You are on page 1of 1

Jonathan L.

Cortez
BSE 4 FIL 1
AKALA KO AKO ANG MALI: Epekto ng pangangaliwa ng magulang sa bata.

‘yang mga bata, nakakaradam yan.


Yan yung mga salitang sana narinig ko noong bata pa ako.
Kumusta! Ako si Jonathan, at kagaya ni Kulot, nasilayan ko rin ang pangangaliwa ng aking ama.

Sabi sa isang survey tunkol sa librong Parents who cheat ni Dr. Ana Nogales,
Marami sa sa nakaranas ng magulang na nangalunya ay pakiramdam nila na sila ay niloko
nung magulang, nakaranas ng kahihiyan, ang ilan ay nakapansing naimpluwensyahan nung
pangangaliwa ang kanilang pananaw tunkol sa pag-big at Relasyon, meron ding nagsabing
nakaapekto ito sa kanilang kakayahang magtiwala sa ibang tao, at sinabi rin nila na pakiramdam nila
ay lagi silang niloloko ng mga tao sa paligid nila.
Marahil iyon ang dahilan kung bakit wala akong lakas ng loob na pumasok sa isang relasyon o
makapagpanatili ng matagalang pagkakaibigan.
Kahit ako, hindi lang ang magulang ko ang hindi ko pinagkakatiwalaan, maging ang sarili ko.

Kaya ikaw na nakikinig sa isang nagging batang natutong magbulag-bulaan dahil harap-
harapang nangaliwa ang tatay sa harap para na bang “bata lang yan, wala pa yang malay”. Tandaan
mo na wala sa bata ang responsibilidad na ayusin o linawin ang pagkakamali ng kanyang magulang.
Karamihan sa mga magulang ang patuloy ang pagssinungaling sa mga anak dahil inaakala
nilang ikabubuti ito ng pangyayari. Subalit hindi. Para silang mga batang inililihim na may nabasag
silang paso?
Tandaan mo ito. Hindi yan “bata lang”, “bata ‘yan”. May ISIP, DAMDAMIN, at TIWALANG
maaaring masira kung iyong isasawalanmbahala.

Mga sanggunian:
https://www.msn.com/en-ph/news/other/kulot-of-it-s-showtime-went-viral-after-emotional-conversation-with-her-dad-on-the-show/ar-AA19bth6

https://www.separation.ca/blog/2018/april/how-do-cheating-spouses-impact-their-children-s-/

You might also like