You are on page 1of 2

Philippine Normal University

National Center for Teacher Education


Taft, Avenue Manila

Francia, John Matt Ivan A. July 03, 2022


OBTEC 1-23

FILIPINOLOHIYA SA IBA’T-IBANG ESPESYALISASYON /


KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO
2GED-FIL01
PROF. ESTRELLA LACSON-PENA
Fakulti-CTD-FAL

Linggo 4A:

Pagkilala kay Prospero Covar Bilang Ama ng Pilipinolohiya

LINANGIN NATIN

Panoorin ang maikling bidyo tungkol kay Prospero Covar kaugnay sa Pilipinolohiya:

<https://www.youtube.com/watch?v=3UeMzK62SWo&fbclid=IwAR2tmlgjCrdEqTinZ_6NAKt
wJwUM14xFoFlS9PhHt787vQPkSxzsMJqqDLY>.

MAHAHALAGANG MGA TANONG NA DAPAT SAGUTIN:

Matapos panoorin ang bidyo, sa isang buong papel ay sagutin ang sumunod na tanong na:

1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral tungkol kay Prospero Covar?

Mahalagang pag-aaral tungkol kay Prospero Covar o ang tinaguriang Ama ng


Filipinolohiya ay ang kanyang masusi at makabuluhang diskusyon tungkol sa kaligiran ng
Filipinolohiya: ang kaisipan, kultura at lipunang Pilipino sa wikang Filipino at ang makasining
na pagkukumpara ng tao sa banga kung saan binigyan niya ito nang malinaw na pagwawangis
tungkol sa kaugaliang panlabas, panloob at maging sa budhi ng tao at sa labas, loob at lalim ng
isang banga. Bilang isang indibidwal ay marapat nating alamin kung anong kaugalian o
kaisipang Pilipino ang nananalaytay sa ating budhi ng sa gayon ay mas tumibay pa ang ating
Philippine Normal University
National Center for Teacher Education
Taft, Avenue Manila

pagkatao at bilang resulta nito ay ay mas mas matibay na bansang Pilipinas na may nagkakaisang
mamamayang Pilipino ika-nga ni Ponciano Pineda na may pamagat na Amerikanisasyon ng
Isang Pilipino, “... ang pinagsama-samang indibidwal, ang katipunan ng lahat ng mamamayan ng
bansang ito, ang bumubuo ng sangkapilipinuhan. Habang mahina, habang di ganap ang pagka
Pilipino ng kabuoang ito ay di tayo makapagtatayo ng isang lipunang tunay na Pilipino”.
.

2. Ano ang maitutulong nito sa inyo ngayon at sa pagiging guro sa hinaharap?

Bilang isang guro na tagapagsalin ng karunungan at matalinong kaisipan sa kanyang mga


estudyante ay napakahalaga ng katuturang masisimot sa araling ito dahil dito matatanto natin na
ang wikang Filipino ay napakahalaga sa atin bilang isang indibidwal at bilang isang
nagkakaisang bansang Pilipinas. Masasalamin dito na pagtangkilik sa kung anong yaman ang
meron tayo tulad ng ating wika ang isang napakahalagang papel upang maitaguyod, mapa-igiting
at mapayaman natin ang ating kultura at mismong bansa. Isa pa sa matututunan sa araling ito ang
obligasyon natin bilang isang Pilipino na kahit may dumating mang hamon sa ating pagka
Pilipino tulad na lamang ng hamon ng globalisasyon ay huwag sana nating kalimutan ang ating
pagtangkilik sa sariling atin at mas lalo pa itong bigyang pansin. Ito, bilang isang guro ang isa sa
mga marapat na matutunan ng mga estudyante sa kasalukuyan at sa oras man na kami ay isa ng
maging ganap na guro.

You might also like