You are on page 1of 1

Filipino 9

Gawain: Para sa Iyo ang Tula Ko

Pag-ibig, Pag-asa at Liwanag sa Digmaan


Vin Danielle V. Lajom

Ang ating buhay ay isang digmaan

Nariyan ang samu’t saring kalaban

Palaging nakaabang upang ikaw ay tambangan

Ngunit kailangang daanan, upang makamit ang katiwasayan.

Mabuti na lamang at ikaw ay nariyan

At ang pag-ibig mong hindi matumbasan.

Nagbigay ng pag-asa para lumaban,

Nagsilbing liwanag sa gitna ng digmaan.

Hindi ko alam kung bakit

Na kahit magulo ang aking isip

Hindi ka nagdalawang-isip

Ako’y iyong itinayo, pagdududa ay inalis.

Ikaw ang liwanag, sa aking dilim.

Nagsilbing daan upang makamit ang mithiin.

Umaaraw, umuulan

Salamat at ikaw ay nariyan.

You might also like