Professional Documents
Culture Documents
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan, Linggo 5 at 6 -
Modyul 7
Ang Paggawa Bilang Paglilingkod at Pagtaguyod
ng Dignidad ng Tao
Talaan ng mga Nilalaman
Mga Pahina
Alamin …………………………..........….................... 1
Subukin …………………………..........….................... 2
Balikan …………………………..........….................... 3
Tuklasin …………………………..........….................... 3
Linangin …………………………..........….................... 3
Suriin …………………………..........….................... 4
Pagyamanin …………………………..........….................... 8
Isaisip …………………………..........….................... 9
Isagawa …………………………..........….................... 9
Buod …………………………………………………..10
Tayahin …………………………..........….................... 11
Sanggunian …………………………………………………. 13
Pangkalahatang Ideya ng Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa lipunan
at paggawa bilang paglilingkod tungo sa tamang pagpili ng kurso o hanapbuhay na magiging
makabuluhan at kapaki-pakinabang sa kanya at sa lipunan.
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. K to 12 Gabay Pangkurikulum ng Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 1-10.(Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2016), 123.
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa
mga mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito. Sumunod nito ang pagtataya ng kaalaman
ng mag-aaral tungkol sa paksa batay sa anim (6) na antas ng Blooms Taxonomy ng
Layuning Kognitibo. Nakabatay sa nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng
bahaging Subukin. Sinusundan ito ng pag-uugnay ng pagkatuto mula sa nagdaang modyul
at ng kasalukuyang modyul sa bahaging Balikan. Narito ang apat (4) na pangunahing
bahagi ng modyul.
Mula kay: Luisita B. Peralta, “Power Point Presentation,” May 6, 2019, 49-57.
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga
aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 kahit hindi ka makapasok sa paaralan
nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin
mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin:
5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng bahaging Alamin bago tumuloy sa ibang bahagi ng
modyul.
7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
Edukasyon sa Pagpapakatao.
8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto,
mapaunlad ang sariling pagkatao, at makapagtapos ng pag-aaral sa lahat ng mga
gawain.
Mula kay: Luisita B. Peralta, “MS Word,” September 26, 2017, 1-2.
Ang Paggawa Bilang
Modyul Paglilingkod at Pagtaguyod
7 ng Dignidad ng Tao
Alamin
Ani Thomas Edison, ang imbentor ng bumbilya, ang dahilan kung bakit hindi nakilala
ng maraming tao ang oportunidad ay dahil maihahalintulad ito sa isang mabigat na gawain
na hinahamon ang tao na magsumikap anuman ang balakid sa pagsasagawa nito. Ano-ano
ang “oportunidad” na nakapaloob sa paggawa? Ano ang maidudulot nito sa tao, sa kaniyang
kapuwa, at lipunang kaniyang kinabibilangan?
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 96.
Subukin
Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Ano ang tawag sa resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa
pangangangailangan ng kapuwa?
A.Pagkilos B. Paggawa C. Pakikisama D. Pagtaguyod
2. Ang buhay na may patutunguhan ay may katuturan. Ano ang kuhulugan nito?
A. Ang taong gumagawa upang makabahagi sa kapuwa ay may saysay ang buhay.
B. Ang tao ay dapat may pupuntahan upang may saysay ang buhay.
C. Ang tao ay dapat malinaw ang patutunguhan sa buhay.
D. Ang tao ay dapat may plano sa buhay.
8. Ano ang dapat gawin ng isang lider ng pangkat upang magtagumpay sa proyekto nila?
A. Mag-isa niyang gawin ang proyekto upang walang sasalungat sa kaniyang ideya
B. Makinig sa mungkahi ng mga miyembro bago nila simulan ang proyekto
C. Magpasiya kung ano ang nararapat gawin ng bawat miyembro
D. Magpatulong lamang sa mga miyembro na malapit sa kaniya
9. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi para matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Sang-ayon ka ba rito?
A. Oo, dahil likas sa tao na tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Oo, dahil pera lamang ang makatugon sa kaniyang pangangailangan.
C. Hindi, dahil tutugunan muna ang pangangailangan ng kapuwa.
D. Hindi, dahil hindi pera ang layunin sa paggawa.
10. Ano ang nararapat mong isaalang-alang sa kukuning kurso sa Senior High School?
A. Ang in demand na trabaho na may mataas na kita
B. Ang kursong gusto ng magulang upang hindi ito masaktan
C. Ang kursong gusto ng mga kaibigan upang magkasama pa rin kayo
D. Ang taglay mong kasanayan, talento, hilig at pinansyal na katayuan ng pamilya
Balikan
Tuklasin
Gawain 1
Panuto:
1. Gumawa ng isang panayam sa iyong mga magulang o guardian.
2. Itanong sa kanila: Bakit mahalaga ang paggawa o pagtatrabaho ng tao?
3. Itala ang kanilang mga sagot sa iyong kuwaderno.
4. Pagkatapos, bumuo ng iyong sariling opinyon batay sa mga ibinigay nilang dahilan.
5. Sagutin ang mga tanong.
a. Ano ang iyong nabuong pananaw ukol sa kahalagahan ng paggawa?
b. Sang-ayon ka ba na mahalaga ang paggawa bilang tagapagtaguyod o promoter ng
dignidad ng tao at paglilingkod? Pangatwiranan?
c. Sa buhay mo ngayon, paano mo mapangatawanan ang paggawa bilang paglilingkod
at pagtaguyod ng dignidad mo at ng iyong kapuwa?
Linangin
Gawain 2
Panuto:
1. Pumili ng isa sa sumusunod na gawain na naisasagawa sa inyong bahay.
a. Mag-alaga ng maysakit o kaya ay nakababatang kapatid
b. Tumulong sa paglilinis o pagsasaayos ng halamanan
c. Tumulong sa magulang sa mga pangunahing gawaing bahay
2. Gagampanan ang mga papel na ito sa loob ng kalahati o isang araw.
3. Ang lahat ng mga karanasan ay kailangang itala sa kuwaderno.
4. Matapos ang gawain, sagutin ang sumusunod na tanong:
a. Naging masaya ka ba sa naranasan mong gawain? Pangatwiranan.
b. Ano ang pinakamahirap mong naranasan? Ipaliwanag.
c. Ano ang natutuhan mo mula sa pagsasagawa ng napiling gawain? Ipaliwanag.
d. Ano ang nagtulak sa iyo upang gampanan ang gawain? Ano ang iyong naging
damdamin nang matapos mo ito?
e. Ano ang nagbago sa iyong pananaw tungkol sa paggawa? Ipaliwanag.
5. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
Suriin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong
sa Pagyamanin.
Ano ba ang kahulugan ng paggawa? Bakit ito mahalaga para sa isang tao? Karapat-
dapat bang maunawaan ng lahat ang tunay na esensiya ng paggawa? Ang araling ito ay
makatutulong sa iyo upang lubos mong maunawaan ang malalim na kahulugan ng
paggawa.
Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education,” ang paggawa ay isang
aktibidad o gawain ng tao. Maaari itong mano-mano, katulad ng paggawa ng bahay.
Maaari rin itong nasa larangan ng ideya, katulad ng mga nag-iisip ng patalastas o anunsiyo
para sa mga produkto at komersyal o pagsulat ng aklat. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na
may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa. Kung tayo ay gumagawa, hindi
tayo gumagalaw o kumikilos lamang tulad ng hayop o makina. Tao lamang ang may
kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa
(Institute for Development Education, 1991).
Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkukusa, at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi, ay magbubunga
ng pagbabago sa anomang bagay. Halimbawa, ang isang karpintero na gumawa ng isang
mesa ay nakapagbigay ng ibang saysay sa kahoy na kaniyang ginamit upang maging
kapaki-pakinabang para sa tao. Kung wala ang mga ito, ang kilos ay hindi matatawag na
paggawa.
Hindi maaaring ihalintulad sa iba pang mga nilikha ng Diyos ang tao. Hindi
matatawag na paggawa ang ginagawa ng mga hayop upang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan. Samakatuwid, tao lamang ang may kakayahan sa paggawa; sa kaniyang
pag-iral, siya ay gumagawa. At sa pamamagitan ng paggawa, napatutunayan ang isa pang
dahilan ng pag-iral ng tao – ang pagiging bahagi ng isang komunidad, ang gumawa hindi
lamang para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang kapuwa at sa pag-unlad nito.
1. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang
kaniyang mga pangunahing pangangailangan. Hindi mabubuhay nang maginhawa
ang tao kung hindi siya magtatrabaho. Sa kasalukuyang panahon, mahalaga ang
pera dahil sa papel nito sa pagbili ng mga produkto at serbisyong kailangan ng tao.
Kailangan ng taong gumawa para mabuhay. Hindi maaaring maging katulad siya ng
isang parasite na laging iniaasa sa iba ang kaniyang ikabubuhay. Sa pamamagitan
ng paggawa, napagyayaman ang kaniyang dignidad. Ito ang dahilan kung bakit
ninanais ng mga magulang na makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak:
upang makakuha ng disenteng trabaho ang mga ito at hindi makaranas ng
kaparehong kahirapan.
Hindi ito nangangahulugang tamad ang mga mahihirap at masipag ang mga
mayayaman. Maaaring maging mahirap ang isang taong hindi nabigyan ng
pagkakataong makapag-aral at dahil dito, hindi makapili ng trabahong may mataas na
sahod. Ang taong binigyan nang labis ay mayroong mas malaking pananagutan na
magbahagi ng yaman para sa kapuwang nangangailangan.
5. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (meaning) ang pag-iral ng tao. Ang buhay
na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng
katuturan dito. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit niya ang sumusunod:
Nilikha ang teknolohiya upang mapaunlad ang gawain ng tao. Ito ang dahilan kung
bakit patuloy ang tao sa paglikha ng mga makinarya na makatutulong upang mas maging
madali ang paggawa para sa tao. Ang teknolohiya ay katulong ng tao. Ngunit dahil din sa
mga pangyayaring ito, unti-unti ng nagiging “kaaway” ng tao ang teknolohiya, nawawalan na
ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa, hindi na niya nararamdaman ang
kasiyahan at hindi na nahahasa ang kaniyang pagiging malikhain. Dahil inaako na ng
makina ang bahaging dapat gampanan ng tao, hindi na nakikilala ang kaniyang
pagkamalikhain at malalim na pananagutan.
Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimensiyon. Ang gawain ng tao ay likas
na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapuwa. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa
at kasama ang kapuwa. Ito ay paggawa ng isang bagay para sa iba. Hindi ba’t alam naman
natin na ang bunga ng ating ginagawa ay para sa kapakinabangan ng mas marami? Ang
bunga ng paggawa ng tao ang nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at
pakikisangkot sa ating kapuwa. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ang tunay na
tataya sa paggawa. Ito ay dahil hindi magbubunga ang pagsisikap ng tao kung wala ang
kaniyang kapuwa, kung walang mga pamantayang pangkaayusan ng lipunan na naglalagay
ng limitasyon sa paggawa at sa manggagawa, kung hindi magkaugnay ang mga
hanapbuhay, na umaasa sa isa’t isa (interdependent) at hindi nagtutulungan ang lahat
upang gawing ganap ang bawat isa at ang pinakamahalaga, hangga’t hindi magkakaisa ang
isip, materyal na bagay at paggawa upang sila ay maging buo. Mahalagang parang iisang
taong kumikilos ang lahat. Mahalagang naibabahagi ang pag-asa, paghihirap, pangarap, at
kaligayahan at napagbubuklod ang loob, isip at puso ng lahat ng tao habang gumagawa. Sa
pagkakataong ganito makakamit ang tunay na pagkakapatiran – ang tunay na panlipunang
layunin ng paggawa.
Pagyamanin
Gawain 3a: Tayahin ang iyong pag-unawa mula sa babasahin sa itaas.
Panuto: Sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag-unawa sa mga
mahalagang konsepto sa babasahin. Isulat ang mga sagot sa kuwaderrno.
1. Ano ang kahulugan ng paggawa?
2. Ano ang inatas ng Diyos na gawin ng tao bilang isang bukod-tanging nilikha Niya?
Patunayan.
3. Ano-ano ang layunin ng paggawa? Ipaliwanag ang bawat isa.
4. Ano ang subheto ng paggawa? Ano rin ang obheto ng paggawa? Ipaliwanag.
5. Bakit mahalaga sa tao ang paggawa?
6. Paano ito makatutulong tungo sa pagkamit niya ng kaganapan?
Paraan
Gawain
upang
ng tao
kumita ng
Pera
Paggawa Pag-
unlad ng
Sarili
Upang
magamit
ang
Isaisip kakayaha
Gawain 4: Pagninilay
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay gabay ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa journal.
Ano -ano ang konsepto Ano ang aking pagkaunawa Ano-anong hakbang ang aking
at kaalamang pumukaw at reyalisasyon sa bawat gagawin upang mailapat ang mga
sa akin? konsepto at kaalamang ito? pang-unawa at reyalisasyong ito
sa aking buhay?
Tungkol sa mga layunin
ng paggawa
Tungkol sa panlipunang
dimensiyon ng paggawa
Mula sa: Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9, Modyul Para sa Mag-aaral (Pasig City:
Kagawaran ng Edukasyon, 2015), 102-109.
Isagawa
Gawain 5: Pagganap
Panuto:
1. Magsagawa ng pagsusuri sa iyong sariling gawi sa paggawa. Mahalaga ito upang
makilala mo ang iyong mga kalakasan at kahinaan sa paggawa.
2. Pagkatapos, tukuyin ang mga kabutihang dulot ng pagkakaroon ng mga mabuting
gawi na ito sa iyong pagkatao.
3. Sundin ang pormat sa ibaba.
Gawain 6: Pagsasabuhay
Panuto:
1. Magsasagawa ng panayam sa isang miyembro ng pamilya o sa isang kapitbahay na
manggagawa.
2. Pillin mong kapanayamin ang isang nakikita mo na taos puso sa kaniyang paggawa lalo
na para sa mga taong nangangailangan (marginalized) o mahihirap. Maaaring siya ay
magmula sa iba’t ibang karera, trabaho o negosyo sa track na akademik, teknikal-
bokasyonal, sining at disenyo at isports.
3. Tandaan ang mga patakaran na ipinaiiral ng pamahalaan ngayong panahon ng Bagong
Normal sa gagawing panayam.
4. Batiin ang kapanayamin (Halimbawa: “Maayong buntag, Manang Lydia.”)
5. Gamitin ang sumusunod na tanong sa panayam:
a. Ano po ang iyong trabaho?
b. Ano po ang motibasyon mo o nagtutulak sa iyo na piliin ang trabaho o negosyong
ito?
c. Ano po ba ang iyong layunin sa paggawa?
d. Ano-ano po ang mga hamon na pinagdaanan mo sa paggawa: ang mga problema o
balakid na iyong nalampasan o kinakaharap?
e. Ano po ang kabutihang naidulot ng iyong taos pusong paggawa para sa mga
nangangailangan (marginalized) o mahihirap na iyong pinaglilingkuran?
6. Gumawa ng sariling pormat na susulatan sa resulta ng iyong panayam.
Buod
Tayahin
Panuto: Basahing ang tanong. Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sagutang papel.
3. Ano ang nararapat mong isaalang-alang sa kukuning kurso sa Senior High School?
A. Ang in demand na trabaho na may mataas na kita
B. Ang kursong gusto ng nanay niya upang hindi niya ito masaktan
C. Ang kursong gusto ng mga kaibigan niya upang magkasama pa rin sila
D. Ang kaniyang kasanayan, talento at hilig at ang pinansyal na katayuan ng pamilya
5. Ang buhay na may patutunguhan ay may katuturan. Ano ang kuhulugan nito?
A. Ang taong gumagawa upang makabahagi sa kapuwa ay may saysay ang buhay.
B. Ang tao ay dapat may pupuntahan upang may saysay ang buhay.
C. Ang tao ay dapat malinaw ang patutunguhan sa buhay.
D. Ang tao ay dapat may plano sa buhay
6. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi para matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Sang-ayon ka ba rito?
A. Oo, dahil likas sa tao na tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Oo, dahil pera lamang ang makatugon sa kaniyang pangangailangan.
C. Hindi, dahil tutugunan muna ang pangangailangan ng kapuwa.
D. Hindi, dahil hindi pera ang layunin sa paggawa.
8. Ano ang dapat gawin ng isang lider ng pangkat upang magtagumpay sa proyekto nila?
A. Mag-isa niyang gawin ang proyetko upang walang sasalungat sa kaniyang ideya
B. Makinig sa mungkahi ng mga miyembro bago nila simulan ang proyekto
C. Magpasiya kung ano ang nararapat gawin ng bawat miyembro
D. Magpatulong lamang sa mga miyembro na malapit sa kaniya
Subukin
Bilang ng Sagot Kasanayan/Skill
Aytem
1 B Kaalaman/Knowledge
2 A Pag-unawa/Comprehension
3 C Paglalapat/Application
4 B Kaalaman/Knowledge
5 A Pag-unawa/Comprehension
6 A Paglalapat/Application
7 B Pagsusuri/Analysis
8 B Pag-ebalweyt/Evaluation
9 A Pagsusuri/Analysis
10 D Pag-ebalweyt/Evaluation
Tayahin
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 9 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon, 2015.
Peralta, Luisita B. “Ang EsP Bilang Asignatura.” Powerpoint Presentation at the National
Training of Trainers on the K To 10 Critical Content in Edukasyon sa Pagpapakatao,
Guimaras Province, May 6, 2019.