You are on page 1of 26

Modyul 2

PAUNANGPAGSUBOK

1. C
2. D
3. B
4. D
5. B
6. A
7. B
8. C
9. B
10. A

2
GAWAIN
Panuto: Hanapin sa loob ng Cross Word Puzzle ang mga hinihinging mga salita.

A B L N I L L A F A R J D
A L A C O M V X J B O R
X A L K E O B I T E H B O
I C R I C K A I B O D O K
M O F T D M A N U N U R I
B I N I T A R Y B S L D T
Q R M N Z X B S R L O R I
U M V A N P L A T O G E R
I L E P A N T Y R Q E L K
U M E C Q E S D L K G T O

Pahalang: Patayo:
1. Katangian ng isang Manunuri 1. Bungang-isip na isinatitik
2. Ang persona sa likod ng pagsusuri 2. Persona sa likod ng Kritisismo
3. Isang dayuhang manunuri/kritiko 3. uri ng mga teorya

Pahilis:
1. May-akda ng Talaang Bughaw
2. Mga siyentipikong pagpapalagay

2
GAWAIN
Panuto: Paghambingin ang dalawang salita ayon sa iyong nalalaman, maaaring
maglagay ng mga salitang magbibigay ng pagkakaiba ng dalawa.
Pagsusuri
Kritisismo
1. Naghahanap ng Estruktura
2. Nagtatanong upang maliwanagan 1. Naghahanap ng mali
3. Konkreto at tiyak Kumakalap ng 2. Naghahanap ng kulang
4. Nagpapatawa rin impormasyon
3. Negatibo
5. Naghahanap kung ano ang pwede
4. Seryoso at hindi marunong
magpatawa
5. Nakalahad sa malupit at
mapanuyang tining

PAGSUSURI:TANONG KO, SAGOT MO!


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat sa patlang ang iyong
kasagutan.

1.Ano-anong mga katangian ang dapat mong isaalang-alang kung ikaw


magsusuri sa isang akda? Ipaliwanag.
Sa pagsusuri ng isang akda dapat ay suriin mo na natin ang pangunahing tauhan
batay sa kanyang anyo, ugali at paraan ng pagsasalita. Mas mainam na paghimay-
himayin natin ang nakapaloob sa isang akda upang maintindihan natin ang
nilalaman nito.

2.Bakit sinsabing isang seryosong gawain ang pagsusuri?

Masasabi kong isang seryosong gawain ang pagsusuri dahil ito ang paraan upang
malaman at mas maintindihan natin ang nilalaman ng isang akda.
3.Gaano kahalaga ang panunuring pampanitikan sa tao lalo na sa mga
mambabasa?
Mahalaga ang panunuring panitikan sa mambabasa kasi hindi lang naman ang
nakapaloob sa isang akda ang ating sinusuri kundi pati narin sa taong nagsulat
nito. Sa pamamagitan ng ating pagsusuri ay mas mabibigyan natin ng ediya ang
manunulat kung ano pa ba ang damit nitong baguhin o ayusin.

4.Kung ikaw ay isang kritiko, paano mo masisigurado na iyong sinuring


akda ay produkto ng isang maingat at mabusising proseso ng
pagsusuri?
Masisigurado ko kung ang aking sinuring akda ay produkto ng isang maingat at
mabusising proseso ng pagsusuri kapag wala akong makitang pagkakamali o
kakulangan sa aking nabasang kwento.

5. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong maiaambag sa larangan ng


panunuring pampanitikan?

Bilang isang mag-aaral, ang pwedi kung maiambag sa panunuring panitikan ay


gamitin ang talas ng aking pag-iisip upang masuri ang kabuuan ng tao, ugali, kilos
at paraan nito sa pagsasalita.

PAGSUSURI: dugtong -salaysay!

Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na mga pahayag upang


mabuo ang diwa o kaisipan ng mga ito.

1. Ang Panunuring pampanitikan ay isang obhetibong proseso sapagkat…

Ito ay nagbibigay ng pantay na paghuhusga sa isang akda na kung


saan ang mambabasa ay nakakalikom ng higit na kaalaman tungkol sa
likhang sining.

2. Ang bunga ng pagsusuri ay ang pantay na paghuhusga sa akda sapagkat…

Nasusuri natin ng mabuti ang ating nababasa at mas naiintindihan


natin ang nais ipahayag ng akda dahil sa malalimang pag-intindi sa
nilalaman nito.

3. Bilang isang kritiko dapat ay laging bukas ang iyong pananaw sa mga
pagbabagong nagaganap sa panitikan sapagkat…

Ito ang nararapat upang maiwasan ang pagpuna sa pagkakamali o


mga kakulangan sa binasang kwento.

4. Mapapadali ang isang pagsusuri sa isang akda kung may mga pagdulog
na gagamitin dahil…

Ito ang paraan upang malaman ng mambabasa ang layuning nais


iparating ng isang akda.

5. Bilang isang kritiko marapat na kumikilala ka sa akda bilang isang akdang


sumasalamin sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na
alituntunin at batas upang…

Mabawasan ang pagbibigay ng mga negatibong pahayag bagkus ay


supportahin natin ang mga akdang nakakapagbigay inspirasyon sa
atin.
3
GAWAIN
Panuto: Basahin ang isang Mikling Kwentong pinamagatang Mabangis na
Lungsod ni Efren Abueg, at pagkatapos ay suriin ito gamit ang mungkahing
balangkas ng pagsusuri.

I. Nilalaman
A. May-akda - Si Efren Abueg ay kilala bilang isang mahusay na manunulat
at isa na ang Mabangis na Lungsod sa kanyang isinulat.

B. Paksa – Ang paksa ng akda na kanyang sinulat ay makatutuhanan at


napapanahon dahil ipinapakita niya rito ang mga possibleng mangyari sa
ating mga ginagawa.
C. Tauhan – Adong (batang pulubi sa Quiapo), Aling Ebeng (isang
matandang pilay na katabi ni Adong sa simbahan) at Bruno
(Kinakatakutan ni Adong dahil ito ay siga at nangunguha ng pera).

D. Tagpuan – Ang tagpuan ay sa labas ng simbahan ng Quiapo

E. Tema

II. Buod o Lagom ng Katha – Si Adong ay isang batang pulubi na pumupunta sa


labas ng simbahan ng Quiapo upang mamalimos. Ito na ang kanyang madalas
gawin sa umaga upang may pambili siya ng pagkain. Simula ng maulila siya ay
naranasan niya na ang paghihirap. Pero hindi rin naging madali sa kanyang
makapag ipon ng pera kasi kinukuha ito ng napakayabang na si Bruno.

III. Pagsusuri
A. Teoryang Pampanitikan - Teoryang realismo ang aking nakita sa
kwentong mabangis na lungsod kasi nagpapakita ito ng mga karanasan
at realidad na nakita ng may akda sa kanyang lipunan.
B. Pagpapahalaga ayon sa Nilalaman
1.Kalagayang sosyal/Pangkabuhayan – Ang mga kabataan ay
nakakaranas na ng kahirapan kaya nagagawa nilang mamalimos o
di kaya’y manguha ng sapilitang pera matustusan lang nila ang
kanilang pang araw-araw na pagkain.
2.Kulturang Pilpino – Ang kulturang Pilipino na aking nakita ay ang
pagiging madiskarte sa buhay ng mga batang pulubi.
3.Pilosopiyang Pilipino – Ang pilosopiyang Pilipino sa kwentong
mabangis na lungsod ay ang pagpapakita ng isang madilim na
mukha ng Quiapo.
4.Mga Tayutay – Ang tayutay na ginamit sa pangungusap ay ang
pagsasatao.
5.Simbolismong Pilipino – Magulo at nag aaway-away

C. Bisang Pampanitikan
1. Bisa sa isip
2. Bisa sa damdamin
3. Bisa sa lipunan

IV.Repleksiyon – Dapat ay bigyang pansin ang mga pulubing bata dahil hindi
dapat nila ito nararanasan lalo nat sila’y nasa murang edad palang.

4
GAWAIN
Panuto: Magsaliksik ng mga impormasyon hinggil sa mga realidad na nangyayari
sa lipunan ngayon o di kaya’y kung ano mang temang tumutugma sa iyong buhay
o karanasan, at sa pamamagitan ng mga ito’y sumulat ng isang akda.
Suguraduhin na iyong obra ay maisasagawa sa tulong ng mga teorya at iba pang
mga kaalamang tinalakay. Mamarkahan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng
isang rubriks.

PAnghuling PAGSUBOK
1. C
2. D
3. B
4. D
5. B
6. A
7. B
8. C
9. B
10. A

Repleksiyon
Bilang repleksyon sa mga naunang gawain sa Modyul na ito, isulat sa loob ng 200-
300 na salita ang lahat ng iyong mga nakuhang kaisipan hinggil sa panunuring
pampanitikan.

Malaki ang epekto ng panunuring pampanitikan sa ating lipunan kasi ito ay


tumutulong sa atin upang hikayatin ang nilalaman ng isang akda. Maraming
manunulat na Pilipino ang gumagawa ng akda na kapupulutan ng inspirasyon at
dapat gamitin natin ng masusing pagsusuri upang malaman natin ang gustong
ipahayag ng may akda. Kinakailangang din na tayo bilang isang manunuri na
magbigay ng opinyon at maging tapat upang maging gabay sa may akda.

Ang panunuring panitikan ay tumutulong na pahalagahan ang lalim ng


kwento at mensahe ng may akda. Ang may akda ay gumagamit ng makabuluhang
tema na ginagamitan ng matalinghagang paglalarawan o simbolismo. Dahil sa
panitikan ay nagkakaroon ng paghulma sa lipunan upang tulungan ang
mamamayan na bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyohin ang kasalukuyang
Sistema. Ang panunuring panitikan ay isang magandang kasangkapan upang
masalamin ang kultura at pamumuhay ng pangkasalukuyang lipunan upang mas
maintindihan ito ng mga tao.

Modyul 3

PAUNANGPAGSUBOK
1. Disenyo ng Ekonomiya
2. Hindi pagkakapantay-pantay
3. Underemployment
4. Kawalan ng sapat na edukasyon
5. Kawalan ng trabaho
6. Underemployment
7. Hindi pagkakapantay-pantay
8. Kawalan ng trabaho
9. Desinyo ng Ekonomiya
10. Kawalan ng Trabaho

1
GAWAIN

Panuto: Punan ang mga bilog na makikita sa dayagram ayon sa hinihingi nitong
sagot.
Kawalan Mahal na Giyera
ng tubig at mga bilihin o digmaan
pagkain

Kawalan ng

edukasyon

KAHIRAPAN

Panahon at Hindi Kawalan ng Kawalan ng


klima pagkakapanta suporta ng mga
pangkalusu y-pantay pamahalaan imprastrakt
gan ura

Base sa tula na aking nabasa, masasabi ko na mahalaga ang kasipagan sa


ating mga buhay. Kasi kung papairalin lang natin ang ating katamaran, tiyak kung
hindi tayo makakaahon sa hirap. Pero dahil sa kasipagan ay pwde maging posible
ang mga bagay na atin lang pinapangarap.

4
Sa tulang binasa, bakit inihalintulad ang buhay ng tao sa isang gulong?

Mahahalintulad ang ating buhay sa isang gulong dahil walang permanente


sa buhay ng tao, minsan nasa ibabaw tayo minsan nasa ilalim naman. Kung
naghihirap man tayo ngayon, dadating ang panahon na giginhawa rin ang ating
buhay kung papairalin natin ang ating kasipagan at pagiging matiya sa buhay.

5
Bilang isang mag-aaral paano ka makatutulong sa bayan upang maibsan ang
kahirapan sa munting paraan?
Bilang isang mag-aaral, pwde akong makatulong sa ating bayan sa
pamamagitan ng pagdodonate ng aking mga hindi ginagamit na damit. Sa tingin
ko ay malaking tulong ito lalo na sa mga na daanan ng bagyo at walang
maisusuot.

6
Sa tulong ng panitikan, paano mo maipahahatid ang iyong simpatya sa mga
taong naghihirap sa buhay?

Sa tulong ng panitikan ay maipapabatid ko ang aking simpatya sa


pamamagitan ng pagbigay ng tulong sa mga naghihirap. Sa simpleng pagbigay ng
gamit, pagkain o kahit pakikinig lang sa kanilang mga problema ay malaking
tulong upang malaman nila na mayroon silang karamay sa kanilang mga suliranin
sa buhay.

PAgsusuri: Palawakin pa natin!


Panuto: Palawakin ang iyong ideya hinggil sa mga sumusunod na mga pahayag
at kasabihan na mula sa tula ni P. Villafuerte, gawin ito sa pamamagitan ng
pagpapaliwanag ng tatlo hanggang limang pangungusap.
“Ang buhay ng tao’y parang gulong, Minsang mapataas, minsang mapasilong.”

Kung tayo man ay nakakaranas ng hirap ngayon ay dapat wag tayo


mawalan ng pag-asa na makakaahon tayo sa paghihirap na dulot ng
kahirapan. Lahat ng bagay sa mundo ay hindi permanente, kahit ang
mayaman ay pweding maghirap kung hindi nito aalagaan ang kanyang
buhay. Dapat ay wag tayong maging kampante, pairalin lang natin ang
kasipagan.
“Kapag nagmamasipag, ikaw’y nasa langit”
Ang ibig sabihin ng kasabihang ito ay kung ikaw ay masipag tiyak na
makakamtan mo ang kaginhawaan. Lahat naman ng tao sa mundo ay
nagdadaan sa hirap, kaya marami sa atin ang nagtratrabaho dahil sila
ay nakakaranas ng hirap at gusto nilang magbago ang kanilang
buhay. Sabi pa nga, walang imposible sa taong masipag.

“ Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa”


Lahat ng mga problemang dumadating sa atin ay plano ng diyos.
Hindi naman niya ito e bibigay sa atin kung hindi natin ito kayang
lagpasan. Kaya lage lang tayong maniwala at manalig sa kanya, kung
hindi man niya maibigay ang ating mga panalangin ngayon ay
sigurado naman akong maibibigay niya ito sa tamang panahon.

3
GAWAIN

Panuto: Sa tulong ng aklat at internet ay hanapin ang maikling kwentong “Pula,


Puti, Asul at marami pang Korol”, basahin at unawain ito ng Mabuti. Pagkatapos,
ay suriin ang binasang kwento sa pamamagitan ng mungkahing balangkas ng
pagsusuri sa ibaba.

4
GAWAIN
Panuto: Magsaliksik o di kaya’y maghanap ng mga lumang larawan na may
kaugnayan sa kahirapan, sa pamamagitan ng mga ito ay gumawa ng isang
recycled photo collage. Sa pamamagitan din mismo ng iyong collage ay sumulat
ng isang sanaysay hinggil sa nilalaman nito.

“Kahirapan”

Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap nating mga Pilipino.


Ito ay hindi mawala-wala sa ating kultura at nagpapatuloy hanggang ngayon dahil
sa kakulangan ng supporta ng gobyerno. Pero hindi naman ibig sabihin na lahat
ng paghihirap na ating nararanasan ay dahil sa gobyerno, may mga ibang tao rin
na sila mismo ang gumagawa ng kanilang paghihirap at hindi lang nila ito makita
kaagad.

Nakakalungkot isipin na ang kahirapan ay nagbibigay ng malaking epekto


sa ating mga Pilipino lalo na sa mga kabataan. Sa aking ginawang recycled photo
collage ay makikita na ang mga kabataan ang lubos na naaapektuhan ng
problemang ito. Maraming mga kabataan ang kulang sa edukasyon at imbes na
pumasok sa eskwelahan ay nagtratrabaho nalang sila upang makakuha ng pera
pambili ng pagkain ng kanilang pamilya. Hindi na nila maenjoy ang pagkabata
dahil abala na sila sa paghahanap buhay. Dahil narin sa kakulangan ng edukasyon
ay maraming nasa murang edad ang nakakapag-asawa ng maaga. Minsan ito ang
kanilang ginagawang rason upang makatakas sa hirap, pero hindi nila alam na
mas dinagdagan lang nila ang kanilang problema sa buhay. Pero may ibang tao
naman na pumupunta sa abroad upang matutustusan ang pangangailangan ng
kanilang pamilya. Talaga namang mas malaki ang sahod sa ibang bansa kumpara
dito sa pilipinas kaya maraming mga Pilipino ang gumiginhawa ang buhay. Dahil
sa kahirapan kaya marami sa atin ang nakakaranas ng kakulangan sa buhay at
nakapagbibigay sa atin ng matinding kalungkutan.

Ang kahirapan ay pwede naman nating malagpasan kung papairalin lang


natin ang ating kasipagan. Marami kasi sa mga Pilipino ngayon na gustong
makakuha ng maginhawang buhay sa madaling paraan kung kaya’t nabibigo sila
kaagad. Kung lahat lang ng tao ay nagtutulungan kabilang na ang mga nakakataas
marahil ay hindi mararanasan ang kahirapan.

PAnghuling PAGSUBOK

1. Disenyo ng ekonomiya
2. Hindi pagkakapantay-pantay
3. Underemployment
4. Kawalan ng sapat na edukasyon
5. Kawalan ng trabaho
6. Underemployment
7. Hindi pagkakapantay-pantay
8. Kawalan ng trabaho
9. Desinyo ng Ekonomiya
10. Kawalan ng Trabaho

Repleksion
Bilang repleksion sa mga naunang gawain sa Modyul na ito, isulat sa loob
ng 200-300 na salita ang lahat ng iyong mga nakuhang kaisipan hinggil sa isyu ng
kahirapan sa lipunan at ang papel ng panitikan sa isyung ito.

Ang kahirapan ay isa sa mga salik na kinakaharap natin ngayon. Marami sa


atin ang nakakaranas ng matinding hirap at mayroon rin tayong pamamaraan
kung paano natin ito masusulosyunan. Dahil sa kahirapan, may mga kabataan na
sa murang edad ay natuto na silang magtrabaho upang makatulong sa kanilang
pamilya. May iba naman na nag-aasawa ng maaga at nangingibang bansa dahil
ito ang sa tingin nilang makakatulong sa kanilang paghihirap. Marami akong
natutunan sa naunang gawain at kabilang na dito ang mga makata at manunulat
ng iba’t-ibang uri ng panitikan na ang tema ay hinggil sa kahirapan. Ang mga
manunulat na ito ay idinaan ang kanilang mga karanasan at hinanaing sa buhay
sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga maikling kwento at tula. Talagang malaki
ang naitutulong ng panitikan kasi sa pamamagitan ng pagsulat ay naipapahatid
ang mga mungkahing nais iparating ng mga tao na nakakaranas ng paghihirap.
Marami sa pangyayaring panlipunan ang rason kung bakit marami sa atin ang
nakakaranas ng kakulangan sa buhay pero dahil sa mga nagbibigay inspirasyon sa
atin kaya hanggang ngayon tayo ay patuloy na lumalaban.
Modyul 4

PAUNANGPAGSUBOK

1. sibil
2. pangkultura
3. panlipunan
4. sibil
5. panlipunan
6. sibil
7. pulitikal
8. panlipunan
9. panlipunan
10. panlipunan

1
GAWAIN
Panuto: Sariwain mo ang iyong nagdaang buhay mula noong ikaw ay
nagkamuwang sa mundo, pagkatapos nito’y sumulat ng isang liham patungkol sa
iyong mga paghihirap at pagdurusa sa buhay. Ilagay bilang patunguhan ng iyong
liham ang tanggapan ng Human Rights.
Liham para sa Komisyon sa mga Karapatang Pantao;

Magandang araw po! Gusto ko lang ibahagi ang aking mga pinagdaanan na hindi
ko makakalilimutan. Noong bata palang ako, ay madalas na akong tinutukso ng
aking mga kalaro at minsan pati ang matatanda dahil sa maitim ang aking kulay.
Hindi ako pinapasali ng aking mga kalaro kaya ang nagagawa ko nalang ay
umiyak. Hindi ko nalang pinapaalam sa aking mga magulang ang ginagawa sa akin
dahil ayaw ko nanggulo. Ngayong nasa hustong gulang na ako ay dala-dala ko
parin ang ganung karanasan, pero hindi na masakit kasi tanggap ko naman at
kaya ko nang ipagtanggol ang aking sarili. Pero sana naman ay maaksiyunan ang
ganitong pangyayari at ipaalam sa mga tao na lahat tayo ay may personal na
karapatan at mayroong kaparusahan kapag tayo ay lumabag sa mga karapatan.
Gusto ko lang hindi maranasan ng iba ang aking naranasan dahil kadalasan ito ay
nagsisimula ng trauma lalo na sa mga kabataan.

Lubos na gumagalang,
Rosemarie

2
GAWAIN
Panuto: Tukuyin ang mga maaaring sanhi at bunga ng mga pangyayaring
isinasaad sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa mga palaso, ilagay ang posibleng
sanhi sa kaliwang bahagi na palaso at ang posibleng bunga naman sa kanang
palaso.

Physical na anyo o antas 1. Matinding kalungkutan at


ng pamumuhay depresyon
Bullying

2. Human
Kahirapan at kawalan ng Walang kalayaan
hanapbuhay traffick
ing
3. extra Namamatay ang tao ng
Droga
judicial walang kalaban-laban
killing

4. pag
May problema sa buhay Nawawala sa katinuan
Gamit ng
Illegal
gamotna

Kawalan ng paggabay ng 5. TEENAGE Kahirapan


pamilya
PREGNANCY

PAGSUSURI: TANONG KO, SAGOT MO!


Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat sa patlang
ang iyongkasagutan.

1. Ano-ano ang iba’t ibang anyo ng paglabag sa karapatang pantao


at paano ang mga ito nalalabag ayon sa panlipunang pangyayari?
Ipaliwanag.
Ang ibat-ibang anyo sa paglabag ay ang Pisikal, Emosyonal, at Istruktural na
paglabag sa karapatang pantao. Nalalabag ito kapag gumagawa tayo ng
masama sa ating kapwa at hindi pinapakinggan ang boses ng mga humihingi ng
tulong.
2. Gaano kahalaga ang maging batid sa karapatang pantao lalo na
pagdating sa proteksiyong pansarili?
Mahalaga na alam natin ang karapatang pantao upang mayroon tayong
panlaban sa oras na tayo ay inaagrabyado. Lalo na sa mga kababaihan na
madalas mabastos at ang nagiging resulta ay natrutruma dahil hindi alam kung
ano ba ang dapat gawin para maaksyunan ito.

3. Bakit mahalaga ang panitkan sa pagsulong ng kabatiran sa iba’t


ibang isyung panlipunan?
Mahalaga ang panitikan dahil isa ito sa mga ginagamit upang maipabatid sa lahat
ang mga isyung panlipunan na kinakaharap ng ating mundo ngayon at upang
madagdagan ang ating kaalaman lalo na sa karapatang pantao

4. Bilang isang kabataan ng makabagong panahon, paano mo


maisusulong ang pagkakaroon ng kamalayan ng kapwa mo kabataan
hinggil sa karapatang pantao?
Bilang isang kabataan, maisusulong ko ang karapatang pantao sa pamamagitan
ng pakikipag-usap sa kapwa ko kabataan tungkol sa mga karapatan at kalayaan at
maging bukas sa mga nangangailangan ng tulong.

Bilang isang mag-aaral sa panitikan, ano o ano-anong mga hakbangin


ang iyong gagawin upang maipaabot sa iyong kapwa ang mga
kaalaman hinggil sa karapatang pantao sa tulong ng panitikan?

Bilang isang mag-aaral, ang mga hakbang na gagawin ko ay magpopost ako sa


internet ng aking mga nalalaman tungkol sa mga karapatang pantao dahil alam
naman natin na hindi lahat ay masasabihan mo kaya mas mabuti kung sa internet
nalang upang malaman ng lahat.

5.Ano-anong aral ang iyong napulot sa tula?


Ang napulot kung aral sa tula ay pa tungkol sa pakikinig sa mga gustong
magbago. Mayroong iba sa atin na kapag alam nilang nakagawa ka ng mali ay
huhusgahan ka nila kaagad at hindi man lang pinapakinggan ang paghingi mo ng
tulong.

6.Bakit mahalaga na kumawala tayo sa bitag ng ibang tao? Ano ang


maaaring maging epekto nito sa iyong buhay?
Mahalaga na kumawala tayo sa bitag ng ibang tao lalo na kung masama ang
impluwensiya nito. Malaki ang nagiging epekto nito sa atin dahil pwede itong
magdulot ng pagkasira ng ating buhay. Wag nating hayaan na gamitin tayo ng
ibang tao kasi lahat ng tao ay may kalayaan na pumili kung ano ang nakakabuti sa
kanya.

7.Sa tulang iyong binasa paano mo mabibigyang saklolo ang sigaw ng


persona na naghahangad na lumaya?
Para sa akin, ang magagawa kung tulong ay makinig at damayan siya sa kanyang
mga problema. Base kasi sa tulang aking nabasa, gusto niyang magbago pero
walang gustong makinig sa kanya. Sa aking pakikinig sa kanyang problema ay
bibigyan ko siya ng mga payo na pwede niyang e apply sa kanyang buhay.

8.Kung ikaw ang persona sa tula paano mo i-iiwas ang iyong sarili mula
sa kapahamakan?
Kung ako ang persona sa tula na aking nababasa ay iiwas ako sa mga taong
pweding maghatid ng kapahamakan sa akin. Marami na akong pagkakamali sa
buhay dahil sa mga taong akala ko ay mabuti yun pala ay may masamang
impluwensiya sa akin. Mas pipiliin ko ang mga tao na may magandang hangarin
at pangarap sa buhay upang parehas kaming magtagumpay.

9.Sa huling saknong ng tula, anong karapatang pantao ang tunay na


hinihingi ng persona ng tula? Pangatwiranan.
Ang hinihinging karapatang pantao ng persona ay ang karapatang sibil. Ito ang
karapatang hinhingi niya kasi gusto niyang magbago at karapatan naman nating
lahat na magkaroon ng kalayaan mula sa mapait na nakaraan.

PAGSUSURI: isaalang -alang mo!

Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na mga


sitwasyon sa ibaba, sagutin ang mga ito ng malinaw at deretso na
ayon sa hinihingi ng mga katanungan sa bawat aytem.

1. Ikaw ay isang empleyado ng isang kompanya sa loob ng sampung taon,


ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ikaw ay sinisante ng iyong employer
dahil sa isang pagkakasala na hindi mo naman ginawa. Nang walang
pagpapaliwanag ikaw ay pinaalis nang hindi mo naman lang naipagtanggol
ang iyong sarili. Anong karapatang pantao ang nilabag ng employer mo sa
iyo? At ano ang gagawin mo?

Ang nilabag na karapatang pantao ng aking employer ay ang karapatang


pangkabuhayan. Hindi nila ako maaring tanggalan ng trabaho dahil sa
kasalanang hindi ko naman ginawa. Nararapat lang na isumbong ko sila
sa sa mga local na hukuman upang maaksiyonan ang kanilang maling
gawain at maibalik ako sa aking trabaho.

2. Dahil sa impluwensiya ng barkada, ikaw ay nalulong sa droga at nahuli


kang bumabatak ng mga otoridad sa inyong hide-out. Dalidali ka nilang
dinampot kasama ng iyong mga kaibigan ngunit sa kasamaang palad ang is
among kaibigan ay binarily ng isang pulis dahil sag alit, ngunit ang naging
palabas ay nanlaban ang suspek. Ano o ano-anong karapatang pantao ang
nilabag ng mga otoridad? Anong hakbang ang maaari mong gawin?
Ang nilabag ng mga otoridad ay ang karapatan mabuhay ng aking
kaibigan. Kahit na nakagawa kami ng kasalan ay hindi nararapat na ilagay
sa kanilang kamay ang batas. Kaya ang nararapat gawin ay isumbong sa
kinauukulan upang malaman nila ang katotohan at para matanggal ang
ganitong mga pulis.

3. Ikaw ay isang mamamahayag ngunit isang beses ikaw ay nagkamali sa


nilalaman ng iyong ibinabalita. Maraming mga panghuhusga ang dumating sa
iyo hanggang sa dumating ang punto na gobyerno na mismo ang umaksiyon sa
pangyayaring ito ay ikaw ay natanggal sa iyong iniikutang propesyon. Ano o
ano-anong karapatang pantao ang nilabag sa iyo? Ano ang magiging katwiran
mo?

Ang nilabag na karapatan sa akin ay ang karapatang pangkabuhayan at


karapatang sa malayang pagpapahayag. Bilang isang indibidwal, may
karapatan tayo na magpahayag ng ating mga saloobin at hindi ibig
sabihin na nagkamali tayo ay pwde na tayong husgahan. Ito rin ay hindi
rason para sa mga nagpapahayag ng balita na basta-basta nalang
pinapaalis sa trabaho dahil sa nagkamali ng isang beses. Dahil sa ganitong
pangyayari ay dapat malagot sila sa batas lalo na ang gobyerno dahil
hindi manlang nila pinakinggan ang aking mga dahilan.

3
GAWAIN
Panuto: Sa tulong ng aklat at internet ay hanapin ang maikling kwentong “Moses.
Moses” ni: Rogelio R. Sikat, basahin at unawain ito ng Mabuti. Pagkatapos, ay
suriin ang binasang kwento sa pamamagitan ng mungkahing balangkas ng
pagsusuri sa ibaba.

4
GAWAIN
Panuto:
1. Sa pamamagitan ng pinag-aralan natin hinggil sa mga isyung
pangkarapatang pantao, gumawa ng isang kanta na kapupulutan ng
inspirasyon.
2. Ang nasabing gawain ay pangkatan at bubuuin ito ng tatlong miyembro,
ang dalawa ang magsisilbing mga kompositor at isang naman ay
tagapaglapat ng musika at naka depende sa inyong pangkat kung sino ang
await sa nasabing kanta.
3. Mamarkahan ang nasabing gawain sa pamamagitan ng isang rubriks na
makikita sa ibaba.

PAnghuling PAGSUBOK

Panuto: Isulat kung ang mga sumusunod na mga karapatang pantao kung ito ay
karapatang sibil, Pulitikal, Panlipunan at Pangkultural. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bilang.
1. sibil
2. pangkultura
3. panlipunan
4. sibil
5. panlipunan
6. sibil
7. pulitikal
8. panlipunan
9. panlipunan
10. panlipunan

Repleksiyon
Bilang repleksiyon sa mga naunang gawain sa Modyul na ito. Isulat sa loob ng 200-
300 na salita ang lahat ng iyong mga nakuhang kaisipan hinggil sa mga isyung
pangkarapatang pantao.

Ang aking natutunan sa Modyul 4 ay tungkol sa iba’t-bang mga karapatan


tungkol sa tao. Lahat ng tao sa mundo ay may karapatan na dapat ay ating
isinusulong lalo na kapag ito’y kinakailangan. Marami sa atin ang nakakaranas ng
mga pang-aabuso, kawalan ng hustiya at pagpatay ng walang kalaban-laban. Kahit
na mayroon tayong karapatang pantao ay hindi parin nito naiaalis ang mga
masasamang tao na lumalabag sa mga karapatang ito. Katulad nalang ng
karapatang mabuhay, sa panahon ngayon ay mayroong paring mga bali-balita na
marami ang namamatay ng walang kalaban-laban. Minsan ang lumalabag sa
ganitong karapatan ay ang mga otoridad.
Lahat tayo ay isinilang na hindi perpekto, marami ang nakakagawa ng
kasalanan sa atin pero wala tayong karapatang pumatay. Mayroon tayong batas
na dapat sundin at wala ito sa kamay ng tao. May ibang tao na nagkakaroon ng
trauma dahil sa paglabag ng kanyang pisikal na karapatang pantao. May mga
bagay na hindi madaling sabihin lalo na kapag pinagbabantaan ang ating mga
buhay. Bilang isang tao na nabubuhay sa mundong ibabaw, dapat protektahan
natin ang ating mga sarili, huwag nating hayaan na ipagkait sa atin ang ating mga
karapatan. Masakit isipin na kung sino pa ang nakakaangat sa buhay ay sila pa
yung gumagawa ng paglabag. At kung sino pa ang mga mahihirap ay sila pa ang
nabibiktima. Minsan nasasabi ng ibang tao na ang unfair ng mundo.

You might also like