You are on page 1of 3

KABANATA l

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang wika ay Isang bahagi ng pakikipagtalastasan.Kalipunan ito ng mga simbolo,tunog, at

mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang

pamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng

pagsasalita,pagbasa at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid

ng mga kaisipan,damdamin saloobin at mga at mga hangarin sa pamamagitan ng Isang

kaparaanang lumikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sigasig sa paraang binibigkas.

Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng interaktibong pagkakaunawaan at pagkakaisa ng isang

pagkatang komunidad ay lipunan ng mga tao.

Matagal ng napag uusapan na may kinalaman sa iya edukasyon sa pilipinas kung alin

ang dapat na gamitin sa pagtuturo sa paraan, ang Ingles o ang Filipino? May mga nagsasabing

Filipino ang dapat na gamitin bilang opisyal na wika sa pagtuturo dahil iniya mas higit itong

naiintindihan ng nakakaraming pilipino. Pagpapakita rin ito ng pagmamahal sa sariling wika

tulad ng mga hapones na nippongo ang gamit. Meron din namang tumututol dahil ayun sa

kanila ay mahirap itong gamitin dahil sa mga salitang ingles na Hindi naman naisasalin sa

Wikang Filipino lalo na sa asignaturang science, Math at iba pa. Di umano, mas nakakalito ito

sa mga estudyante at pati na rin sa mga guro.

Ang pambansang wika ng pilipinas ay Filipino bagamat mas Kilala ito bilang tagalong sa

Sa kadahilanang pawang mga taga-Maynila at ilang karatig probinsya lang ang gumagamit nito
sa pang araw-araw na pamumuhay. Mahigit kalahati ng mga pilipino ay ibang dayalekto ang

gamit tulad ng bisaya, hiligaynon,ilocano,bicol at iba pa. Sa aking pananaw ay mas nararapat

na ingles ang gamitin sa paaralan bilang wikang panturo dahil mas nahahasa ang paggamit

natin nito. Alam naman nating maimpluwensya ang wikang Ingles dahil sa umiiral na

globalisasyon sa Mundo. Kagpag pumonta ka sa ibang bansa ay Ingles ang gagamitin

mo sa pakikipagtalastasan sa ibang lahi.Gayundin Kung may mga dayuhang pumonta

Dito sa ating bayan.Sa mga kumpanyang pinagtatabahuan ay kinakailangan din ang

Kaalaman sa nabanggit na wika dahil karamihan sa mga kumpanya ay multinational o

Pag-aari ng dayuhang. Sa pag-iral ng globalisasyon sa mundo ay pinalakas din ito ang

Ingles bilang gamit sa pakikipag kalakalan. Paano na lang kung tayong mga pilipino

ay hindi marunong mag salita ng wikang Ingles o bumaba ang kaalaman pag dating

Sa larangan nag pakikipagkomunikasyon sa nabanggit na wika? Mas lalong

maghihirap ang ating bansa dahil maapektuhan nito ang ibat-ibang industriya gaya

ng Business process Outsourcing (BPO) O Call Center at mga multinational na

kumpanya. Maraming paraan para maipakita natin ang pagmamahal sa wikang

filipino o tagalog. Halimbawa n lang ay ang pagggamit nito sa pagbabalita sa

telebisyon, Pagsulat ng ibat-ibang artikulo,paglikha ng mga tula,awit at iba pang uri ng

sining. Isa pa ay ang pagba-blog gamit ang wika natin gaya ng ginagawa ko. Sa pamamagitan

nito ay mas lalong maunawaan ng mga mambabasa ang ibat-ibang isyu ng bansa.

You might also like