You are on page 1of 22

9

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-Modyul 5
Dahilan at Bunga/Epekto ng Implasyon (Week 5)
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan –Dahilan at Bunga/Epekto ng Implasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Inilathala ng Tagbilaran City Division


Schools Division Superintendent:Joseph Irwin A. Lagura PhD
Asst.Schools Division Superintendent:Marcelo K.Palispis

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat:Bernadette N.Agunod
Editor:
Tagasuri:Dr.Nenita J.Incog
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala:CID Chief:John Ariel A.Lagura
Division EPS In Charge of LRMDS:Neolita S.Sarabia EdD Division
ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng___________________________________

Department of Education-Region VII


Office Address: Rajah Sikatuna Avenue,Dampas,Tagbilaran City
Telefax:(038)544-2147;427-1702
E-mail Address: tagbilarancity,division@deped.gov.ph

9
Araling Panlipunan Ikatlong
Markahan-Modyul 5 Dahilan at Bunga/Epekto ng
Implasyon
(Week 5)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Dahilan at Bunga/Epekto ng Implasyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong

o estratehiyang magagamit sa
Mga paggabay sa mag-aaral.
Tala para sa Guro
ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling


Panlipunan-9 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Dahilan at
Bunga/Epekto ng Implasyon.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng


kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng
ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong
sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito,


malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang


bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing
para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pangunawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

iii

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may
ibibigay sa iyong panibagong Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang


sagot sa lahat ng mga Pagwawasto
gawain sa modyul mga gawain

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo


rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng
lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na
ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang,
sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,


makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
v

Alamin
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang Ang mag-aaral ay


pagunawa sa mga pangunahing nakapagmumungkahi ng mga
kaalaman tungkol sa pambansang pamamaraan kung paanong ang
ekonomiya bilang kabahagi sa pangunahing kaalaman tungkol sa
pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa pambansang ekonomiya ay
mamamayan tungo sa pambansang nakapagpapabuti sa pamumuhay
kaunlaran. ng kapwa mamamayan tungo sa
pambansang kaunlaran.

Mga Nilalaman (Paksa/Aralin)


1. Dahilan at Bunga/Epekto ng Implasyon

Mga Pamantayan sa Pagkatuto


Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay
inaasahang:

1. Natatalakay ang konsepto,dahilan,epekto at


pagtugon sa implasyon 2. Natutukoy ang mga
paraan upang masolusyunan ang implasyon 3.
Napahahalagahan ang pakikilahok nang aktibo sa
paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon.

Pangunahing isyu sa lahat ng tao ang


suliranin sa patuloy na pagtaas ng
presyo.Maraming mamamayan,noon at
ngayon,ang nahaharap sa hamon ng
walang tigil na pagbabago sa mga presyo ng
mga pangunahing produkto at
serbisyo.Dahil dito,ang bawat isa ay
napipilitang humanap ng mas matatag na
hanapbuhay upang matugunan ang
knilang mga pangaraw-araw na
pangangailangan.
1

Subukin

Panimulang Gawain: Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang


sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung
bunga/epekto o dahilan ng implasyon.Isulat ang E
para sa bunga/epekto at D para sa dahilan.Isulat
ang sagot sa inyong sagutang papel.

-----1.Pagkakaroon ng hidwaan ng mga


bansang nagluluwas ng langis. -----
2.Paghingi ng dagdag sa sahod ng mga
manggagawa.
-----3.Kawalan ng kakayahan ng maraming
tao na makabili ng pangunahing
pangangailangan.
-----4.Karamihan sa mga tao ay
nawawalan ng interes na mag-impok sa
bangko.
-----5.Kawalan ng katatagan sa pulitika ng bansa.
-----6.Pagtaas ng buwis na sinisingil
sa mga negosyante at prodyuser. -----
7.Pabagu-bagong patakarang pang-
ekonomiya ng pamahalaan. -----
8.Pagsasara ng maraming pagawaan
-----9.Pagtaas ng gastusin sa produksyon
-----10.Pagtaas ng halaga ng dolyar.
-----11.Malaking bahagi ng badyet ng
bansa ang napupunta sa pambayad-
utang
-----12.Mas malaki ang gastusin sa
military kaysa sa agrikultura. -----
13.Maraming produkto ang hindi kayang
bilhin ng mamamayan. ----14.Maraming
mag-aaral ang hindi na kayang pag-
aralin ng kanilang mga magulang
-----15.Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.

Aralin 4 Dahilan at
Bunga/Epekto ng
Implasyon
Balikan

Gawain 1- BASA-SURI

Suriin ang mga sitwasyon. Tukuyin kung ito ay


Demand-Pull o Cost-Push Isulat ang sagot sa inyong
sagutang papel.

_________1.Pinaglalaanan ng ating lokal na


pamahalaan ang pagbibigay ng mga gamit
pang eskwelahan tuwing unang buwan ng
pasukan. _________2.Lumobo ang presyo ng
harina na siyang isang mahalagang sangkap
ng tinapay.
_________3.Ang patuloy na pag-aangkat ng mga
sangkap pamproduksyon ay nagpa- pababa ng
halaga ng piso.
_________4. Pagkakaroon ng labis na dami ng
suplay ng salapi sa sirkulasyon. _________5.
Pagdami ng kabuuang demand kaysa
kabuuang suplay. _________6. Pagtaas ng
presyo ng langis sa merkado.
_________7.Ang lahat ng sektor ng ekonomiya ay may
kani-kanilang demand sa lahat ng uri ng produkto
at serbisyo.
_________8.Paghahangad ng malaking tubo ng mga
negosyante mula sa kanilang mga paninda.
_________9.Mataas na gastos pamproduksyon.
________10.Ang pagkakaroon ng labis na
salapi ng mga tao ang nagtutulak sa mga ito
na makabili ng mga produkto at serbisyo.

Tuklasin
Gawain 2: LARAWAN–SURI Suriin ang mga
larawan. Ibahagi ang pananaw na nabuo
mula dito.
Pinagkunan
http://www.imagestock.com/directory/i/industrial_rmarket.asp
,http://www.imagestock.com/ directorywelga _asp,
http://www.imagestock.com/ibon _asp. Retrieved on July 14,
2014
Pamprosesong Tanong:
1. Paano maiuugnay ang mga
larawan sa konsepto ng
implasyon? 2. Ano ang maaaring
ibunga ng sumusunod na larawan?
3. Ikaw bilang isang mag-aaral, ano ang maaari
mong imungkahi bilang iyong ambag sa pagharap
at pagtugon sa epekto ng implasyon sa ekonomiya?

Suriin
Ang implasyon ay hindi dapat katakutan sa lahat
ng pagkakataon.May mga panahon na ang
implasyo ay tanda lamang ng pagbuti ng
ekonomiya ng isang bansa.Ngunit sa isang
bansang tulad ng Pilipinas,ang implasyon ay
nagpapahirap lamang sa mga mamamayan lalo
na sa mahihirap na pamilya.
Mga Dahilan ng Implasyon

1. Demand – pull
o kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta
ang : ( aggregate demand) ▪ sambahayan,
▪ bahay-kalakal,
▪ pamahalaan
▪ panlabas na sector
o nagkakaroon ng shortage sa pamilihan
o nagkakaroon ng labis na salapi sa sirkulasyon kung
kayagt lumalaki ang demand
2. Cost-push
o pagtaas ng mga gastusing pamproduksiyon gaya ng :
▪ pagtaas ng pasahod
▪ maaaring mangyari kung tataas ang presyo
ng mga inputs o hilaw na materyales o
sangkap sa produksiyon
▪ paggamit ng makabagong teknolohiya
Ang iba pang magagawa ng pamahalaan upang malutas ang
implasyon
Dahilan Bunga Solusyon

1.Labis na salapi sa 1.Pagtaas ng demand 1.Tight money policy


sirkulasyon

2.Mataas na gastos 2.Pagbaba ng suplay 2.Pataasin ang


sa produksiyon produk- siyon

3.Export orientation 3.Kakulangan ng 3.Bigyan ng


suplay sa local na prayoridad ang local
pamilihan na pamilihan

4.Import dependent 4.Pagdagsa ng 4.Linangin ang local


produktong dayuhan na pinagkukunan

5.Monopolyo/kartel

rol ang presyo 5.Sugpuin


at parusahan

6.Middlemen 6.Pagdagdag ng 6.Pagtatakda ng


halaga ng produkto price control

7.Badyet sa pambayad 7.Hindi nagagamit sa 7.Paglalaan ng maliit


ng utang produktibong na bahagi ng badyet
industriya

8. Gastos ng militar 8. Hindi lubusang 8. Gamitin sa


napa pakinabangan pagpapa unlad ng
ng agrikultura
mamamayan
Sinasabi ng ilang ekonomista na ang pagtaas ng
presyo ay tanda lamang ng unti unting pag-unlad
ng produksyon at ekonomiya.Ito ang humuhikayat
sa negosyante na pagbutihin at pataasin ang
produksyon.Maaari nating makita sa isang paikot
nadaloy ang epektong ito ng implasyon.
Kapag maraming negosyante ang naganyak na
magtayo ng negosyo,ito ay maka tutulong upang
mabawasan ang kawalan ng trabaho sa ating
bansa dahil ang ma raming negosyo ay
nangangahulugan ng maraming
manggagawa.Ngunit dahil sa mataas ang presyo
ng mga produkto,nangangahulugan na mataas na
pamumuhu nan ang kailangan sa pagtatayo ng
mga negosyo. Ang pangangailangan sa pamu
muhunan ay dapat matugunan upang hindi
humantong sa pagsasara ng mga pa gawaan na
maaaring maging dahilan ng kawalan ng trabaho
para sa mga mangga gawa.

EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN


Mga Nakikinabang Halimbawa
sa implasyon

Mga umuutang Ang mga umutang ay may 10% interes sa


kanilang hiniram na pera. Ang ibinayad ng
nangutang kasama ang interes ay Php1,000.
Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng
buong ibinayad ay Php935 lamang kaya siya ay
nakibang.

Mga negosyante/ Retailer ng gasolina ang isang tao at marami


may ari ng kompanya siyang imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng
gasolina, tataas ang kaniyang kita nang hindi
inaasahan.

Mga speculator at Mga real estate broker, nagtitinda ng mga


mga negosyanteng alahas ,at iba pa na nag- speculate na tataas ang
may malakas ang presyo sa hinaharap.
loob na
mamuhunan.

Mga Taong Nalulugi Halimbawa


Mga taong may Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk,
tiyak nakita nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita
bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa
pagtataas ng presyo. Ang dating dami na kanilang
nabibili ay nababawasan dahil bumababa ang
tunay na halaga ng salapi.

Ang taong nagpautang ay umaasa na kikita ng


10% interes sa kaniyang pinahiram na pera. Ang
ibinayad ng nangutang kasama ang interes ay
Ang mga taong Php1,000. Ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang
nagpapautang halaga ng kaniyang tinanggap ay Php935 lamang
kaya siya ay nalugi.

Mga taong nag-iimpok Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang


inimpok sa bangko ay mas maliit kompara sa
antas ng implasyon. Ang real value o tunay na
halaga ng salaping nasa bangko ay bumababa
bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa
interes.
Kung may Php10,000 na nakadeposito ang isang
tao at may 15% interes sa loob ng isang taon, ang
kaniyang pera ay magiging Php11,500. Ngunit
kapag nasabay ito sa panahon na may 20% ang
antas ng implasyon, ang tunay na halaga na
lamang ng kaniyang pera ay Php9,500, mas
mababa sa dating halaga nito na Php 10,000.

Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS).


(n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS., Balitao, B., Ong, J.,
Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks:
Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City, Philippines: Vibal
Publishing House, Inc.

Pagyamanin

Higit 50 pangunahing
bilihin tumaas ang
presyo
By Rhommel BalasbasFebruary 20, 2019 - 04:20 AM

6
Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng higit sa
limampung pangunahing bilhin batay sa bagong
listahan ng suggested retail price (SRP) ng
Department of Trade and Industry (DTI).
Ilang brands ng sardinas ang nagtaas ng P0.40 hanggang P1.30.
Ang mga condensed at evaporated milks ay
nagmahal din ng P0.50 hanggang P1.20. Pati ang
mga pampalasa at condiments tulad ng asin, suka,
patis at toyo ay nagtaas ng mula P0.30 hanggang
P2.20.
Ang ilang brands ng sabong panlaba ay nagmahal din ng P0.75.
Paliwanag ni DTI Assistant Director Lilian Salonga, ang
pagtaas sa presyo ng ilang mga bilihin ay dahil sa
pagtaas ng presyo ng raw materials.
Halimbawa anya sa sardinas, ang pangunahing
sangkap na isdang tamban kasama ang iba pang
ingredients ay tumaas ng 35 percent hanggang 37
percent. Umabot umano sa seven percent ang itinaas
ng presyo ng pangunahing bilihin ngayong buwan ng
Pebrero
Sinabi ni Salonga na tinitiyak naman ng DTI na
makatwiran ang ipinatutupad na price adjustments.
Pinagkukunan:https://radyo.inquirer.net/164563/higit-50-

pangunahing-bilihin-tumaas-ang-presyo Pamprosesong

Tanong:

1.Ano ang pangunahing nilalaman ng balita?


2.Bakit tumaas ang presyo ng mga bilihin?
3.Alin sa dahilan ng implasyon napabilang ang
pagtaas ng ilang pangunahing bilihin sa pamilihan
batay sa ulat?
4.Paano mo mabigyan ng paraan ang pagtaas ng ilang
produkto na iyong kailangan sa araw-araw?

Gawain 3: MAG-SURVEY TAYO

Magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral sa Ikaapat


na Taon tungkol sa mga posibleng maiaambag ng
isang mag-aaral upang makontrol/mapangasiwaan
ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Gamit ang
mga sitwasyon na nakalista sa ibaba, sasabihan
ang mga mag-aaral na pagsunod-sunurin ang mga
ito ayon sa kanilang pananaw at paniniwala mula
sa pinakauna hanggang sa pinakahuli. Isulat ang
bilang na 1 bilang una na susundan ng 2, 3
hanggang sa pinakahuling bilang.Gumawa ng ulat
tungkol sa nakalap na impormasyon.
_____pag-iimpok sa natirang baon
_____pag-aayos ng lumang gamit upang muling magamit

_____pagkukumpuni ng mga sirang


kasangkapan sa paaralan at sa tahanan
_____iwasan ang pag-aaksaya ng koryente sa
tahanan maging sa paaralan matutong
magbadyet
_____pagnanais na makabili ng
maramihang bilang ng produkto
_____pagsasaayos ng prayoridad
sa paggastos
_____pagbili ng mga produktong gawang Pilipino
_____paglalaan ng tamang oras sa paggamit
ng kompyuter at iba pang gadyet
_____pagnanasa na makapagtabi sa bahay ng
maraming dayuhang salapi _____maayos na
paggamit sa mga pampublikong pasilidad

Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang naging pangkalahatang resulta ng
nakalap na impormasyon? 2.Batay sa nakuhang
impormasyon, masasabi mo bang bukas ang isipan
ng mga mag-aaral na makatulong sa paglutas ng
suliranin ng implasyon? Pangatwiranan. 3.Paano
tinanggap ng mga mag-aaral ang mga mungkahing
paraan upang makatulong at
makapag-ambag sa paglutas ng
suliranin ng implasyon?

Isaisip

Mahalagang pag-aralan ang implasyon dahil ito ay


nakaaapekto sa paikot na daloy ng pera sa
ekonomiya. Kung mabilis ang pagtaas ng presyo,
mapipilitan ang sambahayan na magbawas ng
paggasta. Mangangahulugan ito ng pagliit ng kita
ng bahay kalakal. Kung gayon, may epekto rin ang
implasyon sa pagpapasya tungkol sa pag-iimpok,
pamumuhunan, antas ng buwis, at paggasta ng
pamahalaan.

Tandaan:

1.Ito ay isang economic indicator upang sukatin


ang kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa
2.Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng
presyo ng mga bilihin sa pamilihan 3.Ito ay
isang suliranin na kinakaharap ng maraming
bansa sa daigdig Ang Batayan ng Implasyon
ay ang mga sumusunod:

A)Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming


salapi para makabili lamang ng iilang produkto
B)Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas
C)Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi;at
D)Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas

Isagawa
GAWAIN 4: SAMA-SAMA TAYO

Matapos ang masusing pagtalakay sa implasyon,


inaasahang naunawaan mo kung paano ito
nakaaapekto sa buhay ng tao. Bawat isa ay may
responsibilidad na makapag-ambag upang
mapamahalaan ang pagtaas ng presyo. Gumawa ng
isang komitment bilang isang mag-aaral kung
paano makapag-aambag na mapamahalaan ang
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Maging malikhain
sa paggawa ng komitment at maaaring ipaskil sa
loob ng paaralan ang mga output upang maipabatid
sa mga kamag-aral ang komitment na ginawa.
Rubric Sa Pagmamarka Ng Komitment
Kriterya Napakahusa Mahusay Hindi Nakuha
y (5 (3 Puntos) Mahusay ng
Puntos) (2 Puntos) Puntos

Kaalaman Naibabahagi Nailalahad ang Hindi mali


sa Paksa ang maaaring wanag ang
(5pts) maaaring ambag upang paglalahad
maiambag mapamahalaa ng
sa n ang maaaring
pamamahal pagtaas ng maiambag
a presyo sa pagtaas
ng pagtaas ng
ng presyo presyo

Mensahe Malinaw at Di-gaanong Di angkop


(5pts) maayos ang malinaw ang ang
paglalahad paglalahad paglalahad

Malikhain Napakagali Magaling ang Hindi


(5pts) ng ng pagkakagawa/ maayos
pagka lik ha ng ang
kagawa/ desinyo ng pagkakagaw
likha ng komitment a ng
desinyo ng desinyo ng
komitment komitment

Total=15 pts Kabuuang Puntos


Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti
ang sumusunod na sitwasyon at
tukuyin kung epekto/bunga o dahilan
ng implasyon.Isulat ang E
kung bunga/epekto at D para sa dahilan. Isulat ang
sagot sa inyong sagutang papel. ----1. Pagsasara ng
maraming pagawaan
----2. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang
napupunta sa pambayad-utang ----3. Mataas
na interes ang ipinapataw sa mga utang.
----4. Kawalan ng katatagan sa pulitika ng bansa.
----5. Maraming mag-aaral ang hindi na
kayang pag-aralin ng kanilang mga
magulang
----6. Pagtaas ng halaga ng dolyar.
----7. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng
mamamayan.
----8. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
----9. Pagtaas ng gastusin sa produksyon
----10.Pabagu-bagong patakarang pang-ekonomiya ng
pamahalaan.
----11.Pagkakaroon ng hidwaan ng mga
bansang nagluluwas ng langis. ----
12.Kawalan ng kakayahan ng maraming tao
na makabili ng pangunahing
pangangailangan.

----13.Karamihan sa mga tao ay


nawawalan ng interes na mag-impok sa
bangko.
----14.Pagtaas ng buwis na sinisingil
sa mga negosyante at prodyuser. ----
15.Paghingi ng dagdag sa sahod ng
mga manggagawa.

Karagdagang Gawain

Gawain 5: I-KONEK MO
Sa puntong ito, maaari mo nang sagutan ang unang kahon na
Alam ko, ikalawang kahon ng Nais kong Matutuhan at ang
ikatlong kahon na Natutuhan ko.
.
nay ng implasyon?

10

Susi Sa Pagwawasto
15.E
Paunang Pagtataya
14.E
13.E.
1.D
12.D.
2.E
11.D
3.E
10.D
4.D
9.D
5.D
8.E
6.D
7.D
7.D
6.D
8.E
5.D
9.D
4.D
10.D
3.E
11.D
2.E
12.D
1.D
13.E
14. E
15.E Paunang Pagtataya

15.E
Panghuling Pagtataya

13.D
1.E
12.E
2.D
11.D
3.E
10.D
4.D
9.D
5.E
8.D
6.D
7.E
7.E
6.D
8.D
E. 5
9.D
4.D
10.D
3.E
11.D
2.D
12.E
1.E
13.D
14.D
15.E Panghuling
Pagtataya
Balikan
ull P- emand D. 1
Gawain 1
ush ost P 9

ush P- ost 8
1.Demand-Pull
ull P- emand 7
2.Cost-Push
ush P- ost 6
3.Cost-Push
Pull - emand 5
4.Demand-Pull
Pull - emand 4
5.Demand-Pull
ush P– ost 3
6.CostPush
7.Demand-Pull
ush P- ost 2
8.Cost-Push
ull P- emand D
9.Cost-Push
10.Demand-Pull
Gawain
Balikan

11

Mga Sanggunian

Mga Aklat
1.Ekonomiks,Araling Panlipunan,Modyul para sa Mag-
aaral
Unang Edisyon 2015

2.Kayamanan IV Workteks
Unang Edisyon 2005

Website:

https://radyo.inquirer.net/164563/higit-50-
pangunahing-bilihin-tumaas- ang-presyo
12

13

You might also like