You are on page 1of 1

Vince Neil Aguirre 10-14-2022

Tao sa Diskurso ng mga Saklaw ng I Relations ni Martin Buber: Isang Paglalahad


May-akda: Vincent Neil B. Pacis III

KABANATA I: MGA SULIRANIN AT SANLIGAN NG PAG-AARAL

Panimula

Sa simula ng papel ay inilarawan ng mananaliksik na ang tao ay dinamiko. Ang konsepto


na I-it at I-thou ng Pilosopo na si Martin Buber and kanyang pinagbatayan sa kanyang tisis.
Patuloy ni binigyang diin ng mananaliksik sa kanyang panimula ang pagiging marangal at
dinamiko ng tao lalo na sa relasyon nito sa mga bagay at mga taong tulad niya.

Paglalahad ng Suliranin

Inilahad ng mananaliksik na ang tao ay pangunahing nabibigyang-katwiran bilang


relasyonal na nilalang, siya ay totoo, umiiral at pabago-bago sa mundo ng mga nabubuhay na
nilalang. Ang mga nais na sagutin na mga tanong ng mananaliksik ay ano ang mga saklaw ng I
relations? Ano ano ang mga diskurso ng mga saklaw ng I relations? At ano ang pilosopikal na
antropolohiya ni Buber?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ayon sa mananaliksik ay naging malaki pagganap ni Bubber sa tawag ng


kontemporaryong dilemma ukol sa tunay na relasyon ng tao sa kapwa tao at sa mga bagay. Ayon
daw kay bubber ay dapat buoing muli ang pananaw ng tao ukol sa kung paano ang tamang
pakikibagay at pakikipagkapwa.

KABANATA III: PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Paraan ng Pananaliksik

Ang tesis na nabanggit ay pilosopikal kaya naman ang tisis na ito ay inilalahad sa
pamamaraang pilosopikal. Ang mananaliksik ay naglalahad ng paksa at komprehensibong itong
ipinaliliwanag na may suporta ng mga kaugnay na literatura.

Mga Paksa

Una ay inilahad ang plano ng buong pananaliksik lalo na sa pagtatalakay ng I relations.


Ikalawa na inilalahad ay ang pilosopiyang antropolohikal ni Martin Bubber. At ang panghuli ay
pagtatalakay sa kaalaman ng tao at ito ay nahati sa dalawa, una ay ang image-work at ang guilt
and guilt feeling.

You might also like