You are on page 1of 5

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG EDUKASYON


(FILIPINO III)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Modyul 3

Kabanata 3

KALALABASAN NG PAGKATUTO

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang:

1. natutukoy ang mga teknolohiya at kagamitan sa pagtuturo ng wika at panitikan


2. naiisa- isa ang mga kagamitang-limbag na inihahanda ng guro sa pagtuturo
3. nailalahad ang paggamit ng modernong teknolohiya sa pagtuturo
PANIMULANG PAGSUSULIT

__________1. Sa pamamagitan ng remote control ay madali nating mahahanap at matukoy ang chanel ng
programang nais panoorin.
__________2. Ito ay nagsisilbing blue print ng guro.
__________3. Ito ay pahayag ng plano para sa alinmang parting kurikulum maliban sa mga element ng
ebalwasyon.
__________4. Sariling linangang kit na naglalaman ng maraming Gawain ng pagkatutu.
__________5. Tala ng proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.
__________6. Pinakamabsang gamit sa paggawa ng maraming bagaytungo sa pagkatuto ng mag-aaral.
__________7. Ito ay ginagamit ding pangganyak upang ang mga mag-aaral ay maging atentibo sa
pagtalakay ng aralin
__________8. Nababalik ang basahin ng guro para sa ikalilinaw ng isang paksa
__________9. Iniaayos ito sa mga kaalamang binabalangkas ng pamahalaan upang matugunan ang araling
angkop sa pangangailangan,panahon at lebel
__________10. Isang balangkas na sipi ng kinalabasan na isang pananaliksik
NILALAMAN

MGA NAPAPANAHONG TEKNOLOHIYA AT KAGAMITAN SA PAGTUTURO NG WIKA AT PANITIKAN

MGA KAGAMITANG LIMBAG AT INIHAHANDA NG GURO

A. Batayang Aklat - Isang masistemang pagsasaayos ng paksang-aralin para sa isang tiyak ng aisgnatura
at antas. Iniaayos ito sa mga kaalamang binabalangkas ng pamahalaan upang matugunan ang araling
angkop sa pangangailangan,panahon at lebel

B. Manwal ng Guro -Kalipunan ng mga araling nakakaayos ayon sa layunin at mga mungkahing paraan o
istratehiya kung paano itong ituturo sa mga mag-aaral.

C. SILABUS -Isang balangkas ng mga layunin , paksang aralin na nauukol sa isang partikular na kurso o
asignatura na nakaayos nang sunod-sunod ayon sa kinabibilangang yunit at inilaan para sa isang markahan
o semestre.

D. WORKBUK -kinapapalooban ng mga gawaing pagsasanay ng mga ma-aaral kaugnay na tinatalakay


mula sa teksbuk. Maaaring kapalooban ito ng maikling teksto at maraming gawain

E. KOPYA NG BALANGKAS -(duplicated outlines) ito ay dagdag na sipi ng mga binabalangkas na aralin.
Ito ang ginamit na gabay sa pagpaplano at pagbubuo ng araling tatalakayin.

F. Hand-Awts -Sinaliksik at pinagyamang paksa. Madalas inihahanda ng mga isang tagapagsalita para sa
kanyang tagapakinig. Nababalik ang basahin ng guro para sa ikalilinaw ng isang paksa

G. Pamplets/Suplemental magasin/ babasahin -Mga set ng impormasyon mula sa ibang materyales na


idinadagdag sa tinatalakay na aralin

H. Artikulo - Naglalaman ng iba’t-ibang paksa na napapanahon na magagamit na pantulong sa isang aralin.

I. Pahayagan -Naglalaman ng mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa. Ginagamit na batayan at
pantulong bilang suportang impormasyon na kaugnay sa aralin

J. Dyornal - Isang balangkas na sipi ng kinalabasan na isang pananaliksik.

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
K. Indexes -Isang materyal na pinagmumulan at pinagkukuhanan ng mga saggunian at ipormasyon.

L. Worksheet at workcards -Kagamitang pinagsusulatan ng mga impormasyon at kaalaman upang


madaling maisasaayos

M. Modyul -Isang kit sa pansariling pagkatuto. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang gawaing pagkatuto na kadalasan
ay nasa anyong pamplets/babasahin. May iba’t-ibang uri ang modyul: Modyul sa pansariling pagkatao,
modyul sa pagsunod ng panuto at modyul sa balangkas na gawain.

N.. Banghay Aralin - Ito’y balangkas ng mga layunin, paksang aralin, kagamitan at mga hakbang sa sunod
–sunod na isasagawa upang maisakatuparan ang mga layunin o inaasahang bunga ng isang aralin.

O. Patnubay sa Gawaing Pang mag- aaral - Set ng mga panuto at tanong na makakatulong sa pagtalakay
ng mga bagong aralin.

P. Pagsusulit -Isang kagamitang sumusukat kung gaano ang natutuhan ng isang mag-aaral. Ito ay
ginagamit ding pangganyak upang ang mga mag-aaral ay maging atentibo sa pagtalakay ng aralin.
Natutuklasan din ng isang mag-aaral ang kanyang kakayahan at kagalingan

Q. Talahanayan ng Ispesipikasyon -Sa paghahanda ng guro ng pagsusulit makikita ang lawak ng


nilalaman, bilang ng aytem at uri ng pagsusuring gagawin.

PAGGAMIT NG MGA MODERNONG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO

Napakarami na ng mga pagbabago ang makikita natin sa kasalukuyang panahon partikular na sa mga
kagamitan. Umuunlad ang paggamit ng mga modernong teknolohiya upang mapadali ang mga mahihirap na
gawain, makasabay sa makabagong henerasyon at maging libangan. Kasabay ng pag-unlad na ito ay marami
na ring mga kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng mga teknolohiya kagaya ng cellphone, kompyuters at
iba pa, ngunit kasabay rin nito ay ang pagbaba ng mga grado nila sa paaralan dulot ng kawalan ng pokus sa pag-
aaral. Kaya,t bilang tugon sa nasabing isyu, minabuti ng ilang mga kaguruan mula sa iba’t ibang paaralan ang
gumamit ng ilang mga makabagong teknolohiya upang mapukaw ang interes ng mga kabataan sa kasalukuyan.
Sa pamamagitan ng mga LCD Projector, mga DVD na naglalaman ng mga video o movie, kompyuters
at mga powerpoint presentations ay mas matututo ang mga kabataan sa kasalukuyan lalo na’t naaangkop ang
kanilang paglaki o edad sa makabagong panahon.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang panturo, tulad ng midyang instruksyonal ay
nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral,
nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at napagagaan ang proseso ng
pagtuturo at pagkatuto, at nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto.
Bukod sa mga mag-aaral, magkakaroon din ng benipisyaryo ang mga guro kung paiiralin ang paggamit
ng multimedia sa mga makabagong paraan ng pagtuturo ayon kay Aton(2007). Nagkakaroon din daw ang mga

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo at mababawasan ang pagiging dominante sa pag-sasalita
o pagtalakay ng aralin sa loob ng silid-aralan.
Ilan lamang ito sa mga kapakinabangan sa paggamit ng mga moderong teknolohiya sa paaralan, ngunit
may ilan pa ring negatibong reaksyon sa pamamaraang ito. Dahil may ilan pa namang paraan upang maging
kawili-wili at interesado ang mga mag-aaral sa mga aralin ng hindi gumagamit ng ano mang modernong
kagamitan.
Bukod pa rito, isa pa sa mga dahilan ay dahil sa wala naman sa mga makabagong kagamitan ang rason
kung bakit natututo ang bata kundi nasa sarili nila itong kagustuhang matututo.
Marami mang positibo o negatibong reaksyon sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo, ang
mahalaga ay maunawaan ng bawat isa kung ito nga ba ay makatutulong o hindi sa mga mag-aaral. Isa pa ay
kung may nauunawaan nga ba ang mga kabataan sa mga aralin gamit ang mga makabagong teknolohiya o isa
lamang itong paraan ng mga guro upang masabing umuunlad na ang kanilang estratehiya sa pagtuturo.

GAWAING PAGKATUTO
Pumili ng set A (A-I) o set B (J-Q) at gawan ng maikling saliksik mula sa kagamitang limbag at
napapanahong kagamitan sa pagtuturo ng wika at panitikan. Hanapan din ng magandang halimbawa ang bawat
isa. Sa mga kagamitang masyadong mahaba, maaaring mga bahagi na lamang ang ipakita o importanteng
bahagi na dapat makita ang ilagay.

PAGTATASA
Anong pinakamabisang modernong teknolohiya ang sa iyong tingin ay dapat matutunan ng mga guro?
Bigyan ng paglalahad ito sa pamamagitan ng maikling saliksik kung ano at paano ito isinasagawa maging
halimbawa nito.

SANGGUNIAN:
Batayang Aklat / Sangguniang Elektroniko
Abad, Marietta A. et al. (2001). Filipino bilang tanging gamit sa pagtuturo. Mandaluyong City: National Book Store.
Arrogante, Jose A. 2004. Kakayahang Pilipino sa komunikasyong filipino. Mandaluyong City: National Bookstore.
Badayos, Paquito B. 2012. Metodolohiya sa pagtuturo ng wika: Mga teorya, simulain at istratehiya. Metro Manila:
Granbooks Publishing,Inc.
Belvez, Paz M. 2000. Ang sining at agham ng pagtuturo. Quezon City: Rex Bookstore.
Guamen, Pructuosa C. et al., 1998. Tanging gamit ng Filipino. Quezon City: Rex printing , Company, Inc.
Ruedas, Priscilla C. et al., 2001. Paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo. Quezon City: National Book
Store.
Salandan, Gloria G. 2006. Methods of teaching. Quezon City. Lorimar Publishing Company.
Pagtuturo At Pagkatuto Gamit Ang Technolohiya. (2017). Paggamit at pag-uugnay ng teknolohiya sa pagtuturo
at pagkatuto. Retrieved from http://josecaminotabafa.blogspot.com/2017/09/angpagtuturo-ay-isang-
kumplikado.html
Kat, H. (2017). Paggamit ng mga modernong teknolohiya sa pagtuturo. Retrieved from
http://harlynkat.blogspot.com/
Elkan, M. (2017). Ang teknolohiya bilang gamit sa prosesong pagtuturo at pagkatuto. Retrived from
http://reynaldboholtarpen.blogspot.com/2017/09/ang-teknolohiya-bilang-gamit.html
Abad, Marietta at Pricilla Castaneta-Ruedas. 1996. Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo. Manila
National Book Store.
BelBelvez, Paz M. 2000. Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Book Store, Inc.
Pagkalinawan, Leticia C. 2006. Isang Malikhaing Pagtuturo ng Wika sa Pagdevelop ng Kasanayang
Pangkomunikativo: Mga Tunguhin at Estratehiya. Papel na binasa sa 9h Philippine Linguistic
Congress (25-27, Enero 2006) ng Department of Linguistics, Unibersidad ng Pilipinas.
www.ehow.com
www.homeroomteacher.com
www.pacificnet.net/~mandel/#edresources
www.projectdennio.blogspot.com
www.sparklebox.co.uk
www.youtube.com
http://harlynkat.blogspot.com/
https://www.slideshare.net/emmasarah790/mga-napapanahong-teknolohiya-at-kagamitan-sa-pagtuturo-ng-
panitikan-at-wika

RUBRIK

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

FIL 221 PAGHAHANDA AT EBALWASYON SA KAGAMITANG PANTURO

You might also like