You are on page 1of 2

Sa panahon ngayon, lahat mabilis. Halos lahat ng transaksyon maaari na gawin sa kompyuter.

Bente-kwatro oras pwede kang maghalungkat ng mga bagay-bagay sa tulong ng internet. Hindi
lang iyon, sa panahon ngayon, mas maaga ng namumulat ang mata ng mga bata sa katotohanan.

Pabata ng pabata ang mga natututong tumingin ng mga malalaswang imahe sa kompyuter, dahil
nadin sa magulang na walang oras para bantayan ang kanilang mga anak. At kahit na gawin nila
ito, pag labas ng bahay, wala na silang kontrol sa mga impluwensiya na bubulong sa taynga ng
kanilang mga anak. Iba na talaga ngayon.

Taon-taon, pataas ng pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa
ang edad ng mga kabataang nabubuntis. At hindi lang ito sa mga mahihirap
na pamilya nanyayari, kahit din sa mga mayayaman na pamilya.

Ayon sa Philippine News Agency, ang rehiyong ng kordilyera ang numero uno sa pagkakaroon
ng maagang pagbubuntis at syudad ng baguio naman ang nangunguna sa rehiyon.
Nakakalungkot ito sa aking parte, bilang isang residente ng siyudad ng baguio, nakita ko mismo
ang nakababahalang suliranin na ito, Marami akong mga naging ka-iskwela na nakaranas nito.

Iba na kasi talaga ang panahon ngayon! Yan ang kailangan natin tanggapin. Sa halip na pilitin
nating lasingin ang mga utak natin sa makulay na alaala natin sa nakaraan, intindihin natin na
hindi na maibabalik iyon. Isa lang ang direksyon ng sangkatauhan, pasulong. Sumabay tayo sa
martsa nila at yakapin natin ang hinaharap.

Kailangan sa magulang manggaling mismo ang pagmulat ng mga bata sa mga gawain ng
matatanda, ipaliwanag ng mabuti sakanila, ipaintindi na ang aktong paggawa ng bata ay
sagrado, na ito ay ginagawa lamang ng mga taong tunay na nagmamahalan. Huwag natin takpan
ang mata nila, kundi buksan natin ang kanilang mga isipan.

Dahil sa pag-iisip na hindi muna dapat maimulat ang mga kabataan sa usaping sekswal,
kadalasan ay nauuwi sa pansariling pagtuklas ng mga kabataan ang nangyayari. Kung ang bata
ay nasa sapat na gulang na dapat ay paunti-unti nang inuumpisahan ang pagmumulat sa mga
gawain tulad nang pakikipagsiping,na sigurado namang papatunguhan at gagawin rin.

Kailangan ipaintindi na bagaman natural ito na ginagawa ng lahat ng nilalang sa mundo, sa


kasalukuyang kinakatayuan ay hindi pa sila hand para dito. Na ang tungkulin nila bilang mga
bata ay mag-aral ng mabuti para sa kanilang kinabukasan.

Para sa atin mga kabataan, huwag nating itapon ang kinabukasan natin para sa panandaliang
sarap. Hindi madali magpalaki ng bata, tingnan ninyo ang magulang natin, kung gaano sila
magsumikap magtrabaho para lang makapagaral tayo. Isusubo nalang nila ang pagkain, ibibigay
pa sa atin. Matuto kayo magkaroon ng utang na loob.
Sa tingin nyo ba makakapag-aral pa tayo pag nagkaroon kayo ng anak sa napakabatang edad?
Hindi natin kailangan magmadali. Huwag natin paikutin ang mundo natin sa mga kasintahan.
Lasapin natin ang ating kabataan dahil bukas makalawa lang ay tatanda narin tayo.

You might also like