You are on page 1of 3

ABSTRAK

PAPUTIAN NG KAMALAYAN:

PANANALIKSIK AT ANG LIMOT NA KASAYSAYAN NG PAGIGING PILIPINO

JOSEPH T. SALAZAR

Tinatalakay sa papel na ito ang pangangailangang historiko-kritikal na linawin ang prinsipyo sa

likod ng pananaliksik at kung paano ito maaaring gamitin upang magtaguyod ng isang higit na

malay na subhektibidad na makakatulong sa pagpapayaman ng iba’t ibang propesyong

sinasandigan ng ating lipunan. Sa ubod ng mga prinsipyong ito ang pagsipat sa usapin ng

kaputian hindi lamang bilang usaping panlahi kundi isang simbolikong representasyon ng

kaalaman na patuloy na binibihag ng mga prosesong kolonyal. Susuriin ang ang halaga ng

aktibong pagsasakasaysayan, paglilinaw ng mga ugnayang panlipunan at paghamon sa mga

batayan ng kaalaman bilang mga pundasyon ng lahatng pananaliksik.

Mga Susing Salita: kaputian, kaalamang kolonyal, pagsasakasaysayan, pananaliksik


BIONOTE

Si Husneleila B. Antao ay labing-pitong gulang. Ipinanganak siya noong ika apat ng Agosto

taong 2001. Siya ay nasa ikalabing -dalawang baitang at kasalukuyang nag-aaral sa Andres

Bonifacio College. Siya ay nagtapos sa kanyang elementarya sa Mucas Elementary School

noong 2014 bilang Valedictorian. Siya naman ay nagtapos ng kanyang junior high ng may

karangalan sa Andres Bonifacio College. Mahilig siyang sumali noon ng iba’t-ibang paligsahan

noong siya pa ay nasa elementarya. Ang mga paligsahan na kanyang sinasalihan ay katulad ng

monologo, pagbabalita, declamation, slogan making, painting, tagisan ng talino at iba pa. Noong

siya ay nasa ika-siyam na baitang, naging parte siya ng “The Blue Quill” ang opisyal na

pahayagan ng HS Department sa Andres Bonifacio College bilang isang taga pagkuha ng litrato

o photojournalist. Nanalo siya sa Division Press Conference ng 3 rd Placer at kwalipikado para sa

RSPC. Siya rin ay isang miyembro ng ABC Talents Unlimited. Mahilig siyang gumawa ng mga

sining at calligraphy. Mahilig siyang maglaro ng iba’t-ibang isport tulad ng basketball, volleyball

at badminton. Pangarap niyang maging ganap na doktor kaya naman siya ay nag-aaral ng mabuti

ngayon upang makamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.


MABANGIS NA LUNGSOD

Ni EFREN ABUEG

 Mga Tauhan:
Adong, Bruno at Aling Ebeng
 Tagpuan
Quiapo Church Manila

Buod

Isang araw sa simbahan ng Quiapo, may isang bata na ang pangalan ay si Adong. Isa siyang

pulubi na ulila sa magulang at namamalimos lamang sa labas ng simbahan. Sinasalubong niya

ang mga taong naglalabasan galing sa loob ng simbahan para manlimos dahil siya ay gutom na

gutom na. Dumating si Bruno at kinuha niya ang mga napalimos ni Adong. Kinabukasan, habang

namamalimos si Adong nakita ni Aling Ebeng na ang batang si Bruno ay papalapit sa kanila at

tumakbo na si Adong. Nakatakas si Adong ngunit nakita pa rin siya nito at pinagbubugbog

hanggang nararamdaman niya na parang nawala sa kanya ang paghihirap.

You might also like