You are on page 1of 1

PANGANGAMBA

Hindi maiiwasang mapagod ka,

Sa paglalakbay nang nakapaa,

Patungo sa pangarap na inaasam,

Tanging tanglaw sa dilim ay ang pagnanasang

pangarap ay nakamtan.

Minsan madarama ang kalungkutan,

Minsan babalutin ka ng kakulangan,

Minsan madarapa at tuhod ay masusugatan,

At ang pag-asa ay mauupos at maglalaho ang pag-aasam,

Ngunit iyong panghawakan,

Bawat pagsubok ay may iniiwang aral,

Paghihirap ay di magtatagal,

Walang problemang hindi malulunasan.

Sa pangarap ika’y yumapos,

Bigay Niyang pagsubok ay matatapos,

Sisilay ang bagong umaga,

Kaniyang papawiin ang pangamba,

Magtiwala sa kaniya’t kan’yang pupunan

ang banga ng iyong pag-asa.

You might also like