You are on page 1of 190

BI an

BI la
LI
G ha

1
A a
N m
PI Pa
II g
D in
IN ar
H g-a
Pa

BASA PILIPINAS
gabay sa pagtuturo
ng filipino
unang baitang

YUNIT 3

Ang materyal na ito ay binuo batay sa DepEd K-12


Gabay Pangkurikulum sa Filipino, Hulyo 2015.

MARSO 2016

Ang materyal sa pagtuturo na ito ay nabuo sa tulong ng mga mamamayang Amerikano sa pamamagitan
ng United States Agency for International Development (USAID) at ng Basa Pilipinas Project,
sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon.
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Unang Baitang – Yunit 3

Gabay sa Pagtuturo ng Filipino

Ikalawang Edisyon, 2016

Inilathala ng U.S. Agency for International Development (USAID)

Binuo ng USAID/Basa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon

Technical Director: Nancy Clark-Chiarelli, EdD

Manunulat: Cecilia Luz Ochoa

Mga Tagasuri: Angelika Jabines, Education Program Specialist


DepEd – Bureau of Learning Delivery

Paolo Ven Paculan (nilalaman)

Jomar Empaynado (wika)

Mga Nag-layout: Leah Melita de Ocampo, Harry James Creo,

PY
at Princess Orveen Calderon

O
Ang karapatang-sipi ng mga akda o materyales gaya ng kuwento, awit, tula, mga larawan, tatak,
trademark, at iba pa, na ginamit sa materyal na ito ay taglay ng kani-kanilang mga may-ari. Upang
magamit ang mga akdang ito, pinagsikapang mahanap at humingi ng pahintulot mula sa mga may
C
karapatang-ari. Hindi inaangkin ng tagapaglathala at may-akda ang karapatang-ari ng anuman sa mga
akdang ito.
D

Ang mga piling kuwento mula sa Adarna House, Vibal Publishing House, at Lampara Publishing House
ay ginamit nang may pahintulot ng mga tagapaglathala nito.
E

Walang bahagi ng materyal na ito ang maaaring kopyahin o ipadala sa anumang paraan, electronic o
EP

mekanikal, kabilang ang photocopy, o anumang sistema ng impormasyon nang walang pahintulot sa
tagapaglathala.
D

PAG-AARI NG PAMAHALAAN. HINDI IPINAGBIBILI.

Inilimbag sa Pilipinas

Department of Education Bureau of Learning Resources


Ground Floor, Bonifacio Building, DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City
Telefax: +63 (02) 634-1054 or 634-1027
E-mail Address: imcsetd@yahoo.com

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
UNANG BAITANG GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO

talaan ng nilalaman
Aralin 21: Mga Bagay tungkol sa Aking Kultura. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 2

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 6

Aralin 22: Mga Bagay tungkol sa Aking Kultura. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 19

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 20

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 24

Aralin 23: Mga Lugar sa Aming Komunidad. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 41

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 42

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 46

PY
Aralin 24: Mga Lugar sa Aming Komunidad. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 61

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 62
O
Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 66
C
Aralin 25: Mga Sining at Produkto ng Aking Bayan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 85

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 86
D

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 90
E

Aralin 26: Mga Sining at Produkto ng Aking Bayan. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 107


EP

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 108

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 114

Aralin 27: Pagtulong sa Aking Komunidad – . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 127


D

Pagiging Mabuting Mamamayan

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 128

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 132

Aralin 28: Pagtulong sa Aking Komunidad – . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 147


Pagiging Mabuting Mamamayan

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 148

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 152

Aralin 29: Mga Likas na Kayamanan sa Aking Komunidad. . . . . . . . . . . . . . 167

Lingguhang Gabay. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 168

Mga Aralin. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 172

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

ARALIN

21
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura


E

READ ALOUD STORY: Arroz Caldo ni Lolo Waldo


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 1
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 21

Tema: Mga Bagay tungkol sa Aking Kultura


Read Aloud Story: Arroz Caldo ni Lolo Waldo
(Kuwento ni Becky Santos-Gerodias at Guhit ni Bernadette Solina-Wolf)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
TA • F1TA-0a-j-2 • Mga pagkaing Filipino
Nagagamit ang wika bilang tugon sa
sariling pangangailangan at sitwasyon

PY
PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng Talasalitaan: Mga
Natutukoy ang kahulugan ng salita salita mula sa kuwentong Arroz
1 batay sa kasingkahulugan Caldo ni Lolo Waldo
O
C
D

PN • F1PN-IIIf-9 • Read Aloud Story: Arroz Caldo ni


E

Nahuhulaan ang susunod na Lolo Waldo


EP

mangyayari sa napakinggang
2 kuwento
AL • F1AL-IIb-1
Nasasabi ang nilalaman ng aklat
D

batay sa pamagat
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
2 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Pagbabahagi ng personal na karanasan
at paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi gamit ang mga halimbawang pangungusap
ng kanilang personal na karanasan bilang gabay

• Paggabay sa sabayang pag-awit ng isang awitin • Pagsabay sa awitin


tungkol sa pagkaing Filipino (“Balut, Penoy” • Pagtugon sa katanungan ukol sa pagkaing
o “Puto, Kutsinta”) Filipino
• Pagtatanong ukol sa paksa ng pagkaing Filipino

PY
• Pagpaskil sa pisara ng mga salita, pangungusap • Pakikinig sa mga pangungusap
na gamit ang mga salita, at mga pagpipiliang • Pagtugon sa mga tanong ng guro: Pagpili sa
salitang kasingkahulugan tamang salitang kasingkahulugan
• Pagbasa ng mga pangungusap at pagtatanong
O
• Gawaing magkapares sa pagbubuo ng isa
sa mga bata upang mapili ang tamang salitang o higit pang pangungusap gamit ang mga
kasingkahulugan salitang tinutukan sa talasalitaan
C
• Pagpapagamit sa mga bata ng mga bagong • Pagsipi sa talasalitaan
salita sa isa o higit pang pangungusap
D

• Pagpapasipi ng talasalitaan
• Pagbasa ng aklat • Pakikinig sa kuwento
E

• Pagtatanong sa mga bata habang binabasa • Pagsagot sa mga tanong ng guro habang
EP

ang kuwento binabasa ang kuwento

• Pagganyak at pangganyak na tanong • Pagtugon sa katanungan ng guro ukol sa


gamit ang pabalat ng aklat nakikita sa pabalat at ukol sa pamagat ng aklat
D

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 3
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IIIa-1.3 • Pagbabalik-aral: Arroz Caldo ni Lolo
Nakabubuo ng mga tanong matapos Waldo
mapakinggan ang kuwento

KP • F1KP-IIIa-5 • Pagsasanay: Pagtukoy sa mga pantig


3 Nakikilala ang mga tunog na na bumubuo sa mga salita at ang
bumubuo sa pantig ng mga salita tunog na bumubuo sa bawat pantig

KP • F1KP-IIIa-5 • Pagbabalik-aral: Pagpapantig at


Nakikilala ang mga tunog na pagtukoy sa tunog ng bawat pantig
bumubuo sa pantig ng mga salita

PY
O
C

TA • F1TA-0a-j-2 • Laro: “Adobo at Paksiw”


D

Nagagamit ang wika bilang tugon sa • Pagbabalik-aral: Pagbibigay


sariling pangangailangan at sitwasyon halimbawa ng pagkaing Filipino
E

PS • F1PS-IIIa-4 • Bahaginan ukol sa takdang-aralin:


Naiuulat nang pasalita ang mga Paglalahad tungkol sa mga ginawa
EP

naobserbahang pangyayari sa loob at naobserbahan sa klase ngayong


ng silid-aralan linggo
5 TA • F1TA-0a-j-2 • Pagtalakay sa Arroz Caldo
D

Nagagamit ang wika bilang tugon sa ni Lolo Waldo


sariling pangangailangan at sitwasyon • Pagtataya

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
4 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Paghati sa klase sa maliliit na pangkat • Pagbuo ng mga tanong tungkol sa kuwentong
na may tig-limang kasapi napakinggan
• Paggabay sa pangkatang gawain • Pagtanong sa kabilang pangkat ng nabuong
tanong
• Pagsagot ng mga tanong ng ibang pangkat
• Pagsulat sa pisara ng mga pagkaing Filipino • Pagpapantig ng mga salita gamit ang palakpak
na tututukan ng pagsasanay • Pakikinig sa halimbawang ipinakita ng guro
• Paggabay sa pagpapantig gamit ang pagpalakpak ukol sa paghihiwalay ng tunog ng bawat pantig
• Pagpapakita ng halimbawa sa pagtukoy • Gawaing Magkapares: Paghihiwalay ng mga
ng tunog sa bawat pantig tunog sa bawat pantig ng salitang naitakda
• Pag-ikot sa klase at paggabay sa mga
magkapares na kailangan pa ng tulong sa
paghihiwalay ng tunog sa bawat pantig
• Pagganyak sa mga bata na magbigay • Pagbibigay ng mga halimbawa ng pagkaing
ng mga halimbawa ng pagkaing Filipino Filipino
• Paggabay sa Gawaing Magkapares: • Pagpapantig ng mga salita

PY
Pagpapantig at pagtukoy ng mga tunog na • Pagtukoy sa mga tunog na bumubuo
bumubuo sa pantig sa bawat pantig
• Pagpapakita ng halimbawa sa pagtukoy • Paglalahad sa harap ng klase
ng tunog sa bawat pantig • Pagsipi ng mga salitang pinantig
O
• Pag-ikot sa klase at paggabay sa mga • Pagguhit ng larawan na nagpapakita
magkapares na kailangan pa ng tulong sa ng kahulugan ng salita
C
paghihiwalay ng tunog sa bawat pantig
• Paggabay sa mga bata sa pagsasagawa ng laro • Pagbigay ng akmang salita kapag natawag sa
D

larong “Adobo at Paksiw”


E

• Pagbigay ng halimbawang panimula • Paglalahad ukol sa takdang-aralin


at halimbawang pangungusap
EP

• Muling pagbasa ng kuwento • Pakikinig sa kuwento


D

• Pagtatanong tungkol sa kuwento • Pagsagot sa mga tanong habang binabasa


• Pagsagawa ng pangkatang pagtataya at matapos basahin ang kuwento
• Pagsagot sa mga tanong sa pangkatang
pagtataya
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 5
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1TA-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan


at sitwasyon

• F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT

• Turuan ang mga mag-aaral ng isang awiting tungkol sa pagkaing


Filipino, katulad ng “Balut Penoy” o “Puto Kutsinta” ni Levi
Celerio.

• Matatagpuan ang titik at tono ng mga awiting ito sa Internet:


(http://www.youtube.com/watch?v=AfAOeCneRmw;

PY
http://www.youtube.com/watch?v=pDFVS-UeCr4)

• Matapos umawit, iugnay ang kanta sa tema para sa linggong ito.


O
Sabihin: Ang ating tema para sa linggong ito ay mga bagay tungkol sa
ating kultura. Ano kaya ang kinalaman ng awitin tungkol sa pagkaing
C
Filipino sa tema natin ngayong linggo? (Maghintay ng ilang kasagutan
mula sa mag-aaral.)
D

Malaking bahagi ng ating kultura ang mga lutuin at pagkaing


nakasanayan na natin, lalo na kung nagmula ito sa mga katutubo o
E

sinaunang tradisyon. May iba pa ba kayong alam na mga pagkaing


Filipino? Magbanggit nga kayo ng ilan.
EP

Ang pakikinggan nating kuwento bukas ay mayroon ding kinalaman sa


isang lutuing Filipino. Pero, bago tayo umabot doon, pag-aralan muna natin
ang ilang salitang maririnig natin sa kuwento bukas.
D

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Isulat sa pisara ang sumusunod na salita na tutukan para sa araw na


ito: kusinero, sinusuweldo, negosyo, umasenso, ikinararangal,
mag-usyoso.

Sabihin: Makatutulong sa pagtukoy ng kahulugan ng salita kung may


alam tayong kasingkahulugan nito. Magbabasa ako ng mga pangungusap
na gumagamit ng mga salitang pag-aaralan natin ngayon. Pagkatapos,
may sasabihin akong mga salita. Sabihin ninyo sa akin kung aling salita
ang kasingkahulugan ng salitang tututukan natin sa pangungusap.

• Ikabit ang manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod na


pangungusap at ang mga pagpipiliang salita ng mga mag-aaral.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
6 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

• Matapos basahin ang bawat pangungusap, basahin din ang


mga pagpipiliang salita at tanungin kung alin sa mga ito ang
kasingkahulugan ng tinututukang salita.

(1) Sikat ang kusinero ng Lety’s Carinderia sa mahusay na pagluluto


niya ng kare-kare.
(a) tagalaba (b) tagaluto (c) tagalinis

(2) Maliit lang ang sinusuweldo niya, kaya naghanap siya ng ibang


pagkakakitaan.
(a) binabayad (b) inuutang (c) kinikita

(3) Nagtayo ako ng maliit na negosyo—nagtitinda ako ng yelo at


ice candy sa aming purok.
(a) pagkakitaan (b) libangan (c) laruan

(4) Dahil sa sipag at tiyag, umasenso rin ang kabuhayan ng aming


pamilya.
(a) umunlad (b) bumagsak (c) nalugi

PY
(5) Ikinararangal kong maging bahagi ng isang mahusay na
kompanya.
(a) ikinahihiya (b) ipinagmamalaki (c) ikinalulungkot
O
(6) May aksidente sa kanto, kaya niyaya niya akong mag-usyoso.
(a) tumingin (b) magsaya (c) kumanta
C
• Matapos talakayin ang mga salita at ang kasingkahulugan nito,
gabayan ang mga bata sa gawaing pandalawahan.
D

Sabihin: Ngayon naman, susubukan ninyong magkatabi na bumuo


ng mga pangungusap gamit ang mga salitang pinag-aralan natin kanina.
E

Gagawin natin itong paligsahan. Ang magkapares na makagagamit ng


EP

pinakamaraming salita mula sa ating listahan ang magiging kampeon para


sa araw na ito. Bibigyan ko kayo ng limang minuto para sa gawaing ito.
Tandaan—mas maraming magagamit na salita sa tamang paraan, mas
mabuti.
D

• Matapos ang limang minuto, tanungin ang mga mag-aaral kung


sino ang nakagamit ng lahat ng salita. Ipabigkas sa kanila ang
kanilang mga pangungusap. Pansinin kung tama ang pagkakagamit
ng mga tinutukang salita. Isulat sa pisara ang mga pangungusap ng
nagwaging pares at basahin sa buong klase.

• Ipasipi sa buong klase ang talasalitaan para sa araw na ito:

(1) kusinero – tagaluto
(2) sinusuweldo – kinikita
(3) negosyo – pagkakakitaan
(4) umasenso – umunlad
(5) ikinararangal – ipinagmamalaki
(6) mag-usyoso – tumingin

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 7
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Tanungin ang


isang miyembro ng inyong pamilya kung ano ang paborito nilang
pagkaing Filipino at kung bakit nila ito gusto. Maghandang
magbahagi tungkol dito bukas.

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

2
paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIf-9 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang

PY
kuwento

• F1AL-IIb-1 Nasasabi ang nilalaman ng aklat batay sa pamagat


O
1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN
C

• Gamitin ang takdang-aralin kahapon bilang paksa para sa


D

bahaginan.
E

Sabihin: Nabanggit ko kahapon na ang pagkaing Filipino ay isang


mahalagang bahagi ng ating kultura. Ipinapakita nito ang ating panlasa
EP

at tradisyon sa kusina bilang mga Filipino. Ang takdang-aralin ninyo


kahapon ay tanungin ang isang kapamilya kung ano ang kanilang
paboritong lutuing Filipino. Ito ang paksa ng bahaginan natin ngayon.
D

Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nandito sa pisara:

Paborito ng aking _____ ang _____.


Masarap ito dahil ______.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang magsilbing gabay


sa mga magbabahagi. Halimbawa: “Paborito ng aking kapatid ang
tinola. Masarap ito dahil sa pinagsamang lasa ng manok at luya.”

• Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapaglalahad ng


kanilang ideya sa klase. Tulungan sila kung kinakailangan.

2 PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG


SA KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid
Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salita na pinag-aralan kahapon.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
8 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

Sabihin: Kahapon, may tinalakay tayong mga salita na maririnig sa


kuwento natin ngayong araw. Balikan natin ang mga salitang ito at ang
kanilang kahulugan. Babasahin ko ang bawat salita. Sabihin ninyo
ang kasingkahulugan nito:

(1) kusinero – taga-luto
(2) sinusuweldo – kinikita
(3) negosyo – pagkakakitaan
(4) umasenso – umunlad
(5) ikinararangal – ipinagmamalaki
(6) mag-usyoso – tumingin

b. Pagganyak
Ipakita ang pabalat ng libro.

Sabihin: Pagmasdan ninyo ang pabalat ng libro. Ano ang nakikita


ninyo sa larawan? (Maghintay ng ilang sagot.) Ano kaya ang
laman ng kaldero dito sa pabalat?

PY
Sabihin: Ang pamagat ng ating kuwento ngayong araw ay Arroz Caldo
ni Lolo Waldo. Isinulat ito ni Becky Santos-Gerodias at iginuhit ni
Bernadette Solina-Wolf. Nakakain na ba kayo ng arroz caldo? Ano ang
O
lasa nito? Ano kaya ang mangyayari sa kuwentong Arroz Caldo ni
Lolo Waldo batay sa pamagat at makikita sa pabalat nito?
C

c. Pangganyak na Tanong
D

Sabihin: Habang nakikinig kayo, alamin ninyo ang sagot sa tanong


na ito: Ano kaya ang halaga o naitulong ng arroz caldo sa mga tauhan
E

sa ating kuwento?
EP

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO


D

Basahin ang kuwento nang may damdamin. Panandaliang huminto


matapos basahin ang ilang takdang pahina upang palalimin ang
pag-intindi at pakikinig ng mga mag-aaral.

Huminto pagkabasa ng p. 3
Itanong: Sino-sino ang mga tauhan dito sa larawan? Ano ang
nangyari sa nanay ng batang bida kung kaya’t si Lolo Waldo ang
kasama nila sa bahay?

Huminto pagkabasa ng p. 6
Itanong: Ano ang trabaho dati ni Lolo Waldo? Ano ang ginagawa ni
Lolo Waldo dito sa larawan?

Huminto pagkabasa ng p. 7
Itanong: Paano inilarawan ng batang bida ang arroz caldo ni
Lolo Waldo? Nakakain na rin ba kayo ng ganitong kasarap
na arroz caldo?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 9
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Huminto pagkabasa ng p. 8


Itanong: Ano ang ibig sabihin ng buntong-hininga? Ipakita nga ninyo
sa akin. Paano naman ang hitsura ng nakakunot na noo?
Bakit daw nakakunot ang noo at panay buntong-hininga ang tatay sa ating
kuwento?

Huminto pagkabasa ng p. 9
Itanong: Ano kaya ang naisip na paraan ni Lolo Waldo? Ano ang hula
ninyo?

Huminto pagkabasa ng p. 10
Itanong: Tama ba ang hula ninyo kanina? Paano kaya magtatagumpay
ang plano ni Lolo Waldo?

Huminto pagkabasa ng p. 13
Itanong: Ano ang ginagawa ng mga tao dito sa pahina? Sa tingin ninyo,
bibili kaya sila ng arroz caldo?

Huminto pagkabasa ng p. 19
Itanong: Ano ang nangyari sa negosyo nina Lolo Waldo?

4
PY
TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO
O
Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtanong ng
C
sumusunod:

• Sino-sino ang tauhan sa kuwento?


D

• Ano ang nangyari sa trabaho ni Tatay Sito?


• Paano nakatulong ang arroz caldo ni Lolo Waldo sa pamilya niya?
E

• Bakit kaya maraming pumupunta sa tindahan ni Lolo Waldo para


matikman ang arroz caldo niya?
EP

• Bakit daw ikinararangal ng batang bida ang arroz caldo ni Lolo


Waldo?
• May alam din ba kayo tungkol sa inyong lolo na ikinararangal
D

ninyo o puwede ninyong ipagmalaki? Ano ito?


• May iba pa ba kayong halimbawa ng maliit na negosyo na
umasenso katulad ng tindahan nina Lolo Waldo? Ikuwento ito sa
buong klase.

5 PAGTATAPOS

Takdang-aralin: Magpakuwento sa inyong magulang o iba pang


kapamilya tungkol sa inyong lolo. Ano ang mga nagawa niya
noong kaniyang kabataan? Ano ang mga bagay na maaari ninyong
ipagmalaki tungkol sa inyong lolo? May espesyal din ba siyang alam
na lutuin katulad ni Lolo Waldo?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
10 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIa-1.3 Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang kuwento

• F1KP-IIIa-5 Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipagpatuloy ang usapan tungkol sa pagkaing Filipino para sa


bahaginan ngayong araw. Sa araw na ito, ang paborito namang
pagkain ng mga mag-aaral ang kanilang ilalahad sa klase.

Sabihin: Kahapon, sa ating bahaginan, tinanong ko kayo kung


ano ang paboritong lutuing Filipino ng inyong kapamilya. Ngayon
naman, kayo ang tatanungin ko: Ano ang paborito ninyong pagkaing
Filipino at bakit ninyo ito gusto? Pag-isipan ninyo ang inyong sagot. Kapag

PY
tinawag kayo para maglahad ng inyong sagot, maaari ninyong gamitin ang
halimbawang ito: O
____ ang paborito kong pagkaing Filipino. ________ ito.
C
• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang magsilbing gabay
sa mga magbabahagi. Halimbawa: “Paborito ng aking kapatid ang
D

tinola. Masarap ito dahil sa pinagsamang lasa ng manok at luya.”

• Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapaglalahad ng


E

kanilang ideya sa klase. Tulungan sila kung kinakailangan.


EP

2 PAGBABALIK-ARAL: ARROZ CALDO


NI LOLO WALDO
D

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang binasang kuwento kahapon.

Sabihin: Kahapon, may binasa akong aklat. May mahalagang


papel sa kuwento ang isang lutuing Filipino. Ano nga ang pamagat ng
kuwentong pinakinggan ninyo kahapon? Ano ang naitulong ng arroz
caldo sa mga tauhan sa kuwento?

• Tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutin ang inyong tanong.


Pagkatapos nito, gabayan ang mga mag-aaral sa isang pangkatang
gawain.

• Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat—may limang kasapi ang


bawat pangkat. Ang bawat pangkat ay bubuo ng limang tanong
tungkol sa kuwentong Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Gagamitin
ng mga pangkat ang alinman sa mga salitang pantanong: Sino?
Ano? Paano? Kailan? Bakit? Kung kinakailangan, magbigay ng
halimbawa bago sila magsimulang gumawa ng tanong.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 11
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan (Halimbawa: “Sino si Lolo Waldo? Ano ang ginawa niya para
tulungan ang pamilya?”) Bigyan sila ng limang minuto para
makabuo ng kanilang mga tanong.

• Matapos ang limang minuto, tawagin ang isang pangkat. Itatanong


nila sa ibang pangkat ang isang tanong mula sa kanilang listahan.
Ang sasagot na pangkat naman ang susunod na magtatanong
ng isang tanong mula sa kanilang listahan sa iba pang pangkat.
Gawin ito hanggang ang lahat ng pangkat ay makapagtanong at
makasagot. Tiyaking wasto ang mga sagot na ibinibigay ng mga
pangkat sa mga tanong tungkol sa kuwento.

PAGSASANAY: PAGTUKOY SA MGA PANTIG


3 NA BUMUBUO SA MGA SALITA AT ANG TUNOG
NA BUMUBUO SA BAWAT PANTIG

• Isulat sa pisara ang sumusunod na mga salita: adobo, paksiw,

PY
tinola, sinigang, pinakbet.

Sabihin: May isinulat akong mga lutuing Filipino dito sa pisara.


Babasahin ko ito isa-isa. Kung kaya na ninyong sumabay sa pagbasa,
sabayan ninyo ako.
O
• Basahin ang mga salita. Ipaliwanag ang kahulugan ng bawat salita,
C
o tanungin ang mga bata kung nakakain na sila ng mga lutuing ito.
Pagkatapos, basahin at ipaliwanag ang bawat salita. Gabayan ang
mga mag-aaral sa pagpapantig ng mga ito.
D

Sabihin: Naaalala pa ba ninyo kung paano pumalakpak habang


E

nagpapantig ng salita? Subukan nating ipantig ang mga salita sa pisara.


Papalakpak tayo habang sinasabi ang bawat pantig.
EP

–– A- (habang pumapalakpak) -do- (habang pumapalakpak)


-bo (habang pumapalakpak)
D

–– Pak- (habang pumapalakpak) -siw (habang pumapalakpak)


–– Ti- (habang pumapalakpak) -no- (habang pumapalakpak)
-la (habang pumapalakpak)
–– Si- (habang pumapalakpak) -ni- (habang pumapalakpak)
-gang (habang pumapalakpak)
–– Pi- (habang pumapalakpak) -nak- (habang pumapalakpak)
-bet (habang pumapalakpak)

Sabihin: Ngayon naman, magbibigay ako ng isang salita sa bawat hanay.


Sa tulong ng inyong katabi, subukan ninyong tukuyin kung ano ang tunog
na bumubuo sa bawat pantig ng salitang ibinigay ko sa inyo.

Magbibigay ako ng halimbawa para makita ninyo ang gagawin ninyo.


Sa salitang kanin, ang dalawang pantig nito ay ka- at -nin.
Sa unang pantig na ka-, ang mga tunog na bumubuo dito ay k at a.
Sa pangalawang pantig na -nin, ang mga tunog na bumubuo dito ay n, i,
at n.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
12 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

Itanong: Naintindihan na ba ninyo kung ano ang inyong gagawin?


Bibigyan ko kayo ng limang minuto upang paghiwa-hiwalayin ang tunog
na bumubuo sa bawat pantig ng inyong salita.

• Itakda sa unang hanay ang adobo, sa ikalawang hanay ang paksiw,


sa ikatlong hanay ang tinola, sa ikaapat na hanay ang sinigang, at
sa ikalimang hanay ang pinakbet. Umikot sa buong klase upang
mapakinggan ang mga bata sa pagpapantig at paghihiwalay ng
tunog.

• Matapos ang limang minuto, tumawag ng ilang pares upang


sabihin ang kanilang pagpapantig at pagtutukoy sa tunog ng bawat
letra ng pantig. Iwasto ang kanilang paglalahad kung kinakailangan.

4 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa pinag-aralan


ngayong araw. Itataas nila ang kanilang hinlalaki (thumbs-up)

PY
kapag lubusan silang sumasang-ayon sa babanggitin ninyong
pangungusap, ituturo nila nang pababa ang hinlalaki kung lubusan
silang hindi sumasang-ayon (thumbs down), at ituturo nila nang
O
patagilid ang hinlalaki kung hindi sila sigurado kung sang-ayon sila
o hindi.
C
• Basahin ang sumusunod na pangungusap:

a. Alam ko kung bakit Arroz Caldo ni Lolo Waldo ang pamagat ng


D

kuwentong binasa kahapon.


b. May mga bago akong natutuhang salita tungkol sa lutuing
E

Filipino ngayong araw.


c. Alam ko kung paano pantigin ang mga salita.
EP

d. Alam ko kung paano paghiwalayin ang mga tunog na bumubuo


sa bawat pantig.
D

• Alamin kung sino ang mga mag-aaral na nagturo pababa ng


kanilang hinlalaki sa halos lahat ng pangungusap. Alamin din kung
alin sa mga nabanggit na kasanayan ang hindi pa gaanong alam ng
mga mag-aaral. Tutukan ang mga kasanayang ito sa susunod na
araw.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 13
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW lAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KP-IIIa-5 Nakikilala ang mga tunog na bumubuo sa pantig ng mga salita

• F1TA-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan


at sitwasyon

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO


(“ADOBO AT SINIGANG”)

• Magsagawa ng isang laro upang palawigin ang kaalaman ng mga


mag-aaral tungkol sa mga lutuing Filipino.

Sabihin: Ang pangalan ng laro natin ay “Adobo at Sinigang.” Kapag


sinabi kong adobo at tinuro ko kayo, magbabanggit kayo ng sangkap
na niluluto bilang adobo. Halimbawa: Adobong kangkong. Kapag sinabi

PY
ko namang sinigang at tinuro ko kayo, magbabanggit kayo ng sangkap
na niluluto bilang sinigang. Halimbawa: Sinigang na bangus. Iikot ako sa
buong klase habang nagsasabi ng “adobo-sinigang-adobo-sinigang.” Kapag
O
tumigil ako sa tapat ninyo at itinuro ko kayo, kailangang maging alisto
kayo sa sagot.
C
• Umikot sa buong klase habang nagsasabi ng “adobo-sinigang.”
Tumigil sa isang bata at magpabanggit ng anumang sangkap na
D

akma sa lutuin na huli ninyong binanggit. Gawin ito nang pito o


walong beses.
E

2
EP

PAGBABALIK-ARAL: MGA TUNOG NA


BUMUBUO SA PANTIG
D

• Humingi sa mga mag-aaral ng iba pang halimbawa ng mga pagkain


at lutuing Filipino at ilista ito sa pisara. Halimbawa: lumpia, balut,
penoy, puto, pansit, bibingka, pinakbet, dinengdeng.

• Pumili ng tatlong salita mula sa listahan na may dalawa o tatlong


pantig. Ipapantig sa buong klase ang mga salitang napili.

• Matapos pantigin, atasan ang bawat magkatabi na tukuyin ang mga


tunog na bumubuo sa bawat pantig. Bigyan ng halimbawa ang mga
mag-aaral kung paano ito gagawin.

• Halimbawa, maaaring sabihin: “Ang salitang balut ay may


dalawang pantig—ba- at lut-. Ang mga tunog sa pantig na ba- ay b
at a. Ang mga tunog sa pantig na -lut ay l, u, at t.”

• Bigyan ang mga mag-aaral ng limang minuto para sa gawaing


ito. Umikot sa buong klase upang matulungan ang mga pares na
nahihirapan pa sa gawaing ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
14 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

• Tumawag ng tatlong pares ng mag-aaral upang ilahad ang mga


tunog na bumubuo sa bawat pantig ng mga salitang itinakda.
Tumawag ng isang pares para sa bawat salita.

• Ipaguhit sa mga mag-aaral ang mga bagong salita na tinutukan


ngayong araw. Ipasulat din sa kanila ang salita para sa mga
pagkaing Filipino na ito.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan at


alalahanin ang mga tinalakay, ginawa, at natutuhan sa klase nitong
nakaraang mga araw. Maging handa para makapagbahagi tungkol
dito bukas.

LAYUNIN

PY ARAW
O
• F1PS-IIIa-4 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa loob

5
ng silid-aralan
C
• F1TA-0a-j-2 Nagagamit ang wika bilang tugon sa sariling pangangailangan at
sitwasyon
D

1
E

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


EP

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin na ibinigay kahapon.


Gamitin itong paghahanda para sa bahaginan tungkol sa mga
naobserbahan nilang pangyayari sa loob ng silid-aralan nitong
D

nakaraang linggo.

Sabihin: Sa inyong takdang-aralin, inatasan ko kayong tandaan


o alalahanin ang mga ginawa, tinalakay, at natutuhan natin ngayong
linggo. Ito ang magiging paksa ng bahaginan natin ngayong araw.
Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat
dito sa pisara:

Natandaan ko na ginawa natin sa klase


ang ___________ at ___________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang dagdag na gabay.


Halimbawa: “Natatandaan ko na ginawa natin sa klase ang pagbasa
ng kuwento at pagpapantig ng salita.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga


naobserbahan at ginawa.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 15
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Siguruhin na hindi lang paulit-ulit ang mga binabanggit na


obserbasyon. Kung kailangan, ipaalala sa kanila ang ilang gawain
na hindi pa nababanggit, katulad ng pag-awit ng kanta tungkol
sa pagkaing Filipino, paglaro ng “Adobo at Sinigang,” pagguhit,
pagbabahaginan, pagpupulso, at iba pa.

2 MULING PAGBASA NG KUWENTO:


ARROZ CALDO NI LOLO WALDO

• Ipakita sa mga mag-aaral ang pabalat ng libro. Tanungin sila kung


ano ang pamagat nito. Tulungan sila sa pagtukoy ng may-akda at
tagaguhit: si Becky Santos-Gerodias (may-akda) at si Bernadette
Solina-Wolf (tagaguhit).

• Basahin ang kuwento nang tuloy-tuloy. Huminto paminsan-


minsan upang ipapansin sa mga mag-aaral ang mga larawan at ang
kaugnayan nito sa sinasabi ng may-akda. Halimbawa, maaaring

PY
huminto sa sumusunod na mga bahagi:

Huminto sa p. 7
Itanong: Ano ang ginagawa ng bata dito sa larawan? Ano ang ibig
O
sabihin ng nakataas niyang hintuturo? Ano pa ang mga bagay na nasa
mesa? Ginagamit ba ninyo ito kapag kumakain kayo ng arroz caldo?
C
Huminto sa p. 9
Itanong: Ano ang napapansin ninyo dito sa larawan? Ano ang ginagawa
dito ni Lolo Waldo?
D

Huminto sa p. 11
E

Itanong: Ano ang ginagawa ng bata dito sa larawan? Ano kaya ang
nararamdaman niya dito?
EP

Huminto sa p. 15
Itanong: Nasaan ang batang bida dito sa larawan? Ano ang ginagawa
D

niya? Marami bang may gusto sa arroz caldo ni Lolo Waldo? Bilangin nga
ninyo ang mga tao dito sa pahina.

Huminto sa p. 19
Itanong: Pagmasdan ang larawan. Nasaan ang mga taga-ibang bayan na
dumarayo? Nasaan ang take-out na bintana? Nasaan ang taga-deliver na
de-motorsiklo?

• Matapos ang muling pagbasa, talakayin ang kuwento gamit ang alin
man sa sumusunod na tanong:

–– Paano ninyo ilalarawan si Lolo Waldo? Ano-ano ang ginawa


niya upang matulungan ang kaniyang anak at apo?
–– Ano-ano ang ginawa ng batang bida upang tulungan si Tatay
Sito at si Lolo Waldo?
–– Kung kayo ang bata sa kuwento, ano pa ang ibang puwede
ninyong gawin upang matulungan si Tatay Sito at si Lolo
Waldo?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
16 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 21

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod, na sasagutin nila nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa
bawat bata sa grupo): kusinero, negosyo, buntong-hininga,
umasenso, sinusuweldo, ikinararangal, mag-usyoso.

–– (Pumili lamang ng isa para sa bawat bata sa grupo.) Ano ang


mga tunog na bumubuo sa sumusunod na pantig?

(1) pan- at -sit
(2) pu- at -to

PY
(3) i- at -haw
(4) pe- at -noy
(5) ba- at -lut O
–– Alin sa mga salitang ito ang HINDI tungkol sa pagkaing
Filipino? (Pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo.)
C
(1) puto-tikbalang-kutsinta
(2) balut-penoy-bulaklak
D

(3) pansit-mangga-tsinelas
(4) lolo-adobo-pansit
E

(5) paksiw-sapatos-inihaw
EP

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakasusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
D

grupo, gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang ibang bata.


(Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtutukoy ng mga tunog sa bawat
pantig.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 17
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Magpaguhit sa mga mag-aaral ng larawan na nagpapakita ng paborito
nilang tagpo o eksena mula sa aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo.
Hikayatin silang magsulat ng ilang salita tungkol sa kanilang ginuhit.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Itanong sa inyong


kapamilya o kapitbahay kung paano magluto ng arroz caldo.
Maghandang magbahagi tungkol dito sa susunod na linggo.

PY
O
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
18 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

ARALIN

22
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Mga Bagay Tungkol sa Aking Kultura


E

READ ALOUD STORY: Arroz Caldo ni Lolo Waldo


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 19
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 22

Tema: Mga Bagay tungkol sa Aking Kultura


Read Aloud Story: Arroz Caldo ni Lolo Waldo
(Kuwento ni Becky Santos-Gerodias at Guhit ni Bernadette Solina-Wolf)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PL • F1PL-0a-j-3 • Pagbabalik-aral: Arroz Caldo ni Lolo
Naipamamalas ang paggalang sa Waldo
ideya, damdamin, at kultura ng
may-akda ng tekstong napakinggan

PY
1 o nabasa
PN • F1PN-IIIb-1.2 • Arroz caldo recipe sa dulo ng aklat
Nakasusunod sa napakinggang na Arroz Caldo ni Lolo Waldo
panuto na may 1–2 hakbang
O
EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagsasaayos ng mga Salita: Mga
C
Napagsusunod-sunod ang mga salita sangkap mula sa arroz caldo
batay sa alpabeto (unang letra recipe
D

ng salita)
E

2
EP

PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagsipi ng naisaayos na listahan


D

Nakasusulat nang may tamang laki ng salita


at layo sa isa't isa ang mga salita
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
20 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Pagbabahagi ng personal na karanasan
at paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi gamit ang mga halimbawang pangungusap
ng kanilang personal na karanasan bilang gabay

• Pagtatanong tungkol sa ilang detalye ng aklat • Pagsasagot ng tanong tungkol sa aklat

PY
• Pagbasa sa recipe at panuto sa pagluto • Pakikinig sa pagbasa ng recipe
• Paggabay sa pag-intindi ng mga salitang kilos • Pagsunod sa mga panuto na ibinibigay ng guro
na ginamit sa recipe • Pangkatang Gawain: Lutu-lutuan
O
• Paggabay sa gawaing lutu-lutuan
• Pangunguna sa pag-awit ng kantang • Pag-awit ng kantang “Alpabetong Filipino”
C
“Alpabetong Filipino” • Pagsagot sa mga tanong ukol sa
• Pagpapakita ng mga flash card ng salitang pagkakasunod sunod ng mga letra sa alpabeto
D

ipagsusunod-sunod ayon sa alpabeto • Pagsagot ng mga tanong tungkol sa


• Pagpapaliwanag kung ano ang batayan pagsasaayos ng mga salita sa flash card
E

sa pagsasaayos ng mga salita • Pagsabay sa pagbasa ng mga flash card


• Pagtatanong sa mga bata upang
EP

maisaaayos nila ang listahan ng salita


• Pagbasa ng mga salita sa listahan
• Pagbigay ng panuto sa pagsipi • Pagsipi ng listahan sa kanilang kuwaderno
D

• Pagpansin sa kakayanan ng mga bata sa pagsipi

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 21
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PT • F1PT-IIIb-2.1 • Mga babala sa paligid
Nababasa ang mga salita at babala
na madalas makita sa paligid

PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagsipi ng nabuong babala


Nakasusulat nang may tamang laki
3 at layo sa isa't isa ang mga salita

EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng


Napagsusunod-sunod ang mga salita salita ayon sa alpabeto
batay sa alpabeto (unang letra
ng salita)

PL • F1PL-0a-j-3 • Pagbabalik-aral: Mga pangyayari sa


Naipamamalas ang paggalang sa Arroz Caldo ni Lolo Waldo

PY
ideya, damdamin, at kultura ng
may-akda ng tekstong napakinggan
o nabasa
PT • F1PT-IIIb-2.1
O • Pag-uugnay ng ilang larawan sa
Nababasa ang mga salita at babala aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo
C
na madalas makita sa paligid sa konsepto ng pag-iingat at
4 mensahe ng mga babala
E D

PU • F1PU-IIIb-1.2 • Pagpapasipi ng napiling babala


Nakasusulat nang may tamang laki
EP

at layo sa isa't isa ang mga salita


D

WG • F1WG-IIIb-1 • Laro: “Bata-Tatay-Lolo”


Nagagamit ang magalang na
pananalita sa angkop na sitwasyon
5
EP • F1EP-IIIb-1.2 • Pagbabalik-aral: Pagsasaayos ng
Napagsusunod-sunod ang mga salita salita ayon sa alpabeto
batay sa alpabeto (unang letra
ng salita)
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
22 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbigay ng panuto sa gawaing magkapares • Gawaing Magkapares: Pagbubuo ng babala
• Pagsulat sa pisara at pagbasa sa mga mula sa mga salita sa flash card
nabuong babala • Paglalahad ng nabuong babala
• Pagtatanong tungkol sa kahalagahan ng babala • Pagsagot sa mga tanong tungkol sa babala
• Pagpili ng ipasisiping babala • Pagsipi ng babala
• Pagbigay ng panuto tungkol sa pagsisipi
• Pag-ikot sa klase at pag-alam ng kakayanan ng
bawat bata sa pagsipi at pagporma ng letra
• Pagtalakay sa takdang-aralin ng mga bata • Paglalahad tungkol sa kanilang ginawang
• Pagpapakita ng tamang pagsasaayos takdang-aralin
ng salitang itinakda • Pagpansin kung tama ang kanilang ginawang
• Pagbasa ng mga salita pagsasaayos
• Pagbigkas kasabay ng guro sa naisaayos
na listahan
• Pagpapakita ng mga larawan sa takdang pahina • Pagtanaw sa mga larawan at sa mga
• Pagtatanong tungkol sa mga larawan detalye dito

PY
• Pag-alala sa mga pangyayari
• Paglalahad tungkol sa mga naganap sa bawat
pahina na ipinapakita ng guro
• Pagtatanong tungkol sa sitwasyong ipinapakita
O
• Pagsagot sa mga tanong batay sa larawan
sa mga takdang larawan ng aklat • Pagbibigay ng mga paalala at dapat pag-ingatan
• Pagtatanong kung ano ang dapat tandaan
C
sa sitwasyong ipinakikita sa larawan
o pag-ingatan sa ganoong sitwasyon • Pagsunod sa pagbasa ng guro sa mga babala
• Pagsulat ng mga ilalahad na paalala at babala
D

mula sa mga larawan


• Pagbasa ng mga paalala at babala na nabuo
E

• Pagpili ng ipasisiping babala batay sa tugon • Pagsagot sa tanong ng guro


ng mga bata • Pagsipi ng babala sa kanilang kuwaderno
EP

• Pag-alam sa kakayanan ng mga bata sa


pagporma ng letra habang sinisipi nila
ang babala
D

• Paghati sa klase sa maliliit na grupo na tatluhan •


Pagsagawa ng laro
• Pagbigay ng panuto para sa laro •
Pagsunod sa panuto
• Pagtalakay ukol sa magalang na pananalita sa •
Pagbigay-galang sa kasapi na tatay o lolo
nakatatanda •
Pagsagot sa mga tanong ng guro
• Pagsulat at pagbasa ng mga salitang isasaayos •
Pakikinig at pagpansin sa mga salita
• Pagbigay ng mga panggabay na tanong •
Pagsagot sa tanong ng guro
sa pagsasaayos ng salita •
Pagtulong sa pagsaayos ng mga salita
ayon sa alpabeto
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 23
24
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng


may-akda ng tekstong napakinggan o nabasa

• F1PN-IIIb-1.2 Nakasusunod sa napakinggang panuto na may 1–2 hakbang

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin na ibinigay noong


nakaraang Biyernes. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabahagi
tungkol sa nakuha nilang impormasyon sa pagluluto ng arroz
caldo.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, hiniling ko sa inyo na kumausap ng

PY
kamag-anak o kapitbahay at itanong sa kanila kung paano magluto ng
arroz caldo. Sino sa inyo ang nakagawa nito? Natanong ba ninyo kung
ano-ano ang sangkap ng arroz caldo? Natanong ba ninyo kung paano ito
O
lutuin? Sa bahaginan natin ngayon, maglalahad kayo tungkol sa natutuhan
ninyo tungkol sa paggawa ng arroz caldo. Maaari ninyong gamitin ang
C
halimbawang panimula na nakalagay dito sa pisara:

Sa paggawa ng arroz caldo, kailangan ng sangkap na _____.


D

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang makita ng


mga mag-aaral kung ano ang dapat nilang gawin sa paglalahad.
E

Halimbawa: “Sa paggawa ng arroz caldo, kailangan ang malagkit na


EP

bigas.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong


nakapagbabahagi sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang
D

pangungusap kung kinakailangan.

2 PAGBABALIK-ARAL SA NAPAKINGGANG
KUWENTO

• Ipakita sa mga mag-aaral ang pabalat ng aklat na Arroz Caldo ni


Lolo Waldo. Tanungin sila kung ano ang pamagat ng libro at kung
ano ang niluluto ni Lolo Waldo sa larawan.

• Banggitin na sa dulo ng aklat, makikita ang panuto para sa


pagluluto ng arroz caldo. Ipakita ang p. 24 sa mga mag-aaral.

Sabihin: Babasahin ko ang recipe o panuto sa paggawa ng arroz caldo


na nakasulat dito sa aklat. Pakinggan ninyo ako. Habang binabasa ko
ang panuto, ikumpara ninyo ang mga binabanggit na sangkap at hakbang
sa pagluluto sa naitanong ninyo sa inyong kapamilya o kapitbahay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
24 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

• Basahin ang buong pahina para sa mga mag-aaral nang may talaan
damdamin. Habang binabasa ang mga hakbang, gumamit ng mga
kilos at galaw upang maipakita sa mga mag-aaral kung ano ang
ipinapagawa. Ipagaya sa mga bata ang galaw na ginagawa ninyo
habang binabasa ang panuto.

• Matapos basahin ang p. 24, isulat sa pisara ang sumusunod na mga


salitang kilos: painitin, igisa, ihalo/haluin, timplahan, idagdag.

• Talakayin ang kahulugan ng mga salitang kilos sa pamamagitan ng


pagtatanong:

a. painitin - Paano natin napapainit ang isang bagay kapag nagluluto?


Ano ang ginagamit ng inyong nanay kapag nagluluto? (Posibleng
sagot: Pagsalang sa kalan, pagsalang sa apoy) Ano ang salita na
pinagmulan ng painitin? Kapag pinainitan ang pagkain, malamig ba
ito? Ano ang kabaligtaran ng malamig?

b. igisa - Ano ang nilalagay sa mantika kapag naggigisa si Nanay


o si Tatay? Ano ang nakikita ninyong ginagawa kapag naggigisa?

PY
(Posibleng sagot: sibuyas, bawang, hinahalo ng mabilis sa
mantika) Ano ang naaamoy ninyo kapag may naggigisa ng bawang at
sibuyas? Gusto ba ninyo ang amoy ng panggisa?
O
c. ihalo/haluin - Paano ang galaw ng kamay at braso kapag may
hinahalo? Ipakita nga ninyo sa akin kung paano maghalo.
C
d. timplahan - Nakapagtimpla na ba kayo ng inumin? Ano ang tinimpla
ninyo? Ano ang ginagawa ninyo kapag nagtitimpla? Tinitikman ba ninyo
D

ang inyong tinimpla? Kapag sinabi sa panuto na timplahan ng kaunting


asin at paminta ang mga sangkap, ano kaya ang ibig sabihin nito?
E

(Posibleng sagot: lalagyan ng asin at paminta ayon sa panlasa)


EP

e. idagdag - Kapag nagdadagdag tayo sa pagluluto, ano ang ginagawa


natin? (Posibleng sagot: may inilalagay na iba pang sangkap)

• Basahing muli ang mga salita at ipabigkas din ang mga ito sa
D

mga mag-aaral, kasabay ng pagsasagawa nito upang makita ang


kahulugan ng salitang kilos. Halimbawa:

a. painitin: gumalaw na parang nagsisindi ng kalan at nagsasalang


ng kawali

b. igisa: igalaw ang braso at kamay na parang naghahalo nang


mabilis sa isang kawali

c. ihalo/haluin: igalaw ang braso at kamay nang paikot, na parang


may hinahalong sabaw

d. timplahan: kunwari nagbubudbod ng asin at paminta, ihalo, at


tikman ang niluluto

e. idagdag: kunwari naglalagay ng dagdag na sangkap sa niluluto

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 25
26
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

3 PAGSASANAY: PAGSUNOD SA PANUTO

• Gabayan ang klase sa paglalaro ng “lutu-lutuan.” Pakunwaring


magluluto ng arroz caldo ang mga bata habang sinusundan
BRIDGING ang panuto sa p. 24 ng aklat na Arroz Caldo ni Waldo.

• Maghanda ng lima hanggang anim na kagamitan para sa


Tanungin ang mga lutu-lutuan: maliliit na mangkok na kunwari ay kaserola, kutsara
mag-aaral kung may na kunwari ay sandok, mga ginayat-gayat na dahon, tangkay
ibang tawag sa mga ng halaman, bulaklak, lumang diyaryo, tubig, at iba pang mga
magagamit na kunwaring sangkap.
lutuing Filipino sa
kanilang Mother Tongue. • Hatiin ang klase sa maliliit na pangkat na may tigsasampung kasapi.
Ang bawat kasapi ay gagawa ng isang hakbang mula sa sampung
Halimbawa, ang nilagang
hakbang na nakalista sa panuto.
bulalo ng mga Tagalog
• Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagawa ng kanilang lutu-lutuan.
ay kansi sa mga Ilonggo.
Basahin ang bawat hakbang at pagmasdan ang mga grupo habang

PY
Ang binatog ay kinulti ginagawa nila ito. Tulungan ang mga mag-aaral kung kinakailangan.
sa Kapampangan. Ang
• Matapos mabasa at magawa ang lahat ng hakbang, pabalikin
bulanglang ay kahawig sa kanilang upuan ang mga bata. Ipabanggit sa kanila, ayon sa
O
ng dinengdeng ng Ilocos. pagkakasunod-sunod, ang mga hakbang na ginawa ng kanilang
pangkat sa lutu-lutuan ng arroz caldo. Tanungin kung ano ang
C
nakatulong sa kanila sa pagsunod sa panuto. Bigyang-diin ang
kahalagahan ng pagkakaintindi sa kahulugan ng salitang kilos
sa pagsunod sa panuto.
D

Itanong: Bakit kaya naglagay ng panuto sa pagluluto ng arroz caldo


E

ang may-akda? Mas naintindihan ba ninyo ang pagluluto ni Lolo Waldo


matapos nating alamin kung paano magluto ng arroz caldo? Bakit?
EP

4 PAGTATAPOS
D

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso sa pagkakaintindi ng mga


mag-aaral tungkol sa ginawa at tinalakay ngayong araw. Patayuin
ang lahat ng bata.

Sabihin: Ipakita sa akin ang galaw o kilos para sa sumusunod na salita:


painitin, igisa, ihalo/haluin, timplahan, idagdag.

• Tanungin ang mga mag-aaral kung aling salita ang hindi pa nila
lubusang naiintindihan. Ipaliwanag ang mga salitang nabanggit
bago tapusin ang klase.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
26 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-IIIb-1.2 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto


2
(unang letra ng salita)

• F1PU-IIIb-1.2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa


ang mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gabayan ang mga mag-aaral sa paglalahad ng kanilang karanasan


tungkol sa paglalaro ng lutu-lutuan.

Sabihin: Kahapon, pagkatapos nating basahin ang panuto sa


pagluluto ng arroz caldo, naglaro kayo ng lutu-lutuan. Nakapaglaro

PY
na ba kayo nito bago natin ito gawin sa klase? Sino ang madalas
maglaro ng lutu-lutuan? Ibahagi sa buong klase ang inyong ginagawa
kapag naglulutu-lutuan. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang
panimula na nakasulat sa pisara:
O
Kapag naglalaro ako ng lutu-lutuan, gumagamit ako
ng ____ at _____. ____ ang madalas na kunwari kong
C
lutuin/ang gusto kong kunwaring lutuin.

(Kung maglalaro ako ng lutu-lutuan, gagamit ako ng __


D

at ___. ____ ang gusto kong kunwaring lutuin.)


E

• Mabigay ng halimbawang pangungusap upang higit na magabayan


ang mga mag-aaral sa kanilang gagawin. Halimbawa: “Kapag
EP

naglalaro ako ng lutu-lutuan, gumagamit ako ng mga tangkay


at dahon ng halaman at mga pinaglumaang tasa at mangkok.
Ginisang gulay ang madalas na kunwari kong lutuin. (Kung
D

maglalaro ako ng lutu-lutuan, gagamit ako ng mga bulaklak at


lumang diyaryo. Pansit ang gusto kong kunwaring lutuin.)”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na nagtaas ng kamay nang tinanong


ang klase kung sino ang madalas maglaro ng lutu-lutuan. Kung
may iba silang nais sabihin na hindi sumusunod sa halimbawang
panimula, hayaan silang magbahagi sa paraang nais nila.

2 PAGBABALIK-ARAL:
PANUTO SA PAGLULUTO NG ARROZ CALDO

• Ipakitang muli ang pabalat ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo


upang ipaalala sa mga mag-aaral ang ginawa kahapon.

Sabihin: Kahapon, ginamit natin ang panuto para sa paggawa


ng arroz caldo na makikita dito sa aklat na Arroz Caldo ni
Lolo Waldo. Natatandaan ba ninyo kung ano ang mga sangkap

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 27
28
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan na nakalista sa panuto? Magbanggit nga kayo ng ilang sangkap na


natatandaan ninyo.

• Ihanda ang mga flash card kung saan nakasulat ang sumusunod na
sangkap: asin, paminta, manok, luya, sibuyas, bigas. Basahin sa
mga mag-aaral ang nakasulat dito.

• Kapag may mabanggit na sangkap ang mga bata, ikabit ang


akmang flash card sa pisara. Kapag hindi maalala ng mga bata ang
ibang sangkap, ipakita ang flash card at magbigay ng pahiwatig
kung ano ang tinutukoy. (Halimbawa, para sa asin: Ginagamit ito
para magdagdag ng alat sa lutuin.)

• Kapag naikabit na ang lahat ng flash card sa pisara, basahin ang


bawat salita at ipabigkas din sa mga mag-aaral.

3 PAGSASAAYOS NG MGA SALITA BATAY SA


PAGKAKASUNOD-SUNOD SA ALPABETO

PY
• Gamitin ang mga salitang nakapaskil sa pisara sa pagtuturo
kung paano isaayos ang mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod
sa alpabeto.
O
Sabihin: Kapag gumagawa tayo ng listahan, o kapag sumasangguni tayo
C
sa diksiyonaryo, o di kaya’y sa index ng mga libro, nakatutulong kung
alam natin kung paano pagsunod-sunorin ang mga salita ayon sa mga letra
ng alpabeto. Naaalala pa ba ninyo ang awiting “Alpabetong Filipino”?
D

Awitin nga natin muli.


E

• Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-awit ng kantang “Alpabetong


Filipino.” Maaari ding ituro ang bawat letra ng alpabeto sa alphabet
EP

chart na nakakabit sa silid-aralan habang inaawit ang bawat letra sa


kanta.

• Matapos umawit, magsagawa ng mabilisang tanong-at-sagot upang


D

matiyak na naiintindihan ng mga mag-aaral ang pagkakasunod-


sunod ng mga letra. Tanungin:

–– Alin ang nauuna: Ang letrang “H” o ang letrang “C”?


–– Alin ang nauuna: Ang letrang “K” o ang letrang “D”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “B” o ang letrang “Y”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “M” o ang letrang “E”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “I” o ang letrang “N”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “C” o ang letrang “Q”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “J” o ang letrang “L”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “F” o ang letrang “P”?
–– Alin ang nauuna: Ang letrang “V” o ang letrang “G”?

• Gamitin ang alphabet chart upang ipakita sa mga mag-aaral kung


tama o mali ang kanilang sagot sa bawat tanong. Matapos tiyakin
kung nakuha na ng mga mag-aaral ang konsepto ng pagkakasunod-
sunod ayon sa alpabeto, gamitin ang mga salita sa flash card bilang
pagsasanay sa pagsasaayos ng mga salita.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
28 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

Sabihin: Ngayon naman, pansinin natin ang mga salita dito sa mga talaan
flash card. Paano natin maisasaayos ang mga ito ayon sa pagkakasunod-
sunod nila sa alpabeto? Babasahin ko ang bawat salita. Pagkabasa
ko, sabihin ninyo sa akin kung ano ang unang letra ng salitang binasa
ko. Pagkatapos, sabihin ninyo sa akin kung saan ito dapat ipuwesto kung
aayusin natin ang mga flash card ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto.

Halimbawa, simulan natin sa salitang ito: Asin. Ano ang unang letra sa
salitang asin? Nasaan ang letrang “A” sa alpabeto—nasa simula, nasa
gitna, o nasa dulo? Kung nasa simula ang letrang “A,” saan ko dapat
ilagay itong salitang asin kung isasaayos natin ang mga flash card ayon sa
pagkakasunod-sunod sa alpabeto?

• Ilagay ang flash card ng asin sa mataas na bahagi ng pisara. Ito


na ang pagsisimulan ng listahan ng sangkap na nakaayos ayon sa
pagkakasunod ng mga letra ng alpabeto.

• Para sa iba pang mga salita sa flash card, tanungin ang sumusunod
upang gabayan ang klase sa pagsagot:

PY
–– Ano ang unang letra ng salitang ito?
–– Aling letra ang mauuna—ang letrang ito (ituro ang unang letra
ng salitang tinatalakay) o ang letrang ito? (ituro ang unang
O
letra ng salitang nakakabit na sa pisara ayon sa pagkakaayos ng
alpabeto.)
C
• Kapag natapos na ang talakayan at pagsasaayos ng mga flash card,
basahin ayon sa pagkakasunod-sunod ang mga salita at pasabayin
D

ang mga bata:


E

–– asin
–– bigas
EP

–– luya
–– manok
–– paminta
D

–– sibuyas

• Ipasipi sa mga mag-aaral ang naisaayos na listahan ng sangkap


ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga letra sa alpabeto.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpatulong sa


inyong magulang o nakatatandang kapatid sa pagsasaayos ng mga
salitang ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto: sunog, init,
mapaso, kalan, babala, lason.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 29
30
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3 sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PT-IIIb-2.1 Nababasa ang mga salita at babala na madalas makita sa paligid

• F1PU-IIIb-1.2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa


ang mga salita

• F1EP-IIIb-1.2 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto


(unang letra ng salita)

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabahagi tungkol sa mga dapat


pag-ingatan kapag nagluluto o kapag tumutulong sa nakatatanda sa

PY
kusina.

Sabihin: Noong isang araw, naglaro tayo ng lutu-lutuan sa klase.


Kunwari lang ang pagluluto sa lutu-lutuan. Pero nakatulong na ba kayo
O
sa totoong pagluluto sa bahay? Sino sa inyo ang nakatulong na sa mas
nakatatanda sa pagluluto sa inyong kusina? Itaas ang kamay. Ano ang
mga dapat tandaan at pag-ingatan kapag tumutulong ang isang bata sa
C
kusina? Ito ang paksa natin ngayong araw sa ating bahaginan. Maglahad
sa buong klase ng isang bagay na dapat tandaan o pagkaingatan kapag
D

tumutulong sa kusina. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula


na nakasulat sa pisara:
E

Kapag tumutulong sa kusina, ito ang dapat tandaan/


EP

pag-ingatan: _______________.
• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang ipakita sa mga bata
kung ano ang kanilang gagawin sa paglalahad. Halimbawa: “Kapag
D

tumutulong magluto sa kusina, ito ang dapat tandaan: Gumamit ng


guwantes pangkusina o makapal na basahan kapag hahawakan ang
mainit na kawali o kaserola upang hindi mapaso.”

• Tumawag ng mga bata na nagtaas ng kanilang kamay nang


tanungin ang klase tungkol sa pagtulong sa kusina. Kung kailangan,
tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap o sa paghanap
ng akmang salitang Filipino upang mailahad ang kanilang ideya.

2 PAGBABALIK-ARAL

Pagsasaayos ng Salita ayon sa Pagkakasunod-sunod sa


Alpabeto
• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon para sa
pagbabalik-aral tungkol sa pagsasaayos ng mga salita ayon sa
pagkakasunod-sunod sa alpabeto.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
30 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

Sabihin: Para sa inyong takdang-aralin kahapon, ipinaayos ko sa talaan


inyo, sa tulong ng nakatatandang kapamilya, ang sumusunod na salita:
sunog, init, mapaso, kalan, babala, lason. Tingnan natin
ngayon kung wasto ang pagsasaayos na isinagawa ninyo.

• Ikabit sa pisara ang mga flash card kung saan nakasulat ang mga
salitang ibinigay sa takdang-aralin. Gawin muli ang pagtatanong
na isinagawa kahapon:

–– Ano ang unang letra ng salitang ito?


–– Nasaan ang letrang ito sa pagkakasunod-sunod ng alpabeto: Sa
bandang simula, sa bandang gitna, o sa bandang huli?
–– Aling letra ang mauuna—ang letrang ito (ituro ang unang letra
ng salitang tinatalakay) o ang letrang ito? (ituro ang unang
letra ng salitang nakakabit na sa pisara ayon sa pagkakaayos ng
alpabeto)

• Gamiting muli ang alphabet chart upang kumpirmahin kung tama


nga ang pagkakasunod-sunod ng mga salita matapos isaayos.

PY
Basahin ang mga salita ayon sa alpabetikong pagkakasunod-sunod,
at pasunurin ang mga mag-aaral sa pagbabasa:

–– babala
O
–– init
–– kalan
C
–– lason
–– mapaso
–– sunog
D

3
E

MGA BABALA AT BABASAHIN SA PALIGID


EP

• Ipapansin sa mga mag-aaral ang mga salitang naisaayos sa pisara.

Itanong: Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito? May


D

kaugnayan ba ang mga salitang ito sa pinag-usapan natin sa bahaginan


kanina?

• Matapos makakuha ng tugon mula sa ilang mag-aaral, ipabatid sa


klase na ang mga salita sa flash card ay kadalasang mababasa o
makikita sa mga babala. Ipaalala sa mga mag-aaral ang kahulugan
ng salitang babala na tinalakay na noong ikalawang markahan.
Tanungin ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng babala.
Isulat ito sa pisara:

babala: paalala, dapat iwasan, o pag-ingatan

• Gabayan ang mga mag-aaral sa talakayang pandalawahan. Basahing


muli para sa kanila ang mga salita sa flash card. Pabuuin ang mga
magkapares ng isa o higit pang pangungusap na maaaring gamiting
babala tungkol sa pagluluto, gamit ang mga salita sa flash card.
Bigyan sila ng tatlong minuto para sa gawaing ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 31
32
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng limang kapares at


ipalahad sa kanila ang kanilang nabuong babala. Isulat sa pisara
ang kanilang ilalahad. Kung kailangang dagdagan ng salita o kung
kailangang ayusin ang porma ng pangungusap, isulat na sa tamang
kaayusan ang inilahad ng bata at basahin itong muli para sa klase.

Halimbawa:
–– Babala: Mainit. Baka mapaso.
–– Babala: Iwasang lumapit sa nakasinding kalan.
–– Babala: Patayin ang apoy sa kalan kapag tapos nang magluto.
Baka maging sanhi ng sunog.
–– Babala: Basahin ang nakasulat sa bote o pakete. Baka may
lason.

• Basahin ang mga nabuong babala para sa buong klase. Hayaang


sumabay ang mga mag-aaral kung kaya na nilang magbasa.
Talakayin ang bawat babala upang masiguro na naintindihan
ng mga bata ang ipinapaalala ng mga ito. Maaaring gamitin ang

PY
sumusunod na tanong:
–– Ano ang maaaring mangyari kapag hindi natin sinunod ang
babalang ito?
O
–– Bakit mahalagang sumunod sa mga babala?
C
• Ipasipi sa mga mag-aaral ang pinakamaikling babala na nakasulat
sa pisara. (Babala: Mainit. Baka mapaso.) Umikot sa klase habang
sinusulat ng mga mag-aaral ang babala sa kanilang kuwaderno at
D

pansinin kung maayos na ang paggamit nila ng malaki at maliit


na letra at kung akma ang paglalagay nila ng espasyo sa kanilang
E

pagsusulat.
EP

4 PAGTATAPOS
D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipabasa o ikuwento


sa nakatatandang kapamilya ang babala na isinulat ninyo sa inyong
kuwaderno. Tanungin sila kung may iba pa silang alam na babala o
paalala upang maiwasan ang aksidente sa inyong kusina, hardin, o iba
pang bahagi ng inyong tahanan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
32 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura ng


may-akda ng tekstong napakinggan o nabasa

• F1PT-IIIb-2.1 Nababasa ang mga salita at babala na madalas makita sa paligid

• F1PU-IIIb-1.2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa


ang mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon bilang paksa


ng bahaginan ngayong araw. Gabayan ang mga mag-aaral sa
paglalahad ng mga babala o paalala na narinig nila mula sa mga

PY
nakatatanda tungkol sa dapat pag-ingatan sa kusina, hardin, o iba
pang bahagi ng tahanan.

Sabihin: Kahapon, takdang-aralin ninyo na ipabasa o ikuwento


O
ang babalang sinulat ninyo sa kuwaderno sa isang nakatatandang
kapamilya. Ipinatanong ko rin sa inyo kung may iba pa silang alam na
C
babala o paalala upang maging ligtas kayo sa inyong tahanan—sa kusina,
sa hardin, o sa iba pang bahagi ng bahay. Ito ang pagbabahaginan natin
ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na
D

nakasulat sa pisara:
E

Ang sabi ng aking ____, dapat daw maging maingat


sa aming ____. Dapat daw tandaang __________.
EP

• Magbigay ng halimbawang pangungusap bilang gabay sa mga


mag-aaral. Halimbawa: “Ang sabi ng aking kapatid, dapat daw
maging maingat sa aming hardin. Dapat daw tandaang nakalalason
D

ang mga kemikal na abono at pestisidyo, kaya hindi ito dapat


paglaruan.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaaanong


nakapaglalahad sa buong klase. Tulungan sila sa pagbubuo
ng pangungusap at pagpapahayag ng kanilang ideya kung
kinakailangan.

2 PAGBALIK-ARAL SA KUWENTO:
ARROZ CALDO NI LOLO WALDO

• Ipakita sa mga mag-aaral ang pabalat ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo


Waldo. Ipaalala sa kanila ang may-akda (Becky Santos-Gerodias) at
tagaguhit (Bernadette Solina-Wolf) ng aklat, at tanungin kung ano
ang pamagat nito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 33
34
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Iugnay ang ilang lokasyon at sitwasyon na makikita sa kuwento


sa paksa ng pag-iingat at pagsunod sa mga babala o paalala.

Sabihin: Kanina, sa ating bahaginan, nakarinig tayo ng ilang babala at


paalala tungkol sa mga dapat pag-ingatan at tandaan upang maging ligtas
sa ating tahanan. Ngayon naman, ilagay natin ang sarili natin sa mga
sitwasyon o lugar na makikita rito sa aklat na Arroz Caldo ni Lolo
Waldo. Ano kaya ang mga dapat pag-ingatan kung tayo ang malagay
sa ganitong mga lugar o sitwasyon? Pagmasdan natin ang ilang larawan
mula sa libro. May itatanong ako tungkol sa bawat larawan upang
magabayan kayo. Pag-uusapan ninyo ng inyong katabi ang larawan at
sasagutan ninyo ang aking tanong. Pagkatapos ay tatawag ako ng ilang
mag-aaral upang sumagot.

• Balikan ang ilang pahina ng aklat na Arroz Caldo ni Lolo Waldo


upang tulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng mga bagay na
dapat tandaan o ingatan kapag mangyari sa kanila ang sitwasyong
ipinapakita sa larawan. Ipakita ang sumusunod na pahina
at itanong:

PY
Ipakita ang p. 1 (pahina pagkabukas ng pabalat): Nasaan si
Lolo Waldo dito? Ano ang nakikita ninyo sa ilalim ng kaldero?
Ano ang dapat pag-ingatan kapag may nakasalang sa kalan?
O
(Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa:
Bantayan ang nakasinding kalan. Patayin ang apoy kapag tapos
C
nang magluto. Gumamit ng pot holder o guwantes kapag hahawak
sa mainit na kaldero o kawali.)
D

Ipakita ang p. 2: Ano ang hawak ni Tatay Sito dito? Ano kaya
ang ginagawa niya? Ano ang dapat tandaan sa paghawak o paggamit ng
E

gunting at iba pang matalas na bagay?


(Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa:
EP

Hawakan ang gunting mula sa mga butas. Isara ang talim ng


gunting kapag hindi ginagamit. Huwag ituro palabas ang matulis
na bahagi kapag naglalakad upang hindi makasakit ng iba.)
D

Ipakita ang pp. 6-7: Bakit kaya umuusok ang kaldero at ang laman
ng mangkok ni Tatay Sito? Ano ang dapat tandaan kapag kumakain
ng mainit at umuusok na pagkain?
(Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa:
Hipan muna o palamigin nang bahagya ang umuusok na pagkain
upang hindi mapaso sa pagsubo.)

Ipakita ang pp. 16-17: Ano ang ginagawa ni Tatay Sito dito? Saan
siya nakatungtong? Ano ang dapat pag-ingatan kapag gumagamit ng pako
at martilyo? Ano ang dapat tandaan kapag nakatungtong sa isang bagay
upang maabot ang isang mataas na lugar?
(Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa:
Tingnan nang mabuti ang ipinapako kapag nagmamartilyo.
Iwasang matamaan ang daliri at hindi ang pako. Siguruhing
matibay ang tinutungtungan. Kung kailangan, ipahawak sa iba
ang tungtungan upang lalong tumibay ang tinatapakan.)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
34 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

Maaari ding itanong: Ano ang hawak-hawak ng batang bida dito talaan
sa larawan? Babasagin kaya ang mga ito? Ano ang dapat tandaan kapag
nagbubuhat ng maraming maselan o babasaging gamit?
(Isulat sa pisara ang makukuhang babala o paalala. Halimbawa:
Maging maingat sa paghawak ng mga babasagin. Bagalan ang
paglakad upang hindi madapa, makabasag ng gamit, at makatapak
sa bubog.)
Itanong sa mga bata: Alin sa mga sitwasyong ito ang
pinakamadalas ninyong nararanasan? Aling babala o paalala ang
dapat ninyong palaging tandaan?

• Batay sa isasagot ng mga mag-aaral, isulat ang


pinakamakabuluhang babala o paalala para sa kanila mula sa mga
napag-usapan at isulat ito sa malalaking letra sa pisara, na parang
ganito:

Babala! Mag-ingat!

PY
Hawakang mabuti ang mga babasagin.

• Basahin ang babala para sa klase. Ipaulit ang pagbasa nito sa


mga mag-aaral. Ipasipi sa mga mag-aaral ang babala sa pisara sa
O
kanilang kuwaderno. Ipaalala na dapat gumamit ng malaking letra
sa simula ng bawat pangungusap. Umikot sa klase at pansinin kung
C
kaya na ng lahat ng mag-aaral ang pagsulat nang may tamang laki
at layo ang mga salita. Turuan ang mga bata kung hindi pa nila ito
D

kayang gawin.
E

3
EP

PAGTATAPOS

• Gumawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa naintindihan ng


D

mga mag-aaral sa talakayan ngayong araw. Patayuin ang lahat ng


bata. Pakikinggan nila ang mga babanggitin ninyong pangungusap,
at uupo sila kapag narinig nila ang pangungusap na naglalarawan
sa dami ng natutuhan nila ngayong araw. Sabihin nang malakas
ang sumusunod:

a. Umupo ang lahat ng mag-aaral na may napulot o naintindihang apat


o higit pang babala o paalala ng pag-iingat ngayong araw.
b. Umupo ang lahat na may naintindihang dalawa hanggang tatlong babala
o paalala ngayong araw.
c. Umupo ang lahat na may napulot o naintindihang isang babala o paalala
ngayong araw.

• Kung may nananatili pang nakatayo, tanungin ang mga batang


ito kung ano ang hindi pa malinaw tungkol sa babalang nakasulat
sa pisara, o tungkol sa iba pang babala na napag-usapan ngayong
araw. Bigyan ng maikling paliwanag ang bagay na hindi pa
lubusang naintindihan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 35
36
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIb-1 Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon

• F1EP-IIIb-1.2 Napagsusunod-sunod ang mga salita batay sa alpabeto


(unang letra ng salita)

1 PANIMULANG GAWAIN:
LARO (“BATA-TATAY-LOLO”)

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang mga tauhan sa kuwentong


Arroz Caldo ni Lolo Waldo. Tanungin sila kung sino ang tatlong
pangunahing tauhan. Isulat sa pisara ang mga salitang Bata-Tatay-
Lolo.

• Ipaliwanag sa klase na maglalaro sila ng “Bata-Tatay-Lolo.” May

PY
pagkakatulad ang larong ito sa “Open the Basket.” Hatiin ang klase
sa tatlong grupo. (Maaaring magbilang nang isa hanggang tatlo.)
Ang mga nasa Pangkat 1 ang mga bata, ang nasa Pangkat 2 ang
O
mga tatay, at ang Pangkat 3 ang mga lolo.

• Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang dapat tandaan kapag
C
may kausap na nakatatanda, katulad ng tatay o lolo. Ano ang
paraan upang magpakita ng paggalang sa nakatatanda? Bakit dapat
gumamit ng po at opo kapag kausap ang nakatatanda? Ipaliwanag
D

na sa larong ito, may pagkakataon na sila ay magiging bata at


may pagkakataon na sila ay magiging nakatatandang tatay o lolo.
E

Kailangan nilang sabihin sa magalang na paraan ang tanong na


EP

“Masarap ba ang arroz caldo?” kapag sila ang nakababata.


Kapag sila naman ang tinanong ng kanilang kagrupo, kailangan
nilang sumagot sa tamang paraan. Magdadagdag sila ng po o opo
D

sa kanilang sagot kung sila ang nakababata.

• Sa unang paglalaro, magpapares at maghahawak-kamay ang


isang bata at isang tatay. Nasa loob ng kanilang bilog ang
isang lolo. Habang nasa ganito silang ayos, atasan ang bata at
tatay na magmano at magbigay paggalang sa lolo na nasa gitna
nila. Kailangan din nilang gawing magalang ang pagtanong ng
pangungusap na “Masarap ba ang arroz caldo?” sa pamamagitan
ng pagdagdag ng salitang po. “Masarap po ba ang arroz caldo?”
Kapag tinanong sila ng kanilang kagrupo, sasagot sila sa tamang
porma. “Opo, masarap po.” (ang isasagot kung ang nagtanong ay
nakatatanda) “Oo, masarap.” (ang isasagot kung ang nagtanong ay
mas bata)

• Sasabihin nang malakas at paulit-ulit ng guro (o ng taya, kung may


sobrang bata) ang mga salitang Bata-Tatay-Lolo. Kung ano ang
huling babanggiting salita (halimbawa: Tatay), iyon ang aalis sa
kanilang grupo at hahanap ng mapapasukang bilog o basket. Ang

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
36 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

mga lolo naman na noong una’y nasa gitna ay magiging kapares talaan
na ng naiwan na bata. Kapag nasa gitna na ang tatay, kailangan
niyang magmano sa lolo, at kailangan namang magmano sa kaniya
at sa lolo ang bata. Itatanong din ng bawat isang kasapi ng grupo,
sa tamang porma, ang tanong na “Masarap ba ang arroz caldo?”
Kapag tanungin ng tatay ang lolo, lalagyan niya ito ng po. Kapag
tanungin ng lolo ang tatay, hindi niya kailangang magdagdag ng
po. Kapag bata ang nagtatanong sa tatay o lolo, kailangan niyang
magdagdag ng po. Sasagot din sa tamang porma ang mga kasapi
pagkatapos silang tanungin ng kanilang kagrupo.
• Ulitin ang laro nang tatlong beses. Siguruhin na ang lahat ng
mga tauhan ay mapapatakbo at mapapahanap ng ibang pares.
Siguruhin din na nagagawa ng mga pares ang pagmamano at
paggamit ng po at opo sa dapat pagbigyang-galang sa grupo.
• Sa pagtatapos ng laro, pabalikin ang mga mag-aaral sa kanilang
silya. Tanungin sila kung paano sila nagpapakita ng galang sa

PY
mga nakatatanda, bukod pa sa pagmamano. Tumawag ng ilang
mag-aaral upang maglahad tungkol sa magalang na pananalita sa
harap ng klase. O
2 PAGBABALIK-ARAL: PAGSASAAYOS NG SALITA
C
AYON SA ALPABETO

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang pinag-aralan tungkol sa pagsasaayos


D

ng mga salita ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto. Ituro ang


mga salitang Bata-Tatay-Lolo na nakasulat sa pisara.
E

Itanong: Kung isasaayos natin sa isang listahan ang mga salitang


EP

ito ayon sa pagkakasunod-sunod sa alpabeto, aling salita ang dapat


mauna? Bakit ninyo nasabi iyon? Nasaan ang unang letra ng salitang ito
sa alpabeto? (Ipaturo sa isang mag-aaral ang letra sa alphabet chart.
D

Ipaturo din ang unang letra ng iba pang salita.) Alin naman ang
susunod? Alin ang mahuhuli?
• Isulat ang naisaayos na listahan sa pisara:
–– bata
–– lolo
–– tatay

Sabihin: Kung idaragdag ko ang salitang kapatid at nanay sa


listahan, saan sila ipupuwesto?
• Isulat ang salitang nanay at kapatid sa ibang bahagi ng pisara.
Itanong kung ano ang unang letra ng mga salitang ito. Ipatukoy
kung saan dapat ang puwesto ng dalawang salita sa kasalukuyang
listahan at kung bakit.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 37
38
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Isulat sa tamang puwesto ang dalawang salita:


–– bata
–– kapatid
–– lolo
–– nanay
–– tatay

• Ipasipi sa mga mag-aaral ang listahan. Habang kinokopya ng


karamihan ng mga bata ang listahan, simulan na ang pagtataya ng
isang pangkat ng bata.

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang pinag-
aralan sa linggong ito. Itanong sa mga bata mag-aaral sumusunod.
Sasagutin nila ito nang palahad.

PY
–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,
o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para
sa bawat bata sa grupo): painitin, igisa, ihalo/haluin,
O
timplahan, idagdag.
C
–– Magbanggit ng isang babala o paalala na natutuhan mo ngayong
linggo.
D

–– Subukang basahin ang mga salitang ipapakita ko sa flash card:


lolo, arroz caldo, babala, mag-ingat, ang, mga, si, tatay,
E

bata.
EP

–– (Pumili lamang ng isa para sa bawat bata sa grupo. Isulat sa mga


card ang bawat grupo ng salita, basahin, at ipakita sa mga bata.)
Ano ang dapat mauna sa mga salitang ito kung isasaayos ayon sa
alpabeto? Ano ang dapat nasa gitna? Ano ang dapat mahuli?
D

(1) Waldo, Sito, Lito


(2) Ana, Sonia, Cathy
(3) Janet, Lina, Alice
(4) Nina, Bing, Yolly
(5) Jose, Luis, Chito
(6) Pablo, Dina, Gorio
(7) Maria, Elena, Totoy

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat at gumuguhit naman sa kanilang kuwaderno ang
ibang mga bata. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
38 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 22

madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa talaan


talasalitaan, ngunit hindi pa sa paglalahad ng natutuhang babala o
paalala.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Ipagpatuloy ang pagpapasipi ng listahan sa mga mag-aaral. Kapag
tapos na sila sa pagsulat ng listahan, magpaguhit sa kanila ng
isang pamilya na nagpapakita ng mga miyembro na nailista nila sa
kuwaderno.

4 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Subukang sumama
sa inyong magulang o iba pang kapamilya kapag mamimili sila sa
palengke. Magtanong tungkol sa mga makikita ninyong paninda
O
habang nandoon kayo. Maghandang magbahagi tungkol sa inyong
karanasan sa susunod na linggo.
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 39
YUNIT 3 ARALIN 23

ARALIN

23
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Mga Lugar Sa Aming Komunidad


E

READ ALOUD STORY: Araw sa Palengke


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 41
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 23

Tema: Mga Lugar Sa Aming Komunidad


Read Aloud Story: Araw sa Palengke (Kuwento ni May Tobias-Papa at Guhit ni Isabel Roxas)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng mga
Nakapaglalarawan ng mga bagay, nakita sa palengke (pagtalakay ng
tao, hayop, pangyayari, at lugar takdang-aralin)

PY
1
KM • F1KM-IIIb-1 • Pagsipi sa talasalitaan
Nasisipi nang wasto at malinaw
O
ang mga salita sa huwaran
PT • F1PT-IIb-f-6 • Pagpapaunlad ng Talasalitaan: Mga
C
Natutukoy ang kahulugan ng salita salita mula sa Araw sa Palengke
batay sa kumpas, galaw, ekspresyon
D

ng mukha; ugnayang salita-larawan


PN • F1PN-IIIc-14 • Read Aloud Story: Araw sa
E

Nasasabi ang sariling ideya Palengke


tungkol sa tekstong napakinggan
EP

PL • F1PL-0a-j-4
2
Napapahalagahan ang mga tekstong
pampanitikan sa pamamagitan ng
D

aktibong pagsali sa mga gawaing


pampanitikan
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
42 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Pagbabahagi ng personal na karanasan
at paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi gamit ang mga halimbawang pangungusap
ng kanilang personal na karanasan bilang gabay

• Pagpapaliwanag at pagtatanong tungkol sa • Paglalahad ng karanasan sa palengke


salitang naglalarawan • Pagpares ng mga salitang naglalarawan
• Paglista ng mga salitang naglalarawan na sa iba pang salita o pangngalan
ibibigay ng mga bata sa porma ng graphic • Pagbibigay ng mga salitang naglalarawan
organizer sa palengke

PY
• Pagbigkas ng mga nailistang salita
sa graphic organizer
• Pagsulat at pagbasa ng mga salita • Pagsipi ng talasalitaan
at kahulugan sa pisara • Pagsunod sa pagbasa ng guro
O
• Pagsulat ng mga tututukang salita sa pisara • Pakikinig sa guro
C
• Pagbibigay ng pangungusap na gamit ang salita • Pagmasid sa larawan
at pagpapakita ng larawan para sa ilang salita • Pagsagot sa mga tanong ng guro
D

• Pagtatanong sa mga bata • Paggamit ng mga salita sa sariling pangungusap


• Pagtatanong matapos basahin ang kuwento • Pagsagot ng tanong matapos basahin
E

ang kuwento
EP

• Pagbasa sa kuwento • Pakikinig sa kuwento


• Pagtatanong habang binabasa ang kuwento • Pagsagot sa mga tanong ng guro habang
binabasa ang kuwento
D

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 43
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IIIc-14 • Pagbabalik-aral: Araw sa Palengke
Nasasabi ang sariling ideya
tungkol sa tekstong napakinggan

WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng bagay


Nakapaglalarawan ng mga bagay, na makikita sa isang pahina ng Araw
tao, hayop, pangyayari, at lugar sa Palengke
PS • F1PS-IIIc-10.1 • Read Aloud Story: Araw sa
Nakapagtatanong tungkol sa Palengke
napakinggang kuwento

PY
KP • F1KP-IIIc-8 • Pangkatang pag-iisip ng mga
4
Natutukoy ang mga salitang salitang katugma ng ibinigay na
magkakatugma
O salita ng guro
C
D

KP • F1KP-IIIc-8 • Paghahanap ng mga salitang


Natutukoy ang mga salitang magkatugma mula sa flash card
E

magkakatugma na hawak ng iba pang kaklase


EP

KM • F1KM-IIIb-1 • Pagsipi sa mga pares ng salitang


D

Nasisipi nang wasto at malinaw magkatugma


ang mga salita sa huwaran
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
44 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagsagawa ng picture walk • Pagmasid sa mga larawan ng aklat
• Paghikayat sa mga batang magkapares • Pakikipag-usap sa kapares tungkol
na pag-usapan kung ano ang nangyayari sa sa nagaganap sa bawat pahina
bawat pahina • Paglahad sa buong klase ng kanilang sagot
• Pagtawag ng mga pares para magpahayag • Pagsagot sa mga tanong
ng kanilang sagot sa buong klase • Paghahanda para sa dula-dulaan
• Pagtatanong tungkol sa kuwento
• Pagbibigay ng panuto para sa pagsagawa ng
dula-dulaan
• Pagpapakita ng takdang pahina • Pagmasid sa larawan
• Paghikayat sa mga bata na maglahad tungkol • Paglalahad tungkol sa pahina gamit ang
sa isang bagay na makikita sa larawan salitang naglalarawan
• Paggabay sa pagpapalabas ng inihandang • Pagganap sa dula-dulaan
dula-dulaan • Panonood sa ibang pangkat
• Paggabay sa pangkatang pagbubuo ng tanong • Pagbubuo ng tanong para sa ibang pangkat
tungkol sa mga kaganapan sa dula-dulaan/ • Pagsagot sa tanong ng ibang pangkat

PY
kuwento
• Pagpapaliwanag ng konsepto ng salitang • Pangkatang pag-iisip ng mga salitang katugma
magkatugma • Paglalahad ng sagot
• Pagbibigay at pagbasa ng salitang hahanapan
O
• Pagsipi sa talahanayan
ng katugma
• Paghanda ng talahanayan
C
• Pagsulat ng mga salitang isasagot ng mga
bata sa talahanayan
D

• Paghahanda ng mga flash card bago magsimula • Pagbunot ng flash card


ang klase • Paghanap ng mga kaklase na may hawak
E

• Pagpapabunot ng isang card mula sa basket na salitang katugma


para sa bawat mag-aaral • Pagsunod sa pagbigkas ng mga salita
EP

• Pagbigay ng panuto para sa gawain


• Pagbasa ng mga salitang magkatugma
• Pagdikit ng mga flash card sa pisara • Pagsipi ng napiling pares ng salita
D

• Pagbigay ng panuto sa mga bata • Pagguhit ng larawan upang ipakita


ang kahulugan ng napiling salita
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 45
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa

1 paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari,


at lugar

• F1KM-IIIb-1 Nasisipi nang wasto at malinaw ang mga salita sa huwaran

• F1PT-IIb-f-6 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kumpas, galaw,


ekspresyon ng mukha; ugnayang salita-larawan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay noong nakaraang Biyernes


para sa bahaginan ngayong araw. Magpalahad sa mga mag-aaral
ng kanilang karanasan nang sumama sila sa isang kapamilya

PY
papuntang palengke.

Sabihin: Ang tema natin sa linggong ito ay tungkol sa mga lugar sa ating
komunidad. May napuntahan ba kayong lugar sa inyong komunidad nitong
O
Sabado at Linggo? Nakapunta ba kayo sa palengke katulad ng ibinilin
ko sa inyo bilang takdang-aralin noong nakaraang Biyernes? Sino rito ang
C
nakapunta sa palengke?

Para sa bahaginan natin ngayon, tatawag ako ng ilan sa inyo upang


D

maglahad ng nakita, naamoy, at naramdaman ninyo sa palengke.


Ilarawan ninyo sa inyong kamag-aral ang palengkeng pinuntahan ninyo.
E

Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa


EP

pisara:

Nang magpunta ako sa palengke, nakakita ako ng _____


na _____. Nakahawak ako ng _____ na _______. Nakaamoy
D

din ako ng _______ na _________.

• Magbigay ng halimbawang paglalahad upang mas luminaw sa mga


mag-aaral ang gagawin nila. Halimbawa: “Nang nagpunta ako
sa palengke, nakakita ako ng karne na mapula. Nakahawak ako
ng damit pambahay na malambot. Nakaamoy din ako ng isda na
malansa.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na maglalahad ng kanilang


karanasan sa harap ng klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng
kanilang pangungusap kung kinakailangan. Pakinggang mabuti
ang mga salitang ginagamit nila upang ilarawan ang mga bagay
na nakita nila. Isulat sa pisara ang mga salitang naglalarawan na
babanggitin nila, pati na ang mga salitang naglalarawan na ginamit
ninyo sa sarili ninyong halimbawang pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
46 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

talaan

2 TALAKAYAN:
MGA SALITANG NAGLALARAWAN

• Matapos ng paglalahad ng mga napiling mag-aaral, ipapansin sa


mga bata ang mga salitang naglalarawan sa pisara.

Sabihin: Tingnan ninyo itong mga salitang ginamit ng inyong kaklase


kanina sa paglalarawan nila ng nakita, naamoy, at nahawakan nila sa
palengke. Ano ang napapansin ninyo tungkol sa mga salitang ito?
Ano ang ginagawa nila para sa mga bagay na binanggit kanina ng inyong
mga kaklase?

• Tulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy na ang mga salitang


naglalarawan ay nagbibigay kulay, hitsura, hugis, at iba pang
katangian sa mga pangngalan na katambal nila. Inilalarawan ng
mga salitang ito ang hitsura, anyo, at iba pang katangian ng mga
pangngalan na katambal nila sa isang pangungusap.

PY
Sabihin: Maipapares din ba natin ang mga salitang ito sa iba pang
bagay, tao, hayop, o lugar? Ano pang pangngalan ang puwede nating
ipares sa mga salitang naglalarawan na nakalista rito?
O
• Isulat sa pisara ang mga nabanggit na kapares na pangngalan ng
mga salitang naglalarawan. Halimbawa: labi na mapula, bagoong na
C
malansa, bulak na malambot, at iba pa.

Sabihin: Ang mga salitang naglalarawan ay ginamit ninyo kanina


D

para ilahad ang katangian ng mga bagay na makikita sa palengke.


Ano naman kayang mga salita ang magagamit natin upang ilarawan
E

ang mismong palengke? May naiisip ba kayong mga salitang naglalarawan


na maaaring magpakita ng mga katangian ng isang palengke? Ililista ko
EP

rito sa pisara ang inyong babanggitin.


• Gumawa ng isang graphic organizer na katulad ng nasa ibaba
D

at gamitin ito upang mailista ang mga babanggiting salitang


naglalarawan:

masikip maingay magulo masaya

PALENGKE

maputik mabantot basa mainit

• Basahin ang mga salita. Sabihin sa isang buong pangungusap,


katulad ng: “Ayon sa inyong paglalarawan, ang palengke ay
isang lugar sa komunidad na masikip, maingay, magulo, masaya,
maputik, mainit, basa, at mabantot.”

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 47
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

3 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Iugnay ang talakayan tungkol sa palengke sa pag-aaralang mga


salita para sa araw na ito.

Sabihin: Bukas, ang babasahin kong aklat pambata ay tungkol din sa


palengke. Pag-aralan natin ngayon ang ilang salitang maririnig ninyo bukas
habang binabasa ko ang kuwento.

• Isulat sa pisara ang listahan ng mga salitang pag-aaralan: pangako,


bayong, suki, magtatanghali, kakatwa.

• Basahin ang mga pangungusap at magpakita ng mga larawan upang


matulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy ng kahulugan ng mga
salita.

Pangungusap 1: Tinupad mo ba ang pangako mo sa iyong nanay na


mag-aaral ka nang mabuti? (Posibleng larawan: batang nakataas ang

PY
kanang kamay na parang nanunumpa)
Itanong: Ano ang ipinangako dito sa pangungusap na ito? Kayo ba ay
nakapagsabi na ng pangako sa inyong magulang? Ano ang ipinangako
ninyo sa kanila? Ano kaya ang ibig sabihin ng pangako? (Posibleng
O
sagot: bagay na sinabi mong gagawin mo, pananalita na dapat
mong tuparin, nanunumpang opisyal, nanunumpa sa korte, kasal)
C
Pangungusap 2: Maraming mailalagay na gulay at iba pang pinamili
sa bayong ko. (Magpakita ng larawan o aktuwal na bayong
D

habang binabanggit ang pangungusap na ito.)


Itanong: May bayong ba kayo sa bahay? Ano ang kulay ng bayong
E

ninyo? Saan ito gawa? Saan ito ginagamit? Ano ang ibig sabihin ng
salitang bayong? (Posibleng sagot: lalagyan ng pinamili sa
EP

palengke)

Pangungusap 3: Suki na ako sa karinderya ni Aling Maria kasi


D

mura at masarap ang paninda niya. (Posibleng larawan: may bumibili


at may nagtitinda; nakangiti sila sa isa’t isa na parang matagal
nang magkakilala)
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang ito? Saan ninyo ito madalas
marinig? Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang suki? (Posibleng sagot:
palagiang mamimili, paulit-ulit na kustomer)

Pangungusap 4: Magtatanghali na nang bumangon siya mula sa


kaniyang higaan. (Magpakita ng larawan ng relo na nakalagay sa
alas-nuwebe, sa harap ng isang bintana kung saan kitang-kita na
ang araw)
Itanong: Napagsabihan na ba kayo ng tatay o nanay ninyo na bumangon
dahil magtatanghali na? Anong oras na dito sa larawan? Nasaan na
ang araw? Ano kaya ang ibig sabihin ng magtatanghali? (Posibleng
sagot: mataas na ang araw, malapit nang mag-alas dose,
kalagitnaan na ng umaga)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
48 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

Pangungusap 5: Kakatwa ang hitsura ng aso nang bihisan ito na talaan


parang tao.
Itanong: Madalas ba kayong makakita ng aso na nakadamit?
Malungkot ba o masaya ang mararamdaman ninyo kapag nakakita
kayo ng aso na nakabihis na parang tao? Ano kaya ang ibig sabihin
ng kakatwa? Anong salita kaya ang pinagmulan nito?
(Posibleng sagot: kakaiba, nakakatuwa)
• Basahin muli ang mga salita at ulitin ang ibig sabihin nito.
Tumawag ng ilang mag-aaral at ipagamit sa kanila ang isang salita
mula sa listahan sa isang pangungusap.

• Ipasipi sa mga bata ang talasalitaan para sa araw na ito:


a. pangako – bagay na sinabi mong gagawin mo
b. bayong – lalagyan ng pinamili
c. suki – palagiang mamimili o kustomer
d. magtatanghali – kalagitnaan na ng umaga; malapit na sa
alas-dose
e. kakatwa – bagay na kakaiba, iba sa karaniwan, nakakatuwa o

PY
nakakatawa

• Umikot sa klase habang kinokopya ng mga mag-aaral ang


talasalitaan. Pansinin kung tama na ang pagporma nila ng letra o
O
kung kailangan pa nila ng tulong.
C

4 PAGTATAPOS
D

Gumawa ng mabilisang pagpupulso upang malaman kung


E

naintindihan ng mga mag-aaral ang mga salitang pinag-aralan. Ipataas


ng mataas na mataas ang kamay kung naintindihan na nila ang salita
EP

at itataas lamang nila ang kamay nang bahagya kung hindi pa nila
ito masyadong naiintindihan. Sabihin ng malakas ang bawat salita:
pangako, bayong, suki, magtatanghali, kakatwa. Pansinin kung
D

aling salita ang may pinakakaunting mataas na kamay, at tutukan ito


bukas sa paghahawan ng balakid.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 49
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2 sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIc-14 Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong napakinggan

• F1PL-0a-j-4 Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa


pamamagitan ng aktibong pagsali sa mga gawaing pampanitikan

1 PANIMULANG GAWAIN

• Gamitin ang tema para sa linggong ito bilang paksa para sa


bahaginan. Magpabigay ng ilang pangungusap tungkol sa iba pang
lugar sa komunidad na napuntahan nila, bukod sa palengke.

Sabihin: Kahapon, may ilan sa inyo ang naglahad ng kanilang karanasan


sa pagpunta ng palengke. Bukod sa palengke, may iba pa ba kayong lugar

PY
na napuntahan o nabisita sa komunidad? Ito ang ilalahad ninyo sa klase sa
ating bahaginan. Maaari ninyong gamitin ang sumusunod na halimbawang
panimula:
O
Bukod sa palengke, nakapunta na rin ako sa ___________.
ng aming komunidad. Pumupunta ang mga tao rito
C
kapag ___________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang may dagdag na


D

gabay sa bahaginan ang mga mag-aaral. Halimbawa: “Bukod


sa palengke, nakapunta na rin ako sa barangay hall ng aming
E

komunidad. Pumupunta ang mga tao rito kapag kailangan nila ng


tulong ng mga opisyal ng barangay.”
EP

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong


nakapagsasalita sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang
D

paglalahad kung kinakailangan.

2 PAGHAHANDA SA PAKIKINIG SA KUWENTO

a. Paghawan ng Balakid
Ipaskil sa pisara ang listahan ng mga salitang pinag-aralan kahapon:
pangako, bayong, suki, magtatanghali, kakatwa. Basahin ang
mga salita at ipabigkas din ito sa mga mag-aaral. Tumawag ng ilang
bata para sabihin ang kahulugan ng salita at gamitin ito sa sarili nilang
pangungusap.

b. Pagganyak
Ipakita ang pabalat ng aklat na Araw sa Palengke. Sabihin ang pamagat,
may-akda (May Tobias-Papa), at tagaguhit (Isabel Roxas).

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
50 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

Tanungin ang mga bata tungkol sa nakikita nila sa talaan


larawan sa pabalat: Ano-anong bagay ang nakikita natin dito
sa larawan? Saan nakatayo ang bata? Ano ang hawak-hawak niya?
Mukha ba siyang masaya o malungkot? Ganito din ba kayo kapag
pumupunta kayo ng palengke?

c. Pagganyak na Tanong

Sabihin: Habang nakikinig kayo sa aking pagbabasa, subukang


sagutin ang tanong na ito: Ano ang pangako ng bata sa kaniyang
nanay tungkol sa kanilang pagpunta sa palengke, at natupad ba niya
ito?

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

• Basahin ang kuwento nang may damdamin. Kung maaari, ibahin


ang boses ninyo kapag binabasa ang mga salita na sinasabi ng bata

PY
at nanay upang maunawaan ng mag-aaral na ito ang pahayag na
sinasabi ng magkaibang tauhan sa kuwento. Huminto sa mga
takdang bahagi ng aklat matapos itong basahin at itanong ang
sumusunod:
O
Huminto sa p. 2
C
Itanong: Saan pupunta ang bata at ang kaniyang nanay? Paano sila
pupunta sa palengke? Ano ang hula ninyo?
D

Huminto sa p. 4
Itanong (bago magbasa): Tama ba ang hula ninyo? Saan
E

nakasakay ang bata at nanay? Ano ang ginagawa ng nanay dito sa


larawan? Babasahin ko kung ano ang sinasabi niya sa bata.
EP

Itanong (pagkatapos basahin ang p. 4): Ano ang sinabi ng nanay


sa bata? Ano ang ipinangako ng bata sa kaniyang nanay? Matupad kaya
D

ng bata ang pangako niya? Tingnan natin.

Huminto sa p. 8
Itanong: Tingnan ninyo ang mukha ng bata. Ano ang nararamdaman
niya tungkol sa sigawan? Bakit kaya nasabi ng bata na masaya ang
sigawan sa palengke? Ano ang kaibahan ng galit na sigawan at
masayang sigawan? Sabay-sabay nga tayong sumigaw ng “suki!”
sa masayang paraan?

Huminto sa pp. 10–11


Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyo rito sa larawan? Nasaan ang
mag-ina? May iba pa bang bata sa palengke? Ituro ninyo sila. Ano pa
ang nakikita ninyo? Nasaan ang mga saging? Nasaan ang mga karne?
Nasaan ang mga pakwan? Ano ang masasabi ninyo tungkol sa
palengkeng ito? Paano ninyo ito ilalarawan?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 51
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Huminto sa p. 12
Itanong: Ano ang ginagawa ng bata dito sa larawan? Bakit siya
nagtatakip ng ilong? Gusto ba niya ang iba-ibang amoy sa palengke? Gusto
raw ba ng nanay niya na amuyin ang mga bagay sa palengke? Bakit kaya
inaamoy ng nanay ang karne, manok, at isda?

Huminto sa p. 19
Itanong: Ano ang tinitingnan ng bata dito sa larawan? Ano kaya ang
iniisip niya habang tinitingnan niya ang munting palayok at kalan?

Huminto sa p. 21
Itanong: Ano nga ulit ang pangako ng bata sa kaniyang nanay?
Matupad kaya niya ito? Tingnan natin kung tama ang hula ninyo.

Huminto sa p. 22
Itanong: Ano kaya ang nakita ng bata sa bayong na nakabalot
ng diyaryo?

4 TALAKAYAN MATAPOS BASAHIN ANG

PY
KUWENTO

Pag-usapan ang binasang kuwento sa pamamagitan ng pagtatanong


O
ng sumusunod:
C
• Bakit Araw sa Palengke ang pamagat ng ating kuwento?
• Nakapunta na kaya dati sa palengke ang bata? Bakit ninyo ito
nasabi? Ano ang mga detalye sa kuwento na nagpapakita na ito ang
D

unang beses niyang makapunta sa palengke?


• Ano ang ipinangako ng bata sa kaniyang nanay habang papunta sila
E

sa palengke? Tinupad ba niya ang kaniyang pangako?


• Kayo din ba ay katulad ng bata sa kuwento? Hindi rin ba kayo
EP

nagpapabili ng kung ano-anong bagay na nakikita ninyo sa


palengke o ibang tindahan? Bakit?
• Nahirapan ba ang bata sa pagpunta sa palengke? Paano siya
D

nahirapan?
• Kung kayo ang bata, sasama ba ulit kayo sa inyong nanay sa
susunod na pagpunta niya sa palengke? Bakit?

5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ikuwento sa isang


kapamilya, sa sarili ninyong pananalita, ang napakinggan ninyong
kuwento ngayong araw. Sikaping gamitin ang mga salita na
napag-aralan natin noong isang araw.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
52 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIc-14 Nasasabi ang sariling ideya tungkol sa tekstong napakinggan

• F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, hayop, pangyayari,


at lugar

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang larawan sa pp. 10–11 ng aklat na Araw Sa Palengke


bilang lunsaran sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Kahapon, binasa ko sa inyo ang kuwentong Araw sa


Palengke. Para sa bahaginan natin ngayon, pagmasdan ninyo itong
larawan ng palengke mula sa ating kuwento. Magbibigay kayo ng isang

PY
pangungusap na nagsasabi ng isang bagay na nakikita ninyo.
Gumamit din ng salitang naglalarawan sa paglalahad ng mga bagay na
tinutukoy ninyo dito sa larawan. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang
panimula na nakasulat dito sa pisara:
O
Makikita natin dito sa larawan ang ______.
C
____ ang _________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang higit pang


D

magabayan ang mga maglalahad. Ituro ang bagay na tinutukoy


ninyo habang naglalahad. Halimbawa: “Makikita natin dito sa
E

larawan ang mga sipit ng alimango. Matutulis at kulay kahel ang


mga sipit.”
EP

• Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa


klase. Tulungan sila sa kanilang paglalahad kung kinakailangan.
D

2 PAGBABALIK-ARAL: ARAW SA PALENGKE

• Ipagpatuloy ang pagbabalik-aral sa kuwentong napakinggan


kahapon. Magsagawa ng isang picture walk—ipakita nang
sunod-sunod ang mga larawan. Tumigil sa bawat pahina. Hayaang
mag-usap sandali (isang minuto) ang bawat pares ng batang
magkatabi upang matukoy nila kung ano ang nangyayari sa
bahaging iyon ng kuwento. Matapos ang isang minuto, tumawag
ng isang pares na maglalahad sa buong klase kung ano ang
nagaganap sa pahinang iyon ng aklat. Kung may mahalagang
detalye na hindi natutukoy ng magkapares sa kanilang paglalahad
tungkol sa pahina, gumamit ng tanong upang matulungan silang
masabi ito. Gawin ito para sa lahat ng pahina ng aklat.

• Matapos isagawa ang picture walk, itanong ang sumusunod upang


palalimin ang pag-unawa ng mga bata sa kuwento:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 53
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan a. Bakit kaya pinagsabihan ng nanay ang bata na huwag magtuturo


ng ipapabili?
b. Ano kaya ang nangyari kung hindi tinupad ng bata ang pangako
niyang ito?
c. Ano kaya ang mararamdaman ng nanay kung magpabili ng
bagay ang kaniyang anak?
d. Ano ang naramdaman ng bata nang makita niya ang munting
palayok at kalan pagkauwi nila sa bahay?
e. Paano kaya nalaman ng nanay ang gusto ng bata?
f. Bakit kaya isinama ng nanay ang bata sa kaniyang
pamamalengke?
g. Kapag maging nanay o tatay na kayo, isasama rin ba ninyo ang
inyong anak sa palengke? Bakit?

• Bigyan ang mga bata ng limang minuto para maghanda at


magpraktis ng kanilang dula-dulaan. Sabihin sa kanila na ipalalabas
nila ang kanilang dula-dulaan sa simula ng klase bukas.

3
PY
PAGTATAPOS O
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Bigkasin o laruin ang
C
tugmang “Nanay, Tatay, Gusto Kong Tinapay.” Pag-isipan kung
ano ang kaibahan ng sinasabi ng tugmang ito sa ipinangako ng bata
sa kaniyang nanay sa kuwentong Araw Sa Palengke. Maghandang
D

magbahagi tungkol dito bukas.


E
EP
D

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4 sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-IIIc-10.1 Nakapagtatanong tungkol sa napakinggang kuwento

• F1KP-IIIc-8 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Tumawag ng mag-aaral upang magbahagi ng dagdag na detalye


tungkol sa isang palengke o tindahan na malapit sa kanilang bahay.

Sabihin: Para sa bahaginan natin ngayon, magbibigay kayo ng dagdag na


detalye tungkol sa palengke o tindahan na malapit sa inyong bahay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
54 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

Ano ang pangalan ng palengke o tindahan? Ano ang mga paninda na talaan
makikita dito? Ikuwento ninyo sa inyong katabi. Pagkatapos ng dalawang
minuto, tatawag ako ng ilang mag-aaral para magbahagi sa buong klase.
Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa
pisara.
BRIDGING
_____ ang pangalang ng palengke/tindahan na malapit
sa bahay namin. May tinda ritong ______, ____, at _____. Hikayatin ang mga
• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang ipakita ang mag-aaral na sabihin
gagawin ng mga mag-aaral. Halimbawa: “Nepa Q-Mart ang ang katapat na salita sa
pangalan ng palengke na malapit sa bahay namin. May tinda ritong
Mother Tongue ng mga
isda, gulay, at karne.”
bagay na binanggit nila
• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong
na tinitinda sa palengke.
nakapagsasalita sa klase upang maglahad sa harapan.
Maaari din nilang banggitin
kung ano ang tawag sa
2 PANGKATANG GAWAIN kanilang sariling wika sa

PY
palengke o tindahan.
Pagtatanong tungkol sa mga Tagpo ng Kuwentong Araw
sa Palengke
O
• Hatiin ang klase sa limang pangkat. Mag-uusap ang bawat grupo
at bubuo sila ng tig-isang tanong tungkol sa kuwentong Araw sa
C
Palengke. Ang mga tanong ay dapat tumutok sa mga detalye at
pangyayari sa kuwento. Maaari nilang gamitin ang anuman sa mga
D

salitang pantanong: Ano? Sino? Bakit? Saan? Paano? Magbigay


ng ilang halimbawa:
E

–– Ano ang nakita ng bata sa palengke?


EP

–– Sino ang gumising sa bata?


–– Bakit sinama ng nanay ang bata sa palengke?
–– Saan sumakay ang mag-ina papuntang palengke?
–– Paano nakarating ang mag-ina sa palengke?
D

• Tawagin ang isang miyembro ng bawat pangkat na maglalahad


ng kanilang tanong para sa isang grupo. Hayaang sumagot ang
pinagtatanungang pangkat. Gabayan ang mga pangkat sa kanilang
palitan ng tanong at sagot. Siguraduhing tama o nababatay sa
kuwento ang mga sagot na ibinibigay ng lahat ng pangkat.

3 MGA SALITANG MAGKAKATUGMA

• Patayuin ang mga mag-aaral at paglaruin ng “Nanay, Tatay, Gusto


Kong Tinapay.” Matapos maglaro ng isang beses, paupuin muli
ang mga bata at ipaalala ang ipinagawang takdang-aralin kahapon.

Sabihin: Kahapon, para sa inyong takdang-aralin, ipinalaro ko sa


inyo ang larong ginawa natin ngayon lang. Pinaisip ko rin sa inyo kung
ano ang kaibahan ng sinasabi ng larong ito sa ipinangako at ginawa ng

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 55
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan batang bida sa kuwentong Araw sa Palengke. Sino ang makapagsasabi


ng kanilang ideya tungkol sa takdang-aralin?

• Tumawag ng dalawang mag-aaral na nais maglahad ng kanilang


ideya tungkol sa takdang-aralin. Tanungin ang ibang mag-aaral
kung sang-ayon sila dito. Tanungin kung alin ang mas dapat nilang
gawing halimbawa—ang sinasabi sa laro o ang ginawa ng bata sa
kuwento?

• Ipapansin sa mga bata ang mga salitang magkatugma sa larong


“Nanay, Tatay, Gusto Kong Tinapay.” Tanungin ang klase kung
aling mga salita ang magkapareho ang dulong tunog sa laro. Isulat
ito sa pisara:
a. Nanay-Tatay-tinapay
b. ate-kape
c. gusto-ko-ninyo

• Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip ng mga salita na katugma


ng mga salitang mahalaga sa kuwentong Araw sa Palengke: nanay,

PY
bata, pangako, bayong. Isulat ang mga ito sa pisara at basahin
nang malakas. Ipabigkas muli sa mga mag-aaral ang bawat salita.

• Gawing pangkatan ang pag-iisip ng salitang katugma. Mag-uusap


O
ang mga magkakahanay upang magtulungan sa pag-iisip ng mga
salitang katugma ng mga salitang isinulat sa pisara. Bigyan ang mga
C
hanay ng apat na minuto para sa gawaing ito (isang minuto para sa
bawat salita).
D

• Gumawa ng talahanayan sa pisara. Dito ninyo isusulat ang mga


salitang magkakakatugma na ibibigay ng mga bata. Halimbawa:
E

Katugma ng Katugma ng Katugma ng Katugma ng


EP

Nanay Bata Pangako Palayok


tatay yata ako sandok
hanay lata liko batok
D

anay pata siko antok


bahay biko yantok
tuko mangkok

• Matapos maisulat ang mga salitang magkakatugma, basahin


ang bawat salita at tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang
kahulugan nito. Matapos pag-usapan ang kahulugan ng bawat
salita, basahin muli ang listahan at ipasunod ang mga bata sa
pagbasa ng mga ito.

• Ipasipi sa mga mag-aaral ang talahanayan. Umikot sa klase at


pansinin ang kakayanan ng mga bata sa pagsipi ng salita.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
56 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

4
talaan
PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipakita sa inyong


kapamilya ang siniping talahanayan. Hingin ang kanilang tulong sa
pag-iisip ng iba pang salitang katugma ng mga salitang nakasulat dito.

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KP-IIIc-8 Natutukoy ang mga salitang magkakatugma

PY
• F1KM-IIIb-1 Nasisipi nang wasto at malinaw ang mga salita sa huwaran

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO


O
(“MAMAMALENGKE SI MARIO AT MARIA”)
C
• Magsagawa ng laro na katulad ng “Maria Goes to Town” sa
pagsisimula ng klase. Maghanda ng isang malaking panyo, isang
D

maliit na bayong o basket, at mga flash card ng mga salitang


magkakatugma (isang salita lamang ang nakasulat sa bawat flash
E

card). Siguruhing may isang flash card para sa lahat ng mag-aaral sa


klase. Siguruhin din na ang bawat salitang nakasulat sa flash card
EP

ay may katugma na iba pang salita. Hatiin ang mga flash card sa
dalawang malaking kumpol.

Bago magsimula ng laro, sabihin: Anong lugar sa komunidad


D

ang pinangyarihan ng kuwento natin ngayong linggo? Tama, nangyari


ito sa palengke. Magsisimula tayo ngayon sa isang laro na may
kinalaman sa pamamalengke. Ang tawag sa larong ito ay “Mamamalengke
sina Mario at Maria.” Mag-uunahan kayo sa pagbihis, pagbuhat ng
bayong, paglakad papuntang palengke, paglagay ng isang bagay sa bayong,
at pagbalik sa pinagmulan. Lahat kayo ay maglalaro nito. Pabilisan ang
larong ito, ngunit dapat ay magawa ng lahat ng kasapi ng grupo ang lahat
ng hakbang ng laro.

• Hatiin ang klase sa dalawang malaking grupo. Ihanda rin ang silid
para sa laro. Maglagay ng tig-isang silya sa dulo ng lalakaran ng
bawat mag-aaral at ilagay dito ang kumpol ng flash card.

• Ipaliwanag ang mga hakbang na gagawin ng bawat mag-aaral.


Ang bawat kasapi ng grupo ay magsisimula sa pagsuot ng panyo
(itatali na parang bandana sa ulo kung babae, sa leeg kung lalaki) at
sa pagkuha ng bayong. Lalakad papunta sa silya ang mag-aaral at

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 57
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan kukuha ng isang flash card na ilalagay sa bayong. Lalakad pabalik


sa pinagmulan ang mag-aaral at ipapasa ang bayong at panyo sa
susunod na kasapi. Ulitin ito hanggang makaikot ang pinakahuling
kasapi ng grupo. Bantayan ang mga bata at siguraduhing
sumusunod sila sa alituntunin ng laro.

• Ayusin ang silid at paupuin muli ang mga mag-aaral pagkatapos


ng laro. Kunin ang basket ng mga salita mula sa bawat grupo.
Gagamitin ninyo ito sa susunod na gawain ng klase.

2 PAGBABALIK-ARAL: SALITANG MAGKATUGMA

• Tanungin ang mga mag-aaral tungkol sa paggawa nila ng


takdang-aralin na ibinigay kahapon. Tumawag ng ilang mag-aaral
upang maglahad kung paano malalaman na ang dalawang salita ay
magkatugma, at maglahad din ng ilang halimbawa na nakuha nila
mula sa kanilang kapamilya.

PY
• Ipabatid sa mga mag-aaral na ang mga flash card na nagsilbing
bilihin sa palengke at inilagay nila sa bayong habang naglalaro ay
mga salitang may katugma. Para sa gawaing ito, kukuha ang
O
bawat isang mag-aaral ng isang flash card mula sa basket.
Ipapasa-pasa ang mga basket upang makakuha ang bawat
C
mag-aaral ng isang salita. Kapag ang lahat ng bata ay mayroon ng
flash card, ipaliwanag ang tuntunin ng laro. Mananatiling nakaupo
ang kalahati ng klase (halimbawa, ang hanay 1 at 2), habang tatayo
D

ang kalahati at mag-iikot nang tahimik sa klase upang humanap ng


mag-aaral na may hawak ng katugmang salita. Tatabihan nila ang
E

katugma nila at itataas nila nang tahimik ang kanilang mga hawak
EP

na salita.
• Sabihin sa mga mag-aaral na kung hindi pa nila mabasa ang
salitang nabunot nila, lumapit sa inyo at tutulungan ninyo sila.
D

Alalahanin kung sino ang mga mag-aaral na humingi ng tulong sa


pagbasa at humanap ng panahon sa susunod na mga araw upang
bigyan sila ng dagdag na gabay sa pagbabasa.

• Kapag nahanap na ng mga mag-aaral ang kanilang mga katugmang


salita, atasan sila na ipakita ang kanilang mga flash card sa buong
klase habang nananatili sa puwesto ng kanilang mga katugma.
Basahin ang mga salita habang ipinapakita ito ng mga bata. Gawin
ito sa iba pang magkakatugmang salita. Idikit ang mga flash card sa
pisara matapos ang gawain.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
58 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 23

3
talaan
PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod. Sasagutin ng mga mag-aaral ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, gamitin sa isang pangungusap,


o ipakita sa galaw ang salitang (pipili ng isa ang guro para
sa bawat na mag-aaral sa grupo): pangako, suki, kakatwa,
bayong, magtatanghali, tugma.

–– Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang


salitang naglalarawan o ang salitang nagpapakita kung ano ang
hitsura, hugis, o iba pang katangian ng isang bagay. (Pumili
lamang ng isang pangungusap para sa bawat na mag-aaral
sa grupo.)

PY
(1) Pula ang bayong ng nanay ko.
(2) Ang mangga na nabili ko ay napakatamis.
(3) Madulas ang kalsada matapos umulan.
O
(4) May bitbit siyang asul na payong.
(5) Mabango ang bulaklak na pinitas ko.
C
(6) Nilabhan niya ang mabahong kamiseta.
(7) Madilim ang langit—mukhang uulan.
(8) Mainit ang sikat ng araw.
D

(9) Presko ba ang simoy ng hangin?


E

–– (Pumili lamang ng isa para sa bawat mag-aaral sa grupo. Isulat


EP

sa mga card ang bawat grupo ng salita, basahin, at ipakita sa mga


mag-aaral.) Alin sa mga salitang ito ang magkatugma?
(1) aso, pusa, baso
(2) tinapay, bayong, bahay
D

(3) lata, bata, buto


(4) kalan, santol, ilan
(5) karne, itlog, bilog
(6) gatas, tinapay, patatas
(7) panyo, bagyo, nanay
(8) putik, manok, itik

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 na mag-aaral. Habang kinakausap ng guro
ang isang grupo, nagsusulat at gumuguhit naman sa kanilang
kuwaderno ang ibang mag-aaral. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat mag-aaral na kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 59
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtukoy ng magkatugmang salita.

• Suriin din ang pagguhit at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Ipasipi sa mga mag-aaral ang limang pares ng salitang magkatugma.
Papiliin sila mula sa mga flash card na nakapaskil sa pisara. Ipaguhit
din sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng mga salitang napili nila.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpasama sa inyong

PY
nanay, tatay, o nakatatandang kapatid at pumunta sa iba pang lugar
sa inyong komunidad bukod sa palengke. (Halimbawa: plaza, health
center, day care center, basketball court, post office, istasyon ng pulis, o iba
O
pang lugar.) Maghandang maglahad tungkol sa inyong makikita sa
lugar na ito sa susunod na linggo.
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
60 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

ARALIN

24
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Mga Lugar Sa Aming Komunidad


E

READ ALOUD STORY: Araw sa Palengke


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 61
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 24

Tema: Mga Lugar sa Aming Komunidad


Read Aloud Story: Araw sa Palengke (Kuwento ni May Tobias-Papa at Guhit ni Isabel Roxas)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PN • F1PN-IIId-8.2 • Pagsasanay: Pagsunod-sunod ng
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento
mga pangyayari ng kuwentong
napakinggan batay sa pangungusap

PY
1 O
AL • F1AL-IIId-1 • Pagbabalik-aral: Araw sa Palengke
Natutukoy ang gawain ng may-akda/
C
taga-guhit ng aklat o kuwento
E D

PS • F1PS-IIId-6.2 • Muling pagsalaysay ng Araw sa


Naisasalaysay muli ang napakinggang Palengke
EP

teksto gamit ang mga pangungusap


D

2
PL • F1PL-0a-j-3 • Muling Pagbasa: Araw sa Palengke
Naipamamalas ang paggalang sa
ideya, damdamin, at kultura ng
may akda ng tekstong napakinggan
o nabasa
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
62 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Pagbabahagi ng personal na karanasan
at paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi gamit ang mga halimbawang pangungusap
ng kanilang personal na karanasan bilang gabay

• Pagpapakita ng mga larawan mula sa aklat • Pagmasid sa larawan at pagsagot sa tanong


at pagtatanong tungkol sa pangyayari • Paglahok sa gawaing pangkatan at paglalahad
• Pagsulat ng pangungusap batay sa isinagot tungkol sa kanilang sagot
ng mga mag-aaral
• Paggabay sa pangkatang gawain: Pagsasaayos

PY
ng mga pangungusap ayon sa pagkakasunod-
sunod
• Pagpapakita ng tamang pagkakasunod-sunod
ng mga pangungusap
O
• Pagtatanong tungkol sa papel ng may-akda • Pagsagot sa katanungan
at tagaguhit • Pakikinig sa impormasyong binasa
C
• Pagbasa ng impormasyon tungkol sa may-akda • Paglalahad ng ideya tungkol sa binasang
at tagaguhit mula sa aklat impormasyon
• Pagtatanong tungkol sa nabasang
D

impormasyon
E

• Paggabay sa Gawaing Magkapareha: Muling • Muling pagsalaysay ng kuwento sa katabi


pagsalaysay • Paglahok sa salit-salitang pagbasa ng mga
EP

• Pagpapakitang muli ng tamang pagkakasunod- pangungusap para sa muling pagsalaysay


sunod ng pangungusap mula sa gawain
kahapon at paggabay sa salit-salitang pagbasa
D

(shared reading) nito


• Paggabay sa salit-salitang pagbasa • Paglahok sa pagbasa ng ilang takdang
(shared reading) ng aklat pangungusap mula sa aklat
• Pagtatanong tungkol sa pagbasa ng aklat • Pagsagot sa tanong ng guro

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 63
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


WG • F1WG-IIIc-d-4 • Bahaginan: Paglalarawan ng litrato
Nakapaglalarawan ng mga bagay, ng lugar sa komunidad
tao, pangyayari, at lugar
EP • F1EP-IIId-3.2;3.3;3.4 • Mga bahagi ng aklat
3 Natutukoy ang mga bahagi ng aklat
at ang kahalagahan ng bawat isa:
Talaan ng Nilalaman, index,
may-akda, tagaguhit

PT • F1PT-IIId-1.1 • Pagsasanay: Babala at paalala


Nasasabi ang mensaheng nais
ipabatid ng mga babala o paalala

4 PL • F1PL-0a-j-3 • Pakikinig sa maikling ulat


Naipamamalas ang paggalang sa pang-impormasyon
ideya, damdamin, at kultura ng

PY
may akda ng tekstong napakinggan
o nabasa
WG • F1WG-IIIc-d-4 • Paglalarawan ng tao at bagay
5 Nakapaglalarawan ng mga bagay,
O
sa isang pahina mula sa Araw sa
tao, pangyayari, at lugar Palengke
C
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
64 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpaskil ng litrato • Pagmasid sa litrato at pag-isip ng pangungusap
• Pagbigay ng halimbawang panimula • Paglahok sa bahaginan
• Pagbigay ng halimbawang pangungusap
• Pagpapakita ng iba-ibang aklat na mayroong • Pagmasid sa mga bahagi ng aklat
talaan ng nilalaman, index, may-akda, tagaguhit • Pagsagot sa mga tanong ng guro
• Pagtatanong at pagpapaliwanag tungkol sa • Paglahok sa pangkatang gawain gamit ang
mga bahagi ng aklat talaan ng nilalaman
• Pagsasanay/Pangkatang Gawain: Paghahanap ng
pahina ng paksa batay sa talaan ng nilalaman
• Pagpapakita ng mga poster na nagpapakita ng • Pagmasid sa poster ng babala at paalala
babala at paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog • Pagsagot sa mga tanong ng guro
• Pagtatanong at pagpapaliwanag tungkol sa
mensahe ng mga poster
• Pagbasa (o pagtugtog sa recording) ng ulat • Pakikinig sa ulat
pang-impormasyon • Paglahok sa talakayan at pagsagot ng tanong
• Pagtatanong tungkol sa ulat tungkol sa ulat

• Pagpapakita ng larawan • Pagmasid sa larawan

PY
• Pagtatanong at paghikayat ng paglalahad
O
• Pag-iisip ng mga salitang naglalarawan
tungkol sa nakikita sa larawan • Paglalahad tungkol sa larawan
C
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 65
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIId-8.2 Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong


napakinggan batay sa pangungusap

• F1AL-IIId-1 Natutukoy ang gawain ng may-akda/tagaguhit ng aklat o kuwento

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang Biyernes


bilang lunsaran para sa bahaginan ngayong araw.

Sabihin: Noong Biyernes, ang itinakda kong gawain sa inyong pag-uwi


ay ang pagsama sa isang nakatatanda sa iba pang lugar sa komunidad
bukod sa palengke. Sino sa inyo ang nakapunta sa isang lugar sa inyong

PY
komunidad? Ito ang magiging paksa ng bahaginan natin ngayon. Ikuwento
ninyo ang mga nakita o naranasan ninyo sa pagbisita ninyo sa iba pang
lugar sa komunidad. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula
O
na nakasulat sa pisara:

Noong Sabado/Linggo, sumama ako sa ___ ko


C
sa __________. Nakakita ako roon ng ______,
______, at ________.
D

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas lalong


magabayan ang mga maglalahad. Halimbawa: “Noong Sabado/
E

Linggo, sumama ako sa kapatidko sa sinehan. Nakakita ako doon


EP

ng mga nagbebenta ng popcorn, maraming silya, at iba-ibang mga


poster ng mga sineng ipalalabas pa lamang.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong


D

nakapagsasalita sa klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang


ibabahaging pangungusap kung kinakailangan.

2 PAGBABALIK-ARAL SA KUWENTO:
ARAW SA PALENGKE

• Ipakita ang pabalat ng aklat na Araw sa Palengke. Tanungin ang mga


mag-aaral kung anong impormasyon ang makikita sa pabalat. Isulat
sa pisara ang mga salitang may-akda at tagaguhit.

Itanong: Magkakaroon ba ng aklat kung walang may-akda at


tagaguhit? Ano ba ang papel ng may-akda at tagaguhit?

• Maghintay ng sagot mula sa mga bata. Matapos mapakinggan ang


ilang tanong, isuma ang kanilang sinabi at basahin para sa mga
mag-aaral ang impormasyon tungkol sa may-akda at tagaguhit na
nasa likod ng pabalat.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
66 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

Sabihin: Tama. Ang may-akda ang siyang nag-isip at sumulat talaan


ng kuwento. Tinutulungan naman ng tagaguhit ang may-akda sa
pagpapakita ng mga nangyari sa kuwento sa tulong ng makukulay na
larawan. Saan kaya nakukuha ng may-akda at tagaguhit ang kanilang
mga ideya at inspirasyon? Babasahin ko ang impormasyon tungkol sa
may-akda at tagaguhit ng aklat na ito. Nandito ito sa bandang dulo ng
aklat.
• Basahin ang impormasyon tungkol kay May Tobias-Papa, ang
may-akda at Isabel Roxas, tagaguhit, sa dulo ng aklat. Matapos
basahin ang impormasyon, pag-usapan kung saan nakuha ng mga
tagagawa ng aklat ang kanilang inspirasyon para kuwentong sa
Araw sa Palengke.

Itanong: Saan daw nanggaling ang ilang pangyayari mula sa


kuwentong ito, kasama na ang munting palayok? Ilang taon ang
may-akda nang una siyang pumunta sa palengke? Nagpupunta pa rin
ba ang may-akda sa palengke, ayon sa impormasyong binasa ko? Ano raw
ang natutuhan niya mula sa kaniyang nanay tungkol sa pamamalengke?

PY
Itanong: Ano naman daw ang hilig gawin ng tagaguhit na si Isabel
Roxas sa palengke? Ano raw ang tinitingnan niya kapag naglilibot siya
dito?
O
• Ipabanggit muli sa mga mag-aaral ang pangalan ng may-akda
C
at tagaguhit habang ipinapakita ang pabalat. Sabihin na ang
pagtutulungan ng may-akda at tagaguhit ang nagbibigay-bunga
sa mga aklat pambata na kinagigiliwan nila. Ipaalala sa kanila na
D

pansinin ang impormasyong ito tuwing magbabasa sila ng mga


aklat pambata.
E

3
EP

PAGSASANAY

Pagsunod-sunod sa mga Pangyayari batay sa


D

Pangungusap
• Gamitin ang iba’t ibang pahina ng aklat na Araw sa Palengke
sa pagkuha ng ilang detalye mula sa kuwento na gagamitin sa
pagsasanay tungkol sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari batay sa
pangungusap.

Sabihin: Pagmasdan natin ang ilang pahina dito sa aklat. Sabihin


ninyo sa akin kung ano ang nangyayari sa pahinang ipakikita ko sa
inyo. Mula sa inyong sagot, magsusulat ako ng maikling pangungusap
tungkol sa bawat pahina at pangyayari dito sa pisara.

Buksan ang aklat sa p. 28


Itanong: Ano ang ginagawa ng bata sa bahaging ito ng kuwento?
Isulat: Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 67
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Buksan ang aklat sa p. 3


Itanong: Ano ang ginagawa ng nanay dito sa pahinang ito?
Isulat: Ginising at binihisan ng nanay ang bata.

Buksan ang aklat sa pp. 18–19


Itanong: Ano ang nakita ng bata sa pahinang ito?
Isulat: Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke

Buksan ang aklat sa pp. 16–17


Itanong: Ano ang ginagawa ng mag-ina dito? Nasaan sila?
Isulat: Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.

Buksan ang aklat sa pp. 4–5


Itanong: Nasaan ang mag-ina dito? Ano ang ginagawa nila?
Isulat: Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.

Buksan ang aklat sa p. 23–25


Itanong: Ano ang nakita ng bata sa bayong pagkauwi nila ng bahay?
Isulat: Nakita ng bata ang laruang palayok sa bayong pagdating
nila sa bahay.

PY
• Basahin ang mga pangungusap na isinulat sa pisara. Pasabayin ang
mga mag-aaral sa inyong pagbabasa.
O
Itanong: Nakaayos ba ang mga pangungusap ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari sa kuwento? May pangungusap ba na dapat
C
mauna o dapat mahuli? Paano natin maisasaayos ito?

• Hatiin ang klase sa limang pangkat. Bigyan ang bawat pangkat ng


D

isang set ng mga pangungusap—isang pangungusap sa bawat isang


card. Siguruhing hindi nakaayos ayon sa tamang pagkakasunod-
E

sunod ang mga card. Ipaayos sa bawat pangkat ang mga


pangungusap. Umikot sa mga pangkat at basahin para sa kanila ang
EP

mga card kung hindi pa nila ito kayang basahin. Bigyan ang mga
pangkat ng limang minuto para sa gawaing ito.

(Alternatibong paraan: Lagyan ng numero o letra ang simula


D

ng bawat pangungusap at ipasulat sa mga mag-aaral ang tamang


pagkakakasunod-sunod ng pangungusap gamit ang numero o
letra.)

• Matapos ang limang minuto, magpaskil ng manila paper kung saan


nakasulat ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap:

a. Ginising at binihisan ng nanay ang bata.


b. Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.
c. Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.
d. Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke.
e. Nakita ng bata ang laruang palayok sa bayong pagdating nila
sa bahay.
f. Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

• Tanungin ang mga grupo kung ano ang naisaayos nila nang tama at
aling pangungusap ang hindi nila nailagay sa tamang puwesto.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
68 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

Balikan ang aklat kung kailangan upang ipakita ang pangyayari na talaan
hindi nila nailagay sa ayos.

• Basahin muli ang mga pangungusap, na ngayon ay nasa tamang


ayos na. Pasabayin ang mga mag-aaral sa inyong pagbabasa.

4 PAGTATAPOS

Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa natutuhan ng mga


mag-aaral ngayon. Papalakpak sila nang malakas na malakas kung
lubusan silang sumasang-ayon sa sasabihin ninyong pangungusap.
Papalakpak sila nang mas mahina kung bahagya silang sumasang-
ayon. Hindi sila papalakpak kung hindi sila sumasang-ayon. Banggitin
ang mga pangungusap na ito at bantayan kung ano ang tugon na
palakpak ng mga bata:

a. Alam na alam ko na kung ano ang ginagawa ng may-akda ng libro.


b. Alam na alam ko na kung ano ang ginagawa ng tagaguhit ng libro.

PY
c. Alam na alam ko na kung paano sabihin ang pangyayari na
nagaganap sa isang pahina ng kuwentong narinig ko na.
d. Alam na alam ko na kung paano isaayos ang mga pangyayari sa
isang kuwento ayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
O
e. Kayang-kaya ko nang basahin nang mag-isa ang mga pangungusap
C
na nakasulat sa card.
E D

LAYUNIN
ARAW
EP

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari


sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-IIId-6.2 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang mga 2


D

pangungusap

• F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura


ng may-akda ng tekstong napakinggan o nabasa

1 PANIMULANG GAWAIN: LARO


(“PALENGKE-PALAYOK”)

• Magsagawa ng mabilis na laro gamit ang dalawang salita na


tumampok sa kuwentong Araw sa Palengke. Isulat sa pisara ang
mga salitang palengke at palayok. Ipabasa ito sa mga mag-aaral.
Ipaliwanag na maglalaro ang klase ng laro kung saan mag-iisip sila
ng mga salitang naglalarawan sa dalawang salitang ito. Magsasalita
ang mga bata sa pagsabi ng salita at sa pagsabi ng isang salitang
naglalarawan sa palengke o sa palayok. Halimbawa:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 69
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan a. Bata 1: palengke


b. Bata 2: malaki
c. Bata 3: palayok
d. Bata 4: nababasag
e. Bata 5: palengke
f. Bata 6: masikip
g. Bata 7: palayok
h. Bata 8: bilog

• Maaaring bumuo ng isang malaking bilog sa loob ng klase bago


maglaro. Puwede ring tumayo na lang mula sa kanilang upuan ang
bawat bata kapag sila na ang dapat magsabi ng salita. Gawin ang
larong ito hanggang ang lahat ng mga mag-aaral ay nakatayo at
nakapagsalita.

2 MULING PAGBASA SA KUWENTO

PY
• Ilabas ang aklat na Araw sa Palengke. Basahin muli ang kuwento,
ngunit sa pagkakataong ito, ipabasa sa mga mag-aaral ang ilang
piling pangungusap. Gamitin ang gawaing ito upang malaman
O
kung ilan at sino sa mga mag-aaral ang may kakayahan na
sa pagbasa, at sino ang kailangan pa ng dagdag na tulong at
pagsasanay.
C
Sabihin: Ngayon naman, babasahin uli natin ang aklat na Araw sa
Palengke. Ako ang magbabasa ng karamihan sa mga pangungusap dito.
D

Ngunit sa ilang bahagi, titigil ako at kayo ang susubok na magbasa. Kapag
tumingin ako sa inyo at itango ko ang ulo ko, ibig sabihin ay kayo ang
E

magbabasa ng pangungusap na itinuturo ko sa pahina. Tutulungan ko kayo


EP

kung may bahaging hindi pa ninyo masabi. Ang mahalaga ay sumubok


kayong magbasa. Handa na ba kayo?

• Basahin nang malakas at may ekspresyon ang kuwento, ngunit


D

huminto sa mga takdang bahagi at ipabasa ang pangungusap na


nakasulat sa ibaba:

–– Sa p. 2, basahin ang unang tatlong pangungusap, ngunit


huminto at ipabasa sa klase ang: “Araw ng palengke ngayon!”
–– Sa p. 4, basahin ang unang tatlong pangungusap, ngunit
huminto at ipabasa sa klase ang: “Opo, Nanay, pangako po,”
ang sabi ko.
–– Sa p. 6, basahin ang unang pangungusap, ipabasa sa klase ang
ikalawang pangungusap (“Ang bayong ni Nanay ay malaki at
makulay.”) at basahin ang huling pangungusap.
–– Sa p. 8, basahin ang unang tatlong pangungusap, ngunit
huminto at ipabasa sa klase ang: “Suki! Suki! Bili ka na sa
akin, suki!!!”
–– Sa p. 12, basahin ang unang pangungusap, ipabasa sa klase ang
ikalawang pangungusap (“Amoy karne, manok, at isda.”) at
basahin ang huling pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
70 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

–– Sa p. 14, ipabasa sa klase ang unang pangungusap: “Mainit sa talaan


palengke. At saka maputik.” Basahin para sa klase ang iba
pang pangungusap.
–– Sa p. 16, basahin ang unang dalawang pangungusap, ngunit
huminto at ipabasa sa klase ang: “Pakwan. Lansones.
Bibingka.” Basahin para sa klase ang huling pangungusap.
–– Sa p. 18, basahin ang mga pangungusap ngunit huminto
sa pinakahuli. Ipabasa sa klase ang: “Ang sarap magluto-
lutuan!”
–– Sa p. 22, ipabasa sa klase ang unang pangungusap: “Pagod na
pagod kami ni Nanay.” Basahin para sa klase ang natitirang
pangungusap.
–– Sa p. 26, ipabasa sa klase ang linyang: “Isang munting kalan
na may munting palayok!”
–– Sa p. 28, ipabasa sa klase ang huling pangungusap ng kuwento:
“Salamat, Nanay.”

Pagkatapos ng pagbabasa, itanong sa mga bata:

PY
Aling mga salita ang madali na para sa inyong basahin?
Bakit kaya madali na ito para sa inyo?
(Posibleng sagot: pinag-aralan na natin sa talasalitaan, maikli lang
O
ang salita, madalas nang makita sa mga babasahin)
C
Paano ninyo binasa ang mga pangungusap na nagtatapos sa tandang
pandamdam? Ano-ano ang mga pangungusap na kailangang bigkasin nang
malakas at may damdamin dahil nagtatapos sa tandang pandamdam?
D

Komportable na ba kayong magbasa nang mag-isa? Bakit? Bakit hindi?


E

• Paalalahanan ang mga mag-aaral na huwag mahiya o mawalan


EP

ng loob kung hindi pa lubos na nakababasa nang mag-isa dahil


nagsisimula pa lamang silang pag-aralan ito. Hikayatin ang mga
mag-aaral na patuloy na sumubok na magbasa sa loob man o
D

labas ng paaralan, at humingi ng tulong sa mga nakatatanda kung


kinakailangan.

3 PAGSASANAY: MULING PAGSALAYSAY NG


NAPAKINGGANG KUWENTO

• Gabayan ang mga mag-aaral sa muling pagsalaysay ng


napakinggang kuwento sa kanilang katabing kaklase.

Sabihin: Ngayong sariwa pa sa isipan ninyo ang kuwentong Araw sa


Palengke, subukan ninyong magkatabi na isalaysay sa sarili ninyong
pananalita ang mga nangyari. Magsalitan kayo sa pagsabi ng naganap sa
kuwento sa tamang pagkakasunod-sunod. Bibigyan ko kayo ng tatlong
minuto para sa gawaing ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 71
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Habang nag-uusap ang mga magkapares, umikot sa klase upang


makinig sa kanilang muling pagsalaysay. Matapos ang tatlong
minuto, tawagin ang pansin ng klase.

Sabihin: Kahapon, bumuo tayo ng mga pangungusap tungkol sa mga


pangyayari sa aklat,at sinubok natin itong isaayos ayon sa pagkakasunod-
sunod. Basahin natin muli ang mga pangungusap na ito. Kapag tumingin at
tumango ako sa inyo, ibig sabihin kayo ang magbabasa ng pangungusap—
katulad ng ginawa ninyo kanina. Isa rin itong paraan ng muling
pagsalaysay sa kuwento.

• Ipaskil ang manila paper na ginamit kahapon kung saan nakasulat


ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento:

a. Ginising at binihisan ng nanay ang bata.

b. Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.

c. Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.

d. Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke.

PY
e. Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng bayong.

f. Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.


O
• Magsalitan kayo ng mga bata sa pagbasa ng mga pangungusap.
C
Ipabasa sa kanila ang mga pangungusap A, C, at E. Basahin para
sa kanila ang pangungusap B, D, at F. Sabayan sila sa pagbasa
ng pangungusap A, C, at E kung kinakailangan.
D

• Tulungan ang mga mag-aaral sa paglalahad ng kanilang nagustuhan


o napulot na ideya mula sa kuwentong Araw sa Palengke.
E

Itanong: Kung may kaibigan o kalaro kayo na hindi pa nabasa ang


EP

kuwentong Araw sa Palengke, paano ninyo ito ilalarawan sa kanila?


Ano ang sasabihin ninyo sa kaniya upang hikayatin siyang hanapin at
basahin ang librong ito? Pag-isipan ninyo kung paano ninyo ito sasabihin sa
D

isang kaibigan. Maaari ninyong gamitin ang panimulang ito:

Tungkol sa _______ ang librong Araw sa Palengke.


Magugustuhan mo ito dahil _________.

• Magbigay ng isang minuto upang pag-isipan ng mga mag-aaral ang


kanilang sasabihin. Tumawag ng limang bata upang maglahad ng
kanilang sagot sa buong klase.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maghanap ng librong


pang-impormasyon, textbook, o iba pang mas mahahabang aklat
kaysa sa karaniwang aklat pambata. Pagmasdan ito at pansinin ang
mga bahagi nito na kakaiba sa maiikling aklat na binabasa natin dito
sa klase.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
72 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar

• F1EP-IIId-3.2;3.3;3.4 Natutukoy ang mga bahagi ng aklat at ang kahalagahan


ng bawat isa: Talaan ng nilalaman, index, may-akda, tagaguhit

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipagpatuloy ang bahaginan tungkol sa tema para sa linggong ito:


Mga Lugar sa Ating Komunidad. Magkabit sa pisara ng mga
larawan ng sumusunod na lugar: plaza, palaruan, panaderya.

• (Kung kailangan ng mga halimbawang larawan, maaaring


sumangguni sa Internet: http://images.travelpod.com/

PY
tripwow/photos/ta-00ad-fc34-395c/guinobatan-town-plaza-
donsol-philippines+1152_12881542596-tpfil02aw-25879.jpg ;
http://media.getmyhotel.com/hotel_pictures/2766/2766039/
normal/2201528.jpg ; https://farm5.staticflickr.
O
com/4068/4485491849_dd9292978a.jpg).
C
Sabihin: Pagmasdan ninyo ang mga larawan na nakapaskil dito sa
pisara. Ano ang pangalan ng mga lugar na ito?
D

• Isulat sa tabi ng bawat larawan ang pangalan ng mga lugar. Ituon


ang pansin ng mga bata sa bawat larawan. Ano ang nakikita nila
E

dito? Ano ang hitsura, hugis, o kulay ng mga bagay na nakikita


nila sa larawan? Hikayatin ang mga bata na bumuo ng mga
EP

pangungusap na naglalarawan sa nakikita nila sa ipinaskil na litrato.


Maaari nilang gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa
pisara:
D

Larawan ito ng isang _______. Makikita dito ang _____


na _____, _____ na _____, at _____ na ______.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap na akma para sa larawang


nakapaskil. Halimbawa: “Larawan ito ng isang plaza. Makikita dito
ang mga dilaw na bulaklak, asul na bangko, at matatayog na puno.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na magbabahagi ng kanilang


paglalarawan tungkol sa isang lugar na nasa litrato. Tawagin ang
mga bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa klase.

2 IBA-IBANG URI NG AKLAT


AT ANG MGA BAHAGI NITO

• Ipaalala ang ibinigay na takdang-aralin kahapon bilang lunsaran


para sa talakayan tungkol sa iba’t ibang uri ng libro at ang mga
bahagi nito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 73
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Sabihin: Kahapon, ang takdang-aralin ninyo ay ang pagtingin sa mga


textbook, librong pang-impormasyon, at iba pang mas mahahabang aklat,
at pagtukoy kung anong mga bahagi ng aklat ang makikita dito. Nagawa
ba ninyo ito? Ano ang napansin ninyo sa mga aklat na ito?

• Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang


obserbasyon tungkol sa ginawang takdang-aralin.
• Isulat ang sumusunod na salita sa pisara: may-akda, tagaguhit,
talaan ng nilalaman, index.

Sabihin: Ang mga salitang ito ay mga bahagi ng aklat. Babasahin ko


para sa inyo. Sundan ninyo ako. Habang binabasa ko ang mga salita,
isipin ninyo kung alin dito ang napag-aralan na natin sa klase.

• Matapos basahin ang mga salita, ipatukoy sa mag-aaral ang


mga salitang madalas na nilang naririnig sa klase (may-akda,
tagaguhit) at ang mga salitang hindi pa nila gaanong pinag-
uusapan o ginagamit (talaan ng nilalaman, index). Tumawag
ng mag-aaral at ipalahad sa kaniya kung ano ang ginagawa ng

PY
may-akda at tagaguhit. Magpakita ng isang halimbawang aklat
pambata (halimbawa: Araw sa Palengke o iba pang aklat pambata
na mayroon sa silid-aralan) at ipaturo sa isang mag-aaral kung saan
O
dito makikita ang pangalan ng may-akda at ng tagaguhit.

• Maglabas naman ng ilang halimbawa ng mas mahahabang libro


C
na mayroong talaan ng nilalaman at index, katulad ng textbook na
pang-mataas na paaralan, encyclopedia, o iba pang librong
D

pang-impormasyon. Ipakita ito sa mga mag-aaral.

• Ipapansin sa mga mag-aaral kung ano ang makikita sa Talaan ng


E

Nilalaman. (Mga posibleng sagot: titulo ng mga kabanata o yunit


EP

ng aklat, mga numero ng pahina kung saan makikita ito) Itanong


ang mga mag-aaral kung ano ang pagkakaintindi nila sa salitang
nilalaman. (Posibleng sagot: kung ano ang nasa loob ng isang
bagay) Ipaliwanag na, gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito,
D

ang Talaan ng Nilalaman ay nagbibigay ng mabilisang pagtanaw


sa mga paksa at impormasyon na nasa loob ng isang aklat, at kung
saang pahina makikita ito. Nakalista ito ayon sa pagkakasunod-
sunod ng presentasyon sa katawan ng aklat.

• Ipapansin naman sa mga bata ang index ng halimbawang libro.


Tanungin sila kung nasaang bahagi ng aklat ito makikita. (Sagot:
sa hulihan ng aklat) Ipatukoy sa kanila kung paano nakaayos ang
mga salita na nakalista sa index. (Sagot: nakaayos ayon sa alpabeto)
Itanong kung ano ang tinutukoy ng numero na makikitang katabi
ng mga salitang nakalista sa index. (Sagot: pahina ng libro kung
saan matatagpuan ang paksa na ito)

• Ipahambing sa mga mag-aaral ang Talaan ng Nilalaman at ang


index. Ano ang pagkakatulad nila? (Sagot: parehong nagsasabi
kung saang pahina matatagpuan ang isang paksa) Ano ang
pagkakaiba nila? (Mga posibleng sagot: ayon sa pagkakasunod-

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
74 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

sunod sa pahina ang presentasyon ng talaan, ayon sa alpabeto ang talaan


presentasyon ng index; mas maraming paksa ang naitatala sa index
kaysa sa talaan)

3 PAGSASANAY:
PAGGAMIT NG TALAAN NG NILALAMAN

• Gumamit ng lumang textbook o di kaya’y ang kasalukuyang


Learner’s Material para sa Baitang 1 (halimbawa, LM para sa Araling
Panlipunan) sa pagsasagawa ng pagsasanay/paligsahan. Siguruhing
mayroon itong Talaan ng Nilalaman. Hayaang magtulungan ang
mga mag-aaral sa bawat hanay. Bigyan ng sapat na kopya ng
textbook o Learner’s Material ang bawat hanay—kung maaari ay isa
para sa bawat mag-aaral.

• Itatanong ninyo kung saang pahina mahahanap ang isang paksa o


aralin. Ipapakita rin ninyo ang pagkakasulat ng paksa o araling ito

PY
sa pisara, gamit ang isang flash card. Mag-uunahan ang mga hanay
sa paghanap ng pahina kung saan ito makikita batay sa Talaan ng
Nilalaman. O
• Maghanda ng limang flash card kung saan nakasulat ang limang
iba-ibang aralin o paksa na ipahahanap ninyo sa mga mag-aaral.
C
Pagkasabi ng paksa/aralin, ikabit ang flash card sa pisara at
tawagin ang unang hanay na magtataas ng kamay. Ang unang
makasagot nang tama ang makakuha ng puntos. Ang hanay na may
D

pinakamaraming puntos ang tatanghaling kampeon.


E

4 PAGTATAPOS
EP

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maghanap ng


D

tatlong aklat sa inyong bahay, sa silid-aklatan ng paaralan, o sa isang


nagpapahiram ng mga aklat sa inyong komunidad. Pansinin kung
mayroon itong impormasyon tungkol sa may-akda, tagaguhit, talaan
ng nilalaman, at index.

Kompletuhin ang talahanayan na ito—kopyahin ang pamagat ng


aklat at isulat ito sa unang hanay. Lagyan ng tsek ang akmang hanay
kung makita ninyo sa aklat ang bahagi ng libro na tinalakay natin
ngayon.

Pamagat May-akda Tagaguhit Talaan ng Index


Nilalaman
Araw sa
 
Palengke

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 75
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PT-IIId-1.1 Nasasabi ang mensaheng nais ipabatid ng mga babala o paalala

• F1PL-0a-j-3 Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin, at kultura


ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa

1 PANIMULANG GAWAIN: BUGTUNGAN AT


BAHAGINAN TUNGKOL SA TAKDANG-ARALIN

a. Bugtungan
Sabihin: Sisimulan natin ang ating klase sa pamamagitan ng bugtungan.
Pamilyar ba kayo sa bugtong? Ang mga bugtong ay maiikling palaisipan
na madalas ay gumagamit ng tugma. May babasahin akong dalawang

PY
bugtong. Sasabayan ninyo ako sa pagbasa. Ang sagot dito ay may
kinalaman sa isang bagay na pinag-aralan natin kahapon.

• Iisa lang ang sagot sa dalawang bugtong na ibibigay. Basahin muna


O
ang unang bugtong at kumuha ng mga sagot mula sa mga
mag-aaral, bago basahin ang ikalawa.
C
(1) Hindi halaman, maraming dahon, ang ibinubunga ay
dunong.
D

(2) Walang bibig, walang pakpak, kahit hari’y kinakausap.


E

• Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang hula nilang sagot.
Kung may makapagsabi ng aklat/libro, ito ang tamang sagot.
EP

Tulungan ang mga bata na iugnay ang sinasabi ng bugtong sa


sagot. Basahin muli ang unang bugtong at ipaulit ito sa mag-aaral.

Itanong: Ano ang mga dahon ng aklat? Bakit sinasabi na dunong ang
D

bunga ng isang aklat?

• Basahin muli ang pangalawang bugtong at ipaulit ito sa mga bata.

Itanong: Bakit nasabi na nangungusap ang isang aklat? Bakit sinabi na


kahit hari ay nararating o nakakausap ng aklat? Nagbabasa din kaya ang
mga tanyag na tao na katulad ng mga hari?

b. Bahaginan tungkol sa Takdang-Aralin


Ituloy ang talakayan tungkol sa aklat sa pagbabahagi ng mga
mag-aaral sa kanilang ginawang takdang-aralin. Gumawa
ng talahanayan sa pisara. Tumawag ng limang mag-aaral na
magbabanggit ng pamagat ng librong sinuri nila at kung anong mga
bahagi ng libro ang nakita nila dito. Isulat ang kanilang sagot sa
talahanayan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
76 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

talaan
Pamagat May-akda Tagaguhit Talaan ng Index
Nilalaman
Araw sa
 
Palengke

2 PAKIKINIG SA MAIKLING TEKSTONG


PANG-IMPORMASYON

• Ipakilala sa klase ang isa pang bugtong:


Tubig na mala-ahas ang dala, kapag kampana ay
kinalembang na.

Itanong: Ano ang sagot sa bugtong na ito? (Sagot: bumbero)


Ano ang binabanggit na mala-ahas na tubig?
(Sagot: hose na ginagamit ng bumbero)

PY
Itanong: Ano naman ang kinalaman ng kampana sa pagdating ng
bumbero?
(Sagot: isa itong senyales o hudyat na may sunog sa komunidad)
O
• Iugnay ang susunod na gawain sa bugtong na tinalakay at sa tema
C
para sa linggong ito: Mga Lugar sa Ating Komunidad.

Sabihin: Isa sa mahahalagang lugar sa ating komunidad ay ang


D

himpilan ng bumbero. May alam ba kayong ibang tawag dito sa inyong


mother tongue o sa wikang Ingles? Nakabisita na ba kayo sa himpilan
E

ng bumbero? Ano-ano ang makikita rito?


EP

• (Maaaring magpakita ng litrato ng isang himpilan ng bumbero sa


Pilipinas, katulad ng mga kuhang ito na matatagpuan sa Internet:
http://photos.wikimapia.org/p/00/00/68/52/68_big.jpg ;
http://www.zamboanga.com/z/images/7/74/Zone_III_fire_
D

department_0707c.jpg ; http://bfpr1ilocossur.files.wordpress.
com/2014/02/vigan-new-fire-station.jpg. Gamitin ang mga litrato
upang tulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy at paglarawan ng
mga nakikita sa himpilan ng bumbero.)

• Ihanda ang mga mag-aaral para sa pakikinig sa maikling panayam


sa isang bumbero. Sabihin na ang pakikinggan nila ay isang ulat sa
radyo na magbibigay ng ilang paalala tungkol sa pag-iwas sa sunog.
Habang nakikinig, hahanapin nila ang sagot sa tanong na ito: Ano
ang maaari nating gawin upang makaiwas sa sunog?

• Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang teksto ng


maikling panayam. Kung kakayanin, magsagawa ng tape rekording
ng panayam upang dalawang boses ang maririnig ng mga bata.
Kung hindi ito posible, basahin na lamang ang teksto ng panayam
para sa mga bata.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 77
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
Reporter: Magandang umaga sa ating mga tagapakinig. Nandito
tayo sa himpilan ng bumbero sa bayan ng San Isidro. Makakausap
natin ngayon ang hepe ng mga bumbero sa himpilang ito, si Ginoong
Mario Sepe. Magandang umaga po, Sir Mario!

Bumbero: Magandang umaga rin po!

Reporter: Sir Mario, naririnig natin sa balita ngayon na dumadalas


ang mga insidente ng sunog sa mga karatig-bayan ng San Isidro.
Ano po ba ang puwedeng gawin ng ating mga tagapakinig upang
makaiwas sa sunog?

Bumbero: Dapat umiwas sa mga karaniwang pinagmumulan ng


sunog sa tahanan. Ang ilan dito ay mga kasangkapang de-koryente
na naiiwang naka-plug, o kaya’y kandila at kalan na naiiwang
nakasindi.

Reporter: Ano po ang dapat gawin ng mga tagapakinig, Sir Mario?

Bumbero: Huwag na huwag iwanan ang mga nakasinding kalan,

PY
kandila o sigarilyo. Dapat ding iwasan na maabot ng mga bata ang
mga pansindi ng apoy katulad ng posporo o lighter. Hindi dapat
paglaruan ang mga ito. Tanggalin din sa pagkakasaksak ang mga
O
de-koryenteng kagamitan kapag hindi naman ito ginagamit.

Reporter: Maraming salamat po. Narinig po ninyo ang tinig ni


C
Ginoong Mario Sepe, ang hepe ng mga bumbero dito sa bayan ng
San Isidro. Ito po ang inyong reporter na si Carmen de Jesus,
D

nag-uulat.

• Matapos ang pakikinig, itanong muli sa mag-aaral ang pangganyak


E

na Tanong bago simulan ang pagbasa/pagtugtog sa rekording ng


EP

panayam: Ayon sa bumberong si Ginoong Mario Sepe, ano ang maaaring


gawin upang makaiwas sa sunog?

3
D

PAGSASANAY: BABALA AT PAALALA

• Magpakita ng mga poster ng babala at paalala tungkol sa


pag-iwas sa sunog, katulad ng mga larawan sa ibaba. Ipaliwanag
ang mensaheng nais iparating ng mga poster na ito at kung ano
ang dapat gawin ng mga bata kapag nakita ang mga ito sa kanilang
paligid. (Maaaring gawing batayan ang mapang ito: http://
www.compliancesigns.com/media/osha-safety/600/OSHA-
International-Diesel-Sign-ODI-2110-TAGALOG_600.gif; http://
www.5squalityposters.com/images/product_images/product_
large_193.JPG).

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
78 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

talaan

PY
O
• Kung may makukuhang mga polyeto o poster mula sa lokal na
C
himpilan ng bumbero, gamitin ito upang maipamahagi sa mga
mag-aaral ang mahalagang impormasyon (katulad ng numero ng
D

telepono na maaaring tawagan) kung sakaling kailanganin nila o ng


kanilang magulang ito.
E

4
EP

PAGTATAPOS
D

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ibahagi sa inyong mga


magulang at kapamilya ang natutuhan ninyo ngayong araw tungkol sa
pag-iwas sa sunog. Tanungin sila kung ano-ano ang maaaring gawing
paghahanda ng buong pamilya upang maging ligtas sa sunog.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 79
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5 sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIc-d-4 Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, pangyayari, at lugar

1 PANIMULANG GAWAIN:
AWITIN (“BUGTONG-BUGTONG”)

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang bugtungan na ginawa nitong linggo.


Hikayatin silang makinig sa isang kanta tungkol sa mga bugtong.
Ang awiting ito ay pinamagatang “Bugtong-Bugtong” at inawit ni
Florante. Matatagpuan ang titik at tono ng awit na ito sa Internet,
sa link na ito: http://www.youtube.com/
watch?v=Wb7PyKF4nHA.

• Pakikinggan muna ng mga mag-aaral ang awit, lalo na ang mga

PY
bugtong na nakapaloob dito. Susubukan nilang sagutan ang mga
bugtong. (Mga sagot: pako, saranggola, sapatos, kalendaryo)

• Matapos mapakinggan at masagutan ang mga bugtong, pasabayin


O
ang mga mag-aaral sa pag-awit ng kanta o kahit isang bahagi
lamang nito kung kulang na sa oras.
C

2 PAGSASANAY: MGA SALITANG


D

NAGLALARAWAN
E

• Ipakita ang larawan na nasa pp. 16–17 ng aklat na Araw sa Palengke


EP

at gamitin itong lunsaran ng pagsasanay tungkol sa mga salitang


naglalarawan.

Sabihin: Gagamitin muli natin itong aklat na Araw sa Palengke.


D

Pagmasdan ninyo itong larawan na ito sa pp. 16–17. Nasaan ang mag-ina
sa larawang ito? Ano pa ang nakikita ninyo dito sa larawan? Magbanggit
nga kayo ng ilang tao o bagay na nakikita ninyo rito.

• Tumawag ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang nakikita.


Maaari ding tulungan ang mga bata sa pagpansin ng mga detalye sa
pamamagitan ng pagtatanong. Halimbawa:

a. Nasaan ang mga suman dito sa larawan?


b. Nasaan ang pakwan?
c. Nasaan ang lolo na nagbabasa ng diyaryo?
d. Nasaan ang lola na namimili ng prutas?
e. Nasaan ang bibingka?

• Isulat sa pisara ang mga pangngalan ng tao at bagay na


mababanggit ng mga mag-aaral. Halimbawa, ito ang isang maaaring
kalabasan na listahan ng bagay mula sa larawan:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
80 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

a. bibingka talaan
b. pakwan
c. bayong
d. mangga
e. sapatos
f. diyaryo
g. buhok

• Matapos matukoy ang mga detalyeng ito, hayaang mag-usap ang


magkatabi tungkol sa mga bagay na makikita sa larawan. Gagamit
sila ng mga salitang nagpapakita ng hugis, kulay, bilang, amoy, lasa,
o iba pang katangian ng mga salitang nakalista sa pisara. Maaari
nilang ibatay ang gagamitin nilang salitang naglalarawan sa nakikita
nila sa aklat at maaari din nila itong ibatay sa kanilang personal na
karanasan sa paghawak o pagtikim ng mga bagay na ito. Bigyan
ang mga magkatabi ng limang minuto para sa gawaing ito.

• Matapos ang limang minuto, tumawag ng ilang pares na

PY
maglalahad ng pangungusap tungkol sa isang bagay sa listahan,
gamit ang salitang naglalarawan dito. Tulungan ang mga mag-aaral
sa pagbubuo ng pangungusap kung kinakailangan. Bigyan sila ng
halimbawa bilang dagdag-gabay sa mga maglalahad, katulad ng
O
mainit ang bibingka.
C
3 PAGTATAYA
D

a. Pangkatang Pagtataya
E

• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang


pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
EP

sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita o gamitin sa isang


D

pangungusap, ang salitang: bugtong, tugma, bumbero, sunog,


babala, may-akda, tagaguhit, talaan ng nilalaman, index
(Pipili ng isang salita ang guro para sa bawat bata sa grupo. Ang
lahat ng bata sa grupo ay mabibigyan ng pagkakataong ipakita
kung nakuha na nila ang kakayanang tinataya, pero tig-isang
salita lang ang ibibigay sa kanila.)

–– Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang


salitang naglalarawan o ang salitang nagpapakita kung ano ang
hitsura, hugis, o iba pang katangian ng isang bagay. (Pumili
lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata sa grupo.)

(1) Masikip ang palengke.


(2) Masisipag ang mga bumbero.
(3) Masaya ang mga bata sa palaruan.
(4) Ang hangin sa plaza ay sariwa.
(5) Malakas ang sirena ng sasakyan ng bumbero.
(6) Sariwa pa ang isdang nabili ko.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 81
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan (7) Makulay ang damit na suot niya.


(8) Maluwag ang kalsada kapag gabi na.
(9) Matibay ang puno ng narra sa plaza.

–– (Pumili lamang ng isang set ng pangungusap para sa bawat bata


sa grupo. [Lahat ng bata sa grupo ay bibigyan ng tig-isang set.)
Isulat sa isang card ang bawat grupo ng pangungusap, ipakita sa
mga bata at basahin.]

Sabihin: Alin sa mga pangungusap na ito ang naunang nangyari sa


kuwentong Araw sa Palengke? Ituro mo sa akin (o sabihin mong muli
ang pangungusap). Alin naman ang huling nangyari? Ituro mo sa akin (o
sabihin mo muli ang pangungusap).

(1) Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng


bayong.
(2) Ginising at binihisan ng nanay ang bata.
(3) Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.

PY
(1) Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.
(2) Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke.
(3) Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng
bayong.
O
C
(1) Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.
(2) Ginising at binihisan ng nanay ang bata.
(3) Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.
D

(1) Namili ng iba-ibang paninda ang mag-ina sa palengke.


E

(2) Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.


(3) Nakita ng bata ang laruang palayok at kalan sa palengke.
EP

(1) Pagkauwi, nakita ng bata ang laruang palayok sa loob ng


bayong.
D

(2) Sumakay ng jeep ang mag-ina papuntang palengke.


(3) Nagpasalamat ang bata sa kaniyang nanay.

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
bata. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagsasaayos ng pangungusap ayon
sa pagkakasunod ng pangyayari sa kuwento.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
82 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 24

• Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang talaan


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


• Buksan ang aklat na Araw sa Palengke sa pp. 4–5. Magsulat sa pisara
ng ilang halimbawang panimula na dadagdagan ng mga
mag-aaral ng salitang naglalarawan upang makabuo ng
pangungusap. Ibabatay nila ang sagot nila sa nakikita nila sa
larawan mula sa libro na nakabukas sa kanilang harapan.

(1) ________ ang buhok ng lola.


(2) ________ ang kahon na hawak ng mama.
(3) ________ ang jeepney.
(4) ________ ang bayong ng nanay.
(5) ________ ang damit ng bata.

PY
• Magsulat din sa pisara ng ilang mapagpipiliang salita na
ipampupuno nila sa patlang: maputi, maitim, butas-butas,
makulay, malaki, maliit, masikip, maluwang, bulaklakin,
asul.
O
• Basahin para sa mga mag-aaral ang mga panimula at ang
C
pagpipiliang salita bago nila simulan ang gawain. Ipasipi sa kanila
ang mga panimula at ipasulat sa patlang ang napili nilang salitang
naglalarawan.
E D

4 PAGTATAPOS
EP

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin sa mga mag-aaral:


D

Tanungin ang inyong magulang o iba pang kamag-anak kung sino


ang hinahangaan nilang Pilipinong alagad ng sining. Maaari itong
maging isang musikero, aktor, direktor, manunulat, pintor, iskultor,
tagaguhit, o iba pa. Tanungin sila kung bakit kahanga-hanga ang
sining na ginagawa ng taong ito. Maghandang maglahad tungkol dito
sa unang araw ng Aralin 25.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 83
YUNIT 3 ARALIN 25

ARALIN

25
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Mga Sining at Produkto ng Aming Bayan


E

READ ALOUD STORY: Si Nina sa Bayan ng Daldalina


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 85
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 25

Tema: Mga Sining at Produkto ng Aming Bayan


Read Aloud Story: Si Nina sa Bayan ng Daldalina (Kuwento ni Aliona Silva at Guhit ni Luisito Chua)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Pagsulat ng
Naisusulat nang may wastong napag-aralang salita
baybay at bantas ang salita/
pangungusap na ididikta ng guro

PY
1
PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapunlad ng talasalitaan
Natutukoy ang kahulugan ng salita
batay sa kasingkahulugan
O
C

PS • F1PS-IIIe-9 • Panimulang Gawain: Pagtalakay ng


D

Nasasabi ang mensahe ng isang babala/paalala (Huwag mag-ingay)


babala o paalala
E

PL • F1PL-0a-j-5 • Read Aloud Story: Si Nina sa Bayan


EP

2
Naiipakikita ang pagtanggap sa mga ng Daldalina
ideya ng napakinggang teksto/akda
AL • F1AL-IIIe-2
D

Natutukoy ang simula ng


pangungusap/talata/kuwento
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
86 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pagturo ng mga hakbang sa pagbaybay • Pakikinig sa mga hakbang sa pagbaybay o


o pagsulat pagsulat
• Pabigkas ng mga napiling salita • Pagsagawa ng mga itinurong hakbang sa
• Pagpapakita ng tamang baybay gamit pagbaybay/pagsulat ng idiniktang salita
ang pocket chart at letter card • Pagtukoy kung tama o mali ang kanilang

PY
pagbaybay/pagsulat
• Pagbasa ng salita at ng pangungusap na • Pakikinig sa guro at pagtugon sa mga tanong
nagpapakita ng kahulugan • Pagsabay sa pagbasa ng talasalitaan
• Pagtatanong sa mga bata
O
• Pagsulat ng kahulugan sa pisara
• Paggabay sa mga bata sa muling pagbasa ng
C
salita at kahulugan
• Pagpapakita ng babala/paalala • Pagmasid sa babala at pakikilahok sa talakayan
D

• Pagtatanong tungkol sa babala


• Pag-ugnay ng babala sa salitang tinalakay
E

kahapon
• Pagbasa ng kuwento • Pakikinig sa kuwento
EP

• Pagtatanong habang binabasa at pagkatapos • Pagtugon sa mga tanong habang binabasa at


basahin ang kuwento pagkatapos basahin ang kuwento
• Pagtatanong kung saan ang simula ng kuwento, • Pagsagot at pagturo kung nasaan ang simula ng
D

talata, pangungusap bago basahin ang aklat kuwento, talata, pangungusap

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 87
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IIIc-15 • Pagbabalik-aral: Si Nina sa Bayan ng
Nakapagtatanong ng kaugnay Daldalina
na impormasyon para lalong
mauunawaan ang napakinggan

KP • F1KP-IIIe-7 • Pagsasanay
Nasasabi ang pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga pantig/salita
3

KM • F1KM-IIIe-2
Naisusulat nang may wastong
baybay at bantas ang salita/

PY
pangungusap na ididikta ng guro
WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pag-awit at pagsasanay
Nagagamit ang mga salitang kilos
sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
O
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan
C

4
D

PN • F1PN-IIIc-15 • Laro: “10 Tanong”


Nakapagtatanong ng kaugnay
E

na impormasyon para lalong


mauunawaan ang napakinggan
EP

KP • F1KP-IIIe-7 • Pagsasanay
Nasasabi ang pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga pantig/salita
D

WG • F1WG-IIIe-g-5 • Bahaginan: Pag-ugnay ng sining sa


Nagagamit ang mga salitang kilos salitang kilos
sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang • Muling pagkuwento
5
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
88 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapaliwanag tungkol sa halaga • Pakikinig sa paliwang, gabay, at halimbawa ng
ng pagtatanong habang nakikinig guro
• Paggabay sa mga bata sa gawaing magkapareha • Pagbubuo ng mga tanong tungkol sa tekstong
binasa
• Paglahok sa talakayang pang-klase
• Pagsulat at pagbasa ng mga salitang napili mula • Pagsagot sa tanong at paglahok sa talakayan
sa aklat • Paglagay ng flash card sa tamang hanay
• Pagtatanong tungkol sa unang pantig ng mga
napiling salita
• Pagsulat ng talahanayan
• Pagpapakita at pagbasa ng flash card ng
karagdagang salita at paggabay sa talakayang
magkapares at buong klase
• Pagdikta ng dagdag na salita na ilalagay sa • Pagsulat/pagbaybay ng narinig na salita
tamang hanay ng talahanayan • Pagsipi ng buong talahanayan
• Pagpapasipi ng nabuong talahanayan

PY
• Pagsulat ng mga salita sa pisara • Pagsabay sa pagbasa ng salita
• Pagturo ng awit gamit ang mga salitang ito • Pag-awit at pagkilos sa kanta
• Paggabay sa mga bata sa pagpili ng
O
• Paglahok sa talakayan
karampatang galaw o kilos para sa bawat salita • Paggamit ng mga salita sa pangungusap
• Pagpares ng salitang kilos sa hayop na • Pagkopya ng pangungusap sa kuwaderno
C
gumagawa nito at paggabay sa pagbubuo ng
pangungusap gamit ang pinagpares na salita
D

• Pagpapahula sa salita na nakasulat sa flash card • Pagbubuo at paglahad ng tanong


• Pagsagot ng oo o hindi sa mga tanong na • Pakikinig sa sagot ng guro sa mga tanong
E

ilalahad ng mga bata • Pag-uugnay ng mga sagot upang mahulaan ang


salita
EP

• Pagtatanong tungkol sa unang pantig ng mga • Pagtugon sa tanong ng guro


salitang tinututukan
D

• Pagbibigay ng gabay na tanong, pagsulat • Pagtugon sa mga tanong, muling pagbasa ng


sa pisara, pagbasa ng pinagpares ng salita, mga salita, pagbubuo ng pangungusap
paggabay sa pagbuo ng pangungusap • Pakikinig sa muling pagbasa at pagtukoy sa
• Paghikayat sa mga bata na tukuyin ang narinig mga salitang kilos na ginamit ng may-akda
na mga salitang kilos habang pinapakinggang
ang kuwento
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 89
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KM-IIIe-2 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang


salita/pangungusap na ididikta ng guro

• F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang-aralin noong


nakaraang linggo at gamitin itong lunsaran para sa bahaginan
ngayong araw.

Sabihin: Noong nakaraang linggo, ang takdang-aralin ninyo ay kausapin


ang isang miyembro ng inyong pamilya at tanungin sila tungkol sa paborito

PY
nilang pintor, eskultor, musikero, manunulat, artista, o iba pang alagad
ng sining. Nagawa ba ninyo ang takdang araling ito? Ito ang paksa ng
bahaginan ngayong araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang
O
panimula na nakasulat sa pisara.

Si ___________ ang paboritong alagad ng sining ng _____ ko.


C
Siya ang _____________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang mas magabayan


D

ang mga maglalahad. Halimbawa: “Si Ryan Cayabyab ang


paboritong alagad ng sining ng nanay ko. Siya ang kompositor ng
E

maraming awitin, katulad ng ‘Kay Ganda Ng Ating Musika.’ ”


EP

• Tumawag ng tatlong bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita sa


klase. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung
kinakailangan.
D

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Iugnay ang bahaginan sa tema para sa linggong ito: Sining at


Produkto ng Aking Bayan. Banggitin na ang kuwento para sa
linggong ito ay may kinalaman din sa isang uri ng sining.

Sabihin: May kaugnayan ang ginawa nating bahaginan sa tema para sa


linggong ito. Ang ating mga gawain, at maging ang kuwento na babasahin
ko bukas, ay may kinalaman sa sining at produkto ng ating bayan. Bilang
paghahanda para sa ating kuwento bukas, pag-aralan muna natin ang ilang
salita na maririnig ninyo bukas.

• Isulat sa pisara at basahin nang malakas ang listahan ng tututukang


salita: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espiritista,
talumpati, eskandalo, walang imik.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
90 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

• Basahin ang sumusunod na pangungusap at tulungan ang mga talaan


mag-aaral sa pagtukoy kung ano ang kasingkahulugan nito.

Pangungusap 1: Dahil sa hilig niya sa basketbol, ito ang laging


bukambibig niya.
Sabihin: Pagmasdan natin ang salitang ito. Ano pa ang ibang salita
na makikita natin sa loob nito? Ano ang ibig sabihin ng buka?
Ano naman ang ibig sabihin ng bibig? Kapag ipinagsama natin ang
dalawang salitang ito, ano ang naiisip ninyo? May kilala din ba kayo na
puro basketbol na lang ang lumalabas sa kaniyang bibig tuwing siya’y
nagsasalita?
Isulat ang kahulugan: bukambibig = bagay o paksa na laging
sinasabi.

Pangungusap 2: Hindi siya makatulog o makakain, dahil


ikinababahala niya ang galit sa kaniya ng mga kaibigan niya.
Sabihin: Aling mga salita sa pangungusap ang nagpapakita ng
kahulugan ng ikinababahala? Kapag hindi kayo makatulog o
makakain, ano ang nararamdaman ninyo?

PY
Isulat ang kahulugan: ikinababahala = lubos na nag-aalala

Pangungusap 3: May ginagawang eksperimento ang mga


siyentipiko sa kanilang laboratoryo.
O
Sabihin: May salita rin ba tayong makikita sa loob ng siyentipiko?
Anong uri ng trabaho ang ginagawa sa isang laboratoryo? Kapag ipagsama
C
natin ang dalawang pahiwatig o clue na ito, ano kaya ang ibig sabihin ng
salitang ito?
Isulat ang kahulugan: siyentipiko = eksperto sa agham
D

Pangungusap 4: Gumagawa ng gamot mula sa dahon at ugat


E

ang espiritista.
Sabihin: May mas maikling salita din sa loob ng salitang ito. Nakikita
EP

ba ninyo? Ano kaya ang kinalaman ng espiritu sa pagpapagaling sa sakit?


Naranasan na ba ninyong magpatingin sa isang espiritista?
Isulat ang kahulugan: espiritista = albularyo, gumagamit ng
D

dahon o dasal bilang gamot

Pangungusap 5: Maraming ipinahayag na pangako ang mayor sa


kaniyang talumpati.
Sabihin: Sino raw ang nagtalumpati dito sa pangungusap? Paano
karaniwang nagpapahatid ng mensahe ang isang mayor o pulitiko? Ano ang
ginagawa nila kapag umaakyat sila sa entablado?
Isulat ang kahulugan: talumpati = pagpapahayag sa publiko,
mamamayan o madla.

Pangungusap 6: Usap-usapan sa kanilang bayan ang eskandalo


na nandaya ang mayor sa eleksiyon.
Sabihin: Ang pandaraya ba ay positibo o negatibo? Anong klaseng balita
o usap-usapan kaya ang isang eskandalo?
Isulat ang kahulugan: eskandalo = gawing di katanggap-tanggap
nailantad, di-tanggap na bagay na pinag-uusapan, maling gawi o
pangyayaring nababalitaan ng mamamayan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 91
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Pangungusap 7: Kahit ilang ulit siyang tanungin, nanatili siyang


tahimik, at walang imik.
Sabihin: Sa palagay ninyo, aling salita sa pangungusap na ito ang
kasinghulugan ng walang imik? Ano pa ang ibang pahiwatig tungkol sa
kahulugan ng walang imik dito sa pangungusap?
Isulat ang kahulugan: walang imik = hindi sumasagot o
nagsasalita, tahimik
• Basahin muli ang listahan ng salita, kasama na ngayon ang
kahulugan. Pasabayin ang mga mag-aaral sa pagbanggit ng
talasalitaan.

3 PAGSASANAY: PAGSULAT NG
PINAG-ARALANG SALITA

• Ipakita sa huling pagkakataon ang mga salita sa pisara. Ipaliwanag


sa mag-aaral na magsasagawa ang klase ng pagsasanay gamit ang

PY
mga salitang ito, kaya’t mainam na tingnan nilang mabuti ang mga
salita bago ito mawala sa pisara. Ipapansin sa kanila ang ugnayan
ng letra at tunog. Basahing muli ang mga salita nang marahan at
ipapantig, habang idinidiin ang mga tunog na bumubuo sa salita.
O
• Burahin o alisin ang listahan ng salita sa pisara. Ipalabas ang
C
kuwaderno ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga bata na susubukan
nilang isulat sa kanilang kuwaderno ang ilang salita mula sa
talasalitaan. Babanggitin muna ng guro ang salita. Ulitin ang
D

pagbigkas nito nang marahan. Gamitin ito sa isang pangungusap.


Banggitin itong muli. Iisipin ng mga mag-aaral ang mga tunog
E

na bumubuo sa salita at ang pagkakatanda nila sa mga letra nang


nakasulat ang salitang ito sa pisara. Gagamitin nila ang ganitong
EP

paraan sa pagbubuo at pagsulat ng salita sa kanilang kuwaderno.

• Bigkasin nang malakas ang sumusunod:


D

a. Talumpati. Ta-lum-pa-ti. Marami ang pumuri at pumalakpak sa


kaniyang talumpati. Talumpati.
b. Eskandalo. Es-kan-da-lo. Hindi pa rin niya maipaliwanag kung
bakit siya iniuugnay sa eskandalo. Eskandalo.
c. Bukambibig. Bu-kam-bi-big. Dahil sa kaniyang kasikatan, siya
pa rin ang bukambibig sa buong bayan. Bukambibig.

• Bigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral sa pagsusulat


ng salita bago simulang banggitin ang susunod. Umikot sa klase
at tingnan kung nakukuha na ng mga mag-aaral ang estratehiya
sa pagbaybay o pagsulat ng salitang narinig. Pansinin kung may
karaniwang pagkakamali na makikita sa mga kuwaderno at
palalimin ang paliwanag tungkol dito kapag sinimulan na ang
pagpapakita ng wastong baybay/pagkakasulat.

• Gamitin ang pocket chart at mga letter card na ginamit noong


Yunit 2 upang ipakita ang tamang baybay sa buong klase. Sabihin

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
92 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

muna ang buong salita nang mabilis. Sabihin muli nang marahan. talaan
Pagkatapos ay ilagay ang akmang unang letter card sa pocket chart
habang binabanggit ang tunog nito. Gawin ang ganitong proseso
hanggang maibaybay na ang buong salita. Ipabasa sa klase ang
buong salita. Gawin ang similar na hakbang para sa lahat ng salita
na ipinasulat sa kuwaderno.

4 PAGTATAPOS

Magsagawa ng mabilis na pagpupulso tungkol sa mga pinag-aralan


ngayong araw. Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang kamay
at ipipitik ito kung sa palagay nila ay nilalarawan sila ng mga
babanggiting pangungusap ng guro:

a. Naisulat ko nang walang mali ang lahat ng salita na ipinasulat sa


kuwaderno.
b. Alam ko na ang paraan o mga hakbang para pag-isipan ang mga

PY
tunog at letra na bumubuo sa salita upang matulungan ako sa
pagsulat nito.
c. Kaya kong gamitin sa sarili kong pangungusap ang lima o higit pa
sa mga salitang ito: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko,
O
espiritista, talumpati, eskandalo, walang imik.
d. Medyo naiintindihan ko na, pero hindi ko pa magagamit sa
C
pangungusap, ang tatlo o higit pa sa mga salitang ito: bukambibig,
ikinababahala, siyentipiko, espiritista talumpati, eskandalo,
walang imik.
E D
EP

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
D

sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-IIIe-9 Nasasabi ang mensahe ng isang babala o paalala

• F1PL-0a-j-5 Naipakikita ang pagtanggap sa mga ideya ng napakinggang


teksto/akda

• F1AL-IIIe-2 Natutukoy ang simula ng pangungusap/talata/kuwento

1 PANIMULANG GAWAIN: Bahaginan

• Ipakita sa klase ang larawan ng babala/paalala na ito.

Itanong: Ano kaya ang ibig sabihin ng paalalang ito? Saan kaya ito
nakikita o ginagamit? (Maaaring gawing batayan ang larawang ito:
http://www.marinesigns.com/images/signs/ps/PS020C.jpg)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 93
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

(Mga posibleng sagot: panatilihin ang katahimikan o huwag


mag-ingay, maaaring makita ito sa mga silid-aklatan, sa mga
ospital kapag nagpapahinga ang mga pasyente, sa lugar kung saan
nagsasagawa ng pagsusulit)

• Iugnay ang babala/paalala sa mga pinag-aralang salita kahapon.

Itanong: May salita ba tayong tinutukan kahapon na may kaugnayan


sa mensahe ng paalalang ito? Ano nga ang salitang pinag-aralan natin

PY
kahapon na pinakamalapit ang kahulugan sa tahimik? Tama, walang
imik. Balikan natin ang iba pang salitang pinag-aralan natin kahapon.
O
2 PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG
SA KUWENTO
C

a. Paghawan ng Balakid
D

• Ipaalala sa mga mag-aaral na ang mga salitang pinag-aralan


kahapon ay maririnig nila sa kuwentong babasahin ninyo ngayon.
E

Banggitin muli ang mga salita at ipabanggit sa mga mag-aaral


EP

ang kahulugan nito: bukambibig, ikinababahala, siyentipiko,


espiritista, talumpati, eskandalo, walang imik.
D

b. Pagganyak
• Ipakita ang pabalat ng aklat na Si Nina sa Bayan ng Daldalina.
Tanungin ang mga bata kung anong impormasyon ang makikita sa
pabalat. Basahin ang pamagat, may-akda, at tagaguhit ng aklat.

• Iugnay ang aklat sa tema para sa linggong ito. Banggitin na ang


tema ay tungkol sa sining at produkto ng ating bayan.

Itanong: Ano ang nakikita ninyo dito sa pabalat na may kinalaman


sa sining? (Sagot: mga pangkulay o crayon, pintura, papel, etc.)
Sa anong klaseng sining ginagamit ito? (Sagot: pagguhit at pagpinta)
Nakagamit na ba kayo nito? Ano ang ginuhit ninyo?

c. Pangganyak na Tanong
Habang binabasa ko ang kuwento, subukang hanapin ang sagot sa tanong
na ito: Ano ang ginawa ni Nina upang magkaboses siya sa bayan ng
Daldalina?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
94 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

talaan

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

Buksan ang aklat sa p. 4 at tanungin ang mga bata:


Babasahin ko na ang kuwento. Saan ako dapat magsimula? Ipakita
nga ninyo sa akin kung saan ako magsisimulang magbasa. Lumapit
sa isang bata at ipaturo kung saan ang simula ng kuwento/
talata/pangungusap. Tulungan ang bata na sabihin ito sa
buong pangungusap.

Halimbawa: “Ito ang simula ng kuwento. Ito ay simula ng unang


pangungusap at unang talata sa kuwento.”

Itanong: Saan nagsisimula ang talata 2? Talata 3? Sa talata 1,


nasaan ang simula ng bawat pangungusap?

• Lumapit sa ibang bata at ipaturo ang mga bagay na itinanong.


Tulungan o iwasto ang pagturo ng bata kung kinakailangan.

PY
• Basahin ang kuwento nang may damdamin, ngunit huminto
sa mga takdang pahina at tanungin ang mga mag-aaral upang
mapalalim ang kanilang pakikinig at pag-intindi: O BRIDGING
Pagkabasa ng p. 4, huminto at itanong:
Tulungan ang mga
Saan kilala ang mga tao sa bayan ng Daldalina? Akma ba ang
mag-aaral na iugnay
C
pangalan ng bayan sa katangian ng karamihan ng mga tao dito? Bakit?
ang tawag sa iba’t
Pagkabasa ng p. 7, huminto at itanong:
Ano ang kakaiba kay Nina? Bakit daw nababahala ang mga magulang ibang sining sa kanilang
D

niya? Mother Tongue sa


E

Pagkabasa ng p. 12, huminto at itanong: tawag dito sa Filipino.


Ano ang inaalala ng ibang taga-Daldalina nang malaman nilang walang Maaaring ilista sa pisara
EP

boses si Nina? Sa tingin ba ninyo ay tama sila? Ano kaya ang gagawin ni ang salita para sa iba’t
Nina dahil sa mga sinabi ng mga kapitbahay nila?
ibang sining sa Filipino
D

Pagkabasa ng p. 15, huminto at itanong: (halimbawa, pagsayaw,


Bakit nagpaalam na umalis si Nina mula sa Daldalina? Saan kaya siya
pupunta? pagkanta, teatro, pelikula,
pagpipinta, eskultura,
Pagkabasa ng p. 19, huminto at itanong:
Ano ang pakiramdam ni Nina sa bahaging ito ng kuwento? Sa tingin musika, pagsulat) at
ninyo, mahahanap pa kaya niya ang kaniyang boses? itanong sa kanila kung
Pagkabasa ng p. 20, huminto at itanong: ano ang katapat na salita
Ano ang napansin ni Nina tungkol sa pintor na nakita niya sa parke? nito sa kanilang Mother
Anong ideya kaya ang nabubuo sa isipan ni Nina nang makita niya ang Tongue. Maaari ding
pintor at ang magagandang larawan?
tanungin ang mga
Pagkabasa ng p. 22, huminto at itanong: mag-aaral kung sino
Ano ang ginawa ni Nina matapos niyang makita ang nagawa ng tahimik
ang mga tanyag na lokal
na pintor? Ano kaya ang mangyayari kay Nina ngayong pabalik na siya sa
Daldalina? na alagad ng sining sa
kanilang komunidad.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 95
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Pagkabasa ng. p. 25, huminto at itanong:


Ano ang unang reaksiyon ng mga taga-Daldalina sa pagbabalik ni Nina?
Hulaan ninyo—ano kaya ang gagawin ni Nina?

Pagkabasa ng p. 27, huminto at itanong:


Ano ang tinutukoy na naggagandahang boses ni Nina? Bakit kaya
natahimik ang mga taga-Daldalina nang ipakita ni Nina ang kaniyang
mga iginuhit at ipininta?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO

Matapos basahin ang kuwento, itanong ang sumusunod:

• Bakit kaya hindi makapagsalita si Nina? May kilala ba kayong ibang


tao na katulad ni Nina at hindi rin makapagsalita?
• Ano ang tinutukoy na boses na nahanap ni Nina? Paano niya
nagamit ang sining ng pagguhit at pagpinta upang makapagpahayag
ng kaniyang mga ideya?

PY
• Ano pa ang ibang uri ng sining na masasabi rin nating parang
boses dahil nagagamit ito sa pagpapahayag? Nangungusap din ba
ang mga tugtugin? Mga sayaw? Mga monumento? Mga palabas sa
teatro o sa sinehan?
O
• Ano ang natutuhan ng mga taong-bayan ng Daldalina mula kay
C
Nina?

5
D

PAGTATAPOS
E
EP

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan ang


kuwento ni Nina at itanong sa inyong sarili—kung naging katulad
ako ni Nina, paano ko ipapahayag ang naiisip o nararamdaman ko
kahit hindi ako makapagsalita? Maghandang magbahagi tungkol dito
D

bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
96 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIc-15 Nakapagtatanong ng kaugnay na impormasyon para lalong


mauunawaan ang napakinggan

• F1KP-IIIe-7 Nasasabi ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga pantig/salita

• F1KM-IIIe-2 Naisusulat nang may wastong baybay at bantas ang


salita/pangungusap na ididikta ng guro

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin kahapon bilang paksa para


sa bahaginan ngayong araw.

PY
Sabihin: Nang magtapos tayo kahapon, ito ang iniwan ko sa inyong
tanong para sa inyong takdang-aralin. Kung kayo ay maging katulad ni
Nina at mawalan ng boses, ano ang gagawin ninyo upang maiparating
ang inyong saloobin at ideya sa iba? Ito ang pagbabahaginan natin ngayong
O
araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa
pisara:
C
Kung hindi ako makapagsalita, ____ ako para maipakita ang
ideya at damdamin ko.
D

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas


magabayan ang mga maglalahad. Halimbawa: “Kung hindi ako
E

makapagsalita na katulad ni Nina, gagalaw at aarte ako para


EP

maipakita ang ideya at damdamin ko.”


• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong
nakapagsasalita sa klase para sa bahaginan.
D

2 PAGBABALIK-ARAL:
SI NINA SA BAYAN NG DALDALINA

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang pagbasa ninyo ng kuwentong


Si Nina sa Bayan ng Daldalina kahapon.

Sabihin: Kahapon, habang binabasa ko para sa inyo ang kuwento,


ano ang napansin ninyong ginagawa ko pagkatapos kong mabasa ang
isang pahina? (Sagot: nagtatanong) Bakit kaya ako nagtatanong sa
inyo habang binabasa ko ang kuwento?

• Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang pagtatanong habang


nagbabasa ng isang kuwento ay isang paraan na maaari din nilang
gamitin upang mas maunawaan o mas maintindihan ang nais
iparating na mensahe ng may-akda. Magpakita ng isang halimbawa.
Tumungo sa isang pahina na binasa kahapon kung saan may

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 97
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan binanggit kayong tanong pagkabasa, halimbawa: p. 12 o p. 15.


Tanungin muli ang mga itinanong kahapon pagkabasa ng pahinang
ito. Ipapansin kung paano nakatutulong ang tanong sa paggabay
ng kanilang pag-iisip tungkol sa kuwento.

• Ihanda sila para sa pagbubuo ng tanong tungkol sa isang pahina


ng kuwento upang mas lalo nilang mauwaan ang kuwentong
napakinggan.

Sabihin: Kahapon, may ilang bahagi o pahina sa kuwento na hindi


ako nagtanong pagkabasa ko. Kayo ngayon ang siyang bubuo ng tanong
tungkol sa inyong napakinggan. May babasahin akong isang pahina.
Magtatanungan kayo ng inyong katabi. Pagkatapos, tatawag ako ng ilan sa
inyo upang ilahad sa buong klase ang mga tanong na naisip ninyo.

• Buksan ang aklat sa p. 16. Basahin para sa mga mag-aaral ang


nakasulat sa pahinang ito. Ipapansin din sa kanila ang larawan sa p.
17. Mag-iisip sila ng tanong tungkol sa narinig at nakikita nila mula
sa pahinang ito. Bigyan ang mga magkapares/magkatabi ng tatlong

PY
minuto para mag-usap at mag-isip ng tanong tungkol sa kanilang
napakinggan. Umikot sa buong klase at obserbahan/pakinggan ang
pag-uusap ng mga bata.
O
• Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng dalawang pares na
maglalahad ng kanilang nabuong tanong. Ipasagot sa iba pang
C
mag-aaral ang mga tanong na inilahad nila. Tanungin ang mga bata
kung nakatulong ang pagtatanong sa sarili/sa katabi upang mas
lalo nilang maintindihan ang kuwento. Idiin na magagamit nila ang
D

estratehiyang ito sa tuwing nakikinig sila sa isang kuwento.


E

3 PAGSASANAY
EP

Pagpansin sa Pagkakatulad o Pagkakaiba ng mga Pantig


ng Salita
D

• Manatili sa p. 16 ng aklat na Si Nina sa Bayan ng Daldalina.


Ipapansin sa mga mag-aaral ang ilang salita mula sa huling
pangungusap dito.

Sabihin: Tutukan natin ngayon ang ilang salita dito sa pangungusap na


ito. Babasahin ko muli ang pangungusap—habang binabasa ko, pakinggan
at sabihin kung aling mga salita dito ang nagsisimula sa letrang k.

• Pagkasagot ng mga mag-aaral, isulat sa pisara ang tatlong salita


mula sa pangungusap na nagsisimula sa letrang “k”: kulay,
korales, kaniyang.

Sabihin: Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito? Pare-pareho


ba sila ng unang pantig? Ano ang unang pantig sa kulay? Korales?
Kaniyang?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
98 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

• Magsulat ng talahanayan na may tatlong hanay sa pisara. Isulat sa talaan


unang hanay ang kaniyang, sa ikalawang hanay ang korales, at sa
pangatlong hanay ang kulay.

kaniyang korales kulay

• Magpakita ng iba pang salita sa flash card na nagsisimula sa letrang


“k” at basahin ito nang malakas: kuwaderno, katol, kumot,
kokak, kahoy. Pagkapakita/pagkabasa ng bawat salita, ipaliwanag
kung ano ang ibig sabihin nito. Itanong din kung alin sa mga salita
sa hanay ang kapareho ng unang pantig nito. Tumawag ng bata
na magdidikit ng flash card sa hanay na kapareho nito ng unang
pantig.

• Ipakopya ang nabuong talahanayan, ngunit sabihan ang mga


mag-aaral na maglaan ng espasyo para sa ilan pang salita. Magdikta
ng dalawa pang salita at ipasulat ito sa tamang hanay sa kanilang
kuwaderno: kahit, kuko. Ipaalala sa mag-aaral na pakinggan ang

PY
tunog na bumubuo sa mga pantig ng salita upang matulungan sila
sa pagtukoy ng letra na isusulat nila upang maibaybay ang salita.
O
• Magiging ganito ang pinal na talahanayan:
C
kaniyang korales kulay
katol kokak kuwaderno
D

kahoy kumot
kahit kuko
E

• Basahin ang mga salita sa bawat hanay kasabay ng mga mag-aaral.


EP

Ipabasa muli ang mga salita sa mga mag-aaral, ngunit sila na lang
ang magbabasa.

• Kung may panahon pa, hikayatin ang mga magkatabi na gumawa


D

ng pangungusap gamit ang ilang salita mula sa talahanayan.


Tumawag ng ilang magkapares upang magbahagi ng kanilang
pangungusap.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip ng iba pang


salita na nagsisimula sa pantig na ku-, ko-, at ka-. Magpatulong sa
inyong kapamilya. Isulat ang mga maiisip na salita sa talahanayan sa
inyong kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 99
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4 sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol


sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

• F1PN-IIIc-15 Nakapagtatanong ng kaugnay na impormasyon para lalong


mauunawaan ang napakinggan

• F1KP-IIIe-7 Nasasabi ang pagkakatulad o pagkakaiba ng mga pantig/salita

PANIMULANG GAWAIN: LARO (“I SPY”/


1 “HULAAN MO ANG NAKIKITA KO - 10
TANONG”)

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ginawa nilang pagtatanong tungkol

PY
sa narinig nilang bahagi ng kuwento kahapon. Banggitin na ang
isa pang gamit ng pagtatanong ay ang pagkuha ng impormasyon
na maaari nilang pag-ugnay-ugnayin upang makabuo ng isang
pangkalahatang ideya.
O
• Ipaalam sa mga mag-aaral na maglalaro ang klase ng “Hulaan
C
Mo ang Nakikita Ko - 10 Tanong.” May bagay kayong iniisip na
makikita sa kanilang silid-aralan. Upang mahulaan ng klase ang
bagay na iniisip ninyo, maaari silang magtanong ng sampung
D

tanong na masasagot lamang ng oo o hindi. Magtataas sila ng


kamay kung nais nilang magtanong at tatawagin ninyo sila. Isang
E

beses lamang puwedeng magtanong ang bawat mag-aaral. Kapag


nakasampung tanong na, isuma para sa kanila ang mga isinagot
EP

nila sa tanong. Huhulaan nila kung ano ang bagay na makikita sa


silid-aralan.
D

• Magbigay ng isang pahiwatig tungkol sa bagay na ipinapahula bago


simulan ng mga mag-aaral ang pagtatanong. Halimbawa, kung
ang napiling bagay ay pangkulay, sabihin sa mga bata na ito ay
ginagamit sa pagguhit. Ipaalala na ang maaari lang ninyong sagutin
na tanong ay ang mga nasasagot ng oo o hindi. Magsagawa ng
pagbibilang ng mga tanong sa pisara upang siguradong hindi
lalagpas sa 10 ang itatanong ng klase.

• Kapag natapos na ang sampung tanong, ipasagot sa mga mag-aaral


kung ano ang bagay na pinahuhulaan. May tatlong pagkakataon
silang manghula. Ipakita ang bagay at isulat ang pangalan nito sa
pisara sa pagtatapos ng hulaan. Ipagamit sa isang pangungusap ang
salita. Tumawag ng isang bata na hindi pa gaanong nakapagsasalita
sa klase.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
100 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

talaan

2 PAGSASANAY: MGA SALITANG KILOS AT


PAGKAKATULAD NG MGA PANTIG SA SALITA

• Ipakita ang sumusunod na salita na nakasulat sa flash card: langoy,


lakad, lipad, ligo. Basahin ang bawat salita at ipaulit sa mga mag-
aaral. Ipapansin ang unang pantig ng mga salita.

Itanong: Aling pares ng salita ang magkapareho ng unang pantig?


(Sagot: langoy-lakad, lipad-ligo)

• Hikayatin ang mga mag-aaral na mag-isip ng kilos o galaw na


magpapakita ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag nagkasundo
na sa kilos, awitin ang mga salita sa tono ng “Paa, Ulo, Balikat,
Tuhod” habang isinasagawa ang galaw para sa bawat salita. Aawitin
muna ito ng guro upang ipakita sa buong klase:

Langoy, lakad

PY
lipad, ligo.
Langoy, lakad
lipad, ligo.
Langoy, lakad
O
lipad, ligo.
C
Magpalakpakan tayo.

Sabihin: Pansinin ang mga salitang kilos na inawit natin. Ano ang
D

ipinapahiwatig ng mga salitang ito? Tama. Ipinapakita ng salitang kilos


ang aksiyon na ginagawa ng isang tao, hayop, o bagay. Ipares natin ang
E

mga salitang kilos na ito sa mga hayop na ganito ang ginagawang aksiyon.
EP

Anong hayop ang lumalangoy? Anong hayop naman ang naglalakad?


Anong hayop ang lumilipad? Ano naman ang naliligo?

• Hikayatin ang magkatabi na mag-usap upang sabihin sa buong


D

pangungusap kung aling hayop ang gumagawa ng aling kilos.


Magbigay ng halimbawa: “Lumalangoy ang isda. Naglalakad ang
aso. Lumilipad ang ibon. Naliligo ang kalabaw.” Tumawag ng
magkapares na maglalahad ng binuo nilang pangungusap.

Tanungin ang mga bata: May nilalang ba na nakagagawa ng


lahat ng salitang kilos na ito? Ano o sino? Paano nakakalipad ang tao
kung wala naman siyang pakpak na katulad ng ibon? Bumuo nga tayo
ng pangungusap upang ipakita ang ideya na ito.

• Isulat ang nabuong pangungusap, halimbawa: “Ang tao ay


lumalangoy, naglalakad, lumilipad, at naliligo.”

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang pangungusap at ipakopya ito sa


kanilang kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 101
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

3
talaan
PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Upang makagawa ng


kuwento, ang isang tao ay kailangang magsulat. Ano ang aksiyon o
kilos na ginagawa ng tao upang makagawa ng isang:

• dibuho?
• estatwa/monumento?
• pelikula?
• piyesa ng musika?

Pag-isipan, magpatulong sa nakatatanda kung kinakailangan, at


maghandang magbahagi tungkol dito bukas.

PY
O
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari
C

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa


D

iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan


E

1
EP

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin kahapon at iugnay ito


D

sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa mga sining
at produkto ng ating bayan. Kahapon, ang takdang-aralin ninyo ay ang
mag-isip kung anong salitang kilos o aksiyon ang ginagawa ng mga tao na
gumagawa ng sumusunod na sining: dibuho, estatwa/monumento,
pelikula, at piyesa ng musika. Napag-isipan ba ninyo ito? Humingi
ba kayo ng tulong sa inyong magulang o iba pang nakatatanda? Ano ang
mga salitang kilos na naisip ninyo? Isusulat ko sa pisara.

• Isulat sa pisara ang magkatuwang na sining at salitang kilos.


Halimbawa:

a. dibuho – guhit, kulay


b. estatwa – ukit, kinis
c. pelikula – sulat, arte, kuha/shoot, direk
d. musika – tugtog, sulat, areglo

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
102 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

• Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng pangungusap gamit talaan


ang mga salita sa pisara. Halimbawa:

a. Ang dibuho ay ginuhit at kinulayan ni Botong Francisco.


b. Isang grupo ng kabataan ang nag-ukit at nagpakinis sa rebulto
ni Andres Bonifacio.
c. Si Lino Brocka ang nagsulat ng script ng pelikula.
d. Tinugtog ng Pangkat Kawayan ang musika na sinulat ni Ryan
Cayabyab.

2 MULING PAGBASA NG KUWENTO

• Ipakita muli ang aklat na Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Iugnay ang


kuwento sa tema para sa linggong ito bago ito muling basahin.

Sabihin: Gaya na nabanggit kanina, ang tema natin ngayon ay mga


sining at produkto ng ating bayan. Ang pagsusulat ba ng kuwentong
pambata ay isang sining? Gayundin ba ang pagguhit ng larawan para

PY
sa mga libro? Sino ulit ang may-akda ng kuwento natin ngayong linggo?
Sino naman ang tagaguhit? Tungkol saan nga ulit ang kuwentong ito?
Natatandaan pa ba ninyo? Pakinggan ninyong muli ang kuwento. Habang
O
binabasa ko, pansinin ang mga salitang kilos na binabanggit sa kuwento.
Pag-isipan din kung ano ang mensahe o aral na nakukuha ninyo mula sa
C
kuwentong ito. Tatanungin ko kayo tungkol sa dalawang puntos na ito
matapos kong basahin ang aklat.

• Basahin muli ang aklat nang may damdamin at ekspresyon.


D

Subukang iba-ibahin ang tono at tinis ng boses kapag binabasa


ang diyalogo ng iba-ibang tauhan.
E

• Pagkatapos basahin ang kuwento, balikan ang mga tanong na


EP

ibinigay bago simulan ang pagbasa at kunin ang mga ideya ng mga
bata:
D

–– Ano ang mga salitang kilos na narinig ninyo sa kuwento? Magbigay


ng isang salitang kilos na narinig ninyo at gamitin ito sa isang
pangungusap tungkol sa karaniwan ninyong ginagawa sa bahay o
paaralan.
Ilang posibleng sagot: nakatira, marinig, sasabihin, kilala,
makikipagsabayan, ikinababahala, wika, mag-aaral, dagdag,
nilapitan, malaman, nahanap, sabihin, tanggapin, pagwawakas,
hinanap, pinuntahan, kinatok, nilakad, pinakinggan,nagkaroon,
malaman, nababagay, sampal, naisip, nagpaalam, mag-ingat,
tingnan, madapa, kalimutan, magbaon, magutom, naglakbay,
napuntahan, nakakita, naupo, napansin, namangha, itinala,
ipapahiya, natutuhan, hinangaan

–– Ano ang napulot ninyong aral o mensahe mula sa kuwento ni Nina?


Ilang posibleng sagot: Huwag maliitin ang mga walang boses.
Hindi lang sa salita nakapagpapahayag ang tao. Huwag
tumigil sa paghahanap at matatagpuan din ang sariling paraan ng

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 103
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan pagpapahayag. Ang lahat ng tao ay may boses at may


maiaambag sa komunidad. Matutong tanggapin at hangaan kahit
ang mga kakaiba sa atin.

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita o gamitin sa isang pangungusap


ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat bata sa grupo):
bukambibig, ikinababahala, siyentipiko, espiritista,
talumpati, eskandalo, walang imik.
–– Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang
salitang kilos, o ang salitang nagpapakita kung ano ang aksiyon

PY
na nangyayari sa pangungusap. (Pumili lamang ng isang
pangungusap para sa bawat bata sa grupo.)
(1) Pumasok ako sa eskuwela.
O
(2) Sinagutan ko ang pagsusulit.
(3) Bigla siyang umiyak.
C
(4) Maraming tinanong ang guro.
(5) Kinain ko ang baon ko.
(6) Nanghiram ako ng libro.
D

(7) Kinulayan ko ang pahina.


(8) Nagluto si nanay ng pancit.
E

(9) Natuwa kaming lahat sa pelikula.


(10) Sasayaw kami ng tinikling bukas.
EP

(11) Tumawid siya ng kalsada.

–– Isulat sa inyong kuwaderno ang mga salitang ito: kilos, Nina,


D

bayan, sining, tagaguhit, may-akda, aklat.


–– Aling salita sa grupo ang naiiba ang unang pantig?
(Pumili lamang ng isang set ng salita para sa bawat mag-aaral)
(1) kuha, kama, kumot
(2) bahay, bote, baso
(3) sine, sining, sago
(4) Nina, nipa, nasa
(5) bibig, belat, bisig
(6) bayan, butas, buko
(7) tubig, toyo, Totoy
(8) guhit, goto, gupit

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
bata. (Gawain 3b)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
104 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 25

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa talaan


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagtukoy sa naiibang unang pantig.

• Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga bata sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Gayahin si Nina ng Daldalina. Gumuhit ng isang tanawin o lugar na
gustong-gusto mo. Pagkatapos iguhit, subukang magsulat ng maikling
pangungusap tungkol sa iyong ginawang larawan.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Maglista sa inyong


PY
kuwaderno ng limang salitang kilos o aksiyon na mapapansin ninyong
O
ginagawa ng inyong nanay, tatay, o kapatid. Maghandang magbahagi
C
tungkol dito sa susunod na linggo.
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 105
YUNIT 3 ARALIN 26

ARALIN

26
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Sining at Produkto ng Aking Bayan


E

READ ALOUD STORY: Si Nina sa Bayan ng Daldalina


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 107
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 26

Tema: Sining at Produkto ng Aking Bayan


Read Aloud Story: Si Nina sa Bayan ng Daldalina (Kuwento ni Aliona Silva at Guhit ni Luisito Chua)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
WG • F1WG-IIIe-g-5 • Pagsasanay: Mga produktong
Nagagamit ang mga salitang kilos Pilipino
sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan

PY
PT • F1PT-IIIf-4.1;4.2
Nababasa ang mga salita gamit ang
palatandaang konpigurasyon; tunay
na bagay/larawan
O
1
C
D

KM • F1KM-IIIe-2
E

Nakasusulat nang may tamang laki at


EP

layo sa isa't isa ang mga salita


D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
108 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pagpapakita ng larawan at flash card ng mga • Pag-uugnay ng flash card sa larawan


produktong Pilipino at pag-uugnay ng dalawa • Pagsali sa talakayan tungkol sa paggawa ng mga
• Pagtatanong kung paano ginagawa ang mga produktong nasa pisara
produkto at pag-ugnay nito sa mga salitang • Pakikinig at pagmasid sa mga flash card ng
kilos salita

PY
• Pagpapakita at pagbasa ng mga flash card • Pakikinig sa pangungusap na pupunuan ng
ng salitang kilos na kaugnay ng paggawa ng salitang kilos
produktong Pilipino • Paglagay ng tamang salitang kilos sa patlang
• Pagbasa sa pangungusap tungkol sa paggawa • Pagbasa ng nabuong pangungusap
O
ng mga produktong Pilipino na pupunuan ng
mga bata ng tamang salitang kilos
C
• Pagtawag ng mga bata para punuan ang patlang
sa pangungusap
• Paggabay sa mga bata sa pagbabasa ng
D

nabuong pangungusap
• Pangunguna sa talakayan tungkol sa • Pakikilahok sa talakayan
E

pagtangkilik ng produktong Pilipino • Pagsulat ng pangungusap sa kuwaderno


EP

• Paggabay sa mga bata sa pagsulat ng


pangungusap tungkol sa pagtangkilik ng
produktong Pilipino
D

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 109
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PS • P1PS-IIIf-5.2 • Pagbabalik-aral: Si Nina sa Bayan ng
Nakasasali sa isang usapan tungkol Daldalina
sa isang napakinggang kuwento

PL • F1PL-0a-j-6 • Read Aloud Story: Si Nina sa Bayan


Naipakikita ang hilig sa pagbasa ng Daldalina

PL • F1PL-0a-j-6 • Bahaginan

PY
Naipakikita ang hilig sa pagbasa

WG • F1WG-IIIe-g-5
O • Pagsasanay: Mga salitang kilos
Nagagamit ang mga salitang kilos
sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
C
gawain sa tahanan, paaralan, at
pamayanan
D

3
E
EP
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
110 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapakita ng larawang mula sa aklat at • Pagmamasid sa mga larawan
pagtatanong kung ano ang nangyari o ang • Pakikipag-usap sa katabi upang sagutan ang
ginawa ni Nina sa puntong iyon ng kuwento tanong ng guro
• Paghikayat sa mga bata na sagutan ang tanong • Paglahad ng sagot sa buong klase
sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa kanilang • Pagmasid at pagsabay sa pagbasa ng isinulat na
katabi pangungusap
• Pagtawag ng ilang bata upang sumagot • Pag-arte ng mga galaw o kilos na binabanggit
• Pagsulat ng pangungusap na nagpapakita ng sa pangungusap
naganap sa kuwento sa pisara
• Pagtawag sa ilang bata na iaarte ang mga galaw
mula sa nakasulat na pangungusap sa pisara
habang binabasa ito ng guro
• Pagtatanong tungkol sa opinyon ng mga bata • Pagtugon sa mga tanong tungkol sa kanilang
sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina nagustuhan sa kuwento
• Paglahad ng sagot sa buong klase
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pagbuo ng pangungusap at paglalahad sa buong

PY
halimbawang pangungusap klase
• Pagtawag ng mga bata upang maglahad sa
buong klase O
• Pagpapakitang muli at pagbasa ng mga • Pagmasid sa mga pangungusap at pakikinig
pangungusap na nabuo kahapon tungkol sa habang binabasa ng guro ang mga pangungusap
mga pangyayari sa kuwentong Si Nina sa Bayan • Pagtukoy sa salitang kilos sa bawat
C
ng Daldalina pangungusap
• Pagpapatukoy sa mga bata ng salitang kilos sa • Pagbasa sa mga pangungusap habang
D

bawat pangungusap nilalakasan ang pagbasa ng salitang kilos


• Pagsalungguhit sa salitang kilos sa bawat • Pagbuo ng sariling pangungusap gamit ang ilang
E

pangungusap salitang kilos mula sa mga nasalungguhitang


• Pagpapabasa sa mga bata sa mga pangungusap pangungusap
EP

na may pagdiin sa salitang kilos • Paglalahad ng nabuong pangungusap


• Paggabay sa gawaing magkapares at
pagpapabuo ng sariling pangungusap gamit
D

ang dalawang salitang kilos mula sa mga


nasalungguhitang pangungusap
• Pagtawag ng mga magkapares na maglalahad
ng kanilang pangungusap sa klase
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 111
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PN • F1PN-IIIf-9 • Bahaginan
Nahuhulaan ang susunod na
mangyayari sa napakinggang
kuwento

KM • F1KM-IIIe-2 • Pagsasanay: Pagsusulat ng mga


Nakasusulat nang may tamang laki at pangungusap na may salitang kilos
4 layo sa isa't isa ang mga salita

PY
O
KM • F1KM-IIIe-2 • Pagkompleto at pagsulat ng
C
Nakasusulat nang may tamang laki at pangungusap
5
layo sa isa't isa ang mga salita
D

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


E

AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas


PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
112 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Paggabay sa mga bata sa paglalahad tungkol sa • Paglalahad ng kuwentong narinig mula sa
kanilang takdang aralin kapamilya
• Pagbigay ng halimbawang pangungusap para sa • Pagsabi ng pangungusap na naghihikayat sa
naglalahad: pagpapahula kung ano ang susunod ibang bata na hulaan ang mangyayari
na mangyayari sa kuwento • Pagsagot sa tanong ng batang naglalahad at
• Pagbigay ng halimbawang panimula para sa paghula kung ano ang susunod na mangyayari
mga batang manghuhula kung ano ang susunod
na mangyayari
• Pagsulat at pagbasa sa mga halimbawang • Pakikinig sa halimbawang panimula
panimula upang mailahad ng mga bata ang hilig • Paglalahad ng pangungusap sa klase
nilang gawin • Pagsusulat ng kanilang pangungusap sa kanilang
• Pagtawag ng ilang bata upang ilahad ang kuwaderno
kanilang pangungusap • Paghahanap ng kaklase na kapareho nila ng
• Paggabay sa mga bata sa pagsusulat sa kanilang hilig/sinagot na salitang kilos
kuwaderno ng simpleng pangungusap tungkol • Paglalahad ng pang-grupong pangungusap
sa hilig nilang gawin

PY
• Paggabay sa mga bata sa paghahanap ng mga
bata na kapareho nila ng hilig/isinulat na
salitang kilos
• Paggabay sa mga nabuong grupo sa paglalahad
O
ng kanilang hilig gawin
• Pagbibigay ng halimbawang panimula • Pakikinig at pagmasid sa halimbawang panimula
C
• Paggabay sa gawaing pagsusulat ng • Pagsulat sa kanilang kuwaderno
pangungusap
D

• Pagtingin sa kakayanan ng mga bata sa pagsulat


PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
E

PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 113
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol


sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

• F1PT-IIIf-4.1;4.2 Nababasa ang mga salita gamit ang palatandaang


konpigurasyon; tunay na bagay/larawan

• F1KM-IIIe-2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa


ang mga salita

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na binigay noong nakaraang linggo


bilang paksa para sa bahaginan ngayong araw.

PY
Sabihin: Noong nakaraang linggo, itinakda ko sa inyo na obserbahan ang
ginagawa ng inyong nanay, tatay, o iba pang kapamilya sa inyong bahay.
Ipinalista ko kayo ng limang salitang kilos na tumutukoy sa mga gawaing
O
ito sa inyong kuwaderno. Nagawa ba ninyo ito? Ipakita sa inyong katabi
ang inyong listahan at ikuwento ninyo sa kanila ang napansin ninyong
C
ginagawa ng inyong kapamilya noong Sabado o Linggo. Bibigyan ko kayo
ng limang minuto para dito.
D

• Hayaang mag-usap at magpakitaan ng listahan ang mga


magkapares/magkatabi. Umikot sa klase at pakinggan ang usapan
E

ng mga magkatabi. Pansinin din ang naisulat na mga salitang kilos


sa kanilang kuwaderno. Kung may mapansing mga mag-aaral na
EP

hindi pa gaano kahusay sa pagporma ng letra, ilista, at tandaang


magsagawa ng karagdagang praktis para sa mga batang ito.
D

2 PAGSASANAY: MGA PRODUKTONG PILIPINO -


SALITANG KILOS

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang tema para sa linggong ito at iugnay


ito sa aralin tungkol sa salitang kilos.

• Magpaskil ng ilang larawan ng mga produktong Pilipino: abel


Iloco, bakya, barong Tagalog, gitarang Cebu, burnay,
pinatuyong mangga, sardinas.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay ang sining at produkto
ng ating bayan. Nakapaskil sa pisara ang ilang mga sikat na produktong
gawa ng mga Pilipino. May nakikilala ba kayo sa mga larawang ito?

• Tumawag ng ilang mag-aaral na makatutukoy sa pangalan ng mga


produkto. Magpakita ng mga flash card kung saan nakasulat ang
pangalan ng mga produkto sa larawan. Gamitin ang pagkakataong

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
114 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

ito upang alamin kung nakababasa na ng salita ang mga mag-aaral. talaan
Tumawag ng mga bata na nais ninyong mataya ang kakayanan at
tulungan kung kailangan pa nila ng dagdag na panuto. Matapos
ipabasa ang salita sa ilang mag-aaral, itanong kung aling larawan
ang katapat ng bawat salita. Ipakabit ang flash card sa tabi ng
katugma nitong larawan. Hikayatin ang buong klase na basahin ang
mga salita sa flash card at pagmasdan ang katugma nitong larawan.
Itanong: Paano ba ginagamit ang mga produktong ito? Anong
aksiyon ang maaari nating gawin kung gamitin natin ang bawat
produkto? Anong salitang kilos ang gagamitin natin upang mailahad
kung ano ang gamit o ang ginagawa natin sa mga produktong ito?

• Kumuha ng ilang kasagutan mula sa mga mag-aaral. Pagkatapos,


magpaskil ng mga flash card ng sumusunod na salita: sinusuot,
kinakain, sinusukat, tinatahi, pinupuno, tinutugtog, ginigisa.

• Basahin para sa klase ang mga salitang ipinaskil, habang


nagpapakita ng kilos o galaw na nagpapahiwatig sa kahulugan ng

PY
bawat salita. Ipasunod ang mga mag-aaral sa pagbigkas ng salita at
pagsagawa ng kilos.

• Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod na


O
pagsasanay. Basahin ang mga pangungusap at ipapili sa mga
mag-aaral ang salitang kilos na dapat ilagay sa patlang.
C
a. _____ muna ang bakya upang makita kung kasya ito sa paa.
b. _____ ang abel Iloco upang gawing damit.
D

c. _____ ang barong Tagalog sa pormal na okasyon.


d. _____ ng suka ang burnay.
E

e. _____ ang gitara kapag may nanghaharana.


f. _____ ang pinatuyong mangga ng Cebu bilang meryenda o
EP

panghimagas.
g. _____ ang sardinas ng Zamboanga sa bawang at sibuyas upang
lalong sumarap.
D

Mga sagot: a) sinusukat; b) tinatahi; c) sinusuot;


d) pinupuno; e) tinutugtog; f) kinakain; g) ginigisa;

• Tumawag ng mga mag-aaral upang ilagay ang tamang flash card


sa patlang. Matapos mapunuan ang mga patlang, basahin muli
ang mga pangungusap at pasabayin ang mga bata sa pagbigkas at
pagkilos ng mga salitang kilos.

• Tanungin ang mga mag-aaral kung paano maipakikita ng mga


Pilipino ang kanilang pagpapahalaga sa mga produktong Pilipino.
Matapos kumuha ng ilang kasagutan, isulat ang pangungusap na ito
sa pisara at basahin para sa klase:

Tangkilikin ang gawang Pilipino.

Itanong: Ano ang aksiyon o salitang kilos sa pangungusap na ito?


Narinig na ba ninyo ang salitang tangkilik? Minsan, maririnig natin

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 115
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ito sa pasasalamat ng mga pinagbibilhan nating tindahan: “Salamat sa


inyong pagtangkilik.” Ano kaya ang ibig sabihin ng salitang ito? Kapag
sinabing tangkilikin ang gawang Pilipino, ano ang ipinagagawa sa atin?
(Posibleng sagot: bumili ng gawang Pilipino, piliin ang gawang
Pilipino, suportahan ang gawang Pilipino) Bakit importante na
tangkilikin ang sariling atin?

• Ipasulat sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno ang pangungusap


na tinalakay. Umikot at obserbahan kung sino pa ang nahihirapan
sa pagpoporma ng letra at pagsusulat ng pangungusap.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Kausapin ang isang


nakatatandang kapamilya o kapitbahay. Tanungin kung ano ang sikat
na produkto na gawa sa kanilang kinalakihang bayan o probinsiya.

PY
Tanungin kung paano ginagawa ang produktong ito. Magsulat ng
maikling pangungusap tungkol dito sa inyong kuwaderno.
O
C

ARAW LAYUNIN
D

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
E

• P1PS-IIIf-5.2 Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang napakinggang


EP

kuwento

• F1PL-0a-j-6 Naipakikita ang hilig sa pagbasa


D

1 PANIMULANG GAWAIN:
PAG-AWIT (“MAMANG SORBETERO”)

• Simulan ang klase sa pamamagitan ng pag-awit ng kantang


“Mamang Sorbetero.” (Matatagpuan ang tono at titik
ng awit na ito sa Internet: http://www.youtube.com/
watch?v=x5XRydoIJFo) Iugnay ang awitin sa mga paksang pinag-
aralan kahapon: Pagtangkilik ng Produktong Pilipino at mga
Salitang Kilos.

Sabihin: Kahapon, pinag-usapan natin ang mga produktong Pilipino at


kung bakit mahalaga na tangkilikin natin ito. Ang awitin natin ngayon
ay tungkol sa isang produkto na gustong-gustong tangkilikin ng mga bata.
Aawitin natin ang kantang “Mamang Sorbetero.” Habang inaawit natin
ito, pansinin kung ano ang mga salitang kilos na maririnig ninyo sa kanta.
Pag-uusapan natin ito pagkatapos nating umawit.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
116 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

• Ipaskil ang manila paper na may titik ng kanta sa pisara. talaan


Pangunahan ang pag-awit at pasunurin ang mga mag-aaral. Kung
makapagdadala ng maliit na kalembang sa klase, magandang
ipapasa-pasa ito sa mga bata habang inaawit ang kanta.

• Matapos awitin ang kanta, ipatukoy sa mga mag-aaral kung ano


ang mga salitang kilos na narinig nila. Ilista sa pisara ang mga
mababanggit na salitang kilos. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga
ito, at magpakita ng kilos o galaw na aakma sa bawat salita.

2 PAGBABALIK-ARAL:
SI NINA SA BAYAN NG DALDALINA

• Tulungan ang mga mag-aaral sa pag-alala at pagsalaysay ng


kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina gamit ang ilang larawan
mula sa aklat. Bigyang-diin ang mga aksiyon na ginawa ni Nina sa
kabuuan ng kuwento. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang salitang kilos

PY
na gagamitin nila upang sabihin ang nangyari sa bahagi ng kuwento
na ipinapakita sa larawan.

Sabihin: Magpatuloy tayo sa pagtutok sa mga salitang kilos.


Babalikan natin ngayon ang kuwentong Si Nina sa Bayan ng
O
Daldalina. Kayo ang magsasabi sa akin kung ano ang ginagawa ni
C
Nina sa pahina ng libro na ipapakita ko. Mag-isip ng akmang salitang
kilos para isalaysay kung ano ang nangyayari, batay sa larawan at batay
sa pagkakatanda ninyo sa mga naganap sa kuwento. Pag-usapan muna
D

ninyo ng inyong katabi. Pagkatapos, tatawag ako ng isang magkapares na


maglalahad ng kanilang sagot sa buong klase.
E

Ipakita ang p. 7 at itanong: Bakit nag-aalala ang mga magulang


EP

ni Nina sa pahinang ito? Ano ang hindi nagagawa ni Nina?


(Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares
para sagutan ang tanong.)
D

Isulat sa pisara: Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalalala ang


magulang niya.

Ipakita ang p. 9 at itanong: Saan dinala si Nina upang


magpatingin? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag
ng isang pares para sagutan ang tanong.)
Isulat sa pisara: Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero
hindi ito nakatulong sa kaniya.

Ipakita ang pp. 12–13 at itanong: Ano ang sinabi ng mga


kapitbahay ni Nina nang malaman nilang hindi siya makapagsalita?
(Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares
para sagutan ang tanong.)
Isulat sa pisara: Pinag-usapan at pinagtsismisan ng mga
taga-Daldalina ang kawalan ng boses ni Nina.

Ipakita ang p. 14 at itanong: Ano ang ginawa ni Nina nang kinutya


siya ng mga taga-Daldalina? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago
tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 117
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Isulat sa pisara: Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng


Daldalina upang hanapin ang kaniyang boses.

Ipakita ang p. 17 at itanong: Saan nagpunta si Nina at ano ang


nakita niya? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng
isang pares para sagutan ang tanong.)
Isulat sa pisara: Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat.
Ngunit hindi pa rin niya nakita ang kaniyang boses.

Ipakita ang p. 19 at itanong: Ano ang ginagawa ni Nina dito


sa parke? Ano ang nararamdaman niya? (Hayaang mag-usap ang
magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang
tanong.)
Isulat sa pisara: Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang
parke.

Ipakita ang p. 21 at itanong: Sino ang nakita ni Nina dito sa


parke? Ano ang ginagawa niya? (Hayaang mag-usap ang magkatabi
bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.)

PY
Isulat sa pisara: Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik
sa paggawa ng larawan.

Ipakita ang p. 23 at itanong: Ano ang ginawa ni Nina dahil sa


O
inspirasyon ng pintor sa parke? (Hayaang mag-usap ang magkatabi
bago tumawag ng isang pares para sagutan ang tanong.)
C
Isulat sa pisara: Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit
ang kaniyang nakikita at nararamdaman.
D

Ipakita ang p. 25 at itanong: Ano ang nangyari nang bumalik si


Nina sa Daldalina? Kaagad ba siyang tinanggap ng mga kababayan niya?
E

(Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang pares


para sagutan ang tanong.)
EP

Isulat sa pisara: Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya


agad-agad tinanggap ng mga kababayan niya.

Ipakita ang p. 27 at itanong: Ano ang ipinakita ni Nina na


D

nagpatahimik sa mga taga-Daldalina? (Hayaang mag-usap ang


magkatabi bago tumawag ng isang pares para sagutan ang
tanong.)
Isulat sa pisara: Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit
niya, napatahimik sa paghanga ang mga taga-Daldalina.

Ipakita ang p. 29 at itanong: Ano ang ginagawa ng mga


taga-Daldalina kay Nina dito sa larawan? Paano nagtapos ang kuwento ni
Nina? (Hayaang mag-usap ang magkatabi bago tumawag ng isang
pares para sagutan ang tanong.)
Isulat sa pisara: Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si
Nina. Tinanggap nila sa wakas ang isang walang imik sa bayan ng
Daldalina.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
118 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

• Basahin ang mga isinulat na pangungusap sa pisara. Pagkatapos, talaan


tanungin ang mga bata:

–– Nagustuhan ba ninyo ang kuwento? Ano ang pinakagusto ninyo sa


kuwentong napakinggan?
–– May nabasa na ba kayong ibang libro o narinig na ibang kuwento
na may kaparehong mensahe sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng
Daldalina? Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang bida dito?
–– Irerekomenda ba ninyo ang kuwentong ito sa inyong kaibigan? Bakit?

3 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa natutuhan ng


mga mag-aaral ngayong araw.

• Papalakpak sila nang malakas na malakas kapag lubusan silang


sumasang-ayon sa pangungusap na babanggitin ninyo. Papalakpak
sila nang mahina kung medyo sang-ayon sila pero hindi pa

PY
lubusan. At hindi sila papalakpak kung hindi sila sang-ayon sa
babanggitin ninyo:

a. Alam na alam ko na kung ano ang salitang kilos.


O
b. Alam na alam ko na kung paano tukuyin ang aksiyon o salitang
kilos sa isang pangungusap.
C
c. Alam na alam ko na kung paano gamitin ang salitang kilos sa
sarili kong pangungusap.
d. Alam na alam ko na ang mga pangyayari sa kuwentong Si Nina
D

sa Bayan ng Daldalina.
e. Gustong-gusto ko ang pakikinig sa kuwento at pagbasa ng aklat.
E

f. Kaya ko nang magbasa ng mga salita nang mag-isa.


EP

• Itala ang mga mag-aaral na hindi pumalakpak sa bawat


pangungusap at magplano ng gawain upang tulungan sila sa
pagkatuto ng mga kakayanang hindi pa nila kabisado.
D

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PL-0a-j-6 Naipakikita ang hilig sa pagbasa

• F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa


iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang panahon para sa bahaginan sa pagtalakay kung ano


ang nagustuhan ng mga bata sa kuwentong Si Nina sa Bayan ng

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 119
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Daldalina. Tumawag ng tatlong mag-aaral na maglalahad tungkol


dito. Maaari nilang gamitin ang sumusunod na halimbawang
panimula na nakasulat sa pisara:

Nagustuhan ko ang kuwentong Si Nina sa Bayan ng


Daldalina dahil ___________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang higit na


maintindihan ng mga mag-aaral ang gagawin nila. Halimbawa:
“Nagustuhan ko ang kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina dahil
pursigido si Nina na mahanap ang boses niya.”

• Tawagin ang tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong nakapaglalahad


sa klase upang magbahagi ng kanila opinyon at ideya tungkol sa
kuwento.

2 PAGSASANAY: MGA SALITANG KILOS

PY
• Balikan ang mga pangungusap na nabuo kahapon sa muling
pagsalaysay ng kuwentong Si Nina sa Bayan ng Daldalina. Magkabit
ng manila paper kung saan nakasulat ang sumusunod:
O
–– Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalala ang magulang niya.
–– Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero hindi ito
C
nakatulong sa kaniya.
–– Pinag-usapan at pinag-tsismisan ng mga taga-Daldalina ang
kawalan ng boses ni Nina.
D

–– Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng Daldalina upang


hanapin ang kaniyang boses.
E

–– Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat. Ngunit hindi pa


rin niya nakita ang kaniyang boses.
EP

–– Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang parke.


–– Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik sa paggawa ng
larawan.
D

–– Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit ang kaniyang


nakikita at nararamdaman.
–– Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya agad-agad
tinanggap ng mga kababayan niya.
–– Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit niya,
napatahimik sa paghanga ang mga taga-Daldalina.
–– Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si Nina. Tinanggap
nila sa wakas ang isang walang imik sa bayan ng Daldalina.

• Basahin ang bawat pangungusap. (Maaari ding tawagin ang ilang


mag-aaral na gagamit ng kilos upang iarte ang nagaganap sa mga
pangungusap.)

• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga salitang kilos sa bawat


pangungusap at salungguhitan ang mga ito. Idiin na ang salitang
kilos ay ang salita na nagpapakita ng aksiyon sa pangungusap.
Aling salita ang nagpapakita ng kilos, galaw, ginagawa, o aksiyon?
Ito ang salitang kilos.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
120 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

• Matapos matukoy at masalungguhitan ang lahat ng salitang kilos, talaan


basahin muli ang mga pangungusap kasabay ng mga mag-aaral.
Palakasan ang pagbigkas nila sa mga salitang kilos.

• Bigyan ng gawaing magkapares ang mga magkatabi. Ang bawat


pares ay bubuo ng sarili nilang pangungusap gamit ang isa o
dalawang salitang kilos mula sa mga pangungusap sa manila paper.
Iuulat nila ito sa harap ng klase, ngunit hindi nila bibigkasin ang
mga salitang kilos. Ikikilos lamang nila ito. Huhulaan ng kanilang
kaklase kung ano ang salitang hindi binigkas. Bigyan ang mga
pares ng limang minuto para mag-usap at magplano ng kanilang
gagawin. Matapos ang limang minuto, tumawag ng limang pares
na magpapakita ng kanilang gawain sa harap ng klase. Huhulaan ng
ibang mag-aaral ang salitang kilos na naaayon sa inarte o ikinilos ng
naglahad.

3 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magpakuwento sa
inyong magulang o iba pang kapamilya ng isang kuwentong pambata.
O
Maghandang ilahad ang kuwentong ito sa buong klase bukas.
C
D

LAYUNIN ARAW
E

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari


EP

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIf-9 Nahuhulaan ang susunod na mangyayari sa napakinggang


kuwento
D

• F1KM-IIIe-2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga
salita

2 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin na ibinigay kahapon para sa bahaginan


ngayong araw. Sa muling pagkukuwento ng mga mag-aaral sa klase
ng ikinuwento sa kanila ng kanilang magulang o kapamilya, hindi
nila sasabihin kung paano natapos ang kuwento. Ipahuhula ng mga
mag-aaral sa buong klase kung ano sa palagay nila ang kasunod na
pangyayari sa kanilang kuwento.

Sabihin: Para sa bahaginan natin ngayong araw, tatawag ako ng


ilang mag-aaral na maglalahad sa klase tungkol sa kanilang

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 121
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan takdang-aralin. Ang takdang-aralin ninyo kahapon ay ang magpakuwento


ng isang kuwentong pambata sa inyong kapamilya. Sino dito ang
nakapakinig ng kuwento mula sa isang kapamilya? Ang gagawin ninyo sa
ating bahaginan ay ilahad sa klase ang ikinuwento sa inyo. Hindi ninyo
tatapusin ang kuwento—ipahuhula ninyo sa buong klase kung ano sa
tingin nila ang naging katapusan o ang kasunod na pangyayari sa inyong
kuwento.
• Tumawag ng tatlong mag-aaral para maglahad ng kuwentong
narinig nila mula sa kanilang kapamilya. Ipatigil ang kanilang
paglalahad sa punto bago magtapos ang kuwento. Ipasabi sa
kanila ang susunod na pangungusap (Isulat din ito sa pisara upang
magabayan ang batang naglalahad):

Hulaan ninyo kung ano ang susunod na nangyari?

• Tumawag ng mga mag-aaral na nais manghula ng susunod na


pangyayari. Gagamitin nila ang halimbawang panimula katulad
nito:

PY
Hula ko, ang susunod na nangyari ay __________.

• Ilang posibleng halimbawa ng kuwento:


O
–– “Inutusan si Juan Tamad ng kaniyang nanay na bumili ng
alimasag sa palengke. Mabigat ang mga alimasag. Tinamad si
C
Juan sa kakadala sa mga ito. Pinakawalan niya ang mga alimasag
at pinauwi sa kanilang bahay. Hulaan ninyo kung ano ang
susunod na nangyari?”
D

–– “Nakahuli ng maliit na daga ang isang leon. Nagmakaawa ang


daga sa leon na pakawalan siya, at nangakong kapag ginawa niya
E

ito, tutulungan niya ang leon balang araw. Napatawa ang leon
EP

sa ideya na matutulungan siya ng isang maliit na daga. Nakawala


ang daga mula sa leon. Minsan, nakita ng daga ang leon na hindi
makalakad dahil may tinik sa kaniyang paa. Hulaan ninyo kung
ano ang susunod na mangyayari?”
D

• Tulungan ang mga mag-aaral na naglalahad ng kanilang kuwento o


nanghuhula sa susunod na mangyayari sa pagsasaayos ng kanilang
mga pangungusap.

2 PAGSASANAY: PAGSUSULAT NG
PANGUNGUSAP GAMIT ANG SALITANG KILOS

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang tinalakay kahapon tungkol sa


salitang kilos. Itanong sa kanila kung paano nila matutukoy ang
salitang kilos sa isang pangungusap.

Sabihin: Kahapon, tinukoy ninyo ang mga salitang kilos mula sa ilang
pangungusap na nagsasalaysay sa pangyayari sa kuwentong Si Nina sa
Bayan ng Daldalina. Ano ang palatandaan ninyo upang matukoy
ang salitang kilos sa isang pangungusap? Ano ang ipinapakita ng salitang
kilos? (Posibleng sagot: aksiyon, kilos, galaw, ginagawa)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
122 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

• Iugnay ang hilig ni Nina sa pagguhit sa sariling mga kinahihiligang talaan


gawin ng mga mag-aaral. Tulungan silang ilahad at isulat kung ano
ang hilig nilang gawin.

Sabihin: Sa kuwentong tinalakay natin kahapon, nakita ni Nina


ang kaniyang boses sa paggawa ng isang bagay na nakahiligan niya.
Kayo, ano ang mga bagay na hilig ninyong gawin? Anong salitang kilos
ang magpapakita kung ano ang hilig ninyong gawin? Ilahad nga ninyo sa
klase. Maaari ninyong gamitin ang mga halimbawang panimula na ito:

Mahilig akong ___________________.

Marunong akong ___________________.

Masaya ako kapag ako’y nag-___________________.

• Tumawag ng ilang mag-aaral na gagamit ng mga halimbawang


panimulang ito upang magbahagi ng kanilang pangungusap. Isulat
ang mga pangungusap nila sa pisara at ipabasa muli sa kanila.

• Hikayatin ang bawat mag-aaral na magsulat sa kanilang kuwaderno

PY
ng isang pangungusap na gumagamit ng salitang kilos at nagsasaad
kung ano ang kanilang hilig gawin. Umikot sa buong klase habang
isinasagawa nila ito at tulungan ang mga mag-aaral na hindi pa
O
sigurado tungkol sa pagbaybay o pagsulat ng kanilang salitang
kilos. Maglaan ng limang minuto para sa gawaing ito.
C
• Matapos ang limang minuto, patayuin ang mga bata at ipadala sa
kanila ang kanilang kuwaderno. Hahanap sila ng iba pang
D

kamag-aral na kapareho nila ng hilig. Hindi sila maaaring magsalita.


Sa halip, ipapakita lamang nila ang pangungusap sa kanilang
E

kuwaderno. Hahanapin nila ang mga kaklase na pareho ang


salitang kilos na isinulat sa isinulat nila. Kapag nagtagpo na ang
EP

mga magkakapareho ng hilig/salitang kilos, ipalahad sa kanila


nang sabay-sabay kung ano ang kanilang hilig gawin. (Halimbawa:
“Kami ay mahilig gumuhit. Kami ay mahilig magsayaw. Kami ay
D

mahilig kumanta.”)

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ipakita sa inyong


magulang ang pangungusap na isinulat ninyo tungkol sa hilig ninyong
gawin. Tanungin ang inyong magulang kung ano ang hilig nilang
gawin noong kasing edad ninyo sila. Magpatulong sa kanila sa
pagsulat ng pangungusap tungkol dito sa inyong kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 123
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KM-IIIe-2 Nakasusulat nang may tamang laki at layo sa isa’t isa ang mga
salita

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT

• Simulan ang klase sa muling pag-awit ng kantang “Mamang


Sorbetero.” Magpaskil ng kopya ng titik ng awiting ito sa pisara.
(Matatagpuan ang tono at titik ng awit na ito sa Internet: http://
www.youtube.com/watch?v=x5XRydoIJFo ) Iugnay ang awitin sa
mga paksang pinag-aralan kahapon: mga salitang kilos.

Sabihin: Kahapon, gumamit tayo ng mga salitang kilos sa pagtalakay ng

PY
bagay na hilig nating gawin. Ngayon naman, tutukuyin natin sa awiting
ito kung ano ang mga salitang kilos na ginamit sa titik ng kanta. Kapag
darating tayo sa salitang iyon sa ating pag-awit, tatahimik lang tayo.
Imbes na kantahin ang salitang kilos, magpapakita lamang tayo ng galaw
O
para sa salitang iyon.

• Basahin muna nang mabagal ang titik ng awitin at tanungin


C
ang mga mag-aaral kung ano ang salitang kilos sa bawat linya.
Salungguhitan ito at tanungin sila kung anong kilos o galaw ang
D

gagawin nila para sa salitang iyon. Pangunahan ang muling pag-


awit ng kanta at siguruhing tahimik lang ang mga bata kapag
E

dumating sa isang salitang kilos.


EP

2 PAGTATAYA
D

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang pinag-
aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod at
sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita o gamitin sa isang


pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat
bata sa grupo): kinakain, tinatahi, sinusukat, sinusuot,
ginigisa, tinutugtog.

–– Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang


salitang kilos o ang salitang nagpapakita kung ano ang aksiyon
na nangyayari sa pangungusap. (Basahin ayon sa pagkakasunod-
sunod. Pumili ng isang pangungusap para sa bawat bata sa
grupo. Sasagot ng isang tanong ang bawat bata sa grupo.)
(1) Hindi nakapagsasalita si Nina. Nag-aalalala ang magulang
niya.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
124 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 26

(2) Nagpatingin si Nina sa mga espesyalista pero hindi ito talaan


nakatulong sa kaniya.
(3) Pinag-usapan at pinag-tsismisan ng mga taga-Daldalina ang
kawalan ng boses ni Nina.
(4) Sa lungkot ni Nina, nagpasya siyang umalis ng Daldalina
upang hanapin ang kaniyang boses.
(5) Naglakbay si Nina sa gubat, bundok, at dagat. Ngunit hindi
pa rin niya nakita ang kaniyang boses.
(6) Pagod at malungkot, naupo si Nina sa isang parke.
(7) Napansin ni Nina ang isang pintor na tahimik sa paggawa ng
larawan.
(8) Naisip ni Nina na gayahin ang pintor at iguhit ang kaniyang
nakikita at nararamdaman.
(9) Nang bumalik si Nina sa Daldalina, hindi siya agad-agad
tinanggap ng mga kababayan niya.
(10) Nang ipakita ni Nina ang mga larawang ginuhit niya,
napatahimik sa paghanga ang mga taga-Daldalina.
(11) Lubos na ikinatuwa ng kaniyang kababayan si Nina.

PY
Tinanggap nila sa wakas ang isang walang imik sa bayan ng
Daldalina.

• Kompletuhin at isulat sa inyong kuwaderno ang pangungusap na


O
ito:
C
Mahilig akong _____________.
D

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
E

na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang


grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
EP

bata. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


D

kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan


ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagsulat ng idiniktang pangungusap.
• Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang
kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


• Ihambing ang sarili ninyo kay Nina ng Daldalina. Kompletuhin
ang pangungusap na ito at isulat sa inyong kuwaderno:

Kung si Nina ay magaling gumuhit, ako naman ay magaling


___________.

• Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng inyong inilahad sa inyong


pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 125
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pag-isipan kung


paano ninyo magagamit ang kinahihiligan ninyong gawain upang
makatulong sa inyong pamilya, komunidad, o bansa? Maghandang
maglahad tungkol dito sa susunod na linggo.

PY
O
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
126 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

ARALIN

27
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Pagtulong sa Aking Komunidad –


Pagiging Mabuting Mamamayan
E

READ ALOUD STORY: Ako’y Isang Mabuting Pilpino


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 127
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 27

Tema: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan


Read Aloud Story: Ako’y Isang Mabuting Pilpino
(Kuwento ni Noel Cabangon at Guhit ni Jomike Tejido)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
WG • F1WG-IIIe-g-5 • Bahaginan
Nagagamit ang mga salitang kilos
sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang
gawain sa tahanan, paaralan, at

PY
pamayanan
PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng talasalitaan
1 Natutukoy ang kahulugan ng salita
batay sa kasingkahulugan
O
C
D

PN • F1PN-IIIg-3 • Read Aloud Story: Ako’y Isang


E

Nasasagot sa mga tanong tungkol Mabuting Pilipino


sa napakinggang tugma/tula
EP

AL • F1AL-IIIg-6
Nasusundan ang pagkakasulat ng
2
teksto ayon sa anyo
D

PS • F1PS-IIIg-1
Naipapahayag ang sariling ideya/
damdamin o reaksiyon tungkol sa
napakinggang tugma/tula
KP • F1KP-IIIg-9 • Pagbabalik-aral: Ako’y Isang Mabuting
Nakapagbibigay ng mga salitang Pilipino
magkakatugma

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
128 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula


halimbawang pangungusap at halimbawang pangungusap
• Paggabay sa mga bata sa kanilang paglalahad • Paglalahad sa buong klase

PY
• Pagsulat ng tututukang salita sa pisara • Pagmasid sa mga salita
• Pagbasa ng mga pangungusap na gamit ang • Pakikinig sa mga pangungusap
tututukang salita • Paglahok sa talakayan tungkol sa mga salita
O
• Pagtatanong tungkol sa salita at pangungusap • Pagkopya sa mga salita
• Pagsulat ng kahulugan sa pisara • Pagbasa sa mga salita
C
• Pagpapabasa sa mga bata ng mga salita • Pagbuo ng pangungusap gamit ang mga salita
• Pagpapagamit sa mga bata ng mga
pinag-aralang salita sa isang pangungusap
D

• Pagtatanong habang nagbabasa at pagkatapos • Pakikilahok sa talakayan at pagsagot sa mga


E

basahin ang tula/tugma tanong


EP

• Pagpapakita sa teksto at larawan ng aklat • Pagmasid sa aklat habang binabasa ng guro


D

• Pagtatanong pagkatapos basahin ang kuwento • Pagtugon sa mga tanong ng guro

• Pagpapakita ng titik ng “Ako’y Isang Mabuting • Pagmasid sa titik ng kanta


Pilipino” at pag-awit dito • Pagtugon sa tanong ng guro ukol sa mga
• Pagpapansin sa mga bata ng mga salita sa dulo salita sa dulo ng bawat linya
ng bawat linya • Pagbasa ng bawat linya at pagtukoy sa mga
• Pagpapabasa sa bawat dalawang linya at salitang magkatugma
pagtanong kung aling salita ang magkatugma • Pagkopya ng listahan
• Paglista ng mga salitang magkatugma • Pagbasa sa listahan ng salita
• Paggabay sa pagbasa ng listahan ng salitang
magkatugma
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 129
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PL • F1PL-0a-j-7 • Bahaginan
Naibabahagi ang karanasan sa
pagbasa upang makahikayat ng
pagmamahal sa pagbasa
3 EP • F1EP-IIIg-2.1 • Pagbabalik-aral: Ako’y Isang Mabuting
Nabibigyang-kahulugan ang mga Pilipino
simpleng talaan

EP • F1EP-IIIg-2.1 • Pagbabalik-aral
Nabibigyang-kahulugan ang mga
simpleng talaan
KP • F1KP-IIIg-9
Nakapagbibigay ng mga salitang
4
magkakatugma

PY
PN • F1PN-IIIg-3
O • Bahaginan
Nasasagot ang mga tanong tungkol
5
sa napakinggang tugma/tula
C

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


D

AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas


PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
E
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
130 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang panimula • Pakikinig sa halimbawang panimula
at halimbawang pangungusap at pangungusap
• Paghikayat sa mga bata na maglahad tungkol • Paglalahad tungkol sa nabasang aklat
sa nabasang aklat
• Pagtatanong tungkol sa listahan na nakasulat • Pakikilahok sa talakayan
sa pisara • Pagbuo ng simpleng talaan
• Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng simpleng • Pagbasa sa nabuong talaan
talaan batay sa mga salita sa aklat/kanta
• Pagpapabasa sa nabuong talaan
• Pagbasa at pagtalakay sa “Panatang • Pagbigkas ng “Panatang Makabayan”
Makabayan” • Pakikilahok sa talakayan
• Pagtatanong kung aling salita mula sa panata • Pagtukoy ng mga salitang magkatugma
ang magkakatugma • Pagkopya sa listahan ng salitang magkatugma
• Paglista ng sagot ng mga bata sa pisara • Pagbubuo ng simpleng talaan batay sa
• Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng isinasaad ng “Panatang Makabayan”
simpleng talaan batay sa sinasabi sa “Panatang • Pagsagawa ng dula-dulaan sa gawaing

PY
Makabayan” pangkatan
• Paggabay sa mga bata sa pagsagawa ng
maikling dula-dulaan sa gawaing pangkatan O
• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig sa halimbawang panimula at
halimbawang pangungusap pangungusap
• Paghikayat sa mga bata na maglahad ng • Paglalahad ng kanilang ideya tungkol sa Ako’y
C
kanilang ideya Isang Mabuting Pilipino
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
D

PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral


E
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 131
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW lAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIe-g-5 Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa


iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

• F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang takdang-aralin para sa bahaginan ngayong araw.


Tulungan ang mga mag-aaral sa paglalahad kung paano nila
magagamit ang kanilang hilig gawin upang matulungan ang
kanilang pamilya, komunidad, o bansa.

Sabihin: Napag-isipan ba ninyo nitong Sabado o Linggo ang ibinigay

PY
ko sa inyong takdang-aralin? Paano ninyo magagamit ang inyong hilig
gawin upang makatulong sa inyong pamilya, komunidad, o bansa? Ito
ang ilalahad ninyo sa inyong mga kaklase ngayong araw. Maaari ninyong
O
gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Mahilig akong ______. Makatutulong ito sa aking ______


C
dahil puwede akong ______.

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang


D

mas maintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang gagawing


pagbabahagi. Halimbawa: “Mahilig akong magbasa. Makatutulong
E

ito sa aking komunidad dahil puwede akong magbabasa ng


EP

kuwento para sa mga mas nakababata kaysa sa akin.”


• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong
nakapagsasalita sa klase upang magbahagi ng kanilang ideya.
D

Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung


kinakailangan.

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Ilahad sa mga mag-aaral ang tema para sa linggong ito at ihanda


sila para sa aklat na babasahin bukas.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagiging


mabuting mamamayan. Kanina, sa ating bahaginan, nagbigay na kayo ng
ilang halimbawa kung paano kayo makatutulong sa inyong komunidad.
Ang pagtulong sa komunidad ay isang halimbawa ng maaari nating gawing
bilang mabuting mamamayan. Bukas, may babasahin tayong aklat tungkol
sa temang ito. Pero bago natin ito basahin bukas, pag-aralan muna natin
ang ilang salita na makikita natin sa aklat bilang paghahanda.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
132 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

• Isulat ang sumusunod na mga salita sa pisara: tungkulin, talaan


alituntunin, pasiga-siga, nakahambalang, bumubuga,
kapaligiran, karangalan.

• Tanungin ang klase kung may nais sumubok na basahin nang


malakas ang mga salitang isinulat ninyo sa pisara. Tawagin ang
nais magbasa para sa klase. Tulungan sila sa pamamagitan ng
pagbibigay ng paalala tungkol sa pagsasatunog ng mga letra kung
kinakailangan.

• Tulungan ang mga batang tuklasin ang kahulugan ng mga salita sa


pisara sa pamamagitan ng pagbasa at pagtalakay ng sumusunod na
pangungusap:

Pangungusap 1: Tungkulin ko bilang guro ang siguruhin na


ang lahat ng bata sa klase ay matuto.
Itanong: Ano ang tungkulin ko bilang guro? Kayo, ano ang
tungkulin ninyo bilang mag-aaral? Ano kaya ang ibig sabihin ng
tungkulin?

PY
Isulat: tungkulin = dapat gawin, obligasyon
Pangungusap 2: Ayon sa alituntunin ng paaralan, bawal ang
magkalat ng basura kung saan-saan.
O
Itanong: Ano daw ang bawal ayon sa alituntunin ng paaralan?
Ano kaya ang kinalaman ng pagbabawal sa ilang aksiyon sa salitang
C
alituntunin? Ano ang tawag natin sa mga bagay na nagsasabi kung ano
ang bawal at kung ano ang dapat gawin ng lahat ng tao?
Isulat: alituntunin = batas, regulasyon, mga dapat sundin ng
D

lahat
E

Pangungusap 3: Nananakot at nanggugulo na naman ang mga


pasiga-sigang tambay sa kanto.
EP

Itanong: Nakakita na ba kayo ng mga pasiga-siga na tambay sa


kanto? Ano ang ginagawa nila? Maganda ba ang ipinapakita nilang asal?
Ano kaya ang ibig sabihin ng pasiga-siga ?
D

Isulat: pasiga-siga = nananakot sa pamamagitan ng lakas o


kapangyarihan, nanggugulo

Pangungusap 4: Hindi makadaan ang mga sasakyan dahil


nakahambalang sa kalye ang tumigil na trak.
Itanong: Aling mga salita dito sa pangungusap ang magagamit nating
palatandaan sa kahulugan ng nakahambalang? Bakit hindi makadaan
ang mga sasakyan kapag may nakahambalang? Maliit kaya o malaki
ang bagay na kayang mambara sa kalye? Ano sa palagay ninyo ang ibig
sabihin ng nakahambalang?
Isulat: nakahambalang = nakabara

Pangungusap 5: Napatakip sila ng kanilang ilong at bibig nang


mapadaan sila sa tabi ng jeep na bumubuga ng maitim na usok.
Itanong: Nakakita na ba kayo ng jeep na bumubuga ng maitim na
usok? Ano ang ibig sabihin ng bumubuga? Ano pa ang bumubuga
bukod sa sasakyan?
Isulat: bumubuga = naglalabas ng usok

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 133
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Pangungusap 6: Napakaganda ng ating kapaligiran kapag


maraming puno, malinis ang hangin, at may iba-ibang halaman.
Itanong: Ano ang mga bagay na binanggit sa pangungusap na bumubuo
sa kapaligiran? Ano ang nakikita ninyong mas maikling salita sa loob
ng salitang kapaligiran? (Sagot: paligid) Ano kaya ang ibig sabihin ng
kapaligiran?
Isulat: kapaligiran = mga likas-yaman at iba pang bagay sa ating
paligid

Pangungusap 7: Sa dami ng napanalunan ni Lea Salonga,


binigyan niya ng karangalan ang ating bansa.
Itanong: Ano kaya ang kinalaman ng mga napanalunan ni Lea Salonga
sa salitang karangalan? May nakikita ba kayong mas maikling salita sa
loob ng salitang karangalan? (Sagot: dangal) Ano ang ibig sabihin ng
dangal? Ano kaya ang ibig sabihin ng karangalan?
Isulat: karangalan = magandang reputasyon

• Ipabasa muli sa mga mag-aaral ang bawat salitang pinag-aralan.


Banggitin ang kahulugan ng bawat salita matapos ito basahin ng

PY
mga mag-aaral.

• Tumawag ng ilang mag-aaral na makagagamit ng mga salitang ito


sa sarili nilang pangungusap.
O
• Ipakopya sa mga mag-aaral ang talasalitaan para sa araw na ito.
C

3
D

PAGTATAPOS
E

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Basahin para sa inyong


EP

magulang ang talasalitaan para sa araw na ito. Tanungin sila kung ano
sa tingin nila ang kinalaman ng mga salitang ito sa pagiging mabuting
mamamayan.
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
134 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIg-3 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tugma/tula

• F1AL-IIIg-6 Nasusundan ang pagkakasulat ng teksto ayon sa anyo

• F1PS-IIIg-1 Naipapahayag ang sariling ideya/damdamin o reaksiyon tungkol


sa sa napakinggang tugma/tula

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Iugnay ang tema para sa linggong ito sa gagawing bahaginan.


Magpalahad sa mga mag-aaral ng ilang simpleng bagay na maaari
nilang gawin upang ipakita na sila ay mabuting mamamayan.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagiging

PY
mabuting mamamayan. Mahirap bang maging mabuting mamamayan?
May mga maaari bang gawin ang mga batang tulad ninyo upang ipakita
na kayo ay mabuting Pilipino? Ano-ano ang mga ito? Ito ang paksa ng
O
ating bahaginan ngayong araw. Maglahad ng isang bagay na kaya ninyong
gawin upang maipakita na kayo ay isang mabuting Pilipino. Maaari
C
ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:

Puwede akong ______ upang ipakita na mabuti akong


D

Pilipino.

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap para mas


E

maipakita ang gagawin ng mga maglalahad. Halimbawa: “Puwede


EP

akong mamulot ng maliliit na kalat sa aking paligid upang ipakita


na mabuti akong Pilipino.”
• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong
D

nakapagsasalita sa klase upang maglahad ng kanilang ideya.

2 PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG


SA AKLAT/TUGMA

a. Paghawan ng Balakid
Ipakita at basahing muli ang talasalitaan na tinalakay kahapon.
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga salita at tanungin sila kung ano
ang kahulugan ng bawat isa.

b. Pagganyak
• Ipakita ang pabalat ng aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino.
Basahin ang pamagat, ang pangalan ng may-akda (Noel
Cabangon,) at ang pangalan ng tagaguhit (Jomike Tejido.)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 135
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang nakikita nila sa larawan
sa pabalat. May nakikita ba sila ritong halimbawa ng pagiging
mabuting Pilipino? May nakikita ba sila rito na ginagawa rin nila sa
kanilang sariling buhay?

c. Pangganyak na Tanong
Habang binabasa ko ang aklat, makinig, at pagmasdan ang mga larawan
at subukang sagutin ang tanong na ito: Paano nga ba maging isang
mabuting Pilipino?

3 HABANG BINABASA ANG AKLAT/TUGMA

• Basahin ang kuwento nang may damdamin at sa paraang


naipapakita ang mga tugma sa loob ng aklat. Tumigil pagkabasa ng
mga takdang pahina upang itanong ang sumusunod:

PY
Huminto pagkabasa ng p. 7
Itanong: Ano ang mga detalye sa larawan na nagpapakita ng pagsunod
sa alituntunin? O
Huminto pagkabasa ng p. 15
Itanong: Sino-sino ang nakikita ninyo dito sa larawan? Sino kaya ang
C
nagbibigay ng tiket? Sino kaya ang hindi nagbibigay ng lagay?

Huminto pagkabasa ng p. 19
D

Itanong: Paano ipinapakita ang pag-aalaga sa kapaligiran dito sa


larawan? Ano ang ginagawa ng mga tao sa p. 18?
E

Huminto pagkabasa ng p. 21
EP

Itanong: Paano ipinagbubuti ng bata ang kaniyang pag-aaral dito sa


larawan? Sino itong tumutulong sa kaniya?

Huminto pagkabasa ng p. 23
D

Itanong: Ano pa ang ibang binabanggit dito na paraan upang maipakita


ang pagpapakabuti sa pag-aaral?

Huminto pagkabasa ng p. 25
Itanong: Paano daw pinapahalagahan ang boto? Ano daw ang hindi
niya ginagawa? Bakit importante na maging tapat sa pagboboto? Ano ang
nagiging resulta ng maayos na pagboboto?

Huminto pagkabasa ng p. 29
Itanong: Ano ang ibig sabihin ng “Iginagalang ko ang aking
kapuwa-tao?” Paano maipapakita ang paggalang sa iba?

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA AKLAT/TUGMA

Matapos basahin ang aklat, palalimin ang pagkakaintindi dito sa


pamamagitan ng pagtanong ng sumusunod:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
136 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

• Iisang tao lang ba ang nagsasalita sa aklat? Bakit ninyo nasabi ito? talaan
• Sino ang nagsasalita sa linyang “Lagi akong nakikinig sa aking
magulang, kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan”?
• Sino ang nagsasalita sa linyang “Ang boto ko’y aking
pinahahalagahan”?
• Alin ang mga tungkulin o gawain ng mabuting Pilipino na para sa
mga bata? Alin naman ang para sa mga matatanda? Alin ang dapat
gawin ng lahat, bata man o matanda?
• Ano ang kabuuang mensahe ng aklat?
• May mga bago ba kayong naisip na paraan upang maipakita ang
pagiging mabuting Pilipino dahil sa aklat na ito? Ano-ano ang mga
ito?

5 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Gumuhit ng isang


larawan na nagpapakita ng isang paraan upang maipakita ninyo na

PY
kayo ay isang mabuting Pilipino. Ipakita ito sa inyong magulang at
pag-usapan ninyo ito. O
C
D

LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari
E

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
EP

• F1KP-IIIg-9 Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma

• F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng


pagmamahal sa pagbasa
D

• F1EP-IIIg-2.1 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng talaan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipakita ang pabalat ng aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino.


Anyayahan ang mga mag-aaral na magbanggit ng ilang bagay na
nagustuhan nila tungkol sa aklat na ito.

Sabihin: Kahapon, binasa ko para sa inyo ang aklat na ito.


Nagustuhan ba ninyo ang Ako’y Isang Mabuting Pilipino? Ano
ang gusto ninyo tungkol dito? Ito ang paksa ng ating bahaginan ngayong
araw. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula na nakasulat sa
pisara:

______ ang nagustuhan ko tungkol sa aklat kahapon.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 137
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas


maipaliwanag ang gagawin ng mga batang maglalahad. Halimbawa:
“Ang mga simpleng halimbawa kung paano maging mabuting
mamamayan ang nagustuhan ko tungkol sa aklat kahapon.”

• Tumawag ng tatlong mag-aaral na hindi pa gaanong


nakapagsasalita sa klase upang maglahad ng kanilang opinyon o
ideya. Tulungan sila sa pagbubuo ng kanilang pangungusap kung
kinakailangan.

2 PAGBABALIK-ARAL:
AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO

a. Mga Salitang Magkakatugma


• Ipaalam sa mga mag-aaral na ang aklat na Ako’y Isang Mabuting
Pilipino ay batay sa isang kanta na isinulat ni Noel Cabangon.
Ipakita ang titik ng kanta sa isang manila paper at awitin ito o

PY
pagtutugin para sa klase.

• (Matatagpuan ang tono ng awit na ito sa Internet: http://youtu.


be/hkfOuCzJl78.) Matapos awitin nang isang beses, pasabayin ang
O
mga bata sa pagkanta.
C
• Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang napapansin nila sa mga
salita sa dulo ng bawat linya. (Sagot: pareho ang dulong tunog ng
mga salita) Tanungin sila kung naaalala pa nila ang tawag sa mga
D

salita na may kaparehong dulong pantig o dulong tunog. (Sagot:


salitang magkatugma)
E

• Basahin ang bawat dalawang linya ng kanta. Itanong sa mga bata


EP

kung aling mga salita ang magkatugma at isulat ito sa pisara. Gawin
ito sa bawat dalawang linya hanggang matapos ang buong kanta.

• Ipabasa sa mga mag-aaral ang listahan ng mga salitang


D

magkatugma:

(1) Pilipino – ko
(2) tungkulin – alituntunin
(3) tawiran – sakayan
(4) unahan – lansangan
(5) kalsada – pula
(6) lagay – ibinibigay
(7) kanto – puno
(8) lansangan – sasakyan
(9) basurahan – kapaligiran
(10) karangalan – kayamanan
(11) kinabukasan – pinahahalagahan
(12) bayan – pinapayagan
(13)  mamamayan – bayan
(14) tao - ko

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
138 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

Itanong: Sa isang kanta o tula, saan madalas matagpuan ang mga talaan
salitang magkatugma?

b. Pagbibigay-kahulugan sa Simpleng Talaan


• Ituon ang pansin ng mga mag-aaral sa listahan ng mga salitang
BRIDGING
magkakatugma.

Itanong: Gumawa ng tsart o poster


ng iba’t ibang paraan ng
(1) Ano ang tawag sa ganitong pagkakatipon ng salita na nakasulat sa
ganitong paraan? (Sagot: listahan o talaan) pagsabi ng “Ako’y Isang
(2) Paano nalalaman kung tungkol saan o para saan ang isang listahan? Mabuting Pilipino” sa
Ano ang karaniwang nakikita sa simula nito? (Sagot: pamagat ng
iba’t-ibang wika ng
listahan/talaan)
(3) Kung lalagyan natin ng titulo o pamagat ang listahang ito, ano ang Pilipinas. Ipabanggit sa
gagamitin o susulatin natin sa ibabaw ng talaan? (Posibleng sagot: mga mag-aaral kung
mga salitang magkakatugma) paano ito sasabihin sa

PY
kanilang Mother Tongue
• Isulat ang mapagkasunduang pamagat ng talaan sa simula ng
listahan. Ipabasa muli sa mga mag-aaral, simula sa pamagat at isulat sa isang makulay
hanggang sa huling pares ng salita sa talaan. na paraan. Ipatanong
O
• Tulungan ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng sarili nilang simpleng din sa mga kapamilya o
talaan, batay sa tinalakay na awit. kapitbahay ng mga bata
C
Sabihin: Kahapon, nakita natin na may mga nabanggit sa awit na kung may iba pa silang
mabubuting gawain na para sa matatanda at mayroon din naming para alam na wika ng Pilipinas
D

sa mga bata. Gumawa tayo ngayon ng isang talaan ng ilang gawain ng mga
at hingin sa mga ito ang
bata upang maipakita ang pagiging mabuting Pilipino.
E

paraan ng pagsabi ng
Una muna, bigyan natin ng pamagat ang ating talaan. Ano ang maaari
EP

“Ako’y Isang Mabuting


nating gamiting pamagat? Ano nga ulit ang paksa ng ating itatala?
(Isulat: mga mabuting gawain ng mga bata) Pilipino” sa iba-ibang wika.
Hikayatin ang mga
Ano pa ang ibang katangian ng isang talaan? Tuloy-tuloy ba ang
D

pagkakasulat nito, katulad ng isang talata? Paano naisusulat ang isang mag-aaral na guhitan at
talaan? Pansinin ninyo ang pagkakasulat ng talaan ng mga salitang kulayan ang poster upang
magkatugma. mailarawan kung paano
(Lagyan ng bilang ang ilalim ng naisulat na pamagat, isa hanggang maging mabuting Pilipino.
tatlo) Ipaskil ang mabuong
Sabihin: Ngayon, magbigay kayo ng tatlong gawain na nabanggit sa poster o tsart sa loob ng
kanta na maaaring gawin ng mga batang katulad ninyo. Ililista ko ito silid-aralan.
dito sa ating talaan.

• Kumuha ng mga sagot mula sa klase. Isulat ito sa akmang espasyo


sa talaan. Kapag nabuo na ang tatlong gawain, pasabayin ang mga
mag-aaral sa pagbabasa ng talaan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 139
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Tanungin ang mga bata:

a. Tungkol saan nga ulit ang talaang ito? Saan nakikita ang paksa ng
isang talaan?
b. Ilan ang binanggit na gawain dito sa talaan?
c. Ano ang ikalawang gawain na nakalista sa ating talaan?
d. Ano ang unang gawain na nakalista sa ating talaan?
e. Ano ang ikatlong gawain na nakalista sa ating talaan?
f. Hanggang tatlo lang ba ang maaaring ilaman ng isang talaan? Puwede pa
ba nating dagdagan ang talaang ito?
g. Ilang bilang pa ang nais ninyong idagdag sa talaan?
h. Ano ang gawain na maaari nating idagdag dito sa talaan?

3 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa mga pinag-


aralan ngayong araw. Ikakaway ng mga mag-aaral ang dalawang
braso kung lubusan silang sumasang-ayon sa babanggitin ninyong

PY
pangungusap. Ikakaway nila ang isang braso kung bahagya silang
sumasang-ayon sa pangungusap. Wala silang gagawin kung hindi
sila sumasang-ayon sa pangungusap.
O
a. Alam na alam ko na kung ano ang mensahe ng aklat/kantang
“Ako’y Isang Mabuting Pilipino.”
C
b. Alam na alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng salitang
magkatugma.
c. Alam na alam ko na kung paano intindihin ang isang talaan.
D

d. Alam na alam ko na kung paano magbigay ng dalawang salitang


magkatugma.
E

e. Alam na alam ko na kung paano gumawa ng sarili kong talaan.


EP

• Pansinin ang mga mag-aaral na hindi kumakaway sa bawat


pangungusap na binanggit. Magplano ng gawain upang matulungan
silang mas maintindihan ang mga paksang nabanggit.
D

ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-IIIg-2.1 Nabibigyang-kahulugan ang mga simpleng talaan

• F1KP-IIIg-9 Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma

1 PANIMULANG GAWAIN:
“PANATANG MAKABAYAN”

• Simulan ang araw sa pagbigkas at pagtalakay ng “Panatang


Makabayan.” Iugnay ang “Panatang Makabayan” sa tema para sa

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
140 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

linggo (pagiging mabubuting mamamayan) at sa tinalakay na aklat/ talaan


tula/kanta kahapon (Ako’y Isang Mabuting Pilipino.)

Sabihin: Kahapon, binasa natin ang aklat na Ako’y Isang


Mabuting Pilipino. Akmang-akma ito para sa ating tema tungkol
sa pagiging mabuting mamamayan. Ngayong araw, talakayin naman
natin ang isang panata na araw-araw nating ginagawa dito sa paaralan na
patungkol din sa mga dapat nating gawin bilang mabuting Pilipino. Alam
ba ninyo ang tinutukoy ko? Sino ang makapagsasabi kung ano ang panata
na araw-araw nating binbigkas?

• Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang “Panatang


Makabayan”:

Iniibig ko ang Pilipinas,


aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag, at marangal.

PY
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking magulang;
susundin ko ang tuntunin ng paaralan;
O
tutuparin ko ang tungkulin
ng isang mamamayang makabayan:
C
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.
D

laalay ko ang aking buhay,


pangarap, pagsisikap
E

sa bansang Pilipinas.
EP

• Ipabigkas sa klase ang “Panatang Makabayan” habang itinuturo


ninyo ang salitang sinasabi nila. Matapos bigkasin, tanungin ang
sumusunod:
D

a. May mga salita ba sa “Panatang Makabayan” na hindi pa


gaanong malinaw sa inyo? Ano-ano ang mga ito? (Ilista at
talakayin ang mga salitang ito upang maunawaan ng mga
mag-aaral.)
b. Ayon sa panata, ano ang mga bagay na ibinibigay o inaalay sa
atin ng ating bansang Pilipinas? Ano kaya ang ibig sabihin ng
kinukupkop? Ano ang relasyon ng salitang tahanan sa salitang
kinukupkop?
c. Paano kayo tinutulungan ng inyong bansa at gobyerno na
maging malakas, masipag, at marangal? Anong mga serbisyo ang
itinutulong ng gobyerno para sa inyong kapakanan?
d. May mga binabanggit ba dito sa “Panatang Makabayan” na
narinig din ninyo kahapon nang binasa natin ang aklat na Ako’y
Isang Mabuting Pilipino? Ano-ano ito?
e. Ano pa ang pagkakatulad ng “Panatang Makabayan” at ng aklat
na Ako’y Isang Mabuting Pilipino? Ano naman ang pinagkaiba nila?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 141
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

2 PAGBABALIK-ARAL

Mga Salitang Magkatugma at Paggawa ng Simpleng


Talaan
• Gamitin ang mga salita mula sa “Panatang Makabayan” upang
balikan ang mga konsepto ng simpleng talaan at mga salitang
magkakatugma.

Sabihin: Kahapon, tinalakay natin ang mga salitang magkakatugma.


Bagamat hindi isang tula o tugma ang “Panatang Makabayan,” may
makikita pa rin tayo ritong salita na may kaparehong dulong tunog. Sino
ang makababanggit ng ilang salitang magkatugma na nakikita ninyo dito
sa “Panatang Makabayan?”

• Ilista ang mga mababanggit na mga salitang magkakatugma sa


pisara. Mga posibleng sagot:

PY
a. sinilangan-tahanan-paaralan-makabayan-katapatan
b. marangal-mahal-nag-aaral-nagdarasal
c. Pilipinas-malakas
d. lupang-tinutulungang-magulang-mamamayang
O
e. diringgin-susundin-tuntunin-tutuparin-tungkulin
C
• Basahin ang mga naisulat na salitang magkakatugma. Ipakopya sa
mga mag-aaral ang mga salitang magkakatugma.

• Tanungin ang mga mag-aaral kung may maiisip pa silang ibang


D

salita na katugma ng bawat pangkat ng salita na binasa at binigkas.


Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno, kasama ng mga salita mula
E

sa “Panatang Makabayan.” Tumawag ng ilang mag-aaral na


EP

makapagbabasa/makapagsasabi ng mga idinagdag nilang salitang


katugma ng bawat pangkat ng salita.

• Tumungo naman sa pagbabalik-aral sa konsepto ng talaan o


D

listahan.

Sabihin: Ang isa pang tinalakay natin kahapon ay tungkol sa mga


talaan o listahan. Pansinin natin muli ang “Panatang Makabayan.”
Ano-ano ang bagay na sinasabi nating gagawin natin dahil mahal natin
ang Pilipinas? Gumawa tayo ng talaan na ito ang paksa o pamagat.

• Isulat sa pisara ang pamagat ng talaan: Mga Bagay na Gagawin


Ko Dahil Mahal Ko ang Pilipinas.

Itanong: Ano ang mga sinasabi natin sa panata na pamamaraan ng


pagpakita na mahal natin ang Pilipinas? Ililista ko dito sa talaan ang mga
babanggitin ninyo. Habang sinusulat ko dito sa pisara, isulat din ninyo ang
talaan sa inyong kuwaderno.

• Tumawag ng mga mag-aaral na makababanggit ng mga sinasabi


sa “Panatang Makabayan.” Basahin ang mabubuong talaan at
pasabayin ang mga bata. Maaaring maging ganito ang kalalabasang
talaan:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
142 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

Mga Bagay na Gagawin Ko Dahil Mahal Ko ang Pilipinas: talaan

(1) Diringgin ko ang payo ng aking magulang.


(2) Susundin ko ang tuntunin ng paaralan.
(3) Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan.
(4) Maglilingkod, mag-aaral, at magdarasal ako nang buong
katapatan.

• Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Italaga ang bawat isang


numero ng talaan sa isang pangkat. Gagawa sila ng maikling
dula-dulaan na nagpapakita ng gawain na isinasaad sa talaan na
katapat ng kanilang naitalagang numero. Bigyan sila ng tatlong
minuto para mag-usap. Tawagin ang bawat pangkat upang ipakita
ang kanilang dula-dulaan.

3 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Mag-isip ng iba pang
aksiyon o gawain na maaari ninyong gawin upang ipakita na mahal
ninyo ang Pilipinas at idagdag ito sa nasimulan nating talaan na
O
naisulat ninyo sa inyong kuwaderno. Hindi kailangang maayos na
maayos ang pagkakasulat ng inyong ideya; subukan lang na ibaybay
C
at isulat ang inyong naisip at isama ito sa talaan.
E D

LAYUNIN ARAW
EP

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
D

• F1PN-IIIg-3 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tugma/tula

1 PANIMULANG GAWAIN: MULING PAG-AWIT


NG “AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO”

• Ipaskil muli ang manila paper kung saan nakasulat ang titik ng
awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino.” Pasabayin ang mga
mag-aaral sa pag-awit nito. Matapos awitin, magsagawa ng
maikling bahaginan.

Sabihin: Dahil isa itong kanta, maraming salita sa Ako’y Isang


Mabuting Pilipino ay magkatugma. Ano ang ilang salita mula
sa kanta na magkatugma? Magbigay nga kayo ng dalawang salita
na magkatugma. Pagkatapos, gamitin ang dalawang salitang ito sa sarili
ninyong pangungusap. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula
na isinulat ko sa pisara:

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 143
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Dalawang salita mula sa kanta na magkatugma ay ______


at ______. Gagamitin ko ang dalawang salitang ito sa sarili
kong pangungusap: __________________________.

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas


maintindihan ng maglalahad ang kanilang gagawin. Halimbawa:
“Dalawang salita mula sa kanta na magkatugma ay lansangan at
babaan. Gagamitin ko ang dalawang salitang ito sa sarili kong
pangungusap: Bumibiyahe sa lansangan ang bus nang huminto ito
sa babaan sa may kanto.”

• Tumawag ng dalawang mag-aaral na hindi pa gaanong


nakapagbabahagi sa klase para sa bahaginan.

2 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya

PY
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang pinag-
aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod at
sasagutin nila ito nang palahad.
O
–– Ipaliwanag sa sariling pananalita o gamitin sa isang
pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa
C
bawat bata sa grupo): tungkulin, alituntunin, pasiga-siga,
nakahambalang, bumubuga, kapaligiran, karangalan.
D

–– Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung aling salita ang


salitang kilos o ang salitang nagpapakita kung ano ang aksiyon
E

na nangyayari sa pangungusap. (Basahin ayon sa pagkakasunod-


sunod. Pumili lamang ng isang pangungusap para sa bawat bata
EP

sa grupo.)

–– Pakinggan ang mga salita at sabihin kung alin ang hindi katugma
ng iba (pumili ng dalawang set para sa bawat bata):
D

(1) tungkulin – masaya – matulin


(2) mabuti – mababa – maputi
(3) karangalan – dasal - sangkalan
(4) magalang – nakahambalang – takong
(5) bangon – hangin - tugon
(6) tugma – mali – tama
(7) talaan – listahan - patong
(8) mamamayan – sakayan – ngayon
(9) kilos – talbos – talaan
(10) hangal – mabagal - daan
(11) tambay – lagay - sasakyan

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
144 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 27

–– Isulat sa inyong kuwaderno ang pangungusap na ito (pumili ng talaan


isa para sa bawat mag-aaral):

(1) Ako ay isang mabuting Pilipino.


(2) Mahal ko ang Pilipinas.
(3) Susundin ko ang aking magulang.
(4) Isa akong mabuting mamamayan.
(5) Tumutulong ako sa komunidad.

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, nagsusulat naman sa kanilang kuwaderno ang ibang mga
bata. (Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa

PY
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagsulat ng idiniktang pangungusap.

• Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
O
na gabay o tulong.
C
b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay
D

• Kompletuhin ang pangungusap na ito at isulat sa inyong


kuwaderno:
E

Ang mabuting Pilipino ay marunong ___________.


EP

• Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng inyong inilahad sa inyong


pangungusap.
D

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Isabuhay ang pagiging


mabuting Pilipino at matulunging anak. Tumulong sa isang gawaing
bahay ngayong Sabado at Linggo. Maghandang magbahagi tungkol
dito—kung ano, kailan, saan, at paano ninyo ginawa ang pagtulong sa
gawaing bahay—sa susunod na linggo.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 145
YUNIT 3 ARALIN 28

ARALIN

28
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Pagtulong sa Aking Komunidad –


Pagiging Mabuting Mamamayan
E

READ ALOUD STORY: Ako’y Isang Mabuting Pilpino


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 147
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 28

Tema: Pagtulong sa Aking Komunidad – Pagiging Mabuting Mamamayan


Read Aloud Story: Ako’y Isang Mabuting Pilpino (Kuwento ni Noel Cabangon at Guhit ni Jomike Tejido)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang
Araw-
mga naobserbahang pangyayari
araw
sa paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
WG • F1WG-IIIh-j-6 • Bahaginan
Nasasabi ang paraan, panahon
• Pagbabalik-aral: Ako’y Isang Mabuting
1 at lugar ng pagsasagawa ng kilos o
Pilipino
gawain sa tahanan, paaralan,
at pamayanan

PY
PN • F1PN-IIIh-5 • Sabayang Pag-Awit: “Kahit Konti”
Naisasakilos ang napakinggang tula
o awit O
C
D

WG • F1WG-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Paraan, panahon, at


2
Nasasabi ang paraan, panahon, lugar ng pagkilos
E

at lugar ng pagsasagawa ng kilos


o gawain sa tahanan, paaralan, at
EP

pamayanan
D

PP • F1PP-IIIh-1.4 • Pagpapaunlad ng talasalitaan


Natutukoy ang kahulugan ng salita
batay sa kasingkahulugan
3

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
148 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap at • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ng ang mga halimbawang pangungusap bilang
kanilang personal na karanasan gabay

• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pagbabahagi tungkol sa lugar, panahon, at


halimbawang pangungusap para sa bahaginan paraan ng pagtulong sa gawaing bahay
• Paggabay sa gawaing pangkatan • Pakikilahok sa gawaing pangkatan
• Pagtatanong tungkol sa ilang pangungusap • Pagtaas ng tamang card batay sa binanggit na
mula sa aklat pangungusap ng guro

PY
• Pag-uugnay ng awit sa aklat na Ako’y Isang • Pakikinig at paglahok sa talakayan
Mabuting Pilipino • Pagbabahagi tungkol sa kanilang karanasan sa
• Pagtatanong sa mga bata tungkol sa kanilang pagsakay ng jeepney
karanasan sa pagsakay ng jeepney • Pag-iisip ng kilos o galaw na babagay sa mga
O
• Pagturo sa titik at tono ng awit linya ng kanta
• Paghikayat sa mga bata na mag-isip ng kilos o • Pag-awit ng kanta habang ipinapakita ang naisip
C
galaw para sa mga linya ng kanta na kilos
• Paggabay sa sabayang pag-awit
D

• Pagpapaliwanag tungkol sa paraan, panahon, at • Pakikinig sa paliwanag at pakikilahok sa


lugar ng pagkilos talakayan
E

• Pagpapakita ng mga larawan mula sa aklat na • Pagmasid sa larawan, pakikinig, at pagsagot sa


Ako’y Isang Mabuting Pilipino at pagtatanong mga tanong
EP

tungkol sa kilos o aksiyon na nakikita rito • Pakikilahok sa pagbubuo ng pangungusap batay


• Paggabay sa mga bata sa pagbubuo ng sa mga isinagot sa tanong
pangungusap tungkol sa tamang paraan, • Pagbasa sa mga nabuong pangungusap
D

panahon, o lugar ng pagsagawa ng mga kilos


• Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng nabuong
pangungusap
• Pagsulat ng mga tututukang salita sa pisara • Pakikinig at pakikilahok sa talakayan
• Pagbasa ng mga pangungusap at pagtatanong • Pagbubuo ng sariling pangungusap sa gawaing
tungkol sa kahulugan ng salita magkapareha
• Pagsulat ng salita at kahulugan nito sa pisara • Paglalahad sa buong klase ng nabuong
• Paggabay sa gawaing magkapareha: pagbubuo pangungusap
ng sariling pangungusap • Pagkopya sa talasalitaan
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 149
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


KP • F1KP-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Pagbubuo ng bagong
Napapalitan at nadadagdagan ang salita
mga tunog upang makabuo ng
bagong salita
4

EP • F1EP-IIIh-4.1 • Pagbisita sa silid-aklatan


Nagagamit nang wasto at ayos ang
silid-aklatan: mga dapat ikilos o iasal
sa silid-aklatan
5
PL • F1PL-0a-j-7 • Pagtataya
Naibabahagi ang karanasan sa • Takdang-aralin: Pagkuwento sa

PY
pagbasa upang makahikayat ng magulang tungkol sa mga binasang
pagmamahal sa pagbasa aklat sa silid-aklatan
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
O
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
150 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagsulat at paggabay sa pagbasa ng orihinal na • Pagbasa sa orihinal na salita
salita • Pakikilahok sa talakayan
• Paggamit ng pocket chart sa pagpapakita ng • Pagsagot sa mga tanong tungkol sa nabuong
pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng salita
pagpalit ng ilang letra • Pagbasa sa mga nabuong salita
• Pagtatanong sa mga bata tungkol sa
mabubuong salita batay sa ibibigay na
letra/tunog
• Paggabay sa mga bata sa pagbasa ng mga
bagong salita
• Paghahanda sa mga bata para sa pagbisita sa • Pakikilahok sa talakayan
silid-aklatan: pagtalakay ng mga dapat gawin • Paggamit ng silid-aklatan

• Pagtatanong tungkol sa napulot na mensahe • Pagtugon sa tanong


mula sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino • Paggawa ng takdang-aralin

PY
• Pagbibigay ng takdang-aralin

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


O
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 151
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1WG-IIIh-j-6 Nasasabi ang paraan, panahon, at lugar ng pagsasagawa ng


kilos o gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Gamitin ang ibinigay na takdang-aralin noong nakaraang linggo


bilang lunsaran ng bahaginan ngayong araw. Magpalahad sa mga
mag-aaral tungkol sa pagtulong sa gawaing bahay na ginawa nila
noong Sabado at Linggo.

Sabihin: Noong nakaraang Biyernes, ang itinakda ko sa inyo ay isabuhay


ang pagiging mabuting Pilipino at pagiging masunurin at matulunging anak.
Pinatulong ko kayo sa isang gawaing bahay. Inatasan ko rin kayo na

PY
maghandang magkuwento tungkol sa itinulong ninyo sa mga gawaing bahay.
Ito ang paksa ng bahaginan natin ngayon. Aling gawaing bahay ang ginawa
ninyo? Saan, kailan, at paano ninyo ito isinagawa? Sa paglalahad tungkol
O
dito, maaari ninyong gamiting gabay ang mga tanong at ang halimbawang
panimula sa pagsagot sa bawat tanong:
C
a. Ano ang ginawa mo?
Tumulong ako sa ______.
D

b. Kailan mo ito ginawa?


______ ako noong ______.
E

c. Saan mo ito ginawa?


______ ako sa ______.
EP

d. Paano mo ito ginawa?


______ ako nang ______.
D

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang makita


ng mga bata kung paano nila pupunan ang mga patlang.
Halimbawa: “Tumulong ako sa paghuhugas ng pinggan. Naghugas
ako ng pinggan noong Sabado. Naghugas ako ng pinggan sa
kusina. Naging matipid ako sa paggamit ng sabon at tubig nang
naghuhugas ako ng pinggan.”

• Hayaang magkuwentuhan ang mga magkatabi gamit ang


halimbawang panimula. Pagkatapos ng tatlong minuto, tumawag
ng dalawang mag-aaral na hindi pa masyadong nakapagsasalita sa
klase upang maglahad ng kanilang karanasan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
152 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

talaan

2 PAGBABALIK-ARAL:
AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO

• Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang konsepto ng paraan, panahon,


at lugar ng paggawa ng kilos na ginamit sa pagsasagawa ng
bahaginan.

• Isulat katapat ng bawat salita sa pisara ang tanong na umaayon sa


bawat isa: Paraan = Paano? Panahon = Kailan? Lugar = Saan?

Sabihin: Nang nagbahagi kayo kanina, bukod sa pagsabi kung anong


kilos ang ginawa ninyo, sinagutan ninyo ang mga tanong na paano,
kailan, at saan. Sa pagsagot ng mga tanong na ito, naipakita ninyo
ang paraan, panahon, at lugar ng inyong aksiyon. Sa aklat na binasa natin
ngayong linggo, maraming nabanggit na aksiyon. Pakinggan natin muli ang
mga ito. Habang pinapakinggan ninyo ito, isipin kung alin sa mga tanong
na ito ang sinasagot sa paglalahad tungkol sa aksiyon.

PY
• Ipakita muli ang aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Tanungin
ang mag-aaral kung ano ang pamagat nito at basahin kung sino ang
may-akda at tagaguhit. O
• Ihanda ang mga mag-aaral para sa muling pagbabasa sa aklat. Sa
pagkakataong ito, habang binabasa ang aklat, hikayatin ang mga
bata na bigyang pansin ang paraan, panahon, o lugar ng mga
C
kilos na binabanggit sa mga linya ng aklat.

• Hatiin ang klase sa limang pangkat. Magsagawa ng pangkatang


D

gawain. Ipasulat sa bawat pangkat sa tatlong piraso ng papel o card


ang mga salitang ito: paano (sa unang papel), kailan (sa ikalawang
E

papel), at saan (sa ikatlong papel) Itataas nila ang tamang papel
EP

kapag tinanong ninyo sila kung alin sa mga tanong na ito ang
sinasagot sa pangungusap.
• Basahin muli ang aklat, ngunit huminto pagkabasa ng mga
D

itinakdang pangungusap upang pasagutin ang mga bata:

Huminto sa p. 7, pagkabasa ng “Tumatawid ako sa tamang


tawiran”
Itanong: “…sa tamang tawiran”—paano, saan, o kailan?
Huminto sa p. 8, pagkabasa ng “Sumasakay ako sa tamang
sakayan”
Itanong: “…sa tamang sakayan”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 9, pagkabasa ng “Pumipila at di nakikipag-


unahan”
Itanong: “…di nakikipag-unahan”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 11, pagkabasa ng “At di ako pasiga-siga sa


lansangan”
Itanong: “…sa lansangan”—paano, saan, o kailan?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 153
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Huminto sa p. 11, pagkabasa ng “Nagbababa ako sa tamang


babaan”
Itanong: “…sa tamang babaan”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 11, pagkabasa ng “Hindi nakahambalang na


parang walang pakialam”
Itanong: “…na parang walang pakialam”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 13, pagkabasa ng “Humihinto ako ‘pag ang ilaw


ay pula”
Itanong: “…’pag ang ilaw ay pula”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 15, pagkabasa ng “Ako’y nakatayo doon mismo


sa kanto”
Itanong: “…doon mismo sa kanto”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 15, pagkabasa ng “At di nagtatago sa ilalim ng


puno”
Itanong: “..sa ilalim ng puno”—paano, saan, o kailan?

PY
Huminto sa p. 19, pagkabasa ng “Inaayos ko ang mga kalat sa
basurahan”
Itanong: “…sa basurahan”—paano, saan, o kailan?
O
Huminto sa p. 20, pagkabasa ng “Lagi akong nakikinig sa aking
mga magulang”
C
Itanong: “...sa aking mga magulang”—paano, saan, o kailan?

Huminto sa p. 23, pagkabasa ng “O kaya’y tumatambay at sa


D

eskuwela’y di pumapasok”
Itanong: “…sa eskuwela”—paano, saan, o kailan?
E

• Habang nagsasagawa ng pangkatang gawain, siguruhing ang


EP

lahat ng mag-aaral sa pangkat ay nagkakaroon ng pagkakataon na


sumagot. Kung kailangan, hayaang ipasa sa susunod na miyembro
ng pangkat ang mga papel kung saan nakasulat ang mga salitang
itataas nila upang magkaroon ang lahat ng oportunidad sa sumagot
D

sa tanong.

• Sa bawat pangungusap at tanong, ibigay ang tamang sagot at


bigyan ng puntos ang bawat pangkat na nakapagtaas ng tamang
salita. Sumahin ang mga puntos at palakpakan ang nagwaging
pangkat.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Pagmasdan ang mga


kilos o pagsagawa ng mga gawain ng mga kapamilya at iba pang
kasama sa bahay. Subukang sagutin ang mga tanong na paano, saan,
at kailan tungkol sa kanilang pagkilos upang masabi ang paraan, lugar,
at panahon ng kanilang aksiyon o gawain. Isulat ang mga salitang
nagsasaad kung paano, saan, o kailan nila ginawa ang pagkilos sa
inyong kuwaderno.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
154 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PN-IIIh-5 Naisasakilos ang napakinggang tula o awit

• F1WG-IIIh-j-6 Nasasabi ang paraan, panahon, at lugar ng pagsasagawa ng kilos


o gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG


PAG-AWIT (“KAHIT KONTI”)

• Ituro sa klase ang awiting “Kahit Konti” na isinulat ni Gary


Granada at orihinal na inawit ni Florante. Matatagpuan ang titik at
tono ng awit na ito sa Internet: http://youtu.be/kZreG1v7dU8.

• Iugnay ang ituturong awitin sa aklat na binasa kahapon at sa tema

PY
para sa linggong ito.

Sabihin: Pagmasdan natin itong larawan sa pabalat ng aklat


na Ako’y Isang Mabuting Pilipino. Ano itong sinasakyan
O
ng ale at minamaneho ng mamang tsuper? (Sagot: jeepney) May
isa pang larawan ng jeepney dito sa loob ng aklat, sa p. 4. Ano ang
C
napapansin ninyo sa jeepney? Ilan ang pasahero nito? Puno ba ang jeepney
o siksikan? Nakaranas na ba kayong sumakay ng siksikang jeepney?
Ano ang mahirap gawin kapag nasa siksikang jeepney? (Sagot: mahirap
D

umupo)
E

Para sa panimulang gawain, aawit tayo ng isang kanta na may kinalaman


sa pagsakay sa pampasaherong jeepney. May kaugnayan din ang
EP

kantang ito sa tema natin ngayong linggo: Ang Pagiging Mabuting


Mamamayan. Aawitin ko/patutugtugin ko muna ang kanta. Habang
inaawit/pinapatugtog ko ito, mag-isip ng mga kilos o galaw na maaari
D

nating gawin upang mas maipakita ang sinasabi ng awitin. Pagkatapos,


aawitin natin ito nang sabay-sabay at ipapakita ninyo sa akin ang kilos o
galaw na naisip ninyo.

• Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang titik ng awiting


“Kahit Konti.” Awitin o ipatugtog ang kanta upang maituro ang
tono. Pagkatapos awitin, patayuin ang mga mag-aaral at pasabayin
sa muling pag-awit, habang ipinapakita nila ang kilos na sa tingin
nila ay akma para sa mga sinasabi ng awitin.

• Pansinin ang mga mag-aaral na nakapag-isip ng mga akmang kilos


at iyong mga hindi pa naikikilos ang salita. Pansinin din ang mga
salita na hindi nalalapatan ng tamang kilos (palatandaan ito na
maaaring hindi pa malinaw ang kahulugan ng salita at kailangan
pang ipaliwanag.)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 155
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

2 TALAKAYAN:
PAG-UNAWA SA AWITIN (“KAHIT KONTI”)

Tulungan ang mga mag-aaral sa pag-uugnay ng mensahe ng awitin sa


tema para sa linggong ito. Gamitin din ang talakayan sa pag-ugnay ng
ilang linya mula sa kanta sa konsepto ng paraan, lugar, at panahon ng
pagsagawa ng kilos. Itanong ang sumusunod:

• Sino ang nagsasalita sa kanta? Ano ang pinapakiusap niya sa


tagapakinig?
• Ano ang tono na ginagamit ng nagsasalita sa kanta? Kapag narinig
natin ang mga salitang “maaari ba…” ano ang ipinapakita nito
sa kinakausap? (Posibleng sagot: magalang na pananalita, may
konsiderasyon sa kinakausap, hindi nang-uutos, humihiling/
nakikiusap)
• Gusto ba ninyo ang tono na ginamit ng nagsasalita? Bakit? Kung
ganito ang pananalita ng kausap ninyo, mas malamang ba na
sumang-ayon kayo sa kaniyang sinasabi?

PY
• Ano ang mga linya sa awit na nagpapaala sa atin kung paano
tayo dapat umasal o makitungo sa ibang tao? (Posibleng sagot:
magkasundo tayo, huwag magtulakan, hati-hati, madadaan sa
O
usapan)
• Ano ang ilang linya sa awit na nagapakita ng paraan, panahon, o
C
lugar ng pagkilos? (Posibleng sagot: kahit konti, kahit kapiraso,
upong-upo, oras-oras, sa lipunan, nang konti)
• Ano ang kabuuang mensahe na nakuha ninyo mula sa awitin?
D

Bakit mahalagang sundin ang pakiusap ng kanta upang maging


mabuting mamamayan?
E

• Paano ninyo maisasagawa ang pakiusap ng kanta tungkol sa


EP

pagbibigayan kapag nakikitungo kayo sa inyong mga kaklase?


Kalaro? Kapitbahay? Kapamilya? Magbigay ng ilang halimbawa ng
maaari ninyong gawin upang maipakita ang pagbibigayan.
D

3 PAGSASANAY: PARAAN, PANAHON,


AT LUGAR NG PAGSAGAWA NG KILOS

• Gamitin ang ilang larawan mula sa aklat na Ako’y Isang Mabuting


Pilipino upang sanayin ang mga mag-aaral sa pagtukoy sa aksiyon
at pagbuo ng mga pangungusap tungkol sa nararapat na paraan,
panahon, at lugar ng pagsagawa ng mga aksiyon na ito.

Sabihin: Sa pagtalakay natin kanina sa kantang “Kahit Konti,”


nakapagbanggit tayo ng ilang salita na nagpapakita ng paraan, lugar, at
panahon ng pagsagawa ng mga kilos. Ngayon naman, pagmasdan natin
ang ilang larawan sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino.
Tutukuyin natin ang aksiyon na ipinapakita. Pagkatapos, sasagutin
natin ang mga tanong na kailan, paano, at saan upang makabuo ng mga
pangungusap tungkol sa kilos o aksiyon na ipinapakita ng mga larawang
ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
156 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

• Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong para sa bawat larawan talaan
na ibinigay sa ibaba. Isulat sa pisara ang kilos o aksiyon at ang
sagot sa mga tanong na paano, kailan, at saan tungkol sa kilos
na ito. Tulungan ang mga mag-aaral na bumuo ng pangungusap
ukol sa dapat na iasal kapag isinasagawa ang aksiyon na nakita
sa larawan. (Halimbawa: “Dapat maglaro kapag wala nang ibang
naiiwang gawaing bahay. Dapat maglaro sa ligtas na lugar. Dapat
maglaro nang mahinahon at nang hindi nag-aaway.”) Isulat ang
mga mabubuong pangungusap sa pisara.

Ipakita ang larawan sa p. 16. Itanong:


a. Ano ang ginagawa ng dalawang bata rito sa bandang kaliwa?
(Sagot: naglalaro) Kailan tayo dapat maglaro? Saan tayo dapat
maglaro? Paano tayo dapat maglaro?
b. Ano ang ginagawa ng bata sa dakong kanan? (Sagot: nagtatapon
ng basura) Kailan dapat magtapon ng basura? Saan dapat magtapon ng
basura? Paano dapat magtapon ng basura?

Ipakita ang larawan sa p. 18. Itanong:

PY
Ano ang ginagawa ng mag-tatay dito sa larawan? (Sagot: nagwawalis)
Kailan tayo dapat magwalis? Saan tayo dapat magwalis? Paano tayo dapat
magwalis?
O
Ipakita ang larawan sa p. 20. Itanong:
Ano ang ginagawa ng bata sa larawan? (Sagot: nagmamano) Kailan
C
tayo dapat magmano? Saan tayo dapat magmano? Paano tayo dapat
magmano?
D

Ipakita ang larawan sa p. 21. Itanong:


Ano ang ginagawa ng mag-ama sa larawan? (Sagot: nag-aaral/
E

nagbabasa/nagsusulat) Kailan tayo dapat mag-aral? Saan tayo dapat


mag-aral? Paano tayo dapat mag-aral?
EP

Ipakita ang larawan sa p. 22. Itanong:


Ano ang gagawin nitong bata sa bandang itaas ng larawan?
D

(Sagot: tatawid ng lansangan) Kailan tayo dapat tumawid? Saan tayo


dapat tumawid? Paano tayo dapat tumawid?

• Basahing muli ang mga nabuong pangungusap. Kung kaya na ng


mga mag-aaral na basahin ang mga ito, tumawag ng mag-aaral
na babasa ng pangungusap para sa buong klase. Maaari ding
magsalitan ang sabayang pagbabasa at pagbabasa ng isang bata sa
pagbabasa sa mga pangungusap.

4 PAGTATAPOS

• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso sa pagkakaintindi ng


klase tungkol sa pinag-aralan ngayong araw. Papalakpak sila
nang malakas na malakas kung lubusan silang sumasang-ayon sa
pangungusap. Papalakpak sila nang mas mahina kung bahagya
lamang silang sumasang-ayon. Hindi sila papalakpak kung hindi
sila sumasang-ayon.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 157
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Banggitin ang sumusunod na pangungusap:

a. Lubusan kong naintindihan ang lahat ng salita sa kantang “Kahit


Konti.”
b. Madaling-madali para sa akin ang pagsabi kung ano ang
mensahe ng awiting “Kahit Konti.”
c. Alam na alam ko na kung paano masasabi ang paraan ng
pagsagawa ng aksiyon sa isang pangungusap.
d. Alam na alam ko na kung paano masasabi ang lugar ng
pagsagawa ng aksiyon sa isang pangungusap.
e. Alam na alam ko na kung paano masasabi ang panahon ng
pagsagawa ng aksiyon sa isang pangungusap.

• Humanap ng panahon upang tanungin ang mga hindi pumalakpak


sa mga pangungusap kung ano ang hindi pa gaanong malinaw sa
kanila. Balikan ang mga konseptong ito sa mga susunod na araw.

PY
ARAW O LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
C
• F1PP-IIIh-1.4 Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa kasingkahulugan
D

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT


E

Awitin muli ang kantang “Kahit Konti.” Ipaskil muli ang manila
EP

paper kung saan nakasulat ang awit at gabayan ang mga mag-aaral sa
pagsagawa ng kilos habang kumakanta.
D

2 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Habang umaawit ang klase, isulat ang mga salitang ito sa


pisara: maselan, makatuwiran, kapiraso, kung tutuusin,
magkasundo, sakali man.

Sabihin: Palalimin pa natin ang pagkakaunawa natin sa mga salitang


ito na makikita natin sa kantang “Kahit Konti.” May babasahin akong
pangungusap na gamit ang salita na nakalista dito. Tukuyin kung ano
ang kahulugan ng salita batay sa pagkakagamit ng salita sa kanta at sa
pangungusap na babanggitin ko.

Pangungusap 1: Hindi siya maselan sa pagkain. Kahit ano,


kinakain niya.
Itanong: Sa awitin, ang sinabi ng nagsasalita ay hindi siya maselan
kaya’t madali siyang kausap. Dito naman sa pangungusap, hindi rin

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
158 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

maselan sa pagkain ang nagsasalita. Ano kaya ang ibig sabihin ng talaan
maselan?
Isulat: maselan = maarte, mapili, mahirap pasayahin

Pangungusap 2: Dahil makatuwiran naman ang kaniyang


paliwanag sa kaniyang magulang, pinayagan siyang sumama sa
field trip ng paaralan.
Itanong: May nakapaloob bang mas maikling salita sa salitang
ito? Ano ang ibig sabihin ng katuwiran? Bakit nakatutulong ang
makatuwiran na paliwanag sa pagkumbinse sa magulang dito sa
pangungusap? Ano kaya ang kahulugan ng makatuwiran?
Isulat: makatuwiran = may tamang rason, may punto

Pangungusap 3: Kapiraso na lamang ang natira sa bibingkang


binili ni nanay dahil lima kaming naghati-hati dito.
Itanong: Ano ang mga salita dito sa pangungusap na nagbibigay ng
pahiwatig kung ano ang ibig sabihin ng kapiraso? May salita din ba na
nakapaloob sa salitang kapiraso? Ano ang ibig sabihin ng piraso? Ano
kaya ang ibig sabihin ng kapiraso?

PY
Isulat: kapiraso = katiting, maliit na bahagi

Pangungusap 4: Kung tutuusin, hindi na kagulat-gulat na


nanalo siya sa paligsahan, dahil napakasipag niyang mag-ensayo.
O
Itanong: Narinig na ba ninyo ang katagang ito? Kailan ito madalas
gamitin? Ano ang maaari nating ipalit na salita sa tutuusin na
C
magbibigay ng kaparehong kahulugan?
Isulat: kung tutuusin = kung iisipin
D

Pangungusap 5: Isang oras silang nagtalo pero hindi sila


magkasundo tungkol sa gusto nilang sine, kaya’t magkaiba na
E

lang ang pinanood nila.


Itanong: May salita ba dito sa pangungusap na nagpapakita ng
EP

kabaligtaran ng magkasundo? Ano kaya ang ibig sabihin ng


magkasundo?
Isulat: magkasundo = magkaayos, mahinto ang away o pagtatalo
D

Pangungusap 6: Kung sakali man na mapadaan kayo muli dito


sa bayan naman, bisitahin ninyo kami at malugod naming kayong
tatanggapin.
Itanong: Batay sa pangungusap, sigurado ba na mapapadaan o
makakabalik ang kinakausap? Kailan kaya ginagamit ang katagang
sakali man? Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Isulat: sakali man= kung magkataon, kung mangyari

• Basahing muli ang mga salita at ang kahulugan nito. Pasabayin ang
mga mag-aaral sa pagbabasa.

• Gabayan ang mga bata sa gawaing magkapareha. Gagawa sila


ng sarili nilang pangungusap gamit ang mga salita sa talasalitaan.
Bigyan ang mga mag-aaral ng limang minuto para sa gawaing ito.
Umikot sa klase habang nag-uusap ang magkapares ang pakinggan
ang kanilang bahaginan. Matapos ang limang minuto, tumawag ng

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 159
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan anim na magkapares na maglalahad ng kanilang pangungusap para


sa itatakda sa kanilang salita. Wastuhin ang anumang pagkakamali.

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Awitin para sa inyong


magulang at kapamilya ang kantang “Kahit Konti,” o ikuwento ang
mensahe nito. Tanungin sila kung sumasang-ayon sila sa mensahe ng
awitin. Tanungin din sila kung ano ang isang bagay na maipapayo nila
sa inyo upang mas maging mapag-unawa o mas mapagbigay.

PY
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
O
• F1KP-IIIh-j-6 Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo
ng bagong salita
C

1
D

PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN


E

• Gamitin ang isang linya sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino


EP

bilang lunsaran para sa bahaginan ngayong araw. Gabayan ang


klase sa paglalahad tungkol sa mga simpleng paraan upang
maipakita nila ang kanilang pangangalaga sa kapaligiran.
D

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa pagiging


mabuting mamamayan. Sa aklat na Ako’y Isang Mabuting Pilipino,
may bahagi doon tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. Babasahin ko
ito.

• Basahin ang bahagi ng aklat sa p. 31 na nagsisimula sa “Hindi ako


nagkakalat ng basura…”

Itanong: Mahalaga ba ang pagbibigay-galang at pag-aalaga sa


kapaligiran sa pagiging mabuting Pilipino? Bakit? (kumuha ng ilang
sagot) Ano ang ilang simpleng paraan upang maipakita natin ang
pangangalaga natin sa kapaligiran, bukod sa mga nabanggit na sa aklat?
Pag-usapan ninyong magkatabi ang inyong ideya tungkol dito. Pagkatapos,
tatawag ako ng ilang mag-aaral upang maglahad ng kanilang sagot sa
buong klase. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panimula sa pisara:

Inaalagaan ko ang aking kapaligiran sa


tuwing _____________.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
160 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

• Magbigay ng sariling halimbawang pangungusap upang mas talaan


maging malinaw ang gawain sa buong klase.

Halimbawa: “Inaalagaan ko ang aking kapaligiran sa tuwing


nagtatanim ako ng halaman sa aming bakuran.”

• Umikot sa buong klase habang nag-uusap ang magkatabi at


obserbahan ang tatas ng kanilang usapan. Tukuyin ang mga bata
na kailangan pa ng dagdag na praktis at tandaang tawagin sila sa
bahaginan sa mga susunod na araw. Matapos ang tatlong minutong
pagbabahaginan ng mga magkakatabi, tumawag ng dalawang mag-
aaral upang maglahad sa buong klase.

2 PAGSASANAY: PAGBUBUO NG BAGONG SALITA


MULA SA PAGPALIT O PAGDAGDAG NG TUNOG

• Iugnay ang gagawing pagsasanay tungkol sa pagbubuo ng bagong


salita sa paksa ng kapaligiran. Isulat ang sumusunod na salita sa

PY
pisara: sapa, ilog, dagat, hangin, lupa.

Sabihin: Basahin natin ang mga salitang nakasulat sa pisara.


Sabayan ninyo ako. (Basahin nang malinaw ang mga salita.)
O
Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang ito? Ano ang kaugnayan nila
sa isa’t isa? Ano ang kaugnayan nila sa bahaginan natin kanina tungkol
C
sa kapaligiran?

• Kumuha ng ilang kasagutan. Ipaliwanag ang kaugnayan ng mga


D

salita, at ang kahulugan ng bawat isa.


E

• Ilabas ang pocket chart at tulungan ang mga mag-aaral sa pagtukoy


ng mga tunog na bumubuo sa bawat salita. Ibaybay sa pocket chart
EP

ang salita gamit ang mga letter card. Sabihin muna ang buong
salita, pagkatapos ay isa-isang ilagay ang letter card sa pocket chart
habang binabanggit ang tunog nito. Kapag nabuo na ang salita,
D

ipabasa ang salita sa klase.

• Matapos mabuo ang orihinal na salita sa pocket chart, tulungan


ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng bagong salita sa pamamagitan
ng pagpapalit ng letra/tunog o pagdagdag ng letra/tunog. Isulat
ang mabubuong salita sa pisara.

• May ilang mungkahi at halimbawa para sa gawaing ito sa ibaba.


Maaaring ibahin o dagdagan pa ang naibigay dito.

–– Sapa. Ano kaya ang mabubuong salita kung:


a. Palitan natin ang s ng k? (kapa)
b. Palitan natin ang k ng t? (tapa)
c. Palitan natin ang t ng m? (mapa)
–– Ilog. Ano kaya ang mabubuong salita kung
a. Dagdagan natin ng b ang -ilog? (bilog)
b. Palitan natin ang bi- ng tu-? (tulog)
c. Palitan natin ng ng ang g? (tulong)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 161
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan –– Dagat. Ano kaya ang mabubuong salita kung


a. Palitan natin ng k ang d? (kagat)
b. Palitan natin ng l ang g? (kalat)
–– Hangin. Ano kaya ang mabubuong salita kung
a. Palitan natin ang h ng b? (bangin)
b. Palitan natin ng o ang i? (bangon)
–– Lupa. Ano kaya ang mabubuong salita kung
a. Palitan natin ang p ng m? (luma)
b. Palitan natin ng -ot ang a? (lumot)
c. Palitan natin ng k ang l? (kumot)

• Ipabasa sa buong klase ang talaan ng mga nabuong salita na


nakasulat sa pisara. Ipasipi sa mga mag-aaral ang listahan ng mga
salita. Pagkatapos nilang kopyahin ang mga salita, bigyan sila ng
panahon para magsalitan ng kanilang katabi sa pagbasa ng mga
nabuong salita. Umikot sa buong klase at pakinggan ang pagbabasa
ng mga mag-aaral. Pansinin at tulungan ang mga mag-aaral na
hindi pa gaanong kabisado ang tunog ng mga letra o na mabagal

PY
pa ang tatas sa pagbabasa.

3 PAGTATAPOS
O
• Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa pinag-aralan
C
ngayong araw. Ipaturo nang pataas ang hinlalaki ng mga bata
(thumbs-up) kung sumasang-ayon sila sa pangungusap at ipaturo
D

nang pababa ang hinlalaki (thumbs down) kung hindi sila sang-
ayon sa pangungusap.
E

• Banggitin nang malakas ang sumusunod at pansinin ang tugon ng


EP

mga mag-aaral:

a. Alam na alam ko na kung paano tukuyin ang mga letra at tunog


na bumubuo sa isang salita.
D

b. Alam na alam ko na kung paano palitan ang unang letra ng salita


upang makabuo ng bagong salita.
c. Alam na alam ko na kung paano palitan ang dulong letra ng
salita upang makabuo ng bagong salita.
d. Alam na alam ko na kung paano magsingit ng dagdag na letra sa
pagitan ng ilang letra sa isang salita upang makabuo ng bagong
salita.

• Pansinin kung aling pangungusap ang may pinakamaraming


thumbs-down at dagdagan ang pagkakataon ng mga mag-aaral na
maisagawa ang kakayanang ito sa klase.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
162 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1EP-IIIh-4.1 Nagagamit nang wasto at ayos ang silid-aklatan: mga dapat


ikilos o iasal sa silid- aklatan

• F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat ng


pagmamahal sa pagbasa

1 PANIMULANG GAWAIN:
BUGTONG AT SALAWIKAIN

• Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang tatlong


bugtong at isang salawikain tungkol sa aklat at kahalagahan ng
pagbabasa.

• Basahin at ipaalala sa klase ang mga bugtong na natalakay na sa

PY
klase noong nakaraan. Ipasabi sa kanila kung ano ang sagot sa mga
bugtong na ito:

–– Walang bibig, walang pakpak, kahit hari’y kinakausap.


O
(Sagot: aklat)
–– Hindi halaman, maraming dahon, ang idinudulot ay
C
dunong. (Sagot: aklat)

• Basahin din ang sumusunod na salawikain tungkol sa pagbabasa:


D

“Pagbabasa ng libro ay ugaliin, pagkamangmang ay


wasakin.” (Kung may iba pang nais gamitin na salawikain tungkol
E

sa aklat, banggitin din ito.)


EP

Itanong: Bakit mahalaga ang mga aklat at ang pagbabasa? Ano


ang naidudulot nito sa atin? Mahilig ba kayong magbasa? Magbigay ng
pamagat ng aklat o kuwento na narinig o nabasa na ninyo bukod sa mga
D

binasa natin dito sa klase. Dito sa paaralan, saan kayo maaaring tumungo
kung gusto ninyong makapagbasa ng iba-ibang libro?

2 PAGGAMIT NG SILID-AKLATAN

• Ihanda ang buong klase para sa pagbisita at paggamit ng silid-


aklatan ng paaralan. Ipaalala ang ilang mga tuntunin sa paggamit
ng mga libro at pag-aasal sa loob ng silid-aklatan. Halimbawa:

a. Manatiling tahimik sa loob ng silid-aklatan.


b. Maging maingat sa pagbubuklat ng mga pahina ng aklat.
c. Isauli sa tamang lugar ang mga nagamit na aklat.
d. Humingi ng tulong sa nakatatanda kapag kinakailangan.
e. Huwag susulatan o dudumihan ang mga aklat.

• Samahan ang buong klase sa silid-aklatan at ipakilala sa kanila ang


tagapangasiwa nito. Iwanan ang karamihan ng mga mag-aaral sa

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 163
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan silid-aklatan, ngunit tawagin ang unang pangkat na sasailalim sa


pagtataya at isama muli sa silid-aralan. Maaari silang tumungo muli
sa silid-aklatan kapag natapos na sila sa pagtataya.

(Paunawa sa guro: Kung walang silid-aklatan ang paaralan,


gumawa ng isang reading corner sa isang bahagi ng silid-aralan.
Maglagay dito ng ilang aklat pambata mula sa paaralan o mga
aklat na nahiram mula sa library hub o iba pang silid-aklatan sa
komunidad.)

3 PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

PY
–– Ipaliwanag sa sariling pananalita, o gamitin sa isang
pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa bawat
bata sa grupo): makatuwiran, kapiraso, kung tutuusin, sakali
man, maselan, magkasundo.
O
–– Pakinggan ang pangungusap at sabihin kung ang mga salitang
C
tutukuyin ko ay nagpapakita ng lugar, paraan, o panahon ng
paggawa ng aksiyon. (Pumili lamang ng isang pangungusap para
sa bawat bata sa grupo.)
D

(1) Dahan-dahan niyang inilagay ang mga plato sa mesa.


E

(a) dahan-dahan
(b) sa mesa
EP

(2) Nagdarasal sila ng orasyon tuwing alas dose ng tanghali at


alas sais ng gabi.
D

(a) Alas dose ng tanghali


(b) Alas sais ng gabi

(3) Dali-dali niyang kinain ang kaniyang parte ng hapunan sa


hapag-kainan dahil natatakot siyang maagaw ito.
(a) dali-dali
(b) sa hapag-kainan

(4) Napakahina niyang magsalita kapag nasa loob ng


silid-aklatan.
(a) napakahina
(b) nasa loob ng silid-aklatan

(5) Mabilis siyang magtaas ng kamay kapag alam niya ang sagot.
(a) mabilis
(b) kapag alam niya ang sagot

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
164 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 28

(6) Masarap kumain ng halo-halo tuwing tag-init. talaan


(a) masarap
(b) tuwing tag-init

–– Sabihin kung ano ang mabubuong salita kapag pinalitan ang


babanggitin kong letra o tunog ng iba pang letra o tunog na
ibibigay ko (pumili ng dalawang set para sa bawat bata. Maaaring
ipagamit ang pocket chart o ang pisara):

(1) Saya. Palitan ang s ng t.


(2) Taya. Palitan ng k ang t.
(3) Kaya. Palitan ng m ang k.
(4) Maya. Palitan ng l ang la-.
(5) Laya. Palitan ng bu- ang m.
(6) Buwaya. Palitan ng n ang -ya.
(7) Buwan. Palitan ang bu- ng ha-.
(8) Hawan. Palitan ng k ang n.
(9) Hawak. Palitan ng l ang w.

PY
(10) Halak. Palitan ng i ang ikalawang a.
(11) Halik. Dagdagan ng -an sa dulo.
(12) Halikan. Palitan ng b ang h.
(13) Balikan. Palitan ng t ang n.
O
(14) Balikat. Palitan ng pu- ang ba-.
(15) Pulikat. Palitan ng s ang -kat.
C
(16) Pulis. Palitan ng t ang p.
(17) Tulis. Palitan ng a ang -is.
(18) Tula. Palitan ng p ang t.
D

(19) Pula. Palitan ng b ang p.


(20) Bula. Dagdagan ng k ang dulo.
E

(21) Bulak. Palitan ng t ang b. (Tulak)


EP

–– Magbanggit ng isang mensahe na napulot mula sa aklat na Ako’y


Isang Mabuting Pilipino o sa awit na “Kahit Konti.”
D

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, may ibang gawain naman ang mga naghihintay na bata.
(Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan
ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring
madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagbubuo ng bagong salita.

• Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 165
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Hayaang manatili ang mga mag-aaral sa silid-aklatan sa pangangasiwa
ng guro na nakatalaga dito. Maaari silang magbasa ng aklat, gumawa
ng kanilang takdang-aralin sa ibang subject, o gumuhit at magsulat sa
kanilang kuwaderno habang sila ay nasa silid-aklatan.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Ikuwento sa inyong


magulang at iba pang kapamilya ang ginawa ninyo sa silid-aklatan
at ang mga libro na binasa at pinagmasdan ninyo dito. Ipaliwanag sa
inyong mga magulang kung bakit mahalaga ang pagbabasa ng mga
aklat sa inyong pag-aaral.

PY
O
C
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
166 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

ARALIN

29
GABAY SA PAGTUTURO

UNANG BAITANG
FILIPINO
PY
O
C
D

TEMA: Mga Likas na Kayamanan sa Aking Komunidad


READ ALOUD STORY: Si Aling Oktopoda
E

at ang Walong Munting Pugita


EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 167
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

LINGGUHANG GABAY NG GURO SA FILIPINO, UNANG BAITANG


FILIPINO
YUNIT 3, ARALIN 29

Tema: Mga Likas na Kayamanan sa Aking Komunidad


Read Aloud Story: Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita
(Kuwento ni Virgilio S. Almario at Guhit ni Jess Abrera, Jr.)
Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin
PS • F1PS-IIc-3 • Panimulang Gawain: Bahaginan
Naiuulat nang pasalita ang mga
Araw-
naobserbahang pangyayari sa
araw
paaralan (o mula sa sariling
karanasan)
PP • F1PP-IIIj-9 • Pagpapaunlad ng talasalitaan
Nagagamit ang mga natutuhang
salita sa pagbuo ng mga simpleng
pangungusap

PY
KM • F1KM-IIIj
Nakasusulat nang may wastong
baybay, bantas, gamit ng malaki at
maliit na letra upang maipahayag
O
ang ideya, damdamin, o reaksiyon
sa isang paksa o isyu: salita,
C
pangungusap
1
D

WG • F1WG-IIIh-j-6 • Pagbabalik-aral: Paraan, panahon, at


Nasasabi ang paraan, panahon, lugar ng aksiyon
E

at lugar ng pagsasagawa ng kilos


o gawain sa tahanan, paaralan, at
EP

pamayanan
D

PN • F1PN-IIIi-7 • Read Aloud Story: Si Aling Oktopoda


Naibibigay ang paksa ng at ang Walong Munting Pugita
napakinggang tula/kuwento
2
PN • F1PN-IIIj-12
Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa
napakinggang teksto
DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya
AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
168 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagbibigay ng halimbawang pangungusap • Pagbabahagi ng personal na karanasan gamit
at paghikayat sa mga mag-aaral na magbahagi ang mga halimbawang pangungusap bilang
ng kanilang personal na karanasan gabay

• Pagbibigay ng pangungusap gamit ang • Pakikinig sa pangungusap na ibibigay ng guro


tututukang salita • Pagsagot sa katanungan at paglahok sa
• Pagtatanong upang makuha ang kahulugan ng talakayan
salita • Pagbubuo ng sariling pangungusap gamit ang

PY
• Pagpapagamit ng natutunang salita sa sariling takdang salita
pangungusap • Pagsulat sa kuwaderno ng nabuong
• Pagpapasulat sa kuwaderno ng nabuong pangungusap
pangungusap at pagsusuri sa pagsusulat
O
ng mga bata
C
D

• Pagpapaala sa konsepto ng paraan, panahon, • Pakikinig sa talakayan


at lugar ng aksiyon • Pakikinig sa mga pangungusap at parirala
E

• Pagpaskil ng card na may salitang paraan, • Pagpunta sa sulok kung saan naroon ang
panahon, at lugar sa magkakaibang sulok ng tamang card
EP

silid • Pagpapaliwanag sa kanilang sagot


• Pagbasa ng mga pangungusap at parirala at
paghikayat sa mga bata na pumunta sa akmang
D

sulok
• Pagbibigay ng tamang sagot

• Paghahanda para sa kuwento • Pagtugon sa mga tanong bago basahin ang


• Pagbasa ng kuwento kuwento
• Pagtatanong habang binabasa at pagkatapos • Pakikinig sa pagbasa ng kuwento
basahin ang kuwento • Pagtugon sa mga tanong habang binabasa
at matapos basahin ang kuwento

PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan


PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 169
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

Araw Domain Mga Layunin Paksang Aralin


PU • F1PU-IIIi-2.1;2.3 • Pagsasanay: Pagbabaybay ng batayang
Nababaybay nang wasto ang mga salita
salitang may tatlo o apat na pantig:
batayang talasalitaan

PL • F1PL-0a-j-7 • Bahaginan
Naibabahagi ang karanasan sa
pagbasa upang makahikayat ng
pagmamahal sa pagbasa

KP • F1KP-IIIh-j-6 • Pagsasanay: Pagbubuo ng bagong


Napapalitan at nadadagdagan ang salita

PY
mga tunog upang makabuo ng
bagong salita
O
4 PT • F1PT-IIIj-3
C
Napagyayaman ang talasalitaan sa
pamamagitan ng pagbubuo ng mga
D

salita gamit ang mga pantig


E
EP

PS • F1PS-IIIi-8.2 • Bahaginan/Pagbibigay ng panuto


Nakapagbibigay ng maikling panuto
D

gamit ang lokasyon


5

DOMAINS: PS - Pagsasalita/Wikang Binibigkas KP – Kamalayang Ponolohiya


AL – Kaalaman sa Aklat at Limbag PP – Palabigkasan at Pagkilala sa Salita TA – Tatas
PU – Pagsulat at Pagbaybay KM – Komposisyon WG – Wika at Gramatika/Kayarian ng Wika

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
170 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

Mga Gawain ng Guro Mga Gawain ng Mag-aaral


• Pagpapakita ng mga flash card ng tututukang • Pagmasid at pagbasa sa flash card
salita • Pagpapantig ng mga salita
• Paggabay sa pagpantig at pagpalakpak ng pantig • Paghihiwalay ng mga tunog sa salita
• Pagpapakita ng halimbawa ng pagbaybay sa • Pagsulat ng baybay ng salita sa kuwaderno
pocket chart • Pakikilahok sa talakayan ukol sa tamang
• Pagdikta ng iba pang salita at pagpapasulat nito baybay ng mga isinulat sa salita
sa mga bata
• Pagpapakita ng tamang baybay

• Pagbibigay ng halimbawang panimula at • Pakikinig at paglahok sa talakayan


halimbawang pangungusap • Pagbabahagi tungkol sa paboritong tagpo sa
• Paggabay sa gawaing magkapareha kuwento sa katabi/kapareha
• Paglalahad sa buong klase

• Pagsulat ng mga salitang papalitan ang tunog • Pagbasa sa orihinal na salita


sa pisara at pagbasa dito • Pakikilahok sa gawain sa pisara: pagbura at

PY
• Pagtawag ng mga bata sa pisara upang gawin pagpalit ng letra sa orihinal na salita
ang pagpalit ng letra at pagbuo ng bagong • Pagbasa ng bagong salita at pakikilahok sa
salita batay sa panuto na ibinigay talakayan tungkol sa kahulugan nito
• Pagbasa sa mga nabuong salita
O
• Pagsulat at pagbasa ng pangungusap na • Pagbasa sa pangungusap
C
pagkukunan ng mga pantig sa pisara • Pakikilahok sa pagpapantig
• Paggabay sa gawaing pagpapantig • Pagsasama-sama ng mga ibinigay na pantig
D

• Pagbibigay ng pantig na ipagsasama ng mga upang makabuo ng salita


bata upang makabuo ng bagong salita • Pagsulat ng bagong salita sa kuwaderno
E

• Pagbasa sa mga nabuong salita


• Pagtukoy sa kahulugan ng nabuong salita
EP

• Paggabay sa bahaginan tungkol sa recycling at • Pakikilahok sa bahaginang magkapareha


pag-uuri ng basura • Pagbibigay ng panuto
D

• Paghahanda ng gamit para sa gawaing pag-uuri • Pagsunod sa panuto


ng basura
• Paggabay sa mga bata sa pagbibigay ng panuto
kung saang basurahan sa lood ng silid dapat
ilagay ang isang uri ng basura
PT – Pag-unlad ng Talasalitaan PN – Pakikinig/Pag-unawa sa Napakinggan
PL – Pagpapahalaga sa Literasi, Wika, at Panitikan EP – Estratehiya sa Pag-aaral

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 171
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

1
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PP-IIIj-9 Nagagamit ang mga natutuhang salita sa pagbuo ng mga simpleng


pangungusap

• F1KM-IIIj Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki


at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin, o reaksiyon sa isang
paksa o isyu: salita, pangungusap

• F1WG-IIIh-j-6 Nasasabi ang paraan, panahon, at lugar ng pagsasagawa ng


kilos o gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Ipakilala ang tema para sa linggong ito at iugnay sa gagawing

PY
bahaginan batay sa paksa ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sabihin: Ang tema natin para sa linggong ito ay tungkol sa mga likas na
kayamanan sa ating komunidad. Ang karagatan, ang lupa, at ang mga
O
hayop na nakatira sa ating kapaligiran ay kabilang sa ating mga likas
na kayamanan. Noong nakaraang linggo, sinimulan nating pag-usapan
C
ang pangangalaga sa kapaligiran. Ipagpatuloy natin ito ngayon sa ating
bahaginan. Humarap sa inyong katabi at pag-usapan ang tanong na ito:
Ano ang isang bagay na maaari ninyong gawin upang pangalagaan ang
D

mga halaman at hayop sa ating kapaligiran? Maaari ninyong gamitin ang


halimbawang panimula na nakasulat sa pisara:
E

Mapapangalagaan ko ang hayop at halaman sa aking


EP

kapaligiran kapag _______.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap upang lalong maipakita


D

ang inaasahan mula sa mag-aaral. Halimbawa: “Mapapangalagaan


ko ang hayop at halaman sa aking kapaligiran kapag hindi ako
magtatapon ng mga nakalalasong kemikal at mga plastic bag sa
mga estero o ilog.”

• Bigyan ng tatlong minuto ang mga magkatabi upang


magbahaginan. Umikot sa klase at pakinggan ang tatas ng kanilang
usapan. Alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag na
pagsasanay. Matapos ang tatlong minuto, tumawag ng dalawang
mag-aaral na maglalahad ng kanilang sagot sa buong klase.

• Isulat sa pisara ang mga ibabahagi ng mga mag-aaral sa porma ng


isang talaan. Halimbawa:

Paraan ng Pangangalaga sa Kapaligiran:

a. Huwag magtapon ng basura kung saan-saan.


b. Magtanim ng halaman.
c. Hanapan ng iba pang gamit ang mga nagamit nang papel o
plastic na lalagyan.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
172 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

talaan

2 PAGBABALIK-ARAL: PARAAN, PANAHON, AT


LUGAR NG ISANG AKSIYON O GAWAIN

• Balikan ang pinag-aralan tungkol sa paraan, panahon, at lugar ng


paggawa ng kilos o aksiyon na tinalakay noong nakaraang linggo.
Ipaalala na ang paraan ay sumasagot sa tanong na paano, ang
panahon ay sumasagot sa tanong na kailan, at ang lugar ay
sumasagot sa tanong na saan.

• Patayuin ang klase. Maglagay ng tatlong malaking flash card sa


iba-ibang bahagi ng silid-aralan—paraan/paano? sa isang sulok,
panahon/kailan? sa kabilang sulok, at lugar/saan? sa isa pang
sulok ng silid. Papuntahin ang mga mag-aaral sa sulok kung saan
nakalagay ang akmang card para sa pangungusap/bahagi ng
pangungusap na babanggitin ninyo. Humingi ng paliwanag mula
sa mga mag-aaral kung bakit sila pumunta sa isang partikular na
sulok. Ibigay ang tamang sagot matapos nila magpaliwanag.

PY
• Gamitin ang sumusunod na pangungusap para sa gawaing ito:

a. Kapag nagtatapon tayo ng plastic sa mga estero o ilog, maaaring


makain ito ng mga isda at sila ay malalason.
O
“sa mga estero o ilog”—paraan, panahon, o lugar?
b. Kapag makain ng mga isda ang plastic, sila ay unti-unting
C
mamamatay.
“unti-unting mamamatay”—paraan, panahon, o lugar?
c. Kapag kinain naman ng tao ang nalasong isda na nahuli sa dagat
D

o ilog, ang tao ay dali-daling magkakasakit.


“nahuli sa dagat o ilog”—paraan, panahon, o lugar?
E

d. Dahil dito, hindi tayo dapat kailanman magtapon ng basura


EP

nang walang pakundangan.


(1) “kailanman”—paraan, panahon, o lugar?
(2) “nang walang pakundangan”—paraan, panahon, o lugar?
e. Araw-araw, isipin nating hindi lamang tayong mga tao ang
D

nabubuhay at umaasa sa ating kapaligiran.


“araw-araw”—paraan, panahon, o lugar?

3 PAGPAPAUNLAD NG TALASALITAAN

• Ipagpatuloy ang pagtalakay sa tema ng pangangalaga ng kapaligiran


at likas-yaman sa pamamagitan ng pag-ugnay ng mga pag-aaralang
salita sa tema para sa linggong ito.

Sabihin: Napakahalaga ng ating tema para sa linggong ito.


Importante na matuto tayong pangalagaan ang ating kapaligiran para
hindi masira ang ating likas na kayamananan—katulad ng ating
karagatan. Ang kuwento na babasahin natin bukas ay naganap sa ilalim
ng karagatan. Ngunit bago natin ito basahin bukas, pag-aralan muna
natin ang ilang salita na makikita natin sa aklat.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 173
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan • Isulat ang sumusunod na salita sa pisara: pugita, amiga,


ginalugad, barakuda, pinaspasan.

• Banggitin ang sumusunod na pangungusap para matulungan ang


mga mag-aaral sa pag-unawa ng kahulugan ng mga salita sa pisara:

Pangungusap 1: May walong kamay o galamay ang pugita.


Itanong: Ano ang mga salita sa pangungusap na nagpapahiwatig kung
ano ang pugita? May iba pa bang hayop kayong kilala na may walong
kamay o galamay? Kahawig kaya ito ng pugita? Ano kaya ang hitsura ng
pugita?
Isulat: pugita = octopus, laman dagat na mukhang malaking
pusit

Pangungusap 2: Lagi niyang kasama at kalaro ang amiga niyang


si Maria.
Itanong: Narinig na ba ninyo ang salitang amiga? Kung palagi ninyong
kasama ang isang tao, malapit ba siya sa inyo? Ano kaya ang ibig sabihin
ng amiga?

PY
Isulat: amiga = kabarkada, kaibigan
Pangungusap 3: Ginalugad na nila ang lahat ng sulok ng
bahay, pero hindi pa rin nila mahanap ang nawawalang susi.
O
Itanong: Alin naman ang mga salita sa pangungusap na ito na
nagbibigay ng ideya kung amo ang kahulugan ng ginalugad? May bagay
C
na ba kayo hinanap sa lahat ng sulok? Ano kaya ang ibig sabihin ng
ginalugad?
Isulat: ginalugad = hinanap
D

Pangungusap 4: Mabilis na lumangoy palayo ang ibang isda


E

nang nakita nitong palapit ang gutom na barakuda.


Itanong: Batay sa pangungusap, anong klase kayang isda ang
EP

barakuda? Bakit kaya natatakot dito ang ibang isda?


Isulat: barakuda = malaking isda na may matalas na ngipin

Pangungusap 5: Nagmamadali siya, kaya pinaspasan niya ang


D

paglalakad.
Itanong: Ano kaya ang kinalaman ng pagmamadali sa salitang
pinaspasan? Mahuhulaan ba ninyo ang ibig sabihin ng pinaspasan?
Isulat: pinaspasan = binilisan

• Basahin ang talasalitaan na nakasulat sa pisara—salita at kahulugan.


Pasundin ang mga mag-aaral sa pagbabasa.

a. pugita = octopus, laman dagat na mukhang malaking pusit


b. amiga = kabarkada, kaibigan
c. ginalugad = hinanap
d. barakuda = malaking isda na may matalas na ngipin
e. pinaspasan = binilisan

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
174 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

• Magtakda ng isang salita sa bawat hanay. Itakda ang pugita sa talaan


hanay 1, amiga sa hanay 2, ginalugad sa hanay 3, barakuda
sa hanay 4, at pinaspasan sa hanay 5. Pabuuin ng pangungusap
ang bawat mag-aaral gamit ang salita na itinakda sa kanilang
hanay. Ipasulat sa kanilang kuwaderno ang kanilang pangungusap.
Umikot sa bawat hanay at suriin ang mga pangungusap na isinulat
ng mga mag-aaral. Pansinin kung sino pa ang nangangailangan ng
tulong sa pagbubuo ng pangungusap at sa pagsusulat.

4 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Tanungin ang inyong


mga kapamilya tungkol sa mga isda at iba pang hayop na nakatira sa
ilalim ng dagat. Humingi ng ilang halimbawa ng pangalan ng mga isda
o iba pang hayop na nakatira sa karagatan. Maghandang magbahagi

PY
tungkol dito bukas.

O
C

LAYUNIN ARAW
D

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

2
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)
E

• F1PN-IIIi-7 Naibibigay ang paksa ng napakinggang tula/kuwento


EP

• F1PN-IIIj-12 Nakapagbibigay ng sariling hinuha sa napakinggang teksto


D

1 PANIMULANG GAWAIN: SABAYANG PAG-AWIT

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang takdang-aralin na ibinigay kahapon.


Magpabanggit ng ilang mga isda o hayop na nakatira sa ilalim ng
dagat. Ipaskil ang manila paper kung saan nakasulat ang awitin
na ipakikilala sa mga mag-aaral. Iugnay ang takdang-aralin sa
ipakikilala na awitin at sa talasalitaan kahapon.

Sabihin: Ang awitin dito sa manila paper ay tungkol sa mga likas


na yaman na makikita natin sa karagatan. Mababanggit dito ang
iba-ibang mga isda at nilalang na makikita sa ilalim ng dagat. Tingnan
ninyo kung mababanggit dito ang mga isda na binanggit ninyo kanina.
Pansinin din ninyo kung may maririnig kayong salita mula sa talasalitaan
natin kahapon. Aawitin natin ito sa tono ng “Bahay Kubo.” Aawitin ko
muna, pagkatapos ay sabay-sabay natin itong kantahin.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 175
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
“Sa Karagatan”
(awitin sa tono ng Bahay Kubo)
Sa karagatan,
yaman ay kay dami.
Ang nabubuhay doon
ay sari-sari.
Korales, talaba,
pawikan at tulya,
tuna, pusit, pugita.
Mga isdang magaganda:
clown fish, maya-maya,
at saka mayroon pang
mga barakuda.
Sea horse, kabibe,
pating, at balyena.
Sa kulay at dami,
ika’y mapapahanga!

PY
• Gabayan ang mga mag-aaral sa isang talakayan upang maiugnay
ang awit sa tema para sa linggo, at sa kuwentong babasahin.
O
Itanong: Tungkol saan ang awiting ito? Anong uri ng likas na
kayamanan ang binabanggit sa kanta? May narinig ba kayong uri ng
yaman-dagat na pamilyar sa inyo? Alin sa mga salitang ito ang tinalakay
C
natin kahapon sa ating gawaing talasalitaan?
D

2 PAGHAHANDA PARA SA PAKIKINIG SA


KUWENTO
E
EP

a. Paghawan ng Balakid
Ipakitang muli sa klase ang mga salitang pinag-aralan kahapon.
D

Ipabasa ang bawat salita at tanungin ang klase kung ano ang ibig
sabihin nito. Pansinin ang mga salitang nabanggit din sa kantang
“Sa Karagatan.”

b. Pagganyak
Ipakita ang pabalat ng aklat na Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting
Pugita. Banggitin ang pamagat, may-akda, at tagaguhit. Itanong sa
mga bata kung ano ang nakikita nila sa larawan sa pabalat. Ipabilang
ang galamay ng malaking pugita. Ipabilang kung ilan ang maliliit
na pugita. Ipahula sa mga bata kung saang lugar magaganap ang
kuwentong babasahin. Ipaugnay sa inawit na kantang “Sa Karagatan.”

c. Pangganyak na Tanong
Habang binabasa ko ang kuwento, subukang sagutin ang tanong na ito:
Ano ang mga uri ng isda at yaman-dagat na makikita sa aklat? Alin sa
mga ito ang nabanggit din sa awiting “Sa Karagatan”?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
176 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

talaan

3 HABANG BINABASA ANG KUWENTO

Basahin nang malakas at may damdamin ang kuwento. Huminto


pagkabasa ng mga takdang pahina upang itanong ang sumusunod:

Huminto sa p. 3
Itanong: Magkaano-ano ang mga pugita? Kaano-ano nila si Aling
Oktopoda?

Huminto sa p. 7
Itanong: Ano ang ginagawa ng mga anak ni Aling Oktopoda dito sa
larawan? Ano ang hawak-hawak nila?

Huminto sa p. 9
Itanong: Ano-ano ang nakikita ninyong mga pagkain dito sa larawan?
Nakakain na ba kayo nito?

Huminto sa p. 11

PY
Itanong: Nasaan na ang mga kapatid ni Walo dito sa larawan? Bakit
kaya nahiwalay ang bunsong si Walo sa kanila? Ano ang nakita niya sa
karagatan? O
Huminto sa pp. 12–13
Itanong: Nasaan si Walo dito sa larawan? Sino ang kasama niya?
C
Bilangin nga natin ang mga isda dito sa larawan. Bilangin din natin ang
mga kabibe. Bilangin din natin ang mga seahorse. Mukha bang masaya si
Walo dito? Nasaan na kaya ang mga kapatid niya?
D

Huminto sa p. 15
Itanong: Ano kaya ang nararamdaman ng mga kapatid ni Walo? Ano
E

ang ekspresyon ng mga mukha nila dito? Mahahanap kaya nila si Walo?
EP

Ano kaya ang susunod nilang gagawin?

Huminto sa p. 17
Itanong: Ano kaya ang gagawin ni Aling Oktopoda ngayong nalaman
D

niya ang nangyari kay Walo?

Huminto sa p. 19
Itanong: Kanino nagpatulong si Aling Oktopoda? Bilangin nga natin
sila.

Huminto sa p. 21
Itanong: Ilang barakuda daw ang humahabol kay Walo? Bilangin nga
natin.

Huminto sa p. 25
Itanong: Nasaan na si Walo sa larawang ito? Ano ang ekspresyon sa
mukha niya? Ano ang ekspresyon sa mukha ni Aling Oktopoda? Ano
naman ang nangyari sa mga barakuda dito?

Huminto sa p. 27
Itanong: Paano nagtapos ang kuwento? Masaya na kaya si Walo at ang
kapatid niyang pugita? Bakit?

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 177
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan

4 TALAKAYAN TUNGKOL SA KUWENTO

Itanong ang sumusunod upang palalimin ang pagkakaunawa ng mga


bata sa kuwento:

• Tungkol saan ang kuwento natin?


• Sino ang bida sa ating kuwento?
• Ano-ano pa ang mga nakita ninyong yaman-dagat sa ating
kuwento? Alin sa mga ito ang nabanggit sa kinanta natin kaninang
“Sa Karagatan”?
• Ano ang ginawa ni Aling Oktopoda nang nalaman niyang nawala
si Walo? Sino ang tumulong sa kaniya?
• Ano ang masasabi ninyo tungkol sa yaman ng karagatan na
ipinakita sa aklat? Gusto rin ba ninyong tumira sa ilalim ng dagat
katulad ni Aling Oktopoda at ng kaniyang mga anak na pugita?
Bakit?
• Paano natin mapapanatiling mayaman at malinis ang karagatan na

PY
tinitirahan ni Aling Oktopoda at ng kaniyang mga anak?

5 PAGTATAPOS
O
C
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Awitin para sa inyong
kapamilya ang kantang “Sa Karagatan.” Tanungin sila kung ano
D

ang dapat gawin upang mapangalagaan ang mga yaman-dagat na


nabanggit sa kanta.
E
EP

ARAW LAYUNIN
D

• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

3
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PU-IIIi-2.1;2.3 Nababaybay nang wasto ang mga salitang may tatlo o apat
na pantig: batayang talasalitaan

• F1PL-0a-j-7 Naibabahagi ang karanasan sa pagbasa upang makahikayat


ng pagmamahal sa pagbasa

1 PANIMULANG GAWAIN: BAHAGINAN

• Hikayatin ang mga mag-aaral na magbahaginan tungkol sa awiting


“Sa Karagatan” at tungkol sa aklat na Si Aling Oktopoda.
Ano-ano ang mga yaman-dagat na nakita nila sa aklat at narinig
nila sa awiting pinag-aralan kahapon? Alin sa mga yaman-dagat na

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
178 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

ito ang pinakagusto nila? Maaari nilang gamitin ang halimbawang talaan
panimula na ito:

___________ ang pinakagusto kong yaman-dagat


dahil ___________.

• Magbigay ng halimbawang pangungusap, katulad ng: “Korales ang


pinakagusto kong yaman-dagat dahil dito kumukuha ng pagkain
ang maraming mga isda.”

• Bigyan ng tatlong minuto ang magkatabi para magpalitan ng


opinyon tungkol sa pinakagusto nilang yaman-dagat. Pagkatapos,
tumawag ng limang mag-aaral para maglahad ng kanilang sagot sa
buong klase. Ilabas ang aklat na “Aling Oktopoda” at hikayatin
silang ipakita ang larawan ng gusto nilang yaman-dagat habang sila
ay naglalahad ng kanilang pangungusap.

2 PAGSASANAY: PAGBABAYBAY NG
MGA BATAYANG SALITA

PY
• Magpaskil ng mga flash card ng salita na madalas gamitin sa
silid-aralan: pangungusap, kuwento, salita, talata, aralin.
O
• Ipapansin sa mga mag-aaral ang mga ipinaskil na salita. Basahin
C
ang bawat isa. Gamitin ang mga salitang ito sa pangungusap at
ituro ang salita habang binabanggit sa pangungusap. Halimbawa:
“Nagbabasa tayo ng kuwento tulad ng “Aling Oktopoda” sa
D

klase bilang bahagi ng ating aralin. Ang kuwento ay binubuo ng


mga talata. Ang talata ay binubuo ng mga pangungusap. Ang
E

pangungusap ay binubuo ng mga salita.”


EP

• Basahin muli para sa mga mag-aaral ang mga salita sa flash card.
Ipaliwanag na mahalagang masanay sila sa pagbasa at pagsulat ng
mga ito dahil madalas nilang makikita, maririnig, at magagamit ang
D

mga salitang ito.

• Ipabilang ang pantig ng bawat salita gamit ang pagpalakpak.


Sasabihin muna nila ang salita nang mabilis. Pagkatapos, ipapantig
nila ang salita habang pumalapakpak sa bawat pantig. Gabayan ang
mga mag-aaral sa pagsagawa nito para sa bawat salita na nakapaskil
sa pisara.

• Tanggalin mula sa pisara ang mga flash card. Ipakita ang mga
ito nang isang huling beses bilang paghahanda para sa gawaing
pagbabaybay. Ipabasa ang salita sa flash card at ipapansin sa kanila
ang tunog at letra na bumubuo sa bawat salita.

• Ilabas ang pocket chart at mga letter card. Gamitin ito upang
ipaalala sa mga mag-aaral ang mga hakbang na maaari nilang
gamitin kapag nagbabaybay. Ipakita sa pocket chart ang mga
hakbang sa pagbaybay ng unang salita: pangungusap.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 179
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Sabihin: Kapag nagbabaybay, iniisip natin ang mga tunog at letra na
bumubuo sa bawat pantig ng salita. Halimbawa, babaybayin ko ang
salitang pangungusap. Pa-ngu-ngu-sap. Ang unang pantig ay pa-;
ang unang tunog sa pa- ay p. Ang letra na may tunog na p ay ang letrang
“p.” Ilalagay ko ang letrang “p” dito sa simula ng salita. Isulat rin
ninyo ito sa inyong kuwaderno. Ang kasunod na tunog sa pantig
na pa- ay a. Ang letrang may tunog na a ay ang letrang “a.” Ilalagay ko
ito sa tabi ng letrang “p.”

Ang kasunod na pantig sa salita ay ngu-; ang mga tunog nito ay ng at u.


Ilalagay ko ang letrang “ng” at “u” dito sa tabi ng pantig na pa-…Naulit
muli ang pantig na ngu-; ibig sabihin, mga letrang “ng” at “u” muli ang
ilalagay ko dito sa tsart.

Ang pinakahulung pantig ay -sap—ang mga tunog na bumubuo dito ay s,


a, at p. Kaya’t ilalagay ko ang mga letrang “s,” “a,” at “p” dito sa pocket
chart.

Sunod, pagmamasdan ko ang nabuong salita—mukha bang tama ang

PY
pagkabaybay? Pamilyar ba sa akin ang nakikita kong salita?
Babasahin ko muli ang salita para makita kung tama nga ang
pagkabaybay ko. Pangungusap. Pangungusap. Pangungusap. Tama! Tama
O
rin ba ang pagkakasulat ninyo sa salitang ito sa inyong kuwaderno?
C
• Pagkatapos ipakita ang mga hakbang sa pagbabaybay, ibigkas,
ipantig, at ibigkas muli isa-isa ang mga salita na nasa flash card
D

kanina at ipasulat ito sa mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno.

• Maglaan ng panahon para ipakita ang baybay ng mga salitang


E

idinikta sa pocket chart. Tumawag ng mga bata na magbabaybay


EP

sa bawat salita gamit ang letter card na ilalagay sa pocket chart.


Matapos nilang gawin ito, ipakita ang flash card. Ipakumpirma
sa klase kung tama nga ang pagkakasunod-sunod ng mga letra sa
pocket chart. Gawin ito para sa bawat salita.
D

3 PAGTATAPOS

Magsagawa ng mabilisang pagpupulso tungkol sa pinag-


aralan ngayong araw. Ipataas ang kamay ng mga mag-aaral na
nakapagbaybay/nakasulat ng limang salita nang tama. Ipataas naman
ang kamay nang nakakuha ng apat na tamang sagot. Ipataas ang
mga kamay ng mga batang nakapagbaybay ng tatlong salita pababa.
Hiramin ang mga kuwaderno ng huling pangkat ng mga mag-aaral at
obserbahan kung aling salita o tunog ang nahirapang nilang ibaybay.
Tutukan ang mga batang ito sa mga susunod na araw.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
180 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

talaan
LAYUNIN ARAW
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

4
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1KP-IIIh-j-6 Napapalitan at nadadagdagan ang mga tunog upang makabuo


ng bagong salita

• F1PT-IIIj-3 Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo


ng mga salita gamit ang mga pantig

1 PANIMULANG GAWAIN:
SABAYANG PAG-AWIT (“MAGKAUGNAY”)

• Ipaskil ang manila paper na may titik ng awiting “Magkaugnay” ni


Joey Ayala. (Mahahanap ang titik at tono ng awit na ito sa Internet:
http://youtu.be/_y_nQheGGXg) Sabihin na ang kanta para sa
araw na ito ay may mahalagang mensahe tungkol sa pangangalaga

PY
ng kalikasan at ng ating mga likas-yaman. Awitin (o ipatugtog)
muna para sa mga mag-aaral ang kanta upang makuha nila ang
tono. Hikayatin silang pumalakpak at pumadyak sa tiyempo
ng kanta habang inaawit ninyo ito. Pasabayin ang mga bata sa
O
susunod na pag-awit.
C
• Palalimin ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanta sa
pamamagitan ng pagtanong ng sumusunod:
–– Bakit kaya sinasabi ng kanta na ang lahat ng bagay ay
D

magkaugnay?
–– Kapag may gawin tayong masama sa ating lupa o dagat, katulad
E

ng pagkakalat o paglalason dito, ano ang mangyayari sa atin at sa


EP

ibang nakatira dito?


–– Sinasabi ng awit na “Kamag-anak at Katribo” natin ang lahat ng
nabubuhay sa mundo. Magbanggit nga kayo ng isang hayop o
halaman na kamag-anak at katribo natin?
D

• Gabayan ang lahat ng mag-aaral sa pagkompleto ng pangngusap


na ito: Lahat tayo ay magkaugnay. Kamag-anak/katribo
natin ang (isang hayop o halaman). Magbigay ng halimbawang
pangungusap: “Kamag-anak natin ang balyena. Katribo natin ang
puno ng mangga.” Patayuin at pasagutin ang bawat bata sa klase.
Isulat ang mga babanggitin nilang hayop o halaman sa pisara.

2 PAGSASANAY: PAGBUBUO NG SALITA

a. Pagpapalit ng Tunog o Letra upang Makabuo ng Salita


• Isulat ang mga salitang ito sa pisara: dagat, lupa, laot, hangin,
likas, yaman. Basahin ang bawat isa at ipaliwanag ang kahulugan
nito. Iugnay din ang bawat salita sa kantang “Magkaugnay” at sa
tema para sa linggong ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 181
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan Sabihin: Narinig natin ang mga salita na sinulat ko dito sa pisara sa
kantang “Magkaugnay.” Ang ibang salita naman ay makikita sa tema
nating “mga likas na kayamanan sa ating komunidad.” Gagamitin natin
ang mga salitang ito sa pagbubuo ng bagong salita.

• Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbubuo ng bagong salita sa


pamamagitan ng pagpapalit ng ilang tunog sa isang salita. Ipaalala
sa kanila na ginawa na nila ito noong nakaraang linggo.

• Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa


bawat isa ang salitang dagat sa bahagi nila ng pisara.

Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang “d” at palitan ito ng letrang
“k,” ano ang bagong salitang mabubuo? (kagat) Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito?

• Tumawag ng panibagong apat na bata at papuntahin sila sa pisara.


Ipasulat sa bawat isa ang salitang lupa sa bahagi nila ng pisara.

Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang “p” at palitan ito ng letrang

PY
“h,” ano ang bagong salitang mabubuo? (Luha) Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito?

• Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa


O
bawat isa ang salitang laot sa bahagi nila ng pisara.

Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang “t” at palitan ito ng letrang
C
“s,” ano ang bagong salitang mabubuo? (Laos) Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito?
D

• Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa


bawat isa ang salitang hangin sa bahagi nila ng pisara.
E

Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang “h” at palitan ito ng letrang
EP

“b,” ano ang bagong salitang mabubuo? (Bangin) Ano ang ibig sabihin
ng salitang ito?
D

• Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa


bawat isa ang salitang likas sa bahagi nila ng pisara.

Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang “i” at palitan ito ng letrang
“a,” ano ang bagong salitang mabubuo? (Lakas) Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito?

• Tumawag ng apat na bata at papuntahin sila sa pisara. Ipasulat sa


bawat isa ang salitang yaman sa bahagi nila ng pisara.

Sabihin: Kung burahin ninyo ang letrang “y” at palitan ito ng letrang “l,”
ano ang bagong salitang mabubuo? (Laman) Ano ang ibig sabihin ng
salitang ito?

• Isulat sa pisara ang mga bagong nabuong salita, at ipakopya ito sa


mga mag-aaral: kagat, luha, laos, bangin, lakas, laman. Ipabasa
ito sa mga bata. Tumawag ng isang bata upang sabihin kung paano
nila nabuo ang mga salitang ito. (Halimbawa: “Nakabuo ako ng
bagong salita sa pamamagitan ng pagpalit ng isang tunog o letra
mula sa naunang salita.”)

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
182 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

b. Pagsasama ng mga Pantig upang Makabuo ng Salita talaan

• Isulat ang pangungusap na ito sa pisara: Dapat alagaan,


protektahan, at bantayan ang ating likas yaman. Pasabayin
ang mga mag-aaral sa pagbasa nito. Pagkatapos, hayaang pantigin
ng mga mag-aaral ang bawat salita habang pumapalakpak sa bawat
pantig. Habang ginagawa nila ito, ikabit sa pisara ang ilang card na
may nakasulat na mga pantig mula sa mga salita sa pangungusap:
ya, ban, ta, han, da, la, pat, ga, man, kas, li, ting, a, ang.
Sabihin: Isa pang paraan ng pagbubuo ng salita ang pagsasama ng
iba-ibang pantig. Nandito sa pisara ang ilang pantig mula sa mga salita
sa binasa nating pangungusap. Subukan nating pagsama-samahin ang
ilan dito upang makabuo ng bagong salita. Isusulat ko dito sa pisara.
Isulat rin ninyo ang mabubuo nating salita sa inyong kuwaderno.

Ano ang mabubuong bagong salita kapag pinagsama natin ang:


(1) ban + da? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
(2) kas + ya? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.

PY
(3) da + ting? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
(4) ban + ta? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
(5) da + han? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
(6) la + ga? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
O
(7) ga + ta? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
(8) la + kas? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
C
(9) la + man? Banggitin nang malakas. Isulat sa inyong kuwaderno.
D

• Magpaskil ng manila paper kung saan nakasulat ang mga nabuong


salita: banda, kasya, dating, banta, dahan, laga, gata, lakas,
laman.
E

• Pasabayin ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng mga salita.


EP

Tanungin ang mga bata kung ano ang ibig sabihin ng bawat isa.
Anyayahan ang mga bata na gamitin ang mga salita sa simpleng
pangungusap.
D

(Posibleng halimbawa: Tumugtog ang banda sa piyesta. Kasya sa


akin ang damit. Inaantay ko ang pagdating ng aking tatay. May
banta ng bagyo bukas. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.
Naglaga ako ng mais. May gata ang maja blanca. Kay lakas ng
sigaw niya. Maraming laman ang libro.)

• Tumawag ng isang bata at ipasabi sa kaniya kung paano niya nabuo


ang mga salitang ito. (Halimbawa: “Nabuo ang mga salitang ito sa
pagsama-sama o paghahalo ng mga pantig.”)

3 PAGTATAPOS

Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Magtanong sa inyong


pamilya kung paano mag-uri-uri ng mga basura at kung paano
mag-recycle. Ihanda ang sarili na magbahagi tungkol dito bukas.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 183
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan
ARAW LAYUNIN
• F1PS-IIc-3 Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari

5
sa paaralan (o mula sa sariling karanasan)

• F1PS-IIIi-8.2 Nakapagbibigay ng maikling panuto gamit ang lokasyon

1 PANIMULANG GAWAIN:
BAHAGINAN/PAGBIBIGAY NG PANUTO

• Ipaalala sa mga mag-aaral ang ibinigay na takdang-aralin.


Patayuin sila at pahanapin sila ng isang kapares. Bigyan sila ng
panahon upang ikuwento sa kanilang kapares ang nakuha nilang
impormasyon tungkol sa pag-uuri at paghihiwalay ng basura at
tungkol sa pag-recycle.

• Habang nagkukuwentuhan ang mga magkapares, ihanda ang mga


gamit para sa demonstrasyon ukol sa waste segregation: isang basket

PY
o supot na may nakasulat na babasagin, isang basket o supot na
may nakasulat na papel, isang basket o supot na may nakasulat na
nabubulok, at isang basket o supot na may nakasulat na plastic.
O
Maghanda din ng ilang halimbawa ng basura na ilalagay sa bawat
lalagyan.
C
• Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng panuto tungkol sa
paglalagay ng basura sa tamang lalagyan. Ipaliwanag kung para saan
D

ang bawat basket o supot. Maglagay ng isang basket o supot sa


bawat sulok ng silid-aralan. Magpakita ng halimbawa ng pagbibigay
E

ng panuto gamit ang lokasyon para sa sitwasyong ito.


EP

Sabihin: Magsasanay tayo ngayon sa pagbibigay ng panuto. Sasabihin


ninyo sa isang kaklase kung saang lalagyan niya dapat itapon ang isang
piraso ng basura. Maaari ninyong gamitin ang halimbawang panuto na ito:
D

Ilagay ang lumang diyaryo sa lalagyan na may nakasulat na


“papel.” Pumunta sa ___ na sulok, kung saan makikita ang
lalagyan na ito.

• Magtawag ng pares ng mga bata—isa ang magbibigay ng panuto,


isa ang susunod sa panuto. Tulungan ang mga mag-aaral sa
paghahanap ng tamang salita o sa pagbubuo ng kanilang panuto
kung kinakailangan.

Matapos ang gawaing ito, itanong sa klase: Bakit mahalaga


ang paghihiwalay ng iba-ibang basura at ang pag-recycle? Paano ito
nakatutulong sa ating kalikasan? Paano ito nakatutulong sa pangangalaga
ng ating mga likas-yaman? Tumawag ng ilang mag-aaral upang
ilahad sa klase ang kanilang ideya tungkol sa mga tanong na ito.

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
184 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.
YUNIT 3 ARALIN 29

2
talaan
PAGTATAYA

a. Pangkatang Pagtataya
• Magsagawa ng gawaing pagtataya ukol sa mahahalagang
pinag-aralan sa linggong ito. Itanong sa mga mag-aaral ang
sumusunod at sasagutin nila ito nang palahad.

–– Ipaliwanag sa sariling pananalita o gamitin sa isang


pangungusap, ang salitang (pipili ng isa ang guro para sa
bawat bata sa grupo): pugita, amiga, ginalugad, barakuda,
pinaspasan, yaman-dagat, karagatan, magkaugnay.

–– Sabihin kung ano ang mabubuong salita kapag pinagsama ang


sumusunod na pantig (pumili ng isa para sa bawat bata):
(1) ba + kas
(2) bu + kid
(3) da + gat

PY
(4) ha + ngin
(5) la + ngit
(6) bu + hay
(7) ha + yop
O
–– Sabihin kung ano ang mabubuong salita kapag pinalitan ang
C
babanggitin kong letra o tunog ng iba pang letra o tunog na
ibibigay ko. (Pumili ng isang salita para sa bawat bata. Maaaring
D

ipagamit ang pocket chart o ang pisara.):


(1) Isda. Palitan ang letra “d” ng letra “l.” (isla)
E

(2) Dagat. Palitang ang letra “g” ng letra “p.” (dapat)


(3) Laot. Palitan ang letra “t” ng letra “s.” (laos)
EP

(4) Lahat. Palitan ang letra “h” ng letra “p.” (lapat)


(5) Puno. Palitan ang letra “n” ng letra “t.” (puto)
(6) Lupa. Palitan ang letra “p” ng letra “h.” (luha)
D

(7) Likas. Palitan ang letra “k” ng letra “p.” (lipas)

–– Isulat ang ididikta kong mga salita (pumili ng dalawa para sa


bawat mag-aaral): pangungusap, talata, salita, kuwento,
aralin.
–– Magbanggit ng isang aral na napulot mula sa aklat na
Si Aling Oktopoda at ang Walong Munting Pugita o mula sa awit na
“Magkaugnay.”

• Dahil hindi pa lubusang nakababasa o nakapagsusulat ang mga


mag-aaral, mas mainam kung gagawin ang pagtatasa sa maliliit
na pangkat ng 5–10 bata. Habang kinakausap ng guro ang isang
grupo, may ibang gawain naman ang mga naghihintay na bata.
(Gawain 3b)

• Habang ginagawa ang pagtataya, mabuting ilista ng guro sa


kaniyang kuwaderno ang napapansin niyang kalakasan o kahinaan

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016. 185
GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO UNANG BAITANG

talaan ng bawat batang kaniyang tinanong. Halimbawa, maaaring


madiskubre ng guro na ang isang mag-aaral ay mahusay na sa
talasalitaan, ngunit hindi pa sa pagbubuo ng bagong salita.

• Suriin din ang pagsagot at pagsulat ng mga mag-aaral sa kanilang


kuwaderno at alamin kung sino pa ang nangangailangan ng dagdag
na gabay o tulong.

b. Gawain para sa mga Batang Naghihintay


Magpaguhit o magpalista sa mga mag-aaral ng mga basura na dapat
ilagay sa iba-ibang basurahan: mga nabubulok, mga plastic, mga
babasagin, at mga papel.

3 PAGTATAPOS

PY
Ibigay ang sumusunod na takdang-aralin: Hikayatin ang inyong
kapamilya na mag-uri ng iba-ibang basura ayon sa kung ito ay plastic,
papel, babasagin, o nabubulok. Alamin ang pangalan ng bawat
basura at bumuo ng pangungusap habang inuuri ito. Halimbawa:
O
“Nabubulok ang balat ng saging. Papel ang diyaryong pinagbalutan
ng tinapa. Plastic ang bag na pinaglagyan ng bigas. Babasagin ang
C
bote ng toyo.”
E D
EP
D

DEPED COPY. All rights reserved. No part of this learning resource may be reproduced or transmitted in any form or by any means -
186 electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. Second Edition, 2016.

You might also like