You are on page 1of 2

Daniela Ann R Gaufo

BSIE 1-2
Filipinohiya at Pambansang Kaunlaran | “Ikalawang Gawain”

1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga Filipino?

-Ang edukasyong kolonyal ay nagkaroon ng malaking epekto sa pag-iisip ng mga Filipino dahil
ito ang naging pundasyon o panimula natin sa aspetong pagkatuto. Gayundin at ito ay
nagresulta sa pagkakaroon ng kawalan ng malasakit at pagkaunawa sa mga kinakaharap na
suliranin ng bayan at sa kapakan o kalagayan ng bansa. Dahil sa kolonyal na edukasyon
tayong mga Pilipino ay naging palaasa sa mga dayuhan kung saan mas ninanais natin ang
kultura at karunungan ng ibang bansa kaysa sariling atin. Kung saan ito ay nagreresulta ng
kawalan ng pagbibigay importansya at hindi paggalang sa sariling kultura at wika.

2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sitemang pang-edukasyon mula sa


kasalukuyang panahon at ipaliwanag. 2 halimbawa lamang.

-Isang halimbawa ng epekto ng kolonyal na edukasyon sa kasalukuyang panahon ay ang


patuloy na paggamit ng wikang Ingles bilang pangunahing wika ng edukasyon at
komunikasyon. Ito ay nagdudulot ng pagkakaroon ng barayti ng mga Pilipino na hindi marunong
magsalita ng sariling wika nang maayos. Ito rin ay nagdudulot ng pagkakaroon ng
pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa pagkakaroon ng isang pambansang wika na nag-
uugnay sa kanila bilang isang bansa.
Wala naman masama sa paggamit ng wikang Ingles subalit kung atin nais linangin ang ating
pagkakakilanlan at pagyabungin ang kultura natin ang wikang sa bansa natin nagmula ay dapat
natin gamitin at pagyamanin. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon
sa lisyang edukasyon ng mga Filipino?

Ang pangalawang halimbawa ay ang pagkakaroon ng mababaw at makitid na pagmamahal sa


bayan na itinuturo sa mga paaralan. Hindi sapat ang mga impormasyon ng pagpapakita ng
kabansaan na hindi nagbibigay ng tunay na pag-unawa sa ating bansa. Mahalagang malaman
na hindi lamang limitado sa paggalang ng watawat at pagkabisado ng mga panata tungkol sa
bansa natin na karaniwang tinuturo sa mga paaralan, mahalaga rin na tayo ay may sapat na
kaalaman at tila may kamalayan sa mga nagaganap sa ating bansa. Ang paggalang sa watawat
at pagpuri sa kagandahan ng kabukiran ay mga halimbawa ng mga walang saysay na
pagpapakita ng kabansaan na hindi nagbibigay ng tunay na pag-unawa sa mga suliraning
pampulitika at pang-ekonomya ng bansa. Ito ay nagdudulot ng kawalan ng kritikal na pag-iisip
at pagkaunawa sa mga tunay na isyu ng bayan.

3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga
Filipino?

-Batay sa aking pagkakaunawa, ang solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino ay ang
pagtataguyod ng isang makabayang edukasyon. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may
sapat na malasakit sa bayan at may lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa
katubusan ng Inang Bayan. Ang edukasyon ay hindi dapat tingnan bilang isang pangangalap ng
impormasyon lamang, kundi bilang isang paraan ng paghubog sa tao para mahusay niyang
magampanan ang kanyang papel sa lipunan at maging kapakipakinabang sa lipunang kanyang
kinabibilangan. Dapat itong magturo ng tunay na pagmamahal sa bayan, pag-unawa sa mga
saligang suliranin ng bansa, at pagpapahalaga sa sariling kultura at wika. Ang paggamit ng
katutubong wika sa edukasyon ay dapat bigyang-diin upang maipanatili ang pagkakakilanlan at
pagkakaisa ng mga Pilipino.

You might also like