You are on page 1of 3

Sa ikalawang semester ng aking pag aaral, sa aking palagay ay marami akong natutunan na iba’t ibang

aspeto patungkol sa kurso o asignaturang Wika, Kultura at Lipunan. Dahil dito tinatalakay ang mga
pangyayari sa ating bansa na umuugnay sa ating sariling wika at kung ano ang ginagampanan ng wika sa
pambansang kaunlaran. Sa lahat ng paksa na aming tinalakay sa kursong ito, isa sa tumatak sa aking isipan
ay ang artikulo ni Emerita S. Quito na ang pamagat ay “Ang kaugnayan ng wikang Pambansa at ng
Edukasyon.” Ito ay naglalayon sa ating kamalayan sa wikang Ingles noong ika-20 siglo pa lamang dahil
namulat ang mga Pilipino sa tulong ng isang edukasyon na ginagamitan ng Ingles at sa kasalukuyan ay
yumayaman at yumayabong pa rin sa ating bansa. Para sa akin, itinuturing ko itong suliranin sa ating bansa
na sa aking palagay ay mahirap ng lunasan sapagkat ito ay nakasanayan ng gamitin sa ating lipunan sa
larangan ng iba’t ibang sektor sa ating bansa gaya na lamang sa edukasyon, radyo at telebisyon, pakikipag-
komunikasyon at marami pang iba. “Tayo ay bunga ng isang sistemang nagbubunyag ng isang kaisipang
kolonyal.” Nakakalungkot lamang na pitumpong taon ang lumipas bago natuklasan ang kahalagahan ng
ating wikang Filipino ngunit kalakip nito na hindi natin kayang buwagin ang wikang kolonyal na Ingles sa
dahilan na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng maka Pilipino at maka Ingles. At dahil dito, nagtagumpay
ang Ingles sapagkat karamihan ng mga aklat ay nasusulat sa wikang Ingles, ang mga guro ay marunong
mag Ingles at ang mga kurso sa Pamantasan na wikang Ingles ang ginagamit. Kaya naman madaling nanalo
ang Ingles at bunga nito na ang Filipino ay maraming kakulangan o kawalan ng mga aklat na nasusulat at
nagsasalin sa wikang Filipino at higit sa lahat ang pagtutol ng maraming intelektuwal sa paggamit ng
wikang Filipino bilang wikang pagturo sa ating paaralan. Dahil sa ganitong katayuan, ang mga namumuno
sa larangan ng edukasyon ay nagpatupad ng patakaran o kasunduan na tinatawag na Bilingual Educational
Policy. Buhat ng patakarang isinatupad na ito, ang Filipino ay isinabay na sa pag aaral ng Ingles, subalit
may masamang binunga ang patakarang ito dahil napaghahalo na ang wikang Ingles at Filipino na kung
tawagin ay “Taglish”. Paano natin mauunawaan ng lubos ang pinag aaralan natin patungkol sa wikang
Filipino kung ipagsasabay ang dalawang wika sa pag aaral na nagiging epekto sa lumalaganap na paggamit
ng Taglish? Kaya naman ako ay sang-ayon sa may akda ng artikulong ito na i-una natin ang pag aaral ng
wikang Filipino at gawing ikalawa ang Ingles. Upang tayong mga Pilipino ay puspusang mapag aralan at
maging dalubhasa sa ating wika nang sa gayon ay maaari na tayong mag aral ng ikalawang wika, dahil sang
ayon ako sa sinabi ng may akda na hindi maaaring pagsabayin ito. Dahil hindi magkakaroon ng malalim na
pagkakaintindi sa isa o dalawang wika na pag aaralan. Bilang Pilipino, kinakailangang nating maging
mahusay bilang isang indibidwal sa pagsasanay ng wikang Filipino upang magamit ito nang maayos. Ang
problema lang sa ating mga Pilipino ay kapag may termino tayong hindi maintindihan ay inaayon na
lamang natin ito sa salin ng wikang Ingles sa halip na pag-ukulan ng pag aaral ang mga malalalim na salita.
Sa aking palagay, kailangan nating mga Pilipino na magtitipon-tipon upang makapanayam ang mga
namumuno sa ating bansa para sa pagtataguyod ng wikang Filipino at hikayatin ang industriya at kalakalan
sa wastong paggamit ng wikang Filipino o ang wastong tambalan ng wikang Ingles at Filipino. Halimbawa
na lamang ang mga balita sa dyaryo, ang mga nakasulat sa magazine at produktong lokal kung ang
nakasaad doon ay wikang Ingles, nararapat din na may nakasalin na wikang Filipino upang maunawaan ng
mga mambabasa at mga kalakip na Pilipinong hindi marunong makaintindi ng wikang Ingles. Gayundin sa
pamamagitan ng radyo at telebisyon kung maiwawasto ang paggamit ng wikang Filipino rito, mas
maiintindihan at makakakuha ng ideya ang mga Pilipino sa mga tinatalakay at pinag uusapan kung wasto
ang paggamit ng wikang Filipino at hindi naipaghahalo ang wikang Filipino at Ingles o Taglish. Gaya ng
sinabi ng may akda ng artikulong ito na “Ang isang wika ay uunlad lamang sa pamamagitan ng paggamit”
kaya kung ating sisimulan ito sa lahat ng bagay ay unti unting uunlad ang ating wika at hindi na natin
kailangan ituon sa pagsasalin sa wikang Ingles. Sa panahon ngayon, ang ating mga napapanuod na pelikula
sa sinehan, nababasa sa libro at napapakinggan na musika ay nagagamitan ng halo-halong wika at
matutukoy natin dito ang mga titulo ng pelikula na ang ginagamit ay taglish at mga liriko ng kanta na
ginagamitan rin ng taglish. Para sa akin hindi ito naaayon gawin sa isang pelikula o kanta na para lamang
makahikayat ng manonood at taga-pakinig ay gagamitan na ng taglish o mga modernong salita na
tinatangkilik ng mga tao. Dahil paano natin maipapahayag ang kahalagahan ng isang wastong paggamit
ng wikang Filipino kung tayong mga Pilipino rin ang gumagawa ng pagbaba ng reputasyon bilang taga
pagsalita hindi lamang ng Filipino kundi na rin ang Ingles. Tayo nga namang mga Pilipino ay dumadanas
ng isang matinding complex dahil sabi nga ng may akda, “kapag ang isang bagay ay Pilipino, itinuturing
natin ito na mababang uri.” Gaya na lamang sa paggamit ng wika, may mga Pilipino na kapag gumagamit
ng wikang Ingles ay tumataas ang tingin sa sarili dahil ang tingin ng mga taong ito sa wikang Ingles ay
mataas na uri at kapag ginamit ang wikang Filipino ay hindi ganon kaganda sa kanilang paningin.
Halimbawa rin dito ay ang mga produkto na imported, kapag sinabing imported ang isang produkto may
mga Pilipino na ang isip ay mas maganda ito kumpara sa lokal na produkto nang hindi man lang inaalam
na may lokal na produkto rin ang ating bansa na halos kapareho ng kagamitan o mas mabuti pa sa
imported na produkto. Bakti nga ba karamihan sa ating Pilipino ay ganon ang tingin sa ating sariling bansa?
Dahil ang wikang banyaga ang umusbong sa ating bansa at naging kagamitan sa maraming aspeto kaya
naman ganon ang naging epekto nito sa ating bansa. Kalakip ng aking mga nabanggit ay nag uugnay sa
artikulo ni Florentino T. Timbreza na na-pamagatang “Mga Suliranin at Balakid sa paggamit ng Filipino sa
Pagtuturo. Layunin ng artikulong ito mailahad ang mga suliranin at balakid sa paggamit ng Filipino sa
pagtuturo. Maraming paraan upang mapaunlad at magamit ang ating sariling wika ngunit bakit nagpapaka
dalubhasa tayo sa wikang hindi naman atin? Sa matagal na panahong natigil ang kagamitan ng wikang
Filipino na naging dahilan kung bakit yumabong at lumawak ang wikang Ingles sa ating bansa, bakit hindi
naman natin pagtuunan ng pansin ang pagpapalawak ng ating wika? Makatutuklas, makabubuo at
makakalikha tayo ng mga bagong kataga kung ang wikang Filipino ay malilinang sa pagtuturo sa bawat
eskwelahan sa ating bansa. Kung atin lamang gagawan ng aksyon ang mga suliraning ito ay magbubunga
ito ng kalawakan ng paggamit at paguunawa sa wikang Filipino. Ang dahilan bunga ng malaking suliranin
sa paggamit ng wikang Filipino ay dahil na rin sa mga Pilipino, sa tagal nating namulat sa wikang Ingles
tayo ay nabilanggo sa wikang dayuhan at kahit may karapatan tayong maging malaya, nagiging makasarili
tayo sa ating paniniwala at kaikliang pag iisip. Sa aking palagay ay dapat tayong kumalas sa mga ito upang
maging tunay na malaya tayo sa ating bansa at pagkapilipino.

You might also like