You are on page 1of 46

Inihahandog ng taga-tipon ang modyul na ito

sa kanyang Pamilya, EVAA Family, at sa kanyang


mga Estudyante lalong-lalo na sa mga sumusunod;
Perlas 2016, Diyamante 2017, Sagisag 2018, Maharlika 2019,
Hiyas 2020, EVAA Grade 12 Garnet (S.Y 2021-2022),
La Familia De Barkada, La Victoire, Ad Infinitum, Excelsior
at Paboritos na nagbigay inspirasyon sa taga-tipon
upang gawin ang modyul na ito.
Lubos din ang kanyang pagpapasalamat sa Diyos
na siyang nagbigay karunungan ng lahat.
MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANGAN

DESKRIPSYON NG KURSO
Pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa
mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa piniling larangan

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko


Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik
Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o pangkatan) ng mga sulatin

MGA KASANAYANG PAGKATUTO SA MODYUL NA ITO


(Batay sa 2016 DepEd Curriculum Guide in Filipino)

CS_FA11/12PU-0d-f-92 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga


piniling akademikong sulatin
CS_FA11/12PU-0d-f-93 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin
CS_FA11/12PN-0g-i-91 Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa
pamamagitan ng pinakinggang halimbawa
CS_FA11/12PN-0j-l-92 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang
makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis
CS_FA11/12PB-0m-o-102 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko
sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa
CS_FA11/12PT-0m-o-90 Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may
kaugnayan sa piniling sulatin
CS_FA11/12PD-0m-o-89 Natitiyak ang mga elemento ngpaglalahad ng pinanood na
episodyo ng isang programang pampaglalakbay
CS_FA11/12PU-0p-r-94 Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang
sulatin
CS_FA11/12WG-0p-r-93 Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na
paggamit ng wika
CS_FA11/12PU-0p-r-95 Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa
pangangailangan
CS_FA11/12EP-0p-r-40 Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin
PANIMULA

Isa sa mga dapat sanayin ng mga mag-aaral lalong-lalo na senior high school ay ang
kakayahan sa pagsusulat. Ang pagsusulat ay isa sa limang makrong kasanayan na taglay ng isang
tao. Sinasabi na ang bawat isa ay maaaring magkaroon ng kaalaman sa pagsusulat ngunit hindi
lahat may kakayahan nito kung kaya’t inaasahang na ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo
upang mahasa ang iyong kakayahan sa pagsusulat.

Ang pagsusulat ay naisasagawa sa pamamagitan ng aktibong pag-iisip at masining na


paraan ng pagpapahayag ng damdamin at kaisipan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng mga
sagisag o simbolo. Ang isang epektibong pagsusulat ay nagtataglay ng katangiang may kaisahan,
kakipilan, diin, at komprehensib. Ayon kay William Strunk at E.B White, ang pagsulat ang
bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao.

Ang pagbasa at pagsulat ay ang pangunahing mga gawain na paghahandaan mo sa


iyong pag-aaral. Hahasain ka sa modyul na ito upang ang anumang ideyang iyong nabasa o
kaya’y ibig mong ipahayag ay malinaw, maayos, at lohikal mong mabubuo nang ayon sa
mapagkakatiwalaang batayan, katuwiran, at etika. Napapaloob sa modyul na ito ang mga
paksang makatutulong sa paglinang ng kaalaman hinggil sa pagbabasa’t pagsusulat. Nasa ibaba
ang mga paksang inaasahang matutunan mo sa modyul na ito.

 Pagsusulat ng Abstark, Buod, at Bionote


 Pagsusulat ng Memorandum, Agenda at Katitikan ng Pagpupulong
 Pagsusulat ng Panukalang Proyekto
 Pagsusulat ng Posisyong Papel
 Pagsusulat ng Replektibong Sanaysay
 Pagsusulat ng Lakbay Sanaysay at Photo Essay
 Pagsusulat ng Talumpati

Mapapahalagan mo rin natin ang kahalagahan ng isang sulatin na sinusulat ng mga


manunulat. Tiyak na ang lahat ng laman ng modyul na ito ay magpapaunlad sa iyong pagkatuto
at kakayahan bilang isang kabataang Pilipino.

-Taga Tipon-

TALAAN NG NILALAMAN
Paghahandog . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . i
Deskripsyon Kurso . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .ii
Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iii
Talaan ng Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . iv
Aralin 1: Pagsusulat ng Abstark, Buod, at Bionote
Ang Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
1
Mga Dapat Tandaan at mga Hakbang sa Pagsusulat ng Abstrak . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
2
Ang Buod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
3
Mga Dapat Tandaan at mga Hakbang sa Pagsusulat ng Buod . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .3
Ang Bionote . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
4
Mga Dapat Tandaan at mga Hakbang sa Pagsusulat ng Bionote . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
4
Aralin 2: Pagsusulat ng Memorandum, Agenda at Katitikan ng Pagpupulong
Ano ang Memorandum . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . .
9
Mga Dapat gawin sa Pagsusulat ng Memo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
11
Ang Agenda . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
13
Mga Dapat Tandaan at mga Hakbang sa Pagsusulat ng
Agenda. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .13
Ang Katitikan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
14
Mga Dapat gawin sa aong naatasang kumuha ng Katitikan o Minutes ng
Pulong . . . . . . . . . . . . .14
Aralin 3: Pagsusulat ng Panukalang Proyekto
Ang Panukalang Proyekto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
15
Mga Dapat gawin sa Pagsusulat ng Panukalang Proyekto . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
16
Aralin 4: Pagsusulat ng Posisyong Papel
Ang Pangangatwiran . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20
Mga Dapat Isaalang-Alang Para Sa Isang Mabisang Pangangatwiran . . . . . . . . . . . . . . .20
Ang Posisyong Papel at Layunin
nito . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . .21
Mga Dapat Isaalang-Alang Para Sa Isang Posisyong Papel
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .22
Aralin 5: Pagsusulat ng Replektibong Sanaysay
Ang Replektibong
Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . .25
Mga Bahagi ng Replektibong
Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. . . . . .26
Mga Dapat Isaalang-Alang Para Sa Isang Replektibong Sanaysay
. . . . . . . . . . . . . . . . .26
Mga Hakbang sa pagsusulat ng Isang Replektibong Sanaysay . . . . . . . . . . .. . . . . . . . . .
27
Aralin 6: Pagsusulat ng Lakbay Sanaysay at Photo Essay
Sanaysay, Mga Uri at Bahagi ng Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
29
Ang Lakbay Sanaysay at Layunin
nito . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .30
Mga Gabay sa Pagsusulat ng isang Lakbay Sanaysay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
31
Ang Photo Essay . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
32
Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagsusulat ng isang Photo Essay . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
32
Aralin 7: Pagsusulat ng Talumpati
Ang
Talumpati . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .36
Bahagi ng Talumapti . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
37
Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagtatalumpati . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
38
Iba’t ibang uri ng Talumpati ayon sa Paghahanda . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
39
Hakbangin sa Paggawa ng Talumpati . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
40

Sanggunian . . . . . . . . . .. . .. .. . . . . . . . . . . .. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .. .. . .. . . . . . .42

ARALIN 1
PAGSUSULAT NG IBA’T IBANG PAGLALAGOM
ABSTRAK, SINOPSIS AT BIONOTE

PANIMULANG BASAHIN

Ang lagom ay ang pinakasimple at


pinakaikling bersiyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o
nakikinig ang kabuoang kaisipang nakapaloob sa
paksang nilalaman ng sulatin o akda.
Bukod sa kasanayang ito, ito rin ay
nagiging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, at
nakatutulong nang malaki sa larangan ng
edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa
mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan, at
marami ay laging parang nagmamadali sa ga
gawaing dapat tapusin o puntahan, nakakatulong
nang Malaki ang pagbabasa ng maiikilng sulatin na
kalimutang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang babasahin, teksto, o pag-aaral. Bilang
paghahanda sa totoong buhay ng propesyon, at pagtratrabaho, mahalagag matutuhan mo ang
paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo, at sa iba’t
ibang uri ng propesyon. Kaya naman, sa araling ito ay lubos mong matutuhan ang pagsusulat ng
ilang uri ng lagom—ang abstrak, sentisis o buod, at bionote.

Una sa mga uri ng lagom ay ang Abstrak. Ano nga ba ang abstark?

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to


write an Abstract, bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, ngunit
tinataglay nito ang mga mahahalagang elemento bahagi ng sulating
akademiko.
Hangga’t maari, ang abstrak ay kailangang maisulat lamag
gamit ang isang buong pahina ng bondpaper o papel, subalit may
mga gumagawa nito na lubhang detalyado kung saan ito ay
hinahabi batay sa pagkakalagom ng bawat bahagi ng sinulat na
papel. Kadalasang makikita ang ganitong uri ng abstrak sa tesis at
disertasyon, sa unahang pahina ng isang research paper bilang
nagsisilbing pinakabuod sa pag-aaral at pananaliksik (research).

1
2

Isa rin sa mga uri ng paglalagom ay ang Sinopsis o buod. Halika at alamin natin kung ano ito.

Sa pagsusulat ng synopsis, mahalagang maipapakilala sa mga babasa nito kung anong akda
ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat, may-akda, at pinanggalingan
ng akda. Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipan iyong
inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasain din ang
magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda. Maging obhetibo sa pagsulat nito.
3
Ang panghuling uri ng paglalagom ay ang bionote. Ano nga ba ang bionote?

Ayon kina Duenas at Sanz, sa kanilang


aklat na Academic Writing for Health Science,
Ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic career
na madalas makikita sa mga dyornal, aklat, website
atbp.

Tignan ang mga halimbawang ng mga uri ng paglalagum sa mga susunod na pahina.

4
HALIMBAWA NG ABSTRAK

 KASANAYAN SA PAGSASALITA NG MGA MAG-AARAL SA IKA-APAT NA TAON

ABSTRAK

          Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat

na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera, Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na

ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining

pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at

ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu

sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga

gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu, ekstomperenyo. Ang

instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa

ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa

pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang

paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati

upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-

aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at

pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa

pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa

pagsasalita ang mga mag-aaral.

5
HALIMBAWA NG PAGBUBUOD

Ang buod ng "Kalupi" na orihinal na isinulat ni Benjamin P. Pascual.

Minsan sa ating buhay, may mga mali tayong desisyon na pagsisisihan sa bandang huli.
Dala siguro ng problema, bugso ng damdamin o pagkalito. Ganito ang nangyari kay Aling
Martha, isang pangkaraniwang ina sa araw-araw ay abala sa gawaing bahay at pag aasikaso sa
nalalapit na pagtatapos ng anak.Pinasya ng ginang na mamalengke ng maaga upang mamili.
Sa kanyang paglalakad ay di inaasahang mabangga siya ng isang batang madungis.
Agad na nahusgahan ni Aling Martha ang bata, ito ay mahirap, walang pinag-aralan at walang
modo. Nang kukuha na ng pambayad ang ginang ay tsaka na lamang nito natanto na nawawala
na ang kanyang kalupi. Agad na nataranta at nag-isip. Sa loob-loob nya ay hiyang hiya sya sa
nangyari.
Natitiyak nya na ang batang madungis ang nakakuha ng kanyang kalupi. Agad na
nagmadali ang ginang upang mahagilap ang batang sa tingin nya ay kumuha ng kanyang pitaka.
Nang makita ang batang madungis ay agad na hinablot ng ginang ang damit nito, pinit na
pinaamin sa pagkuha ng kanyang pitaka. Ngunit ang bata ay panay ang tanggi kahit na pinipilit
itong paaminin ni Aling Martha.
Marami na ang nakapaligid sa kanila, may naawa sa bata ngunit wala iyon kay Aling
Martha. Hanggang sa may dumating nang pulis, Nagtanong sa bata ang sinabi pang ito''y
dadalhin sa presinto. Lubhang natakot ang batang madungis. Ang binili nitong isda para sa
tyahin ay malamang hinihintay na kanina pa.
Ang mahigpit na hawak ni Aling Martha ay nagdulot ng matinding sakit sa bata kaya''t
kinagat nito ang kamay ng ginang. Nagkaroon ng pagkakataong makatakas ang bata at agad
itong tumakbo papalayo.Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, kasabay ng paglayo ng bata sa
mapanghusgang si Aling Martha ay ang tilian ng mga naroroon.
Nabangga ito ng humahagibis na dyip. Bago mawalan ng hininga ang kawawang bata ay
iginiit nito na wala syang ninakaw.Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Martha na ang
nangyari sa bata ay kapalit ng pagkuha ng kanyang kalupi.
Pagkauwi ng bahay ni Aling Martha ay nagtaka ang mister nito kung saan galing ang
pinamili gayong naiwan nito ang pitaka sa bahay.Namutla si Aling Martha sa narinig. Sa
pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay.Marahil hanggang sa ngayon ay binabagabag parin
si Aling Martha sa nangyari sa bata.

Sanggunian: https://www.marvicrm.com/2017/09/ang-kalupi-buod
6
HALIMBAWA NG BIONOTE
7

HALIMBAWA NG BIODATA
8

ARALIN 2
PAGSUSULAT NG MEMORANDUM, ADYENDA
AT KATITIKAN NG PULONG

PANIMULANG BASAHIN

Naranasan mo na bang dumalo sa isang pulong? Paano mo ilalarawan ang pulong na


iyong dinaluhan. Ang pagpupulong ay bahagi na ng buhay ng maraming tao sa kasulukuyan. Ito
ay pangkaraniwang gawain ng bawat samahan, organisasyon, kompanya, paaralan, institusyon,
atbp.
Bakit mahalaga ang isang pagpupulong? Sinasabing ang pagpupulong ay susi ito sa pag
uunawaan sa isang samahan. Kung walang maayos na daloy na komunikasyon sa loob ng isang
samahan, kadalasan ito ay walang kaayusan.
Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang maayos, organisado, at sistematikong
pagpupulong ito man ay isang business meeting, one-on-one meeting, o campany meeting.

PAGSUSULAT NG MEMORANDUM , ADYENDA , AT KATITIKAN NG PULONG

May tatlong mahahalagang elementong kailangan upang maging maayos, organisado at


epektibo ang isang pulong. Ito ay ang memorandum, agenda, at katitikan ng pulong. Bilang mag-
aaral, mahalagang matutuhan mo kung ano-ano at kung paano ginagawa ang mga ito.
Ang pagsusulat ng memo ay
maituturing ding isang sining. Dapat
tandaan na ang memo ay hindi isang
liham. Kadalasang ito ay maikli
lamang na ang pangunahing layunin
ay pakilusin ang ang isang tao sa
isang tiyak na alituntunin na dapat
isakatuparan gaya halimbawa ng
pagdalo sa isang pulong,
pagsasagawa, o pagsunod sa bagong
sistema ng produksyon o kompanya.
Ito rin ay maaring maglalahad ng
isang impormasyon tungkol sa isang
mahahalagang balita o pangyayari at
pagbabago sa mga polisiya.

9
Tingnan ang mga halimbawang color coded na Memo. na nasa ibaba.

10

MGA DAPAT
GAWIN SA
PASUSULAT
NG ISANG
Ang impormasyong ito ay hinango mula sa aklat ni Sudapraset (2014) na “English for
the Workplace 3”.

Tingnan ang halimbawa ng isang memo sa kabilang pahina (page 11) 11

HALIMBAWA NG ISANG MEMORANDUM (Gawa ni Bb. Carlie Dale Dollera)


Mula sa halimbawang inyong nakita, mahalagang tandaan na ang isang maayos at
malinaw na memo ay dapat na magtaglay ng sumusunod na impormasyon. Dapat ang lahat ng
impormasyon ay sakto at totoo.

12

13
BAHAGI NG KATITIKAN (MINUTES)
• Heading ( company’s name, date, location, time)
• Mga Kalahok - mga taong dadalo sa pulong
• Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng
pulong
• Action item o usapang napagkasunduan
• Pabalita
• Iskedyul sa susunod na pulong
• Pagtatapos
• Lagda
MGA DAPAT GAWIN SA TAONG NAATASANG KUMUHA
NG KATITIKAN O MINUTES NG PULONG (mga sekretarya)
• Hanggat maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
• Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
• May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
• Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
• Nakatuon lamang sa adyenda
• Tiyaking ang katitikan ng pulong ay nagtataglay ng tumpak
• Gumamit ng recorder kung kinakailangan
• Itala ang mga mosyon o suhestiyon nang maayos
• Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng kaponan.
• Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.

14
ARALIN 3
PAGSUSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

PANIMULANG BASAHIN

Sa mundong ating ginagalawan sa kasalukuyan ay


may mga pangyayari na dapat pag-ukulan ng pansin lalo na
kung ito ay nagdudulot ng suliranin sa maraming tao. Ito ay
maaring mga kakulangan sa isang bagay na
nangangailangan ng agarang pagtugon, paglulunsad ng
pagbabago ukol sa naghaharing sistema o patakaran, maari
ring pagsasagawa ng isang programa upang higit na
mapabuti ang kondisyon ng isang samahan o gawain, o
kaya naman ay pagpapanukala ng solusyon para sa
nararanasang suliranin.
Sa araling ito mararanasan mong maglahad ng isang panukala para sa paglulunsad ng
isang pagbabago o kaya naman ay para malutas ang isang suliranin. Matututuhan mo sa araling
ito ang pagsulat o paggawa ng isang panukalang proyekto.

PANUKALANG PROYEKTO

Ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para sa
isang kasulatan o ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o
samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito.
Ang panukalang proyekto ay detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga
aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema. Nagpapakita ng detalyadong
pagtalakay sa dahilan at pangangailangan sa proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at
kakailanganing resources (Nebiu, 2002).

Ayon kay Besim Nebiu


Ang panukalang proyekto ay isang detalyadongdeskripsyon ng mga
inihahaing gawain na naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
Ang paggawa nitoay nangangailangan ngkaalaman, kasanayan, at maging
sapat napagsasanay. Una sa lahat, ito ay kailangang maging tapat na
dokumento na ang layunin aymakalikha ng positibong pagbabago.

Ayon kay Dr. Bartle

Kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng positibong


pagtugon mula sa pinag-uukulan nito. Walang lugar sa sulating ito ang
pagsesermon, pagyayabang, o panlilinlang sa halip ito ay kailangang maging
tapat at totoo sa layuni nnito.

15
MGA DAPAT GAWIN SA PAGSUSUSLAT
NG PANUKALANG PROYEKTO
Ayon kay Jeremy Miner at Lynn Miner, sa kanilang aklat
na “A Guide to Proposal Planning and Writing” may tatlong
mahahalagang bahagi ang pagsasagawa ng panukalang papel.
a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto
b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang
nito

A. PAGSULAT NG PANIMULA NG PANUKALANG PROYEKTO

Bago mo lubusang isulat ang panukalang proyekto, ang


unang mahalagang hakbang na dapat isagawa ang pagtukoy sa
pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag-
uukulan ng iyong panukalang proyekto.
TANDAAN: Ang pangunahing dahilan ng pagsulat ng panukalang
proyekto ay upang makatulong at makalikha ng positibing
pagbabago.
Maisasagawa ang unang bahagi ng panukalang proyekto sa
pamamagitan ng pagmamasid sa pamayanan o kompanya. Maaring
magsimula sa pagsagot sa sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang mga pangunahing suliranin na dapat lapatan ng agarang solusyon?
2. Ano-ano ang panganagilangan ng pamayanan o samahang ito na nais mong gawan ng
panukalang proyekto.
Mula sa mga sagot na makukuha sa mga nakatalang tanong ay makakakalap ka ng mga
ideyang magagamit sa pag-uumpisa ng pagsulat ng panukalang proyekto.
Halimbawa:
Sa Barangay San Jose, and dalawang suliranin nararanasan ng mga mamamayan
ay
ang sumusunod
1. Paglaganap ng sakit na Dengue
2. Kakulangan sa supply ng tubig
Mula sa mga nabanggit na suliranin ay itala ang mga kailangan ng Barangay San Jose
upang malutas ang kanilang mga suliranin.
1. PAGLAGANAP NG SAKIT NA DENGUE
a. Pagtuturo sa mga mamamayan tungkol sa pangangalaga sa kalinisan ng
kapaligiran upang maiwasan ang paglaganap ng Dengue
b. Pagsasagawa bg fumigation apat na beses sa isang taon
2. KAKULANGAN SA SUPPLY NG TUBIG
a. Pagturo sa mga mamamayan sa wastong paggamit at pagtitipid ng tubig
b. Pagpapagawa ng poso para sa bawat purok ng barangay
16
Maraming suliranin ang maaring makita sa isang pamayanan, kompanya, o samahan. Sa
pamayanan, ito ay maaring kakulangan sa maayos na mga ilaw sa kalsada, kawalan ng Baskeball
Court para sa mga kabataan, kakulangan ng mga Health Center at mga bagong gamit, gamot at
iba pa. Sa mga kompanya naman o institusyon, maaring ang mga suliranin ay kakulangan sa
Conference Room, kakulangna ng pondo para sa mga proyekto at iba pa.

B. PAGSULAT NG KATAWAN NG PANUKALANG PROYEKTO

Matapos na mailahad ang panimulang naglalahad ng suliranin ng gagawing panukalang


proyekto ay isunod na gawin ang pinakakatawan ng suliraning ito. Ito ay binubuo ng layunin,
plano na dapat gawin, at badyet.

LAYUNIN: Sa bahaging ito, makikita o mababasa ang mga bagay na gustong makamit.
Kailangang maging tiyak ang layunin ng proyekto. Kailangang isulat ito batay sa mga
inaasahang resulta ng panukalang proyekto at hindi batay kung paano makakamit ang
mga resultang ito.

Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner, ang layunin ay kailangan maging SIMPLE.

SPECIFIC - nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto


IMMEDIATE - nakasaad ang tiyak na petsa kung kailan ito matapos
MEASURABLE - may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
PRACTICAL - nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
LOGICAL - nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
EVALUABLE - masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

PLANO NA DAPAT GAWIN


Matapos maitala ang ang mga
layunin ay maari nang buoin ang talaan ng
mga gawain o plan of action na naglalaman
ng mga hakbang na isasagawa upang
malutas ang suliranin. Mahalagang
maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsasagawa nito
kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain.
Mabuti rin kung isasama sa
talatakadaan ng gawain ang petsa kung
kailan matatapos ang bawat bahagi ng plano
at kung ilang araw o buwan ito gagawin.
Makakatulong din kung gagamit ng chart o
kalendaryo para mamarkahan ang
pagsasagawa ng bawat gawain.

17
BADYET

Isa sa pinakamahalagang bahagi ng


anumang panukalang proyekto ay ang
wasto at tapat na paglatag ng kakailanganin
badyet para rito. Ang badyet ay talaan ng
mga gastusin na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng layunin.
Mahalagang ito ay pag-aralan ng
mabuti makatipid sa mga gagastusin.
Maaring magsagawa ng bidding para sa
mga contstractors na kadalasan ay may
mga panukalang badyet para sa isang
gawain. Maaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidders na pagpipilian.
Sa mga karagdagang kagamitan o materyales, mas makabubuti kung maghahanap
muna ng murang bilihan para makatipid din sa mga gastusin. Huwag ding kaligtaang
isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng sweldo ng mga
manggagawa, allowance para sa mga magbabantay sa pagsasagawa nito, at iba pa.

MGA ILANG MAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN SA PAGGAWA


NG BADYET

1. Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali iyong mauunawaan ng ahensya na
mag-aaproba o magsasagawa nito,
2. Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipakasyon nito upang madaling sumahin ang
mga ito.
3. Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo. Ang mga ahensiya, sangay ng
pamhalaan, o maaring kompanya na magtataguyod ng nasabing proyekto ay
kadalasang nagsasagawa rin ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.
4. Siguraduhing wasto o tama ang ginawang pagkukuwento ng mga gastusin. Iwasan ang
mga bura o erasures sapagkat ito at nangangahulugangng integridad at karapat-
dapat
na pagtitiwala para sa iyo.

C. PAGLALAHAD NG BENEPISYO NG PROYEKTO AT MGA


MAKINABANG NITO

Kadalasang ang panukalang proyekto ay naaprobahan kung malinaw na nakasaad dito


kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito makakatulong sa kanila. Maaaring
ang makinabang nito ay ang pamayanan, mga empleyado sa isang kompanya o institusyon.
Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin.
Maari na ring isama sa bahaging ito ang katapusan o konklusyon ng iyong panukala. Sa
bahaging ito maaring ilahad ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang isang panukalang
proyekto.
18
HALIMBAWA NG PANUKULANG PROYEKTO
I. PAMAGAT: Mag-aayos ng Drainage System sa Barangay.
II. PROPONENT NG PROYEKTO: Jojules T. Basan
III. KATEGORYA:
Ang proyektong ito ay maaaring maging solusyon sa pag-babaha sa iba’t ibang parte ng barangay tuwing
tag-ulan. Layunin din ng proyekto it ay upang makatulong sa mga residente na nanatili sa Barangay 59-A ng
lungsod ng Tacloban.
IV. PETSA
Petsa Mga Gawain at Layunin Lugar o Lokasyon
Enero 11- 15, 2021 Pag-approba sa mga Barangay Barangay Hall ng Brgy. 59-A
Officials
Enero 18-20, 2021 Pag-hahanda sa badyet at pag-lista Barangay Hall ng Brgy. 59-A
ng mga gamit at materyales na
kakailanganin
Enero 21-25, 2021 Pag-kambas at hanap ng mga CEMEX Holdings Philippines
materyales ng gagamit sa proyekto. Philippine Construction Materials
UltraSteel
Enero 29, 2021 Inaasahang araw ng pag-dadating Barangay 59-A
ng mga materyales at kagamitan
Pebrero 8, 2021 Pagsisimula ng proyekto Barangay 59-A

Marso 26, 2021 Inaasahang araw sa pagtatapos ng Barangay 59-A


proyekto
V. RASYONAL
Ang kahalagaan ng proyektong ito ay magbigay ng pakinabang sa mga tao ng Barangay 59-A sa
pamamagitan ng pag-iwas ng matataas ng baha tuwing tag-ulan.
VI. DESKRIPSYON NG PROYEKTO
Ang proyektong ito ay tatagal ng hindi bababa sa apat na buwan upang magawa. Ang proyektong ito ay
nasa lugar lamang ng Barangay 59-A. Ang mga lugar na lampas sa Barangay 59-A ay hindi kasama sa proyekto.
VII. BADYET
Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol ng barangay ay ilalahad sa ibaba.
Aytem Dami ng aytem Inaasahang Presyo Presyong pangkalahatan

Mga Kagamitan sa
Konstruksiyon
Semento (sako) 600 pirasong sako P 250 P 150, 000
Reinforced concrete pipes 300 pirasaong pipes P 4725 .00 P 1, 417, 500

Hollow Blocks 1000 pirasong hallow P 25 P 25, 000


blocks
Steel Pipes 200 Steel pipes P 240 P 48, 000
Cast Iron Pipes 200 Cast iron pipes P 225 P 45, 000
Iba’t ibang pang P 15, 000
kagamitan sa
konstruksyon
Bayad sa manggagaawa

Isang Worker 6 na lingo P 1200 bawat linggo 7200 per worker (P


144,000 para sa lahat ng
maggagawa)
Iba pang mga gastusin 35,000
Total: P 1,900,000
VIII. PAKINABANG
Ang mga residente ng Barangay 59-a ay mapapakinabangan ng proyektong ito upang ang mga mamamayan
ay hindi magdusa at maranasan ang mga paghihirap sa panahon ng tag-ulan o bagyo. Makatutulong din ito upang
maiwasan ang pagtaas ng tubig-baha at mga sakit na dulot nito, na maaari ring makinabang sa kalusugan ng isang
indibidwal
19

ARALIN 4
PAGSUSULAT NG POSISYONG PAPEL

PANIMULANG BASAHIN
Isa sa mga kasanayang dapat
sanayin ng isang kabataang Pilipino
ay ang kakayahang manindigan sa
isang desisyong ginawa o
pinanghahawakang katotohanan o
prinsipyo. Ang paggawa ng desisyon
ay nagsasalamin sa totoong karakter ng
isang tao. Ito ay batay sa kanyang pag-
uugali, personalidad at mga
pinahahalagahang paniniwala. Kapag
ang isang tao ay nagdedesisyon,
madalas ito ay nahihirapan sa pagpili
kung ano ang nararapat.
Ang pangungutwiran ay isang uri ng diskursong naglalayong mapatunayan ang
katotohanan ng ipinahahayag at pinaniniwalaan at ipatanggap sa nakikinig o bumabasa ang
katotohanang iyon.
Mahalagang ang taong nangangatwiran ay may sapat na kaalaman tungkol sa paksang
pinangangatwiran. Kailangang mabatay ang katuwiran sa katotohanan upang ito ay makahikayat
at makaakit nang hindi naman namimilit. Ito ang mga kaisipan at kasanayang diin sa kabuoan ng
araling ito.

PANGANGATWIRAN
Ayon kay Jocson et al (2005), sa kanyang aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik, Ang pangangatwiran ay tintawag ding pakikipagtalo o argumento na maaring
maiugnay sa sumusumod na paliwanag:
 Ito ay isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabu ng isang patunay na
tinatanggap ng nakararami
 Ito ay isang uri ng paglalahad na natatakwil sa kamalian upang maipahayag ang
katotohanan
 Ito ay isang paraag ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at
mapahayag ang mga opinyong ito sa iba.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA ISANG MABISANG
PANGANGATWIRAN
1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid
2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay
4. Dapat ay may kaugnayan sa paksa ang katibayan at katuwiran upang
makapanghikayat
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa pagpapahayag ng
kaalamang ilalahad.
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran

20
Ano nga ba ang posisyong papel?

Kagaya ng isang debate, ang posisyong papel ay naglalayong maipakita ang katotohanan
at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkaibang
pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.

LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL


 mahikayat ang madla na ang pinaniniwalaan ay
katanggap-tanggap at may katotohanan.
 mahalagang maipakita at mapagtibay ang
argumentong pinaglalaban gamit ang mga
ebidensyang magpapatotoo sa posisyong
pinaniniwalaan o pinaninindigan

Ayon kay Grace Fleming, sa kanyang aklat na


“How to write an Argumentative Essay” Ang posisyong
papel ay ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng
isang kontrobersyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo
ng isang kaso o usapin para sa iyong pananaw o
posisyon.

Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing


pasulat na nililinang sa akademikong pagsulat. Isa itong
sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan
hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol sa batas,
akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel
sa paraang mapanghimok sa mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang
paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa
.
Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong papel sa
pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo
nito ng pagpapahusay sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at
katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng
mga mag-aaral upang magdepensa.

LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng


kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang
isinusulat mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa
pinakakomplikadong academic position paper. Maaaring isagawa ang pagsulat ng posisyong
papel ayon sa isyung ipinaglalaban ng isang indibidwal o organisasyon upang maiparating ang
kanilang mga opinyon at paniniwala o rekomendasyon ukol sa isyu.
Ang mga posisyong papel ay mainam sa mga kontekstong nangangailangan ng
detalyadong impormasyon upang lubos na maintindihan ang pananaw ng isa pang tao. lto ay
karaniwang ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga organisasyon ng gobyerno, sa mundo
ng diplomasya, at mga hakbang na naglalayong baguhin ang mga pagpapahalaga ng komunidad
at organizational branding o imahen ng isang samahan o institusyon.

21

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL


Malayang Salin sa Fllipino ng “How to Write a Position Paper” ni Grace Fleming

1. PAGPILI NG PAKSA BATAY SA INTERES


Pumili ng paksa ayon sa iyong interes upang mapadali ang pagpapatibay ng iyong
paninindigan o posisyon. Kinakailangan ang ganito upang sa kabila ng pagiging mahirap
ng pagsulat ay hindi ka mawalan ng gana o panghinaan ng loob dahil gusto mo ang iyong
paksa. Mas malawak din ang nagagawang pananaliksik ng mga datos, opinyon,
estadistika, at iba pang mga anyo ng mga katibayan kapag nasa iyong interes ang paksa
dahil nagiging mas bukas ang isipan sa mga bagong ideya

2. MAGSAGAWA NG PAUNANG PANANALIKSIK

Ang paunang pananaliksik ay kinakailangan upang matukoy kung ang katibayan


ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan. Maaaring gumamit ng mga
datos mula sa Internet, ngunit tiyaking magmumula ito sa mga mapagkakatiwalaang
website, tulad ng mga educational site (.edu) ng mga institusyong akademiko at
pampananaliksik at mga site ng gobyerno (.gov), upang mahanap ang mga propesyonal
na pag-aaral at mga estadistika. Mahalaga ring magtungo sa silid-aklatan at gumamit ng
mga nailathala nang mga pag-aaral patungkol sa iyong paksa
3. HAMUNIN ANG IYONG SARILING PAKSA

Kailangang alamin at unawain ang kabaligtarang pananaw bukod pa sa nalalaman


mo tungkol sa iyong paksa upang mapagtibay ang iyong kaalaman at paninindigan sa
iyong isusulat na posisyong papel. Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari
mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong
posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento
(datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito.

22

Sa kadahilanang ito, dapat mong maisa-isa ang mga argumento para sa mga
kasalungat na posisyon, ilahad ang mga argumentong ito sa isang obhetibong paraan, at
tukuyin kung bakit hindi tumpak ang mga ito.

Makatutulong din ang pagguhit ng isang linya sa gitna ng isang pirasong papel,
ilista ang iyong mga punto na sang-ayon sa iyong posisyon sa isang bahagi at mga
kasalungat na punto naman sa kabilang bahagi. Pagkatapos ay tayain kung anong
posisyon ba talaga ang mas mahusay

4. MAGPATULOY UPANG MANGOLEKTA NG SUMUSUPORTANG KATIBAYAN

Matapos matukoy na ang iyong posisyon ay makatitindig na at ang kasalungat na


posisyon (sa iyong opinyon) ay mas mahina kaysa sa iyong sariling posisyon, ikaw ay
handa na sa iyong pananaliksik. Pumunta sa aklatan at maghanap ng mas maraming
mapagkukunan ng datos.

Maaari ding magsama ng opinyon ng isang dalubhasa o eksperto sa paksa (tulad


ng mga doktor, abogado, o propesor). Gayundin ng mga personal na karanasan mula sa
isang kaibigan o miyembro ng pamilya, personal na salaysay ng ibang tao, at iba pa na
maaaring makaantig sa damdamin ng mambabasa.

5. LUMIKHA NG BALANGKAS (OUTLINE)

Narito ang isang halimbawa kung paano babalangkasin ang isang posisyong papel:

1. Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang


impormasyon (background information). Gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit
ang iyong posisyon.
2. Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
3. Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na pananaw ng iyong
posisyon.
4. Pangatwiranang pinakamahusay at. nakatatayo pa rin ang iyong posisyon sa kabila ng
mga inilahad na mga kontra-argumento.
5. Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon. Sa pagsulat ng
posisyong papel, ipahayag ang iyong opinyon nang may paninindigan at kasinupan sa
impormasyon. Maging matatag sa paninindigan, subalit panatilihin ang pagiging
magalang. Iparating ang iyong mga punto at patunayan ang mga ito gamit ang mga
ebidensiya.
23

HALIMBAWA NG POSISYONG PAPEL

Libreng Edukasyon Para Sa Lahat Ng Pilipino

             Edukasyon ang susi para sa magandang


kinabukasan ng isang indibiduwal pati na rin ng
kanyang bansa. Ilan lamang ng resulta ng magandang
sistema at libreng edukasyon ay ang tumataas ng
ekonomiya, mas nagiging produktibo ang mga
manggagawa, tumaas ang kalidad ng edukasyon,
yumayabong ang pamumuhay ng bawat Pilipino.
Ngunit paano natin makakamit ang mga magagandang benipisyo ng edukasyon kung mahal ang
matrikulang binabayad para sa kolehiyo. Nakakalungkot isipin na hindi kayang makapag-aral ng
mga mahihirap sa ganitong sistema ng Pilipinas. Nawawalan ng oportunidad ang mga
mamamayang Pilipino na kapos-palad upang makapag-aral at gumanda ang buhay.

             Kamakailan lamang ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas


na Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Educational Act na nagsasabing
libre ang matrikula para sa mga State Universities at Colleges. Isa itong magandang oportunidad
para sa lahat ng mamamayang Pilipino upang makapag-aral ng libre hindi lamang ang mga
estudyanteng mayayaman at matatalino. Nakasaad din sa isang batas pantao ang karapatang
matututo at mag-aral ng isang indibiduwal.

Kung iisiping mabuti ay tunay ngang mahihirapan ang ating pamahalaan na tugunan ang mga
pangangailan ng nasabing batas. Bilyun-bilyon ang kailangan upang matustusan ang isang taon
para sa ganitong sistema. Masasabi kong isang malaking pagsubok ito para sa ating pamahalaan
ngunit magiging madali ito kung lahat ng Pilipino ay makikiisa at gagampanan ang kanilang mga
responsibilidad bilang isang estudyante pati na rin bilang isang Pilipino.
Sanggunian: https://nielsenweb.wordpress.com/2017/08/13/posisyong-papel-libreng-
edukasyon-para-sa-lahat-ng-pilipino/

24

ARALIN 5
PAGSUSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

PANIMULANG BASAHIN

Sa nakaraang aralin ay iyong


natutunan ang kasanayan o kakayahang
manindigan sa isang desisyong ginawa
o pinanghahawakang katotohanan o
prinispyo. Sa araling ito ay iyo namang
matutuhan ang kakayahang maglahad sa
pamamagitan ng pagsulat ng
replektibong nsanaysay. Mahahasa ang
iyong kakayahan sa pagsusulat ng iba
pang klase ng sanaysay.

Ano nga ba ang Replektibong Sanaysay?

Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga pangkaraniwang isyu, pangyayari, o


karanasan na hindi na nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang pagtalakay
sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa karanasan ng manunulat o pangyayaring
kanyang nasaksihan (Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay na
tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong sanaysay ay naglalayong
bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o
ang maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao, at sa lipunan (Arrogante,
Golla, Honor-Ballena 2010). Sa puntong ito, maaari nang sabihin na ang tahas na katangian ng
karaniwang sanaysay ay tinataglay rin ng replektibong uri nito dahil ang pagsasalaysay ng
subhetibong paksa ay dumadaan sa masusing pagsusuri upang makita ang kahulugan at
kahalagahan sa obhetibong pamamaraan.
Ang replektibong sanaysay ay isang anyo ng sulating pasalaysay na hindi lamang
nakatuon sa husay ng paggamit ng estilo sa pagsulat bagkus ay sa pagsusuri ng salaysay na
inilatag ng manunulat para sa mambabasa. Maaaring sabihing isa itong akademikong paraan ng
pagbuo ng bagong kaalaman patungkol sa pagkatao, lipunan, at mga isyu o paksa sa pagitan. Ito
ay sa kadahilanang inaasahan na ang mambabasa ay nagsusuri din at humuhusga sa halaga, bigat,
at katotohanan ng paksang inilalatag ng manunulat sa piyesa.
Taliwas sa sinasabi ng karamihan, hindi madali ang pagsulat ng replektibong sanaysay o ang
mismong replektibong pagsulat. Bilang manunulat at indibidwal, may mga pagkakataong nais
mo na lamang itago sa iyong kalooban ang ilang mga personal na salaysay at hindi na paabutin
ang mga ito sa iyong panulat (University of Reading). Sa mga ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang tibay ng kalooban, maging matalino sa pagpili ng mga salita, at piliing maging
obhetibo sa pagsasalaysay. Sa kabila ng lahat, ang mga manunulat naman ay narito upang
tumulong sa pagpapahusay at pagpapabuti ng sangkatauhan.

25

MGA BAHAGI NG REPLEKTIBONG 


SANAYSAY

1. PANIMULA
Ang panimula ay sinisimulan sa
pagpapakilala o pagpapaliwanag ng paksa
o gawain. Maaaring ipahayag nang tuwiran
o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang
mahalaga ay mabigyang-panimula ang
mahalagang bahagi ng buhay na pupukaw
sa interes ng mambabasa.

2. KATAWAN
Katulad ng maikling kuwento, sa
bahaging ito ay binibigyang-halaga ang
maigting na damdamin sa pangyayari. Ang
katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng
salaysay, obserbasyon, realisasyon, at
natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung
anong mga bagay ang nais ng mga
manunulat na baguhin sa karanasan,
kapaligiran, o sistema.

3. KONGKLUSYON
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang kakintalan sa
mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at kahalagahan ng isinasalaysay niyang
pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.. Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng
kanyang naisulat sa pagpapabuti ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Narito ang mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng replektibong sanaysay.

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis kung saan dito iikot ang nilalaman ng
sanaysay
2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap na gamitin ang mga
salitang ako, ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa personal na
karanasan
3. Tandaan na bagamat ito ay nakabatay sa personal na karansan, mahalagang magtaglay
ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o katotohanang nabasa
hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaang ito ay kabilang sa
sulating akademiko
5. Gumamit ng tekstong paglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling
unawain ng mga babasa ang mensaheng nais mong ipabatid.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay, introduksyon,
katawan, at kongklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
26
HAKBANG SA PAGSUSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

Sa pagsusulat ng simula maaring mag-umpisa sa pagtatanong o pagsagot sa isang tanong.


Tandaang na sa pagsulat ng simula, dapat na makapukaw ito sa atensyon ng mga mambabasa.
Pwedeng gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang tao, mga quotations, anekdota, karanasan
at iba pa.
Sa pagsusulat naman ng katawan, dito ilahad ang iyong mga pantulong o kaugnayan na
kaisipan tungkol sa paksa na inilahad mo sa panimula. Maglagay ng mga obhetibong datos batay
sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na mapagtibay ang kaisipang iyong
ipinaliliwanag. Maari ka ring gumamit ng sanggunian (resources) bilang karagdagang datos na
magpapaliwanag sa paksa.
Pag-isipan ding mabuti kung paano mo tatapusin ang iyong replektibong sanaysay. Sa
pagsusulat ng wakas o konklusyon, muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng
sanaysay. Bilang pagwawakas, maaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na sila man ay
magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na
maari nilang pag-isipan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya
tungkol sa isang paksa na maaring makapagdulot ng epekto hindi lamang sa iyong buhay maging
ang mga taong makakabasa nito.
27

HALIMBAWA NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

FINISH LINE

Abril 2005 nang makapagtapos ako ng kolehiyo, BSE, nagpakadalubhasa sa Filipino.


May titser na sina Aling Auring at Mang Primo.Tandang-tanda ko pa ang butas ng karayom na
aking pinasok sa pag-aaral. Labis man, sinuong ko ang bagyong signal kuwatro.
Kung hihilahin pabalik ang nakaraan, ako’y karaniwang mag-aaral lamang noon na
nagsikap makapasa sa entrance exam sa RTU. Hindi kasi ako nakapasa sa EARIST. Isa rin ako
sa kasamaang-palad na hindi umabot sa quota course ng PUP. Banta ko sa unibersidad na iyon,
babalik ako ngunit wala akong duduruging anuman (may himig yata iyon ng pagka-GMA
telebabad).
Nakapasa ako. Namuhay nga ako ng apat na taon sa RTU. Nakipaghabulan ako sa mga
propesor para sa ulat at grado. Naghabol din ako sa pasahan ng mga proyekto. Marami akong
hinabol. Hinabol ko ang pagbubukas at pagsasara ng cashier at registrar. Maikli pa naman ang
pila noon. Humahabol ako sa mga kasamang kadete sa ROTC tuwing mahuhuli sa formation.
Hinabol ko ang aking mga kamag-aral. Lahat sila ay aking hinabol at ako’y nakipaghabulan. Pati
guwardiya ay hinabol na rin ako. Nalimutan ko kasi noon ang aking ID.
Sa dami nga niyon, hindi ako napagod sa paghabol upang marating ang finish line. Hindi
sa pagmamalaki ay nakapagkamit ako ng karangalan—ang diploma ko.
Binalikan ko rin ang PUP para sa aking programang master at doktorado. Doon ay
nagpakapantas at nakipaghabulan sa isa pang laban.
Isang hapon iyon nang ikuwento ko sa aking mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa rin sa
Filipino ang aking paghahabol. “Sir, kaya pala lagi kang pawisan sa harap ng klase,” biro pa ng
mga mambobolang Filipino major.“Parati tayong may hinahabol. lyon ay dahil sa may gusto
tayong makamit. Ang mahalaga matapos ng paghahabol na iyon, alam mo kung kailan at saan ka
babalik. Ako ay inyong guro pero babalik at babalik ako sa pagiging mag-aaral ko. May mga
pagkakataong ako ang inyong mag-aaral. Natututo ako sa mga pinagdadaanan ninyo. Nakikita ko
ang aking sarili,” dagdag-hirit ko sa kanila.
“Ok, klase, inabot na natin ang finish line. Magkikita tayo bukas.”

Sanggunian: https://elcomblus.com/pagsulat-ng-replektibong-sanaysay/
28

ARALIN 6
PAGSUSULAT NG LAKBAY SANAYSAY
AT PHOTO ESSAY
PANIMULANG BASAHIN

Mahilig ka bang mag explore ng mga bagong


bagay o kaya ay gusto mo bang maglakbay sa iba’t
ibang lugar sa Pilipinas o maging sa buong mundo?
Ano-ano sa mga lugar na napuntahan mo ang
nagustuhan mo ng husto? Ano-ano ang mga lugar na
gusto mong balikan? Maliban sa mga lugar na iyo nang
napuntahan, saan pang lugar ang nais mong marating?
Bawat isa sa atin ay gustong makapunta sa iba’t
ibang lugar upang maglibang at mag relax lalo na kung
kasama ang mga taong malapit sa ating puso tulad ng
pamilya, minamahal, mga kaibigan at barkada. Ang iba naman ay gusto lang mapag-isa. Sa
kasalukuyan, ang paglalakbay ay itinuturing nang isang mahalagang libangang isinasagawa ng
marami. Bagama’t ito ay magastos, ito ay pinag-iipunan at kasama sa plano ng maraming tao
taon-taon. Ika nga nila, maraming bagay ang natutuhan sa paglalakbay hindi ilang ang
pangungulikta ng alaala o karanasan na hindi mababayaran.
Ano ang Sanaysay?
Ito ay naglalaman ng madalas ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o
akda. Ngayon, alamin natin kung ano talaga ang lakbay sanaysay.

URI NG SANAYSAY
Pormal – Ang talakayin nga uri nito ay ang mga seryosong mga pagsa nga nagtataglay ng
masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng
impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar, o pangyayari. Ang halimbawa nito ay ang
pahayagang editoryal.
Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at pang araw-araw
na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito ay binigyan din ng mga bagay-bagay
at karanasan ng akda sa isang topiko kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na
parang nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.
MGA BAHAGI NG SANAYSAY
Simula / Panimula - Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan kung
ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon
at damdamin ng mambabasa.
Gitna / Katawan - Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea
ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil
ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
Wakas - Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat
niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang mga
isyung tinatalakayan niya.
29
Ano naman ang Lakbay Sanaysay?
Kilala ito sa Ingles bilang
“Travel Essay”, ito ay isang sanaysay
na kung saan ang ideyang ito ay
pinanggalingan mula sa mga
pnuntahang o nilakbayang mga lugar.
Kabilang rin dito ang kultura,
trasisyon, pamumuhay, uri nga mga
tao, eksperyensya mula sa awtor at
lahat ng aspetong naalaman ng isang
manlalakbay.
Ang lakbay-sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar. Binibigyang-
pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na
komunidad. Maaari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at
kakaibang mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura, eskultura,
kasaysayan, anyo, at iba pa. Sa pagsulat, maaaring gamitin ang
pagtatangi at paghahambing sa mga lugar upang
malinang ang wastong pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa
maganda o hindi kanais-nais, kapaki-pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi
katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.
Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang nagbibigay-
kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang-halaga ang pagkilos sa lugar na narating,
natuklasan sa sarili, at pagbabagong pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong
nagsasalaysay na maaari din maranasan ng mga makababasa. Ito’y tila pagsulat ng isang
magandang pangako ng lugar para sa mambabasa.
Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.
Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa paglalakbay gamit ang
pandama: paningin, pakiramdam, panlasa, pang-amoy, at pandinig. Kadalasang pumapaksa sa
magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga karanasan sa paglalakbay ang lakbay-sanaysay.
Gayundin, maaari din itong magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais-nais o
hindi nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
ANG LAYUNIN NG LAKBAY SANAYSAY AY ANG MGA SUMUSUNOD :
 Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng manlalakbay.
 Gumawa ng gabay para sa mga maaring manlalakbay. Halimbawa nito ang daan at ang
mga modo ng transportasyon.
 Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang dito ang espiritwalidad,
pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
 Pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing
pamamaraan.
30
Narito ang ilang mungkahi sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay na maaari mong maging
gabay.

1. Bago magtungo sa lugar na balak


mong puntahan ay dapat magsaliksik
o magbasa tungkol sa kasaysayan
nito. Pag-aralan ang kanilang kultura,
tradisyon, at relihiyon. Bigyang-
pansin din ang sistemang politikal at
ekonomikal ng lugar. Pag-aralan din
ang Iengguwahe na ginagamit sa lugar
na iyon.
2. Buksan ang isip at damdamin sa
paglalakbay, lawakan ang naaabot ng paningin, talasan ang isip, palakasin ang internal at
external na pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan ang pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na ideya. Isulat
ang katotohanan sapagkat higit na madali itong bigyang-paliwanag gamit ang mga malikhaing
elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang organisasyon ng sanaysay
sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at
malalim na pag-unawa sa mga ideyang isusulat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-sanysay.

31
PHOTO ESSAY
(LARAWANG SANAYSAY)
Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles
na pictorial essay o kaya ay photo essay na para sa iba
ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad
ng isang konsepto.
Ang larawang-sanaysay ay gaya rin ng iba pang
uri ng sanaysay na gumagamit ng mga pamamaraan sa
pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin
mismo ang mga binuong larawan o di kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o caption. Malaki ang
naitutulong ng larawang may teksto sapagkat
nakatutulong ang mga ito sa mga ideya kaisipang
ipinakikita ng larawan.
Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan
sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng
salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng
larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang gamitin ang isang
larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-
lahat ng mga ideya.
Gayumpaman, nakasalalay pa rin sa husay at pagiging malikhain ng isang tao ang
paggamit ng mga larawan sa paggawa ng sanaysay dahil nakabatay rito kung paano pag-uugnay-
ugnayin ang mga larawan ayon sa kanyang mga naiisip na ideya. Ang mahalaga, kailangang
malinaw ang mensahe ng gagawing larawang-sa naysay.

NARITO ANG MGA DAPAT MONG ISAALANG-ALANG SA PAGSULAT NG


LARAWANG-SANAYSAY:

1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.


2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay madaling
nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan, mabuting
sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit na
dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na salaysay,
isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at pag-iilaw.
Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang larawan kompara sa
iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

32
HALIMBAWA NG LAKBAY SANAYSAY

Bohol Escapade
Isinulat ni: Reomart Paglinawan

Noong huling bakasyon, ako ay pumunta sa Bohol


kasama ang aking pamilya. Kami ay pumunta sa iba’t
ibang lugar na magandang puntahan sa Bohol. Kami ay
unang pumunta sa chocolate hills na
matatagpuan sa Carmen. Doon makikita
ang napakagandang tanawin nga mga
chocolate hills na sobrang dami at
napaka sariwa nga hangin. Tapos ang
mga tao doon ay sobrang ang babait at
nakikipaghalubilo talaga sa mga
bumibisita doon.
Sunod naming pinuntahan ay
ang mga tarsier sa Corilla, sa pagpasok
upang makita ang mga tarsier ay kailangang bumili ng ticket sa P60 na halaga. Kapag
nakapasok na ay tumahimik na kami upang hindi magising
ang mga tarsier dahil tulog sila sa umaga. Makikita
lamang sila sa mga kahoy na nakapatong at natutulog
ngunit bawal silang hawakan para hindi madisturbo. Dahil
hindi sila dapat hawakan ay kinunan nalang namin sila ng
litrato para mayroon kaming souvenir. Pagkatapos ay
lumabas na kami at naghanda para sa susunod na
pupuntahan.

Ang huli naming napuntahan ay ang Hennan Beach na matatagpuan


sa Panglao. Papunta palang kami ay sabik na akong maligo sa
napakagandang beach ngunit biglang sumama ang panahon. Umulan at
humangin nang sobrang malakas kaya hindi na kami naligo. Nanuod nalang
kami sa mga tindahan sa gilid ng beach at kumain ng ice cream kahit na
maulan. Sa pagpawi nga ulan ay nagpahangin muna kami sa baybayin at
umuwi na agad.

Sa aking paglalakbay, ako ay nakapagbulay-bulay. Namangha ako sa


aking napuntahan sa sobrang ganda ng kalikasan na nilikha ng Panginoon simula sa lupa,
dagat at pati na sa mga hayop. Naisipan ko ang kahalagahan ng mga ito at kung gaano natin
dapat na alagaan ang mga ito upang manatili at aabot pa sa susunod na henerasyon. Naisipan
ko rin na dapat itong panatilihin para na rin sa turismo ng ating bansa at panatilihin upang
mayroong mabalikbalikan. Kung mabigyan pa ng pagkakataon na makapunta sa Bohol, gusto
ko namang pumunta sa mga lugar na hindi ko napuntahan upang maibahagi ko naman ang
kagandahan nito.

Sanggunian: https://lovereallyhurtsus.wordpress.com/
33
HALIMBAWA NG PHOTO ESSAY

EAST VISAYAN ADVENTIST ACADEMY


Ni: Emil Jyle Balasbas
Ang East Visayan Adventist Academy ay isa sa mga paaralang nagbibigay ng good
quality education sa ikalimang distrito sa lalawigan ng Leyte. Ito ay matatagpuan sa lungsod na
Javier, Barangay San Sotero. Ang paaralang ito ay naglalayong mahasa ang mga mag-aaral sa
iba’t ibang aspeto ng buhay tulad na lamang ng Physical, Mental, Social, Emotion at lalong-lalo
na ang Spiritual na aspeto na isa sa mga pinagtutuonan ng pansin sapagkat ito ay Adventist /
Church School.
Ang paaralang ito ay isang boarding school na kung saan ang mga mag-aaral ay
nanggaling sa iba’t ibang lugar sa Leyte at Samar, maging Cebu at Bohol. Halika’t ipapasyal kita
sa EVAA.

ADMINISTRATION BUILDING
Ito ang pinakasentro ng paaralan. Dito matatagpuan ang
mga opisina tulad ng Principals Office, Business Office,
Registrar Office at Teachers Lounge. Ito rin ay may anim
na silid aralan o classroom, at isang Music Room.

SCHOOL CAFETERIA
Ang paaralan ay may school cafeteria,
ang lugar kung saan ang mga estudyante ay
kumakain. Ang pwede lang kumain dito ay ang mga
cafeteria boarders.

DORMITORY
Ang EVAA ay isang boarding School. Ito ay may
dalawang dormitories, Ruth Hall (Girls Dormitory) at
Daniel Hall (Boys Dormitory). Ang nasa larawan ay ay
ang Ruth Hall Dormitory. Dito nakatira ang mga babae
na gustong mag-aral sa EVAA na kahit malayo sila sa
kanilang mga magulang, may Dorm Dean naman ang
nagbabantay sa kanila.

MASAMICHI & ATSUKO MURAKAMI MEMORIAL


CHAPEL
Dito ginaganap ang mga relihiyoso na mga
aktibidad tulad ng midweek at vesper prayer meeting
tuwing miyerkules at biyernas ng gabi. Chapel Convo
tuwing biyernas ng umaga at Sabbath Program tuwing
araw ng Sabado.
34

KING SOLOMON HALL


Ito ang School Library
pamamagitan ng mga aklat na nandito. Maliban sa mga
aklat, pwede mo ring magamit ang internet na nandito
sapagkat mayroon itong computers.

KASUKO SAKAMOTO (Science Building)


Ito ay tinawag ding Science Building na
kung saan makikita dito ang iba’t ibang laboratory
tulad ng Chemistry, Physics, at Biology Laboratory na
may kumpletong equipments o kagamitang
pang eksperimento. Nasa gusali ring ito ang Computer
Laboratory ng paaralan.

EVAA- ELEMENTARY DEPARTMENT


Maliban sa Hayskul, ang paaralan na ito ay
mayroon ding elementarya. Ito ay Makikita sa harap ng
Ruth Hall.
Mayroon itong Kindergarten hanggang ikaanim na
baitang.

EVAA MAKESHIFT
Ang makeshift ay matatagpuan sa bandang ibaba ng paaralan. Ito ay may mga silid-aralan o classroom
na may aircon. Ang grade 9 at 8 na mga estudyante ang
makikita dito.

35
ARALIN 7
PAGSUSULAT NG TALUMPATI
PANIMULANG BASAHIN

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining. Maipakikita rito ang katatasan at kahusayan
ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at
pangangatwiran sa isang particular na paksang pinag-uusapan. Kaiba ito sa ginagawa nating
pagsasalita sa araw-araw kung saan sinasabi natin ang gusto nating sabihin nang walang
pinatutungkulan o binibigyang-diing paksa.
Ang talumpati ay kadalasang pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa
man ito’y biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati. Bago pa man
ito bigkasin sa madla ay mabuting nakapaghanda na ng isang komprehensibong sulatin upang
mas maging kapani-paniwala at kahikahikayat ito para sa mga nakikinig.

ANO ANG TALUMPATI?


36
BAHAGI NG TALUMPATI

PANIMULA - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang
atensyon ng madla.
KATAWAN - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
WAKAS - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.
PANIMULA/PAMBUNGAD
Ito ay bahagi ng talumpati na may layuning hikayatin ang tagapakinig sa
pamamagitan ng kawili-wiling panimula. Maraming paraan kung paano sisimulan ang
isang talumpati. Ang mga sumusunod na nasa ibaba ay mga halimbawa ng pambungad na
pwede nating gamitin.

 Pasaklaw Na Pahayag  Salaysay


 Tanong Na Retorikal  Simulan Sa Isang Malinis Na
 Sipi Biro
 Paglalarawan  Simulan Sa Isang Anekdota
 Makatawag-Pansing  Simulan Sa Saknong Ng Tula
Pangungusap  Simulan Sa Isang Balita
 Salwikain

KATAWAN

Ito ang bahaging nagpapaliwanag.


Dito inihahanay ng isang ispiker ang
mahahalagang detalye ng kanyang
talumpati ukol sa paksa. Kailangang
maayos at malinaw ang mga piling salita at
ang kayarian nito. nakapaloob din dito ang
pinakakaluluwa ng isang talumpati.
Dapat kakitaan sa bahaging ito ang tatlong K.(kawastuan, kalinawan, kawilihan)

WAKAS
Ito ang pangwakas na bahagi ng isang talumpati.Inilalahad sa bahaging ito ang
konklusyon sa mga katwirang nabanggit upang maikintal sa isipan ng mga tagapakinig
ang kabuuang diwa ng talumpati.ang bahaging ito ay nag-iiwan ng mga marikit at
maindayog na mga pananalita.
37

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATALUMPATI


Paghahanda
o Talumpating Maisusulat Pa. Ihanda ang iyong sarili na
makapag-isip nang mabuti sa paksa ng talumpating
iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw
ang interes ng mga makikinig o manonood
sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng
pagbigkas.
o Talumpating Hindi Maisusulat. Sa oras na malaman
mo na ang punto o isyung kailangang bigyan
ng talumpati, linawan ang pag-iisip, huwag masyadong
magbanggit ng maliliit na detarye bagkus ay lagurnin
ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may
kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang
iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at
sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang.
Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig
Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa
iyong talumpati kung kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda
sa pagbigkas nito. Maaaring may mga bahagi sa talumpati na nagkukuwento. Pukawin
ang diwa ng mga tao sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay.
Pagpapanatili ng Kasukdulan
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding
emosyon, batay sa kanyang paksa, na siyang pinakama-halagang mensahe ng talumpati.
Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig
Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan
ng pagbubuod sa mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-
iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos

38
LBA'T IBANG URI NG TALUMPATI AYON SA PAGHAHANDA

Nabanggit na sa unang bahagi ng araling ito na


karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati batay sa
paghahanda sa mga ito. May mga talumpating
kinakailangang isulat at rnay hindi kailangang isulat
ngunit tiyak na susubok sa kakayahan ng mananalumpati
na magsaayos ng mga kaisipan.

Impromptu—Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang


ganap na paghahanda (Mangahis, Nuncio, Javillo 2008).
Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa
mga job interview, ilang okasyon ng question and answer, at
pagkakataon ng pagpapakilala.

Extemporanyos—Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng


mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na salita sa loob ng
sandaling panahon bago ang pagbigkas. Kaiba sa impromptu, ang
mga isyu, konsepto, o usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa
kaalaman na ng mananalumpati kung kaya maaari pa siyang
maghanda ng kaunting marka o palatandaan upang hindi
magpaligoy-ligoy ang kanyang pagbigkas. Bukod pa rito,
karaniwang inoorasan ang pagsagot ng mananalumpati kaya
kinakailangan ang malinaw na pag-iisip, bilis sa pagbabalangkas,
at husay sa pamimili ng salita. Isang karaniwang halimbawa nito
ay ang Question and Answer portion sa mga beauty pageant.

Isinaulong Talumpati—Ito ang uri ng talumpati na isinusulat


muna at pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis,
Nuncio, Juvillo, 2008). Masusukat dito ang husay sa
pagbabalangkas ng manunulat, kanyang pagpapaliwanag, at tibay
ng kanyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas.
Karaniwang makikita ang uri na ito sa mga Valedictory Speech.

Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya—Higit na mas kaunti ang


alalahanin ng mananalumpati sa uring ito dahil lubusang
nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati,
ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at
inaasahang na-ensayo na ang pagbigkas. Tanging aalalahanin na
lamang ay ang bisa ng tinig at bigat ng pagbanggit sa
mahahalagang punto ng talumpati.
39

HAKBANGIN SA PAGGAWA NG
TALUMPATI

1. PAGPILI NG PAKSA-
Kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman, karanasan
at interes. Dapat ang pipiliin mong paksa ay alam mo at may interes ka dito nang
sagayon hindi ka mahihirapan.

2. PAGTITIPON NG MGA MATERYALES-


Kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales na gagamitin sa
pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan
ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa
paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
Pwedeng maghanap sa internet o maging sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpapanayam
o interview.

3. PAGBABALANGKAS NG MGA IDEYA-


Ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at pangwakas. Gumawa
ng pagbabalangkas gamit ang mag materyales na iyong naipon o mga impormasyon na
pwede mong magamit.

4. PAGLINANG NG MGA KAISIPAN-


Dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing
kaisipan na inilahad sa balangakas. Kung maari kapag natapos mo nang masulat ang
iyong balangkas, isulat ito sa isang papel at ipabasa sa iba upang matukoy o malaman
kung may sapat na ba ito.
40

HALIMBAWA NG TALUMPATI

Ang Kabataan sa Makabagong Henerasyon


Ang tangi ko lamang pong layunin ay mabigyan ng kamalayan ang ating mga kababayan
at mga magulang. Sapagkat nakikita ko na parang walang pakialam ang iba sa atin lalo na
tungkol sa mga kabataang nakikita nating palaboy-laboy sa mga lansangan.
Nasaan na ang mga kabataang pag-asa ng bayan? Ika nga ng ating pambansang bayani
(Dr. Jose P. Rizal) ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Ito ba’y mababaon na lamang ba sa
limot? Huwag naman po nating biguin ang ating pambansang bayani. Kaya tayo po’y kumilos
habang may panahon pa.
Mga magulang makinig kayo! Huwag ninyong pabayaan na lamang ang inyong mga
supling sapagkat kayo ang magtuturo ng daang kanilang tatahakin. Kaya’t habang may panahon
pa’y kumilos tayo bigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga susunod na henerasyon.
Kaya po nakapag-sulat ang inyong lingkod hinggil dito ay sa kadahilanang kahit saang dako ako
pumaroon ay nakikita ko po kawalang pag-asa ng bansang ito.
Sa mga kalunsuran man o sa mga lalawigan patunay ang mga kabataang ligaw ng landas
na dapat sana’y nasa mga paaralan.Ngunit nasaan sila? Naroon sa mga lansangan nakikipag laro
kay kamatayan maka-amot man lang ng konting barya at ang iba naman ay lulong sa droga ito
ang dahilan kaya kahit mga musmos pa’y nakakagawa na ng mga karumal-dumal na mga
krimen.
Ito ba ang mga kabataang pag-asa ng ating bayan? Isa itong malaking suliranin sa ating
bansa. Kaya dapat na hindi ipag-sawalang bahala sapagkat kapakanan ng ating lipi ang nakataya
dito kaya’t pakiusap sa mga magulang alagaan ninyo ang inyong mga supling. Hindi katuwiran
ang kahirapan sapagkat ang kahirapan ay kakambal na natin noong tayo ay ipinanganak.
Ang tamaan ay huwag magalit sapagkat may klase ng mga magulang na gusto pa nilang
mag trabaho ang kanilang mga anak kahit ala pa sa panahon imbes na mag aral. Meron namang
mga magulang na luho ng katawan ang inaatupag imbes na alagaan ang mga anak. Anong
klaseng mga magulang kayo? Huwag naman po nating ipahiya ang lahing kayumanggi na
minsa’y kinilala sa lahat ng dako hanggang sa kasalukuyan.
Sa aking palagay kahit na ilng medalya pa ang makuha ng ating pambansang kamao ay
hindi kayang ikubli ang tunay na imahe ng ating inang bayan. Kaya mga kababayan ko kumilos
tayo habang may panahon pa huwag nating hintayin na dayuhan pa ang magsabi na linisin mo
ang iyong bayan. Hindi po lalabas tayong kahiya-hiya sa mga taga ibang bansa? Kaya habang
may panahon pa sagipin natin ang ating mga kabataan sa maka-mundong kalagayan.
Ito po ang aking saloobin mga minamahal kong mga kababayan magtulungan tayong
akayin sa mga mabubuting gawi ang ating mga kabataan.

Sanggunian: https://www.mgabayani.ph/halimbawa-ng-mga-talumpati-tungkol-sa-kabataan/

41

BIBLIYOGRAPIYA NG PAGTITIPON

Aklat
Basa-Julian, A. Lontoc, NB, Dayag, A Koordineytor (2016). Pinagyamang Pluma: Filipino sa
Piling Larangan (Akademik). Phoenix Publishing House, Inc.

Websites:
www.googleimage.com
https://socier12.wordpress.com/2010/09/30/pagdedesisyon

https://elcomblus.com/pagsulat-ng-posisyong-papel /

https://elcomblus.com/pagsulat-ng-replektibong-sanaysay

https://elcomblus.com/pagsulat-ng-lakbay-sanaysay

https://elcomblus.com/paglikha-ng-pictorial-essay-o-larawang-sanaysay

https://elcomblus.com/pagsulat-ng-talumpati
https://abmpangkat1srnhs.wordpress.com/2018/03/16/replektibong-sanaysay-ni-dianne-
agnas/

https://martinesblog268548854.wordpress.com/2018/10/14/halimbawa-ng-panukalang-
proyekto-2/
https://lovereallyhurtsus.wordpress.com/

http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

https://www.marvicrm.com/2017/09/ang-kalupi-buod
https://brainly.ph/question/474525
https://www.marvicrm.com/2017/09/ang-kalupi-buod
https://nielsenweb.wordpress.com/2017/08/13/posisyong-papel-libreng-edukasyon-para-
sa-lahat-ng-pilipino/

https://www.mgabayani.ph/halimbawa-ng-mga-talumpati-tungkol-sa-kabataan/

You might also like