You are on page 1of 1

Vince Neil Aguirre Q5 October 26, 2022

1. Sino ang pangunahing tauhan? Ano ang nais niya sa buhay?


Ang pangunahing tauhan ang anak na dalaga. Ang nais niya sa buhay sa madama ang init
ng pagibig na magmumula sa kanyang mga magulang. Makikitang ramdam na ramdam ng
dalaga ang katigangan o pagkauhaw niya sa pagmamahal ng kanyang mga magulang.

2. Sa loob ng limang pangungusap, ibigay ang buod ng maikling kwento

Ito ay kwento ng isang pamilya, at ang nagsasalaysay ay ang anak na dalaga. Paglalarwan
sa kanyang mga magulang at sa mga pangyayari sa kanilang buhay ang naging daloy ng
maikling kwento. Ipinakita dito na ang dalaga ay tila ba madalas magataka sa mga pangayayari
at mga kilos ng kanyang mga magulang natila ba nagparamdam sa kanya ng kakulangan ng
pagibig. Nasabi rin sa kwento na ang pagkakaisang dibdib ng mga magulang ng dalaga ay bunga
nang pagtataling puso kaya rin naman nagresulta ito sa pakikipagliham ng ama sa ibang babae.
Mawawaring ang dalaga ay nakadarama ng lubos na kalungkutan sa mga nangyari sa kanyang
pamilya, lalo na ang pagkatuklas niya na may ibang iniibig ang kanyang aman.

3. Ano ang pagtatapos ng maikling kwento? Naging makatuwiran ba ito? At bakit?

Nagtapos ang kwento sa pagkamatay ng ama ng dalaga. Naniniwala akong lahat ng


kwento ay nagtatapos sa ng may kasaysayan o katuwiran. Kaya, masasabi kong ang naging
makatuwiran ang pagatatapos ng kwento. Makikita ang ang pagkabuo ng pamilya nila ay bunga
nang pagtataling puso. Nagresulta ito na hindi maramdaman ng ama at ina ng dalaga ang tunay
na pagiibigan ng mga taong pinagkaisang dibdib. Mayroon mang pagmamahalan sa pagitan ng
ama at ina, hindi naman ito kasing lamin ng mga taong tunay at buo ang pagiibigan. May
natatanging sakit kung hindi ang tunay mong irog ang iyong nakasama sa paglalakbay sa buhay.
Kaya naman ng malapit ng malagutan ng hininga ang ama, nasabi nitong “Sabihin mo, mahal ko,
na maaangkin ko na ang kaligayahan ko.” Ang aking pakahulugan dito ay natatapos na ang sakit
na narama ng ama at ng ina sa pagsasamang kinulang sa malalim na pagibig.

4. Bigyan ng Pamagat ang maikling kwento

Pagibig na Bunga ng Patataling Puso

You might also like