You are on page 1of 3

Hindi naman siguro lahat pero aminin na natin na meron.

Hindi naman kasi mawawalan ng ganoon, iba't-iba lang


ng paraan kung paano naging bastos. Sa nakikita ko, merong mga masyadong liberated. Yung tipong parang may
krisis sa tela kaya nagtitipid (natatakpan lang ang dapat takpan).

Meron namang iba na gustong tumanda kaagad kaya pati pagiinom at paninigarilyo sinusuuong. Ang dahilan-wala
lang, trip trip lang.

Meron din namang iba na adventurous kaya kahit tumawid sa nagbabagang alambre sinusubukan (naging exagged
lang ako ng konti).

Sa palagay ko, defensive ang mga kabataan ngayon (ilan lang naman). Kumbaga, kapag pumasok sa isip na
tama, ipagpipilitan niyang tama nga kahit baluktot naman.

Pero meron din namang nasa matino pang paguutak. Siguro hindi nga ganoon ka perpekto pero masasabi pa rin
nating mabuting kabataan.

Materialistic? Yung iba. Pero hindi rin lahat.

---

Kung noon ang mga pokpok, sila ay dakilang Magdalenang mababa ang Lipad. Ngayon silay mga Big time na escort
ang tawag sa kanila.

Nagbago na nga ba ang mga kabataan?

Ganyan talaga ang life. Di mo sila maaasahan na hangga ngayon mg babarong at saya parin sila. With matching
pamaypay.

Dapat bang sisihin ang mga magulang?

Me mga bata talagang sobrang pasaway, kahit anong pangaral ang gawin ng mga magulang, hindi mo ma bi blame
yan sa nurturing lang. Nasa environment din yan, at pressure ng mga barkada.

Me mga pinsan ako noon na halos, linggo linggo silang mag simba, super magalang ang mga anak nila, School,
Church at bahay lang, in the end, biglang nabuntis ang panganay nila, Shock ang lahat, ang nakabuntis, adik adik
pa..Sisisihin mo ba ang mga parents doon? Kulang nalang e memoryahin nila ang biblia?

Masyado nang modern ang technology natin ngayon, kaya isa ring dahilan na nagsisilbi yan sa pagbabago ng ating
paligid, kung noon pag gustong mag chiks ng mga mister, kailangan pang pumunta sa mga club.

Ngayon kahit sa FB, or FS, pwede na silang makipag landian at maki meet kung saan saan. Kaya kahit ikulong mo
man ang mga anak mo sa rooms nila, pag nakipag Cyber sex na sila or text mate kung kani-kanino, malay pa ba
ng mga magulang.

Pero me dinudulot din namang maganda ang modern technology natin, dahil marami naring sakit ang nagagamot
ngayon na kumpara noon, ultimong simpleng lagnat, di nila kayang gamutin.

Bilang magulang, teachers at kung ano-ano pa, dapat nakahanda ka sa mga darating pang modern technologies na
sisira sa utak ng mga kabataan. Kasi sa mga internet palang, ang dami ng mapapanood na phorn movies. Eh ako
itong PC namin, parental control, with password ek-ek, eh balang araw, maka crak din ng anak ko itong mga code
na to.

Ako kung ako tatanungin di ako sang ayon sa pre-marital seks na yan, pero me magagawa ba ako? pag
nagsipaglakiha na mga anak ko? Kahit na nag iinquire na ako ng chastity belt para sa dalaga ko, mapipilit ko kaya
syang isuot yon, ang hirap kasi dito, kukunin mo palang ang sinturon, naka dial na sila ng 999 (or 911 sa US)

Kung noon, kung gusto mo maki chismis sa mga awayan ng mga kapitbahay mo, eh pasilip silip kapa sa bintana,
ngayon login kalang dito sa FW dami mo na makikitang awayan.

Kung noon, yung kasabihan na pag binato ka ng bato...batuhin mo ng tinapay..

Aba eh ngayon, pag binato ka ng bato, big time ka, pwede nang ibenta.
Basta ba...Wag lang padadala sa mga materyal na bagay...

Use things not people, and love people not things.

Sabi nga ni Albert Einstein.

"It has become appalingly obvious that our technology has exceeded our humanity" –

---

Kabataan: Pag-asa ng Bayan o ProbLema ng Bayan?

Posted by nin0ybaltazar09

October 31,2008

Sabi ng lola ko, ibang-iba na raw ang mga kabataan ngayon kumpara sa kapanahunan niLa. Kung dati raw
konserbatibo, ngayon masyado na raw liberated ang mga kabataang babae ngayon. E ganun ba? *Biglang umepal
ang isang bata*"Ala e, wala yan sa lolo ko! *toinkz!*

Ano na nga ba ngayon ang kabataan? Pag-asa pa ba tayo ng Inang Bayan o ProbLema na ng Bayan?

Isa sa problema sa kabataan ngayon ay pagiging mapusok sa panahon naten. Karamihan sa atin nadadala sa mga
peer pressure at kaya naman natututunan naten ang paninigarilyo, pag-iinom ng alak, sugal, premarital sex. at
kung minsan pa nga'y nalululon na sa pinagbabawal na droga. Karamihan, nasisira na ang mga buhay dahil sa mga
bisyo nila na kagagawan ng mga B.I. (bad influence) na mga barkada niLa! Karamihan sa rin aten, puro
kamunduhan na ang nasa isipan. Nawawala na ang pagiging rehiliyoso nila sa buhay. Mga naliligaw ang landas
baga?.. Mas napupusok pa nga sila ngayon sa mga masasamang gawain kesa sa maging tamang huwaran bilang
isang kabataan e..

Isa pang problema, ang pagiging tamad na raw ng mga kabataan ngeon. Karamihan sa atin, materialistic. Umaasa
na lang sa mga makabagong teknolohiya na lumalabas sa panahon naten. Di na katulad nung dati na
pinaghihirapan pa ng mga naunang kabataan sa atin ang mga gawain nila. Ngeon iba na. Katulad na lamang sa
paggamit ng internet ng mga kabataan ngeon.. Kung dati, sa panahon ng nanay at tatay naten, nagpapakahirap
silang maghanap sa mga library ng mga assignments niLa. Ngeon din na masyadong nabibigyang pansin ng
karamihan ang library sa halip sa mga computers na sila naghahanap. Dahil sa ilang click mo lang sa internet,
makiita mo na ang mga gusto mong hanapin. Relaxing pa dahil nakaupo ka lang..di tulad sa library, halos
maglalakad-lakad ka isang kuwarto at maghahanap sa mga sections na gusto mong hanapin na libro..Mas madali
di ba ang una? At kaya naman naaabuso naman ng ilan sa atin ang paggamit ng mga bagong teknolohiya at
nagiging dahilan upang sila'y maging tamad.

Pangatlo, ang paghihinto na rin ng ilan sa ating mga kabataan sa pag-aaral. Kadalasan, kinatatamaran na nila ang
pag-aaral nila. Tipong gus2 nang magtrabaho? at yung iba naman hapi-go-lucky! masasarap ang buhay! imbes na
nasa eskwelahan para mag-aral ay kung anu-anong mga kabalastugang ginagawa. Makikita mo minsan nasa
harapan ng biLyaran. Parang nagklaklase sa bilyaran? Anu yon bahagi niyo sa subject na PE? Daig niyo pa ang mga
koreano't intsik ha? Meron naman nagpakababad naman sa computer sa kakalaro ng on-line games at kadalasan
DOTA! Aysus! mga pag-asa pa ba kayo ng bayan?

Ano ba? Problema ba ang mga kabataan ngeon o may mga problema lang tayo kaya't ginagawa naten
'to?..Karamihan sa atin, may mga problema sa pamilya kaya naman ginagawa nila 'to. Iba ay lumaki na nde man
lang inaayos ng kanilang magulang. Walang mga disiplina. Kaya naman nawawala tayo sa tamang landas dahil
wala tayong tino sa sarili naten..

Siguro nga problema naten ay ang SARILI naten. Wala tayong mga disiplina sa sarili..kung ano ang mali ginagawa
pa rin naten. At ang masama pa niyan nakikita pa sa mga matatanda ang mga masasamang gawain kaya naman
nila ito ginagaya. Bakit ganun tayong mga kabataan? Di ba sa atin rin nakasalalay ang pag-unlad ng bansa. Gaya
nga ang sinasabi ni Jose Rizal na "Ang kabataan ay pag-asa ng bayan?" , kaya kung alam natin mali, wag nating
gawin..wag na nating i-tolerate 'yon. Lalo na't tayo ang mga susunod na maglilingkod sa bansang ito. Bakit kaya di
tayo magpakahuwaran din? Magpakahuwaran sa mga kapwa nating Pilipino - sa mga kapwa rin nating kabataan at
sa mga nakakabata rin sa atin? Parang PINOY BIG BROTHER! Magpakahuwaran din tayo. Hinde porke di tayo kasali
o mapasama sa PBB ay di na ilab sabihin nun ay nde na tayo gagawa ng kabutihan..gumawa parin tayo ng mga
kabutihan lalo na sa mga kapwa.Nasa atin rin ang ikauunlad ng bansa natin. Wag na nating i-tolerate pa ang mga
gawaing di mabuti. Wag natin itong dalhin at ipamana pa sa mga susunod na henerasyon natin..gusto niyo bang
hanggang sa pagtanda naten di pa rin umaangat ang kalagayan ng bansa naten? Dumarami ang mga buwayang
nangungurakot sa kaban ng bayan? Gus2 niyo ba yun? Sana tumino-tino na tayo kung may natitira pa kayong
pagmamahal sa Inang bayan naten..yun lang!

---

Pagdating sa sex, diumano, nagiging mapusok na rin daw ang mga Pinoy. Parami nang parami na raw ang mga
kabataang bukas sa pre-marital sex. Habang ang ilan namang magka-partner, pilit tumutuklas daw ng mga
makabagong paraan para mas pag-alabin ang kanilang paglalabing-labing. Talaga nga bang mas liberated na
ngayon ang mga Pilipino pagdating sa usapin ng sex?

---

Sexting
Sexting: Banta sa Moralidad ng Kabataan

Sex... text---- Sexting. Ang mga kabataan hindi lang pala lulong sa alak at sigarilyo,
o sa mga online games kundi, sa sext- on- text o pakikipag- usap sa text ng nmga
malalaswang salita. Na sa murang pag- iisip ay hindi aakalaing makagagawa ng
mga ganoong bagay.

Ayon sa mga balitang internasyonal, maraming kabataan ngayon ang


nagpapasahan ng mga malalaswang larawan sa pamamagityan ng cellphone. Dahil
na rin sa modernisasyon at impluwensiya ng ibang bansa nagiging "liberated" na
din ang mga kabataan sa Pilipinas.DIto pumapasok ang moral decadence o pagbaba
ng moralidad ng isang tao.

Bunga nito, maaaring matuloy sa hindi magandang resulta at sumabak ang


kabataan sa maagang pag- aasawa.O kung hindi naman ay pagiging adik sa sex.
Ang birhenidad ay sagrado at hindi dapat ipagwalang bahala. Ito lang ang
maipapamana ng mga kababaihan sa kanilang magiging asawa.

Pero bakit nga ba dumaraan ang mga kabataang nahuhumaling sa ganitong klase
ng gawain? Sino ba ang may pagkukulang? O sadtyang naiimpluwesiyahan lang
tayo ng makabagong panahon. Ang masama pa dito ay ito ang nagtutulak sa atin
sa kapahamakan.

Tayong mga kabataan bilang pag- asa ng bayan ay dapat nating pinagtutuunan ng
pansin ang mga bagay-bagay na mas makabubuti para sa atin. At bilang Kristyano,
Panatilihin nating malinis ang ating dignidad at karapatdapat sa mata ng Diyos

You might also like