You are on page 1of 19

“Kalagayan ng Pamumuhay at Kultura sa Olongapo sa

Kasalukuyang Panahon”

A Research
Presented to the Faculty of the
Accountancy, Business, and Management
Mataas na Paaralan ng San Jose
Lungsod ng Olongapo

Parsyal na Pagtupad para sa


kinakailangan sa Ikalawang Markahan sa Asignaturang
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Asuncion, Czaeila A.
Batinga, Bianca
Calderon, Princess V.
Millana, Liam Karylle M.
Panares, Lei Andrea
Sarmiento, Diana C.
Sarmiento, Jhearna

Oktubre, 2019

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

ii
Bilang pagtupad sa pangangailangan sa Asignaturang
Komunikasyon sa pananaliksik sa wika at Kulturang Filipino ang
pananaliksik na ito ay pinamagatang “Kalagayan ng Pamumuhay at
Kultura ng Olongapo sa Kasalukuyang Panahon”. Ang mga datos na
nakaloob dito ay hinanda, inayos at isinaliksik nina Diana C.
Sarmiento, Czaeila Asuncion, Bianca Batinga, Princess Magdalene V.
Calderon, Liam Karylle Millana, Lei Andrea Panares at Jhearna
Sarmiento. Ito ay isinuri at ipinagtibay ni Bb. Alyssa G. Morada.

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kailangan sa


pagkumpleto sa Ikalawang Markahan.

Bb. Alyssa G. Morada,


LPT
Tagapayo
Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

iii PASASALAMAT

Taos – puso ang pasasalamat ng mga mananaliksik sa mga

taong walang sawang sumuporta, tumulong at gumabay para sa

ikatatagumpay ng pag – aaral na ito.

Nais bigyan ng pasasalamat ng grupo, ang mga nagging

inspirasyon at bahagi ng tesis na ito. Una sa lahat, nagpapasalamat

ang mga manunuri sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag

at lakas sa buong grupo. Sa kanyang pag – iingat at pag – gabay sa

mga Gawain sa araw – araw at sa mga biyayang walang hanggan na

siyang nangunguna na naging dahilan ng mga nilalang na manatili

sa mundong kanyang nilikha.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik na walang sawa sa

pagsuporta sa pag – aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang

moral, maging pinansiyal upang maging maayos ang pananaliksik.

At higit sa lahat, pinakamamahal, iginagalang at mabuting

guro ng mga mananaliksik na si Bb. Alyssa G. Morada na walang

sawang gumabay sa mga manunuri sa pag – aaral sa Asignaturang

Filipino.
Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

iv PAGHAHANDOG
Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mga taga –

pagsaliksik ang pag – aaral na ito sa mga taong tumulong, gumabay

at nagging bahagi’ t inspirasyon upang matagumpay na maisagawa

ang pananaliksik na ito.

Sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng katatagan, lakas,

patnubay, at walang hanggang biyaya upang maayos na

maisakatuparan ang pag – aaral na ito.

Sa mga kaibigan at kamag – aral na lagi ring sumusuporta at

nagbibigay ng oras upang maging maayos ang pananaliksik.

Sa mga guro na hindi nagsasawang gumabay, paunlarin ang

pagkatuto at pagiging inspirasyon upang matapos ang pananaliksik.

Sa lahat ng mga taong nasa paligid nila at buong puso na

inihahandog ito sa lahat ng mga mambabasa ng kanilang nilikha.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

v TALAAN NG NILALAMAN

Page

PAHINA NG PAMAGAT i

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

PASASALAMAT iii

PAGHAHANDOG iv

TALAAN NG NILALAMAN v

TSAPTER 1

THE PROBLEM AND ITS BACKGROUND

Introduksyon 1

Paglalahad ng Suliranin
4

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


5

Kahalagahan ng Pag-aaral 7

Terminolohiya 9

LAGOM, KONKLUSYON, REKOMENDASYON


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

vi Rekomendasyon
11

BIBLIOGRAPIYA 13
Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

1 Tsapter 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGAN NITO

Panimula

Ang mga Pilipino ay likas na mapagpahalaga, ngunit may

mga bagay ng nalilimutan pahalagahan dahilan ng modern o

makabagong panahon ngayon. Sa paglipas ng panahon, maraming

pagbabago ang naganap sa kaugalian ng mga Pilipino. Mahalagang

mapanatiling buhay muli ang kinagisnang Kultura. Hindi dahilan ang

maraming pagbabago sa paligid at panahon ngayon ay dapat na rin

baguhin ang mga nakasanayan. Nararapat lamang kahit na saan

magpunta ay laging isapuso ang Kulturang nakagisnan. Ang

Kulturang ito ay isa sa pinagyayaman ng bansa.

Sa panahon ngayon na maraming nauuso o sumisikat na tao,

kaya naman ito ang isa sa sanhi kung bakit nalilimutan na maging

ang sariling Kultura. Isang halimbawa nito na “ K – Pop Fan"

karamihan sa kabataan ng kasalukuyang panahon ay iniidolo ang

mga naggwa – gwapuhang kalalakihan na sikat sa tawag na “ BTS “

o mga “ K – Pop “ mula sa bansang Korea. Sa patuloy na pag – iidolo

ng mga kabataan sa mga K –Pop na ito ay ginagaya na nila pati ang

pananamit, pananalita, at minsan ay kung anong uri ng pagkain ang

kinakain ng kanilang iniidolo ay ganoon ang kanilang kakainin.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

2 Sa pag – aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunan din ng

pansin ang Kultura. Ayon kina Andersen at Taylor (2007) ang kultura

ay isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay

kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o

isang lipunan sa kabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang katwiran ng

Kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa mali at ang mabuti sa

masama.

Pinatunayan din ni Panopio (2007) ang naunang kahulugan ng

Kultura sa pamamagitan ng pagsasabing “Ito ay kabuuang

konseptong sangkop sa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng

kilos at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao.”

Ayon naman kay Mooney (2011), ang Kultura ay tumutukoy sa

kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang

lipunan. Samakatuwid ang ginagawa natin sa ating pang – araw –

araw na pamumuhay mula paggising hanggang bago matulog ay

bahagi ng ating Kultura. May dalawang uri ang Kultura. Ito ay ang

material na kultura at hindi material na Kultura.

Sa panahon ngayon, may ibang nakakaalala ng kanilang

Kultura o kinaugalian subalit ang iba ay hindi na ito sinusunod dahil

ito raw ay “ luma na “ o hindi na uso. Marami na rin ang nagpupunta


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

3 sa iba’t ibang bansa ngunit ilang mga Pilipino ay isinasantabi ang

Kultura, dahilan sa may bagong napuntahan na doon magsisimula ng

panibagong buhay.

Sa bawat yugto ng kasaysayan, ang kultura ang siyang

nagbubuklod at gumagabay sa mga Pilipino. Simula sa madugong

pakikipag laban sa Mactan, sa masidhing pakikibaka ng mga

katipunero sa matapang na pagtuligsa ng mga Propaginsta, sa

pakikipagsugupaan ng mga HUKBALAHAP, sa pagsalungat sa

diktatoryal na pamamahala ni Marcos. Mapalad ang mga Pilipino

dahil ang Kulturang ito ay nanatiling buhay sa puso ng bawat isa.

Kaya naman sa pamamagitan ng pagpapahalaga ng sariling Kultura,

dito maipapakita ang paggalang at pag – alaala sa mga ninuno.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

4 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag–aaral na ito na may paksang “Kalagayan ng

Pamumuhay at Kultura ng Olongapo sa Kasalukuyang Panahon.”

Kaugnay nito ninanais ng mga mananaliksik na masagot ang mga

sumusunod na suliranin:

1. Paano nakakaapekto ang mga dayuhan sa Kultura ng

Olongapo?

2. Nakatutulong ba sa patuloy na pagyabong o pag-unlad ng

ating komunidad?

3. Epekto ba ng mga dayuhan, sa tuluyang pagkalimot sa mga

Kultura ng Olongapo?

4. May ambag ba ang mga dayuhan sa ating Kultura o

Pamumuhay sa kasalukuyan?

5. Nakatulong ba ito sa pagdami ng turista o mga dayuhan sa

Olonngapo?

6. Nakabubuti ang Impluwensya ng mga dayuhan sa Kultura ng

Olongapo?

7. Ano ang mga nabago ng dayuhan sa Kultura ng Olongapo?


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

5 Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng epekto

at kalagayan ng Pamumuhay at Kultura ng Olongapo sa

Kasalukuyang Panahon. Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon

ay marami naring pagbabago sa Pamumuhay ng mga Pilipino.

Naging madali ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng

mga social networking sites, text message, mass media, pahayagan,

at marami pang iba. Ngunit kapansin-pansin rin na dahil sa

makabagong henerasyon ay maraming pagbabago sa kapaligiran

ang nangyayari gaya ng lamang ng pananamit ng kabataan sa

nahahalintulad sa kanilang ,ga iniidolo, gayon din pagdating sa

pagkaing nagsusulputan ang mga Korean restaurant, mga

samgyupsal na kinakainan ng karamihan ay mga kabataan. Sa pag-

usbong ng makbagong teknolohiya sa bansa ay nalagay diumano sa

peligro ang pinagkakaingatang Kultura. Kaakibat daw ng patuloy na

pagsibol ng teknolohiya at modernong paraan ng komunikasyon ay

ang hinay-hinay naming pagkawasak ng Kulturang Pilipino ,maging

ang wika. Unti-unti nang nagbabago ang bokabularyong

nakagisnan,ang ilan man sa mga nakaugaliang gawi at Kulturang

Pilipinoay naibabaon na sa limot at may mga nagsisilabasang mga

salita na di nauunawaan ng karamihan. “Technology Era” iyan ang


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

6 tawag sa panahong kinabibilangan ng mga tao ngayon. Kung saan

nabubuhay sa isang makabagong panahon na kung saan ay isang

halaga rin ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain,at

tubig ang smart phones, kompyuter, wireless fidelity, internet at iba

pang mga gadgets. Hindi natin maikakaila na nakakalimutan na ng

nakakarami ang kani-kanilang kinagisnang kultura. Ang simpleng

kultura na tulad ng pagmamano sa mga matatanda ngayon ay hindi

na ginagawa. Dahil sa mga makabagong teknolohiya imbes

magmano muna pagdating ng bahay ay mas inuna pa nila na

bigyang pansin sa kanilang mga gadgets.

Nilimitahan ng pag - aaral na ito sa mga taong namumuhay sa

Kasalukuyang Panahon. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na

suriin ang mga pananaw at persepsyon sa epektong dulot rin ng

social media sa kalagayan ng pamumuhay at Kultura ng Olongapo sa

Kasalukuyang Panahon. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng

mga mungkahing solusyon upang ang pamumuhay at Kultura ng

Olongapo sa Kasalukuyang Panahon ay hindi maapektuhan ng mga

umuusbong na modernong teknolohiya.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

7 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Kalagayan ng

Pamumuhay at Kultura ng Olongapo sa Kasalukuyang Panahon.” Sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaaring mapalawig ang

kaalaman ng mambabasa tungkol sa kalagayan ng Pamumuhay at

Kultura ng tao sa kinabibilangan niyang lugar. Ang pag – aaral na ito

ay mahalaga na malaman ng mga mag – aaral, magulang at

mananaliksik upang maging bukas ang isip at puso sa Pamumuhay

at Kulturang nakagisnan. Ang Kultura ay napakahalagang bahagi ng

ating bansa. Ang Kultura ang siyang nagbubuklod at gumagabay sa

mga Pilipino. Ito ay nagpapakita na mayroong pinagmumulan ang

mga bagay at gawaing nakasanayan. Dapat na linangin ang kaisipan

ng bawat tao na ipagpatuloy ang nasimulan ng mga ninuno. Ang

pagiging makabayan ay hindi lamang pagmamahal sa bayan kundi

kasama na dito ang pagmamahal at pagsasabuhay ng Kultura at

Pamumuhay ng lugar na kinagisnan maging tradisyon at kaugalian.

Inaasahan ng mga mananaliksik na magkaroon ng malaking ambag

ang pag – aaral na ito sa mga sumusunod:

Sa mga guro – Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit ng

isang propesor sa pagpapaibayo ng mga kaalaman ng mga mag –


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

8 aaral. Makatutulong rin ito sa pagbibigay kasagutan sa mga

katanungang naglalaro sa isipan ng mga mag – aaral.

Sa mga mag – aaral – Ang datos na makukuha sa pag – aaral na ito

ay makatutulong sa paglinang ng kaalaman ng mga kabataan at

upang mabigyan nila ng halaga ang mga Kultura at Pamumuhay

kahit na sa makabago o Kasalikuyang Panahon.

Sa mga magulang – Makatutulong ito sa kanila upang mainam na

malaman at maibahagi nila sa kanilang mga anak ang mga

impormasyon na kanilang natutunan at nalalaman.

Sa mga mananaliksik – Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay

magagamit ng mga mananaliksik na nagsasagawa ng isang

pananaliksik, tungkol sa kalagayan ng Pamumuhay at Kultura ng

kanilang napiling lugar.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

9 Mga Terminolohiya

HUKBALAHAP – Hukbalahap Rebellon o Huk Rebellon isang grupo

ng mga Pilipino na laban sa mga Hapon . Sa panahon ng pananakop

ng mga Hapones.

INTERNET SOCIAL MEDIA - ito ay isang sistemang ginagamit ng

buong mundo upang makapagkonekta ang mga kompyuter o grupo

ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t – ibang klase ng

telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites at

ibang komnikasyon na hindi gumagamit ng kable(wireless). Ang

social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag- ugnayan sa

mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at

nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na

komunidad at mga network.

KPOP FAN - ang pagtangkilik ng Filipino sa mga Kpop group sa ating

bansa kung saan ay sinusuportahan nila ang mga grupong

kalalakihan at kababaihan ng kanilang gusto.

SAMGYUPSAL – ito ay isang tanyag na kainan ng Korea na

karaniwang pinaghahain bilang isang pagkain sa gabi.

SMART PHONE – ito ay tumutukoy sa isang gadget o device na may

kakayahang magsagawa ng ibang pang mga bagay maliban sa

karaniwang nagagawa ng isang telepono.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

10

TECHNOLOGY ERA – sa makabagong panahon na sumisibol ay may

napakalaking pagbabago buhat sa dating pamumuhay kung saan

ang dating mahirap at mabigat na Gawain ay pinapagaan ng mga

makabagong teknolohiya at siyensya.

WIRELESS FIDELITY – ito ay isang markang pagkakakilanlan at

pagkalakal ng mga grupo ng product compatibility standards para sa

mga Wireless Local Area Networks ( WLAN ).


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

11 LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

REKOMENDASYON

Para sa mga guro:

Ang mga guro sa sekondarya ay marapat na hubugin ng

wasto ang kanilang mga mag – aaral lalo na sa pagdataing ng mga

akdang pampanitikan na may kaugnayan sa pag – aaral ng Kultura

upang ang mga mag – aaral ay mas maging mulat sa kalagayan ng

ating bayan.

Gumamit ang mga guro ng mga estratehiya na

makapaghihikayat sa mga mag – aaral na maging mulat at bigyang

pansin ang kalagayan ng Pamumuhay at Kultura ng Olongapo sa

Kasalukuyang Panahon.

Para sa mga mag – aaral:

Kinakailangang maging bukas ang kanilang isipan at maging

malawak ang kanilang pag – iisip upang mas lalo nilang maunawaan

at maisapuso ang mensahe o aral na ipinaparating ng may akda.

Magbigay ng panahon at oras na bumalik o iisipan ang

nakalipas na panahon na kung saan tayong lahat ay mas

pinapahalagahan at niyayakap ang sariling Kultura, Lengguwahe,

Pananamit at iba pa.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

12 Nararapat na mas tangkilikin ang sarili nating produkto at

tulungan nating umangat an gating mga kapwa Pilipino, mahalagang

magkaroon ng interes at sapat na kaalaman kung bakit mahalaga

ang ating Kultura, kung ano ba ang maitutulong nito sa bansa.

Gamitin ng bawat isa ang pagiging malikhain upang tayo ay

makaimpluwensya ng marami pang tao o di kaya gamitin ang Social

Media bilang instrumento sa pagsigaw ng mensaheng ibinabatid ng

may akda at maging isang boses ng bansa natin.


Republic of the Philippines
City of Olongapo
ST. JOSEPH COLLEGE-OLONGAPO, INC
Accountancy, Business and Management

13 BIBLIOGRAPIYA

A. INTERNET

Obien Balug. Pebrero 26, 2013 “Ang epekto ng teknolohiya sa


ating wika at kultura.” obienbangahonbalug. wordpress. com.
Oktubre, 2019,
http://obienbangahonbalug.wordpress.com/author/obienbangahon
balug/

Ahnha0919. Hunyo 18, 2010. “Pagusbong ng teknolohiya,


pagkamatay ng Wika at Kultura.” valiantone. wordpress. com.
Oktubre 2019, http://valiantone.wordpress.com/author/valiantone

Celina Guinto. Enero 27, 2010. “Ang Kultura ng teknolohiya sa


kabataan ngayon.” www. academia. edu. Oktubre 2019,
http://www.academia.edu

Patrick Castillo. Pebrero 28, 2014. “Kahalagahan ng Pag – aaral.”


prezi. com. Oktubre 2019, http://prezi.com/m/kgl-ozszm7vx/ang-
kultura-ng-pilipinas/

Karen Dabalos. Agosto 14, 2014 “Ugnayan ng Wika at Kultura.”


cshsabm1. wordpress. com. Oktubre 2019,
http://cshsabm1.wordpress.com

You might also like