You are on page 1of 2

​Karelasyon sa murang edad

Tayong mga kabataan ay ibang-iba sa mga kabataan noon, ayan ang madalas
sabihin ng mga matatanda sa atin ngayon. Kung dati ay halos kailangan pang
mag-antay hanggang umabot sa wastong edad bago magkaroon ng karelasyon,
ngayon iba na, karamihan sa mga kabataan ngayon ay nagkakaroon na ng mga
karelasyon kahit wala pa sa wastong edad. Kung dati ay pahirapan pa sa panliligaw
ngayon iba na onting harutan lang sa chat kayo na agad. Sinabihan ka lang ng mga
matatamis na mga salita kayo na agad? MU na kayo agad? Bilang mga kabataan
tanungin ninyo ang inyong mga sarili nakatutulong ba ang pagkakaroon ng karelasyon
sa pag-aaral? Maaring oo at maari din namang hindi.

Kung iisipin meron naman talagang magandang naidudulot ang pagkakaroon ng


karelasyon kahit papano, yung may inspirasyon kang mag-aral ng mabuti, at ang saya
sigurong isipin na sabay kayong magtatapos ng pag-aaral. Yung parehas kayo ng goal
sa buhay, Ngunit kung sa halip na maging inspirasyon ay nagiging panggulo lang sa
pag-aaral mo, mas makabubuti pang hiwalayan mo nalamang, kasi kung ipag-papatuloy
mo pa, baka mapabayaan mo pa ang iyong pag-aaral, at wala din namang magandang
maidudulot ang ganong klaseng relasyon.Karamjihan sa mga kabataang hiniwalayan ng
kanilang mga karelasyon ay nakakaranas ng depresyon,at nagtatangkang mag
patiwakal. Ayon sa record ng National Statistics Office (NSO) patuloy na tumataas ang
bilang ng mga nagpapakamatay sa bansa, ayon pa sa ulat karamihan sa mga
nagpapakamatay ay mga kabataan, nasabi rin sa ulat na depresyon parin ang
pangunahing dahilan ng pagpapakamatay, at ang seperasyon o break-up sa isang
relasyon ay isa sa mga dahilan ng depresyon. Ang maagang pagkakaroon ng
karelasyon ay puwede ring magdulot ng maagang pagbubuntis. Base sa report na
inilabas ng World Health Organization (WHO), 20% ng mga kabataang pilipino ay
nabubuntis sa edad pa lamang na 19 anyos o pababa. Kung ating iisipin napaka bata
pa para maging mga magulang.

Sa huli tayo-tayo parin ang magdedesisyon para sa ating mga sarili. Kung ako ang
tatanungin, mas maganda munang pagtoonan ng pansin ang ating pag-aaral. Wala
namang masama sa pakikipagrelasyon, pero sa tingin ko mas mabuti munang
pagtoonan ng pansin ang mga bagay na mas importante sa ngayon habang mga bata
pa tayo. Ang love life nakakapag-antay yan, at naniniwala ako na makikilala mo rin ang
taong nakalaan para sayo, di man ngayon, pero sa tamang panahon. Sa ngayon
mag-aral muna tayo ng mabuti, dahil iyon lang ang paraan natin upang masuklian ang
paghihirap ng ating mga magulang.

You might also like