You are on page 1of 68

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 1

Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobelang Noli Me

Tangere ni Rizal sa Paggamit ng mga Angkop na
Salita/Ekpresyon sa Paglalarawan, Paglalahad,
Pag-iisa-isa at Pagpapatunay sa Akda

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

Filipino- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Kwarter 4, Modyul 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobelang Noli Me Tangere ni
Rizal sa Paggamit ng mga Angkop na Salita/Ekpresyon sa Paglalarawan,
Paglalahad, Pag-iisa-isa at Pagpapatunay sa Akda

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng seksiyon 176 ng Batas Pambansa bilang 8293 na hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan
kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda/materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

pangalan ng produkto, tatak, palabas sa telebisyon, pelikula at iba pa) na ginamit sa
aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Humiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan
ng tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Iligan City

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino

Manunulat: Leanvic P. Durano, Marie Christine T. Pastor ,
Irene Y. Luna, Geraldine S. Daiz, Caroline S. Gumahad
Tagapagsuri/Editor: Marivic A. Pizarras, Jayffer R. Regis, Shahanie Mae D. Pagadilan,
Levi M. Coronel
Tagapagdisenyo/Ilustrador: Alissa U Dimasindil
Mga Tagapamahala
Tagapangulo: Roy Angelo E. Gazo, PhD,CESO V
Schools Division Superintendent
Pangalawang Tagapangulo: Shambaeh A. Abantas-Usman,PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Mga Miyembro Henry B. Abueva, Chief ES-CID
Levi M. Coronel, PhD, EPS-Filipino
Rustico Y. Jerusalem, EdD, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon - Dibisyon ng Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Filipino
Ikaapat na Markahan- Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobelang
Noli Me Tangere ni Rizal sa Paggamit ng
mga Angkop na Salita/Ekpresyon sa
Paglalarawan, Paglalahad, Pag-iisa-isa at
Pagpapatunay sa Akda

Ang kagamitang sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at

sinuri ng mga mula sa mga publikong at pribadong paaralan, kolehiyo, at/o
unibersidad. Hinihikayat naming mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipina

iii
This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Aralin 1 ……………………………… 3
Subukin ……………………………… 3
Balikan ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 10
Isagawa ……………………………… 10
Tayahin ……………………………… 11
Aralin 2 ……………………………… 12
Subukin ……………………………… 12
Balikan ……………………………… 13
Tuklasin ……………………………… 14
Suriin ……………………………… 16
Pagyamanin ……………………………… 17
Isaisip ……………………………… 18
Isagawa ……………………………… 19
Tayahin ……………………………… 19
Aralin 3 ……………………………… 20
Subukin ……………………………… 20
Balikan ……………………………… 21
Tuklasin ……………………………… 22
Suriin ……………………………… 23
Pagyamanin ……………………………… 24
Isaisip ……………………………… 25
Isagawa ……………………………… 26
Tayahin ……………………………… 28
Aralin 4 ……………………………… 29
Subukin ……………………………… 29
Balikan ……………………………… 30
Tuklasin ……………………………… 31
Suriin ……………………………… 32
Pagyamanin ……………………………… 35
Isaisip ……………………………… 36
Isagawa ……………………………… 37
Tayahin ……………………………… 38
Aralin 5 ……………………………… 40
Subukin ……………………………… 42
Balikan ……………………………… 43
Tuklasin ……………………………… 43
Suriin ……………………………… 45
Pagyamanin ……………………………… 45
Isaisip ……………………………… 46
Isagawa ……………………………… 47
Tayahin ……………………………… 47
Aralin 6 ……………………………… 50
Subukin ……………………………… 50
Balikan ……………………………… 51
Tuklasin ……………………………… 52
Suriin ……………………………… 52
Pagyamanin ……………………………… 54
Isaisip ……………………………… 55
Isagawa ……………………………… 56
Tayahin ……………………………… 57

Susi ng Pagwawasto ……………………………… 58

Sanggunian ……………………………… 61
1
Modyul 1
Kaligirang Pangkasaysayan ng Nobelang Noli
Me Tangere ni Rizal sa Paggamit ng mga
Angkop na Salita/Ekpresyon sa Paglalarawan,
Paglalahad, Pag-iisa-isa at Pagpapatunay sa
Akda

Pangkalahatang Ideya
Ang Noli Me Tangere ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng mga
makatotohanang pangyayaring nagpamulat sa mga natutulog na isipan ng mga Pilipino
mula sa kabuktutan ng kolonyal na pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Ang akdang ito ang
nagsilbing piping saksi sa lahat ng naganap sa bawat Pilipino.
Nakatutulong ang nobelang ito sa pagharap sa mga suliraning panlipunan sa
kasalukuyang panahon. Inaasahan na ang nobelang ito ay makatutulong sa lahat ng guro at
mag-aaral na lingunin ang nakaraan para maintidihan ang kinabukasan.

Nilalaman ng Modyul
Nakapaloob sa modyul na ito ang Kaligirang Pangkasaysayan ng “Noli Me Tangere”.
Bahagi rin ng modyul na ito ang layunin ng may-akda sa pagsulat, at ang mga
kondisyong panlipunan noon at ang epekto sa kasalukuyan na may kaugnayan sa lipunang
Pilipino.
Aralin 1-Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere
Aralin 2-Kondisyong Panlipunan sa Panahong Isinulat ang Akda
Aralin 3- Si Rizal at ang Kanyang akdang Noli Me Tangere
Aralin 4-Pagkakatulad at Pagkakaiba sa ilang napanood na Telenobela
Aralin 5-Mga Nalikom na Datos sa nobelang Noli Me Tangere
Aralin 6-Paggamit ng mga Angkop na Salita/Ekpresyon sa paglalarawan, paglalahad ng
Sariling pananaw, Pag-iisa-isa at Pagpapatunay

Alamin

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang:

1. Napakinggan at natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:
(F9PN-Iva-b-56 )
2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akdang Noli
Me Tangere. (F9PB-Iva-b-56 )
3. Natutukoy ang mga salitang nasa loob ng pangungusap gamit ang konstekstuwal na
pahiwatig sa pagbibigay kahulugan. (F9PT -IVa - b -56)
4. Nagagamit ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay ng kahulugan.
5. Napatutunayang ang akda ay may pagkakatulad/pagkakaiba sa ilang
napanood na telenobela (F9PD-IVa-b-55)
6. Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik. (F9Pu-Iva-b-58)

1
7. Nagagamit ang mga angkop na salita/ekspresyon sa pagbibigay ng sariling pananaw,
paglalarawan, pag-iisa-isa at pagpapatunay. (F9WG-Iva-b-57)

Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
Icons na Ginagamit sa Modyul
Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa

Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa

Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa

iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang

mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Kaligirang Pangkasaysayan ng
Aralin Noli Me Tangere
1
Subukin

Panimulang Pagtataya (Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere)

A. Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa nakalaang patlang
ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:

a.pampulitika b. panrelihiyon c. panlipunan d. pampamilya
_____2. Ang sumusunod ay mga layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli, maliban sa isa:
a. Ipamulat ang lipunan sa pagmamalupit na ginawa ng mga Kastila
b. Isiwalat ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino
c. Ipaunawa ang mga kabuktutan na pinaranas ng mga Kastila sa mga Pilipino
d. Ipakita ang pagmamahal ng mga Kastila sa mga Pilipino.
_____3. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a.HIV b. Kanser c. Corona Virus d. Tuberculosis
_____4. Ang salitang panlibak ng mga Kastila sa mga Pilipino ay:
a.mangmang b. tamad c. erehe d. Indiyo
_____5. Sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga pangyayari sa lipunan na may
kaugnayan sa nobelang Noli Me Tangere, maliban sa isa:
a. Korapsiyon b. Pagmamalupit c. Pagpatay d. Pamamasyal

B. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang diwa ng pahayag, M kung ito ay mali sa
patlang na nakalaan bawat bilang.

________1. Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa bayan.

________2. Si Dr. Maximos Viola ang nagpahiram ng salapi para maipalimbag ni Rizal ang
kanyang obra.
________3. Layunin ng kanyang nobela na ipamulat ang pagmamalupit ng mga Kastila sa
mga Pilipino.
________4. Sinimulan niya ang pagsulat ng nobela sa Madrid at tinapos sa London.
________5. Ang nobelang Noli Me Tangere ang naging daan ng pagkamit ng kalayaan.

C. Pagsasa-ayos. Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga impormasyon. Isulat

ang bilang 1- 5 sa kahon.

Marso 29, 1887 Dr. Maximo Viola

Unang nalimbag ang 2000 sipi Nagpahiram ng pera sa
ng nobelang Noli Me Tangere pagpapalimbag niya ng nobela

3
Uncle Tom’s Cabin Disyembre 30, 1896
Naging inspirasyon ni Rizal sa Binarilsa Bagumbayan sa
pagsusulat ng akda salang sedisyon at rebelyon.

Resulta ng pagkalimbag ng Noli Me Tangere

Maraming bumatikos at pumuri sa akda

Balikan

Tayo na’t Unawain. (Maaaring gawin ang isa sa mga opsiyong ito.)

Opsiyon 1. Basahin at unawaing mabuti ang tula ni Jose Rizal na pinamagatang

“Ang Awit ni Maria Clara”.

Opsiyon 2. Mula sa https://www.youtube.com/watch?v=xEEvDZKM6x0. Pakinggan ang kantang

“Ang Awit ni Maria Clara”.

Ang Awit ni Maria Clara

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.
Pagsinta’y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina

Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangiti’t puspos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy na galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana’t walang nagmamahal.

A. Pag-unawa sa Ang Awit ni Maria Clara. Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng “Awit ni Maria Clara”?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Sa anong saknong, ipinakita ang pagmamahal sa Inang Bayan? Sa anong paraan
nadama ng sumulat ang pagmamahal na ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Batay sa napakinggan mula sa pasalin-salin na pagkukuwento sa nobelang Noli Me

Tangere, magbigay ng sariling pananaw sa mga sumusunod.
3. Sa inyong palagay, bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
_________________________________________________________________________

4
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Paano nakaimpluwensiya ang nobelang Noli Me Tangere sa isipan at paniniwala ng mga
Pilipino sa panahong ito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

C. Character Profile. Kilalanin si Rizal.

Pangalan
Kapanganakan
Mga Magulang:
Ama
Ina
Parusang Pinataw
Kamatayan

Tuklasin

Tara at Tayo’y Mag-isip.

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, paghambingin si Dr. Jose Rizal sa iba pang

kilalang bayani ng Pilipinas tulad nina Bonifacio, Mabini at iba pa.

BAYANI BONIFACIO
RIZAL

Gabay na Tanong:

Gaano kahalaga kay Jose Rizal ang Noli Me Tangere? Karapat-dapat bang ginamit
niya ang kanyang panulat sa kapakanan ng bansa?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

Bakit naging inspirasyon ni Rizal ang mga inaping kapwa niya Pilipino sa kanyang
mga akda? Naisakatuparan kaya niya ito?

___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5
Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
May-akda

Ang buong pangalan ni Rizal ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o
mas kilala sa taguring na “Pepe”. Ipinanganak siya sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19,
1861. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado at Teodora
Morales Alonso Realonda. Bata pa lamang si Rizal ay kakikitaan na siya ng katalinuhan. Sa
edad na tatlo ay nagsimula na siyang mag-aral ng Abakada sa pagtuturo ng kaniyang
butihing ina. Sa edad na walo naisulat niya ang kanyang kauna-unahang tula na
pinamagtang “Sa Aking mga Kababata”. Sa edad na siyam ay pinadala siya sa Biñan,
Laguna para mag-aral ngunit makalipas ang ilang buwan ay pinalipat siya sa Maynila. Sa
kolehiyo, Pinarangalang “sobresaliente” o may pinakamataas na karangalan sa kanyang
pagtatapos sa kursong Batsilyer sa Artes. Nag-aral siya ng medisina at pilosopiya sa Madrid
at pinag-aralan ang iba’t ibang mga wika kaya tinawag siyang “polyglot” o maraming alam sa
wika o dalubwika. Pinatawan si Rizal ng pagkakasalang rebelyon at sedisyon dahil sa
kanyang mga panulat na ayon sa mga Kastila ay naglalaman ng pagtuligsa sa kanilang
pamamahala. Noong Disyembere 30, 1896 ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay
tinatawag na Luneta ng mga guwardiya sibil na mga Pilipino.

Uri ng Panitikan

Ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,

pananampalataya, karanasan at iba’t ibang damdamin tulad ng pag-ibig, pag-asa,
pagkapuot, pagkasuklam, paghihiganti, pangamba at iba pa. Ang panitikan ay katulad ng
walang katapusang daloy ng tubig sa batisan. Nagtatapos lamang ito kung wala ng
kakayahan ang mga tao na sumulat at magbasa o napag-iwanan na ng kabihasnan.
Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na nagtataglay ng 64 na kabanata at may
maraming tagpo at tauhan. Ang nobela ay hindi natatapos at nababasa sa isang upuan lang.
Nangangailangan ito ng ibayong paghahanda at pag-unawa para matukoy ang layunin ng
sumulat.Pangunahing layunin ng nobela ang manlibang at magbigay ng aral.

Inspirasyon sa Pagsulat

Magdadalawampu’t apat na taong gulang pa lamang si Dr. Jose Rizal ng isulat niya
ang kanyang kauna-unahang nobelang “Noli Me Tangere” sa wikang Latin o “Huwag Mo
Akong Salingin” sa wikang Filipino na hango sa mga aklat na The Wandering Jew, Uncle
Tom’s Cabin at Bible. Ang The Wandering Jew ay tungkol sa isang lalaking kumutya kay
Hesus habang siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ngayon ay pinarusahan na maglakad
sa buong mundo nang walang tigil. Ang Uncle Tom’s Cabin ay tungkol sa pagmamalupit ng mga
puting Amerikano sa mga Negro. Inihahambing niya ito sa kalupitang sinapit ng mga Pilipino sa
mga Kastila. Ang huling aklat na pinagbabatayan ay ang Bible, kung saan inilalarawan ang isang
may ketong na nilulubayan ng mga tao.

Layunin ng Pagsulat

Pangunahing layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang Noli Me Tangere ay

upang maisatuparan ang mithiin sa pagkamit ng kalayaan at kaunlaran para sa Pilipinas lalo
na ang paggamit ng edukasyon.
Isinulat ni Rizal ang nobelang ito para gisingin ang natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at ipakita ang kabuktutan at pagmamalupit ng mga Kastila.
Ang nobelang Noli Me Tangere ang nagpamulat sa mga Pilipino sa kanser ng
lipunan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa mahabang panahon. Malinaw na nais
ilarawan ni Rizal ang kalagayan ng bayan nang buong katapatan.
Ang Noli Me Tangere ang “Nobelang Walang Kamatayan”

6
Kasaysayan

Naging tulay ang akdang ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang
pagkakakilanlan. Sinimulan niyang isulat ito taong 1884 sa Madrid, Espanya at natapos
noong Pebrero 21, 1887 sa Berlin, Alemanya.
Sa simula, ninais ni Rizal na ipasulat sa ilan niyang kababayang Pilipino na
nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at pagsama-samahin niya upang makabuo ng
nobela,ngunit hindi ito naisakatuparan kaya sinarili na lamang niya ang pagsulat.
Nakipagkita siya sa kanyang matalik na kaibigan na si Dr. Ferdinand Blumenritt at
ipinaliwanag kung bakit kailangan niyang isulat ang Noli Me Tangere.
Para makatipid, si Rizal mismo ang nagdisenyo ng pabalat ng kanyang akda.
Ipinakita sa pabalat ang simbolismong nakapaloob dito.
Naging malaking dagok kay Rizal ang kakulangan ng sapat na salapi para tuluyang
maipalimbag ang kanyang nobelang. Humingi siya ng tulong sa kanyang kaibigan na si Dr.
Maximo Viola na nagpahiram sa kanya ng salapi para makapaglimbag siya ng 2,000 sipi.
Pebrero 3, 1888 umalis si Rizal at nagpunta sa iba’t ibang bansa tulad ng Hong
Kong, Hapon, San Francisco, Amerika at London. Habang siya ay nasa ibang bansa patuloy
siya sa pagsusulat lalo na tungkol sa mga pagtuligsa sa bansa at ang kanyang mga tugon
sa pagbabatikos sa kanyang akda at pagkatao.

Epekto ng Akda

Ninais ni Rizal na hubugin ang interes ng mga mag-aaral upang maging

makabuluhan, mapanuri at mapaghanda sa lahat ng pagsubok at realidad sa totoong
buhay.
Mapatunayan ang halaga ng kabutihang asal at mapatunayan na ang Kabataan ang
pag-asa nila sa bayan.
Mabigyan ang mga Pilipino ng karapatan na maipaglaban ang Inang Bayan mula sa
mananakop na nagbigay ng sakit sa puso at isipan ng mga Pilipino mula sa dinanas na
pang-aapi, pagmamaltrato, pagmamalupit at kawalan ng pagmamahal.

Suriin
Tayo na’t Magpatalas ng Isipan.

A. Unawaing mabuti ang Storyboard na nagpapakita ng Kaligirang Pangkasaysayan ng

Noli Me Tangere. Tukuyin sa bawat larawan ang pangyayaring nakapaloob dito, bigyan ng
pokus ang kondisyon panlipunan noon at ngayon at ang layunin sa pagsulat nito.

1 2

3
3 4

5 6
3 3

7 8
3 3

7
Pag-unawa sa Binasa

1. Batay sa binasang kaligirang pangkasaysayan at storyboard, gamit ang Star Chart

Organizer magbigay o tukuyin ang layunin ng may-akda sa pagsulat nito.
1

2 3
layunin ng may-akda sa
pagsulat

4 5

2. Suriin ang masasalamin mula sa kaligirang pangkasaysayan at storyboard ang mga

kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito?

Kondisyon ng lipunan
sa panahong isinulat

3. Bigyan ng patunay ang mga kondisyong nabuo na umiiral pa sa kasalukuyang

panahon sa lipunang Pilipino?

Patunay

Pagyamanin
Tayo na’t Magpayaman.
A. Paglinang ng Talasalitaan. Bilugan sa loob ng word puzzle ang sampung
(10) mga salitang may kaugnayan sa buhay ni Dr. Jose Rizal at Kaligirang Pangkasaysayan
ng Noli Me Tengere . Maaaring nakalimbag ito ng pahalang,pababa,pahilis at pabaligtad.

8
Gamitin ang nahanap sa salita sa pagbuo ng isang pangungusap na may kaugnayan sa
aralin na tinalakay.

Halimbawa:
- KAIBIGAN (Dinalaw ni Dr. Jose Rizal ng kanyang KAIBIGAN na si Dr. Maximo Viola para
manghiram ng pera sa pagpapalimbag ng kanyang obra.)

K X C V R N B M P M
A A X D E T X K A T
I Q S F A Y E A G O
B A T T L H D B M U
I S P G I I U A A K
G D O M D L K T M L
A F L B A H A A A B
N G K V D K S A H O
X H I C D N Y N A N
R J U X R G O G L I
E K Y S T B N H T P
S L T Z Y F X B R I
N M I T H I I N E L
A T F A U C X N W I
K N A A Y A L A K P

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

B. Pagpapahalaga. Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan.

1. Anu-ano ang mga pagsubok na naranasan ni Dr. Jose Rizal bago isulat at habang
sinusulat ang nobelang Noli Me Tangere? Sa iyong palagay, paano nakatulong ang mga
pagsubok na ito sa buhay ng may-akda?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sa iyong pananaw, ano ang iyong naramdaman kay Rizal matapos mong malaman ang
pagtitiis na kanyang ginawa mabuo lamang ang Noli Me Tangere para sa mga Pilipino.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

9
Isaisip

Tayo na’t Magnilay.

Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Patunayan ang Kasabihang “Kakambal ng paghihirap at pagtitiis ang tagumpay.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Bakit maituturing na pinakamaimpluwensiyang akda ang Noli Me Tangere sa kasaysayan

ng Pilipinas?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4.Bilang mga mag-aaral, paano mo ipagpapatuloy sa sarili mong pamamaraan ang mga
ipinaglaban ni Rizal para sa bayan na sinisimbolo ng mga sitwasyon sa Noli Me Tangere.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isagawa
Tayo na’t Magpahalaga.
Bigyang-diin ang kahalagahan ng akdang binasa sa pamamagitan ng pagtiyak ng
bisa nito sa damdamin at isip ng mga mag-aaral.

1. Sumulat ng isang talata na naglalaman ng PANGAKO mo bilang kabataan o mag-aaral

na nagsasaad ng iyong damdamin na ipagtanggol ang bayan mula sa kaapihan ng mga
Kastila.

Halimbawa: (Isang pangungusap lang ito)

Buong puso kong ipagtatanggol ang Pilipinas sa abot ng aking kakayahan bilang isang
kabataan. Nangangako akong …

(Dito mo simulan ang iyong Pangako.)

10
2. Bilang isang mamamayan sa Pilipinas, paano mo mapapatunayan sa iyong sarili na ikaw
ay may pagmamalasakit sa bansa at sa iyong kapwa. Bumuo ng isang Islogan.

Tayahin

Pangwakas na Pagtataya

A. Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa patlang na nakalaan bawat bilang.

_____1. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:

a. pampulitika b. panrelihiyon c. panlipunan d. pampamilya
_____2. Ang sumusunod ay mga layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli, maliban sa isa:
a.Ipamulat ang lipunan sa pagmamalupit na ginawa ng mga Kastila
b.Isiwalat ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino
c. Ipaunawa ang mga kabuktutan na pinaranas ng mga Kastila sa mga Pilipino
d.Ipakita ang pagmamahal ng mga Kastila sa mga Pilipino.
_____3. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV b. Kanser c. Corona Virus d. Tuberculosis
_____4. Ang salitang panlibak ng mga Kastila sa mga Pilipino ay:
a. mangmang b. tamad c. erehe d. Indiyo
_____5. Sa kasalukuyan, ang sumusunod ay mga pangyayari sa lipunan na may
kaugnayan sa nobelang Noli Me Tangere, maliban sa isa:
b. Korapsiyon b. Pagmamalupit c. Pagpatay d. Pamamasyal
c.
B. Tama o Mali. Isulat ang Tumpak kung tama ang diwa ng pahayag, Malas kung ito ay
mali sa patlang na nakalaan bawat bilang.

________1. Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa bayan.

________2. Si Dr. Maximos Viola ang nagpahiram ng salapi para maipalimbag ni Rizal ang
kanyang obra.
________3. Layunin ng kanyang nobela na ipamulat ang pagmamalupit ng mga Kastila sa
mga Pilipino.
________4. Sinimulan niya ang pagsulat ng nobela sa Madrid at tinapos sa London.
________5. Ang nobelang Noli Me Tangere ang naging daan ng pagkamit ng kalayaan.

C. Pagsasa-ayos. Ayusin sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga impormasyon. Isulat

ang bilang 1- 5 sa kahon.

Marso 29, 1887 Dr. Maximo Viola

Unang nalimbag ang 2000 sipi Nagpahiram ng pera sa
ng nobelang Noli Me Tangere pagpapalimbag niya ng nobela

11
Uncle Tom’s Cabin Disyembre 30, 1896
Naging inspirasyon ni Rizal sa Binarilsa Bagumbayan sa
pagsusulat ng akda salang sedisyon at rebelyon.

Resulta ng pagkalimbag ng Noli Me Tangere

Maraming bumatikos at pumuri sa akda

Kondisyong Panlipunan sa
Aralin Panahong Isinulat ang Akda
2
Subukin

Panimulang Pagtataya

Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa patlang na nakalaan bawat bilang.

_____1. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa lipunan noong naisulat ang
nobelang Noli Me Tangere, maliban sa isa-
a. katiwalaan ng pamahalaan
b. walang tinig ang mga kababaihan
c. Pang-aalipin sa mga mahihiharp
d. lahat ay nakapag-aral
_____2. Ano ang naging epekto ng nobelang Noli Me Tangere sa mga Pilipino at sa
Pilipinas?
a. Naunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakapantay-
pantay anuman ang estado sa lipunan.
b. Nagkaroon ng positibong pananaw sa pag-aaral na kailangan
magsikap para magtagumpay.
c. Nasiyahan ang mga Pilipino dahil sa kawalang hiyaang ginawa ng mga
Kastila para sila maging sunud-sunuran.
d. titik a at titik b
_____3. Ang pagsusugal ng mga may katungkulan sa simbahan tulad ng mga prayle
ay maituturing bang sagrado?
a. Oo, dahil kasama ito sa sinumpaan nilang tungkulin.
b. Oo, dahil pinahintulutan silang magsaya.
c. Hindi, dahil labag ito sa utos ng Panginoong Diyos.
d. Hindi, dahil masaya sila sa pagsusugal.

12
_____4. Ang nobelang Noli Me Tangere ba ang naging hudyat ng mga Pilipino sa
pag-aalsa laban sa mga Kastila?
a. Oo, dahil ito ang nagpamulat sa mga Pilipino sa kabuktutan ng mga
Kastila lalo na sa pamamalakad nila sa Pilipinas.
b. Siguro, dahil binasa nila ang nobela ni Rizal.
c. Hindi, dahil maraming mga nobela ang naisulat sa panahon ng mga
Kastila.
d. Hindi Ko Alam. Hindi ko binasa ang nobela ni Rizal.
_____5. Sa kasalukuyan panahon, mailalarawan pa ba ang mga Pilipino sa mga
katagang ito; Mang-mang, Alipin, Indiyo at Walang Pinag-aralan?
a. Oo, dahil napakasarap pakinggan ang mga salitang ito.
b. Oo, dahil sadyang ganito pa rin ang mga Pilipino sa kasalukuyan.
c. Hindi, dahil nakabangon na ang mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga
Kastila.
d. Hindi, dahil may sariling pag-iisip na ang mga Pilipino na salungatin ang
mga paglalarawan ito.

Balikan

Naalala Mo Pa Ba? Subukan Nga Natin.

Mula sa nagdaang aralin tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan
ng nobelang Noli Me Tangere, alalahanin ang mga pangyayari na may kinalaman sa
pagkabuo/pagsulat ng nobela.
Sa pamamagitan ng mga larawan sa ibaba, pagsunud-sunurin ang mga ito
mula sa bilang 1 hanggang 6. Isulat ang bilang sa patlang na nakalaan.

______ ______ ______

_____ ______ ______

Paglinang ng Talasalitaan.

Mula sa salitang KASAYSAYAN, bumuo ng 5 salita na mahanap dito. Gamitin ang

nahanap sa salita sa pagbuo ng isang pangungusap na may kaugnayan sa araling
tinalakay.

13
Halimbawa:

 SANAY
Makikita ang pagiging sanay ni Dr. Jose Rizal sa pakikihalubilo sa mga
kilalang tao sa lipunan.

1. ___________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. ___________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. ___________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. ___________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

5. ___________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

A. Punan ng tamang letra ang mga sumusunod na salita batay sa kahulugan na

ibinigay.

1. B __ B __ I Y __
- Ito ang isa sa naging inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat niya nobelang Noli Me Tangere.

2. KA __ AY __ A __
- Ito ang mithiing nais makamit ni Rizal kaya naisulat niya ang nobelang Noli Me Tangere.

3. K __ N __ E __
- Ito ang pagkakalarawan ni Rizal sa sakit ng lipunan na nangyayari sa pamamahala ng
Kastila sa Pilipinas.

4. KA __ __ T __A N
- Ang mga itinuturing ni Rizal na pag-asa ng bayan.

5. AL __ __ I __
- Ang pagkakalarawan ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ibang katawagan sa timawa.

3
Tuklasin
Tara at Tayo’y Mag-isip.
Mula sa mga salita na makikita sa kahon, isulat sa Venn Diagram ang bilang
o numero sa tapat ng pahayag o salita na maaaring Sanhi at Bunga ng
pagkakasulat ni Dr. Jose Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere.

14
1. Diskriminasyon 11. Katiwalian ng Pamahalaan
2. Maling Sistema 12. Walang boses ang mga Kababaihan
3. Walang Edukasyon 13. Pang-aalipin sa mga mahihirap
4. Rebelyon 14. Pagsusugal ng mga prayle
5. Relihiyon 15. Naging inspirasyon sa mga Pilipino
6. Talino at diskarte 16. Nagkaroon ng pagkakakilanlan
7. Mang-mang 17. Pagmamahal sa bayan
8. Pagmamaltrato 18. Isiwalat ang kabuktutan ng mga Kastila
9. Kawalan ng Pagmamahal 19. Ipamalas ang katalinuhan
10. Pagmamalabis 20. Nakamit ang Kalayaan

SANHI BUNGA

NOLI ME
TANGERE

Naunawaan Mo Ba?

Batay sa mga salita na nasa loob ng kahon. Suriin at isulat sa

nakalaang kahon sa ibaba ang kabuuang epekto ng Noli Me Tangere sa mga
mamamayan at sa kabataan.
Edukado hindi makatuwirang batas
Matapang mga umaayon sa makapangyarihan
Maka- Diyos gumawa ng mga magagandang Pagbabago
pag-asa ng bayan mabuksan ang isipan
Makabayan pag-aalsa
Korupsyon Edukasyon ang bubuo sa pagkatao
Diskriminasyon sa tao Nagamit ang wika bilang pagkakakilanlan

NOLI ME TANGERE

EPEKTO SA MGA PILIPINO

15
Mamamayan Kabataan

Suriin
Tayo na’ t Magpatalas ng Isipan.

Sa STORYBOARD makikita ang mga pagmamalupit o kalupitang dinanas ng

mga tauhan sa nobelang NOLI ME TANGERE. Mula sa mga sakristan, sa inang
nawalan ng anak, sa anak na nawalan ng ama, sa pagmamaltrato ng mga
guwardiya sibil, alperes at lalo na ng mga prayle, sa paghihiwalay ng magkasintahan
at marami pang iba.

Suriin ang bawat larawan, alamin kung anong kondisyong panlipunan ang
namamayani o masasalamin sa mga ito.

Simulan mo na.

16
KARAGDAGANG KAALAMAN

Ano ang kalagayan ng mga Pilipino noong isinulat ang nobelang Noli Me Tangere?

 Naging pipi at bingi sa totoong pangyayari sa lipunan dahil sa nararamdamang takot kapag
ikaw ay tumuligsa o lumaban sa pamahalaan p mga prayle. Tinawag na mga Indiyo o mga
walang pinag-aralan o mang-mang ang mga Pilipino dahil sa kawalan ng pinag-aralan.
Naging sunud-sunuran sa kagustuhan ng mga Kastila.

 Kapag naging bukas ang isipan at lumaban ang tinaguriang “mang-mang” na

mamamayang Pilipino, makakamit nila ang inaasam-asam na kalayaan at ito ang ayaw na
mangyari ng mga Kastila.

Anu-ano ang mga kondisyong panlipunan sa panahong isinulat ang nobela?

 Diskriminasyon - pagmamaliit sa mga katutubong Pilipino ng mga Kastila

 Maling Sistema - paghari-harian ng mga nakaupong Kastila o mga gobernador heneral na
namamahala sa Pilipinas
 Edukasyon - nananatiling walang pinag-aralan ang mga Pilipino dahil ayaw ng mga Kastila
na pag-aralin sila baka matutong lumaban
 Mga rebelyon - pakikibaka ng mga Pilipino para makamit ang kalayaan
 Relihiyon - pagtalima ng relihiyong dala ng mga Kastila, may mga kautusang pinapalabas
na kung sinuman man ang lumabag ay papatawan ng parusa

Anu-ano ang naging epekto ng nobela sa kasalukuyang panahon?

 Pang-aalipin sa mga Mahihirap - makikita pa rin ito sa kasalukuyan ngunit unti-unting

nababawasan ang bilang ng mga ito. Nagkaroon na rin sila ng karapatan at kalayaan.
 Walang Tinig ang mga Kababaihan - unti-unting nagkakaroon na ng pangalan at tinig ang
mga kababaihan sa lipunan. May puwesto na rin sila sa gobyerno at may mga grupong
nagtataguyod para sa mga karapatan ng mga kababaihan.
 Problema sa Edukasyon - nagkaroon na ng karapatan ang karamihan sa mga Pilipino na
mag-aral at mabigyan ng libreng edukasyon ang mga mahihirap.
 Pagsusugal ng mga alagad ng Simbahan at Pamahalaan - ipinagbabawal at hindi ito
makaturangang gawain ng mga opisyal ng batas at simbahan sa kasalukuyang panahon.
 Katiwalian ng mga nasa Pamahalaan - dahil nabuksan ang isipan at diwa ng mga
Pilipino sa mga nangyayari mula nang lumabas ang nobelang Noli Me Tangere,
nagkaroon ng kalayaan at karapatan ang bawat tao, nagkaroon ng boses ang
masa upang tanggalin at bigyan ng parusa ang mga opisyal na lumabag sa
tungkulin at batas.

Pagyamanin

Tayo na’t Magpayaman.

A. Isa-isahin at ilarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong

isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat Punan ang talahanayan.

17
Kondisyong Panlipunan sa panahong isinulat Mga Epekto matapos maisulat ang nobela
ang nobela

B. Sa anong telenobela (isulat ang pamagat) mo maihahalintulad ang Noli Me

Tangere? Patunayan ang sagot sa pamamagitan ng paghahambing gamit ang Venn
diagram.

Noli Me Telenobela
Pagkakatulad
Tangere

Isaisip

Tayo na’t Magnilay.

Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga kondisyong panlipunan noong isinulat ni

Dr. Jose Rizal nobelang Noli Me Tangere? Patunayan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Bakit maituturing na may malaking epekto ang nobelang Noli Me Tangere sa

kasalukuyang panahon? Anu-anong mga kondisyong panlipunan ang patuloy pa ring
nararanasan ng iilan mga Pilipino? Ipaliwanag
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

18
3. Sa sariling opinyon, ipaliwanag ang katagang ito “dapat sikapin ng bawat isa na
isa-isahin ang biyayang natatanggap kaysa alalahanin ang sinapit na kasawian
upang mas makita ang liwanag kaysa pighati at upang mas gustuhing magsikap
na maging mabuti kaysa piliing magpakasama”.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Bilang mga mag-aaral, paano mo isasapuso ang mga ipinaglalaban ni Dr. Jose
Rizal para sa bayan?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________ 9

Isagawa

Tayo na’t Magpahalaga.

Bumuo ng isang TULA, sundin ang mga panuntunan.

A. Paksa - kasalukuyang kondisyong panlipunan sa bansang Pilipinas.

B. Anyo - Malayang Taludturan
C. Saknong - 4
D. Taludtod - 4 bawat saknong

Tayahin

Pangwakas na Pagtataya

A.Pagpipili. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa patlang na nakalaan bawat bilang.

_____1. Ang mga sumusunod ay mga pangyayari sa lipunan noong naisulat ang
nobelang Noli Me Tangere, maliban sa isa-
a.katiwalaan ng pamahalaan
b. walang tinig ang mga kababaihan
c. Pang-aalipin sa mga mahihiharp
d. lahat ay nakapag-aral

19
_____2. Ano ang naging epekto ng nobelang Noli Me Tangere sa mga Pilipino at sa
Pilipinas?
a.Naunawaan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay
anuman ang estado sa lipunan.
b.Nagkaroon ng positibong pananaw sa pag-aaral na kailangan magsikap
para magtagumpay
c.Nasiyahan ang mga Pilipino dahil sa kawalang hiyaang ginawa ng mga
Kastila para sila maging sunud-sunuran.
d.titik a at titik b

_____3. Ang pagsusugal ng mga may katungkulan sa simbahan tulad ng mga prayle
ay maituturing bang sagrado?
a.Oo, dahil kasama ito sa sinumpaan nilang tungkulin.
b.Oo, dahil pinahintulutan silang magsaya.
c.Hindi, dahil labag ito sa utos ng Panginoong Diyos.
d.Hindi, dahil masaya sila sa pagsusugal.

_____4. Ang nobelang Noli Me Tangere ba ang naging hudyat ng mga Pilipino sa
pag-aalsa laban sa mga Kastila?
a.Oo, dahil ito ang nagpamulat sa mga Pilipino sa kabuktutan ng mga
Kastila lalo na sa pamamalakad nila sa Pilipinas.
b.Siguro, dahil binasa nila ang nobela ni Rizal.
c.Hindi, dahil maraming mga nobela ang naisulat sa panahon ng mga
Kastila.
d.Hindi Ko Alam. Hindi ko binasa ang nobela ni Rizal.

_____5. Sa kasalukuyan panahon, mailalarawan pa ba ang mga Pilipino sa mga

katagang ito; Mang-mang, Alipin, Indiyo at Walang Pinag-aralan?
a.Oo, dahil napakasarap pakinggan ang mga salitang ito.
b.Oo, dahil sadyang ganito pa rin ang mga Pilipino sa kasalukuyan.
c.Hindi, dahil nakabangon na ang mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga
Kastila.
d.Hindi, dahil may sariling pag-iisip na ang mga Pilipino na salungatin ang
mga paglalarawan ito.

Si Rizal at ang akdang NOLI

Aralin ME TANGERE
3
Subukin

A. Panuto: Basahin ang mga tanong nang maayos. Isulat sa sagutang papel ang
titik ng tamang sagot sa bawat pahayag.

20
1. Itoy isang kontesktuwal na pahiwatig na kung saan ito’y literal na kahulugan ng
mga salita, imahe at mga pangyayari.
a. denotasyon b. konotasyon c. matalinghaga d. tayutay

2. Ito’y isang anyo ng panitikan na isang mahabang kathang pampanitikan na

naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako
a. maikling kwento b. sanaysay c. nobela d.tula

3. Ano ang kasingkahulugan sa salitang mabatid?

a.masali b. malaman c. makita d. matanaw

4. Ano ang ibig sabihin ng salitang makapangahas?

a. marangal b. maglakas loob c.nagbantay d. matuklasan

5. Itoy isang kontesktuwal na pahiwatig na kung saan ito’y simbolikal na kahulugan

ng mga salita, imahe at mga pangayayari.
a. tayutay b. konotasyon c. talinghaga d. denotasyon

6. Sino ang sumulat sa nobelang Noli Me Tangere?

a. Dr. Ferdinand Blumentritt c. Dr. Jose Rizal
b. Antonio Luna d. Andres Bonifacio

7. Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa "Noli Me Tangere" sa Tagalog?

a. "Huwag Mo Akong Salingin" c. “Itinambad Ko”
b. “Walang Sinumang Mapangahas” d. “Ebanghelyo ni San Lucas

8. Kailan sinulat ang unang bahagi ng "'Noli Me Tangere"? Taong _______.

a. 1884 b. 1984 c. 1894 d. 1849

9. Saang bansa natapos ang kahuli huling bahagi ng Noi me Tangere?

a. Berlin b. Madrid c. Paris d. Germany

10. Ano ang dahilan ni Rizal sa pagsusulat niya ng kanyang akdang "Noli Me
Tangere"? Dahil sa kanyang pagbabasa ng isa ding akdang ________.
a. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe
b. Canterybury tales
c. Aklat ng araw ni Confious
d. Iliad at Odyssey ni Homer

Balikan

Sa pamamagitan ng Venn Diagram ay gumawa ng paghahambing sa mga

katangian ng nobela at maikling kwento

21
Tuklasin
Gamit ang web organizer. Isulat ang mga salita sa bilog na sa palagay mo ay may
kaugnayan kay Dr. Jose P.Rizal . Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Dr. Jose Rizal

1. Sumasang-ayon ka ba na si Dr. Jose Rizal ang ating pinakadakilang bayani?

Bakit oo at bakit hindi?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Alin sa mga katangian ni Rizal bilang isang bayani ang nais mong tularan at
maisabuhay? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________

Binabati kita kung nasagot mo ang mga katanungan sa itaas. Halika ating ipagpatuloy ang iba pang
bahagi ng modyul na ito para mas lalo pang mahasa ang iyong kaalaman sa araling ito

22
ALAM MO BA

Kontekstuwal na pahiwatig

Konotasyon – ang mga simbolikal na kahulugan ng mga salita, imahe at mga

pangayayari.

Hal. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla nasisante
sa kaniyang trabaho sa lagarian.

Denotasyon – ang literal na kahulugan ng mga salita, imahe at mga pangyayari

Hal. Masama ang kanyang pakiramdam.

Suriin

Sa bahaging ito ating alamin ang Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere.

Ang Noli Me ay Tangere ay ang pinakamaimpluwensiyang akda sa kasaysayan

ng Pilipinas; nagtaglay ng makatotohanang pangyayari na gumising sa mga Pilipino
ang kawalang katarungang pagmamalupit at pang-aalipin ng mga Kastilang
mananakop.
Sinimulang sulatin ni Dr Jose Rizal. Ang mga unang bahagi ng "'Noli Me
Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang
makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat
nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.
Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle
Tom's Cabin"(na isa sa kanyang paboritong aklat) ni Harriet Beacher Stowe, na
pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong puting
Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa
Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga
Kastila.
Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan
niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-
samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya
sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.
Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr.
Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng
mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.
Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa
Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan. Itinulad
niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.

23
Pagyamanin

I. Panuto: Isulat ang salitang DENO kung ang ginamit na konstektwual na pahiwatig
sa pagbibigay ng kahulugan ay isang denotasyon na pagpapakahulugan KONO
naman kung ang konotasyong pagpapakahulugan sa bawat inihahayag na
pangungusap o pahayag.

1. Sa paglalayon na makaipon ng salaping magagastos para sa pagpapalimbag ng

kanyang nobela.

2. Sa lapad ng kanyang noo daig pa ang eroplanong lalapag nito.

3. Saanman ako makakita ng kabaitan, ito’y aking ipinagbabansag at pinag-uukulan.

4. Pusong-bato ang taong iyan. Hindi man lang marunong tumulong.

5. Pasan-pasan niya ang krus dahil sa problemang kanyang kinahahantungan.

II. Panuto: Tukuyin ang salita o mga salita na nasa loob ng pangungusap na kasing
kahulugan sa salitang nasa loob ng kahon gamit ang mga kontekstwal na pahiwatig,
Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

Naglakas-loob

1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling sistema ng

pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.

Kasamaan

2. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang

lumikha ng pagbabago para sa bayan.

Isiniwalat

3. Itinambad niya ang totoong larawan ng relihiyong itinuro ng mga Espanyol sa mga
Pilipino.

Paghihirap

4. Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng

mga dayuhan sa bansa.

Mailantad

5. Sinulat niya ang Noli Me Tangere sa paglalayong maisiwalat ang kabuktutan at

pagmamalupit ng mga Espanyol.

24
Isaisip

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasing kahulugan ng mga salitang nakasulat
nang pahilig sa pangungusap gamit ang mga kontekstwal na pahiwatig. Isulat ang
titik ng tamang sagot.

a. pumupuna f. maglakas ng loob

b. pagsagot g. ipinahid ang maruming bagay
c. malaman h. isiniwalat
d. ipinakita i. paghihirap
e. magagastos j. pinararangalan

1. Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay walang

sinumang makapangahas nsa bumanggit.

2. Sinagot ang mga paninirang-loob na daan-daang taon ay ikinulapol sa atin at sa

ating bayan.

3. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balatkayong relihiyong nagpahirap

at nagmalupit sa atin.

4.Ang pagwawalang-bahala sa mga pagdaralita roon nagpapakilala ng karuwagan at

tunay na masisisi sa atin.

5.Saanman makakita ng kabaitan, ito’y aking ipinagbabansag at pinag-uukulan ng

karampatang paggalang,

6. Ito ay ginawa niya sa paglalayong makaipon ng salaping magugugol para sa

pagpapalimbag ng kanyang nobela.

7. Maraming humanga sa katalinuhang ipinamalas ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli

Me Tangere.

8. Upang mabatid niya ang dahilan kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang
kanyang mga sulat.

9. Habang siya ay nasa ibang bansa ay inukol ni Rizal ang kanyang panahon sa
pagsulat ng tugon .

10. Iba –iba ang tumutuligsa sa kanyang habang isinusulat ni ang kanyang akda.

25
Isagawa

I. Pagsulat ng Journal
Isulat sa iyong Journal ang sagot sa sumusunod na mga katanungan:
1. Bilang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang kabayanihan at mga nagawa
ni Dr. Jose Rizal para sa ating bansa?
I

________________________________________________________

2. Paano mo maisasabuhay o magagamit sa kasalukuyang panahon ang mga

katuruan at prinsipyong isinatitik ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere?

I
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

II. Pagbuo ng Konsepto:

Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang konseptong
naglalahad sa kabuuan ng nobelang Noli Me Tangere. Isulat sa isang buong
papel.

26
Natutuhan ko hinggil sa kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere ay..

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka / Rubric

Pamantayan Buong Husay Mahusay Nalilinang Baguhan

Napakagaling, Malaman at Magaling kaya Kulang ang Masyadong

mahusay na naipaliwanag lang ay limitado ipinakitang limitado ang
Nilalaman ang paksang-diwa. ang paglinang ng kaalaman sa kaalaman sa
paksang-diwa. paksa. paksa.

Organisasyon Buong husay na naipakita Tama ang May iilang Watak-

ang tamang pagkakasunod- pagkakasunod- kaisipan ang watak ang
sunod ng kaisipan kaya sunod ng mga nawawala ideyang
nagaganahan ang mga kaisipan isinulat
mambabasa na basahin
ang kanyang isinulat
Bokabularyo Maraming bagong salita na Hindi masyadong Limitado lang Walang
kanyang ginamit sa maraming salita ang kanyang bagong
pagpapahayag niya ng ang kanyang salitang salitang
kanyang ideya ginamit sa ginamit sa ginamit sa
pagpapahay ng bawat kanyang
kanyang ideya pahayag pahayag

Tayahin

A. Panuto: Basahin ang mga tanong nang maayos. Isulat sa sagutang papel ang
titik nang tamang sagot sa bawat pahayag.

1. Itoy isang kontesktuwal na pahiwatig na kung saan ito’y literal na kahulugan ng

mga salita, imahe at mga pangyayari.
a. denotasyon b. konotasyon c. matalinghaga d. tayutay

2. Ito’y isang anyo ng panitikan na isang mahabang kathang pampanitikan na

naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng
hangarin ng bayani sa dako
a. maikling kwento b. sanaysay c. nobela d.tula

3. Ano ang kasingkahulugan sa salitang mabatid?

a.masali b. malaman c. makita d. matanaw
27
4. Ano ang ibig sabihin ng salitang makapangahas?
a. marangal b. maglakas loob c.nagbantay d. matuklasan

5. Itoy isang kontesktuwal na pahiwatig na kung saan ito’y simbolikal na kahulugan

ng mga salita, imahe at mga pangayayari.
a. tayutay b. konotasyon c. talinghaga d. denotasyon

6. Sino ang sumulat sa nobelang Noli Me Tangere?

a. Dr. Ferdinand Blumentritt c. Dr. Jose Rizal
b. Antonio Luna d. Andres Bonifacio

7. Ano ang ibig sabihin ng pamagat sa "Noli Me Tangere" sa Tagalog?

a. "Huwag Mo Akong Salingin" c. “Itinambad Ko”
b. “Walang Sinumang Mapangahas” d. “Ebanghelyo ni San Lucas

8. Kailan sinulat ang unang bahagi ng "'Noli Me Tangere"? Taong _______.

a. 1884 b. 1984 c. 1894 d. 1849

9. Saang bansa natapos ang kahuli huling bahagi ng Noi me Tangere?

a. Berlin b. Madrid c. Paris d. Germany

10. Ano ang dahilan ni Rizal sa pagsusulat niya ng kanyang akdang "Noli Me
Tangere"? Dahil sa kanyang pagbabasa ng isa ding akdang ________.
a. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beacher Stowe
b. Canterybury tales
c. Aklat ng araw ni Confious
d. Iliad at Odyssey ni Homer

Aralin
Pagkakatulad/Pagkakaiba sa
4 Ilang Napanood na Telenobela

Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat lamang ang titk o
letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_____ 1. Ito ay kilala bilang teleserye o teledrama, na maaaring ihanay sa iba’t ibang
anyo at genre na pinapanood.
a. Nobela c. Maikling Kwento
b. Telenobela d. Dula
____2.Ang telenobela ay nagmula sa dalawang salita na “tele” at “serye”. Ang
“serye” ay salitang Tagalog para sa series at “drama” para naman sa drama. Ano
ang ibig sabihin ng “tele” ?
a. Pinaikling salita para sa telebisyon c. soap opera sa telebisyon
b. Series sa telebisyon d.telebisyon
28
____3. Sa anong pangyayari magkakahawig ang buhay nina Crisostomo Ibara at
Maria at Clara at buhay ninan Rome at Juliet?
a. Dahil ito ay tungkol sa kalikasan c. Dahil ito ay tungkol sa awit
b. Dahil ito ay tungkol sa pag-ibig d. Dahil ito ay tungkol sa sayaw
____4. Nagkakaiba ang katapusan ng pag-iibigan nina Crisostomo at Ma. Clara sa
nobelang Noli Me Tangere at telenobelang Romeo and Juliet dahil…?
a. Nagtatapos sa kalungkutan at kaligayahan
b. Nagtatapos sa kaligayahan at kabiguan
c. Nagtatapos sa kaguluhan at kapighatian
d. Nagtatapos sa kamatayan at hiwalayan
____5. Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa karakter nina Crisostomo,
Ma.Clara, Romeo at Juliet?
a. Tapat na pagmamahalan c. Maalalahanin
Kanilang napatunayan ang pitong taon nilang pagkakalayo ay hindi maaaring
makahadlang sa kanilang dalisay na pagmamahalan.
a. Mapagmahal sa isa’t isa d. Matibay
____6. Sa iyong palagay, anong katangian ang dapat panatilihin kina Crisostomo,
Ma.Clara, Romeo at Juliet?
a. Pagiging matulungin c. Pagiging mabait
b. Pagiging matatag d. Pagiging tapat
____7. Anong ideya/kaisipan ang lumulutang sa pahayag sa itaas?
a. Walang forever
b. Walang magandang maidudulot ang “Long distance relationship”
c. Walang makahahadlang sa kanilang pagmamahalan
d. Walang mangyayari sa kanilang pagmamahalan
____8., “Kanilang napatunayan ang dalisay na pagmamahalan” Ano ang
binibigyang-diin sa pahayag na ito?
a. Walang nakatiis c. Nagmahal ng iba
b. Walang nagtaksil d. Nanloloko
Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay sinunod niya ang
kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa upang mag-aral.
____9. Anong katangian ang ipinakita ng isang anak sa pahayag na nasa loob ng
kahon
a. Mapagmahal sa magulang c. Mapagmahal sa bayan
b. Mapagmahal sa kasintahan d. Mapagmahal sa anak
___10. Sinunod ni Crisostomo Ibarra ang kanyang ama na siya ay tumungo sa
Europa ,Ano ang masasalamin natin sa pagkatao nito?
a. Masunurin c. mapagkumbaba
b. Matalino d. mapagmahal

Tumungo sa Europa upang mag-aral nang sa gayon sa kanyang muling pagbabalik

ay higit niyang mapaglingkuran ang kanyang Inang Bayan.
___11. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa pahayag sa itaas?
a. Mapagmahal sa magulang c. Mapagmahal sa bayan
b. Mapagmahal sa kasintahan d. Mapagmahal sa anak

29
___12. Anong katangian ang ipinakita sa pahayag?
a. Matulungin c. Mapagmalasakit
b. Matalino d. Mapanakot
___13. Ang pagmamahalan nina Crisostomo at Ma.Clara, Romeo at Juliet ay
magkatulad sa bahaging..?
a. Kapwa may pahintulot sa magulang
b. Kapwa tinutulan ng magulang
c. Kapwa magkaribal ang kanilang magulang
d. Kapwa nagkainggitan ang kanilang magulang
___14. Anong uri ng sakit ng lipunan ang inihalintulad ni Rizal sa nobelang Noli Me
Tangere?
a. Dengue c. Kanser
b. HIV d. Tuberculosis
___15. Alin sa aklat na ito inihalintulad ni Rizal ang Noli Me Tangere ?
a. Iliad and Odyssey c. Ebony and Ivory
b. Uncle Tom’s Cabin d. The Roots

Balikan
Natapos mong sukatin ang iyong
kakayahan balikan mo muna ang mga
paksang naging bahagi sa
pagpapalawak ng iyong kaalaman.

Panuto: Salungguhitan sa loob ng pangungusap ang kontekstwal na pahiwatig o

kahulugan ng salita na nasa loob ng kahon.
.

Patunay 1. Mapapanood din natin sa iilang telenobela ang mga

katotohanang naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng
mananakop ayon sa kasaysayan ng Noli Me Tangere.

Pagkakatulad 2. Maraming pangyayari sa kasaysayan ng Noli Me Tangere

na magkakapareho sa mga pangyayari sa ilang
telenobela.

Pagkakaiba 3. Ang pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra at Ma. Clara ay

may kaibahan sa ilang kwentong pag-ibig na napanood
sa telenobela.

Dalisay 4. Malinis ang hangarin ng pag-ibig ni Crisostomo kay Ma.

Clara gayundin si Romeo kay Juliet.

Tunay 5. Wagas ang pagmamahalan nina Crisostomo at Ma.Clara

ganun din si Romeo at Juliet sa kabila ng pagsubok na
kanilang pinagdaanan.

30
Tuklasin

Magandang araw! Naranasan mo na bang magbigay ng mga patunay sa

isang mahalagang sitwasyon para ikaw ay maging kapani-paniwala? Subukan mong
sagutin ang Gawain 1.

Gawain 1
Panuto. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang “patunay” gamit ang
graphic organizer.

PATUNAY

Gawain 2
Panuto. Ibigay ang pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw noon at ngayon gamit
ang venn diagram.

Panliligaw Noon Panliligaw Ngayon

Suriin

Handa ka na ba? Oooooops! Alam kong sabik na sabik ka

nang malaman ang maraming bagay
hinggil sa ating paksa ngayon. tungkol sa
pagkakatulad at pagkakaiba sa ilang
napanood na telenobela

31
Alam mo ba?
Ang TELENOBELA ay kilala bilang teleserye o teledrama, ito ay maaaring
ihanay sa iba’t ibang anyo at genre. Ang teleserye/teledrama ay isang uri na
napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pa ring
pruweba na masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”,
pinaikling salita para sa telebisyon at “serye”, salitang Tagalog para sa” series” at
drama para naman sa drama. Ang salitang Teleserye ay karaniwang ginagamit
bilang pangkalahatang katawagan para sa mga Filipino soap operas sa telebisyon.

Basahin ang buod ng “Suyuan sa Balkonahe” Kabanata 7 ng nobelang Noli Me

Tangere at ang buod ng telenobelang Romeo at Juliet.
Tunghayan mo rin ang telenobelang Romeo at Juliet sa internet.

Narito ang link https://www.youtube.com/watch?v=RWBcq9BXQ0k ng telenobelang

Romeo and Juliet. Sakaling hindi makapanood ng nasabing telenobela, gawing
gabay ang buod na ibinigay.

Suyuan sa Balkonahe
(KABANATA 7)

Madarama mo sa kabanatang ito ang tunay at wagas na pagmamahalan nina

Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Kanilang napatunayan ang pitong taon nilang
pagkakalayo ay hindi maaaring makahadlang sa kanilang dalisay na
pagmamahalan. Magkahalong pananabik at kaba ang naranasan ni Maria Clar
nang muli niyang makita ang kasintahan. Sa balkonahe ng tahanan ni
Kapitan Tiago ay naganap ang kanilang pagsusuyuan kung saan muli nilang
binalikan ang kanilang matatamis na alaala at wagas na sumpaan bago sila ganap
na magkahiwalay. Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay
sinunod niya ang kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa upang mag-aral nang
sa gayon sa kanyang muling pagbabalik ay higit niyang mapaglingkuran ang
kanyang Inang Bayan.
Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay agad na
iniwan ni Crisostomo Ibarra ang dalaga dahil bigla niyang naalalang kailangan
niyang umuwi sa kanyang bayan. Sakay ng karwahe ay binagtas ng binata ang San
Gabriel kung saan sa kanyang paglalakbay ay muling nagbalik sa kanyang alaala
ang bayang kanyang nilisan pitong taon na ang nakararaan.

Narito ang link https://www.youtube.com/watch?v=RWBcq9BXQ0k ng telenobelang

Romeo and Juliet. (Kung hindi makapanood sa telenobelang

Buod ng Romeo and Juliet

Sa ganitong paraan nagsimula ang kwento, si Romeo, na anak nina Senyor
Montesco at Senyora Montesco, ay naaantig sa angking kagandahan ni Rosalina,
isang dalaga na may panatang maging dalaga habang siya ay nabubuhay pa.

32
Sa pagnanais ng kanyang pinsang si Benvolio at kaibigang si Mercutio na
maaliw ito, inaya nila ito sa isang sayawan sa bahay ng mga Capulleto. Pumayag
naman si Romeo nang mapag-alaman nitong dadalo rin si Rosalina. Sa naganap na
sayawan sa bahay ng mga Capuletto, nakita ni Romeo si Julieta na anak ng kaaway
ng kanilang angkan, na sila Senyor at Senyora Capuletto.
Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay nahulog na sila sa isa’t isa. Kapwa
nila batid na sila ay mga anak ng magkaaway na pamilya, ngunit nagkaunawaan pa
rin sila. At dahil dito nagkasundo silang magpakasal kinabukasan, sa tulong ni Fray
Lorenzo, ang padre kumpesor ni Romeo.
Pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib, sina Tybalt at Mercutio ay
naglaban at dahil dito ay nasawi si Mercutio. Nalaman ni Romeo ang pagkamatay ni
Mercutio at naging dahilan ng kanyang paghihiganti, dahil sa kanyang paghihiganti
napatay ni Romeo si Tybalt, nagmamakaawa ang mga magulang ni Romeo ngunit
ang naging hatol ni Prinsipe Escalo sa kanya ay ipatapon sa labas ng Verona.
Sa pamamagitan ng kasa-kasama ni Julieta ay muli silang nagkita at nangyari
ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Ngunit sa gabi ring iyon ay ipinagkasundo
nina Senyor at Senyora Capuletto si Julieta kay Konde Paris upang sila’y mapag-
isang dibdib. Tutol si Julieta dito kung kaya’t humingi siya ng tulong kay Fray
Lorenzo upang hindi matuloy ang nasabing kasalan. Binigyan ni Fray Lorenzo si
Julieta ng likidong pampatulog upang ang naghihinagpis na binibini ay
magmimistulang bangkay sa loob ng apatnapung oras.
Napabalita kay Romeo na si Julieta ay isa nang bangkay, sa tulong ni
Baltazar. Dahil dito bumili si Romeo sa isang matandang albularyo ng mabagsik na
lason na siyang kikitil sa kanyang buhay at bumalik sa Verona. Ngunit sa
kasamaang - palad, hindi naihatid ni Fray Juan ang liham ni Fray Lorenzo na
nagsasabing hindi patay si Julieta. Nang mabili ni Romeo ang lason, agad siyan
nagtungo sa puntod ni Julieta at nang makita ni Romeo ang inaakalang bangkay ni
Julieta ay ininom niya agad ang lason. At bago nangyari ang pagpanaw ni Romeo ay
nagising si Julieta at natunghayan niya ang pagpanaw ni Romeo.
Sa paghihinagpis ni Julieta ay dumating si Fray Lorenzo, ngunit hindi na niya
naabutang buhay si Romeo upang sabihin ang katotohanan. Pilit na isinasama ni
Fray Lorenzo si Julieta dahil may mga tanod na paparating, ngunit hindi niya
magawang iwan si Romeo. Bago pa man dumating ang mga tanod ay nakakita si
Julieta ng isang balaraw at siya ay nagpakamatay.

, Sa akdang binasa ay lutang na lutang ang iba’t ibang mukha ng pag-ibig o

pagmamahal. Binibigyang-diin sa akda ang nararapat na pagmamahal na dapat iukol
ng isang tao sa kanyang magulang, anak, kasintahan at maging ang pagmamahal sa
bayan.

33
.Gawain 3
Panuto: Suriin ito at patunayan ayon sa pagkakatulad o pagkakaiba batay
sa gabay na mga tanong.
Mga Gabay na tanong: ( Sagutin ang dayagram sa ibaba)

1. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba sa relasyon nina Crisostomo Ibarra at Maria

Clara , “Romeo at Juliet”? Patunayan ang iyong sagot.
2. Bilang isang anak, paano ipinakita nina Crisostomo at Maria Clara, Romeo at
Juliet ang pagmamahal sa magulang, bilang anak, kasintahan at sa bayan?
3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang katayuan sa buhay nina Crisostomo
Ibarra at Maria Clara , Romeo at Juliet

Pag-iibigan nina Crisostomo Ibarra Pag-iibigan nina

at Maria Clara Romeo at Juliet

Pagkakatulad

Pagkakaiba Pagkakaiba

Patunay:

Pagyamanin

Naaliw ka ba sa iyong ginawang pagsusuri? Alam kong marami ka ng

natutunan sa mga nagawang gawain. Dahil sa bitin ka, halina’t pagyamanin mo ang
iyong natutunan sa mga susunod pang gawain.

Gawain 4

34
Panuto. Gamit ang estratehiyang “Read and React” ay suriin mo ang isinasaad ng
mga ito at pagkatapos ay ibigay ang iyong sariling puna o reaksiyon ukol dito.
Naipakita ba ni Romeo ang nagawa ni Crisostomo?

Pagmamahal sa Magulang

“Namuo ang luha ng mga mata

ng aking ama, Napaluhod ako at Reaksyon
niyakap ko siya. Humingi ako ng
tawad at sinabing handa na
akong maglakbay.”

Pagmamahal sa anak

“Kailan lamang namatay ang

iyong ina. Tumatanda na ako at
nangangailangan ng iyong
Reaksyon
tulong at pagtingin. Ngunit
minabuti ko ang mag-isa.Hindi
ko alam ang magkikita pa tayo.
Subalit may mas importanteng
bagay kang dapat
isipin.Nakabukas pa sa iyo ang
kinabukasan. Sa akin ay pinid
na.”

Pagmamahal sa Bayan
“Ang pag-ibig mo ay isa-isa
pa lamang sumisilang
samantalang ang sa akin ay
isa-isa nang naghihingalo.
Sumusulak pa ang dugo sa Reaksyon
iyong mga ugat samantalang
ang sa akin
Ay unti-unti nang nanlalamig.
Ngunit umiiyak ka at hindi
makapagtiis ngayon alang-
alang sa ikabubuti ng iyong
bayan-“

Pagmamahal sa Kasintahan
“Maaari ba kitang malimot?
Paano ko tatalikuran ang isang
sumpa? Isang banal na sumpa.
Natatandaan mo pa ba nang isang
gabing bumabagyo ay lapitan mo
ako sa tabi ng bangkay ng aking
ina? Ipinatong mo sa aking balikat
ang iyong palad….ang palad mong Reaksyon
ni hindi ko man lamang
mahawakan….Sabi mo,”Nawalan
ka ng ina. Ako’y hindi nagkaroon
ng ina kailanman”. At nakisalo ka
sa aking pagluha.”

35
Pagpapahalaga

Anong kulturang Pilipino ang masasalamin mo sa mga pahayag na nasa itaas?

Isaisip

Isaisip
Wow! ang galing. Malapit ka na sa finish line. Lubus-lubusin mo na ang iyong
pagsagot sa susunod na gawain. Dito ay masusubok ang talas ng iyong pag-iisip.

Gawain 5

Panuto :. Alin nina Crisostomo Ibarra at Romeo ang magiging huwaran para sa iyo
na mas matimbang magmahal sa magulang, magmahal bilang anak, bilang
kasintahan at magmahal sa bayan ganun din kina Ma.Clara at Juliet.

Para sa akin……….

Isagawa

Binabati kita! At nalampasan mo

ang lahat na mga gawain.Ngayon
sukatin na naman natin ang
kakayahan mo sa pagsulat

Sa bahaging ito ay patunayang ang akda ay may pagkakatulad at

pagkakaiba sa napanood na telenobela.

36
Gawain 6
Panuto:
Gamit ang VENN Diagram, ibahagi mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng
nobelang binasa sa mga napanood na telenovela. Bigyan ng mga patunay ang mga
pagkakatulad at pagkakaiba na iyong napuna.

Noli Me Tangere
Telenobelang Napanood

Patunay Patunay

Ang Talata ay mamarkahan sa pamamagitan ng krayterya:

Krayterya 10 puntos 8 puntos 6 puntos

Lahat ng ideya ay Karamihan sa mga May isang paliwanag
angkop, mahalaga at ideyang ibinigay ay na sumusuporta sa
Kaangkupan ng mahusay na nailahad angkop at mahalaga sa paksang tinalakay.
paliwanag sa paksa, na sumusuporta sa paksa.
kalinawan ng paksang tinatalakay.
balangkas
Napakalalim na Malalim na makikita Mababaw at hindi
makikita ang pag- ang kaalaman. gaanong makikita ang
Lalim ng Repleksyon uugnay ng kaalaman . pag-uugnayan ng
kaalaman.

Presentasyon Malinis at maayos ang Malinis ngunit hindi May kahirapang

pagkakasulat . ang maayos ang unawain ang
mga pahayag pagkakasulat ng mga pagkakasulat ng mga
pahayag pangungusap.

Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat lamang ang titk o
letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.
_____ 1. Ito ay kilala bilang teleserye o teledrama, na maaaring ihanay sa iba’t ibang
anyo at genre na pinapanood.
a. Nobela c. Maikling Kwento
b. Telenobela d. Dula

37
____2.Ang telenobela ay nagmula sa dalawang salita na “tele” at “serye”. Ang
“serye” ay salitang Tagalog para sa series at “drama” para naman sa drama. Ano
ang ibig sabihin ng “tele” ?
a. Pinaikling salita para sa telebisyon c. soap opera sa telebisyon
b.Series sa telebisyon d.telebisyon
____3. Bakit sinasabing ang nobelang Noli Me Tangere at telenobelang Romeo at
Juliet ay magkakatulad?
a. Dahil ito ay tungkol sa kalikasan c. Dahil ito ay tungkol sa awit
b. Dahil ito ay tungkol sa pag-ibig d. Dahil ito ay tungkol sa sayaw
____4. Nagkakaiba ang katapusan ng pag-iibigan nina Crisostomo at Ma. Clara sa
nobelang Noli Me Tangere at telenobelang Romeo and Juliet dahil…?
a. Nagtatapos sa kalungkutan at kaligayahan
b. Nagtatapos sa kaligayahan at kabiguan
c. Nagtatapos sa kaguluhan at kapighatian
d. Nagtatapos sa kamatayan at hiwalayan

____5. Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa karakter nina Crisostomo,

Ma.Clara, Romeo at Juliet?
a. Tapat na pagmamahalan c. Maalalahanin
Kanilang napatunayan ang pitong taon nilang pagkakalayo ay hindi maaaring makahadlang
sa kanilang dalisay na pagmamahalan.

b. Mapagmahal sa isa’t isa d. Matibay

____6. Sa iyong palagay, anong katangian ang dapat panatilihin kina Crisostomo,
Ma.Clara, Romeo at Juliet?
a. Pagiging matulungin c. Pagiging mabait
b. Pagiging matatag d. Pagiging tapat

____7. Anong ideya/kaisipan ang lumulutang sa pahayag sa itaas?

a. Walang forever
b. Walang magandang maidudulot ang “Long distance relationship”
c. Walang makahahadlang sa kanilang pagmamahalan
d. Walang mangyayari sa kanilang pagmamahalan

____8. Binibigyang-diin sa linyang “kanilang napatunayan ang dalisay na

pagmamahalan” na …?
a. Walang nakatiis c. Nagmahal ng iba
b. Walang nagtaksil d. Nanloloko

Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay sinunod niya ang
kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa upang mag-aral.

____9. Anong ugali mayroon ang isang anak sa pahayag sa itaas?

a. Mapagmahal sa magulang c. Mapagmahal sa bayan
b. Mapagmahal sa kasintahan d. Mapagmahal sa anak

38
___10. Sinunod niya ang kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa ay
nangangahulugang ..?
a. Masunurin c. mapagkumbaba
b. Matalino d. mapagmahal

Tumungo sa Europa upang mag-aral nang sa gayon sa kanyang muling pagbabalik

ay higit niyang mapaglingkuran ang kanyang Inang Bayan.

___11. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa pahayag sa itaas?

a. Mapagmahal sa magulang c. Mapagmahal sa bayan
b. Mapagmahal sa kasintahan d. Mapagmahal sa anak
___12. Anong katangian ang ipinakita sa pahayag?
a. Matulungin c. Mapagmalasakit
b. Matalino d. Mapanakot
___13. Ang pagmamahalan nina Crisostomo at Ma.Clara, Romeo at Juliet ay
magkatulad sa bahaging..?
a. Kapwa may pahintulot sa magulang
b. Kapwa tinutulan ng magulang
c. Kapwa magkaribal ang kanilang magulang
d. Kapwa nagkainggitan ang kanilang magulang
___14. Anong uri ng sakit inihalintulad ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
a. Dengue c. Kanser
b. HIV d. Tuberculosis
___15. Inihalintulad ni Rizal ang Noli Me Tangere sa aklat na ito ____?
a. Iliad and Odyssey c. Ebony and Ivory
b. Uncle Tom’s Cabin d. The Roots

Karagdagang Gawain
Pagsulat ng Dyurnal

Panuto. Ibahagi mo ang iyong pananaw base sa mahalagang tanong.

Mahalagang Tanong:

Bilang mag-aaral sa ikalabing-siyam na taon, kung dumating ang panahong kailangan mong
pumili sa pagitan ng pag-ibig sa magulang, pag-ibig sa anak, pag-ibig sa kasintahan at pag-
ibig sa bayan, alin ang pipiliin mo? Patunayan ang iyong sagot.

Bilang mag-aaral sa ikalabing-siyam na taon, kung dumating

ang panahon na kailangan kong pumili, pipiliin ko ang pag-i

Ibig sa ……….

39
Mga Nalikom na Datos sa
Aralin Nobelang Noli Me Tangere
5
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng

tamang sagot.
1. Isang akda ni Jose Rizal na kung saan ay nagpapahayag ng mga
pangyayaring nagpapakita ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Kastila.
a. Sa Aking mga Kababata c. Mi Ultimo Adios
b. Inang Bayan d. Noli Me Tangere
2. Isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon at kinilala ito bilang
isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan madalas may
bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran.
a. Nobela b. Tula c. Awit at Korido d. Epiko
3. Ang batas na kung saan ay naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga
paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang bayani at kabilang sa mga
pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa madla ng kaniyang dalawang
nobela.
a. Republic Act 2514 c. Republic Act 1425
b. Republic Act 1935 d. Republic Act 1245
4. Sa pangangalap ng mga datos, laging tandaan ang mga pahayag na ito
maliban sa isa.
a. Pag-aralang mabuti kung tama ang mga impormasyon.
b. Dapat ito ay nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang batayan.
c. Mula sa isang opinion ng isang sikat na tao.
d. Tama at kompleto ang mga detalye.
5. Saan at kalian natapos ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?
a. Berlin, 1886 b. Spain, 1867 c. Spain, 1886 d. Berlin, 1867
6. Bakit ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbabasa at pagmamay-ari ng
nobela ni Rizal?
a. Sapagakat nagpapakita ito ng buhay ng mga Pilipino
b. Dahil ipinapakita sa nobela ang mga pagmamalupit ng mga Kastila at ng
simbahan
c. Dahil ang bida ng nobela ay isang Pilipino at hindi Kastila
d. Sapagkat ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa Panahon ng Kastila

40
7. Ano ang dahilan at bakit kailangang matibay at tama ang mga datos sa
isang pananaliksik?
a. Dahil ito ay kailangan
b. Dahil ito ay nararapat at mahalaga
c. Dahil ito ang magpapatibay na tama ang iyong mga sinabi
d. Dahil ito ay isinasaad ng edukasyon
8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang tama at mahalagang datos.
a. Ayon kay Sec. Briones, lahat ay may kakayahang magsagawa ng online
class.
b. Ayon sa pag-aaral ng NASA, magugunaw na ang mundo.
c. Ang Republic Act 9155 ay naglalayon na ang edukasyon ay para sa
lahat.
d. Sabi ng Nanay, lahat daw ay may solusyon.
9. Ayon sa paglalarawan ni Rizal, “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng
sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya
nagpupuyos sa galit munting di-masaling at nanggigising ng matatalim na
kirot.” Ano ang tinutukoy ni Rizal hinggil sa salitang “kanser”
a. Ang mga paghihirap ng mga tao sa mundo.
b. Ang mga nangyayaring sakuna at delubyo.
c. Ang mga pagmamalupit at pang-aalipusta sa mga Pilipino.
d. Ang mga katangiang ng mga Pilipinong walang pinag-aralan.

10. Bakit gayon na lamang ang pagnanasa ni Rizal na ipakita ang sakit na
nararanasan ng bansa?
a. Upang mawakasan na ang pagmamalupit ng mga Kastila at ng
simbahan
b. Upang mabigyan ito ng lunas
c. Upang mas maraming Pilipino pa ang gumawa ng nobela
d. Upang maibsan ang kanyang pangungulila sa bansa.
11. Sa makabagong ikot ng mundo, bakit mahalaga ang pananaliksik?
a. Upang makalikom ng mga kasagutan na tama at totoo
b. Upang magkaroon ng pag-aaralan ang mga mag-aaral.
c. Upang makalikom ng mga opinyon at sabi-sabi.
d. Upang mas malinaw ang pagbabasa nito.
12. Kanino nakatuon ang akda ng Noli Me Tangere?
a. Pilosopong Tasyo c. Padre Damaso
b. Maria Clara d. Crisostomo Ibarra
13. Ayon sa datos, ano ang dahilan ng kanyang pagkakabitay noong
Disyembre 30, 1896?
a. Dahil sa kanyang mga sinabi sa kanyang panayam.
b. Dahil hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang pahayag ng
nobela.
c. Dahil sa ginawang pagsasalin ng kanyang mga nobela.
d. Dahil sa kanyang mga direktang pahayag sa kalupitan ng mga Kastila.
14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagbatayan ng isang matibay at
tamang datos sa isang pananaliksik?
a. Opinyon b. Research paper c. Komiks d. Fake news
15. Ano ang natatanging katangian ng isang nobela?
a. Maikli b. May saknong c. Mahabag salaysayin d. Inaawit

41
Balikan
Bago nating talakayin ang bagong aralin ay magbigay ka muna ng
mga dahilan o paliwanag sa nobelang Noli Me Tangere.

https://www.google.com.ph/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.anvilpublishing.com%2Fshop%2Ftrade-books%2Ffiction-literature%2Fnoli-me-tangere-comics

Ano ang iyong sariling pananaw sa nobelang Noli Me Tangere?

Tuklasin

Ngayon ay handa ka ng malaman ang nilalaman ng bagong aralin.

Makikita mo sa ibaba ang isang gawain na kung saan ay pupunan mo ito mga
kasagutan. Ilahad ang impluwensya ng akdang Noli Me Tangere sa mga Filipino,
noon at ngayon.
NOON KASALUKUYAN

42
Suriin
Magaling! Ang modyul na ito ay binibigyang-diin ang mga pananaliksik
patungkol sa Nobelang Noli Me Tangere. Mahalagang pag-aralan ang mga
akda ni Rizal sapagkat sumasalamin ito sa kalagayan natin noon sa Panahon
ng mga Kastila. Ipinapahayag sa kanyang mga akda ang mga kwento ng
bawat karakter na kanyang isinabuhay sa kanyang mga nobela at ang mga
natatanging sinisimbolo ng bawat karakter at pangyayari. Sa pagpapatuloy
ng araling ito ay basahing maigi ang ilang tala o mahahalagang
impormasyon patungkol sa nobelang Noli Me Tangere.

Noli Me Tangere
ni Louie Jon Sanchez
Ang nobela ay isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon. Sa isang
pagkakataon, kinilala ito bilang isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan
madalas may bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran. Sa literal na
pagpapakahulugan, ang ibig sabihin ng nobela ay “bago” (novel or new sa Ingles, novella sa
Latin).
Ang nobela ay madalas na ipinapaliwanag bilang isang mahaba at kathang salaysay
ng mga pangyayaring pinagsunod-sunod upang makalikha ng isahang epekto. Sa
kumbensiyonal na pamamaraan, ang nobela ay madalas na sumusunod sa pag-unlad ng
katauhan ng isang karakter. Isinasalaysay ng mga ganitong naisulat na nobela ang mga
pagkamulat—pagbabagong mabuti o masama— ng tauhang bayani. Ang pagkamulat ay
laging isang proseso ng pagharap sa mga pagsubok, pagkakatukoy at pagharap sa
pinakasuliranin, at pananagumpay (kung ipinahihintulot).
Ang nobelang Noli Me Tangere ay maihahanay sa ganitong uri ng salaysayin
sapagkat masasaksihan sa nobela ang pagkamulat ni Juan Crisostomo Ibarra sa kabuktutan
ng kolonyal na pananakop, na noong una’y panananaligan pa niya sa mithing kilalanin ang
Pilipinas bilang ganap na bahagi ng Espanya.
Isang kakatwang katotohanan ang pagbasa natin sa Noli Me Tangere sa
pamamagitan ng salin. Hindi natin binabasa ang nobela sa orihinal nitong wika sapagkat iilan
lamang sa atin ngayon ang may kakayahang bumasa ng Espanyol. Ngunit minahalaga itong
nobela dahil sa Batas Rizal noong 1956. Ang batas na ito na kilala bilang Republic Act 1425
ay naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga paaralan ang pagpapahalaga sa
pambansang bayani. Kabilang sa mga pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa madla ng
kaniyang dalawang nobela. Dahil dito, nagkaroon ng malaking espasyo sa pagpapasalin ng
nobela upang mapalawak ang mambabasa nito.
Matagal nang pinagpaplanuhan ni Rizal ang nobela at natapos lamang niya ito noong
1886 sa Berlin, sampung taon bago sumiklab ang rebolusyon. Ipinagbawal ang pagbabasa at
pagmamay-ari ng nobela nang makarating ito sa Pilipinas ilang buwan matapos mailathala.
Hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang sentimiyento ng nobela, bukod pa sa mga
“makabago” at “banyaga” nitong adhikaing nasagap ni Rizal at ng kaniyang mga kapanalig sa
kilusang Propaganda. Ito rin ang itinuturing na dahilan ng kaniyang pagkakabitay sa
Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896

43
“Noli Me Tangere” ni Louie Jon Sanchez: Mga Mahahalagang Datos

Mahusay ang iyong ginawa! Sa pagkakataong ito ay mas palalimin pa

natin ang iyong kakayahan.

Pagyamanin
Basahin ang ilang mga karagdagang datos na may kinalaman pa rin sa
nobelang ating pag-aaralan. Punan ng mga kasagutan ang talahanayan.

Sa simula ng nobela, magandang pagpukulan ng pansin ang siniping epigrape ni

Rizal, maging ang kaniyang paghahandog. Ang epigrape ay mula sa “Anino ni Shakespeare”
ng manunulat na Aleman na si Freidrich von Schiller. Mahalaga ang tanong na iniiwan
nitong epigrape hinggil sa abang bansang ito, na kinakatha ni Rizal sa kaniyang nobela:
“Ngunit ang tanong ko, Kaibigan,/ sinong Dakila ang lilitaw/ Sa ganitong mga Hamak?
Anong/ Kadakilaan ang mangyayari/ sa pamamagitan nila?” Sa kaniyang paghahandog
naman, inilalarawan niya na ang “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng sangkatauhan
ang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya nagpupuyos sa galit munting di-
masaling at nanggigising ng matatalim na kirot.”
Marubdob ang pagnanasa ni Rizal na itanghal ang sakit na itong dinaranas din ng
bansang lagi’t lagi niyang nililingon, lalo na nang nasa Europa siya at binabata ang lamig at
pangungulila: “nilulunggati ko ang iyong kalusugan, na kalusugan din namin, at hinahanap ang
pinakamabuting paglunas.” Ginamit niya ang talinghaga ng mga sinaunang tao na
naglalantad ng mga maysakit sa “baitang ng templo, upang makapangmungkahi ng lunas ang
sinumang dumating na mananawagan sa Bathala.”
Malinaw ang nasa ni Rizal sa pagsulat ng nobela. Nais niyang “ilarawan” ang
kalagayan ng bayan “nang buong tapat at walang pangingimi.” Sa pagkasangkapan ng imahen
ng lambong na “tumatabing sa karamdaman,” sinisikap na ibunyag ni Rizal ang mga
pagdurusa ng kaniyang bayan. Sa buod ng mga kabanatang ito sa nobela, mamamalas ang
ganitong pagtatanghal ng kalagayang-bayan, lalo na ang paghahari ng iilan sa mga sangay ng
lipunan.

44
Isa-isahin at ilarawan ang mga kondisyong panlipunan sa panahong
isinulat ang akda at ang mga epekto nito matapos maisulat hanggang sa
kasalukuyan. Bukod sa impormasyong nabanggit, maaari ding magsaliksik sa
Internet kung kinakailangan.

MGA KONDISYONG PANLIPUNAN EPEKTO MATAPOS MAISULAT

Isaisip

Isang pagbati sa iyong mga naitala, ngayon ay nais kong ipaliwanag mo ang
kaisipang nakapaloob sa tanong na nasa ibaba. Unawaing mabuti at masagawa
ng isang panayam sa tatlo o higit pang tao. Maaaring ang panayam ay gawin sa
pamamagitan ng text message, chat, e-mail o video call. Bigyang-pokus ang
katanungang ito,

“Bakit kailangang pag-aralan ang Noli Me Tangere?”

Panayam 1

Panayam 2

Panayam 3

45
Isagawa

At para mas madagdagan pa ang iyong kaalaman sa araling ito

ay magsagawa ng mga karagdagang pananaliksik tungkol sa
kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere, mga karanasan ni
Rizal habang isinusulat niya ang kanayang nobela at ilan pang
mahahalagang datos. Maaari itong isulat o encoded at isipi sa
modyul na ito. Sundin ang rubriks na nasa ibaba.

Simulan mo na….

MGA PAMANTAYAN PUNTOS

Nakapagsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol sa Noli Me
Tangere.
Nakapagsaliksik ng bago at karagdagang impormasyon tungkol sa
buhay ni Rizal habang isinusulat ang nobela.
Nakagawa ng maayos at komprehensibong paglalagom batay sa
pananaliksik
9-10 – napakahusay; 7-8 – mahusay; 5-6 – katamtaman; kabuuang puntos
2-4 – di-mahusay; 1 – maraming kakulangan

TANDAAN: Sa pangangalap ng datos, mainam na ito ay pag-aralang

mabuti kung ito ba ay tama, kung ito ba ay may kinalaman sa iyong
pag-aaral, kung ito ba ay nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang
pag-aaral o babasahin. Higit sa lahat, kung ito ay lubos na
makakatulong sa pagpapalawak ng pag-unawa at kaalaman.
Umiwas sa fake news!!!!

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Isang akda ni Jose Rizal na kung saan ay nagpapahayag ng mga

46
pangyayaring nagpapakita ng kalagayan ng mga Pilipino sa panahon ng
Kastila.
a. Sa Aking mga Kababata c. Mi Ultimo Adios
b. Inang Bayan d. Noli Me Tangere

2. Isang genre o uri ng panitikan ng modernong panahon at kinilala ito bilang

isang modernong pag-aanyo ng klasikong epiko, kung saan madalas may
bayaning dumaraan sa mga pakikipagsapalaran.
a. Nobela b. Tula c. Awit at Korido d. Epiko

3. Ang batas na kung saan ay naglayong isama sa lahat ng kurikulum ng mga

paaralan ang pagpapahalaga sa pambansang bayani at kabilang sa mga
pagpapahalagang ito ang pagpapabasa sa madla ng kaniyang dalawang
nobela.
a. Republic Act 2514 c. Republic Act 1425
b. Republic Act 1935 d. Republic Act 1245

4. Sa pangangalap ng mga datos, laging tandaan ang mga pahayag na ito

maliban sa isa.
a. Pag-aralang mabuti kung tama ang mga impormasyon.
b. Dapat ito ay nanggaling sa isang mapagkakatiwalaang batayan.
c. Mula sa isang opinion ng isang sikat na tao.
d. Tama at kompleto ang mga detalye.

5. Saan at kalian natapos ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere?

a. Berlin, 1886 b. Spain, 1867 c. Spain, 1886 d. Berlin, 1867

6. Bakit ipinagbawal ng mga Kastila ang pagbabasa at pagmamay-ari ng

nobela ni Rizal?
a. Sapagakat nagpapakita ito ng buhay ng mga Pilipino
b. Dahil ipinapakita sa nobela ang mga pagmamalupit ng mga Kastila at ng
simbahan
c. Dahil ang bida ng nobela ay isang Pilipino at hindi Kastila
d. Sapagkat ito ay nagpapakita ng mga pangyayari sa Panahon ng Kastila

7. Ano ang dahilan at bakit kailangang matibay at tama ang mga datos sa
isang pananaliksik?
a. Dahil ito ay kailangan
b. Dahil ito ay nararapat at mahalaga
c. Dahil ito ang magpapatibay na tama ang iyong mga sinabi
d. Dahil ito ay isinasaad ng edukasyon
8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang tama at mahalagang datos.
a. Ayon kay Sec. Briones, lahat ay may kakayahang magsagawa ng online
class.
b. Ayon sa pag-aaral ng NASA, magugunaw na ang mundo.
c. Ang Republic Act 9155 ay naglalayon na ang edukasyon ay para sa
lahat.
d. Sabi ng Nanay, lahat daw ay may solusyon.

47
9. Ayon sa paglalarawan ni Rizal, “nakasulat sa kasaysayan ng pagdaralita ng
sangkatauhan ang isang kanser na may katangiang napakalubha kaya
nagpupuyos sa galit munting di-masaling at nanggigising ng matatalim na
kirot.” Ano ang tinutukoy ni Rizal hinggil sa salitang “kanser”
a. Ang mga paghihirap ng mga tao sa mundo.
b. Ang mga nangyayaring sakuna at delubyo.
c. Ang mga pagmamalupit at pang-aalipusta sa mga Pilipino.
d. Ang mga katangiang ng mga Pilipinong walang pinag-aralan.

10. Bakit gayon na lamang ang pagnanasa ni Rizal na ipakita ang sakit na
nararanasan ng bansa?
a. Upang mawakasan na ang pagmamalupit ng mga Kastila at ng
simbahan
b. Upang mabigyan ito ng lunas
c. Upang mas maraming Pilipino pa ang gumawa ng nobela
d. Upang maibsan ang kanyang pangungulila sa bansa.

11. Sa makabagong ikot ng mundo, bakit mahalaga ang pananaliksik?

a. Upang makalikom ng mga kasagutan na tama at totoo
b. Upang magkaroon ng pag-aaralan ang mga mag-aaral.
c. Upang makalikom ng mga opinyon at sabi-sabi.
d. Upang mas malinaw ang pagbabasa nito.

12. Kanino nakatuon ang akda ng Noli Me Tangere?

a. Pilosopong Tasyo b. Maria Clara c. Padre Damaso d. Crisostomo Ibarra

13. Ayon sa datos, ano ang dahilan ng kanyang pagkakabitay noong

Disyembre 30, 1896?
a. Dahil sa kanyang mga sinabi sa kanyang panayam.
b. Dahil hindi nagustuhan ng mga pari ang anti-simbahang pahayag ng
nobela.
c. Dahil sa ginawang pagsasalin ng kanyang mga nobela.
d. Dahil sa kanyang mga direktang pahayag sa kalupitan ng mga
Kastila.

14. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pagbatayan ng isang matibay at

tamang datos sa isang pananaliksik?
a. Opinyon b. Research paper c. Komiks d. Fake news

15. Ano ang natatanging katangian ng isang nobela?

a. Maikli b. May saknong c. Mahabag salaysayin d. Inaawit

48
Paggamit ng mga angkop na
Salita/Ekspresyon sa
Paglalarawan, Paglalahad ng
Sariling Pananaw , Pag-iisa-
Aralin isa at Pagpapatunay
6
Subukin

Handa ka na bang sagutan ang paunang-pasulit?

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat lamang ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1.Ito ay isang paglalahad na ginagamitan ng pang-ugnay upang maging mahusay

ang pagkasunud-sunod sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw.
a.paglalarawan b. pagpapatunay c.pag-iisa-isa ng pahayag
_____2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng paglalarawan maliban sa isa,
a. Pansariling pananaw b. layunin ng paglalarawan c.mahusay ang sinasabi mo
_____3.____________ mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. Alin ang
angkop na pahayag ang gamitin upang mabuo ang diwa nito?
a.sumunod na araw b. batay sa c.kung ako ang tatanungin
_____4. __________ang Noli Me Tangere ay binuo upang maisakatuparan ang mithiin ni
Dr. Jose Rizal na magamit ang edukasyon bilang sandata sa pagkamit ng kanilang kalayaan
at kaunlaran ng bansang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang angkop gamitin na
nagsasaad ng pagsang-ayon sa diwang ipinapahayag sa loob ng pangungusap?
a. Sa katunayan b. dapat c. talaga
____5. Ito ay isang pahayag na ang layunin ay makaantig ng kalooban ng manonood o
mambabasa upang mahikayat silang makiisa sa pagbubuo ng malinaw na impresyong likha
ng pandama. a.pagsasalaysay b. opinyon c.paglalarawan
____6.Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan , malinaw na
naipakikita ang katangian ng tao, bagay , lugar o pangyayari na ating nakikita , naririnig o
nadarama.Aling bahagi ng pananalita ang tinutukoy ?
a.panggalan b.pandiwa c. pang-uri at pang-abay
_____7.Ang mga sumusunod ay mga bagay na laging tandaan sa paglalahad ng opinyon o
pananaw maliban sa isa.
a. Dapat magkaroon ka ng matibay na ebidensya
b.Ilahad ang sariling opinyon nang maayos kahit ito ay salungat sa pananaw ng iba.
c. Pagpili sa mga sangkap
_____8.__________ kong mabasa ang nobelang Noli Me Tangere,namulat ang aking isipan
na masasalamin natin ang kulturang Pilipino.Alin ang tamang salita upang mabuo ang
isinasaad ng pahayag. a.saka b. unang c. pagkatapos
49
_____9. Alin sa mga sumusunod pang-ugnay o pahayag ang mahalaga upang maging
mahusay ang pagkasunud-sunod sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw.
a.sa aking palagay, sa tingin ko b.opo, oo c. una, saka
_____10. “____________,hindi matutuloy ang klase ngayong darating na Agosto.”
Ano ang angkop na salita sa patlang?
a. Totoo nga b. Ganoon ba c. Sa tingin ko
_____ 11. May magandang dulot ang pagbabasa ng Noli Me tangere _______nakadagdag
ito ng kaalaman. a pagkatapos b. siyempre c. sa katunayan
_____12 Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na salita na maaaring gamitin bilang
panimula sa pagpapahayag ng opinyon o sariling pananaw.
a.Ayon sa aking nabasa b. Para sa akin c. sa dakong huli
_____13. Ito ay ginagamit sa ekspresyon sa pagbibigay ng pagpapatunay na pahayag.
a.pati b. gayundin c. tunay
_____14.Ang nobelang ito ay binuo upang maisakatuparan ang mithiin ni Dr. Jose Rizal na
magamit ang edukasyon bilang sandata sa pagkamit ng kanilang kalayaan at kaunlaran ng
bansang Pilipinas. a.El Filibusterismo b.Luha ng Buwaya c. Noli Me Tangere
____15. _______DOH, para maiwasan ang pagkalat ng virus ugaliin ang maghugas ng
kamay
Batay sa, magsusuot ng b.Sang-ayon
face mask at sasocial distancing.
c. Ayon sa

Balikan
Kaya mo ito…
1. Bakit mahalaga ang
pananaliksik?
2. Ano ang mga bagay na
dapat tandaan sa pangangalap
ng datos?

Gawain 1

Kaya
1._____________________________________
ko……
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
2.______________________________________________________
_______________________________________
________________________________________________________
_______________________________________
________________________________________________________
_______________________________________
________________________________________________________
_______________________________________
________________________________________________________
___

_
50
Batay sa ginawa mong pagbabahagi ng iyong
Tuklasin kaalaman sa pagsagot sa katanungan tungkol sa
pananaliksik.
Nagtagumpay ka.
Nakapagbabahagi ka ng sarili mong pananaw o
opinyon.
Ngayon tuklasin mo ang mga bagay na
mahalagang gamitin sa masining na
paglalarawan, paglalahad ng sariling pananaw at
pagpapatunay.

Gawain 2

Panuto:Basahin at unawain nang mabuti at ipaIiwanag ang sarili

ninyong pananaw o opinyon sa kaisipang nakapaloob sa talatang ito.

Sa pag-aaral ng akdang Noli Me Tangere ng mga itinuturing na pag-asa ng bayan,

ang kabataang Pilipino. Ang Noli Me Tangere ay binuo upang maisakatuparan ang mithiin ni Dr. Jose
Rizal na magamit ang edukasyon bilang sandata sa pagkamit ng kanilang kalayaan at kaunlaran ng
bansang Pilipinas. Ang pamagat na Noli Me Tangere ay salitang Latin na nangangahulugang “Touch
Me Not” sa Tagalog ay “Huwag mo akong Salingin.” Pinalooban ang akda na ito ng mga iba’t ibang
karanasan ng mga Pilipino na magpapamulat sa mata ng kabataang Inihahalintulad niya ito sa isang
bulog sa lipunan nagpapahirap sa buhay ng Pilipino. Itinambad sa aklat na ito ang pagpapaimbabaw
sa balatkayong relehiyon na nagpapahirap sa mga mamamayang Pilipino. Mabubuksan nito ang
kaisipang kalagayan ng mga kabataan sa nakaraang suliranin ng kinalakhang bansa. Dito nila
mauunawaan kung bakit hindi ganap na nakamit ang kalayaang inaasam-asam ng mga Pilipino.
Maraming taon na ang lumipas mula nang maisulat ni Dr. Jose Rizal ang nobelang ito subalit
nagpapatuloy pa rin itong sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng ating bayan. Hindi lamang
mauunawaan ang literal na kahulugan ng pamagat na nabuo ng ating bayani ngunit higit na
maiuugnay pa rin natin ang mga pangyayari na patuloy na nagpapaalipin sa mga mamamayang
Pilipino.
Ang nobelang ito ay sasanayin ang kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang
pagkatuto ay maging makabuluhan at maihanda ang sarili sa mga pagsubok sa tunay na buhay.

Suriin

Magaling! Naisakatuparan mo ang iyong layunin sa unang gawain.. Para mas lalong
mapalawak ang iyong kaalaman, sa bahaging ito bigyang pansin ang mga bagay o mga
salita na angkop o ekspresyon sa paglalarawan,paglalahad ng sariling pananaw,pag-iisa-isa
at pagpapatunay.

51
ANG MGA ANGKOP NA EKSPRESYON SA PAGLALARAWAN

Ang Paglalarawan ay isang pagpapahayag na ang layunin ay makaantig ng

kalooban ng manonood o mambabasa upang mahikayat silang makiisa sa pagbubuo ng
malinaw na impresyong likha ng pandama. Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na
salitang naglalarawan tulad ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian
ng tao, bagay , lugar o pangyayari na ating nakikita , naririnig o nadarama.
Ang paglalarawan ay maaaring karaniwan o masining. Ang karaniwang paglalarawan
ay naglalarawan lamang ng kabatiran. Samantala, ang masining na paglalarawan ay
ginagamitan ng tiyak at makukulay na pananalitang ganap na maglalarawan sa laki, hugis,
anyo ng tao, bagay, pook o pangyayari. Ito ang paningin,pandinig, pang-amoy, panlasa at
pandama.

MGA KATANGIAN NG PAGLALARAWAN

1. Makabuluhan o kawili-wiling Paksa

Karaniwang ginagamit na paksa ay ang tao. Sinusundan ito ng paksa sa
paglalarawan sa bagay, lugar o pangyayari.
2. Pansariling Pananaw
Tumutukoy ito sa pagtingin ng sumusulat sa tao, bagay, lugar o pangyayari
na inilalarawan. Isinaalang-alang din ang sariling palagay o damdamin ng
naglalarawan bunga ng kanyang karanasan ng ibang tao at batay rin sa kanyang
narinig o nabasa.
3. Pangunahing Larawan
Ang pangunahing larawan ang dapat na mabuo ayon sa kaanyuan, kalinisan,
kaayusan o kabuuan ng bagay na inilalarawan.
4. Pagpili sa mga Sangkap
Maaaring tiyak ang paglalarawan o gumagamit ng pariralang hindi tuwirang
tumtuukoy o lumilihis sa literal na kahulugan.
5. Layunin ng Paglalarawan
Maaaring ang layunin ay ang magbibigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay
ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat o naglalayong pukawin ang
guniguni at damdamin ng mambabasa.

PAGGAMIT NG ANGKOP NA MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG SARILING

OPINIYON/PANANAW

Tulad ng mag-aaral, sa araw-araw nating pakikipagsalamuha sa bawat isa ay

nakapabibigay tao ng sariling opinion o pananaw tungkol sa isang bagay o pangyayari. Ang
sumusunod ay laging tandaan sa paglalahad ng opinyon o pananaw.

 Ilahad ang sariling opinyon nang maayos kahit ito ay salungat sa pananaw ng iba.
 Kapag ikaw ay may kausap ay dapat makinig nang mabuti upang maunawaan mo
ang nais ipahayag ng iyong kinakausap.
 Kapay may matibay na dahilan kung bakit hindi naniniwala ang iyong kinakausap sa
iyong pananaw ay iyong pilitin na maniwala , sang-ayon man o salungat.
 Kung kailangan mong sumalungat sa pahayag ng kinakausap ay maging magalang
upang maiwasan ang hindi pagkaintindihan.
 Dapat magkaroon ka ng matibay na ebidensya o datos na nagpapakita ng tunay na
impormasyon sa iyong pinaniniwalaang opinyon o pananaw.

52
 Gamitin lamang ang simpleng pahayag na mauunawaan ng lahat na nakikinig o
nanood. Kung nasa pormal na okasyon ay kailangan gumagamit ka ng mga salitang
pormal at huwag kalimutang magbigay galang.
 Ang mga sumusunod ay ang mga angkop na salita na maaaring gamitin bilang
panimula sa pagpapahayag ng opinyon o sariling pananaw.
 Sa aking palagay………….
 Sa tingin ko ay……….
 Kung ako ang tatanungin……..
 Ayon sa aking nabasa……….
 Para sa akin……..
 Ayon sa nabasa kong datos…..
 Ang paniniwala ko ay ………
 Maaari po bang dagdagan ang iyong mga sinasabi?
 Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
 Nasa iyo ‘yan kung hindi ka sumasang-ayon sa akin….
 Hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi mo…….
 Mahusay ang sinasabi mo……..

PAG-IISA-ISA NG MGA PAHAYAG

Ang Pag-iisa –isa ng pahayag ay isang paglalahad na ginagamitan ng pang-

ugnay upang maging mahusay ang pagkasunud-sunod sa pagpapahayag ng opinyon o
pananaw. Kabilang dito ang salitang pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw,sa
dakong huli, pati, isa pa at gayon din.

EKSPRESYON SA PAGBIBIGAY NG PAGPAPATUNAY NA PAHAYAG

Ang pagpapahayag nito ay ginagamitan ng salitang siyempre, tunay,

talagang ay mga salitang nagsasaad ng pagsang-ayon bilang pagtugon sa
katotohanan. Gumagamit ng pang-abay na panang-ayon upang magsaad ng
pagsang-ayon bilang patunay sa katotohanan ng isang pahayag. Halimbawa nito ay
opo, oo, tunay, sadya, talagang, totoo, siyempre, sa katunayan at dapat.

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto:Bumuo ng karaniwan at masining na paglalarawan
tungkol sa sumusunod na paksa.

Paksa Karaniwan Masining

Hal. PAARALAN Gusali na ginagamit ng Ang paaralan ay
mga mag-aaral pandayan ng
karunungan.
1. Bandila
2. Relihiyon
3. Edukasyon
4. Bayani
5. Pag-ibig

53
Gawain 2: Suriin kung ang sumusunod na pagpapahayag ng opinyon o pananaw ay angkop o
hindi angkop. Isulat sa patlang ang hugis ( ) kung angkop at ( ) naman kung hindi
angkop.

________________ 1. Sa aking palagay, tama lang na sunugin ang nobelang Noli Me Tangere.
________________ 2. Sa tingin ko ay kailangan mong unawain ang nais iparating ng aklat ng Noli
Me Tangere.
________________ 3. Mahusay ang sinabi mo at ako man ay humahanga sa talinong hatid ni Dr.
Jose Rizal.
________________ 4. Mali ka talaga, eh. Kung gusto mong paniwalaan ang kanyang layunin. May
magagawa ba ako?
________________ 5. Naniniwala ako na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.
________________ 6. Para sa akin, mabubuksan nito ang kaisipang kalagayan ng mga kabataan sa
nakaraang suliranin ng kinalakhang bansa.
________________ 7. Hindi pa rin ako sumasang-ayon na may kinalaman ang mga kastila sa
paghihirap ng mga Pilipino noon.
________________ 8. Ayon sa nabasa kong datos, ang El Filibusterismo ay karugtong ng Noli Me
Tangere.
________________ 9. A, basta, hindi ako naniniwala sa mga binabanggit ng nobelang Noli Me
Tangere.
________________ 10. Maaari po ba akong dumagdag sa iyong mga sinasabi tungkol sa paghanga
mo sa kakayahan ni Dr. Jose Rizal?

Isaisip

Gawain 1: Isa-isahin ang mga bagay na ginawa ng mga kastila para mahadlangan ang
paglimbag ng nobelang Noli Me Tangere. Maaaring gamitin ang sumusunod na
salita. (unang, sumunod na araw, pagkatapos, saka, sa dakong huli, pati, isa pa)

Gawain 2: Magbigay ng limang pagpapatunay na pahayag na hindi nagkamali si Dr. Jose Rizal
sa kanyang pagsulat at pagkalimbag ng Nobelang Noli Me Tangere. Gamitin ang
mga salitang sumusunod, (opo,oo, tunay, sadya, talagang, totoo, siyempre, sa
katunayan at dapat.)

54
Isagawa

Panuto: Batay sa iyong bagong kaalaman, subukin mo ngayong bumuo ng sariling

pangungusap tungkol sa mga pangyayaring natungyahan ,narinig sa lipunang iyong
gingalawan

1.____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. ____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. ____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. ____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. ____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Sumulat ng isang talata tungkol sa napapanahong isyu gamit ang mga
sumusunod na pananda. ( unang , sumunod na araw,pagkatapos , saka, sa
dakong huli, pati, isa pa)

_______________________________________________________________________

Gawain 3
__________________________________________________________
Magbigay ng limang pangungusap tungkol sa napapanahong isyu. Gamitin ang mga
sumusunod na kataga o salita., (opo,oo, tunay, sadya, talagang, totoo, siyempre, sa
katunayan at dapat.)

1.________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________________
4.________________________________________________________________________________
5.________________________________________________________________________________

55
Ang Talata ay mamarkahan sa pamamagitan ng kraytirya:

Kraytirya 10 puntos 8 puntos 6 puntos

Mahusay ang pagkasunud- Maayos ang pagkasunud- May lohikal na organisasyon
sunod ng ideya sa kabuuan sunod ng ideya sa talata, ngunit hindi masyadong
ng talata, mabisa ang may angkop na simula at mabisa ang panimula at
Organisasyon panimula at malakas ang kongklusyon. kongklusyon.
kongklusyon batay sa
ebidensya.

Lahat ng paliwanag ay Karamihan sa mga May isang paliwanag na

angkop, mahalaga at paliwanag at halimbawang sumusuporta sa paksang
Kaangkupan ng paliwanag mahusay na nailahad na ibinigay ay angkop at tinalakay.
sa paksa, kalinawan ng sumusuporta sa paksang mahalaga sa paksang
balangkas tinatalakay. tinatalakay.
Napakalalim na makikita ang Malalim na makikita ang dati Mababaw at hindi gaanong
pag-uugnay ng dating at bagong kaalaman. makikita ang pag-uugnayan
Lalim ng Repleksyon kaalaman at karanasan sa ng dati at bagong kaalaman.
bagong kaalaman.

Malinis at maayos ang Malinis ngunit hindi maayos May kahirapang unawain ang
pagkakasulat ng talata. ang pagkakasulat ng talata. pagkakasulat ng mga
Presentasyon pangungusap.

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag na nasa ibaba. Isulat lamang
ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_____ 1.Ito ay isang paglalahad na ginagamitan ng pang-ugnay upang maging mahusay

ang pagkasunud-sunod sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw.
a.paglalarawan b. pagpapatunay c.pag-iisa-isa ng pahayag
_____2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng paglalarawan maliban sa isa,
b. Pansariling pananaw b. layunin ng paglalarawan c.mahusay ang sinasabi mo
_____3.____________ mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. Alin ang
angkop na pahayag ang gamitin upang mabuo ang diwa nito?
a.sumunod na araw b. batay sa c.kung ako ang tatanungin
_____4. __________ang Noli Me Tangere ay binuo upang maisakatuparan ang mithiin ni
Dr. Jose Rizal na magamit ang edukasyon bilang sandata sa pagkamit ng kanilang kalayaan
at kaunlaran ng bansang Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang angkop gamitin na
nagsasaad ng pagsang-ayon sa diwang ipinapahayag sa loob ng pangungusap?
b. Sa katunayan b. dapat c. talaga
____5. Ito ay isang pahayag na ang layunin ay makaantig ng kalooban ng manonood o
mambabasa upang mahikayat silang makiisa sa pagbubuo ng malinaw na impresyong likha
ng pandama. a.pagsasalaysay b. opinyon c.paglalarawan
____6.Sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarawan , malinaw na
naipakikita ang katangian ng tao, bagay , lugar o pangyayari na ating nakikita , naririnig o
nadarama.Aling bahagi ng pananalita ang tinutukoy ?
a.panggalan b.pandiwa c. pang-uri at pang-abay
_____7.Ang mga sumusunod ay mga bagay na laging tandaan sa paglalahad ng opinyon o
pananaw maliban sa isa.
a. Dapat magkaroon ka ng matibay na ebidensya
b.Ilahad ang sariling opinyon nang maayos kahit ito ay salungat sa pananaw ng iba.
c. Pagpili sa mga sangkap

56
_____8.__________ kong mabasa ang nobelang Noli Me Tangere,namulat ang aking isipan
na masasalamin natin ang kulturang Pilipino.Alin ang tamang salita upang mabuo ang
isinasaad ng pahayag. a.saka b. unang c. pagkatapos
_____9. Alin sa mga sumusunod pang-ugnay o pahayag ang mahalaga upang maging
mahusay ang pagkasunud-sunod sa pagpapahayag ng opinyon o pananaw.
a.sa aking palagay, sa tingin ko b.opo, oo c. una, saka
_____10. “____________,hindi matutuloy ang klase ngayong darating na Agosto.”
Ano ang angkop na salita sa patlang?
a. Totoo nga b. Ganoon ba c. Sa tingin ko
_____ 11. May magandang dulot ang pagbabasa ng Noli Me tangere _______nakadagdag
ito ng kaalaman. a pagkatapos b. siyempre c. sa katunayan
_____12 Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na salita na maaaring gamitin bilang
panimula sa pagpapahayag ng opinyon o sariling pananaw.
a.Ayon sa aking nabasa b. Para sa akin c. sa dakong huli
_____13. Ito ay ginagamit sa ekspresyon sa pagbibigay ng pagpapatunay na pahayag.
a.pati b. gayundin c. tunay
_____14.Ang nobelang ito ay binuo upang maisakatuparan ang mithiin ni Dr. Jose Rizal na
magamit ang edukasyon bilang sandata sa pagkamit ng kanilang kalayaan at kaunlaran ng
bansang Pilipinas.
a.El Filibusterismo b.Luha ng Buwaya c. Noli Me Tangere
_____15. _______DOH, para maiwasan ang pagkalat ng virus ugaliin ang maghugas ng
kamay , magsusuot ng face mask at social distancing.
a. Batay sa b.Sang-ayon sa c. Ayon sa

57
Susi sa Pagwawasto
ARALIN 1

Subukin (Panimulang Pagtataya)

A. B. C
1. C 1. T 1. 3
2. D 2. M 2. 2
3. B 3. T 3. 1
4. A 4. M 4. 5
5. D 5. T 5. 4

Balikan

A.1.Layunin na ipakita ang masasayang alaala at karanasan ni Rizal.

2.Ang pagmamalupit ng mga Kastila sa mga Pilipino kaya walang takot si Rizal na mamatay sa sariling bayan.
B.3-4 Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

C.Character Profile. Kilalanin si Rizal.

Pangalan Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda

Kapanganakan HUnyo 19, 1861
Mga Magulang:
Ama Francisco Mercado
Ina Teodora Alonso
Parusang Pinataw Rebelyon at sedisyon
Kamatayan Disyembre 30, 1896

Suriin (Pag-unawa sa Binasa)

A. Storyboard- Nakadepende ang sagot sa mag-aaral B.Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

Pagyamanin (Paglinang ng Talasalitaan)

1. Kastila 6. Edukasyon
2. Pilipino 7. Mithiin
3. Pagmamalupit 8. Kanser
4. Salapi 9. Kabataan
5. Kalayaan 10.Realidad
* Ang pagbuo ng pangungusap ay nakabatay sa nabasa, napakinggan at naunawaan sa kaligirang pangkasaysayan ng
Noli Me Tangere.

B.Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

Isaisip (Pagnilayan)
1-4 - Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan

Isagawa (Pagpapahalaga)
A. Pangako
- Nakadepende sa mag-aaral ang kanilang kasagutan
B. Islogan
Tayahin
A. B. C
1. C 1. Tumpak 1. 3
2. D 2. Malas 2. 2
3. B 3. Tumpak 3. 1
4. A 4. Malas 4. 5
5. D 5. Tumpak 5. 4

ARALIN 2

SUBUKIN (Panimulang Pagtataya) BALIKAN

1. D Subukan Nga Natin
2. D 135246
3. C Paglinang ng Talasalitaan
4. A A. Depende sa mag-aaral kung anong salita ang kanilang
5. D mabubuo
1. BIBLIYA
2. KALAYAAN
3. KANSER
4. KABATAAN
5. ALIPIN

58
TUKLASIN SURIIN
Tara at Tayo’y Mag-isip Tayo na’t Magpatalas ng Isipan
- Sanhi (1-14) - Depende sa mag-aaral ang pag-unawa sa Storyboard
- Bunga (15-20)
Naunawaan Mo Ba?
- Mamamayan at Kabataan
(lahat ng nasa kahon)
PAGYAMANIN ISAISIP
Tayo na’t Magpayaman Tayo na’t Magnilay
A. Depende sa mag-aaral sa naunawaan niya sa tinalakay na - Depende sa pag-unawa ng mag-aaral
aralin
B. Depende sa mag-aaral sa paghahambing niya sa Noli at
Telenobela
ISAGAWA TAYAHIN (pangwakas na Pagtataya)
Tayo na’t Magpahalaga 1. D 6. D
- Depende sa pagkamalikhain ng mag-aaral sa pagbuo niya ng 2. D 7. D
Tula 3. C 8. C
4. A 9. A
5. D 10. D

ARALIN 3
Subukin at Tayahin Balikan
1.A 6.C Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng
2.C 7.A mag-aaral
3.B 8.A Tuklasin
4.B 9.A
Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng
5.B 10.A
mag-aaral
Suriin
Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng
mag-aaral
Pagyamanin Isaisip
I. II. 1. f 6. e
1. DENO 1. nangahas 2.g 7. d
2. KONO 2. kabuktutan 3.h 8. c
3. DENO 3. itinambad 4.i 9. b
4. KONO 4.pagdaralita 5. j 10. a
5. KONO 5. maisiwalat
Isagawa
Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang kasagutan ng
mag-aaral

ARALIN 4
SURIIN AT TAYAHIN Gawain 1
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
1. D 6. D Gawain 2
11. C Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama
2. B 7. C Gawain 3
12. C Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
3. B 8. B Gawain 4
13. B Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
4. D 9. A Gawain 5
14. C Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama
5. A 10. A Gawain 6
15. B Sagot: Ang guro ang magmamarka base sa pamantayan

Karagdagang gawain:
Sagot: Ang guro ang magpapasya sa sagot.

ARALIN 5
1. D 6. B 11. A
2. C 7. C 12. D
3. C 8. C 13. B
4. C 9. C 14. B
5. A 10. A 15. C

ARALIN 6
Panimulang Pagtataya Pangwakas ng Pagtataya

1. C 3. C 5. C 7. C 9. C
2. C 4. C 6. C 8. C 10. C

Balikan : Gawain :Nasa guro ang pagpapasya kung tama Tuklasin : Gawain : Nasa guro ang pagpapasya kung tama

59
Pagyamanin
Gawain 1
Paksa Karaniwan Masining
Hal. PAARALAN Gusali na ginagamit ng mga mag- Ang paaralan ay pandayan ng
aaral karunungan.
1. Bandila Watawat Sumisimbolo ng kalayaan
2. Relihiyon Paniniwala Pananampalataya
3. Edukasyon Sistema na nag-iipon ng kaalaman Pag-asa na hinahangad ng isang tao
4. Bayani Taong nakagawa ng mabuti sa bayan kabayanihan
o sa anumang bagay
5. Pag-ibig Bagay na hindi makikita ngunit Pagmamahal sa sarili, sa bayan o sa
nararamdaman anumang bagay na mahalaga.

Gawain 2 Angkop Hindi Angkop

1. Hindi angkop
2. Angkop -
3. Angkop
4. Hindi angkop
5. Angkop
6. Angkop
7. Hindi angkop
8. Angkop
9. Hindi angkop
10. Angkop

Isaisip

Gawain 1: Nasa Guro ang pagpapasya kung tama Gawain 2: Nasa Guro ang pagpapasya kung tama
Gawain 2: Nasa Guro ang pagpapasya kung tama

Isagawa
Nasa Guro ang pagpapasya kung tam

60
Mga Sanggunian

Aklat

Filipino 9 Gabay ng Guro sa Filipino. Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.

2015.

Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailene G. at Lontoc, Nestor S. Pluma Wika at Panitikan para
sa Mataas na Paaralan. 927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2011.

Pinagyamang Pluma, Noli Me Tangere Aklat 2. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc., 2014.

Pintig ng Lahing Pilipino, Aklat 2. Quezon City: SIBS Publishing House, Inc., 2015

Filipino 9, Supplemental Lessons: Rex Interactive Portal. www.rexinteractive.com

Hanguang Elektroniko

https://www.youtube.com/watch?v=xEEvDZKM6x0

http://mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan

https://tl.wikibooks.org/wiki/Noli_Me_Tangere/Panimula

https://brainly.ph/question/96549

alibaba.com/wiki/94c84510.html

https://brainly.ph/question/502571

mcshukbalahap.jigsy.com/kasaysayan

https://brainly.ph/question/510541

https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/buod-ng-romeo-at-julietasa-
ganitong-paraan-nagsimula-ang-kwento-si-romeo-na anak/581676401978627/

https://www.youtube.com/watch?v=RWBcq9BXQ0k

Tagaguhit

Dimasindil, Alissa U. Storyboard. Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.

2020.

61

You might also like