You are on page 1of 76

PAUNANG SALITA

Binabati kita bagong mag-aaral na magtataguyod sa pagtuturo ng Panitikan ng

Pilipinas sa elementarya. Ikinagagalak kong ibahagi sa iyo ang mayamang kaalaman na tiyak

na malaki ang maiaambag sa pagpapaunlad ng iyong kakayahang maghatid ng tunay at

kaiga-igayang pagkatuto sa bawat mag-aaral sa elementarya.

Mahalaga sa pagtataguyod ng edukasyon ang paglalapat ng mga angkop at mabisang

pamamaraan sa pagtuturo. Ang paggamit ng iba’t ibang angkop na paraan ay

nakapagdudulot ng kaiga-igayang karanasaan sa loob ng silid-aralan.

Ang Modyul na ito ay nakabatay sa silabus ng EEd 13: Pagtuturo ng Filipino sa

Elementarya 2 –Ang Panitikan ng Pilipinas, Ito ay sadyang isinulat para sa iyo upang gabayan

ka sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman sa pagtuturo ng Filipino sa elementarya.

Mga may-akda
TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT I : MAHALAGANG SALIK SA PAGTUTURO AT PAGKATUTONG


PAMPANITIKAN
Panimulang Pagsusulit……………………………………………………………………1

DALOY NG KAALAMAN:

Patakaraang Edukasyon Sa Pilipinas: Pangkalahatang


Ideya………………………………………………………………………………………………2

Ang Batayang Kurikulum sa Pagtuturo ng Filipino ayon sa Saligang


Batas………………………………………………………………………………………………3
Ang Layunin ng Edukasyon ayon sa Konstitusyon………………….3
Ang Layunin ng Edukasyong Elementarya……………………………..3
Sampung Utos sa mga Guro…………………………………………………..4
Mga Layunin ng Pagtuturo ……………………………………………………………...5
Batayang Kategorya sa Pag-uuri ng Layuning Pampagtuturo….6
Pangunahing Hakbang sa Pagbuo ng mga Layunin
Pampagtuturo……………………………………………………………………...6
Dapat Tandaan sa Paglalahad ng mga Layunin………………………6
ABCD Pormat……………………………………………………………………….7
Domeyn ng Layuning Pampagtuturo………………………………………………..7
Domeyn Pangkabatiran…………………………………………………………………...7
Bloom’s Taxonomy of Objectives……………………………………………………..7
Bakit Binago ang Bloom’s Taxonomy ng 1959?
Rebisyon ng Bloom’s Taxonomy……………………………………………8
Pagtuturo ng Panitikan……………………………………………………………………9
Mga Makrong Kasanayan
Kasanayan sa Pakikinig………………………………………………………...9
Kasanayan sa Pagsasalita……………………………………………………11
Kasanayan sa Panonood……………………………………………………..13
Kassanayan sa Pagbasa………………………………………………………16
Kasanayan sa Pagsulat……………………………………………………….18
INDIBIDWAL NA GAWAIN…………………………………………………………….19
PANGKATANG GAWAIN………………………………………………………………..20
MAHABANG PAGSUSULIT……………………………………………………………..20
SANGGUNIAN……………………………………………………………………………….22

YUNIT II: IBA’T IBANG DULOG SA MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


Panimulang Pagsusulit………………………………………………………………….24

DALOY NG KAALAMAN

TRADISYUNAL NA PAGDULOG………………………………………………………25
Mga Uri ng Tradisyunal na Pagdulog Ayon sa Pamamaraan….25
Ang Habing Semantika………………………………………………………..25
Ang Story Grammar o Pamaraang Pagbabalangkas/
Pangkayarian……………………………………………………………………..28
Ang Araling Pagpapahalaga………………………………………………...29
Indibidwal na Gawain…………………………………………………………29
Pangkatang Gawain……………………………………………………………30
Mahabang Pagsusulit………………………………………………………….30

MODERNONG PAGDULOG……………………………………………………………..32
Mga Uri ng Modernong Pagdulog Ayon sa Pamamaraan………………….33
Pamamaraang Pabuod o Deactive Method…………………………...33
Panayam…………………………………………………………………………....34
Pamaraang Patuklas o Discovery Method……………………………35
Tanong Sagot……………………………………………………………………..35
Pagtuturong Pangkatan………………………………………………………37
Pamaraang Proseso o Process Approach……………………………..37
Dulog Konseptwal………………………………………………………………37
Pamaraang Pabalak o Project Method…………………….…………...38
Pamaraang Pasaklaw o Inductive Method…………………………...38
INDIBIDWAL NA GAWAIN…………………………………………………………….39
PANGKATANG GAWAIN……………………………………………………………….39
MAHABANG PAGSUSULIT…………………………………………………………….40
SANGGUNIAN………………………………………………………………………………43

YUNIT III : IBA’T IBANG URI NG PANITIKAN SA PILIPINAS…………………………….44


Ulap ng Ala-ala…………………………………………………………………………….44

DALOY NG KAALAMAN

Ano Ang Panitikan?...................................................................................................45


Oryentasyong Kritikal Ukol sa Panitikan………………………….….45
Kahulugan at Tungkulin ng Panitikan………………………………….45
Gabay na Konsepto sa Pagtuturo ng Literatura…………...............46
Bakit kailangang Pag-aralan ang Panitikan?.....................46
Ang Panitikan mula sa Iba’t ibang Manunulat………………………47
Kahalagahan ng Panitikan…………………………………………………..48
Labindalawang Akdang Nakaiimpluwensya sa Panitikan ng
Pilipinas at ng Daigdig……………………………………………………….48
Mga Salik na Nakaaapekto sa Panitikang Filipino…………………49
Uri at Anyo ng Panitikan……………………………………………………..49

Ang Panitikan sa Anyong Patula…………………………………………………….50


Maikling Kasaysayan ng Panitikang Filipino…………………………………..51
Paglinang ng Talasalitaan…………………………………………………………..…54
INDIBIDWAL NA GAWAIN…………………………………………………………….55
PANGKATANG GAWAIN………………………………………………………………..56
PAGTATAYA…………………………………………………………………………………56

YUNIT IV: ANG PAGTATAYA AT EBALWASYON SA MATAGUMPAY NA


PAGTUTURO NG PANITIKAN
Panimulang Pagsusulit………………………………………………………………….58
DALOY NG KAALAMAN
Ang Pagsusulit
Mga Uri ng Pagsusulit Ayon sa Pamamaraan……………………….59
Mga Uri ng Aytem ng Pagsusulit………………………………………….60
Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit
na may Pagpipiliang Sagot…………………………………………………..61
Paghahanda sa Pagsusulilt………………………………………………….62
Mga Bagay na Dapat Tandaan ng Isang Guro sa Paghahanda ng
Pagsasanay at Pagsusulit…………………………………………………….63
Mga Simulain sa Paghahanda ng Pagsasanay at Pagsusulit…...64
Pagsasanay at Pagsubok
Bakit Kailangan ang Pagsasanay?.........................................................65
Ang Pagsasanay sa Wika………………………………………………………………..66
Ang Pagbabalik-aral at ang Pagsasanay…………………………………………67
Ang Sining ng Pagtatanong……………………………………………………………68
Iba’t Ibang Uri ngn Pagtatanong………………………………………….68
Mga Layunin ng Pagtatanong………………………………………………68
Katangian ng Isang Mabisang Pagtatanong………………………….69
INDIBIDWAL NA GAWAIN…………………………………………………………….69
PANGKATANG GAWAIN………………………………………………………………..69
MAHABANG PAGSUSULIT……………………………………………………………..70
SANGGUNIAN……………………………………………………………………………….71
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Yunit I
MAHALAGANG SALIK SA PAGTUTURO AT PAGKATUTONG PAMPANITIKAN

Sa yunit na ito, matututuhan mo ang ilang mahahalagang bagay na


makatutulong sa iyo bilang guro ng panitikan. Inaasahang magagamit mo ang mga
kabatirang ito upang:

1. Maisa-isa ang nilalaman ng kurikulum at mga layunin sa pagtuturo;

2. Matukoy ang mga mahahalagang salik sa pagtuturo ng panitikan na


dapat mong isaalang-alang upang maging matagumpay sa iyong
pagtuturo;

3. Mabatid ang iba’t ibang layunin ng pagtuturo;

4. Maisakatuparan ang mga layunin ng edukasyon batay sa iba’t ibang


aspektong pampanitikan; at

5. Maisa-isa ang mga makrong kasanayan at ang estratehiya sa pagtuturo


ng mga ito sa pagkatutong pampanitikan.

Magiging higit na mabisang guro ka kapag lubos na nalinang sa iyo ang


mga kaalaman at kabatirang nabanggit.

TUKLASIN!

Ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa ay nasisinag sa sistema at mga


layunin ng edukasyon nito. Ang paaralan ang isa sa pinakamahalagang salik upang
pagyamanin ang iyong kaalaman bilang isang guro sa hinaharap. Dito itinuturo ang
mayamang panitikan ng Pilipinas gamit ang Filipino bilang midyum na wikang
panturo. Sa Yunit na ito ay ilalahad sa iyo ang mga batayang kaalaman sa pagtuturo
at pagkatutong pampanitikan na magagamit mo sa iyong pagtuturo.

PANIMULANG PAGSUSULIT

PANUTO. Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at isulat ang salitang
MALI kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot bago ang bilang.

_______________1. Ang kabuuang pag-unlad ng pagkatao ng isang mag-aaral ay


napapangkat sa tatlong lawak.

_______________2. Malawak na ipinahahayag ng layunin ang direksiyon ng isang


programa.

_______________3. Nababatid sa kaalaman ang simpleng pag-alala sa mga natutuhang


impormasyon.

_______________4. Sa berbal o di-berbal na pakikipagkomunikasyon ng isang tao ay


hindi kailangang masangkot ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag.

1
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

_______________5. Ang kasanayang pangwika ang magiging tuntungang kaalaman ng


isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipabatid.

_______________6. Ang panonood ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe


sa pamamagitan ng sensoring pandinig at pag-iisip.

_______________7. Sa komprehensiyon binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng


tagapagsalita at kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

_______________8. Ang pagsasalita ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag


ang kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.

_______________9. Ang panonood ay isang proseso ng pagmamasid ng manonood sa


palabas, video recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa
sa mensahe o ideya na nais iparating nito.

_______________10. Sa interpersonal ay nagaganap kung ang isang tao ay nagsasanay


sa kanyang sarili para sa isang pagtatanghal.

Mahusay! Ang mga sagot na iyong naitala ay nagpapatunay


kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Kung kaunti lamang ang
iyong naisagot ay huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng mga
gawain at pagsasanay na inihanda ko upang lumawak pa ang iyong
kaalaman sa mga paksang ating pag-aaralan. Halina’t simulan na nating
paunlarin ang iyong kaalaman.

DALOY NG KAALAMAN

PATAKARAN SA EDUKASYON SA PILIPINAS: PANGKALAHATANG IDEYA

Ang edukasyon sa Pilipinas ay ibinibigay ng mga pampubliko at pribadong


paaralan, kolehiyo, pamantasan at teknikal at bokasyunal na institusyon. Ang pondo
para sa pampublikong edukasyon ay nanggagaling sa gobyerno.

Sa pangunahing antas ng edukasyon, ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd)


ay nagtalaga ng pangkalahatang istandard na susundin at nag- utos na magkaroon
ng standardized test para sa K-12 basic education system, bagaman ang mga
pribadong paaralan ay malayang pumili ng kanilang sariling kurikulum na alinsunod
sa mga pinaiiral na batas at regulasyon ng Kagawaran.

Sa kabilang banda, sa mas mataas na antas ng edukasyon, ang Komisyon sa


Mas Mataas na Edukasyon (CHED) ay nangangasiwa at pinangangalagaan ang mga
kolehiyo at pamantasan, samantalang ang Technical Educational Skills Development
Authority (TESDA) para sa teknikal at bokasyunal na institusyon ay
pinangangalagaan ang teknikal at bokasyunal na programa ng edukasyon at ng mga
institusyon.

Para sa taong paturuan 2017- 2018, halos 83% ng mga mag- aaral sa K-12
ang pumapasok sa mga pampublikong paaralan at halos 17% naman ang
pumapasok sa pribadong paaralan o home – schooled.
Ayon sa batas, ang edukasyon ay mahigpit na ipinatutupad sa loob ng labing
tatlong taon (kindergarten and grades 1-12). Ang mga ito ay napa- pangkat sa

2
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

tatlong antas: elementarya (kindergarten – grade 6), junior high school (grades 7-
10), at senior high school (grades 11- 12); maaari rin itong mapangkat sa apat na
yugto :1st key stage (kindergarten- grade 3), 2nd key stage( grades 4- 6), 3rd key stage (
grades 7- 10) at 4th key stage ( grades 11- 12).

Ang mga bata ay maaari nang ipasok sa kindergarten sa edad na 5.

Ang institusyon ng mas mataas na edukasyon ay maaaring maiuri bilang


alinman sa pampubliko o pribadong kolehiyo at pamantasan, at ang mga
pampublikong institusyon ng mas mataas na edukasyon ay maaari pang mabahagi
sa dalawang uri: state universities and colleges and local colleges and universities.

ANG BATAYANG KURIKULUM SA PAGTUTURO NG FILIPINO AYON SA SALIGANG


BATAS

Ang Layunin ng Edukasyon Ayon sa Konstitusyon

Ang pinakapangunahing basihan ng mga nilalaman ng kurikulum at mga


layunin ng pagtuturo ay ang mga probisyong pang-edukasyon sa bagong
Konstitusyon 1987 na matatagpuan sa Artikulo XIV, seksyon 3, bilang 2. Sa mga
tanging bahagi ay ganito ang isinasaad:

Ang lahat ng institutsyong edukasyon ay dapat na:

1. Ikintal ang patriotismo at nasyunalismo;

2. Ihasik ang pag-ibig na pangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao, at


pagpapahalaga sa mga ginampanan ng mga pambansang bayani sa
makasaysayang pagbuo ng ating bansa;

3. Ituro ang mga karapatan at tungkuling pagkamamayan;

4. Patatagin ang mga pagpapahalagang etikal at ispiritwal;

5. Linangin ang karakter na moral at disiplina sa sarili;

6. Pasiglahin ang mapanuri at malikhaing pag-iisip;

7. Palawakin ang kaalamang pansiyensiya at panteknolohiya; at

8. Itaguyod ang kakayahang bokasyunal.

Mga Layunin Ng Edukasyong Elementarya

Ang edukasyon elementarya ay naglalayong malinang ang ispiritwal,


moral, sosyal, emosyunal, mental at pisikal na mga kakayahan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng pagdudulot ng mga karanasang kailangan sademokratikong
pamumuhay para sa isang matalino,makabayan, makatwiran at kapakipakinabang
na pamamayan, tulad ng mga sumusunod.

1. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwal at sibiko at paglinangng isang


mabuting mamamayang Pilipino na may pananalig sa Diyos at may pagmamahal sa
kapwa tao.

2. Pagsasanay sa mga kabataan sa kanilang mga karapatan, tungkulin at


pananagutan sa isang lipunan demokratiko para sa isang aktibong pakikilahok sa
isang maunlad at pamapamayan.

3. Paglinang ng pangunahing pang-unawa sa kulturang Pilipino, mga kanais-nais na


tradisyon at gawi ng ating mga ninuno at kabutihan ng mga mamamayan na
pangunahing kailangan sa pagkakamit ng pambansang kamalayan at kaisahan.

3
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

4. Pagtuturo ng mga batayang kaalamang pangkalusugan at paglinang ng mga


kanais-nais na gawi at ugaling pangkalusugan.

5. Panglinang ng karunungan sa bernakular, Filipino at ingles upang maging


kasangkapan sa patuloy na pagkatuto.

6. Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman, saloobin, kasanayan at kakayahan,


sasiyensiya, araling panlipunan, matematika, sining, at edukasyong paggawain at
ang matalinong paggamit ng mga ito sa angkop na sitwasyon ng buhay.

Ang mga layunin ng pagtuturo ay nakasasalay din sa mga layunin ng


edukasyon na makikita sa mga sumusunod na batayan.

Sampung Utos Sa Mga Guro

1. Kilalanin ang iyong mga estudyante at mamuhunan sa kanilang buhay.

Isipin kung anong mga silid-aralan ang magiging tulad kung alam ng
bawat estudyante na inaalagaan at kilala sila ng kanilang guro. Pagkilala sa aming
mga mag-aaral ay mahalaga! Magkaroon, magagamit, mamuhunan. Ipakita ang iyong
mga mag-aaral na mahalaga sa iyo!

2. Maging masigasig at nasasabik tungkol sa pagtuturo at pag-aaral.

Malalaman ng iyong mga mag-aaral kung mahal mo ang ginagawa mo.


Naniniwala ito o hindi, maaari nilang basahin ang aming mga emosyon medyo na
rin. Kung kami ay masigasig at nasasabik tungkol sa kung ano ang itinuturo namin at
kung ano ang natututuhan ng aming mga mag-aaral, ito ay mag-iiwan ng isang
mahusay na impresyon sa mga ito at magpatuloy din ang kanilang kaguluhan!

3. Bumuo ng mga mabuting relasyon sa mga magulang / tagapag-alaga.

Ang magagandang relasyon sa pagitan ng mga guro at mga magulang


/ tagapag-alaga ay walang magagawa kundi mapahusay ang pang-akademikong
tagumpay ng bata. Ang mga magulang / tagapag-alaga ay ang iyong # 1
mapagkukunan para sa pagkuha ng malaman ang mga pangangailangan ng iyong
mga mag-aaral nang higit pa sa silid-aralan.

4. Maghanda nang maingat.

Isipin ang mga pangangailangan ng iyong mga estudyante. Paano mo


maihaharap ang isang aral na nakakaapekto sa iyong mga estudyante, ngunit nasa
tamang antas para sa bawat estudyante? Ito ay maaaring tumagal ng oras, ngunit ito
ay oras ng mahusay na ginugol sa katagalan

5. Magturo sa isang paraan na may kaugnayan sa iyong mga mag-aaral.

Magkakaroon ka ng mag-aaral sa isang punto sa iyong karera sa


pagtuturo na magtanong, "Kailan ko magagamit ito sa totoong mundo?" Tiwala sa
akin, ako ang mag-aaral na iyon. Gawin ang iyong pagtuturo na may kaugnayan!
Ipakita sa mga estudyante kung paano nauugnay ang konsepto na ito sa kanilang
sarili, sa kanilang mga komunidad, sa kanilang estado, sa kanilang mundo.

6. Kumuha ng oras upang magpahinga at magbago.

Kailangan mo ang oras na ito. Para sa kabutihan ng iyong sarili at sa


iyong silid-aralan, tumagal ng oras upang ihinto, magpahinga, at tunay na pahinga.

7. Maging maingat sa mga salita at pagkilos na pipiliin mong gamitin.

4
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Mag-ingat sa pang-araw-araw na pag-iisip. Siguraduhin na ang iyong


mga salita at mga pagkilos ay nakakataas sa iba kaysa sa pagbaba sa kanila.

"Ang dila ay isang maliit na bagay, ngunit kung ano ang napakalaking pinsala
na magagawa nito." - Santiago 3: 5

"Ikaw ang ginagawa mo, hindi ang sinasabi mo na gagawin mo." - C.J. Jung

Magsanay ng kabaitan.

8. Gumawa ng malakas, kapaki-pakinabang na relasyon sa iyong mga


katrabaho at pangangasiwa.

Ang magagandang relasyon ay susi! Habang maaari kang tumuon sa


pagtatayo ng iyong komunidad sa silid-aralan, tumagal ng ilang oras upang bumuo
ng komunidad sa iyong mga katrabaho at pangangasiwa masyadong!

9. Maging propesyonal.

Maging sa oras, sundin ang mga pamamaraan, kumuha ng bayad,


yakapin ang pagbabago, kumuha ng responsibilidad, at kahit na sa dressing
propesyonal - hayaan ang kahusayan ay ang iyong layunin!

10. Ibigay ang iyong lahat!

Ibigay ang lahat ng mayroon ka habang mayroon kang pagkakataon!


Mayroon kang mahusay na pagkakataon, bilang isang guro, upang positibong
impluwensyahan ang mga mag-aaral at gumawa ng isang pagkakaiba sa kanilang
buhay. Kaya't tumingin ka sa mga posibilidad ng kung sino ang maaaring maging
mga kahanga-hangang batang nag-aaral at hayaan na ang iyong pagganyak!

MGA LAYUNIN NG PAGTUTURO

Ang mga layunin ng edukasyon sa iba’t ibang antas: elementarya, sekundarya


at tersyarya, ang batayang pinagkukunan ng mga layunin sa pagtuturo. Dapat isaisip
ng guro na anuman ang asignaturang kaniyang ituturo ay kinakailangang isaalang-
alang ang paglinang sa buong katauhan ng bata na siyang panlahat na layunin ng
edukasyon. Ang mga layunin sa pagtuturo ay mga tiyak na pagpapahayag ng mga
inaasahang pagbabago sa panig ng mag-aaral. Ang mga pagbabagong inaasahang
magaganap sa katauhan ng bata ay maaaring mapangkat sa tatlong lawak:
pangkaisipan o pangkabatiran (cognitive), pandamdamin (affective), at pampisikal o
saykomotor (psychomotor).

Sa paglikha ng mga layuning pangkatauhan o pangkagawian (behavioral


Objective), isaalang-alang ang mga sumusunod na paalala:

1. Banggitin ang gawi o gawain ng mag-aaral ayon sa pananaw ng mga-aaral


at hindi sa pananaw ng guro. Ang mga layunin sa pananaw ng guro ng
nagsisimula sa matutuhan, maunawaan, maikintal, mapahalagang, atbp,
ay dapat iwasan sapagkat ang mga ito ay walang sapat na kalinawan sa
kung ano ang dapat gampanan o dapat ipamalas ng mag-aral.Ang mga
salitang tulad ng mapaguri-uri, makapagmungkahi, makabuo, malinawan,
atbp, ang higit na mabuti sapagkat ang mga ito ay tahasang nasasabi ng
tiyak na gagawin ng mag-aaral.
2. Bumuo ng mga layunin sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga tiyak na
gawi o gampanin na maaaring makita, marinig, maisip, maramdaman
omaaaring bunga ng pagkaganap, gaya halimbawa ng “magunita ang mga
karanasang may kinalaman sa nagdaang lindol;” “mabigkas ang mga

5
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

salitang pares minimal nang malinaw at tumpak;” o kaya’y “maawit ang


Lupang Hinirang ng wasto at may damdamin.”
3. Ang pagdaradag ng mga salitang nagsasaad ng antas o kasidhiang
pagganap tulad ng “mailarawang ganap,” “mabigkas nang may
katamtamang bilis,” ay ang nakapagdaragdag ng kalinawan sa layunin.
4. Banggitin ang kaluwagan o kahigpitan ibibigay sa mag-aaral sa pagganap
sa Gawain.
Halimbawa: “makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok sa tulong ng
ruler;” o kaya’y “makaguhit ng iba’t ibang anyo ng tatsulok nang hindi
gagamit ng ruler.”
5. Banggitin ang pinakamababa o pinakamataas na antas ng pagkaganap na
maaaring tanggapin o pahalagahan.
Halimbawa:
Pagkatapos ng aralin, 100% ng panananagumpay ng matalinong mag-
aaral, 80% ng karaniwang mag-aaral at 60% ng mahihinang mag-aaral
ang inaasahang:
a. Makapagpahayag nang maliwanag ng __________
b. Makipagbigay ng mga katunayan ng ___________
c. Atbp.

Batayang Kategorya sa Pag-uuri ng Layuning Pampagtuturo

Mithiin
a. Ito ay malawak na pagpahayag ng direksyon para sa isang programa.
b. Subalit ang malawakang pagpapahayag na ito ay hindi nagbibigay ng
mga tiyak na patnubay sa mga guro para mailapat sa isang
pagtuturong pangklase.

Tunguhin
a. Ito ay mas tiyak na direksyon at pokus kaysa Mithiin.
b. Ito’y nagbibigay ng mga direksyon para sa tiyak na aralin.
c. Ngunit hindi ito makikitaan ng mga impormasyon hingil sa mga
istratehiyang maaaring gamitin sa pagtuturo.

Layunin
a. Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain
na inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
b. Makikita rin dito ang mga estrateheya na nararapat gamitin at ilapat
ng mga guro sa pagtuturo.

Pangunahing Hakbang sa Pagbuo ng mga Layunin Pampagtuturo

1. Kailangang tukuyin ang mga inasahang bunga ng pagkatuto.


2. Ang mga inasahang bunga ng pagkatuto ay kailangang ipahayag na ang
pagganap ay namamasdan o pagsasagawa ay nakikita.

Dapat tandaan sa paglalahad ng mga Layunin

1. Ang gawi o kilos ay nakapokus sa kung ano ang gagawin ng mga mag-aaral
matapos ang leksyon.
2. Ang gampanin ay ilalahad sa paraang makikita o ang bunga ng pagganap.
3. Dapat ding isaalang-alang kung sa anong kalagayan gagampanan ang gawain.
4. Dapat ding banggitin ang sukat o antas ng pagganap ng gawain.

6
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

ABCD Pormat
 Audience
 Behavior
 Condition
 Degree

Halimbawa:
• (a) Ang bawat pangkat (b) ay nakasusulat (c) ng isang sanaysay na
naglalahad (d) ng hindi kukulangin sa limang dahilan kung bakit napiling
pambansang bayani si Jose Rizal.
• Masasagutan nang tama ng bawat mag-aaral ang 8 sa 10 suliraning
pangmatematika sa isang sanayang pagsusulit.

Domeyn ng Layuning Pampagtuturo

Maaaring gamitin ang mga sumusunod na salita upang tukuyin ang mga
layuning pampagtuturo sa bawat domeyn.

Kognitib Domeyn Nakapag-uugnay-ugnay ng/sa


Nakapaglalahad
Nakababanggit
Naiisa-isa
Nakapaghahambing
Nakakikilala ng pagkakaiba
Nakagbibigay ng katibayan o patunay
Nakapagtitimbang-timbang ng may
katumpakan
Apektib Domeyn Naisasabalikat ang pananagutan para sa
Napahahalagahan/ Nakapagpapahalaga
Nabibigyang-pitagan
Nabibigyang kasiyahan
Nakapagpapamalas ng paggalang sa
Nakapangangalaga/napangangalagaan
Nakapagsisikap nang higit sa
Saykomotor Domeyn Nakayayari
Nakagagamit
Nakabubuo
Nakapagsasakatuparan
Nakagagawa ng pagsubok sa
Nakalilikha

Domeyn Pangkabatiran

• Mga layunin na lumilinang sa mg kakayahan at kasanayang pangkaisipan ng


mga mag-aaral
• Tumutukoy rin ito sa mga pag-iisip na rasyunal, sistematiko at intektwal.
• Karamihan sa kabatirang pangkobnitibo ay napapaloob sa Bloom’s
Taxonomy ni Benjamin Bloom.

Blooms Taxonomy of Objectives

• Anim na lebel ng mga herarkiya ng pag-iisip ayon kay Benjamin Bloom


noong 1959.
• Mula sa pinakapayak hanggang sa pinakakomplikado.

7
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

6.Ebalwasyon
5.Sintesis
4.Analisis
3.Aplikasyon
2.Komprehensyon
1.Kalaman

1. Kaalaman –tumutukoy sa simpleng paggunita sa mga natutuhang impormasyon.


(bigyang-kahulugan, tukuyin, pangalanan, alalahanin, piliin, ulitin)

2. Komprehensyon –binibigyang diin ang pag-unawa sa kahulugan ng


impormasyong natutuhan at pag-uugnay nito sa mga dating impormasyon. (asalin,
baguhin, lagumin, tatalakayin, hanapin, ipaliwanag, lagumin, ilarawan, ipahayag)

3. Aplikasyon –paggamit sa natutuhan sa iba’t ibang paraan o tekto. (ilapat,


paghambingin, klasipikahin, idayagram, ilarawan, uriin, markahan, pag-ibahin)

4. Analisis –pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi atorganisasyon g natutuhan


upang makita ang kabuuan.(pag-ugnay-ugnayin, tukuyin, kilalanin, bumuo ng
hinuha, suriin at magbuod.)

5. Sintesis –kailanang pag-ugnayin ang iba’t ibang impormasyon upang makalikha


ng bagong kaalaman. (lumikha, bumuo, idesenyo, iplano, sumulat, bumalangkas)

6. Ebalwasyon –nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag ng


mga inilahad na mga krayterya. (kilatisin, timbangin, suriin, punahin, magtangi,
paghambingi, pahalagahan)

Bakit binago ang Bloom’s Taxonomy ng 1959?

Rebisyon ng Bloom’s Taxonomy 2001

 Domeyn na Pandamdamin
• Nauukol ang mga layuning pandamdamin sa paglinang ng mga saloobin,
emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag- aaral.
• Ito ay may limang kategorya, Pagtanggap (Receiving), Pagtugon
(Responding), Pagpapahayaga (Valuing), Pag-oorganisa (Organization), at
Karakteresasyon (Characterization).

 D.R Krathwohl's Taxonomy for Affective Domain

 Domen na Saykomotor (Elizabeth Simpson 1972)


• Psycho o mag-iisip at Motor ay galaw.
• Napapaloob dito ang mga layuning makalilinang sa kasayang motor at
manipulatibo ng bawat mag-aaral.

Ganito ang paraan ng paghahanda ng mga aralin sa pagtuturo ng panitikan.


Tunghayan mo ang balangkas na nasa ibaba.

8
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Balangkas ng Banghay-Aralin

Asignatura __________________ Petsa _______________


I. Mga Layunin
A. _____________________________________________
B. _____________________________________________
C. _____________________________________________
II. Paksang-Aralin
Pamagat/Paksa: _________________________
Sanggunian: _____________________________________
Mga Kagamitang Pampagtuturo:______________________
Saloobin o Pagpapahalaga: __________________________
III. Estratehiya
A. Mga Gawain Bago ____________________
1. Pamukaw-sigla
2. Pagsasanay
3. Balik-aral
4. Pangganyak
B. Mga Gawain Habang__________________
Unang Gawain
Ikalawang Gawain
Ikatlong Gawain
C. Mga Gawain Pagkatapos ____________________
1. Paglalapat
2. Pagtataya
IV. Takdang Aralin o Kasunduan (Maaaring pagpapayamang gawain sa
kasanayang lubusang natutuhan o remedyasyon sa mga kasanayang di-ganap
ang pagkatuto).
Repleksyon ng Guro

PAGTUTURO NG PANITIKAN

Malaki ang kaugnayan ng pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo upang


mapukaw ang interes ng mga mag-aaral na pag-aralan ang panitikan ng ating bansa.
Bilang tagapagturo ng panitikan ay tungkulin mong pukawin ang kanilang
kawilihan. Naging palasak na pamamaraan na sa pagtuturo nito ang pagpapabasa ng
mga akda upang alamin ang mga sagot sa mababaw na mga katanungang
nagsisimula sa Ano, Sino, Alin, Kailan at iba pa. Bukod pa rito, pangkaraniwang
pamamaraan din ng guro ang ipabatid sa mga mag-aaral kung ano ang dapat makita
at madama sa mga akda. Malimit ding gamitin sa pagtuturo ang pormalistikong lapit
kung saan nakatuon lamang ang pamamaraan sa teknikal na pagsusuri ng katha
batay sa mga pormal na elemento nito.

Ang mga ganitong pamamaraan, bagama’t nakatutulong sa pag-aaral ng


panitikan ay nakapagdudulot din naman ng kabagutan sa mga mag-aaral. Ang
kahinaan ng mga pamamaraang ito ay sumasalungat sa tunay na kalikasan ng
panitikan.

Ang pagtuturo ng panitikan ay kailangang sumasaklaw sa kalikasan ng


pagiging sining nito. Tungkulin natin bilang guro na gabayan ang mga mag-aaral sa
pagtuklas ng kaangkinan ng bawat katha at pagpapadama ng mga damdaming
tinataglay nito na maiuugnay sa kanilang sariling karanasan.
MGA MAKRONG KASANAYAN

Ang pag-aaral ng panitikan ay hindi lamang upang mapagyabong ang


kaalaman sa mga akdang pampanitikan kunghindi ang pagpapaunlad din sa

9
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

kakayahan sa limang makrong kasanayan. ang kanyang kakayahan sa larangan ng


pagpapahayag ay lagi ng nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag
nakasalalay ang linaw ng mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.

Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng


pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat
na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang
magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang
mensaheng nais niyang ipaabot.

Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t


ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika.
Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin
ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang
ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang
maunlad na wika.

Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika?

Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang


kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang
pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming
pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase.
Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay
iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga
personal na ideya at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at
kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga
tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.

KASANAYAN SA PAKIKINIG

• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang
tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan ng mga
salitang kanyang napakinggan.

• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng


tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at
gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog
na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory
nerve patungo sa utak.

• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo ay


may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing stimuli. Ang
wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo sa utak.

Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pakikinig

1. NARINIG MO! KANTA MO! “PAKIKINIG SA MGA AWITING BAYAN”


Mga Kagamitan: laptop, speaker, video recorder, mga awiting bayan,
Pamamaraan
1. Magdodownload sa youtube ng mga halimbawa ng awiting bayan.
2. Pakikinggan ang mga awiting bayan na ito at pipili ng isang gustong
awitin na napakinggan
3. Kumuha ng sipi ng kanta na napili buhat sa iyong mga napakinggan
4. Kantahin at irecord ang awitin napili, pagkatapos ay iyong pakinggan.
5. Gumawa ng isang microphone na gawa sa papel upang mas ma-imagine
ang pagkanta

10
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

6. Iparirinig sa klase ang bawat kanta na ginawa ng mga mag-aaral.

2. BUGTONG NI TEACHER ( BUGTONG)


Mga Kagamitan: 1 malaking box, mga papel na nakabilot na may lamang bugtong
Pamamaraan
1. Gumawa ng isang malaking box na mayroon kakaibang disenyo.
2. Gumupit ng mga papel na hugis pahaba.
3. Sulatan ito ng mga halimbawa ng bugtong
4. Ilagay sa loob ng box upang doon bubunot ang mga mag-aaral

3. TALUMPATIAN
Mga Kagamitan: Laptop,voice recorded, kahon, speaker
Pamamaraan
1. Gumawa ng isang malaking tanghalan gamit ang malaking karton
2. Magprint ng isang malaking tao na nakasuot ng isang pormal na kasuotan.
3. Gamitin ang tarp papel upang mas malaki ang kalalabasan ng tao
4. Gupitin ito at itayo sa gitna ng tanghalan na ginawa
5. Gamit ang laptop, voice recorded at speaker ay iparirinig ang halimbawa
ng talumpati.
6. Pagkatapos iparinig ay magtatanong ito tungkol sa pinakinggang
talumpati

4. PAKIKINIG NG KANTA
Mga Kagamitan: laptop, speaker at mga halimbawa ng kanta
Pamamaraan:
1. Magdownload ng mga iba’t ibang kanta
2. Magprint ng malaking speaker at microphone at idikit ito s amaalking
karton
3. Gamit ang laptop at speaker ay iparirinig sa mga-aaral ang iba’t ibang
kanta
4. Pahuhulaan sa mga mag-aaral ang mga kantang naririnig nila kung sino
ang makakahula ay kukuhanin ang malaking microphone at sasabihin ang
sagot.

5. “TEACHER, SINO ITO”


PAKIKINIG NG MGA IBA’T IBANG PERSONALIDAD
Mga Kagamitan: laptop, speaker, mga larawan, voice recorded ng mga linya ng
kilalang personalidad, stick.
Pamamaraan:
1. Mag download ng mga linyahan ng mga kilalang personalidad.
2. Magprint ng mga iba’t ibang mukha ng personalidad na kinikilala ngayon.
3. Gupitin ito at idikit sa matigas na karton at lagyan ng stick
4. Iparirinig ang mga linyahan ng kilalang personalidad
5. Itataas ng mga mag-aaral ang mukha ng personalidad na hawak nila kung ito
ang nagsasalita sa pinakikinggan na linya.

KASANAYAN SA PAGSASALITA

- Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,


paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.

- Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang nagsasalita at ang
kinakausap

11
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Limang Kasanayan sa Pagsasalita

o pakikipag-usap
o pakikipanayam
o pagkatang talakayan
o pagtatalumpati
o pakikipagdebate
Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pagsasalita

1. BROADCASTING
Mga Kagamitan: speaker,micropono,laptop
Pamamaraan:

1. Ikaw ay isang mamamahayag o journalist .

2. Magsaliksik ng isang sipi ng balita sa telebisyon.

3. Magprint ng mga mukha ng mga kilalang broadcaster.

4. Gugupitin ito at ilalapat sa mukha ng mag-aaral para maging mascara.

5. Gagawa ng microphone na gawa sa binilot na papel.

6. Gamit ang siping balita ay babasahin ito ng mga mag-aaral sa paraan ng


pagbabalita.

2. DEBATE

Mga Kagamitan: laptop,tv,papel,

Pamamaraan:

1.Hahatiin ang klase sa dalawang grupo.

2.Bubunot ang lider kung sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon ang


mapupunta sa kanila.

3.Bubunot muli ang lider kung sino ang magsisimula ng debate.

4..Magpapakita ng mga sitwasyon tungkol sa isang isyu.

5.Ipagtatanggol ninyo kung ano ang panig na napunta sa inyo kung


sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon batay sa ipinakitang sitwasyon.

PAGTATALUMPATI

Mga Kagamitan: podyum, microphone, pormal na kasuotan (barong, Filipiniana)


Pamamaraan:

1.Bumuo ng grupo kung saan mayroon lamang limang miyembro.

2.Bubunot ang kinatawan ng isang grupo upang malaman ang pagkakasunod-


sunod ng pagtatanghal.

3.Pipili ang bawat grupo ng isang kinatawan upang siya ang magtanghal sa
hindi pinaghandaang talumpati.

4.Bubunot ng paksa ang magtatanghal at bibigyan lamang siya ng tatlong


minute upang paghandaan ang talumpati.

12
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

3. ISKRIP NG DULA KO! BIGKASIN MO!

Mga Kagamitan: kopya ng dula-dulaan


Pamamaraan:

1.Bumuo ng limang miyembro sa bawat pangkat.

2.Magsaliksik tungkol sa iskrip ng 100 tula para kay Stella.

3.Iprint ito upang may kopya para sa gawain.

4.Babasahin ito sa harapan ayon sa intonasyon,diin,tono, hinto at isadula ito.

KUWENTO KO! DUGTUNGAN MO!

Mga Kagamitan: laptop,tv,larawan

Pamamaraan:

1. Magpapakita ng mga larawan.

2. Gagawan ng kuwento ang larawang ipinakita.


3. Pagkatapos dudugtungan ninyo ang daloy ng kuwento.

4. Magdaragdag ng isa o dalawang pangungusap.

5. Hanggang sa matapos ang bilang ng mga mag-aaral hanggang dulo.

KASANAYAN SA PANONOOD

- Ang panonood ay isang proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas,


video recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag-unawa sa
mensahe o ideya na nais iparating nito.

- Ang panonood ay isang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng


komunikasyon-sosyal na maaaring itapat sa ano mang larangan.

- Lubos na nonood dahil sa mapapalalim ang pagkaunawa at mapalawak ang


kaalaman kung ito ay bibigyang pagsusuri at pagsasanay sa pamamagitan ng
panonood dahil sa ganap na nating nasisilayan ang bawat penomenang umiikot sa
lipunan.

Mga Antas ng Panonood

1. Intrapersonal- Ito ay nagaganap kung ang isang tao ay nagsasanay sa kanyang


sarili para s aisang pagtatanghal
2. Interpersonal- Ito kung ang isang tao ay manonood ng isang pagtatanghal o
pelikula o kung siya mismo ay kalahok sa ipinalalabas na panoorin.
3. Pangmasa- Panonood na ang pangunahing kasangkot ay ang pagbabalita sa
pamamagitan ng midya.
4. Pangkaunlaran- Panooring may kinalaman sa isyung pangkaunlaran sa lipunan.
5. Pangnegosyo o Komersyal- Panooring may kinalaman sa pagpapakilala ng iba’t
ibang uri ng produkto o negosyo upang tangkilikin ng mga tao.
6. Pangkultural- Antas ng panonood na ipinakikita ang kakaibang kultura ng
bawat lahi.
7. Pangsosyal o Panlipunan- Panonood na binibigyang tuon ang relasyong sosyal
o ugnayan ng bawat tao sa lipunan.
8. Pampubliko- Panonood na sadyang inihanda o inilalaan para sa pampublikong
kabatiran o kapakanan.

13
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Panonood Bilang Multi-Dimensyonal


 Kognitibong Proseso- Sa prosesong ito nagaganap ang pag-unawa ng tao sa
kanyang pinapanood sa pamamagitan ng kanyang pag-iisip o mental na
kakayahan.
 Emosyonal at Saykolohikal Na Proseso- Sa prosesong ito binibigyang halaga
at pag-unawa ng tao ang panonood batay sa kanyang damdamin o gawi.
 Astetikong Proseso- Prosesong madaling nauunawaan ng sinoman ang
kanyang pinapanood dahil sa nagbibigay ito ng kasiyahan sa kanya at nag-iiwan
ng kakaibang imahinasyon.
 Moral Na Proseso- Kung saan ang mga manonood ay nagkakaroon ng
kakayahang umunawa ng kanilang pinapanood batay sa mga pagpapahalagang
moral.
Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Panonood

1. Isang Suring Pelikula “Harry Potter And The Sorcerer’s Stone”

Mga Gamit Pang Turo: Video ng pelikula “Harry Potter and the Sorcerer’s Stone”,
Laptop, Speaker, Telebisyon, Wizard wand black stick, Harry Potter sorting hat, Itim
na kapa

Mga Hakbang sa Paggawa ng Kagamitan

1. Hahanapin ang Harry Potter and the Sorcerer’s Stone na mahahanap sa


youtube o google, tamdaan ang mga pangyayari at suriin ang katangian ng
bawat pangunahing gumanap.

2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker

3. Gumawa ng wizard wand black stick gamit ang matigas na bagay (patpat,
karton o kahit anong habang bagay) kulayan ito ng itim upang maging
mukang wand.

4. Gumawa ng sorting hat gamit ang papel. Ihubog ito na parang ice cream
cone at isukat sa ulo kung kakasya.

5. Pagdalin ang mga estudyante ng tela kung maari ay kulay itim (kumot,
tuwalya o kahit anong tela na maaaring gawing kapa)

2. Romeo at Juliet

Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng Romeo at Juliet (Tagalog), Laptop, Speaker,
Telebisyon, Mga damit, Kutsilyo (laruan o yari sa papel), Isang bote ng gamut

Mga Hakbang sa Paggagwa ng Kagamitan

1. Hahanapin ang Romeo at Juliet na maaaring Makita sa youtube o


google.Tandaan ang mga eksena ng istorya at ang bawat pangyayari.

2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker

3. Pagdalhin ang mga mag-aaral ng isa hanggang dalawang casual na damit


na kanilang isusuot at gagamitin bilang props sa Gawain.

4. Gumupit sa karton na mahuhubog na parang isang kutsilyo (maaari ding


kutsilyong laruan) na gagamiting props sa gaganap na Romeo.

5. Magdala ng isang maliit na bote (maaring bote ng gamot)

14
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

3. Ang Matanda at Ang Dagat

Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng “Ang matanda at ang dagat”, Laptop, Speaker,
Telebisyon, Larawan ng matanda, Dalawang larawan ng pating, Sagwan, Kutsilyo
(Laruan o yari sa papel), Lambat, Salakot

Mga Hakbang Pang Turo

1. Maghahanap ng video ng “Ang matanda at ang dagat” suriin ng malalim


ang katangiang nais ilarawan ng matanda at ng pating

2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker

3. Magprint ng dalawang larawan ng pating pagkatapos ay gupitin ito at idikit


sa matigas na bagay kagaya ng karton o folder, pakatan ito ng stick ang
likuran ng larawan na mahahawakan ng mga estudyante.

4. Magprint ng larawan ng isang matanda pagkatapos ay gupitin din ito


kagaya ng ginawa sa larawan ng mga pating, idikit din sa matigas na bagay
kagaya ng karton o folder at lagyan ng stick sa likuran ng larawan.

5. Gumawa ng isang improvise na sagwan na yari sa karton.

6. Gumupit sa karton na mahuhubog na parang isang kutsilyo (maaari din


kutsilyong laruan) na gagamitin bilang props.

7. Magdala ng lamabat (kung mayroon ay mas maganda) kung wala naman ay


maaring kumot iisipin na lamang na isa itong lambat

8. Magdala ng isang salakot.

4. Alamat ng Bulkang Mayon

Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng “Ang matanda at ang dagat”, Laptop, Speaker,
Telebisyon, Larawan ng mga tauhan

Mga Hakbang Pang Turo

1. Magdadownload ng movie video ng “Alamat ng bulakang mayon”

2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker

3. Magpiprint ng mga larawan ng tauhan sa alamat na panonoorin: Raha


Makusog, Daragang Magayon, Pagtuga, at Alapaap

5. Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante

Mga Gamit Pang Turo: Movie Video ng “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga Higante”,
Laptop, Speaker, Telebisyon, Larawan ng higante, Larawan ni Thor at Loki

Mga Hakbang Pangturo

1. Magdadownload ng movie video ng “Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga


higante” sa youtube o google
2. Panonoorin sa tulong ng mga kagamitang laptop, telebisyon at speaker

3. Magpiprint ng larawan ng isang higante, gawin itong tarpapel para maging


malaki ang larawan

15
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

4. Magprint ng isang larawan na mukha ni Thor at Loki na kasukat ng mukha


ng tao. Lagyan ng tali sa magkabilang gilid na maisusuot sa dalawang tainga.
Ito ay magiging mascara na isusuot ng estudyante

KASANAYAN SA PAGBASA

• Mahalaga sa pagbasa ang pag-alam sa ilang mga tiyak na


kalakaran/kombensyon sa pagsulat.
• Ang tunay na pagbasa ay ang pag-unawa sa mensahe na nakapaloob sa isang
teksto. Ang pagpapatunog ng mga salita ay isang bahagi lamang sa proseso
ng pagbasa.
• Bahagi ng pag-unawa ng teksto ang pag-unawa sa wika kung saan ito
nasusulat.
• Bahagi rin ng pagbasa ang paggamit ng dating alam (tungkol sa daigdig, sa
kultura, sa paksang tinatalakay, mga kalakaran at iba pa.)
• Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip.
• Ang pagbasa ay isang prosesong interaktibo.
• Ang pagbasa ay isang Sistema sa pagtataguyod ng ating buhay.
• Gumagamit tayo sa pagbasa ng maraming kasanayan at iniaangkop natin ang
mga ito sa iba’t ibang uri ng teksto upang matugunan ang ating mga layunin
sa pagbabasa.
• Mahalaga ang malawak na karanasan sa pagbabasa ng isang particular na
teksto para sa tamang pag-unawa nito sa isang tiyak na pagkakataon.
• Kailangang makuro ng isang tao na ang pagbasa ay makabuluhan at kawili-
wili.

Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pagbabasa

1. Pagbabasa (Sanaysay Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon)

Mga gamit pang turo: Sipi ng sanaysay Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon
Maskara na mukha ni Manuel L. Quezon

Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan

1. Magsaliksik sa google ng sipi ng akda ni Manuel L. Quezon at magsaliksik


ng kanyang larawan.

2. Iprint ang sipi ayon sa bilang ng mga mag-aaral. At ang kanyang mukha ng
limang piraso na magiging maskara ng bawat grupo.

3. Gupitin ang larawan batay sa hugis ng mukha, lagyan ito ng tali upang
maging sakto sa ulo ng mga mag-aaral.

2. Pagbabasa ng mga pahayag na pormal at di-pormal na sanaysay

Mga gamit pang turo: Dalawang larawan ng batang nakasuot ng pormal na damit at
di-pormal na damit Mga pahayag ng pormal at di-pormal na sanaysay

Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan

1. Magsaliksik sa google ng dalawang larawan ng batang nakadamit ng


pormal at di-pormal .
2. Magsaliksik ng tig limang pormal at di-pormal na sanaysay.

3. Gamit ang publisher itarpapel ang dalawang larawan ng bata na sasakto sa


laki ng mga mag-aaral.

16
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

4. Gupitin ang dalawang larawan at idikit sa styrofoam pagkatapos ay i cut


gamit ang cutter upang magkaroon ng tusukan sa bawat gilid ng bawat
larawan.

5. Itusok ang dalawang larawan sa isang matigas na stick at sa isang lalagyan


na maraming bato upang tumayo at maging matibay.

6. Ang mga nasaliksik naman na mga pahayag ng pormal at di-pormal ay


gupitin ayon sa laki na madaling mababasa ng mga mag-aaral.

7. Idikit ang mga pahayag sa isang matigas na papel at gupitin.

8. Idkit ang bawat pahayag sa mga stick na matigas upang ito ay tumayo
kapag itinusok sa styrofoam sa gilid ng bawat larawan.

3. Pagbabasa ng isang maikling kuwento

Mga gamit pang turo: Sipi ng maikling kuwento Mga payahag ng maikling kuwento

Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan

1. Magsaliksik sa google ng isang maikling kwento.

2. Iprint ang sipi ng kuwento ayon sa bilang ng grupo.

3. Itype ang mga pahayag na pagsusunod sunurin ng mga mag-aaral batay sa


mga pangyayari sa kuwento na kanilang babasahin.

4. Iprint ito gupitin at idikit sa matigas na papel na maaaring magiting


pangmatagalan.

4. Pagbabasa at pagsusulat ng sariling tula

Mga gamit pang turo: Sipi ng tula Mga larawan Laptop Projector

Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan

1. Magsaliksik sa google ng halimbawa ng tulang tungkol sa pag-ibig.

2. Magdownload sa google ng mga larawan na maaring gawan ng sariling tula


tulad ng lawarang tungkol sa pag-ibig sa pamilya, kaibigan, kaaway at iba pa.

3. Ilagay ang sipi ng tula sa power point upang mag madaling mabasa ng
lahat, gayundin ang mga lawaran na nadownload na maari nilang gawan ng
sarili tula na kanilang babasahin.

5. Pagbabasa na may pag-unawa

Mga gamit pang turo: Box ng mga katanungan

Mga hakbang sa paggawa ng kagamitan

1. Gumawa ng box na maaaring maging bunutan ng mga mag-aaral.

2. Gumawa ng mga katanungan na pabugtong tungkol sa kanilang binasang


kuwento.

3. Isulat ang bawat tanong sa colored paper at bilutin upang hindi makita ng
mga mag-aaral.

4. Ilagay ang mga nagawang tanong sa box na maaaring bunutin ng mga mag-
aaral.

17
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

KASANAYAN SA PAGSULAT

Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal


kung saan gumagamit ng simbolo at isinusulat sa isang makinis na bagay tulad ng
papel. Ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabubuo ng
mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makababasa nito ay magaganyak na
mag-isip, kumilos at magalak. Hindi totoo na nasa dugo ang pagsulat sapagkat:

• Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi sila nagbabasa
ng mga isinulat ng magagaling magsulat.
• Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung wala silang oras
para magsulat sa loob o labas ng silid-aralan.
• Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi nila nakikitang
nagsusulat ang kanilang mga guro.
• Hindi matututong magsulat ang mga mag-aaral kung hindi malikhain at
mapaniri ang kanilang guro.
• Hindi magsusulat ang mga mag-aaral kung natatakot silang magkamali
habang nagsusulat.

Mga Mungkahing Gawain sa Makrong Kasanayang Pagsulat


1. Pagsulat ng Isang Balita
Mga Kagamitan: Laptop, Powerpoint Presentation at TV o Projector
Mga Hakbang Pangturo

1. Humanap ng ilang pahayag ng mga politiko.


2. Ipapakita sa mga mag-aaral ang mga nahanap na pahayag ng mga politiko
gamit ang Powerpoint Presenrtation at TV o Projector.
3. Papipiliin ang bawat mag-aaral ng isang pahayag upang gawan ng balita.

2. Paglikha ng Sariling Alamat


Mga Kagamitan: 1 malaking kahon at mga larawan ng bagay na iginuhit.
Mga Hakbang Pangturo

1. Gumawa ng isang malaking kahon na kayang maglaman ng mga bagay.

2. Gumuhit ng larawan ng mga bagay.


3. Gupitin ang mga bagay ayon sa hubog nito.
4. Ilagay sa loob ng kahon upang doon bubunot ang mga mag-aaral.
5. Mula sa kahon pabubunutin ang mga mag-aaral ng bagay na kanilang
gagawan ng sariling alamat.

3. Pagbuo ng Kuwento
Mga Kagamitan: Laptop at TV o Projector
Mga Hakbang Pangturo

1. Humanap ng isang video ng isang kuwento na maaaring dugtungan at


bigyan pa ipagpatuloy at bigyang wakas ang kuwento.
2. Idownload ang video na nahanap at napili.
3. Ipapapanood sa mga mag-aaral ang video ng kuwento upang kanilang
maipagpatuloy ang kuwento.

4. Paggawa ng Pabula
Mga Kagamitan: 1 Maliit na kahon, mga nakabilot na papel na may laman na salita
Mga Hakbang Pangturo

1. Gumawa ng isang maliit na kahon.


2. Gumupit ng mga papel na hugis pahaba.

18
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

3. Sulatan ito ng mga salita na maaaring maging tauhan ng gagawing pabula


ng mga mag-aaral.
4. Ilagay ito sa loob ng kahon upang doon bubunot ang mga mag-aaral.

5. Mungkahing Talumpati
Mga Kagamitan: Laptop, 1 maliit na kahon, video presentation, powerpoint
presentation at TV o projector
Mga Hakbang Pangturo:

1. Humanap ng isang video ng nagtatalumpati mula sa youtube.


2. Idownload ang video na nahanap.
3. Gumawa ng isang presentasyon na naglalaman ng mga kaalaman at
impormasyon tungkol sa talumpati gamit ang powerpoint.
4. Gumupit at gumawa ng kahon.
5. Gumupit ng mga papel na hugis pahaba.
6. Sulatan ito ng mga salita na maaaring maging paksa ng mga mag-aaral.
7. Ilagay ito sa loob ng kahon upang doon bubunot ang mga mag-aaral.

Ngayon nga ay natapos mo na ang aralin, atin


namang susubukin kung tunay ka nga bang natuto sa
pamamagitan ng mga gawaing inihanda ko para
sayo.

INDIBIDWAL NA GAWAIN

Ang Sentro ng Wikang Filipino ng Unibersidad ng Pilipinas ay nagpaskil ng


isang paanyaya sa iba’t ibang pamantasan sa buong Luzon sa pamamagitan ng
Facebook at mga dyaryo tungkol sa isang paligsahan sa pinaghandaang talumpati na
may temang : “Kahalagahan ng Layunin ng Edukasyon sa mga Kabataang Pilipino”.
Ikaw ang naatasan at napiling ipadala ng iyong pamantasan na lumahok sa naturang
paligsahan. Upang maisagawa ang mga hakbang sa gagawing talumpati,
kinakailangan na mayroon kang malawak na kaalaman tungkol sa tema at sa mga
panuntunan na kinakailangang sundin ng isang mananalumpati. Ang sinumang
kalahok na magkakamit ng unang parangal ay siyang magtatanghal sa mga
kumprensiya na isasagawa ng nasabing pamantasan. Ang iyong talumpati ay
mamarkahan gamit ang nakalahad na rubriks sa ibaba.

BATAYAN NG
PUNTOS
KAPASYAHAN(PAMANTAYAN)

o Kaugnayan sa paksa 20

o Hikayat at dating sa madla 15

o Bigkas 20

o Tinig 20

o Pagbibigay diin sa damdamin 15

o Kilos, galaw at kumpas 10

Kabuuan 100

19
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

PANGKATANG GAWAIN

Ang makrong kasanayan sa pagtuturo ay isang kagamitan upang mas


mapadali ang pagtuturo sa mga mag-aaral. Hindi lamang mapadali kung hindi
magkaroon ng kakayahan ang mga mag-aaral upang ipakita ang kanilang mga
talento sa iba’t ibang larangan at aspeto

Bilang isang mag-aaral ay kinakailangan mong mapatunayan na ang mga


makrong kasanayan ay isa sa mga mabisang paraan upang malaman kung saan at
paano ito naktutulong para sainyo. Kayo ay magpapangkat sa lima at pipili ng isang
kinatawan sa bawat pangkat. Ang bawat pangkat ay pipili ng makrong kasanayan na
inyong pinag-aralan (pakikinig, panonood, pagsulat, pagbasa at pagsasalita)

Ngayon, ang bawat grupo ay gagawa ng isang kampanya ukol sa kasanayan


na inyong nabunot upang maipaalam sa mga kapwa mag-aaral at maging sa guro
kung gaano kahalaga ang makrong kasanayan ito.

Kayo ay maaring gumawa ng isang video presentation sa paraan inyong nais


tulad ng pagkanta, pagsulat ng slogan, pagsasalita habang nakaharap sa kamera, o
magpanood ng mga patunay na ito ay mahalaga.

Ang bawat gawa ng grupo ay gagawa ng kanilang sariling Page at doon


ipapaskil ang kanilang ginawa na kampanya.

Ang inyong gagawin ay mamarkahan tulad ng mga sumusunod.

BATAYAN NG KAPASYAHAN
PUNTOS
(PAMANTAYAN)

o Kaugnayan sa paksa 30%

o HIkayat at dating sa madla 20%

o Kaayusan ng mensahe 30%

o Kooeperasyon ng grupo 20%

KABUUAN 100%

MAHABANG PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang


inyong sagot sa sagutang papel.

UNANG BAHAGI:

1. Ito ay malawak na pagpahayag ng direksyon para sa isang programa.


A. Mithiin C. Tunguhin
B. Layunin D. Wala sa nabanggit

2. Dito naipapahayag ang tiyak na pananalita ng mga pagkatuto o gawain na


inaasahang maipakita ng mga mag-aaral.
A. Mithiin C. Tunguhin
B. Layunin D. Wala sa nabanggit

20
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

3. Ito’y nagbibigay ng mga direksyon para sa tiyak na aralin ngunit hindi ito
makikitaan ng mga impormasyon hingil sa mga istratehiyang maaaring
gamitin sa pagtuturo.
A. Mithiin C. Tunguhin
B. Layunin D. Wala sa nabanggit

4. Maliban sa isa, ano ano ang dapat tandaan sa paglalahad ng mga Layunin.
A. Ang gawi o kilos ay nakapokus sa kung ano ang gagawin ng mga mag-
aaral matapos ang leksyon.
B. Inilalahad ang gampanin sa paraang makikita o ang bunga ng pagganap.
C. Dapat isaalang-alang kung sa anong kalagayan gagampanan ng gawain.
D. Dapat banggitin ang mga Gawain at isa-isa ito.

5. Isa itong aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


sensoring pandinig at pag-iisip.
A. Panonood C. Pagsasalita
B. Pakikinig D. Pagsulat

6. Antas ng panonood na ang pangunahing kasangkot ay ang pagbabalita sa


pamamagitan ng midya.
A. Interpersonal C. Pangmasa
B. Pangnegosyo o komersyal D. Pampubliko

7. Isang kasanayang pinakamadaling gamitin sa larangan ng komunikasyon-


sosyal na maaaring itapat sa ano mang larangan.
A. Pagsulat C. Panonood
B. Pagsasalita D. Pakikinig

8. Ang sumusunod ay ang mga kasanayan sa pagsasalita MALIBAN SA ISA.


A. Pakikipag-usap C. Indibidwal na gawain
B. Pakikipanayam D. Pagkatang talakayan

9. Ito ay antas ng panonood at proseso na kung saan madaling nauunawaan ng


sinoman ang kanyang pinapanood dahil sa nagbibigay ito ng kasiyahan sa
kanya at nag-iiwan ng kakaibang imahinasyon.
A. Moral na proseso C. Kognitibong proseso
B. Astetikong proseso D. Emosyonal at saykolohikal na
Proseso

10. Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.
A. Panonood C. Pagsasalita
B. Pakikinig D. Pagsulat

IKALAWANG BAHAGI:

________1. Binibigyang diin ang pag-unawa sa kahulugan ng impormasyong


natutuhan at pag-uugnay nito sa mga dating impormasyon.

________2. Ito ay pag-unawa sa ugnayan ng mga bahagi at organisasyong natutuhan


upang makita ang kabuuan.

________3. Nangangailangan ng pagbuo ng sariling pagpapasiya sa liwanag ng mga


inilahad na mga krayterya. (kilatisin, timbangin, suriin, punahin, magtangi,
paghambingi, pahalagahan)

21
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

________4. Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan


ng sensoring pandinig at pag-iisip.

________5. Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang


ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang
nauunawaan ng kanyang kausap.

________6. Panooring may kinalaman sa pagpapakilala ng iba’t ibang uri ng produkto


o negosyo upang tangkilikin ng mga tao.

________7. Panonood na binibigyang tuon ang relasyong sosyal o ugnayan ng bawat


tao sa lipunan.

________8. Prosesong madaling nauunawaan ng sinoman ang kanyang pinapanood


dahil sa nagbibigay ito ng kasiyahan sa kanya at nag-iiwan ng kakaibang
imahinasyon.

________9. Sa prosesong ito binibigyang halaga at pag-unawa ng tao ang panonood


batay sa kanyang damdamin o gawi.

________10. Isang balangkas ng mga layunin , paksang-aralin, kagamitan at mga


hakbang na sunod-sunod na isasagawa sa pagsasakatuparan ng mga layunin at
napipintong bunga nito.

Isang Pagbati! Mahusay mong nasagutan


ang mga gawain para sa araling ito. Ngayon ay
magpapatuloy ka na sa pagtuklas sa susunod na
aralin!

Mga Sanggunian

Badayos, Paquito B. (2008). Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino


(Mga Teorya, Simulain at Istratehiya.) Mutya Publishing House Inc. Malabon
City.

Belvez, Paz M. Ed.D. (2000). Ang Sining at Agham ng Pagtuturo( Aklat sa


Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino at sa Filipino. Rex Book Store, Inc.

Camba, Moreal N, et al. (2012). Panitikan ng Pilipinas, Rehiyunal, Kasaysayan at


Pagpapahalaga. Mutya Publishing House, Inc.,Malabon City.

Caro, Jimmy. (2010). Mula sa kanyang hand-out ng Sawikaan.

Constantino, Pamela C. (2005). Filipino at Pagpaplanong Pangwika. Ikalawang


Sourcebook ng Sangfil. UP Sentro ng Wikang Filipino. National Commission
for Culture and the Arts.

Mga Elektronikong Sanggunian

http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/Filipino%20Gabay%20Pangk
urikulum%20Baitang%201-10%20Disyembre%202013.pdf
https://www.slideshare.net/knowellton/module-62-filipino
https://www.slideshare.net/luvy15/ang-pagtuturo-ng-filipino-sa-batayang-
edukasyon

22
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

http://www.search-document.com/pdf/1/1/pagtuturo-at-pagtataya-sa-
panitikan.html
https://www.scribd.com/doc/98061373/Pagtataya-Ng-Natutuhan
https://guroakongmatapat.files.wordpress.com/2013/06/sesyon-6-
pagtatasa-at-pagtataya.pdf
http://www.search-document.com/pdf/1/8/pagtuturo-at-pagtataya-sa-
panitikan.html
http://www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-at-
komprehensyon?related=2
http://www.slideshare.net/menchu25/pagbasa-at-pagsulat?related=1

23
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Yunit II
IBA’T IBANG DULOG SA MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Sa katapusan ng araling ito, inaasahang maisasakatuparan mo ang


mga gawaing
ito:
1. Maipaliliwanag ang mga batayang teorya at simulain sa pagtuturo
at pagkatutong pampanitikan;
2. Maibibigay ang mga lapit at pagdulog na kaugnay ng mga batayang
teoryang pampanitikan, at
3. Masasabi ang implikasyon ng mga kontemporaryong teorya sa
tunguhin ng iyong pagtuturo.

TUKLASIN!

Batid mo na ang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang sa pagkatutong


pampanitikan. Pag-aaralan mo naman sa yunit na ito ang mga batayang teorya at
ang mga lapit at pagdulog sa pagtuturo ng Filipino.

PANIMULANG PAGSUSULIT

A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

_____________1. Ang pamaraang pagtuklas o kilala sa tawag na ___________.

_____________2. May layunin at hangad na matupad ang layuning ito sa pamamagitan


ng wastong kasagutan mula sa isa.

_____________3. Si Jenny ay naatasan na gumawa ng isang maikling kwento. Anong


dulog ang maari niyang gamitin.
_____________4. Ito ay tinatawag din na spiral curriculum.

_____________5. Ang dulog na ito ay magkaroon ng isang tagapanguna na kung saan


siya ang mangunguna.

_____________6. Ang pamaraang ito ay kilala rin bilang __________ na pamamaraan dahil
ito ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin.

_____________7. Ito ay isang pamaraang __________ ng pagtuturo at ito ay nagdudulot ng


kawilihan at humahamon sa kakayahan ng mag-aaral.

_____________8. Ito ang unang hakbang sa pagbuo ng isang tuntunin sa pamaraang


pasaklaw.

_____________9. Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo


kaugnay ng pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o
generalization.

_____________10. Ang pamamaraang papanayam ay personal na anyo ng ________________


ng dalawang taong magkasundo.

24
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Mahusay! Matagumpay mong natapos ang


panimulang pagsusulit. Ngayon ay simulan na
natin ang pagtuklas sa bagong kaalaman.

DALOY NG KAALAMAN

TRADISYUNAL NA PAGDULOG

Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at


nakalakihan. Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo
ay nakapokus sa guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral.
Nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at estratehiyang
gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga estudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas
malaki ang posibilidad na maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galing o
talent ng mga estudyante sapagkat nasusubaybayan sila ng tama ng kanilang guro.
May ilan na nagsasabi na ang paraan ng pagtuturong ito ay isang “spoon feeding of
knowledge”. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal o
maninipis na libro bilang batayan para sa pag-aaral at maging sa pagtuturo.

Mga samu’t saring libro na pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga guro


para maibahagi sa kanyang mga estudyante. Kasama rito ang mano- manong
pagsusulat sa pisara ng mga guro ng kanilang tatalakayin. Ang paggamit ng mga
makukulay at malilikhaing visual aids ang kanilang sandata. Dito nagaganap ang
normal na ayos sa isang silid aralan, kung saan ang guro ang nagsasalita sa unahan
at ang mga estudyante ang nakikinig sa kani-kanyang mga upuan. Gamit ang
tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang kanyang mga
estudyante hindi lamang sa larangan ng akademiko, gayun na din sa tamang pag-
uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na dapat makuha ng mga
estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga mag-aaral. Dahil
dito mas napapalawak ang komunikatibong kakayahan ng mga mag-aaral.

Gayunpaman, maaaring sa paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng


guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema ring kalakip ang
tradisyunal na paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi na
napapalawak ng guro ang kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa
nakalimbag na libro. Kung minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling
impormasyon dahil hindi ganoon kaayos at kawasto ang teksbuk na basehan sa
pagtuturo ng isang guro.

MGA URI NG TRADISYUNAL NA PAGDULOG AYON SA PAMAMARAAN

Ang Habing Semantika

Isa ito sa makabagong pamamaraan ng paglinang ng kasanayan sa pag-


unawa. Sa pamamagatitan nito ang mga mag-aaral ay nakakapagbigay ng malinaw
na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa. Nakatutulong ito sa
paglinang ng mga kasanayan tulad ng;

1. Paglalarawan ng tauhan.

2. Pagbibigay ng detalye
3. Pag-uugnay ng sanhi at bunga

25
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

4. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

5. Paglalagom o pagbibigay buod

6. Pagbabalangkas

Ayon kina Freeman at Reynolds (1952), ang pamamaraang semantika ay


isang pagbubuo o pagsasama-sama. Inilalarawan dito nito ang pagkakaugnay ng
mga kaisipan mula sa binasa.

May apat na bahagi ang pagbubuo ng habing semantika. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Pangunahing tanong (core question) ito ang pinaka pokus ng web.

2. Mga tanong, impormasyon, o ideya na may kaugnayan sa pangunahing tanong.


Binubuo ito ng mga hiblang hinabi o web strand.

3. Mga pangyayari, konklusyon o paglalahat na nakuha ng mga mag-aaral sa binasa


upang magbigay-linaw sa hibla. Tinatawag itong hiblang pangsuporta o strand
support.

4. Ang pag-uugnayan ng mga hibla na ipinakikita ng mga tali o mga linyang nag-
uugnay sa mga ito ay tinatawag na hiblang panahi o strand ties.

Pangunahing tanong o
Bakit natutong si Jose
core question Corazon de jesus at ang
paksa’y kalikasan?

hiblang panahi

hiblang hinabi Noong kanyang Ano ang taguri o


kabataan bansag sa kanya?

hiblang pansuporta

A. Bago makinig

Pagbibigay layunin

Sabihin sa mga mag-aaral na igagawa nila ng balangkas ang seleksyong babasahin sa


anyong pangungusap. Sabihing gagamitin nila ang habing semantika sa pagtatala ng
sunod-sunod na mga pangyayari.

B. Pagsagot sa mga tanong habang nakikinig

Tanong A.
1. Kalian at saan ipinanganak si Jose Corazon de Jesus?

26
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

2. Sino ang kanyang mga magulang?

3. Saan siya nag-aral at anong kurso ang natapos?

4. Ano ang naiibang katangian ni Jose Corazon de Jesus noong kanyang kabataan?

5. Ano ang karaniwang paksa ng kanyang tula?

Tanong B

1. Sa anong sagisag kilalang-kilala si Jose Corazon de Jesus? Bakit ito ang naging
tawag sa kanya?

2. Ilang taon si Jose Corazon de Jesus ng nagsimula siyang magsulat ng tula?

3. Bakit karaniwang tungkol sa kalikasan ang at sa kapaligiran ang paksa ng kanyang


tula?

4. Bakit mahusay tumula si Jose Corazon de Jesus?

C. Pagkatapos makinig
Pagbuo ng habing semantika sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

A.

1. Sta .cruz, Manila 4.


Nobyembre, 22 1894
Mga pangyayari noong
2. kabataan ni Jose Corazon 5.
de jesus.

3. 6.

B.

1. 4.

Mahahalagang
2. pangyayari 5.

3. 6.

Ang Habing Semantika ay isinasagawa upang malinang ang kasanayan sa


pang-unawa ng mambabasa sa pamamaraang ito ang mga mag-aaral ay
makapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari sa binasa.

Halimbawa:
Ang guro ay magpapabasa ng isang teksto dito bubuuin ng mga mag-aaral
ang mga mahahalagang ideya sa binasa. Sasagutin nila ang mga pangunahing
katanungang core question, web strand,strand support, at strand ties. Pagsasamahin
ng mga mag-aaral ang kanilang mga naisip na ideya sa pamamagitan ng paggamit
27
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

habing semantika Dito malilinang ang kanilang kasanayan sa pangunawa. Ilalagay


ito sa malinis na papel.

Ang Story Grammar o Pamaraang Pabalangkas/Pangkayarian

Ang prior knowledge o nakaraang karanasan sa dating kaalaman ng mag-


aaral ay sangkap at salik ng kanyang pananaw sa schema na siyang tumutulong sa
kanya upang mahulaan, matandaan at makilala ang mga pangyayari sa binabasang
teksto. Sa paraang ito natuto ang mga mag-aaral na bumuo ng mga hinuha,
magbigay ng palagay at opinyon at mga paghula sa inaasahang magaganap sa
kuwento. Kilala ang dulog na ito na Story Grammar o kaya’y Story Scheme o iskema.
Dito’y binabalangkas ang mga sangkap o bahagi ng kuwento tulad ng: Tagpuan
(lugar, panahon, tauhan), Tema o Paksa (ang mensahe ng awtor, layunin ng
pangunahing tauhan), ang Banghay (panimulang pangyayari, reaksyon sa naging
bunga) at ang Wakas ng kuwento.

Ito ang bahaging pagsusuri sa kayarian ng kwento. Binibigyan ng higit na


pansin ang banghay ng kuwento.

Ayon kina Mandler at Johnson, ang Pamaraang Pangkayarian o Story


Grammar Technique ay mabisang pamamaraan sa pagbibigay ng kahulugan at
pagkakaugnay-ugnay ng bawat bahagi ng kuwento. Ang story scheme o iskema ay
hulwarang napapaloob sa bawat tagpo o pangyayari sa kuwento. May pitong bahagi
o yugto na sinusunod sa Dulog Story Grammar gaya ng:

1. Tagpuan- Saan at kailan nangyari ang kuwento:


Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento?

Sino ang pangunahing tauhan?

2. Panimula- Paano nangyari ang kuwento?

3. Reaksyon- Ano ang naramdaman ng pangunahing tauhan bunga ng pangyayari?

4. Layunin- Ano ang layunin ng pangunahing tauhan na ninanais niyang matamo?

5. Pagtatangka- Ano ang ginawa ng tauhan upang matamo ang layunin?

6. Kinalabasan- Ano ang naging bunga ng pagtatangkang ginawa?

7. Wakas- Naging mabisa ba o hindi ang ginawang pagtatangka?

Halimbawa:

Isang sistema o pamaraang ginagamit upang isalaysay ang mga bahagi at


pagkakasunud-sunod ng mga pagyayari sa isang akda o teksto. Ito ay nagsimula
noong 1900 nang matuklasan ng mga antropologo sa kanilang pag-aaral na may
pattern ang paraan ng pagkukwento o pagsasalaysay ng mga bata o matanda man.
Nakapaloob dito ang pagpapahayag ng suliranin o tunggaliang kinakaharap ng
tauhan, paglalarawan sa pagtatangka ng tauhan upang mabigyang katugunan ng
suliranin, at pagsusuri sa kawing ng mga pangyayari tungo sa kalutasan.
1. Si Bb. Andrea ay nagbasa sa klase ng isang maikling kuwento na
pinamagatang “Ang Kwento ni Mabuti”. Hinati sa lima ang pangkat at ang
bawat pangkat ay magsusuri gamit ang Story Ladder.

28
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

STORY LADDER

WAKAS
KAKALASAN

KASUKDULAN
IKATLONG
IKALAWANG PANGYAYARI

UNANG PANGYAYARI
PANGYAYARI
SIMULA

Ang Araling Pagpapahalaga (Appreciation Lesson)

Ang araling pagpapahalaga ay pamaraang ginagamit kailanman kung ang


layunin ng guro ay mapahalagahan ng mga mag-aaral ang ganda ng isang tula,
kwento, awitin, tugtugin o anumang likhang-sining gaya ng pintura o likhang-
eskultura (Belves, 2001).

INDIBIDWAL NA GAWAIN

Panuto: Ibigay ang apat na bahagi ng pagbubuo ng habing semantika.

Habing Semantika

(Semantic webbing)

29
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

PANGKATANG GAWAIN

Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay magsasagawa ng


isang talkshow batay sa dalawang tradisyunal na pagdulog ang Habing
Semantika at Story Grammar. Ilalahad ng bawat grupo ang mga
impormasyon sa pamamagitan ng isang talkshow, inaasahan din na
maipakita ang mabisang paggamit ng estratehiya sa paglalahad ng
impormasyon.

Mamarkahan ang mga mag-aaral batay sa sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos

Tumutukoy sa layunin 25%

Gumamit ng iba’t ibang estratehiya 20%

Malikhain ang pagprepresenta 20%

Mayaman sa impormasyon 25%

KABUUANG PUNTOS 100%

MAHABANG PAGSUSULIT

I. Multiple Choice (10 puntos)

Panuto: Basahin at unawain ang pahayag. Bilugan ang tamang sagot.

1. Ang ______________ay isang sistema o pamaraang ginagamit upang isalaysay


ang mga bahagi at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang akda o
teksto.
a. Story Grammar
b. Story Grammar Technique
c. Prior Knowledge
d. a at c

2. Sina _____________ay ang unang gumamit ng Pamaraang Pangkayarian o Story


Grammar Technique.
a. Mandler at Piaget
b. Johnson at Mandler
c. B.F Skinner at Johnson
d. Johnson at Vygotsky

3. Ito ay_____________o nakaraang karanasan sa dating kaalaman ng mga mag-


aaral.
a. Prior Knowledge
b. Story Frame With No Sequence
c. Story Scheme
d. b at c

4. Mabisang pamaraan sa pagbibigay ng kahulugan at pagkakaugnay-ugnay ng


bawat bahagi ng kuwento.
a. Story Frame With No Sequence
b. Story Grammar
c. Story Specific Basic Frames
d. Story Grammar Technique

30
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

5. Ang __________ay hulwarang napapaloob sa bawat tagpo o pangyayari sa


kuwento.
a. Story Scheme
b. Story Ladder
c. Story Grammar Technique
d. Story Grammar

6. Ito ay isa sa makabagong pamaraan ng paglinang ng kasanayan sa pag-


unawa.
a. Habing semantika (semantic webbing)
b. Pangunahing tanong (core questions)
c. Hiblang hinabi (web strand)
d. Hiblang panahi (strand ties)

7. Ang_______________ay isang pagbubuo o pagsasama-sama.


a. Habing semantika (semantic webbing)
b. Pamaraang semantika
c. Pangunahing tanong (core question)
d. A at C

8. Ang pinaka pokus nito ay ang web.


a. Hiblang hinabi (web strand)
b. Hiblang panahi (strand ties)
c. Pangunahing tanong (core question)
d. a at b

9. Ito ay tumutukoy sa mga tanong, impormasyon o ideya na may kaugnay sa


pangunahing tanong.
a. Hiblang hinabi (web strand)
b. Hiblang panahi (strand ties)
c. Pamaraang semantika
d. Habing semantika

10. Ang___________ay mga pangyayari, konklusyon o paglalahat na nakukuha ng


mga mag-aaral sa binasa upang magbigay-linaw sa hibla.
a. Hiblang pangsuporta (strand support)
b. Hiblang panahi (strand ties)
c. Hiblang hinabi (web strand)
d. Pangunahing tanong (core question)

II. Matching Type (10 puntos)

Panuto: Piliin sa Hanay B ang kahulugan sa bawat tagpo o pangyayari sa kuwento


na nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

_______1.Saan at kailan nangyari ang kuwento. a. Reaksyon

_______2. Ano ang nararamdaman ng pangunahing b. Wakas

tauhan bunga ng pangyayari.

_______3. Ano ang naging bunga ng pagtatangkang c. Panimula

ginawa.

31
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

_______4. Paano nangyari ang kuwento. d. Tagpuan

_______5. Naging mabisa ba o hindi ang ginawang e. Pagtatangka

pagtatangka. f. Kinalabasan

III. Enumerasyon (15 puntos)

1-7: Ibigay ang pagkakasunod-sunod ng pitong bahagi o yugto na sinusunod sa


Dulog Story Grammar.

8-13. Ibigay ang anim na paglinang ng kasanayan sa habing semantika.

14-15. Sino-sino ang mga taong sangkot sa pamaraang pangkayarian o story


grammar technique at habing semantika?

IV. Venn Diagram

1. Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Hiblang


panahi sa Hiblang hinabi? (15 puntos)

MODERNONG PAGDULOG

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang


mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating
panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng
pangunahing kaisipan na ibang-iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasa’y
nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal at akademikong kasanayan ang
mga mag-aaral.
Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng
mag-aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang
kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking
pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahil na rin sa nasa
makabagong panahon na tayo, naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-aaral
sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na mabagal o mahina sa pagkatuto.
Ayon kay Kornhaber (2004), naisasakatuparan ng Multiple Intelligence ni Dr.
Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na magpahalaga at
magtamo ng kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-
kuro at damdamin ganoon na rin sa mga ideyang mayroon sila base sa kanilang mga
nalalaman na naitutulong ng teknolohiya. Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng
nakabatay sa mga teksbuk lamang.

32
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Ngayon ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na


angkop sa makabagong panahong kanilang ginagalawan. Mula kay Vygotsky (1987),
ang mga mag-aaral na handang humarap sa hamon ng edukasyon ay lumalaking
nagagamit ang kayang mga natutuhan at nakakadagdag ito sa atas ng pagpapahalaga
niya sa sarili kung siya mismo ang tutuklas ng paraang ito para sa sarili niya. Dahil
na rin sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento na ang iba’t
ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan sa mas magandang kalidad ng
edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa buong mundo. Mayroon na
tayong mga personal computers, laptop, tablet iba’t ibang klase ng mga cellular
phones, projector at marami pang iba na tunay na nakatutulong sa pag-aaral ng mga
mag-aaral.

Hindi na uso ang pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may


samu’t saring pakulo sa mga visual aids, dahil nandyan na ang projector at ang laptop
na maaring gamitin upang magpakita ng presentasyon o mga video para mas
maunawaan at maintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon nila.

Hindi na rin kailangan magkaroon ng napakaraming libro ng mga guro bilang


basehan sa kanilang pagtuturo dahil sa tulong lamang ng mga computer at ng
internet connection madali na silang makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon
nila. Kahit wala na sa tipikal na isang silid-aralan ay maaari pa rin na magkaroon ng
interaksyon sa pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa rin naman
makakuha ng impormasyon ang mga estudyante sa tulong lamang ng internet
connection.

Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga leksyon nilang hindi nila lubos
maintindihan. Maaari din silang makapagbahagi sa iba ng mga natutuhan nila mula
sa kanilang mga guro sa tulong ng mga social networking sites. Sa parte naman ng
mga guro, upang hindi maging boring ang isang talakayan maaari siyang gumamit
ng iba’t ibang pakulo sa mga social networking sites para magkaroon ng isang
msayang pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan niya at ng mga mag- aaral.

Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang di-


maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang
makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at
mas kaugnay sa realidad na nangyayari sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-aaral,
ang paraan ng pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang
unang rebisyon at ang makabagong paraan naman ay ang pinakabagong rebisyon sa
proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.

Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang


mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa
kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral.
Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang estratehiya na
ginagamit ng guro. Badayos (2008)

Malaki ang ipinagkaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at


makabagong pananaw sapagkat ang tradisyonal na pananaw ay nakapokus lamang
sa makaluma at tradisyonal na pamamaraan at aspeto ng pag-unlad samantalang
ang makabagong pananaw ay ang pinagsamang teknolohikal na aspetong pang-
kaunlaran ang sentro.

MGA URI NG MODERNONG PAGDULOG AYON SA PAMAMARAAN

Pamaraang Pabuod o Deductive Method


Ang pamamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng
pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paglalahat o generalization. Ang

33
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa


Pagtuturo” o dili kaya ay “Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng
pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin na ito ay nagsimula sa nalalaman patungo sa hindi
nalalaman. Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing
ito ay egrule na pamamaraan.

Ang pamamaraang ito ay may limang hakbang:

1. Paghahanda o preparation

2. Paglalahad o presentation

3. Paghahambing at paghalaw o comparison and abstraction

4. Paglalahat o generalization

5. Paggamit o application
Halimbawa:

Kung ang paksang aralin ay tungkol sa wastong gamit ng may at mayroon, maaaring
magpabasa ang guro sa mga mag-aaral ng mga pangungusap na nasa pisara na
ginagamitan ng may at mayroon. Tatawagin ng guro ang pansin ng mga mag-aaral
tungkol sa pagkakaiba ng gamit ng dalawang salitang ito. Wika nga, ang inilalahad o
inihahain sa pisara upang makita ng mga mag-aaral ng malinaw

Papanayam

Ang personal na anyo ng pakikipagtalastasan ng dalawang taong


magkasundo na magtatagpo na ang isa sa kanila’y may layunin at hangad na
matupad ang layuning ito sa pamamagitan ng wastong kasagutan mula sa isa.

Ang pamamaraang ito ay isang paraan ng pagpapaliwanag at paglilinaw sa


isang paksa. Gumagamit ito ng eksposisyon na maaaring sa pamamagitan ng
pagsasalaysay o paglalarawan.

Halimbawa:

Matapos talakayin ni Bb. Alcantara ang pandiwa sa klase, nais niyang tayahin kung
may sapat na bang kaalaman ang kaniyang mga mag-aaral sa nasabing paksang
kanilang tinalakay kaya nagsagawa siya ng isang indibidwal na resitasyon.

Guro: Kung talagang lubos ninyong naunawaan ang araling ating tinalakay ngayon
araw, ano ang pandiwa? (tatawag ng mag-aaral)

Estudyante 1: Ma’am ang pandiwa po ay tumutukoy sa kilos o galaw.

Guro: Mahusay! Magbigay ka nga ng isang halimbawa ng pandiwa at gamitin ito sa


isang makabuluhang pangungusap.

Estudyante 1: Nagluto. Pangungusap: Si Inay ay nagluto ng paborito kong adobo.

Guro: Mahusay! Iba pa? (tatawag ng mag-aaral)

Estudyante 2: Maglilinis. Pangungusap: Maglilinis kami mamaya sa aming bakuran


ng aking kapatid.

Guro: Magaling! Batid kong lubos ninyong naunawaan ang araling ating tinalakay.

34
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Pamaraang Patuklas o Discovery Method

Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamamaraan ng pagtuturo na bukod sa


nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang
pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang
makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at paglalahat. Ang mga mag-
aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi basta na lamang
taga-tanggap ng kung ano-anong mga idinidikta sa kanilang mga kaisipan at
kaalaman.

Halimbawa:

Tuklasin mo! O Huhulaan ko!

Isulat sa isang malinis na papel ang nasa ibabang puzzle o palaisipan. Sundin
ang panuto at makukuha mo ang wastong sagot.

1. Sipiin sa papel ang puzzle.


2. Bilugan ang mga kahong makabubuo ng salita.
3. Isulat sa papel ang mga nabuo mong salita.

T P A B U O D Y B F

M A L I K H A I N T

D I N T D K L A T E

S A G O T B H E M M

P J U S N E W T V A

G B V B J G U P I O

Tanong-sagot

Mayroong ganitong apat na paraan upang sagutin ang mga katanungan. Aling
apat? Mayroong mga tanong na dapat sagutin ayon sa kaurian [tuwirang oo, hindi,
ito, iyon]. Mayroon mga tanong na nararapat sagutin na may isang kasagutang
mapanuri (naaangkop) (binibigyan ng kahulugan o muling binibigyan ng kahulugan
ang mga kataga). Mayroon mga tanong na dapat sagutin ng isang katapat na
katanungan. Mayroong mga tanong na dapat isantabi. Ito ang apat na mga
kaparaanan ng pagsagot sa mga tanong.

—Gautama Buddha,

Ang tanong o katanungan ay maaaring isang pagpapahayag na pangwika na


ginagamit upang humiling ng kabatiran, o kaya ang kahilingan mismo na ginawa ng
ganyang pagpapahayag. Ang impormasyong ito ay maaaring ibigay na mayroong
isang sagot o kasagutan (katugunan).

Karaniwang inihahain, inihaharap, o itinatanong ang mga tanong na


ginagamitan ng mga pangungusap na patanong. Subalit maaari rin silang buuin sa
pamamagitan ng mga pangungusap na imperatibo (pautos), na karaniwang
nagpapahayag ng kautusan: "Sabihin mo sa akin kung ilan ang dalawa na
dinagdagan pa ng dalawa"; sa kasalungatan, ilang mga pagpapahayag na katulad ng
"Maaari mo bang iabot sa akin ang patis?", ay mayroong anyong pambalarila ng mga

35
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

katanungan ngunit talagang gumaganap bilang mga kahilingan para sa pagkilos,


hindi para sa mga kasagutan, na nakakagawa sa kanila upang maging
alopunksiyonal na may kahulugang 'nagsisilbi ng isang naiibang layunin na naiiba sa
orihinal na layunin'. (Ang ganitong parirala, sa pangteoriya, ay maaari ring tanawin
hindi lamang bilang isang kahilingan subalit bilang isang pagpansin o obserbasyon
ng kagustuhan ng ibang tao na talimahin o tuparin ang ibinigay na kahilingan.)

Ang mga tanong ay mayroong ilang bilang ng mga kagamitan. Ang 'paghahain
ng isang tanong' ay maaaring gumabay sa nagtatanong sa kahabaan ng abenida ng
pananaliksik (tingnan ang metodong Sokratiko). Ang isang pangretorikal o
panayusay na tanong ay itinatanong upang makagawa ng isang paksa o punto, at
hindi umaasa mabigyan ng kasagutan (kadalasang ang sagot ay ipinahihiwatig o
lantad).

Ang mga tanong na presuposisyunal o katanungang nagpapalagay, katulad ng


"Tumigil ka na ba sa pananakit ng asawa mo?" ay maaaring ginagamit bilang isang
biro o ipahiya ang mga tagapanood o mga tagapakinig, dahil sa ang anumang
katugunan na maaaring ibigay ng isang tao ay makapagpapahiwatig ng mas marami
pang impormasyon kaysa sa ninanais niyang sabihing may katotohanan.

Ang mga tanong ay maaari ring maging mga pamagat ng mga akdang
pangsining at pampanitikan; halimbawa na ang maikling kuwento ni Leo Tolstoy na
How Much Land Does a Man Need? ("Gaano Kalaking Lupain Ba ang Kailangan ng
Isang Tao") o kaya ang pelikulang How About Bob? (na may diwang "E, Paano Kaya si
Bob?" o "Paano Naman Kaya si Bob?" o "Paano Na si Bob?"), o isang monograpong
pangdalubhasa na katulad ng Who Asked the First Question? ("Sino Ba ang
Nagtanong ng Unang Katanungan?").

Nagtala si McKenzie ng 17 mga uri ng mga katanungan sa kanyang


"Questioning Toolkit" ("Kasangkapan sa Pagtatanong") at nagmungkahi na ang mga
nag-iisip ay nararapat na mamigay at pagsama-samahin ang mga tipong ito sa
kanyang artikulong "Punchy Question Combinations" (sa diwang "Nakapupukaw na
Pinagsama-samang mga Tanong").

Halimbawa ng kanyang mga uri ng pagtatanong ang "tanong na walang


pakundangan" o "katanungang walang paggalang" (irreverent question) at ang
"katanungan hindi masasagot" (unanswerable question). ang mga tanong ay maaari
ring maging hindi nakapagpapasaya o hindi nakapagpapaligaya, batay sa hindi tama
o ilohikal na pangunahing saligan o batayan (katulad ng "Bakit mayroong lunting
mga pakpak ang mga pusa?").

Halimbawa:

Tanong mo, Sagutin ko!

Mag-usap kayo ng katabi mo tungkol sa init ng panahon dulot ng El Niño.


Gawin paksa ang sunog sa kagubatan ng Indonesia.

Estudyante 1: Wala kabang napapansin sa panahon ngayon?

_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Estudyante 2: _______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Estudyante 1: Iyan palang pagdidilim ng langit kahit umaga ay dulot ng


_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

36
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Estudyante 2: Hindi nga mapigil ang pagkalat ng sunog sa gubat. Abot ang
pagdidilim na iyan sa mga bahay
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Estudyante 1: Naku kamusta na kaya ang mangyayari sa ating mga ilog, daan, at
dagat?

_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Estudyante 2:
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________

Pagtuturong pangkatan

Ang pagtuturong pangkatan ay ginagamit upang lalong mas maging


kolaboratibo ang pag-aaral ng mga mag-aaral. Mas magiging produktibo ang pag-
aaral ng mga mag-aaral. Ginagamit din ito upang mas madaling mas bahaginan ng
mga kaalaman ng mga mag-aaral.

Pangkatang Gawain- ang pangkatang gawain ay ang paghahati sa buong


klase. Ito ay maaring dalawa o higit pang grupo ang mabuo sa isang klasrum.
Isinasagawa ito upang matuto ang mga mag-aaral sa kolaboratibong pamamaraan at
ang pagkakaroon ng pagkakaisa ang bawat mag-aaral.
Halimbawa:

Si Bb. Ana ay hinati sa apat na pangkat at ang bawat pangkat ay magsasagawa ng


isang dula tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalikasan.

Pamaraang Proseso o Process Approach

Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa agham


at iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang binibigyang-diin ay hindi ang
pagkakamit ng mga mag-aaral ng maraming kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi
manapa’y ang pag angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang kasanayang
intelektuwal na kailangan niya sa pagkatuto.

Ito ay nakatuon sa mga hakbang na kinakailangan sa pagbuo ng isang katha.


Ang pangunahing layunin nito ay malayang maitama ang mga pagkakamali sa
pagbuo ng isang katha.

Halimbawa:

Si Bb. Rhea ay nagpanood ng isang bidyo sa kanyang mga mag-aaral. Matapos ang
panonood ang mag-aaral ay gagawa ng kanilang sariling repleksyon patungkol sa
pinanood na bidyo.

Dulog konseptwal

Pagdulog na pangkaisipang ginagamit sa pagtuturo ng araling panlipunan,


nakatutulong ito sa pagbuo at pagkatuto kung paano matuto. Tinatawag din itong
concept centered o spiral curriculum. Ang dulog konseptwal ay ang paraan ng
pagbuo o interdisciplinary o multi-disciplinary- heograpiya, kasaysayan, pamahalaan,
antropolohiya, sosyolohiya at ekonomiks.

37
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Halimbawa:

Ang guro ay nagbigay ng konsepto sa paksang-aaralin ng mga mag-aaral.

Pamaraang Pabalak o Project Method

Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo ng


Edukasyong Panggawain. Angkop din namang gamitin sa pagtuturo ng anumang
asignatura na may nilalayong magsagawa ng proyekto. Sa pamamaraang ito,
nalilinang sa mga mag-aaral hindi lamang sa kakayahan at kasanayang pagpaplano,
sa pagsusuri, sa pagpapahayag at sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga
kapangkat at ang kakayahan sa pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o
sama ng loob.

Ito ay may apat na hakbang:

1. Paglalayon o purposing

2. Pagbabalak o planning

3. Pagsasagawa o executing

4. Pagpapasiya o evaluating/judging

Halimbawa:

Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng proyekto na scrapbook bilang isang pagtupad


sa isa sa mga pangangailangan sa asignaturamg Filipino

Pamaraang Pasaklaw o Inductive Method

Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod.


Samantalang ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa
paglalahat o pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay nagsisimula
sa paglalahat ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may
taguring “rule” o “rule of example”.

May limang hakbang ito:

1. Panimula o introduction

2. Pagbibigay ng tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization

3. Pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule

4. Pagbibigay ng halimbawa o giving examples

5. Pagsubok o testing

Halimbawa:

Sadyang mahilig sa pagkain at pagluluto ang mga Pilipino kaya't dumarami ang mga
estudyanteng kumukuha ng kursong HRM. Sa CEU lamang, mula nang magkaroon ng
kursong BSHRM noong 2004, hindi pa bumababa sa sampung sekyon ang klase sa
bawat antas.

Isang pagbati para sa iyong natamong bagong


kaalaman namagagamit mo sa pagtuturo ng
panitikan. Ngayon ay dumako na tayo sa mga
inihandang gawain na susubok sa iyong mga
natutuhan.

38
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

INDIBIDWAL NA GAWAIN

_____________1. Anong dulog ang maaring gamitin sa isang malaking seksyon.

_____________2. Ito ay angkop na gamitin sa pagsasagawa ng proyekto.

_____________3. Ang pamaraang ito ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod.

_____________4. Gagawa ng tula si anna. Anong maaring dulog ang kanyang gamitin?

_____________5. Nagsisimula ang pamaraang ito sa _________ ng tuntunin sa pagbibigay


ng mga halimbawa.

_____________6. Ito ay may taguring ___________.

_____________7. _______________ ng pagtuturo at ito ay nagdudulot ng kawilihan at


humahamon sa kakayahan ng mag-aaral.

_____________8. Ang isang _______________ na tanong ay itinatanong upang makagawa ng


isang paksa o punto.

_____________9. Ang _______________ nagpapalagay ay maaaring ginagamit bilang isang


biro o ipahiya ang mga taga-panood.

_____________10. Ito ay paraan ng pagbuo o interdisciplinary o multi-disciplinary-


heograpiya, kasaysayan, pamahalaan, antropolohiya, sosyolohiya at ekonomiks.

PANGKATANG GAWAIN

Bubuo ng limang grupo ang seksyon at bawat grupo ay kinakailangan na


makabunot ng dalawang estratehiya na kanilang isasagawa bilang role play.

Panuto: Ang mga mag-aaral ay gagamitin ang mga estratehiya na kanilang nabunot
bilang pagsasagawa ng isang role playing. Aakto ang mga mag-aaral bilang
isang guro at gagamitin ito sa pagtuturo.

Mamarkahan ang mga mag-aaral sa sumusunod na pamantayan:

Pamantayan Puntos

Galaw 20%

Diyalogo 15%

Angkop na gamit ng pagdulog 50%

Props/Audience 15%

KABUUANG PUNTOS 100%

39
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13
SAGUTIN NATIN!

MAHABANG PAGSUSULIT

Multiple choices (10 puntos)

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ito ay isang pahayag na pangwika na ginamit upang humiling ng kabatiran o kaya


ang kahilingan mismo na ganyang pagpapahayag.

A. Tanong o Katanungan
B. Patuklas
C. Pabuod
D. Proseso

2. Ang pamaraang ito ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi


basta lamang taga-tanggap ng kung anu-anong kaisipan at kaalaman.

A. Pamaraang proseso
B. Pamaraang pabuod
C. Pamaraang patuklas
D. Tanong sagot

3. Ito at angkop na gawain sa pagtuturo ng edukasyong panggawain

A. Pamamaraang pabalak
B. Pamamaraang pasaklaw
C. Dulog konseptwal
D. Malakayng talakayan

4. Ito at tinatawag ding concept centered sa ingles.

A. Dulog konseptwal
B . Pagtuturong pangkatan
C. Pamamaraang patuklas
D. Dulog na patanong

5. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pamaraang pabuod MALIBAN SA ISA:

A. Paghahanda o preparation
B. Paglalahad o presentation
C. Pagtutulad o simile
D. Paglalahat o generalization

6. Ito ay isang uri ng dulog na kung saan ay higit sa isa ang miyembro

A. Process apprpach
B. Dulog Konsepwal
C. Pangkatang Gawain
D. Pabuod

7. Ito ay ang personal na anyo ng pakikipagtalastasan ng dalawang taong


magkasundo.

A. Story Grammar
B. Tanong-Sagot
C. Habing Semantika

40
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

D. Papanayam

8. Ito’y isang uri ng dulog na kung saan ay nakatuon sa hakbang ng paggawa.

A. Papanayam
B. Process approach
C. Pangkatang Gawain
D. Dulog Konseptwal.

9. Anong pamaraan ito na tinatawag din sa Ingles na deductive method?

A. Pabuod
B. Pasaklaw
C. Pabalak
D. Patuklas

10. Ang pagpapaliwanag ng tuntunin o interpretation of the rule ay ang ___________ na


hakbang sa pagbuo ng tuntunin.

A. 6
B. 4
C. 3
D. 5

II. Identipikasyon (10 puntos)

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

_______________1. Ang dulog na ito at naglalayong magsagawa ng proyekto

_______________2. Ito ay isang dulog na ginagamit sa pagtuturo ng araling panglipunan

_______________3. Ang pamamaraang ito kung minsan ay tinatawag din na “Limang


Pormal na Hakbang sa Pagtuturo” o dili kaya ay _________________.

________________4. Ang dulog na ito ay malaki ang naitutulong upang maging mas
kolaboratibo ang pag-aaral.

_________________5. Maaari din itong maging ___________ ng mga akdang pangsining at


pampanitikan.

__________________6. Ito ang dulog na kung saan ay nakatuon sa mga hakbang ng isang
gawain

__________________7. Ang _________ ay maaaring isang pagpapahayag na pangwika na


ginagamit upang humiling na ginawa ng ganyang pahayag.

__________________8. Sa tuwing magtatapos ang aralin ni Gng. Tolentino siya ay


nagtatanong sa kaniyang mga estudyante hinggil sa araling tinalakay. Anong
pamamaraan ang ginamit ni Gng. Tolentino sa klase?

__________________9. Ito ang pangatlong hakbang sa pagbuo ng tuntunin sa pamaraang


pasaklaw.
_________________ 10. Anong pamaraan ito na nagsisimula sa paglalahat ng tuntunin
patungo sa pagbibigay ng halimbawa.

41
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

III. Tama o Mali (10 puntos)

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama. Kung ito naman ay Mali,
salungguhitan ang salitang nagpamali sa pahayag at iwasto ito. Isulat ang sagot bago
ang bilang.

______________1. Ang dulog konseptwal ay nakatutulong sa pagbuo at pagkatuto at


kung paano matuto.

_______________2. Ang pamaraang pabuod ay tumutukoy sa personal na anyo ng


pakikipagtalastasan.

_______________3. Ang process approach ay isang dulog na ginagamit upang mas


maging kolaboratibo ang pag-aaralan ng mga mag-aaral.

_______________4. Ang patuklas ay karunungan at hindi basta basta tumatanggap ng


kung anu-anong kaisipan.

________________5. Ang project method o pamamaraang pabalak at may limang


hakbang na sinusunod.

_________________6. Ang process approach ay ang mga hakbang sa paggawa ng isang


gawain.

_________________7. Ang mga tanong ay mayroong ilang bilang ng mga kagamitan.

_________________8. Kilala rin ang pamaraang pabuod sa tawag na “Herbert Method”.

_________________9. Pagsubok o testing ang pang-apat na hakbang sa pagbuo ng


tuntunin sa pamaraang pasaklaw.

_________________10. Ang pamaraang pasaklaw ay binubuo ng sampung hakbang sa


pagbuo ng tuntunin.

IV. Enumerasyon (10 puntos)

Panuto: Isa-isahin ang mga sumusunod:

1-5 Ibigay ang limang hakbang sa pamaraang pabuod

6-10 Ano-ano ang mga modernong pagdulog? Magbigay ng (5) lima

V. Essay (10 puntos)

Ano ang kahalagahang dulot ng mga modernong pagdulog sa pagtuturo?


Pangatwiranan ang iyong sagot.

42
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Isang Pagbati! Mahusay mong


nasagutan ang mga gawain para sa araling
ito. Ngayon ay magpapatuloy na tayo sa
susunod na aralin. Maligayang Pagtuklas!

Mga Sanggunian

Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa


Filipino(Mga Teorya, Simulain at Istratehiya.) Mutya Publishing House Inc.
Malabon City.
Belvez, Paz M. Ed.D. 2000. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo( Aklat sa
Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino at sa Filipino. Rex Book Store, Inc.
Camba, Moreal N, et.al. Panitikan ng Pilipinas, Rehiyunal, Kasaysayan at
Pagpapahalaga. Mutya Publishing House, Inc.,Malabon City. 2012
Caro, Jimmy. Mulasakanyang hand-out ngSawikaan 2010
Constantino, Pamela C. Filipino at Pagpaplanong Pangwika. Ikalawang
Sourcebook ng Sangfil. UP Sentro ng Wikang Filipino. National Commission
for Culture and the Arts.2005.

Mga Elektronikong Sanggunian

http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/Filipino%20Gabay%20Pangk
urikulum%20Baitang%201-10%20Disyembre%202013.pdf
https://www.slideshare.net/knowellton/module-62-filipino
https://www.slideshare.net/luvy15/ang-pagtuturo-ng-filipino-sa-batayang-
edukasyon
http://www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-at-
komprehensyon?related=2
http://www.slideshare.net/menchu25/pagbasa-at-pagsulat?related=1
https://www.slideshare.net/breanmeldx/kabanata-4-67270017
http://teachnewblog.blogspot.com/p/pamamaraan-istratehiya-at-dulog-
sa.html?m=1
https://www.academia.edu/36575829/Imbentaryo_ng_Lapit_o_Dulog_at_Est
ratehiya_o_Pamamaraan
http://teachnewblog.blogspot.com/p/pamamaraan-istratehiya-at-dulog-
sa.html
https://prezi.com/gvygzuobyu6v/filipino/
https://www.slideshare.net/Airash26/pabuod-na-pamamaraan-ng-
pagtuturo-inductive-method
https://edoc.site/pamamaraan-at-istratehiya-sa-pagtuturo-pdf-free.html
https://prezi.com/gvygzuobyu6v/filipino/

43
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Yunit III
IBA’T IBANG URI NG PANITIKAN SA PILIPINAS

Sa katapusan ng araling ito, inaasahang magkakaroon ka ng sapat na kabatiran upang:

1. Maipaliwanag ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa panitikan;


2. Msuri ang mga akdang pampanitikan na angkop ituro sa elementarya; at
3. Makalikha ng akdang panitikang pambata.

ALAM MO BA?

Bago pa dumating ang mga Español, mayroon nang mayamang panitikan sa


Pilipinas. Nang mga panahong iyon, karaniwang binibigkas ang panitikan o
ipinapasalimbibig sa halip na nakasulat. Ang pre-kolonyal na panitikan ay isang
gawaing pangkomunidad, isang pagtitipon-tipon ng pamayanan, at isang
pinagsasaluhang ritwal.

TUKLASIN

Ang panitikan ay bahagi na ng ating buhay tulad ng wika, ito ay hindi na


maihihiwalay sa atin bahagi na ito ng kulturang atin nang kinasayanan mula pa
noong unang panahon hanggang sa kasalukuyan. Bagaman nagbibihis anyo ang
panitikan ito ay nananatiling buhay at hindi naglalaho. Isang kapaki-pakinabang na
gawain ang patuloy na pagnanais na makabatid ng mga tiyak at balidong
impormasyon tungkol sa Panitikang Filipino.Halina’t tuklasin ang iba pang mga
impormasyon tungkol sa panitikan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

GAWIN MO!

Ulap ng alaala
Panuto: Isulat sa mga blankong ulap ang iyong kabatiran o kaalaman mula sa
pinakamaliit na detalye hanggang sa malawak na pagkakaunawa tungkol sa
panitikan.

PANITIKAN

44
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Magaling! Matagumpay mong naibahagi ang iyong


kaalaman. Alam kong handa ka na upang \magkaroon ng mas
malawak na kaalaman tungkol sa rehiyong ito.

DALOY NG KAALAMAN

ANO ANG PANITIKAN?

Ang salitang PANITIKAN ay nagmula sa salitang “titik” na nilagyan ng


unlaping “pan-“ at hulaping “-an”. Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Nagsasalaysay din ito ng
mga ideya tungkol sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at karanasang
may kaugnayan tungkol sa iba’t ibang bagay sa daigdig.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat


ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas
lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at
diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may
punto de vista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating
pampanitikan.

ORYENTASYONG KRITIKAL UKOL SA PANITIKAN

Mga usapin kaugnay sa pagtuturo ng panitikan na dapat liwanagin:


 Hindi kailanman maaaring mailapat sa pag-aaral ng katutubong panitikan
ang kanluraning oryentasyon sa pagtuturo ng panitikan
 Hindi lahat ng akdang pampanitikan ay nagbibigay-aral
 Hindi lahat ng akdang pampanitikan ay nilikha upang magbigay ng kasiyahan
sa mambabasa.
 Hindi maaaring paghiwalayin ang lumikha at ang likhang panitikan, o ang
likhang panitikan sa kanyang lipunan, bansa, sa kanyang panahon sa mundo
KAHULUGAN AT TUNGKULIN NG PANITIKAN

 Pagpapakahulugan sa panitikan bilang:


1. Salamin, larawan, repleksyon, o representasyon ng
buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan
2. Likhang-isip na ginagamitan ng magagandang salita o mga talinghaga
upang ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay
3. Kathang nilikha upang pagkunan ng aral
4. Isang sining ng paghabang-panahon
5. Tagapagpalaganap ng mga ideyal na kaisipan, mga adhika, simulain
6. Instrumento sa pagbuo ng karakter ng tao

 Tungkulin ng panitikan:
1. Ang layunin ng panitikan ay naaayon sa bawat panahon na ang akda
ay isinulat.

45
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

2. Magkaroon ng akdang makapupulso sa pangarap at aspirasyon ng


sambayanang Pilipino
3. Makahubog ng kaisipan
4. Makahulagpos sa makitid na karanasang indibidwalistiko at
makapagbigay-linaw sa direksiyon ng kilusang progresibo.
GABAY NA KONSEPTO SA PAGTUTURO NG LITERATURA:

Hornedo 2004
Pangunahing Prinsipyo sa pagtuturo ng panitikan ang wastong pagpili ng
gagamiting akda. Napakadaling maghanap ng mga akdang nagbibigay ng lantarang
moral o pangangaral ngunit sa pangmatagalan, matutuklasan ng mga bata, lalo na
ang mgahigit na matalino at mapag-isip na ang mga ito ay kababawan at angkop sa
kapos sa kakayahang sumisid ng tunay na perlas, o magbungkal ng tunay na ginto sa
malalim na lupa ng karunungan.

Ilan sa mga praktis na pagtuturo ng panitikan o literature na dapat nang


lampasan na binigyang diin ni Quindoza-Santiago:

 ang labis na tematiko o moralistikong lapit na tumatabing sa mahahalagang


sangkap ng panitikan at kasaysayan.
 impresyonistikong estilo: kung ano ang impresyon, iyon ang leksyon
 gaggamit ng kulambo ng nasyonalismo
 pagsasaulo ala loro
 at pagkapit-tuko sa detalye.
Bakit kailangang pag-aralan ang panitikan?

1. Sa pamamagitan nito malalaman, madarama, at masusumpungan kung paano nag-


ugat at namuhay an gating mga ninuno.

2.Nagsisilbing tulay para mabatid ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan


upang sa ganoon maharap ang ating ng buong giting at matalos ang pinagyaman ng
isip at ang angking talino ng pinanggalingang lahi.

3.Para sa mga Pilipino, ang panitikan ay isang uri ng mahalagang panlunas na


tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay.

4.lumilipas ang kayamanan ng tao, mga yamang material at ang pagiging makabayan
subalit hindi ang panitikan na nagsisilbing kayamanan.

5.Ang panitikan ay salamin sa kulturang gumagana sa isang komunidad. Sa Pilipinas,


bawat rehiyon ay mayaman sa kultura’t tradisyon.

Pasalindila- ang tawag sa katutubong uri ng panitikan. Ito’y punong-puno ng ng


matatandang Kaaralang nagsisilbing gabay ng mga tao noong unang panahon at
nasasalamin ang mga magagandang kaugalian, paniniwala o prinsipyo, at ang mga
bagay-bagay na may kaugnayan sa pang araw araw na pamumuhay at
pagpapahalaga sa kanilang pagkalahi.Ang mga pasalindilang panitikan ay
napapangkat sa mga sumusunod:

46
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

o kuwentong bayan
o kasabihan
o bugtong
o salawikain
o sawikain
o sabi-sabi
o palaisipan
o at balagtasa
Ang mga pasalindilang panitikang ito ay naglalarawan ng katutubong
katalinuhan, kaalaman, at karanasan, at nagsasalaysay ng kanilang pinagmulan,
buhay at katutubong bayani, pananampalataya at iba pa.Sa pamamagitan ng
panitikan nakikila ang imahen ng bawat rehiyon na hitik sa kani-kanilang
makasaysayang ugat na patuloy na dumadaloy at nabubuhay sa pamamagitan ng
bunga.
ANG PANITIKAN MULA SA IBA’T IBANG MANUNULAT

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay
ng kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng
Pilipinas.

“Ang Panitikan ay nagpapahayag ng damdamin ng tao tungkol sa iba’t ibang bagay


sa daigdig, sa pamumuhay, sa pamahalaan sa lipunan at sa kaugnayan ng kanilang
kaluluwa sa Dakilang Lumikha”
- G. Azarias

“Ang Panitikan ay Bungang-isip na isinatitik”

- G. Abadilla

“Ang Panitikan ay isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan nagsisiwalat ang
isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay sa
kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhain pamamaraan.”

- Jose Arrogante

“Ang panitikan ay isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa


itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa sangkatauhan.”

Zeus Salazar
“Ang Panitikan ay nasusulat na mga tala ng pinakamabuting kaiisipan at damdamin”

- W.J.Long

Maaaring makabuo ng iba't ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang


pagkakaiba ng ganitong paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo
na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito ang bahagharing may angking sari-
saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba't ibang gaan at bigat ng mga tanging
karanasan.
Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang
dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa
lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip
ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng karunungang may mataas na
47
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatagpuan sa mga


tekstong pampanitikan gaya ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, alamat
salaysayin, at pabula), tula, dula, maikling kuwento, nobela, sanaysay, talumpati, at
anekdota sa piling lathalain man-sa pasalita o pasulat na kaanyuan.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

Ang panitikan ay isang uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga


tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang
kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging
makatao.Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging
ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito
ang pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang
bayang sinilangan, ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.

Kahalagahan ng Pag-aaral sa Panitikang Filipino:


 Mabatid ang Kaugalian, Tradisyon at Kultura
 Maipagmalaki ang Manunulat na Pilipino
 Mabatid ang mga akdang Pilipino
 Mabatid ang sariling kahusayan, kapintasan at kahinaan
 Tuklasin ang Kakayahan at pagkakilanlan
 Makilala at Madama ang Pagiging Pilipino
 Maipakita ang Pagmamahal sa Panitikan

LABINDALAWANG AKDANG NAKAIMPLUWENSYA SA PANITIKAN NG


PILIPINAS AT NG DAIGDIG

1. Banal na Kasulatan/Bibliya (Aramaic, Latin, Griyego, Hebreo)


Koleksyon ng mga kasulatang naglalaman ng mga pahayag ng Diyos sa
tao. Ito ang naging batayan ng pananampalatayang Kristyano.
2. Koran mula Arabia (Arabic)
Ito ang pangunahing kapahayagan ni Allah na siyang naging saligan o
batayan ng pananampalatayang Islam.
3. Iliad at Odyssey ni Homer (Griyego)
Ito ang kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya.
4. Mahabharata ng India (Sanskrit)
Pinakamahabang epiko sa buong mundo. Ito ay tungkol sa
pananampalataya sa India.
5. Canterbury Tales ni Chaucer (Old English)
Naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles.
6. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe (Modern English)
Nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing
itim at pinagsimulan ng pandaigdig na pagpapalaganap ng demokrasya.
7. Divina Comedia ni Dante Alighieri (indecent Italian)
Nagpapahayag ng pananampalataya,moralidad, at pag-uugali ng mga
Italyano nang panahong iyon.
8. El Cid Compeador (Espanyol)
Tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng
katangiang panlahing mga kastila.
9. Isanlibo at Isang Gabi (Arabic at Persyano) -Naglalarawan ng pamumuhay
ng mga tao sa Arabia at Persya.
10. Aklat ng mga Araw ni Confucius(Intsik) -Naging batayan ng
pananampalataya at kalinangan ng mga Intsik
11. Aklat ng mga Patay ng Ehipto -Tungkol sa mitolohiya at teolohiya ng Egypt.
48
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

12. Awit ni Rolando (Pranses) -Nagsasalaysay ng panahong ginto ng


kristyanismo sa Pransya.

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANITIKANG FILIPINO

Sa bawat panitikang kinakatha ng mga mamamayang pilipino ay hindi


maiiwasang makaapekto ang ibat- ibang uri ng salik na kanilang sinasaalang- alang
sa pag katha at ito nga ay ang :

1. Klima at Panahon - ay ang pangmatagalang kalagayan ng atmospera at


kapaligiran na nangyayari sa isang lugar na maari mong makita sa isang araw
hal. init , lamig , bagyo , ulan at baha
2. Hanapbuhay - gawaing isinasagawa o isinasakatuparan ng isang tao.
hal. Pagsasaka at pangingisda
3. Pang-araw-araw o karaniwang gawain - mga kilos o galaw na karaniwang
kinikilos
hal. paglalaro , paglilinis
4. Pook - lugar o tirahan sa isang lugar o lokasyon
hal. mga magagandang tanawin , rural o global , kapaligiran
5. Lipunan at pulitika :
Lipunan - isang grupo ng mga taong na nakatira isang lugar
Politika - gawaing nauugnay sa pag-impluwensya at mga aksyon , patakaran ng
gobyerno
hal. welga , pag-aaklas , digmaan at pang-aapi sa mahihirap
6. Edukasyon - isang kasanayan at pagbabahagi ng kaalaman,mabuting paghusga at
kaalaman
hal. pag-aaral at busog sa kaalaman
7. Pananampalataya - pagkilala sa kapangyarihan ng lumikha
hal. pagdarasal
8. Kultura - impluwensya ng katutubong tradisyon
hal. tradisyon,paniniwala

URI AT ANYO NG PANITIKAN

Ang pahayag ng pampanitikan ay may dalawang anyong panlahat:

Tuluyan (Prosa) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong


anyo ng pangungusap.

Patula – pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa


pantig. May dalawang kayarian ang tula: May sukat at tugma o tradisyunal.

 Malayang Taludturan – ay ang tinatawag sa Ingles ng free verse. Hindi


nito isinasaalang-alang ang tiyak na bilang ng pantig at pagpili ng
salitang dapat na magkasintunog sa dulo ng taludtod.
Apat na Paraan ng Pagpapahayag
●Pagsasalaysay – layuning magkuwento ng magkakaugnay na pangyayari.

●Paglalarawan- naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mambabasa.


●Paglalahad- tungkuling humanp ng kalinawan. Ginagamit sa pagsagot sa mga
tanong.
●Pangangatwiran (pasulat man o pasalita)-layuning manghikayat o
magpapaniwala.
49
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Pangkalahatang Katangian ng Panitikan sa mga Anyong Tuluyan

1. Maikling Kwento
 Ito’y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari
at kakintalan.
2. Dula
 Isang anyo ng akdang panliteratura na binibigyang-buhay sa pamamagitan ng
karaniwang pagtatanghal sa entablado. Nagsimula ang dula bago pa man
dumating ang mga Kastila mula sa mga anyo ng ritwal, sayaw, at awit. Sa
pagdating ng mga Kastilang mananakop, ang dula na kinagigiliwan ng ating mga
ninuno. Nadagdagan ng bagong tema at konseptong panrelihiyon na karaniwang
makikita sa mga pagdiriwang sa kapistahan.
3. Sanaysay
 Pagpapahayag ito ng kurukuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin
o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri: maanyo o pormal
(nangangailangan ng masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa paksang
isusulat) at malaya o impormal (karaniwan lamang ang mga paksang ginagamit
sa sulatin kaya hindi na kailangan ng ibayong pananaliksik).
4. Nobela
 Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari
rito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao , sumasaklaw ng mahabang
panahon at ginagalawan ng marami tauhan.
5. Alamat
 Karaniwang hindi batid kung sino ang may–akda o sumusulat nito.Ito’y
nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno upang maihatid sa mga tao sa
kasalukuyang panahon. Dahil matagal na itong nangyari at hindi na uso noon ang
pasulat na paraan sa pagpapalaganap ng literature, karaniwang hindi
nagkakaroon ng isang tiyak na pangyayari sa nabuong salaysay hinggil sa
nilalaman ng isang alamat. Bunga nito, nagkakaroon ng iba’t ibang bersyon ang
isang alamat.
6. Anekdota
 Ito’y batay sa mga totoong pangyayari na ang layunin ay magbigay ng aral.
7. Pabula
 Tungkol sa mga hayop ang karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang
interes ng mga bata at makapagbigay-aral sa mga mambabasa.
8. Parabula
 Ito’y salaysaying hango sa Bibliya.Layon din nitong makapagbigay-aral.
9. Balita
 Isang paglalahad sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan sa araw-araw
,tungkol sa pamahalaan at sa lahat ng isyung maaaring makaapekto sa
indibidwal o sa nakararaming mga tao sa isang komunidad o bansa.
10. Talumpati
 Karaniwang ito’y binibigkas sa harap ng mga tao.Layunin nitong humikayat,
magpaliwanag at magbigay ng opinyon ukol sa isang pangyayari o paksa.
11. Talambuhay
 Nahahati ito sa pansarili o pang-iba. Ito’y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang
tao.
ANG PANITIKAN SA MGA ANYONG PATULA

Tulang pasalaysay- ay pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay,


ng kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
Awit at Korido – pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at
karaniwang ginagalawan ng mga tauhang prinsipe at prinsesa.

50
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Epiko – tungkol parin sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng


pangunahing tauhan at ang mga pangyayaring nakapaloob ditto ay kagila-gilalas at
hindi kapani-paniwala.

Mga Tulang Liriko o Pandamdamin


Elehiya – Ito’y awit na punumpuno ng damdamin patungkol sa isang
tao na namatay o namayapa na.
Dalit – isang awit na pumupuri sa Diyos.
Soneto – isang awit na may hatid na aral.
Awit – pumapaksa sa ibat’t ibang uri ng damdamin gaya ng pag-ibig,
kalungkutan, kasiyahan at iba pa.
Oda - may himig na pamumuri at naghahatid ng damdaming
nagbibigay kasiglahan.

Mga Tulang Pandulaan


Melodrama – ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit
nagtatapos nang masaya para sa pangunahing tauhan.
Komedya – karaniwang nagtatapos ito ng masaya,may tunggalian ang
mga tauhan sa umpisa subalitito’y nalulunasan kung kaya masaya ang
wakas ng dula.
Parsa – uri ng dula na nagpapasaya.
Trahedya – kabaligtaran ito ng komedya kung saan ang wakas ay
nagtatapos sa kamatayan ng pangunahing tauhan sa dula.
Saynete – paksa ng dulang ito ang paglalahad ng kaugalian ng isang
lahi, sa kanyang pamumuhay, pangingibig at iba pa.

Mga Tulang Patnigan


Karagatan – ito’y batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesana
inihulog sa dagat upang mapangasawa niya ang kasintahang mahirap.
Duplo – isang paligsahan sa husay ng pagtula at pangangatwiran na
siyang pumalit sa karagatan.
Balagtasan – ito’y isang pagtatalo sa paraang patula na hango sa duplo
at karagatan, ang salitang “Balagtasan” ay hinango mula sa pangalang
“Balagtas” na si Francisco Balagtas na siyang “Ama ng Panulaan”

MAIKLING KASAYSAYAN NG PANITIKANG FILIPINO

PANAHONG KATUTUBO/PRE-KOLONYAL/BAGO DUMATING ANG MGA


KASTILA

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang pasalindila (oral) na


tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno at nagpapatunay na
may sibilisasyon/kabihasnan na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa dumating
ang mga Kastila. Matatagpuan clamor sa mga palayok, banga, kawayang bumbong
(isang species ng bamboo) atbp. kung nakasulat. Ang anyo ng panitikan sa panahong
katutubo ay ang alamat, kwentong bayan, epiko, awiting bayan, bugtong, salawikain,
at kasabihan.

Narito ang ilang halimbawa ng panitikan sa panahong katutubo: bugtong:


“Gintong binalot ng pilak,pilak na binalot ng balat”- itlog, “Hindi hayop, hindi tao
walang gulong tumatakbo” - agos ng tubig; Awiting Bayan: Oyayi/hele
(pagpapatulog ng bata), Kalusan (paggawa), Kundiman (pag-ibig), Diona (kasal),
Kumintang/tagumpay (pandigma), Dalit/himno, (pagsamba sa anito/panrelihiyon),
Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay), Soliranin (pagsasagwan), Talindaw
(pamamangka); Epiko: Labaw Donggon (Ilongo), Handiong (Bikol), Hudhud
51
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

(Ifugao), Alim (Ifugao), Hinilawod (Bisaya), Indarapatra at Sulayman (Magindanao);


Salawikain at Kasabihan “Ang hipong palatulog, inaanod ng agos”, “Kung may
isinuksok, may madudukot”, “Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin”.

Panahon ng Kolonyalismong Espanyol (1521-1860s)

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang pasulat. Tumatalakay sa


paksang panrelihiyon at sumasalamin sa kulturang Kanluranin (western). Ang mga
akda ay karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol. Ang mga Unang Aklat na
Nilimbag ay Doctrina Cristiana, bilinggwal na katesismo, aklat ng mga panalangin
atbp. Ang mga halimbawa ay “Ylan po ang Dios?” “Isa po lamang, datapuat may
tatlong persona.” Nuestra Señora del Rosario (novenario; aklat ng nobena/debosyon
sa Mahal na Birhen)

Panahon ng Kilusang Propaganda o Ang Panahon ng Pagbabagong-


Diwa/Pagbabagong-Isip (1860-1892)

Ang panitikan sa panahong ito ay nakasulat sa Espanyol sapagkat nais nilang


magbago ang mga Kastila. Ang paksa ay karaniwang tumutuligsa sa pang-aabuso ng
gobyernong kolonyal. Ang mga akda ay nagkikintal ng pagkamakabayan at
humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Sa panahong ito pinauso
ang pagtukoy sa mamamayan ng Pilipinas na Filipino at ikinarangal ang pagiging
indio. Halimbawa ng mga akda sa panahong ito: Mga Nobela: “La Loba Negra (Ang
Babaeng Lobong Itim) ni Padre Jose Burgos – pinaniniwalaang nakaimpluwensya
rin sa mga 2 obra maestra ni Rizal Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal,
“Fray Botod” ni Graciano Lopez-Jaena - ayon sa ibang aklat ay maikling nobela
ngunit sa aktwal ay maikling kwento – ukol sa masasamang katangian ng mga
prayle sa Pilipinas noon. “Ninay” ni Pedro Paterno – diumano’y kauna-unahang
nobelang panlipunan.

Panahon ng Himagsikan/Rebolusyon (1896) at ng Unang Republika (1892-


1899)

Ang panahon ng Himagsikan/Rebolusyon ng 1896. Ang panitikan sa


panahong ito ay karaniwang nananawagan ng himagsikan. Nakasulat sa bernakular
(wikang katutubo) na nagpapahayag ng marubdob na pagkamakabayan. Halimbawa
ng mga akda sa panahong ito: “Katapusang Hibik ng Pilipinas” ni Andres Bonifacio –
tahasang nananawagan ng pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas sa “Inang Espanya”,
“Mi Ultimo Adios” ni Jose Rizal, “Filipinas” ni Jose Palma – pinagbatayan ng
liriko/titik ng Pambansang awit, mga sanaysay: “Ang Dapat Mabatid ng Mga
Tagalog” ni Andres Bonifacio – panawagan sa mga Pilipino na tuklasin kung saan
nagmula ang mga paghihirap na kanilang dinaranas sa KOLONYALISMO. Pananakop
at pangingibabaw ng mga dayuhan, “Ordenanzas dela Revolucion at Programa
Constitucional dela Republica Filipina” ni Apolinario Mabini – dokumentong
nagpapahayag ng mga patakaran ng gobyernong rebolusyunaryo ng mga Pilipino na
malao’y magiging republikano.

Panahon ng Kolonyalismong Amerikano (1900-1942)

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang nagpapakita ng dalawang


pwersang nagtutunggalian. Ang mga akda ay nakasulat sa wikang katutubo, kastila
at ingles na tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga paksang romantisista,
nananawagan ng pagpapatuloy ng rebolusyon o pagpapailalim sa mga Amerikano at
nagsisikhay na mapanatili ang sariling identidad o nangongopya ng mga estilong
Kanluranin.

52
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Ang mga akda sa panahon ng Amerikano: “El Desarrollo Caida Dela Republica
Filipina” (Ang Pagbagsak ng Republikang Pilipino) ni Apolinario Mabini –
tumatalakay sa pagtataksil ng mga Pilipinong ilustrado sa Unang Republika ng
Pilipinas Aves de Rapiña, “Mga Ibong Mandaragit” –EDITORYAL ni Amado V.
Hernandez – tumutuligsa sa Amerikanong ganid at tiwali; nilathala sa pahayagang
“El Renacimiento”; ipinasara ang pahayagan at ipinakulong ang mga editor at
ibinenta/isinubasta ang lahat ng ari-arian ng dyaryo. Mga Tula: “Kahapon, Ngayon at
Bukas” ni Aurelio Tolentino – alegorikal at sarkastikong batikos sa huwad na
kabaitan ng Estados Unidos sa dakong silangan “modernong awit” ni Jose Corazon
de Jesus – alegorikal na pagtalakay sa kasaysayan ng Pilipinas mula pagdating ng
mga Kastila hanggang sa pagdating ng mga bagong mananakop (Amerikano)

Panahon ng “Isinauling Kalayaan”/ “Malayang Republika” (1946-1960)

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang tumatalakay sa masasamang


karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon. Ang mga akda sa panahong ito ay
isinasali/inilalahok sa mga patimpalak gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature (ang pinakapopular na timpalak sa pagsulat sa Pilipinas). Narito ang ilan
sa mga nagwagi sa timpalak Palanca “Kuwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza-
Matute, “Mabangis na Kamay…Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan “Planeta,
Buwan at Mga Bituin”. ”Maganda Pa Ang Daigdig” ni Lazaro Francisco, “Pagkamulat
ni Magdalena” nina Elpidio Kapulong at Alejandro G. Abadilla, “Mga Ibong
Mandaragit” ni Amado V. Hernandez at “Tundo Man Ay May Langit Din” ni Andres
Cristobal-Cruz.

Panahon ng Aktibismo (1960s-1970s)

Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang Aktibista Sosyal-realista (social


realist: sumasalamin sa lipunan) na tumatalakay sa mga suliraning panlipunan
katulad ng kawalan ng lupa ng mga magsasaka, mababang sahod ng mga
manggagawa, rebelyon sa kanayunan, katiwalian sa pamahalaan atbp. Tula: “Mga
Duguang Plakard” ni Rogelio Mangahas - mahabang tulang alay sa mga
demonstrador na pinatay sa Mendiola, “Ang Burgis sa Kanyang Almusal” ni Rolando
S. Tinio - pagtuligsa sa kawalang-pakialam/insensitivity ng mga middle class sa
karukhaan ng taumbayan.

Ngayon na nalaman mo na ang kahulugan, kahalagahan at iba pang


impormasyon tungkol sa Panitikan, atin namang subukin ang iyong
naging kaalaman sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain.

53
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

PAGLINANG NG TALASALITAAN

Panuto: Hanapin at bilugan mula sa puzzle ang mga salitang tinutukoy sa bawat
bilang sa ibaba. Pagkatapos ay ipaliwanag kung paano nauugnay ang mga salitang
ito sa araling panitikan.

P D A M D A M I N A N K A P L P

U B P A S U L A T E L A E A I A

N I K L K U L T U R A I T S T N

T B A I M A M B A B A S A A E U

O L R K A T U T U B O I Y L R L

D I A H M A L A Y A S P U I A A

E Y N A P A N I T I K A N T T T

V A A I K O R A N B K N O A U A

I S S N T R A D I S Y O N B R N

S K A R U N U N G A N M P D A A

T U N R G H N M A N U N U L A T

A K A S A Y S A Y A N A S A N I

1. Ito ay nangangahulugang “titik”, hango sa salitang panitikan.


2. Isa pang tawag sa panitikan
3. Paraan ng pagsulat ng panitikan.
4. Ito ay tumutukoy sa kalungkutan, kasiyahan, pagkagalit atbp.
5. Ideyang mula sa isang akda.
6. Ito ay ang tinutukoy o sa pangunahing punto sa isang particular na
akda
7. Tumatanggap ng mensahe mula sa isang akda
8. Lumilikha ng sulatin.
9. Ito ang kadalasang sanhi ng paglikh a ng sulatin ng mga manunulat
54
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

taglay ng manunulat o mambabasa upang maunawaan ang akda


10. Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga
karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
11. Pasalindila
12. Pagsasatitik ng ideya
13. Batayan ng pananampalatayang Kristyano
14. Batayan ng pananampalatayang Islam
15. Kaganapang sa isang partikular na lugar na nakasanayan nang gawin
ng mga mamamayan.

INDIBIDWAL NA GAWAIN

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sinasabing ang panitikan ay bahagi na ng ating kasaysayan. Mahalaga ba


itong pag-aralan? Bakit? Ipaliwanag.

2. Masasabi mo bang may angking karunungan na ang mga Pilipino bago pa


man dumating ang mga kastila? Patunayan.

3. Mula sa pananakop ng mga dayuhan, sa iyong palagay, ano ang naging


impluwensya nito sa panitikan nating mga Pilipino?

4. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga salik na nakaaapekto sa panitikan?

5. Bilang Kabataan ng kasalukuyang henerasyon, paano ka makakatulong sa


pagpapanatili ng panitikang Pilipino.

SAGUTIN NATIN!

A. Isahang Gawain “Nasa-Salamin”

Panuto: Magbigay ng isang akdang pampanitikan at suriin kung paano nito


nasasalamin ang kulturang Filipino.

Pamagat ng Paano nito


Akdang nasasalamin ang
Pampanitikan kulturang Pilipino

55
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

B. Pangkatang Gawain ‘KuwenTulAwit”

Panuto: Mahahati ang klase sa tatlong pangkat upang isagawa ang mga
sumusunod na gawain..
Unang pangkat – pagsulat ng kuwento
Ikalawang pangkat - pagsulat ng tula,
Ikatlong pangkat - pagbuo ng awitin.

Pagkatapos ay itatanghal sa harap ng klase.


Pamantayan sa Pagpupuntos
40%
Masinop na Pagsulat
40%
Mahusay na Pagtatanghal
20 %
Kooperasyon ng bawat isa sa pangkat
100%
Kabuuan

PAGNILAYAN MO!

“Ang panitikan at ang Lipunan”

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na may dalawa hanggang tatlong talata na kung
nagpapahayag ng kaugnayan ng panitikan sa iyong sarili at sa iba pang aspekto ng
lipunang iyong kinabibilangan.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_____________________.

Pagbati! Natapos mo ng may kahusayan ang mga gawain. Ngayon


naman ay magkakaroon ka ng pagsusulit na susubok sa iyong naging
pagkaunawa tungkol sa paksang tinalakay sa yunit na ito.

PAGTATAYA

Unang Bahagi

Panuto: Tukuyin at itala ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. (10 puntos)

__________1. Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

__________2. Ayon sa kanya, ang panitikan ay bungang-isip na isinatitik.

__________3. Ito ang naging batayan ng pananampalatayang kristyano.

__________4. Pinakamahabang epiko sa buong mundo.

56
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

__________5. Nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga


lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na pagpapalaganap ng
demokrasya.

__________6. Ito ang pangunahing kapahayagan ni Allah na siyang naging saligan o


batayan ng pananampalatayang Islam.

__________7. Nagsasalaysay ng panahong ginto ng kristyanismo sa Pransya.

__________8. Tawag sa isang grupo ng mga taong na nakatira isang lugar

__________9. gawaing nauugnay sa pag-impluwensya at mga aksyon , patakaran


ng gobyerno

__________10. isang kasanayan at pagbabahagi ng kaalaman,mabuting paghusga


at kaalaman.

Ikalawang bahagi

Panuto: Tukuyin at piliin ang sagot mula sa kahon. Isulat na lamang ang letra sa
patlang bago ang bilang. (10 puntos)
A. Panahong Katutubo
B. Panahon ng Kolonyalismong Espanyol
C. Panahon ng Kilusang Propaganda
D. Panahon ng Himagsikan
E. Panahon ng Kolonyalismong Amerikano
F. Panahon ng Isinauling Kalayaan
G. Panahon ng Aktibismo

_________1. Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang pasalindila (oral) na


tumatalakay sa paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
_________2. Sa panahong ito ay ang mga akda nagkikintal ng pagkamakabayan at
humuhubog ng sariling pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
_________3. karaniwang pasulat ang panitikan sa panahong ito na tumatalakay sa
paksang panrelihiyon at sumasalamin sa kulturang Kanluranin (western).
_________4. Ang anyo ng panitikan sa panahong ito ay ang alamat, kwentong bayan,
epiko, awiting bayan, bugtong, salawikain, at kasabihan.
_________5. Halimbawa ng mga akda sa panahong ito: “Katapusang Hibik ng Pilipinas”
ni Andres Bonifacio – tahasang nananawagan ng pagbaklas/paghiwalay ng Pilipinas
sa “Inang Espanya”
_________6. Ang mga akda ay nakasulat sa wikang katutubo, kastila at ingles na
tumatalakay sa pagkamakabayan o kaya’y mga paksang romantisista.
_________7. Ang mga akda sa panahong ito ay isinasali/inilalahok sa mga patimpalak
gaya ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.
_________8. Panahon ng Sosyal-realista na tumatalakay sa mga suliraning panlipunan
katulad ng kawalan ng lupa ng mga magsasaka, mababang sahod ng mga
manggagawa, rebelyon sa kanayunan, katiwalian sa pamahalaan atbp.
_________9. Ang panitikan sa panahong ito ay karaniwang tumatalakay sa
masasamang karanasan ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Hapon.
_________10. Ang panitikan ay matatagpuan clamor sa mga palayok, banga, kawayang
bumbong (isang species ng bamboo) atbp. kung nakasulat.

Pagbati! Matagumpay mong natapos ang Yunit na ito.


Halina’t ipagpatuloy na natin ang pagtuklas sa iba
pang kaalaman.
57
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Yunit IV

ANG PAGTATAYA AT EBALWASYON SA MATAGUMPAY NA PAGTUTURO NG


PANITIKAN

Sa yunit na ito, matututuhan mo ang mahahalagang bagay na


makatutulong sa iyo bilang guro upang:

1. Mabatid ang iba’t ibang kalakaran ng makabagong pagdulog sa


pagtuturo.

2. Nakapagpapamalas ng lubos na pag-unawa ang mga gurong mag-


aaral sa kahalagahan ng paglikha ng mabisang pagsusulit at
pagtatanong.

3.Nakalilikha at nakasusulat ng iba’t ibang uri ng pagsusulit at


mabisang pagtatanong.

TUKLASIN!

Nasusukat ang antas ng pagkatamo ng layuning pampagtuturo sa proseso ng


pagtataya ng ating ginagawa. Nabibigyang-halaga naman ang antas ng pagkatutong
naganap sa pamamagitan ng ebalwasyon o pagmamarka.

PANIMULANG PAGSUSULIT

I. Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_____1. Ito ay isang pagsusulit na pagkilala ng tunog , pag-unawa sa pinakinggang


teksto

_____2. Ito ay tinatawag na panuring pagsusulit.

_____3. Pagsusulit na naglalayong malaman kung sino sa mga mag-aaral ang natutong
ganap , di gaanong natuto.

_____4. Ito ang pagsusulit na may itinakdang pamantayang maabot ang mag-aaral
upang masabing naipasa niya ang pagsusulit .

_____5. Ito ang pagsusulit ng paggamit ng bantas at wastong baybay.

_____6. Pagsusulit na sinusubok naman ay ang pangkalahatang kasanayan sa


asignatura

_____7. Pagsusulit na naglalayong malaman ang kakayahan sa isang partikular na


larangan.

_____8. Isang uri ng pagsusulit na isa lamang kasanayan ang sinusukat ng bawat
aytem.

_____9. Ang pagsusulit na ito ay ibinibigay upang mabatid kung ang isang mag-aaral
ay may iwing kakayahan o kawilihan sa isang partikular na kurso o career vocation.

58
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

_____10. Ito ang pagsusulit na inihahambing ang bawat mag-aaral sa kapwa mag-
aaral.

Mahusay! Matagumpay mong natapos ang


panimulang pagsusulit. Ngayon ay simulan na
natin ang pagtuklas sa bagong kaalaman.

DALOY NG KAALAMAN

ANG PAGSUSULIT

MGA URI NG PAGSUSULIT AYON SA PAMAMARAAN

A. Ayon sa dami ng sinusulat na kakayahan


1. Pagsusulit na discrete-point na isa lamang kasanayan ang sinusukat ng
bawat aytem.

2. Pagsusulit na integratibo na sinusubok naman ay ang pangkalahatang


kasanayan sa asignatura .

B. Ayon sa layunin ng pagsusulit

1. Panuring Pagsusulit (diagnostic test) .

2. Pagsusulit na naglalayong malaman ang kakayahan sa isang partikular na


larangan (proficiency test) .

3. Pagsusulit na naglalayong malaman kung sino sa mga mag-aaral ang


natutong ganap , di gaanong natuto . Ito ang achievement test.

4. Ang aptitude test ay ibinibigay upang mabatid kung ang isang mag-aaral ay
may iwing kakayahan o kawilihan sa isang partikular na kurso o career
vocation.

C. Ayon sa gamit ng kinalabasan ng pagsusulit

1. Criterion-referenced test o ang pagsusulit na may itinkadang pamantayang


maabot ang mag-aaral upang masabing naipasa niya ang pagsusulit .

2. Norm-referenced test – inihahambing ang bawat mag-aaral sa kapwa mag-


aaral

D. Ayon sa kaanyuan

1. Pagsusulit na verbal o ginagamitan ng salita na maaaring pasulat o pasalita.

E. Ayon sa kakayahang sinusubok

1. Pagsusulit pangwika

a. Pakikinig – pagkilala ng tunog , pag-unawa sa pinakinggang teksto


b. Pagsasalita – pakikipag-usap , pagbigkas ng salita
59
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

c. Pagbasa – pag-unawa ng seleksyon , kasanayan sa pag-aaral

d. Pagsulat – paggamit ng bantas , wastong baybay

2. Pagsusulit sa ibang asignatura: Matematika , Agham , Wika , Panitikan .

MGA URI NG AYTEM NG PAGSUSULIT

1. True or False Test o Pagsusulit na Tama o Mali

a. Simpleng tama o mali


b. Modified true or false
c. True or false with Correction
d. Cluster true or false
e. True or false with Option

2. Error Recognition Test o Pagtukoy sa Mali


a. Hinahati ang pangungusap sa apat na bahagi. Ang bawat bahagi ay may
salungguhit at may nakasulat na titik sa ibaba.
b. Nilalagyan ng guhit ang pagitan ng mga bahagi ng pinaghating
pangungusap.
c. Mga piling salita o parirala lamang ang sinasalunguhitan.
d. Ang mali sa pangungusap ay maaaring isang salita o bahagi ng salita na
nawala.
e. Maaari ring magsama ng mga pangungusap na walang mali.

3. Completion Test o Pagsusulit na Pagpupuno sa Patlang

a. Ito ay ang pagpupuno ng mga nawawalang salita o lipon ng mga salita sa


isang pangungusap o talata. Ito ay pagsusulit na obhektibo na sa halip na
pinamimili ang mag-aaral sa wastong sagot ay ipinabibigay ang tamang
sagot.

Halimbawa:

Panatang Makabayan

Iniibig ko ang Pilipinas

Aking (1)_ _ _ _ _ _ sinilangan;

Tahanan ng aking (2) _ _ _ _;

Kinukupkop ako at tinutulungan;

Upang maging malakas (3) _ _ _ _ _ _ _ at marangal;

Dahil mahal ko ang Pilipinas.

4. Multiple Choice Test o Uring Papili

a. Pangungusap na hindi tapos


b. Pangungusap na may puwang
c. Pangungusap na buo
d. Pangungusap na nagtatanong

60
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit na may


Pagpipiliang Sagot (Multiple Choice)

A. Stem
1. Ang pangunahing layunin ng stem ay mailahad sa kumukuha ng
pagsusulit ang suliranin ng aytem. Dapat maging maging maikli ngunit
malinaw ang stem. Iwasan ang paggamit ng maliligoy na mga salita.
2. Iwasan ang pag-uulit sa mga opsyon ng mga salitang maaaring ilagay sa
stem.
3. Isulat ang stem sa anyong positibo. Kung hindi maiiwasan ang anyong
negatibo o di kaya’y isulat ito sa malaking titik.
B. Ang mga Opsyon
1. Hangga’t maaari, gawing halos magkakasinghaba ang mga opsyon. Huwag
gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang wastong sagot. Kung hindi ito
maiiwasan, may mga pardon na maaaring sundin.
C. Ang mga Distraktor
1. Ang bawat distraktor ay dapat maging kaakit-akit sa mga sasagot ng
pagsusulit. Dapat tanawing mga eksameni na halos tamang sagot sa lahat
ng opsyon.
2. Hindi dapat maging mas mahirap ang mga distraktor kaysa sa tamang
sagot.
D. Ang Tamang Sagot
1. Tiyaking isa lamang ang tamang sagot.
2. Pag iba-ibahin ang posisyon ng wastong sagot.
3. Iwasang gawing pinakamahaba o pinakamaikli ang tamang sagot.
E. Ang Buong Aytem
1. Dapat sukatin ng bawat aytem ang layuning kinakatawan nito.
2. I-angkop ang bokabularyo at kayarian ng aytem sa mga sasagot nito.

5. Close test

a. Ito ay isang uri ng pagsusulit na binubuo ng isa o higit pang talata na may
puwang para sa mga kinaltas na salita. Ang pagkaltas ay maaaring tuwing
ikalima, ikaanim, ikapito o ikawalong salita.

Mga Halimbawa

Variable-ratio deletion:

Kantahing-bayan ang katawagang iniaangkop sa lahat ng uri ng mga popular na


katutubong awitin. Itoý katulad ng katutubong (1)____________ maliban sa itoý
nilapatan ng (2)____________ upang mailahad nang pakanta. Aang kantahing-bayan ay
mauuri sa dalawang pangkat: (3)____________ at (4)___________.

Fixed-ratio deletion:

Panuto: Punan ng tamang salita ang mga patlang.

Bugtong

Ang bugtong ay kabilang sa mga tugmang matatalinhaga. Palaisipan at


(1)_______________ ang bugtong. Itoý isinasagawa, tuwing may (2)___________ o anumang
pagtitipun-tipon, sa agaran o madaliang paraan. Ito ay inilalahad nang malarawan,
(3)___________, madalumat, dili kayaý sa makatotohanan o (4)____________
pamamaraan.

61
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Modified Close Test:

Kabilang sa patanghal na anyo ng panitikan ay dula. Ito ay isang pampanitikang


(1)____________ sa buhay upang maipamalas sa tanghalan. May iba’t ibang uri ng dula.
Kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob at ang bida ay laging
nagtatagumpay, ito ay tinatawag na (2)____________. Kapag malungkot at kung minsan
pa’y nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida, ito ay tinatawag
na (3)__________.

1. Pagsusulit
a. Ito ay isa pang uri ng close test. Iniiwang buo ang unang pangungusap ng
teksto. Simula sa ikalawang pangungusap, tuwing ikalawang salita ay
kinakaltas ang ilang titik. (Depende sa haba ng salita ang bilang ng letrang
kakaltasin). Ang pag-iwang buo sa una at huling pangungusap ay
magsisilbing gabay sa pagsagot ng mga mag-aaral.

Halimbawa:

Ang Senakulo ay karaniwang itinatanghal noon tuwing Mahal na Araw. Sa


Pas_____ ito ha____, ang ak___ng kabu____ at pagpapaka____ ng Pangino_____ Hesukristo.
Ang kilalang-kilalang senakulo ay ang Martir sa Galgota. Itinatanghal dito ang buhay
at pagpapakasakit ni Hesus.

PAGHAHANDA SA PAGSUSULIT

Kailangan ng isang guro na malaman ang kaalaman, at pag-unawang kanyang


mga estudyante. Ang pagsusulit ang pinakamabisang paraan para matamo ang
pangangailangang ito. Hindi lamang ito sumusukat sa kakanyahan ng isang
estudyante, malaki rin itong basehana kung naging maayos ba o hindi ang
ginagawang pagtuturo ng guro.

Mahalag ang pagsusulit sa isnag mag-aaral dahil: una, ang pagsusulit ng


mahusay ang pagkakagawa ay nakatutulong upang magkaroon ng interest sa pag-
aaral ang isnag bata. Dahil sa pidbak nadulot ng pagsusulit nagkakaroon ng
katuparan ang mga pagsisikap ng isnag estudyante sa kanyang pag-aaral. Ikalawa,
nagiging daan ang pagsusulit sa lubsang pagkatuto.

Para sa mga guro, mahalaga rin ang pag-susulit,. Itoy nagbibigay tugon sa
mga sumusunod: “ Nagiging mabisa ba ang pagtuturo?”, “angkop ba ang aking aralin
sa aking estudyante?”, “alin mga kasanayan ang dapat bigyan diin?” at “alin
kailangan iturong muli?”

A. Isulat ang mga aytem. Gamitin ang talahanayan ng ispesipikasyon bilang


patnubay hinggil sa kung ilang aytem ang bubunuin para sa bawat kasanayan
susukatin.

B. Suriin ang mga aytem. Makakatulong kung mapasusuri sa isa o dalawang kaguro
ang mga aytem. Magagamit ang mga sumusunod na tanong pagsusuri ng mga aytem.

1. Sinusubok ban g bawat aytem ang isang tiyak na kasanayan kasama sa


talahanayan?
2. Akma ba sa sinusubok na kasanayan ang bawat uri ng aytem sa pagsusulit?

3. Malaiwanag bang nakasaad ang hinihingi ng bawat aytem?

4. Wala bang mga hindi kailangan salita o pahiwatig ang bawat aytem.
5. May sapat bang antas ng kahirapan ang aytem para sa mga kukuha ng pagsusulit?
62
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

6. Ang mga distraktor o joker ba ay sadyang mabuti ay maayos ang pagkakabalanse


at hindi magtutunton sa wastong salita?

7. May sapat na dami ban g aytem ng bawat aytenm ng layunin o kasanyan sa


talahanayan sa ispesipikasyon.

8. Hindi ba kakikitaan ng regular na pardon ang mga paghahanay ng wastong sagot


?

C. Ayusin ang mga aytem sa pagsusulit.

1. Pagsama-samahin ang mga aytem na magkakauri.

2. Isaayos ang mga aytem ayon sa antas ng kahirapan. Ilahad mo na ang madadaling
aytem bago ang mahihirap na aytem.

D. Ihanda ang mga panuto.


1. Ang mga panuto ay dapat gawin payak at maikli. Ito ay dapat magbigay ng mga
sumusunod na mga impormasyon:

a. ang layunin ng pagsusulit.

b. ang panahong nakalaan sa pagsagot ng pagsusulit

c. paano ang pagsagot ng mga aytem? Titik lamang bva ng tamang sagot ang
isusulat o sisispiin ba sa sagutang papel ang sagot?

2. Kung higit sa isang uri ng pagsusulit ang kabuuan ng pagsusulit, kailangan


magkaroon ng isang pangkalahatang panuto at may mga tiyak na panuto para sa
bawat partikular na uri ng pagsusulit.

MGA MUNGKAHI SA PAGHAHANDA NG PAGSUSULIT

a. Tiyakin ang layunin ng pagsusulit.

b. Tukuyin ang mga kakayahan na susukatin ng pagsusulit.

c. Itala ang mga layuning pangkagawian (behavioural objectives) batay sa mga


kasanayan at kakayahang susukatin.

d. Ihanda ang talahanayan ng ispesipikasyon. Makikita sa talahanayan ang


kabuuang saklaw ng pagsusulit.

e. Pagpasyahan ang mga uri ng pagsusulit na gagamitin.

MGA BAGAY NA DAPAT TANDAAN NG ISANG GURO SA PAGHAHANDA NG


PAGSASANAY AT PAGSUSULIT

ANG IBANG PINAKAMAHALAGA AY ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Kailangang may ganap siyang kaalaman sa paksang araling masasaklaw ng


pagsusulit na ihahanda, nang sa gayo’y makabuo nang lalong mahalaga at
makabuluhang tanong.

2. Kailangan niyang maunawaan ang kaunlaran sa pagkatuto at ang mga


pamaraang sikolohiya ng mga batang gagamit upang maiangkop sa kanilang
kakayahan ang kahirapan ng tanong.

63
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

3. Kailangan niyang magkaroon ng ganap na kasanayan sa pakikipagtalastasan


(pasulat o pabigkas) upang maging maikli subalit tiyak na malinaw ang mga bagay
na binabanggit sa mga katanungan.

4. Kailangang may sapat na siyang kabatiran tungkol sa mga pamamaraan ng


pagsulat pagbubuo ng tanong, sa iba’t ibang uri at anyo ng mga tanong, upang
madali niyang makita ang kahit kaliit-liitang kamalian sa paghahanda ng mga ito.

5. Kailangang mayroon siyang sapat na panahon sa paghahanda ng mga tanong


upang makatiyak sa kahusayan ng pagsubok.

6. Kailangan mag-angkin siya ng ganap na pagtitiwala sa sarili niyang


kakayahan at kabatiran sa paghahanda ng pagsusulit at nakauunawa sa kakayahan
ng mahusay na pagsukat ng mga kaalamang pang-edukasyon.

7. Kailangang siya’y naniniwala na ang wika ay pinag-aaralan upang magamit


na mabisa sa pakikipagtalastasan.

MGA SIMULAIN SA PAGHAHANDA NG PAGSASANAY AT PAGSUSULIT

a. Iwasan ang paraang nagbibigay ng pagkakataong manghula ang mga


estudyante. Ang mga uring Tama-Mali, Oo-Hindi at iba pang dadalawa lamang ang
pagpipiliang sagot ay nakakaakit sa mga estudyante subalit nagdudulot ng
kinalabasang di naman mapapaniwalaan.

b. Gawing maliwanag ang mga panuto sa bawat uri ng pagsasanayo pagsusulit


nang sa gayo’y masukat di-lamang ang kanilang kaalaman kundi pati na ang
kakayahang umunawa at gumamit ng kaalamang natutuhan.

c. Sikaping maghanda susi sa pagwawasto bago ibigay ang pagsasanay o


pagsusulit. Ito’y isang paraan upang lalong makatiyak sa kawastuhan ng sagot sa
bawat tanong. Habang inihahanda ng guro ang gabay sa pagwawasto may
pagkakataon siyang makita ang mumunting kamalian o mga bagay-bagay na
maaring makalito sa mga bata.

d. Gawing tiyak at malinaw ang sagot sa bawat tanong. Karaniwan nang ang
ganitong kasagutan ay bunga ng mga obhektibong tanong. Ang pagsasanay na
pagsusulit ay hindi nagtataglay ng ganitong katangian. Hindi masasabing kapani-
paniwala ang marka o iskor sa mga pagsusulit na pasanaysay sapagkat ito’y
nababatay o nasasalig sa kondisyon ng tagapagwasto.

e. Bumuo ng mga tanong na ang antas ng kahirapan ay naangkop sa kakayahan


ng nakararami. Kapag lubhang mahirap ang tanong at ni isa’y walang makasagot
masasabing hindi balido ang pagsubok sapagkat hindi sumusukat sa dapat sukatin
nito. Kailangang may sapat itong kahirapan upang maipamalas ng mahihinang bata
ang kanilang natutuhan at maipakita rin naman ng mahuhusay ang kanilang
kakayahan.

f. Gawing tiyak at malinaw ang paglalahad ng bawat tanong. Ang kaisipang


napapaloob ay kailangang maliwanag na mailalahad upang maunawaan ng mga bata
ang hinihingi ng bawat tanong.
g. Ituon ang tanong na mahalagang bagay na dapat matanim sa isipan ng mga
estudyante at hindi roon sa walang kabuluhan na kung di man masaklaw ng
pagsusulit ay hindi rin magiging kawalan para sa mga bata.

64
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

ANG PAGSASANAY AT PAGSUBOK

Bakit Kailangan Ang Pagsasanay?

Ang pagsasanay ay isang gawaing ang layunin ay gawing pampalagian ang


isang bagay, ugali, kilos, asal o kadalubhasaan. Ang pagsasanay ay lalong mabisa
kung natatanto ng mag-aaral ang pangangilangan nilang matuto. Kung dapat maging
pampalagian ang kaalaman, ang pagsasanay ay karaniwang kailangan. Ang mga
karanasan ay nagbibigay-kabatiran sa mga guro. Napatunayan na sa pag-aaral ng
pagbilang, kasaysayan, pagsulat, pagbasa, pagguhit at paglalaro, ang pagsasanay ay
kailangan. Ang pagsasanay ay dapat na mabisa, sumusubok sayo katalinuhan ng
mag-aaral, saka may layunin. Kailangang malaman o maunawaan ng mga mag-aaral
kung ano ang dapat niyang matutuhan, kung paano niya matututuhan ito, at kung
paano niya maiwawasto ang mga kamalian. Hindi mabuti ang sabayang pagsasanay.
Mabisa rin ang pagsasanay na may kaugnayan sa aralin at sa ibinibigay sa maikling
panahon.

Sa mga kalagayang ang kailangan ay tumpak na kaalaman, mga kakayahan,


mga ugali at kadalubhasaan, ang nararapat ay mga tiyak na pagsasanay. Ang dami ng
pagsasanay ay nakabatay sa maraming bagay, tulad ng uri ng pamamaraan, mga
nakaraang karanasan, ang paraan ng paglalahad at ang kawilihan ng mga mag-aaral.
Ang kahulugan ng pagsasanay ay tumpak na pag-uulit na dapat matutuhan. Ito’y
paggamit ng batas ng pagsasanay at batas ng paggamit.

Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na may layunin at ang guro’y dapat na


umiisip ng mga pamamaraan ng pagsasanay upang maganap ang nasabing layunin.
Ang malinaw na pagkaunawa sa layuning dapat maganap ay makabuluhan sa
pagsasanay sapagkat nakatutulong sa pagkakatuto ng mag-aaral at gayon din sa
pagbibigay-kawilihan sa kaniya.

Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na pag-ukulan ng buong paglilimi. Dapat


na nasa mag-aaral ang paghahangad na matutuhan ang wastong bagay o ugali.

Dapat na ibigay niya ang buong kawilihan, lakas at paglilimi habang nagsasanay.
Dapat niyang malaman na kulang siya ng kadalubhasaan at kaalaman tungkol sa
isang bagat at dapat ding maipasa-kanya ang paghahangad na ito’y matutuhan.
Dapat na madama niya na kailangan niya ang pagsasanay. Ang pag-uulit lamang ay
hindi sapat. Ang dapat ay pagsasanay na kasama ang buong paglilimi ng mag-aaral
sapagkat sa ganyan lamang matututuhan ang bagay sa madaling panahon.
Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na maikli at may patlang ang pagbibigay
upang lalong maging mabisa. Ang mahabang pagsasanay ay nakakainip,
nakapapagod at nakakawala ng kawilihan. Kung wala sa mag-aaral ang kawilihan at
paglilimi, siya’y mahirap na matuto. Ang sampung minutong gamitin sa pagsasanay
sa mga bata sa mababang paaralan ay sapat na.

Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na isaayos ayon sa hirap ng gawaing


pagsasanayan.

Dapat na simulan ang pagsasanay sa madaling pagsasanay at unti-unting


hirapan. Ang pinakamalaking kakayahan ng mag-aaral ay dapat na malagay sa
mahihirap na bahagi.

Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na isagawa kung may kamaliang nagawa


at itigil kung ang naturang kamalian ay naiwasto na. kaya nga kung nais na maging
mabisa ang pagtuturo at pagkatuto, ang mag-aaral ay kailangang bigyan ng

65
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

pagsusulit upang matuklasan ang kanyang mga kamalian at nangg mga ito’y
malapatan ng lunas.

Ang gawaing pagsasanay ay dapat na ibigay sa pangangailangan ng bawat


mag-aaral. Dapat na bigyan ng pagkakataon ang bawat mag-aaral na ngangailngan
ng pagsasanay. Mabuti sana kung makapagbibigay ng pagsubok bago magbigay ng
pagsasanay upang matanto kung sinu-sino ang dapat na sanayin.

Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na puno ng pagganyak sapagkat ang mag-


aaral ay lalong maghahangad ng matuto, kaya makapagtitipd ng lakas at panahon.
Ang pag-aaral ay mabisang lalo kung handang matuto ang mag-aaral. Ang
paghahangad sa pagsasanay ay malilikha kung sasabihin ang kabuluhan at
layuninng Gawain.

Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na gawing bahagi ng ulit-aral. Upang ang


pagtuturo at pag-aaral ay maging mabisa, ang batas ng pagsasanay ay dapat na
gamitin. Ayon sa ilang awtor, ang pagsasanay sa nakaraang aralin ay mabuting
ibagay sa simula ng ulit-aral. Dapat na gamitin ng guro ang kawilihan, lakas at
paglilimi habang siya’y nagbibigay ng pagsasanay. Ang pagsasanay ay dapat na
ipagpatuloy hanggang sa ang bagay ay matutuhan. Ang pag-uulit ay dapat na
bawasang unti-unti ngunit ito’y di dapat biglang itigil.

Ang paglalaro at pagpapaligsahan ay dapat gamitin sa pagsasanay sapagkat


ang mga iyan ay mabuting pagganyak sa pag-aaral.

Sa wakas ng pagsasanay, dapat na magkaroon ng pagsusuri , pamumuna,


pagpapahalaga at pagpapalagay. Dapat na gamitin ang pagsasanay upang maganap
ang isang layunin. Dapat na ito’y maging paggalugad, panunuklas at pag-unawa na
siyang mga katangian ng mabuting pag-aaral.

Ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa ano mang gawain ay nasasalig sa


mabisang pagsasanay sa isang tiyak na hulwaran (pattern) ng pagtugon. Dapat na
ang unang hakbang ay ang malinaw na pagkikintal ng naturang tiyak na hulwaran
na isang patnubay na kinababagayan na paulit-ulit na pagtugon. hulwaranUpang
magkaroon ng wastong pag-uulit, habang ang pagtugon ay ginagawang ugali, ang
paglilimi (attention) ay totoong kailangan, at ito naman ay nangangailangan ng
kawilihan (interest) ng mga mag-aaral. Ang panahon ng pagsasanay ay dapat maikli
lamang upang huwag mabawasan ang kanilang paglilimi.

Ang pamamaraan ng pagtuturo na ang layon ay maging ugali ang isang bagay
ay tinatawag araling-pagsasanay. Ang kahinaan ng aralin na ito ay nasa paggamit ng
mga pamamaraang artipisyal(Artificial devices) upang makuha ang kawilihan at
paglilimi ng mga mag-aaral.

Ang Pagsasanay sa Wika

Ang pinakamahalagang layon sa pagtuturo ng wika ay ang paglinang ng


kakayahang ng mga mag-aaral sa wastong pagsulat at pagsasalita. Upang maganap
ang naturang layunin, ang kailangan ay magbigay sa mga mag-aaral ng maraming
makabuluhang pagsasanay sa wikang pasalita at wikang pasulat. Ang paglinang ng
isang aralin, ang paglinang muli sa wastong gamit ng mga salita at ang pagtuturong
muli ay dapat sundan ng pagsasanay. Ang mga pagsasanay ay totoong kailangan sa
ikabubuti ng pagsasalita at pagsulat.

66
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Ang Pagbabalik-aral at Ang Pagsasanay

Binibigyang-diin ng sikolohiya ang kahalagahan ng makabuluhang pagbabalik-


aral at pagsasanay sa pagpapatibay ng karunungan at kadalubhasaan. Ang bawat
guro'y kailangan magibg handa sa pagbibigay ng pagbabalik-aral at pagsasanay.

Ang mga layunin sa pagbibigay ng pagbabalik-aral ay ang pagpili at pagpatibay


sa mahahalagang bagay-bagay sa aralin, ang pag-uugnay-ugnay na natutuhan, ang
pagpapahalaga rin sa mga naturan at ang pagsasalig ng mga bagong aralin sa muling
ipinaaalala. Ang araling muling pinag-aaralan, kung tunay na may pangganyak, ay
hindi dapat akalaing isang paghahanda sa pagsusulit, kahit gayon na nga ang layon.
Binibigyang-diin ng sikolohiya ang kabuluhan ng maikli at madalas na pagbabalik-
aral, at ito ay syang paunang hakbang ng pamamaraang pasaklaw-pabuod ng
pagtuturo. Bahagi ng matagumpay na pagtuturo ang kakayahan sa pag-uugnay ng
mga pagbabalik-aral, pagsubok na sumusulit sa pagkaunawa, at ang pagsasanay sa
mga mag-aaral sa pamamaraan ng pagbabalik-aral.

Ang tunay na kahulugan ng pagbabalik-aral ay panibagong pagsasaalang-alang.


Ito'y nangangahulugang ang nakaraang aralin ay ilalahad sa panibagong kaanyuan o
sa isang paraang mauunawaan ang kaugnayan at kahulugan ng nakaraan sa bagong
paksa, kaalaman o aralin. Ito ay pagsasaalang-alang sa mga bagay-bagay sa kanilang
bagong kaugnayan.

ANG SINING NG PAGTATANONG

Bakit isang sining ang pagtatanong?


Ang pagtatanong ay isang sining sapagkat dito naipakikita ng guro ang
kaniyangistratehiya kung paano niya magaganyak ang mga mag-aaral na lumahok
omakibahagi sa isang talakayan.• Katulad ng isang pagsusulit, ito ay isang mabisang
pagtataya sa mga kaalaman atkasanayang dapat matamo ng mga mag-aaral.

Bakit kailangang magtanong?

1. Upang bigyan ng pagkakataon ang magaaral na mag-isip ang pagtatanong

2. Upang mapukaw ang interes ng mag-aaral

3. Upang malaman ang mga bahaging nahirapan ang mag-aaral

4. Upang matuklasan ang interes o kahinaan ng mag-aaral .

5. Upang malinang ang kakayahan ng magaaral na magsuri at magsaayos o bumuong


mga kagamitan o karanasan.

6.Upang matulungan ang mga mag-aaral na iugnay ang natutunan sa


sarilingkaranasan".

7.Upang maipokus ang atensiyon ng mag-aaral sa mahahalagang puntos ngaralinat


iayos ito sa lohikal na pamamaraan.

8.Upang malinang, maliwanagan, maiayos, o mapalawak ang mga ideya hinggil


samga pagpapahalaga at pananaw.
9. Upang magsilbing isang paraan ng pagsasanay.

10.Upang maipakita ang ugnayan, gaya ng sanhi at bunga.

67
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

11.Upang himukin ang mga mag-aaral na ilapat ang mga konsepto sa tunay
nabuhay.

IBA’T IBANG URI NG PAGTATANONG

1. TANONG NA ANG SAGOT AY “OO” o ”HINDI” .ito ang pinakamalimit gamitin ng


guro sa pagtatanong.

2. SAGOT AY MAY DALAWANG PAGPIPILIAN

Ang kasagutang sa katanungang ito ay malimit na magkasalungat.

3. TANONG TUNGKOL SA MGA TAO, BAGAY, LUNAN o PANGYAYARi

Ang mga tanong ay nagsisimula sa Sino, Ano, Alin, Saan o Kailan. Sa mga
katanungang ito ay mahahasa o magagamit ng mga mag-aaral ang kasanayang
umunawa ng paksang tinalakay.
4. TANONG NA BAKIT Sa pagtatanong na ito ang mga mag-aaral ay nagagamit ang
kasanayang magpaliwanag. Sa pagpapaliwanag, nagagamit ng mga mag-aaral ang
kani-kanilang wasto at malalim na pagkukuro o pagpapaliwanag batay sa kanilang
naunawaan sa paksang tinalakay ng isang guro. Karaniwang nagsisimula sa kasi,
dahil sa, mangyari, paano, kung hindi ko gagawin.

5. TANONG NA PAGTITIMBANG Sa katanungang ito ay nagangailangan ng


pagkukuro’t pag-iisa-isa sa mga bagay na magpapaliwanag kung ano ang magiging
kapasyahan.

6. TANONG NA HUMIHINGI NG PALAGAY Ito’y nasasagot sa pamamagitan ng


pagbibigay ng kuro-kuro batay sa nakita, nabasa o naranasan ng sumasagot.

Ang Pagtatanong: Tungo sa Pagpapataas ng Kaisipan ng Mag-aaral

Sa pagtatanong ng guro ay nais lamang niyang matutukoy hindi lamang ang mga
kaalamang natutuhan ng kanyang mga mag-aaral kundi maging ang mga kasanayan
at kakayahang pangkognitib ng mga ito.

Coronel, (1990) mga salik na makatutukoy sa ipagkatututo ng mga mag-aaral na


kung saan ay may malaking bahagi tungo sa ipagkatututo ng mga Ito.

Ang mga sumusunod naman pagtatanong ay napatunayang may mababang antas sa


pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat layunin lamang nito na makapagpalabas o
makapagbigay ng konsepto ang mga mag-aaral mula sa dati nilang natutunan.

MGA LAYUNIN NG PAGTATANONG

1. Makilala ang mga katangian ng isang maayos at tamang tanong'

2. Magkaroon ng pansariling kamalayan tungkol sa mga pamamaraan atestratehiya


sa pagtatanong.

3. Makikilala ang kahalagahan ng mga kasanayan sa pag-iisip ayon sa inilahad.

4. Makabuo ng mga tanong sa ibaibang antas batay sa mga aralin sa


aralingpanlipunan.

68
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

KATANGIAN NG MABISANG PAGTATANONG

1.Pinatitibay at pinauunlad ang mga layunin sa pagkatuto.

2.Makahihikayat upang mahimok ang mag-aaral unawain o itaas ang antas nghamon
sa pagpapatuloy ng aralin.

3.Kasangkot o kasama ang lahat ng mag-aaral.

4.Magbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mag-isip.

5.agtataguyod ng katwiran at paliwanag.

6. May pagpapahalaga sa opinyon at ideya ng bawat mag-aaral

4. Mungkahi sa maayos na pagtatanong

Ngayon nga ay nabatid mo na ang kahalagahan ng


pagtataya at ebalwasyon sa pagkatutong
pampanitikan, atin namang susubukin kung tunay ka
nga bang natuto sa pamamagitan ng mga gawaing
inihanda ko para sayo.

INDIBIDWAL NA GAWAIN

Panuto: Batay sa mga impormasyong tinalakay, sagutin ang mga sumusunod na


tanong: (5 pts.)

1. Bakit kailangan ng pagsasanay?


2. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng isang pagsusulit? Ipaliwanag.
3. Ano ang kahalagahan ng mabisang pagtatanong?
4. Mahalaga ba sa isang guro ang may sapat na kaalaman hinggil sa paghahanda
ng pagsusulit, mabisang pagtatanong at pagbibigay ng pagsasanay?
Pangatuwiranan.
5. Bilang isang magiging guro sa hinaharap, paano mo gagawing mabisa at
epektibo ang iyong paghahanda ng pagsusulit at pagtatanong?
PANGKATANG GAWAIN

Panuto: Bawat pangkat ay lilikha ng tanong batay sa tinalakay na paksa at ilalagay


sa isang kahon. Pipili ng kinatawan ang bawat pangkat na bubunot at sasagot sa
tanong.

Pamantayan Puntos

Mabisang Pagtatanong 30

Nilalaman ng sagot 20

Kabuuan 50

69
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

PAGSUSULIT

I. Panuto: Basahin ang bawat pahayag sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang TAMA
kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at MALI kung ito ay hindi.

________1. Ang pagsasanay ay lalong mabisa kung natatanto ng mag-aaral ang


pangangilangan nilang matuto.

________2. Ang gawaing-pagsasanay ay hindi na dapat pang pag-ukulan ng buong


paglilimi.

________3. Dapat na simulan ang pagsasanay sa mahirap na pagsasanay.

________4. Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na puno ng pagganyak.

________5. Ang gawaing-pagsasanay ay hindi dapat na gawing bahagi ng ulit-aral.


________6. Sa simula ng pagsasanay, dapat na magkaroon ng pagsusuri.

________7. Ang bawat guro’y kinakailangan maging handa sa pagbibigay ng


pagbabalik-aral at pagsasanay.

________8. Ang dami ng pagsasanay ay hindi nakabatay sa maraming bagay.

________9. Ang gawaing-pagsasanay ay dapat na maikli at may patlang ang pagbibigay


upang lalong maging mabisa.

________10. Ang tunay na kahulugan ng pagbabalik-aral ay panibagong pagsasaalang-


alang.

II. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.

11-15. Mga Simulaing Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Pagsusulit na may


Pagpipiliang Sagot (Multiple Choice)

16-20. Mga mungkahi sa paghahanda ng pagsusulit.

21-25. Iba’t Ibang Uri ng Pagtatanong

III. Panuto: Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng 5 pangungusap upang


masagot ang mga sumusunod na tanong:

26-30. Ano ang kahalagahan ng pagsasanay, pagsusulit at pagtatanong? Ipaliwanag.

31-35. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang mga pagsasanay upang lumalim ang
pagkaunawa ng mga mag-aaral sa mga paksang tinalakay? Pangatuwiranan.

36-40. Bilang isang magiging guro sa hinaharap, paano mo paghahandaan ang mga
pagsusulit at pagtatanong para sa iyong mga mag-aaral?

70
Modyul sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II: Panitikan ng Pilipinas |
EED 13

Mahusay mong nasagutan ang mga


gawain para sa araling ito. Binabati kita sa
matagumpay mong pagkatuto!

Mga Sanggunian

Badayos, Paquito B. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa


Filipino(Mga Teorya, Simulain at Istratehiya.) Mutya Publishing House Inc.
Malabon City.
Belvez, Paz M. Ed.D. 2000. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo( Aklat sa
Pamamaraan ng Pagtuturo ng Filipino at sa Filipino. Rex Book Store, Inc.
Camba, Moreal N, et.al. Panitikan ng Pilipinas, Rehiyunal, Kasaysayan at
Pagpapahalaga. Mutya Publishing House, Inc.,Malabon City. 2012
Caro, Jimmy. Mulasakanyang hand-out ngSawikaan 2010
Constantino, Pamela C. Filipino at Pagpaplanong Pangwika. Ikalawang
Sourcebook ng Sangfil. UP Sentro ng Wikang Filipino. National Commission
for Culture and the Arts.2005.

Mga Elektronikong Sanggunian

http://www.deped.gov.ph/sites/default/files/Filipino%20Gabay%20Pangk
urikulum%20Baitang%201-10%20Disyembre%202013.pdf
https://www.slideshare.net/knowellton/module-62-filipino
https://www.slideshare.net/luvy15/ang-pagtuturo-ng-filipino-sa-batayang-
edukasyon
http://www.search-document.com/pdf/1/1/pagtuturo-at-pagtataya-sa-
panitikan.html
https://www.scribd.com/doc/98061373/Pagtataya-Ng-Natutuhan
https://guroakongmatapat.files.wordpress.com/2013/06/sesyon-6-
pagtatasa-at-pagtataya.pdf
http://www.search-document.com/pdf/1/8/pagtuturo-at-pagtataya-sa-
panitikan.html
http://www.slideshare.net/luvy15/pag-unawa-at-
komprehensyon?related=2
http://www.slideshare.net/menchu25/pagbasa-at-pagsulat?related=1
http://www.slideshare.net/malinaokim/pagbasa?related=4
http://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/issue/view/454www.academia.
edu/14544528/Makrong_Kasanayan
.wordpress.com/.../ang-mga-estratehiya-sa-pagtuturo
https://issuu.com/vibal/docs/2010-03-22-14.17COED2020.05

71

You might also like