You are on page 1of 2

Gawain : Gawain 2

Pangalan : Gallanosa, Quennie Mantes


Kurso, Taon at Seksyon : BSEDSC | 1-1 | 2022
Guro : Mr. Ricardo Carpio
Petsa : Disyembre 06, 2022

INSTRUKSYON: Basahin ang Lisyang Edukasyon ng Pilipino ni Renato Constantino at


sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga


Filipino?
→ Sa aking palagay ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa ating
pagiisip ay mas lalo tayong naging bansot sa mga kaalaman na dapat
nating matutunan tungkol sa ating sariling Bansa. Ang pag gamit lamang
ng wikang Ingles bilang pangunahing wika ng pagtuturo ay may malaking
epekto na sa pagiisip ng mga mag-aaral dahil mas nagiging bihasa sila sa
wika ng mga banyaga kaysa sa ating katutubong wika. Nakaka apekto din
ito sa ating kultura, ekonomiya at tradisyon dahil tila bang mas binibigyang
pansin at mas pinagaaralan ang kultura, wika at tradisyon ng mga banyaga.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-


edukasyon mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag.
→ Isa sa mga naging epekto ng edukasyong kolonyal sa sistema ng ating
edukasyon ay ang hindi pagiging maalam ng mga kabataan at mag aaral
sa ating sariling wika dahil ang wikang ginagamit sa pagtuturo ay ingles ito
ay may napakalaking epekto sa ating sariling wika. Sa panahon ngayon
mas bihasa na ang mga mag aaral sa wikang ingles dahil ito ang kanilang
palaging naririnig sa paaralan, paaralan na kung saan sila ang humuhubog
sa mga kabataan.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang


edukasyon ng mga Filipino?
→ Ang nakikita kong solusyon ay dapat mas paglawigin natin ang kaalaman
ng mga Estudyante at kabataan sa ating katutubong wika, dahil sila ang
magiging pag-asa at kinabukasan ng ating wika. Para saan pa ang
paglalaban natin ngayon na bigyang halaga ang katutubong wika ng ating
bansa kung ang mga Estudyante at Kabataan naman ay hindi marunong o
walang alam sa sarili nating wika? Hindi ba’t mas magiging mahirap ito para
sa atin, mas magiging bansot ang ating wika. Naiisip ko na dapat nating
gawing pangunahing wika sa edukasyon ang mga katutubong wika ng
Pilipino kung saan mas mapapadali ang pagkatuto ng mga Estudyante at
gawin na lamang pangalawang wika ang Wikang katutubo upang hindi din
naman tayo maging mangmang sa kanilang wika.

INSTRUKSYON: Bigyan ng maayos na pagpapakahuluhan ang mga sumusunod na


kaisipan:

1. Pilipinolohiya
− Ito ay ibinubuo ang dalawang salita: Pilipino at lohiya, na ang ibig sabihin
ay pagaaral. Samakatuwid it ay ang sistematikong pag-aaral ng kaisipan at
kulturang Pilipino partikular sa wika at sining.
2. Pantayong Pananaw
− Ito ay isang metodo ng pagkilala sa kasyasayan at kalinangang Pilipino,
kung saan nakabatay sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pilipino sa kanilang
wika at – pagkabuuang kalinangan.
3. Sikolohiyang Pilipino
− Binubuo ito ng dalawang salita na Sikolohiya at Pilipino; ang sikolohiya ay
tumutukoy sa lahat ng mga pag aaral, wika, kultura, tradisyon at iba pa.
Kung kaya ang ibig-sabihin ng Sikolohiyang Pilipino ay ang kabuuang pag
aaral sa wila, kultura – tradisyon ng mga Pilipino.
4. Filipinolohiya
− Ito ay isang disiplina na nakabatay sa siyentipikong pag-aaral ng mga
pinagmulan, katangian at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan,
kasaysaya, komunikasyon at iba pang daluyan ng kaalaman ng Pilipinas at
nagtataguyos ng mga kontrobusyong kaalaman ng mga Pilipino sa mundo
ng karunungan. Ito din ay pag-aaral ng ating kasaysayan at pinagmulan ng
ating sariling pananaw at ideya.

You might also like