You are on page 1of 17

Entry #13

PAGSIKLAB
Ni G Becca Felicity P. Alejo
La Salette of Cabatuan

“PAGSIKLAB”
Sumiklab
Lumiyab
Nag-aalab…
Humina
Namatay
Naging abo
Nawala.

Sumiklab. Sumisiklab ang damdaming gustong sumabog.

Pagsabog na magdadala ng malakas na dagundong.

Dagundong na magdadala ng pagkabigla.


Pagkabigla ang dahilan kaya sumiklab ang damdaming marupok at mahina.

Lumiyab. Lumiyab sa tindi ng pagsabog.


Napakainit. Init na nagmula sa nanggagalait na dugo.
Init na matagal nang hindi hinaplos ng yelo.
Init na sumabog at lumiyab dahil ito ay napuno.
Napuno ng puro pasensya, konsensya, sakit, galit, pagtitimpi, pagtitiis, pag-intindi, hirap,
pasakit, pangungutya, at marami pa.

Nag-alaab. Nag-aalab ang sumiklab na lumiyab.


Nag-aalab ang apoy na lumiyab mula sa pagsabog na sumiklab mula sa pusong wasak na wasak.

Sirang sira.
Basag.
Nagging bubog.
Pinukpok ng batong mabangis.
Kinain ng isang leon na gutom na gutom.

Ang leon ay nabigla.


Umiyak.
Naramdaman niya ang pasakit at hinagpis ng kinaing pusong wasak at durog.

Naduroog ng pagsubok.

Sinubok ng katatagan.
Katatagan sa kawalan.
Humina.
Humina ang pagliyab ng nag-aalab na sumiklab.
Humihina hindi dahil gsutong sumuko kundi dahil ayaw palamon sag alit ng mundo.
Humihina hindi dahil nagpaptalo kundi dahil lumalaban at nagpapakatotoo.
Humihina…

Namatay. Namatay ang huminang pagliyab ng umaalab na sumiklab.


Suko na ang pusong walang magawa kundi kumalma.
Kalmahin ang sarili at muli na ngang magtimpi.
Nagtitimpi dahil ito ay hindi mali.
Mali. Maling pagharian ng galit ang pusong nakaiintinndi.

Naging abo.
Naging abo ang namatay na humina mula sa sumiklab na nag-aalab na lumiyab.
Pagiging abo ng gusting pakawalang apoy ng panggatong.
Panggatong ng buhay sa hinaharap.

Nawala.
Nawala ang abong mula sa huminang nagliliyab at nag-aalabna init ng galit.
Nawala sa tulong ng hangin ng pagtitiwala.
Tiwala sa May Kapal na Tagapaglikha.

Sumiklab.
Lumiyab.
Nag-aalab.
Naniwala
Sumampalataya
Dahil sa tiwala sa Diyos na may awa.
Entry #07
Neptune Mamucud
ISU- CITY OF ILAGAN
“BUWAN”

Isang madilim na gabi, tatlong panaginip


Maklipas ang aking kaarawan.
Naisipan kong, kausapin ang buwan.

Napagod ka rin ba? Dahil sa t‘wing nakikita kita sa gabi


Na nagsisilbi, tila di naghihinawa ang iyong ngiti sa mga labi

Kahit pa malamig ang langit at tila ikaw ay nagkukubli sa mga ulap


At himpapawid.
At ang mga luha ay tahimik na pinapahid.

Nalulungkot ka rin ba? Dahil sa kalawakan ng santinakpan, isa kang malaki


Ngunit mag-isa na pumipilit; pilit-pilit mong pinipihit ang niti
At liwanag upang magdala ng lamparang sa diwa ay tumatawag
Tumatawag sa katapangan bagkus ika’y duwag.

Dahil kung ano man ang iyong sagot handa na akong making o’buwan.
Sa kawiswis ng hangin at sa daloy ng ulan sa bawat dahon, ang sagot ng buwan ay umahon.
Kaibigan, sabi niya, tinatanong mo ba kung nalulungkot rin ba ako? Hehe. Syempre naman, oo!
Ngunit kaibigan ko ang mga ulap at mga ulap at mga tala

Tiwala na sila’y kaibigang lagging andyan na masasandalan


at handa akong itama, dahil oo, napapagod rin ako.
Hindi lahat ng panahon ay maliwanag ako at kung minsan pa, ang araw ay sumusuntok rin sa
buwan

Napapagod din ba ako? Aba’y oo.


Ngunit noong unang panahon, ako ay isa lamang bato, walang liwanag, walang kasarinlan,
walang kariktan

Umiikot-ikot lamang ako sa liwanang ng iba, hanggang nakilala ko siya


Ang araw at ako ay naging buwan. Ang liwanag niya ay naging liwanag ko.
Ako ay naging ako dahil ibinigay niya sa akin ang kanya.

At ang totoo, hindi ako nag-iisa, nandyan ang mga ulap, tala at ang araw
Hindi ako ang nagpapaliwanag sa gabi, kundi sila at siya na kaibigang lumikha sa buwan.
Sa ulirat ako’y bumalik dahil sa narinig.
Gaano man katibay ang tao sa likod ng salitang kinabisa
Tao ‘di mo kayang mag-isa upang sumaya.
ENTRY # 1
Jericho D. Mauricio

SUHAY NG BAGONG BUKANG LIWAYWAY

Hudyat ng isang magandang umagang ibig nang sumikat,


Sa kasilangana’y tila ibig pa ring lamunin ng ulap,
Ngayong pangiti na ang kaligayahang ating hinaharap
Ay ngayon pa naman, may mga damdaming ibig sumalungat
Sa likod ng ating napakahaba nang mga paghihirap
Tila mayroon pang utak na kaaway ng ligayang ganap
Ngyaong narito na’t ang buhok na ginto ay inilalatay
At ngayon pa naman may isipang pabaligtad.

Kaisipang unti-unti tayong niyuyupos


Puspos man sa pagsisikap
Taganas pa rin ang paghihikaos
Bagsik si inflasyon
Hindi natin matuos-tuos
Saan ka man mapunta
Saan ka man makarating
Pagtaas ng presyo’y di maililihim
Nagtaas ang delata
Ang paborito kong fresca tuna
Isinantbai muna
Bagoong at mantika ang pinalit tuwina
Mga sabon na dati’y silka
Ngayo’y brand na TOPZ muna
Nakatatawa mang isipin
Subalit ito ang sa atin ay umaangkin
Maging sarili ko’y kailangan kong tipirin
Bagyong ito ang sumalanta sa bawat damdamin
Bagsik ng hangin na gumising sa atin
Hampas ng mga dahon na nagpapakasakit sa atin
Pangyayaring ito’y sino ang dapat sisihin?

Ngayo’y ang hinaing ng pusong nagtitiis


Dumating ang bagong umaga, dala’y tamis mula sa paghihinagpis
Ang bagong umaga’y ano, ang bagong umaga’y hudyat ng kaligayahan
At lunas sa hirap na dulot ng isang kahapong nagdaan
At bagong umaga’y badha ng isang panahong di pa natitikman
Ang bagong umaga’y sinag ng isang ligayang inaasam-asam
At patale ng hamog sa damdaming tigang sa init ng kaalaman
Ang bagong umaga’y yugto ng isang sandaling sadyang hinihintay
Upang maging wakas ng isang magdamag na puspos-pkarimlan
Nawa’y dumating tayo at mabuhay sa bagong bukas at dala
Bagong padyak ng mga masisiglang paa
Bagong pagsilehay ng mga bagong kaalaman
Bagong pagsaliksik sa patuloy na pag-unlad ng bayan
Bagong ekonomiya na magbibigay ng umaapaw na kagalakan
Panibagong pag-asa, pag-ibig, at pagpapahalaga
BAGONG UMAGA, BANGON AKING BANSA.
ENTRY #02
Kyle A. Fabila
BENITO SOLIVEN NATIONAL HIGH SCHOOL

“LIBRO NG BUHAY KO”

Itong piyesang ito ay parang tulang maganda


Na hindi tumutugma sa unang salita
Dahil nagtatapos ito sa huling letra
Letrato, letrato ng napakaliwanag na mundo
Tila isnag malawak na paraiso
Nasa gitna nito ay may tinatatawag na hardin
Pinupuno ng ibat-ibang pananim
Na binabalot ng makukulay na tanawin

Teka, teka lang! itigil na natin yung maling ilusyon


Nasa kabilang dako’y isa lang palang imahinasyon
Pasensya na, nadla lamang ako ng aking emosyon
Kasi ganito rin pala yung dinaranas kong kondisyon
Na sa loob ng napakahabang panahon
Naikulong ako, naikulong ako sa lilim ng depresyon
Nasadlak sa pinakamadilim na sitwasyon
Walang katiyakan, kung may pag-asa pa bang makabangon.

Kasi nabuhay ako na parang isang libro


Na kung bubuklatin ang unang pahina, ay masasabing
“oo napakasaya ko” tila ang mga problema’y nagkukubli sa bawat kwento
Ngunit hindi sa kung ano ang tunay na nilalaman nito.

Unang kabanata
Pinamagatang panahon ng aking pag-iisa
Nung pinili kong magkulong sa loob ng napakadilim na selda
Este kwarto, kwartong tila may mga salitang patuloy na gumagambala
Maging sa bawat sulok ay may nakatingin na mga mata
Matatalas, matatalas na dilang magaling manghusga
Madalas, madalas pangungulila’t pangungutya
Ano ba, tama na
Tao lang naman ako napapagod na.

Ikalawang kabanata
Ito yung kabanatang gusto kong sumuko na
Pagod na aking mga mata sa pag-agos ng mga luha
Na sa bawat pagpatak walang nakakakita
Isang araw pinilit kong kumawala
Isang kaibigan ang lumapit sa akin pero sya rin ay kapwa ko tulala
Hawak-hawak ang isang pakete ng puting bato
Sabi nya pagsinubukan mo, magbabago ang iyong mundo
Oo naniwala ako, nagpakauto-uto ako
Dahil sa mga susunod na kabanata’y tila nagbago ang takbo ng kwento
Dahil ang dating nakulong sa madilim na mundo
Ngayo’y nalulong sa ipinagbabawal na bato
Ginawang libangan ang damo
Niyakap ang nakakasakal na bisyo

Kaya’t sa mga huking kabanata


Sana maibalik ko yung panahon ng aking pagkabata
Na may isang ina, na pupuno sa aking pangungulila
Handing umalalay sa tuwing ako’y madadapa
Dahil may isang ina na handng pumnunas ng aking mga luha

Kaya’t kung isa ka man sa tulad kong sa depresyon ay nakulong


O kaya’y kabataang sa droga’y nalulong
Wag kang mag-alala hindi kita isusumbong
Dahil alam ko ang laman ng bawat bulong
Tutulungan kitang bumangon
Sabay tayong lalakad ng pasulong

“dahil laging may Diyos na nakaagapay at magsasabi sayo, anak nandito lang ako.”
ENTRY #4
Lance L. Laverinto
QUIRINO NATIONAL HIGH SCHOOL
“BAKIT AKO”

Buong araw, buong buhay ko’y nabubuhay sa pagmamatyag

At pagtatala sa mga pangamba’t alinlangan ng aking buhay.

Paulit-ulit kong pinapakinggan, ang problema, at ang mga kalungkutan na pilit kong tinatakasan
pagdating ng kinabukasan

Wala akong magawa na tila bagang hindi ako magising-gising sa isang bangungot na nagbibigay
sa akin ng poot

Hanggang marating ko ang gitna ng takot na walang kilalang daan


Naliligaw na talaga ako

Ibang mundo na kasi ang nasuotan ko

Wala ng kilalang daan

Walang ibang pinanghahawakan kundi ang pagtakas

Nagmarka ang kanilang mga titig, na pilit kong isinisilid sa aking mga alaala ng mga detalye ng
kanilang pagmumustra

Ang aking inay…

Wala namang mangyayari sa ginawa niyong iyan

Hindi naiba ang lagapak ng tono na simula’t sapul nang mauso ang sermon sa bahay

Nanatiling simple ang paliwanag ko

Ngunit… ang mga tono na ito ay sadyang binging alingawngaw sa kanilang paligid

Wala akong ginawang tama

Wala akong ginawang maganda sa paningin nila

Ramdom kong palapit nang palapit ang mga pagitan ng magkakasunod na yabag
Ang aking itay…

Pinagpawisan ang aking mukha at umiikot ang aking sikmura


Bawat lagapak ako’y nanginginig

Putok na bungi, basag na nguso, hiniwang susong marka ng nakakabaong na mga alambre na
naipaikot sa leeg at braso

Katawan.. oo ang akking katawan na pinagpipiyestahan ng pasa at bugbog

Walang oras para bumalik at maghanap

Hindi ko alam kung saan magsisimula

Hindi ko na alam kung sa dulo ba o sa umpisa

Kapag huminto ako, wala…walang magbabago

Walang magbabago sa aking tunay na mundo

Na pilit na kumakawal s mga usok ng sigarilyo, at paghithit ng mga drogang muling


nagpapatakbo ng buhay ko

Lumaki kasi ako sa kasinungalingan

Kasinungalingan sa maliit na sakripisyo

Kasinungalingan sa pagmamahal

Kasinungalingan sa pag-aaruga

Kasinungalingan na pilit na dadalhin ko sa loob ng aking kabaong

Ang sinumang nagkakamali ay kailangang humarap sa hustisya

Iyon ang pangalan na isinisigaw sa pagitan ng mga rehasna aking sandalan sa bagsak na aking
katawan

Mahirap ipaliwanag.. pero simpleng usapin narin ito ang prinsipyo

Naisip ko, kung kasama ko sila

Naging pantay sana ang ginagampanan kong pananagutan


Ngunit.. hindi.. pananagutan ko sa loob ng kulungan

Kulungan na naghimlay sa akin ng paghihigantit pagrerebelde

Tatakas ako.. tatakas ako sa impyernong naglilimi sa aking pananahimik

Umaasa ako.. umaasa akong mauunawaan nila


Mauunawaan nila ang aking simpleng paliwanag

Tagatak ang aking pawis

Tulad ng ordinaryong bumubuhos kapag ako’y nakikipaglaro

Pilit akong tatakas.

Naghihingal ang hingal kong humahabol na hinahampas ng hangin

Sumisirit ang hamog sa bumbunan ng aking batok

Na agad tinuyo ng kaba.. sa papasikip nang papasikip na eskinita

Sino ba ang tama? Sino ba dapat ang aking kasama?

Pakaliwa, pakanan, maliliit na kalye at malalawak na daan

May pag-asa pa ako..

Walang oras para bumalik at maghanap

Umaasa sa kahit kaunting aninag ng liwanag

Salit-salitan ang paghangos at paghinga

Hanggang tuluyanko nang napakawalan ang tinimping paghinga

Patay na

Dumaloy aking luha

Luha ng pagsisisi nang aking naaalala ang mahal kong ina at ama

Wala na subok na
Sumandal ako sa malapad at kongretong pader

Namumukahan ko ang sari-saring nakasulat

Yabang, angas anagal, sigaw ng panahon

Ngunit hindi ko na kaya

At tuluyang ako’y napapikit na.


ENTRY #03
Ihna Marie O. Cabalonga
ISABELA NATIONAL HIGH SCHOOL
“DEPRESYON”

Nabuhay ako na lungkot ang laging kasama


Lungkot na laging nakasunod kahit san magpunta
Lungkot na hindi ako iniiwan kahit ano pa ang gawing pagpapakawala
Lungkot na patuloy na bumabalot sa aking kaluluwa

Nabuhay ako sa pangungutya


Nandyan ang mapanghusgang mga mata
Na sa aking paglalakad nandyan sila
Mga taong pinaparamdam na wala akong halaga

Sabi nila arte lang daw ang aking pinapakita


Umiiyak pra mapansin ng iba
Kulang sa atensyon kaya ganyan siya
Mga salitang aking naririnig sa tuwing ako’y nag-iisa

Ngiti sa umaga, iyak sa gabi yan ang palagi kong ginagawa


Pag-ngiti sa umaga para matakpan ang lahat ng sakit na nadarama
Para kahit sandal magamit ko ang aking mga ngiti
Pag-iyak sa gabi para ang kalungkutan ko’y mabawasan ng kaunti at pagkatapos nito’y ako’y
babangon muli

Depresyon
Isang napakahirap na sitwasyon
Pagkakaalam ng iba arte lang ang salitang depresyon
Sa sitwasyong ito’y napakahirap bumangon.

Ako’y nalulunod sa sarili kong kalungkutan


Nalulunod sa sariling nararamdaman
Lungkot na patuloy akong pinapalibutan
Hanggang sa sumuko ang aking katawan

Sa tuwing ako’y kakausapin niyo


Para bang walang problemang tinatago
Sa tuwing ako’y makikita niyo
Pagmasdan niyo ang aking mga tawa at ngiti na tinatakpan ang kalungkutan at mga problema
ko.

Sa tuwing didilat ang mga mata


Dilim ang nakikita
At pati sa umaga’y dilim ang nasisilayan niya
Sa isang nakakaranas ng depresyon pati liwanag ay dilim para sa kanya

Walang nagmamahal sayo


Walang nagpapahalaga sayo
Wala silang pakealam sayo
Mga salitang pumapatay at bumabagabag sa isip ko

Pero alam ko sa sarili ko


Na kakayanin kong tumayo sa sarili kong mga paa
Kakayanin kong kumawala sa sakit na iniinda
At kakayanin kong takasan lahat ng problema

Depresyon, bawat segundo pinaramdam mo na wala akong kwenta sa mundo


Depresyon, winasak mo kami ng buong-buo
Depresyon, sa saya’y tuluyan mo akong nilayo
Depresyon, ginawa mong mahina ang isang malkas na kagaya ko

Sa mga taong nakakaranas nito


Maging malakas at matatag ang gawing sandata niyo
Balewalain mo ang lahat ng bumubulong sa’yo
Dahil sisirain nito ang pagkatao mo.

Hindi totoong walang nagmamahal sa isang tulad ko


Hindi totoong walang nagpapahalaga sayo
Hindi totoong walang may pake alam sayo
Dahil meron, meron ang Diyos para iparamdam sa isang tulad ko ang lahat ng mga ito.
ENTRY #01
Patrick C. Damagan
ISU- CABAGAN

“BAYAN MO, ANONG NANGYARI SAYO”

Ibon na may layang lumipad


Sigurado lahat tayo ito ang hangad
Kaya nga mga bayani ito’y tinupad
Subalit tila ba isip nati’y kung saan na napadpad

Kaibigan
Halika, ako’y iyong samahan
Ating puntahan
Ang mga lugar kung saan
Napadpad ang utak ng ating mga kababayan

Lugar na tila ba puno nan g kamalian


Unang pasyalan
Sa lugar daw na makabago
Ewan ko kung sinong mga tao rito
Para bang hindi mga Pilipino

Pagkat nagsasalita ng kung ano-ano


Halimbawa nito
Hellow powxz, kamusta kayow?
Anneonghaseyo!
Charot dagdag pa nito

Pero ito ang malala


Dahil sa mga bata
Tila ba disiplina at respeto ay nawala
Kausapin mo, tutuparin mo

Ang isasagot lang sayo


Ha? Hakdog
Share mo lang?
Kwento mo sa pagong

Ito piso, bili ka nng kausap mo


O diba makabago
Mga katagang ewan ko kung sinong nag-imbento
At tinuturuan ang mga taong maging bobo
Ay, teka teka teka
Usapang bat aba?
Halika ako’y may ichichika
Sigurado updated ka

Sa mga eskandalong nasa social media


Sinong mga bida
Mga binata’t dalaga
Tila ba binebenta ang laman

Kaya’t walang balot ang katawan


Asan na ang pag-asa ng bayan
Yan bang mga kabataan
Na ang bag ay lipstick, make-up at pang kilay lang ang laman

Oops teka, idagdag ko lang ang pababngo at lotion


Tama na ang eksplanasyon
Tayo’y pumunta na sa ikalawang destinasyon
Lugar kung saan puno ng akusasyon

Bawat isa tingin sayo’y oposisyon


Magkakaklat ng maling impormasyon
Mapaniwala lamang ang mga tao sa ating nasyon
Na ikaw ay masamang intension

Ito ba ang tanging solusyon


Para sa mataas na ambisyon?
Isang maling persepsyon
Kaya maraming napapadpad sa ikatllonng lokasyon

Lugar na ang mga tao’y hawak ng depresyon


Mga taong parang nawala sa katinuan
Iniisip na wala ng mapagkakatiwalaan
Walang masasandalan, walang tunay na kaibigan

Pero ako sana’y pakinggan


Mapag-isa’y hindi mo kailangan
Manalig ka at sakit ay pakawalan
Hindi rin sagot ang kamatayan

Upang maglaho ang nararamdaman


Hindi rin solusyon ang social media
Mas magandang ipaalam mo sa iyong pamilya
Isa lang paying kaibigan

Depresyon lang yan, kaya mong labanan


Ngayon, huli nating pupuntahan
Isang lugar na puro digmaan
Pilipino at Pilipino ang naglalaban
Rally ay makikita mo kung saan-saan
Mga nagpoprotesta ay laging nasa daan
Anong pinaglalaban?
Ewan ko lang kung katotohanan o kasinungalingan
Anong nangyayari sa ating bayan
Imbes na magtulungan
Ang nangyayari’y siraan ang pangalaan

Dumadagdag lang sa problema ng bayan


Mas lalo sanang bigyan ng pansin
Mga naghihirap na kababayan natin
Wala na ngang makain

Pinapataas pa ang presyo ng mga bilihin


Ano? Inflation ang sisisihin?
Kaya para bang isang mahika
Ang isang buwang sahod nap era

Ay isang araw lang sa bulsa


Kikisap lang ang iyong mata
Hindi mo na ito makikita
Teka, may isa pa pala

Lugar na nakakasawa na
Nakakasawang marinig n gating mga tenga
Lugar na kung saan tatlo lang ang Gawain nila
Gagawa, magbebenta tapos gagamit pa

O ano gets mo na?


Tayo’y nandito na
Rehiyong pang-labing siyam na
Lalawigan ng mga droga

Bayan ng shabu at marijuana


Barangay kalaban ng pulisya
Pamilya problema
O diba?

Nakakasawa na
Gabi-gabi sa telebisyon iyong maririnig at makikita
Kabayan, isang high value target ang patay matapos manlaban sa pulisya
Isang binatilyo arestado matapos makuhanan ng droga

Isang ginang kalaboso matapos maaktuhang gumagamit ng marijuana


O diba nakakasawa na?
Nakasasawa na ang puro problema
Problemang dulot ng bawat isa

Nang dahil lamang sa kasakiman at kawalan ng disiplina


Kaya mapapatanong ka nalang talaga
Asan na ang perlas ng silanganan
Bakit naging perlas ng kasalanan

Asan na ang pag kapit basig


Bakit naglaho ang pag-ibig
Anong nangyari
Sa bayang pinaglaban ng mga bayani

Pinaglaban ng walang atubili


Kahit kapalit ng kanilang sarili
Gumising na tayo kaibigan
Kailanganpa bang ipangalandakan

Para mamulat sa katotohanan


Na ikaw ang pakpak ng ating bayan
Ang sariling kaunlaran sa tamang paaan
Ay magdudulot ng kapayapaan
Sa ating inang bayan
Kaya dapat mo ng simulant
Ang pagbabago para sa bayan
Uulitin ko, gising na kaibigan.

You might also like