You are on page 1of 1

CORTEZ, JONATHAN L.

JUNE 09, 2023

BSE FIL 4-1 REPLEKSYON

Bakit nga ba Ingles ang wikang daluyan sa pagturo ng mga asignatura dito sa
Pilipinas? Bakit kaya maypagkakataong ipinagbabawal ang magsasalita ng Filipino sa
paaralan at hinihikayat na mag-salita sa wikang Ingles?

Sa aking pagpapakadalubhasa sa pagtuturo sa larangan ng Filipino, sa pamamagitan


ng babasahing “Miseducation of a Filipino” ni Prof. Renato Constantino, bihira ang
pangakademikong babasahin tungkol sa pedagogies na naka pokus sa pagkakaroon ng maka
Pilipinong layon. Sa aking obserbasyon ang sistema’t paraang ginagamit sa edukasyon sa
Pilipinas ay westenized at hindi maka-Pilipino. Sinabi rin ni Prof. Renato nagsimula ang lahat
sa pananakop ng Amerika sa pilipinas sa estratehiyang pag papababa sa halaga ng wikang
taal at pagpwersa sa mga Pilipino na wikain ang wika ng mananakop, Ingles. Sinabi nya rin
na para bang hindi umusad ang sistema ng edukasyon mula pa noong panahon ng pananakop
ng mga Amerikano, nakatuon pa rin sa American-centred ang disenyo ng sistema at ang
paraan sa pag-tuturo.

Sa pamamagitan ng pagmolde sa kaisipan ng mga Pilipino, nagamit ang edukasyon


bilang sandata sa kanilang pananakop. Tinuturuan nila ang mga Pilipino kung paano maging
mahusay na nasasakupan hindi ng sarili, subalit ng sa dayuhan. Unti-unti nilang sinira paalis
ang mga katutubong idolohiya, kaya marahil ay ‘di spat ang kaalaman at mga babasahin natin
patungkol sa panahon bago pa ang pananakop ng mga kastila at tanging sumaangguni tayo sa
mga babasahing nilikha ng mga mananakop.

Ang syistemang ipinatupad ng Amerika sa Pilipinas noon ay upang mawala ang


nasyonalismo sa bawat Pilipino at panatilihin ang kanilang kapangyarihan. Maaaring resulta
o peklat na ng nakaraan ang pagiging mababang reading comprehension statistcs ng Pilipinas
sa buong mundo, sapagkat hindi na nga bihasa sa Ingles, maging sa sariling wika ay walang
malalim na kaalaman. Mahalaga ang pagiging dalubhasa sa sariling wikang taal upang mas
maging makabuluhan ang pageexpres ng mga saloobin at pagpapaliwanag.

Kaya bilang pagtatapos, bakit nga ba tayo hindi maka-usad at makapgpa-unlad ng


isang sistema na magsasaayos sa pagbibigay kaalaman sa mga Pilipino na ayon sa kanilang
tunay na pangangailangan bilang isang Pilipinong naninirahan sa Pilipinas?

You might also like