You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

COMMISSION ON HIGHER EDUCATION


Region V (Bicol)
Province of Albay
LIBON COMMUNITY COLLEGE
Libon ,Albay

I. COURSE TITLE: MCFIL107 PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG MGA KAGAMITANG


PANTURO
II. COURSE CREDIT :3 units
III. COURSE & MAJOR : BSED FILIPINO 2
IV. Paksa : Paghahanda ng mga Kagamitang Pampagtuturo
V. Mag-uulat:Avegail Lunas
Lilybeth Layderos
Liamae Regondola
Angelika Morje
Angelo Dequiroz
Shyra Roaring
Vl.Kagamitan:
Manila Paper
Gng. Benedicta Aquiler
Instructor

1. MGA SIMULAIN SA PAGHAHANDA NG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

A. Prinsipyo at Teorya

Mga Teorya at Prinsipyo sa Paghahanda ng Kagamitang Panturo

Ang teorya ay tumutukoy sa pinagbatayan kung gaano kaganda ang pagkakapaliwanag kung
paano at bakit ito naging masistemang paraan O Paghahanda..

Ayon kay Reigeluth (1983)

-Teorya ay set ng mga modelo

-Ayon din sakanya ang Prinsipyo at teoryang ito ay matutukoy sa pamamagitan ng descriptive
at perspective na anyo.

Alwright (1990)

-Ang mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo at pagkatuto.

Ayon naman kay Abad(1996)

-Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng bilang pantulong sa


paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloon in, palagay, kaalaman, pag-unawa, at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral.

Ayon kay Seems(1997)

-Ang teorya ay paliwanag ng penomina at pangyayari na makatulong sa Mag-aaral na


lubusang maunawaan ang talakayan.
Prinsipyo sa Paghahanda ng kagamitang Panturo

1.Gawing malinaw at tiyak ang layunin ng pagtuturo.

2.Iangkop sa paksang-aralin ang kagamitan.

3.Kilalanin ang katangian at karanasan ng mga mag-aaral.

4.Tiyakin ang tagal ng panahon ng paggamit ng kagamitan.

5.Alamin ang tamang paraan ng paggamit.

6.Tiyakin may pagkukunan at abot ng badyet ang mga kagamitan.

B. KAHALAGAHAN NG MGA KAGAMITANG PANTURO

Ayon kay Abad(1996), ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit
bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasaysayan, saloobin, palagay,
kaalaman, pang-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto,
tunay,. Dinamiko at ganap ang pagkatuto.

Ang sabi naman ni Alwright(1990), ang mga kagamitang panturo ay komokontrol sa pagtuturo
at pagkatuto.

Limang (5) Kahalagahan ng mga Kagamitang Panturo

1. Nagiging makatotohanan sa mga mag-aaral ang talakayan.

2. Walang naaksayang panahon at oras sa mag-aaral at guro.

3. Nababawasan ang pagiging dominant eng guro sa pagsasalita o pagtalakay ng aralin sa loob
ng klasrum.

4. Tumutulong sa pagsasakatuparan ng mga layunin sa pagtuturo.

5. Gumigising sa kawilihan ng mag-aaral at humihikayat ng inter-aksiyon.

C. KALIKASAN AT KATANGIAN NG EPEKTIBONG KAGAMITAN PANTURO

Hango kay Tomlison (1998), may dalawang pangunahing katangiang dapat taglayin ang
anumang kagamitang ihahanda ng guro para sa pagtuturo.

1. May impak-Kailangang masaling ang kuryusidad, interes at atensyon ng mga mag- aaral
upang masabing nagkakaroon ng impak sa kanila ang mga kagamitang ginamit.

Natatamo ang impak sa pamamagitan ng mga sumusunod na aspekto:

a.orihinalidad- pagiging bago o kakaiba ibang pagkakataon

b.pagkakaiba-iba - may baryasyon sa iba't ibang pagkakataon.

c. kaluguran - kahali-halina sa mata o paningin tulad ng paggamit ng mga makukulay na


presentasyon, larawan at iba pa.

d. kawilihan - pumupukaw ng interes ng mga mag-aaral

2. May bunga- Inihahanda ang mga instruksyunal na kagamitan hindi upang magamit lamang
sa pagtuturo.
MGA PANUNTUNAN AT DAPAT TANDAAN

 Lahat ng instruksyunal na mga kagamitan ay pantulong sa pagtuturo. Hindi nito


hinahalinhan ang guro. Ang mga materyales na ito ay nakatutulong sa pagtuturo ng guro
sa silid-aralan upang maging kawili-wili, kasiya-siya at kalugod- lugod ang pag-aaral ng
mga mag-aaral.

 Piliin ang instruksyunal na kagamitang pinaangkop at pinakaakma sa iyong mga layunin.

 Kailangang gumamit ng barayti ng mga kasangkapan at kagamitan tulad ng video,


computer, overhead projector, at chalkboard. Napapanatili ng mga ito ang interes ng
mga mag-aaral sa pagtanggap ng kabatiran sa iba't ibang paraan.

2. ANG MODYUL

ANO NGA BA ANG MODYUL?

- Ang modyul ay sariling linangin kit na naglalaman ng maraming gawain sa pagkatuto, kalimitan ay
mga papel na sinasagutan ng mga mag-aaral.

MGA KABUTIHANG NAIDUDULOT NG MODYUL SA MGA:


GURO AT MGA MAG-AARAL

1.)PARA SA MGA GURO, NABIBIGYAN NILA NG PAGKAKATAONG MATUKLASAN AT MABIGYANG-LUNAS


ANG MGA SULIRANIN SA PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL.

2.)PARA SA MGA MAG-AARAL, NAKAKAGAWA SILA NG PARAAN SA KANILANG SARILING KAPAKANAN,


NAGAGAMPANAN NILA ANG KANILANG PANANAGUTAN UPANG MATUTO.

MGA BAHAGI NG MODYUL

1. PAMAGAT
Ano ang pamagat ng modyul?
Hal." MGA KATUTUBONG KAUGALIAN"
2. ANG MGA MAG-AARAL NA GAGAMIT (TARGET LEARNER) Ang mga mag-aaral ba sa loob ng silid
aralan? o mga kabataang nasa pamayanan.
3. LAGOM-PANANAW (OVERVIEW) Tungkol saan ang modyul? Ibigay ang kahalagahan nito.
4. LAYUNIN (OBJECTIVES)
Anu-anong tiyak na kaalaman, kakayahan at kasanayan ang inaasintang makamit sa pag-aaral ng
modyul?
5. PANUTO O INSTRUKSYON SA MGA MAG-AARAL
(INSTRUCTION TO THE LEARNER) Kung papaano gagamitin ang buong modyul.

6. MGA KAKAILANGANING KAHANDAAN NG GAWI (ENTRY BEHAVIOR)


Ang mga ito ay ang mga kaalaman at kasanayan dapat ay alam na ng bata gamitin ang nasabing modyul.

7. PAUNANG PAGSUBOK (PRE-TEST)

Ito ay pagsusulat na base sa mga kailanaganing kahandaang asal.


8. MGA SAGOT SA PAUNANG PAGSUBOK
9. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO (LEARNING ACTIVITIES)
Ito ang pinakakatawan ng modyul. Dito inilalahad ang mga aralin, ang pagpapayaman sa mga aralin.

10. MGA TANONG NA SASAGUTIN (QUESTION)


11. MGA SAGOT SA TANONG (FEEDBACK)
Kasunod agad nito ng mga tanong upang mabatid agad ng mga mag-aaral kung wasto o mali ang
kanyang mga tugon.

12. PANUKATANG SANGGUNIANG PAGSUSULIT-(CRITERION POST-TEST)


Ang pangwakas na pantayong pagsusulit ay ibinigay dito upang masubok kung gaano ang natutuhan ng
mga mag-aaral sa kanyang pag-aaral sa modyul.

13. MGA SAGOT SA PANUKALANG PAGSUSULIT

14. PAGPAPAHALAGA (EVALUATION)

Nakatulong ba ang modyul sa katuparan ng mga layunin?

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN

a.) KAHULUGAN

Ang mga modyul ay isa sa mga pangunahing kagamitang panturo bilang saligan ng pagpapadaloy ng
talakayan.

b.)KAHALAGAHAN

Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Alonzo na tumutuon sa kahalagahan ng modyul, binigyan niya ng


depinisyon ang modyul bilang kagamitan sa pagtuturo na buo at sapat sa kanyang sarili na ginawa upang
magamit ng mga mag-aaral nang hindi na kinakailangan ng guro.

WAKAS!

You might also like