1. Ano ang naging epekto ng edukasyong kolonyal sa pag-iisip ng mga filipino?
Dahil sa kolonyang edukasyon nahubog ang murang isipan ng mga
Pilipino at uni-unting inalis ang likas na mithiin na paglaya mula sa mananakop sa pamamagitan ng paglabnaw sa kanilang diwang makabayan. Hindi itinuro ang tunay na kasaysayan ng bansa na nagdulot ng tuluyang paglimot sa sariling kabansaan. Isa na rito ang pagiging tulisan ng mga bayani sa ating paningin, katulad na lamang ni Macario Sakay na tinuring na salarin dahil sa kanyang paghihimagsik laban sa Kolonyalismong Amerikano. Sa pamamagitan ng kolonyang edukasyon, itinatak sa isipan ng bawat tao na sila'y mamamayan ng isang bansang sakop ng Estados Unidos, na kung saan ang bawat kilos at pag- iisip nito ay nakaayon lagi sa interes ng mga Amerikano. Itinuro din sa paaralan, na ang Pilipinas ay para lamang sa Agrikultura at hindi na maaaring mabago. Ito ay makikita sa mga larawang ipininta ni Fernando Amorsolo. Dahil dito hindi na naisip ng mga Pilipino na maaari ring maging indutriyalisasyon ang bansa Pilipinas. Hindi rin itinuro ang hirap at mga suliranin sa loob ng bukirin na nagdulot ng pagsasawalang bahala ng mga Pilipino rito at walang interes na ito’y paunlarin. Mas lumala pa ang sitwayon nang iginiit ang wikang ingles bilang wikang panturo sa paaralan. Naging pag-iisip ng tao na hindi maaaring maging tunay na edukasyon kung hindi ito nakabatay sa kahusayan sa paggamit ng ingles. Ang wikang banyaga bilang wikang panturo ay naging sagabal sa pagkatuto at sa pag-iisip ng mamamayan. Ang mapanuri at mapagbuod na kaisipan ay hindi na umunlad hanggang sa hindi na tuluyang makaunawa ang mga ito. Nagtanim ito sa isip ng mga tao na ang edukasyon ay para lamang makasagot ng tama at pumasa sa pagsusulit para makapagtapos ng kurso. Ang lahat ng ito ay nauwi rin sa pagtagumpay ng pangunahing layunin ng dayuhan na bihagin ang kaisipan ng bawat tao.
2. Magbigay ng halimbawa ng epekto ng nabanggit na sistemang pang-edukasyon
mula sa kasalukuyang panahon at ipaliwanag. Dahil sa sa sitemang pang-edukasyon ng dayuhan ay ibanaba ang pagtingin ng tao sa asignaturang Panitikan at Filipino. Ito'y makikita sa kasalukuyang pag-alis ng mga ito ng Korte Suprema bilang mga kailangang kuning asignatura sa kolehiyo noong Oktubre 2018. Naging kinahihitnan nito ay ang pagkasira at tuluyang paglimot sa pagkakakilanlan ng tao bilang Pilipino. Isa pang epekto nito sa kasalukuyang panahon ay ang hinding makatarungang pagtrato sa mga magsasaka. Iginiit ng mga Amerikano noon sa isipan ng Pilipino na ang ating bansa ay pang agrikultura lamang at walang hirap sa sector na ito kung kaya't nagdulot ito ng pagsasawalang bahala sa mga suliranin sa bukirin. Hindi nabibigyan ng tama at angkop na sahod na katumbas sa hirap na dinanas ng mga magsasaka. Kung kaya't ang agrikultura ang may pinakamalaking porsyento ng mga taong nabibilang sa kahiripan kumpara sa ibang sector sa kasalukuyang panahon. 3. Batay sa iyong pagkakaunawa, ano ang nakikita mong solusyon sa lisyang edukasyon ng mga Filipino? Ang tanging solusyon sa lisyang edukasyon ng Filipino ay ipanumbalik ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng isang kaisipan o pilosopiyang kumikilala, nagpapahalaga at nagmumula sa batis ng talino at karanasan ng sariling bayan– ang Filipinolohiya. Nararapat lang na magpatuloy ang pag-aaral ng sariling atin kahit anong baitang man ito. Ituro muli ang kasaysayan ng Pilipinas ayon sa totoong pangyayari at hindi sa bersyon ng dayuhang mananakop. Hindi man natin maitatanggal ang naipamanang wika ng mga Amerikano ngunit nararapat lang na pagtuunan muna ng pansin ang wikang atin at ito ay matutunan ng husto bago pa man ang ibang wika. Nang sa ganon ay mananatiling nagliliyab ang diwang makabansa at kailanma'y hindi mapapatay o malilimutan.