You are on page 1of 33

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Kuwarter 3-Modyul 4
Uri ng Teksto 4

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3 - Modyul 4: Uri ng Teksto 4
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon.

Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng mga materyales o mga
kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat at iba pa. Hindi inangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang pagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro

Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V


Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Leonor C. Reyes MAEDFIL
Helen R. Lucman PhD
Jessah M. Lapore
Almacielo Y. Nambatac
Saudi M. Rivera
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala

Pangalawang Tagapangulo:

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalang Tagapamanihala

Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief


Sol P. Aceron, PhD, EPS-Filipino
Marisa D.Cayetuna,P-1
Teresa P. Mingo, PhD
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Departamento ng Edukasyon – Dibisiyon ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High
Senior School
High School

Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik

Kuwarter 3 - Modyul 4
Uri ng Teskto 4

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro
at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


This page is intentionally blank
Talaan ng Nilalaman

Para Saan ang Modyul Na Ito ..................................................................................................... i


Ano ang Inaasahan Mo ................................................................................................................. i
Paano Mo Matutunan .................................................................................................................. i
Mga Icon ng Modyul ..................................................................................................................... ii
Ano ang Nalalaman Mo ............................................................................................................... iii

Aralin 1: Tekstong Argumentatib

Balikan…………………………………………………………………………… 1
Alamin ............................................................................................................ 1
Suriin……………………………………………………………………………….1
Tuklasin ......................................................................................................... .1
Pagyamanin : ................................................................................................ 3

Aralin 2: Tekstong Prosidyural


Alamin ........................................................................................................... 4
Tuklasin: ....................................................................................................... 4
Paano mo Matutunan…………………………………………………………….4
Suriin: ............................................................................................................ 5
Isagawa ......................................................................................................... 5
Tayahin…………………………………………………………………………….6

Susi sa Pagwawasto ........................................................................................................... 13


Mga Sanggunian ................................................................................................................. 14
Para Saan ang Modyul na Ito

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga uri ng mga teksto na matutunghayan ang
unang uri ng teksto ay tekstong impormatibo.
Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong
konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang matutuhan sa
pakikipagtalastasan at pananaliksik. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang
lubos na malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat
at panonood. Tutulungan ka ng modyul na ito na matukoy ang kahulugan at
kabuluhan ng mga uri ng teksto at pananaliksik at maiuugnay sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon sa radyo, talumpati at mga panayam at pananaliksik.
Sa araling ito, ang iba pang uri ng teksto ay binibigyang pansin upang makuha
na ang uri ng teksto at ugnayan sa pakikipagkapwa-tao, ito’y pagkakakilanlan ng isang
bansa. Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa mundo
ng kaalaman ng uri ng teksto
Ang modyul ay isang kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na buo at ganap sa
kanyang sarili at naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaang
sistematiko. Ito ay naglalayong ang estudyente ay mag-aaral sa kanyang sarili nang
walang aklat at walang pamamatubay ng guro. Kaya’t ang modyul ay maaring gawain
sa tahanan o saanman sa labas ng paaralan. May mga modyul na hindi maaring
maipasok na lahat ang mga gawaing kinakailangan, kaya may mga panutong
ibinibigay tulad ng pagsasadya sa aklatan, paggamit ng google o internet bilang
pagapapayamang-gawain sa aralin. Nakapaloob dito ang uri ng teksto na naglalahad
ng mga gawaing makatutulong sa mag-aaral upang makamtan ang ma tunguhin sa
aralin sa paggawa.
• Aralin 1 – Tekstong Argumentatib
• Aralin 2 – Tekstong Prosidyural

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1.Nakakukuha ng aangkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.


( F11EP-111d-36)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga binasang teksto sa
sarili,pamilya,komunidad,bansa at daigdig.(F11PB-11d-99).
3.Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa F11PB-IIId-99

Paano Mo Matutunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

• Basahin at unawain ng mabuti ang mga iba pang uri ng teksto .


• Sundin ang mga bawat panuto na ibinibigay sa bawat gawain at pagsasanay.
• Sagutin ang lahat ng mga ibinibigay na gawain at pagsasanay
Paunang Salita
This page is intentionally blank
Mga Icon ng Modyul

ALAMIN Inihanay ang mga layunin sa aralin. .Mahalagang


maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang
maaasahan nila sa aralin.

SUBUKIN Panimulang pagtataya o Gawain upang matukoy ang


lawak ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa
natalakayingpaksa.

BALIKAN Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga mag-


aara ltungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang
matukoy ito upang matiyak na may napadagdag pang
kaalaman.

TUKLASIN Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng


kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba
pang paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang
magkikintal ng mahalagang kaisipan.

SURIIN Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa


pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin. Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.

PAGYAMANIN Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga


gawaing magpapatotoo ng kanilang natutuhan.
Magtitipon sila ng kanilang likhang mga sulatin at
Gawain batay sa natutunan sa aralin.

ISAISIP Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at


kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.

ISAGAWA Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan


ng mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang
mailalapat sa tunay na buhay.

TAYAHIN Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng


pagkatuto mula sa natamong kasanayan .

KARAGDAGANG Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang


GAWAIN malinang ang kakayahang pampagkatuto ng mga
mag-aaral .

SUSI NG Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at


PAGWAWASTO mga Gawain
Ano Ang Nalalaman Mo
Subukan natin: Pagpipili ng angkop na sagot sa pamamagitan ng pag tsek nito sa
kahon
1. Ano ang tekstong prosidyural?
Tekstong nagbibigay ng panuto

Tekstong nagbibigay ng saklaw

Tekstong nagbibigay ng kahulugan

Tekstong nagbibigay ng ideya


2. Ano ang halimbawa ng Tekstong Prosidyural
Manuskrito
Manwal
Monopodial
Pang-agham na papel
3. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasunod
Layunin
Hakbang
Kagamitan
Tulong ng larawan
4. Bakit mahalaga na mabisa ang layunin?
Para malaman at maunawaan kaagad ng mambabasa ang nilalaman ng
teksto.
Para mabilis ang pagkuha ng mambabasa
Para mabigay ito sa ibang tao
Wala lang hindi ito importante
5. Hindi ganoon ka detalyado ang mga hakbang sa Tekstong Prosidyural

Tama

Mali
6. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad:

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan
7. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad:’’1 tbs.
Sugar”

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan
8. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad: “Mga
hakbang para maglaro ng Chess”

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan

9. Kaylangan gumamit ng salitang kilos sa tekstong prosidyural.

Tama

Mali
10.Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad: “ Mga hakbang
para gumawa ng basket”

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan
ARALIN Aralin 1: Uri ng Teksto-Tekstong
Argumentatib
1

Baitang: Grade 11 Markahan: Semestre 2/Linggo 4/Kuwarter 3


Panahong Igugugol: Ikaapat na Linggo

Balikan

1. Isulat ang iyong mga natutunan sa ikatlong modyul?


______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________.
2. Gumawa ng kahon ng pasasalamat.
a. Gumupit ng mga maliit na papel (strips)
b. Isulat sa papel ang mga pasasalamat sa mga taong tumulong sa iyo sa mga
gawain sinagutan mo
c. Ipasa ito sa iyong guro
Alamin Natin
Sa katapusan ng modyul na ito kailangan ang mag-aaral ay :
1.Nakakukuha ng aangkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.
( F11EP-111d-36)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga binasang teksto sa
sarili,pamilya,komunidad,bansa at daigdig.(F11PB-11d-99).
3.Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa F11PB-IIId-99
Subukin
Panimulang Gawain:
1. Ano ang panig/ pananaw mo sa pagbukas ng klase sa Agosto? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
__________________________________________________________

Suriin

A. Panuto Ilarawan ang ginagawa ng mga tao na nasa larawan.

https://www.rappler.com/nation/64947-supreme-court-sacks-judge-bribery

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________.
Tuklasin

Argumentasyon o pagmamatuwid – ay nasa dakong huli ng mga diskors. Hindi


magkakaroon ng sapat, malinaw at mabisang argumento kung wala munang matibay
na kaalaman at kakayahan sa mga naunang paraan ng pagpapahayag.
Mag-isip– ay isang prosesong natural lamang sa tao. Hindi maiiwasang may mga
pagkakataong ang iniisip ng isa ay salungat sa maaring isipin naman ng iba. Sa batas
man ng Diyos o maging tao, mababasa ang pagtiyak sa karapatang magpahayag ng
kani-kaniyang opinyon. Dito nabubuhay ang prinsipyo ng demokrasya at maging ang
banal na aral ng kalayaan
Paksa/Panimula/Simula- ang mismong dahilan kung bakit sinusulat at binabasa ang
isang teksto. Layon ng panimula o pambungad na ihanda ang mga mambabasa.
Mahalagang makuha ng manunulat ang atensyon at damdamin nila.
Gitna o katawan – magsisilbing dahilan ng mga mambabasa upang manatiling tapat
sila matapos ang isang mabisang simula, at kung papalarin ay nakatutok pa rin sa
bawat mensaheng pinararating hanggang sa mabisang pagwawakas.Kinakailangang
maayos na maihanay at maipaliwanag ang mga argumento at katwiran. Ang bawat
katwiran ay kailangan masuportahan ng mga evidensya, datos o istatiska, pahayag
ng mga awtoridad o di kaya’y mga kolaborativ na pahayag mula sa aklat sa mga
magazine, jaryo at iba pang babasahin
Wakas- ang huling suntok, kumbaga sa boksing, na magpapabagsak sa kalaban.
Kailangang maging tuwiran, payak, mariin, malinaw at mabisa Kailangang tinitiyak sa
pagwawakas na ang sinumang maaring may taliwas na opinion ay makukumbinsi na
ng manunulat.
Mga Palasi ng Pangangatwiran
1.) Argumentum ad hominem -Isang nakahihiyang pag-atake sa personal na
katangian/katayuan ng katalo at hindi sa isyung tinatalakay o pinagtatalunan
Halimbawa: Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking katunggali gayong ni hindi
siya nagging pinuno ng kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under
de saya pa yata!
2.) Argumentum ad baculum -Pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang
isyu at tuloy maipanalo ang argumento. Halimbawa: Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak
lang kita at wala kang karapatang magsalita sa akin nang ganyan! Baka sampalin kita
at nang Makita mo ang hinahanap mo!
3.) Argumentum ad misericordiam -Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga
nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa
damdamin at hindi sa kaisipan. Halimbawa: Limusan natin ang mga kapuspalad na
taong ito sa lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi nilang damit, payat na
pangangatawan at nanlalalim na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng ilang
sentimos bilang pantawid-gutom?
4.) Non sequitur -Sa Ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow. Pagbibigay ito ng
konklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayang batayan. Halimbawa: Ang santol ay
hindi magbubunga ng manga. Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong
paligid ang kaniyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo sa ganyang uri ng tao kundi
kawalang-hiyaan!
5.) Ignoratio elenchi -Ginagamit ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya,
wika nga. Ito ang kilala sa Ingles na circular reasoning o paliguy ligoy.
Halimbawa:Anumang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao ay
maipapaliliwanag ng aking butihing maybahay. Tiyak ko namang paniniwalaan ninyo
siya pagkat naging mabuti siyang ina ng aking mga anak, kahit tanungin pa ninyo sila
ngayon.
6.) Maling Paglalahat -Dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng
isang konklusyong na siyang sumasaklaw sa pangkalahatan. Halimbawa:Ang
artistang ito ay naging tiwali sa kanyang panunungkulan. Ang artista namang iyon ay
maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang
konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!
7.) Maling Paghahambing -Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganitong
uri pagkat mayroon ngang hambingin ngunit sumasala naman sa matinong
konklusyon. Halimbawa: (Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako patutulugin agad?
Kung kayo nga ay gising pa!
8.) Maling Saligan -Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan.
Ipinapatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng konklusyong na wala sa katwiran.
Halimbawa:Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag- aasawa, kailangan
ang katapatan at kasipagan upang magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging
tapat at masipag ang mga kabataan
9.) Maling awtoridad -Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung
kasangkot.Halimbawa:Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina. Iyan
ang ipinahayag ni Karl Marx
10.) Dilemna -Naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang
iyon lamang at wala nang iba pang alternativo. Halimbawa:Upang hindi ka mapahiya
sa ating debate, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumuta o kaya ay
magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng iyong pag-urong.
Pagyamanin

Subukan Natin!

Pagsulat ng komposisyon: Isulat ito sa isang papel.


1. Mag-isip ng isang isyu ng mga pangyayari para sa pagsulat ng isang
argumentatib na komposisyon.
2. Isulat na ang iyong komposisyon nang may pagsasaalang-alang sa mga
katangian ng isang tekstong argumentatib.
3. Ikritik ang iyong sariling komposisyon at pagkara’ay ipabasa sa iyong mga
kasamahan sa bahay at tanungin ang kanilang reaksyon o masasabi sa iyong
isinulat.(Isulat ang kanilang reaksyon sa ibang papel)
4. Pagkatapos ipunin ang iyong mga sulatin at ang (guro) ang huling magkritik sa
iyong sinulat.
ARALIN Aralin 2: Uri ng Teksto-Tekstong Prosidyural

Baitang: Grade 11 Markahan: Semestre 2/Linggo 4/Kuwarter 3


Panahong Igugugol: Ikaapat na Linggo

Alamin Natin
Sa katapusan ng modyul na ito kailangan ang mag-aaral ay :
1.Nakakukuha ng aangkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat.
( F11EP-111d-36)
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa mga binasang teksto sa
sarili,pamilya,komunidad,bansa at daigdig.(F11PB-11d-99).
3.Naipapaliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tekstong binasa F11PB-IIId-99

Tuklasin

Modyul 4: Mga uri ng Teksto:


• Tekstong Prosidyural
• Apat na bahagi ng tekstong Prosidyural
• Inaasahan o target ng output
• Mga kagamitan
• Metodo
• Ebalwasyon

Paano Mo Matutunan
Sa katapusan ng modyul na ito kailangan ang mag-aaral ay:
• Makakakuha ng angkop na datos upang mabisang mapaunlad ang sariling
tekstong isinulat.
• Makakapagbigay ng sunod-sunod na diresksyon at impormasyon sa mga tao
upang mapagtagumpayan na maisagawa ang mga gawain na ligtas,
episyente at angkop sa paraan.

Suriin

Paunang Pagtataya:
Panuto: Pagsagot sa Tanong:
Alin kaya sa mga sumusunod ang kaya mong gawin?
1.Mag-assemble ng isang simpleng kabinet 2. Mag-apply ng passport
online

https://www.slideshare.net https://www.slideshare.net
3. Makapagluto ng pansit bihon 4. Makapagbuo ng bisikleta

https://www.slideshare.net https://www.slideshare.net
Sa inyong palagay, hindi mo ba talaga ito kayang gawin? Bakit?
Aralin 2: Tekstong Prosidyural
• Uri ng paglalahad na kadalsang nagbibigay ng impormasyon at
instruksyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay. Ito’y
nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga hakbang, pahayag, o
pangyayari. Ito ay karabiwang tumutugon sa tanong na paano.
Mga Halimbawa:
• Pagsasaing
1. Magtakal ng bigas at ilagay sa kaldero ayon sa tamang
dami.
2. Hugasan ang bigas ng dalawang ulit.
3. Isalang sa kalan ang kaldero at hintayin na maluto.
4. Ihain habang mainit.

• Paggawa ng Basket
1. Gamit ang lumang dyaryo o magasin, gumawa ng strips ng dyaryo
o magasin na magiging pangunahing materyales ng basket
2. Tiyakin na bawat strips ay may katamtamang kapal upang tumayo
ng maayos ang basket.
3. Gamit ang dalawang strips ng dyaryo o magasin, I hilera ito ng
pahiga ng pa krus sa bawat isa hanggang makabuo ng sapat na pan
ilalim para sa basket na bubuuin.
4. Gamit ang kapirasong karton, gumupit ng kasing lapad ng isang
strip ng dyaryo o magasin.
5. Pagdikitin ang dalawang dulo ng karton upang makabup ng bilog
na magiging ilalim ng basket.
6. Ilala ng salit-salit ang mga istrips na nakapalibot o nakapalibot sa
pagdugtong na karton hanggang sa maporma ang basket.
7. Ipagpatuloy ang paglala hanggang sa dulo ng strips ang dyaryo o
magasin.
8. Gumupit mula ng karton na kasing sukat ng strips at
pagdugtungan muli ang dalwang dulo nito.
9. Gamitin itong pampatigas sa itaas na bahagi ngn basket at idikit sa
dulo ng mga strips upang maisara ang mga dulo ng basket.

Tuklasin pa

Apat na bahagi ng tekstong prosidyural:


• Inaasahan o target na output
• Mga kagamitan
• Metodo
• Ebalwasyon
1. Inaasahan o target ng Awput:
• Kung ano ang kalabasan o kahantungan ng proyekto
• Maaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang bagay o kaya ay
katangian ng isang uri na trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-aaral
kung sundin ang gabay.
2. Mga kagamitan:
• Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung kailan
gagamitin. Maaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong
prosidyural na hindi gagamit ng anumang kagamitan.
3. Metodo:
• Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon:
• Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay
ng prosidyur na isinasagawa.
• Ito ay isa sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay,
kagamitan o makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang
kaayusan na layunin na prosidyur.
• Mahalaga ang paggamit ng heafing, subheading, numero o dayagram at
mga larawan upang maging mas malinaw ang pagpapahayag ng
instruksyon.
5. Mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa Tekstong Prosidyural.
• Nasusulat sa kasalukuyang panahon
• Nakapukos sa pagkalahatang mambabsa at hindi sa iisang tao lamang.
• Gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon.
• Mahalag ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami,
atbp).

Tayahin

Subukan natin: Pagpipili ng angkop na sagot sa pamamagitan ng pag tsek nito sa


kahon
10. Ano ang tekstong prosidyural?

Tekstong nagbibigay ng panuto

Tekstong nagbibigay ng saklaw

Tekstong nagbibigay ng kahulugan

Tekstong nagbibigay ng ideya


11. Ano ang halimbawa ng Tekstong Prosidyural

Manuskrito
Manwal
Monopodial
Pang-agham na papel
12. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasunod

Layunin
Hakbang
Kagamitan
Tulong ng larawan
13. Bakit mahalaga na mabisa ang layunin?

Para malaman at maunawaan kaagad ng mambabasa ang nilalaman ng


teksto.
Para mabilis ang pagkuha ng mambabasa
Para mabigay ito sa ibang tao
Wala lang hindi ito importante
14. Hindi ganoon ka detalyado ang mga hakbang sa Tekstong Prosidyural

Tama

Mali
15. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad:

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan

16. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad:’’1 tbs.
Sugar”

Layunin
Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan

17. Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad: “Mga
hakbang para maglaro ng Chess”

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan

18. Kaylangan gumamit ng salitang kilos sa tekstong prosidyural.

Tama

Mali

10.Piliin kung aling elemento ng Tekstong Prosidyural ang nakasaad: “ Mga hakbang
para gumawa ng basket”

Layunin

Hakbang

Kagamitan

Tulong ng larawan

Isagawa

Pangwawakas na pagtataya: Performance Task:


• Bumuo ng basket at sundin ang napag-aralang prosidyur sa
paggawa nito.
Tayahin

GAWAIN: Batay sa Tesktong Prosidyural ( Resipi sa Pagluluto ng Kare-kare )at sa


naunang gawaing ipinakita, iangkop ang kahalagahan ng mga ito sa;
sarili

pamilya

komunidad

bansa

daigdig
PANIMULANG Pagtataya
1.a
2.b
3.b
4.a
5.b
6.a
7.c
8.d
9.a
10.b
MGA SANGGUNIAN
SUSI NG PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Binolhay, Luzviminda & Labnotin, Miraflor. DepEd CDO SHARED


Options Learning Activities. https://bit.ly/3dF9Kdb

https://www.slideshare.net/JadeParochelin/argumentativ-68996416
https://www.slideshare.net/RainierAmparado/tekstong-prosijural
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-prosidyural/
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like