You are on page 1of 1

IKALAWANG GAWAIN SA FILIPINOLOHIYA AT PAMBANSANG KAUNLARAN

Ipinasa ni: Angeli Waigne Sandarasekera


Kurso at seksyon: BSIE 1-2

Pagbasa,Pagsusuri sa artikulong Lisyang Edukasyon na matatagpuan sa mga pahina 9-24


ng ating modyul at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?


- Nang dahil sa edukasyong kolonyal, ang mga Filipino ay tila nalilimutan na
ang kanilang pagiging makabayan. Nalilimutan na nila kung ano ang sariling
atin. Ang ating sariling wika at ang ating pinagmulan ay nakakalungkot na
hindi na rin masyadong nabibigyan ng pansin dahil sa edukasyong kolonyal
na naibigay ng ating mga mananakop. Ang pagiging nasyonalismo ay hindi na
napapahalagahan. Nang dahil din dito, kung ano ang naging tingin ng mga
mananakop sa mga Filipino at ang bansa na kanilang pinagmulan, iyon na rin
ang nagiging tingin ng mga Filipino mismo sa kanilang mga sarili at bansa.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula


sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag. 2 halimbawa lamang.
- Ang halos lahat ng ating mga asignatura sa paaralan ay nakasulat at inaaral
sa ingles. At ang asignatura lamang na inaaral sa bawat taon ng pagaaral na
nasa wikang Filipino ay mas kaunti parin kaysa sa bilang ng mga asignatura
na nasa wikang Ingles.
- Ang pagbabawal na magsalita ng wikang Filipino sa ilang paaralan dito sa
ating bansa. Sapilitan na pagpapatupad na wikang ingles lamang ang dapat
na sambitin ng bawat mag-aaral. Kaya naman mas lumalaki ang populasyon
ng mga estudyante na hindi marunong magsalita ng wikang Filipino.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang


edukasyon ng mga Filipino?
- Una sa lahat, dapat na makita ng ating gobyerno at ng kagawaran ng
edukasyon ang kahalagahan ng pagtatangkilik ng sariling atin. Nawa’y
kanilang maisip ang importansya ng pag-aaral gamit ang ating wika at ang
pagtuturo na rin ng pagiging pusong makabansa sa ating mga mag-aaral sa
Pilipinas. Pangalawa, ay maaari na silang magpatupad ng mas maraming
kurso, asignatura, at patakaran na nagbibigay tangkilik sa ating pagiging mga
Filipino. Sa ganitong paraan, maraming mag-aaral ang mas magkakaroon ng
pang-unawa ating sariling pinagmulan at marami na rin ang mas magiging
pamilyar sa wika ng ating bansa. Nawa’y makita ng bawat isa na ang ating
pinagmulan ay importante at ang edukasyong kolonyal ay hindi dapat na
manguna sa sistema ng ating edukasyon.

You might also like