You are on page 1of 2

JUAN, Yoana Alexis F.

BS Architecture 3

Liham ni Panganay kay Inay sa Brunei


By Charina Margarita Fe D. Nola

Ang panahon ay banoy sa himpapawid Lumisan ang Amang itinuring naming bayani
Tila may bagwis sa matuling pagdaan Sumama ng tuluyan sa kanyang bagong maybahay
Kahapon lamang kami ng aking mga kapatid Habang kaming apat sa kapalaran naging api.
Ang mga bisig ni Itay ay itinuring palaruan
Ang Inay na diwatang may may mapagpalang ngiti Si Lydiang matalino, matalinhaga
Haplos na banayad ng lubos na paggiliw Sa edad na labing-anim, bihag ng tukso ng laman
Ang bilang ng tao’y masayang binate Noo’y tinitingala ng mga kaklase niya
Nguni tang ligaya ay tuluyan nang nagmaliw Nakalaang magsilang sa susunod na buwan

Ako ngayo’y labing walong taong gulang Ang paborito kong Nomer na ubod ng bibo
Walo lamang nang si Inay ay lumisan Kasama sa paglalaro ng basketbol datirati
Di inantala ang unos noon pala’y nakaabang Pulos pasa ang kanyang kamao
Kabugkis ang kanyang mabuting kapalaran Lulong sa alak pag-uwi mula sa malalim na gabi
Sa sandaling lumakbay ang Inay
Kumayod at tumayong parehong magulang At ang aming bunsong si Emily
Ang malawak na karagatan ay binaybay Labing-dalawang taong gulang, malasutla ang kutis
Ilang taong pagsisilbi ang kanyang binilang. Mahaba ang buhok, mapupula ang labi
Di na muling nangusap dala ng matinding hinagpis
Si Itay ang tumayong ilaw ng tahanan
Ang pag-aaruga sa ami’y kanyang pinasan Ako, si Juliong panganay ni Inay sa Brunei
Naglingkod sa aming bawat kailangan Ang nagpatuloy sa krus na iniwan kay Itay
Bago tuluyang nagbago ayon sa kagustuhan Pagsusumamo sa mahal na Inay, magbalik na sa amin
Edna ang ngalan niya Pawiin ang pangungulila ng mga naliligaw na anak
Mayumi ang pagpunas sa pawisang noo ni Itay Ating pasanin ang bigat nang magkapiling
Bawat araw siya’y aming nakikita Ilayo sana kami sa tuluyang pahamak
Bihira ang mga sandaling sila ay magkahiwalay.
Di na alintana ang maliit na kita sa aming bayan
Hanggang ang isang hapunan ay sumapit Ang inyong pagbabalik lamang ang tanging paraan
Sa kanyang damdamin, umamin ang Itay Upang ang buhay ‘di tuluyang matulad
Nakatagpo ng pag-ibig kay Ednang kay lupit Sa batong nirupok ng alon ng mapanuksong dagat.
Tila hamog kaming nagsipulas sa bukang liwayway
Nagsimula ang pagbabago sa aming buhay
JUAN, Yoana Alexis F.
BS Architecture 3

LIHAM NG PAGBABAGO NI ITAY PARA KAY PINAY


By Arnalyn P. Bula

Nang ika’y lumisan nagpasyang mangibang-bayan


Malaking pagbabago aking naramdaman
Lubos na nagulila sa iyong pag-aaruga
Ni hindi ko nasuklian sa iyo ng tama.

Aking naalala, pag-gising sa umaga


Mga kailangan ko ay naihanda mo na
Ngunit sa isang iglap ang lahat ay nag-iba
Ang dating gawain mo ay ginagawa ko na.

Kung noon beerhouse ang puntahan gabi- gabi


Ngayon sa paglalaba’t paglilinis inaabot ng gabi
Dati ay massage parlor ang laging tambayan
Ngayon kapiling ng mga anak bahay tunay na pahingahan.

Ngayon alam ko na at lubusang napagtanto


Hindi pala madali ang maging katulad mo
Lahat ng pagpapasakit na idinulot ko sa iyo
Sa akin bumalik ang hirap na dulot nito.

Nagsisisi ako’t di ko man lang pinansin


Ang sakripisyo mo at pagmamahal sa akin
Mga kahinaan ko pinilit mong unawain
Kahit nasasaktan ang iyong puso’t damdamin.

Sana sa liham na ito ay aking maiparating


Ang pasasalamat ko na galing sa damdamin
Dahil sa paglisan mo natanaw at narating
Daan ng pagbabago na dapat kong tahakin

Dalangin ko sa Diyos ang iyong kaligtasan


Sa banyagang lugar na iyong kinalalagyan
Sa iyong pagbabalik ay maaasahan mo
Isang nagbagong mukha ang sasalubong sa iyo.

You might also like