You are on page 1of 2

1.

Paano nakaapekto ang sistema ng edukasyon na ipinamana ng mga mananakop


na Amerikano sa bansang Pilipinas at sa mismong mga mamamayang Pilipino.
Ipaliwanag at iugnay ito sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa. (15 puntos)
Sa unang tingin masasabing ang edukasyon na pinamana ng mga dayuhang
Amerikano ay masasabing puro ang mabuting adhikain at nagkaroon ng malawak
na magandang epekto sa mga Pilipino dahil nagkaroon ng bagong kaalaman,
bagong lenggwahe, bagong pamamaraan ng pamumuhay at iba pa. Ngunit kung
mabuti natin na susuriin, masasabing tayo ay pinagkaitan at ninakawan ng kahapon
at kung ano talaga ang dapat na mayroon tayo sa kasalukuyan. Sa pagpapamana
ng mga Amerikano sa atin ng edukasyon ay kaakibat nito ang layunin na maturuan
at hubugin ang kasipan ng mga Pilipino upang maging sunod-sunuran. Ginamit na
kasangkapan ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas upang lupigin ang
mamamayang na maipagtanggol ang bagong kamit na kalayaan laban sa
mananakop na nagpapanggap na kapanalig. Karagdagan dito ay ginamit ng mga
dayuhang Amerikano ang edukasyon upang mawala sa Pilipino ang nag-aalab na
pagkakaisa at nasyonalismo.
Ang naging unang hakbang ng mga dayuhan upang makuha ang kontrol sa
pangangasiwa sa mga Pilipino ay pagtuturo ng wikang Ingles gamit ang edukasyon.
Ang wikang Ingles ang naging balakid o pader sa pagitan ng mga Pilipino at
sakanilang kahapon sapagkat sa pagpapatuloy na pagturo ng wikang Ingles, kahit
ang kanilang nakasanayan na pamumuhay ay nabago at masasabing naging
bagong Amerikano na ang mga Pilipino dahil sa edukasyon na kolonyal. Di
kalaunan, ang edukasyon na ito ay ginamit din ng mga dayuhan sa pagpapatayo ng
Amerikanong institusyong politikal sa Pilipinas at nagging tulay ito na
maisakatuparan nila ang kanilang interes sa Pilipinas at tuluyan na rin nakuha ang
kontrol sa pagpapangasiwa ng bansa.
Sa kasalukuyan, ang edukasyong kolonyal at wikang Ingles ay malaki ang
epekto, mula pa lamang sa araw-araw na pagkikipagkomunikasyon ay may halong
Ingles na ang ating binibigkas sapagkat ito na ang kasanayan, sa pagtuturo sa
paaralan, sa pag-aapply ng trabaho, at iba pa. Sa kasalukuyan, madali para sa mga
Pilipino na talikuran ang kanilang sariling wika sapagkat itinuturing ng mas
nakakarami na mas nakakababa ang wikang Filipino. Madalas nga ay mas
binibigyan pansin pa ang pagiging wrong grammar sa wikang Ingles at tutuksuhin na
hindi marunong at walang natutunan dahil lamang sa dahilan na ito. Nakakalungkot
isipin na ang wikang Ingles na ang pamantayan upang masabing matalino o
mahusay ang isang Pilipino. Karagdagan pa dito ay mas mahilig ang nakakarami sa
mga babasahin na libro at pelikula na may gamit na wikang Ingles.
Sa konklusyon, nangangahulugan na patuloy pa rin tinatangkilik ng Pilipino
ang wikang Ingles, tinuturing na mas nakakatas ang mga Amerikano, at higit sa
lahat ay hindi pa rin umuulad ang sistema ng ating edukasyon. Patuloy tayong
makukulong sa edukasyong kolonyal at sa mga dayuhan kung hindi natin yayakapin
ang sariling wika at kultura. Tayo ay makalaya lamang kung isasaisip ang nais
nating kinabukasan ng Pilipinas .
2. Base sa sanaysay ni Apigo at sariling pananaw, masasabi mo bang isang
makapangyarihang puwersa o instrumento ang Filipinolohiya upang maging
konsepto na siyang magbibigay daan sa Pambansang Kaunlaran ng ating
bansa? Ipaliwanag. (15 puntos)

Ayon kay Apigo, ang Filipinolohiya ay disiplina ng karunungan na


nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at
ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at
iba pang batis ng karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang mga
karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan.
Ang Filipinolohiya ay ang pag-aaral ng ating kasaysayan at pinagmulan sa ating
sariling pananaw at kaisipan. Sa aking pananaw, ang Filipinolohiya
aymakapangyarihang puwersa upang magbigay daan patungo sa pambansang
kaunlaran sapagkat ito ay nabuo upang palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat
larangan na meron ang kultura ng Pilipinas at makalaya o makawalawa sa maka-
amerikanong kaisipan. Dahil ang Filipinolohiya ay naglalaman ng malawak na
hanay ng mga aspeto, ito ay may malaking kontribusyon sa mga mag-aaral.
Nagbibigay ito ng karunungan na makakatulong sa kanilang pag-unlad. Ang
pagsasanay sa Filipinolohiya ay may maraming benepisyo at nagdudulot ng
malalim na pang-unawa sa wikang Filipino. Ito rin ay mahalaga para sa
masusing pagsusuri ng sariling identidad, kultura ng Pilipinas, mga paniniwala, at
kasaysayan. Ang pag-aaral ng Filipinolohiya ay hindi lamang naglalaman ng mga
impormasyon, kundi isang paraan upang maipakita ang ating pagkakakilanlan.

Sa konklusyon, ang pagkuha ng kursong Filipinolohiya ay makakalinang


ng iyong kakayahan upang matuklasan ang iyong pagkakakilanlan at nagbibigay
ng impormasyon at karunungan para makatulong sa pag-unlad ng bansa.

You might also like