You are on page 1of 2

PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418


Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

ERIKA JEAN C. PIMENTEL

4th YEAR BSAcc

SOSYEDAD AT LITERATURA/ PANITIKANG PANLIPUNAN

TAKDANG ARALIN 5

GAWAIN:

TANONG:

Bakit pinamagatang “Langaw sa Isang Basong Gatas” ang kuwento? Ano ang
simbolo ng langaw sa isang basong gatas? Sa iyong palagay, nangyayari ba ang ganitong
sitwasyon sa kasalukuyan? Magbigay ng patunay.

SAGOT:

Ang pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ay sumasalamin sa ating kultura at


tradisyon. Hinahasa nito ang ating talasalitaan, tulad na lamang sa kwentong “langaw sa
isang basong gatas”, kung ating susuriin ang isang langaw ay isang insekto na inaayawan
ng karamihan dahil sa bakteryang dala nito. May kakayahan din itong lumipad at tumalon,
gayunpaman mabilis din ito kumilos. Samakatwid, mula sa may akda, ang langaw ay
sumisimbolo sa ating mga Pilipino na binigayang buhay ni Bandong at ng kaniyang mga
kasamahan. Sila ang mga Pilipinong nanatiling tila isang langaw na sobrang matalas ang
pang-amoy pagdating sa katiwalian at maling pamamalakad ng gobyerno o ng
pamahalaan. Si Bandong ang nagpapakita ng representasyon at imahe ng isang
matapang at may paninidigang Pilipino.

Dumako naman tayo sa isang basong gatas. Ang isang basong gatas ay tipikal na
iniinom lamang ng mga mayayaman o nabibilang sa mataas na estado sa lipunan. Ang
gatas ay naglalaman ng mga sustansiya. Ito ay inuming kalimitang dinadapuan ng langaw
dahil sa mabangong amoy nito sa nang timpla at nagiging malapot at umaasim na kapag
tumagal. Sa puntong ito, ang isang basong gatas ay tumutukoy sa mga dayuhan sa ating
inang bayan. Sila ang mga nagpahirap at nag-iwan sa atin ng isang madilim na kapalaran.
Ngunit ang langaw ay hindi matitigil sa pag-iingay hangga’t ito’y patuloy na nakakaamoy
ng baho, baho ng maling pamumuno at kalakaran.

Kung ating papansinin, ito ay kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan. Marami


pa rin ang mga nang-aabuso ng kapangyarihan ngunit may mga ilang mamamayan ang
nagsisilbing langaw na patuloy na lumalaban at hindi nagpapatinag sa kung anu mang
PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418
Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Website: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippine Association of Colleges and Universities (PACU),
Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI)

bango at sarap ng gatas na mga namamahala sa gobyerno. May mga ilang mamamayan
pa rin ang lumalaban sa karapatang pantao na nararapat sa ating bayan. Ang langaw
patuloy na umaasa na makakalipad muli ang ating sariling kultura at hindi na susubukin
pang muling magpalunod sa gatas, ang gatas na nagdulot ng paghihirap sa lahat.

You might also like