You are on page 1of 22

8

Araling Panlipunan
Quarter 2 – Module 4:
Ang Simbahang Katoliko: Isang
Makapangyarihang Institusyon
sa Gitnang Panahon at
Ang Krusada
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 – Module 4: Ang Simbahang Katoliko: Isang Makapangyarihang
Institusyon sa Gitnang Panahon at Ang Krusada
First Edition, 2020

Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module

Writer: Glaiza Q. Magriña

Reviewers: Norebel A. Balagulan, PhD Alging S. Lloren, PhD


Elvira Ruvi U. Camoamo

Evaluator: Ricardo Vidad

Illustrator & Layout Jay Michael A. Calipusan, PDO II


Artist:

Management Team:

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS-AraPan


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 2 – Module 4:
Ang Simbahang Katoliko: Isang
Makapangyarihang Institusyon sa
Gitnang Panahon at Ang Krusada
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita ................................................................................................................ i
Alamin .............................................................................................................................. i
Pangkalahatang Panuto ................................................................................................. i
Mga Icons ng Modyul ...................................................................................................... ii
Subukin............................................................................................................................ iii

Aralin 1: Pagbagsak ng Imperyong Roman


Alamin.................................................................................................................. 1
Pagbagsak ng Imperyong Romano ........................................................... 1
Suriin ….. ............................................................................................................. 2
Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan .................................... 2
Pagyamanin ………………………………………………………………………………2
Gawain 1: Halina’t Sagutan! ....................................................................... 2
Isagawa ……………………………………………………………………………………3
Gawain 2: Sagutan Mo!.............................................................................. 3

Aralin 2: Uri ng Pamumuno sa Simbahan at ang mga Monghe


Alamin................................................................................................................... 4
Suriin ………… ..................................................................................................... 4
Pinuno/Papa at Paraan ng Pamumuno ...................................................... 4
Pamumuno ng mga Monghe ....................................................................... 5
Pagyamanin ............................................................................................................ 6
Gawain 1: Pamumuno Ko, Nagawa Ko! ....................................................... 6
Isaisip. .................................................................................................................... 6
Gawain 2: Tara’t Ating Gawin! ...................................................................... 6

Aralin 3: Ang Holy Roman Empire at Ang Krusada


Suriin.. .................................................................................................. ……………7
Ang Holy Roman Empire .............................................................................. 7
Ang Krusada ............................................................................................. 8
Pagyamanin ............................................................................................................ 10
Gawain 1: Sariwain ang mga Pangyayari .....................................................10
Isaisip. .................................................................................................................... 10
Gawain 2: Pag-isipan Mo! ........................................................................... 10

Buod ........................................................................................................................... 11
Pagtatasa ..................................................................................................................... 12
Susi sa Pagwawasto .................................................................................................... 13
Sanggunian .................................................................................................................. 14
Paunang Salita
Isinulat ni Jeanette Winterson ang mga katagang: “In the space between chaos and
shape there was another chance”. Nangangahulugan ito na ang bawat kaguluhan at
pagbagsak ay may kaagapay na panibagong pagkakataon. Marahil pagkakataon para
bumangon, pagkakataon para muling umunlad. Sa pagitan ng pagbagsak at pagbangon ay
isang mahalagang pangyayaring maaaring ituring na transisyon. Ikaw, sa buhay mo, ano ang
maituturing mong mahalagang transisyon?
Pagtutuunan sa Modyul na ito ang mga pangyayari sa Gitnang Panahon. Sa pagitan
ng sinauna at makabagong panahon, ano nga ba ang naganap sa kasaysayan ng mundo
partikular na sa Europe? Ano ang epekto ng mga pangyayaring ito sa pagpapalaganap ng
pandaigdigang kamalayan? Halina’t iyo itong tuklasin.

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang


sumusunod na kasanayang pangkatuto.

 Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng


Simbahang Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang
Panahon (AP8DKT-IIg10)
 Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa
pagkakabuo ng “Holy Roman Empire” (AP8DKT-IIg-11)
 Naipapaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga
Krusada sa Gitnang Panahon (AP8DKT-IIh-12)

Pangkalahatang Panuto:
Ito ang magiging gabay sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang mga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

i
Mga Icon ng Modyul na ito

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa.
Naglalaman ito ng mga katanungan upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

ii
Subukin

Upang ating masukat kung ikaw ay may dating kaalaman tungkol sa ating
bagong paksa, maaari ay kumuha ng isang buong papel at sagutan ang ating panimulang
pagtataya.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang kinikilalang kataas-taasang pinuno ng Simbahang Katoliko


sa Kanlurang Europe?
A. Kardinal C. Pastor
B. Papa D. Presidente
2. Sino ang nagbigay-diin sa Petrine Doctrine?
A. Papa Leo the Great C. Papa Gregory II
B. Papa Gregory I D. Michaelangelo
3. Si ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari sa Panahong
Medieval. Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa
Imperyong Roman.
A. Charles the Great C. Pepin the Short
B. Cyrus the Great D. Francesco Petrarch
4. Sa panahon ng kaguluhan bunsod ng pagbagsak ng Imperyong Roman at pananalakay
ng mga tribung barbaro, ano ang naging kanlungan ng mga tao?
A. Monasteryo C. Pamahalaan
B. Simbahan D. Paaralan
5. Ito ang banal na pook na pinag-aagawan ng mga relihiyosong Europeo laban sa mga
Turkong Muslim.
A. Israel B. Egypt C. Jordan D. Jerusalem

iii
Aralin
Pagbagsak ng Imperyong
Romano
1
Alamin

Basahin at Matuto
Sa puntong ito, matutukoy natin ang tungkol sa mga dahilan ng pagbagsak ng
Imperyong Romano at kung papaano naging malakas ang simbahan.
Basahin at suriin ang sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong na nasa kahon
kaugnay ng tekstong iyong binasa.

Pagbagsak ng Imperyong Romano


Isa sa mga dahilan ng paglakas ng kapangyarihan ng simbahan
katoliko at Santo Papa ay ang pagbagsak ng Imperyong Romano noong 476
CE. Naging mahina ang pamahalaan at hindi maganda ang pamumuhay ng
mga tao sa Roma. Tuluyan itong bumagsak sa kamay ng mga barbaro, ngunit
ang simbahang kristiyano ang hindi pinakialaman ng mga barbaro.
Bumaling ang mga mamamayan sa simbahan at binigyan-diin nila ang
paniniwala sa kaluluwa at ikalawang buhay at naging kanlungan nila ang
simbahan. Di kalaunan, nahikayat ang mga barbaro sa kapangyarihan sa
simbahan sa pamamagitan ng pagpapabinyag at maging tapat sa kaanib na
pari.

Gabay na Tanong:
1. Ano-ano ang mga dahilan sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
2. Paano nakaimpluwensiya ang Simbahan sa panahon ng pagbagsak ng
Imperyong Romano?

1
Suriin

Basahin at Matuto
Sa puntong ito, matutukoy natin kung papaano naging matatag at mabisa ang
organisasyon ng simbahan.

Matatag at Mabisang Organisasyon ng Simbahan


Nagkaroon ng mabisang organisasyon ang mga lider ng simbahan mula sa
simpleng presbyter, lumilitaw ang mga pari at obispo. Namumuno ang obispo sa bawat
lungsod at nasa ilalim ng obispo ang mga pari sa mga lungsod ng parokya. Nagkaroon ng
malawakang paglaganap ang simbahan patungo sa lalawigan at doon sumasangguni ang
mga pari sa obispo tungkol sa gawaing espiritwal, pangkabuhayan at edukasyon. Siya rin
ang namamahala sa kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Ang mga obispo na tinatawag na Arsobispo ay nakatira sa malalaking lungsod na
naging sentro ng kristiyanismo. Ang isang Arsobispo ay may kapangyarihan sa obispo sa
ilang karatig na maliliit na lungsod. Ang Santo Papa ang pinakataas-taasang pinuno ng
Simbahang Katoliko na nakatira sa kanlurang Europa, sa Roma, at nabibilang din ang
Papa sa mga Arsobispo, obispo at mga pari ng mga parokya.
Ang pagpili ng Santo Papa nagsimula noong ika-11 na siglo ng mga Kolehiyo ng
mga Kardinal sa pamamagitan ng palakpakan at depende kung sino ang gusto ng Kardinal
at doon sa konseho ng Lateran pinagpasyahan ng mayorya ang paghalal ng Papa noong
1719.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan –
Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014, ISBN:978-971-

Pagyamanin

Gawain 1: Halina’t Sagutan!


Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang Gawain na susukat sa iyong
natutunan tungkol sa paksang tinalakay.

Panuto: Ilarawan ang tungkulin ng mga sumusunod. Isulat ito sa iyong


sagutang papel.
Pari -
Obispo-
Arsobispo-

2
Isagawa

Gawain 2: Sagutan Mo!


Panuto: Punan ang hinihiling sa talahanayan. Isulat sa sagutang papel.

Pagbagsak ng Imperyong Romano


Dahilan sa Pagbagsak ng Imperyong Dahilan sa pagkahati ng lipunan ng
Romano Imperyong Romano

3
Aralin
Uri ng Pamumuno sa
2 Simbahan at ang mga Monghe

Alamin

Maraming mga naging pinuno ng Simbahan ang nakatulong sa pagpapalakas ng


pundasyon ng Simbahang Katoliko Romano at Kapapahan. Kasali na nito ang pamumuno ng
mga Monghe. Sila ay isang pangkat na nilisan ang makamundong pamumuhay at naninirahan
sa matahimik na monasteryo at nanalangin.
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Masusuri ang uri ng pamumuno sa simbahan;
 Matutukoy ang mga pinuno/papa na may maraming naiambag sa pamumuno
sa simbahan;
 Maisasalarawan ang sitwasyon ng mga monghe sa kanilang pagtalikod sa
makamundong pamumuhay at ang kanilang pagtira sa mga monasteryo;
 Matutukoy ang mga gawain ng mga monghe sa loob ng monasteryo; at
 Maisasalarawan kung paano naging makatarungan ang pamumuno ng mga
monghe sa Kanlurang Europa.

Suriin

Basahin at Matuto
Nalaman mo sa naunang modyul ang tungkol sa mga namumuno sa simbahan.
Ngayon, mas lalo nating pag-aralan ang kanilang mga ambag sa kabihasnan. Basahing
mabuti ang teksto sa ibaba at bigyang pansin ang kanilang nagawa sa kanilang pamunuan.

Pinuno/ Papa Paraan ng Pamumuno


Constantine the  Nagpatawag ng Konseho ng Nicaea, ang unang ecumenical
Great (280–337) council ng simbahang Kristiyano, na nagpupulong sa
sinaunang Nicaea (ngayon ay İznik, Turkey) upang magkaisa
ang buong imperyo ng Roma at ang Simbahan.
 Itinatag at pinalakas ang Konseho ng Constantinople at
nagkaroon ng iba’t-ibang uri ng mga obispo sa lahat ng
malalaking lungsod ng Imperyo. Ang Roma ang piniling
pangunahing diosesis at nakikilala ang Obispo ng Roma na
pinakamataas na pinuno ng simbahan na tinatawag na Santo
https://www.thefamouspeople.com/profiles/i
mages/ constantine-the-great-4.jpg Papa.

4
Papa Leo the  Ang Petrine Doctrine ay binibigyang-diin sa kanyang panahon
Great (440-461) na kung saan ang Obispo ng Rome ang tunay na tagapagmana
ni San Pedro at pinuno ng kristiyanismo. Ang emperador ng
kanlurang Europa ang nag-utos na kilalanin ang
kapangyarihan ng Obispo sa Roma at mula noon kinilala ng
buong kanlurang Europa ang Papa sa mga kristiyano.
Itinatanggi naman ang pagkapinuno ng Santo Papa ng taga
https://www.catholicireland.net/
Silangang Europa hanggang sa panahong ito.
wp-content/uploads/2012/11
/leo-the-great-3.jpg

Papa Gregory I  Ibinuhos niya ang kanyang buong kakayahan sa paglilingkod


(540-604) sa Simbahan sa buong kanlurang Europe.
 Sa kanyang panahon, natamo ang sukdulang
pagpapalaganap ng kristiyanismo sa mga lugar ng mga
barbaro at tagumpay na maipalaganap ang kristiyanismo sa
kanlurang Europa. Dito rin nagsimula ang pagpapadala niya
ng mga misyonero sa lugar ng England, Ireland, at Scotland
na sumasampalataya ng Kristiyanismo.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Papa
_Gregorio_I

Papa Gregory VII  Sa kanyang panahon naganap ang labanan ng


(1025-1085) kapangyarihang secular at eklesyastikal ukol sa “power of
investiture” o karapatan magkaloob ng tungkulin sa mga
tauhan ng simbahan na nagsimula pa sa panahon ni Haring
Henry IV (1050-1106) ng Germany. Dito itiniwalag si Haring
Henry IV sa simbahang Katoliko at gumanti na ipatalsik ang
Papa Gregory VII. Pero kalaunan, sumuko si Haring Henry at
humingi ng kapatawaran sa Papa at binawi ang pagtitiwalag
nito.

https://prabook.com/web/pope_g
 Sa kanyang pamumuno sa Simbahan, ang karapatan ng mga
regory.vii/3732904 pinunong secular na magkaloob ng kapangyarihan sa pinuno
ng Simbahan ay tinanggal niya.
Halaw sa Kasaysayan ng Daigdig, araling Panlipunan – Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon 2014,
ISBN:978-971-9601-67-8, pahina 233-234

Pamumuno ng mga Monghe


Mga Gawain ng mga Monghe. Masigasig ang mga monghe sa pangangalaga
nila sa mga karunungang klasikal ng mga sinaunang Griyego at Romano. Ang lahat ng
mga libro sa monasteryo ay iniingatan nila sa aklatan at gumagamit sila ng balat sa hayop
dahil hindi pa natuklasan ang palimbagan ng mga papel. Napangalagaan hanggang sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng pagsisikap nila, ang mga kaalaman tungkol sa sinauna
at panggitnang panahon. Nakatulong sa lawak ng katanyagan at kapangyarihan ng
Simbahan sa ilalim ng pamumuno ng Papa ang makatarungang pamumuno ng mga
monghe sa kanlurang Europe.
Maganda ang pakikitungo ng mga Monghe sa mga tao sa paraan ng pagpapakain
sa mga mahihirap sa monasteryo, inaalagaan ang mga maysakit at tinulungan na
makaligtas sa mga kalaban. Nagtatag ang simbahan ng mga paglilitis sa hukuman para
sa nagkasala na kinakasangkutan ng mga pari at karaniwang tao. Dahil dito nahikayat
ang mga tao na sumunod sa kautusan at kaayusan ng pamumuno ng simbahan.
5
Isa sa mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga monghe ay ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa panig ng kanlurang Europa.
Napasampalataya nila ang mga barbarong Visogoth sa Spain, ang Anglo-Saxon sa
England at Ireland at higit sa lahat, naging martir si St. Francis Xavier na tinaguriang
Apostol ng Asya at dito nagsimula ang pagpalaganap ng kristiyanismo sa utos ng
Papa.

Pagyamanin
Gawain 1: Pamumuno Ko, Nagawa Ko!
Sa puntong ito, susuriin natin ang mga nagawa at paraan ng pamumuno ng mga
pinuno ng simbahan.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na gawain sa iyong kwaderno.

Papa/Pinuno Paraan ng Pamumuno Mga Nagawa

Constantine the Great

Papa Leo the Great

Papa Gregory I

Papa Gregory VII

Isaisip
Gawain 2: Halika at Pag-isipan Mo!
Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang gawain na susukat sa iyong
natutunan tungkol sa ating paksa.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong sagutang papel.

 Batay sa mga tekstong nabasa, ano ang pangunahing papel na ginampanan ng


simbahan noong Gitnang Panahon? Patunayan.

 Bakit madaling nahikayat ng Simbahan ang mga pangkat barbaro na yakapin ang
Katolisismo?

 Paano nagkakatulad ang papel na ginampanan ng Simbahan sa kasalukuyan sa


gampanin nito noong Panahong Medieval? Ipaliwanag.
6
Aralin
Ang Holy Roman Empire
3 at Ang Krusada

Suriin

Basahin at Matuto
Sa puntong ito, matutukoy natin ang tungkol sa pagsulong ng Holy Roman Empire,
mga dahilan ng pagbagsak ng Imperyong Romano at ang mga dahilan at papaano naibunsod
ang Krusada.
Ang Holy Roman Empire
481- Sa pamumuno ni Clovis (466-511) ang iba-ibang tribung Franks ay pinagkaisa
at sinalakay ang mga Roman.
496- Si Clovis at ang kanyang buong sandatahan ay naging Kristiyano.
511- Yumao si Clovis at pinaghatian ng kanyang mga anak ang kanyang kaharian
687- Ang tribung Franks ay pinamunuan ni Pepin II (namuno 687-714)
717- Humalili si Charles Martel (688-741) sa kanyang ama na si Pepin II
751- Hinirang bilang Hari ng mga Franks sa halip na Mayor ng Palasyo si Pepin the
Short (714-768) na anak ni Charles Martel
Nagsikap si Charles Martel na Mayor sa palasyo na pag isahin ang France para
hindi na sakupin ang kanlurang Europa. Ang pinakaunang hari ng France na nahirang ay
si “Pepin the Short” at noong 768 ay humalili sa kanya ang anak na si Charlemagne o
Charles the Great (747-814) na pinakamahusay na hari sa gitnang panahon ng Europa.
Sa edad 40, ay hinirang niya si Alcuin (732-804) upang magturo sa lahat ng wika at
inimbita din niya ang ibang opisyal upang sanayin ang mga pari at opisyal ng pamahalaan.
Sa kanyang panahon sinakop ang Lombard, Muslim, Bavarian at Saxon at ginawang
kristiyano.
Habang nagdidiriwang ng pasko ang imperyo noong 800 ay kinoronahan si
Charlemagne bilang emperador ng Banal na Imperyong Romano (Holy Roman Empire).
Sa pamamayagpag ng imperyo, binigyan ng pagkakataon ang mga iskolar na
mangangalaga sa kulturang Graeco-Romano.
Nang namatay si Charlemagne noong 814, pumalit sa kanya si Louis the Pious
(778-840). Nabigo siyang mapanatili ang imperyo dahil sa paglaban ng mga maharlika.
Hinati ng kanyang tatlong anak ang imperyo sa pamamagitan ng Kasunduan ng Verdun
noong 841 sa pagkamatay niya. Ang France ay napunta kay Charles the Bald (823-877);
ang Germany kay Louis the German (804-876); at kay Lothair I (795-855) ang Italy. Sa
paghiwahiwalay ng imperyo, nahirapan ang mga haring Carolingian sa pagpigil sa mga
maharlika at muli ay lumusob ang mga Viking, Magyar at Muslim. Humina ang mga hari
nang namayani sa Europe ang mga maharlika. Ang piyudalismo, isang sistematikong
sosyo-ekonomiko, politiko at militarya, ay nagsimula.
7
Ang Krusada
Nagkaroon ng krusada dahil sa panawagan ni Pope Urban II (1035-1099) noong
1095 dahil sa pagsalakay ng mga Turkong Muslim sa banal na pook ng Jerusalem. Inilunsad
ng Kristiyanong Europeo ang ekspedisyong militar na ito. Humingi ng tulong ang Emperor
ng Byzantine sa Papa ng Roma dahil sa pagtangkang salakayin ang Byzantine. Hinimok ng
Papa ang mga kabalyero at pinangakuhang bigyan ng malalawak na lupain, pumili bilang
fief at patawarin ng kanilang mga kasalanan kung sumali sa krusada.

Unang Krusada (1095-1099)

Tagumpay ang unang krusada na pinamumunuan ng mandirigmang Pranses at mga


kabilang sa “nobility”. Tagumpay na nabawi ang Jerusalem noong 1099 ng may 3000 na
kabalyero at 12000 na mandirigma at nagtatag malapit sa Mediterranian ng Estadong
krusador. Pero di kalaunan pagkatapos ng limang taon sa pananatili, sinalakay muli sila ng
mga muslim.

Ikalawa Krusada (1147-1149)

Ang ikalawang krusada ay pinangaral ni St. Bernard ng Clairvaux (1090-1153). Ito ay


pinamunuan nina Hari Louis VII (1120-1180) ng France at Emperor Conrad III (1093-1152)
ng Germany. May tatlong layunin ang krusada: maibalik ang Edessa, makipaglaban sa mga
muslim sa Espanya, at labanan ang paganong Wends sa baybayin ng Dagat Baltic. Nang
ito ay bumagsak, matinding pagkadismaya ang dulot nito. Naghahanap ng paliwanag,
bumaling si San Bernard sa Banal na Kasulatan at ipinangaral na ang Krusada ay nabigo
dahil sa pagiging makasalanan ng Europa.

Ikatlong Krusada (1189-1192)

Maraming balakid ang krusada, at isa na dito ang pagkalunod ni Frederick I (1123-
1190) habang sinusubukang lumangoy sa isang sapa. Ang kanyang pagkamatay ay
nagbawas sa moral ng hukbong Aleman. Itinuloy ang krusada sa pamumuno ng dalawang
hari na sina Richard I (1157-1199) at si Phillip II (1165-1223). Sa kalaunan, si Richard I na
lang ang nagpatuloy sa laban habang si Phillip II ay bumalik sa France dahil naramdaman
niyang natupad na ang panata sa krusada at hindi na malusog ang kanyang
pangangatawan. Nabigo mang makamit ang pangunahing layunin ng krusada, ang muling
pagkuha ng Jerusalem, sa ibang aspeto ito ay masasabing matagumpay.
Ikaapat na Krusada (1202-1204)

Ang ikaapat na krusada ang simula sa paghina ng ekspedisyong militar dahil sa


malaking eskandalo na naganap at mga pandarambong ng mga krusador. Nagtayo sila ng
sarili nilang pamahalaan hanggang pinatalsik sila ng Papa at tinatawag na “Excomunicado”.
Dahil dito tagumpay ang mga Muslim na makuha ang kuta ng kristiyanismo sa Arce.

Krusada ng mga Bata (1212)

Ang krusada ng mga bata ay pinamumunuan ng isang 12-taong gulang na si


Nicholas mula Cologne na naniwala na tinawag siya ni Kristo upang mamumuno sa krusada.
Siya ay umalis upang sagipin ang Jerusalem mula sa mga Muslim. Naniniwala siya na
kapag narating niya ang Mediteranean, patuyuin ng Diyos ang tubig upang makalakad siya
patungo sa Palestine. Maraming mga bata ang nahikayat na sumali pero sa matinding
pagkadismaya ng mga "Crusaders," ang dagat ay hindi bumukas para sa kanila, o

8
pinapayagan silang maglakad sa mga alon nito. Sila ay nagkahiwahiwalay, dahil marami
ang nanatili sa lugar upang magtrabaho ngunit marami rin ang namatay, nalunod,
nagkasakit, at ipinagbili bilang alipin.
Sa kabilang dako naman, sa Cloyes, isang maliit na bayan sa Pransya, si Stephen,
isang 12-taong-gulang na pastol, ay nagkaroon ng pangitain kay Jesus, na nakabihis bilang
isang peregrino at humingi ng tinapay. Matapos makatanggap ng tinapay mula sa bata,
binigyan siya ni Jesus ng isang sulat para sa hari ng Pransya.Tumungo siya sa Paris na
sinunod ng marami at doon matagumpay na ibinigay ang sulat kay Haring Philip Augustus
at umuwi pagkatapos niya itong magawa.

Iba pang Krusada

Ang iba pang krusada noong 1219,1224 at 1228 ay nabigong lahat sa pagbawi ng
Holy Land. Ang unang krusada lang ang tagumpay na nahawakan ang Jerusalem sa loob ng
100 na taon pero pagkatapos nabawi rin ito ng mga Muslim.
Resulta ng Krusada
May magandang naidulot ang krusada gaya ng napalaganap ang kalakalan at
komersiyo na siyang dahilan sa pag-unlad ng lungsod at mga daungan, at napalalim at
napayaman ang kulturang kristiyanismo.
Nanggaling ang salitang “Crusade” sa Latin na nangangahulugan na cross at ang
mga krusador ay gumamit ng simbolo ng krus sa kasuotan.
Ang krusada ay naglantad sa tunay na hangarin ng mga krusado at ito ay
makapaglalakbay at makapagkalakalan.

https://image.slidesharecdn.com/projectap-131017095805-phpapp02/95/krusada-12-638.jpg?cb=1382004060

9
Pagyamanin

Gawain 1: Sariwain ang mga Pangyayari


Sa puntong ito, magkakaroon tayo ng isang gawain na susukat sa iyong natutunan
tungkol sa paksang tinalakay.
Panuto: Punan ang hinihiling ng tsart na nasa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa
iyong sagutang papel.
Mga Krusada Pinuno Petsa Nagawa
Unang Krusada

Ikalawang Krusada

Ikatlong Krusada

Ikaapat na Krusada

Isaisip
Gawain 2: Pag-isipan Mo!
Panuto: Basahin at sagutin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang kahalagahan ng krusada sa kasaysayan ng daigdig?

2. Sa kasalukuyan, anong pangyayari ang maikukumpara sa naganap na krusada noong


Panahong Medieval?

10
Buod

 Natapos ang Sinaunang Panahon sa pagbagsak ng Imperyong Romano at pananalasa


ng iba’t ibang pangkat ng mga barbaro at pumasok ang pagsisimula ng Panahong
Medieval.
 Si Charlemagne o Charles the Great ang pinakamahusay na hari sa gitnang panahon
ng Europa. Siya ang namuno sa “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay
sa Imperyong Romano.
 Naging kanlungan ng mga tao ang Simbahan sa panahon ng kaguluhan bunsod ng
pagbagsak ng Imperyong Romano at pananalakay ng mga tribung barbaro.
 Isa sa mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga monghe ay ang pagpapalaganap
ng Kristiyanismo sa utos ng Papa sa panig ng kanlurang Europa.
 Ang magandang naidulot ng krusada ay napalaganap ang kalakalan at komersiyo na
siyang dahilan sa pag-unlad ng lungsod at mga daungan, at napalalim at napayaman
ang kulturang kristiyanismo.

11
Pagtatasa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.

1. Ang ay isang ekspedisyong militarya na inilunsad ni Pope Urban II noong 1095.


A. crusade B. revolution C. rebellion D. trade

2. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari ay
pinagkakalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispong kanyang
hinihirang bilang maging pinuno sa simbahan.
A. investiture
B. petrine doctrine
C. baptism
D. excomunicado

3. Sila ang mga pangkat ng mga pari na tumalikod sa makamundong pamumuhay at nanirahan
sa mga monasteryo upang mamuhay sa panalangin at sariling disiplina.
A. pastor B. sakristan C. monghe D. papa

4. Paano pinalakas ni Constantine ang kapapahan?


A. sa paglakas ng kalakalan
B. sa paglusob ng mga barbaro
C. sa pamamagitan ng konseho ng Constantinople
D. sa pagsasamantala ng malalakas na lokal na burgis

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may magandang naidudulot ng pag-unlad ng mga
bayan?
A. nakatulong ito sa paglago ng kalakalan
B. nakatulong ito sa pagsalakay sa mga karatig-bayan
C. nakatulong ito sa pagbibigay ng suporta sa mga mananakop
D. nakatulong ito sa paglago ng ekonomiya at pag-invest ng mga tao sa stock
markets

12
13
Pagtatasa: Panimulang
Pagsusulit:
1. A
2. A 1. B
3. C 2. A
3. A
4. C 4. B
5. A 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

A. Aklat

Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.

B. Module

Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 8: Ang Simbahang Katoliko


Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 3: Ang Daigdig sa
Panahon ng Transisyon: Mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng
Europe sa Panahong Medieval

C. Sanggunian sa Internet

Canstodlphoto.conm, “Preacher,” Accessed June 1, 2020, https://www.canstockphoto.


com/preacher-6569222.html

Thefamouspeople.com, “Constantine the Great,” Accessed June 2, 2020, https://www.


thefamouspeople.com/profiles/images/ constantine-the-great-4.jpg

Catholicireland.net, “Pope Leo the Great,” Accessed June 2, 2020, https://www.


catholicireland.net/wp-content/uploads/2012/11/leo-the-great-3.jpg

Wikipedia.org, “Gregory 1,” Accessed June 2, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/Papa_


Gregorio_I

Prabook.com, “Gregory VII,” Accessed June 2, 2020, https://prabook.com/web/pope_


gregory.vii/3732904

Slidesharecdn.com, “Crusade Route,” Accessed June 15, 2020, https://image.slidesharecdn.


com/ projectap-131017095805-phpapp02/95/krusada-12-638.jpg?cb=1382004060

14

You might also like