maipakilala
ang kulturang Pilipino. Wika, paniniwala, tradisyon o kaugalian, pagkain,
sining, kasuotan, relihiyon ay halimbawa ng ating kultura. Lahat ng ito ay tatak
ng pagkataong Pilipino. Ika nga, “Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat
lang itong alagaan at muling buhayin.”

Ang pagkataong Pilipino ay ipinapakilala ng pagkakagamit ng wika.


Naging makapangyarihan ito sa pagpapahayag ng sarili, pagkakaintindihan ng
bawat isa, pagpapahayag ng nakaraan, kasalukuyan at maging sa hinaharap.
Gamit ang wika, nagkaroon ng kanya-kanyang interpretasyon batay sa
pagkakaintindi kung ano ang nais iparating ng kausap, berbal man o di berbal.
Kasama sa berbal na komunikasyon ay ang pagkagamit ng kilos o galaw ng
ating katawan maging ang representasyon ng bawat isa nito.

Pagkatao at Katauhan

“Madali ang maging tao ngunit mahirap ang magpakatao.”

Makatotohanan, binigyan tayo ng hininga ng Panginoon para mabuhay.


Pinakamataas na nilikha ng Panginoon na may kakayahang kontrolin ang isip at
emosyon. May kakayahang bumigkas at gamitin ang wika sa pakikipagtalastasan.
Naiimpluwensyahan tayo ng mga taong nakapaligid sa atin. Ang pagpapahayag
natin ng ating sarili ay nababatay sa kung ano ang mga salik na nasa paligid. Tao
tayo ngunit kung minsan, nahihirapan kung paano maiangkop ang sarili sa iba.

Ang pagkatao, katauhan o persona, sa isang kolokyal na pananalita, ay


11
kadalasang kasingkahulugan ng tao.

12
Ang personalidad ay mga gawi o mga katangiang pansikolohiya. Ito ay
mekanismo sa loob ng indibidwal na isinaayos ay nakakaimpluwensiya sa
pakikipag-ugnayan o pakikisalamuha at pakikibagay o pag-akma sa mga
kapaligirang intrasikiko, pisikal, at panlipunan (Larsen & Buss, 2008).

Wika ng Katawan

Ang wika ng katawan o pananalita ng katawan ay isang uri ng


pagpapahayag o komunikasyon n a hindi ginagamitan ng mga salitang
binibigkas o isinusulat. Binubuo lamang ito ng manerismo o kilos ng katawan,
tindig o tikas, at anyo o hitsura ng mukha.

Ang mga ito ay kilos o galaw ng bahagi ng katawan, katulad ng kamay,


bahagi ng mukha, galaw ng mata, tayo, asta o bikas ng buong katawan na
nagpapakita o nagpapahiwatig ng ibig sabihin o nais gawin, tinatawag itong
komunikasyong kinesiko- isang makaagham na pag-aaral ng galaw o kilos at
ekspresyon ng katawan.

Sa pakikipag-ugnayang na hindi ginagamitan ng mga salita, nagaganap


ang wika ng katawan sa tuwing may nakakaharap na tao. Nagsasabi ito ng
kanyang tunay na damdamin. Nagbibigay kaalaman kung paano natatanggap ng
ibang tao ang mga salitang binitawan o binigkas.

Umaabot sa 60 hanggang 80 bahagdan ng mga mensahe ang


naipapakita at naipababatid sa pamamagitan ng wika ng katawan.
Tanging 7 hanggang 10 bahagdan lamang ang mga salitang binabanggit na mga
salita sa isang usapan o huntahan. Kaya't mahalaga ang kakayahang basahin o
unawain at ipaliwanag ang wika ng katawan ng tao upang magkaroon ng
mabuting pagtanggap.

Sa larangan ng sikolohiya, ito ay walang pagsasalitang pagsisiwalat,


pagpapabatid, at pamamahagi ng kabatiran o impormasyon sa pamamagitan ng
sinasadya (habang may malay-tao, gising, nakakaramdam, mulat, at may ulirat) o
hindi namamalayang mga galaw, kumpas, tindig, at iba pang kilos ng katawan o
mga bahagi nito.

Ang "wika ng katawan" ay pagpapahayag ng mga tahimik na


pabatid o mensaheng hindi binabanggit o binubukambibig na pasalita gamit ang
mga kilos ng katawan. Kasama sa pinapamalas ay ang wangis, bikas, o hilatsa ng
mukha (katulad ng kiyâ, ismid, ingos, at iba pang mga katulad nito), tunog,
tono at kahinaan o kalakasan ng tinig, at iba pa. Ang mga ito ay impormal na
anyo ng komunikasyong hindi nakasandig sa kultura. Ipinapahayag ang
damdamin, emosyon, motibo, at mga
kaisipan sa pamamagitan ng mga pagbabago ng hitsura ng mukha, mga
kumpas, tikas, posisyon ng katawan, at iba pang mga hudyat na hindi ginagamit
ng salitang binibigkas ng bibig.

Ang pagkataong Pilipino ay binubuo ng mga sumusunod na


magkakaugnay sa bawat isa.

labas

Istruktura ng
kaluluwa Pagkataong Pilipino budhi

loob

Pagtatakda ng mga Bahagi ng Katawan

Ang pagkataong Pilipino ay nabuo ayon sa konseptong tambalan ng labas


at loob. Bawat bahagi ng katawan ay may kanya-kanyang gamit.

Mukha at Isipan

Bawat bahagi ng mukha ay may kanya-kanyang kakanyahan sa


pagkakagamit katulad ng noo, kilay, pilikmata, ilong, labi, dila, ngipin, nguso,
baba at pisngi. Ang halimbawa nito ay:

Sa mukha nasasalamin ang samu't saring karanasan. Salamin ang mukha


ng damdami't kalooban ng pagkakataong nililok ng kulturang karanasan.

15
Labas, Loob at Lalim

Labas Loob

mukha Isipan
dibdib puso
tiyan bituka
sikmura atay
Lalim
kaluluwa budhi

May sariling kakanyahan ang mukha gaya ng hayag na mukha na walang


tinatago o walang mukhang ipakita-kahiya-hiya. Ang mukhang Pilipino ay
nangungusap ng sariling pagkatao ayon sa kapahayagan ng iba't ibang
bahagi nito.

Ang utak ay nakaugnay sa isipan at ang isip ay ang pinagmumulan ng


diwa, kamalayan, ulirat, talino, at bait. Ang pag-unawa ay nakuha sa pag-iisip
at ang isip ang pinagmulan ng diwa, kamalayan, ulirat, talino, at bait. Sa pag-iisip
din nakasalalay ang pag-uunawa. May mga parirala tulad ng mataas mag-isip,
walang malay, matalino, bukas ang kamalayan, atbp. Ito'y hindi lamang
nagsasabi ng intensyon kundi sa kanyang pagkilos at gawa na maaaring pino,
magaspang, garapal, magaslaw, makatao, maka-Diyos, at makabayan. Ang mga
ito ay nagpapakilala rin ng pagkatao.

Puso at Dibdib

Pag-iisang dibdib ang tawag sa pag-aasawa ng mga Pilipino at hindi


pag- iisang puso. Nangangahulugang ang pag-aasawa ay dibdiban at hindi biro.
Maliban dito, ay mayroon ding sinasabi na maluwag ang dibdib, masikip ang
dibdib, at mababang dibdib. Hindi nangangahulugan ng malaki ang hinaharap
kung may mababang dibdib. Ang dibdib ay ang pandama ng damdamin.

Dito sa Pilipinas, ang buhay ay kaugnay sa pagsanib ng kaluluwa at


pagkalagot ng hininga. Katulad ng mga halimbawa na matabang puso, walang
puso, isapuso, mahabaging puso. Ito'y mga halimbawa ng pagkatao.

Tiyan at Bituka

Malaki ang tiyan, ay maaaring nagsasabi na ang tao ay busog,


matakaw, may bulate sa tiyan, o mapagkamkam. Ang katambal nito na maliit
ang tiyan o walang tiyan ay maaaring may kahulugan na gutom, mahirap, o
kulang sa kain.
Ang bitukang sala-salabid ay nangangahulugan ng buhay na punong-
puno ng balakid. Naglalarawan ito ng kalagayan ng pagkatao.

Sa kanluranin ang puso ay kaugnay ng buhay. Ang pagtibok ng puso ay


tanda ng buhay, hindi tulad natin na ang buhay ay nakaugnay sa pagsanib ng
kaluluwa at pagkalagot ng hininga.

Sikmura at Atay

Malakas, masama, mahapdi o maasim ay iilan lamang sa mga


pariralang nakaugnay sa sikmura. Nangangahulugan lamang ito na ang sikmura
ay di mabuti ang pakiramdam. Ang mahapding sikmura o nangangasim, ay
maaaring nangangahulugang hindi matanggap ang isang bagay. Malakas ang
kanyang sikmura kung natatanggap ng tao ang lahat, lalo na ang mga
pangyayaring karumal- dumal.

Ang sikmura ay may kinalaman sa pagduwal o pagsusuka o di


matanggap ng sikmura ang pagkaing nilulon. Bahagi ng katawan ang sikmura
na ginagamit na pantantiya ng damdamin, pag-iisip, kilos, at gawa ng ibang tao.

Ang atay naman ay ginagamit na panawas sa mambubunong upang


makamit ang magiging kapalaran ng isang desisyon katulad ng kung itutuloy
ang pagdaraos ng pishit o pangangaso. May kinalaman ito sa kulay ng atay.
Kung madilaw ang atay, ay magtatagumpay ang isasagawang balak; maitim na
atay, sakuna ang susuungin. Gayundin ang taong may maitim na atay ay
walang pakundangan sa kanyang ginagawa.

Ang katawan ng tao ay naglalaman ng kaluluwa at budhi.

Kaluluwa at Budhi

Sa pag-aaral ni Manuel, ang salitang kaluluwa, ikararuwa o kararua at


inikaduwa ay buhat sa salitang duwa, “two” dahilan sa dalawa ang kalagayan nito.
Una, ay ang tambalan ng kaluluwa at katawan, at ang pangalawa ay ang
pansariling kalagayan ng kaluluwa.

Sa pag-aaral naman ni Salazar, ang kaluluwa ay batis ng buhay at


ginhawa. Ang Cebuanong salitang ginhawa ay “hininga” ang salin sa Tagalog.
Ang mga Pilipino ay naniniwala na ang pagkamatay ng isang tao ay dahilan sa
pagkalagot ng kaniyang hininga.
Sikolohiya ng Pagkataong Pilipino

Ang pagkatao ng isang Pilipino ay maaaring nababago kung siya ay


linalangkapan, sinasapian o sinasaniban. Ang pagbabago ng pagkatao ay
nananatiling isang hula lamang sapagkat hindi pa lubos kung anong prosesong
pisikal ang pagbabago. Ito'y isa lamang palatandaan na ipinapahiwatig sa pagbabago ng
damdamin, isipan, kilos, gawa pati na ang wika. Ang mga pagbabagong ito ay
itinatakda ng iba't ibang bahagi ng katawan, at ng kaluluwa.

May dalawang klase ng pagkataong Pilipino. Ito ay likas na pagkatao, at


pagkataong may sapi.

Ang likas na pagkatao (human nature) ay tinutukoy na kalikasan ng tao. Itoý


isang katutubo o taal na ugali, sariling katangian na natatangi upang matawag ang isang
nilalang bilang tao. Kasama sa mga katangiang ito ay ang paraan ng pag-iisip, pandama,
at pagkilos na taglay nito.

Isang katanungan sa pilosopiyang kanluranin kung ang mga katangiang ito ay


napapanatili lalo na kapag itoý naiuugnay sa etika, politika, at teolohiya.
Nangangailangan ito ng pamantayan o sukatan para makapamuhay nang mabuti.

Isang katotohanan na likas sa taong nag-iisip ay nag-aasam ng katotohanan para


sa katotohanan, inaalam ang mga bagay na nagpapabago sa buhay, umaasam na ang
pag-alam sa katotohanan ay magiging ganap na sandata para malaman kung alin ang
totoo, na yaong pinakarurok ng pagkakaroon ng bagay na maisasanib sa kanyang
pagkatao.

Gawin Natin
A. Bilang mga Pilipino, naniniwala ka ba na ang tao ay maaaring magbago kapag ito'y
sinasapian o sinasaniban? Gawan ito ng pananaliksik at ilahad.
B. Sa lahat na bahagi ng katawan, alin sa palagay mo ang pinakaimportante sa lahat?
Paano ito ingatan? Gawan ng pananaliksik at ipaliwanag .
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 2

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

MARAMING PAGPIPILIAN: Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod


na tanong at tukuyin kung ano ang isinasaad ng mga halimbawa. Piliin ang
tamang sagot na tinutukoy nito at isulat ang tamang sagot na letra sa patlang na
nakalaan (10 pnts).
1. Ang pagkataong Pilipino ay ipinapahayag sa pagkakagamit ng (A.
wika B. kilos C. ekspresyon).

2. Ang salitang pagkatao ay nangangahulugan (A. wika B. gawi ng


tao C. loob ng indibidwal).

__________3. Ang kasabihang “madali ang maging tao, ngunit mahirap


magpakatao”, ay nagpapakita na (A. ang buhay ay napakadali B.
ang buhay ay nangangailangang iangkop sa mga taong nasa
iyong paligid C. ang buhay ay mahirap dahil tao ka na
mahina at marupok.

4. May (A. 60-70 B. 70-80 C. 60-80) porsyento ang pakikipag-


usap gamit ang wika ng katawan.

5. Ang pinakamaliwanag na katangiang taglay ng tao ay (A.


kamalayan ng isip B. bahagi ng katawan C. utak) na karaniwan
kasama dito ang plano, mithiin, hangarin, pag-asa, takot, at iba pa.

6. Ang pagkataong Pilipino ay nabuo sa tambalan ng (A. labas at loob


B. loob at lalimC. labas at lalim).

7. Sa (A. puso B. utak C. mukha) nasasalamin ang iba't ibang


karanasan ng isang tao.

8. Ang mga Pilipino ay naniniwala na ang ang pagtibok ng puso ay


tanda ng (A. buhay B. pagmamahal C. pagsanib ng kaluluwa at
pagkalagot ng hininga).

9. Ang pagbabago ng bahagi ng katawan ay maaari ring may


pagbabago sa ( A. damdamin B. isipan C. lahat).

____10. Ang (A.isip B. puso C. budhi) ay ang pinagmumulan ng diwa,


kamalayan, ulirat, talino at bait ng isang tao.
Ikalawang Bahagi

SOSYOLINGGWISTIK
NA PAG-AARAL SA
WIKANG FILIPINO

19
Aralin 3
MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA
SA PAGKAKAIBA-IBA NG MGA WIKA SA PILPINAS

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nakapagbibigay ng opinyon o pananaw kaugnay sa mga napakinggang pagtatalakay sa mga s


nasusuri ang iba’t ibang pananaw tungkol sa iba't ibang dimensyon at makapagbigay ng mg
nalinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip sa pagsusuri sa mga isyu

Mga Isla sa Pilipinas


Talakayin Natin
Ang wika ay nagkakaiba-iba dahil sa mga taong gumagamit nito.
Sinasabing nagkaroon ng baryasyon o pagkakaiba-iba ang wika dahil sa
lokasyong kinalalagyan ng tao o grupo ng mga taong gumagamit nito. Ang mga
taong nabibilang sa isang komunidad at gumagamit ng iisang wika ay maaaring
magkaroon pa rin ng pagkakaiba sa paraan ng kanilang pagsasalita-estilo, tono,
punto atbp. Halimbawa dito sa Iloilo; ang mga tagasiyudad ay gumagamit ng
20
Hiligaynon samantala ang tagaprobinsya ay gumagamit ng Kinaray-a. Ang
Kinaray-a na ginagamit ng mga tagaprobinsya ay nagkakaiba-iba ayon sa mga
tagapagsalita nito. Iba ang Karay-a sa Alimodian, Leon kaysa Kinaray-a ng mga
taga-Pavia, Maasin, Passi at iba pang lugar sa probinsya.

20
Ang tao kahit nabibilang sa isang lipunan ay iba-iba ang paraan ng
pagsasalita.

May Tatlong Dimensyon ang Pagkakaiba-iba ng Wika

1. Dimensyong Heyograpikal

Ang terminong heograpiya ay tumutukoy sa mga katangiang pisikal ng


isang lugar na kinatitigilan ng isang pangkat ng mga tao. (Rubin, 2002) May
limang importanteng bagay tungkol dito: kinaroroonan, lawak, hugis,
topograpiya at klima. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga dagat at karagatan
dadil nasa gitna ito ng rehyong Timog-Silangang Asya. Dahil dito naging
daungan ito ng mga sasakyang- dagat at panghimpapawid. Para sa mga
manlalakbay o biyahero, negosyante o mangangalakal ay kombinyenteng
makakarating rito.

Sa dimensyong heyograpikal o pagkakahiwa-hiwalay ng lugar,


nagkakaroon ng baryasyon ng wikang ginagamit ng mga tao. Katulad ng
Pilipinas na napaghihiwalay ng katubigan o kabundukan kung kaya
nakapagdulot ito ng maraming wikain sa bansa. Ang paglilipat-lipat ng tirahan
ng tao sa ibang lugar dahil sa kalamidad o di kaya giyera ay isa pang dahilan.
Ang mga pangyayaring ito ay naging dahilan upang magsama-sama ang
magkaibang grupo ng tao.

Ang pagkahiwa-hiwalay ng mga kapuluan sa Pilipinas ang sinasabing


pinakamatinding sagabal sa pagkakaroon ng iisang wika sa Pilipinas. Idagdag pa
ang ibang salik gaya ng: Paghiwa-hiwalay ng mga lugar dahil sa ilog, bundok,
lawa, kagubatan at burol. Nagkaroon din ng sari-saring kultura ang bawat tribu.

Ang Pagkabuo ng mga Dayalek

Isa sa mga madalas na dahilan sa pagkakaroon ng mga subgrupo ng isang


wika ay sosyo-heograpiko. Rehiyunal na dayalek ang tawag sa pag-uuring batay
sa wikang sinasalita ng isang grupo ng tao sa isang lipunan (Rubin, 2002).

Ang pagkakaiba-iba sa loob ng isang wika sa punto ng aksent,


leksikograpiya, punto, pagbigkas, pagbibigay-kahulugan sa ilang salita ay
tinatawag na Dayalek. Dahil sa pagiging kapuluan ng Pilipinas nagkaroon tayo
ng isang daang wika at humigit kumulang sa 400 dayalek.

Ang Karay-a halimbawa ay isang uri ng dayalek ngunit pansinin na iba


ang tono at aksent ng mga taga-Passi sa tono at aksent ng mga taga-Alimodian,
Leon, at Antique at iba pang probinsya ng Iloilo kahit pareho silang gumagamit
ng Kinaray-a.
Ang dayalek na ito na tinuturing na unang wika ng isang tao ay naka
impluwensya din sa tono, aksent at paraan ng kanyang pagsasalita.

B. Dimensyong Sosyo-Ekonomiko

Ang dimensyong sosyo-ekonomiko ay dulot ng pagkakaiba-iba ng


kalagayan at katayuan ng isang tao sa lipunan. Dahil dito nabubuo ang mga
sosyolek. Ang mga taong may iba't ibang interes, gawain, hanapbuhay, estado sa
buhay ay may malaking kaugnayan sa baryasyon ng wika. May barayti ng wika
ang mga nakatataas, masa, tambay, babae, lalaki at iba pa.

May mga taong bantog sa kanilang idyolek:


● Kabayan Noli de Castro
● Mike Enriquez
● Mareng Winnie
● Kris Aquino
● Ruffa Mae Quinto
● Vice Ganda
● Boy Abunda

Halimbawa:
“Siguro nga ammm…dapat tayong magkaisa ok…Ito ay ammm….susi sa
pagkakaroon ng katahimikan sa bansa, ok? Kung hindi ngayon, ammm…kailan
pa kaya? Dapat ay ngayon na, ok?

C. Dimensyong Kontekstwal

Ang dimensyong kontekstwal ay baryasyong nagaganap sa loob ng isang


indibidwal. Nagkaroon ng pagkakaiba sa pananalita ng tao batay sa sitwasyon o
kontekstong kinasasangkutan niya. Halimbawa: sino ang ating kausap, ano ang
paksang pinag-uusapan, at saan nagaganap ang usapan. Dito papasok ang
tinatawag nating Tenor of discourse at Mode of discourse.

Tenor of discourse-tumutukoy ito sa relasyon ng mga taong nag-uusap sa


isang sitwasyon. Ang relasyon ng mga taong nag-uusap ay nakakaimpluwensiya
ng malaki sa paggamit ng pormalidad ng wika.

Halimbawa: Ang pakikipag-usap sa kasing edad o gulang ay naiiba sa


pakikipag-usap sa nakatatanda. Madalas gumagamit ng po at opo upang ipakita
ang paggalang na hindi naman ginagamit kung ang kausap mo ay isang kaibigan o
kakilala o kasing edad mo lamang o mas nakakabata sa iyo.
Mode of discourse- tumutukoy ito sa paraan o kung paano nag-uusap ang
mga tagapagsalita -pasulat o pasalita. Sa pasulat madalas ay pormal ang mga
salitang ginagamit kung ihahambing sa pasalita.

Halimbawa: Ang sariling paraan ng pagsasalita sa klase ay hindi maaaring


gamitin kung sumusulat ng isang pormal na sanaysay. Maaari ring isaalang-alang sa
kontekstong ito ang modelo ni Dell Hymes na tinawag niyang S.P.E.A.K.I.N.G.

Barayti at Baryasyon ng Wika

Ang speech variety o barayti ng wika ay tumutukoy sa anumang kapansin-


pansin na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong
gumagamit nito. Kadalasan ay nakikita ito sa pagbigkas, intonasyon, estilo,
pagbuo ng mga pangungusap at bokabularyo.

A. Idyolek - Ang kapansin pansin na paraan ng paggamit ng wika o nakagawain


na pananalita ng isang tao na yunik sa kanya. May mga taong kilometriko at
mabulaklak kung magpahayag. May mga ilan ding nakagawiang magsalita
nang malakas o ‘di kaya ay mahina. Mayroon ding mga tao na may isang
salitang nakasanayan nang banggitin nang paulit-ulit sa bawat linya ng
kanilang pangungusap.

Halimbawa: Sa hapong ito ahmm, tatalakayin nating ang tungkol sa ahmm,


lagay ng panahon okey pagkatapos ahmm pag-usapan din natin ang okey…

B. Dayalek- ang barayting ito ay inuuri ayon sa lugar, panahon at katayuan sa


buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpikal na
komunidad. Tinatawag din itong panrehiyunal o wikain. Ang dayalek ay
palasak sa isang lugar o sa buong kapuluan. Ito ay unang wikang kinagisnan sa
tahanan, pamayanan at lalawigan. Ito rin ang wikang namumutawi sa bibig ng
mga tao, ng mga magulang sa tahanan at sa sambayanang Pilipino.

Halimbawa ang Tagalog ay isang wika na sinasalita sa Kamaynilaan, ang


mga dayalek nito ay ang Tagalog-Batangas, Tagalog- Cavite, Tagalog-Nueva
Ecija, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Laguna at Tagalog-Quezon.

C. Sosyolek- sinasabi naman itong pansamantalang barayti. Tinatawag itong


pansamantala dahil nadedebelop ito sa pamamagitan ng malayang interaksyon
at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga tao, wika ng mga
beki o
gay lingo.

Halimbawa:
-Allergy (Galis para sa mahihirap)
- gravy (sarsa para sa ordinaryong tao)
- slim (tawag sa mga payat na tao)
- Indiana Jones - nag-indian,
- churchill- sosyal
- bigalou- malaki
- givenchy- pahingi
- Juli Andrews- nahuli
- cono o conotic o conyospeak (isang barayti ng Taglish)

“You make basa kasi para you know naman,


ok?”
“It's so haba na naman ang linya for sure”

D. Ekolek- tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita


sa loob ng bahay.

Halimbawa:
inihaw/sugba, Tinola/ sinabawan/ sinigang

E. Pidgin- ito ay tumutukoy sa wikang walang pormal na estruktura.


Nadedebelop ito dahil na rin sa pangangailangan na makabuo ng isang
pahayag. Kadalasan, napaghahalo-halo ng nagsasalita ang kanyang unang wika
sa wikang sinasalita ng isang komunidad ng bagong kinabibilangan niya
-nagaganap ito sa dalawang taong may magkaibang unang wika na
nagtatangkang mag-usap ngunit hindi magkaintindihan, na nagbubunga ng
tinatawag na makeshift language.

Halimbawa: (Filipino-Chinese)
-Kayo bata aral buti para laki ganda trabaho.
-Ikaw bili bag mura lang ito.
(English-Nigerian)
-I no no-I don’t know
-I no sabi- I don’t understand
-I dey fine- I’m fine. I’m doing well

F. Etnolek- barayti ito ng wika na nadedebelop mula sa mga salita ng mga


etnolinggwistikong grupo.

Halimbawa:
Waray, Bukidnon, B'laan, T'boli
G. Creole- isang wikang nagsimula sa pagiging pidgin ngunit paglaon ay nalinang
at lumaganap sa isang lugar hanggang sa ito na ang magiging unang wika.
Nadebelop na ang pormal na istruktura sa puntong ito.

Halimbawa: Chavacano (Tagalog at Espanyol)


Palenquero (African at Espanyol)

H. Rejister - ito ay tumutukoy sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa


isang partikular na domeyn. Ang mga salita na ginagamit ay maaaring hinggil
sa mga teknikal o espesyalisadong salita na ginagamit ng mga taong nasa
partikular na disiplina o larangan.

Halimbawa: Ang rejister na ginagamit ng mga guro sa akademya ay naiiba


sa rejister na ginagamit ng mga nars at doktor sa medisina pati na rin sa rejister na
ginagamit ng eksperto sa kompyuter.

Ang guro ay madalas gumamit ng terminong: mag-aaral o estudyante,


takdang-aralin o asaynment, lesson plan; ang abogado: kleyente, depensa,
abeyance, sobpuena; ang doktor: pasyente, preskripsyon, benign, malignant
atbp. Ito ay mga espesyalisadong termino na madalas ginagamit at nababanggit sa
kani-kanilang propesyon.
Gawin Natin
A. Talakayin ang tatlong dimensyong nakaimpluwensya sa pagkakaiba-iba ng
mga wika sa Pilipinas ayon sa sariling pagkaunawa.
1. Dimensyong Heyograpikal

2. Dimensyong Sosyo-Ekonomiko

3. Dimensyong Kontekstuwal

B. Ano ang naging epekto ng pagkakahiwa-hiwalay ng kapuluan sa ating wika?


C. Bigyan ng mga halimbawa ang mga sumusunod na barayti ng wika:

Dayalekto
Idyolek
Sosyolek
Etnolek
Ekolek
Pidgin
Creole
Rejister ____________________________________________________
D. Manood ng TV shows o sitcom. Magtala ng sampung salita na ginamit ng
tauhan at tukuyin kung anong barayti ng wika ang ginamit.
Tauhan Salita Barayti ng Wika

E. Maghanap ng kapareha. Mag-isip ng mga kilalang tao na bantog sa kanilang


Idyolek. Gumawa ng dayalogo at gayahin ang paraan ng kanilang pagsasalita.
Aralin 4
PAG-UNLAD AT PAGBABAGO
NG WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasaha

natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng wika sa kulturang P


natutukoy ang mga salitang hiram mula sa mga banyagang bansa at impluwensya ng
natatalakay ang sariling pananaw ukol sa pagbabago at pag-unlad ng
nasusuri ang mga pananaw ng iba't ibang awtor ukol sa pagbabago at pag-unlad ng
napalalim ang kamalayan ng mga mag-aaral sa epekto ng wikang sinasalita sa indibidw

Talakayin Natin
Sinasabing makikilala ang edukasyon, talino, kultura, ng isang tao
batay sa wika na kanyang ginagamit. Maaaring ang pagkakaiba ng wika ng
isang tao ay batay sa kulturang taglay nito. Ano nga ba ang kultura at paano
ito naka- impluwensya sa ating wika?
Kulturang Pilipino

Ano ang Kulturang Pilipino? Walang isang tiyak na kasagutan na


makapaglilinaw sa katanungang ito. May mga nagsasabi na mula ito sa
paghahalo ng mga elementong kanluranin at silanganin at lubhang maka-
kanluranin nga ito. Maaaring totoo ang pagpapakahulugang ito para sa mga
Pilipino na nasa urban centers o mga Kristiyano sa kapatagan. Ngunit para sa
mga tribu o pangkulturang komunidad sa mga kabundukan at mga Muslim,
hindi maaring basta gamitin ang huling pagtingin (Rubin, 2002). Ang
grupong ito ay lumaban at tumanggi sa simula pa lamang sa sistema at kultura
ng mga mananakop.

May mga dahilan na dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng


depinisyon sa kahulugan ng kultura. May pagpapakahulugan na akma
lamang sa isang grupo ngunit hindi para sa lahat.
Ayon kay Foronda (1975) na makikita sa aklat ni Rubin (2002), parang
mosaic ang kulturang Pilipino. Kumakatawan sa mga katutubong istratum at mga
impluwensya ang mga maliliit na batong nasa loob ng isang mosaic na bumubuo
sa isang multi-dimensyonal at kompleksikong larawang katulad ng larawang
Pilipino.

Ang kulturang Pilipino ay maibabatay natin sa pangkalahatang pagtingin


ayon sa mga sumusunod na pananaw:
▪ bunga ng patuloy na pagdaloy ng mga impluwensyang iniluwal ng panahon
hanggang sa kasalukuyan na nagmula sa labas ng heograpikal na hangganan
ng bansa.
▪ ang mga impluwensya ng nakaraan at kasalukuyan na patuloy na naging
bahagi ng buhay ng mga Pilipino kayat mahirap nang ihiwalay at naging
natatanging karakter at ugaling Plipino.
▪ bagamat matagumpay na naasimileyt sa kabuuan ang impluwensya ng
nakaraan at kasalukuyan, at may iba't ibang antas ng pagpasok na ito ng
mga impluwensya sa mga rehiyon at mga uri sa lipunan na higit na
nakaapekto sa mga sentro ng mga rehiyon habang lumiliit para sa mga
liblib na lugar, nagbigay pahintulot naman sa mga may edukasyon at
yaman sa buhay.

Si Horacio de la Costa (1961) ay may nabuong heneralisasyon tungkol sa


kulturang Pilipino.
▪ Ang kulturang Pilipino ay binubuo ng mga elementong iba iba ang
pinagmulan.
▪ Hindi nananatili sa orihinal nitong anyo ang pangkulturang panghihiram sa
labas.

Ang lahat ng aspektong ito (ang proseso ng pagkakaroon ng mamamayan,


iba't ibang patern ng pakikipagkalakalan sa mga karatig bansa ang liit o laki ng
penetrasyon ng sistema ng pananakop ng mga Kastila at Amerikano) ng ating
kasaysayan.

Ang maaaring magtukoy ng isang pambansang kultura na magkakatulad sa


buong Pilipinas kaya dapat asahan ang horizontal at materyal na baryasyon.

Sa kabila ng pananakop ng mga dayuhan sa bansa ayon kay Alegre, hindi


nasakop ang kultura ng mga katutubo. Ang pananatili ng wika ng mga katutubo sa
loob ng napakaraming taon ng pagiging kolonya ay patunay na nanatiling buhay
ang katutubong kultura ng mga katutubong Pilipino. Kahit naging dominante
ang wikang dayuhan ni hindi nasira ang kultura ng mga katutubo. Nanatiling
buhay ang wika ng kanilang lokalidad. Patuloy na naging buhay, buo, matatag
ang wikang Filipino at nanatiling may integridad ang kulturang Pilipino.
Epekto sa Wika ng Pandarayuhan ng mga Banyaga

Ayon sa kasaysayan bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas,


dumadayo na ang mga Intsik sa Kamaynilaan, Batangas, Mindoro at Sulu.
Ganoon din ang mga Orang Dampuan, Orang Banjar, India, Arabe, Hapones, Ban
Siam, Tongkin, Sumatra at Java.

Karamihan sa mga banyagang pumaparito noon ay mangangalakal at


nakikipagpalitan ng kanilang mga produkto sa paraang barter. Ang mga Orang
Dampuan ay kilalang mandaragat at dala nila ang impluwensya sa kanila ang
kabihasnang Hindu.

Ang mga Orang Banjar ang dumating sa Sulu at nakipagkalakalan doon.


Walang tuwirang ugnayan noon ang Pilipinas at India subalit sumapit sa Pilipinas
ang kulturang Indian dahil sa Indones. Malakas sa kanila ang impluwensya ng
Imperyong Shri-Visaya at Imperyong Madjapahit. Humigit kumulang sa 350
salita sa ating wika ang hango sa Sanskrito. Ang Sanskrito ay sinaunang wika ng
mga Indian.

Ayon sa kasaysayan sa loob ng ika-10 siglo dumating ang relihiyong Islam


sa Pilipinas. Naunang dumating ang mga mangangalakal na Arabe at sinundan ng
mga misyonerong Muslim. Sa Timog-Kanlurang-Mindanao, napatibay nila ang
ugnayan lalo na sistema ng pagsulat, kaugalian, at tradisyon ng mga Arabe. Sa
panahong ito masigla na ang kalakalang namamagitan sa Pilipinas at China sa
paraang barter o palitan ng kalakal. Maraming kaugaliang Intsik ang napulot ng
mga ninuno.
Maraming mga salitang Intsik ang natutuhan ng ating mga ninuno at
naging bahagi mismo ng ating wika. Karamihan sa mga ito ay gamit sa pagkain
gaya ng: pansit, sotanghon, lumpia, ampaw, miswa, bihon, siomay, siyopaw,
lugaw, bitso, ukoy, tokwa, hopya, hototay, suam, atbp.

Naging bahagi din ng ating bokabularyo ang mga salitang: ate, bakya,
bantay, bimpo, bitsin, bulong, buwisit, kintsay, kutya, kuwago, kuya, ginto,
hibi, hikaw, ingkong, lawlaw, madyong, sabwat, sangla, ulikba atbp.

Dumating sa Pilipinas ang mga Kastila, Amerikano at Hapones at ang


kanilang wika ay nagkaroon ng impluwensya sa ating wikang pambansa.

Mga salitang Kastila: panyo, kamiseta, butones, sinturon, medyas, terno,


bestido, pantalon, sapatos, kaldero, plato, bandihado, tasa , baso, tuwalya, mesa,
kutsara, tinidor, kutsilyo, kama, katre, eskwela, kolehiyo, unibersidad,
maestro, maestra, propesor, klase, estudyante, libro, diksyunaryo, kuwaderno,
pare, madre, kumpare, kumadre, misa atbp.

Mga salitang hiram sa Ingles: basket, boksing, iskul, haiskul, titser,


notbuk, badigard, bolpen, report, kompyuter, asaynment, klasmeyt,
klasrum,elebeytor, atom, asid, mayor at marami pang iba.

Mga Salitang Hiram sa Malay, Arabe at Sanskrito:

Mga salitang Malay: abo, agiw, ama, anak, bahay, basa, bato, bayani,
dahoon, dalaga, dingding, gutom, hangin, hari, ilaw, ina, lamok, itim, langit, lasa,
layag, lugi, mata, panday, patay, payong, sulat, taas, tamis;

Mga salitang Arabe: akma, agimat, agnas, alam, alamat, ani, asal, bakas,
bikig, kalan, dalamhati, ginhawa, hamak, hasik, hirang, hukom, hudyat, ingat,
lagnat, panaw, salamat, salawal, silid;

Mga salitang Sanskrito: abala, alapaap, alibugha, aral, bagyo, balita,


bahala, bansa, bathala, biyaya, budhi, buhay, kasi, katha, kuta, dalita, digma,
dukha, ganda, gunita, guro, himala, hiya, isip, luksa, mahal, maharlika, mithi,
panata, paksa, puri, saksi, sigla, sinta, tadhana, timawa, ulan, wasto
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 3

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

I. MARAMING PAGPIPILIAN: Direksyon: Piliin sa mga pagpipilian ang


letra nang tamang sagot. Isulat ito sa patlang na nakalaan bago ang bilang.

1. Barayti ito ng wika na tinatawag na pansamantala. Nabuo ito sa


pamamagitan ng malayang interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang
partikular nang pansamantala. Nabuo ito sa pamamagitan ng malayang
interaksyon at sosyalisasyon natin sa isang partikular na grupo ng mga
tao.
A. idyolek B. dayalek C. sosyolek
2. Tumutukoy ito sa mga salita na kadalasang nagmumula o sinasalita sa
loob ng bahay.
A. dayalek B. ekolek C. dayalekto
3. Barayti ito ng wika na tumutukoy sa kapansin-pansin na anyo ng wika o
uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito.
A. idyolek B. sosyolek C. dayalek
4. Ito ay bersyong lokal ng wika o ng isang malaking lingua franca.
A. dayalek B. e tnolek C. pidgin
_____ 5. Barayti ito ng wika na nadebelop mula sa mga salita ng mga
etnolinggwistikong grupo.
A. creole B. etnolek C. pidgin
6. Tumutukoy ito sa mga salita na espesyalisadong nagagamit sa isang
partikular na domeyn.
A. pidgin B. creole C. rejister
7. Walang pormal na istruktura ang wikang ito. Nadibelop ito dahil sa
pangangailangan na makabuo ng isang pahayag.
A. creole B. pidgin C. etnolek
8. Produkto ito ng pidgin na wika at nakapagdebelop ng pormal na
estruktura.
A. idyolek B. ekolek C. creole
9. Tumutukoy ito sa katangiang pisikal ng isang lugar na kinatitigilan ng
isang pangkat ng mga tao.
A. heyograpikal B. sosyo-ekonomiko C. kontekstuwal
10. Dulot ito ng pagkakaiba-iba ng kalagayan at katayuan ng isang tao sa
lipunan.
A. kontekstuwal B. sosyo-ekonomiko C. heyograpikal

31
II. PAG-IISA-ISA: Direksyon: Ibigay ang mga limang ( 5 ) importanteng bagay
na may kinalaman sa Dimensyong Heyograpikal

11.

12.

13.

14.

15.

III. PAG-UURI-URI: Direksyon: Uriin ang mga salitang nakalista at kilalanin


kung sa anong banyagang wika ito nagmula. Piliin lamang ang letra ng
tamang sagot at isulat sa patlang.

A. Intsik B. Kastila C. Ingles D. Malay E. Arabe F. Sanskrito

1. pansit 6. alibugha

2. boksing 7. salamat

3. Alamat 8. bayani

4. pantalon 9. klasrum 10. sotanghon


________5.kolehiyo
________10.
Aralin 5
WIKA AT ANG GAMIT NITO SA
PAKIKIPAGDISKURSO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

natutukoy ang kahalagahan ng wika sa pakikipagdiskurso;


nasusuri ang kahalagahan ng iba't ibang teorya sa pakikipagdiskurso;
natutukoy ang kaibahan ng pasalita at pasulat na pakikipagdiskurso;
nakapagsasagawa ng isang mabisa at mahusay na diskurso.

Talakayin Natin
Diskurso ang tawag sa berbal o di-berbal na komunikasyon.

Ang kumbersasyon ay isang uri ng diskurso o komunikasyon na


kadalasang nauuwi sa walang saysay na usapan, o maaari rin itong pormal o
sistematikong pagpapahayag ng isang paksa, pasalita man o pasulat.

Ang diskurso ay isang sistematikong proseso na ating tinitingnan upang sa


ating sinasabi madiskubre ang mga bagay-bagay na nakaimpluwensya sa ating
paniniwala at perspektibo sa pagbibigay natin ng kahulugan sa ating sinasabi
(Witter Merithew, 1992).

Mga Teorya sa Diskurso

Ang mga teorya ng diskurso ay maaaring susi sa ganap na pag-unawa ng


proseso sa pagdidiskurso o komunikasyon. Ang mga teoryang ito ay nakatutulong
upang tayo ay maging konseptwal at prediktib. Samakatwid, ang isang tao ay
maaaring makagawa ng mga desisyon tungkol sa mga
sitwasyong pangkomunikasyon batay sa mga saliksik ng mga teorista. Ngunit
kailangang isaisip na walang teoryang perpekto. Bawat isa ay may kani-kaniyang
kalakasan at kahinaan.

Bilang mga mapanuring mag-aaral, kailangang pagsumikapan ninyong


suriin nang kritikal ang mga positibo at negatibong elemento ng bawat isa.

a. Speech Act Theory. Nakabatay ito sa pangunahing premis na ang wika ay


isang mode of action at isang paraan ng pagko-convey ng impormasyon.

Ayon sa mga naniniwala sa teoryang ito, ang yunit ng komunikasyong


linggwistik ay hindi ang simbolo, salita o ang pangungusap mismo, kundi ang
produksyon o paglikha ng mga simbolo, salita o pangungusap sa pagganap ng
kanilang tinatawag na speech acts. May tatlong komponent ang mga
aktong linggwistik.
a. Aktong Lokyusyonari o ang akto ng pagsasabi ng isang bagay (may
kahulugan).
b. Aktong Ilokyusyonari o ang pagganap/perpormans sa akto ng pagsasabi
ng isang bagay (may pwersa).
c. Aktong Perlokyusyonari o ang pagsasabi ng isang bagay na kadalasang
nagpoprodyus ng mga tiyak na konsikwensyal na epekto sa damdamin,
pag-iisip at aksyon ng tagapakinig, ng ispiker o maging ng ibang tao
(may konsikwens).

b. Ethnography of Communication Theory. Ito'y nauukol sa pag-aaral ng mga


sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng pagsasalita. Ang pinakasusi ng
teoryang ito ay ang pamamaraang partisipant-obserbasyon na
nangangailangan ng imersyon sa isang partikular na komunidad.

Halimbawa:
Kung nais nating pag-aralan ang glossolalia (speaking in tongues) na
karaniwang makikita sa mga Kristyanong sekta, kailangan nating dumalo sa
mga pagtitipon ng isang sektang Kristyano, makisalamuha sa kanila at kung
maaari'y maging isa sa kanila at mismong aktwal na makaranas ng gayon. Sa
pamamagitan lamang niyon, ayon sa mga teorista nito, tayo ay magiging
pamilyar sa konteksto ng glossolalia upang maipaliwanag ang tungkuling
sosyal nito.

c. Communication Accomodation Theory. Sinusuri ang mga motibasyon at


konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang ispiker ay nagbabago ng istilo
ng komunikasyon. Ang mga teorista nito ay naniniwalang sa komunikasyon,
ang mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt o i-adjust ang kanilang istilo
kapag nakikipag-usap sa iba. Ang akomodasyong ito ay nagagawa sa
dalawang paraan:
Divergence. Ang mga grupong may malakas na pagmamalaking etniko ay
madalas na gumagamit nito upang ihaylayt ang kanilang
identidad.
Convergence. Nagaganap ito kung saan mayroong matinding pangangailangan
para sa social approval. Ang madalas gumagawa nito ay mga
indibidwal na walang kapangyarihan.

d. Narrative Paradigm. Ito'y naglalarawan sa mga tao bilang storytelling


animals. Ang teoryang ito ay nagpapanukala ng naratibong lohika bilang
pamalit sa tradisyunal na lohika ng argumento. Ang naratibong lohika o
ang lohika ng mabuting katwiran ay nagmumungkahi na husgahan ang
kredibilidad ng isang isipiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.
Isang demokratibong paghuhusga di umano ito sapagkat hindi naman
kailangan ng pagsasanay sa oratoryo at panghihikayat upang makalikha ng
paghuhusga batay sa kohirens at pideliti.

e. Variationist Theory. Ang teoryang ito'y nakapokus sa baryasyon ng wikang


ginagamit ng mga taong sangkot sa isang diskurso. Kinapapalooban ito ng
pagkakaiba sa aksent, intonasyon, gamit ng salita gayon din ang istrukturang
panggramatika ng isang ispiker. Dahil may pagkakaiba, kinakailangang
mahusay na makaadap ang kapwa nagsasalita at tagatanggap ng mensahe
upang maging maayos ang daloy ng komuniksyon. Lumaganap ang teoryang
ito dahil na rin sa unti-unting pag-usbong ng iba't ibang speech community
na nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika (Badayos et al. 2007).

f. Pragmatic Theory. Ayon kina Badayos et al. (2007), ang mahusay na diskurso
ay laging bumabatay sa kinalalagyang sitwasyon (social setting) ng mga
taong sangkot sa isang usapan upang mapanatili ang daloy ng
pakikipagpanggramatika tungo sa mabisang diskurso, sa halip, sa kaangkupan
ng gamit ng wika sa isang partikular na sitwasyon.

Pasalita at Pasulat na Diskurso

Maraming pagkakaiba ang diskursong pasalita at pasulat. May kani-


kaniyang kalikasan at pangangailangan (requirements) ang bawat isa. Ngunit
maging anuman ang anyo ng diskurso, mahalagang taglayin ng mga partisipant
nito ang komunikatib kompitens at ang linggwistik kompitens.

Ano ang komunikatib kompitents?

Tinukoy ito ni Noam Chomsky na kahusayang pragmatiko na


nagsasangkap sa abilidad ng isang isipiker upang piliin ang angkop na barayti
para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal. Ang kompitens na ito ay
nangangailangan ng kaalaman sa mga kultural na reperens tulad ng pamilyariti
sa lipunan, pulitika, kulturang popular,
istatus ng mga pangyayaring panlipunan at iba pa.

Ano naman ang linggwistik kompitens?

Ito naman ang mental grammar ng isang indibidwal, ang di-konsyus na


kaalaman sa sistema ng mga tuntunin ng wika. Ang terminong ito ay tinatawag ng
maraming linggwista bilang payak na kompitens. Tinawag naman ito ni Bachman
na gramatikal kompitens, na ayon sa kanya ay nasasangkot ng di-konsyus na
kaalaman sa ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at bokabularyo.

Sa talahanayan sa ibaba, lalong mauunawaan natin ang pagkakaiba ng


pasalita at pasulat na diskurso batay sa mga salik na Sikolohikal, Linggwistik at
Kognitib.

Pagkakaiba ng Pasalita at Pasulat na Diskurso

Mga Salik Pasalita Pasulat


a.May kontekstong a. I s a n g a n y o n g
sosyal dahil may pakikipagtalastasan
awdyens at m a y i n na ginagawa nang nag-
t e r a k s y o n g iisa
nagaganap. b. Maraming
b. May kagyat na ginagawang p a g - a a
pidbak sa anyong k m a a n gmanunu
berbal o di- berbal. l a t u p a n g
Sikolohikal c. Gumagamit ng maisaalang-alang ang di
para- l i n g u i s t i s c nakikitang awdyens o
a t e x t r a linguistic tagabasa ng sulat na
features tulad ng ginagawa.
pagtango, pag-iling, c. Walang kagyat na
ekspresyon ng pidbak k a y a ' t h i n
mukha, kilos ng d i n a magbabago
katawan at iba pa. ito'y kung ano ang naisulat.
anyong tuluy-tuloy,
hindi na mababawi
a. Maaaring gumamit a. Kailangang
ng mga impormal at mahusay ang
mga pinaikling paglalahad ng
konstruksyon ng mga kaisipan upang
salita. makatiyak na
b. Maaaring ulitin, malinaw ang dating
Linggwistik baguhin at linawin ang sa mambabasa.
nabitawang salita ayon b. M a s m a h a b a a
sa reaksyon ng n g konstruksyon ng
tagapakinig. mga pangungusap at
c. Nauulit ang may tiyak na
anumang sinabi lalo istrukturang dapat
na kung sa palagay na sundin.
nagsasalita ay hindi
a. Ang a. Natutunan sa
pagsasalita paaralan at kailangan
Kognitib ay ang pormal na
madaling pagtuturo at pagkatuto.
natatamo. b. pahirap ang pagbuo
b. N a t u t u h a n sa i ng isusulat na mga
sang prosesong ideya kaysa sa pagsasabi

Gawin Natin
I. Ipaliwanag ang kahulugan ng diskurso batay sa sariling pagkakaunawa.

II. Ilahad ang iba't ibang konteksto ng diskurso. Magbigay ng halimbawa sa


bawat konteksto maliban sa ibinigay na halimbawa sa aklat.

III. Sa iyong palagay ano ano ang maitutulong ng pagkakaunawa sa bawat


teorya ng diskurso?

IV.Sa iyong palagay, alin sa dalawang uri ng pakikipagdiskurso ang mas mabisa?
Pasalita o pasulat? Bakit? Pangatwiranan ang iyong sagot.

V. Magpangkat sa 5 grupo at magsagawa ng panel discussion gamit ang


pasalitang diskurso. (Ibibigay ng guro ang mga pamantayan at ang rubric na
gagamitin sa pagbibigay ng grado)
Aralin 6
BILINGWALISMO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

naipaliwanag ang kahulugan ng bilingwalismo;


naiisa-isa ang elemento ng bilingwalismo; at
natatalakay ang kaganapan tungkol sa bilingwalismo.

Talakayin Natin
Ang bilingwalismo ay ang kakayahan ng isang indibidwal o ng isang
miyembro ng lipunan na epektibong gumamit ng dalawang wika.

Ang bilingwalismo ay isang sistema ng pag-aaral sa proseso, pagkakabuo


at ang mga paraan sa kung paano uunawain ang isang wika. Isa sa binibigyan
pansin ngayon sa pag-aaral ng wika, lalong-lalo na sa larangan ng lingwistika
ay ang bilingwalismo. Nakaugat ang bilingwalismo sa mga pagbabago ng wika at
kultura na nangyayari sa lipunan. Ang bilingwalismo ay ang kakayahang gumamit
ng dalawang magkaibang wika.

Ang pagiging bilingwal ng isang indibidwal ay nakasalalay sa kung paano


siya natutong gumagamit ng pangunahing wika. Minsan ang isang nilalang ay
natututo sa dalawang wika sabay sa kanyang pagkatutong magsalita
(simultaneous bilingualism)

Maaring may magsasabi na sila ay bilingwal, subalit ito ay maaaring


nangangahulugan lamang ng kaalaman sa pagsasalita at pakikipag-usap. Maaaring
magiging bilinggwal ang isang tao dahil sa pagkakataong lumaki ito na
gumagamit ng dalawang magkaibang wika (sequential bilingualism). Pwede
naman na ang tao ay marunong magbasa ng dalawang magkaibang wika,
subalit ito'y hindi ang pagiging bilingwal, tinatawag lamang ito na bi-literate.

Ang pagiging bilingwal ay ang pagiging marunong sa dalawang wika sa


hiwalay na pagkakataon. Ito ay nangangahulugan sa paggamit ng dalawang wika
na hiwalay. Halimbawa nito ay paggamit ng Filipino sa hiwalay na usapin at
wikang Hiligaynon sa iba pang pagkakataon. Ang pagiging bilingwal ay
nangangailangan ng malawak, malalim na kasanayan at karunungan.
Upang mas magiging malinaw ang usaping ito, dapat na talakayin ang isyu
ayon sa layuning akademiko. Ang pagiging bilingwal ay nangangahulugan ng
kakayahang gumamit ng dalawang wika na naiintindihan ng kausap. Dalawang
hiwalay na usaping ginagamitan ng dalawang hiwalay na wikang kapwa
naiintindihan ng nagsasalita at nakikinig. Mawawalang saysay ang kahulugan ng
bilingwalismo kapag ang usapin dito ay naaayon lamang sa nagsasalita at wala
naman sa tagapakinig. Sa loob ng silid-aralan, madalas nagaganap ang
bilingwalismo sa pagpapahayag ng mga estudyante ng kanilang opinyon o mga
kasagutan. Maaaring nagpapakita ito ng pagiging versatile ng mag-aaral sa
pagpapahayag gamit ang dalawang wika.

Ayon pa kay Li Wei (2006), ang pagiging bilingwal ay produkto ng


malawak at madalas na eksposyur sa mga taong gumagamit ng mahigit sa isang
wika. May mga dahilan kung bakit nagiging bilingwal ang isang tao sa kanyang
pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon sa iba. Maaaring ito ay sa kanyang
kagustuhang magkakaroon ng ugnayan sa kapwa. Sunod, ay ang pagnanais na
maragdagan ang kaalaman, dahil sa teknolohiya, ekonomiya, relihiyon, at kultura,
politika at ibang pang gawaing may kinalaman sa buhay at kabuhayan.

Ganoon pa man, may mga taong nagiging bilingwal dahil sa kailangan nila
ito sa araw-araw na buhay at hanapbuhay. Dagdag pa rito, likas sa dalawang wikang
gamit ng isang bilingwal, may nangingibabaw na wika na nagiging komportable
siyang gamitin ito.

Gawin Natin
a. Maghanap ng kapareha at gumawa ng kumbersasyon na sangkot ang
penomenang bilingwalismo.

b. Sagutin sa kalahating papel ang sumusunod:

1. Bakit makabuluhan ang pagiging bilingwalismo?

2. Paano mapapabuti ng bilingwalismo ang kasanayang pangwika?


Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 4

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

TAMA O MALI: Panuto: Isulat ang Tama kapag ang pahayag ay nagsasaad
ng katotohanan at Mali naman kung iba. Isulat ang sagot sa patlang na nakalaan
bago ang bilang. (10 pnts.)

1. Mahalagang paksa sa larangan ng lingwistika ang bilingwalismo.


2. Sa gamit ng wika, ang bilingwalismo ay kakayahan sa paggamit ng
dalawang wika ng sabay.
3. Maaaring magiging likas ang kaganapan ng bilingwalismo.
4. Nagtataglay ng mga elemento ang bilingwalismo.
5. Walang paraan upang matutunan ang pagiging bilingwal.
6. Ang pagiging bilingwal ay maaaring may kinalaman sa unang wika
ng isang indibidwal.
7. Isang katawagan sa Ingles ng bilingwal ay “continuous bilingualism”.
8. Isang sistema ng pagiging bilingwal ang “bi-literate”.
9. Mahalaga ang kaalaman sa dalawang wika kapag bilingwal.
10. Magiging makabuluhan ang pagiging bilingwal kung marunong din
nito ang tagapakinig.

PAGKILALA: Panuto: Suriin ang pahayag at alamin kung ano ang tinutukoy
ng bawat pangungusap kaugnay sa bilingwalismo. Isulat ang sagot sa
espasyong nakalaan:

___________________11. Tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na


gumamit ng dalawang wika na hiwalay.
12. Ito ang tawag sa Ingles sa isang bilingwal na lumaki
gamit ang dalawang wika.
13. Ito ang tawag sa kakayahang magbasa ng dalawang
wikang may sariling sistema.
14. Makabuluhang kasama ng bilingwal sa proseso ng
bilingwalismo.
__________________ 15. Naghahayag ng pagiging versatile ang pagiging
bilingwal.

41
42
Aralin 7
MULTILINGWALISMO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nabibigyan kahulugan ang multilingwalismo;


natutukoy ang mga elemento ng multilingwalismo;
nakikilala ang dimensyon ng multilingwaslimo.
naipapaliwanag ang kaganapan ng multilingwalismo.

Talakayin Natin

Ang multilingwalismo ay ang kasanayang gumamit ng mahigit sa


dalawang wika. Ang pagiging multilingwal ay kakayahang magsalita gamit ang
maraming wika.

Maging ang Saligang Batas 1987, ay nagbanggit sa kahalagahan ng


pagiging multilingwal sa pagpapabuti ng wika at komunikasyon, Artikulo XIV,
seksyon 6 “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
lilinangin ito, pagyamanin at pagyabungin pa salig sa umiiral na mga wika ng
Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang usapin tungkol sa multilingwalismo ay hindi bagong usaping


pangwika. Ang paksa tungkol dito ay nagiging bahagi ng mga aklat na naisulat sa
Latin noong ika-11 na siglo. Ang pag-aaral na inilaan ngayon tungkol sa
multilingwalismo ay pagbibigay ng pagkakataon sa nakaraan. Ang nakaraang
humugis sa kasalukuyang pakikipagsapalaran ng tao sa buhay sa tulong ng iba't
ibang wika.

Ang Pilipinas ay mayaman hindi lamang sa likas na yaman maging sa


kasayasayan ay hindi maiiwanan. Nagkahugis ang wika't kultura ng Pilipinas sa
tulong na rin ng nakaraang kasaysayan ng bansa sa mga mananakop. At maging
sa pakikipagsapalaran, ang mga Pilipino ay hindi matatawaran, lamang
makapaghanap ng maayos na kabuhayan.

Ang ating kapwa na nangingibang bansa at ang mga manggagawang nasa


barko, kapwa'y sa katagalan ng kanilang pangingibang bansa, natututo silang
gumamit hindi lamang ng dalawang wika, mangyari pa'y mahigit sa tatlo. Kaya,
mababakas natin dito ang buhay-globalisasyon at hindi pwedeng iwasan ang
pagiging multilingwalismo ng tao para makipagsabayan sa iba. Sa totoo
lang, ang katangiang taglay ng isang nilalang sa paggamit ng mahigit sa
dalawang wika ay nakapagbibigay sa kanya ng isang pagkakataong makilala
at mangyari pa ay dakilain. Kagaya ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P.
Rizal, hindi lamang Tagalog o Filipino at Latin o Ingles ang wikang kanyang
natutunan. Nakilala siya dahil sa kanyang kasanayang gumamit ng iba't ibang
wika sa kanyang pakikihalubilo sa iba.

Sa bansang Pilipinas kadalasan ang mamamayan sa iba't ibang sulok ng


lupain ay marunong gumamit ng mahigit sa tatlong wika. Ito ay ang kanyang
“lengua franca”, wikain ng karatig-bayan, Filipino at English na itinuturo sa mga
paaralan. Kagaya sa lalawigan ng Iloilo may mahigit sa tatlong wika ang
ginagamit ng mamamayan dito. May Hiligaynon, Filipino, English at Karay-a na
ang bawat kabayanang gumagamit ay may sariling sistema ng pagsasalita ng
Karay-a.

Si Colin Baker (2011) ay nagbigay ng walong dimensyon ng


multilingwalismo:

1. Kasanayan
2. Gamit
3. Pantay na gamit ng wika
4. Pagkatuto ng sabay sa dalawang wika
5. Pagpapayaman
6. Kultura
7. Pagkakabuo/Konteksto
8. Proseso ng pagkatuto

Maraming Wika, Matatag na Bansa


 
Ricardo Ma. Nolasco Ph.D.
Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino
 
 
             Isa
pong karangalan at pribilehiyo para sa akin at sa Komisyon sa Wikang
Filipino na maimbitahan at makapagsalita sa inyong kumperensya.  Ang ibabahagi
ko sa inyo ngayong umaga ay tungkol sa bisyon, direksyon at mga programa
ng  KWF para sa susunod na tatlong taon,  o hanggang 2010.  Ibinabahagi ko ang
mga ito sa inyo sa pag-asang yayakapin ninyo ang nasabing mga bisyon,  direksyon
at programa bilang sarili ninyong bisyon at programa. 
 
           Kamakailan lamang ay nagkasundo ang pamunuan ng KWF na baguhin ang
aming bisyon.  Ang pangarap namin ay:  “maging sentro ng kapantasan sa mga wika
at literatura ng mga Pilipino.”   Umaalinsunod ang pangarap na ito sa aming
mandato na paunlarin, palaganapin at panatilihin ang mga wikang ginagamit ng mga
Pilipino sa iba’t ibang larangan. 
 
           Ang ganitong bisyon at misyon ay pag-amin na bagamat ang KWF ay siyang
opisyal na ahensyang pangwika ay malayo pa rin ito sa pagiging tunay na sentro ng
kapantasan at kaalaman sa mga wika at panitikan ng mga Pilipino.  Ang itinatayo
namin ay isang sentro ng impormasyon, dokumentasyon at pananaliksik; na may
kuwerpo (corps) ng mga mananaliksik na may mataas na kakayahan sa linggwistika
at applied na linggwistika (hal.  pagtuturo ng wika) at pagsasaling-wika;   isang
sentro na katatagpuan at naglalaman ng lahat ng mga pag-aaral at akda tungkol sa
mga wika ng Pilipinas;   isang sentro na may kamalig ng mga datos  sa ibat ibang
wika,  at sa ibat ibang genre,  kasama na ang audio at video recording  ng mga
pangyayaring komunikatibong may mga anotasyon at komentaryo;  isang sentro na
lumilikha ng mga orihinal at huwarang  mga diksyunaryo,  gramatika,
ortograpiya,   iskolarli na mga babasahin,  materyales sa literasiya at reperensya sa
pagtuturo sa magkakaibang disiplina;  at isang sentro na dalubhasa rin sa
teknolohiyang pang-impormasyon at pangkomunikasyon upang magampanan ang
gawain ng pagpapaunlad,  pagpapalaganap at pagpapanatili ng mga wika sa
Pilipinas.
 
            Ang katwiran para sa pangarap naming ito ay nagmumula sa aming pagkilala
sa kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino - ang wikang
pambansa,  ang mga wikang panlokal at mga wika na pang-ibayong dagat - para sa
magkakaibang mga layunin:  para sa literasiya at edukasyon ng ating mamamayan;
para sa layuning pangkultura at intelektuwal;   para sa pagkakakilanlan at
etnisidad;   para sa pakikipagtalastasan sa loob at labas ng bansa;   para sa pag-unlad
na pang-ekonomiya;  at para sa kaisahan at katatagang pampulitika. 
 
            Gusto naming isipin na lipas na ang panahon na ang mga gawain ng
komisyon - sa katotohanan o sa karaniwang pagkakaalam - ay eksklusibong
nakatuon sa wikang pambansa,  sa kapabayaan ng mahigit na 170 ng wika ng ating
bansa  at nang walang makatotohanang pagsasaalang-alang sa isa pang opisyal na
wika ng bansa,  ang Ingles,  o sa mas eksaktong pormulasyon,  ang Philippine
English.
 
            Ito ang landas o linya ng “isang bansa,  maraming wika”,  na siyang simulain
ng  kasalukuyang tema ng buwan ng wika 2007,  na   “maraming wika,  matatag na
bansa.”
 
            Ano ang batayan at katwiran ng “maraming wika, matatag na bansa”? 
 
            Ang batayan at katwiran ay may kinalaman sa pagiging multilingwal at
pagiging multikultural ng mga Pilipino. Sa halip na isang disbentahe, itinuturing ng
komisyon na  napakalaking bentahe ang pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170
ng wika.  Pangsampu tayo sa pinakamaraming wika sa buong daigdig, sa kabila ng
palasak at mapangmenos na  palagay na ang mga wikang ito’y pawang mga
dayalekto lamang.   Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng
karaniwang mamamayan ng daigdig ay  hindi lang iisa ang alam nitong wika.  Sa
karaniwan, ang Pilipino at ang karaniwang tao sa daigdig ay may alam na dalawa o
mahigit pang wika.  Si Hesukristo ang pinakamainam na halimbawa ng pagiging
multilingwal,  sapagkat marunong siya ng Aramaic,  ng Hebrew,  Griyego at
Latin.  Si pangulong GMA ay mainam na halimbawa ng isang Pilipino.  Maalam
siya sa Kapampangan,  Sinebwano,  Ilokano,  Tagalog,  Ingles at Espanyol.  Dahil sa
katotohanang ito, ang ideya at pangakong pag-unlad sa ilalim ng  isang
sentralisadong nasyon-estado na may iisang sentralisadong wikang pambansa ay
naglalaho.     
 
            Gayunpaman,  mayroon tayong wikang pambansa.   Ito ang wikang Tagalog
na nang dahil sa kumbinasyon ng mga sirkumstansyang historikal,  pang-ekonomiya
at sosyo-pulitikal ay naging komon na wika ng magkakaibang etnolingwistikong
grupo ng ating bayan.  Ang kasalukuyang Filipino ay ang dating wika ng
Katagalugan na naging pambansa.  Ang Filipino, kung gayon, ay ang pambansang
lingua franca. 
 
            Kung batayang panlinggwistika ang pag-uusapan, ang wikang pambansa at
ang Tagalog ay nabibilang sa iisang wika.  Ang unang batayan sa pagsabi nito ay
ang tinatawag na mutual intelligibility.   Ang isang  nagsasalita ng Filipino at ang
isang nagsasalita ng Tagalog ay magkakaunawaan.  Kung gayon,  nagsasalita sila ng
isang wika. 
 
            Ang ikalawang batayan ay ang gramatika.  Ang gramatika ng umiiral na
Filipino ay walang pinag-iiba sa gramatika ng Tagalog.   Totoong sa ilalim ng
konstitusyon, ang wikang Filipino ay kailangang nakasalig sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas.  Ngunit,  sa ngayon,  ang gramatika ng wikang pambansa ay yaong sa
Tagalog.  Tingnan lamang ang mga panlapi ( -um-, -in, -an, at i-)  at ang mga
gramatikal na pananda (i.e. ang, ng, sa)  at mga partikulo (i.e. pa, na, kung, daw,
kasi).  Hindi ba magkapareho lang sa mga panlapi at gramatikal na pananda at
partikulo ng tinatawag na “Filipino”?   Walang panlapi o gramatikal na elementong
galing sa Ilokano,  Sebwano,  Ilonggo at sa ibang malalaking wika ang may matatag
na katayuan sa wikang pambansa. 
 
            May ilang teorista sa akademya na nagpapalaganap ng ideya na ang kaibahan
ng “Filipino” sa Tagalog ay ang pagiging “malaya” ng una, at ang pagkapurista ng
huli.  Ang ibinibigay nilang halimbawa ay ang pagkakaiba ng leksikon ng “Filipino”
at ng “Tagalog”,    gaya raw ng “fakulti”,  sa halip na “guro”,  “kolehiyo” sa halip na
“dalubhasaan”,  “miting” sa halip na “pulong”  atbp.    Kinikilala ng KWF na ang
“purismo” at “Tagalismo” ay mga hadlang sa pagpapaunlad ng wikang
pambansa.  Subalit, kailangan ding alalahanin na hindi panghihiram ng dayuhang
leksikon o leksikon buhat sa iba pang wika ng Pilipinas ang batayan sa pagklasipika
ng dalawa o mahigit pang barayti na magkakaibang wika.  (Maging ang mga
Tagalog sa Batangas at Bulakan ay nanghihiram din at nagko- code-
switch.)  Gaya ng nabanggit sa itaas,  ang pagkakaunawaan at ang gramatika ay higit
na mapagpasyang batayan.  Idagdag pa rito ang katotohanan na karamihan ng mga
Pilipino ay tumatawag pa rin sa wikang pambansa na “Tagalog”.   at madaling
maintindihan kung bakit kakaunti lamang,  maliban sa kakarampot sa
akademya,  ang naniniwala na ang  “Tagalog” at ang “Filipino” ay “magkaibang
wika.” 
 
            Pero may isang malaki at hindi matatawarang pagkakaiba ang wikang
Tagalog noon at ang  wikang pambansa ngayon.   Ang kasalukuyang wikang
pambansa ay ang pangalawang wika ng nakararaming Pilipino.  Mas marami nang
Pilipino ngayon na marunong mag-Tagalog pero hindi ito ang kanilang kinagisnan o
unang wika.   Ito ang pangalawang wika nila.  Ito ang isa sa tampok na dahilan sa
pagtawag dito ng ibang pangalan—Filipino.  Ito rin ang panlipunang batayan sa
paglitaw ng mga pasalitang barayti ng “Filipino”;  mga barayti  na hindi lamang
limitado sa Katagalugan at Kamaynilaan, kundi sumasaklaw sa
Davao,  Iloilo,  Cebu,  Baguio,  Angeles, Cagayan de Oro,  Zamboanga City at sa
ibang punong sentrong lungsod kung saan nagtatagpo ang magkakaibang grupong
etniko.  Sa ngayon,  ang barayting pinakaprestihiyoso ay ang barayti sa
Metro Manila at kanugnog na mga lugar,  na siyang  itinuturo ngayon sa mga
paaralan at pinalagaganap ng mas midya.  Pero hindi maipupuwing na ang wikang
Tagalog ay naging pambansa na.
 
            Ang ganitong mga katotohanan, sa aking palagay,  ay  hindi nalingid sa mga
gumawa ng mga probisyong pangwika sa ating konstitusyon.   Nanalig sila na
habang nalilinang,  ang wikang pambansa ay dapat payabungin at pagyamanin pa
salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.  Idineklara din nila ang
wikang Filipino at ang wikang Ingles bilang wikang opisyal,  pero hindi nila
kinaligtaan na ipahayag din na ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na wikang
opisyal at midyum ng pagtuturo.    Higit sa lahat,  tiniyak nila ang pagtatayo ng
isang komisyon na “magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod” ng mga
pananaliksik hindi lamang sa wikang pambansa,  kundi sa iba pang mga wika ng
mga Pilipino.  Ang ganitong mga probisyong pangkonstitusyon ay nagkaroon ng
katuparan sa pagkakapagtibay ng RA 7104 na siyang lumikha sa Komisyon sa
Wikang Filipino.
 
            Ang lohika ng patakarang multilingwal sa pagpapaunlad ng mga wika sa
Pilipinas  ay unti-unting tinatanggap ngayon ng mas maraming mananaliksik sa
wika at/o tagagawa ng patakaran sa ating pamahalaan.    Nitong kamakailan,  may
isang grupo ng mga mananaliksik  ang naglabas ng KRT 3 Formulation of the
National Learning Strategies for the Filipino and English Languages na
nagmumungkahi sa pamahalaan na:
 
·        para sa ECCD (3-5ng taon),  ang paggamit ng wika ng bata sa day care
center.  Gagamitin ang Filipino at English (at Arabic) sa mga istorya at
panitikan;
·        para sa Grade 1 hanggang 3, ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum
ng pagkakatuto para sa lahat ng sabdyek.  Gagamitin ang Filipino at English
(at Arabic) bilang magkahiwalay na sabdyek para sa oral language
development;
·        para sa Grade 4 pataas,   Filipino bilang midyum ng pagtuturo para sa
Makabayan at sabdyek na Filipino at/o panitikan  at English bilang midyum
sa Math at Science.  Gagamitin ang wika ng bata bilang pantulong na wika;
·        samantala, sa sekundarya,  magtuturo ng mga language elective sa wika ng
bata,  wikang panrehiyon,  Arabic at anumang wika sa ibayong dagat;
 
       Ayon sa nasabing dokumento:  “contrary to being a hindrance,  the
languages of children must be considered as enabling factors on which student
learning and achievement can be based.  The use of the mother tongue in learning
has been found to be the most effective way to bridge learning in all subject areas
including the development of future languages.  This is a generalization based on
numerous experiences of other multilingual countries as well as empirical studies
conducted in the Philippines.”  
 
            Ang isang halimbawa ng empirikal na pag-aaral na nagbibigay-balidasyon sa
bisa ng multilingwal na patakaran ay ang resulta ng 2006 NAT Grade 3 reading test
sa dibisyon ng Kalinga.   Sa sampung distritong ito,  tanging ang Lubuagan lamang
ang may first language component,  ibig sabihin,  ang unang wika ay siyang ginamit
na midyum ng pagtuturo sa naturang eskuwelahan,  kahit sa Science at Math. Ang
natitirang siyam na dibisyon ay sumailalim sa regular na edukasyong
bilingwal.   Ipinakikita ng reading test na ang distrito ng Lubuagan ang nakapagtala
ng pinakamataas na marka sa English (76.5%) at Filipino (76.44%).   Ang
pumangalawa na distrito ay ang Tinglayan na nakaiskor ng  64.5% sa English at
61.4% sa Filipino.     Ang pumangatlo naman ay ang Pasil,  na nakaiskor ng 51.9%
sa English at  47.7% sa Filipino.
 
            Ang ganitong mga ebidensya ay nagpapatotoo na maaaring gawing tulay ang
lokal na wika upang matutuhan ang English at Filipino. Ang totoo’y maraming mga
pag-aaral ang nagpapakita na ang paggamit ng wikang hindi-sa- bata ay hindi
makatutulong manapa’y makasasama pa nga sa pang-akademikong performance ng
bata.  Mahalagang banggitin muli ang mga napatunayan sa pananaliksik ni
Taufeulangaki (2004):
 
·        ang mga bata ay nangangailangan ng pinakamababa na 12 ng taon upang
matutuhan ang kanilang unang wika;
·        ang mga bata ay hindi natututo ng pangalawang wika nang mas mabilis
kaysa mga matanda;
·        ang may edad na bata ay may higit na kasanayan sa pagkatuto ng
pangalawang wika;
·        mas importante ang pag-unlad pangkognitibo ng bata kaysa paghantad sa
ikalawang wika;
 
          Sa isang hiwalay na artikulo,  nabanggit ko na ang eksklusibong paggamit ng
Ingles at Filipino ay nagresulta sa tinatawag ni Smolicz, Nical and Secombe (2000)
na inferiorization ng iba pang wika sa Pilipinas.  Ninanakaw ng kasalukuyang
patakarang bilingwal ang wika ng bata at hinahalinhan ito ng isang wikang di-
pamilyar at tiwalag sa kanilang kultura at karanasan.  Ang mensahe ng bilingwal na
edukasyon sa marami nating mag-aaral ay walang kuwenta ang kanilang
kinagisnang wika.  Sa halip na tingnan bilang resource at pundasyon ng panimulang
kaalaman, itinuturing ang pagkakatuto ng wikang sarili na isang malaking
kakulangan o deficiency,  o di kaya’y kapansanan.  Sa halip na pagmamahal at
pagpapahalaga sa sariling kultura’t wika, pagkutya at pagmamaliit sa sarili ang
itinuturo ng kasalukuyang patakaran.
  
Sinusuportahan ng KWF ang anumang kampanya na papaghusayin ang
kasanayan sa Ingles ng ating mga estudyante.  Pero kailangang linawin na ang
pinakamabisang paraan ay ang pagturo dito bilang pangalawang wika.  Ibig sabihin
nito, magsimula sa kinagisnang wika sa unang mga grado.    Kapag mabulas na at
matatag na ang kasanayang pangliterasi at pangkognitibo ng estudyante sa
kinagisnang wika at kultura,  ipakilala ang Ingles at ang Filipino bilang
mga sabdyek.  Sa paglaon ay maaari na ring ituro ang  iba pang sabdyek sa Filipino
at Ingles.  Gayunpaman,   ang katatasan sa Ingles ay hindi makakamtan lamang sa
eskuwelahan.  Sa labas ng eskuwelahan, kailangang magkaroon ang mga estudyante
ng mga modelo o huwaran sa pagsusulat at pagsasalita ng mabuting Ingles, at
kasabay nito ng mga pagkakataon para magamit ang kanilang kasanayan sa
Ingles.    Sa kasalukuyan ay walang sapat na motibasyon at oportunidad maliban sa
eskuwelahan upang mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kasanayan sa
Ingles,  laluna sa pagsasalita nito.   
 
            Ang komitment ng KWF sa “isang bansa, maraming wika”  ay makikita sa
tema at saklaw ng nakaraang patimpalak na idinaos noong Buwan ng Wika
2006.   Sa simula’t sapul ay nakasanayan na namin na magdaos nang taunan ng
isang patimpalak lamang, ang tradisyunal na Gantimpalang Collantes sa sanaysay sa
wikang Filipino.     Noong 2006,  sa kauna-unahang  pagkakataon ay nagdaos ang
KWF ng magkakahiwalay na mga timpalak sa pormal na pagsulat sa Sebwano (tula
at maikling kuwento),  Iloko (tula at maikling kuwento),   Hiligaynon (maikling
kuwento) at  Pangasinan (tula).  Ang nagwaging mga akda ay nakatipon ngayon sa
isang akda na pinamagatang Ani ng Wika 2006.  Ang tema ng buwan ng wika 2006
ay:  “Ang buwan ng wikang pambansa ay buwan ng mga wika ng Pilipinas.” 
           
            Ngayong taong 2007,  pinalawak namin ang saklaw ng patimpalak para
makasama ang Bikol (maikling kuwento at sanaysay),  Samar-Leyte (tula at
maikling kuwento),  Kapampangan (tula),  Meranaw (sanaysay), Maguindanao
(sanaysay) at Tausug (sanaysay).   Ang tema ng buwan ng wika 2007
ay:  “Maraming wika, matatag na bansa.” 
 
            Ang multilingwal na adhikain ng KWF ay hindi lamang naipapahayag sa
taunang pagdiriwang  ng buwan ng wika  at pagkilala sa mahusay na mga akdang
pampanitikan,  kundi sa mga pangmatagalang programa at proyektong inako nitong
isakatuparan.  
 
            Ang mga programa’t proyektong ito ay naglalayon na makamit ang
sumusunod na pagbabago sa ating kapaligiran: ang pagpabor ng opinyong publiko
sa multilingwalismo.  Hanggang ngayon, marami pa rin ang naniniwala na hindi na
kailangang pag-aralan ang wikang pambansa o ang ating mga lokal na wika
sapagkat “alam na natin ito.”  Laganap pa rin ang maling pag-iisip na ang
pagkakaroon ng isang wika ay mapagpasya sa pagbubuo ng isang bansa. 
 
            Upang pumabor ang opinyong publiko sa multilingwalismo,  plano naming
magbigay ng napapanahong mga impormasyon sa OP, DepEd, ChEd,  ang Kongreso
at iba pang ahensya ng gobyerno  tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa
wika.  Makatwiran lamang na ang unang benepisyaryo ng aming mga pananaliksik
ay ang pamahalaan na rin. 
 
            Gusto rin naming lumikha ng bagong mga kaalamang pangwika at
pampanitikan.  Nais naming palakasin ang:  Philippine Lexicography
program,  Philippine Grammars Program,  ang National Translation Program,  ang
Phonology, Phonetics and Ortography Program,  mga proyekto sa literasiya at
pagtuturo ng wika; Philippine Language Mapping Project;  Bibliography of
Philippine Languages project;  Endangered Languages Program;  Philippine corpus; 
 
            Gusto rin naming palaganapin sa publiko at stakeholder ang impormasyon at
kaalamang pangwika at pampanitikan.  Kayá namin itinatayo  ang:  Library and
Archives of Philippine Languages;  pinapataas  ang kantidad at kalidad ng mga
publikasyon; nagdadaos ng mga seminar,  workshop, lektyur,  at iba pang aktibidad
na pang-edukasyon;  pinapaganda ang aming website;  nagkakaloob ng mga
research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research
grants;  nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon;  pinalalakas ang mga
kakayahang pang-IT at pampananaliksik,  at sinisikap na magkaroon ng sarili
naming tahanan at gusali.
 
            Sa pagwawakas,  nais kong ibilin sa inyo ang sinabi ng isang katutubong
Amerikano,  isang American Indian,   tungkol sa relasyon ng wika at ng
buhay.  Aniya,  kailangan natin ang wikang dayuhan para mabuhay sa kasalukuyang
panahon.  Pero kailangan natin ang wikang sarili,  para mabuhay nang
habampanahon.
 
            Magandang umaga sa inyong lahat. 
Gawin Natin
a. Nakakabuti ba sa isang bansa ang pagiging multilingwalismo ng
kanyang mamamayan? Bakit?

b. Nakatutulong ba sa pagkakaisa ng bansa kung ang mamamayan nito ay


multilingwal? Bakit?
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 5

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

Panuto: Suriin ang bawat pahayag at kapag tama isulat ang Tama Mali naman
kung iba. Isulat ang sagot sa nahandang espasyo:

1. Bilang multilingwal taglay mo ang kakayahang gumamit ng


mahigit sa dalawang wika.

2. Ang multilingwal ay tumutukoy din sa kakayahang gumamit


ng maraming wika.

3. Ang nakaraan ng isang lipunan ay maaaring magiging bahagi ng


pagiging multilingwal ng kanyang mamamayan.

4. Si Dr. Jose Rizal ay maaaring tawaging isang multilingwal na


indibidwal.

5. Ang pangingibang bansa ng mga Pilipino ay nakatutulong sa


kanyang pagiging multilingwal.

6. Ang Pilipinas ay halimbawa ng bansa na kung saan karamihan ng


kanyang mamamayan ay multilingwal.

7. Karamihan sa mga Ilonggo ay mga multilingwal.

PAG-IISA-ISA: Panuto: Ibigay ang walong (8) dimensyon ng

multilingwalismo: 8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
Aralin 8
PAGPAPALIT KODA

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

natutukoy ang kahulugan ng palit-koda at halo-koda;


naiugnay ang mga konseptong pangwika sa mga paksa;
nakapag-aanalisa ng bakit nagaganap ang palit-koda at halo-koda sa pagpapahayag; at
nagagamit ang kaalaman sa teknolohiya para sa pag-unawa sa wika gaya ng Google, Faceboo

Talakayin Natin
Ang code-switching ay nagaganap dahil sa pagnanais na magpahayag ng
pagpapahalaga sa mahigit dalawang magkaibang grupo.

Ang palit-koda ay isang kaganapan lalo na sa pagsasalita sa layuning


maipaabot ang nais ipahayag at para maintindihan ng kausap.

Ang pagpalit-koda ay nagaganap sa pagkakataon kung saan ang isang


nagsasalita ay gumagamit ng dalawang wika o dalawang dayalekto o mga register
ng wika upang maipaabot ang kanyang nais ipahayag at maintindihan ng kanyang
kapwa.

Sa madaling sabi, ang palit koda ay ang paggamit ng dalawang wika sa


pagpapahayag ng sabay.

Maiuugnay din ang palit-koda sa kasanayang taglay ng isang indibidwal sa


paggamit ng wika. Halimbawa natuto siyang gumamit ng dalawang wika ng sabay
sa kanyang paglaki. Ang kanyang pagpapahayag ay may impluwensya ng
kanyang kasanayang magsalita. Kaya sa kanyang mga pagpapahayag, maririnig ang
paggamit ng dalawang wika ng sabay.

Mga Dahilan Bakit Nagaganap ang Code-Switching

1. Ang salitang sangkot ay walang katumbas sa Ingles


2. Hindi alam kung ano ang katumbas sa Ingles
3. Punan ang kakapusan sa pakikipagtalastasan
4. Komportable sa kanyang lingua fanca
5. Makaiwas sa palabong kaisipan
6. Makabuo ng ugnayan at makapagbigay “diin”

Gawin Natin
1. Praktikal ba ang paggamit ng code-mixing? Bakit?
2. Paano nakatutulong sa pambansang pagkakaisa ang kasanayan sa
code- switching?
3. Nakabubuti ba sa mga estudyante na taglayin ang kasanayan s a code-
switching? Bakit?
HALO-KODA (Code-Mixing)

Ang halo-koda o code-mixing ay isang penomena sa pagpapahayag na


pasalita. Nagaganap ito sa pamamagitan ng pagsingit ng salita o mga salitang
mula sa ibang wika na labas sa sistema ng pangunahing wikang ginamit sa
pagpapahayag.

Ang halo-koda ay nangyayari sa pagkakataong ang nagsasalita ay walang


mahagilap na angkop na salitang dapat gamitin sa kanyang pagsasalita. Kagaya ng
code-switching, ito rin ay madalas nagaganap kapag nagsasalita. Masasabing
ang halo-koda ay nagaganap kapag ang isang nagsasalita ay kapos na sa
bokabularyo sa pangunahing wikang gamit sa pagpapahayag. Sa madaling sabi,
isa sa mga layunin ng code-mixing ay upang maintindihan ng kausap, a t upang
punan ang kakapusan ng pangangailangan ng pagsasalita. Maari namang
nagaganap ang halo-koda dahil sa kaugnayan ng wikang gamit sa usaping kultural
o panahon na lantad ang wikang ito sa isang lipunan.

Ang terminong code-mixing ay nagbibigay diin sa “hybridization” na


nagaganap sa pagpapahayag ng isang bilingwal o multilingwal na indibidwal.

Sa ating bansa, madalas nagaganap ang penomenon na ito sa


pagpapahayag, sa kalye, palengke, tahanan at maging sa loob ng mga silid-aralan.
Gawin Natin

a. Kailan masasabi na mabuti ang epekto ng halo-koda sa pakikipagtalastasan?

b. Paano nakikinabang sa isa't isa ang palit-koda at halo-koda?


Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 6

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

TAMA O MALI: Panuto: Isulat ang salitang TAMA kapag wasto ang pahayag
at MALI kung iba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang:

___________1. Ang palit-koda at halo-koda ay nagaganap sa pagnanais na


maunawaan ng tagapakinig.
2. Ang halo-koda ay nagaganap na hindi sinasadya.
3. Ang pagpapalit-koda ay nagaganap sa isang bilingwal.
4. Ang palit-koda ay sadyang paggamit ng ibang wika sa pagsasalita.
5. Maaari din na magaganap ang halo-koda kapag magkaangkan
ang mga wikain.
6. Sa pagpapalit-koda ng mga Ilonggo, ang wikang sangkot ay
maaaring Hiligaynon, Karay- a, Filipino at Ingles.
7. Ang halo-koda ay maaaring magaganap anumang oras kapag
nakikipagkomunikasyon ang isang multilingwal.
8. Ang halo-koda ay maaaring magaganap dahil na rin sa kakapusan
sa bokabularyo.
9. Ang palit-koda ay sinasadya upang ilayo ang tunay na kahulugan
ng pahayag sa ibang tao.
10. Kahit hindi magkakamag-anak ang wikain nagaganap pa rin ang
palit-koda.

SANAYSAY:Panuto: Isulat nang malinis, malinaw, payak at tiyak ang iyong


kasagutan: (5 puntos)

Bakit nagaganap ang halo-koda sa mga bilingwal?


50
Aralin 9
ILANG KONSIDERASYON TUNGO SA MABISANG
KOMUNIKASYON

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nasusuri ang kaisipan ng akronim na SPEAKING;


nakasusulat ng isang komik iskrip; at
natutukoy ang mga kaparaanan sa pagbibigay ng angkop na pahayag batay sa akronim na S

Talakayin Natin
Hanggang sa kasalukuyan ang modelong SPEAKING ni Dell Hymes sa
mabuting pakikipagkomunikasyon ay napapakinabangan ng maraming indibidwal
na nagnanais mapabuti ang kasanayang pangkomunikasyon. Lalong-lalo na sa
buhay ng mga estudyante na nais taglayin ang kasanayan sa pagiging mabuting
tagapagsalita.

Mahalagang aspeto sa pakikipagtalastasan na alam ang mga mahalagang


konsiderasyon sa pag-uusap. Kapag alam mo ang konsiderasyon, magiging
madali para sa iyo ang pakikipag-usap at maayos mong matatawid ang mga
nais mo ihahayag para sa iba.

Narito ang inimungkahing akronim ni Dell Hymes na SPEAKING:

S - (Setting) Ito'y tumutukoy sa kaangkupan ng iyong pagpapahayag ayon


sa pinangyayarihan o pook kung saan nag-uusap.
P - (Participants) May kinalaman kung sino ang kausap.
E - (Ends) May kaugnayan ito sa pagtugon sa layunin ng pag-uusap.
May malaking kinalaman ang wakas sa pagtugon sa layunin ng
pagpapahayag.
A - (Act Sequences) Ito ang pagtantya sa daloy ng pag-uusap.
K - (Keys) Tumutukoy sa kaangkupan ng pagpapahayag o kaya'y kung sa
kasuotan, ang kaangkupan nito sa sitwasyon.
I - (Instrumentalities) Ano ang midyum na gamit sa pag-uusap.
N - (Norms) Maiugnay sa paksang pinag-uusapan.
G - (Genre) May kaugnayan sa paraang gamit sa pag-uusap.

51
Sa pagpapahayag hindi lamang mahalaga kung ano ang ating nais
iparating sa kapwa, importante din na maunawaan ka ng iyong kausap.

Sina Bernales et al. (2000), ay nagbigay ng mahalagang punto para sa


isang aktibong kalahok sa usapan:

1. Kailangang maunawaan nila ang proseso ng komunikasyon.


2. Kailangan may positibong pananaw sa sarili.
3. Kailangang marunong sa pag-decode at encode ng mensahe.
4. May sapat na kaalaman sa pag-unawa sa mga di-berbal (wika ng katawan) na
komunikasyon.
5. Marunong sa batayang instrumento ng komunikasyon.
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 7

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

1. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng akronim na SPEAKING:

S–
P–
E–
A–
K-
I–
N–
G-

2. Panuto: Ibigay ang limang (5) punto na mahalagang isaalang-alang sa


aktibong pakikilahok: (5pnts)

1.
2.
3.
4.
5.

53
Aralin
10
ETNOLINGWISTIKS

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nakikilala ang batayan ng etnolingwistikong katawagan;


natutukoy ang dalawang maghalagang batayan ng etnolingwistikong kultural;
nakapagpalitang opinyon sa pagkakaugnay-ugnay ng mga wikain sa Pilipinas;
nakapagsaliksik sa iba pang etnikong grupo sa Pilipinas; at
nakapagpapaliwanag sa pagkakabuo ng mga pangkat etniko sa Pilipinas.

Talakayin Natin
Etnolingwistiko ay ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang
bansa ayon sa kultura.

May dalawang batayan sa paghahati ng etnolingwistik ng kultura:

1. etnisidad – tumutukoy sa pagkamag-anak.


2. wika – nakikilala ang tao sa pamamagitan nito.

Ang etnisidad ay tumutukoy sa pagkakamalapit ng dalawang panig at


sila'y tinatawag na magkamag-anak.

Paano nagkakaiba ang etnisidad at identidad. Ang etnisidad ay tumutukoy


sa katangiang kultural na binubuo ng wika, lahi, paniniwala, kaugalian,
tradisyon, saloobin, ideolohiya at iba pang mga salik. Habang ang identidad ay
ang pagkakalilanlan batay sa kabihasnan at kulturang kinagishan bilang isang
lahi.

Sa kabilang dako, ang wika naman ay may malaking papel na


ginagampanan sa pagkakakilanlan sa isang etnikong grupo. Ang wika ay
kaparaanan kung saan makikilala mo ang isang tao o ang isang pangkat etniko.
Ito ang naghahayag kung ano at sino ang isang pangkat o indibidwal. Sa
pamamagitan ng kanyang wikang gamit, makikilala mo ang grupong
kinabibilangan nito.
Sa Pilipinas may 7 pangunahing pangkat etniko:

1. Ilonggo- Hiligaynon
2. Bikolano - Bikolano
3. Tagalog - Tagalog
4. Kapangpangan - Pangasinense Amánung Sísuan (breastfeed nurture
language)
5. Ilokano - Ilokano (Provincial Ordinance passed September 2012)
6. Moro - Arabiko
7. Cebu - Bisaya/Cebuano (bahagi ng Rehiyon 7)

Subdibisyon ng mga pangkat etniko sa Pilipinas

1. Tagbanua – nakatira sa baybaying dagat ng gitnang Palawan.

2. Mangyan – nakatira sa liblib na pook ng Mindoro. Mahiyain silang


tribu. Kayumanggi ang kanilang kulay, itim ang buhok, may maamong
mata at katamtaman ang tangkad.

3. Yakan – matatagpuan sa Basilan at ang lalaki at babae ay gumagamit ng


malong. Ipinapalupot ng babae sa baywang at isinusuot naman sa ulo ng
lalaki ang malong. Maraming ipinagbabawal sa buhay ng mga Yakan.
Ipinagbabawal sa kanila ang pagpapakasal sa magpinsang makalawa
ngunit maaaring magpakasal ang magpinsang buo manatili ang yaman
ng angkan. Maaaring magpakasal nang higit sa apat ang lalaking Yakan
kung kaya niyang bigyan ang mga ito ng sapat na kabuhayan.
Pinapayagan din sa kanila ang diborsiyo kung pumapayag dito ang
lalaki.

4. Bagobo – matatagpuan sa gulpo ng Davao

5. Bukidnon ng Sentral Panay – matatagpuan sa bulubunduking bahagi ng


Panay.

Gawin Natin
1. Magbigay ng dalawang pangkat etniko at talakayin ang kanilang pagkakaiba sa
kultura (8 puntos).

2. Pumili ng dalawang pangkat etniko at talakayin ang pagkakatulad ng kanilang


wika (7 puntos).

3. Paano nabubuo ang pangkat etniko? (5 puntos)


Aralin 11
PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO
AT FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nailalahad ang kaibahan ng Tagalog, Filipino at Pilipino;


natutukoy ang kasaysayan ng wikang Tagalog; at
natutukoy ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas.

Talakayin Natin
Hindi natin maipagkakailang hindi lahat sa atin ang nakaalam kung ano
ang ating pambansang wika. Kung tatanungin nga siguro ang lahat ng mga mag-
aaral sa elementarya, may mga magsasabi pang Tagalog o di kaya nama'y
tatahimik na lamang dahil sa pagkalito. Tagalog nga rin ang tawag ng mga
foreigners sa ating pambansang wika. Ilang taon na rin ang nakakaraan ng ito'y
baguhin mula Pilipino (na batay sa Tagalog) sa pagiging Filipino, ngunit masasabi
pa rin nating hindi pa rin tayo nakakawala sa anino ng Tagalog. Tagalog,
Pilipino, Filipino, ano nga ba ang kanilang pagkakaiba?

Wikang Tagalog

Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) na siyang unang librong


nailimbag sa bansa sa taong 1593 ay nakasulat sa Tagalog. Tagalog rin ang
sinasalita ng maraming Pilipino sa pagdating nina Miguel Lopez de Legaspi
noong 1565 sa Maynila. Mahihinuhang ang Tagalog ay isang wikang natural at
may sariling mga katutubong tagapagsalita.

Ang salitang Tagalog na hinango sa salitang taga-ilog, ay ang wika sa


Metro Manila, Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro,
Marinduque at ilang parte ng Puerto Princesa at Nueva Ecija. Ito'y isang wikang
sinasalita sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa.

Wikang Tagalog bilang batayan sa Wikang Pambansa

Nang idineklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa


na batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng Executive
Order No. 134, maraming umalma at tumutol na mga mamamayan ng bansa.
Ang Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang pumili ng isang
katutubong wika na gagamiting basehan para sa pagbabalangkas at
pagpapatibay ng wikang pambansa. Ang Surian ng wikang pambansa ang siya
ring inatasan na magbigay ng preperensya sa pinakamaunlad sa kayarian,
nilalaman at panitikan na tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming bilang ng
mga Pilipino.

Gumawa ng rekomendasyon sa Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian


ng Wikang Pambansa na ang Tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa.
Ang Tagalog, di umano ang tumutugon sa lahat halos ng kinakailangan ng Batas
Komonwelt Blg 184.

Ngunit idinemanda ang Surian dahil sa kuwestiyon ng legalidad ng


pagkapili ng Tagalog bilang basehan ng wikang pambansa gayon din ang
pagpapalaganap ng Plipino bilang wikang pambansa. Pinagwagian ng Surian
ang kaso sa hukumang unang dinulugan, sa Hukuman sa Paghahabol sa Korte
Suprema noong Hulyo 15, 1970 ay nagpasya ang korte:

“Ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa (na pinatunayan


sa ulat ng Kawanihan ng Senso na siyang pinakamalaganap na sinasalita sa
ating katutubong wika), ang hayag na pagpapahayag at pagkilala rito ng bayan at
pamahalaan, sa kapahintulutan ng Batas ng Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng
Kongreso na nagpapahayag na ang wikang pambansang Pilipino ay isa sa mga
wikang opisyal ng Pilipinas na may bisa noong Hulyo 4, 1946, ay nakapaglagay
na isyu ng katalinuhan at kaangkupan sa pagpili ng Pilipino, batay sa Tagalog
bilang wikang pambansa natin, na lampas na sa awtoridad ng mga hukuman
upang rebisahan at isasantabi.

Dahil sa pangyayaring nabanggit, sa kasalukuyan, ang pinakaangkop na


kahulugan ng wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pamahalaan na
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan. Dahil dito,
patuloy pa rin, ang paglaganap ng wika sa mga lugar ng mga etniko na
gumagamit ng katutubong wika. Isaalang-alang pa rin ang puspusang paggamit at
pagpapalaganap ng wika bilang pundasyon at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang
larangan- pampolitika, panlipunan, pang-media, pampanitikan, pang-edukasyon
at iba pa”.

Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa

Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Pilipino, na ibabatay sa Tagalog, alinsunod sa ipinasa ni Kalihim Jose Romero
(Department Order No. 7) ng Kagawaran Edukasyon. Simula 1959, ito na rin
ang ginamit sa pagtuturo sa paaralan, ngunit nahinto nang pagtibayin ang
wikang Filipino bilang Wikang Pambansa alinsunod sa Article 14 Sec. 6 ng 1987
Konstitusyon.
Nang ipinatupad ang pagiging pambansang wika ng wikang Pilipino,
umani ito ng malakas na pagtutol. Ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng
wikang pambansa ay lumikha ng malakas na oposisyon sa mga di-Tagalog at
pro-Ingles. Madalas naipapahiwatig ang oposisyong ito sa mga sulat sa editor ng
mga peryodikal, at sa mga paulit-ulit na habla at salita laban sa Pilipino. Sa
paggamit ng Pilipino na batay sa Tagalog, ang mga di-Tagalog ay nakadarama
ng damdaming kakulangan o ng damdaming napapailalim sa mga Tagalog.
Nadarama nila ang panibugho na sila'y dayuhan sa isa't isa.

Pangunahin sa pagtutol dito ang mga Cebuano. Anila, ang Pilipino (1959)
na siyang nahirang na Wikang Pambansa ay Tagalog din. Hindi sila masisisi sa
bagay na ito sapagkat ng likhain nga naman ang Balarila ng Wikang Pambansa
ilang taon na ang nakalilipas ay naging Tagalog-na-Tagalog. Ito'y isang
pagkakamali na lalong nagpalala sa suliranin hinggil sa pagkakaiba at
pagkakakilanlan ng Pilipinong batay sa Tagalog at ng Tagalog mismo.

Ang mga hindi Tagalog ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maging


parte ng pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.

Ngunit sa likod ng mga tabing masisilayan kung bakit ibinatay ang


pambansang wika sa Tagalog. Sa katunayan, Tagalog ang piniling saligan ng
Wikang Pambansa sa kadahilanang ito'y nahahawig sa maraming wikain sa
bansa. 59% sa Kapampangan, 48.2% sa Cebuano, 44.6% sa Hiligaynon at iba
pa. Sa madaling salita'y hindi magiging mahirap unawain at pag-aralan ang
Tagalog para sa mga di- Tagalog dahil, nahahawig ito sa kanilang wikain.

May dahilan kung bakit nagkakahawig-hawig ang mga wika sa Pilipinas.


Lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas ay batay sa iisang angkan ng wika.
Ang isang angkan ng wika ay isang klasipikasyon ng iba't ibang wika na
pinapaniwalaang nagmula sa iisang wika. Ang orihinal na wikang pinagmulan ng
iba't ibang wika ay karaniwang tinatawag nating Proto-Austronesian. Nagmula sa
Proto-Austronesian ang Malay, ang mga wikang Cham ng Vietnam, ang mga
wikang katutubo ng Taiwan, ang mga wika sa Pilipinas at iba pa. Ang isa sa mga
anak na wika ng Proto- Austronesian ay pinagmulan ng halos ng wika sa
Pilipinas. Ang wikang proto na pinagmulan ng wika sa Pilipinas ay tinatawag
nating Proto-Philippine. Ito ay isang wikang haypotetikal lamang o isang
wikang pinapalagay ng mga dalubwika na lumitaw ng mga dakung una, na sa
paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga pagbabago, hanggang nagkaroon na
ng tatak ng pagkawika ang bawat isa.

Pinatunayan din ng maraming pag-aaral na ang Tagalog ang


pinakamaunlad na wika sa bansa at siyang ginagamit ng higit na nakararami sa
pakikipagtalastasan, sa panitikan, sa kalakalan, at sa iba pang disiplina't larangan.

Matagal din ang pamamayagpag ng Wikang Filipino. Ang pagtawag ng


“konkon” noong 1971 ang nagbigay ng pinakahihintay na pagkakataon sa
mga di-
Tagalog at sa mga pro-Ingles na baguhin o patayin ang wikang pambansang batay
sa isang wika.

Sa mga una pa lamang na sesyon ng konkon, malinaw nang lumabas ang


malakas na pagkontra o pagtanggi ng mga karamihan sa mga delegado sa konkon
( na mga di-tagalog) sa patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang
pambansa ng Pilipinas.

Dahil sa naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng
Cebuano, Hiligaynon, at Ilokano, nag-udyok ito ng pagpapalit sa Wikang
pambansa mula Pilipino tungo sa Filipino sa 1973 at 1987 Konstitusyon.

Nabago man ito dahil sa ginawang batas, hindi naman ito agarang nabura
sa isipan ng mga tao. “Tagalog Imperialism” kung ito'y tawagin ni Prof.
Leopoldo Yabes, isang Ilokanong manunulat at naging dekano ng College of Arts
and Sciences sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nakondisyon na ang tao sa
Tagalog kung kaya't kahit na binago ito, Tagalog pa rin ang itinawag dito hindi
lang ng mga Pilipino bagkos, ng mga dayunan din.

Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa

Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang


opisyal na ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga panggobyernong
pasilidad at opisina.

Pambansang lingua franca kung ito rin ay maituring. Ngunit ano nga ba
ang kahulugan ng lingua franca? Ayon sa Wikipedia, ang salitang lingua franca ay
mula sa salitang Aleman na nangangahulugang working language na ang ibig
sabihin ay isang wikang nag-uugnay sa mga taong may kanya-kanyang dayalek.
Ang pagiging lingua franca ng isang wika ay ang pagiging pangalawang wika nito
kung saan ito ay nagiging midyum upang ang mga may iba't ibang dayalek ay
magkaintindihan. Halimbawa, ang dayalek ng Davao ay Davaoeno samantalang
Chavacano naman ang sa Zamboanga. Hindi sila magkakaunawaan kung
gagamitin nila ang kanilang sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang
wikang Filipino na siyang lingua franca ng ating bansa, ang komunikasyon ay
nagiging posible.

Ang wikang Filipino ay “multi-base language in nature”, ang ganitong


ideya ay naglalayong luminang ng Wikang Pambansa para sa Pilipinas na hindi
lamang batay sa Tagalog, kundi batay sa maraming wikain sa bansa kasama
ang mga salitang banyaga na naging at nagiging bahagi na ng ating
kabihasnan. Marami ang nagpapalagay na ang ganitong kaayusan ay
nagpapakita ng pagiging dinamiko ng isang wika. Idinadahilan nila na hindi
lamang iisa ang dapat maging estilo ng Wikang Pambansa na batay sa iba't ibang
wikain, tayo'y higit na magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino –
60
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Ibanag, Kapampangan, Muslim, lahat.

60
Ang Tagalog at Filipino ay hindi pareho, ngunit hindi rin magkaiba.
Paanong nangyari ito? Sapagkat ang Filipino ay pinaunlad (o pinauunlad) na
Tagalog salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Hindi pareho sapagkat higit
na mayaman ang bokabularyo ng Filipino kaysa Tagalog dahil sa impluwensya
ng iba't ibang wikain at wikang banyagang maluwag na nakakapasok sa
bokabularyo nito, bagamat hindi ito sapat upang hindi magkaunawaan ang
nagsasalita ng Tagalog (katulad ng salitang lalawiganin) ang hindi maituturing na
salitang Filipino sapagkat hindi angkop ang salitang ito sa istandardisasyon at/o
intelektwalisasyon ng Filipino, ang higit na mahalaga'y maraming mga salitang
banyaga tulad ng Ingles, Italyano, Frances, Latin at iba pa at mga salitang mula sa
iba pang wikain sa Pilipinas ang mga maituturing na bahagi na ng bokabularyong
Filipino (sapagkat nauunawa't ginagamit ngunit) di ng Tagalog.

Miskonsepsyon sa Filipino

Sa pag-akala ng iba, hinango ang salitang Filipino mula sa salitang Ingles


na nangangahulugang mamamayan ng bansa. Akala rin ng iba, na sa Ingles din
galing ang F dito. Ilan lamang ito sa mga miskonsepsyon na nanatili pa rin sa iilan
hanggang ngayon.

Pinalitan ang P ng F upang maging simbolo ng hindi lang Tagalog ang


batayan ng wikang ito sapagkat, walang ganitong tunog sa Tagalog. Ito'y
sumisimbolo sa akomodasyon ng wikang pambansa sa iba pang dayalek.

Nadagdagan rin ng walong letra ang alpabeto. Ang mga ito ay C, F, J, Ñ,


Q, V, X, at Z. Dahil dito, ang dating Dabaw ay nagiging Davao na. Naisusulat na
rin ang selebrasyon ng mga Ifugao na tinatawag na Cañao.

Sa pamamagitan ng Filipino bilang wikang panturo, tayo'y higit na


magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino-Tagalog, Ilokano, Bisaya,
lahat.

Bigyang diin ang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng sariling wika – ang


Filipino! “Gisingin natin ang lahat ng mga Juan de la Cruz na nahihimbing pa”.

Gawin Natin
A. Basahing mabuti bago sagutin ang bawat tanong. Isulat sa espasyong nakalaan
ang pangungusap para sa iyong sagot.

1. Paano natin magagamit nang angkop at tama ang wika?

61
62
2. Paano nagkakaiba ang wikang Tagalog, Pilipino at Filipino?

3. Bakit nagkakaroon nang malakas na oposisyon ang pagpili sa


Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa sa mga Tagalog at di-
Tagalog.
Aralin 12
REHISTRO NG WIKA

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nabibigayan kahulugan ang register ng wika;


nakapagbibigay ng halimbawa ng register ng wika;
naikaklasipikaang mga salitaayon sa disiplinao larangang ginagamitan ng mga ito;
natatalakay ang tatlong dimensyon ng register ng wika;
naipapaliwanag ang kahulugan iba't ibang gawain sa pagsasalita; at
nakapagbubuo ng halimbawa ng bawat gawi ng pagsasalita

Talakayin Natin
Ginagamit ang rehister sa pagtukoy sa mga barayti ng wika ayon sa mga
gumagamit nito. Barayti itong kaugnay ng higit na malawak na panlipunang papel
na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag.Maaaring gumamit
ng iba't ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag ng humigit-
kumulang na parehong kahulugan sa iba't ibang okasyon. Bawat pagasalita o
pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang tao sa
lipunang kanyang kinasasangkutan.Samakatwid ang dayalekto ng isang tao ay
nagpapakilala kung sino siya. Dayalekto din ang tawag sa pagkakaiba-iba sa
loob ng isang wika. Ang pagkakaiba -iba ay maaaring nasa aksent,
leksikograpiyasiya o kaya'y nasa pagbigkas lamang( Antonio, 1993).

Samantalang ang rehistro ay nagpapakita kung ano ang kanyang ginagawa


. Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang pinaggagamitan ng
mga ito. Nakabubuo ng tala ng mga register sa iba't ibang larangan o disiplina.
Bawat propesyon ay may register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, game designer at
negosyante. Ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng iba't ibang
kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag
sa ganitong uri ng termino pati na ang mga espeyalisadong termino gaya ng mga
salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't ibang kahulugan sa iba't
ibang larangan o disiplina.

Halimbawa ng register ang salitang “kapital” na may kahulugang


“puhunan” sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang “punong
lungsod' o “kabisera” sa larangan ng heograpiya. Hindi lamang ginagamit ang
register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan din.
Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang
taglay kapag ginagamit sa iba't ibang disiplina o larangan.

Dahil iba iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago ang
kahulugan taglay ng register kapag naiba ang larangang pinaggagamitan nito,
itinuturing ang register bilang isang salik sa varayti ng wika. Maaaring
gumagamit ng iba't ibang linggwistik aytem ang isang tao sa pagpapahayag
ng humigit- kumulang sa parehong kahulugan sa iba't ibang okasyon. Bawat
pagsasalita o pagsusulat ng isang tao ay isang pag-uugnay sa lipunang kanyang
kinasasangkutan.

Halimbawa:
Propesyon: 1. Doktor: Pasyente, preskripsyon
2. Guro: mag-aaral, lesson plan
3. Pulis: kaso, suspek
4. Abogado: kliyente, akusado
5. Piloto: eroplano, pasahero

Tatlong Dimensyon ng Rehister ng Wika

1. Field – nakaukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng


komunikasyon. Ito ang paksa ng kabanata. Anong paksa ang pinag-
usapan.

2. Mode – tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang


komunikasyon, pasalita o pasulat. Paraan o paano nag-uusap ang
dalawang tao. Sa usapang pasulat mas pormal ang mga salita,
sumusunod sa mekaniks ng pagsulat, gumagamit ng bantas sa pagsulat.
Kung pasalita maaaring nangangatwiran, may pagkamagalang,
nagliligawan, nag-aaway, balita, showbiz.

3. Tenor – ayon ito sa relasyon ng mga kalahok. Nangangahulugan kung


para kanino ito. Kung sino ang kausap o tagapakinig.
Nangangahulugang para kanino ito. Minsan, sa halip na tawaging tenor,
ginagamit ang “style”, pero iniiwasan ang pagtawag nang ganito dahil sa
pangkalahatan, ginagamit ang style sa pagtukoy sa rehistro.

Register bilang Barayti ng Wika

- Ang register ng wika ay barayti itong kaugnay ng higit na malawak na


panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag. Ang register ng wika ay tumutukoy sa mga
espesyalisadong mga salita na ginagamit ng isang partikular na domeyn o
gawain.
- Isang espisipikong bokabularyo at/ o balarila ng isang akitibidad o
propesyon. Ito ay set ng mga salita o ekspresyon na nauunawaan ng
mga grupong gumagamit nito na maaaring hindi nauunawaan ng mga taong
hindi kasali sa
grupo o pangkat o ang hindi pamilyar sa propesyon, uri ng trabaho o
organisasyong kinabibilangan. Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga
barayti ng wika ayon sa gumagamit (Halliday, Mclntosh & Stevens, 1994).

Naikaklasipika ang mga salita ayon sa disiplina o larangang


pinaggagamitan ng mga ito. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba't
ibang kahulugan batay sa iba't ibang larangan.

IBA'T IBANG GAWAIN SAPAGSASALITA

Bawat pagsasalita o pagsulat ng isang tao ay isang pag-uunay ng kanyang


sarili sa ibang tao sa lipunang kanyang kinasasangkutan (Halliday, Mclntosh &
Stevents, 1994).

Pakikipag-usap

Ang pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita ay


tinatawag na pakikipag-usap. Ito ay isang masining na paraan ng
pakikipagtalastasan.

Mga Dapat Ugaliin sa Pakikipag-usap

1. Iwasan ang pagtawa habang nakikipag-usap


2. Iwasan ang panghihiya sa kausap
3. Iwasan ang hindi pakikinig sa kausap
4. Iwasan ang pagpintas sa sinasabi ng kausap

Pamantayan ng isang Usapan

Ang isang usapan o conversation ay isang prosesong pangkomunikasyon


ng kinasasangkutan ng dalawa o higit pang kalahok na gumagamit ng berbal o
senyas na wika sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahayag ng saloobin o
damdamin na kung saan ay nakaapekto sa kilos o gawi, sikolohikal, kaalaman at
damdamin ng mga partikular na kalahok.

Gawi ng Pagsasalita

Produksiyon ng mga tunog ng pananalita na idinaan sa mas magandang


paraan para magbunga ng mas makahulugan na pananalita.

Uri ng Gawi ng Pagsasalita

1. Ang Kumakatawan - kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa


pag-iba ng mga antas patungo sa tamang proposisyon na dapat nilang
sinabi;
panunumpa, paniniwala at pag-uulat.

Halimbawa: Ipinangako ko na aking pagbubutihin ang aking pag-aaral sa


darating na pasukan.

2. Direktibo – kung saan ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa


paghimok sa mga tagapakinig na gumawa ng kahit na ano; mag-utos,
makiusap, makipagtalo.

Halimbawa: Gawin mo ang lahat ng aking ipinagagawa at huwag ka nang


magtanong ng ano pa man.

3. Commissive – kung saan ang mga nagsasalita ay gumagawa ng alinmang


pag-iba sa mga antas patungo sa aksiyon; mangako, sumumpa o mga
gawain.

Halimbawa: Gagawin ko ang bagay na iyong gusto, ano man ang iyong
ipagawa.

4. Deklarasyon – kung saan sa pamamagitan ng nagsasalita na baguhin ang


estado ng mga gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi
ng pagpasasalita.

Halimbawa: Ipinababatid ko sa inyong lahat na ang sinumam ang


lumabag sa aking batas ay magkakamit ng parusa.

5. Ekspresibo – kung saan ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang


pag- uugali; pagbati o paghingi ng paumanhin.

Halimbawa: Siya ay humingi ng tawad sa kanyang mga nagawa at akin


naming pinagbigyan.

Pagkukuwento

Ito ay isang uri ng salaysay na nagsasaad ng mga pangyayaring maaaring


totoo o kaya ay kathang-isip lamang.

Ilang Pamantayan sa Pagkukuwento

1. Tiyaking alam na alam ang kuwentong isasalaysay


2. Sikaping maging masigla sa pagsasalita
3. Bigkasing malinaw ang mga salita
4. Huwag magmadali sa pagkukwento
5. Tumingin sa nakikinig
Pakikipanayam

Ito ay kinakasangkutan ng dalawang tao o pangkat na may nagtatanong at


may sumasagot. Ito ay naglalayong makaalam ng mga bagay-bagay tungkol sa
taong kinakapanayam.

Mga Dapat Bigyang-Pansin

1. Oras – kinakailangang may abiso muna sa taong nais kapanayamin upang


ang bawat panig ay may pagkakataong makapaghanda .
2. Mga Tanong – bumuo ng makabuluhang tanong na humihingi ng tiyak na
kasagutan.

Debate

Ito ay pakikipagtalo tungkol sa isang isyung kontrobersyal at


napapanahon. Maaaring ito ay pormal o hindi pormal. May dalawang panig ang
pagdedebate: ang sumasang-ayon at hindi sumasang-ayon.

Pagtatalumpati

Ang pagtatalumpati ay isang sosyal o panlipunang gawain dahil


kadalasang isinasagawa sa publiko. Maaari itong biglaan o may paghahanda.

Gawin Natin
1. Gamit ang limang Uri ng Gawi ng Pagsasalita gumawa ng tigdalawang
pangungusap ng mga sumusunod na gabay para sa :

a. pagpapabuti ng pag-aaral
b. pagrerespeto sa kapwa
c. paggalang sa magulang

2. Sumulat ng isang orihinal na talumpating may tatlong talata at sauluhin saka


bigkasin sa harap ng klase. Pumili kayo ng sariling paksa na kawili-wili ayon
sa layuning ninais.

3. Bumuo ng apat na pangkat. Magtala ng mga salitang mula sa ibang katutubong


wika na napabilang na ngayon sa wikang Filipino. Pagkatapos isulat sa pisara
ang natalang mga salita at susuriin.

4. Bumuo ng pangkat na may pitong kasapi sa klase. Magkakakaroon ng iskit


tungkol sa uri ng gawi ng pagsasalita.
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 8

Pangalan: Kurso/Taon:
Iskor: Oras
ng Klase: Petsa

A. TAMA O MALI: Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
pahayag at salitang MALI kung iba sa patlang bago ang
bilang.

1. Ginagamit ang rehistro sa pagtukoy sa mga barayti ng wika


ayon sa gumagamit.
2. Mayaman ang bokabularyo ng wikangTagalog kaysa wikang
Filipino.
3. Ang bawat pagsasalita at pagsusulat ng isang tao ay pag-
uugnay sa lipunang kanyang ginagalawan.
4. Ang Field ay dimension ng register ng wika na nakaukol sa
layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.
5. Ang Mode ay nangangahulugang relasyon ng mga kalahok, kung
sino ang kausap o tagapakinig.
6. Ang pagdedebate ay isang sosyal o panlipunang gawain dahil
kadalasang isinasagawa sa publiko.
7. Pwedeng tumawa ang nag-uusap habang nakikipag-usap.
8. Sa pagkukuwento, sipaking maging mabilis ang pagsasalaysay
nito.
9. Sa pakikipanayam, bumuo ng makabuluhang tanong na
humihingi ng tiyak na kasagutan.
10. Ang rehistro bilang barayti ng wika ay isang ispisipikong
bokabularyo o balarila ng isang akitibidad o propesyon.

B. PAGKILALA: Panuto: Tukuyin ang tamang sagot ng mga


sumusunod na pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang
na nakalaan.

1. Ito ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang


opisyal na ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga
panggobyernong pasilidad at opisina.
2. Ito ang orihinal na wikang pinagmulan ng iba't ibang wika sa

70
Pilipinas.
3. Sinasalita ng maraming Pilipino sa pagdating nina Miguel
Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila.
4. Ito ang salitang Aleman na nangangahulugang working
language na ang ibig sabihin ay isang wikang nag-uugnay sa
mga taong may kanya- kanyang dayalek.
5. Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang
pambansa at wikang opisyal na ginagamit bilang transaksyunal
na wika sa mga pang- gobyernong pasilidad at opisina.
6. Pagpapalitan ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng salita
______7. Ang mga nagsasalita ay may kinalaman sa paghimok sa mga
tagapakinig na gumawa ng kahit na ano, mag-utos, makiusap,
makipagtalo.
8. Pwedeng baguhin sa pamamagitan ng nagsasalita ang estado ng mga
gawain sa pamamagitan ng pagsasagawa katulad ng gawi ng
pagsasalita.
9. Ang tagapagsalita ay nagpapakilala ng kanyang pag-uugali, pagbati o
paghingi ng paumanhin.
_______10. Ito ay kinasasangkutan ng dalawang tao o pangkat na may
nagtatanong at may sumasagot.

70
Aralin 13
TAMANG GAMIT NG MGA SALITA

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

nagagamit ang angkop na mga salita sa pasulat at pasalita;


natutukoy ang angkop na mga salitang dapat gagamitin sa ising pahayag;
naipapaliwanag ang wastong gamit ng mga salita;
nakasusulat ng talata o komposisyon gamit ang angkop na mga salita;
nakagagawa ng sariling pangungusap sa pamamagitan ng tamang paggamit ng mga salita; a
nasusuri nang maigi ang mga pangungusap ayon sa tamang gamit ng mga salita.

Talakayin Natin
May mga nagsasabi na kahit mali-mali ang gamit ng salita at balarila o
gramar ng isang tao, sa paraang pasulat man o pasalita, basta maintindihan
lamang ang gusto niyang sabihin, okey na. Pero, kung mali ang pagkakagamit ng
isang tao ng wika o salita, hindi niya maipahahayag nang mabuti ang kaniyang
ibig sasabihin, at naiiba tuloy ang pagkakaintindi sa nais niyang ipahayag.
Responsibilidad o tungkulin ng bawat isa na pagyamanin ang kaniyang
kaalaman sa wastong paggamit ng mga salita upang siya'y magiging bihasa at
maiiwasan ang di pagkakaintidihan sa kapwa, at ang mensaheng kaniyang
ipinahahayag ay magsisiwalat nang malaki sa kaniyang saloobin sa mga tao na
kinakausap.

Tatalakayin sa araling ito ang mga tuntunin sa tamang gamit ng mga salita
upang sa gayon ay iyong matutunan at magagamit ang mga ito sa iyong araw-
araw na pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon. Bilang produkto ng
kurikulum na K to 12, isang hamon ang araling ito sa wikang Filipino upang higit
na maunawaan ang pakikipagsalamuha sa kapwa.

TAMANG GAMIT NG MGA SALITA


1. nang at
ng

1. Ginagamit ang nang kapag napapagitnaan ng dalawang pandiwa


(verb). Sa pag-uulit ng pandiwa
71
1.1. Sigaw nang sigaw ang anak niya.
1.2. Kain nang kain ang dalawang aso ni Mang Anton.

72
2. Ginagamit ang nang kung ang sumusunod na salita ay pang-abay (adverb).
2.1. Ang lumakad nang matulin kung matinik ay malalim.
2.2. Dumating nang maaga ang kanilang pinuno.

3. Nang ang gagamitin sa unahan ng pangungusap at kung ito'y katumbas ng


when sa Ingles.
3.1. Nang umalis ka, dumating siya.
3.2. Nang malaman ni Dexter na wala na siyang pera, tinawagan niya
ang kaniyang ina.
3.3. Nanonood kami ng TV nang tumawag ang kapatid ko mula sa
Australia.
3.4. Tapos na ang Philippine Got Talent nang buksan niya ang telebisyon.

4. Ginagamit ang nang bilang katumbas ng “so that o in order to” sa Ingles.
4.1. Mag-aral ka nang mabuti nang ika'y makapasa sa sabdyek na ito.
4.2. Magsumikap ka nang ang buhay mo'y guminhawa.

5. Ginagamit ang nang bilang pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop


na ng.
5.1. Tinanggap (na+ng) nang kapatid ko ang regalo ng kaniyang ninong.
5.6. Sumayaw (na+ ng) nang tanggo at cha-cha ang dalawa kong kaklase.

6. Ginagamit ang ng bilang katumbas ng of sa Ingles.


6.1. Si Ellen ang Pangulo ng aming organisasyon.
6.2. Ang mga sa ABM Section 8 ng Senior High School ay
nagdaos ng Entrepreneur Week.

7. Ginagamit ang ng bilang pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig


balintiyak.
7.1. Ginawa ng mga estudyante ni Bb. Gomez ang kanilang proyekto
sa Filipino.
7.2. Hinuli ng mga tauhan ni Heneral Bato ang mga druglords.

8. Ginagamit ang ng bilang pang-ukol ng layon ng pandiwa.


8.1. Naglalaro sila ng taekwondo tuwing Miyerkules.
8.2. Bumili siya ng gatas para sa kaniyang dalawang anak.

2. daw/din , raw/rin,

A. Ginagamit ang daw at din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa


katinig maliban sa malapatinig na w at y; raw at rin naman kapag ang
sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
1.May pagsusubok daw tayo sa Filipino 12 sa Lunes.
2.Masarap din ang pagkaing niluto ng iyong ina.
3.Dalawa raw silang sasama sa akin papuntang Maynila.
4. Sasali rin siya sa timpalak ng pagtula sa darating na University Day.
B. Gamitin ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa w o y.
1. Kahoy raw ang ginamit nila na mga materyales sa paggawa ng tulay.
2. Ikaw rin ang dapat tumulong sa iyong mga kapatid pagdating nila sa
kolehiyo.

3. kung di at kundi

A. Ang kung di ay galing sa “kung hindi” o “if not” sa Ingles at ang kundi
naman ay katumbas ng “except” sa Ingles.

3.1.Lalaro na sana ang mga anak niya kung ‘ di dumating ang matalik
na kaibigan niya.
3.2.Walang sinuman ang pumasok sa Rose Memorial Auditorium kundi
iyong may mga I.D. lamang.

4 . ikit at ikot

A. Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo
sa loob. Ang ikot naman ay para maipakita ang kilos mula sa loob patungo sa
labas.

4.1.Nakalimang ikit muna sila bago natunton ang daan papunta sa bahay
ng kanilang klasmeyt.
4.2.Umikut-ikot muna sila dito sa loob bago nila nakita ang daanan
palabas.

5.hatiin at hatian

A. Ang hatiin ay katumbas ng “to divide” (partehin) sa Ingles at ang hatian


naman ay katumbas ng “to share” (ibahagi).

5.1. Hatiin mo sa walo ang dala mong cake.


5.2. Hinatian niya ng dala niyang mga pagkain ang pulubi.

6.punasin at punasan

Tulad ng pahirin at pahiran, ang punasin (wipe off) ay nangangahulugang


alisin o tanggalin. Ang punasan (to apply) ay nangangahulugan ng lagyan.

6.1. Punasin mo ang pawis sa iyong noo.


6.2. Ang paa mong namamaga ay punasan mo ng gamot.

2. nabasag at binasag
Ang nabasag ay nangngahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto. Ang
binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

7.1. Sa sobrang galit, binasag ni Kardo ang basong mamahalin.


7.2. Nabasag ng katulong ang salamin sa dressing room sa sobra
niyang pagmamadali.

8. kumuha at manguha

A. “To get” sa Ingles ang kumuha, at “to gather o to collect” naman ang
manguha.

8.1. Kumuha ng pagkain si Lilibeth para sa kaniyang kapatid na nag-aaral sa


Kindergarten.
8.2. Nanguha ng mga bulaklak ang apo ni Aling Rose para sa Flores de Mayo.

9.bumili at magbili

B. Ang bumili ay nangangahulugan ng “to buy” sa Ingles, at “to sell” naman


ang magbili (magbenta).

9.1. Bumili ng mga sariwang isda si Aling Korena sa La Paz public


market.
9.2. Ang trabaho ng kapatid niya ay magbili ng second hand na mga
sasakyan.

10.dahil sa at dahilan

A. Ginagamit ang dahil sa bilang pangatnig na pananhi, (causal conjunction) at


ginagamit naman bilang pangngalan (noun) ang dahilan.

10.1. Hindi si Allan nakapaglaro ng basketbol dahil sa mababa niyang


mga grado.
10.2. Ang dahilan ng pag-iyak ni Lara ay dahil sa aalis na si Richard
bukas patungong Germany.

9. kita at kata

A. Ginagamit ang kita bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Ito
ay panghalip na panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan.
Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may
kailanang dalawahan. Tumutukoy sa kinakausap ang kita (ikaw) at ang kata (ikaw
at ako) naman ay tumutukoy sa magkasamang nangungusap at kinakausap.

11.1. Nakita kita sa SM Cinema noong Martes kasama ng ina at mga


kapatid mo.
11.2. Kata nang kumain sa Vikings kasi kilala ko ang may-ari.
12. kila at kina

A. Dapat tandaan na walang salitang kila. Sa halip ay gagamitin ang kina bilang
maramihan (plural) ng kay.

12.1. Mamasyal tayo kina Ben at Allan.


12.2. Para kina Toni, Roy, at Sarah ang mga regalong ito.

13. sundin at sundan

A. Nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral ang sundin at katumbas ito


sa Ingles ng“to obey”.“To follow” sa Ingles ang sundan at nangangahulugang
gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.
13.1.Para sa maganda mong kinabukasan, palagi mong sundin ang mga
payo ng iyong mga magulang.
13.2. Dapat ang bawat Pilipino ay sundan ang kabayanihan nina Rizal,
Bonifacio, at Aguinaldo.

14. habang, samantala/samantalang

A. Tumutukoy sa isang kalagayang walang tiyak na hangganan ang habang, at t u


mutukoy naman sa isang kalagayang pansamantala ang
samantala/samantalang.

14.1.Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.


14.2.Nagnenegosyo muna siya samantalang wala pa ang resulta n g
board exam.

15. ibayad at ipagbayad

A. Pagbibigay ng bagay bilang kabayaran ang ibayad, at nangangahulugan


naman ng pagbabayad para sa ibang tao ang ipagbayad.

15.1.Julie, limang sakong palay na lamang ang ibayad mo kay Mang Anton
sa halip ng pera.
15.2.Dahil hindi pa dumating ang allowance mo galing ng Mindanao,
ipagbayad muna kita sa sine.

16. taga- at tiga

A. Walang unlaping tiga-. Sa halip, taga- ang dapat gamitin. Gumagamit


lamang ng gitling kapag sinusundan ng pangngalang pantangi (proper noun).

16.1.Ang kasama niya ay taga- Palawan.


16.2. Taga- Lambunao ang kanilang mga bisita noong Sabado.

B. Tama rin ang sumusunod na halimbawa, at hindi na dapat lagyan ng gitling.

1. Marangal din ang trabaho niya kahit siya'y tagahugas lamang ng mga
sasakyan.
2. Tagaluto ng pagkain ang trabaho niya tuwing may Palarong Pambansa.
Tandaan: Naiiba ang panlaping tig- na ginagamit kasama ng mga
pambilang na: tig-isa, tigdalawa, tig-apat, tigsampu, tig-anim atbp.

17. agawin at agawan

Agawin ang isang bagay sa tao o hayop at agawan ng isang bagay ang tao o
hayop.

17.1Ang laruan ni Jomar ay ibig agawin ni Lance.


17.2.Bernie, huwag mong agawan ng bola si Alex.

18. abutan at abutin

Abutan (bigyan) ng isang bagay, at abutin (kunin) ang isang bagay.

18.1.Maawa ka naman, abutan mo ng pera ang pulubi.


18.2.Inutusan ko siyang abutin ang hinog na manga sa puno.

19. bilhin at bilhan

Bilhin ang isang bagay, at bilhan ng isang bagay ang tao.

19.1.Sige na, bilhin na natin ang relong iyan. Mura kasi eh.
19.2.Bilhan mo ng pagkain ang katulong namamalantsa sa bahay.

20. napakasal at nagpakasal

Napakasal ang gagamitin kapag ang tinutukoy ay ang ginagawang pag-


iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan. Nagpakasal naman ang
gagamitin kapag ang tinutukoy ay ang taong nangasiwa upang makasal ang
isang lalaki at babae.

20.1.Napakasal si Alejandro kay Lorena. May trabaho naman kasi


silang dalawa.
20.2.Sina Aling Paula at Mang Ramon ang nagpakasal kay Junar at Beth.
21. tunton, tuntong at tungtong

Ang tunton ay pagbakas o paghahanap sa bakas ng anumang bagay.


Pagyapak sa anumang bagay ang tuntong, at panakip naman sa palayok,
kawali at iba pang kaugnay na bagay ang tungtong.

21.1.Hindi matunton ng kapatid ko ang aso naming si Elaine.


21.2.Tumuntong sa silya si Stephen upang maabot niya ang pugad ng ibon.
21.3.Matagal nang hindi nakita ng aming kasambahay na si Aling Soleng
ang tungtong ng aming palayok.

22. putulin at putulan

Ginagamit ang putulin sa pagputol ng isang bagay. Samantalang ang


putulan ay ang pagputol ng isang bagay sa tao, hayop at bagay.

22.1.Inutusan ni ama ang kapatid kong huwag putulin ang mga Mahogany.
22.2.Putulan na natin ng mga tuyong dahon ang gumamela sa bakuran.

23. tawagin at tawagan

Ginagamit ang tawagin para palapitin ang isang tao o hayop. Ang tawagan
naman ay ginagamit para kausapin o bigyan-pansin ang isang tao.

23.1.Jeb, tawagin mo na si Raine kasi aalis na tayo mamaya.


24.1.Bukas nang umaga, tawagan mo si Janjan para malaman natin
kung sasama siya sa atin o hindi.

24. dito/rito at doon/roon

Ginagamit ang dito at doon kapag ang sinusundan na salita ay nagtatapos sa


katinig (consonant)

24.1.Pupunta rin dito ang mga kandidato ng PDP-Laban.


24.2.May mga tumutubong bulaklak doon sa tabi ng ilog na iyon.

Ginagamit ang rito at roon kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa


patinig (vowel) at malapatinig na w at y.

24.3.Maraming kahoy roon sa gubat na iyon.


24.4.Halika rito sa tabi ko upang marinig mo ang mga sinasabi ko.
Ginagamit ang dito at doon sa unahan ng pangungusap.

24.5. Dito sa kwartong ito kami nagpalabas ng dula-dulaan.


24.6. Doon sa Iloilo Covention Center sa Megaworld gaganapin ang
konsyerto ni Sarah Geronimo.

25. bitiw at bitawan

Ang salitang bitiw (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak


ng isang bagay o pangyayari.
25.1.Sabihin mo sa anak mong huwag bumitiw sa ‘yo para hindi siya
mawala.

Ang bitawan aytumutukoy sa lugar pagdarausan ng salpukan ng manok na


walang tari.

25.2. Gumawa ng inspeksyon ang mga pulis sa bitawan ng manok sa


Brgy. Cuartero noong nakaraang linggo.

26. imik at kibo

Ginagamit ang imik sa pagsasalita o pangungusap.


26.1. Hindi nakaimik si Elena sa tanong ng kaniyang guro.
Ginagamit sa pagkilos ang kibo.
26.2. Hindi siya kumikibong nakatayo sa isang sulok ng simbahan.
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
26.3.Huwag mong kibuin ang bagong sibol na mga tanim ni itay.

27. kapag at kung

Ipinakilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.


27.1.Nagtuturo si Windy ng ballet kapag bakasyon at walang klase.
Ipinakilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan.
27.2.Hindi tiyak ni Martin kung sa Disyembre o Mayo siya magbabakasyon.

28. ibayad at ipagbayad

Pagbibigay ng bagay bilang kabayaran ang ibayad.


28.1.Paglilinis ng bahay ang ibabayad ni Berting sa hiniram niyang pera
kay Rody.
Ang ipagbayad ay pagbabayad para sa ibang tao.
28.2. Ipagbayad ko muna ang may sakit kong kapitbahay para sa check
up niya kay Dr. Reyes.
29. suklayin at suklayan

Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba.


29.1. Gerald, upang guwapo kang tingnan, suklayin mo nga ang buhok mo.
Suklayan ng buhok ang ibang tao.
29.2. Aling Soting, suklayan mo nga ng buhok ang lola pagkatapos niyang maligo
ha.

30. hanapin at hanapan

Katumbas ng “to look for” sa Ingles ang hanapin. Ginagamit ito upang
piliting makita, halungkatin, o saliksikin ang isang bagay, tao o lugar.
30.1.Hanapin mo nga ang relo ko sa ibabaw ng mesa.
Ginagamit ang hanapan upang tingnan at siyasatin ang bagay na mahirap
makita. Katumbas ito sa Ingles ng “to look and insist on something that is hard
to find.”
30.2.Bakit pati si Elena ay hanapan mo ng nawala mong pera?

Gawin Natin

I. Magsaliksik tungkol sa wastong gamit ng sumusunod. Sumulat ng halimbawang


pangungusap sa bawat isa.

1. pahirin- pahiran 11. iwan-iwanan


2. subukin-subukan 12. may-mayroon
3. walisin-walisan 13. bumili-magbili
4. operahin-operahan 14. linisin-linisan
5. pinto-pintuan
7. kung-kong
8. magsakay-sumakay
9. sundan-sundin
10. namatay-napatay

II. Magpangkat ng tiglima, planuhin ang 5-7 minutos na dula-dulaang ipalabas gamit
ang mga salitang nakatala sa bilang 1-30 at ang mga sa takda na makikita sa itaas.
A. Rubrik/krayterya sa dula-dulaan:
1. Kaalaman (mastery) -10 puntos
2. Wastong paggamit ng mga salita - 10 puntos
3. Paksa at mensahe ng dula-dulaan - 5 puntos
4. Kooperasyon at pagkakaisa ng grupo - 5 puntos

KABUUAN - 30 puntos
71
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 9

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

Panuto: Pillin ang angkop na salitang dapat gamitin sa mga pahayag: Bilugan
ang inyong sagot.

1. Huwag (magbitiw, magbitaw) ng masamang salita sa kapwa.


2. (Subukan, Subukin) natin ang kakayahan ni Loel sa pagluluto.
3. Maraming mga mumurahing damit (roon, doon) sa kanilang lugar.
4. Ang cyst ni Miko sa noo ay (ooperahin, ooperahan) sa susunod na Huwebes.
5. Sinunod niya ang payo ng panday na ang (hagdan, hagdanan) ay ilagay niya sa
tapat ng pintuan.
6. Mang Igme, (walisan,walisin) mo nga ng mga kalat ang bakuran.
7. (May, Mayroon) masipag na anak si Aling Milay.
8. Kinain (rin, din) ng daga ang tinapay sa ibabaw ng mesa.
9. Dapat isarado ang (pintuan, pinto) tuwing gabi upang hindi makapasok ang
magnanakaw.
10. Chris, (putulan, putulin) natin ang mga sangang nakasampay sa ating bintana.
11. Hindi alam ng mga estudyante ni Gng. Medez (kapag, kung) darating siya
bukas o hindi.
12. Nahirapan silang sagutin ang ginawa (kung, kong) bugtong.
13. Japhet, (pahirin, pahiran) mo ang dugo sa leeg mo.
14. Lumaki (nang, ng) bahagya ang mata niyang may sugat.
15. (Hatiin, Hatian) mo sa limang bahagi ang dala mong pizza.
16. (Ibayad, Ipagbayad) ko na lamang si Liezl ng kaniyang tuition.
17. Sa (bitiw, bitawan) nagkita ang magkumpare noong nakaraang piyesta.
18. Interesadong-interesado si Lemuel (bumili, magbili) ng ice candy tuwing
tag-init
19. Wala (dito, rito) sa mga gamit ko ang hinahanap mong cellphone.
20. Totoo ba ang sinabi mong (hinagis, inihagis) ni Dalton ang bola nang malakas
kay Bernie?
21. Huwag mo siyang (hanapin, hanapan) ng nawala mong aklat.
22. Sa susunod na linggo mo na lamang (tawagan, tawagin) si Dinah kung
sasali siya sa sabayang pagbigkas natin o hindi.
23. Naka sampung (ikot, ikit) sila bago nila narating ang bahay namin.
24. Halika at (putulin, putulan) natin ng mga tuyong sanga ang Acacia.
25. Si Meyor Isko ang (napakasal, nagpakasal) kay Larry at Tessa.

81
82
Aralin 14
GRAMATIKANG FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. naipapaliwanag ang papel ng gramatika sa isang mabisang


pagpapahayag;
b. nakapagsusulat ng pangungusap o komposisyon gamit ang iba't
ibang bahagi ng pananaita;
c. nakabubuo ng mga pangungusap na may kaisahan;
d. natutukoy ang mga uri ng salitang ginagamit sa pagpapahayag;
e. nabibigkas nang tama ang mga salita ayon sa angkop na diin;
f. natutukoy ang iba't ibang bahagi ng pananalita;
g. nagagamit sa sariling pangungusap ang iba't ibang cohesive
devices; at
h. nagagamit sa sariling pangungusap ang iba't ibang aspekto ng
pandiwa.

Talakayin Natin
Gramatika o balarila ang agham sa paggamit ng salita at ang kanilang
pagkakaugnay-ugnay at ang mga bahagi at tungkulin ng mga salita sa isang
pangungusap ay isininasaalang-alang nito.Kalakip din sa gramatika ang
kawastuhan ng pangungusap na gagamitin, pasulat man o pasalita na
kailangang umayon sa tamang gramatikal istruktyur; ang kaayusan o sintaks,
kahulugan o organisasyon o pagkakabuo at maging ang panahunan ng mga salita
(Bendalan, 2013).

1. Pagpili ng Angkop na Salita

Nakasalalay sa salitang gagamitin ang malinaw na pagpapahayag. Dapat


tandaan ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na salita sa isang pahayag dahil
may mga salitang kahit tama ang kahulugan ay hindi naman ang mga ito angkop
na gamitin.

Tingnan at suriin ang sumusunod na halimbawa:

A. (Mali) Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang kanyang makipot
na bunganga.
B. (Tama) Alam mo, bagay na bagay kay Cindy ang kanyang makipot
na bibig.
C. (Mali) Maarte sa mga laruan ang bunsong anak ni Aling Mercedes.
D. (Tama) Mapili sa mga laruan ang bunsong anak ni Aling Mercedes.

Sa ating wika, may mga salitang pare-pareho ang kahulugan subalit may
kani- kaniyang gamit sa pahayag (Bernales et al., 2012):

Halimbawa:
bundok, tumpok, pumpon, tambak
kawangis, kahawig, kamukha
sabayan, samahan, saliwan, lahukan
daanan, pasadahan
aalis, yayao, lilisan

May mga pagkakataon din na kinakailangang gumamit ng eupemismo


o paglulumanay sa isang pahayag kahit na may mga tuwirang salita naman para
rito (Bernales et al., 2012):

Halimbawa:
pinagsamantalahan sa halip ng
ginahasa namayapa sa halip ng namatay
palikuran sa halip ng kubeta

2. Mga Uri ng Salitang Ginagamit sa Pagpapahayag (Montera et al., 2012)

A. Likas- mga salitang katutubo


Halimbawa: isda, gulay, aklat, bituin, bato, mata, kahoy, pagkain, pera,
langit
B. Likha- mga inimbentong salita bunga ng pangangailangan ng mga
mamamayan sa kanilang pakikipagtalastasan
Halimbawa: telebabad, tapsilog, kapuso, kapamilya, lobat, pabebe,
1. Pabebe- isang pang-uri na ang ibig sabhin ay umarteng parang
baby o magpa-baby o magpa-cute.

C. Hiram/Hango- mga salitang buhat sa ibang wika


Halimbawa: hayskul, lektyur, brodkast, dyip, bintana, basketbol,
orkestra, epektibo, drayber, iskor, ekspert

3. Ang Tamang Pagbigkas ng Salita Gamit ang diin

Narito ang halimbawa sa isang komersyal (Batnag et al., 2011):


Lalaki: Tayo na ba?
Babae: Tayo na. (At tumayo ang babae)

Ang ibig sabihin ng lalaki ay: Magkasintahan na ba tayo? o Girlfriend


na ba kita? Ang tayo (ikaw at ako) ay mabagal ang bigkas at walang impit na
tunog. Ang posible sanang sagot ng babae ay “oo” o “hindi”, ngunit inulit niya ito
gamit ang ibang diin—ang salitang tayo na may impit na tunog sa dulo.

Apat na Uri ng sali^ta ayon sa diin:

A. Malumay- Halimbawa: tao, tatay, lalaki, magulang, ilaw


B. Malumi- Halimbawa: hati, bata, diwa, dila
C. Mabilis- Halimbawa: takbo, bulaklak, batas, tatak,
D. Maragsa-Halimbawa: dugo, yugto, salita, dukha

Ang mga marka sa itaas ng mga patinig sa nabanggit na mga halimbawa


ay tinatawag na tuldik. Bagama't hindi na gaanong ginagamit ngayon, ipinakikita
ng mga ito kung paano bibigkasin ang isang salita.

Tingnan ang mga halimbawa sa ibaba. Lagyan ng tuldik ang mga salita sa bilang
1-6:
1. magbasa- basahin ang nakasulat sa aklat, pahayagan atbp.
2.magbasa – buhusan ng tubig ang katawan
3. mangingisda- tao na ang ikinabubuhay ang panghuhuli ng isda
4. mangisda- manghuli ng isda sa dagat, ilog o sapa
5. aso- usok o smoke sa Ingles
6. aso- isang uri ng hayop
C. Tandaan: walang tuldik ang malumay na salita, paiwa ang tawag sa
tuldik ng mga salitang malumi, pakupya ang sa mga salitang maragsa,
at pahilis naman sa mga salitang mabilis.

Upang makaiwas sa kalituhan, mahalaga ring matutuhan ang angkop na


pagbigkas ng mga salita ayon sa diin (Batnag et al., 2011):

Tingnan ang halimbawa ng diyalogo sa


ibaba:
Hukom: Ikaw ba ang pumatay?
Nakasakdal: Hindi po ako si Teryo.

Kung susuriin mo nang mabuti, walang kaugnayan sa isa't isa ang palitan
ng mga pangungusap ng hukom at nakasakdal, dahil may pagkakamali sa
bigkas o pagsulat. Ganito dapat ang sinabi ng nasasakdal: “Hindi po ako, si
Teryo.” Ang kuwit (comma) ay nagpapakita ng ng sandaling tigil pagkatapos ng
salitang “ako” na ang ibig sabihin ay hindi siya (nasakdal) ang pumatay kundi si
Teryo.
Isa pang halimbawa: (Batnag et al., 2011).
Myra: Bakit hindi mo sa akin
sinabi?
Dolly: Bakit hindi mo sinabi sa akin?
May sinabi si Dolly sa ibang tao na dapat ay kay Myra niya sinabi.
Mayroon namang hindi sinabi si Myra kay Dolly. Ito ang ipinagtampo ni Myra
kay Dolly: siya ang dapat na nakaalam ng sinabi ni Dolly sa ibang tao. Samantala,
ang pangungusap ni Dolly ay nagtatanong naman kung bakit may inilihim si
Myra, o bakit hindi sinabi sa kanya ang dapat sana'y sinabi ni Myra. Pareho
ang mga salitang bumuo sa pangungusap ng dalawang nag-uusap ngunit naiba
ng puwesto ang pariralang “sa akin”. Ang pagkakaibang iyon ng puwesto ng
isang maikling parirala ay nagpabago sa kahulugan ng dalawang pangungusap.

4. Pagsusunud-sunod Ng Mga Sangkap Ng Pangungusap

Maganda ang pagsusuri na ginawa nina Batnag et al. (2011) tungkol dito.

Tingnan ang mga halimbawa:


1. Kinain ng pulis ang pansit sa ilalim ng tulay.
2. Sa ilalim ng tulay kinain ng pulis ang pansit.
3. Sa ilalim ng tulay kinain ang pansit ng pulis.
4. Kinain ang pansit ng pulis sa ilalim ng tulay.
5. Kinain sa ilalim ng tulay ng pulis ang pansit.
6. Kinain ng pulis sa ilalim ng tulay ang

pansit

Katanggap-tanggap ang mga pangungusap 1-6 ngunit magkakaiba ng


kahulugan. Ang bilang 1 at 6 ay halos parehong-pareho ng kahulugan,
bagama't parang medyo asiwa ang sa 6 dahil karaniwan na ang simuno ng
pangungusap (pansit) ay nauuna kapag may pariralang nagsaad ng lugar (ilalim
ng tulay).

Sa bilang 2, sinasabing sa ilalim ng tulay (hindi sa itaas o saan pa man)


ginanap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Sa bilang 3, ang pansit ay pag-aari
ng pulis ngunit hindi tiyak kung siya rin ang kumain nito. Sa bilang 4, hindi rin
binanggit kung sino ang kumain ng pansit. Sa bilang 5, hindi na binanggit
kung sino ang kumain ng pansit, ngunit inaari na ng pulis ang tulay—tulay ng
pulis.

Iba pang halimbawa: Magkaiba ba o hindi ang kahulugan ng dalawang


pangungusap sa ibaba? Bakit?
5. Hindi ko naman sa iyo ito ibinibigay.
6. Hindi ko naman ito ibinibigay sa iyo.

Alin sa dalawa ang mas malinaw? Bakit?


3. Layon ng aralin na masagot ang mga tanong nang tama.
4. Layon ng aralin na masagot ng tama ang mga tanong.
5. Ang Ayos Ng Pangungusap

Tinatawag na karaniwan at di karaniwan ang ayos ng pangungusap sa Filipino.


A.Karaniwan- nauuna ang panaguri kaysa paksa
a. Namigay ng libreng gamot ang mga empleyado ng DOH.
B.Di karaniwan- nauuna ang paksa kaysa panaguri, at ginagamit dito ang
panandang “ay”.
a. Ang mga empleyado ng DOH ay namigay ng libreng gamot.

6. Mga Di-Ganap Na Pangungusap

Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, ang pangungusap na di- ganap ay isang
sambitlang may panapos na himig sa dulo (De Dios at Lozano, 2014). Ito ay inuri
niya sa sumusunod:
1. Eksistensyal
1.a. May tao sa silong.
2, Paghanga
2.a. Ang tangkad niya!
3.Matinding damdamin
3.a. Aray!
4. Nagsasaad ng panahon
4.a. Bumabagyo.
5. Pagtawag
5.a. Halika rito.
6. Pagbati
6.a. Kumusta ka?
7. Pormularyong panlipunan
7.a. Tao po!
8. Pagpapaalam
8.a. Aalis na po kami.
9. Pampook ( bilang sagot sa tanong)
• Saan ka galing? Sa Cavite.

7. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit

1. Pasalaysay o Paturol- gumagamit ng bantas na tuldok at nagpapahayag ng


pangyayari, kaisipan at katotohanan.
1.a. Bilang pangulo ng samahan, sa kanya ang lahat na
responsibilidad.
1.b. Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
2. Pautos/Pakiusap- nag-uutos o nakikiusap; ginagamitan ng kuwit kung
may pagtawag, at tuldok sa hulihan.
2.a. Humiga na lang po kayo, inay.
2.b. Tulungan mo si Andres.
3. Patanong- ginagamitan ng bantas na pananong; nagtatanong at
nagnanais na makaalam hinggil sa isang bagay.
3.a. Kaya mo bang buhatin 'yan?
3.b. May tampuhan ba kayo ni Greg?
4.Padamdam- nagsasaad ng paghanga o matinding damdamin.
Gumagamit ito ng tandang pandamdam (!) sa hulihan.
4.a. Bilisan mo! Parang papatak na ang ulan!
4.b. Naku! Ang daming langgam dito!

8. Ang Mga Pangatnig

Conjuction sa Ingles ang pangatnig. Ito ay mga kataga o salitang nag-


uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay na pinagsunod-sunod sa
pangungusap.
1. Nag-uugnay ng dalawang salita
a. Mahirap paghiwalayin sina Bert at Laica.
b. Ang musika at sining ay bahagi ng mga paksa sa MAPEH sabdyek sa hayskul
2. Nag-uugnay ng dalawang parirala
a. Pakikinig sa musika at pagsusulat ng tula ang hilig ni Leandro.
3. Nag-uugnay ng dalawang sugnay
a. Si Emma ang tagapagdisenyo ng gown ni Pia at si Laylay
naman ang tagapagdisenyo ng barong ni Miguel.

a.Mga Cohesive Devices

Cohesive devices ang tawag sa mga salita at pariralang nag-uugnay ng mga


salita, parirala, at sugnay sa loob ng pangungusap, ng mga pangungusap sa loob
ng talata at ng mga talata sa loob ng komposisyon Ang mga pangatnig ay
nagsisilbing cohesive devices bagamat may mga pariralang ginagamit ang mga
manunulat at mambibigkas upang matamo ang kaisahan ng isang pahayag o
komposisyon (Casanova et al., 2001).

Mga halimbawa ng cohesive devices:

1. taliwas sa, taliwas sa mga, batay sa, batay sa mga, batay kay, batay kina, ayon
sa, ayon sa mga, ayon kay, ayon kina, marahil, siguro, bukod dito, alinsunod sa,
alinsunod sa mga, gayon din, ganoon din, batay sap ag-aaral, batay sa
pananaliksik, batay sa resulta, batay sa ulat/ report, alinsunod sa, alinsunod sa
mga, kaugnay nito, kaugnay ng mga ito, samakatwid, halimbawa, bilang
halimbawa, gayon pa man/gayunpaman, may posibilidad na, bilang konklusyon,
bilang pangwakas, hindi maitatatwa na, noong mga nakaraan, noong lumipas na
panahon, sa kasalukuyang panahon, atbp.
J. Ang Gamit ng Mga Cohesive Devices (Casanova et al.,2001).

1. Pagpapahayag ng pagdaragdag (ganoon din/gayundin; at saka; bilang;


karagdagan/dagdag pa rito; riyan/roon; at saka, hindi lamang; pati na)
a. Nagkamit ng internasyonal na parangal si Miriam Defensor-Santiago,
gayundin sina Jovito Salonga at Jose Diokno.
b. Hindi lamang ang mga mayor ang dumalo sa meting, pati na ang mga
konsehal.
2. Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan (maliban sa/ maliban sa mga; kay/kina;
bukod kay/bukod kina; bukod sa/bukod sa mga)
a. Bukod sa mungkahing iniharap ni Bb.Dugayo sa miting, mayroon ding iniharap
si Gng. Mino.
3. Pagpapahayag ng dahilan-resulta ng isang pangyayari o kaganapan (kaya; kaya
naman; dahil; dahil sa; dahil sa mga; dahil kay; dahil kina; pagkat; sapagkat; dahil
dito; bunga nito)
a. Dahil sa mahusay ang pagpapatupad ng mga ordinansa, umunlad ang lungsod
ng Passi.
4. Pagpapahayag ng kondisyon-bunga/kinalabasan (sana; kung; kapag; sa
sandaling; basta't)
a. Sa sandaling tinatangkilik natin ang sarili nating mga produkto, uunlad ang
ating ekonomiya.
5. Pagpapahayag ng taliwasan, salungatan o kontrast (pero; ngunit; sa halip; kahit;
kahit na)
a. Kahit na kakaunti ang mga kasapi ng samahan, naisulong pa rin nito ang
kanilang adhikain.
6. Pagpapahayag ng pananaw o punto de bista (ayon sa; ayon sa mga; ayon kay;
ayon kina; batay sa; batay sa mga; batay kay; batay kina; para sa; para sa mga; para
kay; para kina; mula sa pananaw ng; sa paningin ng; sa paningin ng mga;
alinsunod sa)
a. Alinsunod sa bagong batas, bawal na ang kontrakwalisasyon.
7. Pagpapahayag ng pagsang-ayon, di- pagsang-ayon at di-ganap na pagsang-ayon.
(kung gayon; kung ganoon; dahil dito, samakatwid; kung kaya)
a. Malaki ang badyet na inilaan para sa Kagawaran ng Edukasyon. Kung gayon,
walang dahilan upang hindi kumuha ng dagdag na sweldo ang mga guro.
8. Pagpapahayag ng probabilidad, kakayahan, o paninindigan (maaari; pwede;
posible; marahil; siguro; sigurado; tiyak).
4. Posibleng maubos ang suplay ng bigas kapag hindi tayo umangkat sa
ibang bansa.
9. Pagpapahayag ng pagbabago ng paksa o tagpuan (gayunman; ganoon pa man;
gayunpaman; sa kabilang dako; sa kabilang banda; sa isang banda; samantala)
5. Malayo na ang narating ng mga feminista. Sa kabilang dako, ang
mga LGBTQ+ ay nagsusumikap pa ring matanggap nang lubusan ng
ating lipunan.
10. Pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya, pagbubuod at paglalahat (sa
madaling salita; sa madaling sabi; bilang paglilinaw; kung gayon; samakatwid;
kaya; bilang pagwawakas; bilang konklusyon)
a. Bilang pangwakas, nais kong ipaalam sa inyong lahat na ang inyong dagdag
na sahod ay ibibigay na bukas.
11. Pagpapahayag ng halimbawa (bilang halimbawa; ilan sa mga halimbawa)
a. Ilan sa mga halimbawa ng prutas ay mangga, bayabas at papaya.
12. Pagpapahayag ng pagpapatunay (bilang pagpapatunay; patunay nito).
a. Disiplinado na ang mga S T E M Section 2 . Patunay nito, sila'y pumipila sa
pagbibili ng aklat sa CPU Student Service Enterprise.
13. Pagpapahayag ng kabaligtaran/taliwasan (taliwas nito; taliwas rito; taliwas
riyan; taliwas sa ulat; taliwas sa paniniwala; bagkus)
a. Taliwas sa naunang ulat, dalawampu lamang ang nabigyan ng pabahay.
14. Pagpapahayag ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari (kasunod nito;
kasunod niyan).
a. Natapos na rin ang imbestigasyon tungkol sa kontrobersya ng Dengvaxia.
Kasunod nito, ihain na rin ang kaso laban sa mga kinauukulan.
15. Pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata (kaugnay nito,
kaugnay niyan)
a. Laganap ang droga. Kaugnay nito, lumalaganap din ang krimen.
16. Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari (kasabay nito, kasabay
niyan, kaalinsabay nito' kaalinsabay niyan)
a. Tayo ngayo'y nasa panahon na ng teknolohiya. Kaalinsabay nito, dapat na
maging computer literate ang bawat isa.

K. Kohesyong Gramatikal

Kohesyong gramatikal ang mga salitang nagsisilbing pananda upang


maging hindi paulit-ulit ang mga salita
(https://www.slideshare.net/mobile/charlenedianereyes/ kohesyong-gramatikal-at-
uri-ng-pang-abay).

Halimbawa:
• Sa erport na ito tayo unang nagkita, dito kita unang nakilala.
• Si Vangie ang bunso sa magkakapatid. Siya ang natatanging babae sa kanila.

Dalawa ang Kohesyong Gramatikal:


• Anapora- panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.
• Kung papasok si Abner sa klase bukas, pakisabi lang na ibig ko siyang
makausap.
• Katapora- panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.
• Nabili niya ang pinapangarap na SUV, kaya masayang-masaya na si
Joshua.

90
L. Mga Uri ng Pangatnig

1. Nag-uugnay ng magkatimbang na yunit


a. Pamukod - o, ni, maging, man
b. Panalungat o paninsay- at, pati, maging, subalit, ngunit, datapwat
bagaman, saka, habang
2. Nag-uugnay ng di- magkatimbang na yunit
a. Panubali- kung, kapag/pag
b. Pananhi- dahil sa, sapagkat/pag
c. Panlinaw- kaya, kung gayon, sana
M. Mga Uri ng Sugnay

Ano ang sugnay? Tinatawag itong “clause” sa Ingles. Lipon ito ng mga
salitang may paksa at panaguri na maaaring buo o hindi ang diwa.
1. Sugnay na makapag-iisa- nagtataglay ng buong diwa o kaisipan
1.a. Tapos ko na ang aking takdang-aralin dahil ginawa ko ito kagabi.
1.b. Maiiwasan ng mga bata ang sakit tuwing tag-araw kung palagi silang
umiinom ng Vitamin C.
2. Sugnay na di- makapag-iisa- hindi buo ang diwa ng ipinahahayag;
mayroon ding paksa at panaguri.
2.a. Tutulungan ko sina ama at ina kung ako ay makakapagtapos ng aking
pag-aaral.
2.b. Labis ang pagtitipid ng mga ilaw ng tahanan dahil sa mahal ang mga
bilihin ngayon.

N. Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian

1. Payak- nagpapahayag ng isang diwa o kaisipan.


1.a. Mahal ang mga bilihin ngayon.
1.b. Dapat nating ingatan ang ating likas na yaman.
2. Tambalan- pinag-uugnay sa isa ang dalawa o mahigit pang mga
kaisipan. Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang mga payak na
pangungusap o dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-
uugnay ng mga pangatnig tulad ng: at, saka, pati, ngunit, datapwat,
subalit, maging.
2.a. Maglalaba sana ako ngunit walang tubig na maaaring gamitin.
2.b. Si Betty ay magluluto at ikaw ay maglilinis ng bakuran.
3. Hugnayan- binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa o higit pang sugnay
na makapag-iisa. Pinag-uugnay ito ng kung, kapag, samantala, habang,
sapagkat, upang, nang, dahil sa, palibhasa, na at nang.
3.a. Nasira ang kamera habang ginagamit ng anak niya.
3.b. Guguho ang mundo kung mawawala ka sa piling ko.
4. Langkapan- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang sugnay makapag-iisa at

91
isa

92
pang sugnay na di- makapag-iisa.
4.a. Si Remia ay mag-aaral ng Tourism Management at si Lucy ay
kukuha ng kursong Hospitality Management palibhasa'y hilig nila ang
mga ito.
4.b. Nang magkaroon ng meting, ang tagapayo ay hindi dumating at ang
tagapangulo naman ay nagkasakit.

O. Pagbuo ng Pangungusap

May kaisahan ang pangungusap kung ang bawat bahagi nito ay


tumutulong para maihayag nang malinaw ang pangunahing diwa nito. Upang
matiyak ang kaisahan sa pagbuo ng pangungusap, dapat tandaan ang sumusunod
(Bernales et al., 2012):
a. Dapat nagkakaisa ang mga aspekto ng pandiwa (tenses of the verb) sa
pangungusap.
Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwian na ang mga estudyante ni G.
Cruz. Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga estudyante ni G.
Cruz.

b. Huwag pagsamahin sa pangungusap ang hindi magkakaugnay na kaisipan.


Di-magkakaugnay: Hindi uunlad ang ating bansa kapag hindi natin ito
minamahal, at nahilig tayo sa kalayawan.
Wasto: Hindi uunlad ang ating bansa kapag hindi natin ito minamahal.

c. Tiyakin ang timbang na ideya at paralelismo sa loob ng pangungusap.


Di-timbang: Matapos magsilaro ay agad na nagbalot ng gamit ang mga
atleta.
Timbang: Matapos magsilaro ay agad na nagsipagbalot ng mga gamit ang
mga atleta.
Di-paralel: Ang pag-eehersesyo at masustansyang pagkain ay mahalaga
sa pagpapabuti ng ating kalusugan.
Paralel: Ang pag-eehersesyo at pagkain ng mga masustansyang
pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

d. Gawing malinaw sa pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at ang


pantulong na sugnay.
Hindi malinaw: Dahil sa ayaw ko iyon, hindi ko binili ang
relo. Malinaw: Dahil sa ayaw ko sa relo, hindi ko iyon binili.

e. Gamitin ang tinig na balintiyak ng pandiwa kapag ang simuno ng


pangungusap ay hindi siyang gumagawa ng kilos.
Mali: Si Christine ay kinuha ang lumang aklat sa mesa.
Tama: Ang lumang aklat sa mesa ay kinuha ni Christine.
Tama: Kinuha ni Christine ang lumang aklat sa mesa.
f. Huwag ilayo ang salitang panuring sa tinuturingang salita.
Malayo: Maganda ang musikang pinakinggan ko talaga.
Malapit: Maganda talaga ang musikang pinakinggan ko.

g. Sa Filipino, nauuna ang panaguri kaysa simuno sa karaniwang ayos ng


pangungusap.
Nauuna ang simuno: Si Julius ay mabait na
bata. Nauuna ang panaguri: Mabait na bata si
Julius.

h. Iwasan ang pagsama-sama ng maraming kaisipan sa isang pangungusap.


Hindi mabisa: Ang pag-eehersisyo gaya ng paglalaro ng basketbol tuwing
walang pasok ng mga batang lalaki ay nakaaaliw.
Mabisa: Ang pag-eehersisyo, gaya ng paglalaro ng basketbol ay
nakalilibang.

P. Mga Bahagi ng Pananalita (Parts of Speech)

Ang balarila o gramatika ng wika ay nakasalalay sa mga salitang


pangnillaman. Ang mga ito ay siyang nagtatakda ng mga pangunahing
kahulugan (Maglaya et al.,2003). Ang mga bahagi ng pananalita sa Filipino ay:

1. Pangngalan- panawag ito sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari.

Mga Uri ng Pangngalan:


a. Pantangi- tanging pangalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari;
isinusulat na nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa: Mario, Brownie, Bicol, Linggo ng Wika
b. Pambalana- tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay,
pook, o pangyayari.
Halimbawa: bata, kambing, aklat, nayon, piyesta

Kailanan ng Pangngalan
a. Isahan- Hal: ang kapatid, si nanay, ang gumamela
b. Dalawahan- Hal: magkapatid, dalawang nanay, dalawang gumamela
c. Maramihan- Hal: magkakapatid, mga nanay, mga gumamela

Kasarian ng Pangngalan
1. Panlalaki- lolo, ama, kuya, ninong, tandang, Don Juan
2. Pambabae- ina, modista, ate, ninang, dalaga, Gng. Ramos
3. Di-tiyak (di alam kung lalaki o babae)- mag-aaral, pamangkin,
panauhin, guro
4. Walang kasarian- (nauukol sa mga bagay at lugar) – Boracay, lunsod,
puno, papel, aklat, Rose Memorial Auditorium
Kalikasan ng Pangngalan

a. Likas- kung ito ay talagang salitang Filipino sa mula't mula pa at ito ay


salitang-ugat (root word).- tala, ilog, araw bathala, apoy, ligaya
b.Likha- kung ito'y yari ng mga pantas sa wika o dalubhasa sa wika;
agham, talatinigan, sining, balarila
c. Ligaw- mga salitang hinango o hiniram sa mga salitang banyaga –
demokrasya, hopia, butones, relihiyon

Kayarian o Anyo ng Pangngalan

1.Payak- binubuo ng salitang-ugat lamang.- radyo, musika, tasa, isda


2.Maylapi- binubuo ng salitang maylapi- magpinsan, kabataan, palayan,
bukirin
3. Inuulit- ang salitang-ugat o unang pantig ng salitang-ugat ay inuulit-
bahay-bahay, araw-araw, ari-arian
4. Tambalan- dalawang salitang pinagtambal upang makabuo ng bagong
salita- silid-aralan (tambalang ganap), bahaghari (di-tambalang ganap)

2. Panghalip- salitang panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at


pangyayari

Mga Uri ng Panghalip


3.Panao- panghalili sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari.
May tatlong panauhan ito: unang panauhan, ikalawang panauhan,
ikatlong panauhan.
• Unang panauhan- ako, ko, kami tayo
• Ikalawang panauhan- ikaw, ka, kayo, inyo, ninyo
• Ikatlong panauhan- siya, sila, nila, kanya, kanila
4. Pamatlig- panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, bagay, pook
at pangyayari ito, iyan, iyon, dito, doon, ganito, ganyan, ganoon,
ganire
5. Pananong- ginagamit sa pagtatanong ng tao, bagay, pook, at
pangyayari sino, ano, alin, kanino, magkano, kailan, ilan sino-sino,
atbp.
6. Panaklaw- nagsasabi ng dami o bilang ng tao, bagay, pook at
pangyayari kapwa, lahat, madla, sinuman, alinman,pawang, anuman

3. Pandiwa- nagsasaad ng kilos o galaw ng lipon ng salita sa mga pangungusap

Mga Aspekto ng Pandiwa


1. Perpektibo- kapag ang kilos ay nasimulan at natapos na: nagbasa, sinabi,
itinago, sinamahan, natulog, tumakbo
2. Imperpektibo- kung ang kilos ay sinimulan na ngunit itinutuloy pa o
kasalukuyang nagaganap: nagbabasa, sinasabi, sinasamahan, natutulog,
tumatakbo

3. Kontemplatibo- kapag ang kilos ay gagawin o mangyayari pa lamang:


mag-iipon, bibigyan, sasali, tatakbo, ipagsasabi, aayusin
Mga Tinig ng Pandiwa
Dalawa ang tinig ng pandiwa: Tukuyan at Balintiyak
A. Tukuyan- (active voice) kapag ang paksa/simuno ay siyang
gumagawa ng kilos
1. Mga Brgy. Tanod ang humabol sa mga pasaway na lalaki.
B.Balintiyak- (passive voice) kapag hindi ang paksa o simuno ang
gumanap sa kilos ng pandiwa.
1. Ang mga pasaway na lalaki ay hinabol ng mga Bgy. Tanod.

4. Pang-uri
Ito ang mga salitang nagpapahayag ng katangian o mga
salitang naglalarawan.
Kaantasan ng Pang-uri:

1. Lantay- nag-iisa lamang ang tinutukoy o inilalarawan.


• Masipag na estudyante si Winston.
7. Pahambing- kapag may pinagtutulad o pinag-iiba. Dalawa ang uri
nito: magkatulad at di-magkatulad.
• Simbango ng shampoo ni Elena ang shampoo ni Novie.
• Higit na gusto ni Eric ang pagsayaw kaysa paglalaro ng
basketbol.
8. Pasukdol- ipinakilala nito ang pinakatampok sa lahat, o nangunguna sa
lahat ang katangian. Makikilala ito sa pamamagitan ng marker na:
di- hamak na, lubha, lalo, totoo, sukdulan ng, ubod ng, hari ng,
napaka, pinaka, saksakan ng.
• Totoong tapat sa kanyang kapwa si Punong Bgy. Jose del
Rosario.
• Ubod ng ganda ang reyna sa piyesta.
• Si Alice ang pinakamatalino sa klase.

Mga Pang-uring Pamilang

a. Patakaran/Kardinal- likas ang mga bilang na ito


Halimbawa: isa, dalawa…..sandaan, sanlibo, sanlaksa (10,000)
sangyuta (100,000) sang-angaw/sangmilyon, sangbilyon
b. Panunuran/Ordinal- mga bilang na naghahayag ng pagka sunud-
sunod, pagkakahanay, baitang o antas.
Halimbawa: una/pang-una, pangalawa/ ikalawa, pansampu/ikasampu
c. Pamahagi/Fraksyunal- ginagamit sa pagbabahagi o pagbubukod ng
ilang hati sa isang kabuuan.
Halimbawa: kalahati (1/2), tigsampu, 5 porsyento
d. Patakda- ginagamit sa pagsasabi ng tiyak na bilang; nasa anyo ng
parsyal na pag-uulit
Halimbawa: iisa, dadalawa, lilibuhin, dadaanin

5. Pang-abay- bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, sa pang-uri o


kapwa pang-abay.
Halimbawa: Nagbibigay turing sa Pandiwa:
1. Malumanay niyang sinabi sa ama niya ang totoong nangyari.
Halimbawa: Nagbibigay turing sa Pang-uri
1. Totoong masikap na anak si Leandro.
Halimbawa: Nagbibgay turing sa kapwa Pang-abay
1. Talagang maraming kinuha sa bukid ang mga magsasaka.

Mga Uri ng Pang-abay


1. Pamanahon- sumasagot sa tanong na kailan at nagsasaad ito ng panahon.
• Balang-araw ay magtatagumpay rin siya bilang abogado.
9. Panlunan- nagsasaad ng pook o lunan at sumasagot sa tanong na saan.
• Maghintay ako sa aklatan kung hindi tayo magkita sa OV-205.
10. Panggaano- sinasaad nito ang dami, bilang, o halaga ng binabanggit
na pandiwa sa pangungusap.
• Maraming naghihitay na mga mag-aaral sa opisina ng Registrar.
11. Pamaraan- sinasabi nito kung paano naganap ang kilos ng pandiwa.
• Patakbong sinalubong ni Myka si Ramil.
12. Pang-agam- nagpapahayag ng pag-aalinlangan o kawalan ng katiyakan
• Tila hahabulin ng aso ang pusa na iyon.
13. Panang-ayon- nagsasaad ng pagkatig o pagpayag
• Totoong matulungin ang kanilang mayor.
14. Pananggi- nagsasaad ng pagsalungat, pagtanggi o pagbabawal
• Huwag mong galawin ang larawan sa mesa.
15. Panulad- ginagamit sa paghahambing ng kilos o galaw ng pandiwa o
kaya'y paghahambing ng mga pang-uri.
• Lubhang masipag magbasa at magbalik-aral ang pinsan niya.
9. Panunuran- tumutukoy sa ayos ng pagkakasunud-sunod sa hanay o
kalagayan
• Kahuli-hulihang nagsalita ang paborito kong kandidato.
10. Pamitagan- nagsasaad ng paggalang o pagsasaalang-alang
• Mawalang-galang nga po. Pwede bang magtanong?
11. Pananong- ginagamit ito sa pagtatanong
• Gaano ba kadalas ang pagkikita ninyong tatlo?
12. Panturing- nagsasaad ng pagkilala ng utang na loob o kasiyahang loob
• Salamat na lamang at di ka pinarusahan ng iyong ina.
Subukin Natin
PAGSUSULIT BILANG 10

Pangalan: Kurso/Taon: Iskor:


Oras ng Klase: Petsa

I. Ayos ng Pangungusap
Panuto: Gawing di-karaniwang pangungusap kapag ang pangungusap ay
karaniwan, at gawing karaniwang pangungusap kapag ito'y di-
karaniwan:

• Ang mga estudyante ay abala sa paggawa ng kanilang proyekto.

• Mahusay na basketbolista ng Lucrias University si Adrian.

• Nag-usap ang mga empleyado at administrasyon ng Zheka


Department Store tungkol sa bagong eskedyul ng kanilang bakasyon.

• Ang globalisasyon ay daan tungo sa malayang kalakalan.

• Inatasan ng Presidente ang mga pinuno ng iba't ibang ahensya ng


gobyerno na maging tapat sa kanilang tungkulin.

II. Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit


Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit. Isulat ang iyong
sagot sa patlang sa kaliwa. Lagyan ng tamang bantas ang bawat
pangungusap:

1. Nagkamit ng unang gantimpala ang kalahok ng unang grupo

2. May kasama ba siya sa kanilang bahay

3. Aray Ang sakit ng daliri ko

4. Pakilagay ng mga aklat na ito sa ating aklatan


5. Huwag Huwag mo kaming saktan

III. Pagbuo ng Pangungusap


Panuto: Dugtungan ang mga sumusunod upang maipahayag ang
isang katanggap-tanggap na pangungusap:

• Umuunlad na ang lungsod ng Iloilo


2. Para sa maganda kong
kinabukasan_______________________________

- Tungkulin ko bilang anak sa aking mga magulang


_______________________________________________________
___

- Kapag tapos na ako sa aking pag-aaral


_________________________________________________________
___

- Tangkilikin ko ang sariling atin

IV. Aspekto ng Pandiwa


Panuto: Salungguhitan ang pandiwa sa bawat pangungusap at tukuyin ang
aspekto nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa kaliwa:

1. Nilabhan ni ina ang aking barong.

2. Ayon sa kaniya, gagawin namin mamaya ang aming takda

3. Si Dolfo ay sumusulat ng kaniyang talumpati.

4. Bukas ko na lamang ibibigay sa iyo ang pera.

5. Isang kundiman ang inawit ng nanalo sa timpalak.

V. Bahagi ng pananalita
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang nakapahilis na salita
sa loob ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang sa kaliwa:

1. Matapang ang mga bayani ng Pilipinas.

2. Si Jerry ay gumawa ng kanyang takda kahapon.

3. Ipinansulat ni Efren ang bago niyang bolpen.

100
4. Kasimputi ng kanyang polo ang binili kong panyo.

5. Dapat tayong magtutulungan para sa ikauunlad ng ating


bayan.

VI. Cohesive Devices


Panuto: Gamitin sa iyong sariling pangungusap ang sumusunod na
cohesive devices at tukuyin kung ano ang ipinahahayag ng bawat isa:

1. gayundin

101
2. dahil dito

3. samakatwid

4. batay sa mga

5. sa kabilang dako

VII. Pagbuo ng Pangugusap


Panuto: Iwasto ang sumusunod upang makabuo ng tumpak at
katanggap- tanggap na pangungusap:

1. Si Roel ay sinulat ang tula tungkol kay Balagtas.

2. Iwasan ang sobrang pagtetext dapat ng mga estudyante.

102
3. Dumating ang anak niya agad sa ospital.

4. Tapos na ang programa at sila’y dumating.

5. Matapos ang mga bata magsilabasan ay agad nagpaalam kay Gng.


Lamzon.

103
Ikatlong Bahagi

MGA PANANALIKSIK
SA WIKANG
FILIPINO
AT KULTURANG PILIPINO

103
Aralin 15
MGA SALITA SA FILIPINO
NA WALANG TIYAK NA TUMBAS SA
INGLES

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


naipaliwanag ang konseptong taglay ng mga salita sa Filipino na walang tiyak na tumbas s
nakapagbahagi sa klase ng resulta ng sarbey o pagtanong-tanong hinggil sa implikasyon o
nakalahok sa laro na “Gulong ng Salita” na may sapat na kasiyahan at pagkatuto sa kahulu

Talakayin Natin
Isa sa mga katangian ng bawat wika sa mundo ay may sarili itong
kakanyahan. Ito ang taglay na kalakasan ng isang wika na ikinatatangi sa iba.
Pinalilitaw ng katangiang ito ang kapangyarihang maaaring maidudulot nito sa
pagpapayabong ng wikang ito para sa komunikasyon ng mga taong gumagamit
nito. Ang kakanyahang ito ng wika ay nagpapayabong din sa panitikan nito,
gayundin ang mga gawaing pananaliksik sa larangang pang-akademiko.
Napakahalagang papel ang ginagampanan ng wikang Filipino sa edukasyon;
lunsaran ito ng karunungan at tulay sa pag-unlad ng bansang gumagamit nito.

Ang Filipino na kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas at opisyal na


wika (de jure at de facto) ay may kanya ring natatanging kakanyahan. Isa sa mga
nakakatawag pansin sa wikang ito ay ang mga salitang ginagamit ng masang
Pilipino sa kanilang pang-araw-araw na pakikihalubilo sa kapwa Pilipino o dayo.
Makikita sa mga salitang ito o pahayag kung paano ang isang Pilipino mag-isip,
magdamdam, magpahayag ng sariling perspektibo sa mga bagay-bagay na
nakapaligid sa kanya. Ang mga salita o pahayag na ito ay may malaking
kaugnayan sa mga paniniwala, at sariling persepsyon ng bawat Pilipino sa
isang sitwasyon o sa isang tao. Ito'y maaaring nagbibigay ng kahulugang
positibo o negatibo, depende sa konteksto ng pinagagamitan nito. Sinasabi na ang
mga salitang ito ay walang katumbas o salin sa Ingles. Kung mayroon man ay
hindi na tuwiran ang pagpapahayag kundi ang paliwanag na mismo o ang
konsepto na kailangang maintindihan ng nakikinig lalong-lalo na.

104
Ilan sa mga salitang Filipino na walang tiyak na tumbas sa Ingles ay
makikita sa manghad sa ibaba:

basta ewan baduy panghi


umay baldog lambing kuwan
bangungot kilig pitik usog
tampo pasma pagpag gigil
sumbat ngilo pasalubong libag
kaning tutong ngalay kulit sigurista
alimpungat pikon daw diskarte
pambahay sayang lihi sumbat

Gawin Natin
1. Saliksikin ang kahulugan ng mga salitang ito at alamin ang etimolohiya
(pinagmulan) at konteksto/sitwasyon na kadalasang ginagamit ang mga ito sa
komunikasyon.

2. Magkaroon ng sarbey o magtanong-tanong sa mga tao kung ano ang maaaring


implikasyon o ipinapahiwatig sa pagsambit o paggamit ng mga salitang ito sa
nagsasalita at higit sa lahat sa kinakausap.

3. Magsaliklik pa ng mga dagdag na salita sa listahan na walang tiyak na tumbas


sa Ingles. Maaari ring mga salitang/terminolohiyang rehiyunal na walang tiyak
na tumbas sa ibang wika (Tagalog o Ingles) at ibahagi sa klase ang kahulugan.

4. Maghanda ng isang laro sa klase na may pamagat na “Gulong ng Salita”.

Mga kagamitang kailangan: kardbord na denisenyong gulong (wheel).


Hatiin ito sa walo na may leybel na: “Lights kamera aksyon”, Ala-Juan Luna
Mo Ako”, “Tunog Mo, Tugma Ko”, “Pakahulugan Mo Ako”, “Bahagi ako ng
Pananalita”, “I- pangungusap Mo Ako”, “Kasingkahulugan Ko”, “Kasalungat
Ko”.

Mekaniks: a. Bubunot ang mag-aaral/manlalaro ng salita sa basket.


b. Paikutin nito ang gulong at kung saan nahinto na leybel ay
yaong gagawin ng mag-aaral/manlalaro. Hanggang sa lahat ay
nagkaroon ng panahong makalahok sa laro.
Aralin 16
ANG KONSEPTO NG PANAHON
SA KONTEKSTO NG KULTURANG FILIPI

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


nakalista ng mga mahahalagang konsepto mula sa artikulo na may kaugnayan sa konsept
naaanalisa ang nagagawang impak ng oras sa mga personal na karanasan;
naibabahagi sa klase ang resulta ng mga gawaing pananaliksik sa lipunan at sa mga sanggu
natutukoy ang mga katangiang Filipino sa pagsasagawa ng mga gawain; at
aktibong nakakalahok sa mga gawain sa loob at labas ng klase.

Talakayin Natin
Mapupuna palagi sa mga idinadaos na programa sa bansa ang hindi
pagsisimula nito sa itinakdang oras, wika nga “Filipino Time” na palaging
inihahambing sa “American Time”. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Maggay
(2002), napag-alamang hindi nagkukulang ang mga Filipino sa pagsasaalang-
alang ng oras. Idinagdag niya na mayaman ang wikang Filipino sa mga
salitang may kinalaman sa oras, at maraming mga salawikain na nagsasaad ng
kahalagahan ng pagiging maagap at paghahanda sa anumang mangyayari sa
kinabukasan ng mga Pilipino. Maraming pagkakatong dumarating sa takdang
oras ang karamihan sa mga Pilipino; mas maaga pa minsan; hindi pumapalya sa
pinagkasunduang usapan, at mabilis na isinasagawa at tinutupad ang takdang
harapin at tapusin.

Tinalakay sa bahaging “Ang Panahon sa Ating mga Interaksyon” sa aklat


ni Maggay (2002) na “Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino”
ang mga dahilan kung bakit balewala sa mga Filipino ang mahuli, at gagawin ang
lahat huwag lamang mahuli. Binalangkas sa bahaging ito ng kanyang aklat ang
pag-unawa ng Filipino sa konsepto ng panahon, isang pagkakaiba na madalas
pagmulan ng di pagkakaintindihan at mga lihis na pananaw. Ang mababasa sa
mga sumusunod na talakayan ay hango sa nabanggit na aklat ni Maggay.
Pangyayari bilang Panahon

Ayon sa pag-aaral ni Henson (1978, sa Maggay, 2002) sa Tiaong, Quezon


sa konsepto ng panahon, napag-alaman na ang panahon ay winawari ayon sa sari-
saring pangyayari at hindi ayon sa pormal at unipormeng sukat ng paglakad ng
orasan. Ang panahon sa mga taganayon ay tumatakbo alinsunod sa mga
pangyayaring nagaganap. Ang mga palatandaan para rito ay:

a. Pagbabago ng klima- (tag-ulan, tag-init, panahon ng mangga, panahon ng


ani atbp.)
b. Kalagayan ng lipunan o pamahalaan- (noong panahon ng Hapon, noong
umupo ang Ita bilang kapitan del baryo atbp.)
c. Pagbabago sa kanilang kamalayan o pagkatao- (“noong kabataan”, “noong
kalakasan” atbp.)
d. Ang pagdating ng mga makabagong bagay at pamamaraan sa
pamumuhay- (nang magkaroon ng elektrisidad sa baryo atbp.)

Tinitingnan ang panahon sa pananaw na ito bilang goma na elastiko.


Minsan nararanasang mabilis ang takbo ng panahon, minsan napakabagal,
kabagot-bagot , dala ng kawalan ng mga pangyayari. Ang ganitong pananaw
sa panahon ay nakaangkla sa mga palatandaang labas sa mekanikal na pag-usad
ng orasan. Halimbawa, ang magsasaka ay hahayo na sa bukid sa pagtilaok ng
manok upang bumungkal ng lupa bago pa sumikat ang araw. Mamahinga siya
bago pa man ang katanghalian upang maiwasan ang tindi ng sikat ng araw.
Hindi ito katamaran o pagsasayang ng oras, ito'y pakikiayon sa daloy ng buhay,
sumasakay, nakikibagay sa ritmo ng kalikasan.

Madadama rin ito sa lungsod kahit na ang mga tao rito ay gumagamit ng
orasan sa paglipas ng panahon. Halimbawa, sa mga okasyon, tatawag muna at
magtatanong kung sino na ang mga dumating, kung huli na ba ito, kung nag-
umpisa na at dadating pagkaraan ng tatlumpong minuto. Marahil dahil sa pag-
iisip na hindi nagsisimula ang isang bagay dahil lamang sa pagpatak ng oras
na itinakda. Sa halip, mas matimbang na batayan ang mga personal na elemento
tulad na lamang kung sino na ang narorooon, kung mayroon nang nangyayari,
kung tunay ngang nag-umpisa o wala pa ring nangyayari. Sa mga okasyon, ang
hudyat na “oh sige na” dahil handa na ang lahat ay ang pagsisimula ng programa
at magtatapos lang kung kailangan ng magtapos. Ngunit bago nito ay maraming
hintayang naganap at pakiramdaman; o di kaya'y mabilisang pagsasaayos bago
magsimula. Magaling ang mga Pilipino sa pabilisan, sa kara-karakang pag-agap
sa nalalapit na deydlayn. Sa nangyaring Edsa Rebolusyon, makikita ang dagliang
pagsama-sama ng puwersa ng mga Pilipino sa pagkalap ng kagamitan na
kailangan sa pagnanais na magkaisa upang labanan ang baluktot na pamahalaan.
Mga Salitang Filipino na Naghuhudyat ng
Oras

Masasalamin sa wika ang pag-iral ng konsepto ng pagkamaagap sa


panahon. May mga bokabularyong nagpapahiwatig ng madalian at dagliang
pagsabay sa mga pangyayari. May mga salitang nagsasaad ng pag-aapura upang
maabutan o masakyan ang bilis ng mga nagbabantang pangyayari tulad ng:
kandarapa, rumaragasa, nagkukumahog. Kabilang din dito ang mga salitang
nagpapahayag ng kahandaang tumalima sa anumang bagay na nangangailangan
ng mabilisang pagtugon. Halimbawa: Karaka-raka, kagyat, dagli, kapagdakam.
Sinasabing ang isang bagay ay “biglaan” kung mabilis ang mga pangyayari at
hindi inaasahan “madalian” kung naganap sa madaling panahon; “mabilisan”
kung kinakailangan gawin sa gahol na panahon; at “paspasan” kung wari'y
nakikipaghabulan at humahaginit sa tulin. Hindi lingid sa kulturang Filipino ang
kababalaghang nagagawa sa pabilisan.

Mga Salawikaing Filipinong may Kaugnayan sa Oras

Ang kasabihang “Daig ng maagap ang masipag” ay matinding


nagpapahalaga sa pagagap ng pagkakatong dala ng pagkilos sa panahon kaysa
matiyaga ngunit malapagong na paggalaw sa araw-araw. Sinabi ni Balagtas na
“Kung maliligo ka'y sa tubig aagap ng hindi ng tabsing sa dagat.” Makikita ang
matalas na pandama sa kung ano ang hinihingi ng panahon, ang pagtatangi sa
kabuluhan o saysay ng pangyayaring nagaganap at hindi sa kung gaano ito katagal
o kailan sinimulan at tatapusin. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang
kabayo?” ay isa pang salawikain na malinaw na nagpapahalaga sa pagsunod sa
hinihingi ng pagkakataon. Agapan ang anumang hampas ng itinakda ng panahon,
ito'y higit na pinapahalagahan kaysa pagbibilang ng oras.

Ang mga halimbawa ay paninimbang sa panahon bilang isang


pagkakataon na dapat sundan:
“Ang mahuli sa sadsaran, baling sagwan ang daratnan”
“Pagkagaling-galing man at huli ay wala pa ring
mangyayari” “Munti man ay Malaki kung sa panahon ay
nangyari”

Ang matalas na pakiramdam sa kahinugan ng panahon, ang matunog na


paghinuha sa mga bagay na itinatakda nito, ang maagap na pagsakay sa agos at
bilis nito- ang lahat ng ito ay kapasidad na dala ng kinagisnang kamalayan
hinggil sa panahon. May katutubong pagkamaagap at matalas na pagdama sa
panahon ang Filipino. Higit itong likas, organiko, at akma sapagkat nakatutok sa
daloy at saysay ng mga pangyayari at hindi lamang sa mekanikal na paggalaw
ng mga kamay ng orasan.
“Wala pa, Heto na”

Mapapansin sa wikang Filipino na matindi at matalas ang pagkakahati ng


panahon sa dalawang kategorya ng kaganapan: ang kasalukuyang nangyayari o
nagaganap pa lamang; at ang naganap na o ang natapos ng pangyayari. Matagal
na ring napansin ng mga liggwista na hindi nagbibigay ng halaga ang Wikang
Filipino sa mga pandiwang panahunan. Maging Bisaya, Tagalog, Ilokano man,
ang sinasabing pinagkakaabalahan ay hindi ang panahunan, kundi ang isang
aksyon, kung tapos o di tapos, naganap na o hindi pa.

Sa pamamagitan ng palatandaan na gaya ng “na” at “pa”, nadiriin kung


ang isang bagay ay nagawa na o kasalukuyan pang ginaganap. Mahalaga ang
kaganapan ng pangyayari at hindi kung ginagawa ang isang pangyayari. Kahit sa
paggamit ng Ingles, napupuna na hindi sapat ang pagsabing “I am done” o “I
am finished”. Kailangang may dugtong na “already” gaya ng “I am done
already”

Sa kamalayanng Filipino, hindi maaaring pilitin ang isang proseso o takbo


ng mga pangyayari. Hindi sapat na nakaiskedyul ang isang gawain upang
ipatupad. Ang pagpaliban nito ay hindi nangangahulugang mañana habit, kundi
hinunuha na baka hindi pa napapanahon. Ang pagsabi ng “saka na” ay
nangangahulugang “Maghintay muna tayo ng tamang panahon” at di
pagpapabukas kaagad. Ang ningas kogon ay sanhi ng pagdama sa mga pagbabago
ng mga palatandaan sa pag-inog ng panahon. Bigay-todo sa simula dahil panahon
na upang bigyan ng pansin. Kung ito'y napapabayaan na sa bandang huli, dahil
sa itinuturing itong hindi na mahalaga o angkop sa tawag ng panahon.

Ito ang dahilan kung bakit mabilis sumakay sa anumang pagbabago sa


mga plano o lumihis sa mga itinakdang isasagawa ang mga Filipino. Kung hindi
susubaybayan ang katapusan ng isang bagay ayon sa pagkatatakda, malamang na
may ibang pangyayaring namamagitan na mas isinaalang-alang kaysa
kasalukuyan. Hindi nabibigla o nababalisa kung may di inaasahang pangyayari na
mag-aantala sa mga nakasalang programa dahil nakaakma ang kamalayan sa
daloy ng mga pangyayari.

Napupuna na ang mga Pilipino ay “flexible”, hindi natitinag o nababahala


sa biglaang pagsulpot ng mga pangyayari. Ito rin ang dahilan kung bakit pabago-
bago ang isip ng ilan sa pagdalo sa mga imbitasyon. Minsan ang isang
organisasayon ay tatawagan pa ang inimbatahan upang kumpirmahin kung
dadating o hindi kahit may pasabi ng “oo” sa umpisa. Inaakala na marami pa
ang mga pangyayaring di inaasahan na namamagitan mula sa panahon ng
magsabi ng “oo” hanggang sa pagdating ng itinakdang panahon.

Sanay maghintay ang Filipino, mahaba ang pisi nito sa puwang na nasa
pagitan ng pagsisimula at pagtatapos. Pag-aantabay at pag-asam na
ipinapahiwatig
sa pamamagitan ng katagang “pa”. Kung maunawaan ang kulturang
napapaloob dito, masasabing bunga ito ng pag-aantabay sa pamumukadkad ng
mga ipinunlang binhi.

Katangiang Filipino- Polychronic

Sa larangan ng chronemics, ang pagsasabay-sabay ng mga ginagawa ay


tinatawag na polychronic. Ang linear o paisa-isang paghahanay ng mga gawain
ay tinatawag na monochronic. Halimbawa ang isang tindera sa palengke na hati
ang atensyon sa iba't ibang ginagawa. Makikita din ito sa mga naglalakad sa daan
na may kakayahang tumugon sa sanib-sanib na hinihingi ng pagkakataon.
Maya-maya'y kakawa'y sa kaibigang dumaan, hihinto at makipagkwentuhan
muna sa mga nakasalubong, makikikumusta sa isa pang kaibigang naispatang
dumaan, babalik sa pakikipag-usap sa katabi, daraan sandali sa tindahan at bibili,
makipag-usap muli, at saka lamang hahayo sa patutunguhan. Minsan
tinitingnang bastos ang ganitong kakulitan at pagpapalit ng atensyon ng mga di
nakakaunawa ng kulturang Pinoy. Hindi raw marunong pumila, nag-uunahan at
nagsisiksikan, hindi taimtim sa pakikinig; walang pagpapahalaga sa kinakausap
sapagkat hindi nakatuon at kung ano-ano ang pinag-uukulan ng pansin
pansamantala. Hindi nauunawaan na ang mga bagay na ito'y dala ng pagka-
polychronic ng mga Filipino, ang kasanayang umantabay sa iba't ibang
pangyayari sa loob ng iisang sukat ng panahon.

Masasabi ring ito ang dahilan kung bakit ang mga Filipino ay hindi
nakakaramdam ng inip sa paghihintay at hindi natitinag kung mabago mang bigla
ang nakatakdang gagawin. Marami pang nagagawa ito sa paghihintay tulad ng
pagpunta sa grocery store, mag-ayos muna, magbasa ng libro at iba pang
pagkakaaliwan. Sa maikling salita, ang Filipino ay gagawa ng sari-saring
pagkakaaliwan upang magamit ang panahong nabakante.

Kaganapan at Hindi Kailan

Bukod sa nabanggit na pagka-polychronic ay ang paghahalo-halo ng


panahunan; halimbawa, “Bukas aalis na ako”. Ang kinabukasan at ang nakaraan
ay karaniwang pinagtatagpo-tagpo sa isang pangungusap. Tulad sa halimbawa,
ang gagawing paglalakbay sa kinabukasan ay isinasaad sa kaganapan nito. Sa
pamamagitan ng katagang “na” nadiriin na ang napipintong pag-alis ay
magaganap na, nariyan na, at wari'y mangyaring magmadali kung anumang
paghahanda ang gagawin para dito. Ang masalimuot na paghahalo-halo na
panahunan ay makikita sa ilang pabago-bagong gamit ng “pa” at “na” sa mga
halimbawang sumusunod:

g. “saka na”- ipagpaliban sa kinabukasan


“saka pa”- ipinagpaliban hanggang natapos na ang lahat at nahuli
h. “ngayon pa”- huli na sa ngayon; di bale na
110
i. “bukas pa”- sa malayo-layo pang hinaharap

110
“bukas na”- sa nalalapit na hinaharap
j. “Kanina pa”- nakalipas o nakaraan na
“Kani-kanina”- pansumandali pa lang; kalilipas o kararaan lang
k. “Noon pa”- matagal nang panahon ang nakaraan
“Noong noon pa”- napakatagal nang panahon ang nakakaraan

Mapapansin na ang gamit ng “pa” sa “saka pa” , “ngayon pa” at “kanina


pa” ay upang itampok ang paglipas ng pagkakataon o ng tamang panahon
sa pagsasagawa ng isang bagay. Hindi alintana kung ang panahunan nito ay
sa kasalukuyan (ngayon), sa nakaraan (kanina) o sa kahuli-hulihan (saka).
Nakatuon ang pansin sa kaganapan, sa panghihinayang o matinding pagkadama
ng nakaraang panahon at pagkakataon. Gayundin ang “na” sa “saka na” ay
nagsasaad ng pagliliban sa hinaharap; samantalang ang gamit nito sa “ngayon
na” ay bilang panggigiit na panahon na upang isagawa o harapin ang nararapat
gawin. Maliwanag ang ganitong pagsasalungat ng tinutukoy na panahunan sa
dalawang pakahulugan sa “bukas na”; ang isa ay “nagbabadya” na darating na ang
bukas at kailangang ito'y paghandaan; ang isa naman ay “ipinagpapaliban” sa
kinabukasan ang isang bagay sa kasalukuyan.

Sa Tagalog ang inaasam na pangyayari ay makikita sa mga salitang-


sandali, teka, hintay, parating na, malapit na, mamaya pa/na (pag-aantabay)
samantalang ang kaganapan o pagsapit at idiniin at minamarkahan ng nariyan na,
heto na (pag-agap sa magaganap). Ang mga ganitong linggwistikang katangian ay
senyal na sa pananaw, mahalaga ang panahon ng kaganapan at hindi ang oras
kung kalian ito naganap. Malakas ang tensyon sa pagitan ng “now” at “not
yet”, ang “naririto na” sa kasalukuyan at ang “parating pa” lang sa
kinabukasan.

Madalas ay di tiyak at lihis ang pagtatantiya ng oras; gayundin sa


pagbibigay ng direksyon, halimbawa: “nariyan lang” o “malapit lang” kahit na
ilang bundok pa ang aakyatin o batis na tatawirin. Ang “alas-nuebe” ay maaring
isang buong umaga. Ang ganitong di katiyakan ay gawa din sa pagkakatuon sa
kaganapan o daloy ng pangyayari. Madalas ginagamit ang “kanina”,
“kamakailan”, “kamakalawa”, o “noon” para sa mga bagay na nakaraan na; at
ang “samakalawa”, “bukas”, “mamaya” para sa mangyayari sa hinaharap. Walang
matinding pangangailangan na sabihin nang tiyak kung kailan naganap ito. Ang
mahalaga ay tapos na ito o bukas pa. At dahil nakatuon ang atensyon sa
pangyayaring nagaganap, hindi istandardisado ang pagbibilang ng panahong
lumipas. Maaaring sa kamalayan ang isang bahagi ng panahon ay mahaba o
maikli, mabilis o makupad, depende sa ginagamit na sukatan.

Ang mga Filipino noong unang panahon ay nagbibilang ng oras ayon sa


posisyon at init ng araw. Nahuhulaan nila nang tiyak at masinop ang takbo ng oras
sa isang araw kahit walang orasan. Sa mga Bisaya at Tagalog halimbawa,
ginagamit ang ganitong mga salita sa umaagos na panahon:
111
Tigburugtu- alas-kwatro ng umaga; madaling-araw-agaw-dilim ang
liwanag Bukang-liwayway- mga bandang alas-singko ng umaga; sumilip
na ang araw

112
Paranugpu- alas-seis ng umaga; oras ng pagpapagaspas ng pakpak ng
mga manok
Kasikatang-araw- bandang alas-diyes ng umaga
Tig-ilitlog- malapit na sa katanghalian; oras ng pangingitlog ng mga
manok Tupung-tupung- tanghaling tapat, kainitan ng araw
Ituyug-kulaw- alas-dos ng hapon
Tigbalahug- alas-kwatro ng hapon; oras ng pagpapakain sa mga baboy
Dapithapon- mga alas-singko ng hapon; umpisa ng paglubog ng araw
Masinum- alas-seis ng gabi; lubog na ang araw
Takipsilim- pag-aagaw ng liwanag at dilim
Gabi- madilim na
Tig-iyapun- alas-otso ng gabi, oras ng hapunan
Tig-baranig- alas-diyes ng gabi; oras ng paglalatag ng banig
Nang pamalu- hatinggabi o kalaliman ng gabi

Sa isang pag-aaral ng mga media habit ng kanayunan, halimbawa, napag-


alaman na ang karaniwang ginagamit na mga sukatan sa pananaliksik dito ay
hindi angkop sapagkat hindi nakaumang o nakatugon sa iba't ibang sukatan
na may kabuluhan sa mga taganayon. Sa ilang sukatang makahulugan sa
nakakaraming Filipino maitatampok ang mga sumusunod:

a. Sapagkat karamihan sa naninirahan sa mga bukirin, malakas pa rin ang


pandama sa mga palatandaang mababasa sa mga pagbabago sa
kalikasan, halimbawa: “pagtilaok ng manok”, “pagputi ng uwak”, “nang
lumindol”, “nang dumaan ang Yolanda”
b. Halos lahat ng Filipino, tagalungsod man o taganayon ay sumusunod sa
takbo ng pangyayari: “noong peace time”, “panahon ng Hapon noon”,
“panahon ng liberation”, “noong nagkakaroon ng pagpapatubig dito”,
“kapag nakatapos na sa pakikigapas si Boy”, “paminsan-minsan kapag
may pagkakataon”.

Dahil dito ay hindi maigting ang pagkatali sa kamalayan sa pagsisimula at


pagtatapos ng araw. Hindi tulad ng iba na nagtatanong “How's your day?” na ang
ibig sabihin ay kung ano ang nagawa mo sa buong araw. Marami ang bihirang
magsuri kung ano ang nagawa sa pagtatapos ng araw; ang mahalaga'y walang
gusot at masaya o naging kaaya-aya. Hindi naging interesado sa pagsasara, sa
pakikiramdam na lumipas na naman ang isang araw at ano ba ang nagawa.

Pabago-bago ang sukatan, at ayon sa mga pagkakatong nagbigay-bunga sa


pagkahuli o pagkaantala, maaari itong patawarin o pagbigyan. Ang mga
hangganan hinggil sa kung hanggang kalian maghihintay o kung gaano
katagal maaaring magpahuli nang hindi nang-iinsulto sa kapwa ay palaging ayon
sa bigat ng kadahilanan na dala ng pagkakaton. “Natrapik ako”, “Baha sa amin”,
“Brownout kasi kaya hindi ko nagawa” ay ilan sa kadahilanang iniinda dahil
batid na sa maraming sitwasyon dito sa bansa ay wala po tayong kontrol o
kapangyarihan.
May mga pamantayan ng pakikisalamuha sa lipunan na nagsasabing ang
pagkahuli ay tanda ng pagsaalang-alang sa kapwa. Halimbawa, marami ang
sadyang nagpapahuli sa pagpunta sa handaan at baka sabihing sila ay sabik o
gutom, o kaya'y hindi pa handa ang maybahay (Mendez, 1976). Ang lahat ng ito
ay ilang lamang halimbawa ng pagpapatibay ng obserbasyon na ang kulturang
Pinoy ay may sariling pakahulugan sa panahon at kailangang unawain ito mula
sa loob at hindi mula sa labas. Ito'y upang maiwasan ang pagkakabuhol-buhol ng
inihanay na mga pangyayari at ang di pagkakaunawaan hinggil sa mga
mensaheng may kinalaman sa panahon.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan:
A. Gamit ang concept map na ilustrasyon, ilista ang mga mahalagang
konsepto/terminolohiya na may kaugnayan sa konsepto ng panahon sa
kontekto ng kulturang Filipino. (Gawin ito sa klase).
B. Maghanap ng mga videos at artikulo sa pananaliksik na nagpapakita ng
pagpapahalaga sa panahon at ipakita ito sa klase.
C. Magsaliksik ng mga salitang nagbibigay halaga sa panahon. Gawin ito sa
ibang wika tulad ng Hiligaynon o wika ng inyong lugar, gayundin sa
Tagalog at ibahagi sa klase.
D. Maglista ng mga natukoy na salawikan/kawikaan/tayutay/idyoma na
nagpapahalaga sa oras/panahon. Gawin ito sa ibang wika tulad ng
Hiligaynon o wika ng inyong lugar, gayundin sa Tagalog at ibahagi sa
klase.
E. Maglista ng mga sitwasyon o mga karanasan sa araw-araw na
naglalarawan na nalipasan na ng panahon o oras at hindi na maaaring
maibabalik pa. (hal. naiwan ng eroplano).
F. Ano-anong mga sitwasyon o karanasan sa buhay na pinapalagay na:
1. mabilis ang takbo ng panahon;
2. napakabagal ng oras/panahon;
3. naging kabagot-bagot ang takbo ng mga pangyayari?

Pagkatapos ay ipaliwanag o tukuyin ang mga dahilan kung bakit naging


ganito ang persepsyon sa mga sitwasyong ito at ibahagi sa klase.
Maaaring gamitin ang mga emoticon sa ibaba sa paghahanay at
pagklasipika ng mga ito:
G. Paghambingin ang buhay ng mga Filipino sa nayon at sa lungsod, kung
paano ang bawat isa umaayon sa oras. Ano-anong mga gawain/kaganapan
ang mahalagang iayon sa oras?

II. Gawaing Isahan:


A. Maglista ng mga inaabangang programa/pangyayari/petsa at
ilahad/ilarawan kung paano mo ito masasabing mabibigyang halaga at
ipaliwanag kung bakit kailangang maging ganito ang tugon mo.
B. Ano-anong maaaring ibubunga ng pagmamadali o paspasan at ang
pagiging mahinahon sa pagsagawa ng mga bagay? Sa alin ka
nabibilang kung pagbibigyan ka ng malaking bagay na tatrabahuhin?
Bakit?
C. Nagamit mo na ba sa buhay mo ang pahayag na “It's not the right
time yet”? makailang beses?
D. Ano-anong mga sitwasyon sa buhay na masasabi mong karaka-raka ka
sa paggawa ngunit sa umpisa lang? Paano mo ito hinarap o tinugunan?
E. Sa anong bagay mo inihahambing ang oras, bakit?
Aralin 17
ANG KAHALAGAHAN NG PANLAPI

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

natukoy ang katangiang nangingibabaw sa panlaping Filipino;


nakasaliksik ng iba pang mga salita/kataga/pahayag sa Filipino na may pareho o ibang kata
nakalahad ng dula-dulaan hinggil sa gamit ng mga salita/pahayag na inilahad; at
naisagawa ang mga gawain nang maayos at aktibo.

Talakayin Natin
Ang wikang Filipino ay may maraming panlapi. Itinuturing itong moog ng
isang wika tulad ng Filipino. Binubuo ng pitong anyo ang paglalapi sa Filipino:
unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, laguhan, pag-uunlapi + paggigitlapi at
paggigitlapi
+ paghuhulapi. Ang mga panlaping ito ay may papel na pansikolohiya.
Magkakaroon ng pagbabago sa kahulugan ang mga salita dahil sa panlapi.
Halimbawa, ang salitang “usap” kapag nilagyan ng unlaping “paki-“ ay naging
“pakiusap.” Ang unlaping “paki-“ ay ginagamit bilang isang paghiling na kung
maaari ang sinasabi ng salitang-ugat ay gawin o isagawa ng taong kinakausap.
Bagamat ang salitang “usap” ay tumutukoy sa “conversation” o “pagtalakay”
kapag naging pakiusap may makataong damdaming pumapasok. Nagiging
“request”. Tulad din ng salitang “dala” . “Yung dala, “carry” lang iyon. Pero
kung “pakidala” ubod ng hirap iwanan no'n. Mas maiiwanan mo pa ang talagang
dala mo kaysa iyong pakidala sa iyo. Dahil sa ito'y hinihingi ng kulturang
Pilipino.

Masasabi ring higit na maligoy ang Filipino sa pagpapahayag kung


damdamin ang kasangkot sa usapan. Ito'y bunga ng pag-iwas ng makasakit ng
damdamin. Kaya nga, may mga implikasyong sikolohikal maging ang pagpili sa
panlaping “I” sa halip na “um” tulad sa salitang “kumausap” at “kinausap”. Tunay
may malaking papel na ginagampanan ang mga panlapi sa pagbubuo ng mga
terminolohiya at pag-unawa sa mga konsepto sa Sikolohiyang Pilipino.
Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan
A. Pag-aralan ang kahulugan, pinag-ugatan, gamit, katangian at iba pa ng
mga sumusunod na mga palasak na salita/pahayag sa kontekstong
Pilipino:

1. “Peksman, walang iwanan”


2. “Hay naku”
3. “swak na swak”
4. “bro”
5. “sige”
6. “hindi ka na iba sa akin”
7. “daw sa others ka”

Maghanap pa ng ibang salita/mga pahayag na kauri nito at gawan ng


pagsusuri at ilahad sa klase.

B. Maghanda ng maikling dula-dulaan na gumagamit ng mga salita/pahayag


na inilahad sa itaas.
Aralin 18
MGA PANANALIKSIK AT ABSTRAK
HINGGIL SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. nakatala ng mga mahahalagang konseptong may kaugnayan sa
paksa ng binasang mga pananaliksik;
b. nakapagsagawa ng mga sarbey hinggil sa mga kulturang
lumilitaw sa mga tiyak na pangkat ng mga tao na may parehong
trabaho o sitwasyon;
c. nakapagbahagi sa klase ng mga kaugnay na pananaliksik sa
kultura at wika; at
d. naidokumento nang maayos ang mga sarbey na ginawa at iba pa.

Talakayin Natin
May mahalagang papel na ginagampanan ang pananaliksik sa wika at
kultura ng mga mag-aaral sa Senior High School at sa kolehiyo tungo sa
intelektwalisasyon ng wikang pambansa. Ito ay pangunahing adyendang
pangwika ng bansa sa layuning magamit ito sa karunungan at iskolarling
talakayan. Ang resulta ng mga pananaliksik ay kailangang mailathala upang
mabatid ng mga mag-aaral, edukador at mga administrador sa pagpapaunlad
ng sistema ng edukasyon at pagkamit ng layuning pang-akademiko. Mababasa
sa mga sumusunod na talataan ang paglalahad at pagtalakay ng mga saliksik
na nagbibigay pokus sa wika at kulturang Filipino.

1. Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa Disiplinang Filipino


(Konteksto ng K to 12). (Galileo Zafra. Katipunan Journal ng mga
Pag- aaral sa wika, sining, panitikan at kulturang Filipino, 2016)

Sa pananaliksik na ito lumitaw na may malaking ugnayan ang wika at


kulturang Filipino. Ang “wika” ay sisidlan ng “kultura”. Ang kultura ay
dinamiko, kolektibo, at may ginagalawang konteksto. Pinag-aaralan ang
panggramatikang katangian ng wika at hinahalaw rito ang mga aspekto ng
kulturang Filipino bilang dulog sa pagtuturo ng wika at kultura. Narito ang mga
halimbawa sa ilang bahagi ng pananalita ng wikang Filipino na hinalaw sa
nabanggit na pananaliksik:
Panghalip Panao

Sa pag-aaral ng mga panghalip panao- pinapalitaw ang pananaw ng mga


Filipino tungkol sa sarili at sa relasyon niya sa kapwa. Halimbawa, ang salitang
“kita” ay katumbas ng “ko” at “ikaw” ay sinasabing nagpapahiwatig ng
pagkakalapit ng nagsasalita sa kausap. Sa pahayag na “Mahal kita”, “kita” rito ay
binubuo ng “ko” at “ikaw”. Sa Ingles “I love you”, kung saan ang “you” ay
katumbas ng “ikaw” sa Filipino, hindi lumilitaw ang kahulugang ikaw at ako”.

Pang-uri

Sa pag-aaral ng pang-uri, pinatitingkad na walang negatibong


paghahambing sa Filipino. Mayroon lamang “mas maganda” at “pinakamaganda”
na katumbas ng “more beautiful” at “most beautiful” ngunit walang katumbas ang
“less beautiful” at “least beautiful”. Sinasabing nagpapahiwatig naman ito ng
positibong pananaw ng mga Filipino. Binibigyang pansin din na ang maraming
pang-uring hindi ginagamitan ng “ma” tulad ng “pangit”, “bastos”, “duwag”,
“sakim” ay pawang mga negatibong paglalarawan. Ang isang teorya, ang
positibong katangian, ang norm o pamantayan, kaya kapag may lihis sa
pamantayang ito, nagiging tuwiran ang paggamit ng salita at hindi na kailangan
ng panlaping “ma”.

Pangngalan

Sa pag-aaral ng mga pangngalan, karaniwang tinitingnan ang pangkatan


ng mga salita sa iba't ibang domain o larang. Halimbawa, sa mga salitang
may kinalaman sa mag-anak, hiniram natin ang mga salitang “kuya”, “diko”,
“sangko” bilang katawagan sa mga kapatid na lalaki; at “ate”, “ditse”, “sanse”
para naman sa mga kapatid na babae. Bukod sa indikasyon nito sa pagkakaroon
ng magkakaibang tungkulin at eskpektasyon sa mga anak sa loob ng pamilya kaya
naman kailangang may tiyak at tanging katawagan sa bawat anak. Sa mga termino
para sa mag-anak pa rin, mayroon tayong “biyenan”, “manugang”, “bayaw”,
“hipag”, “bilas” na ang katumbas lahat sa Ingles ay “in-laws”.

Pinag-aaralan ang paggamit ng wika ayon sa kaangkupan nito sa konteksto


ng isang kultura. Halimbawa, sinasabing mayaman ang kulturang Filipino sa mga
pahiwatig o mga di tuwirang pagpapaabot ng mensahe. Mayroon tayong parinig,
pasaring, pahaging, padaplis, paramdam, papansin. Naipapahayag ang mga ito sa
iba't ibang kombinasyon ng berbal at di berbal na paraan tulad ng ligoy, tampo,
biro, lambing, dabog, maktol. Dahil sa spektong ito ng ating kultura, kailangan
ding ituro sa mga estudyante, halimbawa, kung paanong bibigyan ng kahulugan
ang mga sagot na “oo” o “hindi” ngunit tinutugunan ng: “tiyak”, “siguro” ,
“malamang”, “marahil”, “titingnan ko”, “baka”, “bahala na”, “ewan”.

Ang kultura ay dinamiko, buhay na penomenong isinasabuhay araw-araw


ng mga tunay na tao magkakasama man o nag-iisa, habang dinaranas
ang
pinagsasaluhan nilang paraan ng pamumuhay at habang lumilikha ng
kanilang kasaysayan. Para kay Moran (2001), “ang kultura ay isang patuloy na
nagbabagong paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao o pamayanan,
binubuo ng pinagsasaluhang mga produkto, batay sa pinagsasaluhang mga
praktika o gawaing nakaugnay sa pinagsasaluhang mga produkto, batay sa
pinagsasaluhang mga pananaw sa mundo at nakalugar sa tiyak na mga
panlipunang konteksto”.

Batay sa depinisyong ito ng kultura, may limang dimensyon ang anumang


penomenong kultura, o sa madaling sabi, ang anumang paksang pangkultura.
Ang isang penomenong pangkultura ay kinasasangkutan ng nararanasang anyo o
estruktura (produkto) na ginagamit ng mga miyembro ng kultura (tao) sa kanilang
iba't ibang gawain (praktika) sa mga tiyak na panlipunang sitwasyon at grupo
(pamayanan) na ginagabayan ng mga lantad at di lantad na mga paniniwala,
pagpapahalaga at saloobin (pananaw). Ang mga produkto, tao, praktika,
pamayanan ay karaniwang hayag; karaniwan namang tago ang mga pananaw na
siyang maaaring palitawin sa pagsusuri. Sa pamamagitan ng pagtuklas at
pagsusuri sa mga koneksyon ng mga dimensyong ito, higit na makabubuo ng
mas malalim at makabuluhang larawan ng kultura. Upang lalong maunawaan
ang pagpapakahulugan ni Moran (2002) sa dimensyong ito ng kultura, gamiting
halimbawa ang karanasan sa Farmer's Market sa Quezon City

Produkto

Ang listahan ng produkto dito ay napakahaba- mula sa seksiyon ng isda, at


iba pang pagkaing-dagat, baboy at baka, manok, itlog, gulay, prutas, tuyo at daing,
hanggang sa seksiyon ng dry goods gaya ng mga de lata, mga kagamitang
pambahay, bigas at iba pang produkto sa palengke bukod sa paninda. Sa
seksiyon ng isda at pagkaing dagat, naririto ang karaniwang makikita: Bangus,
Tilapia, Galunggong, Taningue, Lapu-lapu, Pla-pla, Tulingan, Hito, Tuna,
Sapsap, Hasa-Hasa, Talakitok, Tawilis, Hipon, Sugpo, Alimasag, Alimango,
Talangka, Tahong, Halaan, Squid ring. Ngunit, mayroon ding di-gaanong
pamilyar na pangalan: Tagunton, Bitilya, Bacoco, Dapa, Samaral, Kitang.

Sa paglilista pa lamang ng mga produkto sa seksiyon ng isda at pagkaing-


dagat sa palengke, may dagdag ng kaalaman tungkol sa kultura ng pagkain. Kung
uusisain ang mga nagtitinda, nagmumungkahi pa sila ng lutong babagay sa isda.
Napakahalaga na makilala ang pangalan ng mga pagkaing-dagat. Malamang
kasing hindi kainin o hindi hanapin o bilhin ang isang pagkaing hindi kilala. Ang
di pag- alam sa mga katawagan sa pagkain ay naglilimita sa maaari nating
kainin. Sa katunayan, may palatandaan na unti-unti nang nakakalimutan ang
ilang salitang tumutukoy sa ating pagkaing-dagat. Sa Farmer's Market,
halimbawa, makikita ang mga sumusunod na leybel: Sea Bass (Apahap
Dagat), Fresh Scallop, Uni/Sea Urchin. Ang paglalagay ng pangalang Filipino
pagkaraan ng Sea Bass ay pahiwatig na mas kilala na ang katawagang Ingles
kaysa sa Filipino, kahit tanungin, hindi na
alam ng nagtitinda ang Filipinong salita para sa Scallop at Uni/Sea
Urchin. Ang leybel na Uni/Sea Urchin ay kakatuwa dahil mas kilala pa ngayon
ang pagkaing ito sa dalawang wikang banyaga- Ingles at Hapon.

Sa seksyon naman ng prutas, may makukuha ring impormasyon sa mga


sumusunod na leybel: Pahutan Mango, Avocado, Lagkitan, Siniguelas, fresh from
Batangas, Sweet Mangoes, “baklas”. Ang Pahutan ay isang uri ng mangga. Ang
maliliit na ngunit napakatamis na mangga ay tinatawag na “supsupin”. Hindi na
ito hinihiwa pa para paghiwalayin ang pisngi at buto kundi binabalatan at
sinupsop para kainin. Ang iba ay tinatawag na kalabaw, indian mango, at piko.
Ang lagkitan ay isang paglalarawan sa magandang uri ng Avocado- iyong
malagkit, mangunguya, makrema. Kaugnay nito, may iba't ibang uri ng
paglalarawan ng mga prutas na nagpapahiwatig kung ano ang magandang uri at
masarap- ang bayabas ay manibalang; ang atis ay malamukot; ang buko ay
malauhog; ang saging na saba ay makunat. Matutuklasan din sa palengke kung
saang lalawigan nagmumula ang pinakamagagandang uri ng prutas.
Halimbawa, manggang Guimaras, pakwan ng Sta. Maria, Bulacan, Durian na
Puyat mula Davao, Siniguelas mula Batangas, sa Mangga naman, karaniwang
makikita ang deskripsyong “walang kalburo” o “baklas” na ang ibig sabihin ay
pinitas sa tamang panahon at hindi pinilit. Ang huling halimbawa ay
nagpapaliwanag ng katutubong teknolohiya sa pag-aalaga at pag-ani ng mga
punongkahoy at prutas. Hindi dapat maliitin ang maituturing na kaalamang-
bayang ito na kinakatawan ng wika. Kaugnay nito'y kailangang banggitin ang
sinabi ni Michael Tan tungkol sa “heritage food” o minanang pagkain ng mga
Filipino. Tumutukoy ito sa mga produktong pagkaing at paraan ng pagluluto na
nagpasalin- salin ng henerasyon.

Kapansin-pansin din ang bagay na “Timbangan ng Bayan” na maaaring


gamitin ng sinumang mamimili para matsek kung tama ang timbang ng kanilang
pinamili. Ano kaya ang ipinapahiwatig ng timbangang ito sa kultura ng palengke
sa Kamaynilaan? Ang palengke mismo ay produktong pang-ekonomiya ng
lipunan. Maaaring suriin kung ano ang pagkakaiba ng palengke, supermarket,
talipapa, weekend market ayon sa limang dimensyon ng kultura.

Praktika

Pangunahing gawain sa palengke ang pamimili. Ano-anong mga gawain


ang sangkot sa pamimili? Ang isda ay inaamoy, pinipisil, itinatapat sa ilaw,
sinisilip ang hasang. Ang prutas ay kinikilatis, tinitimbang sa kamay,
kinakatok, inaamoy, pinabubuksan, tinitikman. Ang mga simpleng pamamaraang
ito ay maitinuturing na kaalaman upang matiyak ang kalidad ng pagkain. Maaari
ring tukuyin ang ginagawa ng iba't ibang tao sa palengke- ang nagtitinda,
kargador, tagapamahala ng palengke at iba pa. Isa namang katangi-tanging
praktikal sa palengke ay ang pagtawad- isang komplikadong proseso ng
negosasyon sa pagitan ng mamimili at nagtitinda. Mas nagiging madali ang
120
negosasyong ito kapag buena mano o suki ng nagtitinda ang

120
mamimili. Ang kultura ng suki ay nagpapahiwatig ng posibilidad ng
pagkakaroon ng personal na ugnayan ng nagtitinda at mamimili. Ang pagtawad at
pagkakaroon ng suki ay hindi nangyayari sa supermarket o grocery store.

Pamayanan

May iba't ibang pamayanan sangkot sa kultura sa palengke. Ang grupo ng


mamimili ay mayroon na agad tatlong mas maliliit na grupo: ang mga indibidwal
na mamimili para sa pampamilyang konsumo; ang namamakyaw upang muling
itinda ang pinamili; at ang may-ari ng restawran na namimili para sa ititindang
lutong pagkain. May mas maliliit na grupo rin ng manininda: ang grupong sila
mismo ang may-ari ng tindahan, at ang grupong kinuha lang upang magtinda sa
puwesto ng negosyante. May pangkat din ng tagahatid at tagabagsak ng produkto
na maaaring mga negosyanteng namamagitan sa mga nagtitinda sa palengke
at sa talagang pinagmumulan ng mga produkto gaya ng mga magsasaka at
mangingisda. Naroon din ang pangkat ng property investment firm, ang may-ari
ng mismong palengke na nagpaparenta ng mga puwesto sa grupo ng mga
manininda. May mga ahensya rin ang pambansa at lokal na pamahalaan na
nagmomonitor sa operasyon ng mga palengke. Paminsan-minsan, may grupo rin
ng turista, dayuhan at mga Filipino, na ang pakay ay hindi lamang mamili kundi
mag-obserba, mamasyal, matuto o maglibang. Bawat grupo ay may bitbit na
praktika at pananaw sa palengke.

Tao

Iba't ibang uri ng tao ang makikitang lumalahok sa kultura ng palengke.


Bawat isa ay may natatanging naratibo, pananaw, praktika, at paraan ng
pagsangkot sa penomenong pangkultura. Ang paglahok nila sa kultura ay
hinuhugis ng iba't ibang salik gaya ng kasarian, edad, uri, lahi, etnisidad,
edukasyon, relihiyon. Halimbawa, ang mag-asawang namamalengke. Sino ang
umaamoy, bumubusisi, nakikipagtawaran? Sino ang nagbibitbit ng mga pinamili?
Kung amo't kasambahay naman ang magkasama, ano ang ginagawa ng amo at
ano ang ginagawa ng kasambahay? Sa panig naman ng nagtitinda, kapag
magkasama sa puwesto ang may- ari at ang kanyang tindero o tindera, sino ang
nagpapasiya kung magbibigay ng tawad o kung magbibigay ng dagdag?
Isinasama ba ang mga bata sa palengke? May maoobserbahan bang patern kung
ano ang itinitinda ng mga lalake o babae-karne, gulay o prutas?

Pananaw

Iba't iba ang pananaw na ipinapahiwatig ng kultura ng palengke.


Karaniwang di lantad ang mga pananaw na ito at nagiging hayag lamang kapag
may nakitang koneksyon o pag-uugnay sa mga natipong datos mula sa apat na
dimensyon ng kultura. Halimbawa, may kultura ng tumpok sa palengke. May
tumpok ng di sariwa, at maputlang hipon. May tumpok din ng lamog, may itim-
121
itim, at kulu-kulubot nang

122
balat ng mangga. Sinasamantala ng negosyante ang pagkakaroon ng
pananaw na negatibo upang kumita kahit na halos walang kwenta ang ilako
sa mamimili. Halimbawa ang pagtitinda ng basket ng strawberry sa Baguio kung
saan sa ibabaw ay makikita ang mapupula, malalaki at makikintab na prutas,
ngunit nasa ilalim pala ang mapuputla at maliliit na prutas na binabanigan ng
diyaryo. Namamayani rito ang pananaw na “malaki” ngunit minsanang kita ng
nagtitinda kaysa mag-aruga ng magandang relasyon sa mamimili. Ang pananaw
na positibo sa mga Filipino ay makikita sa hindi pag-aaksaya ng pagkain. Ito ang
dahilan kung bakit kinakain ang mga lamang-loob tulad ng isaw, adidas, rambo,
helmet, balat atbp., walang dapat na maaksaya, lahat ay pakinabangan.

Kumikilala ng kasarian ang mga praktika sa palengke. Babae ang


nakikipagtransaksyon dito kung saan siya ang kumikilatis ng produkto,
nakikipagtawaran at nagbabayad. Ang pamamalengke ay maaaring tingnang
ekstensyon lamang ng kanyang tungkulin sa tahanan tulad ng pagluluto, pag-
aalaga at pagpapakain ng pamilya. May kasarian din ang bawat espasyo sa
palengke. Mas maraming lalake ang matatagpuan sa seksyon ng mga karne at
bigasan. Mga babae naman ang matatagpuan sa seksyon ng mga prutas at
gulay. Makikita sa isang pagtingin ang esteryotipong papel ng lalake at babae sa
lipunan. Sa ibang pagtingin naman, maituturing na partisipasyon ng mga babae
sa gawaing ekonomiko ang pagkakaroon ng mga ito ng pwesto sa palengke at
manininda.

May mga pananaw ding nagtutunggalian. Halimbawa ang kultura ng


“tawad” at “suki” na nagpapahiwatig ng transakyong pang-ekonomiko ay
ginagabayan pa rin ng pakikipagkapwa. Samantala, ang pagkakaroon ng
“timbangang bayan” ay nagpapahiwatig ng namamayaning kawalan ng tiwala ng
mga mamimili sa mga nagtitinda o negosyante.

Mapapansin din sa Farmer's Market ang paglilipat ng ilang kultura ng


supermarket o mall sa palengke. Ginagamit na ang pushcart sa palengke na
karaniwa'y sa mga supermarket lamang ito at makikita rin dito ang Dampa o isang
Food court na bahagi lamang ng mall. Nakakatuwa ring tingnan ang hilira ng mga
fastfood tulad ng Jollibee, Mc Donalds, Goto King, Chowking sa palengke dahil
ang bawat isa ay may kinakatawang kultura sa paghahanda ng pagkain. Ang
isa ay personal na pinaglalaanan ng panahon ang paghahanda ng pagkain,
samantala ang isa ay binibili ng luto na, minadali at inihanda ng iba. Ipinapakita
ang pagpasok ng mga elementong kultural ng mall at supermarket sa palengke
kung paanong naiimpluwensiyahan ng global at mas makabagong paraan ng
pagkonsumo ang mas tradisyunal na pamamaraan na kinakatawan ng palengke.

Ang Mutya ng Pasig Market ay inayos noong 2008 upang magmukhang


mall. Isang tradisyunal na palengke na dumaan sa renobasyon upang ihalina ang
mga maseselang mamimili. Ipinapakita rito ang diskurso ng kalinisan upang
pangaturiwan ang ginawang debelopment. Naging isyu rin ang kawalan ng
monitoring sa pagpepresyo ng mga paninda maliban sa bigas kaya
lumikha ang National Food Authority ng Palengke Watch. Iniuugnay din ang
palengke sa masa at sa kahirapan. Totoo man ang kritisismo sa palengke o hindi,
mahalagang suriin ang implikasyon ng paghalili ng mga mall at supermarket sa
palengke na maaaring babago sa buhay ng mga Pilipino sa mabuti man o sa
masama.

Ang inilahad na halimbawa hinggil sa palengke ay ilan lamang sa mga


pananaw at kahulugan na maaaring mabuo sa pagsusuri ng penomenong
pangkultura. Mahalagang maging bahagi ang mga gawaing ito sa pagbalangkas o
konteksto ng kurikulum ng Filipino sa K-to 12 at sa mataas na lebel ng
edukasyon.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan:

A. Gamit ang tsart: llista ang mga salitang Filipino na mga bahagi ng
pananalita na nabanggit sa binasang pananaliksik na naglalahad ng
natatanging katangian nito

Pangngalan Panghalip Pang-uri

B. Magsagawa ng sarbey sa isang palengke at itala ang mga ngalan ng mga


paninda (isda, prutas, gulay atbp. na makikita rito) at magkaroon ng
larawan ng mga ito. Isulat ang mga obserbasyon halimbawa, paano
binebenta ng mga tindera ang kani-kanilang paninda, sino ang nagtitinda
(kasarian) at iba pang mahalagang impormasyon na naglalahad ng kultura
na litaw sa palengke. Kunan ng larawan ang bawat isa.

C. Ano-anong kultura ang litaw sa mga pangunahing gawain sa bansa tulad


ng: pangingisda at pagtatanim ng mais/palay. May maoobserbahan bang
patern sa gumagawa o nagtatrabaho? Ibatay ang pangangalap ng datos
sa limang dimensyon na inilahad sa pananaliksik. Ilahad sa klase sa
pamamagitan ng
paggamit ng videos at mga pag-aaral, interbyu at iba pa para sa
dokumentasyon.

D. Itala ang mga itinuturing na heritage food ng inyong lugar, ilahad ito sa
pamamagitan ng paglalahad kung paano naging heritage food ito base sa
mga pagtatanong sa mga tao sa pamayanan.

II. Gawaing Isahan:

A. Ilista ang mga katawagan sa miyembro ng pamilya

B. Bakit mahilig ulitin ang pantig ng palayaw ng mga miyembro ng pamilya


(Jun-jun, Jojo, Bek-bek atbp.)

C. Bakit hindi nakikilala ng mga tao sa wikang Filipino ang mga pangalan ng
isda?

D. Ano-ano ang mga natatanging paglalarawan ng mga nagtitinda ng gulay at


prutas sa palengke ng lugar?

E. Paano nagkakaiba ang supermarket, talipapa, weekend market, tyanda, at


mga malalaking pamilihan (public market) sa Lungsod ngIloilo

F. Anong kultura ang nangingibabaw sa lugar niyo pagdating sa pamimili?

G. Naging pareho ba ang obserbasyon mo sa pamimili sa palengke hinggil sa


pagtawad, suki, Buena mano sa inilahad sa binasang pananaliksik?

H. Sa tatlong kategorya ng mamimili, saan ka/ang pamilya niyo nabibilang?


Sa grupo ng nagtitinda?

I. “Paaman” sa binibiling produkto, sa anong kultura nakaugat?

J. Bakit nauuso sa palengke ang “pagtawad”, “suki” at “Buena mano”? Ano


pang implikasyong maaaring maibibigay nito?

K. Paano mo mailalarawan ang pakikitungo ng mga tao sa pagkain,


halimbawa sa mga heritage food?
2. Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Filipino (Mabaquiao, N. Jr.,
Philippine E-Journals. Malay, Vol. 19, No.3, 2007)

Pangunahing layunin ng papel na ito na mabigyang linaw ang konsepto ng


kamalayang Filipino at ang siyasatin kung paano, hango sa nasabing konsepto, mas
maitataguyod ang pambansang identitad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot
ng globalisasyon sa kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Ang
salitang globalisasyon ay nagkakaroon ng iba't ibang depinisyon ngunit kadalasan
ay ibinibigay na kahulugan dito ay binibigyang diin ang kahihitnan nito. May mga
depinisyon na tumitingin sa globalisasyon bilang isang proseso ng paglawak ng
pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa o unti-unting paglaho ng mga pagkakaiba ng
mga kultura. May mga depinisyon ding itinuturing na kagyat na kritisismo sa
proseso ng globalisasyon o sa pamamaraan ng kaganapan nito tulad ng
depinisyong nagpapalagay sa salitang globalisasyon bilang isang pinagandang
salita lamang para sa “pandaigdigang paglaganap ng di makataong sistema ng
kapitalismo” o “sa di makatarungang pagpapalawak ng kapangyarihan ng Estados
Unidos sa buong mundo”

Sa papel na ito isinusulong ang kaisipan na ang totoong batayan ng


pambansang identitad ay may kinalaman sa kamalayan. Magbago man ang
kultura dahil sa globalisasyon, hindi kaagad nangangahulugan ng paglaho ng
pambansang identitad. Kailangang panatilihin sa harap ng mga pagbabagong dala
at dulot ng globalisasyon ang pambansang kamalayan o ang pambansang
identitad ng kamalayan. Ang kamalayan bilang isang panlahatang salita na
tumutukoy sa iba't ibang prosesong mental tulad ng pagdududa, pagkamangha,
pagtatanong at pamimilosopiya.

May apat na pangunahing pahayag tungkol sa kalikasan ng kamalayan:

a. Ang kamalayan ay kalimitang nakaugnay sa isang bagay o pangyayari


sa mundo.
b. Ang pagkakaugnay ng kamalayan sa isang bagay o pangyayari sa
mundo ay bunga ng isang pangangailangan o kakulangan ng kamalayan
na nais nitong matugunan o punan.
c. Ang pagkakaugnay ng kamalayan sa isang bagay o pangyayari sa
mundo ay palaging nasa isang pananaw.
d. Ang pagkakaugnay ng kamalayan sa isang bagay o pangyayari sa
mundo ay palaging nasa konteksto ng isang partikular na lugar at
panahon.

Nangangahulugan ang unang pahayag na kalimitan o sa mas maraming uri


ng prosesong mental, ang kamalayan, o ang kamalayan ng, o kaya naman ay
tungkol sa, isang bagay o pangyayari. Halimbawa, kung tayo ay nagdududa,
mayroon tayong pinagdududahan. Tulad din sa ibang prosesong mental na kapag
tayo ay nahihiya, nangangarap o nagmamahal. Ang kamalayan ay nakatuon sa
isang bagay o pangyayari sa mundo, at isa itong katotohanan tungkol sa ating
kamalayan na hindi pinagdududahan.
Ang ikalawang pahayag ay nangangahulugan halimbawa na kapag nag-
aaral tayo, ang ating inaaral ay pinaniniwalaan nating makatutugon sa ating
pangangailangan o kakulangan sa direkta o di direktang pamamaraan. Nililinaw sa
ikatlong pahayag na ang pananaw ay tumutukoy sa isang sistema ng mga
konsepto o kategorya na sa pamamagitan ng mga ito ang ating isip ay
nagkakamalay sa isang bagay. Halimbawa, kapag iniisip ang isang tao, iniisip siya
bilang kaaway, kaibigan, lalake, babae, mabait, masama, bilang Pilipino, banyaga
o iba pa. Inihahalintulad sa isang kahon ang mga konsepto o kategorya kung saan
inuuri natin ang mga bagay kung saan nakatuon ang ating kamalayan. Sa ikaapat
na pahayag, ang kamalayan dito ay maiuugnay sa isang bagay o pangyayari sa
mundo. Halimbawa, kung ang kamalayan ay naging abala sa pagbabasa ng isang
aklat, ang pagbabasang ito ay nangyayari sa isang panahon na maaaring kanina,
kahapon, o noong isang Linggo, at sa isang lugar na maaaring sa library, coffe
shop o sa isang bahay.

Ang Pagiging Pilipino ng Kamalayan

Nais linawin na ang pagka-Pilipino o ang ating pambansang identitad ay


isa lamang sa maraming antas ng identitad ng ating kamalayan. Alinsunod sa
apat na pahayag hinggil sa katangian ng kamalayan ay ang apat na pahayag na
tumutukoy sa pangunahing katangian ng kamalayang Pilipino:

a. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ang mga bagay o pangyayari na


kung saan ito nakaugnay ay may kinalaman sa bansang Pilipinas o sa
mga mamamayang Pilipino.
b. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ito ay nakaugnay sa mga bagay na
makatutugon sa mga pangangailangan ng bansang Pilipinas o ng mga
mamamayang Pilipino.
c. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ang pagkakaugnay nito sa isang
bagay o pangyayari ay nasa isang pananaw na Pilipino.
d. Ang isang kamalayan ay Pilipino kung ang pagkakaugnay nito sa isang
bagay o pangyayari ay nagaganap sa konteksto ng isang lugar at panahon
sa bansang Pilipinas.

Ang halimbawa sa unang pahayag ay kung inaaral natin ang ating kultura,
kasaysayan, mga bayani, mga pagpapahalaga, at kaugalian at mga problemang
pampulitika at pang-ekonomiya. Para naman sa ikalawang pahayag, kung
ginagawa natin ang isang pag-aaral, ito'y para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas
o ang mga Pilipino ang makikinabang. Nilinaw sa papel na posibleng ang isang
kamalayan ay abala sa mga bagay na may kinalaman sa bansang Pilipinas o
mamamayang Pilipino subalit hindi naman ito para sa kapakanan ng nasabing
bansa o ng mamamayan nito. Halimbawa, maaaring sinusuri natin ang
kalagayang pampulitika at pang- ekonomiya ng bansa ngunit ito'y ginagawa
natin para matugunan ang pangangailangan ng mga banyagang iskolar na
nais makalikom ng mga datos tungkol sa sistemang pampulitika at pang-
ekonomiya sa bansa.
Ang ikatlong pahayag ay nagsasaad na kung nais maglarawan ng isang
malinaw na pagka-Pilipino ng isang pananaw, kailangang ipahayag sa ating
sariling wika ang mga konsepto o kategorya. Malakas na pinaniniwalaan na ang
ating sariling wika ay malaki ang magagawa sa paghubog ng pambansang
identitad ng kamalayan. Ang punto sa ikaapat na pahayag na ang isang kamalayan
ay maituturing na Pilipino kung ito ay naganap sa kontekstong pangkasaysayan sa
bansang Pilipinas.

Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal

Para sa kongkretong paghahalimbawa sa apat na mga pahayag bilang


modelo, gagamitin ang dalawang aklat na ito bilang konteksto upang tingnan ang
kamalayan ng pambansang bayani. Tinatalakay sa dalawang aklat na ito ang mga
problema sa Pilipinas kaugnay sa kalayaan at karapatan ng mga Pilipino. Ang
dalawang aklat na ito ay may mga pangunahing layunin na makatulong sa
paglutas ng mga nabanggit na problema. Hango sa naging malakas na
impluwensiya ng dalawang aklat na ito sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa
kalayaan at karapatan ng mga ito, akma ang mga kategorya at konseptong ginamit
ni Rizal. Walang dudang ang kamalayang ito ay naganap sa isang kontekstong
pangkasaysayan sa Pilipinas.

Ang Hamon ng Globalisasyon

Ang globalisasyon ay hamon sa katatagan ng pambansang identitad na


kailangang harapin sa tamang paraan. Napakahalaga na may malinaw at matatag
na pag-unawa sa mga batayan o pinagmumulan ng pambansang identitad.
Paano ngayon magagamit ang apat na pahayag bilang batayan sa layuning
maprotektahan at lalong pagpapayaman ng ating pambansang identitad sa
harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng globalisasyon? Halimbawa, paano
natin magagamit ang teknolohiya at ang dala nitong impormasyon sa
pagtataguyod ng pambansang identitad? Ito ay kung ginagamit natin ang
teknolohiya at ang dalang impormasyon nito:
a. upang lumawak ang ating kamalayan sa mga bagay o pangyayaring may
kinalaman sa bansang Pilipinas o mga mamamayang Pilipino;
b. upang mas lumalim ang ating pang-unawa sa mga pangangailangan at
kakulangan ng bansang Pilipinas o mga mamamayang Pilipino at sa mga
nararapat na pamamaraan para mapunan ang mga pangangailangan o
kakulangang ito;
c. sa mga pamaraang sinusuri natin kung alin sa mga ito ang akmang gamitin
sa pagsasaalang-alang ng kultura ng mga Pilipino tulad ng kanilang
mga pagpapahalaga at ng mga kondisyong pisikal ng Pilipinas gaya ng
klima, upang matugunan ang pangangailangan ng bansang Pilipinas o
ng mga mamamayang Pilipino; at
d. sa partikular na lugar o panahon, o sa isang partikular na kontekstong
pangkasaysayan, ng bansang Pilipinas, ibig sabihin dito sa Pilipinas
nagaganap ang ating paggamit sa mga teknolohiya at impormasyong ito.
Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan

A. Gamit ang concept map, ilista ang mga mahahalagang konseptong nakuha
sa artikulo hinggil sa kamalayang Pilipino.

B. Gamit ang right angle chart, itala ang mga posibleng positibo at negatibong
epekto ng globalisasyon sa wikang Filipino at kulturang Pilipino.

Globalisasyon Posibleng Positibong epekto:

Posibleng Negatibong epekto:

II. Gawaing Isahan


A. Gamit ang apat na pahayag sa pananaliksik bilang modelo, suriin ang
sariling kamalayang Pilipino. Maging malikhain sa paglalahad nito at
magkaroon ng dokumentasyon. (Hal. Dr. Jose Rizal).
Sulit ba o Okey Lang? Isang Pagtuklas sa Konsepto ng “Sulit” ng mga Pinoy
Perez, April (2014). DIWA E-Journal. Tomo 2, Bilang 1

Hindi na bago sa pandinig ng karamihan sa mga Pilipino ang malimit na


paggamit o pagsambit ng mga salitang “sulit” gayundin ng “okey lang.” Ayon sa
diksyunaryo, isa sa mga pakahulugan sa salitang sulit ay “hindi pagiging lugi”, at
palaging nakaangkla ang konsepto ng pagiging sulit sa mga produkto o
serbisyong tinatangkilik sa araw-araw. Sa pag-aaral ng salitang “sulit”, ang
paggamit nito ay may pinakamalapit na relasyon sa kahulugang “hindi pagiging
lugi” o “ang antas ng pakinabang sa puhunan.”

Maididikit sa “sulit” ang ideya ng pagiging “okey.” Ito ay hango sa


wikang Ingles at pinaikling baybay ng pabirong pagsasabi ng salitang “Oll
Korrect” na ang ibig sabihi‟y tama, wasto, o nagpapakita ng pagsang-ayon o
pagpapatibay o nagsasabi ng salitang “oo”. Bago pa man lumabas sa mga
pahayagan ay ginamit na rin ito sa paraang pasalita at impormal na pasulat ng
Wikang Ingles.

Gayun pa man, ang salitang ayos ay ugat ng katawagang kaayusan o


maayos. Sa madaling sabi, ang mga Pilipino ay hindi pesimistiko kundi positibo
ang pananaw sa kahihinatnan ng sitwasyong nararanasan o kinapapalooban nila.
Kung minsa‟y ipinagkakaila pa kahit na medyo masama o alanganin ang
pakiramdam at sa halip na madilim, ang maliwanag na panig ng buhay ang
nakikita kaysa kawalan ng pag-asa. Magaan lamang ang damdamin ng mga
Pilipino sa gitna ng anumang suliranin, pambuhay man o pangkabuhayan,
malakas ang loob, naniniwalang may mabuting kahihinatnan ng mga pangyayari.
Ang kasabihang okey, ayos lang ay isa pang lihim ng pagkamatiisin at
kagaanang-loob ng mga taong-bayan, kaugnay din nito ang kahandaan at
determinasyon. Madalas ding maririnig mula sa mga Pilipino ang mga kasabihang
“Umanugu la yuri” (Okey lang „yon), ayon sa mga Ibanag, at “Ananugu ka laman
tatun” (Ayos lang sa akin); “Rapavaori diakin” (Okey lang sa akin) sa mga Ivatan,
“Osto di sak-en” sa mga Kankanaey, at “Ayos mu kanaku” sa mga Pampanggo.
Marahil ang ganitong pananaw ay may bakas ng sinasabing pagiging mapag-
angkop ng mga Pilipino at may relasyon din sa impluwensiya ng
Kristiyanismo, ang pag-aaral ng buhay ni Hesukristo sa sangkatauhan at sa
makasaysayang pagkamatay nina Rizal, GomBurZa, Bonifacio, Ninoy Aquino at
ng iba pang nagbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang mga kababayan, dagdag
pa ni Sinasabi ring ang kasabihang ito ay may kabutihan- ang katatagang-loob at
tiwala sa sarili na kailangan sa panahon ng kagipitan o kahirapan habang ang
kasamaan naman nito ay ang sobrang pagtitiis o pagkamartir, karaniwang dahilan
kung bakit pinagsasamantalahan ng mga taong may hawak na kapangyarihan
ang maraming mamamayan (Timbreza 1989).

Notion of Value in Filipino Culture ni F. Landa Jocano (1992, 1993)


Ang serye ng mga pananaliksik na ito ukol sa mga kaugaliang Filipino na
nagbibigay-diin sa konsepto ng pamantayan. Tumutukoy ang konseptong ito sa
set
ng mga standard na kadalasang ginagawang batayan sa pamimili ng isang
bagay o pagdedesisyon ng mga indibidwal. Nakapaloob din dito ang mga
itinuturing na katanggap-tanggap o nararapat na paraan ng pagkilos, pamumuhay
o paniniwala na nagiging batayan ng pagiging tama o mali, maganda o hindi,
makatarungan o di makatarungan, atbp. para sa isang grupo sa lipunan. Bilang
batayan ng pagiging katanggap-tanggap, nakalagom sa konsepto ng
pamantayan ang etikal, moral, ispiritwal at estetikal na aspekto ng lipunang
Pilipino. Itinuturing din bilang value paradigm ang pamantayan kung saan
nagtataglay ng tatlong pangunahing antas, ang halaga (worth), asal (character) at
diwa (spiritual domain).

Sa ikatlong serye ng pananaliksik ni Jocano hinggil sa konsepto ng halaga,


sinasabing isang value concept ang halaga na pumapatungkol sa esensya at
importansya ng isang bagay, ideya o kilos na siya ring nagiging batayan ng mga
tao sa kung ano ang kanilang pinapahalagahan. Kung iniuugnay ang konsepto ng
halaga sa isang bagay, nagsasaad ito ng presyo ng isang bilihin, kadalasang
maitutumbas sa numerikal na halaga. Kung iuugnay naman sa mga ideya o kilos,
isinasaad nito ang esensya o mismong kahalagahan ng mga ito. Ikinakabit din ang
halaga sa panlabas na pagtatangi sa isang ideya, kilos o bagay sapagakat ito ay
itinatakda ng mga tao batay sa kanilang panlabas na pagtanggap o pagpili sa mga
ito.

Ekonomiks sa Diwang Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari


(Tereso Tullao, Jr (2009)

Ang halo-halo, tingi-tingi at sari-sari ay isa sa mga hilig ng mga Pilipino.


Magkaiba ang hilig pantao kaysa sa pangunahing pangangailangan sa
kadahilanang ang nauna ay mga pinag-ibayong pangangailangan na pinagbago ng
iba't ibang salik gaya ng kapaligiran, kultura, edukasyon, estado sa lipunan at iba
pa. Dagdag pa niya, hindi maunawaan ng mga Kanluranin ang mga hilig,
kaugalian at gawi na pinag- uukulan ng pagpapahalaga ng mga Pilipino sapagkat
bahagi ang mga ito ng pagkatao at kaluluwang Pinoy.

Pahiwatig ni Melba Maggay (2002)

Tinalakay ang tungkol sa kagawiang pangkomunikasyon ng Filipino.


Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang pakikipagtalastasan sa
ibang tao, sa anumang uri, berbal o „di berbal. Ito ang paraan ng pakikipag-
ugnayan sa iba't ibang tao sa lipunan. Hindi rin nawawala ang paglalaro ng salita
sa bawat buhay na wika. Katulad halimbawa sa binuo ni Prospero Covar, ang
iskema ng pagpapasiya batay sa pagsasabi ng “oo” at “hindi” ay maaaring
mahati sa lima: tiyak na oo, alanganing oo, pag-aalinlangan, alanganing hindi at
tiyak na hindi.

Kahulugan ng Sulit
130
Maliban sa mga nakalap na kahulugan sa mga diksyunaryo kung saan
lumalabas na sa pag-aaral na ito, ang paggamit sa salitang “sulit” ay may

130
pinakamalapit na relasyon sa kahulugang “hindi pagiging lugi” o “ang
antas ng pakinabang sa puhunan,” inalam ng mananaliksik ang sariling
pakahulugan ng mga kalahok sa salitang “sulit.” Katulad ng ibang mga salita sa
ating wika, ang kosepto ng sulit ay maaaring maikabit sa iba pang mga salita.
Hindi man lahat denotatibo o literal na kasingkahulugan, tiyak na may kaakibat
na kaugnayan ang bawat salita sa pagiging sulit.

Pigura 1 Pagpapakahulugan sa Sulit

ayos
okey

mura/ praktikal
epektibo/ kapaki-pakinabang/ tipid
de kalidad SULIT hindi sayang ang pera kuntento

swak/
sakto/ astig

Kung susuriin ang mga salitang ito, bawat isa‟y maituturing na positibo
ang isinasaad na kahulugan, ibig sabihin, positibo ring maituturing ang
konseptong sulit. Kaalinsabay naman ng pagiging buhay at dinamiko ng wika,
lumitaw din ang salitang astig bilang katumbas ng pagiging sulit. Kung noong
mga nakalipas na dekada, ang astig ay nangangahulugang “tigasin,” sa
kasalukuyan, para sa mga kalahok na pawang mga teenager o kabataan, ang astig
ay nangangahulugang “cool.” Samakatuwid para sa ilan, kapag sinabing sulit,
ito‟y astig talaga.

Ang Halaga at Pagiging Sulit

Inalam sa pananaliksik na ito kung paano masasabing sulit ang isang


produkto o serbisyo. Sa bahaging ito maiuugnay ang mga pag-aaral nina Jocano at
131
Tullao na may kinalaman sa pamantayan, halaga at ekonomiya. Bilang
mga Pilipino, bahagi na ng ating kultura ang pagtatakda ng pamantayan upang
maituring na tama o mali, maganda o hindi ang isang bagay, ideya o kilos.
Kaugnay nito, may mga katangiang kaakibat ang isang produkto o serbisyo
upang maituring na sulit, ayon sa mga kalahok. Masasabing ang mga ito rin ang
nagsisilbing pamantayan sa pagiging sulit ng isang produkto o serbisyong
kanilang nararanasan.

Pigura 2 Pagiging sulit ng mga produkto at serbisyo

Kaugnay pa nito, kung sulit ang isang serbisyo, hahanap-hanapin,


tatangkilikin at babalik-balikan ito ng mga tao. Walang pagsisisi at
panghihinayang na mararamdaman ang mga tao sa kabila ng maraming beses na
pagtangkilik dito. May mga pagkakataon din na ang pagiging sulit ng isang
serbisyo ay nagiging dahilan upang bigyan pa ng karagdagang bayad o tip sa
taong gumawa ng serbisyo bukod sa maayos na sahod na kanilang natatanggap.
Patunay lang din ito na ang paglalaan ng dagdag na halaga maliban sa ibinayad
sa natamong serbisyo ay hindi pinaghihinayangan kung kapalit naman ay ang
pagkamit sa inaasam na kagustuhan. Sa bahaging ito makikita ang mga epekto
ng pagiging sulit ng isang serbisyo alinsunod sa mga nakalap na datos.

Ang Wika at Pagiging Sulit

Kadalasang ginagamit ang “sulit” bilang isang salitang naglalarawan,


maaaring sa isang bagay, ideya o kondisyon. Sa pag-aaral na ito, makikita sa
Pigura 3 ang mga kadalasang maririnig na mga ekspresyon tulad ng “sulit ang
binayad,” “sulit ang pagod,” “sulit ang paghihirap,” at “sulit ang pagkain.”
Kabilang din sa mga ito ang pagiging sulit ng panonood, paghihintay, pag-aaral,
pagpupuyat at anumang pangyayari o bagay na sa isang pagkakataon sa
buhay ay itinuring na hindi
nakapanghihinayang sa kabila ng ibinigay nating kabayaran, sakripisyo o
oras. Wala ring pagsisising nararamdaman sa anumang inilaan kapalit ng
pagkamit sa isang bagay o serbisyo.

Pigura 3 Mga Ekspresyong kaugnay ng Pagiging Sulit

“sulit ang binayad" “sulit ang pagod"


“sulit ang paghihirap"

Masasalamin sa mga ekspresyong ito na ang pagiging sulit ay hindi


lamang nakabatay sa halaga o kalidad ng isang produkto o serbisyo. Sa halip,
bahagi ang konseptong sulit sa wika ng mga Pilipino na siyang itinatakda ng
kultura at lipunang ginagalawan ng mga Pilipino. Gayun pa man, hindi malayong
magkaroon ng mga panibagong ekspresyong may kinalaman dito sa paglipas
ng panahon dahil sa ebolusyon ng wika. Bukas din sa posibilidad na
magbago ang pakahulugan sa salitang sulit sa hinaharap para sa ilang
gumagamit ng wika bilang patunay ng patuloy na pagiging buhay nito.

Ang “okey lang” bilang kaagapay ng sulit

Lumalabas sa mga nakalap na datos na pangunahing ginagamit ang “okey


lang” sa mga sumusunod na sitwasyon: kapag ang mga tao‟y kinakamusta, ito ang
kadalasang isinasagot; kung hindi alam kung saan papanig halimbawa't hinihingan
ng opinyon; kung hindi gaanong naunawaan ang katanungan o sitwasyong
hinihingan ng kasagutan; kung ayaw makasakit ng damdamin ng iba kung kaya't
“okey lang” na lamang ang sinasabi; kung hindi nakasisiguro sa pagsagot at kapag
kahit nasa mahirap na sitwasyon ay kinakaya pa naman ang sitwasyong dinaranas.
Sa kabila ng pagiging magkaagapay ng mga konseptong “sulit” at “okey lang,”
lumalabas na kung ang isang bagay o pangyayari ay “okey lang,” hindi ito
tuwirang maitutumbas sa pagiging sulit sapagkat may kulang pa rito upang
maituring na sulit batay sa mga pamantayang nailahad sa mga naunang bahagi ng
pananaliksik na ito.

Ang Sulit at “okey lang” sa Kultura at pagka-Pilipino

Pagpapahalaga sa Halaga

Esensyal para sa mga Pilipino ang pagbibigay importansya sa halaga,


maaaring mismong presyo o numerikal na halaga o kaya'y ang mismong saysay o
silbi ng isang produkto o serbisyo. Ginagawa ito sa kadahilanang nagtitipid ang
mga Pilipino at dahil nga sa hirap ng buhay sa kasalukuyan na nagdudulot ng
iskarsidad o kakulangan sa pera man o iba pang yamang-bayan sa ilang mga
pagkakataon, hindi
maiaalis ang pagbibigay ng halaga sa kinikitang pera ng mga
taong naghahanapbuhay lalo pa sa isang pamilya. Karaniwan sa isang pamilyang
Pilipino ay kumikita lamang ng sapat upang matustusan ang
pinakabatayang pangangailangan ng pamilya sa araw-araw at may ilan ding
hindi sapat ang kinikita o kaya'y wala talagang regular na hanapbuhay. Dahil dito,
malaki ang pagpapahalaga sa bawat sentimong tinataglay at hindi basta-basta
pinagkakagastusan ang mga bagay lalo pa't sa tingin nila'y wala naman itong
saysay. Bukod pa rito, hindi rin maiaalis na maging praktikal ang mga Pinoy
sa pagpili ng mga produkto at serbisyong tatangkilikin kung saan mas pinipili
nila ang mga bagay kung saan hindi sila malulugi. Sinasabi ring wais ang mga
Pinoy, ayaw nang nalalamangan at sigurista pagdating sa pagpili at pagbili ng
mga produkto, ibig nilang makakuha ng maraming benepisyo mula sa isang bagay
na kanilang bibilhin. Kakabit din nito ang pagiging mapanuri ng mga Pinoy na
nagpapatunay ng malaki ang pagpapahalagang ibinibigay ng mga Pilipino sa
mga bagay na bibilhin at ituturing na kanila. Nais nilang makatiyak na
magtatagal at de kalidad ang mga produktong kanilang binibili. May mga
pagkakataon ding nasasabing kuripot ang mga Pinoy, kadalasan kasi ay mas
tinatangkilik nila ang mga bagay na mas mura ang halaga at hindi basta-basta
naglalabas ng malaking halaga sa isang produkto na alam nilang iisa o kakaunting
benipisyo lamang ang maaring makamit. Katulad nga ng inilahad ni Tullao (2009)
sa kanyang papel, maraming hilig ang mga Pilipino ngunit iba ito sa mga
pangunahing pangangailangan kung kaya‟t higit nitong pinatitingkad ang
pagiging limitado ng ating yamang bayan.

Ramdam ang Pakiramdam

Sadyang talamak pa rin ang paggamit ng mga katagang “okey lang” sa


mga Pinoy. Marahil may kaugnayan ito sa pagiging sensitibo nila sa damdamin ng
kapwa na sa halip na sabihin ang tunay na saloobin hinggil sa isang bagay
ngunit alam nilang makakasakit sa damdamin ng iba ay mas pinipili na lamang
na gamitin ang “okey lang” upang hindi masaktan o sumama ang loob ng
kanilang kapwa. Likas din sa mga Pilipino ang pagiging emosyonal. Berbal man
o di berbal, tila ba nararamdaman din ng isang tao kung anong pakiramdam ng
kanyang kapamilya, kaibigan, kasamahan sa trabaho o kahit pa sinong kapwa-
Pilipino kung kaya't magkakasama sa kaligayahan, kalungkutan, tagumpay at iba
pang emosyong maaaring maramdaman ng isang indibidwal.

Iyon na 'yon

Kadalasan din ay ayaw nang pahabain pa ng mga Pinoy ang pagsagot sa


ilang mga katanungang ibinabato sa kanila kung kaya't nasasabing tamad
magpaliwanag ang mga ito, ibig sabihin, sa halip na magbigay ng elaborasyon o
mas detalyadong pagpapaliwanag hinggil sa isang paksang pinag-uusapan,
babanggitin na lamang nito ang “okey lang,” pagkatapos nito, tapos na rin ang
usapan. Sa sitwasyong ito, mahihinuhang hindi lamang sa pera matipid ang mga
Pilipino kundi maging sa oras
din. Sinasabing mahilig makipagkwentuhan ang mga Pinoy ngunit hindi
rin naman sa lahat ng pagkakataon ay nakahandang ibahagi ang lahat ng
nangyayari tungkol sa kanilang buhay sa ibang tao. Makikita pa rin ang
pagpapahalaga ng mga Pilipino sa privacy o pagiging pribado ng mga personal
na pangyayari sa kani-kanilang mga buhay. Sa paliwanag nga ni Maggay,
magkaiba ang pakikipag-uganyan ng mga Pilipino sa mga itinuturing nilang
“ibang tao” kumpara sa mga “ ‟di ibang tao” kung saan mas tuwiran ang paraan
ng pagpapahayag sa ikalawa kaysa sa nauna (Maggay 2002).

Ang sa akin lamang

Maiuugnay rin ito sa kakulangan ng diskriminasyon sa pagpapahalaga ng


mga Pilipino. Sa madaling salita, binibigyang importansya ng mga Pilipino ang
saloobin ng kanyang kapwa. Kadalasan, madali para sa mga Pilipino ang
tumanggap ng mga bagay at opinyong inihahain sa atin, hindi pangkaraniwan
ang pagtutol o pagsasabi ng mga negatibong komento o puna sa isang bagay,
pangyayari lalo't higit sa isang taong malapit sa atin. Sa halip, madali sa atin ang
pagtanggap sa mga ito, kadalasa'y “okey lang” ang ating nagiging tugon na tila
nangangahulugang hindi man natin sandaang porsyentong tinatanggap ang isang
bagay, tanggap pa rin ito.

Kaya natin 'yan

May mga Pilipino ring mahilig magtago ng nararamdaman, kinikimkim na


lamang sa sarili ang mga sama ng loob sa halip na ibahagi sa ibang tao kaya
naman kahit hindi naman talaga mabuti ang pakiramdam, kariringgan pa rin ng
“okey lang.” Katulad umano ng ilang bansa sa Silangang Asya, may ganitong
pagkiling din sa pagtatakip ng marubdob na damdamin ang ating kultura
ngunit hindi ito nangangahulugang mapanikil ang kultura, sa halip, may mga
mekanismo kung saan minamarapat na idaan ang paghahayag ng damdamin
(Maggay 2002). Kakabit nga nito ang katangiang nagpapakita ng pagiging
positibo sa buhay na kahit may dinaramdam o nararanasang problema,
nananatiling matatag, hindi nawawalan ng pag-asa at naniniwalang
malalampasan ang mga pagsubok na dinaranas. May kaugnayan din ang
katangiang ito sa ating malakas na pananampalataya sa Diyos at sa paniniwalang
anuman ang mangyari ay nariyan ang Panginoon upang tumulong at magbigay ng
biyaya sa araw-araw. Kaya nga hindi rin maitatanggi ang pagiging masayahin
ng mga Pinoy na kahit pa may dinaramdam ay nakukuha pa ring ngumiti, tumawa
at patuloy na mabuhay nang masaya, hindi basta-basta nagpapatalo sa
kalungkutan bagkus ay nakagagawa ng paraan upang manatiling maligaya.
Mapatutunayan ito ng mga nagdaan nang unos sa bansa, hinagupit man ng bagyo
at nahaharap man sa iba pang mga pagsubok, kitang-kita sa mga Pilipino ang
pagiging matatag. Palaging naroon ang pag-asa at pagbangon pagkatapos ng
pagkalugmok nang dahil sa mga unos.
Wala 'yon

Kaugnay din nito ang pagiging madaling magpatawad ng mga Pilipino,


kahit pa may nagawang hindi kanais-nais ang isang tao sa atin ay napapatawad
din siya agad, hindi na pinagtatagal o pinahahaba pa ang gulo at alitan, sa oras na
humingi ng tawad, sagot agad ng “okey lang, wala kang dapat alalahanin.” Hindi
mapagtanim ng galit ang mga Pinoy at mas pinipiling magpatawad at
panatilihin ang pagiging mapagpakumbaba. Maririnig ito kadalasan na kung may
magsasabi ng “sorry”, mas malamang sa hindi ay may tugon itong “okey lang.”
Masasalamin din sa ganitong mga sitwasyon ang ugnayan ng damdamin at
kapwa, pawang mga konseptong may kinalaman sa pamantayan ng pagkakaroon
ng mabuti o masamang asal (Jocano 1992).

Okey ba ang pwede na?

Samantala, hindi rin maitatanggi na ang madalas na paggamit ng mga


Pilipino sa pahayag na “okey lang” ay nakaangkla sa ating konsepto ng
pamantayan sa pagtanggap o pagiging kuntento. Halimbawa, sa pagkilatis ng
mga binibiling produkto, kahit pa hindi naman ito gawa sa “purong” materyal na
ating hinahanap, kapag ang itsura nito ay katulad naman sa tunay o orihinal,
tinatangkilik pa rin ito at sasabihing “pwede na” ito. Hindi mahirap para sa mga
Pilipino ang pagtanggap at hindi rin likas ang paghahangad ng pagiging perpekto
ng kung ano mang mga bagay na kakamtin. Masasalamin din dito ang pagiging
madaling makuntento ng mga Pinoy, na maaaring magkaroon ng positibo at
negatibong implikasyon. Positibo dahil mula sa mga simpleng bagay ay
nakakamit na ang kaligayahan ngunit negatibo naman sapagkat kung minsan ay
hindi na nagsisikap pa ang ilan upang makamit ang higit pa sa kung ano ang nasa
sa kanila na. Sa mga halimbawang ito maiuugnay ang konsepto ng halaga ni
Jocano kung saan sinasabing bago maibigay ang halaga sa isang bagay, ideya o
kilos ay kinakailangan munang makamit ang kagalingan na maaaring tumukoy
sa mataas na kalidad ng serbisyo o trabaho, karangalan o kakayahang
intelektuwal o moral (Jocano 1993).

Ang mga konseptong “sulit” at “okey lang” ay maaaring ipailalim sa


konsepto ng halaga (value) ng mga Pilipino, dito ay masusukat kung paano tayo
magpahayag ng halaga batay sa kalidad o katangian ng mga produkto at
serbisyong ating dinaranas o tinatangkilik. Malimit ding marinig ang pahayag na
“mababaw ang kaligayahan” ng mga Pinoy; ito nga ay makikita sa ating
madaling pagtanggap at pagiging kuntento sa mga bagay na mayroon ang mga
Pilipino. Sa isang banda, ang pagiging kuntento sa mga bagay na mayroon
ang mga Pilipino ay mabuti at magandang gawin sapagkat hindi na
naghahangad pa ng sobra sa kung ano ang mayroon o nakamit. Gayunpaman,
may ilang pagkakataon kung kailan ang madaling pagkakuntento ay nagtutulak
naman upang hindi na tuluyan pang magsikap ang isang indibidwal kahit pa sa
katotohana‟y kaya pa niya tungo sa higit pang ikabubuti.
Mainam na bigyang-pansin na maaaring sa paggamit ng “okey lang” ay
isang maituturing na implikasyon ng pagkakaroon ng mababang pagpapahalaga
sa konsepto ng pamantayan o standard ng mga Pilipino. Dahil sa nasanay na tayo
sa paggamit ng “okey lang,” tila lumalabas na lahat ay nagiging katanggap-
tanggap, lahat ay puwede o lahat ay maaaring payagan. Para bang nawawalan na
ng harang o boundary sa pagitan ng okey at hindi okey at lahat na lamang ay nasa
gitna ng dalawa na baka magresulta sa pagsasakripisyo sa kalidad ng isang
produkto o serbisyo na sa katotohanan ay kaya naman palang maibigay. Hindi
lamang sa usapin ng mga produkto o serbisyong maaaring tamasahin ng mga
mamamayan kundi posibleng makaapekto rin sa mismong pamumuhay ng mga
indibidwal sa iba‟t ibang grupong kanilang makakasalamuha sa lipunan. Marahil
kung sasangguni sa mga mamimili, mas pipiliin nilang tangkilikin ang isang
bagay na sadyang mapapasambit sila ng “sulit” kaysa magtiis sa pagiging “okey
lang” ng mga bilihin o serbisyong kanilang nararanasan sa araw-araw.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan:
A. Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, ilahad ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng “Sulit” at “Okey lang” batay sa mga konseptong
inilahad sa artikulo (gawin ito sa loob ng klase).

B. Magsagawa ng sarbey hinggil sa mga serbisyo o produkto na


masasabing “Sulit” at “Okey lang” ng mga taong napagtanungan at
ibahagi sa klase. Suportahan ito ng dokumentasyon.
Aralin 19
MGA ABSTRAK NG
PANANALIKSIK SA KULTURANG
PILIPINO

Mga Layunin: Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


a. natukoy at naibigay ang mga resulta ng pananaliksik batay sa
mga nabasang abstrak nito;
b. nakapagbigay ng malalim na pakahulugan o implikasyon ng mga
resulta ng pananaliksik sa kontekstong pansarili, panlipunan,
pambansa at pandaigdig;
c. nakasulat ng artikulo batay sa napiling abstrak ng pananaliksik
at naibahagi ito sa klase; at
d. nakagawa ng isang poster base sa diwa/mensahe ng abstrak na
nabasa at nailahad sa klase.

Talakayin Natin
I. Tema ng Pananaliksik: KAPWA: KONSEPTONG PUMAPAILALIM
SA MGARELASYONG PANLIPUNAN

A. Iskima ng Pakikipag-Friend sa Facebook at Pakikipagkaibigan Sa


Tunay na Buhay: Isang Paghahambing Eden T. Gallardo Unibersidad
ng Pilipinas Diliman etgallardo@yahoo.com

Dulot ng mabilis na paglago ng teknolohiya, dumami ang mga paraan ng


ating pakikipaghalubilo at lumawak ang pangkat ng ating mga tinatawag na
friends. Pareho kaya ang tinutukoy nating friends sa kaibigan? Sa pag-aaral na ito,
tinuklas ang iskima (schema) sa pakikipagkaibigan ng 67 na babae at 46 na lalake
mula edad na 18 hanggang 60. Gamit ang resulta ng sarbey, isinailalim sa
paghihimay-himay sa teksto, pagkakategorisa, at pagtutukoy ng mga sumisibol na
tema upang mailarawan ang kanilang kaisipan sa pakikipag-friend at unfriend, at
sa pakikipagkaibigan at pagtatapos ng pagkakaibigan sa tunay na buhay. Ilan sa
mga lumutang sa paghihimay ang: pagkakakilala, pagkakatulad, pagkaka-
ugnay, pagtataksil, pagsusuri, at pagwawakas. Lumabas din na sa pakikipag-
friend, bagamat magkatulad ang pagpapahalaga sa pagkakakilala, pagkaka-
ugnay, at pagiging malapit, maigting ang kamalayan ng mga lalake na ang
Facebook ay isang gamit lamang. Gayunpaman, sa usaping unfriending ang
mga babae ay dumadaan sa pagsusuri at maigting na emosyon habang ang
mga lalake ay may pagtukoy sa kakulangan ng kanilang pagkakakilala.
Samantala, walang maigting na pagkakaiba ang pagtingin ng babae at lalake sa
pakikipagkaibigan – ukol sa malinaw na pagkakakilala sa magaganda at hindi
pisikal na katangian, pagkakatulad ng karanasan at interes, at pagpapatibay ng
ugnayan – ngunit ang pagtatapos ng
pakikipagkaibigan ng mga lalake ay mas markado ng hindi magandang
ginawa ng dating kaibigan habang sa babae ay halos magkatulad lamang ang
pagpapahalaga sa emosyon at hindi magandang ginawa.

B. Ang Pagkamatulungin ng Kabataang Pilipino sa Panahon ng


Kalamidad Samantha Erika N. Mendez1,2,3 , Lorelie Ann M. Banzon-
Librojo1 , at Eda Lou Ibasco Ochangco1,4 1Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, 2Ateneo de Manila University, 3Miriam College, 4Far Eastern
University sammendez78@gmail.com

Sa kaganapan ng bagyong Yolanda noong 2013, kapansin-pansin ang


aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa
Visayas. Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang karanasan, kadahilanan, at
kahulugan ng pagtulong para sa mga kabataang Pilipino. Ang mga kalahok ay
tatlumpung kabataang Pilipino na nagmula sa tatlong pampribadong kolehiyo sa
lungsod ng Maynila. Sa pamamagitan ng pagtatanong-tanong, lumitaw sa
kanilang karanasan ang malaking papel ng social media sa pagpapalaganap ng
mahalagang impormasyon tungkol sa mga nasalanta. Lumutang din ang mga isyu
ng kalikasan, katahimikan at kaayusang panlipunan, at pampamahalaan.
Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng mga madamdaming emosyon para sa mga
nasalanta, paggawa ng mga makabuluhang aksyon, at pagkakaroon ng mga
positibong pag-unawa tungkol sa epekto ng pagtulong para sa mga nasalanta at
sa mga tumulong mismo. Ang kanilang mga kadahilanan sa pagtulong ay
karaniwang nagmula sa sariling pagganyak tulad ng malasakit sa kapwa,
simpatiya at pagtanaw ng utang na loob. Nakaimpluwensiya din ang paaralan,
simbahan, at kaibigan. Ang kahulugan ng pagtulong para sa kanila ay
taospusong pagkilos na nakakapagdulot ng positibong epekto at pagbabahaging
walang hinihintay na kapalit. Malaki ang potensyal ng kabataang Pilipino upang
maka-ambag ng pagbabago sa lipunan. Kailangan lamang ng mga oportunidad at
masidhing panghihikayat mula sa iba't ibang sector ng lipunan upang
maibahagi nila ang kanilang sarili para sa kapwa

C. Kaligayahan sa Panahon ng Kalamidad Maria Cecilia C. Gastardo-


Conaco Unibersidad ng Pilipinas Diliman cconaco@kssp.upd.edu.ph

Sa larangan ng “positive psychology,” ang kaligayahan o “happiness” ang


itinataas na batayan at pangunahing panukat sa pagsusuri ng sarili at galing ng
takbo ng sariling buhay. Subalit ang konsepto ng kaligayahan (o subjective
wellbeing) ay masalimuot, mahirap sukatin, maraming mga sanhi at nag-iiba
ang kahulugan at anyo sa iba't ibang kultura. Ang papel na ito ay tumitingin sa
konsepto ng kaligayahan sa mga Pilipino, partikular na sa panahon ng
kalamidad at sakuna. Dalawang pag-aaral ang ginawa. Sa unang pag-aaral, sa
pamamagitan ng isang maikling sarbey ng 46 na mga mag-aaral sa pamantasan,
sinuri kung anu-ano ang mga bukal ng kaligayahan at paano ito mapapanatili sa
panahon ng kahirapan at sakuna. Sa pamamagitan ng thematic content analysis,
napalitaw ang tatlong temang
pinanggagalingan ng kaligyahan ng indibidwal: iyong mga elementong
may kaugnayan sa sarili, iyong mga may kaugnayan sa kapwa tao, at iyong
mga may kaugnayan sa mas mataas na Kapangyarihan. Sa ikalawang pag-aaral,
ang karanasan ng mga taong may matinding pinagdaanan ay sinuri. Sa pamagitan
ng mga personal na salaysay, mga komentaryo, mga larawan at mga video na
nakatampok sa iilang websites hinggil sa mga kalamidad, siniyasat kung paano
kinakaya ng mga tao ang matinding paghihirap at napapanatili ang kanilang
“subjective well-being.” Mahigit tatlong daang mga sipi na nagpapakita ng
mga gawain at damdamin ng mga indibidwal sa panahon ng mga matitinding
bagyo at pagbabahang dumaan sa bansa ay nirepaso. Katulad ng unang pag-
aaral, napalitaw sa pamamagitan ng content analysis ang tatlong tema ng sarili,
kapwa at tiwala sa Diyos. Gayon pa man, may konting kaibahan sa konteksto ng
tunay na karanasan at mas marami ang naglagay ng kanilang pagtitiwala sa Diyos
kaysa sa sarili o sa kapwa para mapanatili ang kanilang subjective well being sa
panahon ng matinding sakuna .

II. Tema ng Pananaliksik: PAGDADALA

A. Ang Pagdadala: Ang Kwento ng Natatanging Ina ng mga Children


with Special Needs (CSN) Catherine R. Dela Cruz Nueva Vizcaya State
University crazycatz8@yahoo.com

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang magkaroon ng kaalaman sa


karanasan ng mga ina ng Children with Special Needs (CSN) sa pamamagitan ng
konsepto ng Pagdadala na ipinakilala ni Dr. Edwin Decenteceo (1999).Ang mga
tema ay hinango sa iba't ibang aspeto ng Pagdadala: ang dinadala, ang pagdadala,
ang pinagdadaanan at ang patutunguhan. Sa pag-aaral na ito, ang dinadala ay
tungkol sa mga tungkulin, gawain at responsibilidad ng mga ina sa pag-aaruga ng
kanilang Children with special needs (CSN). Isa sa mga kinilalang dinadala ay
ang mga di- pangkaraniwang asal, ugali o kilos (unusual behaviors or obvious
impairment) ng mga bata. At dahil ang ina ang kinikilalang eksperto pagdating sa
kanilang mga anak, sila ang kaunaunahang nakakapansin sa mga ito. Bilang
isang ina, sila ay nakakaranas ng pagkabahala o malaking palaisipan para sa
kanila ang mga kinikilos o paguugaling ito.Pangalawa sa mga dinadala nila ay
ang pagkalap ng diagnosis, lunas o intervention. Karamihan sa kanila ay
kinakailangang pumunta sa mga syudad para sa tamang diagnosis sa
kadahilanang ang Nueva Vizcaya ay walang duktor, klinika at therapy centers
para sa kanilang anak na nagdulot ng karagdagang dinadala. Ang Pagdadala ay
tumutukoy sa kung paano nila hinaharap o ginagampanan ang pag-aaruga ng
kanilang mga anak. Noong una, ang mga ina ay mabigat magdala sapagkat sila ay
nakaranas ng negatibong emosyon. Ang buhay na nababalot ng lungkot at
kahihiyan (living in sorrow, denial, guilt or shame) ang unang tema ng aspetong
ito. Ngunit sa kalaunan, sa tulong ng pamilya at pagtanggap ng lipunan,
karamihan sa kanila ay natutunang tanggapin ng buong puso ang kundisyon
ng kanilang anak. Ang pagtanggap ay napadali sa pamamagitan ng positibong
140
pananaw, suportang ispiritwal at ang paniniwalang ang kanilang anak ay

140
isang biyaya. Isa sa mga pinagdadaanan ng mga ina ay ang mga pang-
araw-araw na kanilang tinatahak. Ang bawat isa sa kanila ay nakakaranas ng
pagsubok sa pag- aalaga at pagpapalaki ng kanilang mga anak. Ang iba sa kanila
ay piniling isakripisyo ang sariling ambisyon para sa kanilang anak. At para
naman sa mga inang nagtatrabaho, isang puspusang pagbabalanse ang
kinakailangan upang matugunan ang pangangailangan ng anak. Nakaranas din
sila ng diskriminasyon dahil sa kamangmangan, maling paghahatol at
negatibong pananaw mula sa ibang tao. Ang huli ay ang patutunguhan ng mga
dinadala upang mapagaan ang pasanin. Sa mga natatanging ina, mahalagang
magkaroon ng positbong pananaw upang makamit ang pangarap nila para sa
anak. Naniniwala sila na may magandang kinabukasan ang kanilang anak. Isang
matinding sakripisyo at pasensya ang kailangan upang matuto silang tumayo sa
sariling paa. Sila ay natutong makuntento kahit sa simpleng kakayahan na
naipamalas ng kanilang anak na kanilang itinuturing malaking bagay at kanilang
mapagmamalaki.

III. Tema ng Pananaliksik: SIKOLOHIYA NG KABATAAN

A. Karanasan ng Kabataan sa Paghihiwalay ng Kanilang mga Magulang


Rea L. Camacho Central Luzon State University May Angelica A.
Saludez A r a u l l o U n i v e r s i t y - P H I N M A E d u c a t
i o n mayangelicaalmoitesaludez@gmail.com

Ang kwalitatibong pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang


karanasan ng mga kabataan sa paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Ang
mga salik sa pananaliksik na ito ay ang mga suliraning hinarap, pagbabagong
nangyari, paraan ng pagharap, social support at mithiin. Ginabayan ng mga
tanong ang pakikipagkwentuhan ng mananaliksik sa anim (6) na kabataan na
may edad na labing-apat hanggang labing-siyam (14-19) na taong gulang. May
isa hanggang tatlong taon nang hiwalay ang kanilang mga magulang. Gamit
ang modelo ng pagdadala ni Edwin Decenteceo (1997) sa pag-aanalisa, lumabas
sa resulta na ang mga kabataan ay nagkaroon ng mga negatibong damdamin sa
paghihiwalay ng kanilang mga magulang. Pangunahing suliranin ng mga
kabataan ang kawalan ng komunikasyon sa kanilang mga magulang.
Samantala, ilan sa mga positibong pagbabago ng mga kabataan ay ang
magandang relasyon sa kanilang ama, pagkakaroon ng tiwala sa sarili,
pagkakaroon ng kakayahang hindi umasa sa iba, at pagkakaroon ng katahimikan
sa pag-aaway ng kanilang mga magulang. Hinarap ng mga kabataan ang
kanilang suliranin sa pamamagitan ng paglilibang, pananampalataya sa
Panginoon at pagbabasa ng bibliya, pagbabahagi ng karanasan sa kanilang
kaibigan, at pagtutuon ng pansin sa pag-aaral upang kahit paano ay
makalimutan ng mga kabataan ang kanilang karanasan. Ilan sa mga tumulong sa
mga kabataan sa pagdadala ng kanilang suliranin ang Panginoon, magulang,
kapatid, kasintahan, kaibigan, at kamag-anak. Panghuli, magkakatulad ang mga
kabataan sa kanilang mithiing makapagtapos ng pag-aaral, magkaroon ng
141
magandang buhay, makatulong sa magulang at kapatid, at kagustuhang maging
matagumpay sa kanilang tatahaking karera.

142
B. Ang Mundo sa Likod ng Screen: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral
sa mga Biktima ng Cyberbullying Jem Irise Rea, Gellie Perez, Cristine
Maur at Lualhati Angeles First Asia Institute of Technology and
Humanities jemirise@gmail.com

Sa patnubay ng Teorya ng Humanistic Learning nina Maslow, Frankl at


Rogers (1960), ang pag-aaral na ito ay naglalayong makagawa ng pagsusuri sa
mga pananaw, karanasan, salik, epekto at estratehiya ng pagkaya (coping
strategy) ng mga biktima ng cyberbullying. Para sa pag-aaral na ito, ginamit
ng mga mananaliksik ang kwalitatibong pananaliksik partikular na ang
disenyong empirikal penomenolohikal. May dalawang kasangkapang ginamit sa
pag-aaral, ang talaan ng mga sitwasyon sa cyberbullying at ang gabay na mga
katanungan sa pakikipanayam. Limang (5) biktima ng cyberbullying na
naninirahan saanman sa Tanauan City, Lipa City o Malvar, Batangas ang
sinadyang kunin bilang mga kalahok sa pag-aaral. Ang mga datos ay nakalap
gamit ang pakikipanayam na semi-structured kung saan ang mga naobserbahang
kaugalian, katangian at nonverbal cues ay isinaalang-alang. Ang mga datos na
nakalap ay itinala at sinuri gamit ang tematikong pag-aanalisa. Batay sa
pananaliksik na ginawa, ang mga resulta ay nagpapakita na ang cyberbullying
ay isang karaniwang kaganapan na para sa mga kalahok. Karamihan sa mga
kalahok ay naniniwalang ang cyberbullying ay ginagawa lamang bilang
katuwaan. Naniniwala din silang ito ay ginagawa upang siraan ang isang tao.
Lahat ng kalahok ay nakaranas ng cyberbullying sa Facebook habang isang
kalahok ang nakaranas ng cyberbullying sa YouTube at 85 sa Role Playing
Games. Ang mga karaniwang uri ng cyberbullying na naranasan ng lahat ng
kalahok ay ang mga sumusunod: mga status na naipaskil tungkol sa kanila,
mga ikinakalat na kasinungalingan at tsismis, masasakit o mapanlalait na
katawagan at mga bastos o negatibong komento laban sa kanila. Ibinunyag ng
pag-aaral ang dalawang karaniwang salik- pisikal at sosyal- kung bakit ang mga
kalahok ay nakaranas ng cyberbullying. Samantalang kabilang sa mga epekto sa
biktima ay ang pakiramdam na mapahiya, masaktan, mainis o mayamot, at ilayo
ang loob sa mga tao. Ang iba pang epekto ay ang pag-ayaw na lumabas,
pagbabago sa pagkakaibigan, mga negatibong impak sa pag-aaral at relasyong
pampamilya. Ang mga karaniwang tugon ng mga biktima upang makayanan
ang kanilang mga karanasan sa cyberbullying ay ang pag-iwas na
nangangahulugang hindi pagbibigay-pansin sa cyberbullying.

C. Mga Impluwensiya at Katangian ng Kabataan na may Tuwid na


Moral Venus A. Vitales at Annie Dinh Maria M. Alfaro Wesleyan
University- Philippines ven_vi@yahoo.com

Ang moral values ay pangkalahatang pamantayan na nagdedetermina kung


tama o mali, mabuti o masama ang mga kilos, gawain, pananalita, o maging pag-
iisip, ng isang indibidwal. Ito rin ay ginagamit na batayan para magkaroon ng
kahulugan ang buhay ng isang indibidwal. Ang pagkakaroon ng positibong moral
values ay nakakapagdulot sa isang tao ng payapa at maluwalhating damdamin. Sa
katunayan, ang moral values ng isang tao ay nag-ugat sa iba't ibang pilosopiya,
relihiyon at kultura. Isang halimbawa ay ang “Golden Rule”, na “Do unto others
what you would have them do unto you.” Itinuturing ito ng karamihan bilang
pinakamataas na pamantayan sa buhay. Sa panahon ngayon, hindi lingid sa
kaalaman ng lahat ang pagbabago sa konsepto ng tama o mali, mabuti o
masama ng mga kabataan. Ito marahil ay dala ng mga pagbabago dulot ng
modernisasyon at globalisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ng mga
mananaliksik para alamin ang mga impluwensiya at pananaw ng mga kabataang
mag-aaral sa lalawigan ng Nueva Ecija ukol sa katangian ng isang kabataan na
may tuwid na moral. Gamit ang sarbey at sa pamamagitan ng deskriptibong pag-
aanalisa at pagkukumpara sa mga datos, ay napag-alaman ang mga sumusunod:
karamihan sa mga kabataang kalahok ay babae, panggitnang-anak, at mula sa
pamilya na may buwanang kita na P5,000.00 pababa. Sila ay lubos na sumasang-
ayon sa impluwensiya ng pamilya at paaralan sa kanilang moral values; sang-
ayon naman sila sa impluwensiya ng kaibigan at media sa kanilang moral values.
Naniniwala sila na sila ay nagtataglay ng katangian ng isang kabataan na may
tuwid na moral dahil sa kanilang paggalang sa mga nakakatanda; ito ay sa
pamamagitan ng paggamit ng “po” at “opo”. Samantala, ayon sa mga kalahok,
isang negatibong indikasyon ng hindi nila pagkakaroon ng tuwid na moral ay ang
paminsanminsan nilang pangongopya sa mga pagsusulit at pangungupit ng
pera. Napag-alam din sa pananaliksik na ang buwanang-kita ng kanilang
pamilya ay isang basehan ng makabuluhang pagkakaiba ng pananaw nila tungkol
sa impluwensiya ng pamilya, media at paaralan sa kanilang moral values. May
makabuluhang kaugnayan naman ang mga sumusunod: kung pang-ilan sila sa
kanilang magkakapatid at impluwensiya ng kanilang pamilya sa kanilang moral
values; buwanang kita ng kanilang pamilya at impluwensiya ng paaralan sa
kanilang moral values; at malaki ang kaugnayan ng impluwensiya ng
pamilya, paaralan, kaibigan at media sa pagkakaroon ng tuwid na moral ng mga
kabataan sa Nueva Ecija.

D. Self-Concept at College Adjustment ng mga Anak ng Overseas


Filipino Workers Rochelle Ann V. Pararuan Central Luzon State
University rochiepararuan@yahoo.com.ph

Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang self-concept at college


adjustment ng mga anak ng Overseas Filipino Workers na mag-aaral sa unang
antas sa Central Luzon State University. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay 65 na
estudyanteng nasa unang antas sa kolehiyo na mga anak ng OFWs. Ang mga
kalahok ay binigyan ng dalawang pagsusulit, ang Dimensions of Self-Concept at
College Adjustment Scale, pinasagutan din sa kanila ang papel patungkol sa
kanilang personal na impormasyon. Ang resulta ng Dimensions of Self
Concept at nagpapakita na mataas ang Anxiety, Academic Interest and
Satisfaction, Leadership and Initiative, at Indentification vs. Alienation ng mga
anak ng OFWs samantalang mababa naman ang Level of Aspiration. Sa College
Adjustment Scale, ang mga anak
ng OFW ay nasa borderline level sa Suicidal Ideation at Depression. Ang
resultang borderline ay binibigyang-pansin ng mga counselor at
nangangailangan ng mas masusing pag-aaral at follow up. Ang resulta ng pag-
aaral ay nagpapakita rin na ang Academic Interest at Satisfaction ay negatively
correlated sa Self-esteem problems at ang Self-esteem problems ay negatively
correlated din sa Leadership and Initiative ng Dimensions of Self-concept. Ang
Career Problems sa College Adjustment Scale ay masasabing negatively
correlated sa Leadership and Initiative in Dimensions of Self-Concept at ang
Indetification vs. Alienation ay negatively correlated din sa Self- esteem
Problems. Ang pananaliksik ay nagpapakita na kailangang bigyan ng
konsiderasyon ang resulta ng pag-aaral sa pagplano ng mga programa para sa mga
anak ng Overseas Filipino Workers.

E. Ang Karanasan ng mga Nawalan ng Magulang Charla Rochella G.


SantiagoUnibersidadngPilipinasDiliman
charla_santiago@yahoo.com

Isang kwalitatibong pag-aaral ang isinagawa upang tunghayan ang


karanasan ng mga nawalan ng magulang dahil sa pagpanaw o pag-abandona ng
isa sa kanilang mga magulang. Labing-anim na mga anak edad 18 hanggang 28
taon sa kasalukuyan at hindi bababa sa 15 taon ang edad noong nawala ang
magulang, ang mga kalahok sa pag-aaral. Walo sa kanila ang nawalan ng
magulang dahil sa pagpanaw habang walo naman ang nawalan dahil sa pag-
iwan. Hindi tiningnan na pamantayan para sa pagpili ng mga kalahok ang
kanilang kasarian, trabaho, o posisyon sa magkakapatid, maging ang sanhi
ng pagpanaw ng kanilang mga magulang. Gamit ang malalimang panayam,
ipinalahad sa mga kalahok ang kani-kaniyang karanasan patungkol sa pagkawala
ng isa sa kanilang mga magulang. Para sa pagsusuri, ginamit ang paghahalaw,
isang likas na pamamaraan kung saan kinuha ang mga panguna't pinakabuod na
mga paksa, proseso, o konsepto mula sa mga panayam. Tatlong pangunahing
paksa ang namukod-tangi sa kwento ng mga nawalan. Isang paksa ang
Pagpapatuloy sa Buhay, na sumasalamin sa tuloy-tuloy na pag-usad ng mga
nawalan sa kanilang buhay at mga larangan nito gaya ng pag-aaral o
pagtatrabaho, sa kabila ng mga nangyari o dinadanas dahil sa pagkawala ng
magulang. Isa ring paksa ang Pagtanggap sa Pagkawala na tumutukoy sa
pagkilala ng isang nawalan sa nangyari o pangyayari—pagpanaw, pag-
abandona, o di na pagbabalik ng magulang na lumisan. Naiiba ito sa isa pang
paksa ng Pagharap ng Kawalan na patungkol naman sa pagsagupa ng
nawalan sa anumang danasin kaugnay ng pagkawala, gaya ng malungkot na
alaala. Tiningnan din ang datos upang malaman kung ano ang ugnayan ng tatlong
paksa. Nakita na ang mga paksa ay hindi nagaganap sa magkakasunod na paraan.
Halimbawa, maaaring makapagpatuloy ang buhay ng isang nawalan kahit hindi
pa lubos ang kanilang pagtanggap o pagharap. Nakita rin na mas madalas na
nakatuon ang mga anak na nawalan sa Pagpapatuloy sa Buhay, kaysa sa mga
pansariling proseso ng Pagtanggap sa Pagkawala at Pagharap ng Kawalan. May
rekomendasyon na tingnan ang mga paksang ito sa karanasan ng ibang grupo ng
mga nawalan, maging sa ibang kwento ng negatibong sitwasyon o
karanasan. Ipinapanukala rin ang ilang konkretong mga paraan upang
tulungan ang mga nawalan ng magulang, batay sa preliminaryong modelong
nahalaw sa pananaliksik.

IV.Tema ng Pananaliksik: PULITIKA

A. Ang Saloobing “Ako at ang Aking Bayan” ng mga Botanteng Pilipino


Julieta C. Mallari at Hilana Roman University of the Philippines Diliman
Extension Program in Pampanga jcmallari15@yahoo.com

Ang oryentasyong pulitikal ng mga botanteng Pilipino ay base sa kanilang


pinapahalagahang katuwiran, kaisipan at pag-uugali. Tulad ng tabak na may
dalawang talim, ang mga ito ay maaring maging kapaki-pakinabang o kaya naman
ay maging pinsala sa lipunan. Nakaugnay sa sinabi ni Jocano na kaisipang
“personalismo,” “pamilismo,” “partikularismo” at damdamin (1999:36-37;
200:67) ng mga Pilipino madalas ang kanilang mga desisyon. Maaaring maging
negatibo ang resulta nito lalo kung nagiging basehan ng mga naghahalal sa mga
pulitiko tuwing eleksyon: nagiging sentro ang sarili at pamilya kaysa sa bayan ang
kanilang pananaw at mga adhikain. Sa mga masa lalo na, ang ninanais nila ay
iyon lamang nakikita nilang agarang mapapakinabangan. Hindi nila
masyadong tinitingnan ang matagalang ibubunga ng kanilang desisyon sa
pagboto. Kaya nga mas madalas ang pagpili ng maling klase ng namumuno sa
kanila at ito ay nagbubunga ng katiwalian at di pag-asenso. Ang pag-aaral na ito
ay nakatuon sa isang sarbey na ginawa noong eleksyong 2010 para sa
gubernador ng Pampanga. Apat na kandidato ang pinagpilian: isang artista,
isang coach sa basketball, isang pari, at isang kilalang asawa ng jueteng lord.
Tinipon ang mga sagot ng mga botante patungkol sa mga dahilan ng kanilang
pagpili ng kandidato. Ang resulta ng sarbey ay nagpatunay na ang mga nabanggit
na konsepto ni Jocano ang pumaimbabaw sa sikolohiya ng maraming
manghahalal.

V.Tema ng Pananaliksik: PAGSISIYASAT SATEORYA NG KAPWA

A. Hmpf, Inc.: Ang Konseptuwalisasyon, Manipestasyon, at Implikasyon


ng Tampo sa Daigdig ng Paggawa at ng Industriya Carl O. Dellomos
University of Caloocan City carldellomos@gmail.com Jayson D. Petras
Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Malaking salik na maituturing ang damdamin ng mga kabahagi sa
industriya bilang pinanggagalingan ng anyo ng pag-uugali, katayuang
pangkaisipan, at pakiramdam sa trabaho (Ponticell 2006). Sa
pagsasakonteksto, maididikit ang usapin ng tampo bilang isang kaasalang
kultural ng mga Pilipino na masasabing umiinog maging sa daigdig ng lakas-
paggawa. Binigyan ng inisyal na pakahulugang “pagpapakita ng sama-ng-loob at
hindi pagkatuwa, karaniwan sa pamamagitan ng pananahimik at paglayo sa ibang
tao,” (UP Diksiyonaryong Filipino, 2010), mahalagang ganap na masiyasat ang
kabuuang diwa ng tampo bilang isa sa mga
associated behavior pattern ng mga Pilipino (Enriquez 1992) 80 sa larangan ng
ugnayang paggawa at industriya. Sa katunayan, magpahanggang sa ngayon,
naniniwala ang mga praktisyuner ng human resource development na may
pagkakapareho ang mga pangangailangan ng mga manggagawa na tumutukoy sa
pagiging kaisa, pagkilala, respeto, at kagustuhang makapagbigay ng epektibo at
malikhaing trabaho sa pinagtatrabahuan (Ellemers et al. 2008). Kaalinsabay nito
ang positibong pagtingin ng mga empleyado sa trabaho ay dulot ng
nararamdamang tiwala, pag-aalaga, pagbibigay-kabuluhan, sariling
karunungan, hamon, oportunidad para sa personal na pag-unlad, at dignidad
(Ellemers 2008; Maccoby 1988). Mula o sa paglihis sa mga ito, maaaring
umiinog ang tampo. Ninais ng pananaliksik na ito na maitampok ang
konseptuwalisasyon, manipestasyon, at implikasyon ng tampo sa iba't ibang
ugnayan na pangunahing kinasasangkutan ng empleyado, namamahala/boss, at
ng administrasyon. Sa pangangalap ng mahahalagang datos at impormasyon,
gumamit ang mga mananaliksik ng methodological triangulation kung saan
ang pagtatanong-tanong, obserbasyon, pakikipagkuwentuhan, at sarbey ay
magiging bahagi ng kabuuang metodo ng pananaliksik. Sa ganang ito,
napalawig ang pagtanaw sa tampo sa pamamagitan ng pagbabalangkas nito hindi
lamang sa antas ng pagtutunguhang “hindi ibang tao” kundi maging sa “ibang
tao” at nadalumat nito ang diwa sa pagpapahalaga ng mga Pilipino sa paggawa.

B. Ang Loob at Pakikipagkapwa sa Kagandahang-Loob Charmaine


P. Galano Unibersidad ng Pilipinas Diliman cpgalano@gmail.com

Ang kagandahang-loob ay nauna nang tinukoy ni Enriquez (1992) bilang


isang pagpapahalagang tulay ng sarili at lipunan o “linking socio-personal value”.
Ito ay may dalawang kalikasan: ang pagkakaroon ng aspektong loob-labas at ang
pakikipag-ugnayan sa kapwa. Itinuturing rin itong isang moral at etikal na
pagpapahalaga na ginagamit upang maging gabay sa pagtatasa ng tama o mali at
ng angkop o di-angkop na mga kilos. Sa kasalukuyang pananaliksik na ito,
dalawang pag-aaral ang isinagawa upang masuri ang mga pagpapakahulugan ng
kagandahang- loob na tinalakay sa mga nauna nang mga literatura (Miranda,
1992; Resurreccion, 2007; Salazar, 1982; Vinzons & Jose, 2013). Sa unang
pagaaral, lumilitaw na ang mga konseptong pinakamalapit na iniuugnay ng mga
kabataang kalahok (N=103) sa kagandahang-loob ay malasakit, respeto,
nagbibigay ng tulong ng walang kapalit, malinis na prinsipyo at may
inisyatibong tumulong. Gamit ang multidimensional scaling, lumitaw ang apat na
klaster ng mga konseptong nagpapakita sa loob at labas na dimensiyon ng
kagandahangloob. Sa ikalawang pag-aaral, kinuha ang correlation ng
kagandahang-loob sa 10 unibersal na pagpapahalaga ni Schwartz (2006).
Lumalabas mula sa tugon ng mga kalahok (N=177) na ang kagandahang-loob ay
may significant positive correlation sa mga pagpapahalagang tulad ng
universalism (r = .244) at benevolence (r= .318). Ipinapahiwatig nito na ang
kagandahang-loob ay isang pagpapahalagang nakatuon sa pagkilala at
pagsusulong sa kapakanan ng kapwa.
VI. Tema ng Pananaliksik: KULTURAAT KASAYSAYAN

A. Ang Daloy ng Ganap na Buhay na Mula sa Sagradong Lupa: Ang


Katutubong Kamalayan ng Panlipunang Kaunlaran ng mga
Ambala Ayta sa Sitio Alibang at ang mga Implikasyon nito sa
Gawaing Panlipunan at Pagpapa-unlad ng Pamayanan Angelito
B. Meneses Saint Joseph's College of Quezon City
joltzenjen@yahoo.com

Kahit pa man nasa kasalukuyang panahon tayo ng developmentalismo o


globalismo, taglay pa rin ng mga katutubong Ambala Ayta ang kamalayan
tungkol sa kaunlaran na nakaugat sa lupa. Ang pag-aaral na ito ay isang
paglalarawan ng katutubong pananaw ng pag-unlad ng buhay na hango sa
kultural na buhay, karanasan at pangarap ng mga Ambala Ayta sa Sitio Alibang
na tinawag nilang kahampatan. Ang kahampatan ang sariling pakahulugan at
sariling determinasyon para sa isang ganap na buhay na dumadaloy mula sa
sagradong lupa na kanilang tinubuan. Ang pananaw na ito ay maihahalintulad sa
dati pang artikulasyon ni Apo Macliing Dulag na ang lupa ay buhay at ang buhay
ay lupa. May pagkakahambing din ang kahampatan sa sikolohikal at
ispirituwal na konteksto ng panlipunang kaunlaran ng ibang mga katutubong
pamayanan na nakasaad sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Ang pag-
aaral ay naging pagkakataon para sa mga Ambala Ayta upang samasama nilang
suriin at isalarawan ang kanilang pamayanan na nagresulta sa pagkabuo ng
kanilang profile ng pamayanan. Ang paraan na ito ay di pagsunod sa dati nang
metodo ng mga di-katutubo sa pangangalap ng datos na gagawing batayan ng
kanilang interbensiyong pangkaunlaran para sa mga katutubo. Tinalakay din ang
mga implikasyon ng pag-aaral na ito sa gawaing panlipunan (social work) at
pagpapaunlad ng pamayanan (community development). Nilinaw nito ang
pagkakaroon ng ibang pamamaraan sa pagtulong sa mga katutubong
pamayanan na angkop sa kanilang katutubong kamalayan, kultura at sariling
pagpapasya ng isang ganap na buhay na nakaangkla sa daloy ng kanilang
sagradong lupa.

Gawin Natin
I. Gawaing Pangkatan

A. Suriin ang mga abstrak ng pananaliksik at ibahagi sa klase

B. Gumawa ng poster na naglalahad ng diwa (pagsasakilos/campaign) ng


abstrak na sinuri at ibahagi sa klase.

II. Gawaing Isahan


A. Sumulat ng isang artikulo base sa diwa ng abstrak na binasa at ibahagi
sa klase.
Mga Sanggunian

Abesames, N. et al. (2006). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela


City: Mega Jesta Prints, Inc.

Antonio, L. & Rubin, L. (2003) Sikolohiya ng Wikang Filipino. Quezon City. C &
E Publishing, Inc.

Astorga, E. (2011). Retorika: Masining na Pagpapahayag. Manila: Mindshapers


Co., Inc.

Batnag, A. et al. (2011). Sayusay: Sining ng MabisangPagpapahayag. Quezon


City: C & E Publishing, Inc.

Bendalan, N. (2013). Retorika: Mabisa at Masining na Pagpapahayag. Quezon


City: Wiseman's Books Trading, Inc.

Bernales, B. et al. (2001). Pagbasa at Pagsulat sa Iba't ibang Disiplina. Valenzuela


City: Mutya Publishing House.

Bernales, R. et al. (2012). Masining na Pagpapahayag sa Filipino. Valenzuela


City: Mutya Publishing House, Inc.

Bernales, R. et al. (2012). Masining na Pagpapahayag sa Filipino: Mga Prinsipyo


at Proseso. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Caballas, R. (2013). Ano ang Paraan ng Komunikasyon ng mga Filipino.


Retrieved from https://www.scribd.com/doc/126024699/Ano-Ang-Paraan-Ng-
Komunikasyon-Ng-Mga-Filipino

Cantillo, M.L., Gime, A. & Gonzales, A. (2015). Sikhay. Aklat sa


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa Ika-11
Baitang. Quezon City: St. Bernadette Publishing House Corporation.

Cantillo, Ma Luisa M. et al. (2016). Aklat sa Komunikasyon at pananaliksik sa


wika at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Quezon City: St.
Bernadette Publishing House Corporation.

Casanova, A. et al. (2001). Pagbasa at Pagsulat sa Iba't Ibang Disiplina. Quezon


City: Rex Bookstore.

Catacataca, P., Belvez, P., & Villafuerte P. (1984). Masaklaw na Pilipino. Manila:
Echanis Press Inc.
Cena, R. (2011). Gramatikang Filipino. Quezon City: U.P. Press.

DC Santos, D., Buenaventura, E., Calanoga, IC., Lacsamana, F., Moreno, C., &
Salgado, S. (2015) Sining na Pagpapahayag. Manila: Mindshapers Co., Inc.
De Dios, L. & Lozano, L.(2014). Modyul sa Retorika: Masining na
Pagpapahayag. Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.
Galileo, Z. (2016). Ang pagtuturo ng wika at kulturang filipino sa disiplinang
filipino (konteksto ng K to 12). Katipunan: Journal ng mga Pag-aaral sa
Wika, Sining, Panitikan at Kulturang Filipino. Retrieved from
https://journals.ateneo.edu/index.php/katipunan/article/view/KA2016.00102

Lardizabal, A. (1989). Sikolohiya sa Filipino. Quezon City: Rex Printing


Company, Inc.

Mabaquiao, N. Jr (2007). Globalisasyon, kultura, at kamalayang filipino.


Philippine E-Journals.Malay, Vol. 19, No.3. Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=7900

Maggay, M. (2002). Ang Panahon Sa Ating Mga Interaksiyon. Retrieved from


https://www.scribd.com/document/336425155/Ang-Panahon-Sa-Ating-Mga-
Interaksiyon

Maglaya, E. et al. (2003). Filipino sa Nagbabagong Panahon. Quezon City: New


Day Publishers

Malicsi, J. (2013). Gramar ng Filipino. Quezon City: U.P. Sentro ng Wikang


Filipino Mutya Publishing House.

Montera, G., Perez, A., & Gawahan, R. (2012). Retorika: Patnubay sa Masining
na Pagpapahayag. Cebu City: Likha Publications.

Perez, A. & Santiago A. (1976). Mga Babasahin sa Filipino. Manila: Rex


Printing.

Perez, A. (2014) Sulit ba o okey lang? Isang pagtuklas sa konsepto ng “sulit”


ng mga pinoy. DIWA E-Journal. Tomo 2, Bilang 1. Retrieved from
http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/11/02.3-Artikulo-
Perez.pdf

Pomado, N., Rabulan, C., Eriman, E., Gomez, E., Do-oma, L. & Mino, N. (2008).
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Iloilo City: CPU Press.

Pomado, Nelson et. al. (2015). Komunikasyon sa akademikong Filipino.


Eksperimental na Edisyon. CPU Press: Jaro, Iloilo City Philippines.
Rubin, L., Casanova, A., Paz, V., Abiera, A. & Mangonon, I. (2002). Kasaysayan
at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Quezon City: Rex printing
Company, Inc.

Rubin, Ligaya T. et. al. (2002). Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa ng


Pilipinas. Manila: Rex Bookstore

Tumangan, A. et al. (2016). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Makati


City: Grandwater Publications.

Mga Babasahin sa Sikolohiyang Pilipino. Lektyur Notes sa Pambansang Seminar


sa Sikolohiyang Pilipino. Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino.
Iloilo City: Central Philippine University.

Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino. Abstrak ng mga papel sa


Plenaryong Sesyon. 2014 Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at
ng Departamento ng Sikolohiya Pamantasang de la Salle. Retrieved from
http://www.pssp.org.ph/wp-content/uploads/2014/11/merged_document.pdf

Filipinojournal.com/gaano-nga-ba-kahalaga-ang-tamang-paggamit-ng-wika/
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastong-gamit-ng-mga-salita-
1.htm?m=1

www.slideshare.net/mobile/ReilourdMiranda/wastong/gamit-ng-mga-salita-
14843459

http://prezi.com/m/fj204egjka3e/ang-gramatika-at-retorika
ironmeo.weekly.com>uploads>kawastuhang-panggramatika
https://www.slidesharenet/mobile/charlenedianereyes/kohesyong-gramatikal-at-
uri-ng-pang-abay

www.slideshare.net/mobile/gerrysuarez/wastong-gamit-ng-mga-salita-
3703148https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga sining pangwika
https://liancvivas.wordpress.com/, 2015

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika_ng_katawan

150

You might also like