You are on page 1of 14

Benepisyo ng Instructional Equipment

Kabanata I

Introduksyon

A. Rasyonal

Kasaysayan

Ang pagkatuto ng mga leksyon sa klase ay binubuo ng dalawang mahahalagang bagay, ang

tinatawag nilang input at awtput. Ayon kay Coombs (1970), ang mga input ay binubuo ng mga

materyal na kagamitan (instructional equipment) at ang mga awtput naman ay binubuo ng mga

ninanais makamit sa pamamagitan ng akademikong proseso na ito. Ang input at awtput ay

parehong bumubuo sa interaktiv na diskusyon sa klase.

Ayon kay Wales (1975), ang mga instructional equipment ay may malaking kaugnayan sa

pagtagal ng mga aralin sa memorya ng mga estudyante. Sabi naman ni Savoury (1958) na ang

masusing paggamit ng mga visual aids ay makakatanggal ng katamaran at makakatulong sa

pagpuno ng mga kakulangan ng mga textbook. Dahil sa mga katotohanang naihayag ng mga

ekspertong ito, naisip ng mga mananaliksik na alamin pa kun anu-ano ang mga partikular na

benepisyo ng mga instructional equipment.

Ang paksang ito ang napili ng grupo sapagkat matapos ang kanilang masusing pag-uusap,

ito ang pinaka naaayong paksa base sa kanilang estado bilang mga estudyante ng Fakuldad ng

Sining at Panitik.

Mula sa mga napakaraming suhestyon na naihayag, ang pananaliksik ukol sa paksang ito

ang siyang makapgabibigay ng mga datos na pinaka magagamit bilang mga impormasyon upang

mapalawak pa ang kanilang kaalaman ukol sa mga kagamitang araw-araw nilang nagagamit.

1
Benepisyo ng Instructional Equipment

Kabuluhan

Masasabi ng mga mananaliksik na makabuluhang tunay ang pag-aaral na ito sapagkat may

mga direktang epekto ito sa kanila bilang mga mag-aaral. Maging ang kanilang fakuldad o

komunidad ay may makukuha ring kaalaman mula sa paksang ito.

Personal na Kabuluhan

Malaki ang kaugnayan ng pag-aaral ng benepisyo ng instructional equipment sa mga

mananaliksik sapagkat bilang mga estudyante, malaki ang tungkulin ng paggamit ng mga

instructional equipment upang mapabilis ang diskusyon.

Silang mga estudyante ang siyang unang nakakaranas ng benepisyo. Sila ang

makakapagpatunay ng mga pagkakataong natutulungan nga sila ng mga kagamitang ito sa ibat

ibang paraan. Nararapat na maisakatuparan ang pananaliksik na ito sapagkat mas makikita ng mga

mag-aaral ang kahalagahan ng mga instructional equipment kung may sapat silang kaalaman sa

ispesipikong benepisyong hatid ng mga ito. Sa ganitong paraan, mas gaganahan pa silang alamin

kung paano pa nila lubos na mapapakinabangan ang instructional equipment.

Komunidad

Hindi lamang sa personal na aspeto magiging makabuluhan ang pananaliksik na ito

sapagkat maging ang komunidad ay sakop pa rin nito. Ang pananaliksik na ito ay makakaapekto

sa buong Fakuldad ng Sining at Panitik, kasama ang mga estudyante maging ang mga guro.

Malalaman ng mga mananaliksik at ng mga mambabasa kung gaano kahalaga ang instructional

equipment sa pagkaunawa ng mga leksyon.

2
Benepisyo ng Instructional Equipment

Ang Fakuldad ng Sining at Panitik sa ilalim ng Unibersidad ng Santo Tomas ay

magkakaroon din ng ideya kung nagiging benepisyal nga ba ang mga instructional equipment na

kanilang ipinapagamit sa mga guro at sa mga estudyante. Mahalagang malaman nila ito sapagkat

ang presensya ng instructional equipment sa isang unibersidad ay isa sa mga aspetong tinitignan

ng PACUCOA upang malaman nila ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng unibersidad.

B. Layunin

Pangkalahatang Layunin ng pananaliksik na ito na maipaliwanag ang mga paraan kung

paano nagiging benepisyal ang instructional equipment sa pagkaunawa sa leksyon ng mga

estudyante ng Fakuldad at Sining at Panitik. Upang mas lalong mapalawig ang pangkalahatang

layunin, ang pananaliksik na ito ay tiyak na sissikaping:

Mailista ang lahat ng equipment sa Fakuldad ng Sining at Panitik

Matukoy ang bawat pakinabang at feature ng bawat equipment sa Fakuldad ng Sining at

Panitik

Maipahayag kung paano napapadali ng instructional equipment sa pagpapaintindi ng mga

leksyon sa mga mag-aaral

Maipaliwanag kung pano nakakatulong ang mga equipment na nageenhance ng audio sa

pagkaunawa ng mga estudyante

Maipaliwanag kung pano nakakatulong ang mga equipment na nageenhance ng visual sa

pagkaunawa ng mga estudyante

3
Benepisyo ng Instructional Equipment

C. Sakop, Limitasyon, at Delimitasyon

Matatalakay ng pananaliksik na ito ang mga benepisyo ng instructional equipment na

nakakatulong sa pagkaunawa sa mga leksyon sa silid-aralan. Layon nitong talakayin ang mga

paraan paano nakakatulong ang visual, audio at audi-visual enhancers sa mga estudyante.

Nararapat lamang na maisama rin ang pagtalakay ng motibasyong naibibigay ng

instructional equipment ngunit ang pananaliksik na ito ay hindi na magbibigay pa ng paliwanag

ukol dito sapagkat maaring hindi makamit ang mga naihayag nang layunin sapagkat kukulangin

ang mga mananaliksik sa oras. Hindi na ito maisasama sapagkat maaaring magkaroon ng

malabong daloy ang pananaliksik na ito.

May mga pagkakataong mababangit ang iba pang programang may koneksyon sa

audiovisual learning ngunit hindi na rin layunin ng mga mananaliksik na ipaliwanag pa ito ng

napakadetalyado sa mga parehong dahilang nabanggit na sa itaas.

E. Pangkalahatang Nilalaman

Makikita sa pananaliksik na ito ang koneksyon ng pagkaunawa ng mga estudyante at ang

paggamit ng mga instructional equipment sa mga leksyon sa Fakuldad ng Sining at Panitik. Dahil

sa koneksyong ito, ang pananaliksik na ito ay sisikaping alamin ang mga benepisyo ng

instructional equipment.

4
Benepisyo ng Instructional Equipment

F. Balangkas ng Nilalaman

Ang balangkas ng nilalaman na makikita sa ibaba ay isang pinasimpleng representasyon

kung ano ang pangkalahatang makikita sa pananaliksik na ito.

Pagkaunawa ng mga Paggamit ng mga Visual,


Leksyon ng mg Estudyante Audio, at Audio-visual Mga Benepisyo ng
sa Fakuldad ng Sining at Equipment sa mga Instructional Equipment
Panitik Diskusyon

5
Benepisyo ng Instructional Equipment

Kabanata II

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral tungkol sa

instructional equipment at kung paano ito nagiging benepisyal sa pagkaunawa ng mga

estudyante sa kanilang mga aralin. Ang ginawang pag-aaral ay nagbibigay ng karagdagang

impormasyon ukol sa pananaliksik na ito.

A. Buod

Instructional Equipment

Instructional equipment ay mga kagamitan na ginagamit para sa pang-edukasyon na

talakayan. Sa katunayan, anumang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ay matatawag na

instructional equipment. Ito ay kombinasyon ng media na naghahatid ng impormasyon sa mga

estudyante. Kabilang dito ang mga kagamitan kagaya ng projector, laptop, telebisyon, DVD, CD-

ROM, computer courseware at electronic medium.

Klasipikasyon ng mga Instructional Equipment

1. Visual Equipment

Ang visual equipment ay mga kagamitan na nagpapakita ng mga ideya, o imahe na

nagrerepresenta ng konsepto o leksyon na tinatalakay sa klase. Ito ay idinisenyo bilang suplemento

sa mga nasusulat at naririnig na impormasyon. Mainam ito sa mga estudyanteng visual learner

o mas nakakaunawa kung ito ay kanyang nakikita.

6
Benepisyo ng Instructional Equipment

Ayon kina Russell at Lowther (2005) Ang visual na pagkatuto ay tumutukoy sa abilidad

na magpaliwanag ng mga mensahe na wasto at marunong sa paggawa ng mga ito. May mga

karaniwang ginagamit sa visual, una ay mga larawan, ito ay maaring representasyon ng mga tao,

lugar o mga bagay. Susunod ang mga drawing, chart, graph, poster, at cartoon.

Bukod sa mga nabanggit, mayroong pang ibang mga halimbawa kung saan maaring

maipakita ang presentasyon, o presentation software na naipapakita sa pamamagitan ng

paggamit ng digital projector. Karaniwan itong naipapakita sa PowerPoint kung saan maaaring

Makita ang nasabing presentasyon ng buong klase.

2. Audio Equipment

Ang audio equipment kagamitang elektrikal na naglilika o nag-rerekord ng boses o

tunog. Mainam ito sa mga estudyanteng auditory learner na mas nakakaunawa kung ito ay

kanyang naririnig. Ang pangunahing layunin ng audio equipment ay magbigay nang mas mataas

na antas sa pagsasalita at kaliwanagan. Ayon kay Flexer, C, (1998) Maraming pag-aaral ang

nagpapatunay na ang paggamit ng audio equipment ay mabisang paraan sa pagkuha ng atensyon

ng mga nakikinig Bilang karagdagan, nagiging pantay-pantay ang distribusyon ng tunog sa silid-

aralan, kabilang dito ang mikropono, speaker, at CD Player.

3. Audio-Visual Equipment

Ang audio-visual equipment ay elektrikal na kagamitan na nagtatagalay ng pangunahing

katangian ng audio at visual equipment. Ito ay karaniwang sa anyo ng mga slide o video at record

na pananalita o musika. Sa pamamaraang ito napagsasabay ang pakikinig at panunood. Ang audio-

visual equipment ay idinisensyo para mas madali ang pagtuturo at pagaaral sa pamamagitan ng

pakikinig at pagtingin sa mga visual aid.

7
Benepisyo ng Instructional Equipment

Ang paggamit ng audio-visual equipment ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral

na magusap, tumawa at magkomento. Sa ganitong uri ng kapaligiran ay mas ginaganahan ang

mga estudyante na magaral. Mas nagiging aktibo ang mga mag aaral sa klase. Ang mga ito ay ang

pinakamainam na motibasyon sa mga mag-aaral. Binibigyan nito ng oportunidad ang mga

estudyante na makita at manipula ang ibat-ibang bagay. Audio-visual ay instructional materials

tulad ng videotapes, compact discs at telebisyon.

B. Pagsusuri

Ang mga akdang nagamit sa pananaliksik na ito ay siniguradong mapagkakatiwalaan at

lehitimong batayan. Ang mga ito ay kapaki-pakinabang sa pag-aaral sa kadahilanang inilahad nito

ang mga punto tungkol sa kung paano nakakatulong ang mga instructional equipment sa

pagkatuto ng mga estudyante at kung anong klasipikasyon nabibilang ang bawat instructional

equipment sa Fakuldad ng Sining at Panitik.

Malawak ang mga sakop na tinatalakay ng mga sanggunian tungkol sa instructional

equipment na hindi ipinili dahil mas binigyang pansin ang mga saligang nagbibigay ng mga

espisipikong detalye at direktang tumutugon sa mga impormasyong kailangan sa pananaliksik.

Kabilang dito ang klasipikasyon at benepisyo ng instructional equipment at kung paano ito

nagiging epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Gaya ng nabanggit, ang mga akdang nakuha ay lehitimo sapagkat ito ay nagmula sa mga

libro ng sild-aklatan sa Unibersidad ng Santo Tomas, at mapagkakatiwalaang akademikong

website. Ang mga akdang kinuha mula sa internet ay siniguradong mayroong Author, Publisher,

8
Benepisyo ng Instructional Equipment

Publishing Date, at Place of Publication. Dahil sa mga kwalipikasyon na ikinonsidera sa pagpili

ng mga saligang ginamit, masasabing ang pananaliksik na ito ay may kalidad at nababatay sa

katotohanan.

C. Repleksyon

Mapapakinabangan ang mga datos na nakuha sa ibat ibang akda dahil mismong guro na

gumagamit ng midyang instruksyonal ang may akda ng mga artikulong nakalap. Ang mga datos

na nakalap ay mahalaga para maging batayan ng pananaliksik. Ang mga impormasyon na nakuha

ay kaugnay ng paksang sinasaliksik na humahantong sa dagdag kaalaman. Ito ang maglalahad ng

mga patunay sa suliraning binubuo mula sa paksa. Malaking bagay na mismong konsern at

pangunahing gumagamit ng midyang instruksyonal ang may akda.

Maari itong magamit na opinyon na kumakatawan sa mga guro na malaking parte rin ng

pananaliksik. Mas lalong lumawak ang kanilang pagunawa sa kanilang pananaliksik. At

naapektuhan rin ng mga saligang ito ang pananaw tungkol sa paksa na napili dahil katanggap

tanggap ang karagdagang kaalaman na naipamahagi ng may akda. Nahuhubog ang isang katuturan

ng isang kaisipan o konsepto sa mga datos na nakalap. Nakalilikha at mas napabuti ang kanilang

pananaliksik na sinasagawa.

9
Benepisyo ng Instructional Equipment

Kabanata III

Metodolohiya

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib at analitikal

na pananaliksik. Sinubukang ilarawan, ipaliwanag at suriin sa pag-aaral ang benepisyo ng

instructional materials sa pagkaunawa sa leksyon ng mga estudyante ng Fakuldad ng Sining at

Panitik.

B. Mga Respondente ng Pananaliksik

Ang napiling respondente ng pananaliksik na ito ay apat na raan (400) na mag-aaral sa

labindalawang (12) kurso sa Faculdad ng Sining at Panitik ng unang semestre taong 2015-2016.

Kumuha ng tatlumpu't-tatlong (33) respondente sa bawat kurso at hinati ito sa bawat antas, upang

malaman ang pangkalahatang tugon ukol sa benepisyo ng instructional equipment sa pag-aaral.

Pinili ang mga mag-aaral sa Fakuldad ng Sining at Panitik na malugod na pumayag na tumugon

sa mga katanungan patungkol sa pananaliksik.

C. Instrumento ng Pananaliksik

Talatanungan/Survey

Ang paggamit ng isang talatanungan o survey ay ang paraan ng mananaliksik upang

kumalap ng impormasyon at datos mula sa mga iginagalang na respondente. Ang talatanungang

ito ay naglalaman ng mga tanong na nakabatay sa layunin at suliranin ng papel pananaliksik.

Mayroong siyam na bahagi ang talatanungan na pinasagutan ng mga mananaliksik sa mga mag-

aaral na nagmula sa Unibersidad ng Santo Tomas na may kabuuan na 400 na respondente. Matapos

10
Benepisyo ng Instructional Equipment

sagutan ng mga respondente ang talatanungan, ang kanilang mga sagot ay naitatala sa hiwalay na

papel, at ang mga nakuhang mga resulta ay ininterpetra sa pamamagitan ng table chart upang

makita ang kabuuang resultang porsyento ng mga nasabing sagot ng mga napiling respondente.

Research

Sa pananaliksik na ito, gumamit ng mga artikulo mula sa akademikong website at ilang

mga libro na tumatalakay sa paksa. Ito ay upang mapagtibay at mapalawak pa ang kaalaman.

Nilikom ang mga nakalap na sanggunian at pinag-aralan ng maigi. Pinili ang mga kapaki-

pakinabang at kaugnay na paksa.

Nakikiugaling Pagmamasid (Participant Observation)

Ang mga mananaliksik ay nakibahagi sa mga estudyante at nag-obserba upang makakuha

ng datos na realidad at walang pinapanigan. Ang Participant Observation ay naging paraan upang

makahanap pa ng ibat-ibang impormasyon na may kinalaman sa paksa base sa karanasan ng mga

estudyante, guro at kinauukulan. Dinagdagan nito ang mga impormasyong nakalap mula sa libro

at website.

C. Lokalidad

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral na nasa ika-unang taon

hanngang ika-apat na taon ng kolehiyo sa Fakuldad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo

Tomas, Sampaloc Maynila. Ito ang mga napili para sa pananaliksik sapagkat ang mga

11
Benepisyo ng Instructional Equipment

mananaliksik ay nagmula rin sa nasabing lokalidad at gumagamit rin ng mga instructional

equipment sa klase na isang bentahe sa pananaliksik.

D. Pamamaraang Istatistikal o Lapit o Teorya ng Pagsusuri

Ang teorya ng pagsusuri ay pamamaraang Empirikal at Istatistikal. Ito ay batay sa

karanasan o eksperimento mula sa masuring pag-aaral. Nangangailang ito ng isang masusing

interpretasyon at pagsusuri ng mga nakalap na datos at mga katibayan tungkol sa makatotohanang

impormasyon. Nakatala rito ang mga resulta na galing sa tala tanungan na naglalahad ng mga

saloobin ukol sa nasabing pananaliksik.

12
Benepisyo ng Instructional Equipment

Sanggunian:

Bajado, J. (n.d.). Kabanata III DISENYO AT METODO NG PANANALIKSIK. Retrieved

December 6, 2015, from http://www.academia.edu/5200385/Kabanata_III_

DISENYO_AT_METODO_NG_PANANALIKSIK

Bebb, B. (n.d.). The Benefits of Classroom Audio Technology. Retrieved December 2, 2015.

Coombs, P.H. (1970). The World Educational Crisis: A system Analysis. New

York. Oxford University Press.

Guides for Schools. (n.d.). Retrieved December 5, 2015, from http://schools.nyc.gov/Offices

/DCP/Publications/nyslibavanswers.htm

Learning Through Visuals. (n.d.). Retrieved December 5, 2015, from https://www

.psychologytoday.com/blog/get-psyched/201207/learning-through-visuals

Multimedia Projectors: A Key Component in the Classroom of the Future -- THE Journal. (n.d.).

Retrieved November 12, 2015, from https://thejournal.com/Articles/2002/06/01/

Multimedia-Projectors-A-Key-Component-in-the-Classroom-of-the-Future.aspx?

m=1&Page=2

Okuyan, H. Y. (2015). Turkish language student teachers use of instructional equipment in

teaching Turkish. Educational Research and Reviews, 10(3), 313-319.

Savoury, N. J. (1958). Visual aids in teaching History. West African Journal of Education. Vol.

2. No. 1 pp. 5 9.

Smaldino, S., Lowther, D., & Russell, J. (2012). Instructional Technology and Media for Learning

(10th ed.). Boston: Pearson Education.

13
Benepisyo ng Instructional Equipment

The Uses of Audio-Visual Aids in Teaching. (n.d.). Retrieved December 5, 2015, from https://

audio-visual-ebooks.wikispaces.com/The Uses of Audio-Visual Aids in Teaching

Wales, J. (1966). The Place of Teaching aids in Nigerian Education, West African Journal of

Education, Vol. 3 No. 2.

14

You might also like