You are on page 1of 7

MARIA: Ha? Ahh oo! Tinanong mo pa ko!

Napakadami kayang nabubuntis dine sa barrio naming


susmaryosep! Yung kapitbahay nga lang namin, yung anak ni tess! Ayun pinagsasabunutan duon sa sari-
sari store nireng si bebe!

BEBE: Ay oo jusq! Nagkakagulo nga duon noong isang araw sa harap pa ng tindahan ko! Pinost pa sa
pesbuk iyun jusq kahihiyan talaga anak ni tess nayun! Pero okay din lumaki kita ko! Abe dami nanood
bumibili sopdrinks pampagana daw eka sabi ni Junjun! AHAHHA

MARIA: Pero grabe talaga no? Di na nahiya, abe naglayas bumalik anlaki ng tiyan! Sinayang ang ganda!
Di na aasenso iyan jusq sinira ang buhay kawawa talaga si tess…

HOST: Magandang gabi tulad ko, sabado na naman muli, mga kamaritesan, tayo ay nagkita kita na
naman muli. Isa na naming isyung bayan ang ating mapagbubulayan ngayong araw! Halina’t maantig at
mainis ba! Ito ang tsimis na handog ng TGM --- THE GOOD saMARITES…

: Episode 96 – BATANG INA

HOST: Isang panlipunang isyu na ang matagal na problema ng ating bansa. Ang kamunduhan na
bumabalot sa isip ng mga kabataan. Ang hindi naayon na kuryiosidad at lumalaking pagnanasa ng mga
kabataang nagigising sa maling paraan. Ngayon ating pagusapan ang isa sa mga hadlang sa
pagpapayabong ng kinabukasan ng mga pag-asa ng bayan.

: Episode 96 – BATANG INA

HOST: Ayun sa mga istatistika, patuloy ang pagtaas ng teenage pregnancy rate. Naitala nong 2002,
23.2% ng kabataan na edad 15 pababa ay buntis. Noong 2013 ay tumaas ito at naging 32%, tumaas muli
ng 7% noong 2019. Nakababahala ang patuloy na paglago ng teenage pregnancy. Ngunit mas
nakakatakot ay ang pagkaengage ng kabataan sa premarital sex. Dagdag parito ay ginagawa ang gawaing
hindi naman sila protektado. Kumbaga ba ay hindi nila batid ang safe sex o ni kaya ay ewan ko nalang
mga dzai! ---- ayun muli sa naitalang istatistika, 78% ng mga kabataang ito ay hindi gumagamit ng
proteksyon. Dahil dito ay nagkakaroon ng posibilidad namabuntis talaga ng ating binate si dalaga.
Nakalulungkot lang na namumulat ang mga kabataan sa maling paraan at hinaharap agad ang tunay na
realidad sa mga gawaing hindi nararapat.

: Episode 96 – BATANG INA

MARIA: Bakit tingin ko nabubuntis agad mga yan? Eh nasa dugo na siguro talaga niyan malalandi!
(bulong kunwari) Si tess nga alam ko nung pinagbuntis niya yung anak niya! Hindi kilala tatay!
PInakasalan nalang ni Rudolfo! Jusq ayun minana pa ng anak!

BEBE: Iba na kabataan ngayon! Galit pa pag pinagsasabihan! Ang gusto pala kumerengkeng at bumukaka
susmaryosep!

: Episode 96 – BATANG INA

HOST: Sa susunod na parte ng ating palabas, let uzz see the reason behind this conditioner issues…
(other host: whisper: luka controversial issue yun) Ahemm… alamin na natin kung ano nga ba ang rason
ng mga kabataang ito na nagpapadala sa bugso ng damdamin at init ng katawan…
ANNA (INTERVIEWEE 1): Ako po? Nabuntis po ako noong kinse anyos pa lang ako. Wala po akong alam,
sinabi lang po sa akin ng nobyo ko nasumakabilang buhay na nawa na gawin naming yung bagay nayun
kasi masaya. Hindi ko naman alam na mabubuntis ako. Inosente lang po ako at walang muwang. *sniff*
nagpadala po emosyon kasi mahal ko yung nobyo kong panget nay un…

HOST: Isa na ang kakulangan ng edukasyon o lack of education ang sanhi ng teenage pregnancy.
Maraming kababaihan o dalaga ang hindi aware na maaring silang mabuntis kapag ginawa ang bagay na
iyon. Ano nga ba ang nagiging hadlang upang hindi maituro ang sex education na ito sa mga kabataan.

Unang saklaw ay ang kahirapan, sa kanilang maagang pagiging ulila na nagdulot upang mas lalo nilang
maramdaman ang kahirapan, napilitan silang kumayod at mag-asawa nang maaga, na kalaunan ay
naging dahilan upang sila'y maging mga batang ina. Tunay ngang isa sa mga dahilan na may
pinakamalaking kontribusyon sa pagtaas ng teenage pregrancy rate ng ating bansa ay ang kahirapan.
Kahirapan na nagtutulak sa kanila upang gawin ang mga bagay na labag sa kanilang kalooban, gaya na
nga lamang ni Erlyn na sa murang edad ay nagtrabaho. At dahil sa kahirapan ay hindi na nakakatungtong
ang ibang mga kabataan sa high school na isa sa sanhi ng kanilang kakulangan ng patnubay at kaalaman
tungkol sa sex education. At ang kakulangan sa kaalaman na ito ay nagsasanhi sa ating susunod na
tatalakayin: ang kuryosidad.

BETH (INTERVIEWEE 2): Ako po? Nacurious po kasi ako sa sinabi dati ng kuya ko. Naguusap po sila ni ate
Rosemarie na jowa niya. Sabi nila nagenjoy daw sila sa ginawa nila, tapos grabe daw pala yung ginagawa
nung mga actres sa porno. Eh ako bata, ayun ginaya tinawag ko yung kaibigan ko, tas nanonood kami tas
ayun kasunod ayun may anak na hikaros parin sa buhay. Wala pinagsisihan ko parin hanggang ngayon.
Sabi nga kuriosidad pinapatay ang pusa. Literal na patay ang pusa

HOST: Isa na rin sa mga dahilan ng teenage pregnancy ay ang kuryosidad. Bakit? Ito ay bunga ng
kakulangan sa kaalaman, sa kanilang mga naririnig sa mga taong nakaranas na ng pakikipagtalik, at ang
kuryosidad na mismo. Dahil sa mga ito, nagkakaroon ng mga katanungan ang mga kabataan na hindi
mabigyan ng kasagutan. "Ano kaya ang pakiramdam?", iyan ay isa lamang sa mga katanungan na
kadalasang naiisip ng mga kabataan. At dahil sa kuryosidad, mas nasasabik sila na ito'y maranasan
hanggang sa makuha nila ang sagot nito.

Panghuli, Family planning, dahil sa kakulangan ng edukasyon at pagfafamily planning ay maagang


nabibigyang responsibilidad ang isang kabataan. Sa hindi mabusising pagplaplano ng pagbuo ng pamilya
at sa pagiisip ng kinabukasan ay nagkakaroon ng aksidenteng hindi ninanais ng isang kabataan. Kung
minsan pa ay dahil sa tukso at kamunduhan ay nagkakaroon agad ng malaking pamilya ang isang
kabataan. Kagulatgulat man ngunit sa ating panahon na mga estimadong edad 17-22 na
nakakasalamuha ay may dalawa o higit nang mga anak. Hindi nabibigyan kahalagahan ang family
planning sa ating bansa. Ngunit dapat ito ay maituro upang mailigtas ang kabataan sa pagdedesisyon ng
hindi naayon sa kanilang ikabubuti.
HOST: Pangalawa ay ang sekswal na abuso, isang laganap na krimen sa bansang Pilipinas pati na rin sa
buong mundo. Isang karumaldumal na krimen na pumapatay sa buong pagkatao ng isang indibiwal at
sumisira sa kinabuksan nito.

LESLIE: Hindi ko naman po ginusto to eh (iyak) Bata pa po ako, katorse anyos… wala po sa plano ko to,
gusto ko lang po pumasok sa iskwela para magaral at matulongan ang mga magulang ko. Ngunit di ko
naman po alam na mangyayari sakin yun! Iniwan pa tong sumpa sa tiyan ko!

HOST: Madalas natin isipin sa tuwing mababanggit ang salitang teenage pregnancy ay ang pagiging
iresponsable ng mga kabataan. Ngunit hindi lahat ng dahilan ng pagbubuntis sa murang edad ay
nagmumula sa kapabayaan at pagiging iresponsable nila. Ilan sa kanila ay biktima ng sexual abuse mula
sa ibang tao at ang mas nakakabahala pa ay kadalasan mula pa sa kanila mismong pamilya.

HOST: Pangatlo ay ang arranged marriage

BAKI: Ngayon trenta anyos na ko, normal na sa amin ang magasawa ng maaga. Maayos naman ang aking
buhay at kasama ko parin ang aking asawa.

Ang arranged marriage ay naging bahagi na ng ating kultura. Ito ay tanyag sa ating mga kababayan na
Muslim at iba pang nating mga katutubo, at para sa kanila ito ay normal at kasama na sa kanilang
mayaman na kultura. Ngunit ito'y nakakabahala dahil sa edad ng mga ipinapares o ipinagkakasundo. Sa
edad na labing lima (15) ay maaari nang ipakasal ang mga kabataan na isa pang nagiging sanhi ng
teenage pregnancy

HOST: Nakakalungkot isipin na ang ibang magulang ay hindi napupunan ang pangangailangan ng
kanilang anak. Akala nila na sumasaya ang kanilang mga anak mula sa material na bagay. Ngunit ang
kanilang kalinga at atensyon ang siya pupuno sa mga puso nito. Kaso, sa tagal na paghihintay ng munting
bata ay lumaki na ito at piniling hanapin ang kasiyahan mula sa iba at sa mga gawaing hindi aakalain.

Ara: Hindi ko alam saan ako nagkulang sa anak ko? Bakit? Bakit nagpapakahirap ang kumayod para
kinabukasan niya!

HOST: Isa sa mga sanhi ng teenage pregnancy ay ang paglayo ng loob ng mga kabataan sa kanilang mga
magulang sa kadahilanan na ang mga ito ay busy o wala ng panahon sa kanilang mga anak dahil sa
trabaho o kaya naman ay dahil sa ibang bagay gaya ng bisyo at iba pa. Dahil dito, napuputol ang
emosyonal na koneksyon ng mga kabataan sa kanilang magulang na nagdudulot upang hanapin nila ang
koneksyon na ito sa ibang tao. At dahil nga sa walang tamang patnubay ng mga magulang, hindi na nila
napoproseso kung kanino sila dapat magtiwala na nagiging sanhi ng pagkabuntis sa murang edad.
HOST: Kung minsan ay nararamdaman rin natin ang hirap ng may mga taong nakahawak sa iyong leeg at
mga posas sa iyong paa’t kamay na inalalayo ka sa katotohanan ng mundong ginagalawan.

Bernice: Ako po si Bernice, masaya na po ako sa buhay ko ngayon. Kahit andami kong pinagsisisihan,
masaya na ko na kasama ko na ang anak ko sa edad kong 25. Nabuntis ako noong minsan ay
nagrebelded ako at nakipaginuman ngunit napasobrahan at ayun nagkaroon ng blessing hahaha.
Mahirap pero kinaya ko naman. Umalis na ko sa bahay ng mga magulang ko at hindi ko alam kong
babalik pa ko.

HOST: Ang pagdisiplina o pagprotekta ay responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak, subalit
ito ay nagiging mali lamang kung ito ay sumosobra. Tipong kahit wala naman mali sa ginagawa ng iyong
anak ay pupwersahin mo ito sa mga bagay na labag sa kanyang gusto. Ito ay nagiging dahilan upang
manabik ang mga kabataan sa mga taong magbibigay sa kanila ng kapayapaan at seguridad na hindi nila
maramdaman sa kanilang tahanan. At ang pananabik na ito ay kadalasang nagbubunga sa maling
relasyon ng mga kabataan at isa sa nagiging sanhi ng teenage pregnancy.

HOST: And last for our cause, ay ang hindi paggamit ng proteksyon.

Isang dahilan ng hindi paggamit ng proteksyon ay ang kakulangan na nga sa edukasyon. Pangalawa ay
ang limited lang ang proteksyon sa ating bansa. Lalo na ay naging isang isyu rin ito na hindi sang ayon
ang simbahan sa paggamit nito dahil naniniwala sila na ito ay anti-life. Pangatlo ay ang kamahalan na rin
nito. Hindi na ito ginagamit ng mga kabataan at naniniwala na lamang sa withdrawal method na walang
kasiguraduhan kung ito nga ba ay mapreprevent ang kababaihan mabuntis.

: Episode 96 – BATANG INA

HOST: Ngayon naman ay dumako na tayo sa epekto nito sa ating mga kabataan, ang buhay ng bata at sa
ating bansa.

MARIA: Di naman ano yung kos kos na yan! Kung ikuskus kasi nila sa pader ang kakatihan nila hindi sila
mabubuntis!

BEBE: Ay sinabi mo pa mars! Mga atat lang talaga magasawa at walang awa sa sakripisyo ng magulang.

(background noise lang: MGA TAO NGAYON NO TSIMOSA LANG HALATANG DI NAKIKINIG NG MAAYOS
SA DOKUMENTARYO, WALA KOMPREHENSIYON! BUTI PA SI TESS MAY UTAK!)

MARIA & BEBE: *napaismid*


: Episode 96 – BATANG INA

HOST: maraming apektado sa teenage pregnancy, hindi lamang ang nagbubuntis ngunti pati narin ang
bansang kaniyang ginagalawan.

Ngunit ating himayhimayin ito and let us learn a lot!

MAGGIE: Totoo po gusto ko pa magaral. Ngunit kasalanan ko din naman ito kung bakit kailangan ko
magtrabaho agad. Hikaros na nga kami sa buhay pero mas pinili ko pa ang kalandiaan ko. Gusto ko
naman po tumulong lalo na alam kong pinilit lang nila tatay na patawarin ako kahit di kapatapatawad
ang ginawa ko.

HOST: Ang pinansyal na tutustos sa pangagailangan ng pamilya ay isang problema. Ayon sa mga
impormasyong naitala, mas malaki ang percentage ng mga kabataang nabubuntis na nakatira sa rural
nana komunidad kaysa sa mga urban. Madalas na mga pamilya rito ay naipagkakasya lamang ang
ikinikita sa kanilang pamilya ngutit sa pagdagdag ng isang miyembro ay isang problemang pampinasyal
ito. Dito ay na pupuwersa ang kabataan na itigil ang kanilang pagaaral at magbanat na buto. Ngunit dahil
sa pagiging menor edad ng dalaga ay nahihirapan itong humanap ng trabaho. Nagiging sanhi rin ang
kawalan ng katibayan o diploma ang kahirapan sa paghahanap ng trabaho. Sa ating bansa ay hindi
nabago ang hirap ng kawalan ng diploma. Ang mga kumpanya o anupamang mga Negosyo ay
naghahanap ng katibayan na nakapagtapos ka ng pagaaral upang tanggapin ka nilang empleyado. Dahil
narin dito, naapektuhan din nito ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Gaya ng aking sinabi kanina, hindi
basta basta tumatanggap ng employado ang mga negosyante. Dahil dito ay bumaba ang employment
rate ng bansa na nagiging sanhi ng pagpapabagal sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa.

ROSE: Ayoko po ipakita ang mukha ko, natatakot parin po ako. Opo, kahit may kakayahan pa na magaral
muli ako, ngunit ayoko po. Hindi po sobrang kapal ng mukha ko at tibay ng puso ko para harapin at
tanggapin na lamang ang kanilang mga pinagsasabi.

HOST: Isa pang rason kung bakit mas pinipili ng isang kabataan na tumigil sa pagaaral dahil sa kahihiyan
na kanilang dadanasin. Alam naman natin na hindi nawawala ang mga TSISMOSA AT MGA MARITES kung
tawagin sa ating bansa. Isang kinakatakot ng kabataan ang maging usapin ng kanilang paaralan at ang
mapanghusgang tingin at umuulan na panunukso ng mga tao sa kaniya.

HOST: Pangalawa pagtaas ng population rate ng ating bansa.

MAYORA BA: Dito lang po sa lungsod naming, hirap na hirap na po kaming harapin ang pangangailangan
ng bawat isa. Magkabila-bila na ang nanganak sa center. Kung minsan ay kumukulang pa po ata ang mga
nagpapaaanak sa kanila. Hirap na hirap narin ang lungsod naming na tulongan lahat na magkaroon ng
pagkakakitaan.
HOST: Dahil sa magkabila bilang panganganak ng mga kababaihan ay dumaradami rin ang populasyon ng
ating bansa. Mga naapektuhan nito ay ang employment rate at ang pagtaas ng demand sa
pangangailangan ng mamamayan. Sa paglago ng populasyon ay dumarami ang mga nais magtrabaho
ngunit hindi sumasapat ang kanilang pinagtapusan upang magtrabaho o ni kaya ay ang suweldo sa
kanilang pamilya. Mas pinipili ng iba na maging isang OFW upang mas magkaroon ng magandang
oppurtunidad at suweldo. Dahil rin sa dami ng taos ng isang bansa ay mas tumataas ang demang sa
pangagailangan ng mga tao upang mabuhay. Isa pa ay mas dumarami rin ang problemang kinahahrap ng
bansa tulad nan ga ng pandemya.

JOY : Awang-awa na po ako sa anak ko! Depress na depress na po ang anak ko. Hindi siya makatulog
simula ng mangyari sa kaniyang ang kaganapang iyon! Nagtiwala lang ang anak ko! Ngayon hindi niya
matignan ang anak niya at nais na lamang ipaapon ito! Jusqpo ang anak ko Jomarie!

HOST: Ayon sa mga doctor, ang isang kabataan na manganganak ay maaring mahirap sa panganganak
dahil sa maliit pa ang pelvic nito. Hindi maaring hindi pa handa ang katawan ng isang dalaga na
magdalang tao. Hindi pa tapos ang paglaki nito. Maari rin makakuha ang kabataan ng mga sakit sa
maagang pagbubuntis at pakikipagtalik. Maaring magka Postpartum Hemorrhage ,Anemia, preeclampsia,
STDs, premature delivery. Isa pa sa kinakatakot ay ang pagkakaroon ng apekto nito sa kaniyang
mentalidad. Depression ay ang madalas na dinadanas at nilalabanan ng mga kabataan. Ang depression ay
maaring nakuha mula sa trauma ng mga insidenteng hindi kayang tanggapin ng biktima. Isa ito sa mga
sakit na mahirap labanin lalo na kung ang dumanas ito sa pangaabuso.

HOST: Ngayon naman ay isa sa pinakaapektado ay ang anak mismo ng kabataan. Hindi nasisigurado ng
isang kabataan na hindi pa handa sa realidad ng mundo kung kaya ba niyang umibig at magalaga sa isang
batang walang muwang na nagging bunga ng pagkakamali o nikaya ng isang trahedya.

: Episode 96 – BATANG INA

HOST: Dito nagtatapos ang ating segment. Muli ito ang TGM, the good samarites. At ito ang ating mga
tsimosa for today’s bidyow! ALING MARIA AT BEBE

Pose pampam sa kamera.

You might also like